You are on page 1of 2

I). Dahil sa kasalanan.

Nahiwalay tayo sa Diyos,

23
sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian
ng Diyos.
Roma 3:23
Ang masasama ninyong gawa ang dahilan ng pagkawalay ninyo sa Diyos.
Nagkasala kayo kaya hindi ninyo siya makita,
at hindi niya kayo marinig.
Isaiah 59:2
10
Ayon sa nasusulat,

“Walang matuwid, wala kahit isa.


11
Walang nakakaunawa,
walang naghahanap sa Diyos.
12
Ang lahat ay lumihis ng landas at nagpakasama.
Walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa.”
Roma 3:10-12

II). Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan.

23
Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan,
Roma 6:23a
27
Itinakda sa mga tao na minsan lamang mamatay at pagkatapos ay ang
paghuhukom.
Hebreo 9:27
14
Pagkatapos ay itinapon din sa lawa ng apoy ang Kamatayan at ang Daigdig ng
mga Patay.[b] Ang lawa ng apoy ang pangalawang kamatayan. 15 Ang sinumang
hindi nakasulat ang pangalan sa aklat ng buhay ay itinapon sa lawa ng apoy.
Pahayag 20:14-15
III). Ang Nagbayad ng ating mga kasalanan.
Si Hesus ang umako sa paruasa ng ating mga kasalanan.
8
Ngunit pinatunayan ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si
Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa.
Roma 5:8
ngunit ang walang bayad na kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa
pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.
Roma 6:23b
8
Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan
ng pananampalataya; at ito'y kaloob ng Diyos at hindi mula sa inyong sarili; 9 hindi
ito bunga ng inyong mga gawa kaya't walang maipagmamalaki ang sinuman.
Efeso 2:8-9

IV). Ang tunay na kaligtasan ay kay Cristo lamang matatagpuan.


16
Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't
ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya
sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Juan 3:16
28
Gayundin naman, si Cristo'y minsan lamang inihandog upang pawiin ang mga
kasalanan ng mga tao. Siya'y muling darating, hindi upang muling ihandog dahil sa
kasalanan, kundi upang iligtas ang mga naghihintay sa kanya.
Hebreo 9:28
V). Ang katiyakan.
11
At ito ang patotoo: ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang buhay na walang hanggan
at ito'y makakamtan natin sa pamamagitan ng kanyang Anak. 12 Kung ang Anak ng
Diyos ay nasa isang tao, mayroon siyang buhay na walang hanggan; ngunit kung
wala sa kanya ang Anak ng Diyos ay wala siyang buhay na walang hanggan.
1Juan 5:11

You might also like