You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
FLORIDABLANCA EAST DISTRICT
SAN ISIDRO ELEMENTARY SCHOOL

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA MTB –MLE III


S.Y. 2023-2024

Lagyu:____________________________________________ Iskor:_____________

Bilugan ang titik ng angkop na panghalip na pananong sa mga


sumusunod na mga salaysay.

1. __________ naganap ang usapan nina Mama Belen at Jimmy


kahapon?
a. Saan
b. Kailan
c. Sino
d. Ano

2. __________ ipapasa ang ating takdang aralin sa MTB-MLE?


a. Sino
b. Saan
c. Ano
d. Kailan

3. __________ ang kasama mong nagsimba noong nakaraang


linggo?
a. Saan
b. Kailan
c. Sino
d. Ano

4. __________ ang magandang regalo para kay Mama?


a. Ano
b. Sino
c. Saan
d. Kailan

5. __________ pumunta si kuya?


a. Ano
b. Kailan
c. Saan
d. Sino

6. __________ ang ipinagawa ng guro natin kahapon?


a. Sino
b. Saan
c. Ano
d. Kailan

Basahin ang anunsiyo:


ANUNSIYO:
Sino : Kinder to Grade 6
Ano: Pulong para sa Scouting Activities
Saan: Kwarto ni Ginoong Robby Morales
Kailan: Enero 16, 2023
7. Sino ang kasali sa pulong?
a. Grade 6
b. Kinder
c. Grade 3
d. Kinder-Grade 6

8. Saan gaganapin ang pulong?


a. sa Principal’s Office
b. sa kwarto ni Gng. Sundiam
c. sa kwarto ni G. Robby Morales
d. sa covered court

9. Kailan ang pulong para sa Scouting Activities?


a. Enero 17, 2023
b. Enero 16, 2023
c. Enero 18, 2023
d. Enero 19, 2023

10.Tungkol saan ang pulong?


a. District meet
b. Sportsfest
c. Camping activities
d. Ikalawang pagsusulit

Basahin ang bawat sitwasyon na nasa ibaba. Isulat ang titik ng


tamang sagot.

11. Ibinalita sa telebisyon na makararanas ng malakas na pag-


ulan ang inyong lugar kinabukasan. Malayo ang iyong paaralan
mula sa inyong tirahan. Ano ang iyong gagawin?
a. Hindi ako papasok.
b. Papasok pa rin ako sa eskwela.
c. Hindi ako papasok at ipapaalam ko sa aking guro sa
pamamagitan ng pag-text ang aking dahilan.
d. wala sa nabanggit

12. Nalaman mong nagsusugal ang iyong kapitbahay.


Alam mong ipinagbabawal sa inyong barangay ang gawaing
ito. Ano ang gagawin mo?
a. Manahimik nalang upang hindi magalit sa akin ang aming
kapitbahay.
b. Sumangguni sa aking mga magulang at hikayatin silang
ireport ito sa barangay.
c. Pupuntahan ko ang aking kapitbahay at pagsabihan silang
bawal ang kanilang ginagawa.
d. Magsusumbong ako sa pulis.

13. May gaganaping Oplan Bayanihan sa inyong lugar.


Hinihikayat ang bawat isa sa inyo na makikilahok sa paglilinis ng
kapaligiran. Ano ang gagawin mo?
a.Magpanggap na maysakit at huwag makilahok.
b.Maglalaro ako at hindi makikialam sa gawain dahil bata pa
ako.
c.Gawin ang mga bagay na aking makakaya upang makatulong
sa nasabing gawain.
d. Di ko papansinin ang mga naglilinis.

14. Narinig mong nagtatalo ang dalawa mong kapitbahay. Ano


ang gagawin mo?
a. Awatin ang kapit-bahay.
b. Ipagsasabi ko sa lahat ang nangyari.
c. Pumasok sa loob ng bahay at hayaan sila sa ginagawa nila.
d. Tatawag ako ng barangay tanod upang sila ay awatin sa
pagtatalo.

15. Hindi na makakapagpatuloy sa pag-aaral ang isa mong


kaklase dahil nawalan ng trabaho ang kanyang mga magulang.
Ano ang gagawin mo?
a. Kakausapin ko siya at hihikayating ipagpatuloy pa rin ang
pag- aaral.
b. Pabayaan siyang huminto sa pag-aaral dahil hindi ko siya
kamag- anak.
c. Pagtatawan ko siya at ipagsasabi ko sa mga kaklase ko ang
nangyari sa kanyang mga magulang.
d. Wala akong gagawin.
Basahin ang impormasyon na nasa ibaba at sagutin ang mga
katanungan kasunod nito. Isulat ang titik ng tamang sagot.

“ Manny ang Boxing Champ ng Pilipinas “


ni: Charmaine R. Lavador

Isang sikat na boksingero ang pinoy na si Emmanuel


Dapidaran “Manny” Pacquiao. Sa maraming pagkakataon ay
nakapag-uwi na siya ng mga titulong kaniyang napanalunan
mula sa mga laro niya laban sa mga boksingerong nagmumula
sa iba’t ibang bansa. Ito ay nakamit niya mula sa kanyang
matinding pagsisikap at pagsasanay upang maging malakas at
magaling sa larong boxing. Talagang isa si Manny Pacquiao sa
mga tunay na maipagmamalaki nating mga Pilipino.

16. Narinig mo na ba ang tungkol kay Manny Pacquiao? Ano ang


masasabi mo tungkol sa kanya?
a. Siya ay kahanga-hanga.
b. Ordinaryong tao lamang si Manny.
c. Wala akong pakialam kung sino siya.
d. Di ko naman kilala si Manny Pacquiao

17. Nakapanood ka na ba ng laro ni Manny? Ano ang


nararamdaman mo sa tuwing naglalaro siya?
a. Ako ay natutuwa.
b. Ako ay nagagalit.
c. Ako ay nalulungkot.
d. Ako ay nahihiya.

18. Maipagmamalaki mo bang kalahi mo ang isang Manny


Pacquiao? Bakit?
a. Hindi, dahil hindi ko kilala si Manny.
b. Hindi, dahil hindi ako mahilig sa boksing.
c. Oo, dahil ako ay isang Pilipinong kagaya ni Manny at siya ay
magaling.
d. Hindi, dahil hindi taga Luzon si Manny

19. Nag-anunsyo ang inyong punung-guro na walang pasok sa


susunod na Linggo dahil magsasagawa nang inspeksyon sa mga
gusali ng paaralan dahil sa nagdaang lindol. Ano ang magiging
reaksyon mo sa sinabi ng inyong punong-guro?
a. Iiyak ako dahil isang linggo akong walang baon.
b. Matutuwa ako dahil walang pasok at magkakaroon ako ng
mahabang
panahon sa paglalaro.
c. Malulungkot ako dahil walang pasok ngunit maiintindihan
ko na para ito sa aming kaligtasan.
d. maiinis dahil uutusan lang ako ng Mama ko sa bahay.

20. Paano mo maipapakita ang suporta mo sa desisyon ng inyong


punong-guro?
a. Matutulog ako buong maghapon.
b. Sisigaw ako sa tuwa dahil walang pasok.
c. Mag-aaral pa rin ako ng mga leksyon sa bahay
d. Maglilibot ako sa katabing barangay.

Basahin ang mga pangungusap at bilugan ang letra ng angkop na


tayutay.

21. Singtingkad ng perlas ang kaniyang kaputian


a. simili
b. metapora
c. hayperbole
d. personipikasyon

22. Umabot hanggang langit ang aking ngiti nang makita ko si Jose
na may dalang pagkain.
a. hayperbole
b. metapora
c. simili
d. personipikasyon

23. Hinahabol ko ang aking hininga matapos kong maglaro ng


patintero.
a. personipikasyon
b. simili
c. hayperbole
d. metapora

24. Parang maamong tupa ang mga mangangaso ng mahuli ng


awtoridad.
a. hayperbole
b. simili
c. personipikasyon
d. metapora

25. Muntik kong ikamatay ang pagtawa dahil sa sinabi niya.


a. personipikasyon
b. hayperbole
c. simili
d. metapora
26. Ang sanggol ay anghel sa kabaitan
a. metapora
b. hayperbole
c. simili
d. personipikasyon

27. Ang ________ ay pagtutulad o pagpapatulad. Ito ay ginagamit sa


paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao, pangyayari at
iba pa.
a. simili
b. metapora
c. personipikasyon
d. hyperbole.

28. Ang ____________ o pagwawangis ay isang tuwirang


paghahambing na ang dalawang bagay na pinagtutulad ay
ipinapalagay nang iisa o nagkakaisa at ipinahahayag ito sa
pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag, katangian, o
gawain ng isang bagay sa bagay na ihinahahambing.
a. simili
b. hyperbole
c. metapora
d. personipikasyon

29. Ang ____________ o pagmamalabis ay lubhang nagpapakita ng


kalabisan na imposibleng mangyari sa kalagayan ng tao, bagay, o
pangyayari.
a. simili
b. hyperbole
c. metapora
d. personipikasyon

30. Ang ___________ o pagsasatao na gumagamit ng mga katangian


ng mga tao at inihahantulad sa mga mga bagay na walang talino
tulad ng hayop, bagay, at iba pa.
a. metapora
b. simili
c. personipikasyon
d. hyperbole

____________________________________
Parent’s Signature Over Printed Name
Prepared by:

CAROL L. BAUL
Teacher

You might also like