You are on page 1of 3

Tama o Mali

_____ 1. Kailangan ang bombilyang may 200 watts sa mga bagong pisang sisiw.
_____ 2. Ang pag-aalaga ng mga hayop ay isang gawaing kapaki-pakinabang.
_____ 3. Bukod sa napagkukunan ng pagkain, ang paghahayupan ay maaari ring pagkakitaan.
_____ 4. Maingay at magulong paligid ang gusto ng mga inahing pugo sa kanilang pangingitlog.
_____ 5. Pabayaang magsiksikan ang mga alagang hayop sa kanilang kulungan.
_____ 6. Ang broiler ay mga uri ng manok na inaalagaan para sa karne.
_____ 7. Ang laying mash naman ay ibinibigay na patuka para sa mga manok na malapit ng mangitlog.
_____ 8. Ang mga layer naman ay inaalagaan para sa itlog.
_____ 9. Ang mga bagong pisang sisiw ay binibigyan ng patukang starting mash.
_____ 10. Mahalagang may malinis at matibay nakulungan para sa mga alagang hayop.
_____ 11. Nakakatulong sa mag-anak ang pagkakaroon ng manukan sa bakuran.
_____ 12. Ihiwalay kaagad ang mga hayop na may sakit.

Lagyan ng smile face ( 😊 ) ang patlang ng bawat bilang kung ito ay nagpapahayag ng Tamang kaisipan at

sad face ( ☹ ) naman kung Mali.

_____ 13. Pinagaganda nang mga pananim ang ating kapaligiran.


_____ 14. Ang pagtatanim ng sariling mga halamang-gulay ay malaking tulong sa kabuhayan.
_____ 15. Maaari mong ibenta ang iyong mga produkto tulad ng mga sariwang itlog sa mga suking sari-
sari store o kaya’y sa palengke.
_____ 16. Ang pagkain ng gulay ay nagbibigay sustansya sa ating katawan.
_____ 17. Nagsisilbing libangan at ehersisyo ang pagtatanim.
_____ 18. Hayaang mabulok ang iyong mga paninda lalo kung mababa ang bentahan nito.
_____ 19. Ang mag-anak na nagtatanim ay may mapagkukunan ng pagkain.
_____ 20. Ang pagsasapamilihan ng mga inalagaang hayop ay maaaring gawin ng maramihan o tingian.
_____ 21. Isa sa mga kapakinabangan ng pagtatanim ay pagkakaroon ng mapagkakakitaan.
_____ 22. Ang pagbili ng maramihan ay tinatawag na tingian.
_____ 23. Nakakapagod at nakakabagot ang pag-aalaga ng mga pananim.
_____ 24. Nakadaragdag sa gastusin ng mag-anak ang pagtatanim.
_____ 25. Maaaring gamiting organikong abono ang mga basurang tulad ng plastics, goma at bote.
_____ 26. Mahalaga na magkaron ng listahan ng mga pinagkagastusan sa paghahayupan.
_____ 27. Ang sapat na organikong abono ay nagdudulot ng kaginhawaan sa mga pananim.

Iayos ang mga pangugusap ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa paggawa ng
Basket Composting.

_____ 28. Gawin ang proseso hanggang mapuno ang lalagyan.


_____ 29 .Lagyan ng takip upang hindi langawin o bungkalin ng mga hayop.
_____ 30. Maghanda ng sisidlan o anumang lalagyan na maaaring gawing pabulukan.
_____ 31. Ilagay rito ang mga nabubulok na mga bagay tulad ng mga balat ng prutas at gulay, mga
dahon at lagyan din ng lupa.

Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot sa bawat bilang.


Tingian 3-4 na buwan lansakan
Pakyawan online selling 6 na buwan

_____ 32. Ang tilapya ay maaari ng anihin pagkalipas ng ____________.


_____ 33. Paraan ng pagtitinda ng pakaunti – unti o paisa -isa lamang ang pagbili ng produkto.
_____ 34. Ang bangus naman ay inaani pagkalipas ng _____________.
_____ 35. Paraan ng pagtitinda kung saan inuubos lahat ng mamimili ang paninda o produkto.
_____ 36. Paraan ng pagtitinda sa pamamagitan ng internet tulad ng facebook o ano mang social
platforms.
37. Sa pagbabalak ng pagtatanim, anong uri ng lupa ang dapat nating ihanda?
a. mabatong lupa c. matubig na lupa
b. matabang lupa d. mabasurang lupa

38. Dito sumasangguni ang mga magsasaka o mga taong nais magtanim.
a. Kalendaryo ng Panggulay c. Kalendaryo ng Pag-aani
b. Kalendaryo ng Pagtatanim d. Kalendaryo ng Pagbubungkal

39. Bakit kailangang bungkalin ang paligid ng halaman?


a. upang mabawasan ang hangin sa paligid ng halaman
b. upang makaiwas sa peste at kulisap
c. upang makatipid sa tubig
d. upang makahinga ang mga ugat nito

40. Pagpapabulok ng mga basurang nabubulok sa isang hukay sa bakuran.


a. basket composting c. Bio-Intensive
b. compost pit d. mulching

41. Bakit mahalaga ang pagtatala ng mga ginastos at kinita sa mga napagbentahang inaning gulay?
a. upang may maidagdag sa gawain
b. upang may maisama sa inputs
c. upang may maitala sa listahan
d. upang magkaroon ng kaalaman kung ang puhunan sa pagtatanim ay nalugi o kumita

42. Pagpapabulok ng mga basurang nabubulok sa isang lalagyan o sisidlan.


a. basket composting c. Bio-Intensive
b. compost pit d. mulching

43. Ang mga sumusunod ay mga halamang ornamental na ginagamit na pamuksa sa mga peste at kulisap
na mapanira sa ating mga halamang-gulay, maliban sa _________.
a. marigold c. bawang
b. tanglad d. rosas

44. Anong uri ng lupa ang pinakaangkop na pagtaniman?


a. mabuhangin c. loam
b. mabato d. luwad

45. Ang mga sumusunod ay mga dapat tandaan sa pag-aani ng mga inaning gulay, maliban sa ________.
a. Anihin ang mga gulay sa tamang gulang at panahon.
b. Ihiwalay ang mga malalambot sa matitigas na ani.
c. Ang mga inaning gulay ay kailangang maipagbili sa lalong madaling panahon
d. Pagsama-samahin ang mga inaning bulok at may pasa o galos sa isang lalagyan.

46. Kailan dapat magdilig ng iyong mga pananim na mga gulay?


a. sa tanghaling tapat c. sa madaling-araw
b. sa hatinggabi d. sa umaga at sa hapon

Hanapin sa puzzle ang apat na mga salitang may kaugnayan sa organikong abono. (47-50)

B A K E S A U P Y Q
A P T S L B R I U A
S C O M P O S T W D
K E E A O N D V F F
E W A Y E O L X J T
T D Y O A F E G N K

You might also like