You are on page 1of 1

ESP 4

SUMMATIVE TEST
4TH QUARTER

Pangalan: _____________________________________________ Iskor: __________

I. Isulat ang WASTO kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga bagay na
may buhay o materyal na bagay at DI-WASTO naman kung hindi.

_________1. Pagsasawalang bahala sa mga halaman na nasalanta ng bagyo.


_________2. Nilalagyan ng disenyo ang mga paso bago ito gamitin.
_________3. Hindi na kailangan pang diligan ang mga halaman na kakatanim palang.
_________4. Hayaan mamuhay ang mga ligaw na damo sa tabi ng mga halaman.
_________5. Kailangan ginugupitan din ang mga malalagong halaman upang umusbong ng maayos at
maganda.
_________6. Pinupulot ko ang mga kalat na aking nakikita sa hardin ng aming paaralan.
_________7. Ang mga halaman sa loob ng aming bahay ay akin ding inilalabas upang paarawan.
_________8. Walang habas na pinuputol ang mga puno sa kagubatan.
_________9. Tinatapunan ng mga basura ang bakanteng lote sa aming lugar.
_________10. Nireresiklo ang mga bagay sa aming tahanan tulad ng mga bote upang mapagtaniman ng mga
halaman.
________11. Kailangan ng mga halaman ang pataba upang lumago pa lalo.
________12. Hindi na kinakailangan pang bungkalin ang lupa ng mga tanim na halaman.
________13. Maaksaya sa tubig ang halaman kaya hindi na kailangan pang diligan.
________14. Sa pagbubungkal ng lupa sa taniman, patamaan sa may ugat upang mabuhay.
________15. Kapag magdidilig ng halaman, kailangan ng mahinang buhos upang hindi matumba ito.
________16. Diligan sa hapon o sa umagang-umaga ang mga halaman.
________17. Hahayaang mabuhay ang mga halaman sa daraanan ng
mga tao.
________18. Iwasan ang malakas na pagbuhos ng tubig sa pagdidilig.
________19. Bungkalin ang lupa ng tanim upang makahinga ito.
________20. Hayaan tumigas ang lupa ng mga tanim na halaman.

File created by DepEd Click.

You might also like