You are on page 1of 23

Mga Tungkulin

ng Mamimili
Tandaan!
“Ang lahat ng Karapatan ay
may kaakibat na
responsibilidad, kaya
mahalagang gampanan din ng
mga mamimili ang kanilang mga
tungkulin.”
1. Maging mapanuri at
mapagtanong. Alamin ang mga
pakinabang at presyo ng mga
kalakal na binibili.
2. Alamin ang mga Karapatan bilang
mamimili.

Ang kaalaman sa mga Karapatan ay


makatutulong sa mamimili na maipagtanggol
ang sarili sakaling malabag o maipasawalang-
bahala ang kaniyang mga Karapatan.
3. Magkaroon ng malasakit sa
kapuwa.

Kung maiwawasto ang paglabag o


pagsasawalang-bahala sa nalabag na
Karapatan ng isang mamimili, matututo siyang
pahalagahan din at maka-iiwas sa paglabag ng
Karapatan ng iba pang mamimili.
4. Pangalagaan ang kapaligiran.

Iwasan at hikayatin ang kapuwa mamimili


na hikayatin ang kapuwa mamimili na huwag
tangkilikin ang mga kalakal na nakasisira sa
kalikasan.
5. Makibahagi at lumahok sa mga
Samahan at organisasyong
nagsusulong sa mga Karapatan ng
mga mamimili.

Magiging mas madiin at kagyat ang mga


panawagan ng mamimili kung magsasama-sama
na maaring makapagpabilisn sa pagtugon dito
ng kinaiikulan.
6. Makiisa sa mga gawaing
nangangalaga sa kapaligiran na
nagpapatupad ng mga hakbang
na makakalikasan.
Mga kagawaran at
Ahensiyang
nangangalaga sa
Karapatan ng mamimili
Bureau of Animal
Industry (BAI)
-Ito ang responsible sa mga
patakaran at pagtugon sa
ma suliraning may
kaugnayan sa pag-aalaga
ng mga manok, baboy, baka,
at iba pang gawaing
panghayupan.
National Meat Inspection
Service (NMIS)
-Ahensiya ito ng
pamahalaang na may
tungkuling bantayan ang
mga lumalabag sa batas
ukol sa pagbili ng mga
karneng nakapipinsala sa
kalusugan.
Beruea of Fisheries and
Aquatic Resources (BFAR)
-Ito ang ahensiya ng
pamahalaan na
responsibie sa
pagsasaayos ng mga
suliranin na may
kaugnayan sa pangingisda
at palaisdaan.
National Food and Authority
(NFA)
-Ahensiya ito ng
pamahalaan na
responsible sa p agtitiyak
ng suplay ng palay at iba
pang pagkaing butil sa
buong bansa.
Bereau of Plant Industry
(BPI)
-Ang ahensiyang ito ang
namamahala sa
pamamahagi at pagbibigay
ng edukasyon sa mga
nagtatanim ng mga prutas
at gulay.
Philippine Coconut
authority (PCA)
-Ahensiyang namamahala
sa presyo ng mga langis
na nagmumula sa niyog at
iba pang produktong mula
sa niyog tulad ng kopra.
Sugar Regulatory
Administration (SRA)
-Ito ang ahensiya na
tumitiyak sa pagpapataas
ng kalidad ng mga
produktong nagmumula sa
tubo at asukal.
National Telecommunication
Commision (NTC)
-Ahensiya na nangangasiwa sa
mga usaping may ugnayan sa
isyu ng overpricing ng
telekomunikasyon at mga
suliranin ukol dito, gayundin
sa hindi responsableng mga
patalastas at anunsyo ng mga
telebisyon at radyo.
Kagawaran ng Agrikultura
(Department of Agriculture) DA
-kagawaran ng
pamahalaan na
tumitiyak na may sapat
na suplay ng pagkain sa
abot-kayang halaga ang
bansa.
Kagawaran ng kapaligiran at
Likas na yaman
-Namamahala sa
pangangalaga sa paggamit
ng mga produktong
maaring makasira ng
kalikasan, gayundin sa mga
produktong galing sa mga
kagubatan.
Kagawaran ng kalakalan at
Industriya
-Ito ang namamahala
sa lahat ng yaring
produkto at
serbisyo na
ipinagbibili sa
pamilihan.
Kagawaran ng Enerhiya
-Ang kagawarang ito
ang nangangasiwa
sa mga usaping may
kaugnayan sa
enerhiya tulad ng
kuryente, LPG, langis
at petrolyo.
Paalam!
Subukin Natin!

You might also like