You are on page 1of 25

TAYUTAY

Enero 4, 2024
TAYUTAY
Ang TAYUTAY ay isang
pahayag na ginagamitan ng mga
matalinhaga o di karaniwang
salita upang gawing mabisa,
makulay at kaakit-akit ang
pagpapahayag.
PAGTUTULAD O SIMILE
Ito ay isang paghahambing sa
dalawang magkaibang tao, bagay at
pangyayari. Gumagamit ang
pagtutulad ng mga salitang tulad ng,
katulad ng, parang, kawangis ng,
animo, para, tila, sing-, kasing-,
magkasing-, at kagaya.
PAGTUTULAD O SIMILE
Parang hari si Tonio kung mag-
utos kaya kinaiinisan ito nang
marami.

Animo’y isang paruparo kung


manligaw si Baste sa dalaga.
PAGTUTULAD O SIMILE
Kasingkintab ng diyamante ang
iyong mga luha.

Ang iyong labi ay tila


rosas sa pula.
Pagwawangis (Metapora)
Tiyakang naghahambing ng
dalawang bagay ngunit tuwiran
ang ginagawang paghahambing.
Hindi na ito ginagamitan ng mga
salitang tulad ng ginagamit sa
Simile.
Pagwawangis (Metapora)
Ang kanyang buhay ay isang bukas
na aklat.

Ikaw ang ahas sa aming relasyon!


Pagwawangis (Metapora)
Leon sa bagsik ang ama ni
David.
Ikaw ang ilaw sa madilim kong
buhay kaya’t huwag ka sanang
aalis.
PAGMAMALABIS O HYPERBOLE
Pilit na pinalalabis sa normal na
katangian, kalagayan o katayuan ng
isang tao, bagay, pook o pangyayari
upang bigyang kaigtingan ang nais
ipahayag. Tinatawag din itong
eksaherasyon.
PAGMAMALABIS O HYPERBOLE
Tumigil ang pag-inog ng mundo ni Jhon
nang makita niya ang kanyang
napakagandang kasintahan

Bumaha ng dugo sa naganap na labanan ng


mga armado at mga military.
PAGMAMALABIS O HYPERBOLE
Nalulunod na siya sa kaniyang
luha.
Hanggang tainga ang aking ngiti
nang siya’y aking nakilala.
Pagtatao (Personipikasyon)
Ito’y mga pahayag ng paglilipat ng
katangian, gawi, at talino ng isang tao
sa mga karaniwang bagay na walang
buhay. Ginagamitan ito ng pandiwa.
Tinatawag din itong Pagbibigay-
katauhan.
Pagtatao (Personipikasyon) –

Ang mga bituin sa langit ay


kumikindat sa akin.
Ibinulong ng hangin sa akin
ang walang maliw niyang
pagsinta.
Pagtatao (Personipikasyon) –

Ang mga kawayan ay


sumasayaw sa ihip ng hangin.

Hinalikan ako ng malamig na


simoy ng hangin.
Pagtutulad – Naghahambing
+ para, katulad, wangis, tulad,
animo, kasing-, sing-,
magkasing-

Pagwawangis - Direktang
paghahambing.
Pagtatao – mga walang
buhay na umaastang tao

Pagmamalabis – OA,
Exaggerated , lampas sa
totoo.
PANAPOS NA PAGTATAYA

1. Namuti na ang mga


mata ni Jen sa
paghihintay sa kanyang
kasintahan.
PANAPOS NA PAGTATAYA

2. Salaysay niya,
saksakan ng guwapo
ang binatang nasa
kaniyang panaginip.
PANAPOS NA PAGTATAYA

3. Ang ulap ay
nagdadalamhati sa
kaniyang
pagpanaw.
PANAPOS NA PAGTATAYA
4. Rosas sa kagandahan
ang anak ni Sofia
Andres nang makita ng
mga followers nito ang
larawan na ipinost niya
sa kanyang Instagram.
PANAPOS NA PAGTATAYA

5. Ang mga mata niya


ay tila mga bituing
nagniningning sa
tuwa.

You might also like