You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE
SAN ISIDRO PRIMARY SCHOOL

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
SY 2022-2023

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
DOMAINS COGNITIVE
Bilang ng Aytem DOMAIN
Bilang ng Araw

Pamantayan sa
%
Pagkatuto Easy Average Difficult

1. Nakapagpapakita Rememberin
ng kawilihan sa g
pakikinig o Understandi
pagbabasa ng mga ng
pamanang kulturang Applying
materyal (hal. Analyzing
kuwentong bayan,
alamat, mga 1,2 6,7 9,
epiko) at di-materyal 10 25% 10 4,5
,3 ,8 10
(hal. mga
magagandang
kaugalian,
pagpapahalaga sa
nakatatanda at iba
pa)
EsP4PPP- IIIa-b–19

2. Naipagmamalaki/ Rememberin
napahahalagahan g
ang nasuring kultura 11, Understandi
ng iba’t ibang pangkat 12, 16, ng
etniko tulad ng 10 25% 10 19 13, 17, 20 Applying
kuwentong-bayan, 14, 18 Creating
katutubong sayaw, 15
awit, laro at iba pa
EsP4PPP- IIIc-d–20

3. Nakasusunod sa Rememberin
mga batas/ g
panuntunang pinaiiral 21, Understandi
25, 24,
tungkol sa 22 ng
10 25% 10 27, 26, 30
pangangalaga ng 23 Analyzing
28 29
kapaligiran kahit Creating
walang nakakakita
EsP4PPP- IIIe-f–21
4. Nakatutulong sa 10 25% 10 31, 36, 38 39, Rememberin
pagpapanatili ng 32 37 40 g
kalinisan at kaayusan 33, Understandi
ng kapaligiran 34 ng
saanman sa Analyzing
pamamagitan ng: Evaluating
12.1. segregasyon o
pagtapon ng mga
basurang nabubulok
at dinabubulok sa
tamang lagayan
12.2. pag-iwas sa 35
pagsunog ng
anumang bagay
12.3. pagsasagawa
ng muling paggamit
ng mga patapong
bagay (Recycling)
EsP4PPP- IIIg-i–22
100
TOTAL 40 40 12 12 6 6 2 2
%

Prepared by:

LOU ANNE G. DATIJAN


Teacher III

Noted by:

MADELYNE M. PASOL
Head Teacher III, OIC
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE
SAN ISIDRO PRIMARY SCHOOL

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
SY 2022-2023

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay sa pinagmulan ng isang bagay, tao o pook.
________
A. Alamat C. Di-Materyal
B. Epiko D. Kwentong Bayan

2. Alin ang mga sumusunod ang halimbawa ng kuwentong bayan?


A. Biag ni Lam-ang C. Subli ng Batangas
B. Kesong Puti D. Pamulinawen

3. Ito ay tumutukoy sa mga kultura o kaugalian na may kinalaman sa paniniwala, tradisyon o


nakagawian na walang kinalaman sa materyal na bagay. Ito ay tinatawag na .
A. Konkreto C. Materyal
B. Di-konkreto D. Di-Materyal

4. Bakit kailangang basahin o pakinggan ang mga kuwentong bayan, alamat, o epiko nang may
kawilihan?
A. para may maikuwento rin sa kapwa
B. upang may matutuhan na bahagi ng ating lahi
C. dahil ang mga ito ay makapagpapatatag sa atin
D. sapagkat ito ang nakasaad sa ating mga tungkulin bilang isang Pilipino

5. Bakit mahalagang mapag-aralan at maitala ang mga larong bahagi ng ating kultura?
A. Dahil ito ay bahagi ng ating pagkakakilanlan na dapat tangkilikin at pangalagaan.
B. Dahil maaari itong mawala kung ito ay di itatala at pangalagaan
C. Para ito ay maipasa sa mga susunod na salinlahi.
D. Lahat ng nabanggit.

6. Binilhan ka ng iyong nanay ng aklat ng mga kwentong bayan, sayaw, at alamat. Ngunit hindi ka
mahilig magbasa ng mga ito dahil hilig mo lang ang paglalaro ng computer games. Ano ang dapat
mong gawin?
A. Itago lang ang mga ito sa kahon.
B. Itapon ang mga ito sa basurahan.
C. Ibigay na lang ang mga ito sa iba.
D. Basahin ang mga ito at ipahiram sa iba.

7. Sino sa mga sumusunod ang dapat nating tularan dahil sa nagpapakita siya ng kawilihan sa mga
pamanang kultural ng ating bansa?

A. B. C. D.

8. Tinuturuan si Tina ng kaniyang mga magulang ng paggamit ng “po” at “opo” sa pakikipag-usap sa


nakatatanda. Kung ikaw si Tina, ano ang gagawin mo?
A. Hindi ako iimik at tatalikuran ko sila.
B. Magmamaktol ako habang nakikinig.
C. Pakikinggan ko ang aking mga magulang.
D. Magagalit ako sa kanila.

9. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kawilihan sa pakikinig o pagbabasa ng mga


pamanang kulturang material at di-materyal?
A. Magalit sa tuwing napagsasabihan tungkol sa mga pagpapahalagang dapat taglayin.
B. Ang pakikinig ng mga katutubong awiting Pilipino ay hindi na naaayon sa modernong
panahon dahil hindi naman ito nakakatulong sa kaunlaran ng ating bansa.
C. Ang tanging kailangan natin ay ang mga makabagong kwento tungkol sa kinakaharap ng
mga mamamayan sa modernong panahon.
D. Ang pagbabasa ng mga kwentong bayan, alamat, at epiko ay kasiya-siyang gawin dahil
may nalalaman ka na bahagi ng iyong kultura.

10. Paano natin mapapahalagahan ang ating sariling kultura sa modernong panahon?
A. sa panonood ng mga palabas tungkol sa iniidolong mga artista
B. sa pagsali sa mga organisasyon na tumutuligsa sa pamahalaan
C. sa pakikinig o pagbabasa nang may galak sa mga pagpapahalagang Pilipino tulad ng
kuwentong bayan
D. sa pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan tungkol sa napapanahong mga isyu sa
pamayanan.

11. Paano ka makatutulong sa pagpapanatili ng mga pagpapahalagang Pilipino?


A. sa pag-aaral ng mga pagpapahalaga ng ibang lahi
B. sa pagsali sa pagtipun-tipon laban sa pamahalaan
C. sa pakikilahok sa iba’t ibang Samahan pangmatanda
D. sa pagsasabuhay ng mga ito sa pang-araw-araw na Gawain

12. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalaki o pagpapahalaga sa kultura ng


pangkat etniko?
A. Pinagtawanan ni Khail ang mga batang nakabahag habang naglalaro ng basketbol.
B. Kahit hindi isang Subanen, nagsanay si Dang upang matutunan ang paghahabi ng basket
gamit ang rattan.
C. Itinapon ni Chelsey ang Bakol na ibinigay ng kaniyang kaibigang Ivatan.
D. Hindi bumili si Charles ng Piyaya na gawang Ilonggo dahil iba ang lasa nito.

13. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pagmamalaki at pagpapahalaga sa kultura ng
iba’t ibang pangkat etniko?
A. Inaawit nang buong puso ang mga katutubong awitin katulad ng Bahay Kubo, Leron, Leron
Sinta, Sitsiritsit, Paruparong Bukid, at iba pa.
B. Inaalam at pinag-aaralan ang mga katutubong sayaw ng bansa katulad ng Tinikling, Itik-Itik,
Cariñosa, Pandanggo sa Ilaw, Maglalatik, at iba pa.
C. Kinakalimutan na ang mga larong Pinoy katulad ng larong sungka, patintero, piko, luksong
lubid, luksong tinik at marami pang iba dahil sa paglalaro ng gadyets.
D. Minamahal at pinapahalagahan ang makulay na kultura ng bansa.

14. Tinutukso ni Ben ang bago mong kapitbahay na isang Ivatan dahil sa suot niyang sombrero na
gawa sa hinabing dahon ng Palmera. Ano ang gagawin mo?
A. Gagayahin ko siya sa paghalakhak
B. Sasawayin ko siya dahil nakakaawa naman ang bago kong kapitbahay.
C. Sasawayin ko siya dahil dapat igalang ng bawat isa ang kulturang nakasanayan niya.
D. Wala sa nabanggit.

15. Magaling kang umawit kaya isinali ka ng iyong nanay para maging kasapi ng koro sa inyong
barangay na aawit ng mga awitin ng mga katutubong Ilokano para sa nalalapit na pagtatanghal sa
plasa.
A. Sasali ako para makahingi ako ng pera kay nanay.
B. Sasali ako dahil dapat ko ring ipagmalaki ang mga awitin ng mga Ilokano.
C. Hindi ako sasali dahil mahirap awitin ang mga awitin nila.
D. Wala sa Nabanggit.

16. Isinama ka sa Bikol ng iyong kuya na nagbalik bayan mula sa America. Sa isang parke roon, may
isang food stand na nag-aanyaya ng libreng tikim ng kanilang ipinagmamalaking Bicol Express.
A. Hindi ako papayag dahil ayaw ko ng maanghang na pagkain.
B. Papayag ako dahil libre naman.
C. Papayag ako dahil bahagi ng pagpasyal ko sa lugar na iyon ang tuklasin anuman ang
kultura nila.
D. Wala sa nabanggit.
17. Bumisita kayo ng nanay mo sa mga kamag-anak ninyo sa Quezon. Nagsasanay ng sayaw na
Tinikling ang mga pinsan mo at niyaya ka nilang sumali.
A. Sasali ako pero sandali lang.
B. Sasali ako dahil kailangan ko ring matutunan ang katutubong sayaw mula sa lugar na iyon.
C. Hindi ako sasali dahil hindi ako marunong at baka maipit ang paa ko sa buho.
D. Wala sa Nabanggit.

18. Dumalaw sa bahay ninyo ang iyong lolo na mula sa Capiz at ikinukuwento niya na ang mga
duwende ay hindi naman totoo at kuwentong bayan lamang iyon.
A. Maniniwala ako dahil karamihan sa mga kuwentong bayan ay kathang-isip lamang.
B. Maniniwala ako dahil matanda na siya.
C. Hindi ako maniniwala dahil totoo naman talaga ang mga duwende.
D. Wala sa nabanggit.

19. Dapat ba nating ikahiya ang ating kultura?


A. Oo B. Hindi C. Marahil D. Wala sa Nabanggit

20. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pagmamalaki o pagpapahalaga sa kultura?
A. Pagsali sa larong Bansay na laro ng mga Kapampangan.
B. Pag-iwas sa mga batang Igorot habang sila ay naglalaro.
C. Paggaya ng pagiging masinop ng mga Ilocano.
D. Pag-alam at pagpapahalaga sa kultura ng iba’t ibang pangkat etniko.

21. Ano sa sumusunod ang batas na nagpapanatili ng kaayusan at pangangalaga sa kapaligiran ang
dapat ipasunod sa ilog na malinis?
A. Huwag magtapon ng basura
B. Tumawid sa tamang tawiran
C. Iwasan ang pagtapak sa damuhan
D. Wala sa nabanggit.

22. Ano sa sumusunod ang batas na pagpapanatili ng kaayusan at pangangalaga sa kapaligiran ang
pinaiiral sa mga parke?
A. Manatiling tahimik sa lahat ng oras
B. Tumawid sa tamang tawiran
C. Iwasan ang pagpitas ng mga halaman at bulaklak
D. Wala sa nabanggit.

23. Anong batas sa pagpapaganda ng kapaligiran sa inyong paaralan ang dapat mong sundin?
A. Manatiling tahimik sa lahat ng oras
B. Iwasan ang pagtapak sa damuhan
C. Basura Mo, Pakibulsa Mo
D. Wala sa nabanggit.

24. Madalas ninyong nararanasan ang pagbaha sa inyong lugar. Ano kaya ang dahilan kung bakit
nangyayari ito?
A. Talagang mas malakas na ang buhos ng ulan sa ngayon dahil sa pagbabago ng klima.
B. Maling paraan ng pagtatapon ng basura na bumabara sa mga kanal.
C. Tinatakpan ng mga tao ang mga estero o kanal.
D. Lahat ng Nabanggit.

25. Naglalakad ka pauwi galing sa paaralan nakita mo ang iyong kamag-aral na namimitas ng
bulaklak sa parke kahit may karatula na nakalagay na “Bawal Pumitas ng Bulaklak”. Ano ang iyong
gagawin?
A. Pababayaan ko siya sa kaniyang pamimitas.
B. Babawalan ko siya at sasabihin na mali ang kaniyang ginagawa.
C. Sasamahan ko siya sa pamimitas ng bulaklak.
D. Lahat ng Nabanggit.

26. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapaligiran?


A. Pagtatanim ng mga puno, gulay at halaman sa bakuran.
B. Pagtatapon ng basura sa ilog tuwing madaling araw.
C. Paglilinis ng kapaligiran tuwing may nakakakita lamang.
D. Pagsunog nang mga plastic na nakakasira ng ozone layer.

27. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng may disiplina sa pangangalaga sa kalikasan kahit
walang nakakakita?
A. Si Janelle na nagwawalis sa loob ng silid-aralan tuwing nakatingin lamang ang kaniyang
guro.
B. Si Jan na araw-araw nagdidilig at nagtatanim ng halaman sa hardin ng paaralan kahit hindi
siya ang dapat gumagawa niyon.
C. Si Lerish na namumulot ng basura dahil nakikita ng punong-guro.
D. Wala sa Nabanggit.

28. Alin sa mga barangay ang HINDI nagpapakita ng pangangalaga sa kapaligiran?


A. Barangay Masinop na sama-sama sa paghihiwa-hiwalay ng mga basura.
B. Barangay Malinis na tulong-tulong sa paglilinis ng kanal at kapaligiran para sa paghahanda
tuwing tag-ulan
C. Barangay Pag-asa na nagtatambak ng kanilang basura sa bakanteng lote.
D. Barangay Sulit na namumulot nang basura sa tabing dagat.

29. Ang sumusunod ay nagpapakita ng pangangalaga sa kapaligiran MALIBAN sa isa.


A. Paglahok sa Clean and Green Project sa inyong barangay.
B. Pagsama sa pag-aalis ng basura sa ilog na programa ng inyong barangay.
C. Pagsuporta sa pagpuputol ng mga puno sa kabundukan.
D. Pagsama sa mga programa pagtatanim nang halamang puno.

30. Ano ang HINDI mo dapat gawin bilang isang mamamayang may disiplina upang mapanatili ang
kalinisan at kaayusan ng kapaligiran?
A. Sumunod sa mga batas na may kinalaman sa kapaligiran.
B. Madalas na pagtapon ng basura sa kanto kung saan dumadaan ang trak ng basura.
C. Paghihiwa-hiwalay ng nabubulok na basura at pagresiklo ng mga patapong bagay.
D. Lahat ng Nabanggit.

31. Ang mga halimbawa ng mga basurang nabubulok ay mga tirang pagkain, tuyong
dahon at _________________.
A. plastik C. babasaging bote
B. balat ng prutas at gulay D. styrofoam

32. Ang boteng plastik, lumang gulong at Styrofoam ay mga halimbawa ng mga
basurang _____________.
A. nabubulok C. ibinabaon sa lupa
B. hindi nabubulok D. sinusunog

33. _____________________ ang kailangan sa wastong pagtatapon ng basura at upang


makatulong na maisalba ang Inang kalikasan.
A. Disiplina B. Kagandahan C. Kaibigan D. Kasamaan

34. Pinupulot ko ang mga kalat na aking nadadaanan sa paligid at itinatapon ko ito sa tamang
tapunan.
A. Ginagawa C. Minsan
B. Hindi Ginagawa D. Wala sa Nabanggit.

35. Tinitiyak ko na maayos kong naitapon ang papel na aking pinaggamitan sa basurahan at hindi ito
nalaglag lamang sa sahig.
A. Ginagawa C. Minsan
B. Hindi Ginagawa D. Wala sa Nabanggit.

36. Natutunan mo sa Edukasyon sa Pagpapakatao na dapat ibukod-bukod ang mga basura. Ngunit
hindi ito isinasagawa sa inyong bahay. Ano ang mainam mong gawin?
A. Hayaan lang ito.
B. Isumbong sa guro.
C. Pagalitan ang mga magulang.
D. Imungkahi na simulan ang pagbubukod-bukod ng basura.

37. Napansin mong maraming nakatambak na mga boteng plastik sa likuran ng inyong bahay. Ano
ang dapat mong gawin?
A. Hahayaan lamang ang mga ito na nakatambak sa likod- bahay.
B. Gagawin ang mga ito na plastik na paso.
C. Itatapon ko ang mga ito sa compost pit.
D. Susunugin ko ang mga ito.
38. Upang mabawasan ang basura sa bakuran nina Gina, nagwalis siya at sinunog ang mga ito.
Sinabihan siya ng kaniyang Nanay na itigil niya ang pagsunog ng basura dahil ipinagbabawal. Kung
ikaw si Gina, ano ang gagawin mo? Bakit?
A. Ipagpapatuloy ko ang pagsunog ng basura upang maging malinis ang aming bakuran.
B. Ititigil ko ang pagsusunog ng basura dahil magdudulot ito ng polusyon sa hangin.
C. Bibilisan ko ang pagsunog ng basura upang matapos na ako.
D. Mangangatwiran sa Nanay dahil para rin naman sa kalinisan ng kapaligiran.

39. Napapansin mong marami pa ring nagsusunog ng basura sa inyong barangay. Ano ang dapat
mong gawin?
A. Hayaan na lang ang pagsusunog ng basura.
B. Magsusunog na rin ng basura.
C. Hindi gagayahin ang kanilang ginagawa.
D. Ipapasabay na sa kanila ang mga basura namin.

40. Alin sa mga sumusunod na mga gawain ang nagpapakita ng wastong segregasyon?
A. pagtapon ng sirang bombilya sa basurahan ng mga nabubulok
B. paglagay ng tinik ng isda sa basurahan ng di-nabubulok
C. paglagay ng plastik kasama ang mga buto ng mangga
D. pagtapon ng balat ng saging kasama ng mga tuyong dahon

Prepared by:

LOU ANNE G. DATIJAN


Teacher III

Noted by:

MADELYNE M. PASOL
Head Teacher III, OIC
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE
SAN ISIDRO PRIMARY SCHOOL

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
SY 2022-2023
SUSI NG PAGWAWASTO
1. A
2. A
3. C
4. C
5. D
6. D
7. D
8. C
9. D
10. C
11. D
12. B
13. C
14. C
15. B
16. C
17. B
18. A
19. B
20. B
21. A
22. C
23. C
24. D
25. B
26. A
27. B
28. C
29. C
30. B
31. B

32. B
33. A
34. A
35. A
36. D
37. B
38. B
39. C
40. D
32. B
33. A
34. A
35. A
36. D
37. B
38. B
39. C
40. D

You might also like