You are on page 1of 86

7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan

GAWAING PAGKATUTO
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION II – CAGAYAN VALLEY
GAWAING PAGKATUTO SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
GRADE 7
COPYRIGHT PAGE
Copyright © 2020
DEPARTMENT OF EDUCATION
Regional Office No. 02 (Cagayan Valley)
Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500

“No copy of this material shall subsist in any work of the Government of the Philippines.
However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be
necessary for exploitation of such work for profit.”

This material has been developed for the implementation of K to 12 Curriculum through the
Curriculum and Learning Management Division (CLMD). It can be reproduced for educational
purposes and the source must be acknowledged. Derivatives of the work including creating an
edited version, an enhancement of supplementary work are permitted provided all original works
are acknowledged and the copyright is attributed. No work may be derived from this material for
commercial purposes and profit.

Consultants:
Regional Director : ESTELA L. CARIÑO, EdD., CESO IV, DepEd R02
Assistant Regional Director : JESSSIE L. AMIN, EdD,CESO V, DepEd R02 Schools
Division Superintendent : CHERRY S. RAMOS, EdD,, CESO V, Santiago City
Asst. Schools Division Superintendent: JONATHAN A. FRONDA, PhD, CESE, Santiago City Chief
Education Supervisor, CLMD : OCTAVIO V. CABASAG, PhD
Chief Education Supervisor, CID : JANETTE V. BAUTISTA, EdD
Development Team
Writers: Cabudol, Visitacion M., CHS , Castillo, Eden,SES, Lucas, Rovelyn R.,PNHS, Gonzaga, Daisylyn
A., Villa Gonzaga ES, Valdez, Editha B.,RNHS, Franco, Princess May R.,PNHS, Bartolome,
Jean P.CHS, Butoy, Lucia, Abra ES, Fernandez, Maria Cecilia, Naggasica HS, Mayormente, Melowin, RNHS,
Macayanan, Rowena V., San Andres ES, Corpuz, Nora, Buenavista ES, Pablo, Elvira, Sinsayon ES. Allen
Manuel, SNCS, Montemayor, Magdalena S.

RLQAT/Content Editors: Helen Grace J. Tabor, Marilou D. Desiderio, Noemi C. Soliven, PhD

Layout Artists: JENELYN B. BUTAC, Division Librarian


Focal Persons: ESTELITO C.BALATAN,PhD., Education Program Supervisor– EsP
MARIVEL G. MORALES, Division LRMDS Coordinator
RICHARD O. PONHAGBAN, Education Program Supervisor – EsP, DepEd R02
RIZALINO G. CARONAN, Education Program Supervisor–LRMDS DepEd R02

Printed by: Curriculum and Learning Management


Division DepEd, Carig Sur, Tuguegarao
City

ii
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Talaan ng Nilalaman
Competency Page Number
Natutukoy ang mga katangian, gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob. EsP7PS-IIa-5.1 1

Nasusuri ang isang pasyang ginawa batay sa gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob. 6
EsP7PS-IIa-5.2

Naipaliliwanag na ang isip at kilos-loob ang nagpapabukod-tangi sa tao, kaya ang 13


kanyang mga pagpapasiya ay dapat patungo sa katotohanan at kabutihan. EsP7PS-
IIb-5.3

Naisasagawa ang pagbuo ng angkop na pagpapasiya tungo sa katotohanan at 17


kabutihan gamit ang isip at kilos-loob EsP7PS-IIb-5.4

Nakikilala na natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral dahil ang pagtungo sa 20
kabutihan ay may kamalayan at kalayaan. Ang unang prinsipyo nito ay likas sa tao na
dapat gawin ang mabuti at iwasan ang masama. EsP7PS-IIc-6.1

Nailalapat ang wastong paraan upang baguhin ang mga pasya at kilos na taliwas sa 25
unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral
EsP7PS-IIc-6.2

Nahihinuha na nalalaman agad ng tao ang mabuti at masama sa kongkretong 32


sitwasyon batay sa sinasabi ng konsiyensiya. Ito ang Likas na Batas Moral na itinanim
ng Diyos sa isip at puso ng tao.
EsP7PS-IId-6.3

Nakabubuo ng tamang pangangatwiran batay sa Likas na Batas Moral upang 38


magkaroon ng angkop na pagpapasiya at kilos araw-araw. EsP7PS-IId-6.4

Nakikilala ang mga indikasyon / palatandaan ng pagkakaroon o kawalan ng kalayaan. 46


EsP7PT-IIe-7.1

Nasusuri kung nakikita sa mga gawi ng kabataan ang kalayaan 49


EsP7PT-IIe-7.2

Nahihinuha na likas sa tao ang malayang pagpili sa mabuti o sa masama; ngunit ang 53
kalayaan ay may kakambal na pananagutan para sa kabutihan. EsP7PT-IIf-7.3

Naisasagawa ang pagbuo ng mga hakbang upang baguhin o paunlarin ang kaniyang 57
paggamit ng kalayaan. EsP7PT-IIf-7.4

Nakikilala na may dignidad ang bawat tao anoman ang kanyang kalagayang 65
panlipunan, kulay, lahi, edukasyon, relihiyon at iba pa
EsP7PT-IIg-8.1

iii
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Nakabubuo ng mga paraan upang mahalin ang sarili at kapwa na may pagpapahalaga 71
sa dignidad ng tao . EsP7PT-IIg-8.2

Napatutunayan na ang
a. paggalang sa dignidad ng tao ay ang nagsisilbing daan upang mahalin ang kapwa
tulad ng pagmamahal sa sarili at 75
b. ang paggalang sa dignidad ng tao ay nagmumula sa pagiging pantay at
magkapareho nilang tao. EsP7PT-IIh-8.3

Naisasagawa ang mga konkretong paraan upang ipakita ang paggalang at


pagmamalasakit sa taong kapus-palad o higit na nangangailangan EsP7PT-IIh-8.4
75

iv
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
Pangalan: Baitang:
Petsa: Iskor:

GAWAING PAGKATUTO
Isip at Kilos Loob

Panimula (Susing Konsepto)

Ang isip ay ang kakayahang alamin ang diwa at buod ng isang bagay. Ito ay may
kapangyarihang manghusga, mangatwiran, magsusi, mag-alala at umunuwa ng kahulugan ng
mga bagay. May limang katangian ng isip: 1. katalinuhan (intellect) 2. Katwiran (reason) 3.
intelektuwal na kamalayan (intellectual consciousness) 4. konsensiya (conscience) at 5.
intelektuwal na memorya (intellectual memory)

KasanayangPampagkatuto at Koda

Natutukoy ang mga katangian, gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob (ESP7PS-IIa


5.1)

Gawain 1: Pagtatapat-tapat
Panuto: Tukuyin ang kahulugan o tinutukoy ng mga salita sa Hanay A. Hanapin ang sagot sa
Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
HANAY A HANAY B
1. katwiran (reason) a. pagkakilala ng tao sa tama o mali na
naging gabay sa kanyang kilos
2, katalinuhan (intellect) b. kamalayan ng tao na siya ay may
katalinuhan o angking talino
3. Intelektuwal na katalinuhan c. ang tao ay may kapangyarihang
(intellectual consciousness) mangatwiran
4. Konsensiya (conscience) d. kakayahan ng taong madaling makapag
memorya
5. Intelektuwal na memorya e. kakayahan ng taong makapag-isip
(intellectual memory) o magdesisyon

Gawain 2 “PAGTUKOY/PAKILALA
Panuto: Tukuyin ang mga salita o pahayag na tumutukoy sa katangian, gamit o
tunguhin ng isip at kilos-loob. Isulat ang ISIP o KILOS LOOB sa patlang
ng bawat aytem.
1. Ginagamit ito sa pagkalap ng kaalaman at karunungan.
2. Umaasa sa ibinibigay na impormasyon ng isip
3. Ito ay gawaing naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama.
4. Ito ay may kapangyarihang manghusga, mangatwiran, magsuri, maalala
at umunawa ng kahulugan ng mga bagay.
5. Ito ang kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan o isakilos ang
pinili.

1
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Gawain 3. “ANO ANG IISIPIN AT GAGAWIN MO?”
Panuto: Basahin at pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon. Bilang isang nagdada-
laga at nagbibinata, ano ang iyong iisipin at gagawin sa mga sitwasyong ito.
Isulat sa speech balloon A ang iyong iisipin (Isip) at sa speech ballon B
ang iyong gagawin (Kilos-loob) sa bawat sitwasyon.
A B

Sitwasyon 1. May iniinom kang juice, nang maubos ito wala kang makitangbasurahan
Kaya’t sabi ng kaibigan mo itapon na lang ito sa iyong dinadaanan.

Sitwasyon 2. Dahil nagabihan ka ng uwi at hindi nakapagpaalam sa iyong mga magulang at


ika’y kanilang nasita at hinihingian ng paliwanag. Takot kang sabihin ang tototo
dahil baka lalo kang pagalitan. Ano ang iisipin at gagawin mo?

Sitwasyon 3. May napulot kang wallet sa dinadaanan mo na may lamang pera at mga ID
ng may-ari. Walang nakakita na ikaw ang nakapulot. Ano ang iisipin at
gagawin mo?

Gawain 4. MARAMIHANG PAGPIPILI


Panuto: Piliin ang pinakatamang kahulugan o katuturan ng bawat pangungusap o pahayag.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Bakit sinasabing ang tao ay nilikhang “kawangis ng Diyos?”


a. Ang tao ay kawangis ng Diyos dahil sa kakayahan niyang makialam at magpasya
ng malaya.
b. Ang tao ay may kapangyarihang mangatwiran.

2
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
c. Ang tao ay may kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili.
d. Ang tao ay naghahanap ng katotohanan.

2. Paano nagpapabukod-tangi sa tao bilang nilikha ang isip at kilos-loob?


a. Ang tao ay may tungkulin sanayin, paunlarin at gawing ganap ang isip
at kilos loob.
b. Kailangang gamitin ang isip sa pagkalap ng kaalaman at karunungan.
c. Natatanging tao dahil sa kakayahan ng isip at kilos-loob na kumilos
ayon sa kanyang kalikasan - ang magpakatao
d. Ang isip ng tao ay kaloob Niya upang maging mapanuri ang bawat isa sa ibang
nilalang dito sa mundo.

3. Paano naipapakita ang gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob sa pang-araw-araw


na kilos?
a. Ang isip ay ginagamit sa pang-unawa ng katotohanan at ang kilos-loob ay
gumawa ng kabutihan.
b. Kung anong mabuting naiisip o katotohanan ay siyang isasagawa para sa
kabutihan.
c. Ang tunguhin ng kilos-loob ay kabutihan.
d. Ang kilos-loob ay umaasa sa ibinibigay na impormasyon ng isip.

4. Ano ang inaasahan na dapat magawa ng tao dahil siya ay nilikha ng may isip at kilos-
loob?
a. Ang tao ay may tungkuling sanayin, paunlarin at gawing ganap ang isip at kilos-
loob.
b. Kawangis ng Diyos ang tao dahil sa kakayahan niyang makaalam at magpasya ng
malaya.
c. Inaasahang magkasabay na pinauunlad ng tao ang kanyang isip at kilos-loob.
d. Ang tao ay biniyayaan ng iba’t ibang kakayahan na nagpakilala sa kanya.

GAWAIN 5. PAGPUNO SA PATLANG/GRAPHIC ORGANIZER

Panuto: Punan ng wastong sagot ang bawat patlang para mabuo ang katuturan ng isip
at kilos-loob. Piliin ang sagot sa mga pagpipilian at isulat sa patlang.

Mga Pagpipilian:
natatangi makaalam umunawa
nagpapasya o pumili kumilos o gumawa kabutihan
katotohanan sanayin paunlarin
gawing ganap

: Ang tao ay (1) na nilalang dahil siya ay may:

3
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Isip na (2) Kilos-loob na (5)

Ang gamit ng isip ay Ang gamit ng kilos-loob ay


(3) (6)

Ang tungkulin ng isip ay Ang tungkulin ng kilos-loob ay


(4) (7)

Ang nararapat na (8) (9)


at (10) _ang isip at kilos loob upang mabigyan ng halaga ang
kakayahang ito ng tao.

Repleksiyon
Ang natutunan ko sa araling ito ay

SUSI SA PAGWAWASTO
Gawain 1. Paghahanay
1. C
2. E
3. B
4. A
5. D
Gawain 2. Pagtukoy/Pagkilala
1. Isip
2. Kilos-loob
3. Kilos-loob
4. Isip
5. Kilos-loob
Gawain 3. Pagsusuri sa sitwasyon

4
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Magkakaiba ang kasagutan ng mga mag-aaral
Gawain 4. Maramihang Pagpipili
1. A
2. C
3. A
4. C
Gawain 5. Pagpuno sa patlang
1. Natatangi 6. Kumilos o gumawa
2. Makaalam 7. kabutihan
3. Umunawa 8. sanayin
4. Katotohanan 9. paunlarin
5. Magpasya o pumili 10. Gawing ganap

5
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
Pangalan: Petsa:
Baitang: Iskor:

GAWAING PAGKATUTO
Isip at Kilos-loob

Panimula (Susing Konsepto)


Ang bawat tao ay may tungkuling sanayin, paunlarin at gawing ganap ang isip at
kilos-loob.
ISIP- Ang isip ay ay may kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod ng isang bagay. Ito
ay may kapangyarihang manghusga, mangatuwiran, magsuri, mag-alala at umunawa ng
kahulugan ng mga bagay. Kaya ang isip ay tinatawag na katalinuhan, katwiran, intelektuwal
na kamalayan at konsensya. Ang katalinuhan ay hindi nasusukat sa daming kaalaman at taas
ng pinag-aralan kundi kung paano ginagamit ang kaalaman upang ilaan ang sarili sa
pagpapaunlad ng kanyang pagkatao, paglingkod sa kapwa at pakikibahagi o paglilingkod sa
pamayanan.
KILOS-LOOB- Ang kilos loob ay umaasa sa isip, kaya’t sa paghuhusga ng isip ay
sumusunod ang malayang pagnanais ng kilos-loob. Ibinibigay ng isip ang katwiran bilang
isang kakayahang maimpluwensyahan ang kilos-loob.
Ayon kay SantoTomas de Aquino ang kilos-loob ay isang makatwirang pagkagusto
(rational appetency), sapagkat ito ay pakultad (faculty) na naaakit sa mabuti at lumalayo sa
masasama. Kung kaya’t ang tunguhin ng kilos-loob ay kabutihan.
Samakatuwid, ang isip at kilos-loob ay kailangang sanayin at linangin upang
magampanan ng mga ito ang kanya-kanyang layunin.

KasanayangPampagkatuto at Koda
Nasusuri ang isang pasya na ginawa batay sa gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.
(EsP7PS-IIa-5.2)

Gawain 1. Aksyonan Mo!


Panuto: Anong aksiyon ang nararapat mong gawin sa mga sitwasyon o pangyayari na
makikita sa loob ng kahon. Isulat ito sa baba ng bawat larawan.
1. 2. 3.

6
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
4. 5.

Gawain 2. TAMA O MALI

Panuto: Iguhit ang sa kahon kung ang isinasaad sa bawat bilang ay TAMA

at kung mali.

1. Napadaan si Tina sa bahay nila Mang Pepe nang bigla siyang napalingon at
namangha sa mga bunga na tanim na gulay. Nakita niya na nakabukas ang gate. Dahil
walang tao, pumasok siya na walang paalam at pumitas ng mga bunga upang iuwi sa
kanilang bahay.

2. Namasyal sa Manila Zoo ang mag-anak na Cruz. Ang bunso sa tatlong anak na si
Nena ay Nakita ang mga kuneho at sinabing gusto niyang pakainin ang mga ito.
Pumayag ang kaniyang ama kahit may babala na huwag papakainin ang kahit
anumang hayop.

7
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
3. Inutusan si Maria ng kanyang ina upang bumili ng prutas sa palengke. Dahil
gustong-gusto niya na pumunta sa mall, doon muna siya dumiretso, pagkatapos
mamasyal ay bumili na siya ng prutas, ngunit ginabi na siya bago pa makauwi.

4. Papasok na sana sa paaralan si Ema nang makita niyang umiiyak ang isang bata.
Nilapitan niya ito at tinanong ang dahilan ng kanyang pag-iyak, sinabi ng bata na
nahulog ang kanyang sapatos sa kanal. Kahit alam ni Ema na pwedeng marumihan ang
kanyang uniporme ay kinuha parin ang sapatos upang ibigay ito sa bata.

5. Ang tao ay nilikha ng Diyos na may isip na siyang kumilala ng kabutihan at ng


tama. May kalayaan ang tao na gawin ang kanyang nais ngunit dapat na maging
responsable sa anumang kahihinatnan nito.

Gawain 3
Panuto: Ang tao ay kawangis ng Diyos. Sa papaanong paraan mo ito mapapatunayan. Isulat
ang iyong sagot sa bawat puso.

1. 3.

2.

4. 5.

Gawain 4:
8
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa bawat bilang nang may katapatan.
1. May nagawa ka na bang kabutihan na maaari mong ipagmalaki sa iba?
2. Ano ito?

3. Masaya ka ba sa naging resulta ng ginawa mo? Ipaliwanag.

4. Mayroon ka bang nagawang desisyon ngunit sa bandang huli ay iyong pinagsisihan?

5. Ilahad ang naging pangyayari.

6. Ano ang ginawa mo para isaayos ang iyong naging pasya?

GAWAIN 5. POSTER MAKING


Panuto: Gumawa ng isang poster na nagpapatunay na bawat tao ay may kakayahan at
katalinuhang piliin ang tama.

9
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Mga Pamantayan sa Pagpupuntos
Kalinisan 25%
Pagkamalikhain 25%
Kaayusan ng larawan 25%
Kaugnayan sa paksa 25%
Kabuuang Puntos 100%

Repleksiyon
Ang natutunan ko sa araling ito ay

Pagwawakas
Natutunan ko na ang isip at kilos loob ay magkaagapay, ang kilos loob ay nakakabase
sa atingisip, kaya ang isip din natin ang magdidikta kung ano ang tama at mali kung anoang
sinasabi ng ating isip yun ang gagawinng kilos-loobn atin.

Sanggunian
EsP Curriculum Guide
https://brainly.ph/question/428863

Mga larawan
Illustrator: Ella Shamae A. Castillo

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1. Mga Halimbawang Sagot.
1 2 3

10
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
1. Ipaalala na may 3. Sasabihin ko na ang
babala na bawal 2. Tutulungan ko ang pagguhit sa pader na
pitasin ang Ginang sa mga dala walang pahintulot ay
bulaklak at nyang gamit upang maaaring ikasira ng
kailangang hindi na sya mahirapan gusali o bahay, kaya
sumunod tayo sa pa. dapat ay huwag ng
batas. ipagpatuloy.

4 5

5. Ipagbibigay alam sa
opisyal ang pangyayari
upang mabigyan sila ng
pangaral na ang
pananakit ay hindi
mabuting gawa.

4. Ipaalala na ang
pangongopya ay
halimbawa ng
pandaraya kaya hindi
dapat gawin.

Gawain 2

1.

2.

3.

4.

5.

Gawain 3

11
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Umuwi ng maaga
Ang paggalang Tumulong sa mga
pagkatapos ng klase at
sa magulang at nangangailangan.
di napupunta kung
nakakatanda. saan- saan pa.

Magsimba at
Isa puso ang
makinig sa salita ng
pangaral ng ating
Diyos.
mga magulang.

Gawain 4. Tanggapin ang mga sagot ng mga mag-aaral.


Gawain 5. Halimbawang Sagot

12
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
Pangalan:
Baitang:
Seksyon:
Petsa:
GAWAING PAGKATUTO
Isip at Kilos-loob (Will)

Panimula (Susing Konsepto)


Ikaw ay nilikha ng Diyos na kawangis Niya. Batay sa Banal na Aklat (Genesis 1:27),
ikaw ay biniyayaan ng isip o ng talino na siyang may kakayahang manghusga, mangatwiran,
sumuri, umalala at unawain ang kahulugan ng mga bagay-bagay. Ang tunguhin ng isip ay
katotohanan. Ang katotohanan ay natatagpuan sa pamamagitan ng patuloy na pananaliksik
gamit hindi lamang ang isip pati na ang mga pandama ng tao tulad ng paningin, pandinig,
pang-amoy, panlasa, at pandama.
Samantala, ang kilos-loob ay ang kapangyarihan na magpasya, pumili, at
isakatuparan ang kanyang pinili. Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ang kilos-loob ay isang
makatwirang pagkagusto o rational appetency dahil ito ay isang pakultad o faculty na
nalulugod sa mabuti at umiiwas sa masama. Ito ay nakasalalay sa ibinibigay na impormasyon
ng isip. Samakatuwid, naiimpluwensyahan ng isip ang kilos-loob. Dahil sa kilos-loob,
maaring piliin ng tao na gumawa ng mabuti. At sa paggawa ng mabuti, ipinapakita mo ang
iyong mapanagutan o responsableng pagkilos.
Kasanayang Pampagkatuto at koda
Naipaliliwanag na ang isip at kilos-loob ang nagpapabukod-tangi sa tao, kaya ang
kanyang mga pagpapasiya ay dapat patungo sa katotohanan at kabutihan. (EsP 7PS-IIb-5.3)
Gawain 1.
Panuto: Ang pagiging mabuti ay ang tamang pag-uugnay ng isip at kilos-loob. Ang mga
sumusunod ay mga pangungusap na dapat sundin ng isang mabuting tao. Sagutin ito ng tapat.
Lagyan ng tsek sa akmang kolumn.
PALAGI MINSAN HINDI
KAILANMAN
1. Sumusunod sa mga utos na itinakda ng
aking mga magulang.
2. Nagsasabi ng po at opo kapag nakikipag-
usap sa mas nakakatanda.
3. Tumutulong sa gawaing bahay.
4. Nagsasabi ng totoo.
5. Gumagawa ng mga takdang aralin na
pinapagawa ng guro.
6. Itinatapon ang basura sa tamang paglagyan.
7. Nakikikipag-usap ng mahinahon sa mga
nakakatanda.
8. Nagdadasal at nananampalataya sa Diyos.
9. Sumusunod sa alituntunin ng pamayanan.
10. May paggalang sa kakayahan ng aking mga
kaklase.
13
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Gawain 2:
Panuto: Ang isip at kilos –loob ay magkaugnay sa desisyon ng isang tao. Basahin ang mga
sumusunod na sitwasyon at sagutin ang katanungan.
1. Kinakalabit ka ng iyong kamag-aral habang kasalukuyan ang pagsusulit at pinipilit ka
niya na pakopyahin siya habang ang guro ay hindi nakatingin. Isulat sa patlang sa
ibaba ang iyong sasabihin sa iyong kaklase.

2. Magkasama kayo ng kaibigan mong si Anaiah na umuwi ng kanilang bahay at


humingi siya ng sobrang pera sa nanay niya at sinabi niya na ito ay sa proyekto na
binigay ng kanilang guro na alam mong wala namang kailangang gastusin sa
proyektong iyon. Ano ang sasabihin mo kay Anaiah?

3. Niyayaya ka ng kaibigan mo na lumiban sa inyong klase at ipagpatuloy na lamang


ninyo ang inyong paglalaro. Isulat sa patlang kung ano ang sasabihin mo sa kanya.
Sasang-ayon ka ba o hindi? Bakit?

4. Pinagsasabihan ka ng iyong mga magulang tungkol sa madalas mong paggamit ng


iyong cellphone. Minsan nasasabi nila na halos wala ka nang nagagawa sa loob ng
bahay at nag-aalala rin na baka mapabayaan mo ang iyong pag-aaral dahil diyan. Ano
ang sasabihin mo sa mga magulang mo?

5. Habang nag-uusap kayo sa corridor ng isa mong kaklase, nakita niyo ang isang
estudyante na nagmamadali at sa hindi inaasahan, siya ay nadapa at nagtawanan ang
mga kapwa mo mag-aaral dahil sa nakitang iyon ng kasama ng kaklase mo. Ano ang
sasabihin mo sa kanya?

14
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Rubriks sa Pagsagot sa Gawain 2:
PAMANTA 5 4 3 2 1
YAN PINAKAMA MAHUSAY KATANGGAP-TANGGAP MAPAGHUH NANGANGAILA
HUSAY USAY NGAN NG
PANTULONG
NA PANSANAY
Nilalaman
Lawak at
lalim ng
sagot
Nasunod ang
mga panuto
Kabuuan

Gawain 3
Panuto: Hanapin ang mga salita na may kaugnayan sa isip at kilos-loob sa kahon.
Maaaring ito ay pahalang, pababa o pataas. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang
papel o kwaderno.

K M A G P A S Y A T K
I S L S U M A L A R K
L S U M U R I O R A A
O U I U U K K Y T Y T
S M M P U M I L I B A
L A T A O M A O H L L
O L G S G A A L M E I
O A D E O H L L A J N
B L I J D W U N A L U
G A Y D M P Y S A L H
M l S R I R F T G A
K A T O T O H A N A N
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

Gawain 4
Panuto: Ang tunguhin ng isip ay katotohanan, at ang tunguhin ng kilos-loob ay kabutihan,
kaya ang isip at kilos-loob ay magkaugnay, ang katotohanan at ang kabutihan.
Basahin ang mga sumusunod na pangungusap na nagpapahayag ng katotohanan. Isulat ang
letrang S kung ikaw ay sumasang-ayon at D kung Di-sumasang-ayon.
1. Sinasabi ko ang totoong dahilan kung ako ay humihingi ng pera sa aking mga
magulang.
2. Mahinahon akong nagbabahagi ng aking opinion kahit sa mga sumasalungat
sa akin.
3. Malugod kong tinatanggap ang aking pagkakamali kapag ako ay sinasabihan.

15
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
4. Ibinabalik ko ang sobrang sukli na naibigay sa akin.
5. Itinatama ko ang maling paratang sa ibang tao.
6. Hindi ako nangongopya sa mga oras ng pagsusulit.
7. Nagpapaalam ako at sinasabi ko sa aking magulang ang aking mga lakad.
8. Ginagawa ko ang lahat upang matupad ang aking ipinangako.
9. Ibinabalik ko ang aking mga nahiram na bagay sa takdang oras.
10. Nagsasabi ako ng tama at ayon sa katotohanan.

Repleksiyon
Natutunan ko sa araling ito ay

Sanggunian
A. Aklat

A Filipino of Today for Tomorrow by Ma. Zilpha P. Rallos& Bro. Rolando R. Dizon,
FSC
EdukasyonsaPagpapakatao 7

B. Website
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-7-learning-material-in-
edukasyon-sa-pagpapakatao-q1q2
https://biblehub.com/genesis/1-27.htm

Susi sa Pagwawasto
Gawain I
Ang mga sagot ay magkakaiba ayon sa kung ano ang Gawain ng mga mag-aaral.
Gawain 2
Ang mga sagot ay magkakaiba ayon sa kaisipan ng mga mag-aaral
Gawain 3
Kilos-loob Tao
Magpasya Isip
Umalala Katotohanan
Sumuri Maghusga
Pumili Katalinuhan
Gawain 4
Ang mga sagot ay magkakaiba ayon sa pamantayan ng mga mag-aaral

16
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
Pangalan: Lebel:
Seksiyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Natatangi Ako! Ipinagmamalaki Ko!

Panimula (Susing Konsepto)


Ang tao ay natatanging nilalang dahil siya ay may: Isip na nakaaala, kilos-loob na
nagpapasiya/pumipili. Ang gamit ng isip ay umunawa samantalang ang gamit ng kilos-loob
ay kumilos o gumawa. Ang tunguhin ng isip ay katotohanan, samantalang ang tunguhin ng
kilos-loob ay kabutihan. Kaya, nararapat na sanayin, paunlarin, at gawing ganap ang isip at
kilos-loob upang mabigyan ng halaga ang kakayahang ito ng bawat indibidwal.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda:
Naisasagawa ang pagbuo ng angkop na pagpapasiya tungo sa katotohanan at
kabutihan gamit ang isip at kilos-loob (EsP7PS IIb-5.4)

Gawain 1.

Panuto: Iguhit ang puso kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng tamang pagpapasiya
gamit ang isip at kilos-loob at kwadrado kung hindi. Iguhit ang sagot sa patlang o sa
sagutang papel.
1. Nais ni Johanna na magkaroon ng magandang kinabukasan kaya
pinagbuti niya kanyang pag-aaral.
2. Nais ni Heart Antonette na makakuha ng mataas na grado ngunit hindi
naman niya pinagbubutihan ang kanyang pag-aaral.
3. Hindi nakakasagot ng wasto sa klase si Loraine dahil hindi siya nakikinig sa
kaniyang guro.
4. Kusang loob na inayos ni Gabriel ang mga dapat ayusin sa kanilang bahay.
5. Iniisip palagi ni Carol ang kanyang kinabukasan kaya pinagbubuti niya ang
kanyang mga gawain.

Gawain 2
Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot na nagpapakita ng angkop na pagpapasiya
tungol sa katotohanan at kabutihan gamit ang isip o kilos-loob.
1. Napulot ni Ysabel ang pitaka ni Karla, Ano kaya ang kanyang gagawin?
a. Hindi niya ibabalik ang pitaka dahil napulot naman niya ito.
b. Ibabalik niya ang pitaka kay Karla, dahil sa kanya naman talaga ito.
c. Gagastusin niya ang mga perang napulot.
d. Hahayaang nakakalat ang pitaka sa lansangan.

2. Mahirap lamang sina Nicole ngunit may pangarap siya sa buhay.


17
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Ano ang dapat niyang gawin?
a. Pagbubutihin niya ang kanyang pag-aaral para makapagtapos siya.
b. Papasok lang siya kung kailan niya gusto.
c. Gawing dahilan ang kahirapan para hindi na makapagpatuloy sa pag -aaral.
d. Magmumukmok nalang ako siya bahay.
3.Ang magulang ni Francine ay parehong abala sa trabaho. Siya ang
inaasahang kaakibat sa pamilya. Ano ang dapat gawin ni Francine?
a. Hindi niya pakikinggan ang kanyang magulang.
b.Susunod siya sa payo o bilin ng kanyang magulang para makamit ang
pangarap.
c. Maglalaro na lamang siya kaysa tumulong sa magulang.
d. Masyado pa siyang bata para isipin ang mga ba bagay na ganyan.
4. May pangarap sa buhay si Dwight ngunit kapos sila sa yaman. Ano dapat niyang
gawin?
a. “Bahala na” iyan ang palagi niyang sinasambit.
b. Gusto niyang tumulong sa kanyang magulang ngunit tinatamad siya.
c. Magpupursige siyang tutulong sa kanyang magulang para makamit ang
pangarap niya.
d. Huminto sa pag-aaral, dahil mahirap ang buhay.
5. Paano maipakikita ni Marie ang kanyang kabutihan at katotohanan gamit
ang isip at kilos-loob?
a. Gagawin niya ang alam niyang tama at nakabubuti lamang sa kanya.
b. Hindi siya gagawa ng ikabubuti niya dahil wala siyang pakialam dito.
c. Susundin niya ang sinasabing kaniyang isipan at damdamin.
d. Panonoorin na lamang niya ang mga gumagawang kabutihan.

Gawain 3
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang sagot sa patlang bago ang
numero o sa sagutang papel.
1. Paano mo lilinangin ang iyong isip at kilos-loob?
a. Sa pamamagitan ng paggawa ng wasto na naaayon sa iyong kalooban.
b. Sa pamamagitan ng pagsunod sa gusto lamang.
c. Sa pamamagitan ng hindi pagtupad sa iyong kalooban.
d. Sa pamamagitan ng paggawa ng di kanais-nais.

2. Alin dito ang nagsasabing tama sa kakayahan ng tao?


a. Tanging ang tao lamang ang namamahala sa kaniyang damdamin at emosyon.
b. Ang tao ang mamamahala sa kaniyang sarili at walang iba pang magdidikta sa
kanya.
c. Kayang pantayan ng hayop ang kakayahan ng tao.
d. Ang tao ay naghihintay lamang ng kapwa niya tao para makabuo ng pasya.

3. Paano ko kokontrolin ang sarili sa udyok ng damdamin?


a. Malaya ang tao na magpasya ng gusto niyang gawin.
b. Ang tao ay may kamalayan sa sarili kung ano ang tama o mali.
c. May kakayahan ang tao upang mangatwiran.
d. Wala siyang kalayaan para mangatwiran

4. Alin dito sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang pagpapasiya?


18
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
a. Si Daryll ay mahilig sa maalat at mamantikang pagkain subalit nang magkaroon
siyang sakit na UTI naging maingat na siya sa pagpili ng kanyang kakainin.
b. Si Alexa ay mahilig kumain ng kung ano-ano kaya siya ay nagkakaroon ng
masamang karamdaman.
c. Si Dennis ay palaging kumakain ng paborito niyang pagkain tulad ng French
fries kahit alam niyang bawal sa kanya ito.
d. Si Jenny ay mahilig uminom ng softdrinks kahit alam niyang may tama na ang
kidney niya.

5. Paano maisasagawa ni Analyn ang tamang pagpapasiya para sa


kanyang sarili?
a. Hahayaan na lamang niya ang lahat ng suliranin na dumating sa kanya.
b. Gagawa siya ng paraan upang makapagpasiya siya nang naaayon sa kanyang
gusto at alam naman niyang tama ito.
c. Isaalang-alang lamang niya ang kanyang nararamdaman.
d. Kung ano ang sinasabi ng kanyang kaisipan iyon lamang ang kanyang gagawin.

Repleksiyon
Natutunan ko sa araling ito na ang bawat indibidwal ay may

Sanggunian
EsP CG page 97
ESP Modyul, Grade 7
MELC EsP Grade 7 pages 93-94
Susi sa Pagwawasto

Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3


1. 1.b 1.a
2. 2.a 2.a
3. 3.b 3.b
4. 4.c 4.a
5. 5.c 5.b

Inihanda ni:
Daisylyn A. Gonzaga
May Akda

19
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
Pangalan: Lebel:
Seksiyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Ang Kaugnayan ng Konsensiya sa Likas na Batas Moral

Panimula (Susing Konsepto)

Ang likas na Batas Moral ay natatangi sa tao dahil ang pagtungo sa kabutihan ay may
kamalayan at kalayaan. Ang unang prinsipyo nito ay likas sa tao na dapat gawin ang mabuti
at iwasan ang masama.
Ang tao ay may kalayaan-ang kakayahang magtakda ng layunin para sa sariling buhay
at gumawa upang makamit ito. Dahil sa kalayaang ito, ang tao ay may kakayahang magpasya
na kumilos o di kumilos at siya ay may kakayahang pumili. Kung kaya’t ang kanyang kilos at
pagpapasya ay dumadaan sa proseso ng pag-iisip.
Ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang batas. Ito ang nagbibigay ng hangganan sa
kilos ng tao at ito ang nag-uutos, nagbabawal at nagpapahintulot. Mahalaga ito upang
isaalang-alang hindi lamang ang makabubuti sa sarili kundi upang makamit ang kabutihang
panlahat.
Likas na mayroon sa isang tao ang batas moral at ng paggana ng kaniyang
konsensiya. Kaya nga maging ang isang bata na kulang sa kaalaman ay maaaring kumilos
ayon sa batas moral at ng kanyang konsensiya.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nakikilala na natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral dahil ang pagtungo sa kabutihan ay
may kamalayan at kalayaan. Ang unang prinsipiyo nito ay likas sa tao na dapat gawin ang
mabuti at iwasan ang masama. (EsP7PS-IIc-6.1 )

Gawain 1
A. Panuto: Basahing mabuti ang pangungusap. Kilalanin kung anong salita ang
tumutukoy sa bawat pangungusap. Hanapin ang tamang sagot sa kahon sa ibaba.
Isulat ang letra ng sagot sa patlang.
1. Ang kakayahan ng tao na kumilala ng mabuti at masama.
2. Ito ay likas sa tao mula sa pagkasilang dahil sa kanyang kalayaan.
3. Ano ang kahulugan ng konsensiya.
4. Ang tawag sa batas na namamahala sa tao na nakabatay sa
katotohanan
5. Ang batas na ito ay mananatiling iiral dahil ito ay permanente.

a. Konsenya b. Obhetibo c. Likas na Batas Moral

d. Walang Hangan e. Mayroong Kaalaman

B. TAMA o MALI

20
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang T kung ito ay tama at M kung
mali.
1. Ang tao ay may kakayahang gumawa ng mabuti at masama dahil sa
kalayaan.
2. Sa Likas na Batas Moral nakasaad ang dapat gawin at di dapat gawin
ng tao.
3. Hindi maiiwasan ng tao ang masama kung susundin niya ang Likas
na Batas Moral.
4. Ang konsensiya ay ang personal na pamantayang moral ng tao.
5. Itinuturing ang konsensiya bilang batas moral na itinanim ng Diyos
sa isip at puso ng tao.
Gawain 2.
Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot
sa iyong kwaderno.

Si Roland ay isang magaling na mag-aaral. Siya ang may


pinakamataas na grado sa kanilang klase. Isang araw sila ay
binigyan ng biglaang pagsusulit. Dahil hindi nakapaghanda ang
lahat napilitan ang ilang kaklase na mangopya sa katabi na
naging dahilan na mas mataas ang nakuha nila kaysa kay Roland.
Nagulat ang kanilang guro sa naging resulta ng kanilang
pagsusulit kaya tinanong si Roland kung ano ang dahilan.

Mga Tanong:
1. Kung ikaw si Roland, ano ang iyong isasagot sa iyong guro? Bakit?
2. Ano ang naging batayan mo sa iyong pagpapasya?
3. Base sa iyong pasya, ano ang ugnayan ng Likas na Batas Moral at konsensiya?

Gawain 3. Pagpapaliwanag
Panuto: Bilang mag-aaral, gagawin mo rin ba ang mga nasa larawan sa ibaba. Ipaliwanag ang
iyong naging batayan ng pagpapasya.

Paliwanag:

21
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Paliwanag:

Paliwanag:

Paliwanag:

Gawain 4. Paggawa ng Islogan


Panuto: Gumawa ng islogan tungkol sa kahalagahan ng paggawa ng mabuti at pag-iwas sa
masama.

22
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
RUBRIKS sa PAGSUSURI
Pamantayan Bahagdan Puntos
Nilalaman 40%
Pagka-orihinal 25%
Pagkamalikhain 25%
Kabuuan 100%

Gawain 5. Paggawa ng Komiks Strip


Panuto: Sa pamamagitan ng komiks strip, ilarawan ang karanasan tungkol sa nagawang tama
o maling desisyon sa buhay. Dapat nakapaloob sa komiks strip ang mga sumusunod:
a. Ano ang naging desisyon o pasya mo?
b. Paano mo iniugnay ang Likas na Batas Moral sa konsensiya?
c. Ano ang naging epekto ng desisyon mo sa iyong buhay?
d. Ano ang kahalagahan ng pagpili ng tamang pasya?

RUBRIKS SA PAGSUSURI
Pamantayan Bahagdan Puntos
Nilalaman 40%
Pagka-orihinal 25%
Pagkamalikhain 20%
Kabuuang presentasyon 15%
Kabuuan 100%

Repleksiyon
Ano ang aking natutunan sa mga gawain?

Sanggunian
https://www.scribd.com/document/365329693/Likas-Na-Batas-Moral
https://brainly.ph/question/177541 https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3A%2F
%2Fthelariatonline.com%2Fcellphone- theft-in-school-is-getting-out-of- hand
%2F&psig=AOvVaw2q04jIvuS2sgtCuuATheIr&ust=1594283840844000&source=imag
es&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCNj6qMqgveoCFQAAAAAdAAAAABAD
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.law.com%2Fcorpcounsel%2
F2020%2F05%2F06%2Fcaught-ink-handed-finra-bars-former-general-counsel-accused-of-
cheating-on- exam
%2F&psig=AOvVaw3kqKbQF2O95fO9uXygyP7P&ust=1594284094698000&source=
images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCJCEw7KhveoCFQAAAAAdAAAAABAD
https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3A%2F%2Faskthejudge.info%2Fwhat-if-i-
damage-school- property
%2F&psig=AOvVaw0JT2RArACAut2xpABSetNc&ust=1594284296246000&sourc
e=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCKiRtdijveoCFQAAAAAdAAAAABAL

23
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.dreamstime.com%2Fphotos-
images%2Fthrowing-garbage-
trash.html&psig=AOvVaw3Tg6rgO_pDvqw7x73f8m9L&ust=1594284887510000&source=i
mages&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCOCpxZikveoCFQAAAAAdAAAAABAD
https://tse3.mm.bing.net/th?id=OIP.MiCkdWHK8u11LzHuYY431gHaL6&pid=Api&P=0&
w=300&h=300
Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
A. 1. Konsensiya
2. Likas na Batas Moral
3. Mayroong kaalaman
4. Obhetibo
5. Walang Hangan

B. 1. T
2. T
3. M
4. T
5. T

Gawain 2
Magkakaiba ng sagot

Gawain 3
Magkakaiba ng sagot

Gawain 4
Magkakaiba ng sagot

Gawain 5
Magkakaiba ng sagot

24
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Pangalan: Lebel:
Seksiyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Ang Kaugnayan ng Konsensiya sa Likas na Batas Moral

Panimula (Susing Konsepto)

Bahagi ng buhay ng tao ang gumawa ng pasiya araw-araw. Mula paggising sa umaga
magsisimula na ang maghapong pagpapasiya. Babangon na o hindi pa, maliligo o
maghihilamos, kakain na o mamaya pa ay ilan lamang sa mga pagpapasiyang ito. Marahil
hindi na nga ito napapansin bilang bahagi ng pang-araw-araw na gawain. Magkagayunman,
sa pagpipili o paghuhusgang ginagawa ng tao, may kailangan siyang pag-ukulan ng pansin,
Ito ay ang pagpili sa pagitan ng tama at mali na kaniyang gagawin. Paano nga ba nasasabing
tama ang isang kilos samantalang mali ang isa? Paano mo ito makikilala? Higit sa lahat,
paano mo ito pipiliin?

Kasanayang Pampagkatuto at koda


Nailalapat ang wastong paraan upang baguhin ang mga pasya at kilos na taliwas sa
unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral (EsP7PS-IIc-6.2)

Gawain 1
Panuto: Upang matukoy mo ang iyong damdamin na nagpapamalas ng kakayahan sa
pagpapasya ng mabuti, isa-isahing sagutin ang bawat gawain nang may katapatan.
Tuklasin mo ang paraan ng iyong gagawing pagpipili sa sitwasyong ito. Pag-aralan ang case
study sa ibaba. Ano ang iyong gagawin kung ikaw ay nahaharap sa ganitong sitwasyon?
Piliin ang iyong gagawin sa apat na pagpipilian at sagutin ang mga tanong pagkatapos.

Ikaw ay nag-aabang ng masasakyan sa kanto papuntang paaralan nang may dumaan


na isang babae at nalaglag ang kanyang gintong kwintas. Parating na ang tricycle na
magsasakay sa iyo at mahuhuli ka na rin sa pagpasok. Ano ang dapat mong gawin?

Sa mga gawain sa ibaba, tukuyin mo kung alin dito ang tama o mali. Pangatwiranan
ang iyong naging sagot, isulat ito sa espasyo para sa paliwanag.
Gawing gabay ang ilustrasyon sa ibaba.

25
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
2. Pupulutin ako ang kwintas at
1. Hahayaan ko lang ito sa daan tutal hindi hahabulin ang nagmamay-ari
naman ito sa akin. upang ibigay ito.
( )TAMA ( ) MALI
Paliwanag:

( ) TAMA ( ) MALI
Paliwanag:

3. Kukunin ko ito para ibenta. 4. Ituturo ko ito sa taong


makakasalubong ko para
( )TAMA ( )MALI siya ang sasabihin kong kumuha.
Paliwanag: ( )TAMA ( )MALI
Paliwanag:

Sagutin:
1. Alin sa apat na sitwasyon ang sinagutan mo ang tama? Bakit mo nasabing ito
ay tama?

2. Alin sa mga ito ang may sagot kang mali? Bakit mo nasabing ito ay mali?

3. Paano mo nalaman ang tama o mali sa sitwasyong ito?

26
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Gawain 2
Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Isipin kung alin sa mga sumusunod ang
nangangailangan ng iyong tamang pagpapasiya at kilos. Lagyan ito ng tsek (/) sa patlang sa
huling bahagi ng bawat pangungusap .

1. Mag-aalaga ka ng iyong nakababatang kapatid, kung ang iyong magulang ay wala


sa bahay.
2. Magpapakonsulta sa doktor dahil mayroon kang hindi magandang nararamdaman
upang hindi ito lumala.
3. Magwawalis ka ng bakuran kung uutusan lamang ng Ina.
4. Isasauli ang napulot na pera sa taong nawalan. _
5. Hinahamon ka ng suntukan/away ng iyong kapwa bata at hindi mo ito
pinatulan.
6. Sasawayin mo ang mga maling ginagawa ng iba.
7. Hindi ka magpapaalam sa magulang dahil masaya ang magpunta sa birthday party.

8. Susunod sa utos ng nakatatandang kapatid.


9. Ituturo ang kamag-aral na siya ang kumuha ng nawawalang gamit sa loob ng silid-aralan. _
10. Magsasabi ka sa iyong Nanay na nasira mo ang laruan ng iyong kapatid.

Gabay na tanong:
1. Bakit ang mga sitwasyon na iyong napili ay nagpapakita ng mabuting pagpapasya?

2. Ano ang dapat mong gawin upang maipakita ang iyong kakayahan sa mabuting
pagpapasya?

Gawain 3
Panuto: Basahin ang diyalogo at sagutin ang mga kasunod na katanungan.

Naglalaro si Omar at Tony ng tagu-taguan. Nagtago si Omar sa likod ng


isang puno at doon niya nakita ang isang pitaka na puno ng pera. Dali-daling
tinawag nito si Tony at itinuro ang nakita.
Omar: Dalian mo Tony! May nakita akong
kakaiba rito!
Tony: Sige, ano ba iyan?
Omar: Nakikita mo ba iyan, anong gagawin
natin?
Tony: Itago natin at paghatian. Ikaw?
Alex: Oo nga tiyak marami akong
mabibiling laruan.
(Hindi nila napansin ang kanilang kapitbahay na guro na nakamasid sa kanila
at narinig ang usapan. Agad silang pinigil at kinausap.)
27
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Kapitbahay: Mga bata, narinig ko ang usapan
ninyo. Dapat ay isauli ninyo iyang
napulot ninyong pitaka dahil hindi
naman ito sa inyo. Huwag maging
makasarili at dapat maging tapat
kayo.

Omar at Tony: (Hiyang-hiya) Sori po ma’am. Natukso lamang po


kami. Hindi na po mauulit at isasauli
po naming ito sa may-ari.

Sagutin ang mga tanong.


1. Sino ang pumuna sa maling pasya ni Omar at Tony?

2. Anong mga katangian ang ipinakita ng dalawang bata na magpapatunay na tama ang
kanilang pasya at umiral ang konsenya lalo na nang kausapin sila ng kanilang kapitbahay?

3. Patunayan na ang puna na ibinigay ng guro sa dalawang bata ay naging epektibo.

4. Bakit mahalaga ang pagtatama sa mga mali mong pasya at kilos?

5. Kung ikaw ang isa sa mga bata, ano ang iyong mararamdaman kapag itinatama ang iyong
pasya? Ipaliwanag.

Gawain 4
Panuto: Suriing mabuti ang mga sitwasyon, isulat ang TAMA kung ito ay nagpapakita ng
tamang pasya at kilos sa mga tungkuling ibinigay sa isang batang katulad mo, isulat ang
MALI kung itong ay hindi nagpapakita ng tamang kilos.

1. Masayang naghugas ng pinagkainan si Tina pagkatapos nilang


kumain ng agahan.
2. Napasya si Mayo na siya na lamang ang maglalaba ng maduming
damit dahil masama ang pakiramdam ng Ina.

28
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
3. Hindi isinauli ni Kate ang sobrang sukli ng binili niyang suka sa
tindahan.
4. Nagwawalis ng bakuran si Anie tuwing umaga kahit hindi sinasabi ng
kanyang Nanay.
5. Nag-iigib ng tubig si Jake kung siya ay bibigyan ng perang pambili
ng miryenda.

Gabay na tanong:

1. Ano ang nakatulong sa iyo sa paggawa ng desisyong ito?

2. Ano ang pinagbatayan mo para sabihing tama o mali ang isang kilos?

Repleksiyon

Ang natutunan ko sa araling ito ay

Sanggunian
https://www.slideshare.net/razonlance/grade-7-esp-learners-module

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1: Magkakaiba ang kasagutan depende sa mag-aaral.


Gawain 2:
1, 2, 4, 5, 6, 8, 10
Gawain 3: Mga posibleng sagot sa pagwawasto

1. Kapitbahay na guro
2. Pagiging masunurin, tamang pagpapasya, pagiging mabuting bata at
pagtanggap ng pagkakamali
3. Nagbago ang dalawa simula nang pagsabihan sila ng kanilang kapitbahay.
4. Mahalaga ang pagtatama ng maling pasya at kilos upang maging produktibong
indibidwal sa hinaharap.
5. Ang sagot sa bilang na ito ay depende sa mag-aaral. Lahat ng kanilang sagot ay
tatanggappin at pag-uusapan kasama ang gabay ng guro.

29
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Gawain 4:
1. Tama
2. Tama
3. Mali
4. Tama
5. Mali

Repleksiyon (Maaaring kasagutan)

Ang natutunan ko sa araling ito ay ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao noong
siya ay likhain. Ito ay sa dahilang nakikibahagi siya sa karunungan at kabutihan ng Diyos. Sa
pamamagitan ng batas na ito, ang tao ay may kakayahang makilala ang mabuti at masama.
Dahil sa kalayaan, ang tao ay may kakayahang gumawa ng mabuti o masama. Nakaugat ito
sa kanyang malayang kilos-loob dahil ang pagtungo sa kabutihan o sa kasamaan ay may
kamalayan at kalayaan.

30
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
Pangalan: Lebel:
Seksiyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Ang Kaugnayan Ng Konsensya Sa Likas Na Batas Moral

PANIMULA (SUSING KONSEPTO)


Narinig mo na ba ang mga katagang “Malinis ang konsensya ko” o kaya naman
“Hindi maaatim ng aking konsensya”. Ano nga ba ang konsensya?
Ang salitang konsensya ay mula sa salitang Latin na “cum”, ibig sabihin ay “with”
o mayroon, at ang “scientia” ay nangangahulugang “knowledge” o kaalaman. Samakatuwid,
ang ibig sabihin ng konsensya ay “with knowledge” o mayroong kaalaman. Ang bagay na ito
ay ibinigay sa tao upang magkaroon siya ng kakayahan na kumilala ng mabuti o masama.
Ipinapahiwatig nito ang kaugnayan ng kaalaman sa isang bagay, sapagkat naipakikita nito
ang paglalapat ng kaalaman sa pamamagitan ng kilos na ginawa.
Ang paglalapat ng kaalaman ay maaaring magawa sa pamamagitan ng mga
sumusunod na paraan, ayon kay Santo tomas de Aquino: Una, nakikilala ng tao na may bagay
na siyang ginawa o hindi ginawa. Ikalawa, nahuhusgahan ng tao kung may bagay na dapat
sana’y isinagawa subalit ginawa. At ang ikatlo, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay
nagawa nang maayos at tama o nagawa nang di-maayos o mali. Ipinapakita dito na ang
konsensya ay nakakabit sa isip ng tao, kaya’t ito ay kakayahan ng isip na maghusga ng
mabuti at masama.
Ano naman ang Likas na Batas Moral?
Ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao noong siya ay likhain. Ito ay sa dahilang
nakikibahagi siya sa karunungan at kabutihan ng Diyos. Sa pamamagitan ng batas na ito, ang
tao ay may kakayahang makilala ang mabuti at masama. Dahil sa kalayaan, ang tao ay may
kakayahang gumawa ng mabuti o masama. Nakaugat ito sa kanyang kilos-loob dahil ang
patungo sa kabutihan o sa kasamaan ay may kamalayan at kalayaan. Likas sa tao na dapat
gawin ang mabuti at iwasan ang masama.
Mga katangian ng Likas na Batas Moral:
a. Obhetibo - ang batas na namamahala sa tao na nakabatay sakatotohanan. Ito ay
nagmula sa mismong katotohanan- ang Diyos..
b. Pangkalahatan (Unibersal)- ito ay batas para sa lahat ng tao. Nakapangyayari ito
sa lahat ng lahi, kultura, sa lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon.
c. Walang Hanggan (Eternal) - ang batas na ito ay walang hanggan,
walang katapusan at walang kamatayan dahil ito ay permanente.
d. Di-Nagbabago (Immutable)- ang batas na ito hindi nagbabago ang pagkatao ng
tao (nature of man).
Ayon kay Lipio, binibigyan ng batas moral ang pamumuhay ng tao. sinusunod niya
ang batas moral upang magawa ang mabuti, magkaroon ng paggalang sa kapwa at

31
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
makipagtulungan sa mga taong binigyan ng kapangyarihang pangalagaan ang kapakanan ng
lahat.
Ang konsensya ay maaaring uriin bilang tama at mali ayon sa Likas na Batas Moral
(Esteban, 1990)
Uri ng konsensya:

1. TAMA- ang paghuhusga ng konsensya at tama kung lahat ng kaisipan at dahilan na


kakailanganin sa paglalapat ng obhektibong pamantayan ay naisasakatuparan ng
walang pagkakamali. Tama ang konsensya kung hinuhusgahan nito ang tama bilang
tama at bilang mali ang mali (Agapay).
2. MALI – ang paghuhusga ng konsensya ay nagkakamali kapag ito ay nakabatay sa
mga maling prinsipyo o nailapat ang tamang prinsipyo sa maling paraan. Ayon kay
Agapay, mali ang konsensya kung hinuhusgahan nito ang mali bilang tama at ang
tama bilang mali.

Itinuturing ang konsensya bilang batas moral na itinanim ng Diyos sa isip at puso ng
tao. Ang tao mismo ang naghuhusga ng mabuti o masama sa kanyang gagawin gamit
ang kanyang konsensya.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda:
Nahihinuha na nalalaman kaagad ng tao ang mabuti at masama sa konkretong sitwasyon
batay sa sinasabi ng konsensya. Ito ang Likas na Batas Moral na itinanim ng Diyos sa isip at
puso ng tao. ESP7PS-IId-6.3
Gawain 1: CASE STUDY
Panuto: Ano ang iyong gagawin kung ikaw ay nahaharap sa ganitong sitwasyon.
Piliin ang iyong gagawin sa apat na pagpipilian at sagutin ang mga tanong.

A. Sa sitwasyon sa ibaba, tukuyin mo kung tama o mali ang mga pagpipilian.


Pangatwiranan ang iyong naging sagot, isulat sa espasyo para sa
paliwanag.

1. Habang ikaw ay naglalakad pauwi galing eskwelahan ay nakita mong nalaglag


ng isang babae ang kanyang pitaka. Nang tingnan mo ito ay naglalaman ng libo-
libong halaga. Naroon din ang mahahalagang I.D. ng may-ari nito.
Malubha ang kalagayan ng iyong ama at kailangan siyang maipagamot.

32
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
1. 2.

Hindi ko ito pupulutin dahil Isasauli ko ito sa may-ari.


hindi naman ito sa akin.
( ) Tama ( ) Mali
( ) Tama ( ) Mali
Paliwanag:
Paliwanag:

3. 4.
Kukunin ko ito para Sasabihin ko ito sa kasama ko
maipagamot ang tatay ko. para siya ang pumulot sa
( ) Tama ( ) Mali pitaka.

Paliwanag: ( ) Tama ( ) Mali


Paliwanag:

B. Matapos ang gawain, sagutin mo ang mga sumusunod na tanong.


1. Alin sa apat na sitwasyon ang sinagutan mo ng tama? Bakit mo nasabing tama?

2. Alin sa mga ito ang sinagutan mo ng mali? Bakit mo nasabing ito ay mali?

33
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
3. Paano mo nalaman ang tama o mali sa sitwasyong ito?

Gawain 2: TAMA O MALI


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Isulat ang T kung ang
pahayag ay tama at M kung ito ay mali. Isulat ang sagot sa patlang.
1. Ang konsensiya ang pinakamalapit na pamantayan ng moralidad.
2. Ang konsensiya ay likas sa tao upang maghusga sa mabuti o masama na maaaring
gawin.
3. Ang tao ang nanghuhusga ng mabuti o masama na kanyang ginawa gamit ang
kanyang damdamin.
4. Ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao noong siya ay likhain.
5. Nawawala ang dangal ng konsensya kapag ipinagwawalang bahala ng tao ang
katotohanan at kabutihan.
6. Ang moralidad ay likas na kaalaman tungkol sa mabuti at masama
7. Ang kamangmangan ay likas na kaalaman tungkol sa mabuti at masama.
8. Ang konsensiya ay isang natatanging kilos pangkaisipan, isang paghuhusga ng
ating sariling katwiran.
9. Ang Likas na Batas Moral ay likas sa tao at ito ang gumagabay sa kilos nito.
10. Nagiging tama ang konsensya kung ang paghusga ng konsensya ay nagkakamali
at kapag ito ay nakabatay sa mga maling prinsipyo.

Gawain 3: PAGPUNO SA PATLANG


Panuto: Punan ang patlang ng angkop na salita upang mabuo ang diwa ng
pangungusap. Piliin sa kahon ang sagot.

Likas na Batas Moral Konsensya Alicia Lipio Eternal law


Kalayaan Kamalayan Pananagutan
Paghuhusga Ramon Agapay Santo Tomas de Aquino

1. Ang ay isa sa mga kilos ng isip na nag-uutos o naghuhusga sa mabuting dapat


gawin o sa masamang dapat iwasan.
2. Ang ay tumutukoy sa likas o natural na batas ng kalikasan at kalawakan na
ginawa ng Panginoon. Ang batas na ito ay hindi maiiwasan, hindi maiiba, at hindi
mababago.
3. Ang ay itinuturing na kasingkahulugan ng mga salitang tungkulin,
obligasyon, at responsibilidad na dapat gawin ng isang tao para sa kanyang sarili at para sa
kanyang bayan.
4. “Ang konsensya ay isang natatanging kilos pangkaisipan, isang paghuhusga ng ating
sariling katwiran”. Ito ay prinsipyo ni .
5.Ang ng tao ay palaging may kakambal na pananagutan.
6. Ang ay mga batas na ipinagkaloob sa tao bilang tugon sa kanyang
pakikibahagi sa kabutihan at karunungan ng Diyos.
7. Ang lahat ng tao ay dapat may sa batas pantao.
34
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
8. Ang maingat na ay pagpapakita na mayron kang pagpapahalaga sa
damdamin ng iba, iniisip mo kung ano ang mga maaari ring negatibong epekto nito sa isang
tao.
9. “Mali ang konsensya kung hinuhusgahan nito ang mali bilang tama at ng tama ang mali.”
Ang katagang ito ay ayon kay .
10. “Ang pagsunod sa batas moral upang magawa ang mabuti, magkaroon ng paggalang sa
kapwa at makipagtulungan sa mga taong binigyan ng kapangyarihang pangalagaan ang
kapakanan ng lahat”. Ito ay prinsipyo ni .

Gawain 4
Marahil narinig mo ang payo na, “Gawin mong gabay ang iyong konsensya”, sa
tuwing nahaharap ka sa isang mahalagang pagpapasya. Maraming paniniwala ang nakakabit
sa salitang ito, gayundin ang iba’t ibang pakahulugan dito. Ikaw, ano ang pakahulugan mo sa
salitang ito?
Isulat sa mga bilog sa ibaba ang mga salitang nagbibigay kahulugan sa salitang
KONSENSYA. Gawing gabay ang halimbawa sa ibaba.

KONSENSIYA

Halimbawa:
Gabay sa pagkilala ng
mabuti at masama

Gawain 5
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at bilugan ang titik ng
tamang sagot.

35
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
1. Humuhusga kung paano ilalapat ang pangkalahatang kaalaman na ito sa partikular na
sitwasyon na ating kinakaharap at gumagabay sa atin na magpasiya kung ano ang mabuting
kinakailangang gawin at masamang kinakailangang iwasan.
A. Kamangmangan K. Konsensya
B. Pagninilay D. Pagsusulit
2. Isa sa mga kilos ng isip na nag-uutos o nanghuhusga sa mabuting dapat gawin o sa
masamang dapat iwasan.
A. Kamangmangan K. Pananagutan
B. Pagsusulit D. Konsensya
3. Ang likas na batas moral ay hindi imbensiyon ng tao, ito ay natutuklasan lamang. Ito ang
pangkalahatang katotohanan na may makatwirang pundasyon. Anong katangian ng likas na
batas moral ang tinutukoy sa pangungusap?
A. Obhektibo K. Walang Hanggan
B. Unibersal D. Di nagbabago
4. Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsensya?
A. Mapalalaganap ang kabutihan
B. Makakamit ng tao ang tagumpay
K. Maaabot ng tao ang kanyang kaganapan
D. Mabubuhay ang tao nang walang hanggan
5. Sobra ang sukli na natanggap ni Melody nang bumili siya ng pagkain sa isang restawran.
Alam niyang kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang bahay ngunit isinauli parin
niya ang sobrang pera. Anong uri ng konsensya ang ginamit ni Melody?
A. Tamang konsensya K. Maling konsensya
B. Purong konsensya D. Mabuting konsensya

Repleksiyon
Ang natutunan ko sa araling ito ay

Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapakatao 7, pahina 137-159
Gabay ng Guro sa ESP 7, pahina 39
K to 12 Kurikulum

Susi ng Pagwawasto
Gawain 1 Gawain Gawain 3 Gawain 4 Gawain
2 5
1. Tama 1. Konsensiya 1. Nanghuhusga 1.K
A. sa mabuti at
36
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
1. Tama, sapagkat masamang
mali o hindi gawain.
mabuti ang 2. Tama 2. Eternal law 2. Munting tinig 2.D
kumuha ng sa likod ng
bagay na 3. Mali 3. Pananagutan isipan
hindi pag-aari. 3.A
2. Tama, sapagkat 4.Tama 4. Santo tomas de 3. Pag-unawa
iyon ang Aquino sa tama at
nararapat at para 5.Tama mali 4.K
hindi usigin ng 5. Kalayaan
konsensiya. 6. Mali 4. Tumatayong
3. Mali, dahil may 6. Likas na Batas testigo sa 5.A
ibang paraan 7.Mali Moral kilos na
ginawa o
upang
magkaroon ng 8. Tama 7. Kamalayan hindi ginawa.
pera at
9.Tama
maipagamot ang 8. Paghuhusga
aking tatay.
10. Mali
4. Mali, sapagkat 9. Ramon Agapay
hindi naaayon sa
kabutihan ng 10. Alicia Lipio
Diyos ang
ipagawa sa kapwa
ang masama.

Gawain 1: B

1. Sitwasyon 1&2, 2. Sitwasyon 3&4, 3. Nalaman ko na tama


sinagutan ko ng tama sinagutan ko ng mali o mali ang mga
dahil ito ang mabuti dahil ito ay hindi sitwasyon dahil ako
at ibinububulong ng dapat at ito ang tinig bilang tao ay
aking konsensiya. na ibinubulong ng pinagkalooban ng
aking isipan. kakayahang kumilala
sa mabuti at masama.

37
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
Pangalan:
Lebel:
Seksiyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Ang Kaugnayan ng Konsensiya sa Likas na Batas Moral

Panimula (Susing Konsepto)

Bahagi ng buhay ng tao ang gumawa ng pasiya araw-araw. Mula paggising sa umaga
magsisimula na ang maghapong pagpapasya. Babangon na o hindi pa, maliligo o
maghihilamos, kakain o mamaya pa ay ilan lamang sa mga pagpapasyang ito. Marahil hindi
na nga ito napapansin bilang bahagi ng pang-araw-araw na gawain.
Sa pagpili o panghuhusgang ginagawa ng tao, may kailangan silang pag-ukulan ng
pansin, ito ay ang pagpili sa pagitan na tama o mali na kaniyang gagawin.
Ang Likas na Batas Moral ay likas sa tao dahil sa kanyang kalagayan. Layon ng Batas
Moral na pagkalooban ang tao ng kinakailangang batayan upang makagawa ng tamang pasya
at kilos. Sa tamang pagpapasya, kailangang ang paghuhusga ng konsensya, kung ang
paghatol ay hindi naaayon sa likas na Batas Moral, ang konsensiya ay maaari pa ring
magkamali.

Kasanayang Pampagkatuto at koda

Nakabubuo ng tamang pangangatwiran batay sa Likas na Batas Moral upang


magkaroon ng angkop na pagpapasya at kilos araw-araw. ESP7PS-IId-6.4

GAWAIN 1
Panuto: Basahin at bilugan ang tamang sagot sa mga pahayag
1. Lumaki si John Llyod sa isang pamilyang relihiyoso. Habang siya ay lumalaki at
nagkakaisip, nakikita niya ang maraming mga pagkakataon na kailangan niyang maging
matatag laban sa tuksong gumawa ng masama. Dahil dito, madalas siyang sumasangguni
sa maraming mga mahahalagang aklat na magtuturo sa kanya ng mga batayan sa pamimili
ng tama at mabuti. Anong pamamaraan sa paglinang ng konsensya ang inilalapat ni John
Lloyd.
a. Sanayin ang sarili na pinakikinggan at sinusunod ang konsensya.
b. Ipagpaliban muna ang pasya o kilos kung may pag-aalinlangan at agam-agam.
c. Isabuhay ang mga moral na alituntunin. Nalilinang ang konsensya sa pamamagitan
ng pagsasabuhay ayon sa tamang alituntunin.
d. Pag-aralan ang mga moral na alituntunin upang maging sensitibo ang konsensya sa
pagkilala sa mabuti at masama.
2. Ano ang maitutulong ng pag-iwas ng tao sa paggamit ng maling konsensya?
a. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan.
b. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan.
c. Makakamit ng tao ang kabanalan.
d. Wala sa nabanggit
38
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
3. Hindi pare-pareho ang dikta ng konsensya ng bawat tao. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao.
b. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayang nararapat na sinusunod ng lahat ng tao.
c. Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti man o
masama.
d. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ng
tao.
4. Sobra ang sukling natanggap ni Melody nang bumili siya ng pagkain sa isang restawran.
Alam niyang kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang bahay ngunit isinauli pa
rin niya ang sobrang pera. Anong uri ng konsensya ang ginamit ni Melody?
a. Tamang konsensya
b. Maling konsensya
c. Purong konsensya
d. Mabuting konsensya
5. Ang likas na batas moral ay hindi imbensyon ng tao, ito ay natutuklasan lamang. Ito ay
pangkalahatang katotohanan na may makatuwirang pundasyon. Anong katangian ng likas
na batas moral ang tinutukoy sa pangungusap?
a. Obhektibo
b. Walang hanggan
c. Unibersal
d. Di nagbabago
6. Maaaring maging manhid ang konsensya ng tao. Ang pahayag ay:
a. Mali, dahil hindi ito ang kalikasan ng tao.
b. Mali, dahil kusang gumagana ang konsensya ng tao sa pagkakataon na ito ay
kailangan.
c. Tama, dahil maihahalintulad ito sa damdamin ng tao na maaaring maging manhid
dahil sa patuloy na pagsasanay.
d. Tama, dahil kung patuloy na babalewalain ng tao ang dikta ng konsensya
magiging manhid na ito sa pagkilala ng tama.
7. Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsensya?
a. Mapalalaganap ang kabutihan
b. Makakamit ng tao ang tagumpay
c. Maaabot ng tao ang kanyang kaganapan
d. Mabubuhay ang tao nang walang hanggan
8. Ang likas na batas moral ay nakapangyayari sa lahat ng lahi, kultura sa lahat ng lugar at sa
lahat ng pagkakataon. Ito ay nangangahulugang ang likas na batas moral ay:
a. Obhektibo
b. Walang hanggan
c. Unibersal
d. Di nagbabago
9. Ang sumusunod ay katangian ng konsensya maliban sa:
a. Sa pamamagitan ng konsensya, nakikilala ng tao na may mga bagay siyang
ginawa o hindi ginawa.
b. Sa pamamagitan ng konsensya, nakikilala ng tao ang tamang bagay na dapat
gawin at masamang dapat iwasan.
c. Sa pamamagitan ng konsensya, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay
nagawa nang maayos at tama o nagawa nang di-maayos o mali.
d. Sa pamamagitan ng konsensya, nahuhusgahan ng tao kung may bagay na dapat
siyang ginawa subalit hindi niya ginawa o hindi niya dapat isagawa subalit ginawa.

39
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
10. Ang pagbebenta ng pirated na CD sa mga bangketa ay malaki ang naitutulong sa mga tao
dahil mas nakatitipid kaysa bumili ng orihinal na kopya. Halos lahat ng tao ay ito na ang
hinahanap sa kasalukuyan kung kaya lumalaki na ang negosyong ito at marami ang
natutulungan. Ang sitwasyong ito ay nagpapatunay na:
a. May mga pagkakataong ang paghuhusga ay nararapat na ibatay sa benepisyo o
tulong sa taong nagsasagawa ng kilos.
b. Ang masamang pamamaraan sa pagkamit ng layunin ay mababalewala kung ang
layunin ay mabuti at tama.
c. Ang isang bagay na mali ay maaaring maging tama kung ito ay nakatutulong sa
mas nakararami.
d. May mga kilos na nagmumukhang tama at normal dahil sa dami ng gumagawa
nito.

GAWAIN 2
Panuto: Kung sa iyo mangyayari ang mga sitwasyon, ano kaya ang mararamdaman
mo? Kulayan ang mukhang kumakatawan sa maari mong maramdaman. Gamitin ang pulang
krayola.

1. Hindi mo nagawang mag-aral kagabi kahit alam


mong may exam ka sa Math. Nanood ka kasi ng
sine at pagod ka nang umuwi sa bahay niyo.
Napakahirap ng exam na sinagutan mo. Para
makapasa, nangopya ka sa sagot sa kaklase mo.

2. Nakita mong nakakalat ang pitaka ng daddy mo.


Naiwan niya ito at ikaw lamang. Ang tao sa bahay n’yo.
binuksan mo ang pitaka at kinuha ang isang daang piso
para idagdag sa baon mo.

3. Lumapit sa iyo ang best friend mo at sinabi ang


pinakalalim niyang lihim tungkol sa kanyang sarili.
sinabi niya na ikaw lamang daw ang nakaaalam nito.
Kaaalis pa lamang ng bestfriend mo nang dumating
ang isa mong barkadana si Junjun. Sinabi mo rito ang
lihim ng iyong pinakamatalik na kaibigan.

4. Binigyan mo ng magandang papuri ang guro mo sa


Filipino. Minsang kausap ka nito sa pasilyo. Nang
tumalikod ito, agad mo siyang siniraan sa mga kaklase mo.

5. Tinawagan ka ng tatlo mong barkada sa isang madilim


na lugar at inalok ka nilang humithit ng sigarilyo. Sa
una ay tumamnggi ka dahil alam mo na ito ay masamang
bisyo. Ngunit pinilit ka nila at sinabing makisama ka raw
sa kanila. Dahil dito’y hindi ka na nakatanggi at pinagbigyan
mo rin sila.

GAWAIN 3

40
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Panuto: Basahin ang tula at alamin ang mensaheng sinasabi nito. Sagutin ang kasunod na
katanungan.

Konsensiya, Ikaw ba Yan?


Ni Benjie A. Amarillas

Sino ka ba? Huwag mo sanang guluhin


Bakit ka nariyan? Ang aking umaga
May kailangan ka ba? Hindi mo na ako
Ba’t di mo ako tigilan? Pinatulog kagabi
Alam kong masama
Hindi, hindi ko ginusto ‘yan Ang ginawa ko
Napilitan lamang ako Kaya’t ito ako
Masama namang tingnan Natatakot, nagsisisi
Kung tatanggi ako sa kanila Kailangan ko ba
Isang beses ko lang naman Itong ikumpisal
Itong ginawa Para sa ikakapanatag
Hindi na ito mauulit,promise ng puso ko at isipan?
Sige, umalis ka na
Tigilan mo na ako please lang Ba’t ayaw mo akong iwan
Gusto ko nang manahimik Sino ka ba, ano ka ba?
Gusto ko nang matulog At ayaw mo akong tigilan
Gusto ko nang magpahinga Konsensiya, konsenya
Ikaw ba ‘yan?

1. Sino o ano sa iyong palagay ang kinakausap ng may akda sa binasa mong tula?

2. Naniniwala ka ba sa konsensiya? Bilang tao, nararamdaman mo ba na mayroon ka


rin nito? Bakit?

3. Paano mo masasabing malinis o mabuti ang konsensiya ng isang tao? Ipaliwang ang
iyong sagot.

41
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
4. Natatakot ka bang gumawa ng mga bagay na masama? Ilahad ang pangyayaring ito sa
buhay mo. Ano ang nararamdaman mo bago mo ito gawin, habang ginagawa o ito at
matapos mo itong gawin?

5. Paano mo mapananatili ang konsensiyang malinis, mabuti, at nakapagbibigay ng


kapayapaan sa iyong kalooban?

Gawain 4
Hanggang saan nga ba nasusukat ang kakayahan nating kumilala at humusga sa
mabuti at masasamang bagay na ginagawa ng tao?
Sa ibaba ay makikita ang hanay ng mga gawain at pangyayaring nagaganap sa buhay
natin ngayon. Iguhit ang masayang mukha ( ) sa patlang ng kilos o pangyayari na
kinikilala mong tama o mali, at malungkot na mukha naman ( ) kung mali o
masama.

1. Pangongopya na sagot sa kaklase habang kumukuha ng pagsusulit.


2. Pag-iingat at pagsasauli ng hiniram na gamit.
3. Pagbibigay ng donasyon o tulong sa mga nangangailangan.
4. Pagkuha at pag-angkin sa mga bagay na hindi pag-aari.
5. Pagpapautang nang may malaking interes sa mga taong nangangailanan at
nagigipit.
6. Pagrerebelde laban sa mga magulang.
7. Pagliban sa klase at paglalakwatsa.
8. Pananakit at pagbubuhat ng kamay sa mga kapwa mag-aaral.
9. Pagsagot ng pabalang sa nakatatanda.
10. Palagiang pagsama at pakikiisa sa walang pinatutunguhang mga gimik ng
barkada.

GAWAIN 5
Panuto:
Basahin at unawain ang sitwasyon sa ibaba. Suriin ito sa pamamagitan ng pagkilala sa
sasabihin o paghuhusga ng konsensiya sa sitwasyong ito. Isulat ito sa unang hanay o
kolum. Kilalanin din ang pinagbatayan ng konsensiya sa paghusga nito.
Isulat ito sa ikalawang hanay o kolum. Gabay mo ang naunang sitwasyon bilang
halimbawa.

42
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Halimbawa:
Sitwasyon:
Nawala mo ang perang binigay ng tatay mo na
pambayad sa proyekto ninyo. Natagalan bago ka nabigyan
dahil nahirapan siyang kitain ang perang iyon dahil inuna ang
pangangailangan ninyo sa araw-araw. Mahigpit niyang bilin
na ibayad mo ito agad.

Panghuhusga ng Batayan ng Paghuhusga


Konsensiya (Likas na Batas Moral
Sabihin sa Tatay Kailangang pahalagahan ang
ang nangyari. Tumulong katotohanan, kaya’t masama
na makagawa ng paraan ang magsinungaling.
upang makabayad sa
proyekto.

Simulan mo sa bahaging ito:

Sitwasyon 1:

Alam na alam ni Amy ang ginagawa ng kaniyang mga kaklase


na paggagayahan sa test. Hindi sila nahuhuli ng kanilang guro.
Hindi nakapag-aral si Amy para sa pagsusulit sa Matematika sa
araw na ito, kaya’t naisip niyang gawin din ang ginagawa ng
kaniyang mga kaklase na manggaya.

Panghuhusga ng Batayan ng Paghuhusga


Konsensiya (Likas na Batas Moral

Sitwastion 2:

Malaki ang tiwala ng mga magulang ni Penny sa kaniya. Kahit malayo ang
bahay nila sa kanilang paaralan, pinayagan siya na tumira malapit sa
paaralan sa kanilang bayan. Tuwing Biyernes nang hapon siya umuuwi sa
kanilang lugar at bumabalik sa inuupahang bahay tuwing Linggo nang
hapon. Isang araw, niyaya si Penny ng kaniyang mga kaklase na mag-
inuman sila. Hindi naman daw siya mapapagalitan dahil hindi naman
malalaman ng kaniyang magulang.

43
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Paghuhusga ng Batayan ng Paghuhusga
Konsensiya (Likas na Batas Moral

Gawain 5
Gawin ang “ Kontrata ng mga Pasya at Kilos na Pauunlarin Ko” Gawing gabay ang
unang halimbawa kung paano ito gagawin.
Kung Ang pasya o kilos na kailangang
baguhin.
Damdamin ko Damdamin ko sa pasya o kilos.
Kaya Ang dapat kong gawin tungo sa
kabutihan.

Halimbawa:
Linggo Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado
Kung Naglalaro ako
ng computer
games bago
gawin ang
aking
homework.
Damdamin Nalulungkot
ako dahil
naging pabaya
ako. Nagsisisi
ako dahil wala
akong
naisumite na
homework
kinabukasan.
Kaya Uunahin ko
ang paggawa
ng homework
bago
maglibang
tulad ng
paglalaro ng
computer
games.

44
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Repleksiyon

Ang natutunan ko sa araling ito ay

SANGGUNIAN
K to 12 Curriculum Guide, EdukasyonsaPagpapakatao Textbook Grade 7
EsP Curriculum Guide
Kagamitanngmga Mag-aaralEsP 7, pp. 137-159

Susi sa Pagwawasto

GAWAIN 1:
1. d
2. a
3. d
4. a
5. a
6. d
7. c
8. b
9. b
10. d

GAWAIN 2. Maaaring magkakaiba ang kasagutan


GAWAIN 3. Maaaring magkakaiba ang kasagutan
GAWAIN 4 . Maaaring magkakaiba ang kasagutan
GAWAIN 5. Maaaring magkakaiba ang kasagutan

45
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
Pangalan:: Lebel:
Seksiyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Indikasyon ng Pagkakaroon O Kawalan ng Kalayaan

Panimula (Susi ng Konsepto)


Ang kalayaan ng isang kilos-loob na itinakda ng isang tao ang kanyang kilos tungo sa
kanyang maaaring kahihinatnan at ang mga paraan upang makamit ito. Ang konsepto ng
kalayaan ay nangangahulugan na magagawa o nakakayang gawin ng tao ang nararapat upang
makamit ang pinakamataas at pinakadakilang layunin ng kanyang pagkatao.
Isa sa mga indikasyon at palatandaan ng kawalan ng kalayaan ay tulad ng mga OFW
nainaabuso ng mga amo, mga batang palaboy sa lansangan, mga batang sinasaktan ng
kanilang mga magulang at kasambahay at mga taong ikinukulong ng walang kasalanan.
Sa araling ito ay nakikilala natin kung ang kalayaan ng isang tao ay naisasagawa at
kung kalian ito napagwawalang bahala.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Nakikilala ang mga indikasyon/palatandaan ng pagkakaroon o kawalan ng kalayaan.
EsP7PT-IIe-7.1

Gawain 1
Panuto: Bilugan ang mga salita na tumutukoy sa aralin. Ang hindi kaayon ng pagkakaroon at
kawalan ng kalayaan.
N A A Y A L A K B S E

A B E D U K A S Y O N

L U D I G N I D A D K

A S T G O P P R S T M

W O N N A S S S R P T

A S B B S S R A O M T

K B M D D S R A T M O

46
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Gawain 2
Panuto: Basahin at unawain ang mga bawat pangungusap. Iguhit ang  kung nagpapakita ng
kalayaan. Iguhit ang  kung nagpapakita ng kawalan ng kalayaan.
1. Si Marina ay nakakalathala ng mga sulatin sa kanyang sariling opinion
at kuro-kuro.
2. Karapatan nating bumoto tuwing araw ng pagpipili o eleksyon.
3. OFW na inabuso ng mga amo sa ibang bansa.
4. Si Mang Kanor ay inaresto ng walang kaukulang warrant of arrest.
5. Iskolar si Joanna sa isang paaralang pinapasukan niya.
Gawain 3
Panuto: Basahin ang artikulo:
Ang pansariling disiplina at pagsunod sa ipinatutupad na batas ang isa sa mga
pangunahing hakbang upang mabigyang saysay ang pagdiriwang ng ating kalayaan. Ang
kalayaan ay hindi nangangahulugan na malaya tayong gawin anuman ang ating naisin,
bagkus ay may kalakip na responsibilidad bilang mamamayan. Hindi sapat na sabihin lamang
nating tayo ay nagmamahal sa bayan. Dapat na may kaakibat itong gawa. Dapat ring tayo ay
maging masipag at produktibong mga mamamayan upang tuluyang magapi ang kahirapan.
Ang mga kabataan na ma’y dapat na pagbutihin ang kanilang pag-aaral nang sagayo’y
magkaroon sila ng maayos na trabaho sa hinaharap at kung magkapamilya ay mapag-aaral
din nila ang kanilang mga anak. Kapag nagkagayon, unti–unting nawawakasan ang
kahirapan, kakulangan ng wastong edukasyon at korapsyon sa ating bansa.

TAMA O MALI: Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto ang ipanahahayag ng bawat
bilang at MALI kung ito ay di batay sa pangyayari sa artikulo.
1. Ang kalayaan ay may kalakip na disiplina at responsibilidad.
2. Ang kabataan ay dapat pagbutihin ang pag-aaral upang maging
produktibo ito na mamamayan.
3. Sapat na sabihin lamang nating tayo ay nagmamahal ng bayan.
4. Ang pangangalaga sa kalikasan ay pagmamahal sa ating kalayaan.
5. Edukasyon ang mag- aahon sating kahirapan.

Gawain 4
Panuto: Gumawa ng poster na nagpapakita ng pagkakaroon o kawalan ng kalayaan. Ilagaysa
¼ illustration board.
Rubriks sa Pagpupuntos:
Panuto: Pamantayan sa pagbibigay ng mga puntos.
Kaangkupan sa Paksa - 30%
Orihinal ngPagkagawa - 20%
Biswal naKagandaan - 30%
MaiklingPagpapaliwanag sa Likhang Sining - 20%
Kabuuong Puntos
100%

47
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Repleksiyon

Ang natutunan ko sa araling ito ay

Sanggunian
Esp Grade 7 LM PT 11e 7.1
- De Torre, Joseph M. Christian Philosophy: Manila Sinagtala Publisher
- http://nhcp.gov.ph.isangpagpupugaysaatingmgabayani

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
N A A Y A L A K B S E

A B E D U K A S Y O N

L U D I G N I D A D K

A S T G O P P R S T M

W O N N A S S S R P T

A S B B S S R A O M T

K B M D D S R A T M O

Gawain 2 Gawain 3
1.  1. Tama
2.  2. Tama
3.  3. Mali
4.  4. Tama
5.  5. Tama
Gawain 4.
Iba-iba ang kasagutan. Ang pagpupuntos ay ayon sa rubriks.

48
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Pangalan: Lebel:
Seksiyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Tunay na Kalayaan

Panimula (Susing Konsepto)

Ang tunay na kalayaan ay napakahalagang karapatan ng bawat tao. Kung mayroon ka


nito ay ibig sabihin walang anumang gumagapos sa iyo. Nakakapamuhay tayo ng matiwasay
at payapa. May matiwasay ring kalooban at hindi nababalot ng anumang uri ng takot. May
kakayahang tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod ng taos sa puso ninuman. Ito
ay kusang loob na pinagkakaloob ng ating Dakilang Lumikha sa sinuman. Ang bawat tao ay
may kalayaan sa pagsunod sa batas na may kaakibat na limitasyong magawa ang anumang
gawaing nanaisin ngunit ito ay may kalakip na responsibilidad.
Kaugnay ng kalayaaang ito, ay may kaugnayan ang konsensya sa likas na batas moral.

Kasanayang Pampagkatuto at koda


Nasusuri kung nakikita sa mga gawi ng kabataan ang kalayaan. EsP7PT-IIe-7.2

Gawain 1
Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang salita na inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang sagot
sa sagutang papel. Maaring maulit ang sagot.

Likas na Batas Moral Konsensya Puso Katawan


Kalayaan Isip Panlabas na Kalayaan Kilos-
loob Kaluluwa

1. Ito ay may kapangyarihang maghusga, mangatwiran, magsuri, mag-alaala at umunawa


ng kahulugan ng mga bagay.
2. Ito ay maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sa buong pagkatao ng tao.
3. Ito ang karaniwang ginagamit sa pagsasakatuparan ng isang kilos o gawa.
4. Ang kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili ay tinatawag
na .
5. Ang tao ay biniyayaan ng kakayahan na kumilala nang mabuti o masama.
6. Ang ay ibinigay sa tao noong siya ay likhain.
7. Ito ang “katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa kanyang
maaaring hantungan at ang paraan upang makamit ito”.
8. Ito ang kalayaan upang isakatuparan ang gawain na ninais ng kilos-loob.
9. Ang hindi material na aspekto o bahagi ng tao o ibang nilikha ay .
10. Ito ay isang salita na hinahangad ng bawat isa para sa isang buong kapayapaan.

49
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Gawain 2
Panuto: Tukuyin kung alin sa mga gawain sa ibaba ang nagpapakita ng pagkakaroon ng
kalayaan at alin sa mga ito ang walang kalayaan. Isulat ang titik ng gawain na
nagpapakita ng kalayaan sa unang hanay. Isulat din ang titik ng gawain na
nagpapakita ng kawalan ng kalayaan.

Nagpapakita ng Nagpapakita ng Kawalan ng


Kalayaan Kalayaan

A. Paggawa ng gawaing bahay D. Maagang pakikipagrelasyon


B. Pag-inom ng alak E. Pakikipag-away
C. Bayanihan F. Pag-aaral ng leksyon sa kabilang kasarian

Gawain 3
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag sa ibaba. Isulat ang salitang TAMA
kung ito ay nagpapahayag ng tamang konsepto. Isulat ang MALI kung ito ay
nagpapahayag ng maling konsepto.
1. Ang isip ay ginagamit sa pang-unawa.
2.Walang kakayahan ang taong tuklasin ang totoo.
3. Likas sa tao ang inklinasyon na gumawa nang mabuti.
4. Ang kilos-loob ay ginagamit sa pagkilos at paggawa.
5. Walang epekto sa ating pagkatao ang pagsisinungaling.
6. Ang tao ay may kakayahan na piliin ang mabuti at masama
7. Ang kalayaan ay isang napakahalagang karapatan ng bawat tao.
8. Ang tunay na kalayaan ay nakakapamuhay ng matiwasay at payapa.
9. Nababase sa mga kaguluhan ang pagkamit ng tunay na kalayaan.
10. Karapatan ng bawat tao ang makaranas ng tunay na kalayaan habang siya ay
nabubuhay.

Gawain 4
Panuto: Bilang malayang kabataan na may isip at kilos-loob may tungkuling nakaatang sa iyo
na dapat mong isabuhay. Suriin mo ang iyong sarili kung alam mo ang mga ito at kung tugma
ang kilos mo sa iyong kaalaman. Magtala ng limang tungkulin ng isang kabataang katulad
mo. Suriin mo kung alam mo ang mga ito sa pamamagitan ng paglalagay ng simbolong tsek
( ) o ekis (×) sa tapat nito. Suriin din kung ginagawa mo ito sa pamamagitan ng paglalagay
ng parehong simbolo. (5 PUNTOS)

50
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Tungkulin Alam ko Ginagawa ko Natuklasan

Pumili ng awiting
pakikinggan

Gawain 5
Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon sa ibaba. Suriin ito sa pamamagitan ng pagkilala
sa maaaring kahihinatnan ng kilos sa bawat sitwasyon. Isulat ito sa unang kolum
ang agarang epekto o kahihinatnan ng kilos. Isulat din sa ikalawang kolum ang
pangmatagalang epekto ng kilos. (5 PUNTOS)

SITWASYON AGARANG EPEKTO PANGMATAGALANG


EPEKTO

Kapag tinanggihan ko ang


alok ng kaibigan kong
sumama sa kanya para
mamasyal
habang may pandemya

Repleksiyon
Mahusay at natapos mo ang iyong mga gawain. Batay sa iyong karanasan sa iba’t
ibang gawain sa iyong palagay ano ang implikasyon nito sa iyo na magagamit mo sa iyong
pang araw-araw na gawain?

Sanggunian
https://www.slideshare.net/razonlance/grade-7-esp-learners-module

Mula sa Aklat:
ESP Curriculum Guide
Kagamitan ng mga mag-aaral sa Edukasyon sa Pagkakatao 7, pp. 137-15

Susi sa Pagwawasto

51
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Gawain 1
1. Isip 6. Likas na Batas Moral
2. Puso 7. Kalayaan
3. Katawan 8. Panlabas na kalayaan
4. Kilos –loob 9. Kaluluwa
5. Konsensya 10. Kalayaan

Gawain 2
Nagpapakita ng Nagpapakita ng Kawalan ng
Kalayaan Kalayaan
A B
C D
F E

Gawain 3
1. TAMA 6. TAMA
2. MALI 7. TAMA
3. TAMA 8. TAMA
4. TAMA 9. MALI
5. MALI 10. TAMA

Gawain 4
Iba-iba ang kasagutan ng mga mag-aaral
Gawain 5
Iba-iba ang kasagutan ng mga mag-

aaral

52
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
Pangalan:
Petsa: Baitang:
Iskor:

GAWAING PAGKATUTO
Kalayaan

Panimula (Susing Konsepto)

Ano nga ba ang ibig sabihin ng kalayaan? Kailan naipapamalas ang kalayaan ng isang
tao? Ayon kay Santo Tomas de Aquino ang kalayaan ay, “katangian ng kilos-loob na
naitakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa kanyang maaring hantungan at ang paraan upang
makamit ito.” Nangangahulugan ito na malaya ang taong gamitin ang kanyang kilos-loob
upang pumili ng partikular na bagay o kilos. Ayon naman kay Esther Esteban (1990), ang
konsepto ng kalayaan ay nangangahulugan na nagagawa o nakakayang gawin ng tao ang
nararapat upang makamit ang pinakamataas at pinakadakilang layunin ng kanyang pagkatao.
Malaya ang taong linangin ang kanyang sarili at paunlarin ito. Ngunit pakatandaan na ang
kalayaan ng tao ay palaging may kakambal na pananagutan.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nahihinuha na likas sa tao ang malayang pagpili sa Mabuti o sa masama; ngunit ang
Kalayaan ay may kakambal na pananagutan para sa kabutihan. (EsP7PTIIf-7.3)

Gawain 1:
Panuto: Tukuyin sa bawat larawan ang nagpapakita ng tunay na kalayaan o kawalan ng
kalayaan.

Larawan Deskripsiyon Sagot: Tunay na Kalayaan


o Kawalan ng Kalayaan
Pagbabasa

53
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Pagsama sa Bisyo

54
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Paglilinis sa Bahay

Paglalaro ng ML

Pagdidilig ng Halaman

Gawain 2:
Isulat ang mga kaisipan at konsepto na natatandaan mo tungkol sa kahulugan ng
KALAYAAN.

KALAYAAN

55
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Gawain 3:
Panuto: Suriin ang sumusunod na pahayag. Ikaw ay malaya na sumagot sa bawat
pangungusap. Lagyan ng tsek (/) kung ikaw ay sumasang-ayon o hindi sumasang-ayon.

PAHAYAG SUMASANG-AYON HINDI SUMASANG-


AYON
1. Wala na mang mawawala
sa isang babae na nagpapakita
ng kaniyang hubad na sarili
sa internet. Nakikita lang
naman ito at hindi
nahahawakan.
2. Ang pagbebenta ng sarili
ay tama kung may mabigat na
pangangailangan sa pera.
3. Ang pagsusumikap sa pag-
aaral tulad ng pagbebenta ng
iba’t ibang produkto upang
matustusan lamang ang
pinansiyal na
pangangailangan ay hindi
nakakahiya.
4. Ang pakikipagtalik ay
normal para sa kabataang
nagmamahalan.
5. Ang panonood ng
pornograpiya ay
nakakawiling gawain ng
isang kabataan.

Gawain 4.
Panuto: Suriin ang bawat sitwasyon. Magbigay ng 5 tiyak na hakbangin na magpapakita ng
paggamit mo ng tunay na KALAYAAN. (1 para sa unang hakbangin patungo sa huling
hakbang 5). Isulat ang sagot sa sagutang papel.

A. Isa kang lider sa inyong paaralan. Mahalaga sa iyo ang pag-aaral dahil naniniwala kang ito
ang mag-aahon sa inyo sa kahirapan. Nagtutulong-tulong ang iyong pamilya upang
makapagtapos kang pag-aaral. Mayroon kang kasintahan na mahal na mahal mo. Isang araw
nagyaya siyang lumiban na lang kayo sa klase at magtungo sa kanilang bahay kasi wala ang
kaniyang magulang doon. Sabi niya, iiwan ka niya at magpapakamatay siya kung hindi mo siya
pagbibigyan. Ano ang iyong gagawin?

56
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
B. Si Anne ay mayroong matalik na kaibigan at todo suporta ito sa kanya bilang isa sa mga
nangunguna sa klase. Dahil dito ninanais din ng kaibigan ni Anne na mapabilang sa Honorols
ngunit sa maling paraan niya ito ginagawa. Tuwing pagsusulit nakikita ni Anne na mayroong
gawang kodigo ang kaibigan. Kung ikaw si Anne, ano ang iyong gagawin?

Gawin 5. Ako naman!


Isulat mo ang iyong pangarap o nais makamtan balang araw. Magsulat ng 1-10 na
mga hakbang na dapat mong gawin para makamit mo iyong pangarap sa buhay na may tunay
na kalayaan.
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
Repleksiyon
Ang natutunan ko sa araling ito ay

Sanggunian
https://www.slideshare.net/razonlance/grade-7-esp-learners-module

Susi ng Pagwawasto
Gawain 1. Gawain 2, 4, 5- Iba-iba ang sagot.
1. Tunay na Kalayaan 2. Kawalan ng Kalayaan 3. Tunay na kalayaan
4. Kawalan ng Kalayaan 5. Tunay na
Kalayaan Gawain 3:
1. Hindi Sumasang-ayon 2. Hindi Sumasang-ayon 3. Sumasang-ayon
4. Hindi Sumasang-ayon 5. Hindi Sumasang-ayon

57
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Edukasyong sa Pagpapakatao 7
Pangalan: Lebel:
Seksiyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Malayang Pagpili
Panimula (SusingKonsepto)

May nabasa ka na bang kwento o alam na pangyayari sa tunay na buhay ng isang tao
na dahil sa maling desisyon ay nagdulot ito ng kapahamakan? May kasabihang “Mag isip ka
muna ng sampung beses bago mo isagawa ang isang pagpapasya”. Mahalagang isaalang-
alang ang mga bunga at epekto ng sitwasyon upang magsilbing gabay mo tungo sa
matalinong pagpapasya.
Alam mo ba ang kwento tungkol kay Haring Solomon? Siya ay kilalang hari na
tanyag sa buong Israel. Kinausap siya ng Diyos at tinanong kung ano ang kanyang
kahilingan. Hiniling ni Solomon sa Diyos na bigyan siya ng karunungan na pamahalaan ang
buong Israel. Ngunit hindi lang karunungan ang ipinagkaloob ng Diyos sa kanya kundi
kayamanan.
Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit ipinagkaloob ng Diyos kay Haring
Solomon ang mas higit pa sa kanyang hinihiling? Bakit karunungan at pag-unawa ang
kahilingan ni Haring Solomon at hindi kayamanan at katanyagan? Ang karunungan at pag-
unawa ay nagsisilbing gabay sa mapanagutang pagpapasya at pagkilos. Ito ang humuhubog
sa pagpapahalaga na kinabibilangan ng: konsensya, mapanagutang paggamit ng Kalayaan,
pagiging sensitibo sa kasalanan, pagkabagabag at hiya bunga ng kasalanan, pagsasabuhay ng
mga birtud at disiplinang pansarili. Sa modyul na ito, matutuklasan mo ang mga panlabas na
salik na makakaimpluwensya sa paghubog ng mga pagpapahalaga ng pamilya at pag-aaruga
sa anak.
Bakit mahalaga ang wastong pagpapasya tungo sa pagkamit ng mithiin sabuhay?

KasanayangPampagkatuto at Koda:
Nahihinuha na likas sa tao ang malayang pagpili sa mabuti o masama ngunit ang
kalayaan ay may kakambal na pananagutan para sa kabutihan. (ESP7PT-IIf-7.3)
Naisasagawa ang pagbuo ng mga hakbang upang baguhin o paunlarin ang kaniyang
paggamit ng Kalayaan (EsP7PT-IIf-7.4)

ANG HATOL NI SOLOMON


(Unang Hari 3;14-28)

May dumulog kay Haring Solomon na dalawang babaeng nagbibili ng panandaliang


aliw. Ang sabi ng isa, “Mahal na hari, kami po at ang babaeng ito ay nakatira sa isang bahay.
Nanganak po ako at pagkalipas ng tatlong araw, nanganak din ang babaeng ito. Wala po
kaming ibang kasama roon. Isang gabi ay nadaganan po niya ang kanyang anak at ito ay
namatay. Bumangon siya sa kailaliman ng gabi, samantalang ako ay natutulog. Kinuha niya
sa tabi ko ang aking anak at dinala sa kanyang higaan at inilagay sa aking piling ang kanyang
anak na patay. Kinaumagahan bumangon po ako upang pasusuhin ang aking anak, ngunit
58
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
natagpuan ko na lamang na patay. Subalit noong pinagmasdan ko pong mabuti nakilala kong
hindi iyon ang aking anak.”
Tumutol naman ang pangalawa at wika” Hindi totoo iyan! Anak ko ang buhay at ang
anak mo ay patay.” Lalo naming iginiit ng una” Anak mo ang patay at anak ko ang
buhay!.”At nagtalo sila sa harapan ni Haring Solomon.
Kayat sinabi ni Haring Solomon sa isa,” sinasabi mong iyo ang buhay na bata at
kanya ang patay,” at sa ikalawa ang sabi mo nama’y iyo ang buhay at kanya ang patay.”
Kaya inutos niya sa isang kawal na kumuha ng isang tabak. Sinabi ni Haring Solomon,
“Hatiin ang batang buhay at ibigay ang kalahati sa bawat isa.”
Nabagbag ang puso ng tunay na ina ng batang buhay at napasigaw,” Huwag po
kamahalan, ibigay na po ninyo sa kanya ang bata!.” Huwag lamang siyang hatiin.” Sabi
naman noong isa, “Hatiin ang bata”.
Kaya sinabi ni Haring Sololomon, “Huwag ng hatiin ang bata, ibigay ninyo sa una ,
siya ang tunay niyang ina”.

Gawain 1: CASE STUDY


Batay sa iyong binasang kwento, bigyang-puna ang mga kilos ng mga tauhan. Bigyang
paliwanag ang kanilang naging kilos sa sitwasyon.

MGA TAUHAN: NAGING KILOS SA SITWASYON

Ina ng buhay na bata

Ina ng patay na bata

Haring Solomon:

Gamitin ang VENN DIAGRAM. Itala ang pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang ina.

59
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Pagkakaiba Pagkakaiba

Pagkakatulad

GAWAIN 2:
A. Ipaliwanag ang katwiran sa sitwasyon sa naging hatol ni Haring
Solomon sa loob ng kahon.

SANG-AYON DI SANG-AYON

B. Kung ikaw ay may katungkulan bilang hukom, anong kilos ang gagawin mo at paano mo
maipapakita o maisasabuhay na ang pananagutan ay may kaakibat na katungkulan para sa
kabutihan ng tao.

GAWAIN B.
Basahin ang kuwento. Tuklasin mo ang mga kilos na makakatulong sa paghubog ng isang
pagpapahalaga bilang kasapi ng pamilya at kulturang Pilipino.

60
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
ANG ALIBUGHANG ANAK
( Lukas 15: 11-32)

Sinabi ni Jesus,[a] “May isang tao na may dalawang anak na lalaki:

Sinabi ng nakababata sa kanila sa kanyang ama, ‘Ama, ibigay mo sa akin ang bahagi ng
kayamanang nauukol sa akin.’ At hinati niya sa kanila ang kanyang pag-aari.

Makaraan ang ilang araw, tinipon ng nakababatang anak ang lahat ng kanya, at naglakbay
patungo sa isang malayong lupain at doo'y nilustay ang kanyang kabuhayan sa maaksayang
pamumuhay.

Nang magugol na niyang lahat ay nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing iyon, at


siya'y nagsimulang mangailangan.

Kaya't pumaroon siya at sumama sa isa sa mga mamamayan sa lupaing iyon na nagpapunta
sa kanya sa kanyang mga bukid upang magpakain ng mga baboy.

At siya'y nasasabik na makakain ng mga pinagbalatan na kinakain ng mga baboy at walang


sinumang nagbibigay sa kanya ng anuman.

Subalit nang siya'y matauhan ay sinabi niya, ‘Ilan sa mga upahang lingkod ng aking ama ang
may sapat at lumalabis na pagkain, ngunit ako rito'y namamatay sa gutom?

Titindig ako at pupunta sa aking ama, at aking sasabihin sa kanya, “Ama, nagkasala ako
laban sa langit at sa iyo.

Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo. Ituring mo ako na isa sa iyong mga
upahang lingkod.”’

Siya'y tumindig at pumunta sa kanyang ama. Subalit habang nasa malayo pa siya, natanaw
siya ng kanyang ama at ito'y awang-awa sa kanya. Ang ama'y [b] tumakbo, niyakap siya at
hinagkan.

At sinabi ng anak sa kanya, ‘Ama, nagkasala ako laban sa langit at saiyo; hindi na ako
karapat-dapat na tawaginganak mo.’

Subalit sinabi ng ama sakanyang mga alipin, ‘Dali, dalhin ninyo rito ang pinakamagandang
kasuotan at isuot ninyo sa kanya. Lagyan ninyo ng singsing ang kanyang daliri, at mga
sandalyas ang kanyang mga paa.

At kunin ninyo ang pinatabang guya at patayin ito, at tayo'y kumain at magdiwang.

Sapagkat ang anak kong ito ay patay na, at muling nabuhay; siya'y nawala, at natagpuan.’ At
sila'y nagsimulang magdiwang.

Samantala, nasa bukid ang anak niyang panganay at nang siya'y dumating at papalapit sa
bahay, nakarinig siya ng tugtugan at sayawan.

61
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Tinawag niya ang isa sa mga alipin at itinanong kung ano ang kahulugan nito.

At sinabi niya sa kanya, ‘Dumating ang kapatid mo at pinatay ng iyong ama ang pinatabang
guya, dahil sa siya'y tinanggap niyang ligtas at malusog.’

Subalit nagalit siya at ayaw pumasok. Lumabas ang kanyang ama, at siya'y pinakiusapan.

Subalit sumagot siya sa kanyang ama, ‘Tingnan mo, maraming taon nang ako'y naglingkod
sa iyo, at kalian ma'y hindi ako sumuway sa iyong utos. Gayunman ay hindi mo ako binigyan
kailanman ng kahit isang batang kambing upang makipagsaya sa aking mga kaibigan.

Subalit nang dumating ang anak mong ito na lumustay ng iyong kabuhayan sa masasamang
babae ay ipinagpatay mo pa siya ng pinatabang guya.’

At sinabi niya sa kanya, ‘Anak, ikaw ay palagi kong kasama, ang lahat ng sa akin ay saiyo.

Ngunit nararapat lamang na magsaya at magalak, sapagkat ang kapatid mong ito ay patay at
muling nabuhay; siya'y nawala at natagpuan.’”

GAWAIN 3
A. Pagpapahulugan: Piliin ang kasingkahulugan ng mga salita. Bilugan ang titik.
1. Alibughang anak
a. mayabang na anak b. suwail na anak c. masunuring anak
2. Taglay
a. daladala b. katangian c. ugali
3. nilustay
a. tinago b. balewala c. winala
4. pinatabang guya
a. tupa b. kambing c. baka
5. nasumpungan
a. natagpuan b. nilikha c. winasto
6. mana
a. pera b. ariarian c. bukid
7. piging
a. kasiyahan b. kaarawan c. pagpupulong

B. Sagutin mo ang mga sumusunod na katanungan batay sa binasa mong kwento.


1. Bakit kinuha ng bunsong anak ang kanyang mana?

2. Sa papaanong pamaraan ginamit ng bunsong anak ang kanyang mana?

62
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
C. Suriin ang mga nagawang kilos batay sa sitwasyon. Isulat ang salitang makatwiran o di
makatwiran batay sa iyong pagpapasiya.

1. Pagkuha ng mana ng anak sa magulang

2. Paglustay ng mga ariarian

3. Paghingi ng tawad ng bunsong anak

4. Pagsagawa ng piging

5. pagtanggap ng ama sa alibughang anak

GAWAIN 4
a. Gamit ang SPIDER WEB. Ilarawan ang katangian ng bawat isa:

Bunsong
Ama Panganay
anak na

63
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
b. Gamitin ang TREE. Itala ang naging SANHI AT BUNGA ng naging pasya ng
bunsong anak .

Bunga

Sanhi

RUBRIK SA PAGSUSURI
Pamantayan Puntos Iskor
Natapos sa takdang oras, malinis at maayos ang pagpapahayag ng 5
malayang pagpili sa Mabuti o samasama.
Malinis at maayos ngunit hindi natapos sa takdang oras. 4
Natapos sa takdang oras ngunit hindi malinis at maayos ang 3
pagpapahayag ng bawat nais ng isang tao.
Hindi natapos sa takdang oras at hindi malinis at maayos. 2
Nakagawa ngunit hindi natapos sa takdang oras. 1
Hindi nakagawa ng Gawain. 0

Repleksiyon
Ang natutunan ko sa araling ito ay

Sanggunian
Mula sa Internet:
https://www.biblegateway.com/passage/?search=Lucas+15%3A11-
32&version=ABTAG2001

64
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Susi sa Pagwawasto
Gawain. 1
1. Ina ng tunay na bata - Dumulog sa hari upang ipagbigay alam na ipinagpalit ng isang
babae ang anak niyang patay sa kanyang anak na buhay.
2. Ina ng patay na bata- Tinutulan ang pagbibintang.
3. Hari- Nakikinig sa dawalang panig.

Venn Diagram
Pagkakaiba ng dalawang ina- Ang isa ay sakim at makasarili. Samantalang ang tunay
na ina ay mapagmahal at hindi makasarili.
Pagkakatulad- Parehong ina na gustong makasama ang kanilang anak.
Gawain 2
a. Sang-ayon ako dahil tama ang paghatol na ibigay ang anak sa tunay na ina.
b. Iba- iba ang sagot.
Gawain 3
A.
1. B
2. B
3. C
4. C
5. A
6. B
7. A
B.
1. Dahil nais na niyang pakinabangan ang kanyang mana.
2. Nilustay niya ito ngwalang pag –iingat.
C. Iba-iba ang kasagutan.

Gawain 4
Iba-iba ang kasagutan.

65
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
Pangalan: Lebel:
Petsa
Seksiyon:

GAWAIN PAGKATUTO
Ang Dignidad ng Tao
Panimula (Susing
Konsepto)
Ang dignidad ay galing sa salitang Latin na “DIGNITAS mula sa “DIGNUS” na ang
ibig sabihin ay “Karapat-dapat”. Ang dignidad ng tao ay tumutukoy sa pagkakaroon ng
karapatan na igalang at galangin siya ng ibang tao. Ang dignidad ng tao ay mas kilala rin sa
wikang Ingles na “dignity.” Ang pagkakaroon ng maayos, matiwasay at mapayapang buhay
ang isang tao.
Kasanayan Pampagkatuto at Koda
Nakikilala na may dignidad ang bawat tao anoman ang kanyang kalagayang panlipunan,
kulay, lahi, edukasyon, relihiyon at iba pa. (EsP7PT-IIg-8.1 )

Gawain 1:
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang pinakaangkop na sagot.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo. Ang mensaheng ito
ay tinatawag na?
a. Gintong aral o Golden Rule
b. Tula
c. Bugtungan
2. Bakit kaya nilikha tayo ng Panginoon na may pagkakaiba?
a. Dahil hinihikayat sa tao na isabuhay ang pagiging mapagbigay at mabuti.
b. Ipinapahiwatig nito na kailangan natin ang ating kapwa
c. Nais ng Diyos na yakapin ng tao ang pagbabahagi ng mga biyaya at
regalo na natatanggap ng bawat tao mula sa kanya.
d. Lahat ng nabanggit
3. Ang salitang dignidad ay nagmula sa Latin na “Dignitas” na ang ibig sabihin
ay?
a. Magalang
b. Nag-iisa
c. Karapat-dapat
d. Kakaiba
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pagkilala at pagpapahalaga sa
dignidad ng isang tao?
a. Pahalagahan mo ang tao bilang tao
b. Ang paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao ay ibinibigay
hangga’t siya ay nabubuhay.
66
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
c. Ipagsawalang bahala ang mga taong humihingi ng tulong sayo.

5. Sino ang hindi nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang kapwa?

67
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
a. Isang mabuting politiko na handang tumulong sa bayan.
b. Isang negosyanteng nagpapautang at nagbibigay ng malaking patong sa
taong nangagailangan?
c. Isang simpleng taong handang magbigay ng tulong sa kapwa na
nangangailangan?
d. Lahat ng nabanggit?

GAWAIN 2

Panuto: Gamit ang crossword puzzle hanapin ang mga salita na nasa ibaba na tumutukoy sa
katangian ng taong may dignidad. Bilugan ang mga ito.

MAAWAIN MAPAGMAHAL MAY TAKOT SA DIYOS


MATULUNGIN KARAPAT-DAPAT MAPAGPAKUMBABA
PAGPAPAHALAGA PAGGALANG DIGNIDAD

GAWAIN 3

Panuto: Basahin ang kwento at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

68
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
“GOLDEN RULE”
Akda ni Rowena V. Macayanan

“Gumawa ng mabuti sa iyong kapwa at tiyak na gagawa at gagawa din sila nang
kabutihan sa iyo” iyan ang palaging bukambibig ni Aling Rowena sa kanyang anak na si
Baste. Si Baste ay isang Grade 7 pupil na nag-aaral sa San Andres National High School,
Isabela. Si Baste ay isang napakabait na bata, may takot sa Diyos at masunurin sa kanyang
ina.
Si Baste ay ulilang lubos sa ama, itinataguyod nang mag-isa ni Aling Rowena ang
pag-aaral ni Baste. Tanging ang paglalako ng kakanin ang ikinabubuhay nilang mag ina.
Tuwing umaga maagang silang nagigising upang simulang lutuin ni Aling Rowena ang
kakanin at siyang ibebenta ni Baste bago pumasok sa paaralan.
Isang araw masayang umuwi si Baste dahil maaga niyang nabenta lahat ang
kakanin na paninda, dali-dali siyang umuwi habang nasa daan ay nakita niya ang isang
matandang lalaki na umiiyak dahil nawawala ang kanyang pera na pambibili sana ng gamot
para sa anak na may sakit. Sa awa ni Baste ay ibinigay niya ang perang pinagbentahan niya
Natuwa ang kanyang ina sa ginawang kabutihan ni Baste at sa simpleng
pamamaraan ay nakatulong ang kanyang anak. Masayang namumuhay ang mag-ina sa
kaonting halagang naiipon at nairaraos nila ang pang-araw-araw na gastusin.
Isang araw habang nagtitinda ang mag-ina ay napahinto si aling Rowena at
natumba sa kinatatayuan niya. Sumigaw si Baste tulong! Tulungan niyo po kami!. Dali-
daling isinugod ni Baste ang kanyang ina sa pinakamalapit na hospital.
Ang iyong ina ay kailangang operahan sa madaling panahon ang sabi ng doktor
kay Baste. Ano po ang kakailanganin ang sabi ni Baste. Maghanda ka ng malaking pera dahil
kakailanganin iyon para sa operasyon ng iyong ina ang tugon ni Baste.
Umiyak si Baste sa gilid hindi alam kung saan kukuha ng malaking pera para sa
operasyon ng ina. Kinaumagahan ay nagulat si Baste dahil ipupunta ang kanyang ina sa
operating room, nagtaka siya dahil wala pa naman siyang pera na gagamitin sa operasyon.
Naging maganda ang resulta ng operasyon at lumapit sa kanya ang isang
doktor at sinabi niya kay Baste na ni sentimong pera ay hindi na niya kailangang problemahin
dahil siya na ang bahala doon at nagpakilala ang doktor na siya ang matandang tinulungan
niya.
Natuwa at maluha-luhang niyakap ni Baste ang doktor. “Ang ginawa mong
kabutihan sa akin ay siyang gagawin ko sa iyo” ang tanging tugon ng doktor.
KATANUNGAN

1. Sino – sino ang mga tauhan sa kwento?

2. Ano ang palaging paalala ng ina ni Baste sa kanya?

69
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
3. Sa iyong palagay ang pagtulong ba sa kapwa ay isang magandang
gawain bilang isang tao? Bakit?

4. Kung ikaw si Baste tutulungan mo din ba ang taong


nangangailangan? Bakit?

5. Sa iyong palagay ano ang ibig sabihin ng Golden Rule?

Gawain 4

Ano ang mga salitang maaring iugnay sa salitang Dignidad? Isulat ito sa graphic organizer sa
ibaba.

DIGNIDAD

Repleksiyon
Ang natutunan ko sa araling ito ay

70
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Sagggunian
ESP-LM-QUARTER 1 & 2 pahina 193-194
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
1. a
2. d
3. c
4. c
5. b
GAWAIN 2

MAAWAIN MAPAGMAHAL MAY TAKOT SA DIYOS


MATULUNGINKARAPAT-DAPATMAPAGPAKUMBABA
PAGPAPAHALAGA PAGGALANG DIGNIDAD

Gawain 3
1. Sino – sino ang mga tauhan sa kwento?
- Ang mga tauhan sa kwento ay sina Aling Rowena,
Baste at Doktor
2. Ano ang palaging paalala ng ina ni Baste sa kanya?
- “Hwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong
gawin nila sa iyo”
3. Sa iyong palagay ang pagtulong ba sa kapwa ay isang magandang
71
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
g
a
w
a
i
n

b
i
l
a
n
g

i
s
a
n
g

t
a
o
?

B
a
k
i
t
?

72
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
- Depende sa sagot ng bata
4. Kung ikaw si Baste tutulungan mo din ba ang taong
nangangailangan? Bakit?
- Depende sa sagot ng bata
5. Sa iyong palagay ano ang ibig sabihin ng Golden Rule?
- Depende sa sagot ng bata
Gawain 4
Ano ang mga salitang maaring iugnay sa salitang Dignidad

Mapagpakumbaba
Mabait

Karapat-dapat
DIGNIDAD
Matulungin

Matulungin
Maunawain

Matulungin

May takot sa Diyos

73
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
Pangalan:
Lebel:
Seksiyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Ang Dignidad ng Tao

Panimula (Susing Konsepto)

Ang dignidad ay ang kalagayan ng isang tao pagdating sa usaping respeto at


paggalang sa sarili. Kung gaano mo nirerespeto o iginagalang ang sarili at tinitingnan itong
malinis. Maari din itong tumukoy sa antas o lebel ng pagtingin mo sa iyong sarili. Kung saan
tutulong sa iyo na makisalamuha sa ibang tao at magpakatotoo.

Kasanayang Pampagkatuto
Nakabubuo ng mga paraan upang mahalin ang sarili at kapwa na may pagpapahalaga
sa dignidad ng tao. ( EsP7PT-IIg-8.2 )

Gawain 1
Panuto: Ipaliwanag ang ibig sabihin ng kasabihang “Huwag mong gawin sa kapwa mo ang
ayaw mong gawin sa iyo.” Mahalin mo ang kapwa mo gaya ng pagmamahal mo sa iyong
sarili.

Gawain 2
Panuto: Ipakita sa pamamagitan ng dula-dulaan ang pagpapakita ng paraan ng pagmamahal
sa kapwa at sarili .
Pangkat 1- Magbigay sa kapwa ng walang hinihinging kapalit.
Pangkat 2- Huwag maliitin ang isang tao
Pangkat 3- Huwag gumawa ng ikakasama ng iba
Pangkat 4- Tumulong sa kapwa

Gawain 3
Panuto: Magbigay ng 5 na mga paraan kung paano maipapakita ang pagmamahal sa sarili at
kapwa.
1.
2.
3.
74
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
4.
5.

75
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Gawain 4
Panuto: Basahin ang balita.

14 namenor de edad nasagip, 4 tiklo sa prostitusyon sa Maynila

Ni Anjo Bagaoisan , ABS-CBN News


Posted at Jul 19 2018 02:09 AM | Updated as of Jul 22 2019 12:03 PM
MAYNILA - Nasagip ng mga awtoridad ang 14 na menor de edad na biktima umano ng
prostitusyon sa magkahiwalay na entrapment operation sa Santa Cruz, Maynila, Miyerkules
ng gabi.
Nahuli naman ang 4 katao na itinuturong nambubugaw sa mga batang babae.
Unang sinalakay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) Anti-Human
Trafficking Division ang isang motel kung saan dinala ang 8 biktimang sakay ng isang van.
Naaresto rito si alyas Loren, 28-anyos, na nagturo naman sa 2 pa niyangkasamahan.
Kuwento ni Loren, napasok siya sa pambubugaw dahil sa pangangailangan ng pamilya.
Nasa P1,500 hanggang P5,000 aniya ang karaniwang binabayad sa mga biktima. Kumikita
naman siya ng P300 bilang porsiyento.
Itinanggi naman ng 2 kasamahan ni Loren na sangkot sila sa illegal na gawain.
Samantala, nahuli ng mga operatiba si alyas Angel, 18-anyos, sa hiwalay na operasyon sa
isang hotel.
Nasagip naman dito ang 6 namenor de edad.
Depensa ni Angel, nagpasama lang umano ang mga biktima sa kaniya papunta sa hotel.
Ililipat sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang
mga biktima.
Mahaharap naman sa kasong paglabag sa Republic Act 9208 o Anti-Trafficking in Persons
Act of 2003, at Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse,
Exploitation and Discrimination Act ang mga naaresto.

Tanong:
1. Ano ang inyong naobserbahan sa binasang balita?

2. Ano sa tingin mo ang posibleng dahilan ng pagsabak ng mga menor de edad na ito sa
prostitusyon?

3. Ano ang iyong nararamdaman habang binabasa ang artikulo?

4. Sa paanong paraan maipapakita ang pagpapahalaga mo sa iyong sarili ?

76
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
5. Ano ang magiging epekto sa dignidad ng mga isyu sa sekswalidad?

Rubriks sa Dula-Dulaan/Skit

Kraytirya Lubhang kasiya- Kasiya –siya Nalilinang


siya 4pts. 3pts 2pts
Script Ipinapakita ng Mahusay ang pagpapakita Hindi gaanong
buong husay sa ng script sa role play subalit malinaw ang script
pagkakagawa ng may kaunting kalinangan sa role play
script sa role play
Teamwork at Kasama ng lahat ngKasama ang lahat ng kasapi May mga kasapi sa
partisipasyon sa pangkat subalit may ilang
kasapi sa role play pangkat na hindi
kalituhan sa kanilang nakitaan ng
pagganap pagganap
Pagkakaganap Makatotohanan at Hindi gaanong Hindi
ng tauhan kapani-paniwala makatotohanan at kapani- makatotohanan at
ang pagkakaganap paniwala ang pagkakaganap kapani-paniwala ang
ng mga tauhan mula ng mga tauhan mula sa pagkakaganap ng
sa pananalita, galaw pananalita galaw at mga tauhan mula sa
at ekspresyon sa ekspresyon sa mukha pananalita, galaw at
mukha mahusay na ekspresyon sa
paglalarawan ng mukha
realidad na
sitwasyon sa role
play.
Kasuotan Akma ang kasuotan May mga tauhan na hindi Hindi akma ang
sa role play akma ang kasuotan kasuotan na ginamit
ng tauhan
Props Kumpleto at May ilang props na hindi Hindi angkop ang
naaangkop ang angkop ang pagkakagamit lahat ng props na
ginamit na props ginamit
Kabuuang
Iskor = 20

77
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Rubriks para sa Pagtataya ng Role Play (group/student’s copy)

Kraytirya Lubhangkasiya-siya Kasiya –siya Nalilinang


4pts. 3pts 2pts
Script
Teamwork at
partisipasyon
Pagkakaganap ng
tauhan
Kasuotan
Props
Kabuuangiskor

Repleksiyon
Ang natutunan ko sa araling ito ay

Sanggunian:
Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Learners Material pp. 183-202

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1. Makitungo sa kapwa sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ka,
Gawain 2 Pagpapakita ng dula-dulaan ng bawat pangkat
Gawain 3. – Maaring kasagutan
1. Maging aktibo sa araw –araw.
2. Maging conscious sa kinakain.
3. Umiwas sa negatibong usapin.
4. Matulog ng sapat sa oras.
5. Ilaan ang oras mo sa bagay at sa mga taong importante sa iyo.
6. Matutong magrelax
7. Magkaroon ng recognition list
8. Bigyan ang sarili ng oras para makapag-isa
9. Patawarin ang sarili sa lahat ng pagkakamali nan agawa sa nakaraan
10. Mag-invest ka sa anong relasyon na meron ka ngayon.
Gawain 4
1. Mga menor de edad na nasangkot sa prostitusyon
2. Kahirapan sa buhay
3. Nalulungkot at naaawa
4. Pangalagaan ang iyong dignidad bilang tao.
5. Ang mga taong naging biktima ng anumang uri ng sexual harrassment ay bumababa
ang tingin sa sarili

78
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
Pangalan: Lebel:
Seksiyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Pantay na Pagkilala sa Dignidad, Sa Kapwa ay Ibigay
Panimula (Susing Konsepto)
“Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba saiyo.” Kung ano ang
makasasama sa iyo, makakasama rin ito sa iyong kapwa. Kung ano ang makabubuti sa iyo,
makabubuti rin ito sa kanya. Bakit nga ba kaibigan? Sapagkat siya ay iyong kapwa tao.
Magkatulad ang inyong pagkatao bilang tao. Ito ang tunay na mensahe ng gintong aral.
Kinikilala nito ang Karapatan ng bawat indibidwal sa paggalang ng kanyang kapwa. Ito rin
ang utos ng Diyos sa tao. Sinabi niyang “Mahalin mo ang iyong kapwa katulad ng
pagmamahal mo sa iyong sarili.”
Kasanayang Pampagkatuto at koda
Napatutunayan na ang
a. paggalang sa dignidad ng tao ay ang nagsisilbing daan upang mahalin ang ang kapwa tulad
ng pagmamahal sa sarili at
b. ang paggalang sa dignidad ng tao ay nagmumula sa pagiging pantay at magkapareho
nilang tao (EsP7PT-IIh-8.3)
Naisasagawa ang mga kongkretong paraan upang ipakita ang paggalang at pagmamalasakit
sa mga taong kapus-palad o higit na nangangailangan kaysa sa kanila. (EsP7PT-IIh-8.4)

Basahin
Nilikha ng Diyos ang lahat ng tao ayon sa kanyang wangis. Ayon sa kanyang anyo,
katangian at kakayahan. Samakatwid, ang dignidad ng tao ay nagmula sa Diyos; kaya’t ito ay
likas sa tao. Hindi ito likha ng lipunan at ito ay pangkalahatang taglay ng lahat ng tao.
Gawain 1.
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang nagpapatunay na ang tao ay may sariling dignidad na nagiging
daan upang magpakita ng paggalang sa sarili, sa mga mahal sa buhay at sa kapwa at (X)
kung hindi.
1. Magkasabay sa pag-uwi sina Marlon at Jerry pagkatapos ng kanilang klase. Niyaya
silang maglaro bago umuwi ngunit naalala nila ang magulang na nagpapaaral sa
kanila.
2. May nakita si Joan na pitaka ng maraming pera. Kailangang-kailangan niya ito.
Naramdaman niyang labag sa kalooban niya. Ibinigay niya ito sa kanyang guro.
3. Si Nena ay masipag sa magkakapatid. Ganun pa man, nais niyang masunod lahat
ng kanyang mga kagustuhan sa kabila ng kanilang kahirapan sa buhay.
4. Si Peter ay panganay na anak kaya nais niyang siya ang nakakahigit sa kanilang
magkakapatid sa lahat ng bagay.
5. Madalas na binubuli si Teddy ng kanyang kaklaseng mas matangkad sa kanya.
Gustung-gusto na niya itong patulan ngunit naiisip niya ang pangaral ng kanyang
ama.

79
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
6. Nagkasakit si Ellen bago nagkaroon ng pagsusulit. Hindi siya nakapasok ng ilang
araw. Naisip niyang mangopya sa kaklase ngunit nahiya siya sa sarili sa kanyang
gagawin. Ginawa niya ang kanyang makakaya upang makapasa sa pagsusulit.
7. May kaya ang Pamilya Pablo sa buhay ngunit hindi ito makikita sa kanilang anyo.
Mababait sila sa kanilang mga kapitbahay at hindi sila nagmamataas sa kapwa.
8. Mula sa mayamang angkan si Louie. Kinikilala siyang idol sa paaralan. Lahat ay
dinadaan sa impluwensya ng politikong magulang.
9. Nagsinungaling si Marita sa tunay na kalagayan ng buhay dahil ayaw niyang
mapahiya sa kanyang mga kaklaseng mayayaman.
10. Naniniwala ang magulang ni Ben na kaya nilang pag-aralin ang anak sa kabila ng
kahirapan sa malinis na paraan.

Gawain 2
Ang dignidad ay ang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang
mula sa kanyang kapwa tao anuman ang kanyang anyo, kakayahan, antas sa buhay o lugar sa
lipunan na walang pinipili. Sabi ni Papa Juan Pablo II sa mga magsasaka at manggagawang
Pilipino, “May Karapatan kayong mamuhay at pakitunguhan kayo nang naaayon sa inyong
dangal bilang tao; may karampatang tungkulin din kayo na makitungo sa kapwa sa ganito
ring paraan.”
Panuto: Piliin sa mga titik at bilugan ang pangungusap na nagpapatunay na ang tao ay may
pantay na Karapatan at paggalang sa kapwa.
1. Mahina sa klase si Abegail. Paano mo siya pakikitunguhan?
a. Hindi ko siya isasali sa group activity.
b. Pagtatawanan ko ang kanyang ginagawa sa klase na mali.
c. Bulihin ko siya araw-araw sa paaralan.
d. Igagalang ko ang kanyang kakayahan. Tutulungan ko siyang matuto.
2. Isinilang na may kapansanan si Lucy sa kanilang magkakapatid. Ano ang dapat niyang
maramdaman?
a. Magpasalamat sa pagmamahal ng mababait niyang kapatid at magulang.
b. Manliit sa sarili dahil naiiba ang kalagayan niya sa mga kapatid.
c. Gawing dahilan ang kanyang kapansanan upang lagi siya ang papansinin.
d.Hindi iimik, panoorin lang ang mga kapatid at magulang.
3. Ayaw pasamahin si Gina sa pamamasyal sa plasa dahil siya ang nakatakdang maghugas
ng plato. Alin ang nagpapakita ng pantay na pagtingin ni Aling Marta sa kanyang mga
anak?
a. Sa susunod ka na sumama sa kanila.
b. Bilisan mong maghugas, hihintayin ka para makasama sa kanila.
c. Dito ka lang sa bahay di ka nababagay doon.
d. Bata ka pa, makakapasyal ka rin doon sa susunod na mga araw.
4. Magkakapatid sina Andrew, Nicole at Loraine. Sobra ang galit ni Nicole nang
matuklasan na isa siyang ampon. Ano ang dapat isaalang-alang ni Nicole sa bagong
pamilya?
a. Aalis siya dahil hindi siya nababagay sa pamilyang nagisnan.
b. Pantay ang pagtingin ng mga magulang sa kanilang magkakapatid.
c. Magwawala siya dahil hindi sinabi sa kanya ang totoo.

80
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
d. Magbabago ang ugali dahil mula siya sa ibang pamilya.
5. Binubuli si Jerald sa klase nila dahil sa kanyang itsura, mahirap lang sila, at may
kahinaan pa. Paano kakamtin ni Jerald ang kanyang karapatan?
a. Huwag silang pansinin dahil ang paaralan ay para sa lahat ng nagnanais mag-aral.
b. Huminto sa pag-aaral at magbukid na lang.
c. Awayin ang mga kaklase at mag sumbong sa magulang.
d. Huwag silang pansinin dahil titigil din.

Gawain 3
Panuto: Suriin at intindihin ang pangyayari. Ibigay ang iyong opinyon nang tapat sa iyong
kalooban.
1. Binigyan kayo ng pamanang lupa ng inyong mga magulang. Ang lugar na hindi
maganda ang siyang ibinigay sa iyo dahil ikaw ay nakapag-aral. Alam mo sa iyong
sarili na ikaw ang nagpagod para sa iyong pag-aaral. Ano ang iyong gagawin bilang
anak na may dignidad at karapatan?

2. Mahigpit kang kalaban sa paligsahan ng inyong paaralan. May sakit ang nanay mo,
binabayaran ka ng iyong katunggali upang magpatalo sa iyong laban. Ano ang iyong
gagawin? Bakit?

3. “Gawin sa iyong kapwa ang gusto mong gawin nila saiyo” Magbigay ng iyong
Karanasan ukol sa Golden Rule na naging mabuting daan para saiyo.

4. Kabilang ang iyong kaibigan sa mahihirap na pamilya sa lipunan. Sa paanong paraan mo


maipakikita ang iyong paggalang at pagmamalasakit sa kanya?

5. Magbigay ng paraan kung paano mo ipakikita na pantay ang pagtingin mo sa iyong kapwa,
na walang mayaman o mahirap, mangmang man o edukado.

81
Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Rubriks sa Pagpupuntos
Pamantayan Iskor
Lubos na Sumasang-ayon 16-20
Sumasang-ayon 11-15
Katamtaman 6-10
Di-sumasangayon 0-5

Repleksiyon

Natutunan ko sa araling ito ay

Sanggunian
MELC EsP Grade 7
ESP Modyul, Grade 7
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
1. / 6. /
2. / 7. /
3. X 8. X
4. X 9. X
5. / 10. /
Gawain 2
1. d 2. A 3. B 4. B 5. A
Gawain 3
Nasa guro ang kapasyahan

82
Practice Personal Hygiene protocols at all times.

You might also like