You are on page 1of 11

ARALIN 11 Pagsusuring Gawang Malikhain: Pagsulat ng Rebyu 1

LAYUNIN:
• Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mag-aaral ang sumusunod:
• Maipaliwanag ang nagaganap na proseso kapag nagrerebyu ng isang gawang malikhain;
• Mapag-iba ang pangkalahatan at partikular na repertoire o katangian ng isang malikhaing gawa at ng
mambabasa; at
• Matukoy ang ilang estratehiya kapag sumusuri ng isang gawang malikhain.

Gawaing Malikhain : Kuro-kuro o Pananaw tungkol dito


1. “Himala” pelikula
2. “Lupang Hinirang” awit
3. “Noli Me Tangere” nobela
4. Paborito mong pelikula (isulat ang pamagat)
5. Paborito mong awit (isulat ang pamagat)
• REBYU
Isang mapanuring pagbasa o pagtatasa ng isang gawang malikhain (tulad ng
tula, dula, pelikula, musika, sayaw) o ng isang gawang akademiko (tulad ng aklat o
artikulo na produkto ng isang pag-aaral o saliksik). Sa paghahati ng rebyu sa 2
kategorya , dapat linawin na ang proseso ng pagbuo ng gawang malikhain at gawang
akademiko ay hindi naman talaga magkahiwalay. Ang isang gawaing malikhain ay
hindi lamang laging galing sa imahinasyon ng malikhaing manunulat kundi madalas na
bunga rin ng saliksik.
Ang isang gawang akadmiko tulad ng saliksik ay nabubuo sa tulong din ng mga
malikhaing proseso ng isang iskolar/mananaliksik. Ang paghahati ng pagtalakay sa
anyo at proseso ng pagsulat ng rebuy sa dalawa (malikhain at akademiko) ay medaling
paraan lamang upang higit na maipaliwanag nang mabuti ang katangian ng bawat isa.

 
• Ang isang rebyu ng gawang malikhain ay naglalaman ng una: batayang
impormasyon tungkol sa gawa at pangalawa: pagsusuri ng rebyuwer sa gawa.
• Batayang Impormasyon:
Kung Dula:
1. Pamagat ng dula
2. Grupong pandulaang nagpalabas ng dula
3. Direktor
4. Mandudula
5. Maylikha ng iba’t ibang aspekto ng produksiyon tulad ng musika, sayaw o galaw,
pag-iilaw, disenyo ng set, at iba pa
6. Mga Gumanap (Pangalan ng artista at papel sa dula)
Kung Pelikula :
1.Pamagat ng pelikula
2. Produsyer ng pelikula
3. Direktor
4. Manunulat ng dulang pampelikula
5. Maylikha ng iba’t ibang aspeto ng produksyon (tunog at sound effects)
6. Mga gumaganap (pangalan ng artista at papel sa pelikula)
• Sa pagbubuod halimbawa ng dula o pelikula, mahalagang matukoy ang:
pangunahing paksa o tema ng Pelikula
 Banghay
 Kung walang malinaw na banghay, ang matingkad na disenyo, o estruktura
o pagkakaayos.
• ano, sino, saan, kailan, paano, at bakit ng gawa. Tandaan na may iba’t ibang
paraan din ng pagbubuod depende sa gawang ginagawan ng buod.
Pagsusuri:
• Ang tampok na bahagi ng isang rebyu.
• Sa pamamagitan nito, naipahahayag ng rebyuwer ang kaniyang mga pagninilay,
pananaw, at paghuhusga tungkol sa gawa. Ang babasa ng rebyu ay maaring
matulungan para magkaroon ng malalim na kaalaman tungkol sa gawa. Hindi
dapat basahin ang rebuy para tanggapin ang lahat ng sinabi ng rebyuwer bagkus

inaasahang makatutulong ito sa mambabasa na bumuo ng sarili niyang palagay


o kuro-kuro at pag-unawa tungkol sa gawa.

Repertoire ng Gawa (PRANSES) KATANGIAN


Kategorya ng Repertoire ng Gawa

Pangkalahatang Repertoire Repertoire na Partikular sa Anyo

Maaaring tumukoy sa Maaaring tumukoy sa iba’t ibang


nilalaman, tema, pamamaraan sa pagbuo ng gawa.
paniniwala, at
pagpapahalagang
karaniwang mahahalaw sa
naratibo o kuwento nito.
Repertoire ng
Gawaing
Malikhain

Pangkalahatan Partikular na
Repertoire Repertoire
Ng Gawaing Ng Gawaing
Malikhain Malikhain
Pamamaraan
Nilalaman Kumbensiyon
Tema Elemento
Paniniwala Estratehiya
Pagpapahalaga Teknik
Genre o Anyo
Dapat tingnan ang pagsusuri bilang engkwentro ng tagabasa (o rebyuwer)
at ng gawa (malikhain o akademiko), Sa pagtatagpong ito,kapwa may mga
Katangiang (o repertoire) dala ang bawat panig.
Ang Repertoire ng Rebyuwer Bilang Mambabasa

Pangkalahatang Repertoire ng Partikular na Repertoire ng Mambabasa


Ng Mambabasa o Rebyuwer o Rebyuwer

Pananaw Kaalaman tungkol


Kaisipan sa Iba’t ibang
Paniniwala Pamamaraan ng
Pagpapahalaga Gawang Malikhain
Narito ang representasyon ng isang kritikal na pagbasa na ginagawa ng isang
Rebyuwer:

You might also like