You are on page 1of 3

Nanaginip ng Patay

Ano ang Kahulugan ng Kamatayan sa PANAGINIP?

Ang pagkamatay sa mga panaginip ay may iba't ibang kahulugan. Ang pangunahing pahiwatig ng
kamatayan ay itinuturing na daan sa muling pagsilang, panibagong simula sa buhay. Ang kamatayan ay
ang pagtatapos at sa bawat pagtatapos ay may panibagong panimula. Kaya't kung sa iyong panaginip
nakikita mo ang isang tao na namatay, mayroon ka bang dapat katakutan? Mayroon ka bang dapat na
ipangamba?

Bago tayo dumako sa mas malalim na kahulugan ng panaginip tungkol sa patay ay magsubscribe ka
muna dito sa channel ko at kalembangin mo na din. Huwag kalimutang mag like kung gusto mo ng
ganitong mga video.

Panoorin hanggang huli sapagakat may mga babala din tayong ibabahagi para sa panaginip na ito.

Mag shout out ako sa isang Youtuber din na si Gilbert Laroda, mag subscribe na din kayo sa channel niya.

Pag patay ang pinagusapan, marami ang natatakot dito. Iyong iba ay tumatayo agad ang balahibo sa
katawan at iyong iba naman ay nagkakaroon pa ng nervous breakdown.

Nakakatakot nga ba ang kahulugan ng panaginip na ito?

Kapag ikaw ay nanaginip ng libing, kabaong, at mga gravestones, sementeryo ay isang malungkot na
panaginip subalit ito ay nagbabadya ng isang importanteng parte ng buhay mo at ito ay ang pagsisimula
ng bagong chapter ng buhay mo.

Ang ibat ibang scenario na ibabahagi ko ay mas lalong makakapag bigay linaw sa iyo tungkol sa
panaginip na ito.

1. Kung ikaw ay nanaginip ng Isang Taong Buhay Pa Ay Namamatay siya sa iyong panaginip, ang
una mong dapat na isaalang alang ay kung sino ang namatay sa panaginip mo at ano ang
kaugnayan mo sa kanya. Magiging depende ngayon ang mga kahulugan ng panaginip mo ayon
sa ugnayan mo sa namatay.
a. Kung siya ay iyong kapareha o asawa, ngunit siya ay buhay pa rin, ito ay tumutukoy sa
isang posibleng negosyo na nais mong gawin, at balak mong mamuhunan ng malaking
halaga. Isang babala ang panaginip na ito ang negosiyong ito ay mamamatay din
kalaunan. Partnership sa business ay hindi magiging maganda para sa iyo at
magdudulot lamang ito ng pagkabigo.
b. kung ang namatay naman ay isang kaibigan, kayo ay magkakaroon ng matinding samaan
ng loob at nangangahulugan ito na mawawala ang iyong kaibigan. Ang maaari mong
gawin ay ayusin ang away niyo upang maisalba ang iyong pagkakaibigan.
c. Kung sa panaginip mo ay namatay ang isang miyembro ng pamilya, dapat mong alagaan
ang iyong sarili dahil hinahabol ka ng malas o magiging mailap sa iyo ang magandang
kapalaran. Hindi mo makukuha agad ang mga ninanais mo sa buhay.

2. Ang Isang Tao na Patay na Ay namatay ulit sa iyong panaginip.


a. Ito ay isang pagkilos lamang ng iyong subconscious na nagpapahiwatig na nami miss mo
na ang taong iyon at gusto mong gunitain o buhayin ang mga masasayang o mga
karanasan mo na magkasama kayo. Ito din ay isang pagpapa alala sa iyo na dapat mo
ng tanggapin na patay na siya at hindi na muling magiging bahagi pa ng buhay mo.
Kailangan mo na ding igugol o mag umpisa na makipag uganyan sa ibang mga tao na
nabubuhay pa.
3. Kung ang Isang Tao na Alam Mong Namatay na ay napanaginip mo namang buhay pa.
a. Ito ay nagbabadya na meron silang gustong ipa intindi sa iyo. Ito ay mga pagpapayo na
dapat mong gawing tama ang mga bagay na ginagawa mo ngayon dahil gusto nilang
ipabatid sa iyo na hindi mo dapat gawin ang mga pagkakamali na ginawa nila. Mas
matutulungan mo ang sarili mo kung susuriin mo itong mabuti at iwasan o ituwid ang
mga mali na nangyayari sa buhay mo. Ang mensahe ng panaginip na ito ay ang ilibing
mo ang mga masasama mong mga Gawain at pag uugali na labis na nakakapinsala sa iyo
upang ikaw ay magkaroon ng bago at positibong karanasan sa iyong buhay. Ito ay
upang mailayo ka sa kamalasan.

4. Isang estranghero ang Namamatay sa Iyong panaginip. Ito ay isang babala sa iyo. Ikaw ay
mapupunta sa isang sitwasyon o magkakaroon ng malaking problema. Ang pagharap ng may
positibong pag uugali at kakayahan ang susi upang malutas ito. Hindi mo kailangang matakot
kung ano ang susunod na mga kaganapan. Dapat mong isaalang-alang na ang mga hindi kilalang
pangyayaring darating sa iyong buhay ay sa huli ay maghatid sa iyo nang mabuti sapagkat
makakatulong ito sa iyong bilang isang tao.

5. May Malapit sa Iyo na Namatay. Upang matukoy ang interpretasyon ng panaginip na ito, dapat
mo munang malaman kung sino ang ang taong namatay. Dahil ang kanilang papel sa iyong
buhay ang tutukoy sa nararamdaman mo. Kung ito ay isang tao na nagmamalasakit at sobrang
protektibo sa iyo, at sila ay namatay, nangangahulugan ito na kailangan mo ng suporta.

6. Kapag namatay ang isang bata: Ito ay isang panaginip na nagdudulot ng kahandaan, at sinasabi
sa inyo na malapit nang dumating ang mahihirap na sandali. Huwag kalimutang ipagdasal ang
kasalukuyang sitwasyon sa ating Panginoon at humingi ng protesiyon mula sa kanya.

7. Ang iyong ina ay namamatay: Ito ay hindi isang magandang panaginip at ito ay lubhang
nakakatakot kung iisipin. Ngunit hindi kayo dapat mag-alala dahil walang masamang
mangyayari sa inyong ina. Ang kahulugan ng panaginip na ito ay na takot kang mapag-isa at
kailangan mo ng isang tao upang mapamper ka at alagaan ka. Ang panaginip na ito ay
kumakatawan sa ganitong paraan dahil ang mga ina ay proteksyon para sa mga bata.
8. Namamatay ang lola mo: Ang ibig sabihin nito ay kumakatawan sa takot ninyong matagpuan
ang inyong sarili. O mas makilala ang yong sarili. Dahil hindi ka sigurado sa landas na tinatahak
mo ngayon. Gawin ang mga bagay na nagpapasaya sa iyo basta ito ay tama at maganda.

9. Namamatay ang kapatid mo: Kung namatay ang kapatid mo sa panaginip mo, ibig sabihin
kailangan mo ng suporta mula sa iyong mga mahal sa buhay. Hindi kayo dapat matakot na
humingi ng tulong sa mga taong nakapaligid sa inyo; maaari kayong humingi ng payo para
makadama kayo ng katatagan. Hindi mo magagawang lutasin ang problemang kinakaharap mo
nang mag-isa.

10. May isang taong namamatay sa iyong mga braso: Kapag ang ganitong ang iyong mga panaginip
ang ibig sabihin hindi ay mo ipinahahayag ang lahat ng iniisip at nadarama mo. At sa
pamamagitan ng paghawak sa mga hindi mo ipinapahayag ay ikaw ang sanhi ng mga ito hindi
magandang mga pangyayari. Dapat kang maging napakaingat at baguhin kaagad ang inyong
pag-uugali, kung hindi, magiging malungkot ang idudulot nito sa buhay mo.

Kung ikaw ay nanaginip ng tungkol sa patay ay paki comment mo sa ibaba at atin itong bibigyan ng
interpretasyon.

Maraming maraming salamat sa panonood. Hanggang sa muli mga kaibigan.

You might also like