You are on page 1of 3

Si Sisa, ang Batang Mausisa

Ni Jeramie M. Calderon

Isang maulan na hapon, nakaupo si Sisa katabi ng bintana habang nakatingin

sa bahaghari na lumitaw paghinto ng ulan. Napansin ng kanyang ina, ang

mapanuring titig ni Sisa sa bahaghari kaya tumabi siya sa anak. “Sisa, ano ba iyang

tinititigan mo kanina pa?, ang tanong ng ina kay Sisa. “Ina, tingnan ninyo oh may

bahaghari. Ang ganda po niyang pagmasdan ina”, ang tugon ni Sisa sa ina. “Oo

anak ang ganda ng bahaghari”, ang sagot naman ng kanyang ina. “Ina, bakit po

nagkakaroon ng bahaghari pagkatapos ng ulan?, ang mausisang tananong ni Sisa

sa kanyang ina.

“Anak, ayon sa siyentipikong paliwanag, hindi sa lahat ng pagkakataon

mayroong bahagharing mabubuo pagkatapos ng ulan. Lumilitaw lang ito kung ang

mga butil ng ulan ay nasisinagan ng liwanag ng araw. Dahil sa tinatawag na

refraction, tumatagos ang liwanag sa butil ng tubig na dahilan ng pagkabuo ng

bahaghari o rainbow sa ingles. “Wow! Ganoon pala iyon ina,” ang sabi ni Sisa sa

nalamang impormasyon. “Pero ina, hindi ko po talaga lubusang naiintindihan ang

inyong paliwanag,” ang sabi ni Sisa na naguguluhan pa sa paliwanag ng ina. “Ganito

na lang anak para hindi kana malito”.

Ang tunay na may gawa ng bahaghari ay ang ating Maykapal kasi Siya rin

ang lumikha sa ulan, araw, buwan at kasama na ang bahaghari”, ang bagong

paliwanag ng ina. “Naiintindihan ko po ina. Ang galing talaga ng ating Maykapal ina

dahil siya rin ang lumikha sa lahat ng may buhay sa mundo at dahil sa kanya

nabigyan ako ng isang mapagmahal na ina na tulad mo“, ang sabi ni Sisa sa ina na
labis ang pasasalamat. “Maraming salamat po ina sa iyong pagmamahal at pag-

aalaga sa akin”, ang sabi ni Sisa sa ina.

Napamangha ang ina sa ipinakitang abilidad ng kanyang anak sa pagiging

mausisa nito. At silang dalawa ay masayang nagkukuwentuhan sa tabi ng bintana

habang pinapanuod ang kagandahan ng bahaghari.

Mga tanong:

1. Sino ang batang mausisa sa kuwento?

2. Ano ang ginagawa ng batang ito sa uang bahagi ng kuwento kung saan

nagkaroon siya ng mausisang tingin dito?

3. Ano ang mausisang tanong ni Sisa sa kanyang ina?

4. Ano ang uang paliwanag ng ina tungkol sa mausisang tanong ni Sisa?

5. Kung ikaw si Sisa, naaaliw ka rin ba sa kagandahan ng bahaghari? Bakit?

You might also like