You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

CATANDUANES STATE UNIVERSITY


Virac, Catanduanes

College of Education – LABORATORY SCHOOLS

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 6

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: _________________

A. Tukuyin ang ayos ng pangungusap, isulat ang K kung ito ay karaniwan at DK kung Di Karaniwan.
______1. Nanuod ng sine ang mag-anak kagabi.

______2. Ang bawat bata ay may karapatan at tungkuling nakaatang sa kanya.

______3. Inaasahan ng kanyang pamilya si Mirabel.

______4. Ang pag-aaral nang mabuti ang magiging susi sa inyong tagumpay.

______5. Hindi nang-iiwan ang tunay na kaibigan.

______6. Kinausap ng guro ang batang nagkasala.

______7. Ang pandaraya ay maling gawain at hindi dapat tinutularan.

______8. Tungkulin ng bawat isa sa atin ang protektahan ang daigdig.

______9. Masisipag ang mga anak nina Aling Tina at Mang Toni.

______10. Naligo ang mga bata sa ilog dahil sa init ng panahon.

B. Bumuo ng wastong pangungusap ayon sa ipinapakita ng larawan. Gumamit ng wastong bantas upang
maipakita na ang pangungusap ay maaaring pasalaysay, pautos, pakiusap, patanong o padamdam.

11. ____________________________________________________________

12. _____________________________________________________________

13. _____________________________________________________________

14. _____________________________________________________________

15. ____________________________________________________________
C. Pag-aralan ang bawat pangungusap. Isulat ang:
PS-PP kung ang pangungusap ay may payak na simuno at payak na panaguri
TS-PP kung ang pangungusap ay may tambalang simuno at payak na panaguri
PS-TP kung ang pangungusap ay may payak na simuno at tambalang panaguri
TS-TP kung ang pangungusap ay may tambalang simuno at payak na panaguri

______16. Ang ate at kuya ko ay parehong nag-aaral sa Unibersidad.


______17. Si Luisa ang pinakamalakas at inaasahan ng pamilya sa mga problema.
______18. Sina nanay at tatay ang nagpapaaral sa amin at nagbibigay ng iba pang pangangailangan.
______19. Mahilig magsulat ng kwento at magpinta ng mga larawan si Alex.
______20. Ang aking kaibigan ay maaasahan at kailanman ay hindi pa ako iniwan.
______21. Masarap magluto ang aking nanay.
______22. Inirerespeto at iginagalang ko ang aking mga magulang.
______23. Sina Miko at Mika ay kambal at matalik na magkaibigan.
______24. Ang paghihirap ay pansamantala lamang.
______25. Pinarurusahan at ikinukulong ang sinumang nakagawa ng kasalanan.

D. Gamitin ang mga sumusunod na pangatnig upang makabuo ng dalawang sugnay na makapag-iisa o
tambalang pangungusap.
26. ngunit __________________________________________________________________________

27. habang _________________________________________________________________________

28. at _____________________________________________________________________________

29. o ______________________________________________________________________________

30. saka ___________________________________________________________________________

E. Salungguhitan ang sugnay na makapag-iisa at ikahon ang sugnay na di makapag-iisa sa hugnayang


pangungusap sa ibaba.
31. Pumasa siya sa pagsusulit dahil nag-aral siya nang mabuti kagabi.

32. Kung gusto mong maging malusog, mag-ehersisyo ka.

33. Upang masiguro ang kaligtasan ng lahat, dapat tayong sumunod sa protocol.

34. Sobra ang kanyang kalungkutan nang iniwan siya ng kanyang ina.

35. Kahit na nahihirapan ka na, magpatuloy ka lang.

F. Tukuyin kung ang nakasalugguhit na pang-abay ay pananggi, panang-ayon o pang-agam.


______________36. Tila uulan nang malakas mamayang gabi.

______________37. Ayokong maulit ang pang-iinsultong ginawa niya.

______________38. Sige, ipagpatuloy mo lang ang iyong nasimulan.

______________39. Galit siya kanina, baka may hindi magandang nangyari.

______________40. Huwag kang gagawa ng mga bagay na ikasisira mo.


G. 41-46. Basahin ang usapan nina Araw at Buwan. Isulat kung anong damdamin ang ipinapahayag sa bawat
pangungusap.

Araw: 41Tignan mo Buwan kung gaano ako kaliwanag.


41. ___________________
Buwan: Wow! Nakakasilaw naman ‘yang liwanag mo!
42 43
Sana
katulad mo’y may sariling liwanag din ako. 42. ___________________

Araw: Grabe ka naman kung mag-isip sa iyong sarili. 44Hayaan 43. ___________________
mo na, hindi ba’t nagliliwanag ka rin tuwing gabi? Minsan nga,
45

naiinggit ako saiyo, kasi tuwing gabi inaabangan ka ng mga tao, 44. ___________________
kahit buo ka o hindi, natutuwa sila tuwing nakikita ka.
45. ___________________
Buwan: 46Hindi ko lang maiwasan ang maiinggit, na habang
sumisimbolo ka ng pag-asa sa iba, natatakot naman ang mga 46. ___________________
tao tuwing dumidilim na.

H. Punan ng angkop na pang-ukol ang bawat bilang.

47. Bibili ako ng regalo _______________________ nanay.

48. ________________ batas, lahat ng bata ay may karapatang mag-aral.

49. ______________ buhay ni Rizal an gaming aralin ngayon.

50. Mahimbing siyang natutulog ______________ biglang kumalabog sa labas.

--------goodluck---------

Inihanda at ipinasa:

MARIVIC MARSHA A. BELARO


Guro sa Filipino
Nabatid:

JOERANDY C. TABLIZO
Pinunong Guro

You might also like