You are on page 1of 2

Hindi Maganda ang Maidudulot ng Cellphone sa nga

Estudyante

Kailangan nga bang ipagbawal ang pagdala ng


cellphone ng mga estudyante sa paaralan? Sang-ayon ako
kung ipapatupad ang batas na ito sa kadahilanang marami
ng estudyanteng naaadik sa sa paggamit ng cellphone, at
kadalasan ay hindi na nakatuon ang kanilang atensyon sa
pag-aaral. At sa aking na obserbahan minsan ay ginagamit
ang cellphone sa pandaraya sa klase, kaya dapat ipagbawal
ang pagdadala ng cellphone ng mga estudyante .

Ang cellphone ay isa sa mga makakatulong para sa


komunikasyon ngunit ito rin ay isa sa makakasira sa ating
pag-aaral kung hindi gagamitin ng maayos. Alam naman
natin na ang cellphone ay isa sa mga temptasyon upang
mapabayaan ang pag-aaral, at dahil rin dito ay mawawalan
na ng pokus ang mga estudyante sa pag-aaral sa
kadahilanang mas gugustuhin pa nilang mag-facebook,
mag-laro ng ML at iba pa.

Sa pagusbong ng bagong teknolohiya marami ang


nagbago, isa na dito ang mga gadgets na ginagamit ng mga
estudyante. Alam naman natin na ang gadgets ay
makakatulong ngunit hindi talaga maiiwasan na minsan ay
gagamitin ito sa masama, pero hindi lahat, ngunit sasang-
ayon talaga ako na ipagbabawal ang pagdala ng cellphone
ng mga estudyante dahil masama ang maidudulot nito sa
pag-aaral.

You might also like