Professional Documents
Culture Documents
Ang Duwag Na Paniki
Ang Duwag Na Paniki
LAHAT: Kakainin na sana ng Leyon ang nahuli niyang biktima/ nang dagitin ng Agila ang
pagkaing pinaghirapan niya. Sa sobrang galit,/ pinanindigan ng Leyon na kakalabanin niya ang
Agila. Pinulong ng Leyon ang lahat ng hayop sa lupa. Sapagkat mga ibon nga/ ang nagnanakaw
ng mga pagkain ng Tsonggo, Usa, Baboyramo at iba pang hayop-lupa sa buong mundo/ kaya
napapayag niya ang lahat na labanan ang Agila at lahat ng ibong nagliliparan.
LAHAT: Sa pamumuno ng Haring Leyon/ ay hinintay ng mga hayop ang pagdilim. Alam nilang
kapag gumagabi/ nagbabalik sa kani-kanilang pugad ang mga ibon.
Ang pagsalakay ni Haring Leyon ay nakabulabog sa mga ibon. Maraming napatay. Ang Kuwago
na pinakamatalinong ibon/ ang gumabay sa mga tumakas na kasama niya/ upang lumipad sa
gitna ng kagubatan at malayo sa mga kuko ng kaaway.
Kitang-kita ng Paniki ang paglayo ng takut na takot na mga kasama. Upang isalba ang sarili,/ sa
halip na lumipad/ ay naglakad siya sa lupa at nagbigay pugay sa Haring Leyon.
PANIKI: "Kamahalan"
PANIKI: "Kamag-anak po ako ng mga daga. Gusto ko pong sumama sa inyong paglipol sa mga
ibon. Inaalay ko po ang buhay ko/ alang-alang sa ating pagtatagumpay!"
LAHAT: Napaniwala ng Paniki ang Haring Leyon. Pinayagan siya nitong sumama sa digmaan/
kahit wala naman sa loob ang pakikipaglaban.
Sa tinamong pagkatalo ng Haring Agila/ ay pinulong niya ang mga kakampi na kailangan nilang
makaganti. Napagkaisahan ng mga ibon/ na sa mag-uumaga naman sila sasalakay habang tulog
na tulog pa ang mga hayop sa burol at mga bundok.
Kasisilip pa lamang ng araw sa Silangan/ ay naririnig na ang mga kampay ng mga pakpak sa
kaitasaan. Dala-dala ang mga mabibigat na bato,/ lumipad ang mga ibon sa kaitasaan/ at dali-
daling pinagbabato ang mga hayop na nagising sa kalituhan. Marami ang namatay sa pandirigma
ng mga ibon.
Kahit talunan,/ nagkapit-kapit pa rin ang mga hayop na handa pa ring mag-ipon ng lakas at
magplanong lumaban.
Payuku-yukong ikinukubli ng Paniki ang mukha sa mga talunang hayop-lupa. Nang walang
nakapansin/ ay ikinampay niya ang mga pakpak at nagpunta sa kampo ng mga katribong ibon.
LAHAT: Magalang na bati ng Paniki habang ibinubukadkad niya ang mga pakpak
PANIKI: "Ako po si Paniki/ na handang mag-alay ng buhay ko/ sa paglaban sa mga kaaway
ninyo!"
LAHAT: Ang layuning mag-alay ng sarili/ ay ikinahanga ni Haring Agila upang tanggapin ang
Paniki bilang kapanalig niya.
Kinaumagahan/ ay paglusob naman ng mga hayop-lupa ang isinagawa. Bihis pandigma ang mga
hayop. May mga sibat ang mga Tsonggo at Elepante. May mga sumpit ang Aso, Lobo at Toro.
Napag-isip-isip ng Paniki na kampihan ang mga hayop-lupa. Pero nang manalo ang mga Ibon ay
kampi kagad siya sa mga Ibon.
Bilang parusa sa Paniking walang sariling bait,/ pinalayas siya ng dalawang tribo.
Sa sobrang kahihiyan,/ ang Paniki ay lagi nang nagtatago sa mga kuweba kung araw. Palihim
lang itong lumalabas sa taguan kung gabing bilog ang buwan.