You are on page 1of 13

1

Southern Luzon State University


College of Engineering
Lucban, Quezon

RADIO DRAMA SCRIPT


Signed:
Engr. Maria Rosanna D.L. De Veluz
Dean, College of Engineering 2
Title: Tatay
Format: Radio Drama
Duration: 10 Mins
Writer/Producer/Director: Alexandrine Toribio
Cast: Justine Banderada as Tuper
Vyrone Herrera as Ernesto
Sofia Chavez as Marife
Alexandrine Toribio as Tinang
Scene One: Narrow Street
01 SOUND: BELL RINGING, ACCOMPANIED BY CROWD
MURMURING
02 STUDENT 1: Sir, pwede po ba kayo magkwento tungkol sa buhay mo?
03 TUPER: Sus, ayaw n'yo lang ako mag discuss eh
04 STUDENT 1: Hindi naman po sa ganun sir. Kailangan lang po talaga
namin ng inspirasyon.
05 TUPER: Hay nako, oh sige na nga..
06 TUPER: Hindi kami mayaman, galing ako sa pamilya ng mahihirap
pero hindi hadlang kahirapan sa amin noon. Tandang-
tanda ko pa nga, naging mapait ang tadhana sa amin
noon....
07 SOUND: WHISTLE SOUND, ACCOMPANIED BY FOOTSTEPS
AND HEAVY BREATHING 3
08 MUSIC: FOREBODING THEME, ESTABLISH,
CONTINUE UNDER
09 POLICEMAN 1: Hoy tigil!
10 POLICEMAN 2: Dito pre, sa kaliwa!
11 SOUND: CROWD MURMURING
12 POLICEMAN 1: Ayun! Dito!
13 POLICEMAN 1: Sumuko ka na! Napapalibutan ka na namin!
14 ERNESTO: Maawa na po kayo! Wala po akong kasalanan!
15 SOUND: FOOTSTEPS ACCOMPANIED BY HEAVY BREATHING AND SOBBING
16 POLICEMAN 2: Aba matigas pala ang isang to ah.
17 SOUND: GUNSHOT, FOLLOWED BY WALKIE-TALKIE RADIO
18 POLICEMAN 3: Hepe, nahuli na po naming yung suspect. Nanlaban Kaya pinaputukan na
namin.
19 SOUND: CROWD MURMURING
20 STRANGER: Yan ang napapala ng mga sugapa sa droga.
21 TUPER: Hindi adik and tatay ko.
22 TUPER: Tulungan niyo kami! Biktima lang kami Tay, gumising ka.
Parang awa mo na. Para kanila Nanay at Tinang! Anong
tinitingin-tingin n'yo dyan? Tulungan n'yo kami! Tay,
kumapit ka lang ha? Tay!
23 MUSIC: FOREBODING THEME FADE OUT
Scene Two: Ricefield
24 MUSIC: RELAXING THEME, ESTABLISH, CONTINUE 4
UNDER
25 SOUND: BIRDS CHIRPING, MUD SPLASHING
26 TUPER: Tay, tingnan niyo po oh. Umuusbong na ‘yung mga tinanim nating binhi!
27 ERNESTO: Ganun talaga anak, pag may tinanim may aanihin.
28 SOUND: CASEROLE BEATING
29 MARIFE: Oh kumain na muna kayong mag-ama! Habang mainit pa!
30 TUPER: Saglit lang, Nay! Tapusin lang naming tong—
31 MARIFE: Aba ay pag mamaya pa’y malamig na ari! Sige kayo, hindi
Nyo matitikman ang masarap na luto ni nanay. Hala parini
na’t gutom na aring si Tinang.
32 ERNESTO: Tara na nga anak! Baka maging dragon na naman ‘yang
nanay mo.
33 SOUND: FOOTSTEPS IN MUD
Scene Three: Nipa Hut
34 SOUND: KITCHEN UTENSILS
35 MARIFE: Tinang! Tama na muna ang laro at tulungan mo muna si
Nanay.
36 TINANG: Opo inay andiyan na po!
37 MARIFE: Damihan mo ang sandok sa tatay mo ha, at kilala mo
Naman iyan, kulang ang sampung kamote. Akala mo’y
may alagang anaconda sa tiyan.
38 ERNESTO: Aba, aba, aba! Narinig ko iyon ha! Kasalanan mo rin
naman. Ang sarap sarap mo magluto. Ayan tuloy, hindi ko 5
mapigilang kumain ng marami. Sino
ba naman ako para tumanggi sa grasya ‘di ba ?
39 TUPER: Hmmmmmmm! Amoy pa lang, masarap na!
40 TINANG: Oo nga, Kuya! Palagi ko ngang pinagmamalaki sa mga
kaibigan ko na masarap magluto si Nanay!
41 MARIFE: Ay nako! Mambobola talaga kayong mga bata kayo. Ang
bata-bata n’yo pa ha.
42 ERNESTO: Kaya ko nga minahal ‘tong nanay ninyo. Maganda, mabait,
Masarap pa magluto.
43 MARIFE: Dumagdag ka pa talaga ha. Makita ko lang kayong masaya
At maalwan, gaganahan akong ipagluto kayo palagi.
44 MARIFE: Maiba nga pala tayo, kamusta naman ang pag-aaral mo,
Tuper?
45 TUPER: Lumabas na po resulta ng exam namin, ako po ang
nakakuha ng pinakamataas na iskor.
46 ERNESTO: Aba! At kita mo nga naman, nagmana talaga itong si
Tuper sakin. Kuhang-kuha mo ang talino ni Tatay.
47 MARIFE : Anong sa’yo ? Kung patalinuhan lang naman din ang
usapan, malamang sa akin nagmana itong si Tuper at Tinang
48 TINANG : Hindi po ba pwedeng hati kayo ni Tatay ? Parehas naman
Po kayong magaling.
49 MARIFE: Oo nga naman.
50 ERNESTO: Basta ipangako ninyo sa amin ng Nanay n’yo na 6
pagbubutihin ninyo sa pag-aaaral. Huwag kayong tumulad sa amin ng Nanay n’yo na walang
natapos. Kaya eto, sa pagsasaka bumagsak.
51 TINANG : Tatay, Nanay, wala naman pong masama sa pagsasaka eh.
Hinahangaan ko nga po kayo, kasi marangal ang trabaho
n’yo at ginagawa ninyo lahat mapabuti lang po pag-aaral namin ni Kuya.
52 MARIFE: Iyan lamang ang tiyak na maipapangako namin ng Tatay
n’yo. Gagawin namin lahat makapagtapos lamang kayo ng pag-aaral.
53 SOUND : FOOTSTEPS APPROACHING
54 PEPING : Pare ! Pare ! Aba’y galing akong bayan at nagbenta nga
ako ng palay. Jableg na yaan kamumura ng bentahan ngayon! San aabot ang benta na iyon?
Ay, maski sa sikmura ng mag-iina ko’y ‘di aabot.
55 ERNESTO: Ano? Aba ay malaking problema iyan pare.
56 PEPING: Ay sinabi mo pa! Ano na laang mangyayari? At eto nga
pare, bali-balita ng mga kapwa magsasaka natin na may bumibili raw ng lupain, malaki ang
alok at mainam na iyon na panimula.
57 ERNESTO: Oh, ibebenta mo ba lupain mo, pare?
58 PEPING: Wala akong magagawa pare, at magkokolehiyo na
panganay ko. Tiyak na malaking gastusin ‘yon. Kulang na kulang kinikita natin sa pagsasaka.
Ikaw ba, pre ? Baka 7
interesado ka ? Malaki peperahin mo dun. Panimula ninyo ni Mare.
59 ERNESTO: Ibang usapang na yan pare, hindi ko ibebenta itong lupain
naming. Maraming alaala rito at mahalaga itong lupain na ‘to sa aking pamilya. Para rin ‘to sa
mga anak ko.
60 PEPING: Pagisipan mo pre, laking tulong ‘to.
61 MUSIC: RELAXING THEME FADE OUT
Scene Four: Living Room
62 MUSIC: DEEP THEME ESTABLISH, CONTINUE UNDER
63 TINANG: Kuya, kung mayaman lang sana tayo, nakakabili sana tayo
ng makukulay na damit, ano ? Para hindi na ako inaasar ng mga kaibigan ko na luma raw mga
damit ko.
64 TUPER : Oo nga, bunso. Kung mayaman at may pera lang sana
tayo, makakabili tayo nung cellphone kagaya ng mga classmates ko. Para kahit malayo ako,
makakausap parin kita.
65 TINANG: Mukhang ang ganda nun, Kuya!
66 TUPER: Kaso bunso kailangan muna natin isantabi mga yan kasi
malaki gastusin nila Nanay at Tatay eh.
67 MARIFE: Nesto, sigurado ka ba na ayaw mo ibenta lupain natin?
Napag-isip isip ko lang, maganda magtayo ng bagong negosyo sa bayan. Isipin nalang natin
malapit na tumungtong ng kolehiyo si Tuper, ilang taon nalang halos. Kung magtityaga tayo sa
ganitong pamumuhay, paano na 8
lamang natin matutustusan pangangailngan ng dalawang bata ?
68 ERNESTO : Ilang beses ko uulitin sa’’yo, Fe na hindi ako papaya na
ibebenta lupain natin. Mahalaga sa akin ‘to. Pamana ito ng Tatay ko sa akin. Na ipapasa ko
kanila Tuper at Tinang.
69 MARIFE: Para ano? Maging magsasaka kagaya natin ang mga anak
natin?
70 ERNESTO: Hindi. Pero diba nga, nangako tayo na gagawin natin lahat
mapagtapos lang sila na hindi kinakailangang ibenta lupain natin.
71 MARIFE: Sige, kung anong makakabuti para sa pamilya natin.
72 MUSIC: DEEP THEME FADE OUT
Scene Five: Nipa Hut
73 MUSIC: DEEP THEME ESTABLISH, CONTINUE UNDER
74 CYNTHIA: Magandang Umaga ho, ikaw po ba si Mr. Ernesto dela Cruz?
Ako po si Cynthia Villiaran, from Carmela Estates. Hindi po lingid sa iyong kaalaan na halos
lahat na po ng kasamahan ninyong magsasaka ay nabili na po namin lupain nila. At nabigyan
nga po namin sila ng panibagong buhay. Kaya, kung sana lamang po ay mapayagan mo ako na
ilatag sa’yo Ang mga plano namin sa lupain mo.
75 ERNESTO: Ah, narinig ko nga yang balita na yan. Ah, eh, ako na ho
nagsasabi sainyo nan hindi ako interesadong ibenta sa’yo lupain namin. Kaya salamat nalang. 9
76 CYNTHIA: Mr. dela Cruz, pinapalampas mo ang pagkakataon na
mapaigi buhay n’yo ng pamilya mo. Sige, para hindi ka lugi, 2 milyon kapalit ng lupain mo.
77 ERNESTO: Hindi ho tayo nagkakaintidihan. Ayoko nga ho
ibenta lupain ko. Kahit magkano pa yan.
78 CYNTHIA: Nakukulangan ka ba sa 2 milyon? Sige, 5 milyon.
79 ERNESTO: Ganun nalang ba tingin ninyo sa mga kagaya Kaya
naming magsasaka? Nagkakamali ho ata kayo, hindi lahat ng magsasaka kumakagat sa pain.
kung maaari lamang ho umalis ka na at baka kung pa ho magawa ko.
80 CYNTHIA: Ngayon ka lang magmamatigas, Mr. dela Cruz.
Mapapasamin din yang lupain mo.
81 SOUND: PHONE RINGING
82 CYNTHIA: Oh hepe, kamusta? May hihingiin lang sana akong
pabor sa'yo...Onting leksyon lang sa kakilala ko..
83 MUSIC: DEEP THEME FADE OUT
Scene six: Nipa Hut
84 MUSIC : FOREBODING THEME ESTABLISH, CONTINUE
UNDER
85 SOUND : KNOCK ON DOOR
86 POLICEMAN: Tao po! Tao po!
87 MARIFE: Ano ho iyon t sa kalagitnaan ng gabi ay nakatok
kayo?
88 POLICEMAN: Ako ho si P03 Herrera nandito kami kasi may search 10
warrant kami kay Ernesto dela Cruz. Mayroon hong nagsabi sa himpilan namin na may
nagaganap na bentahan ng droga rito sa inyo.
89 ERNESTO: Ano ho ang kailangan ninyo sa akin?
90 POLICEMAN: Ginagawa lang namin trabaho namin kaya kung
maari lamang ay tumabi kayo at maghahalughog
kami ng tinatago n'yong droga
91 MARIFE: Ha? Nagkakamali ho ata kayo. Walang bentahan ng
droga ditto.
92 POLICEMAN: Alam n'yo ho, sawa na kami sa mga ganyang
salitain. Kaya para hindi na tayo mahirapan pa ay
iturn over n'yo nalang sa amin ang droga n'yo at
sumama kayo sa presinto.
93 POLICEMAN: P02, dun ka maghalughog. Dito ako.
94 SOUND: FOOTSTEPS
95 ERNESTO: Aba ay teka lang ho, wala nga manlang kayong
pinapakitang kasulatan na tunayna may search
warrant ako. Wala hong illegal na droga dito sa
amin.
96 POLICEMAN 2: Sir, positive.
97 MARIFE: Nagkakamali ho kayo, hindi ho sa amin iyang droga
na yan!
98 TINANG: Nanay, ano po nangyayari dito?
99 POLICEMAN: Lagyan n'yo na ng posas 'tong kriminal na 'to 11
100 SOUND: HANDCUFF
101 ERNESTO: Sandali lang, malinis mga kamay ko dito! Wala
akong kasalanan! Magsasaka lang ako pero hindi
ako adik!
102 POLICEMAN 2: Huwag ka nang sumabat. Huling-huli ka na!
103 TINANG: Saan n'yo po dadalhin tatay ko! Tatay!
104 ERNESTO: Fe, ikaw na bahala sa mga bata. Babalik ako.
Aayusin ko 'to!
105 MARIFE: Sir, pakiusap, huwag n'yo po ikulong asawa ko.
Wala s'yang kasalanan!
106 POLICEMAN: Teka! Saan pupunta asawa mo?! PO2, habulin n’yo!
107 TINANG: Tatay! Huwag n'yo po sasaktan ang tatay ko!
108 TUPER: Nay! Tay! Bunso! Andito na si poging Tuper!
109 MARIFE: Tuper, ang tatay mo...
110 TUPER: Ano nangyari nay? Nasan si Tatay?
111 TINANG: Kuya, kinuha ng mga pulis si tatay!
112 TUPER: Ha? Ano?
113 MARIFE: Saan ka pupunta Tuper?
114 TUPER: Susundan ko ho si tatay! Ibabalik ko s'ya dito!
115 MARIFE: Oh Diyos ko ano ba 'tong pinahintulutan ninyong
mangyari?
116 MUSIC: THEME FADE OUT, FOREBODING THEME
ESTABLISH, CONTINUE UNDER
117 SOUND: WHISTLE SOUND, ACCOMPANIED BY 12
FOOTSTEPS AND HEAVY BREATHING
118 POLICEMAN 1: Hoy tigil!
119 POLICEMAN 2: Dito pre, sa kaliwa!
120 SOUND: CROWD MURMURING
121 POLICEMAN 1: Ayun! Dito!
122 POLICEMAN 1: Sumuko ka na! Napapalibutan ka na namin!
123 ERNESTO: Maawa na po kayo! Wala po akong kasalanan!
124 SOUND: FOOTSTEPS ACCOMPANIED BY HEAVY
BREATHING AND SOBBING
125 POLICEMAN 2: Aba matigas pala ang isang to ah.
126 SOUND: GUNSHOT, FOLLOWED BY WALKIE-TALKIE
RADIO
127 POLICEMAN 3: Hepe, nahuli na po naming yung suspect. nanlaban
Kaya pinaputukan na namin.
128 SOUND: CROWD MURMURING
129 STRANGER: Yan ang napapala ng mga sugapa sa droga.
130 TOPER: Hindi adik and tatay ko!
131 TOPER: Tulungan niyo kami! Biktima lang kami. Tay,
gumising ka. Parang awa mo na. Para kanila Nanay
at Tinang! Anong tinitingin-tingin n'yo dyan?
Tulungan n'yo kami! Tay, kumapit ka lang ha? Tay!
Scene eight: Classroom
132 TOPER: Sumigaw ako, “Tatay!” kasi mapait ang
tadhana sa amin noon pero heto’t bumangon muli 13
kami. At tungol sa tatay ko? Nakamtan nga naming
ang hus-----
133 SOUND: BELL RINGING
134 TOPER: Kaya kayo, nasa kolehiyo na kayo, hindi
porket bumagsak at nadapa kayo ay hindi na kayo pwedeng bumangon pang ulit….
135 TOPER’S DAUGHTER: Tatay! Tatay! I miss you po!
**************************** THE END *****************************

You might also like