You are on page 1of 3

FILIPINO 3 FINALS TEST 2

PAGSUSURI NG GAWAING MALIKHAIN: REBYU 1


• REBYU - isang mapanuring pagbasa o pagtatasa ng isang gawang malikhain (tulad ng tula, dula, pelikula, musika,
sayaw) o ng isang gawang akademiko (tulad ng aklat o artikulo na produkto ng isang pag-aaral o saliksik).

• DALAWANG KATEGORYA NG REBYU


- madaling paraan lamang upang higit na maipaliwanag nang mabuti ang katangian ng bawat isa.
- magkaiba ang dalawa ngunit hindi magkahiwalay.
1. GAWANG MALIKHAIN
- hindi lamang laging galing sa imahinasyon ng malikhaing manunulat kundi madalas na bunga rin ng saliksik.
- ay naglalaman ng una, batayang impormasyon tungkol sa gawa, at pangalawa, pagsusuri ng rebyuwer sa gawa.
2. GAWANG AKADEMIKO
- tulad ng saliksik ay nabubuo sa tulong din ng mga malikhaing proseso ng isang iskolar o mananaliksik.

BATAYANG
IMPORMASYON KUNG KUNG PELIKULA
DULA 1. Pamagat ng pelikula
1. Pamagat ng dula 2. Prodyuser ng pelikula
2. Grupong pandulaang nagpalabas ng dula 3. Direktor
3. Direktor 4. Manunulat ng dulang pampelikula
4. Mandudula 5. Maylikha ng iba't ibang aspekto ng produksyon tulad ng
5. Maylikha ng iba't ibang aspekto ng produksiyon sinematograpiya, musika at disenyong awral (tunog at
tulad ng musika, sayaw o galaw, pag-iilaw, sound effects), disenyong pamproduksiyon, editing
disenyo ng set, at iba pa 6. Mga gumanap (pangalan ng artista at papel sa pelikula)
6. Mga gumanap (pangalan ng artista at papel sa dula)

Mahalagang bahagi ng pangunahing impormasyon


- detalyadong buod (sa mga gawang malikhain na walang matingkad na naratibo, maaaring ilarawan ito).

BUOD - maikling representasyon ng orihinal


BUOD PARA SA REBYU - may sapat na detalye upang malaman at maunawaan ng mambabasa ang nilalaman ng
orihinal na gawa kahit hindi nabasa o napanood ang likhang ito.

MAHALAGANG MATUKOY SA PAGBUBUOD NG DULA O PELIKULA


1. Pangunahing paksa o tema
2. Banghay
3. Kung walang malinaw na banghay, ang matingkad na disenyo o estruktura o pagkakaayos
4. Ano, sino, saan, kailan, paano, at bakit ng gawa. Tandaan na may iba't ibang paraan din ng pagbubuod depende sa
gawang ginagawan ng buod.

PAGSUSURI
- tampok na bahagi ng isang rebyu ; naipahahayag ang mga pagninilay, pananaw, at paghuhusga tungkol sa gawa.
- makatutulong ito sa mambabasa na bumuo ng sarili niyang palagay o kuro-kuro at pag-unawa tungkol sa gawa.

ANG PROSESO NG PAGSUSURI


• tingnan bilang engkuwentro ng isang tagabasa (ang rebyuwer) at ng gawa. Kapuwa may mga katangiang (o
repertoire) dala ang bawat panig. Nagkakaroon ng talaban ng mga katangiang ito, nagkakaroon ng diyalogo o
negosasyon sa pagitan ng rebyuwer at ng gawa.
FILIPINO 3 FINALS TEST 2
ANG REPERTOIRE NG GAWA
DALAWANG KATEGORYA NG REPERTOIRE
1. PANGKALAHATANG REPERTOIRE - maaaring tumukoy sa nilalaman, tema, paniniwala, at pagpapahalagang
karaniwang mahahalaw sa naratibo o kuwento nito.
2. REPERTOIRE NG PARTIKULAR - sa anyo ng gawa ay maaaring tumukoy sa iba't ibang pamamaraan sa pagbuo ng
gawa. Maraming iba't ibang tawag o saklaw ang pamamaraang ito-kumbensiyon,
elemento o sangkap, estratehiya, teknik, genre, o anyo.

ANG REPERTOIRE NG REBYUWER BILANG MAMBABASA


DALAWANG KATEGORYA NG REPERTOIRE NG REBYUWER
1. ANG PANGKALAHATANG REPERTOIRE NG REBYUWER
- pananaw, kaisipan, paniniwala, at pagpapahalaga tungkol sa iba't ibang paksa, usapin, o bagay sa lipunan at
sa mundo. Ang itinatapat o binabangga sa tuwing nakakaengkuwentro niya ang isang gawa.
- May tapatan kung may pagkakasundo. May banggaan kung may pagkakaiba.
2. ANG REPERTOIRE NG REBYUWER NA PARTIKULAR
- sa anyo ng gawa ay tumutukoy sa kaalaman ng rebyuwer tungkol sa iba't ibang pamamaraan na humubog sa
gawa na kaniyang nirerebyu.

LISTAHAN NG MGA HAKBANG O PROSESONG GINAGAWA NG REBYUWER


- Ang inilahad ay isang teoretikal na paliwanag kung ano ang posibleng nagaganap kapag nagrerebyu ng mga gawa, o sa
mas pangkalahatan, kapag nagbabasa nang mapanuri ang isang mambabasa ng teksto o gawa.

1. Tukuyin ang mga batayang impormasyon tungkol sa gawang malikhain.


2. Gumawa ng detalyadong buod ng gawa.
3. Tukuyin ang pangunahing tema o ideya ng gawang malikhain.
4. Tukuyin ang mga pangunahing pansuportang detalye o ideya sa pangunahing tema o ideya ng gawa
pagdebelop ng pangunahing tema o ideya ng gawa.
5. Sang-ayunan o pasubalian ang pangunahing tema o ideya ng gawa ayon sa sariling pananaw, paniniwala, o
paninindigan ng rebyuwer.
6. Sang-ayunan o pasubalian ang pangunahing tema o ideya ng gawa ayon sa kasapatan o katatagan ng mga
pansuportang detalye o ideyang ginamit sa pagdebelop ng pangunahing tema o ideya.
7. Suriin ang pamamaraang (kumbensiyon, elemento o sangkap, estratehiya, teknik, genre o anyo) ginamit sa pagbuo
ng gawa.
8. lugnay ang gawa sa iba pang kaugnay na gawa (kung nagrerebyu ng isang pelikula tungkol sa Overseas Filipino
Worker, maaaring iugnay ito sa iba pang pelikulang Filipino tungkol sa OFW).
9. Humanap ng mga puwang o katahimikan sa gawa (puwedeng suriin hindi lamang ang kung ano ang nasa gawa kundi
maging ang wala dito, ang hindi nito isinama na sa palagay mo ay mahalagang naisama sa gawa).
10. lugnay ang gawa sa napapanahong isyu.
11. lugnay ang gawa sa personal na buhay.
12. Pagtuonan ang mga susing salita o konsepto sa pamagat at suriin kung paano ito napapatotohanan o
napasusubalian sa kabuuan ng gawa.
13. lugnay sa sariling pagsusuri ang pagsusuri ng ibang rebyuwer o kritiko tungkol sa gawa kung mayroon man.

MAHALAGANG TANDAAN:
1. Hindi natatapos ang pagsulat ng rebyu sa hiwa-hiwalay na paglalapat ng mga estratehiyang nabanggit. Ang
paglalapat ng mga ito ay magiging kasangkapan lamang ng mambabasa o rebyuwer para makabuo ng mga kabatiran
o ideya tungkol sa kaniyang binabasa o nirerebyu. Kailangan pa ring pag-isipan ng rebyuwer ang isang sentral na
ideya o ilang magkakaugnay na ideya tungkol sa kaniyang binabasang gawa. Ang paglalapat ng mga hakbang ay
lamang para mapalitaw ang sentral na ideyang ito makatutulong.
2. Huwag ding tangkain o piliting gamitin ang lahat ng hakbang o prosesong nakalista rito. Gayunman, kung mas
maraming magagamit ay mas magiging mabunga marahil ang engkuwentro sa gawang malikhain. Piliin kung ano ang
pinakaangkop na gamitin batay sa katangian ng gawang rerebyuhin o susuriin.
FILIPINO 3 FINALS TEST 2
PAGSUSURI NG GAWANG AKADEMIKO: PAGSULAT NG
REBYU 2 PAGSUSURI NG AKADEMIKONG GAWA SA ISANG
REBYU
- Tumutukoy ang gawang akademiko sa mga produkto ng pag-aaral o pananaliksik tungkol sa mahahalagang paksa sa
iba't ibang disiplina o makabuluhang paksa tungkol sa lipunan.

• SISTEMATIKO - proseso dahil may sinusunod na mga hakbang at maayos na pamamaraan para matamo ang
inaasahang resulta.
• OBHETIBO - paraang isinasaalang-alang ang iba't ibang datos at pananaw tungkol sa paksa para mailatag ang
nagtutunggaliang ideya tungkol sa paksa ; paraang ang kongklusyon ay nakabatay sa
mapagkakatiwalaan at puwedeng-patunayang mga datos o ebidensiya.

BATAYANG KUNG ARTIKULO


IMPORMASYON KUNG 1. Pamagat ng artikulo
AKLAT 2. Pangalan ng may-akda
1. Pamagat ng aklat 3. Pamagat ng kinapapaloobang aklat
2. Pangalan ng may-akda 4. Pangalan ng editor ng aklat
3. Tagapaglimbag 5. Tagapaglimbag
4. Taon ng Paglilimbag 6. Taon ng Paglilimbag
5. Bilang ng pahina 7. Pahina ng artikulo

ANG REPERTOIRE NG GAWANG AKADEMIKO


GAWANG AKADEMIKO - karaniwang nasa anyo ng mga artikulong inilalathala sa mga journal ng mga unibersidad o at
iba pang institusyon. Kasama rin ang mga tesis at disertasyon-mga pananaliksik na ginagawa para makatugon sa
pangangailangang akademiko sa mga pamantasan. Kung minsan, ang mga tesis o disertasyong ito ay isinasaaklat. Kung
minsan din, inilalathala ang isang kabanata ng tesis o disertasyon at siyang nababasa sa sa mga akademikong journal.

DALAWANG KATEGORYA NG REPERTOIRE NG GAWANG AKADEMIKO


1. PANGKALAHATANG REPERTOIRE
- maaaring tumukoy sa paksa, pangunahing ideya tungkol sa paksang ito, at mga pansuportang ideya ng gawa.
Madalas na itinuring na ang paksa at pangunahing ideya ay iisa. Ngunit upang maging mas malinaw ang
paliwanag, kailangang pag-ibahin ang paksa at pangunahing ideya na minsan ay tinatawag ding tema.
> IDEYA o TEMA - ideyang dinebelop o sinasabi tungkol sa paksa.
> PAKSA - pinag-uusapan o tinatalakay sa isang gawa ; pangunahing karaniwang naipahahayag sa isang o parirala.
> PANGUNAHING IDEYA - karaniwang naipahayag sa isa o ilang pangungusap.

2. ANG PARTIKULAR NA REPERTOIRE


- maaring tumukoy sa mga bahagi ng isang gawang akademiko na karaniwang binubuo ng:
> Paglalahad ng paksa at suliranin ng pag-aaral > Saklaw at delimitasyon
> Rebyu ng kaugnay na pag-aaral > Kahalagahan ng pag-aaral
> Layunin ng pag-aaral > Presentasyon ng datos
> Teoretikal na balangkas > Pagsusuri ng datos
> Metodo ng pananaliksik > Kongklusyon

ANG REPERTOIRE NG REBYUWER BILANG MAMBABASA

DALAWANG KATEGORYA NG REPERTOIRE


1. PANGKALAHATANG REPERTOIRE NG REBYUWER
- maaaring tumukoy sa kaniyang mga kaalaman, pananaw, o paninindigan tungkol sa paksa at mga ideyang
nakapaloob sa gawang akademiko.

2. ANG PARTIKULAR NA REPERTOIRE NG REBYUWER


- maaaring tumukoy sa mga tiyak na estratehiya na ginagamit niya para suriin ang gawang akademiko.

REPERTOIRE o KATANGIAN NG REBYUWER o MAMBABASA NG GAWANG AKADEMIKO

You might also like