You are on page 1of 356

Alphabet of Death

AlphaBakaTa Trilogy
[Book1]: Alphabet of Death
(The Arrival of Unforgiveness)

First time kong gumawa ng Horror na may slice of Mystery/Thriller.

Thank You! Nagpapasalamat na ako una pa lang. Alam kong hindi ako magaling sa
larangang ito pero kakayanin ko. Nothing is Impossible!

Sana magustuhan niyo. Salamat ulit.

Prologue
"At para maging mas masaya ang ating pananatili rito, maglalaro tayo." Wika ni
Agatha habang nakaupo nang pabilog ang lahat habang siya naman ay nakatayo sa
gitna.

Naglabas siya ng bowl at ipinakita sa mga kaklase.

"Ahm, guys! Bubunot tayo lahat dito sa bowl of surprise na kung saan ay may
nakalakip na letra. Kaya kung ano ang letrang panghahawakan mo, ayun ang magiging
DARE o kaya ay TRUTH sa ating laro." Paliwanag niya.

"Haha, kundi niyo lang alam. Ang letrang panghahawakan ninyo ay magiging sanhi ng
kamatayan niyo! Haha!" Wika ng isang tinig.

"So ibig sabihin, TRUTH or DARE ang lalaruin natin? Na kung saan kapag napili mo ay
TRUTH ang sasagutin mo ay kung ano word ang ibibigay sayo ng magtatanong at ganun
din sa DARE?" Wika ni Nikka.

"Oo tama ka! Kaya bawal ang KJ! Enjoy lang natin ito!" Wika niya at pinaikot-ikot
na nga ang bowl of surprise.

"Ngayong nakabunot na ang lahat, simulan na natin. Spin the bottle muna siyempre."
Wika ni Agatha at sinimulang paikutin ang bote.

At ayun nga, nag-eenjoy silang lahat sa kalokohan ng bawat-isa.

Si Adrian naman ang nagspin ng bottle ngayon at ito ay tumapat kay Mae.

"Ano Mae? Truth or Dare?" Tanong ni Adrian.


"Dare na lang para mas masaya! Haha!" Wika ni Mae na wagas pa kung makatawa.

"At dahil may pagkaboyish ka at hindi kami sigurado kung tomboy ka ba o hindi, ang
letrang pinanghahawakan mo ay?" Tanong ni Adrian.

"Letter O! Huwag mong hihirapan ah? Kundi sapak aabutin mo sa akin!" Wika ni Mae na
nanakot pa.

"Ang naisip kong word ay OPERATION! Kaya ang gagawin mo ay OPERATION, Seduce Karlo!
Haha! Galingan mo ah? Tingnan natin kung maaakit mo ang pinakamahangin sa atin
haha!" Wika ni Adrian na tawa nang tawa.

"Gusto ko iyan! Sige nga Mae! Seduce me if you can!" Pang-aakit ni Karlo.

"Iyan ba ang gusto mo? Sige, sisiguraduhin kong mag-iinit ka!" Wika niya at
nilapitan si Karlo.

Ngayon, silang dalawa ay nasa gitna ng bilog para gawin na ni Mae ang kaniyang
Dare.

Hinagod ni Mae ang likod ng binata habang naglilikod ito papaharap. Maganda si Mae,
kahit sino ay matetemp kapag inakit niya kaso nga lang may pagkaboyish.

"Wow, inaamin ko, sa paghagod mo pa lang, binuhay mo na ang alaga ko." Wika ni
Karlo na ngayo'y parang tinamaan na kay Mae.

"Ok ok, pwede na! Oh let's say na bagay kayo! Haha!" Wika ni Adrian na inaalaska
ang dalawa.

Bumalik na sa upuan ang dalawa. Nagpatuloy sila sa paglalaro hanggang sa dalawin na


sila ng antok.

"Ok guys! Good night! Sweet dreams!" Wika ni Agatha sa mga kasama at natulog na nga
ang lahat.

Alas tres ng umaga ng maalimpungatan si Mae at nauhaw kaya tinungo niya ang kusina.

Pagkarating niya roon ay uminom siya ng gatas.

"Masarap ba? Eh yung kay Karlo ba masarap?" Wika ng isa sa kaniyang mga kaklase.

"Haha, bakit mo naman naitanong iyan? Tsaka hindi naman kami no! At hindi ako
gross! Ang bastos mo!" Wika ni Mae sabay sara ng ref.
"Hahaha! MU kayo right? Patagong pag-ibig nga naman oh!" Wika nito habang
nakasandal sa may pader malapit sa lutuan.

"Paano mo nalaman? Huwag kang maingay! Secret lang natin iyon ah?" Wika ni Mae
sabay lapit dito.

"Huwag kang mag-alala, secret lang natin iyon. Pero tandaan mo, walang lihim na
hindi nabubunyag." Wika nito.

"Huwag ka namang ganiyan. Parang tinatakot mo ako eh." Wika ni Mae na umasta na
parang bata.

"Natatakot ka ba? Pwes, tinatakot nga kita." Wika nito sabay kuha ng kutsilyo at
unti-unti siyang lumalapit kay Mae.

"Hindi magandang joke iyan! Please! Ibaba mo iyang kutsilyo!" Wika ni Mae na takot
na takot na. Kaya paatras siya nang paatras habang palapit naman ng palapit sa
kaniya ang kaklase niya.

"Goodbye Mae!" Wika nito at itinarak ang matulis na kutsilyo sa puso ni Mae at
tsaka niya ito dinukot.

"Nakakatuwang puso, tumitibok-tibok pa at sa ilang sandali pa ay wala na." Wika


nito at humalakhak na parang isang baliw hawak-hawak ang puso ng dalaga.

"Hold your heart Mae!" Wika nito at nilagay ang puso nito sa kamay ng dalaga na
nakahandusay sa sahig at walang malay.

"Letter O, check! 25 left! I can't wait to see them suffer habang naliligo sa
sarili nilang dugo! Haha!" Wika nito at nilagyan ng letter O si Mae sa kaniyang
noo.

Kinabukasan, nagising ang lahat ng biglang tumili si Hannah.

"Ahhhh!" Sigaw nito kaya dali-daling nagsilapitan ang kaniyang mga kasama.

"Oh what happened here? Who killed Mae?" Tanong ni Karlo na naghihikahos.

"Ewan ko! Pagkarating ko rito ay iyan na kaagad ang bumulaga sa akin!" Paliwanag ni
Hannah.

"Bakit hawak niya ang puso niya? At, may letter O na nakasulat sa noo niya?" Tanong
ni Ginny na nanginginig sa takot.
"Ewan?!" Wika ni Ramil.

"Sa tingin ko, may gustong iparating yung killer." Wika ni Roxette.

"Iparating? You mean, message?" Tanong ni Ethan.

"Wait, diba letter O yung nabunot na letter ni Mae sa bowl of surprise?" Tanong
naman ni Mia.

"Oo! Tama ka! Oo nga! Eh ano naman kinalaman nun?" Tanong ni Adrian.

"Isa lang ang naiisip kong ibig sabihin ng O na iyan sa kaniyang noo." Wika ni Tom.

"Ano naman iyang theorya mo?" Tanong ni Jerome.

"I think, gusto tayong patayin lahat ng killer." Wika niya.

"At bakit naman? May atraso ba tayo sa kaniya?" Wika ni Jake.

"Atsaka, tayo-tayo lang ang nandito kaya ibig sabihin, isa lang sa atin ang
killer!" Wika naman ni Mark.

"Yup, tama ka Mark, ang tanong sino nga ba sa atin?" Wika naman ni Joan.

"Umamin na kasi!" Wika ni Dion.

"I think, walang aamin. May killer bang aamin na siya ang killer? Wala diba? Kaya
mag-ingat tayong lahat. Lalo na kung sino ang dapat pagkatiwalaan o hindi." Wika ni
Xiara.

"Oo nga! Alam niyo guys, napaisip lang ako, may kinalaman ba ang puso niya sa
letter O? Ano ito? Game pa rin ba?" Wika ni Arianne.

"Sa tingin ko, laro ito para sa killer." Wika ni Agatha.

"At paano mo naman nasabi iyan?" Tanong ni Josh.

"Diba O ang letter ni Mae na pinanghahawakan at OPERATION ang word sa kaniya ni


Adrian? I think, kung ano ang letrang pinanghahawakan mo, iyan ang paraan ng killer
kung paano ka niya papatayin." Pagpapaliwanag ni Agatha.
"Puso? Ano kinalaman nun sa O?" Tanon ni Aaron.

"Ang puso ay isang Organ kaya ang kamatayang ipinataw ng killer kay Mae ay Dukutin
ang puso. Her death word is ORGAN." Wika naman ni Henry.

"Ah, ang talino mo talaga! Baka naman ikaw ang killer?" Wika ni Abby.

"Kung ako ang killer, sana pinatay ko ng kayong lahat ng sabay-sabay." Wika ni
Henry na ikinatakot ng lahat.

"Naku Mae! Paano ko i-eexplain ito kay Tita? Huhuhu!" Wika ni Grace na super close
kay Mae kaya todo siya kung makapaghinagpis.

"Basta, dapat siguraduhin niyo trustworthy ang sinasamahan niyong tao o kaya much
better, huwag na tayong maghihiwa-hiwalay para safe tayong lahat." Suhestiyon ni
Agatha.

"Ang malas natin! Dapat pala hindi na lang dito sa beach resort namin! Walang
signal! Kaya hindi tayo makakahingi ng tulong! Tapos, mukhang may paparating pang
bagyo kaya wala tayong choice kundi maghintay ng dalawang linggo dito!" Wika ni
Ginny.

"Don't worry Ginny, hindi mo naman ito kasalanan! Tsaka, mahuhuli rin natin ang
killer." Wika ni Roxette habang kinokomfort ang nag-aalalang kaibigan.

"Kahit ano mang gawin niyo, hindi niyo matatakasan ang kamatayan niyo! Ang letrang
nabunot niyo ay parang sumpa na hindi niyo mapipigilan na kitilin ang buhay niyo!
Haha!" Wika ng isang tinig.

"Be ready and excited guys sa kamatayang ipapataw ko sa inyo sa pamamagitan ng


letrang hawak niyo! Haha!" Dagdag pa niya.

"Hindi niyo matatakasan ang Alphabet of Death! Hahaha!"

Chapter 1
"Sabi nila, ang mga Inhinyero raw mga matatalino..." Sabi ng tagapagsalaysay nilang
kaklaseng babae habang nakatayo sa harapan ng kanilang silid-aralan.

"Tama!" Sabi naman ng mga estudyanteng Inhinyero na biglaang napatingin sa kanya.

"Pero boring?!" Sabi ng tagapagsalaysay at humalukipkip naman ito ngayon.


"Hindi kaya!" Pagsalungat naman ng mga estudyante.

"Mahilig mag-joke..." sabi nito.

"Knock-knock!" Sabi ng isang nerd na si Henry.

"Who's there?" Tanong naman niya.

"Tocino!" Wika ni Henry na tila nanunuya pa.

"Tocino who!" Sabi ng tagapagsalaysay.

"Tocino-cino pang tinatawagan mo nandito lang naman ako!" Kanta niya at nagtawanan
ang lahat.

"Waley! Haha!" Sabi ng kaniyang mga kaklase na si Dion ang guitarista ng classroom.

"Corny nga lang!" Sabi ng tagapagsalaysay at nakapameywang naman siya ngayon at


tila nagmamaganda.

"Yun lang!" Pagsang-ayon naman ng mga estudyanteng Inhinyero.

"Ngayon ay kikilalanin natin ang iba't ibang klase ng grupo ng mga estudyante sa
klase ng Engineering 2D." Wika nito.

"Unahin na natin diyan ang mga Komedyante sa grupo na mas kilala sa tawag na D'
Kengkoy." Sabi ng tagapagsalaysay sabay punta sa puwesto ng mga Kengkoy.

"Miss miss.." Tawag ng isang lalaki na si Adrian na nagsign pa para palapitin ang
tagapagsalaysay sa harapan niya.

"Oh bakit?" Tanong naman nito na todo pa kung makangiti.


"Naniniwala ka ba na mayroong mga gwapo at magaganda na naninirahan dito sa mundo?"
Tanong nito na wari mong may gustong ipahiwatig.

"Hindi bakit?" Wika ng tagapagsalaysay sabay kunot ng kaniyang noo.

"Huh, gusto mo bang patunayan namin sayo?" Wika ni Jerome na gusto talagang may
patunayan.

"Oh sige!" Wika niya na tila ba excited.

"Imaginin mo na ito ang mundo." Wika ni Kian at idinemonstrate niya na may hawak
siyang bilog gamit ang kaniyang kanang kamay.

"Oh tapos?" Sumuko naman ng bahagya ang tagapagsalaysay.

"Ituro mo kung saan dito ang mapa ng Pilipinas." Wika naman ni Mae na medyo may
pagkaboyish.

"Oh ito!" Turo niya gamit ang kanang hintuturo.

"Oh sige hawakan mo tapos ay alugin mo!" Wika naman ni Grace ang babaeng kalog.

Kinuha nga ni tagapagsalaysay ang bilog at tsaka inalog.

"Woah!!!" Sigawan ang lahat ng Inhinyero.

Naguguluhan ang tagapagsalaysay sa kung anong nangyayari. Hindi niya na gets, medyo
slow! Haha!

Maya-maya pa'y napag-alaman niya na kaya pala sila umakto na parang lumilindol ay
sila yung mga magaganda at gwapo na naninirahan sa mundo. Kapag hindi ka pala
gumalaw, isa lang ang ibig sabihin nito, hindi ka maganda o gwapo! Haha! Natawa na
lang siya dahil naging slow siya.
"Sila yung mga estudyante na tinatawanan lang yung mga problema lalo na pagdating
sa Calculus at Physics." Wika niya na medyo hindi pa nakakaget-over.

"Dumako naman tayo sa may kanan ko ang mga nagbibigay buhay sa klase lalo na sa
tuwing wala ang aming guro ang D' Mp5!" Wika niya at masayang nilapitan ang grupo.

"You shoot me down but I wont fall.. I am the Titanium." Kanta ni Abby na may ala-
Regine Velasquez na boses or let's say na mayroon siyang sopranong boses.

"You shoot me down but I wont fall.. I am the Titanium." Sabay naman ni Josh na
ala-Jed Madela ang boses or let's say na mayroon siyang tenor na boses.

Si Mia naman na nasa side ni Abby ang back-up. Habang si Dion ang naggigitara at
nagbebeat box naman si Aaron.

"Sila ang Mp3 ng grupo, sila ang energizer lalo na kapag boring sa aming silid-
aralan." Ang masiglang wika niya.

"Party! Party!" Wika naman ng mga Inhinyerong estudyante.

"Next, sa may harapan ko naman ang traditional Engineering Students and D' Nerdy!"
Wika niya at nilapitan ito.

"Ano ba Tom? Diba nga Kirchoff's ang gagamitin hindi Maxwell?" Wika ni Nikka na
nangagalaiti sa inis.

"Ewan ko ba sayo! Kita mong Resistors ang pinag-aaralan ko! Parallel ba o Series?!"
Wika naman ni Tom na medyo mainit na rin ang ulo.

"Hay kayong dalawa, unahin niyo muna ang Calculus natin!" Singit naman ni Henry.

"Sila ang source ng buong klase.. ALAM NA!" Wika niya at sinang-ayunan siya ng
lahat.
"Siyempre hindi mawawala ang grupo ng Kikay's sa loob ng classroom noh! ang Oh
group! Na mas kilala sa tawag na D' Sossy!" Wika niya at naglakad pa na parang
sossy siya.

"Isn't it hot here..? or.. it is just.. me?" Wika ni Ginny ang Spoiled Brat sa
kanila.

"Isn't it amazing?" Tanong naman ni Arianne na parang laging may kaaway.

"Isn't it exciting?" Tanong naman ni Roxette ang Sosyal na parang Nerd.

"Isn't it surprising?" Wika naman ulit ni Ginny.

"Isn't it?!" Wika nilang tatlo at may hand gesture pa sila sa hangin na nalalaman.

"Sila ang kadalasang taga-organize ng event ng klase lalo na kapag hang-out ang
pinag-uusapan." Wika niya.

"Ngayon naman ay dumako tayo sa mga cool guys namin, sila ang pinagkakaguluhan ng
mga kababaihan ang D' Gwapings!" Wika niya na para bang kinikilig-kilig.

"Ang gwapo ko talaga! Umakyat lang ako ng hagdan eh hinabol ba naman ako? Akala
siguro nila tataguan ko sila! Haha!" Pagmamayabang ni Karlo ang pinakamahangin sa
grupo.

"Gwapo ka na nun? Ako nga eh papasok pa lang ako ng gate eh may nagpapicture na
kaagad! Oh saan ka pa?" Wika ni Ethan na Classroom Crush ng lahat.

"Ako nga hinahabol pa ng mga bading eh!" Wika naman ni Ramil na asset ang kaniyang
katangkaran dahil Basketball Player siya.

"Ako nga halos hubaran na ng mga fan girls ko eh! Haha!" Wika naman ni Mark na
Campus Heartthrob naman lung ituring.
"Ang hahangin niyo talagang lahat!" Wika naman ni Jake ang pinaka down to eath sa
kanilang lima.

"Sila yung kahit hindi na tirik na tirik ang araw ay nakashades pa rin." Wika niya.

"At ang huli ay ang mga naggagandahang nilalang sa klase na kung saan ay kabilang
na rin ako ang D' Gorgeous!"

"Tara sa CR! Re-touch you know!" Wika ni Tin na tila init na init.

"Let's go girl!" Wika ni Xiara.

"Kamusta na kayo ni MU?" Tanong Joan kay Hannah na alam halos lahat ng balita sa
paligid in short, chismosa.

"Hahaha! Ang lakas talaga ng radar mo!" Wika ni Hannah na laging nakangiti.

"At ako? Ako lang naman ang kanilang napakagandang Presidente." Wika ng
tagapagsalaysay na si Agatha na feel na feel ang bawat salitang kaniyang binitawan.

"Ehemm." Ubo ng mga estudyante na wari mo'y nabilaukan. Haha!

"Ok tama na iyan! Ahm, guys! Dahil bakasyon na.. magkakaroon tayo ng Summer
Outing!" Masayang balita ni Agatha.

"Summer Outing?" Tanong ng lahat.

"Oo! At lahat tayo ay required na sumama dahil last school year na natin ito bilang
magkakaklase dahil majoring na at magkakahiwa-hiwalay na tayo! The 2D Summer Outing
oh diba? Bongga!" Wika niya na nakaupo pa sa teacher's table.

"Saan niyo ba gusto?" Dagdag pa niya.


"Pwede sa may resort namin." Suhestiyon ni Ramil.

"Yuck, resort? Haha! Are you kidding us? Much better if doon tayo sa aming beach
resort you know, kami naman ang pinakamayaman dito at may rest house na rin iyon!
Wala ng gastusan! Sagot ko na lahat!" Wika ni Ginny.

"You're right Sissy!" Pagsang-ayon naman ni Arianne.

"Ikaw na! Ikaw na mayaman!" Wika naman ni Grace.

"Ok agree na kayong lahat ah? Sagot na raw ni Ginny ang lahat so, next week na
iyon! Paalam kayo sa mga Parents niyo." Wika ni Agatha.

"Ok, pero ilang weeks tayo roon?" Tanong naman ni Nikka.

"I think, two weeks! Sulitin na natin ito guys!" Wika ni Ginny.

"Hay, tiyak na maraming kalokohan na naman ang mangyayari." Wika ni Roxette.

"Haha, You know Roxette.. bawal ang KJ kaya mag-eenjoy tayo roon!" Wika naman ni
Ethan.

"Ok guys! Save the date!" Wika ni Agatha at maya-maya pa ay dumating na ang
Professor nila.

Chapter 2
Matapos ang kanilang klase ay naghiwa-hiwalay na muna sila at nagsama-sama ang
magkakagrupo upang mag-lunch.

Una nating alamin ang pinag-uusapan ng mga habulin ng Chicks! Ang D' Gwapings.

"Paano ba iyan mga pare? Mukhang magiging masaya ang bakasyon natin ah?" Wika ni
Ethan na tumatayong lider sa kanilang grupo.

"Mukha nga, tsaka maaari nating gawin ang mga bagay na ating gugustuhin!" Wika ni
Karlo habang nakapamulsa ang mga kamay.
Sila'y patungo sa canteen upang mag-lunch nga ba? Pero mukhang hindi sila doon
magpupunta.

"Ano kayang mga pakulo ang naisip gawin ni Agatha para mag-enjoy tayo roon?" Wika
ni Jake sabay upo sa kaniyang pwesto ng makarating sila sa kanilang tambayan.

Ang kanilang tambayan ay isang lumang silid na hindi na ginagamit. Kaya medyo
maalikabok ito at hindi man lang nila ito maisipang linisin.

"Speaking of Agatha, kamusta na nga pala kayo nun dude?" Tanong ni Ramil kay Ethan
sabay labas ng limang bote ng C2.

"Ah iyon ba? Ganun pa rin, malanding ugnayan pa rin haha!" Wika ni Ethan sabay kuha
ng isang C2 tsaka ito tinungga.

"Aba, mukhang kabet pa rin pala ang role mo pards kasi hindi pa sila naghihiwalay
ng boyfriend niya tapos ikaw iniwan mo ang girlfriend mo para sa kaniya." Wika
naman ni Mark sabay sindi ng sigarilyo.

"Gago! Anong kabet pinagsasasabi mo riyan? Hindi ko pinangarap na maging kabet noh!
Kaya tiyak maghihiwalay din sila, sabi niya eh!" Wika ni Ethan sabay laklak sa
kaniyang iniinom.

"Oh dahan-dahan lang pare baka malasing ka niyan at maamoy ka pa ng prof natin
mamaya." Awat ni Jake kay Ethan na mukhang problemado.

"Kating-kati na kasi ako eh! Gusto ko ng maghiwalay sila ng boyfriend niya ng


maangkin ko na siya!" Pasigaw na wika ni Ethan sabay hagis ng bote ng C2 sa may
pader.

"Hindi pa ba sapat ang pag-pPDA niyo kapag magkasama kayo?" Wika ni Mark habang
nakatalikod dito.

Matagal nang hindi panatag ang loob nilang dalawa sa isa't isa kaya madalas silang
dalawa ang nagbabangayan tuwing sila'y nakukwentuhan.

"Inggit pala itong gagong ito eh! MakipagPDA ka rin kung gusto mo! Hindi yung
pinapakialam mo yung gusto ko!" Wika ni Ethan na nangagalaiti na at nais ng sapakin
si Mark. Kung hindi siya pinigilan ni Ramil at Karlo, tiyak na nagsapakan na naman
yung dalawang ito.

Sa kabilang dako, masayang nagtutugtugan ang Mp3 ng klase roon sa may park.

"Hay, ang ganda talaga ng musika sa katawan. Nakakawala ng stress!" Wika ni Abi
habang nagpupunas ng kaniyang pawis.

"Oo nga, pero excited na talaga ako sa Summer Outing natin!" Wika ni Mia na kulang
na lang eh pati tainga ay pumalakpak sa sobrang tuwa.

"Mukhang magiging malaya ka ngayon sa strict parents mo Aaron haha!" Wika ni Dion
na tinutuya ang kaibigan.

"Loko! Masyado lang silang concern sa akin kaya sila ganun." Wika ni Aaron na
sumasabay pa sa beat ang paa sa tugtog na naririnig.

"Ano kaya itsura ng pupuntahan natin? Sana makapaglaro tayo roon ng hide and seek."
Wika ni Josh na mahilig sa mga larong pambata.

"Hide and seek? Isip bata lang ang peg?" Wika ni Abi na nakakunot ang noo habang
kinakabisa ang bagong kantang kaniyang nalaman.

"Walang pakialaman ng trip Abi! Kaniya-kaniyang trip lang iyan!" Wika ni Josh na
halos maasar na si Abi.

"Oh tama na iyang asaran na iyan, baka kayo pa ang magkatuluyan haha!" Hirit ni
Aaron na nagpapanting sa tainga ni Abi.

"Hahaha, mangarap siya!" Wika ni Abi habang nakatirik paitaas ang kaniyang mga
mata.

"Oh tama na iyan! Magpractice na ulit tayo!" Wika ni Mia na nakapagitna kina Abi at
Josh.

"Jamming time!" Wika ni Dion at sinimulan ng kalabitin ang kwerdas ng kaniyang


gitara.

Nagsimulang magkantahan ang D' Mp5 at masayang ninamnam ang bawat liriko ng kanta.
Sa kabilang panig naman, alamin natin kung ang ang pinagkakaabalahan ng D' Nerdy.

"Tara party party tayo mamaya!" Wika ni Henry ng napakasigla.

"Anong party ka riyan? Nagawa mo na ba assignment natin?" Wika ni Xiara na hindi


alam kung anong formula ba ang gagamitin sa kaniyang sinasagutan.

"Ahm, hindi pa! Pero malapit-lapit na." Wika ni Henry sabay sulat sa kaniyang
papel.

"At kailan ka pa naging party people ha?" Tanong ni Nikka na nakataas pa ang kanang
kilay.

"Siguro mamaya kapag natuloy tayo hehe!" Wika nito at tumawa pa na pawang nanunuya.

"Tara bilisan na natin para matapos na ito! Gusto ko ring maranas kung paano
magparty kaya alam kong gusto niyo rin." Wika ni Tom na pinakaseryoso sa kanila.

"Iyan ang gusto namin!" Wika nilang lahat at tinapos na ang kanilang takdang
aralin.

Hindi porket nerd na eh puro libro lang ang hawak at puro pag-aaral lang ang
gustong gawin. Mayroon ding gustong ma-experience ang gawain ng isang normal at
karaniwang kabataan.

Chapter 3
Hindi nagpatinag ang Komedyante ng klase kaya pagsapit ng kanilang tanghalian ay
nanatili sila sa kanilang silid at nagpatuloy sa pagkukulitan.

"Anong isda ang mahilig sa karate?" Tanong ni Adrian habang nakaupo sa lamesa ng
kaniyang upuan.

"Ano?" Tanong ng D' Kengkoys na sabik nang malaman ang sagot.

"Ade Tila-pia!" Wika niya habang ipinapakita sa mga kasama na siya'y sumisipa ng
mataas.

"Hahaha, waley! Ako naman, ano ang tawag sa isdang rapper?" Tanong ni Mae na wari
mong may ipagmamayabang.

"Ano?" Tanong ulit nila.

"Ade sap-sap!" Wika nito at umaktong nagrarap.

"Boom waley! Ano ba iyan? Puro luma na ang mga alam niyo! Eto sa akin bago, ano ang
masarap ipanghalo sa sinigang?" Wika ni Jerome na ala Jose Manalo.

"Sampalok?" Sagot ni Grace na nakakunot ang noo.

"Mali, sandok! Haha!" Wika nito at humalakhak sa tuwa habang tinutuya ang mga
kasama.

"Ang korni niyo guys! Mas mabuti pa kung kumain na tayo ng lunch. Tiyak na gutom
lang iyan kaya tara na." Wika ni Grace habang inaayos ang kaniyang gamit.
"Sasama ba kayo sa Outing?" Singit ni Jerome.

"Ako samama ako. Magdamag lang kasi akong matutulog sa bahay kapag nagkataon." Wika
ni Adrian na nagpopolbo pa.

"Ako rin sasama ako. Gusto kong magrelax matapos mastressed sa Calculus at Physics
namin para ma-unwind naman yung utak ko." Wika ni Kian habang nilalagyan ng wax ang
kaniyang buhok.

"Sasama lang ako kapag sumama si Grace. Alam niyo naman, strict ang parents haha!"
Wika ni Mae habang nagwiwisik ng pabango sa kaniyang katawan.

"Basta ako enjoy lang. Go with the flow ganun." Wika ni Grace sabay sakbit ng
kaniyang bag sa kaniyang likuran.

"Ok, kapag kumpleto mas masaya lalo na kapag buo ang tropa kaya sa tingin ko ay
magiging memorable ito sa atin." Wika nito at sumang-ayon naman sa kaniya ang mga
kasama.

Maingay nilang binaybay ang daan patungo sa Canteen dulot na rin ng kakulitan ni
Jerome kaya ang saya ng kanilang grupo.

Dumako naman tayo ngayon sa IT GIRLS ng klase ang D' Gorgeous na pinagkakaguluhan
ng mga kalalakihan sa Engineering Department.

"Ang swerte talaga ng 2D dahil umuulan ng magaganda sa Section nila."

"Oo nga eh, wala man lang naligaw na magandang binibini sa atin."

"Malay niyo, may makaklase tayo sa kanila kapag majoring na diba?"

Wika ng mga kalalakihan sa paligid na patuloy na pinagpapantasyahan ang kababaihan


ng 2D.

Tinungo ng D' Gorgeous ang park para makapagpahangin sandali.

"Narinig niyo ba iyon girls? Ang daming lalaking pinagpapantasyahan ang beauty
natin oh!" Wika ni Agatha habang nagseselfie pa malapit sa fountain.

"Maguupload na naman po siya." Wika ni Tin na busy sa pagscroll ng kaniyang


notification FB.

"Ikaw na ang OOTD teh! Wagas kung makapagpalda ng maikli at high heels eh. Kinabog
mo pa ang sailor moon sa outfit mo." Wika ni Joan na nakatitig kay Agatha.

"Naman! Maganda ako eh! Haha!" Wika nito sabay flip ng kaniyang buhok.

"Ang gaganda nga natin kaso nagmumukha tayong losyang dahil sa math na iyan!" Wika
ni Xiara sabang sinusuklay ang bagong rebond na buhok.

"Kaya nga tayo mag-aOuting diba? Para maging fresh ulit tayo hehe!" Wika ni Hannah
habang naglalagay ng foundation sa kaniyang mukha.

"Kamusta na nga pala kayo Agatha ni Ethan? May pag-asa na ba na maging kayo?" Wika
ni Tin habang patuloy pa rin sa kaniyang ginagawa.

"Ah iyon ba? Ewan ko lang, gusto ko siya pero gusto ko rin ang boyfriend ko eh."
Wika nito sabay upo sa tabi ng kaniyang mga kasama.

"Ano? Hindi pwede yun! Ano ito, dalawa ang puso mo? Care to explain more please!"
Wika ni Joan na medyo nainis dahil sa inaasal na kasama.

"Eh ayun kasi ang nararamdaman ko eh! Mahal ko silang dalawa! Ano gagawin ko?" Wika
nito na wari'y naguguluhan na.

"Para kang namamangka sa dalawang ilog sis. Mahirap iyan!" Wika ni Xiara habang
nakatingin ng seryoso rito.

"Dapat alamin mo kung sino ba talaga." Wika ni Hannah habang nakapatong ang kamay
niya sa balikat ni Agatha.

"Mahal na Mahal ko yung Boyfriend ko pero kapag nakikita kong nilalapitan ni Ethan
si Roxette ay nagseselos ako." Paliwanag ni Agatha sa kanila.

"Oh no! Kung ako man yung nasa kalagayan mo, hindi ko rin alam ang gagawin ko."
Wika ni Tin na nakatakip pa ang kamay sa kaniyang bibig.

"Sa tingin ko, hindi selos iyang nararamdaman mo kundi selfishness. Bakit?
Nagseselos ka lang naman kapag nakikuta mo silamg magkasama. Learn how to give
Agatha." Wika ni Joan na naglalaro naman ngayon ng flappy bird.

"Yah sis, I think Joan is right." Dugtong ni Hannah.

"Hay basta, ibahin na natin yung topic. Ako pa na-hot seat ngayon." Wika nito
habang ginugulo ang kaniyang buhok.

"Diyan ka magaling. Oh siya, may nakalap akong mga balita." Wika ni Joan at tumayo
sa harap nila.

"Ikaw Hannah, totoo nga bang kayo na ni Kian? O nagpaparamdam pa lang siya?" Wika
ni Joan ala Toni Gonzaga sa PBB.

"Xiara, totoo nga rin bang matakaw ka pero pinipigilan mo ang sarili mo para hindi
ka namin ma-intriga?" Dako naman niya kay Xiara.

"Tin, matagal mo na nga bang gusto si Aaron at palihim kayong nag-uusap tuwing gabi
bago matulog?" Dugtong pa niya.

"At Agatha, pinangakuan mo nga ba si Ethan na makikipaghiwalay ka sa Boyfriend


kahit hindi mo naman talaga kaya?" Wika niya rito ng nakataas ang kaniyang kanang
kilay.

"At bago niyo sagutin ang mga katanungang iyan, kumain muna tayo ng ating
pananghalian sapagkat ako'y hayok na hayok na." Wika niya at nilisan ang lugar
kasama ang grupong naghahagikgikan.

Chapter 4
Ang hinahangaan at kinaiinggitan ng lahat ng babae sa College of Engineering na mas
kilala sa tawag na Oh So Sossy Group ay tinungo agad ang Comfort Room upang mag-
retouch.

"You know girls, I can't wait na maipakita sa inyo kung gaano kaganda ang beach
resort namin." Wika ni Ginny matapos maglalagay ng lipgloss sa kaniyang labi.

"We all know naman na ikaw ang pinakamayaman sa ating lahat kaya I'm excited too!"
Litaniya naman ni Arianne pagkalabas niya sa dulong cubicle.

"Ang tagal niyo naman diyan sa loob!" Sigaw ni Roxette sabay pasok sa loob ng CR.

"Sorry naman, kailangan naming mag-retouch you know, baka may makatabing boylet."
Wika ni Ginny sabay wisik ng pabango sa kaniyang balikat.

"Tsaka magboboy-hunting tayo mamaya sa may soccer field diba? Kaya dapat mapansin
kami ng mga gwapo roon noh!" Dagdag ni Arianne na naghuhugas ng kaniyang kamay.

"Hay, ayan na naman po tayo. Pati ako, dinadamay niyo sa kalokohan niyo eh." Sambit
ni Roxette habang nagkakamot ng kaniyang ulo.

"Ikaw kasi, maganda ka na! Sexy! Kaso nga lang, you look like a nerd dahil sa
salamin mo!" Wika ni Ginny sabay lapit sa kinaroroonan ng kaibigan.

"Kung ako sayo, magcocontact lens na lang ako. Sa yaman mong iyan? Hay,
napakasimple mong tingnan. Uso naman na ang contact lens nowadays." Wika ni Arianne
habang tinatanggal ang salamin ng kaibigan.

"Simplicity is beauty nga diba? Tsaka hindi ko na kailangan pang magpaganda kasi,
maganda na ako! Haha!" Wika niya sabay pose ng sexy style with pouty lips pa.

"Ok! Ikaw na! Speaking of contact lens, I have one pair dito sa bag. Wait, susuot
ko lang para mas lalo akong magmukhang fierce! Hihi!" Wika ni Ginny at kinuha ang
contact lens sa kaniyang bag sabay pasok ulit sa loob ng CR.

"Rich kid na, spoiled brat pa! Haha!" Mahinang sambit ni Roxette sa katabi.

"Girls, ayun sina Roxette at Arianne! Ang mga idol ko pagdating sa pananamit!
Sayang wala si Ginny!"

"Oo nga! Sila yung Sossy na hindi maaarte at mayayabang. Sobrang down to Earth!"

Napangiti naman ang dalawa sa magagandang feedback na kanilang naririnig mula sa


ibang mga estudyante.

"Tara papicture tayo guys!"

Nagsilapitan yung mga freshmen sa dalawa.

"Hello po! Pwede ba kaming magpapicture sa inyo?"

"Idol po kasi namin kayo eh! Lalo na pagdating sa inyong pananamit!"

"Wow, nakakataba naman ng puso. Hindi naman kami artista eh." Wika ni Roxette na
todo makangiti.

"Salamat sa mga feedback niyo! Sige, let's take a pic!" Singit naman ni Ginny na
kakalabas lang ng CR.

"Oh my Ginny! Your looks like fierce as a tiger! Rawr!" Wika ng isang freshman.

"Oh thanks for the compliment." Aniya sabay pose ala Solenn.

Nagpapicture ang tatlo kasama ang mga freshman in different style. Nag-enjoy naman
ang bawat isa sa kanilang ginawa at tinungo na nila ang Canteen.

"Oh guys, what can you say sa bago kong itsura? Bagay ba?" Tanong ni Ginny ng
makaupo na sila sa kaniya-kaniyang upuan.
"Ahm, bagay naman sayo kaso lang nakakatakot yung itsura mo. Bakit ba kasi gray pa?
Kung design pa eh parang mata ng pusa. Nakakasindak ka." Wika ni Roxette habang
inaayos ang kaniyang salamin.

"Syempre, ganun talaga! Kailangan magmukha akong matapang! Para masindak sila sa
beauty ko." Aniya sabay flip ng kaniyang buhok.

"Oo nakakasindak nga yung beauty mo. Mukha kang multong bakla! Haha!" Pang-aalaska
ni Arianne rito.

"Multo agad? Agad-agad? Sa ganda kong ito, magmumukha akong multo? Hindi noh!"
Pagsalungat naman niya sa komento ng kaibigan.

Tumayo silang tatlo at um-order ng kanilang pananghalian at bumalik sa kaniyang


tamang upuan.

"Maiba nga topic, pag-usapan naman natin ang mga boys." Bungad ni Ginny.

"Nanaman? Hindi ka ba nagsasawa? May boyfriend ka na eh hindi ka pa magtigil!"


Pagsupla ni Arianne rito.

"Hindi pa kasi ako tapos. Patapusin niyo muna ako okay? So, pag-usapan naman natin
ang mga boys ng ating buhay." Dugtong niya sabay higop ng softdrinks na inumin.

"What do you mean na mga boys?" Tanong ni Roxette na medyo naguguluhan.

"Ang mga lalaki sa ating buhay like suitors, boyfriend(s) kung marami man, ex,
nakakapalagayang loob mga ganun." Sambit ni Ginny.

"Oh, game ako riyan!" Wika ni Arianne na nakataas pa ang kamay.

"Ok sige, game rin ako." Wika ni Roxette sabay pakawala ng napakatamis na ngiti.

"At dahil diyan, una na nating pag-usapan ang suitors. Ako muna." Wika niya habang
kinikilig-kilig pa.

"Ang sarap lang magkaroon ng suitors tapos makakatanggap ka ng gifts sa kanila kaso
nga lang, wala eh! Hindi sila pasado sa taste ko. Ang dami kong stalker na nag-
iiwan pa ng letter sa locker ko! Pero may admirer din naman kasi may nahuli ako
hihi!" Panimula niya sabay kagat sa paborito niyang burger.

"Hindi ko alam kung ilan na ba ang nanligaw sa akin pero konti lang yung in-
entertain ko siguro mga sampu?" Dagdag pa niya.
"Naku, kung suitors ang pag-uusapan, napakarami ko niya kaso sorry sila kasi may
nagmamay-ari na ng puso ko hihi!" Singit ni Arianne sabay hagikgik ng paimpit.

"Kung manliligaw ang pag-uusapan hay naku, ang dami ko niyan. Nakakairita rin
paminsan-minsan pero sorry sila, busy ako sa pag-aaral haha!" Wika naman ni Roxette
na halos paglaruan na ang spaghetting kinakain.

"Ewan ba namin sayo Roxette, try to entertain someone sa paligid like--" Hindi
natapos ni Ginny ang sasabihin dahil tinakpan ni Roxette ang kaniyang bibig.

"Like whom?" Tanong ni Arianne na mukhang interesado.

"I'll tell you kapag nandiyan na tayo sa topic na iyan." Wika nito sabay ngiti na
may halong pag-aalangan.

"Ok, next topic ay si Ex! Haha! Ako na yata ang may pinakamaraming nakarelasyon sa
ating tatlo haha! Siguro twenty to thirty ganun na karami syempre hindi iyon
serious. Ang serious ay siguro lima o anim? Basta!" Wika ni Ginny na para bang
maiihi sa kaniyang kinauupuan.

"Ako naman, dahil seryoso akong tao, apat pa lang naman yung mga naging ex ko. Ang
tanga lang nila na pinakawalan ako." Ani ni Arianne na medyo bumusangot ang mukha.

"Speaking of Ex, NBSB here kaya wala akong maishare hehe!" Singit naman ni Roxette.

"Bakit ba kasi your hard to get eh! Anyway, next topic ay Boyfriend. At dahil kami
lang ni Arianne ang mayroon nito, exempted ka na Roxette makakaalis ka na haha!
Joke!" Banat bigla ni Ginny.

"Si Boyfriend, break na kami kahapon pa kasi napagtanto ko na infatuation lang pala
iyon kaya ayun nagbreak kami at ganun din naman siya sa akin." Litaniya niya ng
nakangiti.

"Ahm, nang dahil sa prunes na iyan, nagkadevelopan kami ni Adrian hihi! I'll tell
you the story someday." Wika naman ni Arianne.

"Ok, interesting ang topic natin ngayon. Sino ang Crush niyo sa classroom? Ako kasi
ay si Ramil hehe." Pangungna ni Ginny.

"Why Ramil? Eh ang yabang niya porket captain ball siya ng basketball team eh ganun
makaasta. Nakakaasar yung lalaking iyon, napakapresko." Wika ni Roxette na parang
nag-init ang ulo.

"Relax Rox, crush ko siya at hindi mo crush ok? Ang tangkad niya kasi at ang hot!
Ayun lang! Ikaw na Arianne!" Aniya.

"Ako, noong una si Ethan pero ngayon ay si Karlo na. Kahit mayabang iyon, mabait
naman." Sambit niya.

"Ikaw Roxette?" Sabay baling ng tingin sa dalaga.

"Kailangan ba talagang sagutin iyan? Hay, no choice ako. Ang crush ko simula first
year, first day of school pa lang ay si Mark na talaga. Ewan ko ba kung bakit,
basta mas something sa kaniya na hindi ko maipaliwanag." Wika nito na nakatingin sa
alapaap.

"Yun naman pala eh! Akala ko abnormal ka na! Si Papa Mark pa talaga! Pero bet ko
rin sayo si Papa Ethan lalo na noong nagplay tayo. Nakakailig kayo sobra! Sayang
nga lang at pinatanggal mo yung kissing scene sa script ayan tuloy, we want more
haha!" Wika ni Ginny.

"Ako rin, may chemistry kayo ni Papa Ethan lalo na kapag lumalapit siya sayo at
kapag nag-uusap kayo, sobrang kinilig talaga ako sa inyo sis!" Dugtong naman ni
Arianne.

"Tigil-tigilan niyo nga ako! Study first ako ngayon eh sorry! Hehe!" Wika niya
sabay irap sa dalawa.

"Ok, nag-iiba na po ang mood ng isa diyan kaya next topic is---"

Hindi natapos ni Ginny ang sasabihin dahil biglang tumawag si Agatha sa kaniya at
ibinalita na napaaga ang kanilang klase kaya hindi nila natapos ang kanilang pinag-
uusapan at tinungo na nila ang kanilang classroom para makapagklase.

Chapter 5
Roxette's POV

First day of school pa lang, siya na kaagad ang nahagip ng pihikan kong mga mata.

Sa tindig pa lang niya, tinamaan na ako. Ewan ko ba, sa tuwing sumusulyap ako sa
kaniya, nakikita kong nakatingin din siya sa akin.

Walang mapaglagyan ang kaligayahang namumutawi sa aking mukha. Feeling ko, ang haba
ng buhok ko noong mga oras na iyon.

Noong nagpakilala kami sa loob ng klase, napag-alaman kong Mark pala ang pangalan
niya. Ako kasi yung babaeng pakipot at pa-hard to get kaya walang lalaking
tumatagal na manligaw sa akin dahil talagang pinapahirapan ko sila.
Minsan lang tumibok itong aking puso lalo na pagdating sa pag-ibig. Nag-open ako ng
Facebook noon para mag-update ng status ng makita kong may friend request.

Para akong natigang sa aking kinauupuan ng makita ko ang pangalan niya. In-add ako
ni Mark? Hindi pa rin iyon nagpoprocess sa utak ko pero ng i-confirm ko, biglang
gumuho ang aking mundo.

May girlfriend na pala siya. Sa totoo nga niyan ay almost three years na sila at
mukhang masaya sila sa isa't isa kaya kailangan ko ng manahimik sa isang tabi.

Tumagal at naglaon, awkward ang feelings namin sa isa't isa. Hindi kami
nagpapansinan ni nag-uusap man lang. Para kaming stranger sa isa't isa.

One day, nilapitan ako ni Ethan, hindi kami close pero FC siya kaya naki-ride na
lang ako.

"Hi Roxette, mukhang malalim ang iniisip mo ah?" Wika ni Ethan sabay hawak sa
kanang balikat ko.

Ako yung tipo ng babae na sensitive at ayaw na hinahawakan ng kung sinu-sino kaya
uminit ang ulo ko sa ginawa niya kaya nasampal ko siya.

"Bakit mo ako sinampal?" Tanong niya habang hinihimas ang pisnging tinamaan ko.

"Sorry, nabigla lang ako sayo." Wika ko sabay himas sa kaniyang kanang pisngi.

Medyo awkward kasi eye to eye contact ang peg naming dalawa. Nagulat ako ng bigla
niyang pawakan ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya.

Unti-unti niyang nilalapit ang kaniyang mukha sa aking mukha at dahil sa inis ko,
pinantay ko na ang sakit na kaniyang nadarama sabay tadyak pa sa kaniya paa.

Nakilala ko si Ethan na talagang pilyo. At dahil sa kapilyuhan niyang iyon, lagi


kaming aso't pusa sa loob ng klase.

Walang araw na hindi ako lalapitan para kulitin ni Ethan. Minsan nga ay oras-oras
pa at minu-minuto.

Ewan ko ba kung may nararamdaman ako kay Ethan. Kasi, hindi pa ako sure sa feelings
ko at isa pa, napakaflirt ng lalaking iyon kaya iniiwasan ko na ring ma-fall para
hindi ako masaktan in the end diba?

Nagpatuloy ang pangungulit sa akin ni Ethan simula noong nakapartner ko siya sa


isang play.
Nahati noon sa dalawang grupo ang aking seksyon at ka-grupo ko nga si Ethan.

"Sino ang gaganap na bidang babae? Sino magaling um-acting sa inyo?" Tanong ni
Nikka na nagsilbing lider namin.

"Hindi pwede si Grace dahil sa pagpapatawa lang ang alam niyan." Sabi ni Aaron.

"Eh lalo naman si Mae, dinaig pa ang siga sa kanto kung makalakad eh!" Wika naman
ni Karlo na umaasta na siga.

"Kung si Ginny kaya? Ay huwag na pala, masyado iyang sensitive eh hehe!" Wika naman
ni Ramil.

"Dapat maamo yung mukha ng ating magiging bida." Sambit ni Nikka.

"Maamo ba kamo? Isa lang ang napipisil ko diyan, Sino pa ba ang magiging Leading
Lady natin? Kundi si Roxette diba?" Sabi ni Dion.

"Ha? Ako? Hindi ako magaling sa larangan na iyan!" Pagtanggi ko.

"Anong hindi? Noong high school tayo, ikaw pa nga ang naging best Actress eh!"
Pagkontra sa akin ni Joan.

Noong mga oras na iyon, ayoko talaga ng role na iyon. Depende na lang kung si Mark
ang magiging partner ko kaso, si Ethan ang pinili nila.

Bakit nga ba si Ethan pa ang pinili nila? Oo, gwapo at makisig siya ngunit kakaiba
pa rin ang karismang mayroon si Mark na nagpapabaliw sa akin.

Ibinigay sa amin ni Nikka ang script na ginawa niya. Nagulat ako ng mabasa ko na
mayroong kissing scene. Ok lang sana sa akin kung si Mark ang kapartner ko kaso
hindi eh.

"Nikka, bakit may kissing scene dito? Tanggalin natin ito! Ayoko nito!"
Pagrereklamo ko.

"Rox, fake kissing scene lang naman iyan eh! Hindi talaga kayo maghahalikan ni
Ethan, kaya huwag kang mataranta." Pahayag naman ni Nikka.

"Eh kahit na! Hindi ko maatim na gagawin ang scene na iyon kasama ang lalaking
kinaiinisan ko!" Wika ko.

"So, ano ang gusto mong gawin natin?" Tanong ni Nikka.


"Gusto kong tanggalin na lang natin ito para iwas gulo na rin. Baka magmuryot si
Agatha kapag nagkataon. Haha!" Dugtong ko habang humahalakhak sa pagtawa.

At ayun nga, nagpractice kami habang si Ethan ay bugnot na bugnot dahil pinatanggal
ko yung spice ng aming play.

Alam naman ng lahat na may malanding ugnayan sila ni Agatha at ayokong makisawsaw
sa kanila kaya ako na rin ang umiiwas sa gulo.

Mabait naman si Ethan at lahat ng kababaihan ay may tendency na mahulog sa kaniya


dahil sobrang sweet niya at maalaga. Pero ako, si Mark lang talaga kahit na may
girlfriend pa siya. Maghihiwalay din iyan! Haha!

Bukas na nga pala ang alis namin kaya kailangan ko ng mag-ayos ng gamit.

Excited pero kinakabahan! Ewan ko ba kung bakit ganito ang nararamdaman ko pero isa
lang ang sinisigurado ko, mag-eenjoy ako.

Chapter 6
Ngayon na ang araw ng kanilang Outing at ang kanilang usapan ay magkikita-kita sa
main gate ng kanilang paaralan.

"Ano ba iyan? Sinabi ng 7am dapat nandito na tayo sa school para bago maglunch ay
makarating na tayo sa Beach Resort namin eh!" Pagalit na wika ni Ginny habang
nakaupo sa tabi ng kanilang driver.

Si Ginny ang nagprovide ng kanilang sasakyan. Dalawang van ang kanilang sasakyan.
Si Ginny na ang nagprovide ng kanilang sasakyan upang hindi na maabala pa yung iba.

"Alam mo naman, Filipino Time! Tiyak na baka 8am pa magsidatingan yung iba." Sagot
naman ni Arianne habang nakapameywang sa tapat ng main gate.

"Sorry guys were late!" Wika ni Xiara kasama sina Tin at Agatha.

"Hay naku, sabi na nga ba! Hindi ba sila excited?" Tanong ni Agatha habang
inilalagay ang kaniyang mga bagahe sa loob ng sasakyan.

"Oh Ehm Gee! I'm gonna die! Napaka-init kaya! They're so bagal talaga!" Dagdag ni
Tin sabay bukas ng kaniyang royale umbrella.
"Huwag ganun! Baka ma-miss kita, kapag namatay ka kaagad." Singit ni Aaron na todo
japorms pa talaga.

"Sarreh! Where not even close kaya!" Wika nito sabay irap sa ere.

"Oh tama na iyan, baka kayo pa ang magkatuluyan!" Singit ni Dion sa gitna ng
dalawa.

"Yeah right! Basta ako, masaya sa piling ng mahal ko." Wika ni Joan sabay dantay sa
braso ng kaniyang nobyo.

"Kinilig naman ako roon mahal!" Wika ni Dion na wari mo'y nahihiya.

"Oi oi oi! Ang korny niyong dalawa!" Putol ni Jerome sa sweetness ng dalawa.

"Inggit ka lang! Bakit kasi hindi ka maghanap ng girlfriend mo?" Sambit ni Dion
sabay tingin kay Nikka.

"Oh bakit ka sa akin nakatingin Dion?" Tanong ni Nikka habang nakasandal sa


sasakyan.

"Wala! Haha!" Pangbubuska nito.

"Huwag kang ganiyan, baka magselos si Grace hehe!" Biro ni Nikka.

"Speaking of Grace, here she is." Bulong ni Hannah.

"At bakit parang narinig ko yung pangalan ko aber?" Wika ni Grace na may bitbit na
mansanas.

"Ah wala yun, baka guni-guni mo lang!" Wika ni Joan.


"Si Mansanas Girl talaga! Ang aga-aga ang init ng ulo." Wika ni Adrian sabay akbay
dito.

"Eh paano ba naman, muntik ng hindi pasamahin ni Tita dahil nasunog niya ang
almusal na niluluto kanina." Paliwanag ni Mae na nakaside cap na naman.

"This wounds wont seems to heal, this pain is just to real." Pamungad na kanta ni
Abi.

"My Immortal! Haha!" Singit ni Mia.

"Mukhang may namumuong tensyon dito ah! Sino kaya mananalo at makakasungkit ng
pihikang puso ng payaso natin?" Wika ni Josh at nagtawanan ang lahat ng nandun.

"Sino nga ba pare ang pipiliin mo kung sakali man?" Bungad ni Kian na kadarating
lang.

"Wala, ligawanan muna nila ako bago ko sila sagutin haha!" Wika ni Jerome habang
tinutuya yung dalawa.

"Astig iyan pre! Babae na ang manliligaw ngayon!" Singit ni Jake.

"Oo pare, dapat babae naman ang nanliligaw sa panahon ngayon, lagi na lang kasi
tayong mga lalaki ang nahihirapan." Wika niya ala Jose Manalo.

"Mahirap din kaya maging babae!" Dagdag ni Nikka.

"Lalo na kung torpe yung lalaki katulad ng isa diyan." Wika ni Grace na wari mo'y
may pinatatamaan.

"Aray! Tinamaan ako roon!" Akting ni Jerome na para bang nasasaktan.

"Sorry guys, na-late kami si Mark kasi Dota pa raw ayan tuloy." Bungad ni Karlo na
hindi magkanda-ugaga.

"Ako pa sinisi mo ngayon noh?" Wika ni Mark sabay lapag ng bag sa sahig na para
bang hinabol sila ng isang daang aso sa sobrang pagtagaktak ng kanilang pawis.

"Oh, kumpleto na ba tayo?" Tanong ni Ginny.

"Wait, wala pa si Ethan." Wika ni Agatha.

"Uy, concern siya! Haha!" Pangungulit ni Joan dito.

"Syempre naman, mahal ko yun eh." Sagot niya.

"Mahal mo, pero may boyfriend ka na! Ano ito? Dalawa puso mo?" Tanong ni Joan ng
pabalang.

"Sana nga, sana, dalawa ang puso ko." Bulong niya sa hangin.

"Paumanhin sa inyong lahat, tinanghali ako ng gising, napuyat ako kagabi eh." Sabi
ni Roxette na nagkukumahog.

"Patawarin niyo na siya, ay kami pala, napuyat ko kagabi eh sensya na." Singit ni
Ethan sabay akbay kay Roxette.

"Ayiiee!" Sigaw ng lahat.

"Mukhang nagkakadevelopan na kayo ah?" Wika ni Xiara.

"Boto ako sa inyo! Fan na ako ng loveteam niyo hihi!" Dagdag ni Arianne na
kinikilig pa sa dulo bahagi ng van.

"Tse!" Wika ni Roxette. "Ethan, lubay-lubayan mo nga ako. Kay aga-aga sisirain mo
yung mood ko." Wika ni Roxette sabay hampas sa braso ni Ethan.
"Sige, hayaan mong palamigin ko ang ulo mo." Wika ni Ethan sabay halik sa pisngi ng
dalaga.

"Manyak!" Wika ni Roxette habang hinahabol ng palo si Ethan.

"Oh tama na nga yung lampungan na iyan, may nagseselos na rito sa tabi ko." Wika ni
Mia habang nakatingin kay Agatha.

Tanging ngiti lang ang ipinakita ng dalaga kahit deep inside ay selos na selos na
siya.

"Tara na guys, yung kalahati dito sa pulang van sasakay, tapos yung kalahati ay sa
may puting van naman." Wika ni Ginny.

"So bale sa pulang van sasakay sina Arianne, Mia, Nikka, Tom, Karlo, Jerome, Grace,
Kian, Hannah, Mae, Jake, Josh at Ako." Wika niya.

"Tapos sa puti naman sina Agatha, Ethan, Joan, Roxette, Mark, Henry, Adrian, Abi,
Xiara, Tin, Ramil, Dion, at Aaron." Dagdag niya.

"Guys, kayo na bahala kung sino ang inyong makakatabi basta enjoy lang natin ang
biyahe dahil mahaba-haba ito tiyak." Wika ni Ginny sabay sakay sa harap katabi ng
driver's seat.

Pumasok na nga sila sa loob ng sasakyan at umupo sa lugar na ginusto nila.

Chapter 7
Roxette's POV

Mga loko-loko talaga yung mga kaklase ko. Biruin mo, pagtabihin daw ba kami ni
Ethan! Tapos, sa tabi ni Ethan ay si Agatha at sa tabi ko naman ay si Mark.

Naloloka na ako sa mga kaklase ko. Todo push sila sa akin kay Ethan gayung alam
naman ng lahat na may malanding ugnayan sila ni Agatha haha! Kidding, basta para
bang attachment na hindi mo maunawaan.

Noon nga eh sweet na sweet ang dalawang iyan at halos PDA pa sila sa sobrang
paglalambingan. Ewan ko ba kung bakit parang nagkakalabuan ang dalawang iyan.

Huwag na nga nating ungkatin ang nakaraan nila, back to present! Sa kanan ko naman,
si Mark na nakadungaw lamang sa labas, ang awkward sa feeling! Gusto kong kiligin
habang katabi siya kaso pinipigilan ng utak ko yung nararamdaman ko.

Napatingin ako sa gawing kaliwa ko at napansin kong malamig nga talaga ang
pakikitungo ng dalawa sa isa't isa. Napansin ko nga na parang inis o masama ang
loob sa akin ni Agatha eh marahil lagi akong nilalapitan ni Ethan.

"Oh guys, tingnan niyo si Roxette oh! Wari mong natigang sa pagitan nina Mark at
Ethan." Wika ni Aaron sa nakadungaw patalikod sa kaniyang kinauupuan.

"Oo nga eh, ang haba ng kaniyang hair!" Dagdag ni Abi.

"Oi oi oi! Kayo ah, pinagkakaisahan niyo ako! Joan, palit nga tayong upuan." Wika
ko habang kinakalabit si Jo.

"So kayo magiging magkatabi ng boyfriend ko? Ayoko nga! Haha! Enjoy mo na lang ang
pwesto mo, dalawang nagkikisigan at naggagwapuhang lalaki ang katabi mo. Ikaw na
lang mamili kung sino mas type mo sa dalawa hehe!" Wika ni Joan na may halong
panunuya sa akin.

Sila na may lovelife! Nakakainis lang! No choice ako. Kaya habang nasa biyage kami
ay isinaksak ko na lang ang headset ko sa aking tainga upang ako'y maengganyo kahit
na papaano.

"Ayaw mo ba akong katabi baby?" Wika ni Ethan na may halong pang-aakit sa kaniyang
pagsasalita.

Kahit nakaheadset ako ay narinig ko ang pinakawalang salita ni Ethan kaya agad
akong nagreact.
"Anong baby ka riyan? Sapak gusto mo?" Wika ko sabay pakita ng kamao ko sa kaniya.

"Oh sige ba, basta gagamutin mo ako para naman magkaroon tayo ng sweet moments
hindi puro ganito na lang." Wika nito habang suot ang kaniyang nakakalokong ngiti.

Hindi ko maintindihan yung lalaking ito kung ano ba talaga gusto niyang mangyari sa
kaniyang buhay. Isa siyang pasaway na sweet na parang laging nang-aakit.

"Ako na lang gagamot sayo, tutal namiss ko na rin lang ang lambingan at tamis ng
samahan natin eh." Wika ni Agatha sabay yapos kay Ethan at idinantay nito ang
kaniyang ulo sa balikat ni Ethan.

Naiinis ako na para bang sasabog kapag mayroon akong nakikitang naglalampungan sa
harapan ko. Gusto kong pag-untugin yung dalawang ito, ano kaya ang gagawin ni
Ethan.

Nagulat ako ng biglang kalasin ni Ethan sa pagkakayapos ang kamay ni Agatha.

"Agatha, tigilan na natin ang paglolokohang ito! May boyfriend ka pero mahal mo
ako? Pero hindi mo pala kayang iwanin ito para maging masaya na tayo. Ngayon,
marami akong napagtantong bagay." Wika ni Ethan dito.

Natameme si Agatha at hindi nakapagsalita matapos marinig ang pinakawalang salita


ni Ethan na tila sumaksak sa kaniyang dibdib.

Namayani ang katahimikan sa loob ng aming sinasakyan matapos ang napipintong


pangyayari. Maski ako ay tumahimik na lang din.

Makalipas ang tatlong oras ay nakarating na rin kami sa aming destinasyon. Hindi ko
namalayang nakatulog pala ako at napansin kong nakahilig pala ang ulo ko sa balikat
ni Mark.

Hala, kaming dalawa na lang pala ang nasa loob ng sasakyan. Nagsibabaan na silang
lahat. Anong gagawin ko? Ang awkward kaya!

"A-ah E-eh, sorry Mark at nakatulog ako sa balikat mo." Wika ko habang nakayuko.
Hinawakan niya ako sa baba at itinaas niya ang ulo ko kaya eye to eye contact kami
ngayon.

"Don't worry." Wika ni Mark at pinakawalan ang kaniyang pamatay na ngiti.

Halos himatayin ako ng makita kong ngitian niya ako. Dream come true ito!
Kasi,matagal ko ng pinapangarap na makita ang mahiwang ngiting iyon.

"Tara baba na tayo, tayo na lang ang hinihintay nila roon." Wika ni Mark at inayos
na ang kaniyang gamit.

"Ah ok, hehe!" Ang tanging nasambit ko dahil hindi ko alam kung ano ang aking dapat
sabihin.

Bumaba na kami ng sasakyan at tinungo ang kinaroroonan ng aming mga kaklase.

Nabighani ako sa ganda nung lugar. Sadyang napakayaman nga nila Ginny. Halos
mapanganga ako lalo na sa sarap ng hangin. Napakafresh at marerelax kang talaga.

"Oh, ayan na pala yung dalawang nagkakamabutihan kanina ah." Wika ni Dion na parang
may gustong ipahiwatig.

"Oo nga, tingnan mo oh! Holding hands pa talaga!" Dagdag naman ni Joan.

Hindi ko namalayang magkaholding hands pa rin pala kami ngayon. Dali-dali kong
kinalas ang aking kamay sa kaniyang kamay. Noong inalalayan nga pala niya akong
bumaba eh hinawakan niya kamay ko at nakalimutan ko ng bitawan kaya ayun, buking
ako!

"Ayiee! Namumula si Roxette sa sobrang hiya! Alam na!" Singit ni Xiara.

"Tama na iyan mga classmates! Ngayong nandito na tayong lahat, maaari na tayong
dumiretso sa ating pupuntahan." Wika ni Ginny.
"What? You mean, hindi pa ito yung lugar na tinutukoy mo?" Tanong ni Tin habang
nakataas ang kanang kilay.

"Yup, kailangan pa nating sumakay ng bangga patungo sa sinasabi kong lugar. Liblib
doon kaya mag-eenjoy talaga tayo! Tayo lang ang tao roon." Wika ni Ginny.

"Oh, it's kinda exciting!" Wika ni Mia.

"Super excited na ako with my babe!" Wika ni Dion.

"So, ano pa ba ang hinihintay natin? Tara na!" Wika ni Agatha na tila nagmamadali.

"Wait, Manong! Balikan niyo po kami rito makalipas ang dalawang linggo. Ayaw po
naming may makaabala sa amin eh." Wika ni Ginny sa dalawang driver at tumango naman
ang mga ito.

"Well, let's go!" Wika ni Ginny at sumakay na nga kami sa bangka.

Mayroong tatlong bangka kaya kami na ang bahala kung saan kami sasakay.

Sa totoo lang, ngayon pa lang ako makakasakay ng bangka. Kinakabahan nga ako kasi
feeling ko ay tutuwad ito sa anong oras.

Binaybay na namin ang dagat patungo sa aming destinasyon. Katabi ko pa rin si Mark
na todo makaalalay sa akin. Baka daw kasi mahulog ako! Hihi! Ang sweet, bakt kaya
siya nagkakaganito? Hindi naman siya ganito sa akin noon eh.

Napatingin ako sa kasabay naming bangka at lulan noon si Ethan na kita mo sa


kaniyang mata ang poot at pighati. Para bang mabigat ang kaniyang dinadala.
Naninibago tuloy ako kasi, kalog iyan kapag kasama ko eh.

Dumating kami sa aming patutunguhan at isa pala itong maliit na isla. Hindi ako
makapaniwala na mayroong napakagandang bahay na nakatayo sa ganitong lugar.
Nakakatakot lang kasi napapalibutan ito ng mga puno at malay mo, may mga wild
animals palang naninirahan dito kaya kailangan naming mag-ingat.
---

"Ang ganda pala rito? Akala ko naman magiging masalimuot ang magiging kahihinatnan
ng inyong mga katawan kapag binawian ko na kayo ng buhay haha!" Wika ng isang tinig
na naguumapaw sa galit.

"Pero syempre, dapat muna naming enjoyin ang pagstay namin dito para naman masulit
nila ang kanilang pamamalagi rito bago ko kitilin ang kanilang mga buhay." Dagdag
pa nito.

"Hindi na ako makapaghintay na makakita ng dugong nagsusumigaw sa paligid. Yung


tila ba bumabaha? Haha!" Halakhak nito.

"Exciting ito! Maglaro muna tayo." Wika nito na mayroong binabalak na masamang
plano.

Chapter 8
Roxette's POV

Ang ganda talaga dito! Masyado akong na-aamaze sa magagandang tanawin. Talagang
bakasyon kung bakasyon kami rito.

"Sige po, makakaalis na kayo. Balikan niyo na lang po kami rito makalipas ang
dalawang linggo." Wika ni Ginny sa mga lalaking nagdala sa amin rito gamit ang
bangka.

"Guys, by two's tayo. Pili na kayo ng kasama sa Room." Wika ni Ginny at naghanap na
nga ang bawat-isa ng kasama.

Room 1

Ginny

Arianne

Room 2
Tin

Xiara

Room 3

Agatha

Hannah

Room 4

Abi

Mia

Room 5

Grace

Mae

Room 6

Nikka

Joan

Room 7

Dion

Aaron

Room 8

Karlo

Jake

Room 9

Mark
Roxette

Room 10

Jerome

Adrian

Room 11

Tom

Henry

Room 12

Kian

Josh

Room 13

Ethan

Ramil

Hala, bakit si Mark ang kasama ko sa kwarto? Bakit lalaki pa? Huhu!

Wala akong choice, si Mark na lang talaga. Ni minsan hindi ko pa nagawang matulona
may kasamang lalaki. Babae ako! At lalaki siya! Nakakahiya!

"Rox, okay lang iyan! Haha!" Wika ni Joan habang tinatapik ang aking balikat.

"Anong okay doon? Eh kung ikaw kaya ang matulog na ang katabi mo ay lalaki hindi ka
ba kakabahan noon?!" Wika ko habang nagkakanda-dilat pa ang aking mga mata.

"Oo, okay lang sa akin, basta si Dion yung lalaking katabi ko hihi!" Wika nito
sabay takip ng kaniyang bibig.
"Kung gayon, kayo na lang kaya ni Dion ang magsama sa kwarto?" Wika ko habang
nakapameywang pa.

"Sorry Rox, strict ang parents ko at kayo talaga ni Mark ang tinadhana ng panahon
para magtabi sa isang kwarto haha!" Wika nito habang humahalakhak pa.

"Ok guys, ayusin na natin ang ating mga gamit para maya-maya ay makakain na tayo ng
lunch." Wika ni Ginny at nagtungo na nga ang bawat-isa sa kani-kanilang kwarto.

Bibitbitin ko na sana yung bagahe ko kaso nagprisinta si Mark na siya na raw ang
magdadala nito kaya pinaubaya ko na sa kaniya.

Pagkarating namin sa aming kwarto ay namayani ang katahimikan sa pagitan naming


dalawa.

"Ok ka lang ba?" Pagbasag niya sa katahimikan sa loob ng kwarto namin.

"Ah, ok lang ako hehe." Wika ko habang nakatalikod sa kaniya. Hindi ko kayang
harapin siya kasi, nahihiya ako sa kaniya.

"Ah ok!" Wika nito at iniayos na ang aming mga gamit.

"Tara baba na tayo." Wika ko habang nakatayo malapit sa pintuan.

Nginitian niya lang ako at tinungo ang direksyon ko. Sabay kaming bumaba ng hagdan.

Malaki talaga ang tinutuluyan namin ngayon. Sa unang palapag ay mayroong apat na
kwarto. Ganun din sa ikalawang palapag at may limang kwarto naman sa ikatlo.

"Ayan na pala ang bagong nagkakadevelopan." Wika ni Xiara na tila inaasar kami.

"Uy, tumigil ka nga riyan. Yung bunganga mo ah!" Biro ko sa kanya sabay tapik sa
kaniyang braso.
"At isa pa, may girlfriend na si Mark kaya huwag niyo akong tuksuhin sa kaniya."
Dagdag ko pa sabay upo sa aking pwesto.

"Wala na kami." Matipid niyang sabi.

"Ows? Kailan pa?" Pang-uusisa ni Mia.

"3 weeks ago." Sagot nito.

"Ano naman ang naging dahilan ng hiwalayan ni Pare?" Tanong ni Dion.

"May iba pa pala siyang boyfriend." Sambit nito.

Nakakaawa pala si Mark. Alam ng lahat kung gaano nito kamahal ang girlfriend niya
kaso niloloko lang pala siya nito. Todo effort pa ito para mapaligaya ang
girlfriend niya kaso nabalewala pala ang lahat ng ito.

"So ang ibig sabihin niyan, may chance pa sina Mark at Roxette na magkatuluyan."
Wika ni Joan at talagang binubuska kaming dalawa.

"Tigil-tigilan mo nga iyan Jo! Isusumbong kita sa Nanay mo!" Pananakot ko rito.

"Haha, joke lang pala!" Wika nito at nagtawanan kaming lahat habang kumakain.

Napansin kong nakatitig sa akin si Ethan at nagtama pa ang aming mga paningin kaya
ako na ang nagkusang umiwas ng tingin.

Matapos ang nakakalokong kwentuhan habang nagkakainan ay nagpahinga muna kami


sandali.

Maya-maya pa ay nagsalita si Agatha at tinipon niya kaming lahat.


"Guys, gumawa tayo ng isang malaking bilog pwede ba?" Tanong niya at sumang-ayon
naman ang lahat.

"At para maging mas masaya ang ating pananatili rito, maglalaro tayo!" Wika ni
Agatha habang nakaupo pabilog ang lahat habang siya naman ay nakatayo sa gitna.

Naglabas siya ng bowl at ipinakita niya sa amin at tuwang-tuwa pa.

"Ahm, guys! Bubunot tayo lahat dito sa bowl of surprise na kung saan ay may
nakalakip na letra. Kaya kung ano ang letrang panghahawakan mo, ayun ang magiging
DARE o kaya ay TRUTH sa ating laro." Paliwanag niya.

"Haha, kundi niyo lang alam. Ang letrang panghahawakan ninyo ay magiging sanhi ng
kamatayan niyo! Haha!" Wika ng isang tinig.

"So ibig sabihin, TRUTH or DARE ang lalaruin natin? Na kung saan kapag napili mo ay
TRUTH ang sasagutin mo ay kung ano word ang ibibigay sayo ng magtatanong at ganun
din sa DARE?" Wika ni Nikka.

"Oo tama ka! Kaya bawal ang KJ! Enjoy lang natin ito!" Wika niya at pinaikot-ikot
na nga ang bowl of surprise.

"Ngayong nakabunot na ang lahat, simulan na natin. Spin the bottle muna siyempre."
Wika ni Agatha at sinimulang paikutin ang bote.

Chapter 9
Nagsimula ng maglaro ang magkakaklase at sinimulan ng paikutin ni Agatha ang bote
sa gitna.

Halos lahat ay kinakabahan sa pag-ikot ng bote. Unti-unti na itong humihinto at ito


ay tumapat kay Adrian.

"Oh paano ba iyan Adrian? Truth or Dare?" Tanong ni Agatha.

"At dahil ako ang unang nasalang, Truth na lang muna hehe!" Wika nito na para bang
kinakabahan sa itatanong sa kaniya ni Agatha.
"Bago ko ibigay ang aking tanong, ano nga pala yung letter na nabunot mo?" Tanong
nito.

"Letter F! Easy lang Agatha haha!" Wika nito.

"Your word is FIRST KISS. Sino ang First Kiss mo dito sa bilog na kinabibilangan
mo?" Tanong ni Agatha sabay ngiti kay Adrian.

"Kung iyan lang ang pag-uusapan, siguro panahon na para malaman niyo kung sino ang
nag-iisang taong mahal ko." Panimula nito.

"Sabihin mo na! Huwag ka ng magpaliguy-ligoy pa!" Wika ni Aaron na sabik na malaman


kung sino nga ba ang first kiss ng kengkoy na binata.

"Excited masyado? Haha! Okay sige, panahon na para malaman niyokung sino siya, at
siya ay si..." Wika nito na wari mo'y nag-iisip pa ng malalim.

"Ano ba iyan, pabitin pa? Sino nga kasi!" Sigaw ni Grace.

"Ang babaeng kabangayan ko lagi. Sino pa ba? Kundi si Ms. Arianne Tiongson." Wika
nito at nagsigawan ang lahat habang nakabilog.

Magkatapat sina Adrian at Arianne at kita mo sa bakas ng mukha ni Arianne na


namumula ito sa kilig at hiya dulot ng panunukso ng kaniyang mga kaklase.

Hindi makapaniwala ang lahat na magkakadevelopan ang dalawa dahil para silang aso't
pusa kung magbangayan kaya hindi nila inakala na mayroong mamumuo sa pagitan ng
dalawa.

"Ayie! Hindi ko akalainArianne na magkakadevelopan kayo ni Adrian!" Wika ni Roxette


sabay palo sa braso nito dulot ng kilig.

"Kapag niligawan ka Arianne ni Adrian, sagutin mo na agad-agad! Huwag ka ng


magpatumpik-tumpik pa! Karakaraka!" Wika ni Ginny.
Natuod sa pagkakaupo si Arianne dahil hindi niya alam kung ano ang kaniyang
sasabihin. Tila ba nababalutan siya ng hiya ngayon.

"Paano mo nga pala nahalikan si Arianne Adrian?" Tanong ni Henry.

"Kailangan ko rin bang sagutin iyan?" Tanong ni Adrian.

"Oo kailangan, bawal ang KJ hehe!" Sagot ni Agatha.

"Hinalikan ko siya sa lips noon kasi ang ingay niya. Ang paghalik lang sa kaniyang
labi ang naisip kong paraan para patigilin yung bunganga niya sa pagdakdak." Kwento
ni Adrian.

"Akala mo naman nagustuhan ko iyon? Hindi noh!" Singit ni Arianne.

"Weh, di daw? Sinunggaban mo nga ako kaagad pagkalayo ng labi ko sa labi mo eh!"
Kwento ni Adrian.

"Ayiee! May pagnanasa si Arianne kay Adrian. Haha!" Wika ni Nikka.

"Hindi naman kaya! Loko ka!" Wika ni Arianne.

"Oh tama na iyan, next spin na tayo guys! Adrian, paikutin mo na!" Wika ni Agatha
sabay abot ng bote rito.

Si Adrian naman ang nagspin ng bottle ngayon at ito ay tumapat kay Mae.

"Ano Mae? Truth or Dare?" Tanong ni Adrian.

"Dare na lang para mas masaya! Haha!" Wika ni Mae na wagas pa kung makatawa.
"Ang dahil may pagkaboyish ka at hindi kami sigurado kung tomboy ka ba o hindi, ang
letrang pinanghahawakan mo ay?" Tanong ni Adrian.

"Letter O! Huwag mong hihirapan ah? Kundi sapak aabutin mo sa akin!" Wika ni Mae na
nanakot pa.

"Ang naisip kong word ay OPERATION! Kaya ang gagawin mo ay OPERATION, Seduce Karlo!
Haha! Galingan mo ah? Tingnan natin kung maaakit mo ang pinakamahangin sa ating
lahat haha!" Wika ni Adrian na tawa nang tawa.

"Gusto ko iyan! Sige nga Mae! Seduce me if you can!" Pang-aakit ni Karlo.

"Iyan ba ang gusto mo? Sige, sisiguraduhin kong mag-iinit ka sa gagawin ko!" Wika
niya at nilapitan si Karlo.

Nilapitan ni Mae si Karlo sa kinauupuan nito at hinila niya ito sa kwelyo patungo
sa gitna ng bilog.

Ngayon, silang dalawa ay nasa gitna na ng bilog para gawin na ni Mae ang kaniyang
Dare.

Excited ang lahat na makita kung paano aakitin ni Mae si Karlo dahil alam nga ng
lahat na boyish ito at walang alam sa pang-aakit ng lalaki.

Hinagod ni Mae ang likod ng binata habang naglalakad ito papaharap. Maganda si Mae,
kahit sino ay matetemp kapag inakit niya kaso nga lang masyado siyang maton kung
gumalaw pero makikita mo pa rin naman ang pagiging girly niya minsan.

Inilapit ni Mae ang kaniyang mukha sa mukha ng binata na ikinagulat ng lahat. Halos
maghalikan na ang dalawa dahil isang pulgada na lang ang pagitan nilang dalawa.

Inilagay ni Mae ang kaniyang hintuturo sa labi ng binata matapos siyang tangkaing
halikan nito. Inilayo niya ang kaniyang mukha sa binata at nginitian bago bumalik
sa kaniyang upuan.

"Grabe, napaka-intense ng eksenang iyon!" Wika ni Ethan.


"Oo nga, halos madala na ako! Akala ko naman may mangyayaring halikan dito sa
harapan natin haha!" Wika ni Ramil.

"Wow, inaamin ko, sa paghagod mo pa lang, binuhay mo na ang alaga ko." Wika ni
Karlo na ngayo'y parang tinamaan na kay Mae tsaka bumalik sa kaniyang upuan.

"Aba pare, nabuhay pala ni Mae ang jun jun mo! Haha!" Wika ni Jake.

"Taglibog ba kamo? Iyan, si Karlo ang experto kapag iyan na ang pinag-uusapan."
Wika naman ni Jerome.

"Gago! Itikom niyo nga ang mga bibig niyo!" Wika ni Karlo.

Nakangiti lang sa kinauupuan niya si Mae dahil naakit niya ang binata gamit ang
kaniyang karisma.

"Ok ok, pwede na! Oh let's say na bagay kayo! Haha!" Wika ni Adrian na inaalaska
ang dalawa.

"Pustahan pare, pagkatapos nito ay popormahan na ni Karlo si Mae haha!" Wika Kian.

"Tingnan natin, haha!" Wika ni Tom sa may gilid.

Nagsimula na si Mae na paikutin ang bottle at ito ay tumapat naman ngayon kay Josh.

"Oh paano ba iyan Josh? Ikaw naman, Truth or Dare?" Tanong ni Mae rito.

"Ako ba maduduwag? Hindi noh! Sige, Dare!" Buong loob na iwinika ni Josh.

"Bago ang lahat, ang iyong letter ay?" Tanong nito.


"Letter T! As in taba! Haha!" Wika nito.

Si Josh kasi ay medyo chubby pero habulin pa rin ng mga babae.

"Ang word ko sayo ay TICKLE! Kilitiin mo si Mia gamit ang iyong dila." Wika ni Mae.

"Ayun lang ba? Hay, napaka-easy naman! Alam na alam ko kung saan ang kilitiniyan
eh." Wika ni Josh at hinila si Mia sa gitna ng bilog.

Dinilaan ni Josh ang leeg ni Mia na karaniwang may kiliti ang mga babae.

"Bakit ba sa leeg pa Josh? Pwede namang sa tungki ng aking ilong ah!" Pagrereklamo
ni Mia.

"Aba, hinihirit pa si Mia! Nabitin yata haha!" Wika ni Xiara.

"Its obvious naman diba? Mia has a Crush on Josh kaya she wants it na ulitin ni
Josh ang Dare niya." Wika naman ni Tin.

"Oy, ang dudumi ng isip niyo! Kaibigan lang ang turingan namin ni Josh noh."
Paliwanag ni Mia.

"Feeling ko tuloy para tayo living young, wild and free!" Singit ni Abi.

"Oo nga, kasi nagagawa natin kung ano man ang gustuhin nating gawin." Dugtong naman
ni Hannah.

"Oh, next spin na guys! Be excited kapag kayo ang natapatan ng bottle! Haha!" Wika
ni Agatha at ipinagpatuloy nila ang kanilang paglalaro.

Chapter 10
Pinaikot ni Josh ang bote at ito ay tumigil sa pwesto naman ni Joan.
"Oh Joan, it's your turn to shine!" Wika ni Josh.

"Naman, ano pa't naging kamukha ko si Pauline Luna kung hindi rin lang ako sisikat
aber!" Wika nito sabay tayo sa kaniyang pwesto.

"Isang tanong, isang sagot, Truth or Dare?" Wika ni Josh.

"Dare syempre, gusto ko yung nachachallege ako." Wika nito na nagiistretch pa ng


kamay.

"Pero bago ang lahat, ano nga pala ang letrang iyong pinanghahawakan?" Wika nito.

"Ano pa ba? Ade me plus you? Letter U!" Pagbibiro nito habang sumasayaw-sayaw pa.

"Exciting ito Jo, UNDRESS yourself. Diba nakaswim suit ka naman? Iyon lang ang
iyong itira." Wika nito habang nagtataas-baba ang kaniyang kilay.

"Ayun oh! Mukhang may pagnanasa pa si Josh sa katawan ni Joan. Haha!" Biro ni Abi.

"Oo nga! May balak ka pa yatang agawin iyan kay Dion." Dugtong naman ni Arianne.

"Oops, walang personalan! Haha!" Pagtanggi nito.

"Iyon lang ba? Asus, wala man lang kalatuy-latuy!" Wika nito at sinimulang
tanggalin ang kaniyang subrero na pangtag-init.

Dahan-dahang tinanggal ni Joan ang blouse niya na may kasamang pang-aakit. Lumantad
sa madlang classmate ang napakaputi niyang katawan. Sinunod naman niya ngayon ang
kaniyang mini skirt. Nang matanggal na niya ng tuluyan ang kaniyang saplot,
bumungad sa lahat ang napakagandang pigura ng dalaga. Naka two piece naman ito na
kulay blue at nagpose pa ala model ng FHM.

"Hindi ko akalain na ganiyan pala ka-sexy si Joan! Na T-Boom na yata ako sa


kaniya!" Sigaw ni Mae.

"Ano pa't naakit ko si Bossing kung hindi naman malamas ang aking karisma diba?"
Pabiro nito.

Kilalang-kilala talaga si Joan pagdating sa pagpapatawa dahil sa nasobrahan siya sa


sense of humor. Nakuha niya ring gayahin ang mannerisms ng kanilang mga professor.

Nagulat ang lahat ng biglang tumayo si Dion at naglakad palayo sa kanilang pwesto.

"Ano nangyari doon?" Tanong ni Roxetre habang nakakunot ang noo.

"Walk-out prince lang ang peg?" Wika naman ni Tin.

"Hay, mukhang hindi yata natuwa sa ginawa ni Joan." Singit naman ni Grace.

"Mukhang war ang kalalabasan nito." Wika ni Joan at dinampot isa-isa ang kaniyang
mga saplot sa sahig.

Maya-maya pa ay bumalik sa kanilang kinaroroonan si Dion dala ang isang puting


kumot.

"Oh, itago mo na ang katawan mo. Masyado mo namang ineexpose sa iba." Wika nito
sabay balunbon ng kumot sa katawan ng dalaga at inakay ito pabalik sa upuan niya.

"Wow, ang sweet naman ni Dion! Napakacaring naman!" Wika ni Nikka na tila ba
nainggit sa moment ng dalawa.

Nang makapagbihis na muli si Joan at nagpatuloy ang kanilang laro. Pinaikot niya
ang bote at ito ay tumapat naman kay Grace.

"Oh Gracia! Easy o Hard?" Tanong ni Joan.


"Tinatanong pa ba iyan? Syemore Easy! Haha!" Wika nito habang nagkakandatirik pa
ang kaniyang mga mata sa sobrang ligaya.

"Depende iyan kung ano ang pipiliin mo. Truth or Dare?" Tanong ni Joan na nais pa
itong sindakin sa kaba.

"Alam kong pahihirapan mo ako kaya naman Truth na lang! Hehe!" Wika nito habang
nakadantay pa ang ulo sa kanang balikat ni Mae.

"Pero bago ang lahat, maaari ko bang malaman ang letra nakuha mo upang ika'y maging
salat?" Patuyang tanong nito.

"Kurat! Letter E!" Wika nito at nakacross arms naman siya ngayon habang naka-indian
seat.

"Ahm, ang easy word mo ay EMBARASSING. Ano ang embarassing moment mo na hinding-
hindi mo makakalimutan na nangyari sa ating school?" Tanong ni Joan.

"Easy pa ba iyan? Mukhang ang hirap kaya! Pero sige, aamin na ako." Wika nito
habang nakayuko.

"Hala, may aaminin si Grace! Mukhang masyadong controversial ah!" Wika naman ni
Mark.

"Ang pinakaembarassing moment na iyon ay ng malaman ng Crush ko na Crush ko siya at


ipinagsisigawan pa naman niya." Paglalahad nito.

"Parang kilala ko na siya!" Wika ni Mia.

"Si Jerome! Oh my Gee! Aminan na ng feeling oh!" Wika naman ni Tin habang nakahawak
pa sa kaniyang dibdib.

"Oo siya nga! Pero ang manhid niya lang!" Ipinagduduldulan ito ni Grace sa lalaking
nasa kanan niya.
"Ang tanong, may nararamdaman ba si Jerome sayo? Oh si Nikka ang tinitibok ng puso
nito?" Tanong ni Aga habang nakadungaw sa tatlo.

"Pati ako nadamay dito! Wala naman akong gusto kay Jerome!" Singit ni Nikka.

"Sino ba nagsabing may gusto ka sa kaniya? Ikaw lang diba? Masyadong defensive!
Hehe!" Wika naman ni Aaron na tila binubuking ito.

"May lihim ngang pagtingin si Grace Kay Jerome! Ang tanong, sino kaya ang
makakakamkam sa puso ni Jerome?" Wika nanan ni Xiara.

"Yun lang! Haha!" Wika ni Tom.

"Oh siya siya, tapos na ako so spin the bottle na ulit." Singit ni Grace na tila ba
naumid.

Sinimulan ng paikutin ni grace ang bote habang kinakabahan ang lahat. Ilang segunda
lang ang lumipas at ito ay tumigil. At ang natapatan naman ay si Hannah.

"Oh paano ba iyan Hannah? Mukhang magkakaalaman na? Haha! Truth or Dare?" Wika ni
Grace habang nakangiti rito.

"Haha! Grace talaga! Syempre Truth noh!" Nakakalokong tawa nito.

"O' siya, ano ang mahiwagang Letrang hawak mo?" Tanong niya rito.

"Letter A! Stands for Amazing Hannah!" Wika nito sabay tayo at nakapogi pose pa.

"Pogi mo! Haha! Ang word ko para sayo ay Alipin. Kung ikaw ay magpapaalipin sa isa
sa mga kaklase nating lalaki, kanino ka maglilingkod at bakit?" Tanong ni Grace.

"Slave lang ang peg Grace? Hehe!" Wika ni Agatha.


"Naman! Oops, mga boys, huwag green! Haha! Alam ko mga iniisip niyo!" Wika ni Grace
sabay turo sa mga lalaki.

"Actually Grace, hindi ko na kailangan pang magpaalipin pa dahil matagal na niyang


inalipin ang puso ko." Wika ni Hannah habang nakatingin sa lalaking tinutukoy niya.

"Oh! Sino ang maswerteng lalaking umalipin sa puso mo?" Tanong ni Roxette.

"Ako alam ko kung sino! Si Papa--" hindi na natuloy ni Joan ang kaniyang sasabihin
dahil tinakpan ni Hannah ang kaniyang bibig.

"Ang daldal mo talaga! Hayaan mong ako na ang magpaalam sa kanila." Wika ni Hannah
sabay tanggal sa kaniyang kamay na ipinangtakip sa bibig ni Joan.

"Ewan ko ba, noong una eh wala naman akong gusto sa kaniya. Pero, simula noong
naging close kami sa isa't isa eh lumalim ang pagtingin ko sa kaniya. Hanggang sa
nalaman kong mahal niya na rin ako at hiniwalayan nito ang girlfriend niya. Ngayon
ay aaminin ko na, boyfriend ko na siya, ang lalaking umalipin sa aking puso, walang
iba kundi si Kian Cruz." Wika niya sabay tayo at nilapitan ang tinurang boyfriend
tiyaka niya ito niyakap.

"Ayiee! Kinikilig tuloy ako! Ang sweet niyo naman. Sana pumayag si Roxette na
mayakap ko rin siya!" Makulit na wika ni Ethan.

"In your dreams!" Pagtataray ni Roxette rito.

"Ayun eh! Patagong pag-ibig nga naman, kay sarap manamnam." Wika ni Henry na nag-
ala makata na naman.

"Kayo na talaga! Inggit ako! Haha!" Pagbibiro ni Grace sabay dukdok sa kaniyang
dalawang tuhod.

"Oh tama na iyan, nilalanggam na kayo masyado hehe! Oh Hannah, pailutin mo na."
Wika ni Agatha na bakas pa hanggang ngayon ang kilig dulot ng dalawa.

Chapter 11
Naglakad na pabalik si Hannah sa kaniyang upuan para ihanda ang sarili sa
pagpapaikot ng bote.

"Goodluck guys sa kung sino man ang matatapatan!" Wika nito habang nakangiti ng
nakakaloko.

Sinimulan na niya ang pagpapaikot sa bote at ito ay tumigil sa harapan ni Henry.

"Yun, go Henry!" Wika nito habang may pacheer-cheer pang nalalaan.

"Truth or Dare? Maging maingat sa iyong pipiliin." Dagdag nito.

"Dare! Challenge me!" Wika nito sabay tanggal sa suot na salamin.

"Kung iyan ang gusto mo, pagbibigyan kita. Letter please?" Wika nito sabay tayo sa
kaniyang kinauupuan.

"Letter D, Ms. Leoncio!" Wika nito at tumayo rin.

"Talagang gusto mo ng dare ah? Geh! Pero sandali lang." Wika nito at umalis sabay
tinungo ang kusina.

"Excited na ako haha!" Wika nito kahit halata mong kinakabahan siya.

Maya-maya pa, bumalik si Hannah na may dalang blender, ice cubes, at ampalaya.

"Oh Hannah! Dare kung dare talaga ah!" Wika ni Adrian.

"Naman!" Sagot niya rito.

"At dahil masyado kang tahimik at parang medyo may pagkabitter ka, feeling ko lang
ah? Eto ang bagay sayo, ampalaya shake! Kaya ang Dare word mo ay, DRINK." Wika nito
habang inaayos ang ampalaya.
"Ganun pala tingin mo sa akin, bitter? Haha!" Wika nito sabay tumatawa pa.

Nang magawa na ni Hannah ang ampalaya shake, binigay niya na ito kay Henry upang
inumin.

"Drink that two glass of ampalaya shake and the other one is, you need to give it
to the person which do you think is bitter." Wika ni Hannah na hindi mo na maipinta
ang mukha sa tuwa.

"Okay!" Wika nito at kinuha na ang unang glass nito.

Napangiwi si Henry sa pait dulot ng ampalaya matapos niyang masaid ang laman ng
unang glass.

Iinom sana siya ng tubig ngunit naalala niya magiging mapait pa lalo ang kaniyang
panlasa kaya hinayaan na niya na lamang ito.

Nang inumin naman niya ang pangalawang glass of ampalaya, halos masuka-suka na siya
at maluha-luha dulot ng pait kaya nagtatakbo kaagad siya sa kusina at kumain ng
asukal upang mapawi ang pait nito.

"Ang pait lang siguro, pure ampalaya pa, wala man lang konting asukal." Wika ni
Nikka.

"Ang tanong, kanino kaya ibibigay ni Henry ang huling glass of ampalaya shake?
Haha!" Wika ni Hannah na halos gumulong na sa sahig sa katatawa.

"Tae Hannah! Ang pait!" Sigaw nito habang naglalakad pabalik sa pwesto ng mga
kasama.

"Pasensya naman, ngayon ay makakaganti ka na! Haha!" Wika ni Hannah.

"Gusto ko sanang ipainom sayo yung last glass eh kaso may gusto talaga akong
pagbigyan, iyon ay si Ginny! Haha!" Wika nito.
"Why me? Bakit hindi yung iba?" Tanong nito habang nanlalaki ang mata sa gulat.

"Kasi, sa tingin ko ay bitter ka. Bitter ka sa mga taong may lovelife! Hehe!"
Paliwanag nito.

"Huhuhu! Ako pa talaga yung nakita mo no?" Wika nito habang nakabusangot sa inis.

"Huwag kang mag-alala, ako na ang iinom para sayo." Wika ni Ramil at kinuha yung
ampalaya sabay inom.

"Ahhh! Sarap! More! Parang alak lang hehe!" Wika nito sabay kindat kay Ginny.

"Mukhang may mamumuo na naman po! Hehe!" Wika ni Arianne sa katabi.

"Sige i-push natin iyan." Wika ni Roxette sa kaibigan.

"Sabi na nga ba eh, malagkit kasi makatingin itong si Ramil kay Ginny eh. Sagutin
mo na! Haha!" Biro ni Henry.

"Loko!" Ang tanging nasabi ni Ginny dahil nahihiya siya sa binata.

"Paikutin na nga natin!" Wika ni Henry at nagsimula ng magpaikot ng bote at ito ay


tumigil naman kay Dion.

"Oh pare, alam na ah? Haha! Truth or Dare?!" Wika ni Henry.

"Tinatanong pa ba iyan? Kung si Joan ay nagdare, ako pa ba hindi? Syempre, dare!"

"Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh! Haha! Letter dude!" Wika nito.
"Letter G pare!" Wika nito na para bang kalatuy-latuy.

"Aba, G talaga? Geh, your word is GAPANGIN." Wika ni Henry habang nakangisi.

"Grabe, gapangin talaga?" React ni Abi.

"Oh, alam ko iyang mga nasa isip niyo! Huwag green!" Wika niya sa mga kaklaseng
kakaiba ang mga reaksyon ng mukha.

"Oh siya, explain mo na ang gagawin ko dali!" Wika ni Dion habang pilyong
nakangiti.

"Excited? Haha, gapangin mo ang kusina at kumuha ka ng isang mansanas. Tapos,


kainin mo habang bumabalik ka rito ng gumagapang." Wika nito.

"Grabe, ang hirap naman! Akala ko makakascore na ako eh hehe! Joke lang sige na
sige na!" Wika nito at nagsimula ng gumapang.

"Go Dion my love, kaya mo iyan haha!" Wika ni Joan.

"Isipin mo na lang bro si Joan yung sahig! Hehe!" Wika naman ni Ethan.

"Ako talaga? Haha! Mga isip niyo talaga!" Wika ni Joan sabay tapik sa braso ni
Ethan.

"Para sayo my love!" Sigaw ni Dion at naghiyawan naman ang lahat.

Makalipas ang dalawan minuto ay narating na ni Dion ang kusina at ngayon ay pabalik
na siya habang kinakain yung mansanas.

"Isipin mo na lang na si Joan ang kinakagat mo haha!" Dugtong ni Ethan.

"Loko, magtigil ka nga!" Wika ni Joan habang todo soporta sa pagchicheer kay Dion.
Nakabalik si Dion sa kaniyang pwesto at nagawa naman niya ng maayos yung dare.

"Nakakapagod!" Reklamo ni Dion na sobrang pawis na pawis.

"Lumapit ka nga rito sa akin dali!" Wika ni Joan at naglabas ng bimpo.

Nang makalapit si Dion sa kaniya ay pinunasan niya ang pawisang mukha ng binata.

"Yah! Ang sweet niyo!" Wika ni Agatha na para bang naiinggit.

"Hehe, sobrang maalaga lang talaga ng my love ko." Wika ni Dion at naupo na sa
kaniyang pwesto.

Sinimulan na niyang paikutin ang bote at ito naman ay huminto sa tapat ni Mia.

"Mia, gusto mo ba ng kontrobersyal na tanong o kakaibang hamon?" Tanong ni Dion.

"Gusto ko sana ang kakaibang hamon kaso naintriga naman ako sa kontrobersyal na
tanong na iyan kaya Truth." Wika ni Mia ng walang pag-aalinlangan.

"Letter?" Dugtong ni Dion.

"Letter J. Like me, jolly!" Wika nito.

"Speaking of jolly, your word is, JOKER. Sino ang kengkoy na iyong kasama noong
isang araw sa mall magdamag?" Tanong nito.

"Hala, sino kaya iyon sa tatlong ito? Si Adrian, Kian o Jerome?" Tanong ni Mae.

"Kaloka ka Dion! Mabubuking pa tuloy ang sikreto ko." Wika ni Mia sabay lagay ng
buhok paharap para si Sadako.

"Sabi ko sayo eh, maging maingat sa pagpili." Wika nito habang nakangiti.

"Okay, aamin na ako. Si Jerome ang kasama ko sa mall magdamag noon pero wala kaming
relasyon. Ako lang ang may gusto sa kaniya at wala siyang gusto sa akin. Nililinaw
ko na habang maaga hehe!" Wika ni Mia na todo sa pagpapaliwanag.

"Kay gwapo naman pala ni Pareng Jerome! Habulin ng chicks!" Sigaw ni Karlo.

"Oy, sila ang nagkakandarapa sa akin dahil sa taglay kong kagwapuhan." Wika nito
ala Jose Manalo.

"Ang hangin po! Haha!" Sigaw naman ni Tin at nagtawanan ang lahat.

Chapter 12
Pinaikot na ni Mia ang bote matapos aminin ang totoo. Sa pag-ikot ng bote, ito
naman ay huminto sa harap ni Nikka.

"Oh Nikka babes, paano ba iyan? Truth or Dare." Tanong ni Mia.

"Nikka babes? Ano ka, t-boom? Haha!" Pang-aalaska ni Adrian dito.

"Inggit ka? Ade tawagin mo ring babe si Jerome! Haha!" Pagsupla ni Mia rito.

"Ade lovers ang peg ng dalawa! Haha!" Wika naman ni Karlo at nagtawanan ang lahat.

"Oh tama na iyan, sige na, Truth na lang ang pipilin ko." Malumanay na wika ni
Nikka.

"Yun eh, mukhang mapapasabak ka sa itatanong ko sayo hehe." Wika nito.


"Haha, mukha nga. Sa tingin mo pa lang kinakabahan na ako." Wika niya.

"Pero bago ang lahat, letter please?" Wika nito.

"Letter L, haha!" Dugtong nito.

"At dahil diyan, ang word ko sayo na kailangan mong sagutin ay, LOVE AT FIRST
SIGHT. Sino sa mga nandirito, ang tinamaan ka noong unang kita mo palang?"
Pagpapaliwanag nito.

"Hala, kailan ko ba talagang sagutin iyan?" Tanong ni Nikka na may halong


pagkalito.

"Ay hindi, huwag mo ng sagutin para mas masaya." Pambabara ni Grace rito.

"Uy, bitter yung isa diyan. Haha!" Pambubuska ni Jake.

"Tse!" Sabay irap ni Grace rito.

"Nahihiya tuloy akong aminin sa inyo pero sige, sasabihin ko na nga." Wika nito
habang nakayuko.

"Sabi na nga ba eh, si ano iyan! Haha!" Wika ni Mia.

"Si ano? Sino siya?" Tanong naman ni Xiara.

"Sa totoo niyan, hindi naman ako naniniwala sa Love at First Sight. Pero noong
nakita ko siyang naggigitara sa ilalim ng puno, mayroon akong kakaibang
naramdaman." Wika niya.

"Aba, sino yung lalaking iyon? Si Dion?" Tanong naman ni Hannah.

"Patapusin na muna natin siya." Wika ni Agatha at nakinig na nga ang lahat sa
sinasabi ni Nikka.

"Ang galing niya talagang maggitara as in. Ako kasi naggigitara rin ako hindi lang
halata dahil sa pagkageek ko. I admire him so much lalo na sa pagtugtog at dahil
doon, unti-unting sumibol yung nararamdaman ko para sa kaniya." Kwento niya.

"Natutuwa nga ako kasi kinakausap niya ako kaso nga lang, puro pang-aasar lang ang
ginagawa niya sa akin. Ang lakas ng sense of humor ng taong ito. Bubuka pa lang ang
bibig niya, napapatawa na niya ako." Dugtong niya.

"Parang confession na ang kinalabasan hehe!" Wika ni Aaron.

"Siguro, kilala niyo na yung lalaking tinutukoy ko. Kaya ikaw, huwag sanang lumaki
ang ulo mo lalo pa't nalaman mong may pagtingin ako sayo Mr. Jerome Manalo." Wika
ni Nikka habang nakayuko pa rin.

Napatigagal si Jerome sa kaniyang narinig. Hindi siya makapaniwala na may feelings


din pala sa kanya ang taonf kaniyang sinisinta.

"Ayiee! Ang gwapo mo Jerome! Tatlong babae ang nagkakandarapa sayo." Wika ni
Roxette na halos magtatalon na sa kilig.

Hindi na na-shock pa si Mia dahil inamin na ni Jerome sa kaniya na may mahal na


itong iba at iyon ay si Nikka. Bukal sa puso naman iyong tinanggap ni Mia.

Si Grace naman, ayun bitter kasi matagal na niyang napapansin na may pagtingin dito
ang binata.

Si Jerome naman, tuwang-tuwa sa kaniyang narinig. Gustuhin niya mang sabihin sa


dalaga na the feeling is mutual kaso nga lang, hindi pa siya handa para aminin ito
sa dalaga.

Nagpatuloy ang kanilang kasiyahan matapos ang marubdub na pag-amin ni Nikka sa


kaniyang nararamdaman.

Sa pag-ikot ng bote, ito naman ay huminto sa tapat ng kanilang presidente.


"Oh Agatha, it's your turn na. So, Truth or Dare?" Tanong ni Nikka na ngayon ay
bumalik na sa dati nitong sigla.

"Truth na lang, pass na muna ako sa dare." Wika nito sabay hawi ng kaniyang kulot
na buhok.

"Ok, pero letter muna." Dagdag nito.

"Letter X, mahirap iyan haha! Good luck hehe!" Wika ni Agatha.

"Easy lang iyan haha! Ang word ko sayo ay Xerox. Kung ikaw ay bibigyan ng chance
para kopyahin ang mukha ng isa sa mga nandito, kaninong mukha ang kokopyahin mo? At
bakit?" Tanong ni Nikka.

Nabalot ng katahimikan ang paligid at tila hinihintay ng lahat ang magiging sagot
nito.

"Siguro, ang mukha ni Roxette ang pipilin ko." Wika nito habang nakatingin kay Rox.

"Why me?" Tanong sa isip-isip ni Roxette.

"I chose her kasi, I want to say sorry to the person that I hurt most. Hindi ko
naman siya pinaasa eh, minahal ko rin naman siya kaso mukhang mas mahal ko yung
boyfriend ko. Sorry sa lahat, sana ngayon, lumigaya ka na at alam kong si Roxette
ang babaeng iyon kaya huwag kang titigil hangga't hindi mo siya napapasagot ah?
Ethan, do your best para mahuli mo ang puso niya." Wika nito habang nakangiti kay
Ethan.

Dali-daling tumayo si Agatha at nilapitan si Ethan at niyakap ito.

"Pinapalaya na kita. At alam kong siya ang makakapagpasaya sayo kaya gawin mo ang
lahat para mapasagot mo siya." Sabi ni Agatha habang nakangiti at hinalikan ito sa
pisngi.

"Uy, nagseselos yung isa roon oh! Haha!" Wika ni Kian habang nakaturo kay Roxette.
"Haha, hindi noh!" Pagtanggi ni Roxette.

"Masyado na akong madrama guys, hehe! Pagpasensyahan niyo na ako. Next spin na."
Wika ni Agatha habang pinupunasan ang mga luhang nag-uunahan sa pagtulo.

Pinaikot na niya ang botelya at ngayon, natapat naman ito kay Mark.

"Mark, truth or dare?" Tanong ni Agatha na ngayon ay nakangiti na.

"Truth." Matipid nitong sagot.

"Okay, ang tipid mong magsalita ngayon ah? Hehe! By the way, letter what?" Dugtong
pa niya.

"Hehe, trip ko lang. Letter V." Wika nito sabay ngiti.

"Iyan, mas gwapo ka kapag nakangiti ka kaya ipagpatuloy mo lang iyan." Wika ni
Agatha.

"Ganun ba? Hehe, thanks!" Sambit ni Mark.

"Ang word ko sayo ay VIRGINITY." Wika nito habang suot ang nakakaloko niyang ngiti.

"Grabe ah, virginity pa talaga ang topic." Wika ni Arianne.

"Oo nga, maloloka ako kung iyan ang itatanong sa akin haha!" Pagbibiro ni Joan.

"Ang tanong, ilang babae na ang natanggalan mo ng virginity?" Wika ni Agatha na


ngayon ay seryoso na ang itsura.
"Ahm, sa totoo lang, noong high school ako dalawa lang tapos ngayong College, tatlo
kasama na yung ex ko." Seryoso nitong sagot.

"Ah, mahilig ka rin pala hehe. Back up question, dito ba sa mga kasama natin ay may
nagalaw ka na?" Tanong ni Agatha na para bang iniinterview ito.

"Wala pa naman." Matipid nitong sagot.

"Wala pa naman? So ibig sabihin ay may balak ka? Oh no, huwag ako." Wika ni Abi na
naghuhurumintado.

"Ano ba iyan, ang seryoso ng usapan, kinikilabutan ako." Wika ni Roxette dahil ayaw
na ayaw niyang pinag-uusapan ang mga ganun.

"Oo nga, next spin na, baka mamaya, may galawan pang mangyari dito haha!" Wika ni
Jerome at nagpatuloy na nga sila sa kanilang paglalaro.

Chapter 13
Sa pagpapatuloy na kanilang paglalaro, biglang nagsalita si Mark.

"Kung sa tingin niyo ay malibog ako marahil na rin sa mga narinig niyo kanina,
pwes, nagkakamali po kayong lahat." Wika nito habang hawak ang boteng kanilang
pinaglalaruan.

"What do you mean? Hindi kita maintindihan." Wika ni Ginny na wari mo'y
naguguluhan.

"Oo nga, ipaliwanag mo nga kasi ng maayos pare." Dugtong naman ni Josh.

"Nagsinungaling ako sa sagot ko kanina. Sa totoo niyan, virgin pa talaga ako, never
been kiss, never been touch." Paliwanag nito.

"Aba, weak ka pala pare eh!" Wika ni Ethan.


"Ginagalang ko kasi ang mga babae hindi gaya ng usa diyan, sunggab lang nang
sunggab." Birada nito.

"Ako ba pinapatamaan mo ah?" Wika ni Ethan na nakakuyom na ang mga kamao na


nagbabadya ng manapak.

"Wala akong sinasabing pangalan dude, pero kung tinatamaan ka, wala akong
magagawa." Wika nito habang kampanteng nakaupo sa kaniyang upuan.

"Aba, tarantado ka pala eh! Suntukan na lang oh! Purong-puro ka na sa akin hayop
ka!" Nangagalaiting sigaw ni Ethan rito na naghihikahos na suntukin ito ngunit
pinipigilan siya ng kaniyang mga kasama.

"Ethan ano ba? Maghunos-dili ka nga." Wika ni Hannah.

"Pare relax, hindi tayo nandito para magkagulo." Wika ni Ramil na pumipigil dito.

"Hindi na ako makapagtimpi pare eh! Talagang pinag-iinit niyan ang ulo ko." Wika ni
Ethan na ngayon ay medyo mahinahon na.

"Eh paano pa niyan? Katabi niyang matulog sa kwarto at sa iisang kama ang babaeng
mahal mo? Patience lang pare oh!" Wika nito sa kaibigan.

"Geh, pero kapag hindi na ako nakapagtimpi pa, pasensyahan na lang." Wika nito na
nanlilisik ang mata sa lalaking katapat niya.

Bumalik na ang kapayapaan sa lugar na kanilang pinaglalaruan. Ngunit, hindi pa rin


nawawala ang tensyong namamagitan kina Ethan at Mark.

Sa pag-ikot ng bote, ito ay huminto sa harap naman ngayon ni Tom.

"Okay Tom, Truth or Dare?" Matipid na tanong ni Mark.

"Dare na lang dude." Matipid din nitong sagot.


"Naku, nagdare ang bookworm ng klase. Bakit kaya?" Wika ni Aaron.

"Ayaw niya lang sigurong ma-interrogate kaya dare ang pinili niya." Wika naman ni
Joan.

"Okay, pero bago ang lahat, ang iyong letra please." Mahinahong sambit nito.

"Letter N, gusto ko yung exciting dare talaga ah?" Shestiyon nito kay Mark.

"Your wish is my command kaya ang word ko sayo ay NOSE TO NOSE. Makipagnose to nose
ka kay Dion. 10 seconds." Paliwanag nito.

"Pare, bakit pa napili mo? Pareho kaming lalaki!" Reklamo nito.

"Ayiee! Bromance! Haha!" Panunukso naman ni Xiara.

"Hay, no choice! Mas gusto ko pa naman sana sayo Fafa Mark eh kaso si Fafa Dion ang
ipinartner mo sa akin pero okay lang naman hehe!" Wika nito na may halong ngiting
papanloko at umaakting pa na para bading.

"Naku Tom, ayus-ayusin mo nga ang sarili mo! Hindi bagay sayo maging bading! Haha!"
Wika naman ni Arianne.

Tanging ngiti lang ang naisukli ng dalawa sa isa't isa na ngayon ay nakatayo sa may
gitna ng kanilang ginawang bilog.

"10 seconds lang ito Dion, don't worry, walang malisya ito haha." Wika ni Tom na
unti-unting papalapit ang mukha sa mukha ni Dion.

"Oo nga eh, bilisan lang natin ah?" Wika ni Dion at nagtawanan muna sila bago
maglapat ang kanilang mga ilong.

"Naku, kung hindi ko lang kilala yung dalawang ito, mapagkakamalan kong may
relasyon talaga sila!" Wika ni Agatha.

"Ang sweet!" Wika naman ni Adrian na nagkakandaalumpihit sa katatawa.

Makalipas ang sampung segundo ay natapos din ang dare ni Tom. Tuwang-tuwa ang iba
dahil parang mayroong chemistry ang dalawa.

Sa pagpapaikot ni Tom ng bote, ito naman ang tumigil ngayon sa harapan ni Aaron.

"Yow bro, truth or dare?" Wika niya.

"I'll just go doon sa truth. Pass muna ako sa dare hehe!" Wika nito.

"Geh, iyan ang gusto mo. Letter mo?" Tanong ni Tom.

"Letter M." Matipid nitong wika.

"Ang word ko sayo dahil parang ang tamlay mo ngayon ay MOVE ON. Nakamove-on ka na
nga ba?" Wika niya na mapang-usisa.

"Oo, nakamove-on na ako. Past is past kaya hindi ko na dapat pang balikan yung
nakaraan. Kailangan kong mabuhay sa kasalukuyan." Wika nito.

"Eh kung gayon, bakit ka malungkot?" Tanong ni Henry.

"Ah, LQ kasi kami ng isa diyan. Ayaw akong pansinin hehe!" Aniya.

"Hoy, anong LQ ka riyan? Wala ngang tayo eh tapos LQ agad?" Litanya ni Tin.

"Ayun natumbok din. Tin ah, Aaron pala haha!" Wika ni Roxette.
"Hindi ko lubos na maisip na magkakaunawaan kayo." Dugtong naman ni Jake.

"Maayos din ito. Pakipot lang si Tin." Birada ni Aaron.

"Magtigil ka nga!" Iritadong wika ni Tin.

Nagpatuloy sila sa paglalaro at pinaikot na ni Aaron ang bote. Tumigil ito sa


harapan ni Karlo.

"Ang Bagyo ng klase ang natapatan haha! Paano ba iyan Karlo, Truth or Dare?" Wika
ni Aaron.

"Truth syempre! Malamang papahirapan mo ako kapag nagdare ako haha!" Wika nito
habang humahalakhak pa.

"Aba, nabahag yata ang buntot mo?" Panguunsyami nito.

"Ako duwag?! Hindi noh! Pagod lang ako ngayon hehe!" Pagmamalaki nito.

"Paano ka naman mapapagod kung nakaupo ka lang diyan?" Tanong ni Ramil.

"Nakakangawit kaya sa puwitam kaya Truth muna ako." Pagpapaliwanag nito.

"Depende naman kung ano ang ibibigay ko sayo base sa hawak mong letra." Wika ni
Aaron.

"Letter B, madali lang iyam kaya alam kong pahihirapan mo ako eh hehe!" Sambit
nito.

"Sayang, BUKO pa naman ang naisip ko sayo sa dare. Pagbabalatin lang naman kita ng
buko gamit ang mga ngipin mo haha!" Wika nito.

"Mabuti na lang nagtruth ako kundi, lagas ang mga ngipin ko haha! Nga pala, ano
naman sa truth?" Aniya.

"BUKO pa rin. BUhay KO ang ibig sabihin. So, sino nga ba ang buhay mo dito?"
Mapanguyam nitong tanong.

"Sa mga nandito, siguro ang masasabi kong BUhay KO ay walang iba kundi ang best
friend ko. Lagi siyang nandiyan sa tabi ko eh." Wika niya.

"Wait, si Xiara?" Tanong ni Agatha.

"Yup, siya nga." Sagot nito.

"Ako? Bakit naman ako?" Tanong ni Xiara na naguguluhan.

"Ikaw kasi yung nasa tabi ko sa tuwing kailangan ko ng karamay lalo na't kakabreak
lang namin ng girlfriend ko. Talagang hindi mo ako iniwan kaya importante ka para
sa akin." Paliwanag nito.

"Ahhh, baka magkatuluyan pa kayo niyan hehe!" Pagbibiro ni Ethan sa dalawa.

"Pwede rin! Hehe!" Pagsang-ayon naman ni Karlo.

"Eh paano naman si Mae?" Tanong ni Grace.

"Uy Grace, hindi naman kami eh tsaka kung mahal niya talaga si Xiara, ade maggigive
way ako." Wika ni Mae.

"No comment." Ayon kay Karlo.

Namayani na naman ang katahimikan sa kanilang kinaroroonan.

Chapter 14
Sa pagpapatuloy ng laro, hindi pa rin tumitigil ang pagkantiyaw kila Xiara, Mae at
Karlo. Love triangle daw. Paano kapag mayroon ngang nabuo? Ade gulo to the max na?

Pinaikot na ni Karlo ang bote ng huminto ang mga kaklase sa pagtukso sa kaniya.
Ngayon, huminto naman ito kay Kian.

"Aha! Pareng Kian, baka ako naman ang mayroong madiskubre sayo? Haha! Ano? Truth or
Dare?" Wika nito na bumabawi sa pang-aalaska sa kaniya ng mga kaklase.

"Oo nga pare eh, kasi Truth ang pipiliin ko hehe!" Wika nito na halos hindi mo na
makita ang kaniyang mata habang siya'y tumatawa. Chinito!

"Ang siga-sigaan sa classroom nagtruth! Mukhang may nais kang iparating ah? Pero
bago iyon, ang letrang hawak mo ay?" Tanong niya rito habang nag-iisip.

"Letter C, let's see kung may maaamin nga ako. Haha!" Wika nito.

"Ok, nagkaroon na ako ng idea. Kaya ang word ko sayo ay CRUSH. Sino sa mga nandito
ang hinahangaan mo at bakit?" Tanong ni Karlo habang nakangiti rito.

"Mukhang may mabubuking kami sayo Kian!" Wika ni Hannah.

"Oo nga, sino kaya ang matagal na niyang pinagpapantasyahan noong una pa lang?"
Wika ni Josh.

"Josh, pantasya talaga?" Wika ni Abi na katabi nito.

"Who's the lucky girl kaya?" Wika ni Tin.

"Crush? Lahat naman tayo ay mayroong kaniya-kaniyang hinahangaan. Ang babaeng ito
ay Crush ko na noong unang kita ko pa lang sa kaniya kasi, simple lang siya at
dahil doon, napukaw niya ang atensyon ko. Bilib din ako sa angking talino niya.
Hindi siya mapagmalaki, napakadown to earth niyan sobra. Hindi pa kami
nakakapagbonding ng taong iyon dahil nahihiya ako sa kaniya hehe!" Paliwanag ni
Kian habang nakayuko at kinakamot ang ulo.
"Hala, ako yata iyon?" Wika ni Mia na wari mo'y gulat na gulat.

"Loka, huwag kang assuming! Wala sayo yung mga qualities na tinuran ni Kian." Wika
naman ni Ginny sabay hampas sa braso nito.

"Ay sayang naman! Haha!" Wika nito na tila ba nanghihinayang.

Wala ni isa sa mga babae ang makahula kung sino yung babaeng tinutukoy ni Kian kaya
atat na atat na silang malaman kung sino ang babaeng tinutukoy nito.

"Ikaw ang tinutukoy ko.. Roxette." Wika nito at nakaturo pa talaga siya sa dalaga.

"Ha? Ako talaga?" Wika nito na hindi pa rin makapaniwala.

"Ang haba ng hair mo girl! Nagtraffic tuloy sa EDSA dahil diyan. Haha!" Wika ni
Arianne at nagtawanan ang lahat.

"Ewan ko ba, nahihiya ako sa tuwing nakikita kita. Pero ngayon, nagkaroon ako ng
lakas ng loob kaya sana naman, minsan, magbonding tayo." Wika nito habang
nakangiti.

"Kinikilig ako sayo Kian, huwag kang ganiyan." Wika ni Joan.

"Um-oo ka na! Huwag ka ng pakipot, bonding lang naman eh. Hindi magagalit si
Hannah. Hehe!" Pangungulit ni Arianne kay Roxette.

"Huwag kang mag-alala, okay lang sa akin." Wika ni Hannah habang nakangiti.

"O-okay s-sige, minsan." Pautal-utal niyang sabi.

"Thanks!" Anito.
"Uy, selos si Ethan! Haha!" Pangangantiyaw ni Ramil.

"Hindi noh!" Wika nito kahit na alam ng lahat na selos na selos na ito dahil sa
itsura niyang hindi maipinta.

Kinuha na ni Kian ang bote at pinaikot ito kaagad. Sakto, tumapat ito kay Ethan na
hindi pa rin maipinta ang mukha.

"Oh pare, mukhang siniswerte ka na naman ngayon. Truth or Dare? Don't worry, Crush
ko lang si Rox mo hehe!" Wika nito habang pinipigil ang pagtawa.

"Alam ko naman iyon eh haha! Dare ang pipiliin ko. Wala akong inuurungang hamon
noh." Wika nito na tila ba may pinagmamalaki.

"Sabi mo eh, pero bago mo malaman ang dare mo, letter muna." Anito.

"Letter Z, alam kong mahirap iyan kaya goodluck sa pag-iisip." Aniya habang
nakangiti ng nakakaloko.

"Oo nga, ang hirap! Pero ang naisip kong word sayo ay ZOMBIE." Wika nito.

"Zombie? Ano ito, paglalakaran mo ako na parang zombie?" Tanong nito habang
nakahalukipkip.

"Hindi ganun, diba alam naman natin na mabagal sila maglakad? Kaya ang ipapagawa ko
sayo ay ZOMBIE KISS. Paano humalik ng mabagal ang Zombie? At ito ay ipapakita mo sa
amin kasama si Agatha." Wika nito.

"Oh to the ehm to the gee! Grabe yung dare!" Wika ni Tin sabay irap sa ere.

"Naku Agatha, papayag ka ba?" Tanong ni Nikka.

"Okay lang sa akin, tutal, nagkaliwanagan na kami na friends na lang kami." Wika
niya habang nag-aayos ng buhok.
"Game! Kaya ko ito!" Wika ni Ethan at tumayo na sa kaniyang kinauupuan at sinundo
si Agatha sa kinauupuan nito at sila'y dumiretso na sa gitna.

"Agatha, dare lang ito kaya huwag kang magpadala sa nararamdaman mo." Wika ni Ethan
habang nakahawak sa magkabilang braso nito.

"Oo naman, pinalaya na kita. Gawin na lang natin yung dare." Wika nito sabay
pakawala ng nagsusumigaw niyang ngiti.

"Ethan, kaya mo iyan! Isipin mo na lang, si Roxette siya." Wika niya sa kaniyang
isipan.

Unti-unting naglapat ang kanilang mga labi. Mabagal, at tila sumasabay ang kanilang
paghahalikan sa ihip ng hangin. Para silang nasa alapaap na pinapalipad ang isa't
isa.

"Wow, para akong nanunuod ng kissing scene sa tv!" Wika ni Jerome.

"Namnamin daw ba ang labi ng isa't isa? Haha!" Wika ni Mark.

"Parang PDA lang noong unang panahon hihi!" Wika naman ni Xiara.

"Lukaret! Walang ganiyan noon!" Pagtatama ni Mae.

Makalipas ang isang minuto, natapos na rin ang live kissing scene ng dalawa.

"Ang tibay niyo dude! Walang kupas! Gaya pa rin iyon ng dati!" Wika ni Ramil.

"Ang intense!" Wika naman ni Adrian.

Tila ba nagkahiyaan ang dalawa at bumalik na sila sa kanilang upuan nang walang
kibo.
"Awkward!" Wika ni Aaron.

"Sige na, next spin na dude!" Wika ni Jake.

Pinaikot na ni Ethan ang bote at eksakto pa itong tumapat kay Jake.

Bumalik na sa dati si Ethan ng makarecover na sa dare niya kanina.

"Huh, paano ba iyan dude? Pagkakataon nga naman." Wika nito.

"No choice, ayan na eh." Wika ni Jake na mukhang handa sa kahit ano mang mangyari.

"Truth or Dare?" Wika nito.

"Dare pare, let's enjoy this vacation guys!" Wika nito na nasobrahan yata sa sigla.

"Mukhang hyper ka ngayon ah? Oh sige, letra bro." Wika nito na nakulangan na naman
sa sigla.

"Letter H, happy as always haha!" Wika ni Jake sabay pogi pose.

"Geh pagbigyan, ang word ko sayo ay HUG. Yakapin mo yung taong nagbibigay
inspirasyon sayo and tell us why." Wika ni Ethan.

"Inspirasyon? Una talaga ay yung family ko then yung dreams ko at yung taong
nandito na kaclose ko. Si Tin, para ko na siyang bestfriend dahil lagi siyang
nandiyan para sa akin." Wika ni Jake habang nakatingin sa kaibigan.

"Don't worry Aaron, Tin is all yours." Wika nito at nilapitan si Tin.

"Thanks for everything." Wika nito sabay yakap sa kaibigan.


"No problem, where friends naman eh." Wika ni Tin sabay hiwalay sa yakap ng
kaibigan.

"Oh Aaron, friendly hug lang iyon. Baka pagselosan mo pa ako niyan." Malokong saad
ni Jake sabay baliw sa kaniyang upuan.

"Yeah I know, I trust you and also Tin." Wika nito.

Chapter 15
Pinasadahan na ni Jake ang pagpapaikot sa bote. Konti na lang ang hindi natatapatan
kaya sila'y mga pawang na kinakabahan.

Sa huling pag-ikot ng bote, ito'y tumapat na kay Tin ngunit mali ang akala ng lahat
dahil konti lang ang pagitan at ito'y tumapat kay Ginny.

"Akala ko talaga si Tin na eh! Maganda pa naman yung naiisip kong dare sa kaniya
haga!" Sambit ni Jake.

"Save ako! Thanks to Ginny at she's malapit sa akin. Hehe!" Wika nito sabay
hagikgik ng paimpit.

"Oh, time ko na para maparusahan kaya huwag mo ng itanong Jake kung truth or dare
ba dahil DARE talaga ang pipiliin ko." Wika ni Ginny na nagmamasungit.

"Mayroon ka ba ngayon? Relax lang!" Wika ni Jake rito.

"Letter nga pala para matapos na ang kalbaryo ko sayo." Wika ni Jake na ikinatawa
ng lahat.

"Tse! Letter K! Ang dali diba? May hula na ako sa dare ko." Pagtataray nito.

"Oh! I know, mukhang may pinaplano ka kaya sige pagbibigyan kita. Show to us your
feeling to that special man haha! Your word is KISS. Kiss the person you like most
dito." Wika ni Jake sabay kindat sa dalaga.

"Mabuti naman at iyan ang word mo sa akin. Kase, katingkati na akong halikan siya."
Wika ni Ginny sabay tayo ng dahan-dahan.

"Oh Girl, huwag ka masyadong magpakawild sa kaniya ah? Hihi!" Wika ni Arianne.

"Ang daya niyo! Hindi ko kilala yung guy!" Wika ni Roxette na naglungkut-lungkutan.

"Ngayon, makikilala na natin siya." Singit ni Joan.

Naglakad na si Ginny papunta sa harap ni Ethan kaya nagulat ang lahat pero bago
siya makalapit dito ay bigla siyang lumiko sa kanang at biglang sinunggaban ng
halik si Ramil.

Nagulat si Ramil dahil nakatingin ito sa malayo ng bigla na lang siyang sunggaban
ni Ginny ng halik sa kaniyang labi.

Hindi siya rumirespunde sa halik ng dalaga dahil hindi pa rin iyon tumatatak sa
kaniyang utak. Kalaunan, tinugon na niya ang halik ng dalaga. Wild, hot at intense
ang kanilang ginagawa.

"Ohhh!" Ang tanging nasambit ni Adrian.

Halos lahat ay napanganga sa kanilang nasaksihan.

Matagal na nilang nililink ang dalawa kaso nga lang, may jowa sila pareho pero
ngayong single silang dalawa, mukhang may pag-asa.

Nang matapos ang nakakakilabot na ginawa nung dalawa, biglang nagsalita si Ginny
doon sa gitna ng bilog.

"Guys, ang tanga ko! Ngayon ko lang naramdaman na may pagtingin pala ako kay Ramil
pero pinipigilan ko kaya ayun, naipon lahat ngayon lang sumabog. Hehe!" Wika nito
na tila ngayon pa nahiya sa mga kaklase.
"Ganiyan ka pala kapag may sama ng loob haha!" Kumento ni Jake.

"Pasensya nga pala Jake sa inasal ko kanina hehe." Aniya.

"At sayo naman Ramil, I enjoy it! Sa uulitin! Hihi!" Wika nito sabay takbo pabalik
sa kaniyang upuan.

Ngumiti lang ang binata sa sinabi ng dalaga.

"Oh ayan, nagawa ko na ang dapat kong gawin kaya next spin na." Wika niya at
pinaikot na ang bote.

Sa pag-ikot ng bote, sumasabay sila sa pag-indayog ng hangin habang kumakanta ang


D' Mp5.

Tumigil ang bote sa harapan ni Tin.

"Oh Tin eto na talaga! Ikaw na! Haha! Truth or Dare?" Wika ni Ginny dito.

"OMG! I'm gonna die!" Wika nito habang nakahawak sa dibdib na para bang aatakihin
sa puso.

"Oo much Tin? Haha!" Wika ni Xiara rito.

"Heto na eh! Sulitin na natin! Dare kung dare!" Matapang na sambit nito.

"Ok, pero hindi ko na tatanungin ang letter mo dahil alam ko na. Katabi lang kaya
kita." Wika ni Ginny.

"Yup, but it's hard you know?! Letter Q. So, ano na?" Tanong ni Tin.
"Ang hirap nga talaga pero eto lang talaga ang naisip kong gawin mo eh. My word is
QUAIL EGG. Kaya kakain ka ng dalawampung piraso ng pugo." Wika ni Ginny sabay tayo
sa kinauupuan at kinuha ang pugo sa refrigerator.

"Why pugo pa? Yo know, nasa diet stage ako at I don't want to be mataba!" Reklamo
ni Tin na nagpapapadyak sa sahig.

"Don't worry Tin, may isang taong pwedeng tumulong sayo it means tig-sampu kayo."
Paliwanag ni Ginny.

"Ako na ang magboboluntaryo para hindi ka tumaba, mahal ko." Wika ni Aaron sabay
tabi kay Tin.

"Thanks by the way!" Wika ni Tin sabay pwesto nila ni Aaron sa gitna.

"But but but, kailangan niyong subuan ang isa't isa para mas sweet." Dagdag ni
Ginny.

"Oh! Para akong manunuod ng romantic date!" Sigaw ni Grace na para bang kinikilig.

"Ok!" Wika nilang dalawa.

Parang walang tao sa paligid na napapansin yung dalawa dahil chinecherish talaga
nila yung moment na iyon. Para silang magdedate sa isla na sila lang dalawa.

"How is it? Nagustuhan mo ba?" Tanong ni Aaron.

"Yes, I do like it! I enjoy my dare with you." Wika ni Tin sabay blush.

"Huwag masyadong kiligin. Hehe!" Wika ni Aaron at ipinagpatuloy na nila ang


kanilang ginagawa.

Matapos ang makalanggam na tagpong iyon, nagspin na si Tin. Habang umiikot yung
bote...
"Sana next time, hindi na quail eggs ang kainin niyo haha!" Wika ni Jerome.

"Syempre, mas magiging romantic pa sa susunod." Wika ni Aaron.

Unti-unti ng tumigil ang bote. At iyon ay tumigil sa harapan ni Ramil.

"Oh Ram, ikaw naman ngayon. Live show ulit? Hehe!" Biro ni Tin.

"Depende sa ipapagawa mo sa akin. Dare ako diyan!" Wika nito.

"Okay! Letter nga muna." Wika ni Tin.

"Letter S, easy word haha!" Sambit nito.

"I got an idea! Haha! Dahil bitin ako sa live show niyo ni Ginny, show us what
you've got. Mag-STIP TEASE ka sa harap ni Ginny." Wika ni Tin sabay tingin sa
katabi na napatulala.

"Ok, sabi ko na nga ba eh, EASY!" Wika ni Ramil sabay tayo at nilapitan si Ginny.

"Mas masaya kung may background music right guys?" Tanong ni Tin.

"Yeah!" Pagsang-ayon ng lahat.

"Ok, enjoy natin ito! Ram, Careless Whisper is enough haha!" Wika ni Tin at
pinatugtog na ito sa kaniyang cellphone.

"Okay, gagawin ko na lang yung part ko." Wika ni Ramil at umindayog kasabay ng
himig ng musika.
Nilapitan ni Ramil si Ginny at itinayo ito. Ngayon, tinungo nila ang gitna.

"Huwag ka naman masyadong seductive! Nadadala ako." Wika ni Ginny habang gumigiling
si Ramil sa kaniyang harapan.

"Sorry, ginagawa ko lang yung part ko." Wika nito sabay wink.

Tila nag-iinit si Ginny sa ginagawa ni Ramil sa kaniya. Nagulat siya ng biglang


itaas ni Ramil ang kaniyang suot na t-shirt na tila ba huhubarin.

Napapikit si Ginny sa ginagawa ng binata. Pagdilat niya, wala na roon si Ramil at


hindi itinuloy ang panunukso sa dalaga.

"Success! Natemp ko siya haha!" Wika ni Ramil habang naglalakad pabalik sa kaniyang
upuan.

"Loko ka! Binitin mo pa ako!" Wika ni Ginny na nagmamaktol pabalik sa kaniyang


upuan.

Chapter 16
"Pasensya na kung napag-init ko kayong lahat. Sadyang hot lang talaga ako haha!"
Wika ni Ramil habang hawak ang bote.

"Ang kapal!" Pagsalungat ni Ginny.

"Jacket please! Masyadong mahangin eh." Wika naman ni Roxette.

"Sus, partida pa nga iyon eh! Kasi, hindi niyo pa nakikita ang katawan ko. Paano pa
kaya kung naghubad ako? Ade naglaway na kayong lahat? Haha!" Pagbibiro nito.

"Lahat talaga pare? Haha!" Wika ni Ethan.

"Ako ang pinakahot at yummy sa lahat! Haha!" Singit ng hari ng kayabangan.


"Kahit kailan talaga, mga banat mo Karlo!" Wika ni Mae.

"Oh para matahimik na ang lahat, spin the bottle na ulit. Hehe!" Wika nito at pina-
ikot na yung bote.

"We want Jerome!" Sigaw ng lahat.

"Aba, trip niyo akong lahat noh? Pagkaisahan daw ba ako." Wika ni Jerome na
kinukutuban na.

"Oh ayan na, malapit ng huminto!" Wika ni Ramil na sabik na sabik na malaman kung
sino ang kaniyang paparusahan.

"At ito'y tumapat kay... Xiara!" Dagdag pa nito.

"Xiara! Mabuhay ka! Akala ko sa akin tatapat eh! Haha!" Pang-aalaska ni Jerome.

"Masaya ka na niyan? Hay." Wika ni Xiara sabay buntong hininga.

"Oh no choice ka na Xiara, truth or dare?" Tanong nito.

"Sabi nga nila, enjoy lang natin ito kaya DARE!" Matapang na sagot nito.

"Ayun, iyan ang dapat! So be ready for your consequence. Letter what?" Sambit rito
ni Ramil.

"I'm always ready! Girl Scout yata to! Letter W." Masiglang sagot nito.

"Oh W! Ang hirap naman! Haha! Pero dahil uso ito ngayon, your dare word is WIGGLE.
Magkakawag ka diyan sa gitna hanggang sa mapatawa mo kaming lahat." Wika ni Ramil.
"Grabe ha! Ano ako? Kengkoy? Hirap na hirap pa naman ako sa pagpapatawa!" Wika ni
Xiara na nababanas sa dare na ibinigay sa kaniya.

"Pero wala naman akong choice. Sige, susubukan kong mapatawa kayong lahat." Wika
nito at naglakad patungo sa gitna.

Pinatugtog ni Ramil ang WIGGLE WIGGLE sa kaniyang cellphone.

Nagsimula na yung kanta pero nakatayo lang si Xiara sa gitna.

"Hala, anong gagawin ko? Hindi pa naman ako sanay sumayaw para mapatawa sila." Wika
niya sa kaniyang isipan.

"Xiara, galaw-galaw!" Wika ni Dion.

"Bahala na!" Wika nito at nagsimula ng umindak.

Sumayaw siya ng ala-jollibee style dahil nga matigas ang kaniyang katawan, tumawa
sila Jerome, Grace, Mae, Abi, Josh, Aaron, Tom, Arianne, Ethan, Karlo, Joan at
Agatha.

"Oh Xiara, napatawa mo na yung labing dalawa. Labing tatlo pa." Wika ni Ramil.

"Hala, nahihiya na ako sa ginagawa ko eh! Pero game!" Wika niya.

Sumayaw naman siya ngayon ng Boom Tarat-Tarat sa mabilis na paraan. Napatawa niya
sila Adrian, Mia, Ginny, Nikka, Jake, Tin at si Hannah.

"Nice one Xiara, pero hindi mo pa rin napapatawa ang lahat. Nineteen na ang
napapatawa mo kaya anim na lang ay matatapos mo na ang iyong dare." Wika ni Ramil.

"Okay, ibibigay ko na yung best at nakakahiyang gawin para mapatawa lang kayo." Ani
niya kaya hinanda na niya ang kaniyang sarili para sa huling gagawin.
Sumayaw siya ng gentleman habang nakakagat labi. Feel na feel pa niya yung song
habang nakapikit at nakatingala at tuluyan na ngang nagtawanan ang lahat.

"Grabe! Nakakahiya yung ginawa ko!" Wika ni Xiara habang naglalakad pabalik sa
kaniyang upuan at nakatakip ang dalawang kamay sa kaniyang mukha.

"Ang galing mo nga Xiara eh! Pinagalak mo ako masyado haha!" Kumento ni Adrian.

"Mga loko kayo, sino kaya ang sunod na mapapahiya?" Wika niya sabay paikot sa bote.

"Mapapahiya talaga? Haha, tiyak na kinakabahan na yung hindi pa natatapatan." Wika


ni Jerome.

"At isa ka na dun! Haha!" Pagsupla ni Ginny dito.

"Ayan na guys, pabagal na nang pabagal at apat na lang ang hindi pa natatapatan."
Wika nito.

Tumigil na ang bote at ito'y tumapat kay...

"Ang swerte mo Jerome! Haha! Malas pala! Hehe!" Pangbubuska ni Xiara rito.

"Alam ko namang ako na ang tatapatan eh, nararamdaman ko na yun kaya huwag na
tayong magpaliguy-liguy pa, dare na agad! At letter I ang akin." Wika nito na tila
ba nagmamadali.

"Excited masyado? Haha, easy ka lang hehe!" Wika nito.

"Eto na nga! Dare word mo ay IMPERSONATE. Mag-impersonate ka ng tatlo sa mga naging


professors natin. At dahil malakas ang sense of humor mo, alam naming mapapatawa mo
kami kaya galingan mo." Wika ni Xiara.

"Ayun lang ba? Tsk, kadali pa." Wika ni Jerome habang binabaybay ang daan patungo
sa gitna.
"Una kong gagayahin ay yung professor natin sa Calculus, si Sir Vic haha." Wika
nito.

Um-acting siya na nagsusulat sa blackboard.

"Okay class, the integral of xdx is x+c." Wika nito habang nagsusulat at kinakausap
ang blackboard habang mabagal na nagsasalita.

"Hahaha!" Tawa ng kaniyang mga kaklase.

"Pinagtatawanan niyo ba ako? Kung ayaw niyong matuto sige labas!" Sigaw ni Jerome
na kuhang-kuha ang istilo ng kanilang prof.

"Okay, back to the lesson." Sabi nito sabay talikod at nagsulat sa board.

"Hahaha! Tae Jerome, kuhang-kuha mo!" Sigaw ni Karlo.

"Haha, pare! wala ka talagang kupas." Wika naman ni Kian.

"Okay okay, alam ko namang magaling ako eh hehe. Next naman si Sir CJ hehe." Wika
nito.

"Go Jerome! Kaya mo iyan!" Birada ni Jake.

Biglang pumasok si Jerome na parang nasa classroom at kunwari ay late.

"Sorry class, it's so traffic kasi and my boyfie has a sakit kaya I take care of
him muna sandali so that nalate ako." Wika ni Jerome na inaayos ang mga gamit
kunwari sa lamesa habang nakapilantik pa ang kamay nito.

"Haha Jerome! Kuhang-kuha mo! Pwede ka ng maging Sir CJ the second hehe!" Wika ni
Agatha.
"Excuse me, hindi ako bading!" Wika nito sabay irap kaya nagtawanan ang lahat.

"Okay okay, masyado ko kayong napapaligaya kaya last na hehe." Wika nito.

"Good molning crass, wolly tung abwent ato tahapon tawi naman, ang rayo-rayo ng
buirding niyo wa tinuluan to eh. Iyan kuroy, mawyado tayong mawaya hehe." Wika nito
na bulol-bulol kaya nagtawanan ang lahat.

"Magtigil ka nga! Para kang banu!" Wika ni Nikka.

"Aysus, haha!" Sambit ni Jerome.

"Masyado mo kaming pinasaya bro!" Sigaw ni Aaron.

"Ikaw na! Certified Kengkoy ka talaga!" Hirit ni Grace.

"Paano ba iyan? Tatlo na lang ang hindi pa natatapatan? Goodluck sa inyo." Wika ni
Jerome habang naglalakad pabalik sa kaniyang upuan.

"Kung ako man ang tapatan, ade masaya hehe." Wika ni Arianne.

"Syempre, harapin dapat ang enjoyment." Wika naman ni Abi.

"Ako naman, kinakabahan." Wika ni Roxette.

"Let us begin!" Wika ni Jerome at pinaikot na ang bote.

"Ang malas mo Abi! Haha! Si Arianne pa naman ang gusto kong parusahan." Wika nito.

"At bakit naman ako aber?" Tanong nito.


"Syempre, para mapagtripan ko kayong dalawa ni Adrian haha!" Wika ni Jerome.

"Oh ano Abi? Truth or Dare?" Tanong nito.

"Gusto kong magdare kaso may bumabagabag sa isipan ko kaya Truth na lang." Wika ni
Abi.

"Ano naman ang bumabagabag sa isipan mo? Na papahirapan kita? Haha! Depende iyon sa
kung anong letra ang hawak mo." Wika nito.

"Letter R, ewan ko ba kung anong kalokohan ang iniisip mo kaya truth na lang
talaga." Paliwanag ni Abi.

"Kung Dare ang pinili mo ROLL pa sana ang pagagawa ko sayo. Gugulong ka lang naman
sa sahig habang magkayap tayo hehe." Wika ni Jerome.

"May pagnanasa ka pala kay Abi ah." Wika ni Ginny.

"Uy, joke lang yun kayo naman. Parang hindi niyo ko kilala haha!" Wika nito.

"Ok ito na, ang word ko para sayo ay RING. Tutal may suot kang sing-sing, ano ang
ibig sabihin niyan? Galing kay Boyfriend? Ipaliwanag mo." Wika nito.

"Usisero ka talaga! Pati sing-sing ko napansin mo pa?" Wika ni Abi na nakakunot ang
noo.

"Syempre, aminin mo ang totoo sa aming lahat." Sagot nito.

"Sa totoo niyan, ang sing-sing po na ito ay galing sa boyfriend ko na Electrical


Engineering naman." Wika niya habang ipinapakita sa lahat ang suot-suot na sing-
sing.
"Si Gerald noh? Sabi na nga ba eh!" Birada ni Joan.

"Oo siya nga, hihi! Sa totoo niyan, ang sing-sing na ito ay ibig sabihin ay engaged
na kami." Wika ni Abi.

"ENGAGED NA KAYO?!" Tanong ng lahat na tila ba gulat na gulat.

"Oo, magpapakasal na kami sa after ng ating bakasyon dito. Gusto ko sana kayong
sorpresahin kaso napaaga." Wika nito.

"Hindi naman siguri kayo nagmamadali niyan noh?" Tanong ni Roxette.

Hindi umiimik si Abi, maya-maya pa ay mayroong umagos na luha mula sa kaniyang mga
mata.

"Guys, buntis kasi ako." Wika ni Abi na ikinagulat ng lahat.

Chapter 17
"Sorry guys kung ngayon ko lang nasabi sa inyo. Hindi ko kasi alam kung paano ko
ito ipapaalam eh." Wika ni Abi habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Huwag ka ng umiyak Abi, naiintindihan namin ang kalagayan mo." Wika ni Mia habang
hinahagod ang likod nito.

"Alam naming mahirap iyang pinagdadaanan mo kaya nandito lang kami sa tabi mo para
alalayan ka." Wika naman ni Roxette.

"Salamat guys sa pag-unawa niyo." Wika ni Abi habang pinupunasan ang kaniyang mga
luha.

"Walang anuman, ano pa't naging magkakaibigan tayo kung hindi tayo magdadamayan
diba?" Wika ni Agatha.

"Tama!" Pagsang-ayon ng lahat.


"Ngayong magiging Ina ka na, mas mabigat na responsibilidad ang kakaharapin mo."
Wika naman ni Xiara.

"Oo, alam ko iyon kaya nilulubos-lubos ko na ang mga araw na nalalabi sa


pagkadalaga ko hehe!" Wika nito.

"Basta ba, magiging ninong at ninang kaming lahat. Diba guys?" Wika ni Ginny.

"Tama!" Pagsang-ayon ng lahat.

"At dahil diyan, group hug!" Sigaw ni Josh at nagyakapan nga silang lahat.

"Oh tapos na ako! Tutal dalawa na lang yung hindi pa naiintriga o napaparusahan,
pipili na lang ako kung sino ang next, ano ok lang ba?" Tanong ni Abi.

"Okay lang sa amin." Pagsang-ayon nina Roxette at Arianne.

"Ok, ang napili ko ay si Roxette. Ano, truth or dare?" Malokong tanong nito.

"Ako talaga eh noh? Hehe! Sige pagbigyan buntis naman eh haha! Dare ako!" Matapang
na sagot ni Roxette.

"Ahm, letter muna hehe." Dugtong nito.

"Ay oo nga pala, letter Y ako." Masiglang sagot nito.

"Oh bakit ganiyang ka kaligaya?" Tanong ni Abi kay Roxette habang nag-iisip.

"Alam ko kasing nahihirapan ka eh hehe." Wika nito habang nakangisi.


"Ganun? Sige, tingnan natin kung gaano ka kalupit sa ipapagawa ko sayo."
Mapangsindak nitong wika.

"Hala, dapat na ba akong kabahan? Hehe, joke lang!" Pagbibiro niya.

"At dahil nakahiligan ko na ito, yung para bang pinaglilihian ko na yung pagkaing
ito, kaya ang dare word ko sayo ay YOGURT." Wika ni Abi.

"Yogurt? Haha! Kung pakakainin mo ako niyan, aba! Easy!" Wika ni Roxette na siyang-
siya.

"Oo ganun na nga. Kaso, may twist! Kakainin mo ito sa katawan ni Ethan o Mark
haha!" Wika ni Abi na humahagalpak sa katatawa.

"W-what? As in, sa katawan! Abi, are you crazy?! Hindi ko kaya!" Wika ni Roxette na
napatayo pa sa sobrang gulat.

"Oo seryoso ako! Kaya go! Tingnan mo oh, nakatayo na sina Ethan at Mark sa gitna."
Wika nito.

"Oo nga noh? Aba, excited pa sila? Huhu, hindi ko kaya!" Pagmamaktol ni Roxette sa
kaniyang isipan.

"Tom, pakikuha nga yung dalawang Yogurt doon sa refrigerator." Utos nito.

Tinungo ni Tom ang kusina para kuhanin ang pinag-uutos ni Abi habang si Roxette ay
nangangatog pa rin yung tuhod dulot ng kaba.

"Oh heto na! Blueberry flavor pa pala yung favorite mo." Ani ni Tom habang iniaabot
ito kay Abi.

"Hehe, ganun talaga." Aniya.

"Ikaw Rox, sino ang pipiliin mo? Sino ang gustong mong tikman? Si Ethan? O si
Mark?" Mapanuyang tanong ni Abi rito.
"Abi!" Wika ni Roxette na mukhang nagpapakipot pa.

Habang ang dalawang lalaki ay hinihintay kung ano ang isasagot ng dalaga.

"Hindi ko kaya yung dare!" Pagmamakaawa ni Roxette kay Abi.

"Oh, may paeasy-easy ka pang nalalaman kanina. Whether you like it or not,
kailangan mong gawin ang dare mo, bawal ang KJ!" Wika ni Abi.

"Oo nga! Bawal ang KJ!" Sigaw ng lahat.

"Oo na! Sige na! Gagawin ko na!" Wika ni Roxette kahit na may pag-aalinlangan sa
kaniyang kalooban.

"Oh, sino na ang pipiliin mo? At nais mong matikman?" Mapanlokong tanong ni Abi
habang nakangisi lang yung dalawang lalaki.

"Si Ethan na! Mas masarap iyan hehe!" Mungkahi ni Agatha.

"Si Mark! Tutal, bagay naman kayo." Ayon naman kay Joan.

"Ano ba iyan, dapat ba talagang mamili? Hindi ba pwedeng sila na lang pareho?
Hehe,joke!" Wika nito habang nakapeace sign.

"Sino ba ang pipiliin ko? Kapag si Ethan kasi, okay lang kasi kabiruan ko naman
iyan at para wala lang." Wika niya sa kaniyang utak.

"Kapag si Mark naman, Ih! Hindi ko kaya! Alam niyo namang Crush ko iyon eh tapos
ka-roommate ko pa kaya magiging awkward kapag magkasama kami." Dagdag pa nito.

"No choice, si Ethan lang talaga." Sambit niya sa kaniyang utak.


"Ok, para matapos na ang kalbaryong kinakaharap ko, ikaw na ang pipiliin ko,
Ethan!" Wika ni Roxette at tinungo ang gitna na kung saan nakapwesto yung dalawa.

"Ayiee, sabi na nga ba ay may pagtingin ka kay Ethan eh hehe." Wika ni Arianne.

"Hindi lang iyon, may pagnanasa rin haha!" Dagdag pa ni Ginny.

"Sige na Mark, makakaupo ka na." Wika ni Abi.

Bakas sa mukha ni Mark ang kalungkutan sa hindi pagpili sa kaniya ni Roxette habang
binabagtas ang daan patungo sa kaniyang upuan.

"Mark..." Mahinang sambit ng dalaga.

"Oh sige na Ethan, tanggalin mo na iyang suot mong damit para makapagsimula na
tayo." Wika ni Abi.

"Okay." Wika nito sabay hubad ng kaniyang damit.

Halos maglaway ang lahat ng kababaihan ng masilayan ang magandang pagkakahubog sa


katawan ng binata. Tila ba inukit ng isang magaling na iskultor ang katawan nito.

"Oh girls, alam ko namang yummy ako dahil sa ganda ng pagkakahubog ng katawan ko.
Idagdag mo pa ang anim na pandesal na namumuo rito. Kaya, okay lang maglaway pa
kayo, haha!" Mapreskong wika nito habang ibinabalandra ang kaniyang katawan.

"Ang kapal mo! Ade ikaw na!" Wika ni Hannah.

"At ikaw naman Rox, baka pasukan ng langaw iyang bunganga mo. Huwag kang masyadong
mabighani sa katawan ko, malay mo, pati puso mo, ay maangkin ko." Wika nito habang
nakatayo lang sa kaniyang kinalulugdan.

"Magtigil ka nga! Simulan na nga natin ng matapos na." Wika nito at bakas pa rin sa
kaniyang mukha ang pagkakilig sa binitiwang salita ng binata.

"Sige na Ethan, mahiga ka muna riyan at para mailagay ko na itong Yogurt sa iyong
katawan." Wika ni Abi at pumuwesto sa may tabi ng binata at ikinalat ang Yogurt sa
katawan nito.

"Okay ready na Rox, prepare yourself na hehe." Wika ni Abi.

"Go Roxette!" Wika ng kaniyang mga kaklase.

"Kaya ko ba ito? Huhu! Ang marahas naman kasi masyado eh. Baka kung ano pa ang
isipin ng lalaking ito." Wika niya sa kaniyang utak habang nakatitig sa katawan ng
binata.

"Kaya ito! Isipin mo na lang, ice cream ang kinakain mo! Ang asim pa naman ng
yogurt kaya mapapangiwi ka talaga." Dagdag pa niya sa kaniyang isipan.

"Heto na!" Wika niya at nagsimula na siyang himudin ang yogurt sa katawan ng
binata.

Nagsimula siya sa bandang baba nito sa may abs na nagdulot naman ng kiliti sa
binata.

"Ah Rox, shet!" Wika ni Ethan sa bawat pagdampi ng dila ng dalaga.

Nakapikit ang dalaga habang ginagawa ang dare niya.

"Ang intense lang! Hanep!" Sigaw ni Adrian.

Maya-maya pa ay natapos na rin ni Roxette ang kaniyang dare.

"Nakakahiya!" Sigaw niya habang nagtatatakbo pabalik sa kaniyang upuan.


Chapter 18
Roxette's POV

Ano ba ang nangyayari sa akin at nagawa ko yung ganoong bagay? At kay Ethan pa! Ano
na lang ang iisipin ni Mark gayong hindi siya ang pinili ko para gawaan ng dare?

Argh! Ngayon ko lang na-experience na tikman ang katawan ng isang lalaki ng dahil
sa lintik na dare na iyan! Naku Abi, pasalamat ka't buntis ka kundi kanina pa kita
nasampal at nasabunutan.

Pero bakit ganun? Ginusto ko namang gawin yung dare at masasabi kong para akong
hayop na hayuk na hayuk na matikman ang katawan ni Ethan! Nakaasar! Nakakahiya sa
lahat!

Kung ang manuod nga ng porn ay hindi ko kayang gawin eh! Tapos ayun? Nagawa ko!
Christian pa naman ako pero naging makamundo ang inasal ko kanina.

Hindi lang ako basta Christian, Leader pa naman ako ng Life Group. Ano na lang ang
sasabihin ng ibang tao? Na pakitang-tao lang ako? No! Ayoko! Masisira ang image ko!

Oo, masasabi kong maganda nga ang katawan ni Ethan at halos lahat ng kababaihan ay
gustong mapasakanila ito pero ibahin niyo naman ako.

Oo aaminin ko, nagpadala ako sa dare kaya ginusto kong gawin ang maling bagay na
iyon at ang kinaiinis ko ngayon ay hindi ko makalimutan ang ginawa ko na parang
hinaganap-hanap ko pa na parang I want more.

Naku Roxette, maghunos dili ka! Tandaan mo, umasta ka na karespe-respeto sa harap
ng maraming tao. Huwag kang magpaapekto sa nangyari kanina.

Napalingon ako kay Ethan na nagsusuot na ng kaniyang damit ngayon. Aba, nakangiti
pa rin hanggang ngayon ang loko!

Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman ang pagpaparamdam ni Ethan sa akin na
siya'y may pagtingin sa akin. Mabait naman siya, gwapo, mayaman! Oo Crush ko siya,
pero ayoko munang pumasok sa isang relasyon gayong hindi ko pa tapos ang aking pag-
aaral. Study first muna! Haha!
Binawi ko ang tingin sa kaniya at ibinaling naman ito sa lalaking nagpapatibok at
nakahuli, upang papintigin ang pihikan kong puso. Haha! Pihikan talaga eh noh?

Marami na akong naging Crush pero kakaiba talaga ang nararamdaman ko para kay Mark.
Mas malalim pa roon lalo na noong ipinapakita niya na para bang concern siya sa
akin. Ayie, kinikilig tuloy ako kapag iyon ang iniisip ko hihi!

Bakas sa mukha ni Mark ang pagkalugi. Oo, parang nararamdaman kong isa pa itong
nagpaparamdam ng kaniyang damdamin pero kahit na gusto ko siya, hindi pa rin pwede,
study first na muna kasi ako.

Natatawa nga ako kay Ginny at Arianne dahil binansagan nila akong Sosyal na
Pakipot. Oo mayaman ako pero hindi ako material girl. Ako na yata ang
pinakasimpleng babae sa lahat ng simple ngunit pinakamaganda pa rin hihi!
Simplicity is beauty nga kaso nga lang, nakasalamin ako dahil malabo ang aking mga
mata. Ayokong magcontact lens kasi feeling ko, matutunaw sa mata ko kaya salamin na
lang. Kaya minsan, napagkakamalan din akong Sossy Nerd ng lahat hehe.

Oh siya back to the topic. Nakatingin ako ngayon kay Mark. Sakto, napatingin pa rin
siya rito sa direksyon ko. Kitang-kita ko sa kaniyang mata ang pagkalungkot na para
bang namatayan, para bang masyado kong nasaktan ang kaniyang puso.

Ano kaya ang iniisip niya gayong hindi siya ang pinili ko? Ano kaya ang iniisip
niya noong ginagawa ko yung dare ko? Galit kaya siya sa akin? Iyan ang mga tanong
na hindi ko masagot ngayon.

Mahal na mahal ko iyan noon pa man, kaya nasaktan ako noong nalaman kong may
girlfriend na siya at wala na akong pag-asa sa kaniya.

Ngayon namang nagkaroon na ulit ako ng chance, hindi ko naman maamin ng mahal ko
siya. Siyempre, babae rin naman ako na nahihiya. Maria Clara style kasi ako hindi
gaya ng ibang babae na, agad-agad.

Nang bigla niyang iiwas yung kaniyang tingin sa akin ay para bang biglang kumirot
itong puso ko. Ano jang gagawin ko? Nasaktan ko siya.

"Hey Roxette, nice one! Paikutin mo na yung bote." Wika ni Abi.


Nakakalungkot naman, nakasakit na naman ako. Hindi ko namalayang may luha na palang
umaagos sa aking mga mata.

"Hoy Roxette, umiiyak ka ba? Dahil ba ito sa dare?" Tanong ni Abi na may halong
pag-aalala.

"Ay hindi no. May naalala lang ako tsaka napuwing lang ako ng hangin kaya ganun
hehe." Wika ko habang nakangiti ng peke.

"Okay? Sige spin mo na ay last na pala kaya si Arianne na ang tatanungin mo." Wika
nito sabay baling ng nakakalokong tingin kay Arianne.

"Sige." Wika ko habang pinupunasan ang mga rumaragasang luha sa aking mukha.

Hindi ako dapat magpaapekto kaya kailangan ko munang magsaya at isantabi ang
lungkot sa tuwina.

"Oh Arianne, truth or dare?" Masigla kong tanong sa kaniya.

"Truth na lang, baka mas matindi pa sa dare ni Abi ang ipagawa mo sa akin eh
hehe.." Wika ni Arianne, na pilit iniiwasan ang dare. Akala niya siguro gaganti ako
sa tindi ng dare na natanggap ko.

"Okay, so ano ang letter mo?" Tanong ko rito habang nakangiti ng mapang-usisa.

"Ahm, iyan ngiting iyan, parang dapat na akong kabahan ah? Pero sige, kakayanin ko
sa abot ng aking makakaya. Letter P ako." Wika niya na may halong pagkakaba matapos
niyang magpakawala ng isang buntong-hininga.

"Ahm, ano kaya ang itatanong ko sayo?" Wika ko habang nakatingala sa kisame at nag-
iisip.

Ano bang maaring itanong kay Arianne? Na nagsisimula sa P?


Sa gitna ng aking pag-iisip, naalala ko yung bagay na nakita ko sa kwarto niya.

Nung itanong ko ang tungkol sa bagay na iyon, ayaw niyang sumagot sa tanong ko.
Mabuti na lang, napicturan ko iyon noon hehe. Mapapaamin na kita ngayon, Arianne!

"At dahil mukhang may inililihim ka sa akin, ang truth word ko sayo ay PICTURE.
Tell us about na kahit ano sa picture na ipapakita ko sayo. Ano ready?" Tanong ko
sa kaniya.

"Ready!" Masigla pa niyang sagot kaya kinuha ko na yung cellphone ko sa aking bag.

"Here, ano ang masasabi mo sa picture na ito? Sino yung girl na katabi mo? Share mo
naman." Wika ko sabay harap sa kaniya nung picture.

"---" speechless, nabalot ng katahimikan ang paligid.

Hindi umiimik si Arianne sa litratong ipinakita ko sa kaniya kaya para siya


napatulala.

"Uy Arianne?" Tanong ni Ginny.

"Patingin nga nung picture." Wika ni Agatha kaya ipinakita ko sa kanila yung
picture sa cellphone ko.

Tila ba napatigagal silang lahay at gulat na gulat sa ipinakita kong litrato. Ano
ba mayroon sa picture na ito?

"Hey guys, bakit ganiyan ang reaksyon ng mga mukha niyo?" Tanong ko.

Ni isa sa kanila ay walang sumasagot sa aking tanong. Bakit kaya?

-------------------------------------------
E/N: Hello sa lahat, salamat sa patuloy na pagsubaybay dito. Sa mga new readers,
thanks sa pagbabasa.

Ano kaya ang nasa larawan na ipinakita ni Roxette sa kanila na ikinagulat ng lahat?

Ano ang mysteryong bumabalot sa larawan?

Unti-unti nating himayin ng ating malaman ang kasagutan sa katanungang iyan.

Chapter 19
Arianne's POV

Nagulat ako ng biglang ipakita sa akin ni Roxette ang litratong matagal ko ng


ibinaon sa limot. Saan niya nakuha iyon?

Natataranta ako ngayon lalo na't ipinakita pa niya iyon sa lahat na ikinasindak din
nila.

Bagong lipat lang kasi si Roxette sa seksyon namin ngayong second year kami. Hindi
niya alam ang sikretong itinatago naming lahat.

"S-saan m-mo n-nakuha i-iyan?" Pautal-utal na tanong ko sa kaniya marahil dulot ng


kaba.

"Ito? Doon sa kwarto mo noon noong nag-overnight ako sa inyo. Tinatanong ko pa nga
sayo ang tungkol dito pero nagalit ka pa sa akin noon. Kaya pinicturan ko na lang
at nagbabakasakaling sagutin mo rin ang katanungan ko." Wika niya na may bahid ng
pag-aalala.

Naalala ko na, natulog nga pala siya sa amin noong ginagawa namin yung project
namin.

Tumingin ako sa mga kaklase ko na tila ba nakikisimpatiya kung sasagutin ko ba ang


katanungan ni Roxette.
Um-oo naman ang mga ito.

"Sige Roxette, sasagutin ko na ang katanungan mo." Wika ko tapos huminga muna ako
ng malalim.

"Iyang picture na iyan na may kasama akong babae, iyan yung bestfriend ko noon."
Wika ko habang ang lahat ay nakikinig sa akin.

"Ah, bestfriend mo pala siya? Ano pangalan niya?" Pang-uusisa ni Rox sa akin.

Ngumiti muna ako sa kaniya bago sinagot ang kaniyang katanungan.

"Siya si Ethel Caparas. Pinaka ka-close ko siya noong 1st year College kami. Siya
kasi yung taong tahimik lang sa isang sulok, pero madali ko lang siyang
nakapalagayan ng loob hanggang sa naging magbestfriend kami." Paliwanag ko sa
kaniya.

Namiss ko siya tuloy bigla. Ang masasayang alaala namin. Anghagikgikan. Lahat-
lahat.

"Ganun na pala. Eh nasaan na siya ngayon? Nagtransfer ng school?" Tanong pa nito.

"Hindi. Ang masasabi ko lang, siguro ay nasa magandang lugar na siya ngayon. Sa
mapayapang lugar na puro kasiyahan lang." Wika ko. Hindi ko namalayang umiiyak na
pala ako.

Ethel, kung nasaan ka man ngayon, tandaan mo, mahal na mahal ka naming lahat.

"Ang saya na niya siguro sa ibang bansa noh? Sayang lang at malayo na siya. Hindi
ko man lang siya nakilala." Dagdag pa ni Rox.

"Anong nasa ibang bansa ka riyan? Ang slow mo talaga!" Wika ni Agatha na
nangingilid na ang luha sa kaniyang mga mata.
"Oh? Bakit ganiyan ang mga itsura niyo? Para kayong pinagsakluban ng langit at
lupa!" Wika ni Roxette na nakatingin sa aming lahat na para bang nagugulumihanan.

Isang malakas na kulog ang dumako sa gitna ng katahimikang bumabalot sa loob ng


kanilang tinutuluyan.

Bumuhos ang isang malakas na ulan na tila naglalangitngit sa bubong ng bahay na


para bang nais butasin ito. Sumunod pa ang isang nakakasindak at nakakapanindik
balahibong kidlat na nagdulot ng takot sa lahat.

"Patay na siya Roxette." Wika ko at tuluyan na ngang rumagasa ang mga luhang kanina
ko pa pinipigilan.

Napaiyak na rin ang lahat dahil sa naiwang alaala sa kanila ng isang kaibigan.

"Sorry guys, hindi ko naman alam na ganun pala yung nangyari." Wika ni Roxette na
ngayon ay umiiyak na rin marahil ay nahawa sa amin.

"Hindi mo naman kasalanan Roxette eh, tahan na." Pang-aamo ko sa kaniya habang
hinahagod ang kaniyang likod.

"Uhm guys, masyado ng malalim yung gabi, nakalimutan na nating magdinner kaya tara
let's eat muna." Singit ni Agatha sa gitna ng pagdadalamhati ng lahat.

Nakiayon naman kaming lahat sa suhestiyon niya at tinungo ang kitchen upanh kumain.

Wala ni isa ang kumikibo sa amin habang kumakain. Marahil ay iniisip nila ang
tungkol sa pagkamatay ni Ethel.

Matamlay ang lahat at para bang walang ganang kumain.

Maya-maya pa'y tumayo si Nikka upang kumuha ng tubig ng biglang mayroong nabasag.

"Ano yun?" Wika ni Nikka na tila ba takot na takot.


Maski ako ay kinakabahan marahil sa takot ng makita namin ang isang basag na base
malapit sa pintuan ng kusina.

"What's happening here?" Tanong ni Tin na may halong pagkataranta.

"Nakasara naman yung mga bintana at wala naman pusa para masagi iyon ah? Tsaka
nandito tayong lahat." Wika ni Ginny na takot na takot na rin.

Nagulat kami ng biglang magbukasan ang lahat ng bintana at humangin ng malakas.


Nagsipasukan ang malalakas na hangin na nagsidampian sa aming mga katawan.
Kahindik-hindik ang lamig na dala nito.

Nagbagsakan ang mga design na vase nila Ginny sa bawat pasilyo ng bahay na siyang
ikinataranta ng lahat.

"Anong araw ba ngayon?" Tanong ni Hannah.

"April 20, bakit?" Tanong ni Ramil habang nakayuko kaming lahat at nakasaldak sa
sahig.

"Oh noh! This can't be!" Wika ni Agatha na ikinatakot naming lahat.

"Bakit? Ano ba mayroon sa araw ngayon?" Nagugulumihanang tanong ni Mark.

"It's Ethel 1st Death Anniversary!" Sigaw ni Agatha na ikinabagabag naming lahat.

"Ethel, huwag ka namang ganiyan. Huwag mo kaming pagmultuhan!" Pagsusumamo ni Abi.

"Naku guys sorry talaga! Dapat pala hindi na ako nacurious pa!" Paghingi ng tawad
sa amin ni Roxette na umiiyak dulot ng takot.

"It's not your fault Rox. Tahan na." Wika ko habang yakap-yakap siya.
Sumasabay ang kalangitan sa kapighatiang pinagdaraanan ngayon ni Ethel. Kung may
ginawa lang sana kami noon para matulungan siya, hindi sana siya namatay.

"Let's pray guys!" Wika ni Josh.

Pinangunahan kami ni Josh sa pananalangin. Maya-maya pa ay tumahimik na rin ang


kapaligiran ngunit malakas pa rin ang ulan.

"Guys, much better siguro kung pumunta na muna tayo sa kaniya-kaniya nating kwarto.
Tutal, napagod tayong lahat kaya magpahinga na muna tayo okay ba?" Suhestiyon ni
Agatha.

"Okay!" Pagsang-ayon naming lahat.

"Sa ngayon, maiiwan muna kami dito nina Hannah, Mia, Joan, Grace, Jake, Ethan, Tom,
Kian, Adrian, at Josh para ayusin ang mga kalat." Dugtong pa niya.

Nagsipanikan na kaming lahat sa aming mga kwarto upang magpahinga. Hindi pa rin
nawawaglit sa isipan ko ang bangungot ng nakaraan.

Sorry Ethel, please! Forgive us!

Roxette's POV

Nanginginig pa rin ako sa takot hanggang ngayon. Tama nga sila, "Curiousity kills
the cat." Kaya dapat ay hindi na ako naging curious pa.

Pero ano nga ba ang lihim ng nakaraan patungkol sa pagkamatay ni Ethel? May
kinalaman ba silang lahat doon?

Mukhang hindi maganda ang kalagayan namin dito sa islang ito. Kailangan naming mag-
ingat.
Pero totoo nga kayang pinagmumultuhan niya kami? Huwag naman sana. Takot kasi ako
sa multo!

Gusto ko sanang magtanong kay Mark patungkol sa nakaraan kaso nahihiya ako gayong
mukhang masama ang loob niya sa akin.

Magpapahinga na muna ako sa ngayon. Masyadong nakakapagod ang pinagdaanan namin


ngayon. Sana bukas, maayos na ang lahat lalong-lalo na ang samahan namin ni Mark.

Chapter 20
Naiwan nga sa baba ang ilan sa kanila upang linisin ang mga kalat dulot ng nangyari
kanina.

"Ano guys? Sa tingin niyo ba, naghihiganti sa atin ngayon si Ethel?" Tanong ni
Hannah habang winawalisan ang mga kalat sa sahig.

"Huwag naman sana, baka atakihin ako sa puso sa sobrang takot noh!" Wika ni Joan na
nag-aayos naman ng mga kurtina.

"Bakit ba nakalimutan natin na death anniversary niya ngayon? Napagdasal sana natin
siya." Wika naman ni Tom na nag-aayos ng mga upuan.

"Kinalimutan na kasi nating lahat iyon noon, kaso binuksan naman ng magaling na si
Rox." Wika ni Grace.

"Oy Grace, wala siya kasalanan sa mga nangyayari ngayon." Pagtatanggol ni Ethan
dito.

"Eh kung hindi sana siya naging usisera eh di sana magkakaganito ang lahat!" Sigaw
ni Mia.

"Oh, huwag na tayong magsisihan pa. Walang may kasalanan okay?" Wika naman ni Jake
na nagpupulot ng mga basag na vase.

"Wala namang may gustong mangyari ito. Nagkataon lang siguro na malakas yung ulan."
Bulalas naman ni Kian na naghuhugas ng pinggan.
"Basta guys, relax lang! Magiging okay na rin ang lahat bukas!" Dugtong naman ni
Adrian na nagpupunas ng lamesa.

"Yeah, keep calm and enjoy!" Singiy ni Josh na kumakain ng chichirya.

"Oh ayan na, maayos na pala ang lahat eh. Tulog na tayo! Nakakapagod hehe!" Pag-
iiba ni Hannah ng usapan.

"Ok guys! Good night! Sweet dreams!" Wika ni Agatha sa mga kasama at natulog na nga
ang lahat.

Si gitna ng katahimikan, alas tres ng umaga ng maalimpungatan si Mae at nauhaw kaya


tinungo niya ang kusina.

"Ano ba iyan! Kung kailan madilim pa tsaka pa ako nauhaw." Wika niya sa kaniyang
sarili habang nagkakamot ng ulo.

Tinungo na niya ang kusina.

Pagkarating niya roon ay uminom siya ng gatas.

"Ahhh, nakakarefresh talaga ang gatas lalo na kapag umaga!" Aniya habang
naghihikab.

"Masarap ba? Eh yung kay Karlo ba, masarap?" Wika ng isa sa kaniyang mga kaklase na
nakasindig sa pasilyo ng kusina.

"Haha, bakit mo naman naitanong iyan? Tsaka hindi naman kami nun no! At hindi ako
gross! Ang bastos mo!" Wika ni Mae sabay sara ng refrigerator habang kinikilig-
kilig pa.

"Hahaha! MU kayo right? Patagong pag-ibig nga naman oh!" Wika nito habang
nakasandal naman ngayon sa may pader malapit sa lutuan.
"Paano mo nalaman? Huwag kang maingay! Secret lang natin iyon ah?" Wika ni Mae
sabay lapit dito at inakbayan pa talaga.

"Huwag kang mag-alala, secret lang natin iyon. Pero tandaan mo, walang lihim na
hindi nabubunyag." Wika nito sabay tanggal sa kamay ni Mae na nakaakbay sa kaniya.

"Huwag ka namang ganiyan. Parang tinatakot mo ako eh." Wika ni Mae na umasta na
parang bata.

"Natatakot ka ba? Pwes, tinatakot nga kita." Wika nito sabay kuha ng kutsilyo at
unti-unti siyang lumalapit kay Mae.

"Anong pumasok sa kukote ng taong ito at ngayon pa niya nagawang magbiro?" Wika ni
Mae sa kaniyang isipan.

"Hindi magandang joke iyan! Please! Ibaba mo iyang kutsilyo!" Wika ni Mae na takot
na takot na. Kaya paatras siya nang paatras habang palapit naman ng palapit sa
kaniya ang kaklase niya.

"Goodbye Mae!" Wika nito at itinarak ang matulis na kutsilyo sa puso ni Mae at
tsaka niya ito dinukot.

"Argh, ahh!" Paimpit na sigaw ni Mae na halos walang boses na lumalabas sa kaniyang
bibig.

"Ang puso ko! No! Kailangan ko pang mabuhay!" Wika ni Mae sa kaniyang isipan habang
nakahawak sa kaniyang dibdib at nakatitig sa taong lumapastangan sa kaniya.

"Nakakatuwang puso, tumitibok-tibok pa at sa ilang sandali pa ay mawawala na." Wika


nito at humalakhak na parang isang baliw hawak-hawak ang puso ng dalaga.

"Baliw na ba siya? Ah, hindi ko na kaya!" Wika ni Mae sa kaniyang isipan at tuluyan
na ngang nawalan ng buhay ang kawawang dalaga.

"Hold your heart Mae!" Wika nito at nilagay ang puso nito sa kamay ng dalaga na
nakahandusay sa sahig at walang malay.

"Letter O, check! 25 left! I can't wait to see them suffer habang naliligo sa
sarili nilang dugo! Haha!" Wika nito at nilagyan ng letter O si Mae sa kaniyang
noo.

Killer's POV

Pasensya na Mae kung ikaw ang nauna ko. Nagkataong nandito ako sa baba at saktong
bumaba ka rin kaya kasalanan mo iyan kung bakit ka namatay! Haha!

Nakakatuwa lang kanina, tarantang-taranta silang lahat. Mga tanga! Haha!

Oras na para isa-isahin ko kayong lahat. Pasensiyahan na lang tayo haha!

Magkita-kita na lang tayo sa Impiyerno! Haha!

Guys, prepare yourself to die!

---

Kinabukasan, nagising ang lahat ng biglang tumili si Hannah.

"Ahhhh!" Sigaw nito kaya dali-daling nagsilapitan ang kaniyang mga kasama.

"Oh what happened here? Who killed Mae?" Tanong ni Karlo na naghihikahos at
natataranta.

"Ewan ko! Pagkarating ko rito ay iyan na kaagad ang bumulaga sa akin!" Paliwanag ni
Hannah na nakasalampak sa sahig at nanginginig sa takot.

"Bakit hawak niya ang puso niya? At, may letter O na nakasulat sa noo niya?" Tanong
ni Ginny na nanginginig din sa takot.
"Ewan?!" Wika ni Ramil na nakaalalay dito.

"Sa tingin ko, may gustong iparating sa atin yung killer." Wika ni Roxette na nag-
iisip ng malalim.

"Iparating? You mean, message?" Tanong ni Ethan na nakadikit naman sa kaniya.

"Wait, diba letter O yung nabunot na letter ni Mae sa bowl of surprise?" Tanong
naman ni Mia na nakaturo sa noo ni Mae na may sulat.

"Oo! Tama ka! Oo nga! Eh ano naman kinalaman nun?" Tanong ni Adrian na naguguluhan
na.

"Isa lang ang naiisip kong ibig sabihin ng O na iyan sa kaniyang noo." Wika ni Tom
na sobrang unpredictable.

"Ano naman iyang theorya mo?" Tanong ni Jerome na hindi lubos maisip ang nais
iparating nito.

"I think, gusto tayong patayin lahat ng killer." Wika niya.

"At bakit naman? May atraso ba tayo sa kaniya?" Wika ni Jake na najasandig sa may
lutuan.

"At tsaka, tayo-tayo lang ang nandito kaya ibig sabihin, isa lang sa atin ang
killer!" Wika naman ni Mark na mapang-akit pa rin ang itsura kahit na bagong
gising.

"Yup, tama ka Mark, ang tanong, sino nga ba sa atin?" Wika naman ni Joan habang
nakayakap sa boyfriend niya.

"Umamin na kasi!" Wika ni Dion.


"I think, walang aamin. May killer bang aamin na siya ang killer? Wala diba? Kaya
mag-ingat tayong lahat. Lalo na kung sino ang dapat pagkatiwalaan o hindi." Wika ni
Xiara na nakakapit kay Tin.

"Oo nga! Alam niyo guys, napaisip lang ako, may kinalaman ba ang puso niya sa
letter O? Ano ito? Game pa rin ba?" Wika ni Arianne na naguguluhan na rin.

"Sa tingin ko, laro ito para sa killer." Wika ni Agatha habang nakahalukipkip.

"At paano mo naman nasabi iyan?" Tanong ni Josh.

"Diba O ang letter ni Mae na pinanghahawakan at OPERATION ang word sa kaniya ni


Adrian? I think, kung ano ang letrang pinanghahawakan mo, iyan ang paraan ng killer
kung paano ka niya papatayin." Pagpapaliwanag ni Agatha.

"Puso? Ano kinalaman nun sa O?" Tanon ni Aaron.

"Ang puso ay isang Organ kaya ang kamatayang ipinataw ng killer kay Mae ay Dukutin
ang puso. Her death word is ORGAN." Paliwanag naman ni Henry.

"Ah, ang talino mo talaga! Baka naman ikaw ang killer?" Pagbibiro ni Abi.

"Kung ako ang killer, sana pinatay ko ng kayong lahat ng sabay-sabay." Wika ni
Henry na ikinatakot ng lahat.

"Wala namang ganiyanan tol!" Wika ni Kian habang itinatayo si Hannah.

"Anong kaguluhan ang nangyayari dito?" Wika ni Grace na nagmamasungit habang


bumababa ng hagdan.

"It's very hard to explain Grace." Wika naman ni Tin.

"Ipaintindi niyo sa akin!" Pagtataray nito.


"Patay na si Mae!" Sigaw ni Nikka rito.

"Huwag niyo nga akong niloloko! Hindi magandang biro iyan!" Wika nito bago marating
ang kusina na kung saan nakahandusay ang walang buhay na si Mae.

"Naku Mae! Anong nangyari sayo? Gumising ka! Hindi ito maaari! Paano ko ito i-
eexplain kay Tita? Huhuhu!" Wika ni Grace na super close kay Mae kaya todo siya
kung makapaghinagpis habang yakap-yakap ito.

"Pagbabayaran ng walang kunsensyang iyon ang ginawa niya sayo!" Sigaw ni Grace
habang patuloy pa rin sa pagdadalamhati.

"Basta, dapat siguraduhin niyong trustworthy ang sinasamahan niyong tao o kaya much
better, huwag na tayong maghihiwa-hiwalay para safe tayong lahat." Suhestiyon ni
Agatha.

"Ang malas natin! Dapat pala hindi na lang dito sa beach resort namin! Walang
signal! Kaya hindi tayo makakahingi ng tulong! Tapos, mukhang may paparating pang
bagyo kagaya nung nangyari kagabi kaya wala tayong choice kundi maghintay ng
dalawang linggo dito!" Wika ni Ginny na umiiyak sa kasawiang dinanas ng isang
kaibigan.

"Don't worry Ginny, hindi mo naman ito kasalanan! Tsaka, mahuhuli rin natin ang
killer." Wika ni Roxette habang kinokomfort ang nag-aalalang kaibigan.

"Kahit ano mang gawin niyo, hindi niyo matatakasan ang kamatayan niyo! Ang letrang
nabunot niyo ay parang sumpa na hindi niyo mapipigilan na kitilin ang inyong buhay!
Haha!" Wika ng isang tinig.

"Be ready and excited guys sa kamatayang ipapataw ko sa inyo sa pamamagitan ng


letrang pinanghahawak niyo! Haha!" Dagdag pa niya.

"Hindi niyo matatakasan ang Alphabet of Death! Hahaha!"

Chapter 21
"Ano na ang gagawin natin sa bangkay ni Mae?" Tanong ni Ramil na natataranta.
"Hindi ko alam!" Wika ni Karlo na nakahawak sa kaniyang ulo habang naglalakad
pabalik-balik sa harap ni Ramil.

"Maghunos-dili ka nga Karlo! Walang magagawa iyan para masolusyunan ang problema
natin!" Wika ni Agatha na wari mo'y nag-iisip.

"Hannah, kalmahin mo nga si Grace. Kanina pa iyan ngumangawa diyan sa may lababo!"
Utos ni Joan.

"Oo nga eh, sige ako na ang bahala sa kaniya." Wika nito at nilapitanang
nagdadalamhating dalaga.

Inalalayan ni Hannah si Grace na tumayo sa pagkakasalampak nito sa sahig at tsaka


dinala sa kwarto nito upang makapagpahinga.

"Mae sorry, hindi namin alam ang gagawin namin kaya huwag mo kaming pagmumultuhan
okay?" Wika ni Roxette nakasandig malapit sa refrigerator.

"Guys help! Ano na gagawin natin ngayon sa labi ni Mae?" Tanong ni Agatha na
ikinakuha ng atensiyon ng lahat.

"Sunugin na lang kaya natin? Para hindi mangamoy patay dito!" Suhestiyon ni Adrian.

"Ano ka ba? Wala tayong pahintulot ng kaniyang mga magulang para gawin natin iyon!"
Wika ni Xiara.

"And one more thing, Mae is our friend! Makakaya ba ng konsensiya mong sunugin ang
katawan niya ng basta-basta na lang?" Patutsada naman ni Tin.

"Bahala nga kayo! Gawin niyo ang gusto niyong gawin!" Wika nito sabay hampas sa
lamesa at tsaka padabog na bumalik sa kaniyang kwarto.

"Anong nangyari dun?" Tanong ni Ginny habang papababa ng hagdan na nakasalubong si


Adrian.
"Huwag mo na lang siyang intindihin. May malaki pa tayong problema." Wika ni Ethan
habang nakaupo sa sala at naninigarilyo.

"Lumayo ka nga sa akin! Nakakairita yung usok na nanggagaling diyan sa sigarilyo


mo!" Mainit na ulong wika ni Mia.

"Huh, kung alam ko lang, nagpapansin ka lang sa akin." Wika ni Ethan sabay buga ng
usok sa mukha nito.

"Yuck! Ehem, ehem, ehem!" Wika ni Mia sabay ubo ng malanghap ang usok at ikinampay
ang kamay sa hangin upang maitaboy ito.

"I have an idea guys!" Wika ni Nikka.

"Ano naman iyon?" Tanong ng lahat ng nasa baba ng bahay.

"Ilagay na muna natin yung katawan ni Mae sa isang room para hindi tayo mairita sa
kakaibang amoy na maidudulot nito kapag naagnas na." Wika nito habang nakapalibot
sa kaniya ang lahat.

"Good idea!" Wika ni Agatha.

"At saan namang room natin siya ilalagay gayong puna na ang lahat ng room?" Tanong
naman ni Abi.

"Sa room na lang ni Grace?" Suhestiyon ni Jake na nakakunot pa ang noo.

"Eh saan naman mananatili si Grace?" Dugtong naman ni Aaron.

"Sige doon na lang siya sa room namin ni Hannah para ma-comfort na rin namin siya."
Wika ni Agatha.
"So, galaw-galaw na tayo guys!" Dagdag pa nito.

"Arianne, puntahan mo si Grace at Hannah doon sa room nila ni Mae at papuntahin mo


sa room namin." Utos ni Agatha.

"Okay!" Pagsang-ayon nito at nagmamadaling tinungo ang direksyon kung nasaan yung
dalawa.

"Boys! Ethan, Ramil, Karlo and Josh! Pwede bang buhatin niyo ang katawan ni Mae
papunta sa room nila ni Grace?" Wika nito.

"Sige!" Ayon sa kanila.

Binuhat ng apat na lalaki ang bangkay ni Mae ng walang pag-aalinlangan.

"Roxette, Ginny, Abi, at ako. Maiwan muna tayo rito sa baba upang linisin ang
dugong nagkalat sa sahig." Dagdag pa niya.

"Ih! Hindi ko kaya! Takot ako sa dugo!" Wika ni Ginny sabay takip ng kaniyang
mukha.

"Oh sige, Tin, ikaw na ang maiwan para matulungan mo kami." Sambit niya.

"Okay!" Wika nito sabay saludo pa.

"The rest, umakyat na muna kayo at magpahinga sa inyong mga silid." Sabi ni Agatha.

Akmang papanhik na yung iba ng bigla silang pigilan ni Agatha.

"Wait lang pala, Nikka, ikaw na ang magluto ngayon." Pagbungad nito.

"Ah iyon lang ba? Masusunod." Aniya at tinungo na agad ang kusina.
"Dadalhin na lang namin sa mga kwarto niyo ang inyong mga breakfast dahil tiyak na
mawawalan kayo ng ganang kumain kapag dito pa tayo kumain sa baba." Pagpapaliwanag
niya. Tanging tango na lamang ang naisagot ng iba at tuluyan ng tinungo ang kaniya-
kaniyang kwarto.

Habang pinupunasan nina Agatha, Ginny, Abi at Roxette ang sahig na puro dugo ay
biglang nagsalita si Nikka na inaayos ang mga putaheng kakailanganin.

"Sa tingin niyo girls, sino ang pumatay kay Mae?" Bungad nito.

"No comment, baka malagay pa ako sa alanganin pati ang baby ko kapag nangialam pa
ako." Wika ni Abi na sadyang binabagabag ng kaba.

"Ayoko ring magbigay o magsabi ng pangalan, mamaya, hindi naman pala siya yung
killer diba? Kailangan ng maging ma-ingat dahil hindi natin alam kung sino ang
dapat na pagkatiwalaan.

"So ganun? You didn't trust us? Okay, hindi ka naman namin masisisi dahil umiiwas
ka lang sa gulo." Wika ni Agatha na pawis na pawis na sa kahahagod ng sahig.

"Guys, ibahin na natin yung topic, baka naririnig pala tayo ng killer at baka tayo
pa ang mapagbuntunan niya at pati tayo ay idamay niya." Wika ni Roxette na
mahinahon lang.

"May point naman kayong lahat pero may hinala na talaga ako." Wika ni Nikka at
sinimulan ng buksan ang kalan.

"At sino naman iyan?" Tanong nung apat na matatapos na sa kakukuskos ng sahig.

"Secret muna sa ngayon. Wala pa akong pruweba para sabihing siya nga ang killer.
Next time na lang." Aniya habang hinahalo ang kaniyang niluluto.

"Alam niyo guys, natatakot na ako! Baka mamaya, ako na ang isunod niya!" Wika ni
Roxette na nangangatog ang tuhod dulot ng takot.
"Ano ka ba? Ako nga ang dapat mas matakit eh! Kasi, baka pati yung baby ko ay
madamay." Pagkontra ni Abi habang naghuhugas ng kamay sa may lababo.

"Huwag niyong isipin iyan, basta magkakasama tayong lahat, magiging safe kayo basta
walang hihiwalay." Wika naman ni Agatha habang nagpupunas ng kaniyang kamay ng
maitapon ang mga basahang ginamit sa pagpunas ng dugo ni Mae na nagkalat sa sahig.

"Oo nga, kami pa naman ang may-ari ng bahay ngunit hindi ko makontrol ang mga
nangyayari ngayon." Sambit ni Ginny habang ikinakalat ang alcohol sa kaniyang
braso.

"Huwag na nga muna nating pag-usapan iyan. Luto na itong breakfast natin. Kain na
muna tayo." Singit ni Nikka habang hinahalo ang mushroom soup na kaniyang ginawa.

"Mabuti pa nga. Tara tawagin na natin sila rito sa baba." Wika ni Abi na
nagpapahinga sa malambot na upuan doon malapit sa sala.

"Wait guys, tiyak na hindi pa kaya ng ibang kumain dito sa kusina dahil tiyak na
hindi kakayanin ng kanilang sikmura kapag naisip nilang namatay dito si Mae."
Mungkahi ni Agatha.

"Tama ka roon, siguro mas maganda kung sa kaniya-kaniya nating kwarto muna tayo
kumain. Ano Ginny, okay lang ba?" Dagdag naman ni Roxette.

"Okay lang!" Sabay ngiti at nagpakita ng ok sign.

Tinawag ni Roxette ang ibang boys para magdala ng pagkain sa bawat kwarto.

"Oh Jerome, kamusta na si Adrian? Kalmado na ba?" Tanong ni Ginny habang naglalakad
pababa ng hagdan ang binata.

"Ewan ko ba doon, ni hindi nga ako makapasok sa kwarto namin dahil naka-lock. Ayun,
hinayaan ko na lang muna." Sagot nito na may halong pagkadismaya.

"Eh saan ka naman tumuloy kanina para magpahinga?" Dagdag pa ni Ginny.


"Doon kina Josh." Ani nito habang nilalagyan ng kutsara ang tray ng pagkain nila.

"Ah oh sige, ako na lang pupunta roon sa kwarto niyo baga makumbinsi ko pa siya na
lumabas na." Paliwanag nito at tinungo ang kusina at ipinaghanda ng pagkain ang
binata.

Makalipas ang ilang minuto, dinala niya kaagad sa may Room 10 ang inihandang
pagkain. Nang marating ang tapat ng pintuan, kumatok siya agad.

"Hey Adrian, buksan mo itong pinto! Mag-usap muna tayo." Wika niya habang kinakatok
ang pinto.

"Ano ba? Kapag hindi mo ito binuksan ay mapipilitan akong buksan ito!" Sigaw niya
dahil sa sobrang pagkairita dahil para siyang baliw na salita ng salita ngunit wala
namang kausap.

"Okay, ayaw mo ah? Sandali!" Wika niya habang nangigigil na sa inis at kinuha ang
spare key ng kwarto sa kaniyang bulsa.

Pagkabukas niya ng pinto, patay ang ilaw, madilim, at tahimik.

Dali-dali niyang tinungo ang bukasan ng ilaw habang nagsasalita.

"Pag-usapan nga natin ang tungkol sa---" hindi na naituloy pang muli ni Ginny ang
kaniyang sinasabi dahil pagkabukas niya ng ilaw, kahindik-hindik agad na pangyayari
ang kaniyang nasilayan kaya nabitawan niya ang dalang tray at napasigaw sa takot.

"Ahhhh! Tulong! Si Adrian!" Sigaw ni Ginny habang nakatakip ang kaniyang kanang
kamay sa kaniyang mga mata habang nananatiling nakatayo sa may bukasan ng ilaw
malapit sa pintuan.

"Si Adrian, patay na siya!" Dagdag pa niya at isa-isa na ngang nagsidatingan ang
kaniyang mga kasama.

Chapter 22
Adrian's POV

Nakakaasar talaga! Bakit ba ayaw pa nilang sunugin na lang yung bangkay ni Mae? Oo
kaibigan namin siya, kaso lang, darating din yung point na hindi na maganda yung
amoy niya.

Oo mali ako, pero sana, maintindihan naman nila ako. Nakakainis lang!

"Not feeling well?" Wika ni Arianne na nakatayo sa may pintuan.

Nakalimutan ko palang isara iyon? Ang dami ko kasing iniisip.

"Hindi lang maganda ang mood ko dahil sa nangyaring sagutan kanina." Wika ko sabay
upo sa aking kama.

Ano naman kaya ang pumasok sa isipan ng babaeng ito at naparito siya sa aking
kwarto para kausapin ako? Nakakapagtaka lang.

"Hayaan mong pawiin ko ang pagkadismaya mo." Wika niya sabay lapit papunta sa akin
at tsaka ako siniil ng halik.

Kakaiba ang halik na ito. Banayad! Yung para bang pinapalitan nito ang poot sa
iyong dibdib. Tinugon ko iyon ng walang pag-aalinlangan.

Inihiga niya ako habang patuloy pa rin kami sa paghahalikan. Maya-maya pa ay


kumalas siya at biglang nagtatakbo palabas ng aking kwarto.

Ano kayang nangyari doon? May saltik ba siya?

Yamu na nga siya. Salamat sa kaniya atleast, napagaan niya kahit na papaano ang
kirot ng pagkadismaya rito sa aking puso.

Akmang lalabas na ako sa aking silid para mag-agahan ng biglang may magtakip sa
ilong ko ng panyo at nalanghap ko ang kakaibang amoy na nagdulot upang mawalan ako
ng malay.
Nagising na lamang ako na nakaupo sa aking kamay habang nakagapos ang buo kong
katawan at nakaduck tape ang aking bibig.

Pinilit kong ikislot ang aking katawan na nagbabakasakaling makatakas ako ngunit
ako'y bigo.

Bumukas muli ang aking silid at iniluwa nito ang isa sa aking mga kaklase.

Siya? Bakit siya? Ano bang nagawa ko sa kaniya na hindi maganda?

Pilit akong nagugulumihanan sa mga katanungang pumapasok sa aking isipan. May


posibilidad ba na siya rin ang kumitil ng buhay ni Mae? Pero bakit?

Nakangiti lamang ito habang naglalakad papalapit sa direksyon ko. May dala siya
bote at posporo.

Wait, hindi kaya ang laman ng boteng iyon ay gas? May balak ba siyang tustahin ako
ng buhay? Hindi maaari!

Lalo akong naghurumintado ng makita ang bagay na hawak-hawak niya. This can't be!

"Oh Adrian, huwag kang masyadong matakot sa akin. Hindi naman kita pahihirapan eh."
Bulong nito sa aking tainga.

At dahil doon, nagkaroon ako ng tiyansa para guluhin siya. Ununtog ko siya gamit
ang aking ulo at naging dahilan iyon para mapaupo siya sa sahig sa sobrang sakit.

Aaminin ko, maski ako ay nasaktan sa kalokohang ginawa ko pero ayun lang ang naisip
kong paraan para makaganti sa kaniya.

"Aba, masyado kang matapang ah! Tingnan natin kung hanggang saan iyang tibay ng
pagkatapang mo." Wika nito sabay sindi ng posporo sa harap ng aking mukha.
"Huwag kang munang matakot, tingnan mo oh, tumatagaktak na kaagad ang pawis mo
kahit na wala pa akong ginagawa sayo." Wika niya sabay punas sa pawis kong
tumatagaktak sa aking mukha.

"Oh ayan, medyo nahimasmasan ka na ba? Kung gayon, simulan na natin." Wika niya
habang nakangiti ng todo tiyaka sinindihan ang ang posporo.

Unti-unti niya iyong inilapit sa aking kanang mata. Akala ko ay bubulagin na niya
ako kaya napapikit ako. Ngunit, mali ako ng akala dahil sinunog nya ang kilay ko
kaliwa't kanan.

Ahhhhhhh! Sigaw ko sa sobrang hapdi. Ngunit, wala makakarinig sa aking sigaw dahil
nakatape itong bibig ko.

"Hahaha! Bagay pala sayo ang walang kilay eh. Pero, tatapusin ko na ang kalbaryong
ito ng hindi ka na mahirapan pa." Wika niya sabay kuha sa gas na nakalagay sa sahig
at ibinuhos sa aking buong katawan.

Sa mga oras na ito, iniisip ko ang pamilya ko dahil tiyak na malulungkot sila kapag
nawala ako. Ako lang kasi ang nag-iisa nilang anak. Kaya lahat ng naisin ko ay
ibinibigay nila.

"Are you ready to suffer and face your death?" Tanong niya habang hawak-hawak ang
posporong magiging sanhi ng pagkawala ko rito sa mundo.

Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa. Mukhang masaya siya sa pagkamatay ng
biktima niya. Wala na akong ibang magagawa pa kundi, tanggapin na katapusan ko na.

"Si this is a farewell Adrian? Any last word bago ko sindahan itong posporong hawak
ko?" Panunuya niya sa akin.

"Ay, hindi ka nga pala makakapagsalita. Haha! Paalam Adrian!" Wika niya at
sinindihan ang tatlong posporo ng sabay-sabay at inihagis sa akin.

"Ahhh! Ang init! Ang hapdi sa balat!" Sigaw ko ngunit walang sinuman ang
makakarinig sa pagsusumamo ko.
Unti-unting tinutusta ng apoy ang aking balat. Wala akong magawa para mapatay ito
gayong nakagapos ako.

"Hahaha, para kang bulate na pakislot-kislot. See you in hell." Wika niya habang
pinapanuod ako.

Parang unti-unting sinusunog pati ang kaluluwa ko. Batid ko ng ito na ang katapusan
ko kaya, paalam sa mundo at sa mga taong mahal ko.

"Kawawa ka naman, paalam!" Wika niya kasabay nito ang pagbukas ng mga mata ko.

Killer's POV

"Oh paano ba iyan? Nabawasan na naman ng isa? Ano kayang magiging reaksyon nila?"
Wika ko sa aking isipan.

Alangan namang hindi ko patayin ang sunog sa kwarto ni Adrian diba? Malamang,
maamoy nila ang usok mula sa kwarto nito kaya gumamit ako ng fire extinguisher para
mapatay ito.

Oh diba bright idea? Mga tanga naman pala sila.

Nang matupok ko ang apoy, lumapit ako sa bangkay ni Adrian na hindi mo halos
makilala dahil sa pagkasunog nito. Mabuti na lang at nakahiga siya sa kama kaya
hindi na ako mahirapan sa paglagay ng letra sa kaniyang noo.

Letter F was already gone!

"24 letters to go! Sino kaya ang masarap isunod?" Wika ko habang humahagalpak ng
tawa.

---

"Ginny, paano nangyari ito? Bakit hindi man lang natin napansin na sinunog pala ang
kwartong ito? Bakit hindi natin naamoy yung usok!" Sigaw ni Arianne na nakakapit sa
may pintuan habang naghihinagpis sa sakit na nadarama ng makita ang taong minamahal
sa ganoong kalagayan.

"Hindi ko rin alam Sis!" Sagot ni Ginny na nakaalalay sa kaibigan.

Nilapitan ng lahat ang bangkay na sunog ni Adrian.

"Bakit ba ganito ang nangyayari? Pangalawang araw pa lang natin dito pero dalawa na
sa mga kasamahan natin ang namamatay!" Reklamo ni Roxette sa lahat.

"Hindi kaya may atraso tayo sa killer kaya niya ginagawa ito?" Tanong ni Dion.

"Oo siguro malamang! Pero ano naman kaya iyon?" Singit ni Ethan.

"Another letter on his forehead. Letter F ang nakasulat." Wika ni Joan na


binubusisi ang bangkay ni Adrian.

"Roxette, at Ginny, dalhin mo muna sa room namin si Arianne kung saan naroroon si
Grace at Hannah para hindi siya madepressed." Wika ni Agatha habang tinitingnan ang
bangkay ng kaibigan.

"Panibagong kaso na naman." Wika ni Abi.

"Oo nga, ano ba kasing nais ng killer na iyan at mukhang may balak siya patayin
tayo isa-isa." Wika naman ni Aaron.

"Marahil may galit siya sa bawat-isa, naghihiganti kumbaga." Wika ni Ramil.

"Oh bakit sa akin ka nakatingin Nikka?" Tanong ni Henry.

"Para ka kasing namumutla eh. May kinalaman ka ba dito? Ikaw ba ang killer?" Pang-
uusisa rito ni Nikka.
"Sabi na nga ba at ako na naman ang mapagkakamalan. Bakit, porket ba tahimik ako sa
isang sulok ako na kaagad?" Wika ni Henry na tila galit na.

"Relax Henry." Wika ni Jake habang kinakalma ang kaibigan.

"Wait tol, mainit ka ah!" Wika ni Jake ng makapa ang leeg at noo nito.

"Patingin nga." Wika ni Xiara at sinipat din nito ang leeg at noo ng kaklase.

"Oo nga, medyo mataas kaya kailangan mo munang mamahinga." Wika nito.

"Akmang dadalhin na ni Xiara si Henry sa kwarto ng biglang magsalita si Tin.

"Xiara, Can I?" Wika nito.

"Bakit naman?" Tanong nito.

"I'm so natatakot na here! At I feel safe kapag kasama kita." Dagdag pa nito kaya
pinayagan na siya nito na sumama.

"Kailangan talaga nating magdoble ingat." Wika ni Kian.

"Yup tama, hindi na biro ito." Dagdag naman ni Josh.

"Guys, game ba ito talaga ng killer?" Wika ni Tom.

"Siguro? Bakit mo naitanong?" Wika naman ni Mark.

"Kasi eh, tingnan niyo yung noo ni Adrian, may letra rin kagaya ng nasa noo ni
Mae." Ayon dito.
"Oo nga, kung kay Mae ay Letter O, kay Adrian naman ay Letter F!" Wika ni Mia.

"Mas lalo akong natakot at kinabahan!" Wika naman ni Joan.

"Ayokong nakakakita ng ganito. Baka makasama pa sa baby ko. Kaya Mia, samahan mo
muna ako sa kwarto. Hindi ko maatim na makita si Adrian ng ganiyan." Wika ni Abi
habang nakatalikod sa bangkay nito.

"Oh sige halika na." Wika ni Mia at tinungo na nila ang kanilang kwarto.

"So ano na ang gagawin natin ngayon?" Tanong ni Karlo.

"Wala, mag-ingat lang tayo." Wika ni Jerome na pinipigil ang luha.

Sila ni Adrian ang naging magkasundo kaagad at naging partners in crime rin lalo na
sa pagpapatawa. Ngayong wala na ito, hindi niya maipakita kung paano siya magiging
masigla.

"Guys, masasabi ko ngang laro para sa killer ito. Dahil kung ang death word ni Mae
ay ORGAN. Ito namang si Adrian ay FIRE. Kaya isa lang ang masasabi ko, kung ano ang
letrang hawak mo, ganun din ang magiging kamatayang ipapataw niya sayo kaya
kailangan nating mag-ingat lahat lalo pa't dalawa na ang namamatay sa atin." Wika
ni Agatha.

"Oo nga tama ka roon." Wika ni Ramil.

"Sa ngayon, dalhin na muna natin ang bangkay ni Adrian sa bangkay ni Mae." Wika
nito.

"Ramil, Karlo, at Mark. Pakidala na lang doon sa Room kung nasaan ang katawan ni
Mae." Ani ni Agatha at tuluyan ng nilisan ang silid.

Sinunod naman ng tatlo ang utos nito at dinala na nga ang bangkay sa dapat nitong
paglagyan.
Chapter 23
"Arianne, stop crying please?" Mahinahong wika ni Roxette habang hinahagod ang
likod ng kaibigan.

"Parang kanina lang, nahalikan ko pa siya, tapos ilang saglit lang, patay na siya
kaagad!" Wika niya habang patuloy pa rin sa pagdadalamhati.

Hindi nga naman natin maiiwasan na hindi maghinagpis kung namatay ang taong mahal
natin.

"Nandito lang naman kami kaya, tahan na." Wika naman ni Ginny habang yakap-yakap
ang kaibigan.

"Ayoko na! Gusto ko ng umuwi! Takot na takot na ako!" Wika ni Arianne habang
humahagulgol sa pag-iyak at hawak-hawak ang kaniyang ulo.

"Arianne kumalma ka! Kasama mo kami! Huwag kang matakot!" Pang-aamo rito ni
Roxette.

"Walang kasiguraduhan kung mabubuhay pa ba tayo o tatagal pa tayo sa lugar na ito!"


Napataas ang tono ng boses nito na naging dahilan sa pagkabigla ng dalawang kasama.

"Huwag mong sabihin iyan! Mas lalo akong natatakot dahil sa mga sinasabi mo eh!"
Wika ni Grace na biglang naiyak na naman.

Nilapitan ito ni Hannah upang patahanin ang kaibigan.

"Pssshhh, Grace calm down. Mas lalo kang madedepressed niyan eh." Wika nito.

"Roxette, at Ginny, dalhin niyo muna si Arianne sa terrace para makapagpahangin


para gumaan ang kaniyang kalooban." Wika ni Hannah na sinunod naman ng dalawa.

"Tiyak na dito na tayong lahat mamamatay, panigurado iyan." Wika ni Arianne habang
tinatahak nila ang daan patungong terrace.

"Think positive Arianne, may awa ang Diyos." Wika ni Roxette.

Abi's POV

Maski ako ay kinakabahan at natatakot dahil sa mga nangyayari ngayon. Paano kung
ako na ang isunod ng killer? Paano yung baby ko?
Okay lang akin kung mamamatay man ako dito huwag lang ang bata dito sa sinapupunan
ko ngunit, kailangan kong ingatan ang aking sarili para na rin sa kaligtasan ng
baby ko.

"Oh Abi, magpahinga ka muna riyan ah? Doon muna ako sa baba." Wika ni Mia na
papalabas na ng aming silid.

"Sige lang, kaya ko na sarili ko huwag kang mag-alala." Wika ko sabay higa sa aming
kama.

"Hay, nakakastress ang mga nangyayari ngayon. Ang masayang outing namin ay
humantong sa hindi inaasahang pangyayari na naging sanhi upang maubos kami ng
paunti-unti." Wika ko sa aking sarili.

Napapikit na lamang ang mga mata ko sa sobrang pagod.

Makalipas ang ilang oras ay nagising na lamang ako na nakapiring at tila ba


nakagapos ang aking mga kamay at paa sa bawat dulo ng kama at nakatali ng panyo ang
aking bibig. Pinilit kong magpumiglas ngunit nabigo lang ako.

"Oh no, ako na ba ang isusunod ng killer? Huwag naman sana." Wika ko sa utak ko.

"Ayoko pang mamatay ngayon! Gayong, malapit na kaming ikasal ng mahal ko at mayroon
pa akong pangarap sa magiging anak ko." Dagdag ko sa aking utak.

Maya-maya pa, bumukas ang pinto at tiyak kong siya na nga ito.

Naririnig ko ang kaniyang yabag na unti-unting palapit dito sa direksyon ko.


Kinakabahan ako dahil baka may hawak siyang kutsilyo at itarak na lang itong bigla
sa puso ko. Pero, bakit pa niya ako ginapos ng ganito? Ano ang kailangan niya sa
akin?

Bigla siyang sumampa dito sa kama. Unti-unti siyang pumaibabaw sa akin. Anong balak
niyang gawin?

Bigla akong kinilabutan ng bigla niyang haplusin ang hita ko. No! Lalaki ito! Pero
sino? Bakit niya ito ginagawa sa akin?

Napaluha na lamang ako ng bigla niya akong halikan sa aking leeg. Nakakapanindig
balahibo, tila ba gusto ng kumawala ng aking kaluluwa sa aking katawan dahil
kinikilibutan ako sa ginagawa niya.

Pinilit kong manlaban ngunit wala akong nagawa. Sadyang malakas siya at nakatali pa
ako kaya wala talaga akong laban sa kaniya.
Mas nagulat ako ng bigla niyang ipasok ang kaniyang kamay sa loob ng aking damit at
paglaruan ang aking hinaharap. Bigla niyang sinipsip ito na naging dahilan upang
akong mapasigaw ngunit walang lumabas na boses sa aking bibig. Hanggang sa
paglaruan na niya ang kayamanan ko at gawin ang kaniyang naisin.

Feeling ko ngayon, ang dumi ko na. Unti-unti akong binababoy ng lalaking ito! Kung
sino ka mang hayop ka, humanda ka sa akin kapag nakatakas ako rito. Pagbabayaran mo
ng malaki ang pambababoy mong ginawa sa akin.

"Ahh sarap!" Wika nito ng matapos siya sa kaniyang ginagawa.

Hindi ko mapigilang hindi rumagasa ang mga luhang puno ng hinanakit at galit.

"Abi, patawarin mo ako. Mahal lang talaga kita kaya ko nagawa ito sayo." Wika nito
at tinanggal ang aking kamay at paa sa aking pagkakagapos at tinanggal ang aking
piring.

"Ikaw?" Wika ko. Hindi ko inaasahan na ang taong malapit pa sa akin ang gumawa
nito.

"Walang hiya ka! Binaboy mo ako! Ang laki pa naman ng tiwala ko sayo tapos ganito
ang gagawin mo sa akin?" Wika ko pero mahinang boses lang ang lumalabas sa aking
bibig habang pinapalo siya.

"Mapapatay kita!" Wika ko. Dahil sa sobrang galit, kahit wala pa rin akong saplot
ay kinuha ko ang kutsilyo kong pangself-defense sa aking bag at dali-dali ko iyong
isinaksak sa kaniya.

Kaso mabilis siya kaya naiwasan niya iyon kaagad.

Bigla siyang sumugod sa akin at inagaw ang kutsilyong hawak ko at inihagis sa


sahig. Sa hindi ko inaasahang gagawin niya, itinulak niya ako ng malakas at
tumilapon ako sa pader.

"Sorry!" Wika niya at dali-daling nilisan ang kwarto ko.

Hindi ko napansin na dinudugo pala ako at napahawak ako sa sobrang sakit ng aking
ulo. Nang tingnan ko ito, may dugo at unti-unti akong nawalan ng lakas at napaupo
na lang ako bigla sa sahig.

"T-tulong!" Pautal-utal kong wika kaso walang boses na lumalabas sa bibig ko.

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto kaya nabuhayan ako ng pag-asa na makakaligtas
pa ako.
"Sayang naman ang boses mo Abi! Ni hindi ka nga makahingi ng tulong!" Wika niya
habang nakapameywang sa harapan ko.

Unti-unti ng lumalabo ang paningin ko at sa tingin ko ay oras ko na. Hindi ko


masyadong maaninag ang kaniyang hitsura. Pero gayon pa man, atleast naging masaya
ako sa outing na ito ang kaso nga lang, pati ang baby ko, nadamay.

Tuluyan na nga akong nilamon ng kadiliman at bumagsak na lang bigla sa sahig ang
aking katawan.

Killer's POV

Ano ba iyan? Wala pa nga akong ginagawa eh pumanaw na siya kaagad? She's weak!

Pero okay na rin iyon, umaayon naman ang lahat sa aking plano. Masaya ako sa kung
paano sila naghihirap.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at nilagyan ko na ng Letter R ang kaniyang noo.


Mahirap na, baka mabulilyaso pa ang aking plano kaya dali-dali kong nilisan ang
kaniyang kwarto.

Next, konsensyahin ang may kasalanan. Haha! Paano kaya kita papatayin? Hhmm, brain
blast! Haha!

Chapter 24
Ramil's POV

"Oh shit! Bakit ko ba nagawa yung bagay na iyon? Masyado na ba akong desperado para
maangkin siya? Mali itong ginawa ko!" Wika ko pagkapasok na pagkapasok ko sa aking
silid.

"Bakit ba kasi Abi ikaw pa ang nagustuhan ko? Bakit hindi na lang ibang babae? Ano
bang mayroon ka na wala sila?" Dugtong ko habang nakayuko at sinasabunutan ang
aking buhok.

"Oo, marami ngang babaeng nagkakandarapa sa akin pero ang taong mahal ko, iba ang
gusto." Pagsisisi ko.

Mas lalo akong naging desperado sa kaniya simula ng malaman kong buntis siya. Mas
lalong naging masidhi ang aking nararamdaman at mas lalo kong ninais na mapasa akin
siya.
Nang dahil sa pagiging mapusok ko na maangkin siya, hindi ko sinasadyang mapatay
siya. Sising-sisi ako sa aking nagawang kasalanan. Parang gusto ko na ring mamatay.

Biglang bumukas ang pinto kaya napatingin ako dito. Akala ko si Ethan, hindi pala.

"What a nice view!" Wika niya habang nakapameywang na pinasok ang aking kwarto.

"Ano ginagawa mo rito?" Wika ko sabay tayo at nilapitan ko siya.

"Ahm, nothing! Ngayon ko lang napansin na hot ka pala." Wika niya habang binabaybay
ng kaniyang kamay ang aking katawan.

"Stop! Lumabas ka na." Wika ko sabay wasiwas sa kaniyang kamay.

"Ouch! Wala kang respeto sa babae!" Sigaw niya sa akin habang hinahaplos ang
kaniyang kamay na nasaktan.

"Leave me alone please! Get out! Gusto ko munang mag-isa!" Sigaw ko. Hindi ko
napigilan ang sarili ko na sumabog. Nakakairita kasi ang kaniyang ginagawa.

"Eh paano kung ayoko? Papatayin mo rin ba ako?" Wika niya habang nakahalukipkip at
nakangiti ng nakakaloko.

"Anong bang pinagsasabi mo? Pagod ako, kaya please! Lumabas ka na!" Bulyaw ko
habang tinuturo ang direksiyon ng pinto.

Naglakad siya papalapit sa akin hanggang sa pumuwesto siya sa aking likod.

"Ah, napagod ka sa paglapastangan sa katawan ni Abi diba? And worst, pinatay mo pa


siya." Bulong niya sa aking kanang tainga na naging sanhi upang kilabutan ako.

Natulak ko siya ng malakas kaya napahiga siya sa kama.


"Hahaha, easy Ram! Ako pa lang naman ang nakakaalam eh." Wika niya habang
nakahigang tumatawa.

Nagpanic akong bigla na tila ba hindi alam kung ano ang aking gagawin. Malalaman ng
lahat ang paglalapastangang ginawa ko kay Abi na tiyak na ikagagalit nilang lahat.
Wala na akong ibang maisip na gawin para maiwasan ang gusot na ito. Ano ang dapat
kong gawin?

"Binabagabag ka na ba ng konsensiya mo Ram? Well, hindi mo naman na matatakasan


iyan eh." Wika niya habang inaayos ang kaniyang sarili.

"Kung wala kang maitutulong sa akin pwede bang manahimik ka na lang? Oh gusto mong
pati ikaw ay patahimikin ko na rin?" Wika ko. Nagulat ako sa mga salitang lumabas
sa aking bibig. Baka isipin niya na ako pa yung killer.

"Ang tanong, kaya mo ba akong patayin?" Wika niya.

Hindi ako makasagot dahil hindi ko naman talaga kaya.

Maya-maya pa'y yumukod siya malapit sa kama at biglang may kinuha siya sa ilalim
nito.

Isang tali? Ano ang gagawin niya roon?

"Ramil, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Isa lang ang nakikita kong solusyon
upang hindi nila malaman na ikaw ang pumatay kay Abi." Wika niya habang tangan-
tangan ang lubid.

"Ano naman iyon?" Tanong ko.

"Magpakamatay ka gamit ito. Iisipin nila nagSuicide ka kapag nakita nilang


nakabigti ka." Wika niya habang iniaayos ang lubid.

Ano? Gagawin ko ba? Alam kong maraming nagmamahal sa akin lalo na yung family ko
kaso hindi na kaya ng konsensiya ko ang kasalanang nagawa ko eh.
"Bakit nga ba iyan ang suhestiyon mo?" Tanong ko.

Nacurious lang ako kung bakit niya ito ginagawa at paano niya nalaman ang ginawa ko
kay Abi. Hindi kaya, siya yung killer?

"Ahm, ano ba sa tingin mo?" Tanong niya habang nanlilisik ang kaniyang mga mata.

"Sabi na nga ba eh, ikaw ang killer! Pero, bakit mo ginagawa ang lahat ng ito?"
Wika ko habang binubuksan ang record sa cellphone ko ng palihim.

"Simple lang, I want you all to suffer." Matipid niya sagot habang nakatayo lang sa
kaniyang pwesto kanina.

"Ganun pala. Pwes, hindi ko na hahayaan pa na mapatay mo kaming lahat." Wika ko


sabay sugod sa kaniya na akmang susuntukin siya.

Napatigil ako ng makaramdam ako ng panghihina. Nakita kong may nakaturok na


injection sa aking braso. Paano niya naturok sa akin ito? At tuluyan na akong
bumagsak sa sahig.

"Don't worry Ramil, pampakalma lang iyan para maisagawa ko ang plano ko haha!" Wika
niya.

Killer's POV

Sayang naman ang kakisigan at taglay na kagwapuhan ni Ramil. Haha! Type pa naman
kita pero kailangan ko itong gawin.

Hirap na hirap ako sa pagbubuhat ng katawan niya para maipuwesto na para bang
nagSuicide siya.

Yup, tama kayo ng hinala. Tinali ko yung lubid sa kaniyang leeg at ngayon ay
malapit na siyang mamaalam sa mundo.
Pero bago iyon siyempre, nilagyan ko muna siya ng Letter S sa kaniyang noo. I hope
na sana malaman nila ang mensaheng nais kong iparating sa kanila.

"Goodbye Ramil!" Wika ko at tuluyan ko na siyang ibinigti.

Hahaha! Natutuwa ako sa mga ginagawa ko. Mabuti na lang at hindi pa nabubulilyaso
ang aking plano.

Ngayon, dalawa ang naligtip ko ng walang kahirap-hirap.

Letter R and Letter S, accomplished! 22 letters left! Mas gusto ko sana yung brutal
talaga kaso, nakadepende ito sa letrang hawak nila kaya saka na! Maswerte pa rin
ang mga natitira haha!

Ahm, sino kaya ang unang makakapansin sa mga bangkay? Excited na akong makita ang
mga reaksyon nila haha!

---

Masayang nagkukwentuhan yung iba sa baba habang yung iba ay nasa kaniya-kaniyang
silid.

"Uy guys, balik na muna ako sa kwarto. Kawawa naman si Abi walang kasama diba?"
Pagpapaalam ni Mia sa kaniyang mga kasama.

"Oh sige, balik ka rito mamaya ah? Magkukwentuhan pa tayo." Wika ni Jake.

"Ayie, may namumuo na bang relasyon sa inyong dalawa?" Pangungulit ni Joan.

"Adik ka talaga Joan! Wala noh!" Pagtataray ni Mia at tuluyang nilisan ang lugar.

"Nakakabagot! Gusto ko tuloy makipagjamming mamaya kaming Mp5 para naman mabawas-
bawasan ang tensiyon diba?" Wika ni Mia sa kaniyang sarili.
"Pero syempre, kailangan namin ang Pop Diva na si Abi hehe." Dagdag pa niya.

Pagkabukas at pagkabukas ni Mia ng pinto, bumungad kaagad sa kaniyang harapan ang


duguan si Abi na walang saplot.

"Ahhhh! Tulong!" Sigaw niya habang napapikit siya at napaatras palabas ng kanilang
kwarto.

"Anong nangyari Mia? Oh God!" Wika ni Nikka na na-shock din sa kaniyang nakita.

"Tulong mga kasama! Si Ramil!" Sigaw ni Jerome na aligagang-aligaga.

"Anong nangyari kay Ramil?" Wika ni Ginny pagkalabas niya galing sa terrace.

"Patay na siya!" Wika ni Jerome.

"No!" Sigaw ni Ginny.

"Guys, anong nangyayari at nagkakagulo kayo rito?" Wika ni Agatha na humahangos sa


pagtakbo.

"Agatha, patay na si Abi at Ramil!" Wika ni Josh habang nakayuko.

Chapter 25
"Ayoko na talaga! Gusto ko ng umuwi!" Wika ni Arianne ng malaman niyang patay na
sina Abi at Ramil.

"Magpakatatag ka pa Arianne, matitigil din ito!" Wika ni Roxette habang patuloy sa


paghagod ng likod ng kaibigan.

"Nawawalan na nga ako ng pag-asa hindi ba malinaw sayo iyon? Ayoko pang mamatay!"
Dagdag pa niya habang patuloy sa paghihinagpis.
"Oo nga, hindi natin alam kung sino ang isusunod ng killer sa atin. Suko na rin
ako." Wika ni Ginny habang naglalakad papuntang terrace at tila ba nanlulupaypay.

"Ikaw din Ginny? Bakit?" Tanong ni Roxette at niyakap ito ng biglang manlumo sa
sahig.

"Wala na si Ramil, akala ko naman ay magiging masaya kami pagkatapos ng bakasyong


ito yung tipo bang mas lalo pang iigting ang nararamdaman namin sa isa't isa. Pero
sa isang iglap lang, nabura bigla ang pinapangarap ko." Wika ni Ginny habang
nakasalampak sa sahig at nakikisabay sa pagdadalamhati ni Arianne.

"Kung alam niyo lang, pati ako nahihirapan! Hindi ko na alam kung ano ang gagawin
ko kung sakali mang ako ang isunod ng killer pero pilit kong pinapalakas ang loob
ko para sa pamilya ko. Kaya kayo, kung gusto niyo pang mabuhay, tumindig kayo sa
dalawa niyong mga paa! Ipaglaban niyo ang tama! Mabuhay hindi para sa sarili mong
kapakanan kundi para sa Pamilya mong nag-aalala sayo sa malayong lugar!"
Pagpapaliwanag ni Roxette habang papalit-palit ang kaniyang tingin sa dalawa.

"Kung magngangangal-ngal na lang kayo diyan ng buong magdamag, pwes, bahala kayo!
Wala namang magagawa ang pag-iyak niyo para makaligtas at upang malupig natin ang
killer eh! Sa totoo nga niyan, dagdag pasakit pa kayo at alalahanin!" Panenermon
niya sa dalawa kaya natahamik ang mga ito kaya tanging paghikbi na lamang ang iyong
maririnig mula sa kanila.

"Ako kasi,gusto ko pang mabuhay kaya ipaglalaban ko ang karapatan kong mabuhay!
Kung gusto niyo pang mabuhay, ayus-ayusin niyo ang sarili niyo!" Dagdag pa niya na
tila ba natauhan yung dalawa.

"Pagpasensiyahan niyo na ako sa mga nasabi ko. Sadyang uminit lang ang ulo ko kaya
magpapahinga na muna ako. Hahayaan ko muna kayo kung ano ang gusto niyong mangyari
sa buhay niyo." Wika ni Roxette at dali-daling nilisan ang lugar na kanilang
kinalalagyan.

"Mukhang tama nga siya. Walang maitutulong kung patuloy akong iiyak." Wika ni Ginny
habang nakayuko at pinupunasan ang mga luhang lumalabas sa kaniyang mga mata.

"Oo nga, ngayon ko lang napagtanto ang lahat. Siguro, ipahinga na muna natin ito at
kalmahin ang ating mga puso sa sobrang emosyong ipinapakita natin." Wika ni Arianne
na nilapitan si Ginny at itinayo ito sa pagkakalugmok nito sa sahig.
"Kaya natin ito Sis, lalaban tayo!" Wika pa niya at niyakap ang kaibigan na puno ng
pag-asa.

Hindi napigilan ng dalawang maluha muli marahil dulot ito ng kaligayahan sa


pagkakamulat sa katotohanan.

"Ginny, Arianne, dumiretso na kayo sa Kitchen. Kumain muna tayo." Bungad ni Kian.

Tinungo ng lahat ang Kusina at ngayon ay sama-sama sila sa hapag-kainan.

"I know guys na hindi maganda ang pakiramdam niyo lalo pa't apat na sa atin ang
namamatay. Sa ngayon, kumain na muna tayo at mamaya natin pag-uusapan ang tungkol
sa kasong ito." Wika ni Agatha at sinimulan na ang pagkain.

Napakatahimik ng paligid. Ni isa sa kanila ay walang umiimik. Tanging pagkalansing


lamang ng kutsara't tinidor sa pinggan ang iyong maririnig.

Makalipas ang ilang minutong walang imikan at katahimikan bumabalot sa gitna ng


kanilang pagkain ay biglang nagsalita si Agatha.

"Batay sa aking pag-iimbestiga, ang death word ni Abi ay RAPE. Oo,


pinagsamantalahan siya. Hindi lang ako sigurado kung ang gumawa ba nito sa kaniya
ay yung killer o may iba pa?" Wika niya habang nakapokus ang lahat ng atensyon sa
kaniya.

"Pero hindi naman namatay si Abi dahil sa panggagahasa sa kaniya eh! Kundi dahil sa
pagkakabagok ng kaniyang ulo sa pader." Wika ni Mia na halos naging bestfriend na
ni Abi.

"Oo tama ka roon, kagaya nga ng sinabi ko, ang Letter na hawak mo ang magiging
sanhi o way ng kamatayan mo. Pilit na lumaban si Abi ngunit wala siyang nagawa.
Kaya we need to be aware at dapat may kasama lagi tayo." Wika niya.

"Ano na nga pala ang gagawin natin sa katawan ni Abi?" Tanong ni Josh.
"Mamaya, dadalhin natin ang bangkay niya doon sa kinalalagyan ng bangkay nina Mae
at Adrian. Gayon din sa bangkay ni Ramil." Aniya.

Iniligpit muna nila ang kanilang pinagkainan bago tinuloy ang kanilang pinag-
uusapan.

"Si Ramil naman, ang death word niya ay SUICIDE. Hindi ko alam kung bakit siya
nagbigti. Ang killer ng ba ang gumawa nito sa kaniya?" Bungad ni Agatha habang
nagsisibalikan sa kaniya-kaniyang upuan yung iba.

"Hindi kaya?" Wika ni Nikka na wari ay nag-iisip.

"Hindi kaya ano?" Tanong dito ni Jerome.

"Hindi kaya si Ramil ang gumahasa kay Abi?" Wika ni Nikka habang sinisimpatiya ang
magiging reaksiyon ng mga kaibigan sa ideyang naisip niya.

"Bakit mo naman nasabi iyan?" Tanong ni Hannah.

"At isa pa, napakabait kaya ni Ramil lalo na sa mga babae. Respectful iyon!" Wika
ni Ethan na malapit nitong kaibigan.

"Ah pasensiya na! Naglalaro lang kasi iyon sa utak ko." Wika nito.

"Kung anu-ano kasi iniisip mong malaswa eh!" Wika ni Henry habang nakadila rito.

"Grabe ah! Baka ikaw! Kasi naman eh, naisip ko lang, bakit ba nagsusuicide ang
isang tao? Ano sa tingin niyo?" Aniya sa mga ito.

"Kapag malaki ang problema!" Wika ni Jake.

"Kapag sawi sa pag-ibig?" Wika naman ni Aaron na nakakunot noo lang.


"Kapag may nagawa siyang mali o kasalanan." Dagdag ni Kian.

"Oo, tama kayo sa sinabi niyo. Malaki ang chance na si Ramil nga ang gumawa ng
karumaldumal na iyon kay Abi pero hindi ako sigurado kung siya ba ang pumatay dito
o kasabwat ba siya ng killer." Pagpapaliwanag niya.

"Wala ka namang ebidensiya sa panhuhusga mo kay Ramil ah! Isa pa, wala naman silang
ugnayan ni Abi." Wika ni Ginny na aminadong nasasaktan sa kaniyang narurinig
patungkol sa ka-MU.

"Oh! I remember na! Noong nga pala ay niligawan ni Ramil si Abi but basted agad
siya!" Wika ni Tin.

"Sa pagkakaalam ko, may feelings nga si Ramil para kay Abi pero hindi ako sigurado
kung hanggang ngayon ay mayroon pa." Wika ni Ethan habang pinaglalaruan ang
kaniyang daliri.

"Mahirap manghusga ng tao lalo pa't wala na ito kaya wala rin tayong mapapala kung
sisisihin natin si Ramil." Wika naman ni Xiara.

"Tama ka! Hindi ako naniniwalang gagawin ni Ramil iyon." Wika ni Ginny na biglang
napatayo kaya hinawakan ito ni Arianne at Joan upang maiupong muli.

"Sa kasong ito, mukhang balak tayong pataying lahat ng killer at malamang, isa
lamang siya sa atin na nandirito kaya mag-iingat tayo. Malay natin, ang katabi pala
natin ang ahas na maaaring tumuklaw sa akin kaya be strong." Wika ni Agatha.

"Sa ngayon, dalhin muna natin ang bangkay nina Abi at Ramil sa dapat nitong
paglagyan kasama ang bangkay nina Mae at Adrian. Kian, Tom, Mark at Karlo, kayo na
bahalang magdala s mga bangkay nila." Wika ni Agatha.

Akmang papaalis na silang lahat sa kanilang pinagmeetingan doon sa kitchen ng


biglang mawalan ng ilaw at kumulog ng malakas.

Nagpanic ang mga babae kaya nagkandatili sila sa takot at sindak. Pawang
natataranta ang lahat at hindi maintindihan kung ano ba ang nangyayari.
"Ahhh!" Sigaw ni Grace at nakaturo sa bandang hagdan. Dahil sa gulat at takot ay
napasaldak siya sa sahig.

"Bakit Grace anong nangyari sayo? Anong mayroon sa hagdan at tinuturo mo ito?"
Tanong ni Dion na nakaalalay sa kaniya ngayon. Halos lahat ng atensiyon ay napunta
sa kaniya.

"M-may babaeng n-nakadungaw doon sa hagdan kanina! Parang nakatingin siya sa


direksyon natin tapos, nakaitim ito!" Wika ni Grace na nagkakanda-utal na dulot ng
takot.

Halos magtaasan ang balahibo ng lahat sa sinabi ni Grace. Lahat ay takot na takot
at kapit na kapit sa kanilang katabi.

"Ahhhh!" Sigaw naman ni Hannah na napayakap bigla kay Agatha sa sobrang takot.

"Anong nangyayari sayo?" Tanong dito ni Agatha.

"May babaeng nakaupo roon sa may sala! Nakaputi ito!" Paliwanag nito na halos
umiyak na sa sobrang takot.

"Wala naman eh!" Wika ni Agatha.

Maya-maya pa ay biglang bumukas bigla ang bintana at nagpasukan ang napakalamig na


hangin. Mangingig ka sa sobrang ginanaw na nagdulot upang mas lalo pang kabahan ang
lahat.

"Guys, totoo ba itong nakikita ko? Nakikita niyo rin ba?" Tanong ni Agatha na
nangangatog na pati tuhod dulot ng takot na kaniyang nararamdaman.

"Oo!" Wika ng lahat.

Unti-unti silang nagkumpol-kumpol sa gitna dahil sa sobrang takot. Naaaninag na


nila ngayon ang babaeng nakaitim sa may hagdan na nakadungaw at nakatingin sa
direksyon nila at yung babaeng nakaputi na nakaupo sa may sala.
Ni isa sa kanila ay walang makakilos dahil takot na takot sila sa kanilang nakikita
ngayon. Hindi nila alam kung ano ang kanilang gagawin.

Biglang naglakad pababa ng hagdan yung babaeng nakaitim na para bang tinutungo ang
direksiyon nila at tumayo bigla sa pagkakaupo ang babaeng nakaputi at tinutungo rin
ang direksiyon nila.

Dahil sa pagkataranta at takot na kanilang nararamdaman ngayon, hindi nila


napigilan ang sarili na humiyaw sa takot at nagtatakbo sa iba't ibang direksiyon na
nagdulot upang sila ay magkahiwa-hiwalay.

Makalipas ang limang minuto ay nagbalik na muli ang kuryente at nagkailaw na sa


buong paligid.

Nagtipon-tipon muli ang lahat sa may kitchen.

"Hindi ako makapaniwala na makakakita ako ng multo!" Wika ni Tom na nagpupunas ng


kaniyang butil-butil na pawis sa kaniyang noo.

"Ako rin! Natatakot na talaga ako! Kung pati yung mga multong iyon ay nakikisali sa
laro, naku! Ayoko na talaga! Mommy ko!" Wika ni Joan na nakatakip ang panyo sa
kaniyang mga mata.

"Guys, hindi ito nakakatuwa at mukhang seryoso ito. Aaminin ko, takot na takot din
ako lalo na ng makakita ako ng multo kaya bago pa muli magpakita yung mga multo,
bumalik na tayo sa kaniya-kaniya nating silid. Sa mga naka-assign sa bangkay ni Abi
at Ramil, kayo na bahala na asikasuhin iyon ok? Tumataas na naman kasi ang mga
balahibo ko at hindi ko alam kung bakit." Wika ni Agatha habang niyayakap ang
sarili na wari mo ay giniginaw.

At umalis na nga yung apat na naka-assign upang isiayos ang bangkay nung dalawa.

"Huwag ka namang ganiyan Agatha! Hindi nakakatuwa yung biro mo!" Wika ni Joan na
kagat-kagat ang kaniyang hintuturo habang palinga-linga sa paligid.

"Hindi ako nagbibiro promise!" Wika nito.


At biglang humangin ng malakas na nagdulot upang lumakas ang kaba nilang lahat.

"Ahhhh!" Sigaw ng lahat at dali-daling tumakbo sa kaniya-kaniya nilang mga silid.

Chapter 26
Sa pagpunta nina Kian, Tom, Mark at Karlo sa bangkay ng dalawa, inuna na nila ang
kay Abi.

"Oh shit pare! Ang kinis nga talaga ng balat ni Abi!" Bungad ni Karlo pagkabukas
nila ng silid na kinalalagyan nito. Tanging kumot lang ang ginamit kanina ng mga
babae upang balutin ang katawan ng dalaga.

"Oy tol, huwag mo ng pagnasahan si Abi. Kita mo ng wala na yung tao oh!" Wika ni
Mark na naunang pumasok sa loob.

"Oo nga! Tsaka kamamatay lang din ni Mae hindi ka man lang magpatinag." Wika naman
ni Kian na kasunod ni Mark.

Naupo muna silang apat sa may kama at nagkwentuhan.

"Mga tol, sino sa tingin niyo ang gumawa nito kay Abi?" Tanong ni Tom habang
nakahiga at nakatitig sa labas ng bintana.

"Wala akong ideya, at isa pa, mahirap ng maghinala sa mga oras na ito." Wika ni
Mark habang nakadungaw sa bintana.

"Anong ibig mong sabihin na sa mga oras na ito?" Tanong ni Kian habang ineexamine
ang bangkay ni Abi.

"Malay niyo, isa pala sa atin ang killer diba? Mahirap na, gusto ko pang mabuhay at
maamin sa kaniya ang aking tunay na nararandaman." Wika nito habang patuloy na
natitig sa langit.

"Pare, huwag ka na kasing magpakatorpe." Pagtapik ni Karlo sa kaniyang balikat.


"Kung ako sayo, habang maaga pa ay aamin na ako lalp na't alam kong may
kakumpitensiya ako." Dagdag pa niya.

"Oo nga naman, kilala mo naman si Ethan. Paano kapag naakit sa kaniya si Roxette?
Ade magmumukmok ka na lang diyan sa sulok?" Dagdag pa ni Tom habang nakapikit.

"Tama kayo. Pero hahanap muna ako ng tamang tiyempo at palalakasin ko muna yung
loob ko. Ewan ko ba! Hindi naman ako ganito sa mga babaeng nagkagusto ako o minahal
ko. Tanging siya lamang ang nakakagawa upang magkaganito ako." Wika ni Mark sabay
buntong-hininga.

"Eh kailan ka pa aamin niyan? At paano kung siya na ang isunod ng killer?" Wika ni
Kian na nagpabilis sa kaba ng binata.

"Huwag naman sana pare." Aniya.

"Baka naman kapag patay na siya tsaka ka umamin. Haha!" Biro ni Tom.

"Sana hindi pa huli ang lahat kapag umamin na ako sa kaniya." Ang tangi niyang
nasambit.

"Ahhhh!" Narinig nila ang hiyawan ng mga kasama sa baba at nagmamadaling


nagsipanikan at nagsibalikan sa kanilang mga kwarto. Wari mong sila'y nagtatakutan.

"Mga loko talaga! Takutin ba naman ang mga sarili? Haha!" Wika ni Kian ng makitang
natataranta sa takot ang mga ito.

"Tara dalhin na natin yung bangkay ni Abi sa dapat nitong paglagyan." Wika ni Tom
at tumayo na sa pagkakahiga.

Nagtulong-tulong silang dalhin ang bangkay ng dalaga sa dapat nitong paglagyan at


sunod na tinungo ang bangkay ni Ramil.

"Ano sa tingin niyo mga pare at nakabigti itong si Ramil? Kagagawan kaya ito ng
killer o nagpatiwakal siya mag-isa?" Tanong ni Tom habang tinatanggal ang lubid na
nakatali sa leeg nito.

"Pwede both? Hehe.. malay niyo tinangka niya talagang magpatiwakal kaso noong
mapagtanto niya na mali pala ang kaniyang gagawin ay binalak niyang huwag na lamang
itong ituloy kaso nadatnan siya ng killer at dahil doon, tinuluyan na siya ng
killer." Pagpapaliwanag ni Karlo.

"Bakit naman kaya siya magpapatiwakal kung sakali man?" Dugtong ni Tom.

"Bakit ba ang dami mong tanong? Bilisan mo na lang diyan para makapagpahinga na
tayo." Angal ni Karlo na nakaupo sa may kama.

"Siguro ay nakukunsensiya siya sa ginawa niya kay Abi." Wika ni Mark na katabi ni
Karlo.

"Bakit naman si Ramil ang hinala mo sa pagkamatay ni Abi?" Aniya.

"Kasi, ang dami niyang kalmot diyan sa braso niya. Malamang, nanlaban si Abi."
Paliwanag nito.

"Eh hayop naman pala itong gagong ito eh! Dapat lang sa kaniyang mamatay!" Wika ni
Kian na naging malapit din kay Abi.

"Oh ayan, okay na! Dalhin na natin doon para makapagpahinga na tayo." Wika ni Tom
habang pinupunasan ang mga pawis na tumatagaktak sa kaniya mukha.

Inangat ni Tom ang bangkay ni Ramil at biglang nalaglag ang cellphone nito mula sa
kaniya bulsa. Dinampot ito kaagad ni Karlo.

"Aba, maganda pala cp niya. Malay natin may mga video siya na maaaring
pakinabanggan? Haha! Matingnan nga!" Wika ni Karlo habang kinakalikot ito.

"Basta sa mga ganoong bagay Karlo napakasigla mo haha!" Biro ni Mark.

Ibinaba muna nila ang katawan ni Ramil sa sahig at nagkumpulan sa may kama.
Nang buksan ito ni Karlo, nanghinayang lang sila dahil may password ito kaya
ibinulsa na lamang iyon ni Karlo at nagbanakasakali na mayroong nakakaalam ng
password nito.

"Wait lang mga pre, pahinga muna tayo ng 5 minutes hehe." Wika ni Tom na pagod na
pagod.

Sinang-ayunan naman siya ng lahat.

"Nakita niyo ba yung babaeng nakaputi at babaeng nakaitim kanina?" Pagbubukas ng


topic ni Kian.

"Ah iyon ba? Oo! Hindi lang ako sigurado kung multo ba talaga ang mga iyon o gawa-
gawa lang ng isa sa atin." Wika ni Karlo.

"Pero aminin ko, kinikilabutan ako kanina. As in, lahat ng balahibong dapat tumayo
ay tumayo na." Wika ni Mark.

"Ako rin, masasabi ko kasing multo iyon kasi aaminin ko sa inyo, nakakakita ako ng
multo kaya sure akong multo iyon!" Wika ni Tom.

"Huwag na nga natin pag-usapan yung multo na iyan. Change topic nga." Ani ni Karlo.

Biglang napadako ang tingin ni Mark sa letrang nakasulat sa noo ni Ramil. Letter S.

"Rape and Suicide." Wika nito at napatingin sa kaniya bigla ang kaniyang mga
kasama.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Kian.

"And death word nina Abi at Ramil ay Rape and Suicide." Aniya.
"Kayo ba, handa na ba kayong harapin ang napipintong oras ng inyong kamatayan?"
Tanong ni Mark.

"Hindi pa!" Ani nilang tatlo.

"Dalawang araw pa lang tayo rito pero apat na ang namamatay sa mga kasama natin.
Ano kaya ang motibo ng killer at iniisa-isa niya tayo?" Wika niya.

"Tama na iyan. Dalhin na natin yung bangkay ni Ramil doon." Pagbasag ni Karlo at
dinala na nga nila ang bangkay nito sa dapat nitong paglagyan.

Nang mailagay na nila ang bangkay ni Ramil sa tabi ng bangkay ng tatlo ay may
biglang pumasok na ideya sa isip ni Mark.

"O, F, R, S. Hindi kaya, may mensaheng nais iparating sa amin ang killer?" Tanong
niya sa kaniyang sarili.

"Oy Mark, magpapaiwan ka ba diyan? Tara na!" Wika ni Kian habang hinihintay siyang
makalabas ng tatlo doon sa may pintuan.

"Oo ayan na!" Wika niya at tuluyan ng nilisan ang lugar na iyon.

"Malalaman ko rin ang kasagutan sa aking katanungan."

Killer's POV

Hahaha! 4 down! 21 na lang kaming natitira rito. Mukhang mas mgiging exciting pa
ang mga susunod na mangyayari hihi!

Ano kaya kung mas brutalan ko pa ang kamatayang igagawad ko sa kanila? Hhmm,
mukhang mas masaya nga haha!

Ikaw na ang sunod! Babaeng matabil ang dila haha!


Chapter 27
Kinabukasan, maagang gumising si Karlo upang ikonsulta sa matalik na kaibigan ni
Ramil na si Ethan ang cellphone nito.

"Uy Ethan, papasukin mo ako! Si Karlo ito!" Wika niya habang kinakatok ang pintuan.

At dahil nga naging crime scene ang kwarto nila ni Ramil at hindi pa ito nalilinis,
minabuti muna niyang matulog sa kwarto nina Tom at Henry.

"Ano ba pare, kita mong inaantok pa yung tao oh! At ang aga pa ay nambubulabog ka
na kaagad." Bungad ni Ethan pagkabukas niya ng pinto. Kita mo sa mukha nito na
napuyat ito at dahil doon, lumabas ang kaniyang pagiging chinito.

"Pasensiya na pare kung naabala kita." Wika ni Karlo na dali-daling pumasok sa


loob.

Sumalampak sila sa sahig para makaupo. Tulog pa kasi hanggang ngayon ang kasama
nito sa kwarto.

"Ano ba kailangan mo pare at madaling-madali ka?" Tanong ni Ethan na pumupungay-


pungay pa. Talaga ngang inaantok pa siya.

"Eto kasing cellphone ni Ramil nakuha ko. Malay natin mayroon siyang alam mo na
yung mga video. Eh may password. Alam mo ba password nito?" Sabay labas niya ng
cellphone.

"Asus, umagang-umaga eh ayun agad ang inaatupag mo. Pwede namang mamaya na lang eh!
Oh siya, ABIGAIL ang password ng cellphone niya." Wika ni Ethan habang
nakapangalumbaba.

"Oh talaga? Salamat pare ah!" Masiglang wika ni Karlo at tinype na nga ang password
at bumukas ito.

"Wait nga lang, bakit ABIGAIL ang password niya?" Curious na tanong nito.
"Kasi nga, may lihim na pagtingin si Ramil kay Abi. Ako lang ang pinagsabihan
niya." Wika ni Ethan habang nakapikit at nahiga na ng tuluyan sa sahig.

"Talaga? Eh diba nagkakamabutihan sila ni Ginny?" Dugtong pa nito.

"Ah iyon ba? Tsk, pustahan lang namin iyon. Tsaka, go with the flow lang siya. Wala
talga siyang pagtingin kay Ginny dahil si Abi talaga ang mahal niya kahit alam
niyang wala siyang pag-asa rito." Aniya.

"Ganun pala, kawawa naman pala si Ginny. Eh yung sayo? Pustahan niyo rin ba yung
kay Roxette?" Ani nito.

"Oo noong una, nung times na baliw na baliw ako sa pananakit sa akin ni Agatha pero
hindi naglaon ay sumuko na ako sa pustahan namin dahil Mahal ko na ngayon si
Roxette pre." Wika niya sabay bangon sa kaniyang kinahihigaan.

"That's the power of love! Hehe!" Biro ni Karlo sabay tapik sa balikat ni Ethan.

"Sige na, matutulog muna ulit ako." Wika ni Ethan at nahiga sa sahig.

"Sige pre! Salamat ulit!" Wika nito. Akmang tatayo na si Karlo upang lumabas ng
kwarto ng biglang magplay ang record sa cellphone ni Ramil.

"Sabi na nga ba eh, ikaw ang killer! Pero, bakit mo ginagawa ang lahat ng ito?"
Nang marinig iyon ni Karlo ay napatigil siya sa paglalakad at napahinto sa may
tapat ng pinto.

"------" Hinihintay niyang sumagot ang killer dahil kapag narinig niya ang boses
nito ay makikilala niya kung sino ang killer ngunit bigla itong namatay.

"Buwiset naman oh! Kung kailan ayun na! Tsaka pa nadeadbat itong cellphone ni
Ramil!" Wika ni Karlo ng may bahid ng panghihinayang.

Nilisan niya ng matahimik ang silid dahil niyang maabala pa ang tatlo na mahimbing
na natutulog.
Balak niyang tunguin ang kwarto ni Ramil upang kuhanin ang charger nito ng biglang
magpop-up sa utak niya na pareho lang pala ang charger nila kaya minabuti na niyang
iyon ang gamitin.

Papaakyat na siya ng hagdan ng makasalubong si Joan sa hagdan. Dahil sa sobrang


pagmamadali, nagkabungguan sila at nabitawan niya ang cellphone ni Ramil.

"Ay potek naman oh! Baka masira pa ito sa sobrang katangahan ko!" Wika niya at
napasabunot na lamang siya sa kaniyang buhok.

"Paano na namin malalaman kung sino ang killer? Hindi ka kasi nag-iingat Karlo eh!"
Paninisi niya sa kaniyang sarili at dinampot niya ito.

"Anong ibig mong sabihin? Paano natin malalaman kung sino ang killer sa pamamagitan
ng cellphone na iyan?" Wika ni Joan na may halong pagtataka.

"Sige sasabihin ko sayo ah? Pero huwag mong ipagkakamulat muna okay?" Wika ni Karlo
sabay pamulsa ng cellphone ni Ramil.

"Yung cellphone na ito ay kay Ramil at ni-record niya ang pag-uusap nila ng killer.
Once na maicharge ko ito, tiyak na matitigil na ang kahibangan ng killer at hindi
na tayo mababalisa pang muli." Pabulong na wika ni Karlo.

"Ah ganun pala, ni-record ni Ramil sa cellphone niya ang pag-uusap nila ng killer,
talino niya ah!" Napalakas na wika ni Joan.

Biglang tinakpan ni Karlo ang bibig ng dalaga dahil tila nag-echo sa loob ng bahay
ang sinambit nito.

"Mahadera ka talaga! Dapat hindi ko na sinabi sayo eh. Paano na lang kapag nalaman
ng killer? Ade patay tayong lahat? Hay, hindi kasi nag-isip." Wika ni Karlo na nag-
init ang ulo.

"Pasensiya na kung matabil ang dila ko ah? Hindi ko naman sinasadyang mapalakas ang
pagsasalita ko eh." Wika ni Joan na biglang napayuko na para bang iiyak na.
"Huwag kang iiyak. Wala naman akong gagawin sayo eh. Sige na, aakyat na ako." Wika
niya at tinungo na niya ang kaniyang silid.

"Oh pare! Aga mo yatang nagising ngayon? Saan ka galing?" Tanong ni Jake na ka-
roommate niya pagkabukas at pagbukas pa lamang niya ng pinto.

"Ah uminom lang ako ng tubig sa baba hehe!" Pagsisinungaling niya. Ayaw na muna
niyang may makaalam ng tungkol sa cellphone ni Ramil.

Tinanggal niya ang kaniyang short. Tanging boxer short lamang ang suot niya at
sando tsaka muling natulog.

"Tok! Tok! Tok!" Pagkatok ni Tin sa kwarto nina Karlo at Jake.

"Ano kailangan mo Tin at naparito ka?" Tanong ni Jake.

"Maglalaba na kasi kaming mga girls ng mga maduduming damit kaya akina yung damit
niyong marumi ni Karlo." Wika nito sabay nadungaw sa may pinto.

"Okay sige sandali lang." Wika nito at kinuha ang mga marurumi niyang damit.

"Isasama ko na rin ba itong short ni Karlo? Ahm, marumi naman na siguro ito kaya
sige." Wika niya at idinamay ang short ni Karlo na kung saan naroroon ang cellphone
ni Ramil.

Killer's POV

Aba! lintek na Ramil na iyon, ginamit ang cellphone niya para i-record ang pag-
uusap namin. Pwes, kailangan ko iyong makuha.

Salamat kay Joan sa pagiging mahadera niya at narinig ko ang pag-uusap nila ni
Karlo kanina. Haha! Hindi pwedeng mabulilyaso ang mga plano ko ng dahil lamang sa
cellphone na iyon.

Nandito kami ngayong lahat ng babae para maglaba. Yup, lahat kami ay maglalaba.
Hindi ko alam kung kaninong short itong hawak ko pero may nakapa akong matigas sa
may bulsa kaya tiningnan ko.

"Oh shocks! Sadyang umaayon sa akin ang kapalaran! Eto yung cellphone ni Ramil kung
hindi ako nagkakamali. Haha!" Wika ko sa aking isip.

Hindi ko na pala kailangang pumuslit pa sa kwarto ni Karlo ng palihim eh. Syempre,


alangan naman itago ko ito diba? Tiyak na hahanapin niya ito kaya mas maganda
siguro kung masira na lang. Isama natin sa labahan! Haha!

At eto na nga, isinilid ko na ang short ni Karlo sa washing machine kasama ang
cellphone na naglalaman ng ebidensiya para makilala nila ako. Haha!

Habang busy ang kababaihan sa paglalaba, at pagbabanlaw, biglang nagsalita si Tin.

"Hey guys! Who's the owner of this cellphone kaya? Sayang naman at nasama sa
labahan. Nasira na yata oh!" Wika niya sabay pakita ng cellphone na basang-basa.

"Itabi mo muna, tiyak na may maghahanap niyan. Sayang at mukhang sira na." Wika ni
Agatha habang nagbabanlaw ng ibang labahin.

"Okay!" Wika nito.

Samantala, alas-dose na nagising si Karlo at hinanap niya kaagad yung short niya
para i-charge ang cellphone ni Ramil.

"Pare, nasaan yung short ko rito kanina?" Tanong niya kay Jake.

"Nilabhan na ng mga girls kanina. Tanong mo na lang sa kanila. Bakit ba?" Ani nito.

"Ah wala wala thanks!" Aniya.


"Patay!" Wika niya sa kaniyang sarili at dali-dali tinungo yung baba.

Humahangos siyang tinungo ang kinaroroonan ng mga kababaihan.

"Ahm girls, may nakita ba kayong cellphone sa shorts ko?" Wika niya.

"Ah eto ba?" Wika ni Tin sabay pakita ng cellphone.

"Pasensiya na at hindi namin napansin kaagad. Mukhang nasira na pero try mong
ibilad at patuyuan malay natin gumana ulit diba?" Ani ni Tin.

"Sige salamat na lang!" Wika ni Karlo at nilisan kaagad yung lugar.

"Paano na ngayon ito?" Ang tangi niyang nasambit habang naglalakad pabalik sa
kaniyang silid.

Chapter 28
Joan's POV

Good Morning sa inyo! Aba, ang aga ko yatang nagising ngayon! Idagdag mo pa ang
pagiging masigla ko! Oh diba, pak! Wiggle it! Haha!

Nakakahiya mang aminin pero ako talaga ang tinaguriang Chismosa ng Sambayanan. Ewan
ko ba, tuwang-tuwa ako lalo na kapag nakakapanlait ng tao haha! Ang sama ko noh?
Pwes, normal lang iyon! Haha!

Sa pang-araw-araw ba naman ng iyong buhay ay hindi ka makakagawa ng kasalanan?


Syempre, sinners tayong lahat.

Medyo malakas ang signal ko basta kapangitan ng isang tao ang pag-uusapan. Oo na,
wagas na ako kung makapanglait kahit hindi naman ako masyadong maganda, atleast,
sexy na, cute pa! Haha!

Wala akong magawa ngayon dito sa balkonahe kaya hayaan niyo muna akong magkuwento
ng mga kalokohan kong ginagawa noon hehe..

Naalala ko noong third year high school ako, mayroon akong nakaaway. Babae
malamang. Binibiro ko lang naman siya eh.

Sa totoo niyan, siya ang pinakapanget kong kaklase noon. Minsan, nanghihingi ako ng
papel, yung one whole kasi nga may quiz kami. Eh ayaw ba naman akong bigyan, ayun!
Sinabihan ko ng...

"Kahit kailan talaga eh napakapakla mo!" Wika ko habang ipinagduduldulan ang


salitang iyon sa kaniyang pagmumukha. Oo wagas nga ako makalait dahil dinaig niya
pa si Chakadoll sa sobrang kapangitan niya.

Ayun, umiyak at na-office ako haha! Kurat eh sensya na! Hehe!

Eto may ikukwento naman akong katangahan ko haha! Ako kasi, hindi mahilig sa mga
gulay. Hindi ko alam ang mga iyon kaya minsan, inutusan ako ng Lola ko na bumili ng
celery sa palengke...

"Manang, pabili nga po ako ng Celery!" Wika ko sa tindera.

"Sige Ineng, kumuha ka na riyan." Wika nito habang inaasikaso ang ibang mamimili."

"Okay po!" Masigla kong wika at dumampot ng gulay malapit sa akin.

Pagkauwi ko ng bahay noon...

"La, eto na yung Celery na pinabili ko." Wika ko sabay abot ng supot na hawak ko.

"Ang tanga mo namang bata ka! Ang sabi ko Celery ang bilhin mo hindi Patatas!" Wika
ni Lola habang tumatalsik pa ang laway sa sobrang kapootan kaya dahil sa hiya ko ay
nagtatakbo ako palayo.

Haha, ang tanga ko talaga pagdating sa gulay hanggang ngayon. Tama na nga ang
kwento! Haha!
Nakakatamad naman! Wala akong magawa ngayong ang aga kong nagising. Makapanuod na
nga lang sa sala.

Dali-dali akong tinahak ang hagdan pababa. Hindi ko napansin na papaakyat si Karlo
kaya nabunggo ko siya at nabitawan niya ang hawak niyang cellphone.

"Ay potek naman oh! Baka masira pa ito sa sobrang katangahan ko!" Wika niya at
napasabunot na lamang siya sa kaniyang buhok.

Anong nangyari dito? Cellphone lang gumaganon na kaagad? Tinanga pa ang sarili?
Haha! Sabagay, tanga naman siya talaga haha!

"Paano na namin malalaman kung sino ang killer? Hindi ka kasi nag-iingat Karlo eh!"
Paninisi niya sa kaniyang sarili at dinampot niya ito.

Huh? Hindi ko siya maintindihan. Ano naman kaya ang kinalaman ng killer doon sa
cellphone?

"Anong ibig mong sabihin? Paano natin malalaman kung sino ang killer sa pamamagitan
ng cellphone na iyan?" Wika ko na may halong pagtataka. Hindi ba niya napapansin na
nandito pa ako? Ano ako, multo? Haha! Ang cute ko naman palang multo hehe.

"Sige sasabihin ko sayo ah? Pero huwag mong ipagkakalat muna okay?" Wika niya sabay
pamulsa ng cellphone na hawak niya.

"Yung cellphone na ito ay kay Ramil at ni-record niya ang pag-uusap nila ng killer.
Once na mai-charge ko ito, tiyak na matitigil na ang kahibangan ng killer at hindi
na tayo mababalisa pang muli." Pabulong na wika niya sa akin.

"Ah ganun pala, ni-record ni Ramil sa cellphone niya ang pag-uusap nila ng killer,
talino niya ah!" Wika ko na parang napalakas yata.

Biglang tinakpan ni Karlo ang aking bibig dahil tila nag-eecho sa loob ng bahay ang
sinambit ko.
"Mahadera ka talaga! Dapat hindi ko na sinabi sayo eh. Paano na lang kapag nalaman
ng killer? Ade patay tayong lahat? Hay, hindi ka kasi nag-isip." Wika ni Karlo na
nag-iinit na ang ulo.

Pasaway kasi itong dila ko eh! Masyadong makati! Bakit ba hindi ko makontrol ang
aking sarili at manahimik na lang sa isang tabi?

"Pasensiya na kung matabil ang dila ko ah? Hindi ko naman sinasadyang mapalakas ang
pagsasalita ko eh." Wika ko na habang nakayuko na para bang na-iiyak na ako.

"Huwag kang iiyak. Wala naman akong gagawin sayo eh. Sige na, aakyat na ako." Wika
niya at tinungo na niya ang kaniyang silid.

Aba, napahigh-blood ko pa siya. Asar naman oh! Kay aga-aga bad vibes agad? Hay.

Tinungo ko na ang living room para manood ng T.V.

"Nakakaasar kang babae ka! Paasa!" Wika ko. Masyado akong affected sa pinapanood
kong drama. Hindi ko tuloy napansin na napapaluha na pala ako.

Naalala ko tuloy bigla ang pagpapaasa ni Abi kay Dion. Pero okay na iyon, kundi
dahil doon, hindi ko siguro makakadaupang-palad ang lalaking ito haha.

Sa totoo lang, hindi ako naaawa kay Abi. Natutuwa pa nga ako kasi patay na siya!
Haha! Ang sama ko ba masyado? Hehe, sadyang hindi ko lang gusto ang ugali ng Santa
Santitang iyan. Akala mo kung sinong mahinhin, tahimik at anghel na hindi
makasalanan pero deep inside niyan, Silent Killer.

Yup, masama po talaga ang ugali ni Abi. Kunwari pa siyang Maria Clara pero Mara
Maldita siya talaga. Ewan ko ba kung bakit ayaw pa niyang ipakita sa lahat kung
sino ba talaga siya. Basta ako, nagpapakatotoo lang ako.

May codename ako kay Abi haha! Paano ba naman, siya ang Class Treasurer namin tapos
bigla ba namang isinigaw...

"Sino pa ba sa inyo ang hindi pa bayad sa Aklat?"


Haha! Humagalpak ako sa tawa ng marinig ko ang katagang binitawan niya. Libro na
kasi ang kadalasang tawag natin at siya lang ang narinig kong Aklat ang tawag kaya
ang siya si "Aklat Binulatlat."

Masyado na ba akong madaldal? Hehe.. Pagpasensyahan niyo na ako. At isa pa nga


pala, si Ramil naman ang pag-usapan natin.

"Si Ramil ay Under de Saya noon sa kaniyang Ex! Haha!"

Oo tama kayo, at dahil nasasakal na siya, hiniwalayan na niya ito.

Oo, masasabi kong gwapo nga si Ramil hehe. Siya ang lagi kong nirereto at
ipinagmamalaki sa mga kaibigan kong hayuk sa mga gwapings hehe. Parang bugaw lang
eh noh? Hehe, pero siyempre hindi naman ako ganun haha! Pero aaminin ko, isa siya
sa mga naging Crush ko hihi! Kakiro ko! Haha!

Isa rin sa mga naging Crush ko ay si Ethan. Oh Chinito! Haha! Simula noong
napakinggan ko yung kanta ni Yeng Constantino my Idol na Chinito, narealized kong
Crush ko na pala si Ethan. Kaso, mukhang si Bestfriend ang type niya simula noong
naghiwalay sila ni Agatha.

Kilala niyo ba ang BFF ko? Hehe.. si Roxette ang tinutukoy ko. Yup, magkasundo kami
niyan sa lahat ng kalokohan. Magkaiba man kami ng grupong kinabibilangan, still,
bestfriends forever kami! Magkatinginan lang kami, alam na namin ang dapat
pagtawanan haha!

Ewan ko ba kay BFF, long time Crush niya si Papa Mark pero kinikilig din iyan kay
Papa Ethan! Haha! Huwag kayong maingay! Haha! Sino kaya ang pipiliin niya sa
dalawa?

Si Mark kasi, Simpleng Makulit at hindi showy sa kaniyang nararamdaman at si Ethan


naman, sweet na Maloko. Pero kung ako ang papipiliin, kay Ethan ako! Haha!
Kinikilig kasi ako sa sobrang ka-sweetan niyan eh hihi!

At dahil nga ako ang Chismosa ng Sambayanan, marami akong ikukuwento sa inyo.
Si Karlo at Mae, alam ko namang may something s dalawang iyan eh kasi nakikita kong
nagkikita pa ng patago sa likod ng aming Building kapag uwian at sabay pa talagang
umuwi. Hindi ko lang matantiya kung bakit parang hindi affected masyado si Karlo sa
pagkamatay ni Mae. Possible kayang may iba na siyang mahal? Ewan!

Si Adrian at Arianne, alam na alam ko kung ano ang Lovestory ng dalawang iyan!
Hihi! Nakakakilig din! Hindi ko na ikukwento, hayaan na nating si Arianne ang
magkwento sa inyo hehe. Isa lang ang masasabi ko sa dalawang iyan, wagas sila kung
magmahalan.

Naaalala ko tuloy ang kalokohan ni Adrian sa akin. Nakakamiss din. Nalulungkot din
ako dahil isa rin iyan sa mga kaututang-dila ko eh.

Ewan ko ba kay Ginny at nagpapakamartyr siya kay Ramil. Halata namang hindi siya
ang talagang mahal nung tao, sinasakyan lang nito ang kagustuhan niya pero pilit
siyang nagsusumiksik sa buhay ni Ramil.

Eto naman, ng dahil sa polbo, sumama ang loob ko kay Grace haha! Nakakabanas kasi,
manghihingi lang ako ng polbo sasabihin wala tapos kamukat-mukat mo, nagpopolbo sa
isang sulok! Kaasar lang! Ang kapal ng apog niya! Haha!

Isa pa iyang nasa loob ang kulo kaya hindi makasundo. Gusto niya lagi ay sa kaniya
ang atensiyon ng lahat lagi. Isa rin iyang nagsusumiksik sa buhay naman ni Jerome.

Lagi siyang nababadmood kapag si Nikka ang kausap ni Jerome. Ewan ko ba kay Nikka
kung may lihim ba itong pagtingin sa kolokoy na si Jerome.

Natatawa naman ako kay Kolokoy kasi ipinagsisigawan ba naman sa classroom na may
gusto ako sa kanya kahit wala naman talaga. Ayun, nagseselos tuloy ang Boyfie ko
hihi!

"Uy Joan, maglalaba tayong lahat na babae ngayon. Sunod ka na lang." Wika ni Xiara
kasama si Tin na pababa na ng hagdan.

"Okay sige."

Chapter 29
Killer's POV
Mabuti naman at wala ng ebidensiyang makakapagturo sa akin na ako ang pumapatay.
Salamat kay Joan, kundi dahil sa pagiging madaldal niya, hindi ko maririnig ang
usapan nila ni Karlo.

Siguro panahon na para patahimikin ko na siya. Ahm, paano ko kaya kikitilin ang
buhay niya sa paraang hindi niya makakalimutan?

Ayoko sanang gawin ito sa kaniya dahil napalapit na rin ang loob ko rito kaso
kailangan eh, ng hindi mabulilyaso ang plano ko at siya na kasi talaga ang
nakatakda para malaman nila ang mensaheng nais kong iparating. Sana naman, maisipan
nilang may mensahe akong ipinaparating sa kanila.

Si Joan yung taong concern sa lahat kahit na hindi kayo close. Naalala ko pa noon
kung paano niya ako tinulungan na makapasa sa isang nag-aalangan kong subject. Pero
wala na akong magagawa pa kundi tuldukan na ang buhay niya.

Sa ngayon, hinihintay ko na lang ang tamang tiyempo para isagawa ang aking sunod na
plano.

Joan's POV

Nang matapos ang aming paglalaba ay nagpahinga na muna kami at tsaka kami kumain ng
almusal.

Hindi ko pa nga pala naikuwento sa inyo na si Roxette ang Chef namin dito hehe.
Sabi niya sa akin, noong bata pa lang siya, mahilig na siyang magluto at
magexperimento na kung anu-ano pagdating sa pagkain.

Masyado pang maaga, 10am pa lang at wala akong magawa. Kung nasa amin ako, tiyak na
nagtitinda ako sa aming tindahan kaya tiyak na hindi ako mababagot.

Tinungo ko ang balkonahe upang makapagrefresh. Ang sarap nga namang makalanghap ng
sariwang hangin. Ang linaw ng dagat sa paligid. Ang sarap magtampisaw.

Ang yaman talaga nila Ginny. Isang napakalaking bahay ang naipatayo nila sa isang
isla na ganito kaganda. Kung kasing yaman lang ako ni Ginny, wala na akong hahanap-
hanapin pa.

Isa lang naman ang pangarap ko eh, ang makapagtapos ng pag-aaral at maiahon sa
kahirapan ang Pamilya ko.

"Masyado yatang malalim ang iniisip mo ah? Hindi ko masisid." Wika ng isang babae
sa aking likuran.

Humarap ako sa kaniya. Hindi ko akalaing magbibiro siya ng ganito.

"Oh ikaw pala! Wala ito, namimiss ko lang yung Pamilya ko. Lalo na yung Mama ko.
Tiyak na nag-aalala na iyon sa akin." Wika ko habang nagkukuyakoy sa aking
kinauupuan.

"Talagang mahal na mahal ka ng Mama mo noh? Hindi gaya ng Mom and Dad ko, para
walang pakialam sa akin." Wika niya sabay tabi sa aking kinauupuan.

"Huwag mong sabihin iyan. Lahat ng magulang natin ay mahal tayo. Baka marami lang
iniintindi yung Parents mo para sa Future mo." Payo ko sa kaniya.

"At dahil doon, nakalimutan na nilang may anak silang nangangailangan ng kanilang
kalinga at pagmamahal." Wika niya. Batid kong matindi ang kaniyang pinagdadaanan at
mabigat ang problemang kaniyang kinakaharap. Bakas iyon sa kaniyang mukha kaya
niyakap ko na lang siya para mapagaan ang kaniyang pakiramdam.

"Salamat Joan sa pagcomfort sa akin. Sayo ko lang nailabas ito dahil nahihiya akong
ipaalam sa kanila at sabihing mahina ako." Wika niya.

"Wala iyon hehe!" Ani ko.

"Tara pasyal na muna tayo sa paligid. Simula ng makarating tayo rito ay hindi man
lang natin nalibot ang lugar." Wika niya sabay tayo sa aming kinauupuan.

"Oh sige, mukhang marami pa tayong makikitang magagandang tanawin dito." Wika ko at
tumayo na rin.
Binagtas namin ang daan papalabas. Nang medyo malayo-layo na kami ay nagtaka na ako
kasi hindi man lang siya umiimik. Nandito kami ngayon sa may kakahuyan.

"Nakakapagod, magpahinga muna kaya tayo?" Wika niya habang pinupunasan ang
tumatagaktak niyang pawis sa kaniyang mukha.

"Oh sige." Wika ko at naupo ako sa may kahoy.

"Mapakaganda talaga sa lugar na ito." Wika ko habang nakapikit. Ng imulat ko ang


aking mga mata, nagulat ako dahil nakatayo na siya ngayon sa harapan ko at may
hawak na kahoy.

Sa isip-isip ko, possible kayang siya ang killer? Huwag naman sana.

"Oh?! Bakit ka may hawak na kahoy?" Wika ko habang nanginginig sa takot at


nagbubutil ang aking pawis sa may noo.

"Ayoko sanang gawin ito sayo dahil tinuring na rin kitang kaibigan at marami kang
naitulong sa akin. Ikaw lang din ang nagpagaan ng aking pakiramdam sa pagkadami-
dami ng hinanakit sa aking puso kaya salamat!" Wika niya habang nakangiti siya ng
hindi ko mawari kung ngiti ba ito ng pasasalamat o ngiti ng poot na bumabalot sa
kaniyang puso.

"Hindi ko gusto ang tono ng pananalita mo. Maaari naman nating pag-usapan ito eh!
Huwag mo lang akong patayin! Maraming nagmamahal sa akin kaya gusto ko pang
mabuhay." Wika ko. Dahil sa sobrang takot, napasandal ako sa malaking puno.

"Ayun na nga, maraming nagmamahal sayo, sa akin, wala! Kaya kailangan mo ng


mamatay!" Wika niya sabay sugod sa direksyon ko.

Nagkandahikahos at nagkandakuba-kuba na ako sa katatakbo para matakas lang siya


para hindi niya ako mapatay. Nilusutan ko ang makikipot na daan makapagtago lang.

"Hay, salamat naman at natakasan ko rin siya! Muntik na ako doon!" Wika ko sabay
buntong-hininga habang nakasilong sa punong nakabalikwas.
"Sa tingin mo ba ay gayon na lang ako kadali takasan? Pwes, doon ka nagkakamali!
Huli ka!" Wika niya.

Napatigagal ako sa aking kinatatayuan ng marinig ko ang nagmamay-ari ng boses na


maaaring kumitil ng aking buhay. Haharap na sana ako sa kaniya kaso, bigla niyang
hinataw ng kahoy ang aking ulo na nagdulot upang mawalan ako ng malay.

Nagising na lamang ako na nakatali sa upuan, at may busal ako sa aking bibig. Tila
madilim ang lugar na aking kinaroroonan ngayon. Maraming kung anu-anong bagay ang
nakaimbak sa aking paligid marahil ako'y nasa bodega.

"Gising ka na pala." Wika niya ng makapasok siya rito. Tinanggal niya ang busal sa
aking bibig.

"Hayop ka! Pagkatapos ng lahat! Gaganituhin mo lang din pala ako! Wala kang utang
na loob! Masunog sana ang kaluluwa mo sa Impiyerno!" Sigaw ko sa kaniya.
Magkahalong poot, hinanakit, paghihiganti, at awa ang aking nararamdaman ngayon.

Napopoot ako sa kaniya dahil isa-isa niya kaming pinapatay ng walang-awa. Hinanakit
dahil sa halos isang taong pinagsamahan namin ay wala man lang siyang utang na
loob. Pagganti dahil gusto ko rin niyang maranasan ang pambababoy niya sa amin lalo
na sa pagkitil sa aming buhay at awa dahil naaawa ako sa kaniya! Kaya naman pala
halos ipagkait na sa kaniya ang mga bagay na nais niyang makamit dahil masama pala
siyang tao! Mali ang pagkakakilala ko sa kaniya! Naaawa rin ako sa sarili ko dahil
katapusan ko na! Hanggang dito na lang ako at hindi ko na makakamit at maaabot pa
ang pangarap na nais kong matupad.

"Tatanggapin ko ang lahat ng masasakit na salita na bibitawan mo. Alam ko naman sa


sarili ko na mali talaga ako at nagpasakop ako sa kadiliman. Ayoko sanang gawin ito
sayo Jo! Tinuring na rin kasi kitang kaibigan." Wika niya. Nararamdaman ko ang soft
side niya sa mga oras na ito pero mali pa rin kasi talaga.

"Kaibigan? May kaibigan bang kayang patayin ang kaniyang kaibigan?" Sarkastiko kong
iwinika. Gusto kong ipagduldulan sa kaniyang mukha na ganito ba ang gawain ng isang
kaibigan, ang kitilin ang buhay nito ng walang kalaban-laban.

"Oo na! Masama akong kaibigan! At wala akong karapatan para maging kaibigan mo! At
maituring na isang kaibigan! Dahil nga wala akong kwentang kaibigan! Ano masaya ka
na?" Wika niya habang lumuluha ng pagkatindi-tindi sa aking harapan. Feel ko ngayon
kung sino ba talaga ang totoong siya. Hindi niya gustong pumatay pero napipilitan
lang siya at kinakailangan. Pero bakit ba kailangang gawin ito?
"Alam kong mabuti kang tao! Napipilitan ka lang na gumawa ng masama! Pwede naman
nating itong pag-usapan lahat eh para masolusyonan natin kung ano man ang iyong
problema." Wika ko. Nagulat ako ng bigla na namang magbago ang kaniyang aura.
Nakakahindik! Para bang sinapian siya ng masamang espiritu ngayon.

"Ang tanging solusyon lang sa problema ko ay ang patayin kayong lahat! Haha!" Wika
niya. Nanlilisik na ngayon ang kaniyang mga mata na para bang wala pang isang
segundo ay papatayin ka na niya.

"Tigilan mo na ang kahibangang ito!" Sigaw ko.

Nagulat ako ng bigla niya akong hawakan sa aking panga ng pagkadiin-diin kaya hindi
ako pakapagsalita.

"Masyado kang maingay kaya kailangan mo ng manahimik." Wika niya. Sa sinabi niyang
iyon, naramdaman kong katapusan ko na.

"Pero papahirapan na muna kita! Haha!" Wika niya at nilabas ang isang matalim na
balisong at tsaka niya iyon itinutok sa aking mukha.

"Dahil masyado ka ng madaldal, patatahimikin na kita." Wika niya. Pumikit na lang


ako at inihanda ang aking sarili sa kung ano man ang gagawin niya sa akin.

"Ahhh!" Ungol ko ng bigla niyang hilahin ang dila ko. Anong gagawin niya? Oh no!

"Magpaalam ka na sa dila mo! Haha!" Wika niya at biglang tinapyas ang aking dila.

"Hahaha! Ano ka na ngayon? Mawawala na sayo ang titulo na Chismosa ng Sambayanan


dahil wala ka ng dila ngayon." Wika niya sabay lapag ng aking dila sa sahig.

Pinilit kong magpumiglas sa pagkakagapos niya sa akin ngunit nabigo lang ako.

"Alam ko namang hindi ka na makakapagsalita pa kaya tatapusin ko na ang paghihirap


mo!" Wika niya at may inilabas na kutsilyong pagkatalim-talim.
Alam kong manamatay na ako kaya nanalangin na muna ako.

"Lord, kayo na po ang bahala sa Pamilya ko at sa lahat-lahat."

"Ahhh!" Sigaw ko ng bigla niyang utarak ang napatalim na kutsilyo sa aking ulo.

Dumaloy ang masaganang dugo sa aking mukha pababa sa sahig. Nang kaniya itong
hugutin sa aking ulo, tuluyan na nga akong nawalan ng buhay.

Killer's POV

Paalam Jo! Mabuti kang tao pero kailangan mo ng lisanin ang mundong ito.

Itinarak ko naman ang kutsilyong hawak ko ngayon sa kaniyang bunbunan. Nais kong
dukutin ang kaniyang utak upang ipangsorpresa sa kanila mamaya haha!

Done already at Letter U! 21 Letters left! Who's next? Haha!

Chapter 30
Roxette's POV

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makausap ng matino sina Ginny at Arianne kaya
napagpasyahan kong kausapin na lang ang Bestfriend kong si Joan.

Nakakamiss din ang pagkakaryuan naming dalawa. Halos yata sa lahat ng bagay ay
nagkakasundo kami eh. Partners in Crime yata kami niyan. Ang pinagkaiba lang namin
ay hindi ako Chismosa na kagaya niya! Hehe!

Bilib din ako sa kaniya dahil kahit na marami siyang problema, hindi ito ang
nagiging dahilan para sumuko sa buhay. Nginigitian lang niyan ang problema kahit
hirap na hirap na siya.

Ang paborito nga niyang linya eh "Kaya iyan!" Ang word na iyan ang nagpapalakas sa
kaniyang loob para harapin ang mga problemang kinakaharap niya. Kaya sa tuwing
nawawalan ako ng pag-asa, sasabihin niyang "Kaya iyan!" Kaya mas lalong lumalakas
ang aking paniniwala na magagawa ko ang isang bagay kahit na mahirap.

Pinuntahan ko ang kwarto nila ni Nikka ngunit sabi nito ay wala ito doon. Kaya
tinungo ko naman ang kwarto ni Dion at Aaron.

"Tok! Tok! Tok! Dion, nandiyan ba si Joan?" Ani ko.

Biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang boyfriend ng aking kaibigan.

"Wala siya rito Rox eh. Baka nandiyan lang iyon sa tabi-tabi. Alam mo namang parang
kiti-kiti iyon eh. Kung saan-saan nagsususuot." Wika niya.

"Ah okay sige salamat! Hihintayin ko na lang siya dito sa may sala hehe." Ani ko at
tinungo ang sala.

At dahil nauhaw ako, dumiretso na muna ako sa may Kitchen para uminom ng tubig.

Pagkakuha ko ng baso ay hinawakan ko ito at binuksan yung ref para kumuha ng tubig.
Hindi ko alam pero parang biglang dumulas ang aking kamay kaya nabitawan ko ang
basong hawak ko at nabasag ito.

"Naku Rox, masama ibig sabihin niyan! Baka mayroong namatay na malapit sayo." Wika
ni Nikka habang naghuhugas ng aming pinagkainan kanina.

"Ano ka ba Nikka! Hindi totoo yung mga pamahiin na iyan!" Wika ko habang winawalis
ang bubog sa sahig. Aaminin ko, kinabahan ako sa kaniyang tinuran pero sana, huwag
naman.

Nang makainom na ako eh dumiretso na ako sa sala at nanood. Sa aking paghihintay,


hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

"Ahhhh!" May narinig akong sigaw sa may kusina kaya nagising akong bigla. Mayroon
na naman kayang nangyaring hindi maganda?
Tinungo ko ang Kitchen at nagkakagulo silang lahat. May nangyayari na namang hindi
maganda. Possible kayang may namatay na naman?

"Anong nangyari dito guys?" Tanong ko. Tumingin silang lahat sa akin pero ang
pumukaw ng atensiyon ko ay si Mia na nakayapos sa aking minamahal.

Why o why? Nagseselos ba ako dahil nakita kong nakayakap si Mia kay Mark na para
bang takot na takot? Oo nga! Nagseselos nga ako!

Lalapitan ko na sana sina Mia at Mark ng mapukaw ang atensiyon ko bigla ng bagay sa
may lamesa. Hindi ko kasi suot ang salamin ko ngayon kaya hindi ko maaninaw ang
bagay na iyon kaya ng maisuot ko ang aking salamin, napahinto ako sa aking
paglalakad.

Isang utak ng tao ang nakalagay sa pinggan na para bang inihahain ito sa amin.
Bigla akong kinabahan dahil hindi ko pa rin nakikita hanggang ngayon si Joan.

Biglang pumasok sa isipan ko at pilit na inaalala ang letrang pinanghahawakan niya.

"Oh no! Letter U! Hindi ito totoo! Hindi maaari!" Wika ko at biglang nawalan ng
gana ang aking tuhod kaya napaluhod na lamang ako sa aking pwesto ngayon.

Nilapitan ako ni Ethan at niyakap. Hindi ko mapigilang magpakatatag! Hindi ko kaya!


Kaya ibinuhos ko na ang bugso ng aking damdamin sa mga oras na ito. Nakayakap lang
ako kay Ethan dahil wala akong nagawa para ipagtanggol ang bestfriend ko.

"Goodbye Joan! Mamimiss ka naming lahat!" Wika ng lahat.

Hindi ko mapigilang hindi humagulgol lalo pa't bigla kong naalala ang sinambit ni
Nikka na pamahiin. Nagpaflashback lahat-lahat ang mga masasayang ala-alang aming
nabuo.

Biglang bumukas ang pinto sa kusina at pumasok si Dion na wala sa sarili. Kita mo
sa kaniyang mukha na labis-labis siyang nagdadalamhati sa pagkawala ng kaniyang
kasintahan.
Bitbit-bitbit niya ang katawan ni Joan na wala ng buhay. Nang maibaba niya ito sa
sahig, nakita ko kaagad ang nakasulat sa kaniyang noo, ang letrang U.

Hindi na ako nagpatinag pa at tinakbo ko kaagad yung bangkay ng aking kaibigan.


Hinawakan ko ang kaniyang kamay. Kita mo kung paano siya pinahirapan ng killer.
Wakwak din ang kaniyang ulo na nagpapatunay na sa kaniya nga ang utak na nasa hapag
kainan.

"Joan! Bakit ba bumitiw ka kaagad? Diba pangako natin sa isa't isa na makakauwi
tayo ng buhay dahil ipagluluto pa kita ng paborito mong Karioka! Paano ko magagawa
iyon ngayong wala ka na? Dapat pala hinanap na kita kanina. Marahil buhay ka pa
kung ginalugad at hinalughog ang islang ito para makita ka." Wika ko. Hindi ko
kayang tiising makita siya na wala ng buhay sa aking harapan. Tila sumisikip ang
aking dibdib at nahihirapan akong huminga kaya minabuti ko munang lumayo at ako'y
nagtatakbo sa silid namin ni Mark.

Dion's POV

Laking gulat ko ng makita ko ang isang utak na nakahain sa hapag kainan. Bigla
akong kinutuban dahil kanina pa siya hinahanap ni Roxette pero hindi siya nito
nakita.

Oo nga't mapanganib ngayon na mag-isa ka o walang kasama dahil tiyak na maaari kang
puntiryahin ng killer kaya naman nagsisisi ako at sinisisi ko ang sarili ko dahil
wala akong kwentang boyfriend! Pinabayaan ko siya na mag-isa.

Dali-dali kong hinalughog ang bawat sulok at paligid ng bahay. Halos mawalan na ako
ng pag-asa ng halos puntahan ko na lahat ang pwedeng paglagyan ng killer ng katawan
nito pero hindi ko mahanap.

Nang ako ay napayuko na lang dahil halos sumuko na ako, napansin ko ang patak ng
mga dugo patungo sa likod ng bahay. Doon ko napagtanto na may bodega pala dito at
natagpuan ko nga ang bangkay ng aking mahal.

Nagtatakbo ako papalapit sa kaniyang labi at niyakap ito ng pagkakahigpit-higpit.

"Patawarin mo ako mahal dahil hindi kita naprotektahan ngayong higit na kailangan
mo ang tulong ko. Ang tanga ko lang dahil hindi ko naisip kaagad na mapanganib nga
pala ang mag-isa. Kung naging aware kaagad sana ako, malamang kapiling ka pa namin
ngayon. Mahal na Mahal Kita!" Wika ko.
Sa pagragasa ng aking luha, tumambad sa akin sa sahig ang isang dila. Marahil si
Joan ang nagmamay-ari nito. Sinadyang putulin ng killer ang dila niya para hindi
siya makagawa ng ingay at para hindi namin siya masaklolohan.

Mas lalo akong naiyak ngayon. Tila ba dinudurog ang aking kalooban ng makita ko
ito. Wala siyang awa, pati ulo ng aking mahal ay winakwak niya. Ano bang kasalanan
namin sa kaniya at iniisa-isa niya kaming patayin?

Kapag nalaman ko lang kung sino kang killer ka! Humanda ka dahil magbabayad ka ng
malaki sa mga kasalanan mo sa bawat isa. Hindi makatarungan ang iyong ginagawa!
Masunog ka sana sa kadagat-dagatang apoy!

---

Dinala na ni Dion ang Bangkay ni Joan sa dapat nitong kalagyan. Habang ang iba ay
nasa baba at halos mga walang gana para kumain ng Tanghalian ng maalala ang
nakahaing utak sa lamesa.

"Ang brutal pala ng killer! Halos maduwal ako kanina sa utak na nakahain sa hapag-
kainan." Wika ni Hannah.

"Ako rin. Hindi ko maatim na kumain gayong naaalala ko yung utak ni Joan." Wika
naman ni Kian.

"Kung ganoon ang killer, maaari rin niyang gawin sa atin iyon kaya kailangan nating
magdoble ingat." Wika ni Xiara.

"Yeah right! I can't imagine na I am eating an utak ng tao." Wika naman ni Tin na
wari mo'y nandidiri.

"Guys, lima na ang namamatay sa atin sa loob pa lamang ng tatlong araw kaya
magpakatatag tayong lahat! Ipaglaban niya ang buhay niya na huwag basta-basta
kitilin ng killer." Wika ni Agatha.

"Her death word is Utak. Kaya huwag tayong magpaprenty-prenty lang kung gusto niyo
pa talagang mabuhay." Wika ni Henry.
"Kailangan habang maaaga pa, malaman na natin kung sino ang killer para matapos na
ito!" Wika ni Jake.

"Basta, ingatan niyo ang mga sarili niyo." Wika ni Agatha.

Tila nabalisa ang lahat ng makita ang utak ni Joan kanina sa hapag-kainan kaya
hirap ang bawat isa na kumain. Hindi nila maatim na kumain dahil para bang
bumabaligtad ang kanilang sikmura sa tuwing iniisip iyon.

Sa ngayon, dumidiskarte ang bawat-isa kung paano nila matatalo yung killer kung
sakali mang sila ang isunod nito.

Chapter 31
Roxette's POV

Ang ganda naman dito! Puno ng halaman ang kapaligiran. Mga punong sumasabay sa
indayog ng hangin. Mga insektong mapayapang gumagala sa kung saan man. Mga hayop na
masayang binabaybay ang daan. Malamig na simoy ng hangin. Berdeng-berde ang paligid
na para bang ito'y buhay na buhay.

Sa aking paglalakad, wala akong makita ni isang tao man lang. Para akong dinala sa
kakaibang lugar. Yung panahon ba na kalilikha pa lamang ng mundo.

Isang makulay na paru-paro ang nagpaikot-ikot sa aking harapan. Hindi ko mawari


kung ano nais niyang ipahiwatig sa akin at tiyaka lumipad ng dahan-dahan na para
bang gusto niyang sundan ko siya. Hindi na ako nagdalawang-isip pa, magiliw ko
itong sinundan.

Dinala niya ako sa isang talon. Malinaw ang tubig nito na nagbibigay buhay sa
nangangailangan. Aaminin ko, namangha ako sa ganda nito dahil ibang-iba ito sa
talon na napuntahan ko na. Nakakatakot nga lang dahil mataas ito masyado at mukhang
delikado kapag nalaglag ka sa baba at lalo na kung hindi ka pa marunong lumangoy.
Tantiya ko rin kung gaano ito kalalim.

Bigla akong nagtaka sa biglaang pagkawala ang paru-paro na parang bula sa aking
tabi. Ang tubig sa talon ay biglang lumakas ang bumilis din ang pagragasa.
Humangin ng malakas at biglang nagdilim ang kalangitan. Kasabay nito ang malalakas
na kulog at nakakahindik balahibong kidlat. Tila ba may nagbabadyang bagyo na
paparating. Kasabay din nito, bumuhos ang napakalakas na ulan.

Tatakbo na sana ako para sumilong ng biglang may sumulpot na pigura ng isang
babaeng nakaitim sa aking harapan. Halos kumawala na sa takot ang aking kaluluwa sa
sobrang kaba at sindak na aking nararamdaman ngayon.

Mga 1 inch lamang ang pagitan ng mukha ng babaeng nakaitim sa aking mukha. Para
ngang gusto ko na ring takasan ng bait dahil punong-puno ng galit ang mata ng
kaharap ko ngayon.

Hindi masyadong malinaw ang mukha ng babae dahil natatabingan ito ng kaniyang
mahabang buhok. Kung hindi ako nagkakamali, ito yung babaeng nagmumulto sa
tinutuluyan namin ngayon. Siya yung babaeng nakatayo noon sa may hagdan!

Oh no! This can't be! Anong nais niyang gawin sa akin? Bakit siya nagpakita sa akin
ngayon? Anong kasalanan ko sa kaniya?

Akmang hahakbang na ako papaurong upang tumakbo ng biglang may humawak naman sa
aking balikat na nagpataas pa lalo ng aking balahibo.

Nilingon ko ito. Babaeng nakaputi naman. Kung hindi rin ako nagkakamali, siya naman
ang babaeng nagpakita sa amin na nakaupo noon sa may sala. Pawang ako'y
nagugulumihanan dahil ang daming tanong na gumugulo sa aking isipan. Mababaliw na
yata ako!

Iwinasiwas ko ang aking sarili upang matakasan ko ang dalawang multo na nasa aking
magkabilang gilid. Sa kasamaang palad, natalisod ako sa may batong nakausli kaya
na-out of balance ako at ako'y nagdire-diretso't nalaglag sa talon.

"Ahhhh!" Sigaw ko. Napakataas talaga nito at nakakalula rin. Daig mo pa yata yung
tumalon sa ere at sumakay sa space shuttle.

Nakita ko yung dalawang multo na nakatayo sa kanilang kinalalagyan kanina at


nakatingin lamang sa akin. Nagulat ako ng bigla rin silang tumalon sa talon.
Napapikit na lamang ako sa takot at pangamba. Para bang sinusundan nila ako at nais
akong patayin.
Nang ako'y bumulusok na sa may tubig, para bang bigla akong naparalisa. Hindi ko
maigalaw ang aking kamay at paa na nagdulot upang ako'y makainom ng tubig. Halos
malunod na ako sa bilis ng pagragasa ng tubig sa talon.

Naramdaman ko na lang na mayroong kamay na nakahawak sa aking leeg at ako'y


kaniyang sinasakal. Halos hindi na ako makahinga. Dapat na ba akong sumuko? Hindi
ko na kaya eh. Nahihirapan na ako.

"Roxette gising! Binabangungot ka!" Sigaw ng isang pamilyar na boses habang


niyuyugyog ang aking katawan.

Bigla akong natauhan at napabangon bigla sa aking kinahihigaan at umubo. Kasabay


nito ang paglabas ng tubig sa aking bibig.

"Rox okay ka lang ba?" Wika ni Mark habang hinahagod ang aking likod.

Nagpapasalamat ako dahil masamang panaginip lang ang lahat. Napayakap ako kay Mark
ng wala sa wisyo dahil nakaligtas ako sa masamang bangungot na para bang totoo.

"Oo okay lang ako. Salamat!" Wika ko.

Para bang totoo yung aking napaginipan dahil umubo pa ako ng tubig na para bang
nalunod talaga ako. Bigla akong bumalik sa katinuan at humiwalay na sa kaniyang
pagkakayakap.

"Oh, anong nangyari diyan sa leeg mo? Bakit may bakat ng kamay? May sumakal ba
sayo?" Tanong ni Mark.

Ano? Totoo nga bang may bakat ng kamay sa aking leeg? Pero bakit? Hindi ba,
nananaginip lang ako? O totoo iyon lahat? Dali-dali kong tinungo ang salaminan at
tiningnan ko ang aking leeg.

"Oh no! Totoo nga! Ibig sabihin, totoo ang lahat! Totoong naranasan ko iyon!" Wika
ko habang hawak-hawak ko ang aking leeg.

"Ano bang nangyari sayo Rox at nagkakaganiyan ka? May bumabagabag ba sayo?" Wika ni
Mark na tila concern na nasa aking likuran. Sasabihin ko nga ba sa kaniya ang
napaginipan ko? Tsk, huwag na nga muna!

"Ah hehe, wala ito! Salamat sa concern." Wika ko sabay balik sa aming kama.

Aaminin ko, hanggang ngayon ay apektado pa rin ako sa pagyakap kanina sa kaniya ni
Mia. Hmm, si Jo!

"Nasaan na nga pala yung bangkay ni Joan?" Mahinahon kong tanong kay Mark. Oo,
hindi ko pa rin tanggap ang nangyari sa aking BFF pero kailangan kong tanggapin
kahit mahirap. Ngayon, alam ko na kung gaano kasakit ang pinagdaraanan nina Ginny
at Arianne. Wala naman akong magagawang matino kung magmumukmok at magdadalamhati
sa aking kwarto. Kailangan kong humingi ng tawad sa dalawa.

Oo masakit pa rin hanggang ngayon lalo pa't hindi kami nagkikibuan nina Arianne at
Ginny. Ipinapakita ko lang na okay na ako pero deep inside unti-unti pa rin akong
dinudurog. Yung araw ko nga ay hindi nabubuo hangga't wala kaming napagkakaryuan ng
aking kaututang-dila. Basta, kapag siya ang kasama ko, lagi akong masaya. Pero
ngayong mayroon kaming hindi pagkakaunawaan ng dalawa ko pang kaibigan, mas
masakit.

"Dinala na nila kanina sa lugar kung saan tinitipon ang mga bangkay." Wika niya.

"Ah sige salamat! Punta na lang ako roon mamaya." Wika ko.

"Oo nga pala, nagugutom ka ba? Gusto mo bang ipaghanda kita ng pagkain?" Wika niya.

Oo nga pala, gabi na at hindi pa ako kumakain. Wala pa akong gana sa ngayon.

"Salamat na lang Mark. Hindi kasi ako gutom eh. Sige, puntahan ko muna si Ginny at
Arianne sa room nila." Wika ko at tuluyan ko ng nilisan ang aming kwarto.

Hay, kasalanan ko naman ang lahat kaya ako dapat ang humingi ng sorry doon sa
dalawa.

Mark's POV
Bakit siya ganun? Iniiwasan ba niya ako? May galit ba siya sa akin? May nagawa ba
akong mali?

Dapat ko na lang sigurong intindihin siya gayong kamamatay lang ng kaniyang BFF.
Marahil hindi pa maayos ang kaniyang pakiramdam kaya ganun siya makitungo sa akin.

Hay! Huwag ko na nga muna siyang isipin! Dapat ko munang pagtuunan ng pansin ang
nais iparating o ipahiwatig ng killer.

Kung ang Alphabetong Pilipino ay mayroong dalawampu't anim na titik, at ang bawat
titik ay nagrerepresinta sa amin. Lima na ang namamatay at dalawampu't isa pa
kaming buhay.

Ang mga letrang naisiwalat na ay O, F, R, S, U. Ano kayang salita ang maaaring


mabuo rito? Ang hirap naman!

Hay! Sasabog yata ang ulo ko sa kakaisip kung ano ang sagot! Itutulog ko na nga
lang muna ito!

Killer's POV

Ikaw na ang susunod! Haha! Mukhang may tiyansang mabuking mo kung sino ako kaya
habang maaga pa eh ililigpit na kita.

Mas nagiging kapana-panabik kung paano ko kayo papahirapan isa-isa. Haha! Just
prepare yourself sa kung ano man ang magiging kapalaran at kahihinatnan ninyo!
haha!

Kailangan kong magbunyi at magdiwang! Haha! Ngunit, masyado pang maaga para rito.
Haha!

Chapter 32
Arianne's POV
Naaalala ko pa noon kung paano kami naging close ng aking mahal.

"Uy, ano iyang kinakain mo? Pagkain ba iyan?" Tanong niya sa akin.

Nandito kami ngayon sa Club House ng Village na tinitirhan ng kaklase namin na si


Karlo. Nandito kami para magpraktis ng aming role playing.

Sa mga oras na iyon, nandoon ako sa may tindahan at bumili ng paborito kong
kutkutin.

"Kita mo ng kinakain ko eh ade malamang pagkain!" Pagtataray ko rito.

Hindi naman siya kagwapuhan na pinapangarap ng iba, hindi rin maputi o makinis ang
balat. Hindi rin siya maporma gaya ng iba. Oo na, may pagkabaduy siyang manamit but
who cares? Haha! Wala iyan sa panlabas na anyo, kundi nasa panloob.

"Ah, iyan pala ang pagkain ng mahihirap? Hehe!" Pang-iinsulto niya sa akin.

"Kung makamahirap ka sa akin para namang napakayaman mo!" Panunuligsa ko naman sa


kaniya.

At dahil nauhaw ako, bumili ako ng ice tubig sa tindahan yung two pesos lang hehe..

Sa totoo niyan, hindi naman talaga ako dapat mapasama sa grupong D' Sossy kasi,
hindi naman ako mayaman at sosyal. Isa lamang akong simpleng estudyante. Pero,
simula noong makilala ko sina Ginny at Roxette at aking naging kaibigan, nagbago
bigla ang takbo ng buhay ko.

"Ang kuripot mo naman masyado! Heto oh!" Wika ni Adrian sabay abot sa akin ng
mineral water.

"Anong nakain ng taong ito at biglang bumait sa akin?" Tanong ko sa aking sarili.

"Sige salamat na lang. Baka magkaroon pa ako ng utang na loob sayo kapag tinanggap
ko iyang inaalok mo." Wika ko sabay talikod sa kaniya.
"Naku Arianne! Tubig lang! Huwag mo na ngang intindihin iyon!" Wika niya at biglang
hinablot ang ice tubig na iniinom ko at iniabot ang mineral water na inabot niya.

"Hindi matatawag na utang na loob ang pagbibigay ng tubig sa taong nauuhaw. Sabi
nga sa Biblia, 'Painumin ninyo ang mga taong nauuhaw at pakainin ang mga taong
nagugutom.' Kaya huwag kang masyadong ma-pride. Wala naman akong hinihinging
kapalit eh." Wika niya at naupo sa may tabi ko.

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil napatigagal ako sa kaniyang mga tinuran.

"Salamat!" Ang tangi kong nasambit.

Simula noon, naging close na kami sa isa't isa kahit na kami'y mga aso't pusa
madalas.

"Stay strong Arianne!" Wika ni Ginny habang hinahagod ang aking likuran.

Batid kong nasasaktan pa rin si Ginny pero ngayon, ipinapakita na niya na malakas
siya.

"Tok! Tok! Tok!" Tunog na nanggagaling mula sa pintuan.

"Ginny, Arianne, maaari ba akong pumasok sa inyong silid?" Wika ng isang tinig at
batid kong si Roxette ang nagmamay-ari ng tinig na iyon.

"Sige pasok ka!" Wika ko.

Kamusta na kaya si Roxette? Mabigat pa rin kaya ang kaniyang dibdib gayong
kahindik-hindik ang sinapit ng kaniyang matalik na kaibigan.

Pagkapasok niya ng aming silid at nagkukumahog siyang sumampa sa kamang


kinalulugdan namin ngayon ni Ginny at niyakap niya kami ng mahigpit.
"Sorry sa inyo girls! Patawarin niyo ako sa mga katagang binitiwan ko noon na
nakasakit sa inyo. Ngayon, alam ko na kung ano ang feeling ng nawalan ng isang
mahalagang parte ng ating buhay. Kaya patawarin niyo ako sa kakitidan ng utak na
aking ipinamalas noong mga panahon na iyon. Sorry talaga!" Pagsusumamo niya habang
nakayakap siya sa amin.

Sa bawat katagang binibitawan niya, hindi mo mapipigilang hindi mahipo ang iyong
puso dahil sa bawat katagang pinapakawalan niya sa kaniyang bibig, mararamdaman at
mararamdaman mo kung gaano kabigat ng kaniyang problemang dinadala. Kasabay nito,
naramdaman ko ang mainit na likidong dumadampi sa aking balikat na patuloy na
dumadaloy sa kaniyang mukha.

"Sshhhh, tahan na Rox! Wala iyon! Kalimutan mo na iyon! Hindi naman kami galit sayo
eh bakit ka namin patayawarin? Sa totoo nga niyan, nagpapasalamat pa kami sayo kasi
na-realized naming tama ka. Sinasayang lang namin ang mga luha namin at pinapagod
lang namin ang aming mga sarili kaya dahil sa mga sinabi mo sa amin, nagisawan kami
papaano at hindi sagot ang pagmumukmok sa isang sulok habang ikaw ay tumatangis sa
sama ng loob." Wika ni Ginny.

Oo tama nga si Roxette, nagising kami kahit papaano sa mga pinakawalang salita noon
ni Rox kaya dapat pa nga kaming magpasalamat sa kaniya.

"Huwag ka ng malumbay pa. Nandito naman kaming mga kaibigan mo at hindi ka namin
iiwan. Hindi kami galit sayo tandaan mo iyan." Dagdag ko pa at pinunasan ang
kaniyang luha gamit ang aking panyo.

Kita namin ang lungkot sa kaniyang mukha kaya ano pa nga ba ang dapat gawin para
mapagaan ang loob ng bawat-isa?

"Group hug!" Wika ko at niyakap namin ang isa't isa.

Ginny's POV

Wala naman akong karapatan na angkinin si Ramil dahil una sa lahat, hindi kami,
pangalawa, alam kong nakikijoyride lang siya sa trip ng aming mga kaklase at
pangatlo, may iba siyang mahal.

Masakit para sa akin na mawala siya. Makita at makasama ko nga lang siya ay masaya
na ako eh. Mahirap din palang magmahal lalo na't may ibang mahal yung taong mahal
mo.
Sa school, sa tuwing nakatingin ako sa kaniya, nakatingin naman siya sa iba. Bakit
ba ayaw niyang lumingon para makita at malaman niyang mayroong nagmamahal sa
kaniya?

Alam kong si Abi ang babaeng iyon. Nakita ko nga kung paano niya ikuyom ang
kaniyang dalawang kamay ng ianunsiyo ni Abi na buntis siya at malapit na rin siyang
ikasal. Alam ko kung gaano iyon kasakit.

Hindi ko rin siya masisisi kung magagawa niya ang ganoong bagay kay Abi. Oo, alam
kong siya nga ang gumawa noon kay Abi dahil nakita ko siyang pumasok sa kwarto nito
at ng siya'y lumabas, may bakas ng dugo ang kaniyang katawan. Tinikom ko na lang
ang bibig ko pero hindi ko alam kung sino ang kumitil ng buhay niya kung siya ba
dulot ng konsensiya o pinatay ba siya ng killer.

"Oh nakipili ka na ba kung sino ang tinitibok talaga ng iyong pihikang puso? Hihi!"
Pag-iiba ni Arianne ng topic matapos ang maramdaming yakapan kanina.

"Ayoko munang pag-isipan iyan! Hihi!" Pagbungisngis ni Roxette na wari mo'y


kinikilig.

"Ano gagawin mo Roxette kapag namatay yung taong mahal mo at hindi mo pa nasasabi
sa kaniya na mahal mo rin siya?" Tanong ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ko
naitanong iyon sa kaniya. Kasi ako, namatay yung 1st boyfriend ko na hindi ko man
lang sinasabi rito ang katagang 'I Love You'.

"Magandang tanong iyan Ginny! Tiyak na magsisisi lang ako. Pero ewan ko ba kung
bakit napakahirap bigkasin ng salitang iyon! Isa na rin siguro sa mga rason kung
bakit ay dahil mahiyain ako hehe." Wika niya.

"Oo, mahirap talagang bigkasin sa harap ng taong mahal mo ang three words eight
letters na iyon na hinugot mula sa kaibuturan ng iyong puso. Pero mayroong ibang
tao na madali lang para sa kanila na sambitin iyon dahil hindi sila seryoso." Wika
naman ni Arianne.

"Tama na nga iyang usaping pag-ibig! Gabi na oh! Matulog na tayo!" Wika ni Roxette
at nahiga kaagad sa kama at nagkumot pa.

"Wait, dito ka matutulog?" Tanong ko.


"Oo! Ayaw niyo ba?" Aniya.

"Hindi naman sa ganun. Nakakamiss din dahil para lang tayong mga sleepovers haha!"
Wika ni Arianne at nahiga na rin.

Nakakamiss nga ang mga moments na masaya kami at walang bahid ng kalungkutan kaya
dapat naming i-cherish ang gabing ito.

Killer's POV

Kailangan ko ng isagawa ang aking susunod na plano. Kaya ikaw na isang Henyo na
maaaring makatuklas ng aking sikreto, ihanda mo na ang sarili mo at sulitin ang mga
oras na natitira para makasama ang mga kaibigan mo dahil guguho na ang iyong mundo
haha!

Chapter 33
Henry's POV

Hindi ako makapaniwala na pati si Joan ay wala na rin. Akala ko naman, malalaman ko
kaagad at mahuhuli kung sino yung killer.

May hinala naman na ako kung sino talaga yung killer. Hindi ko lang masabi sa
kanila dahil wala naman akong pruweba o ebidensiya na magsasaad na siya nga talaga
yung killer.

Ang akala naming masayang outing ang patuloy na magbubuklod sa aming samayanan.
Ngunit mali pala kaming lahat. Ito na pala ang katapusan naming lahat habang unti-
unti niya kaming nilalagas isa-isa ng hindi namin alam.

Sadyang kalunos-lunos ng sinapit ng lima naming kasamang namayapa na. Para kaming
na-trap sa isla habang pinapaligiran ng pating na sa kahit anumang oras niya
gustuhin, maaari niya kaming sakmalin.

Ang pinagtataka ko lang, napakalinis namang kumilos ng killer na kahit ni-isa sa


amin ay hindi napapansing kumikilos siya. Masyado siyang bihasa para pumaslang ng
tao ng ganun-ganun na lang.

Maaari kayang si Ginny ang killer? Kasi naman, sa kanila yung bahay na ito at itong
buong isla ay sa kanila! Pero mukhang impusible namang maatim niyang pumatay. Oh di
kaya, isa sa mga close friend niya na nadala na niya dito noon? Hay, ewan!

Isa pa sa pinagtataka ko ay yung mga multong gumagambala sa amin. Ewan ko ba kung


gawa-gawa lang ito ng killer para lituhin kami pero masyado siyang magaling at
mautak para maisip ang ganoong bagay.

Hindi naman si Nikka o Tom ang maaaring gumawa noon dahil alam ko kung paano sila
kumilos. Kabisado ko na ang kanilang galaw.

May possibility kayang may kasabwat yung killer? Kasi naman ay nakaya niyang
pabagsakin yung limang iyon sa loob lamang ng tatlong araw. Pero pwede ring
pinagplanuhan niya ang lahat bago kami makapunta rito.

Sandali, maaari kayang si Agatha ang killer? Siya lang naman ang nakaisip ng dare
game eh lalo na yung pagbunot ng letra doon sa bowl. Pero pwede rin namang
kinabisado ng killer yung letrang pinanghahawakan ng bawat isa! Litong-lito na
tuloy ako!

At isa pa! Ano kaya ang mensaheng nais iparating sa amin nung killer? Letter O, F,
R, S, U na ang kaniyang ibinibigay. Maaaring may kasunod pa ito.

Sa aking pagninilay-nilay, napansin kong nagmamadaling maghugas ng kamay si...

"Toink!" Tunog ng basong nabasag.

Nasagi ko pala yung basong pinag-inuman ko kanina. Nandito ako ngayon sa may
bandang sulok ng sala at nagtatago sa malaking harang na parang poste dahil mukhang
napansin niya ako.

Dali-dali siyang nawala sa aking paningin. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta.
Isa lang ang bagay na gumimbal sa akin. Iyon ay ang mantiya ng dugo sa manggas ng
kaniyang damit. Kung hindi ako nagkakamali, siya na nga yung killer!
"Subukan mong gumawa ng ingay ngayon at ipapadala kita kaagad sa kabilang buhay."
Wika niya sa akimg likuran habang nakatapat sa aking leeg ang napakatalim na
kutsilyo.

Nakakagulat! Hindi ko napansin na nandito na siya sa likuran ko sa isang iglap


lang! Paano niya nagawa iyon? Basta, kailangan kong umisip ng paraan para matakasan
ko siya.

"Kung ano man iyan iniisip mo, kung ako sayo, isasantabi ko na lang dahil wala ako
sa tamang huwisyo ngayon." Pananakot pa niya at nakaramdam na lang ako bigla ng
pagbigat sa talukap ng aking mata.

Unti-unti ng lumalabo ang aking paningin at hindi na rin nakatutok sa akin yung
kutsilyo kaya humarap ako sa kaniya. Nakita ko ang isang injection na bigla niyang
ipinamulsa at tuluyan na nga akong bumagsak sa sahig at nawalan ng ulirat.

Killer's POV

Pagkatapos kong paslangin si Joan ay tinungo ko kaagad yung kusina upang maihain
kaagad sa mesa yung Utak niya! Haha! Tiyak na masosorpresa ko sila.

Wala naman kasi akong dinatnang tao sa sala o kahit saan mang sulok, pawang mga
pagod at puyat siguro.

Hindi ko napansing may bakas pala ng dugo ang aking manggas kaya dali-dali kong
hinugasan ang aking kamay. Sa aking paghuhugas, nakarinig ako ng bagay na biglang
nabasag. Kung hindi ako nagkakamali, sa sala iyon nanggaling.

Dumaan ako papailalim sa lamesa at marahang tinungo ang likod na parte ng sala at
hindi nga ako nagkakamali, may tao.

Tinakot ko lang naman siya at tinurukan ng pampatulog para hindi niya isiwalat sa
lahat kung ano man ang laman ng kaniyang-isip kaya pagkatapos noon ay inihiga ko
siya sa may set at tinungo ang kwarto na kung saan ako nakadestino tsaka nagpalit
ng damit.

Sinigurado kong hindi magigising si Henry sa ingay na mamamayani mamaya kaya umakto
na naman akong walang alam! Haha!
Nang magkagulo nga sa kusina, nakihala-hala na rin ako na kunwari ay
nakikisimpatiya sa kanila.

Nang bumalik na muli sa kapayapaan ang paligid, dinala ko si Henry sa lugar kung
saan ko pinaslang si Joan.

Henry's POV

Nagising ako na nakatali ang aking katawan, paa at kamay sa upuan. Nang aking
ilibot ang aking paningin, hindi na ako nagtaka pa. Ako na ang isusunod niya. Tiyak
din ako na dito niya pinaslang si Joan dahil fresh pa yung dugo sa paligid.

"Kamusta na Henry? Anong nararamdaman mo ngayong ikaw na ang susunod?" Wika niya na
nakasandig sa pader.

Napangiti na lamang ako. Yung mga tao pa talaga na hindi mo inaasahan ay sila pa
yung Silent Killer.

"Hindi ko inakala na naninigarilyo ka pala." Wika ko. Nagsindi kasi siya nito at
hinithit niya. Isa lang masasabi, expert na ito sa paninigarilyo.

"Pasensiya na kasi hindi kita na-inform agad. Next time, ikaw ang kauna-unahang
kong pagsasabihan ko ng sikreto ko kaso, sa kabilang buhay nga lang! Haha!" Wika
niya sabay lapit sa akin at pinisil ang aking pisngi.

"Nababaliw ka na talaga! Dapat pala noong nagkasakit ka sa clasroom, hindi pala


dapat sa hospital kita dinala kundi sa mental dahil mukhang matindi na iyang saltik
mo eh." Pahayag ko sa kaniya na kaniyang ikinagulat at hindi inasahang lumabas sa
aking bibig.

"Isa ka pa, masyado ng hindi maawat iyang bibig mo kaya dapat ka ring maparusahan!"
Wika niya at pilit na hinila ang dila ko at ginawa niya astray.

"Ahhh!" Sigaw ko. Ang sakit noon ah! Patayin daw ba ang yosi niya sa dila ko.
"Magtatanda ka na niyan siguro no?" Aniya.

"Kaya mo ba kami iniisa-isa at pinapahirapan dahil may sama ka ng loob sa amin?


Dahil ba ito..." Hindi ko natapos ang aking sasabihin ng bigla niyang pasakan ng
papel ang aking bibig. Ngayon, hindi na ako makapagsalita pa.

"Kalalaking tao eh kadaldal mo! Mabuti pang manahimik ka muna." Wika niya at naupo
siya sa lapag sa harapan ko.

"Alam mo bang hindi pa sana ikaw ang isusunod ko kung hindi mo lang ako nakita
kanina na ganoon ang itsura. Kaso, heto ka! Kaya sorry na lang." Pagpapaliwanag
niya.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay may kinuha siya sa loob ng box at isinaksak ito.

"No!" Wika ko sa aking isipan.

Nagulat ako ng i-turn on niya na ang hawak niyang driller. Dito na nga magwawakas
ang aking buhay.

Ipinikit ko na lang yung mata ko at inihanda ang aking sarili sa kahahantungan ng


aking buhay.

"Ahhhh!" Sigaw ko.

Akala ko sa ulo niya ako titirahin agad para matapos agad yung buhay ko kaso
pinapahirapan pa niya ako. Ipinapadama pa niya sa akin kung gaano ito kasakit.

Binutas niya ang magkabila kong palad. Halos maghingalo ako sa sakit. Para akong
ipinapako sa Krus! Akala ko tapos na pero hindi pa siya nakuntento at ginamit ang
driller at binutas naman ang aking magkabilang paa.

Hindi ko na kaya! Parang maghihingalo na ako!

"At para naman sa finale..." Wika niya at itinutok ang driller sa aking Occipetal
Lobe at tuluyan na nga akong binawian ng buhay.

Killer's POV

Naitumba ko na rin sa wakas ang magbubunyag ng aking lihim! Haha! Letter D, bagsak
na! Haha!

Mukhang alam na ni Dion ang lugar na ito dahil natagpuan niya kanina ang bangkay
dito ni Joan kaya mas maganda kung sorpresahin ko ulit sila haha!

Iniwan ko muna sa bodega ang katawan ni Henry. At nang sumapit na nga ang
kinagabihan, mga bandang 11pm ay nagising ako at inihanda na ang dapat.

Alas-dos ng umaga ng aking dalhin ang bangkay ni Henry sa terrace. Exciting ito!
Sino kaya ang makakatuklas sa pagkamatay ng binata? Haha!

Ikaw na ang susunod, yabang! Ano naman kung magaling kang kumanta? Sana nga eh
naging boses ka na lang dahil masyado mong minamaliit ang kakayahan ko! Haha!

Chapter 34
Malamig ang simoy ng hangin. Halos lukubin na nito ang init na nagmumula sa ating
katawan. Dahil dito, hindi na nakapagtimpi ni nakatiis pa si Tin at dumiretso na
siya sa Kusina upang magtimpla ng kape.

"It's so cold naman yata ngayon? Unlike kahapon na very hot! What happen sa tag-
init? Hay!" Wika niya habang nagtitimpla ng kape sa baba.

"Sadyang napuspos ng init ang aking tiyan ah! I feel na refresh na ulit ako." Aniya
at dumiretso paakyat ng hagdan.

"You shoot me down, but I won't fall.. I am the titanium!" Kanta pa niya habang
dahan-dahang inihahakbang ang kaniyang mga paa papaakyat habang tangan-tangan ang
tasa na naglalaman ng kape sa kaniyang kaliwang kamay.

"Oh! Is that Henry? Ang early niya pala gumising?" Wika niya sa kaniyang sarili ng
mapadako ang kaniyang tingin sa lalaking nakaupo sa may terrace habang tangan-
tangan nito ang isang tasa. Minabuti niyang lapitan ito upang makipagkuwentuhan.

Naglakad siya papuntang terrace habang diretsong naglalakad. Hindi man lang siya
nagpalinga-linga. Nang makarating siya rito, humawak siya sa may railings nito at
dinama ang bawat pagdampi ng hangin sa kaniyang balat habang siya'y nakapikit.

"Alam mo ba Henry, hanga talaga ako sa angking katalinuhan mo. Akalain mo iyon?
Halos maperfect mo yung Final Exam natin sa Integral Calculus! Unlike me, muntik pa
akong bumagsak!" Pagsasalaysay niya habang nasa ganoon pa ring puwesto.

"Isa pa, maraming tao ang naiinis sa akin dahil ang arte ko raw magsalita. Social
Climber daw ako na papansin like that." Dagdag pa niya at idinilat na niya ang
kaniyang mata habang nakatingin pa rin sa langit. Hindi pa rin siya sumusulyap sa
binata.

"At dahil doon, konti lang ang aking maituturing na kaibigan at ang buong seksyon
lang natin iyon. Alam mo naman, sa panahon ngayon na marami ng plastik na nagkalat
sa paligid kaya ingat-ingat din. Haha!" Aniya at humagalpak pa ng tawa. Napansin
niyang hindi man lang kumikibo ang binata kaya naisip niyang hindi ito interesado
sa ikinukwento niya kaya naisipan niyang magtanong na lang.

"Ikaw? Magkuwento ka naman about sayo." Wika niya at dahan-dahang nilingon ang
binata.

Nagulat siya at tila nandilat bigla ang kaniyang mata at napanganga siya bigla sa
kaniyang nakita. Siya'y tila naumid at bigla na lang niyang nabitawan ang hawak
niyang tasa kaya nalaglag ito sa sahig at nabasag.

Wari mong mahirap talaga ang pinagdaanan ng binata lalo na sa kalunos-lunos niyang
pagkamatay.

Napatakip na lang bigla ang dalaga sa kaniyang bibig at napaupo sa sahig. Ramdam
niyang patay na ang binata sapagkat dumadaloy ang dugo mula sa butas sa kaniyang
noo pababa sa pisngi nito. Nakita niya rin ang kamay nito na butas sa gitna sa
mismong palad na wari mong ipinako ito sa Krus. Dilat na dilat din ang mga mata
nito na nakatitig sa kaniya.

Napaurong at napasandal na lamang siya sa may railings habang nanginginig sa takot.


Nais niyang sumigaw kaso parang may pumipigil sa kaniya.
"Good Morning Tin!" Bati ni Mia pagkalabas nito sa kaniyang silid at nag-inat-inat
pa. Napansin nitong balisa si Tin kaya minabuti na niyang lapitan ito.

"Uy Tin! Okay ka lang ba? Para kang nakakita ng multo ah!" Wika nito habang
naglalakad papalapit sa dalaga.

"Oh my God!" Wika ni Mia ng makita ang walang buhay na si Henry na nakaupo.
Napahawak siya sa kaniyang dibdib na parang biglang kumirot at bigla na lamang siya
bumagsak sa sahig at nawalan ng malay.

"Mia!" Sigaw ni Tin at nilapitan niya ito at humingin ng tulong.

"Tulong!" Sigaw niya at isa-isang nagdatingan ang kaniyang kasamahan.

Naunang dumating sina Xiara at Nikka na magkasunod.

"Anong nangyari kay Mia?" Tanong ni Xiara na nagkandahikahos sa pagtakbo.

"No! Why Henry? Why?!" Wika ni Nikka at niyakap ang malamig na bangkay ng binata.

"Ang daya mo! Bakit mo kami iniwan kaagad? Hindi pa nga tayo nakakapagbonding
masyado eh!" Aniya.

Dumating sina Roxette, Arianne at Ginny ng sabay-sabay at agad na inagapayan si


Mia.

"Ang OA niyo! Buhay pa iyan! Kita niyo namang si Henry itong wala ng buhay eh mas
pinagtuunan niyo pa ng pansin si Mia." Pambabatikos sa kanila ni Nikka na patuloy
sa paghihinagpis sa sinapit ng isang malapit na kaibigan.

"Hindi naman sa ganun Niks, syempre concern din naman kami kay Henry dahil kaklase
rin natin siya." Pagpapaliwanag ni Ginny at niyakap si Nikka as a sign ng pag-
agapay niya rito.
Dumating na din sila Karlo, Jake, Mark, Kian, Ethan at Tom na parang wala pa ring
ganang gumising dahil bakas pa rin sa kanilang mukha ang pagkaantok. Mga wala man
lang silang reaksyon sa komusyong nangyayari.

Sumunod namang dumating sina Hannah at Agatha na parang puyat naman. Kasabay nila
sa kanilang likuran sila Josh, Aaron at Dion na kumakanta pa ng Paalam na.

"Magtigil nga kayo riyan!" Suway ni Agatha sa mga ito kaya tumahimik na rin sila.

Huling dumaring sina Grace at Jerome na magkaholding hands pa. Nakita iyon ni Nikka
kaya nag-init bigla ang kaniyang dugo.

"Bad trip pa! Kung mayroon sa inyong gustong maglandian, huwag dito malapit sa
bangkay ng ating kaklase at kaibigan! Doon kaya sa Luneta park! Magpakasasa kayo
roon please lang!" Iritadong wika ni Nikka habang nagkakandatirik ang kaniyang mga
mata.

"Uy may nagseselos! Haha!" Pangangatiyaw ni Kian sa dalaga.

"At bakit naman ako magseselos? Ano bang pakialam ko sa kanila?" Aniya at umirap pa
sa hangin.

"Defensive masyado. Ikaw ba ang sinasabihin ng nagseselos? Kung gayon, may gusto ka
nga talaga sa akin." Pangbubuska ni Jerome na lalong kinainis ni Nikka kaya bigla
itong nagtatakbo pabalik sa kwarto nito habang umiiyak.

"Ang tanga mo lang Jerome! Alam mo ng mabigat ang kalooban ni Nikka sa pagkamatay
ni Henry tapos lalo mo pang pinabigat!" Pagsumbat ni Xiara dito habang pinapaypayan
si Mia.

"Manhid nga kasi." Dagdag naman ni Arianne.

"Guys, tama na iyan. Hindi maganda kapag nagaway-away pa tayo ngayon." Pagsingit ni
Agatha.

Napatigil sa pagsasagutan ang magkabilang kampo at namayani muli ang katahimikan.


Lumapit si Agatha sa biktima at sinuri ang bangkay nito.

"Tiyak na hindi lang kanina pinatay si Henry. Maaaring kahapon pa dahil masyado ng
malamig ang kaniyang bangkay." Wika ni Agatha habang iniinspeksyon ito.

"Base sa aking pagsusuri, maaaring hindi pako ang pinambutas sa kaniya. Isang gamit
na ginagamit pambutas ang ginamit ng killer sa kaniya." Dagdag pa nito.

"Anong gamit naman iyon? Letter D ang nakalagay sa kaniyang noo eh so ano nga?"
Tanong naman ni Hannah.

"Maybe a driller? Ayun lang naman alam kong ginagamit na pangbutas eh." Anito.

Maya-maya pa ay nagising na rin si Mia at medyo nahimasmasan na rin. Dinala na rin


nila ang labi ng binata sa dapat nitong paglagyan.

Nikka's POV

Hindi ko na kayang tiisin pa ang sakit na aking nararamdaman kaya mas minabuti ko
na takbuhan na lang sila.

"Nakakaasar ka talaga Jerome! Sa pagkarami-rami ba naman ng lalaki sa mundo bakit


ikaw pa ang nagustuhan ko! Hindi ko alam kung bakit ba ako nagkakaganito! Marahil
ay umigting pa nga yata ang aking nararamdaman para sayo. Mahal na nga yata kita!"
Sigaw ko sa apat na sulok ng aking kwartp habang inihahagis ang aking unan sa kung
saan man.

"Magsama kayong dalawa! Pinapasakit niyo lang ang kalooban ko." Wika niya habang
binabalunbon ang hawak niyang kumot.

"Ayoko na! Gusto ko ng matahimik muli." Wika niya at itinali ang kumot sa kaniyang
leeg.

"Huwag!" Wika ng isang tinig pagkabukas nito ng aking pintuan.


Killer's POV

Mukhang mas maganda kung magkakandasira ang bawat-isa para mas maisakatuparan ko
ang aking plano! Haha!

Mukhang mahina nga talaga ang loob ni Mia pagdating sa mga nakakasulasok na bagay
kaya alam ko na kung ano ang gagawin sa kaniya. Haha!

Ang mga boys naman, mga ayaw magpatinag kaya kailangan ko silang mabuwag.

Si Agatha naman, may alam akong sikreto na hindi alam ng iba. Bakit kaya hindi niya
ipinaalam iyon sa amin? Malalaman ko rin iyan.

The rest is history! Haha! I know now what I'm going to do. Kailangang may mamaalam
ulit kaya Farewell to you my friend..

Chapter 35
Josh's POV

Hindi ko maiwasang magmuni-muni habang naggigitara dito sa may batuhan malapit sa


dalampasigan.

I miss the moment na kung saan ay masasaya kaming Mp5. Mga asaran, tawanan at pati
na rin iyakan. Ganiyan kami ka-close sa isa't isa lalo na sa babaeng nagbigay ng
doubleng pintig sa aking puso, si Mia.

Naisipan ko na lang kumanta habang ako'y nagninilay-nilay.

Parang biro lamang

Dumating and tulad mo

At may isang pag-ibig

Na tapat at totoo
Naalala ko pa noon, kasal ng Tito ko at Tita mo. Hindi ko lubos na maisip na
mahuhulog pala ako sa tulad mo. Isang simpleng babaeng may mahiyaing personalidad.
Kadalasan kasi sa mga babaeng tipo ko ay boost with confident. Kung sexy, sexy
talaga at ipapangalandakan sa buong mundo na sexy siya unlike you.

Natatawa pa nga ako sayo noon dahil first day of class ay naligaw ka na. Hindi mo
natagpuan yung classroom kaagad. Tapos, pagpasok mo ay natalisod ka pa. Kaya tawag
sayo noon ay Miss Clumsy.

Dahil sayo'y naramdaman

Ang tunay na pagmamahal

Iibigin kita

Kahit sino ka man

Tayo ang unang naging close. Naging sandigan mo sa tuwing ika'y nag-iisa o di
kaya'y kailangan mo ng tuloy. Syempre, sa bawat pabor mong hinihingi ay
pinagbibigyan kita kahit na minsan, nahihirapan na ako.

Ikaw na nga

Ang hinahanap ng puso

Ang siyang magbibigay

Ng saya ng tamis at lambing sa buhay ko

Alam mo ba kung gaano ako kaligaya nung mga panahong super close natin. Para nga
tayong friends with benefits noon eh. You satisfy my needs and wants at ganun din
ako sayo.

Ikaw na nga ang bawat panaginip ko

Sa piling ko'y nagkatotoo

Ang lahat ng mga pangarap ko

Ikaw na nga ito

Pinapangarap ko noon na Ikaw na nga sana ang babaeng masisilayan ko na naglalakad


sa altar patungo sa kinalulugdan ko. Alam mo bang gustong-gusto kita kaso hindi ko
lang maamin dahil nga takot akong hindi mo masuklian ang pagmamahal ko para sayo.
Naging dumag ako sa pagtatapat ng aking tunay na nararamdaman. Parang hindi ako
lalaki sa aking inaasa. Nagpalamon lng ako sa katorpehan.

Mas lalo pang gumuho ang mundo ko ng ipaalam mo sa akin kung sino talaga ang
nilalaman ng iyong puso. Akala ko nga si Jerome iyon dahil nagiging close kayo
noong panahon na iyon. Pero nagulat ako ng malaman kong ipinagtapat mo kay Mark ang
tunay mong damdamin para sa kaniya.

Palaging mayroong kulang

Sa isang pagmamahal

Ang tanging kailangan

Puso ay mapagbigyan

Nasasaktan ako sa tuwing nasasaktan ka. Noong nalamn kong rejected ka, magkahalong
tuwa at lungkot ang aking naramdaman.

Lungkot dahil nasaktan ang inosente mong puso dahil sabi mo sa akin, siya ang first
love mo. Gusto kitang yakapin para mapawi ang sakit na namutawi sa iyong puso kaso
hindi ko magawa sapagkat sa tingin ko'y hindi sapat ang comfort ko para mapawi ang
sakit na naitam diyan sa puso mo.

Masaya ako dahil sa tingin ko ay may chance pa ako para mag-ipon ng lakas ng loob
upang maipagtapat ko sayo ang tunay kong nararamdaman.

Dahil sayo'y naramdaman

Ang tunay na pagmamahal

Iibigin kita

Kahit sino ka man

Mahirap din palang magtiis na ikaw ay nakatingin lamang sa malayo at pinagmamasdan


yung taong mahal mo. Ayoko sanang makuntento na lamang ng ganoon.

Ikaw na nga

Ang hinahanap ng puso


Ang siyang magbibigay

Ng saya ng tamis at lambing sa buhay ko

Minsan nga naisipan ko ng sumuko at tumigil sa pagpapantasya sa mga bagay-bagay na


hindi naman maaaring matupad. Pero sabi nga nila, "Hindi masamang mangarap!" Just
dream big.

Ikaw na nga ang bawat panaginip ko

Sa piling ko'y nagkatotoo

Ang lahat ng mga pangarap ko

Ikaw na nga ito

Nakakalungkot nga lang dahil parang nanlamig kang bigla sa akin ng hindi ko alam
kung ano ba ang dahilan. Ni kibuan nga ay halos wala na rin. Para nga tayong
strangers sa isa't isa sa tuwing magkakasalubong tayo.

Ikaw na nga

Ang hinahanap ng puso

Ang siyang magbibigay

Ng saya ng tamis at lambing sa buhay ko

Naisipan ko ring magpari na lang sana at ipinangako ko sa sarili ko na hinding-


hindi na muli ako iibig pa. Masasabi kong hindi nga basta-basta ang Love hindi ka
laging masaya kapag nasa stage ka na ito. Kailangan mo ring harapin ang sakit at
pait na dulot nito sa iyong pagkatao.

Ikaw na nga ang bawat panaginip ko

Sa piling ko'y nagkatotoo

Ang lahat ng mga pangarap ko

Ikaw na nga ito

Sana nga Mia, Ikaw na nga sana kaso mukhang impossibleng maging tayo kaya masaya
ako sa magiging takbo ng buhay mo.
"Clap! Clap! Clap!"

Napalingon ako sa aking likuran ng marinig kong may pumapalakpak.

"Ang husay mo talaga Josh sa pag-awit. Sana nabiyayaan din ako ng talent na katulad
nung sayo." Wika niya habang papalapit sa akin.

"Haha, magaling ka namang sumayaw ah. Ako nga hindi sanay noon eh." Wika ko at
tumigil muna ako sa pag-strum ng aking gitara.

"Oo nga pala, hindi ka ba naiinggit kay Abi dahil siya ang representative ng
College natin tuwing Instrams?" Wika niya habang nakatitig sa papalubog na araw.

Oo nga noh? Bakit nga kaya si Abi na lang lagi? Alam ko namang mas magaling siya
kaysa sa akin tiyaka magkaiba kami ng galing kaya wala akong dapat ika-inggit.

"Hindi naman. Isa pa, hindi ako mahilig sa mga contest." Paliwanag ko habang
nakatanaw rin sa kulay kahel na kalangitan habang papalubog ang araw.

"Ang ganda talaga ng view rito. Nakakapawi ng pagod at problema." Wika ko.

Napatingin ako sa kinatatayuan niya at napansin kong nakayuko siya na para bang
napakarami niyang problema.

"May problema ka ba? Nandito ako oh, makikinig ako. Baka sakaling matulungan kita
sa iyong problema." Alok ko sa kaniya.

"Sigurado ka ba riyan sa desisyon mo?" Tanong niya habang nakangiti ng nakakaloko.

Ano problema nito? Nakakabaliw ba ang problema niya?

"Oo sigurado ako." Ani ko.


"Okay sige pikit ka muna." Wika niya na para bang may sorpresang itinatago.

"Oh sige." Pagsang-ayon ko at sumunod naman ako sa nais niya.

Anong pakulo kaya naisipan nitong gawin? Ang weird ah.

"Sige pwede ka ng dumilat." Wika niya na akin namang sinunod.

Nagulat ako ng makita kong may hawak siyang kutsilyo. Natauhan ako dahil alam ko na
kung ano ang gagawin niya. Hindi ako tanga para hindi ko malaman kung ano ang nais
niya sa akin.

"Bakit? Bakit mo kailangang gawin ito?" Malumanay kong tanong sa kaniya.

"Nothing. Wala ring kwenta kapag ipinaalam ko sayo." Aniya at itinutok niya ang
kutsilyo sa akin.

"Hindi ka ba natatakot sa maaari kong gawin sayo?" Tanong niya.

"Bakit naman ako matatakot sayo? Diyos ka ba?" Wika ko na hindi ko alam kung saan
ko nahugot ang lakas ng loob na iyon.

Sa totoo niyan, kinakabahan na ako dahil kahit ano mang oras, maaari niya akong
patayin ng walang pag-aalinlangan.

"Ganun? Ok, any last word bago kita patayin?" Aniya at handang-handa na nga siya
para supilin ako.

"Nothing!" Wika ko sabay talon pababa sa batong kinauupuan ko.

"Ahhh!" Hindi ko napansin na may mga thumbtacks pala sa sahig na bumaon naman sa
paa ko kaya nahirapan akong gumalaw.
Palapit na siya ng palapit sa akin.

"Say goodbye to the world! Farewell to you my friend." Wika niya at bigla niya
hinataw ang kutsilyo sa aking leeg.

"Ahh!" Napahawak na lang ako sa aking lalamunan na kaniyang nilaslas.

Hindi pa rin tumitigil sa pagbulusok ang dugo mula sa aking leeg na pinipigilan
kong sumirit.

Nakaramdam na rin ako ng panghihina at sa tingin ko, naubos na yata ang dugo ko sa
katawan.

Bumagsak na lang ako sa lupa na puno ng thumbtacks ng patuloy na akong manghina.


Tumusok sa iba't ibang parte ng aking katawan ang mga ito maging sa aking mukha.

"Paalam Josh! Haha!" Ang huli kong narinig na salita at tuluyan na nga akong
nalagutan ng hininga.

Killer's POV

Success! Bagsak na rin ang Letter T. Kaya bago ko siya iniwan roon, nilagyan ko
muna ng marka ang kaniyang noo.

Masaya kong tinahak ang daan pabalik sa loob ng rest house. Walang kahirap-hirap ko
siyang napatay. Dapat nga siyang magpasalamat dahil hindi ko siya tinorture haha!

"Ano ba! Tumingin ka nga sa dinaraanan mo! Aanga-anga kasi eh." Wika ni Grace ng
magkabungguan kami sa entrance ng pintuan habang nagkakandadilat ang kaniyang mga
mata sa sobrang panggagalaiti.

Hindi na ko na lang siya pinansin. Matagal. Na akong punding-pundi sa kaniya.


Feeling President, laging nagmamagaling! Akala mo kung sino! Kaasar lang!
Ngayon, malapit mo ng pagbayaran ang lahat ng atraso mo sa akin. Akala mo kung
sinong maganda. Duh?

At dahil hindi maganda ang iyong kinaugalian,

Ipapakita ko sayo kung ano ang tunay na kabalintunaan.

Haha!

Chapter 36
Mia's POV

Maaga talaga akong gumigising tuwing umaga dahil nakasanayan ko ng exercise ang
pagjojogging.

Pagkalabas ko sa kwarto ay nag-inat-inat muna ako. Napansin ko may tao sa terrace


at nagkakape. Nakilala ko na si Henry pala iyon pero ng mapatingin naman ako sa
baba, nakita ko si Tin na nakasalampak at mistulang nanginginig sa takot.

"Nakakita ba siya ng multo? Eh nasa harapan lang naman niya si Henry ah? Hindi
kaya, si Henry ang killer?" Tanong ko sa aking isipan at minabuti ko na ngang
lapitan sila.

"Good Morning Tin! Uy, okay ka lang ba? Para ka namang nakakita ng multo." Wika ko
habang papalapit sa direksyon nila.

Nagtataka ako kasi balisa masyado si Tin. Ni hindi man lang umimik ng batiin ko
siya. Nakalimutan kong batiin si Henry kaya ibinaling ko naman ang atensyon ko sa
kaniya.

"Oh my God!" Wika ko. Hindi rin ako makakilos dito sa kintitirikan ko ngayon. Ako'y
biglang napatigagal ng makita ko ang kalunos-lunos na itsura ni Henry.

Isa pa, ang mga dugong umaagos ng dahan-dahan mula sa kaniyang noo na may butas at
sa kaniyang kamay kaya may bahid na rin ng dugo ang tasang hawak niya. Gayon din
ang sahig na inagusan ng dugo mula sa kaniyang paa.
Una sa lahat, ayokong nakakakita ng dugo dahil nagkaroon ako ng Trauma noong bata
pa ako. Kaya nagkaroon ako ngayon ng Phobia sa dugo.

Unti-unti kong nararamdaman na para bang sumisikip ang aking dibdib sa hindi ko
mawari na dahilan at bigla na lamang akong tumumba sa sahig.

"Mia!" Sigaw ni Tin. Ang huli kong narinig bago ako mawalan ng malay.

Hindi ko alam kung ilang oras ang lumipas bago ako magkaroon muli ng malay.
Nagising ako na nandito sa aking kwarto na walang kasama na kahit sino.

In fact, hindi po talaga ako friendly at ang Mp5 lang ang pinaka ka-close ko sa
lahat. Bestfriend kong maituturing sina Abi at Josh.

Si Josh ang una kong nakausap noong first year pa lang kami at tinuring ko na
siyang kaibigan. Ngayon, nilalayuan ko muna siya dahil napagalaman ko na mayroon
siyang pagtingin sa akin. Ayoko siyang masaktan dahil hindi ko kayang suklian ang
pagmamahal niya dahil mayroon akong ibang mahal at si Mark iyon! Alam kong mas
masakit ang paglayong ginagawa ko sa kaniya ni kibuin man lang siya ay hindi ko
magawa. Sorry Josh dahil higit kang nasasaktan sa kagagawan ko. I hope you
understand. Maibalik natin sana ang pagkakaibigan natin kapag okay na ang lahat.

Si Abi naman, siya ang nakakaalam ng lahat ng secrets ko at alam ko rin ang lahat
ng sikreto niya.

Naalala ko pa noon nung pinaasa niya si Dion. Sabi niya, trip lang daw niya ito at
wala siyang nararamdaman dito. Maloko rin si Abi at maraming kaututan. At dahil
doon, maagang nabuntis.

Namimiss ko na nga siya dahil dito pa talaga siya pinatay sa outing namin. Ang
higit na kinakaawaan ko ay yung baby sa tiyan niya na hindi man lang nakita kung
gaano kaganda ang mundong ibabaw.

Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang nabantayan o naipagtanggol man
lang sa kumitil ng buhay niya.

Ako, hindi pa ako handang mamatay dahil hindi ako naging magandang ehemplo dito sa
mundo. Akala niyo lang na shy type ako pero kapag gabi, isa akong prostitute sa
isang bar. Kailangan ko kasi talaga ng pera para makapasok ako sa school at para na
rin sa pang-araw-araw naming buhay gayong wala na kaming Ama at may sakit naman si
Ina.

Alam kong hindi malatarungan ang trabahong pinasok ko pero iyon lang ang naisip
kong paraan upang kami ay patuloy na mamuhay. Isa akong ibong mababa ang lipad kaya
tiyak na kamumuhian ako ng lahat kapag nalaman nila ang sikreto ko. Tanging si Abi
lang ang nakakaalam ng lihim ko.

Sa lovelife naman, si Mark talaga ang pinapantasya ko. Handa akong ibigay ang
lahat-lahat para sa kaniya. Oo, ganiyan ako kabaliw sa pag-ibig.

Si Jerome, naging Crush ko siya dahil lagi niya akong pinapasaya sa mga korni jokes
niya at natutuwa ako sa tuwing naghaharutan kaming dalawa. Hanggang doon lang iyon,
hindi ako na-fall sa kaniya dahil si Mark lang talaga lalo pa ngayon na wala na
sila ng girlfriend niya. May pagasa pa ako sa kaniya.

Jerome's POV

Alam kong galit sa akin si Nikka dahil nakita niya kaming magkaholding hands kanina
ni Grace at tama nga ang hinala ko, may gusto siya sa akin.

Sa totoo niyan, ako talaga ang may pakana ng lahat para mapagselos ko si Nikka.
Nakipagholding hands ako kay Grace na ikinatuwa naman nito.

Alam kong may gusto sa akin si Grace pero the feeling is not mutual. Hanggang
kaibigan lang ang maisusukli ko sa kaniya. Si Nikka talaga ang nilalaman ng puso
ko.

Natuwa ako dahil nagwalk-out siyang bigla dahil nagseselos. Natauhan ako sa mga
sumbat na ibinabato nila sa akin kaya minabuti ko ng sundan si Nikka sa kwarto
niya.

Pagkabukas ko ng pinto, nagulat ako dahil nakatali sa kaniyang leeg ang


nakabalunbon na kumot at siya'y magpapatiwakal.

"Huwag!" Sigaw ko sa may pintuan. Hindi ko man lang inisip na nasasaktan ko na pala
ang taong mahal na mahal ko. At kapag nagkataon, nawawala na lang siya sa aking
piling ng dahil sa aking kagagawan.
Dali-dali kong tinungo ang kaniyang kinaroroonan at tinanggal ang kumot sa kaniya
leeg at inupo ko siya sa kama.

Niyakap ko siya ng mahigpit habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Naramdaman kong
niyakap niya rin ako. Hindi ko napigilan ang emosyon ko kaya umagos na ang luha sa
aking mga pisngi na kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko kasi kaya na mawala siya sa
akin tapos ay hindi ko man lang nasasabi sa kaniya ang tunay kong nararamdaman.

"Sorry Nikka. Patawarin mo ako kung masyado na kitang nasasaktan. Hindi ko man lang
iniisip ang magiging resulta ng pagiging Kolokoy ko. Ngayon ko lang napagtanto na
maaari ka palang mawala ng dahil sa kalokohan ko at hindi ko kayang mamuhay ng wala
ka. Nikka, mahal kita!" Pag-amin ko sa kaniya. Ayoko kasing mawalay sa piling niya
ng hindi ko nasasabi kung ano ang nilalaman ng aking puso.

"Mahal din kita Jerome!" Wika niya habang nasa ganoon pa rin kaming puwesto.

Napatalon bigla sa tuwa ang aking puso ng kaniyang sambitin ang mga katagang
matagal ko ng gustong marinig mula sa kaniyang bibig.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at siniil ko siya ng halik.

Nikka's POV

"Huwag!" Sigaw ng isang pamilyar na tinig na nakatayo malapit sa may pintuan.

Natuwa ako dahil si Jerome pala iyon pero kaakibat nito, ang sakit na kaniyang
ipinaranas sa akin kanina.

Dali-dali niyang tinungo ang aking lugar at iniupo niya ako sa may kama. Niyakap
niya ako ng nahigpit na para bang ayaw na niya akong pakawalan.

Ngayon ko lang naramdaman ang pagkalinga ng iyong taong mahal na matagal mo ng


inaasam-asam. Ang sarap sa pakiramdam. Ang init n nagmumulat sa kaniya ang nagiging
comforter ko.
Nagulat na lang ako ng maramdaman kong basa na ang aking balikat dulot ng kaniyang
mga luha. Ngayon ko lang siyang nakita na lumuha ng ganito. May soft side din
palang tinatago ito.

Unti-unting napapawi ang kirot at sakit na nasa aking puso matapos kong marinig ang
kaniyang pag-amin sa akin. Nabuhay muli ang aking dugo na mistulang dinidiligan ang
aking puso na nasawi at binigyan ng bagong pagasa.

Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa at inamin ko na rin sa kaniya ang aking tunay na


damdamin.

Tinugon ko ang kaniyang paghalik sa akin matapos niyang sakupin ang aking labi.
Through this, gusto kong iparamdam sa kaniya kung gaano ko siya kamahal.

Chapter 37
Grace's POV

Natutuwa ako ngayon dahil kaakibat ng pagkawala ni Mae ay ang pagdating naman ng
matagal ko ng pinapanalangin.

Yup, matagal ko ng minimithi na maabot at mapansin ni Jerome noon pa lang first


year kami. Lahat na ng pagpapapansin ay ginawa ko malaman niya lang na nag-eexist
ako.

Wala akong pakialam kung pagtawanan ako ng ibang tao dahil nagkakandarapa ako sa
taong hindi naman ako gusto. Atleast, masaya ako dahil kahit papaano ay napapansin
niya na ako.

Desperada na kung tatawagin. Ganun talaga, in love eh! Ewan ko ba kung bakit pa
pinana ni kupido ang puso ko para mainlove sa taong ito.

Loko-loko, iyan ang salitang unang lalabas sa bibig ng bawat-isa kapag sinabi mo
ang pangalang Jerome. Iyan ang salitang naglalarawan sa kaniya.

Friendly, at dahil doon, akala niya ako close na siya sa lahat at nagagawa
niyangmagbiro kahit sa hindi niya kakilala. Haharut-harutin ka, bibiruin, at
patatawanin.
Hindi siya gwapo na pinapantasya ng karamihan. Simple lang siyang makwela, pero
para sa akin, asset niya ang semi-kalbo niyang buhok. Medyo mahangin minsan pero
totoo naman ang lahat ng kaniyang binibitawan.

Hindi nga ako dapat napapabilang sa grupo nila dahil una sa lahat, hindi ako sanay
magpatawa. Napabilang lang ako sa kanila dahil magaling akong mambara na parang si
Vice Ganda.

Hindi ko nga lubos maisip na may pagkasweet din pala yung lalaking iyan. Pero ang
pinakabest niyang ugali para sa akin ay ang pagiging Concern sa taong kakilala niya
close man o hindi as long as magkakilala kayo, handa siyang damayan ka sa kung ano
man ang pinagdaraanan mo.

Alam kong hindi ako yung tipo ng babae na paglalawayan ng mga lalaki. Tahimik ako
pero nasa loob daw ang aking kulo. Tama sila, tawag nga sa akin ng Nanay ko ay
Maldita dahil suwail din ako at mahilig magdabog. Sa bahay kasi, nasasanod lagi ang
gusto ko.

"Now you know who I am, can I ask now who you are?" Tanong ko sa sarili ko habang
nakaharap sa salamin.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at patuloy na iniisip ang pagseselos ni Nikka sa


paghoholding hands namin kanina ni Jerome. Kalakip nito, patuloy na naglalaro sa
aking isipan kung sino nga ba talaga ang killer?

"Tok! Tok! Tok!" Katok sa labas ng aking pinto.

"Ahm, Pasok!" Wika ko habang sinusuklay ang aking buhok sa harap ng salamin.

"Hey, ano ba nangyayari sayo Grace at nagiging ganiyan ka?" Tanong ni Kian at
pumasok sa loob ng aking kwarto papalapit sa akin.

"What do you mean Kian? Ganito na talaga ako dati pa! Ngayon mo lang ba nalaman?
Pasensiya na kung hindi kita na-inform agad." Wika ko sabay harap sa kaniya habang
ako'y nananatiling nakaupo at siya naman ay nakatayo sa harap ko at nakapameywang.
"Gumising ka nga sa katotohanan! Huwag ka na ngang makigulo sa dalawa! Hayaan mo na
sila! Tanggapin mong hindi ikaw ang mahal ni Jerome!" Wika niya habang
ipinagduduldulan sa aking mukha ang bawat katagang kaniyang binibitawan.

"Ayoko! Mahal ko si Jerome at hindi ko siya isusuko kay Nikka! Handa akong hamakin
ang lahat, makamit lang ang aking inaasam-asam." Wika ko.

Close rin kami ni Kian. Siya ang tinuturing kong Kuya sa aming grupo at siya lagi
ang umaayos ng lahat kapag may tensiyong namumuo sa aming samahan.

"Ganiyan ka na ba kabaliw kay Jerome! Gagawin mo ang lahat makuha lang siya? Maski
ba pumatay ay kaya mong gawin maangkin lang siya?" Wika ni Kian na nanggagalaiti na
sa galit.

"Oo! Kahit pumatay pa ako ng tao gagawin ko! Maangkin ko lang si Jerome! Tutal,
mamamatay din naman tayong lahat dito eh! Ade papangunahan ko na!" Birada ko sa
kaniya.

"Naku Grace, hindi ko na alam ang gagawin sayo! Mag-isip ka nga ng mabuti!" Wika
niya habang nakasabunot ang kaniyang kanang kamay sa kaniyang buhok at agad na
nilisan ang aking kwarto.

"Tama ka Kian, kailangan ko ngang mag-isip. Kailangan kong mag-isip kung paano ko
makukuha ang puso ni Jerome. Haha!" Wika ko habang kinakausap ang aking sarili sa
salamin.

"Baliw ka na nga." Wika ng isang tinig na nasa madilim na sulok ng aking kwarto.

"Paano ka nakapasok dito?" Tanong ko sa kaniya.

"Malamang sa pinto, alangan namang tumagos ako sa pader diba?" Pamimilosopo niya.

"Okay pasensiya na, hindi ko lang naramdaman ang presensiya mo." Ani ko at
nilapitan siya.

"Gusto mo ba talagang maangkin si Jerome?" Tanong niya habang nakahalukipkip at


nakasandal sa may pader.
Wow ah, may plano siya. Willing talaga siyang tulungan ako? Pero bakit? Ahh basta,
mukhang makakatulog siya sa akin kaya go!

"Oo naman!" Masaya kong paghahayag sa kaniya.

"Kung ganun, follow me." Aniya at lumabas na siya ng pinto.

Dahil sa kasabikang malaman ang kaniyang plano, hindi ako nagdalawang-isip na


sundan siya.

Nakarating kami sa may kusina. Naghanda siya ng makakain naming dalawa.

"Mas masaya kung may kinakain tayo diba?" Aniya at nilapag sa lamesa ang gelatin at
juice mula sa ref.

Ano kaya ang reason niya kung bakit niya ako gustong tulungang makuha si Jerome?
May galit ba siya kay Nikka?

"Umpisahan na natin." Wika ko at naupo na kami at nagsimula na.

"May sama ng loob ka ba kay Nikka kaya mo ako tinutulungan?" Tanong ko habang
kinakain yung gelatin.

"Malalaman mo rin mamaya. Basta, kay Jerome muna tayo magfocus." Wika niya at
uminom na siya ng juice.

"Ok!" Wika ko. Nakaramdam ako ng uhak kaya minabuti kong uminom muna ng juice.

"Nakakarefresh talaga ang fresh orange juice." Wika ko matapos kong lagukin ang
laman ng aking baso.

Maya-maya pa, nararamdaman kong umiikot ang aking paningin at nagmistulang blurred
ang paligid.

"Jerome." Wika ko habang nakahawak sa aking noo dahil nahihilo na rin ako.

"Oops, sorry!" Wika niya at nawalan na nga ako ng malay.

Nagising ako na nadilim ang paligid. Tanging liwanag lamang sa labas ang nagbibigay
ilaw sa kinaroroonan ko ngayon.

Batid kong nandito ako sa may bodega dahil makikita mo ang mga lumang gamit sa
paligid at ang bawat gamit na makikita mo ay mayroong bahid ng dugo.

"Oh no! Oras ko na ba? Ako na ba ang isusunod ng killer?" Tanong ko sa aking isipan
habang ako'y naghuhurumintado sa aking kinauupuan.

Hindi ko maikilos ang aking katawan at paa, malamang ay nakatali ako upang hindi
ako makawala.

"Gising na pala ang mahal na prinsesa." Wika niya habang may hawak-hawak na
dalawang tinidor.

Ano gagawin niya doon? Ayun ba ang gagamitin niya pang-patay sa akin? Haha!

"Walang hiya ka! Niloko mo ako! Akala ko ay tutulungan mo talaga ako. Noon pala,
iisahan mo lang ako para ako'y kumagat sa bitag mo!" Wika ko na halos maputol na
ang aking litid sa kasisigaw.

"Pwes, sinong tanga? Ade ikaw! Nagpaloko ka naman haha! Kung sabagay, hindi ka nag-
iisip mabuti, utak ibon!" Pangungutya niya sa akin.

Naghihimutok na ako sa panglalait niya sa akin pero wala akong magawa kundi ang
ngumawa.

"Papatayin kitang hayop ka! Pagsisisihan mo ang lahat ng ito!" Pagbabanta ko.
Tumawa lang siya na parang nanunuya kaya sa huli, ako pa rin ang talo.

"Sorry Grace, mukhang ikaw ang mauunang mamamatay sa ating dalawa eh haha!"

"Halang na ang iyong bituka! Kampon ka na ng kadiliman!" Sigaw ko.

"Sa pagkakaalam ko, mas masama ka sa akin. At hinding-hindi ko papalampasin ang


ginawa mong pagtataray sa akin habang pinandidilatan mo pa ako ng iyong mga mata."
Wika niya habang nilalaro ang hawak niyang tinidor.

"At dahil lang doon ay nainis ka na?"

"Oo, kaya oras mo na para mamaalam sa mundong ito." Wika niya na poot din.

Lumapit siya sa akin at itinutok ang dalawang tinidor sa aking leeg.

"Pero bago ko wakasan ang iyong buhay, gusto ko munang ipaalam sayo na mag-on na
sina Nikka at Jerome kaya talo ka na."

"No!" Sigaw ko.

"Maglaro muna tayo." Wika niya na aking ikinakaba.

"Huwag!" Sigaw ko.

Itinutok niya ang dalawang tinidor sa aking magkabilang mata, isa sa kanan at isa
sa kaliwa.

"Ahhh!" Napasigaw ako sa sakit ng kaniyang ibaon ito sa aking mata.

Mas lalo akong napasigaw ng dahan-dahan niya itong iginalaw ng sabay. Dinukot niya
ang aking mga mata gamit ang tinidor.

"Hahaha! Kawawang nilalang, gusto mo bang ipadala ko ang iyong mga mata sa Maynila
para idonate sa nangangailanga?" Aniya na tuwang-tuwa sa kabalbalan niya.

Hindi ako makasagot sa kaniya dahil puro pagdaing lang ang aking ginagawa.

"Tatapusin na ba natin ang paghihirap mo?" Aniya na masyado na yatang


naliligayahan.

Wala na akong makita. Tanging pagtawa niya lang ang halos namamayani sa lugar na
ito.

"Goodbye Grace.. see you in Hell!" Wika niya at naramdaman kong tumarak ang
dalawang tinidor sa aking leeg.

"Talunan ako." Ang huling salitang aking nabanggit bago ako tuluyan mawalan ng
hininga.

Killer's POV

Oh well, pasensiyahan na lang. Ginalit mo ako masyado eh. Hindi naman sana kita
papahirapan pero sumosobra ka na. Akala mo kung sino.

Letter E, ligpit na rin! Sino na kaya ang isusunod ko?

Basta, maganda kung sosorpresahin ko ulit sila bukas haha!

Chapter 38
Malamlam ang kalangitan. Tila nagbabadya ito na mayroong paparating na malakas na
bagyo.

Ang mga puno sa kapaligiran ay para bang matatanggal sa kanilang katitirikan.


Lumalangitngit din ang mga matatayog na kawayan. Tila nababalot na ng katahimikan
ang kapaligiran.

Ang karagatan ay unti-unting bumabalong sa kalupaan. At para bang naghuhumindig ang


mga alon na tila ba binabagabag sila ng kalangitan.

Ang bawat isa sa loob ng Mansion ay hindi mapakali dahil umaga na, hindi pa rin
nila natatagpuan kung nasaan sina Grace at Josh.

"Hinalughok na natin ang buong bahay pero hindi pa rin natin sila natatagpuan."
Wika ni Agatha habang nagtitipon silang lahat sa may sala.

"Hindi kaya..." Wika ni Roxette na nag-aalangang sabihin ang nilalaman ng kaniyang


utak.

"Hindi kaya patay na sila?" Pagtutuloy ni Mark.

"No! Huwag naman sana." Wika ni Nikka habang nakasandig sa dibdib ni Jerome.

"Pero may posibilidad nga. Ngayon pa't hindi natin sila makita. Alangan namang
pagtaguan nila tayo diba?" Ani ni Xiara.

"Tama siya, pero kailangan muna nating matagpuan ang mga bangkay nila kung sakali
man." Ani ni Hannah.

"Sa ngayon, magpahinga muna tayo. Sino gustong magkape?" Wika ni Ethan.

Umayon ang lahat maliban kay Aaron. Hindi kasi ito mahilig magkape. Tubig lang ang
iniinom niya tuwing umaga.

Naupo muna ang lahat maliban kay Aaron at Ethan na tinungo ang kusina.

Kumuha ng baso si Aaron at tinungo ang lugar kung nasaan ang refrigerator.
"Oh shit!" Wika niya ng binuksan niya ang ref at bumulaga sa kaniya ang dalawang
tinidor na tinuhugan ng mata at nakahilig ito sa hawakan ng pitsel kaya naibalibag
niya ulit pasara yung ref at siya'y napaupo sa sahig sa sobrang gulat.

"Anong nangyari sayo pare at namumutla ka?" Wika ni Ethan na nagtitimpla ng kape
malapit sa kinaroroonan niya.

"May mata sa ref pare!" Sambit nito na tila ba naninigas sa kaniyang kinasadlakan.

"Pinaglololoko mo ba ako? Huh, may nangtitrip lang kaya ganun." Anito.

"Kung ayaw mong maniwala ade huwag! Tingnan mo kasi para malaman mo." Sambit niya
sa kasama habang pinapagpag ang sarili.

"Okay!"

Nilapitan nga ni Ethan ang ref. Sa kaniyang pagbukas nito, nagulat din siya at
hindi makapaniwala na totoo ang sinasabi ni Aaron at hindi ito nagbibiro.
Napagpasyahan nilang ipaalam ito sa lahat.

"Guys, we have something to tell you. Huwag kayong mabibigla." Wika ni Ethan
pagkarating nila sa sala habang nasa likuran niya ang dalawang kamay hawak ang
dalawang tinidor na tinuhugan ng mata. Si Aaron naman ay bitbit-bitbit ang tray na
naglalaman ng tasa ng kape.

"Spill it Ethan!" Pahayag ni Agatha.

"Ahhhh!" Tilian ng mga babae.

Ipinakita ni Ethan ang hawak na tinidor na ikinasindak ng lahat.

"Saan niyo natagpuan iyan pare?" Tanong ni Karlo.

"Sa may ref." Anito.


"Yuck! Eeewww! As in, Eewwwy talaga!" Wika ni Tin.

"Hindi na ako iinom ng kape at masusuka lang ako." Pahayag ni Mia sabay walk-out at
umakyat sa taas.

"Tiyak na ang matang iyan ay kay Josh o Grace." Wika ni Jake.

"Diba Letter T si Josh at Letter E si Grace? Sino sa tingin niyo ang nagmamay-ari
niyan? Clue kaya iyan sa maaaring pagkamatay ng isa sa kanila?" Tanong ni Ginny.

"Maaari kayang si Grace ang nagmamay-ari niyan?" Wika ni Mark.

"Paano mo naman nasabi pare?" Tanong ni Kian na malapit sa dalaga.

"Kasi, ang ingles ng mata ay Eye at Letter E si Grace. Maaaring Eye ang kaniyang
death word tama ba? Not sure." Paliwanag nito.

"Tama ka Mark, malaki ang posibilidad." Pagsang-ayon ni Roxette.

"Yun naman eh, tumatalino na po si siya! Haha!" Pangbubuska ni Dion na bestfriend


niya.

"Loko! May utak naman ako kahit papaano. Haha!" Biro nito.

"Malamang! Kung wala, ade lalagpasan ka ng Zombie kapag nagkataon hehe!" Wika nito
at nag-alumpihit sa katatawa.

"Haha! Nice joke pare! Pwede ka na sa Group namin." Pahayag ni Jerome.

"Magsitigil nga kayo! Seryosong usapin ito kaya manahimik muna kayo. Sa ngayon,
bumalik muna tayo sa kaniya-kaniya nating silid para makapagpahinga. Bumaba na lang
ung gustong kumain." Wika ni Agatha na mukhang hindi maganda ang pakiramdam.
"Eh ano naman gagawin natin dito?" Tanong ni Ethan sabay pakita sa hawak niya.

"Dalhin mo na lang kung saan iyan nararapat, doon sa kinalalagyan ng labi ng mga
kaklase natin." Wika nito.

"Okay!"

"Hannah, tara na! Gusto ko munang magpahinga at masama ang pakiramdam ko." Aniya at
umalis na nga sila at tinungo ang landas patungo sa kanilang silid.

Samantala, nagkukuwentuhan ang magkakaibigan sa kanilang silid matapos ang


komusyong nangyari kanina.

"Shocks! Mata talaga ang pinuntirya nung killer. Kadiri lang at dinukot niya pa
ito." Wika ni Arianne habang nakaupo silang tatlo sa may kama.

"Naku, kung si Grace talaga ang nagmamay-ari noon aba, dapat lang sa kaniya iyon!
Nakakainis kaya siya makatingin! Inggitera!" Wika ni Ginny.

"Hay, kahit naman masama si Grace, nakakaawa pa rin siya no." Wika ni Roxette na
bahagyang nalungkot.

"Oh, anong kadramahan na naman iyan Rox?" Tanong ni Ginny.

"Wala, nalulungkot lang ako kasi marami na ang namamatay sa mga kasama natin." Wika
nito.

"By the way, change topic na nga! Baka maiyak pa niyan si Roxette eh." Segunda ni
Arianne.

"Hoo! Hindi no!"

"Hindi daw? Haha! Ano, may development ba?" Wika ni Ginny.


"Anong development ang pinagsasabi mo? Hindi kita maintindihan." Wika ni Rox na
nakakunot ang noo.

"I mean, may development bang nangyayari sa inyo ni Mark kasi naman, magkasama kayo
sa isang kwarto, isang kama lang ang tinutulugan niyo. Hihi!" Wika ni Ginny.

"Ayiiie! Namumula ka! Haha!" Panunuya ni Arianne.

"Huwag nga kayong ganiyan! Kinikilig tuloy ako hihi!" Wika ni Roxette habang yakap-
yakap ang isang unan.

"Sabi na nga ba eh! Magkuwento ka naman!" Wika ni Arianne sabay kiliti sa tagiliran
ni Roxette.

"Ay!" Napaigtad naman ito sa pagkiliti sa kaniya ng kaniyang kaibigan.

"Ano nagkiss na ba kayo? Hindi na ba virgin ang lips mo?" Pang-uusisa ni Ginny.

"Loko! Hindi pa no!" Pagtanggi ni Roxette.

"Pademure pa kasi eh! Halata naman namin na gusto mong matikman ang labi ni Papa
Mark eh. Sunggaban mo na kapag nagkataon! Huwag ka ng umasta na parang Maria
Clara." Wika ni Arianne.

"Jusko, ano bang payo iyan? Haha. Ayoko pa, bata pa ako." Anito.

"Asus, nagmaangmaangan pa! Kung gayon, masarap bang makatikim ng abs ni Papa Ethan?
Hihi! Share!" Wika naman Ginny.

"No comment. Haha!" Wika ni Roxette sabay subsob ng mukha sa may yakap na unan.

"Hala, kinikilig! Aminin na kasi! Tinamaan ka na rin kay Papa Ethan." Wika ni
Arianne.

"Tigilan niyo ko." Wika niya at tumayo bigla.

"Oh saan ka naman pupunta?" Tanong ng dalawa sa kaniya.

"Sa CR lang." Anito.

"Confirmed! Kinikilig nga ang Lola natin haha!" Wika ni Ginny.

"Ang tanong, kanino?" Wika ni Arianne at nagtawanan silang tatlo.

Nang makarating si Roxette sa may CR ay hinawakan niya na ang seradura ng pinto at


kaagad na pinihit.

"Ahhhhh!" Sigaw niya sa sobrang sindak sa kaniyang nakita.

Chapter 39
"Ahhh!" Sigaw ni Roxette sa may pintuan ng banyo.

Nagmamadaling tumakbo sina Ginny at Arianne papalapit sa kaibigan.

"What happened Rox?" Tanong ni Ginny.

Hindi makapagsalita si Roxette na para bang tinakasan na ng bait.

"Oh God! This can't be!" Sambit ni Arianne ng makita ang loob ng banyo.

"Isang karumal-dumal na krimen na naman ang nangyari. Paalam Josh!" Wika ni Ginny
na nakatakip ang kamay sa kaniyang bibig.
"Help!" Sigaw ni Arianne.

Agad namang rumisponde sina Mark, Ethan at Kian para saklolohan sila.

Halos balisa pa rin si Roxette hanggang ngayon at hindi pa rin siya nakakarecover
sa kaniya nakita.

Tulala pa rin ito hanggang ngayon. Hindi siya umiimik. Hindi alam ng kaniyang mga
kaibigan kung ano ba ang dapat nila gawin. Pati na rin ng tatlong lalaki.

Dinala na nila ang bangkay ni Josh sa dapat nitong paglagyan kasama ng ibang mga
bangkay.

"Si Josh, laslas ang kaniyang leeg." Sambit ni Roxette. Kasabay nito ang pagtulo ng
kaniyang luha.

Niyakap na lamang siya ng kaniyang mga kaibigan para ma-icomfort ito. Para bang na-
trauma ito sa kaniyang nakita.

"Letter T, Josh death word was Throat." Wika ni Mark habang nakatayo sa harapan ng
magkakaibigan.

"Sumalangit nawa ang kaniyang kaluluwa." Sabay na wika nina Kian at Ethan na
nakasalampak sa sahig.

"Si Josh, kanina, habang nasa CR siya at nakaupo sa may inidoro at tadtad ng
thumbtacks ang kaniyang katawan at mukha, ramdam ko.. ramdam ko ang hinanakit sa
kaniyang mga mata." Marahang wika ni Roxette habang lutang ang pag-iisip.

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ni Arianne.

"Nangungusap ang kaniyang mga mata. Para bang nais niyang maghiganti sa taong
pumatay sa kanina." Wika ni Roxette na medyo nahimasmasan na. Bumabalik na ang
kaniyang ekspresyon sa mukha.
"Malamang, hindi kaya naging makatarungan ang pagkamatay niya." Wika ni Kian na
nakikupagharutan kay Ethan.

"Hindi lang iyon, nababalot pa ng itim na aura ang loob ng CR kaya napatigagal ako
kanina." Dugtong nito.

Naging interesado ang lahat sa loob ng silid na iyon kaya naupo silang lahat sakama
ng pabilog.

"Ewan ko ba, naguguluhan ako! Para bang may demonyong nakapaligid sa kaniya
kanina." Aniya.

Kinilabutan sila sa binanggit ni Roxette. Para bang nanlamig ang kanilang dugo sa
katawan. Kasabay nito, ang pagbubutil ng kanilang pawis sa mukha.

"So ano naramdaman mo? Takot ba?" Tanong ni Mark.

"Takot, kaba, nerbiyos, halos lahat na! Masyadong malakas yung itim na
kapangyarihang bumabalot sa kaniya." Paliwanag nito.

Ikinabahala iyon nilang anim. Maya-maya pa, biglang nagbubukas-sindi ang ilaw ng
kanilang silid. Dulot ng takot, napayakap si Roxette kay Mark na ikinaselos naman
ni Ethan.

Alas-singko na rin kasi ng hapon at medyo madilim na rin ang paligid kaya
imposibleng hindi mo maramdaman ang takot na nais dumampi at mamutawi sa balat mo.

Maya-maya pa, tumigil na sa pagpatay-sindi ang ilaw. Naging mapaya kahit na sandali
ang paligid kaya nahimasmasan sila.

Ilang minuto lang, ginambala na naman sila. Isang mahabang buhok ng babae ang unti-
unting lumilitaw sa may kisame. Nabubuo na rin ang pigura ng isang babae na parang
si spiderman na nakadikit sa may kisame.

Nagulat ang lahat ng biglang umikot ang ulo ng babae na nakasuot ng itim na ngayo'y
nakatanaw na sa kanila. Natatakpan ng mahabang buhok ng babae ang kaniyang mukha.
Biglang nagsitaasan ang kanilang mga balahibo. Dulot ng takot, nagkumpol-kumpol
silang anim sa kama habang magkakapit-bisig.

"Sandali, totoo ba itong nakikita ko? Siya nga! Siya yung babaeng nakaitim na
nakita ko sa aking panaginip at yung multong nagpakita sa may hagdan!" Sambit ni
Roxette habang nakaturo siya dito.

"Anong ibig mong sabihin Rox?" Tanong Ethan.

"Nais niya---" hindi na naituloy ni Roxette ang kaniyang sasabihin sapagkat biglang
tumalon ang babaeng nakaitim at papabagsak na ito sa kinalalagyan nila ngayon. Wala
silang magawa kundi ang pumkit na lang. Hinihintay nila kung anong mangyayari.

Makalipas ang isang minuto, parang wala namang nangyari dahil bigla nalang itong
nawala kaya gumaan na muli ang kanilang loob.

"Hahahaha!" Nagulat sila dahil kahindik-hindik at para bang boses na napakalamig na


hinugot pa mula sa kailaliman ng lupa. Tila isang tinig ng demonyo at ang sakit sa
taingang marinig iyon.

Nagulat silang lahat ng marinig nila kung kanino nagmumula ang tinig na iyon.

"Roxette! Huwag kang magpasakop sa kadiliman! Lumaban ka!" Wika ni Mark na todo ang
pag-aalala sa kaniya habang hawak-hawak niya ang braso nito.

Parang sinapian si Roxette ng demonyo sa kalagayan niya ngayon. Nakakasindak ang


matatalim na kaniyang tingin para bang mamamatay ka kapag tinitigan ka niya.

"Huwag mo akobg hawakan!" Sigaw nito at tinabig niya si Mark at ito'y tumilapon sa
may pader.

"Ahh!" Daing ni Mark. Masakit na ang kaniyang katawan kaya nahihirapan na siyang
tumayo. Inalalayan siya ni Kian.
"Hahaha! Ihanda niyo ang inyong sarili sa nalalapit ninyong kamatayan!" Wika niya.
Kasabay nito ang pagbukas bigla ng mga bintana at pagpasok ng malakas na hangin sa
silid na iyon.

"Kontrolin mo Rox!" Sigaw ni Kian.

Naisin man nilang lapitan ang dalaga, hindi nila magawa sapagkat tinatangay sila ng
hangin papalayo.

Unti-unting umaangat ang katawan ni Roxette. Ngayo'y nakalutang na siya sa hangin


na para bang hayuk na baboy-ramo. Nilulukuban na siya ng demonyo para maging ganap
na itong kampon ng kadiliman.

"Kahit kailan, hindi matatalo ng dilim ang liwanag!" Sigaw ni Ethan at may dinukot
siyang bagay sa kaniyang bulsa.

Naglabas siya ng flashlight at itinutok ito kay Roxette.

"Ahhhh!" Sigaw ni Roxette habang nagwawala sa hangin ng dumampi sa kaniyang balat


ang liwanag mula sa flashlight ni Ethan.

Para siyang apoy na tinutupok sapagkat lumalabas sa kaniyang katawan ang espiritu
na naipunla ng kaaway. Sumisingaw na ang mainit na usok sa kaniyang katawan.

Nang tuluyan na nga nilang nagapi ang masamang espiritu na sumapi kay Roxette ay
sabay-sabay at tulong-tulong sila sa pagsalo sa katawan nitong bumabagsak ng dahan-
dahan na para bang biglang nagslow motion.

In the end, si Ethan ang talagang nakasalo sa pagbagsak ni Roxette mula sa


himpapawid.

"Anong nangyari sa akin?" Wika ni Roxette ng magkaroon na siya malay.

"Magpahinga ka na muna. Tiyak na pagod na pagod ka kaya huwag mo munang isipin ang
mga bagay na bumabagabag sa iyo." Sincere na wika ni Ethan na may halong pag-
aalala.
"Thanks Ethan." Wika nito at humilig ito sa kaniyang balikat at tsaka natulog sa
bisig ng binata.

Mas lalong umigting ang namumuong tensiyon sa pagitan nina Mark at Ethan.

"Guys, nagtataka ako kung ano ang kinalaman ng babaeng nakaitim sa nangyayari sa
atin ngayon." Bungad ni Kian habang inaayos ang mga nagulong gamit, katulong niya
si Ginny.

"Well, naguguluhan. Ang daming kababalaghan ang nangyayari sa atin ngayon.


Nakakatakot na talaga." Wika ni Arianne na nakabalot ng kumot sa may baba ng kama
at nagtalukbong.

"Guys, nakita niyo ba ang nakita ko kanina? Yung girl?" Tanong ni Ginny na nasa
tabi na ni Arianne.

"What do you mean? Yung girl sa likod ni Roxette kanina habang nadedemon possessed
siya?" Ani ni Kian.

"Yup, babaeng nakaputi naman. Siya yung multo na nagpakita sa may sala." Paliwanag
ni Ginny.

"Nagugluhan lang ako lalo! Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat nating gawin para
makaalis dito!" Wika ni Mark.

"Ang daming namumuong katanungan sa aking isipan. Wala naman akong masagot ni-isa
kaya ayun, ang sakit sa ulo! Ang daming intindihin." Wika naman ni Arianne.

"Sa ngayon, ilihim muna natin kung ano ang nangyari kay Roxette kanina okay lang
ba?" Suhestiyon ni Ethan.

"Okay, para sa kaligtasan niya." Sagot naman nilang lahat.

"Ngayong natagpuan na natin ang bangkay ni Josh, kay Grace na lang pala!" Wika ni
Kian.
"Yup, makikita rin natin iyon. Tiwala lang." Wika ni Ginny.

Chapter 40
Sa kabilang dako, magkakasama sina Agatha, Hannah, Xiara at Tin sa kwarto nila
Agatha. Nagkatuwaan silang maglaro ng baraha.

"So ano girls? Lucky 9? Tong its? Pusoy? Pares-pares? 41? Pekwa? Ano lalaruin
natin?" Tanong ni Agatha.

"Lucky 9 na lang para madali." Suhestiyon ni Xiara.

"Oo nga, tapos may. Consequence yung matatalo!" Pagsang-ayon naman ni Hannah.

"Deal!" Agree na silang lahat.

Si Agatha ang nagbalasa at taga-bigay ng baraha. Sa unang round, si Tin ang natalo.
Si Xiara ang magpaparusa sa kaniya.

"So Tin, alam kong hindi ka kumakain ng gulay. Kaya ang ipapagawa ko sayo ay kainin
mo ang okra ng hilaw." Wika ni Xiara at ipinakita ang dalawang okrang hilaw.

"Yown! Haha! Good luck sayo Tin!" Pagbibiro ni Hannah.

"But, with a twist." Dugtong ni Xiara.

"Anong twist naman ba iyan? OMG, I don't want to suffer please! Make it easy."
Pagmamakaawa ni Tin.

"Madali lang ito, ikaw pa! Lalagyan lang natin ng chili powder yung okra noh!"
Anito.
"Kailangang sundin yung ipinapagawa sayo kasi kung hindi, iinom ka ng isang tasang
suka." Panunuya ni Agatha.

"I'll pass! I'll gonna inom na lang ng cup of vinegar kaysa kumain ng okra with
chili powder." Wika niya.

"Okay!" Pahayag naman nung tatlo.

Kinuha ni Agatha ang isang tasa sa kusina at isang 1.5L na suka na iinumin ng kung
sino man ang magpass sa dare. Nang makabalik ito sa kanilang silid, inabutan niya
si Tin ng tasa na may suka.

"Kaya ko ito!" Wika ni Tin habang nakapikit at ininom niya ng diretso ang suka.

"Ehem ehem!" Nasamid si Tin ng maubos niya ito.

"Aba katindi mo! Kung ako sayo, yung okra na lang na may chili powder yung pinatos
ko." Wika ni Xiara habang hinahagod ang likod ng kaibigan.

Noong sumunod na round, si Hannah naman yung talo at si Tin ang mag-uutos sa
kaniya.

"Madali lang yung ipapagawa ko sayo. Kumain ka ng tutong with a twist." Wika ni Tin
na nangingiti. Mukhang may naiisip na kalokohan.

"Ayan na naman po tayo sa twist na iyan. Haha! Ok sige. Anong twist naman iyan?"
Tanong niya habang nakakunot ang kaniyang noo.

"Tumungtong ka sa may kama at ipagsisigawan mo na 'Pahinging tutong! Ako'y


nagugutom!' At para naman maging masarap yung tutong, lalagyan natin ito ng toyo at
mantika. Oh diba? Instant sabaw na ng adobo. Hehe!" Wika ni Tin.

"Kakayanin iyan! Hindi ko kayang uminom ng suka eh hehe." Aniya at tumayo na nga
siya sa may kama at para makapagsimula na.
Naihanda na ni Tin ang lahat at siya'y nakaassist sa may gilid ni Hannah hawak ang
platong naglalaman ng tutong na sinabawan ng toyo't mantika.

"Pahinging tutong! Ako'y nagugutom!" Sigaw niya at kinain ang tutong na may
mantika't toyo.

"Hahaha! Ang sarap mo lang i-video Hannah." Wika ni Xiara.

"Tse! Nakakahiya ang ginawa ko. Atleast hindi KJ hehe." Segunda niya at nagpatuloy
sila sa paglalaro.

Sa sumunod na round, si Agatha na ang paparusahan kaya tuwang-tuwa sila.

"Uy luka, kaya mo itong ipapagawa ko sayo kaya huwag kang masyadong kabahan." Ani
ni Hannah na nakahalf smile.

"Naku, kilala kita. Alam ko yung mga ganiyang ngiti. Sana naman, kung ano iyang
binabalak mo ay makaya ko." Anito.

"Naman! Kaya ang ipapagawa ko sayo ay lumuhod ka sa isang bilao na naglalaman ng


asin habang kumakain ng sampalok. Hehe!" Buwelta niya.

"Hala! Katindi lang! Pero sige go! Hindi ako pwedeng sumuko. Si Agatha pa ba?
Haha!" Pagmamalaki niya.

Inihanda na ni Hannah yung bilao na may lamang asin yung rock salt at naglabas ng
sampalok mula sa kusina.

"Ahhh! Ang sakit!" Daing niya ng lumuhod sa may asin. Parang dinidikdik ang
kaniyang laman sa tuhod.

"Aaaaasim!" Sigaw niya ng kagatin niya ang sampalok. Napangiwi siya sa asim ng
sampalok.

Makalipas ang limang minuto, natapos na rin ang parusa ni Agatha. Nagpatuloy sila
sa paglalaro at si Xiara naman ang natalo.

"Oh sis, you can do it! Susuportahan kita!" Pangeengganyo ni Tin sa kaibigan.

"Thanks Tin!" Aniya.

"Natalo ka rin sa wakas! Haha! Ngayon patas na tayong apat. Ako ang excited sa
ipapagawa ko sayo eh." Wika ni Agatha.

"Uy, alam kong pinahirapan ka ni Hannah kaya huwag mo namang ibunton sa akin iyang
hinanakit mo haha!" Pagbibiro ni Xiara rito.

"Hindi naman sa ganun, ang ipapagawa ko lang naman ay papainumin kita ng tatlong
tasang kape." Anito.

"With a twist right? Hay, ano naman kaya ang nasa isip mo?" Pagtatanong niya rito.

"Imbis na asukal, asin ang ilalagay natin sa kape. Oh diba? Masyadong kakaiba?
Hehe!" Aniya.

"Naku, kung ako sayo friend, I'll gonna take the suka na lang. Tubig alat nga hindi
mo mainom kape pa kaya?" Suhestiyon ni Tin.

"Wow ah, combination na mapait at maalat. Baka naman magkasakit si Xiara sa bato
niyan?" Wika ni Hannah.

"Oh sige, isang tasa na lang. It's up to you Xiara kung ano ang pipiliin mo." Wika
niya.

"Subukan natin. Masyado kang mahilig s experiment Agatha ah. Sana naman, pwedeng
may back up na gatas para hindi masyadong hard okay lang ba?" Anito.

"Okay payag kami."


Taimtim na nagdarasal si Xiara na nakaraos siya. Pagkatapos noon, tinungga niya ng
straight ang kape. Hindi niya ininda ang alat nito at tsaka uminom ng gatas.

"Ang alat lang! Para bang gumuguhit sa lalamunan! Haha!" Biro niya ng magawa ang
dare.

"Tok tok tok!" Tunog ng katok sa pinto.

"Agatha, natagpuan na yung bangkay kanina ni Josh sa CR ng kwarto nila Ginny. Yung
kay Grace na lang yung hindi pa nahahanap." Wika ni Karlo.

"Okay sige, tutulong na kami sa paghahanap." Wika ni Agatha at itinigil na nila ang
kanilang paglalaro at nag-ayos na.

"Hala, alas-sais na pala tayo natapos. Ang tagal pala nating naglalaro." Wika ni
Xiara habang naglalagay ng pulbos sa mukha.

"Kaya nga eh, hindi na natin napansin yung oras. Masyado tayong nag-enjoy." Wika ni
Hannah na nagpupusod ng buhok.

May naisip na kalokohan si Agatha na pangbiro sa kaniyang kasama. Naisip niyang


ihagis kay Xiara ang laruang ipis na ipinangtatakot niya kay Hannah.

"Xiara!" Tawag niya dito. Lumingon naman ito at tsaka niya inihagis yung hawak
niya.

"Aah! Ipis!" Sigaw nito at nagtatalon sa takot. Sa sobrang pagkakawag, nasagi niya
ang kabinet nina Hannah at Agatha kaya bigla itong bumukas.

"Aahhhh!" Sigaw nilang apat ng biglang bumagsak mula sa sahig ang katawan ni Grace
na matagal na nilang hinahanap.

Napaiyak si Xiara sa sobrang takot sa ipis at sa nakita niya ngayon. Nilapitan siya
ni Agatha habang tinawag nina Tin at Hannah yung iba.
"Sorry Xiara kung tinakot kita, hindi ko naman alam na malakas ang takot mo sa ipis
eh." Pang-aalo niya rito.

Umiyak lang si Xiara hanggang sa dumating ang kanilang ibang kasamahan.

Nang makarecover na si Xiara, pinatawad niya naman agad si Agatha at nagkabati


sila. Ang pinagtataka ng lahat, bakit napunta ang bangkay ni Grace sa kabinet nina
Agatha at Hannah.

Chapter 41
Jake's POV

Ang hirap pala kapag yung taong mahal mo ay may iba ng mahal. Ang mas matindi pa
roon, sa bestfriend ko pa ako na-inlove.

Gusto kong suklian niya ang pagmamahal ko para sa kaniya kaso, kahit kailan ay
hindi ko matatanggap iyon. Ang love, parang pagbabayad lang iyan sa jeep, madalas
kang hindi nasusuklian.

Ang sakit kaya noon, hashtag friendzone.

Tama nga sila, ang hirap-hirap mag move-on lalo pa't lagi mo siyang nakikitang
kasama ang taong mahal niya. Kahit anong iwas naman ang gawin ko ay hindi epektado
kasi nga, magkaklase kami.

Sa ngayon, mas masarap kumuha ng inspirasyon sa pamilya. Nagkataon pa nga na


nagkandaleche-leche ang grado ko at nagkabagsak pa ako. Thanks sa pamilya ko for
motivating me kahit na sawi ang puso ko.

Napakacomplicated talaga ng love. Natutuwa nga ako kapag nakakakita ako ng mga
Single na masaya sa buhay kahit zero ang kanilang lovelife.

Sabagay, maraming paraan para ika'y sumaya. Nandiyan ang kaibigan natin na maaari
nating sandalan at makasama sa kasiyahan upang makalimutan ang problema. At pamilya
na manghihikayat sayo na i-enjoy ang life habang bata ka pa.
Sa ngayon, masasabi kong medyo nakakamove-on na ako at namumuhay ako ng positibo.

"Uy Jake, ano gagawin mo kapag ikaw na ang kaharap ng killer ngayon? Paano kung
time mo na?" Tanong ni Karlo habang kami ay nasa sala.

"Ang gagawin ko kapag kaharap ko na yung killer ay kokomprontahin ko siya. Hindi


naman natin maiisip pa kung ano ang gagawin natin kapag nasa ganoong sitwasyon na
tayo. Ewan ko ba, malamang ang itatanong ko ay kung bakit niya ginagawa ito. At
kung time ko na nga, ade tanggapin. Sayang nga lang kasi hindi ako makakapagpaalam
sa mga mahal ko sa buhay lalo na sa pamilya ko. Ikaw ba pare? Ano ang gagawin mo?"
Paliwanag ko.

Walo na ang namamatay sa amin pero hindi pa rin namin alam kung sino ang killer.
Para nga kaming mga baboy na nakakulong. Kakatayin na lang kapag time na namin.
Hindi nga makatarungan ang naging pagkamatay ng bawat-isa eh. Hustisya ang kailagan
nila.

"Wala, ngingitian ko lang siya. Tatanggapin kung ano man ang ipapataw niyang
kamatayan sa akin kasi, wala ng nagmamahal sa akin. Yung pamilya ko, itinakwil ako
sa pagiging siraulo ko. Yung girlfriend ko, patay na. At doon din ang patutunguhan
ng mga kaibigan ko so patay kung patay hehe." Pahayag niya.

Alam kong hindi siya masaya kahit na tumatawa siya sa harapan ko ngayon. Alam kong
mamimiss niya rin ang pamilya niya at nagkukunwari lang siya. Siga siya sa klase
pero hindi ibig sabihin noon ay wala na siyang puso.

"Gabi na! Kayong dalawa, matulog na kayo! Baka kayo pa ang maisunod ng killer."
Wika ni Hannah na pababa ng hagdan.

"Sige, sandali na lang ito. Huwag ka ng mag-alala, kaya namin ang aming sarili."
Wika ni Karlo.

"Okay." Sambit ni Hannah.

"Nga pala pare, sana gumana yung memory card ni Ramil na naglalaman ng sagot kung
sino nga ba yung killer." Wika ni Karlo ng pabulong. "Sikreto lang iyon pare ah?"
Dagdag pa niya.
Talaga? Sana nga gumana para mapatigil na namin siya sa pagpatay. Dapat maunahan na
namin siya bago pa niya kami maunahan.

Kinabukasan, masaya kaming kumakain sa hapag-kainan ng umagahan sapagkat walang


namatay sa amin. Pero bakas pa rin sa mata ng iba ang ibayong kalungkutan.

Napapansin ko na mukhang balisa sina Arianne, Roxette, Ginny, Ethan, Kian at Mark.
Para bang may bumabagabag sa kanila na hindi nila maikuwento sa amin. Alam na kaya
nila kng sino ang killer?

Pati sina Agatha, Tin, Xiara at Hannah. Mukhang may nangyari kahapon na hindi namin
alam. Sandali, baka kaya sila ang nakakita sa bangkay nung dalawa?

Mabuti na nga lang at kulob ang silid na pinaglalagyan nung mga bangkay. Yung iba
nga ay naaagnas na at nakakasulasok na ang amoy kaya pahirapan na rin pumasok sa
silid na iyon kapag may isasama kang bagong bangkay.

Matapos naming kumain, nagkaniya-kaniya muna kami. Ako, napagpasyahan ko munang


maglakad-lakad sa labas. Masyadong malaki yung lugar, masyadong malawak ang lupain
at napapaligiran pa ito ng mga nagtatayugang mga puno.

Namiss ko tuloy magbakasyon sa Lolo't Lola ko sa probinsya. Noong bata pa kasi ako,
doon ako sa kanila tumitira tuwing bakasyon. Kamusta na kaya sila?

Ang pag-akyat sa puno kasama ang aking mga kalaro. Ang pagsusuga ng kambing. Ang
pagpapakain ng mga manok tuwing umaga. Ang paglanggoy sa dagat at paglalaro sa
lansangan habang tirik na tirik pa ang araw. Nakakamiss maging bata.

"Oy Jake! Masyado kang nagliliwaliw diyan ah!" Bati sa akin ni Hannah ng
magkasalubong kami sa daan.

"Haha, sinasariwa ko lang ang mga masasayang ala-ala ko noong bata pa ako."
Paliwanag ko sa kaniya.

"Oh sige, mag-iingat ka ah? O baka naman gusto mong samahan pa kita para sure?"
Alok nito.
"Naku hindi na! Baka pagselosan pa ako ng boyfriend mo at malugmok ako sa lupa
kapag nagkataon." Paliwanag ko at nagtawanan lang kami.

"Oh sige una na ako!" Wika ko at tinanguan niya lang ako.

Hindi pa ako nakakalayo, narinig kong sumisigaw si Hannah at humihingi ng tulong.

Paglingon ko patalikod, nakita ko siyang nakabitin ng patiwarik. May nakatali sa


kaniyang paa. Nais ko siyang tulungan kaso, hindi ko alam ang aking gagawin.

Brain blast!

Sanay nga pala akong umakyat ng puno noong bata pa ako. Eh ngayon kaya? Sana naman
ay kaya ko pa.

Sinubukan kong umakyat ng puno. Noong una, palpak dahil lagi akong nadudulas at
nalalaglag lang sa baba. At dahil sa pursigado akong iligtas si Hannah, nakaakyat
din ako.

Mabuti na lang at may dala akong salamin kaya binasag ko iyon at aking ginamit para
maputol yung tali. Dali-dali akong bumaba sa puno para matingnan si Hannah na
nawalan ng malay sa kaniyang pagkakabagsak sa lupa.

"Uy Hannah! Ok ka lang ba? Gumising ka!" Wika ko habang inaalog siya.

Salamat sa Diyos at buhay pa siya! Naririnig ko pa ring pumipintig ang puso niya.
Binuhat ko siya para dalhin sa Mansion. Nakakaisang hakbang pa lang ako, may
humataw bigla sa aking ulo na matigas na bagay mula sa likuran kaya bumagsak ako sa
lups at nawalan ng malay.

Nagising na lamang ako na nasa madilim na silid. Nakita ko si Hannah sa hindi


kalayuan. Pareho kaming nakatali sa upuan at nakagapos rito at binusalan ang aming
mga bibig upang hindi kami makagawa ng ingay.

Mapapansin mong maraming gamit sa paligid. At ang bawat sulok ng silid na ito
nababahiran ng dugo. Possible kayang dito pinapatay ng killer ang kaniyang biktima?
Yup, possible!
"Mabuti naman at gising ka na. Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan." Wika
niya sa isang sulok. Lumapit siya sa akin at tinanggal ang aking busal sa bibig.

"Hahaha!"

"Anong nakakatawa sa sinabi ko aber?" Aniya habang nakanunot ang noo.

"Imbes kasi na kaawaan ko ang sarili ko dahil mamamatay na ako. Sayo ako naaawa!
Kasi, pumapatay ka ng mga taong inosente! Sa totoo nga niyan, wala kang karapatan
para bawian kami ng buhay sapagkat sino ka ba para gawin iyon? Tao ka lang! Hindi
ka Diyos na dapat katakutan!" Pahayag ko.

"Hindi ko mapapatawad ang paglalaspangan mo sa akin! You will suffer before you die
for insulting me!" Aniya at kinuha ang isang martilyo at nagmamadaling papalapit sa
akin.

"Kayo na po ang bahala sa amin Lord, patawarin niyo siya sapagkat hindi niya alam
ang kaniyang ginagawa. Nagpabulag siya sa kadiliman." Pagdadasal ko.

"Sorry Jake!" Wika niya at inihambalos ang martilyo sa aking kamay.

"Ahhh!" Sigaw ko. Ramdam ko ang sakit sa paghataw niya nito. Halos madurog na ang
aking buto sa kamay.

"Maglaro muna tayo." Wika niya habang nakangiti ng nakakaloko.

"Ahhh!" Sigaw ko ng isa-isahin niyang pukpukin ng martilyo ang mga daliri ko sa


kamay.

Maririnig mo ang paglagutok nito na halos madurog na. Hindi pa siya nakuntento at
tinanggal niya ng isa-isa ang aking kuko gamit ang likod na parte ng martilyo.
Nagsilabasan ang laman na nagnanaknak sa aking kuko. Maging ang aking mga kamay ay
bugbog sarado na.
"Ano Jake? Masakit ba? Hahaha!" Wika niya na para bang tinakasan na ng bait.

"Hayop ka! Masunog nawa ang iyong kaluluwa sa kadagat-dagatang apoy!" Ani ko.

Hindi ko na maikilos ang aking mga kamay na pawang nabaldado. Parang na hazing ang
aking mga kamay sa kabaliwan niya.

"Magsorry ka sa akin kung gusto mong humaba pa ng kaunti ang iyong buhay!
Nilapastangan mo ang aking pagkatao!" Sigaw niya sa harapan ko.

"Hindi! Hindi ko babawiin ang mga sinabi ko at hindi ako hihingi ng tawad sayo!
Never!" Pagmamatigas ko.

"Okay, ikaw na mismo ang namili ng iyong kapalaran! Face your death Jake!" Wika
niya at buong pwersa niya hinataw ang martilyo sa aking ulo.

Para bang yumanig bigla ang aking mundo. Tumagos ito hanggang sa aking bungo at
dumaloy ang masaganang dugo sa aking mukha.

Nararamdaman ko ng lumalabo ang aking paningin.

"Alam kong gising ka na kaya ikaw na susunod! Haha!" Wika niya at tumawa ng
kahindik-hindik.

"Hannah." Ang tangi kong nasambit bago ako lagutan ng hininga.

Killer's POV

Paalam Jake! Hindi ko nagustuhan ang pang-iinsulto mo sa akin kaya tinuluyan na


kita. Hindi ko pa naman balak wakasan ang iyong buhay kung humingi ka ng kapatawan
pero sadyang matigas ang iyong ulo kaya iyan ang napapala ng mga taong pasaway.

Letter H, wala na rin! Siyam na ang aking napapatay at kaunti na lang. Makukumpleto
ko na ang Alphabet of Death! Haha!
Bago ko tunguin ang pwesto ni Hannah, as usual, sinulatan ko ng letter H sa noo si
Jake. Sana naman, malaman nila kaagad ang mensaheng nais kong iparating sa kanila.

Ikaw na ang sunod! Hahaha!

Chapter 42
Hannah's POV

Ang sarap pala talaga magkaroon ng maraming kaibigan. Yung tipong lagi lang silang
nandiyan sa iyong tabi para pasiyahin ka tuwing may problema ka, sandigan mo at
kabalikat mo.

Hindi ko iyon naramdaman noong high school pa lamang ako. Lagi nga nila akong
nilalayuan noon dahil maarte raw ako porket rich kid.

Kahit na mayaman kami, hindi pa rin ako masaya dahil kulang ako sa pagkalinga ng
aking mga magulang. Lagi kasi silang busy sa trabaho nila kaya si Yaya Paloma ang
nagsilbing pangalawang magulang ko.

Nakuntento na ako noon kahit mag-isa ako lagi tuwing lunch namin, vacant, para
akong black sheep.

Aaminin ko, kahit na maldita ako eh may bait pa rin naman ako sa katawan. Hindi
naman ako masamang tao.

Pinagsisisihan ko nga ang mga nagawa ko ngayong Kolehiyo dahil sinulot ko ang
boyfriend ng kaklase ko na itinuring ko na ring kaibigan.

Ewan ko ba, pagdating sa love, wala akong pakialam sa nararamdaman ng ibang tao. As
long as masaya ako, ade go! At dahil doon, nakasakit ako ng damdamin ng iba.

Gusto kong magsorry sa kaniya sa kasalanang nagawa ko noon pero inuunahan ako ng
takot. Takot na harapin siya ng kami lang dalawa. Takot na magkasakitan kami. At
higit sa lahat, magkasira kami na ngayon ay sirang-sira na.
Hindi ako nag-isip noong mga panahong iyon. Nagpabulag ako sa bugso ng aking
damdamin. I hope soon, mapatawad niya na ako.

Masaya kami dahil nakasurvive kaming lahat kahapon. Walang namatay sa amin kaya
ipinagdiwang namin iyon.

Ika-anim na araw na namin dito ngayon. Walong araw pa ng pagtitiis at pakikibaka na


makaligtas ka at makakauwi na kami sa kaniya-kaniya naming tahanan.

Balak ko ngang one of this days, mag heart to heart talk ako sa kaniya para humingi
ng kapatawaran sa aking nagawang kasalanan. Alam kong hindi niya ako mapapatawad
pero hindi ako susuko hangga't hindi kami nagkakaayos.

Habang naglalakad ako sa labas, nakasalubong ko si Jake.

Ang bait-bait nga ni Jake eh. Sa sobrang bait, siya ang laging nagpaparaya. Hindi
kagaya ko, selfish.

Nang magpaalam na ako sa kaniya, hindi ko napansin na may patibong palang


nagbabadya sa aking daraanan. Ayun, nabitin ako patiwarik. Salamat kay Jake at
tinulungan niya ako kaso nawalan ako ng malay.

Nagising ako sa pagpalahaw ni Jake ng sigaw. Gustuhin ko man siyang tulungan sa


pagpapahirap sa kaniya ng killer, hindi ko magawa. Talaga ngang hanggang dito na
lang ang buhay namin.

Naiyak na lamang ako ng tuluyan na niyang wakasan ang buhay ni Jake. I'm so
hopeless now. Wala na akong makitang pag-asa para mabuhay pa.

"Alam kong gising ka na kaya ikaw na ang susunod! Haha!" Wika niya habang papalapit
sa akin.

Tinanggal niya ang busal sa aking bibig. Mas lalo akong naiyak dahil sasapitin ko
na kung ano ang sinapit ni Jake.

"Are you ready to die?" Tanong niya. Alam kong masama ang loob niya sa akin dahil
sa nagawa ko sa kaniya.

"Sorry! Patawarin mo ako sa pang-aagaw ko kay Kian. Sana mapatawad mo man lang ako
bago mo ako patayin." Wika ko habang patuloy ako sa paghikbi.

Sa ngayon, takot at pangamba ang aking nararamdaman. Takot na mamatay at


nangangamba ako na mamatay ng hindi pa rin niya ako napapatawad.

"Sa tingin mo ba ay ganun-ganun na lang iyon ah? Alam mo ba kung gaano kasakit
maagawan ng mahal mo?" Wika niya habang umiiyak. Ramdam ko ang hinanakit at pighati
sa bawat salitang kaniyang binibitawan.

Ngayon ko lang siya nakitang umiyak. Noong naghiwalay kasi sila ni Kian, parang
okay lang sa kaniya. Hindi siya nagpakita ng emosyon at tanging ngiti lang kaniyang
ginanti at nilisan ang lugar. Syempre babae rin ako kaya alam kong masakit,
pinipilit niya lang magpakatatag.

"Please, patawarin mo na ako. Nagmahal lang naman ako eh." Wika ko.

"Oo nga, nagmahal ka lang! Pero nagmahal ka ng taong alam mong may mahal na! Tapos,
inahas mo pa! Hindi ka pa nakuntento! Inagaw mo pa siya sa akin! Malandi kang ahas
ka! Dapat sayo isama sa pamilya ng mga higad! Masyado kang makati!" Sumbat niya sa
akin sabay sampal sa aking kanang pisngi.

"Sige lang! Sampalin mo lang ako. Saktan mo ako hangga't gusto mo! Sabihin mo kung
ano ang gusto mong sabihin! Ilabas mo ang lahat ng hinanakit mo sa akin. Basta
patawarin mo lang ako. Mahal ko talaga si Kian kaya sorry." Paliwanag ko.

"Ano bang mayroon ka na wala ako? Nasa akin naman na ang lahat ah? Pero bakit?"
Wika niya habang nakasalampak sa sahig at pinuno ng kapighatian ang loob ng silid
na ito.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ayoko namang lumaki pa lalo ang gulo kaya
tumahimik na lang ako.

"Ano? Ang ganda ba? Mas maganda ka ba kaysa sa akin? Pwes, papapangitin kita!
Haha!" Wika niya at tumayo sa sahig. May kinuha siya sa isang sulok at lumapit sa
akin.
"Mahalin ka pa kaya ni Kian kung pangit ka na? Haha!" Sambit niya habang may hawak-
hawak siyang maliit na bote.

Oh God! Don't tell me na asido ang laman nun? Huwag naman sana.

"Please naman, itigil mo na ito. Kung si Kian ang gusto mo oh sige! Willing akong
magsakripisyo tumigil ka lang sa kahibangan mo." Wika ko.

"Huli na ang lahat Hannah! Kung sa simula pa lang ay hindi mo na siya inagaw sa
atin siguro, papatagal ko pa ang buhay mo! Haha!" Aniya.

"Pero hindi iyon ang rason kung bakit ko kayo iniisa-isa ngayon. Sayo na si Kian!
Hindi ko na siya kailangan sa buhay ko! Pero huwag kang mag-alala, magkikita rin
kayo sa kabilang mundo!" Nagngangalit niyang wika at biglang isinaboy ang laman ng
bote sa aking mukha.

"Ahhh!" Sigaw ko. Ang sakit at ang hapdi ng mukha ko, para bang unti-unti itong
nasusunog.

"Ang sama mo! Akala ko mabait ka at mapapatawad ako pero nagkamali ako! Mas matinde
ka pa sa tigre!" Panggagalaiti kong sigaw.

"And so? Ngayong sunog na ang mukha mo, are you ready to die?" Tanong niya habang
naka sarcastic smile.

"Masunog ka sana sa Impiyerno! Wala kang awa!" Wika ko habang iyak lang ako ng
iyak.

"Sige lang, umiyak ka lang, maya-maya ay ipaparanas ko na sayo ang bagsik ko!
Haha!" Wika niya at tsaka naglakad palabas ng silid.

Ano pa nga ba ang magagawa ko ngayon? Wala na hindi ba? Talo na ako sa larong ito.
Gusto sanang magpaalam man lang sa mga kaibigan ko at pati na rin kay Kian bago ako
mawala sa mundong ito. Kahit kaunting panahon pa sana.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok siya na may bitbit-bitbit na palakol.

Oh no! Katapusan ko na talaga. I'm dead.

"Ready?" Tanong niya.

"Ayoko sanang mamatay ng hindi man lang nakakamit ang kapatawaran mo pero no
choice, I need to accept the fact na hindi mo talaga ako mapapatawad." Wika ko
havang nakayuko.

"Mabuti naman at alam. At pagsisisihan mo iyang kasalanan mo habang buhay! Haha!"


Aniya.

"Kagaya ng ginawa ko kay Jake, itatarak ko na lang itong palakol sa iyong ulo.
Haha! Makilala ka pa kaya nila dahil diyan sa sunog mong mukha? Haha!" Aniya.

"Good bye Philippines! And Good bye World!" Ang tangi kong nasambit sa aking
isipan.

"Paalam Hannah!" Wika niya at itinarak na nga niya ang palakol sa aking ulo.

Killer's POV

Nakakatuwa lang, namatay si Hannah ng dilat! Haha! Dapat lang sa kaniyang mamatay.
Masyado kasi siyang makati at malandi. Kung hindi niya nilandi si Kian, siguro
hanggang ngayon ay kami pa rin pero heto siguro ang gusto ng tadhana.

Letter A, a painful goodbye! Haha!

"Plok!" Tunog ng isang bagay na nalaglag sa sahig.

"Lumabas ka! Huwag ka ng magtago pa!" Ani ko.


Mukhang mayroong nakasaksi sa palabas na ginawa ko ah. Pwes, humanda siya! Siya na
ang aking isusunod.

Tinungo ko ang pinagmulan ng ingay. Sayang at mukhang nakatakas na siya. Tanging


isang kwintas na may Guitar ang nakita ko.

Kilala ko na kung sino ka. Nagkamali ka ng pagtahak sa tamang daan.

Chapter 43
Sumapit ang dilim ngunit hindi nila matagpuan kung nasaan sina Hannah at Jake.
Kinukutuban na sila sapagkat maaaring nadali na sila ng killer.
"Oh this can't be! We can't find jake, my bestfriend!" Aligagang wika ni Tin habang
alalang-alala sa kaniyang kaibigan.
"Nawawalan na ako ng pag-asang makita pa siyang muli ng buhay. I hope, makausap ko
man lang siya kahit sandali." Dagdag pa niya habang along-alo siya ni Xiara at
Aaron.
"Me too! I lose hope! I miss my friend." Wika ni Agatha na nakasubsob sa may glass
table at pinaglalaruan ang kaniyang buhok.
"Pero guys, kailangan pa rin natin silang makita! Kahit anong mangyari!" Ani ni
Roxette na binibigyang lakas at kumpiyansa ang mga kasama.
"Yeah right! Kaklase pa rin natin sila!" Pagsang-ayon ni Mia habang nakayapos sa
braso ni Mark. Hinayaan lang ng binata ang dalaga.
Naramdaman ni Arianne at Ginny na kumukulo na ang dugo ni Roxette gayon pa't napag-
alaman nilang may pagkahitad itong si Mia kaya inalalayan nila ito na maupo muna.
"Gusto niyo bang ipagpabukas na lang natin yung paghahanap sa kanila?" Singit ni
Tom na hingal na hingal.
"Ang taba mo kasi Tom kaya ang bilis mong mapagod! Haha!" Pang-aalaska ni Nikka
rito habang nakayakap sa kaniyang boyfriend.
"Pasalamat ka Niks at katabi mo boyfriend mo. Kasi kung hindi, baka mamatay ka sa
kiliti kong ipapataw sayo." Aniya at nagpunas na siya ng pawis.
"Exercise rin kasi minsan Tom hehe. Tingnan mo ako, puro muscles hehe." Pagyayabang
ni Jerome at ipinakita pa yung muscles niya sa braso.
"Tama na iyan, seryoso ito kaya huwag muna tayong magbiruan." Awat ni Ethan sa mga
ito.
"Siguro nga, mas mainam kung matulog na tayo at ipagpabukas na lang natin ang
paghahanap sa kanila." Suhestiyon ni Karlo na kinakalikot ang kaniyang cellphone.
"Okay!" Sang-ayon ng karamihan kaya napagpasyahan nilang matulog na.
Akmang tatayo na ang lahat ng biglang tumunog ang door bell.
"Siguro sila na iyan!" Masayang wika ni Kian at dali-daling tinungo ng lahat ang
pintuan.
Pagkabukas na pagkabukas ni Kian ng pinto, tumambad sa kanila ang katawan ng isang
babae na sunog ang mukha na nakasubsob sa may door bell at may palakol na nakabaon
sa kaniyang ulo.
"Ahhhh!" Tilian ng mga babae dulot ng takot at pagkabigla. Hindi na sila nagtaka
kung sino ito, malamang si Hannah at isa na rin sa pagkakakilanlan sa kaniya ay ang
kwintas na suot nito na mula sa nobya.
Hindi napigilan ni Kian ang kaniyang emosyon at niyakap niya ng mahigpit ang
bangkay ng nobya kahit na matigas na ito at malamig na. Ramdam mo ang bugso ng
kaniyang damdamin sa pagyakap pa lang. Hindi niya napigilang umiyak gayong
nalalapit na ang kanilang monthsary at mahal na mahal niya ito ng sobra.
Napaiyak din ang mga kababaihan dahil naantig sila sa pag-ibig ni Kian para kay
Hannah. Lahat at ginagawa nito para sa dalaga. Mas na-touch sila sapagkat nawala
man ang kagandahan ni Hannah, hindi naman nagbago ang pagtingin niya rito.
"Hannah! Bakit ngayon pa?" Pagsusumamo niya habang yakap-yakap ang bangkay nito.
Wala ni bahid ng pandidiri. Mahal niya nga talaga ito.
"Kian pare, wala na tayong magagawa! Tanggapin mo na lang." Wika ni Dion habang
tinatapik ang likod ng kaibigan.
"Ayoko na! Hindi ko maatim ang ganito!" Wika ni Mia at nagtatakbo papalayo. Nagulat
ang lahat ng napatid ito at biglang nahila yung washing machine at bigla itong
bumuwal sa sahig. Kasabay nito ang pagluwa ng bangkay ni Jake.
"Ahhh!" Pumalahaw ng sigaw si Mia ng bumagsak siya at pumaibabaw sa dilat na
bangkay ni Jake na kaniyang ikinasindak.
Dali-daling lumapit sa kaniya si Arianne upang tulungan siya.
"Calm down Mia! Please!" Wika ni Arianne habang inaalo ito dahil sa sobrang takot
at panginginig.
"Kawawa naman yung bestfriend ko! Mukhang tinorture rin siya masyado ng killer!
Wala siyang awa!" Wika ni Tin habang nakasalampak sa sahig at pinagmamasdan ang
bangkay ng kaibigan.
"Sadyang kalunos-lunos ang sinapit nina Hannah at Jake. Walang pakundanggan yung
killer!" Sigaw ni Xiara.
"Kalma ka lang Xiara, baka ikaw ang pagbuntunan ng killer." Ani ni Ginny dito.
Dinala nila yung bangkay ng dalawa sa nararapat nitong paglagyan. Hindi makatulog
ang lahat dahil sa nangyari. Ngayon, nasa sala sila at nagtipon-tipon.
"Ika-anim na araw pa lang natin dito pero sampu na ang namamatay." Panimula ni
Agatha.
"Oo nga eh, paano kaya natin malalaman kung sino yung killer?" Ani ni Ethan.
"Paano natin siya mahuhuli?" Ani naman ni Karlo.
"Putang inang killer iyan! Sana ako na lang yung pinatay niya hindi si Hannah."
Sigaw ni Kian na hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob sa sinapit ng nobya.
"Hindi pa siya nakuntento! Sinunog pa niya ang mukha ni Hannah! Pinahirapan pa!"
Dagdag pa niya.
"Mas mahirap naman ang pinagdaanan ni Jake. Tingnan niyo, pukpukin daw ba ng
martilyo ang kaniyang mga kuko sinong hindi mamamalipit sa sakit nun aber? Nasaan
na ang hustisya!" Ani ni Tin na ani mo'y nagpoprotesta.
"Guys, letter H ang nasa noo ni Jake at letter A naman ang kay Hannah. Ano sa
tingin niyo ang Death word nila?" Tanong ni Mark na wari mo'y nag-iisip.
"Hindi pa ba obvious? Martilyo ang ginamit sa pangtorture kay Jake at ito rin ang
nakatarak sa kaniyang ulo, kaya malamang, ang death word niya ay Hammer." Paliwanag
ni Roxette na nagtataray.
"Ang taray mo! Mayroon ka ngayon?" Panunuya ni Mark.
"Tse! Huwag mo akong kausapin!" Anito.
"Uy, LQ yung dalawa! Haha!" Biro ni Jerome.
"Shut up!" Sabay nilang sabi.
"Oh tama na iyang kakesohan niyong dalawa diyan. Huwag muna iyan ang pagtuunan niyo
ng pansin." Ani ni Agatha.
"Sa tingin ko naman, mukhang asido ang ginamit ng killer sa mukha ni Hannah para
masunog ito pero ang talagang nakapatay sa kaniya ay ang nakatarak na palakol sa
ulo niya. Kaya sa tingin ko, ang death word ni Hannah ay Axe." Wika naman ni Tom.
"Aba pareng Tom, mabuti naman at ginamit mong muli ang iyong utak! Hehe!"
Pangbubuska ni Karlo.
"Syempre naman! Kailangan eh, hehe!" Panunuya nito.
"Sa ngayon, hanggang dito na lang muna ang ating pag-uusapan. Maaari na tayong
magsibalik sa ating kaniya-kanyang silid." Wika ni Agatha at naghiwa-hiwalay na
sila at nagsibalik sa kaniya-kaniyang kwarto.
-------------------------------------------
E/N: salamat po sa patuloy niyong pagbabasa! Pasensya na rin kung maikli ang aking
update.

Chapter 44
Mark's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto, maaga sigurong nagising si Roxette kaya wala na siya
rito sa tabi ko. Yup, tama kayo ng rinig, magkatabi pa rin kami ni Rox matulog kaya
masaya ako.
Habang nakahiga, hindi ko maiwasan pagnilay-nilayan ang mga nangyari sa amin dito.
Ika-pitong araw na namin dito pero sampu na sa aking mga kaibigan/kaklase ang
pinatay ng killer. Hanggang ngayon, wala pa rin kaming magawa para mahuli ang
killer. Hindi namin alam kung paano siya iiwasan. Para kaming mga ipis na basta-
basta na lang niyang ginaganun. Mga wala kaming laban kaya nadadaig niya kami. Ano
ang kaniyang dahilan para patayin kami?
Hustisya ang aming hinihiling para sa mga kaklase/kaibigan namin na pinaslang niya
na. Hindi makatarungan ang ginagawa niya sa amin. Kailangan niyang pagbayaran ang
lahat-lahat.
Si Mae, tahimik iyan pero maloko pala. Hindi ko man lang siya nakabonding ni minsan
na kaming dalawa lang but still, naaawa ako sa kaniya lalo na sa pagdukot ng killer
sa puso niya.
Si Adrian, ang pasimuno ng lahat ng kalokohan kaya laging napspagalitan ang
seksiyon namin ngunit, enjoy pa rin kahit ganun. Masaklap din ang ginawa ng killer
sa kaniya. Sinunog siya, mabuti na lang at hindi siya ginawang abo.
Si Abi, magiging ganap na ina pa naman siya pero naudlot iyon ng kitilin ng killer
ang kaniyang buhay. Naaawa ako sa baby na wala pang muwang sa kaniyang sinapupunan.
Hindi niya tuloy nakita kung gaano kaganda ang mundong ibabaw. Palaisipan pa rin sa
akin kung ang gumahasa sa kaniya at ang killer ay iisa.
Si Ramil, isa sa mga katoto ko. Mahirap ding unawain ang isang iyan. Magaling
magtago ng emosyon. May pagkabipolar din minsan. Hindi ako naniniwalang kaya niyang
magpatiwakal ng basta-basta. Tiyak na ang killer ang may gawa noon sa kaniya.
Si Joan, ang pinakamadaldal na babaeng nakilala. Siya ang signal. Ang lahat ng
tsismis at balita ay alam. Ang bff ng mahal ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa
rin naaamin sa kaniya ang tunay kong nararamdaman. Ang brutal ng pagkamatay niya.
Ihain daw ba sa hapag-kainan ang utak nito, nakakabaligtad tuloy ng sikmura.
Si Henry, ang talino niya ay walang kapantay. Ang panlaban ng aming seksiyon
pagdating sa akademiks. Para siya ipinako sa krus sa pagbutas ng killer sa kaniyang
noo, paa at kamay. Ang sakit nun!
Si Grace, ang pbb teens sa amin. Kunwari pang mabait pero ipapakita niya rin pala
ang totoo niyang ugali. Marami ring naiinis sa kaniya dahil madalas siyang
maglider-lideran at pinapangunahan niya kaming lahat. Akala ko noon, siya ang
killer pero hindi pala. Nakakadiri lang at dinukot ng killer ang mata nito at
bilang sorpresa, sa refrigerator pa talaga nilagay, kasarwa lang.
Si Josh, ang tinig ng kalalakihan. Ang pambato namin sa kantahan in male category.
Ang hirap lang ng sitwasyon niya. Friendzoned, awts! Ang lalamunan pa talaga niya
ang pinuntirya ng killer. Sayang ang kaniyang boses.
Si Jake, isa rin iyan sa pinakamalapit sa akin. Aloof type pero mapagkakatiwalaan
mo pagdating sa paglilihim ng iyong sikreto. Bestfriend na rin ang turing ko sa
kaniya kaya aaminin ko, napaiyak ako nang mamatay siya lalo na ng makita ko ang
kalunos-lunos niyang sinapit sa kamay ng killer.
Si Hannah, ang makamandag niyang ganda ang pumupukaw sa lahat. Naging Crush ko rin
iyan. Palangiti at palatawa. Kahit galit na, nakangiti pa rin, para nanunuya lang.
Sunog ang kaniyang mukha na binuhusan ng killer ng asido.
Labing-anim na lang kaming natitira. I hope makasurvive ang bawat-isa, sana
matapos na ito. Mahuli na sana namin ang killer ng matapos na ang kahibangan niya.
Psycho kaya siya kaya niya ginagawa ang mga ganoong bagay?
Sa aking pag-iisip, napagtanto kong may binubuo nga pala akong mga salita na
maaaring gustong iparating ng killer sa amin.
Kung si Henry ay letter D, si Grace ay letter E, si Josh ay letter T, si Jake ay
letter H, at si Hannah ay letter A, ang mga letter na ibinigay ng killer ay DETHA.
Kung ating aayusin ang mga letra, maaari akong makabuo ng salitang...
DEATH!
Naku, kamatayan! Nais niya ngang patayin kaming lahat. Kung ang mga letra noon ay
OFRSU, ang ibig sabihin nito ay FOR US! Ang mensaheng nais iparating ng killer sa
amin ay...
DEATH FOR US!
Kamatayan para sa ating lahat. No! Mukhang wala kaming takas talaga sa kaniya.
Mukhang mali talaga ang galit ng killer pero bakit? At bakit for us? Ano ito,
kasama rin siyang mamamatay? Naguluhan tuloy ako lalo!
Napabalikwas ako sa kama ng mapagtanto ko iyon. Dali-dali akong pumunta sa baba
para ipaalam sa iba ang isang munting palaisipan na aking nalaman.
"Guys! Magtipon muna tayong lahat sa may sala at may ibabalita ako sa inyo." Sigaw
ko habang bumababa sa hagdan.
Ilang sandali lang, nakumpleto na rin kami.
"Bakit mo naman kami tinipon Papa Mark? Kilala mo na ba kung sino ang killer?"
Tanong ni Mia na may kasamang pagyapos sa akin.
"Mia, tigilan mo nga ako. Wala akong balak makipaglampungan sayo." Ani ko at
tumigil ito. Napatingin ako sa dako kung saan nakaupo ang aking mahal. Masama ang
tingin niya sa akin. Hay, nagseselos kaya siya?
"Go spill it Mark!" Wika ni Agatha na parang mainit yata ang ulo.
"Ok ok, ganito kasi iyon guys. Napag-alaman ko na may mensahe pala ang killer kaya
sinusulat niya ang letter sa noo ng kaniyang pinapaslang." Paliwanag ko.
"Anong mensahe ang nabuo mo?" Tanong ni Ethan sabay akbay kay Rox. Argh! Nagseselos
ako!
"Ang nabuo ko ay DEATH FOR US." Ani ko sabay yuko. Para akong manlulumo sa
pagsandig ni Rox sa balikat ni Ethan. Kailan pa sila naging ganito?
"Oh no! I don't want to mamatay ng maaga! I have a dream na dapat ko munang
matupad." Pagmamaktol ni Tin.
"Mukhang seryoso nga ang killer. Gusto niya tayong patayin tayong lahay at kapag
patay na tayo, tsaka niya papatayin ang kaniyang sarili." Ani ni Jerome na
nakapalupot ang kanang kamay sa kaniyang nobya.
Nakakainggit tuloy sila. Sana, may pagtingin din sa akin si Roxette.
"Shocks!" Ang tanging nasambit ni Arianne at umiyak.
"Ang galing mo pare! Biruin mo, naisip mo pa iyan? Hehe." Biro ni Kian na ngayon
lang ulit nabuhayan ng loob matapos mamatay ni Hannah.
"Guys, hindi lang dobleng ingat ang dapat nating gawin. We need to take care of
ourselves as long as kaya natin." Ani ni Nikka na masaya sa piling ng taong mahal
niya.
"Ibig sabihin, hindi siya titigil hangga't hindi niya tayo napapatay lahat." Wika
ni Roxette sabay walk-out.
"Sis, dito ka na muna. Baka ikaw ang isunod ng killer kapag humiwalay ka sa amin."
Ani ni Ginny na along-alo si Arianne na patuloy pa rin sa pagtangis.
"Okay." Aniya at naglakad ito pabalik sa dati niyang puwesto.
"Seven days pa tayong mamamalagi dito at dapat maging wais kayo kung makaharap niyo
man ang killer." Wika ni Agatha na iniisip pa rin ang pagkamat ng kaniyang tinuring
na kaibigan. Si Hannah lang kasi ang ka-close niya talaga sa mga babae.
"At dahil walang signal magtiis tayo. Hindi tayo makakahingi ng tulong sa iba."
Dugtong pa niya.
"Ahm guys, may sasabihin ako sa inyo." Wika ni Dion na napatayo bigla sa kaniyang
kinauupuan.
"Ano naman iyon Dion?" Tanong ko habang nakaupo pa rin sa sofa.
"Kilala ko na ang killer. Kailangan ng matigil ang kahibangan niya." Aniya na higit
na nababagabag dahil maaaring may binabalak na masama sa kaniya yung killer o kaya
naman ay patayin na lang siya bigla nito.
"Sino?" Tanong naming lahat.
Killer's POV
Mabuti na lang at may utak din pala itong si Mark at naisip niyang buo-in ang mga
letrang nais kong iparating sa kanila. Kasi kung hindi, may plan B ako para ipaalam
sa kanila iyon.
Hindi ako titigil hangga't hindi natatapos ang Alphabet of Death. Mas maganda
siguro kung patayin ko kayo kaagad ng sunod-sunod! Haha!
I knew it! Alam kong alam mo na Dion ang sikreto ko na ako ang killer kaya ginawa
ko na dapat gawin para harapin mo ang iyong kamatayan! Haha!
Hindi ako papayag na matalo niyo! I will never give up! Haha! You need to face your
death guys! Haha!

Chapter 45
Dion's POV

Akala ko nung una, ang sarap magmahal lalo pa't mahal ka rin ng taong mahal mo pero
pinaasa niya lang ako hanggang sa maging patapon na ang buhay ko.

Minsan na akong umibig sa maling tao at natutunan ko na ang lahat ng gusto mo ay


makukuha mo, kailangan mo ring maghintay lalo na sa pagmamahal.

Sa mga oras na parang patapon na ang buhay ko, si Joan lamang ang naging sandigan
ko. Siya ang dumamay sa gitna ng pagdadalamhati ko hanggang sa mapawi niya ang
sakit na idinulot ng pagmamahal ko kay Abi.

Hindi ko alam kung paano ko nagustuhan si Joan. Basta, naramdaman ko na lang na


masaya ako tuwing kasama ko siya hanggang siya na lagi ang laman ng isipan ko yung
tipong hinahanap-hanap ba.

Si Joan ang babae na kakaiba sa lahat ng mga babae sapagkat wala siyang burloloy sa
katawan, hindi niya naisipang gumamit ng kolorete, hindi maarte at higit sa lahat,
komedyante.

Dahil sa angking galing sa pagpapatawa, hindi ko nararamdaman ang kalungkutan.


Tanging kasiyahan lamang ang dala niya na ikinatutuwa ko naman.

Kaya nung araw na magtapat ako ng aking tunay na damdamin sa kaniya, kabado ako
sapagkat hindi ako sigurado kung mahal niya rin ako. Hindi mo kasi siya mababasa,
magaling magtago sa kaniyang maskara.

Laking tuwa ko ng sagutin niya ako, walang mapaglagyan ang tuwa't ligaya sa aking
puso. Ako na yata ang pinakamasayang tao nung araw na iyon at halos ipagsigawan ko
pa sa buong mundo na mahal ko siya.

Gayon na lamang ang aking kasiyahan ng sa wakas, mahal din ako ng taong mahal ko.
Hindi na ako umiibig ng mag-isa sapagkat may nagmamahal na rin sa akin. Ipinaramdam
ko talaga sa kaniya kung gaano ako kaseryoso sa kaniya. Bawat oras na magkasama
kami, pinapadama ko na mahal ko siya.
Akala ko, sa pagsama namin sa barkada trip na ito, mas marami pang memories ang
mabubuo namin. More bonding moments at kung anu-ano pa. Iyon pala, dito mapuputol
ang aming kaligayahan.

Sa kaniyang pagkamatay, daig ko pa ang nawalan ng isang kapamilya. Lubos-lubos ang


pagdadalamhati ko ng patayin ng killer na iyan si Joan. Lahat ng kaligayahan ko sa
katawan ay nawala, sana ako na lang ang namatay at hindi siya.

Napakalaki naman ng galit niya sa amin at sa buong barkada. Mayroon ba kaming


nagawa sa kaniya na dapat niyang ikagalit? Wala kasi siyang puso lalo na sa
pagpatay sa bawat-isa sa amin. Para kaming mga insekto na basta niya lang
ineexperimento.

Nung araw na hinahanap namin ang nawawalang katawan ni Joan, halos mawalan na ako
ng pag-asa na makita pa ito. Hindi ko alam kung saan ito hahanapin. Napakalaki at
lawak nitong isla, pero kahit na ganun, hindi pa rin ako nagpatinag.

Hanggang sa isang bodega ang aking nakita. Naamoy ko ang dugo na masangsang kaya
hindi na ako nagdalawang-isip pa na tunguin ito kaagad. At tama nga ako, natagpuan
ko rito ang walang buhay na si Joan.

Hindi muna ako masyadong nakikisawsaw at nangingialam sa mga pangyayaring nagaganap


lalo na ang sunod-sunod na pagkamatay ng bawat-isa sa amin. Sa sobrang balisa,
hinihintay ko na lang na kitilan ako ng buhay ng killer.

Madalas kong mapaginipan ang isang babaeng nakaputi na halos gabi-gabi sa aking
pagtulog ay binabagabag niya ako.

"Tulong! Tulungan mo sila!"

"Tulong! Tulungan mo sila!"

"Tulong! Tulungan mo sila!" Sigaw niya sa aking panaginip.

Lagi niya akong binabagabag, ayaw niya akong tigilan hangga't hindi ako kumikilos.
Ang pinagtataka ko, sino siya? Humihingi ba siya ng tulong? Hustisya ba ang nais
niya? Sino ang nais niyang tulungan ko? Napakaraming tanong ang hindi ko mabigyan
ng kasagutan.
Hanggang sa dinalaw na naman niya ako sa aking panaginip, may ipinakita siya sa
aking silid na puro dugo na kung saan ay mukhang pamilyar sa akin. Hanggang sa
ipakita niya ang bangkay roon ni Joan, ang bodega! Ano ang nais niyang gawin ko sa
bodega.

Hindi ako makahinga. Para bang may sumasakal sa akin kaya nagising ako bigla. Hindi
ako makapaniwala sa aking nakita, hindi nga ako nagkakamali! May sumasakal sa akin!
Isang babaeng nakaitim! Para bang galit na galit siya! Matindi ang poot na
namamayani sa kaniyang aura!

Hindi na ako makahinga! Mauubusan na ako ng hangin. Nanghihina na ako. Hanggang sa


isang babaeng nakaputi ang biglang nagpakita at pinigilan niya ang babaeng nakaitim
na sumasakal sa akin. Hindi ako nagkakamali, siya yung babaeng nakaputi sa
panaginip ko! At nawala na lang sila bigla sa aking harapan na parang bula.

Kinabukasan, napagtanto ko na balikan ang bodega na pumuntahan ko noon. Pagdating


ko roon, nawindang ako sa aking nakita. Bihag ng killer sina Jake at Hannah.

Para akong punong natigang sa aking kinatatayuan ng aking masaksihan kung paano
patayin ng killer sina Hannah at Jake. Naaawa ako sa kanila, hindi ko man lang sila
natulungan para makawala sa kamay ng killer.

Heto pala ang nais iparating sa akin ng babaeng nakaputi. Ang tulungan sila! Pero
hindi ko alam kung ano ang aking gagawin, sa sobrang taranta, may nasagi akong
bagay na nagbigay pukaw sa killer na may nakamasid sa kaniya.

Dali-dali akong nagtatakbo palayo para makatakas. Hingal na hingal ako at hindi ko
alam kung ano ang aking gagawin. Ngayong kilala ko na kung sino ang killer, dapat
ko na siyang pigilan sa kaniyang masamang balak.

Bumalik ako sa aking kwarto para mag-isip kung ano ba ang aking dapat gawin.

Maaari niya akong makilala dahil sa bodega ko noon natagpuan ang bangkay ni Joan.
Malamang, nag-iisip na rin siya kung ano ba ang gagawin niya sa akin lalo na, ang
paraan kung paano niya ako papatayin.

Balisa ako at pawang kinakabahan sa maaari niyang gawin sa akin. Minsan, iniisip ko
kung gusto ko pa bang mabuhay o mamatay na lang at makasama sa kabilang buhay ang
taong mahal ko. Naaawa rin ako sa mga kasama namin, gusto ko rin namang makatulong.

Sino kaya ang babaeng nakaputi na nagpapakita sa aking panaginip? Maaari kayang
kaklase namin siya na nakakakilala sa killer? Naguguluhan ako. Pero nais ko na
talagang matuldukan ang paghihirap namin kaya kailangan ko ng sabihin sa lahat kung
sino ang killer.

Pero paano kung itanggi ng killer na siya talaga ang killer? Wala naman akong
ebidensiya na magpapatunay na siya talaga ang killer. Pero kahit na, sa maniwala
sila o hindi, sasabihin ko na talaga kung sino ang killer.

Kinagabihan, hindi ko magawang makatingin sa mata ng killer, batid kong tinitingnan


niya ang bawat galaw ko kaya hindi ko masabi sa lahat na siya ang killer.

Kinabukasan, nagpatawag ng pulong si Mark sa may sala kaya nagkaroon na ako ng time
para sabihin sa kanila ang aking nalalaman.

Sa sala, kaming lahat ay nagulat sa lahat ng sinabi niya sa amin. Ngayon, naglakas
loob na ako na isiwalat kung sino ang killer.

"Ahm guys, may sasabihin ako sa inyo." Wika ko at napatayo ako bigla sa aking
kinauupuan. Gusto ko ng tumigil siya sa pagpatay.

"Ano naman iyon Dion?" Tanong ni Mark habang nakaupo pa rin sa may sofa. Habang ang
lahat ay nakatingin sa akin.

"Kilala ko na kung sino ang killer. Kailangan ng matigil ang kahibangan niya." Wika
ko na higit na nababagabag dahil maaaring may binabalak na siyang masama sa akin o
kaya naman ay patayin na lang siya ako bigla dito.

"Sino?" Tanong nilang lahat. Nagbutil-butil ang pawis ko na napakalamig.

"Ang killer ay si..."

"Bang!" Isang putok ng baril ang umalingawngaw at ito'y tumama sa ulo ni Dion na
ngayo'y wala ng buhay.
Killer's POV

Malakas ang loob mo Dion! Akala mo ba ang maibubuking mo ang lihim ko? Hell no!
Hahaha!

Nagpaplano ka palang ng hakbang, may naplano na ako! Kaya walang sinuman ang
makakahadlang sa aking plano! Hahaha!

Lahat tayo ay sama-samang mamamatay dito! Walang makakaligtas sa bagsik ng Alphabet


of Death! Haha!

Letter G was gone, 15 letters pa at magiging successful na ang lahat.

Be prepared!

Chapter 46
"Dion!" Sigaw ni Mark at agad na nilapitan ang kaibigang bumulagta sa sahig at wala
ng buhay.

"Dion!" Sigaw naman nang iba na wari mo'y nag-aalala.

"Saan naman galing yung putok ng baril? Wala namang may hawak sa atin ah?" Tanong
ni Roxette na nagpapalinga-linga sa paligid.

"Ayun yung baril!" Turo ni Arianne sa may uwang sa may ding-ding.

Ang baril ay nakatali sa may pasilyo ng ding-ding. Hindi nila lubos maisip kung
paano iyon pumutok ng hindi hinahawakan ng killer. At higit sa lahat, bakit nila
hindi ito napansin.

Agad silang nag-inspeksyon sa may paligid para alamin kung anong tricks ang
maaaring ginamit ng killer.
"Guys! May pisi akong natagpuan dito sa may sahig." Wika ni Tom at ipinakita sa
kaniyang mga kasama ito.

Inabot naman ni Ethan ang baril sa may pasilyo ng ding-ding upang inspeksyunin ito.

"Hindi naman ito malalagyan ng timer ng killer eh. Ordinaryong baril lamang ito."
Aniya habang binubusisi ito.

"Patingin nga ako." Wika ni Agatha at kinuha ito kay Ethan at binusisi rin.

"Guys, tama nga ang hinala ko. Tingnan niyo ito." Wika niya at ipinakita ang
gatilyo ng baril na may marka ng pisi.

"Maaaring nakatali dito ang pisi. Sa oras na hatakin ng killer yung pisi, puputok
yung baril at saktong nakatayo pa si Dion kaya sa ulo niya ito mismo tumama."
Paliwanag nito sa mga kasamahan.

"Eh kung gayon, sa paghatak ng killer ng pisi, maaaring magmarka ito sa kaniyang
kamay right? Kaya mas maganda siguro kung inspeksyunin natin ang kamay ng bawat-
isa." Suhestiyon ni Nikka.

"Agree ako sayo Niks!" Segunda ni Jerome at inakbayan ito na nagbigay kilig sa
dalaga.

Ganun nga ang ginawa nila, pero sa kanilang pag-iinspeksyon, wala silang nakitang
bakas ng pisi sa kamay ng kahit na sino sa kanila.

"Sayang talaga! Ayun na eh! Sasabihin na ni Dion kung sino ang killer pero
naunsyami naman." Banas na wika ni Xiara at napapadyak pa sa sahig.

"It's ok Xiara, we can figure out pa rin naman kung sino ang killer eh basta trust
lang don't lose hope okay?" Pangungumbinsi rito ni Tin.

"Sino ba ang malapit sa may ding-ding kanina? Diba si Mia? Kaya may chance na siya
ang killer!" Paninisi rito ni Ginny habang nakaduro sa walang muwang na dalaga.
"Ako pa talaga? Aba Ginny! Ako na naman ang nakita mo! Bakit ba ang init ng dugo mo
sa akin?" Inis na sambit ni Mia.

"Kasi, ikaw lang naman ang hindi katiwa-tiwala rito eh! Tsaka ikaw lang naman ang
galit sa lahat!" Anito.

"Bakit? Patunayan mo nga! Wala kang pruweba! At hindi ako killer! Isa pa, sa inyong
pamamahay ito kaya maaaring ikaw ang killer!" Segunda nito na ikinainit ng dugo ng
dalaga.

"Kung ano ang puno, siya rin ang bunga! Dahil sa panunukso namin sayo niyan, galit
na galit ka sa buong seksyon natin! Diba? At kung ako ang killer, binomba ko na
lang sana kayo para sabay-sabay na." Anito at halos nangigigil na sa pagmumukha ni
Mia. Nais na nga niya itong lamirutin sa sobrang pangigigil.

"Oo! Killer ang Nanay ko! Pero ang pagbibintang niyan sa akin, ang sakit! Hindi ko
lubos maisip na ganiyan pala ang tingin mo sa akin! Oo aaminin ko, galit ako sa
buong seksyon natin noon, pero pinatawad ko na kayong lahat!" Wika ni Mia na
ngayo'y nababalot ng kapighatian. Ramdam mo ang bawat salitang kaniyang
binibitiwan. At sakit, at pait ng kaniyang nakaraan ay nananariwa sa kaniya ngayon.

"Dati, nagngangalit talaga ang ngipin ko sa mga binibitiwan niyong salita sa akin!
Masakit oo! Sobra! Daig ko pa noon ang sinugod ng isang daang saksak! Para ngang
gusto ko na kayong patayin isa-isa sa sobrang galit ko noon eh! Pero mali iyon!
Kasalanan iyon! Pinatawad ko pa rin kayo! Tapos.." hindi na tinuloy ni Mia ang
kaniyang sasabihin bagkus naglakad ito papalayo sa mga kasama habang pinupunasan
ang mga luhang nagbabagsakan mula sa kaniyang mata.

"Mia!" Sigaw ni Karlo. Susundan na sana siya ng binata ngunit pinigilan siya ni
Kian.

"Hayaan na muna natin siya Karlo." Anito nang walang emosyon.

"Dapat hindi mo ginawa iyon sa kaniya Ginny! Dapat kinalma mo yung sarili mo!" Wika
ni Agatha.

"Sorry, nabigla lang ako." Aniya at tumahimik muna.


"Talagang planado ito lahat ng killer. Ang death word ni Dion ay Gun. Ito na talaga
ang kapalaran ni Dion." Wika ni Agatha at umayos ng upo.

"Sa ngayon, malaki ang namuong tensyon sa pagitan ng bawat-isa lalong-lalo na kay
Ginny at Mia kaya mamahinga na muna tayo." Aniya at nagsikilos na ang lahat. Dinala
na nila ang bangkay ni Dion sa dapat nitong paglagyan.

Roxette's POV

Kaagad naming dinala ni Arianne si Ginny sa kwarto upang siya'y kalmahin.

"Ano bang nangyayari sayo Ginny at ginanun mo si Mia?" Malumanay kong tanong habang
nakaupo sa may tabi niya.

"Hindi ko alam, bigla na lang nag-init yung dugo ko sa kaniya eh." Anito habang
nakabusangot pa rin at nakatingin sa malayo.

"May nagawa bang kasalanan sayo si Mia? Tell us para masolusyonan namin." Dugtong
naman ni Arianne habang nakahawak sa braso ng dalaga.

"Ang kati niya kasi! Dikit siya nang dikit sa iba't ibang lalaki!" Paghihimutok
niya.

"Juice colored! Iyon lang pala, akala namin kung may mas malalim pa eh!" Wika ni
Roxette na napahawak na lang sa ulo.

"Jusko! Akala namin aatakihin na kami sa puso sa rebelasyong sasabihin mo eh! Yun
lang pala!" Wika ni Arianne sa braso ng dalaga sabay irap sa may hangin.

"Aray! Grabe ah! Ganiyan lang reaksyon niyo! Hindi ba kayo naaasar sa kalantudan
niya?" Pagmemake face nito sa mga kaibigan.

"Hayaan na natin siya! Kung doon siya liligaya ade ok!" Wika ni Rox na
nakapameywang pa.
"Eh paano kung si Mark ang landiin niya aber? Ano gagawin mo?" Tanong niya.

"Huwag lang si Mark kasi sasabunutan ko siya talaga hanggang sa makalbo siya!" Wika
nito na nangigigil pa.

"Hahaha!" Pagtawa nina Arianne at Ginny.

"Ano nakakatawa roon?" Pagsusungit nito habang nakapameywang at nakataas pa ang


isang kilay.

"Grabe ka kaya! Para namang boyfriend mo si Mark kung makapagreact ka! Haha!"
Panunuya ni Arianne.

"Kung ako sayo, kay Papa Ethan na lang ako! Oh shit! Yummy! Haha!" Wika ni Ginny
habang pinagpapantasyahan ang binata.

"Aba Ginny! Bumalik ka na naman ulit sa dati! Namatay lang si Ramil, si Ethan naman
ngayon! Aba! Winner ka pa!" Wika ni Arianne.

"Syempre naman! Kailangan nating humugot ng inspirasyon! Hehe. Kaya ikaw, maghanap
ka na rin! Haha!" Dagdag pa nito.

Nagkumpol-kumpol sila sa gitna ng kama habang naghahagikgikan.

"Bagay kaya ni Kian o kaya si Karlo!" Pagrereto naman ni Roxette dito.

"Asus, tigilan niyo nga ako! Ayoko na munang maglovelife na ganiyan!" Wika ni
Arianne at nagtalukbong ng kumot.

"Uy kinikilig ang bruha! Haha!" Pang-aasar ni Roxette sa namumulang si Arianne.

"Tse! Tigilan niyo nga ako!" Pagmamaasim nito.


"Sandali nga lang! Naiihi ako!" Wika ni Roxette at nagmamadaling tinungo ang CR.

Pagkabukas niya ng pinto, isang babaeng nakaputi ang bumungad sa kaniya na nakaupo
sa may bowl at may hawak na martilyo.

Biglang kinilabutan si Roxette at nagsitaasan ang lahat ng kaniyang balahibo sa


katawan. Napaurong siya dahil sa takot.

Tatakbo na sana siya pabalik sa mga kasama ng sa isang kurap niya lang ay napunta
na yung babae sa may harapan niya at may ibinulong.

"Kikilos na ulit siya!" Anito at bigla na lamang itong naglaho na parang bula.

"Ahhhh!" Napatili na lang siya sa sobrang takot at nagtatakbo papalapit sa mga


kaibigan.

Chapter 47
Tom's POV

Mabilis lumipas ng oras. Ika-walong araw na namin dito sa isla nila Ginny at
labing-isa na sa mga kasama namin ang namamatay. I hope, matapos na ito.

Marami ng nangyari na hindi na namin maaaring maisaayos pa. Para ngang talo na
talaga kami sa larong ito. Hindi namin kung ano ba ang aming dapat na gawin. Halos
nakakawala ng pag-asa lalo na kung kayo ang nasa sitwasyon namin. Para bang anytime
ay maaari kang mag-panic.

Sino bang matinong tao ang gugustuhing mapunta sa ganitong sitwasyon? Parang noon
lang, sa movie ko lang napapanood ang mga ganitong pangyayari pero ngayon, kami na
tauhan na nanganganib ang buhay lalo pa't nasa bingit na kami ng kamatayan.

Naglalakad ako ngayon sa may pampang habang patuloy na nagmumuni-muni. Nakita ko si


Kian na nakaupo sa isang malaking bato habang inihahagis ang mga maliliit na bato
sa kaniyang tabi doon sa dagat.
Unti-unti akong naglakad papalapit sa kaniya. Ilang pulgada na lang ang layo namin
sa isa't isa ngayon. Hindi ako makapaniwala na siya'y umiiyak.

Si Kian kasi ang pinakamaton sa klase namin. Ni hindi mo siya kakikitaan ng


kahinaan. Sa tindig niya pa lang ay matatakot ka na. Oo, mayabang at presko ang
magiging impresyon mo sa kaniya sa una. May pagkabully din kasi iyan kaso in a nice
way namin parang harot at hindi ka naman masasaktan.

"Bakit ngayon pa Hannah? Balak ko pa naman na ipakilala ka sa parents ko kaso bigla


mo naman akong iniwan." Aniya habang siya'y nakayuko at nakasubsob ang kaniyang
mukha sa kaniyang tuhod habang patuloy na inihahagis ang mga batong maliliit sa may
dagat.

Ngayon ko lang siya nakitaan na ganung emosyon. Iba nga naman talaga ang naidudulot
ng pag-ibig.

Naglakad-lakad pa ako at sa may bandang silong ng malaking puno, nakita ko sina


Jerome at Nikka na naghaharutan habang nakaupo sa may duyan.

"Ano ba Jerome! Huwag diyan! May kiliti nga kasi ako diyan! Hihi!" Ani ni Nikka na
nakikiliti sa pagyakap ni Jerome sa kaniyang beywang.

"Enjoy lang natin ito! Malay natin, baka isa sa atin ang isunod kaagad ng killer."
Paglalambing ni Jerome rito.

"Huwag naman sana." Aniya at nagharutan pa sila na parang walang tao sa paligid.

Hindi ko lubos maisip na silang dalawa ang magkakatuluyan. Ang dating aso't pusa na
laging nagbabangayan ay na-inlove sa isa't isa.

Pinagpatuloy ko ang pagtahak sa pampang at natagpuan ko sina Mark, Aaron, Xiara at


Tin na masayang nagtatampisaw sa tubig. Talaga nga namang sinusulit na nila ang
bawat oras na buhay pa sila.

Napalingon ako sa aking bandang kanan at nakita ko si Agatha na nakahiga sa


buhangin at dinarama ang init ng araw sa kaniyang katawan. Sun bathing? Nakashades
pa talaga at higit sa lahat, ang lakas ng loob niyang mag two piece.
Natawa na lang ako. Sa may bandang kanan naman ni Agatha, nandoon si Karlo na busy
sa pagkalkal ng cellphone na hawak niya. Pinapatuyo niya ito sa ilalim ng araw
habang hindi magkandaugaga.

Napailing na lang ako sa kalokohan nito. Binagtas ko na ang daan patungo sa loob ng
bahay. Pagpasok ko sa may gate, aba! Nagmamasipag si Mia! Kailan ba ito naging
mahilig sa mga halaman at ngayo'y dinidiligan pa niya? Feeling ko tuloy, biglang
naging weird ang mga tao rito.

Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa loob ng mansyon. Pagkapasok ko palang,


bumungad na sa akin ang bango ng niluluto ni Roxette. Amoy asado! Sarap! Si Ginny
ay abala naman sa pag-aayos ng mga gagamitin namin mamaya sa lamesa habang si
Arianne naman ay naghuhugas pa ng mga pinggan.

Naglakad ako patungo sa hagdan. Napansin ko si Ethan na nakaupo lang sa sala at


nanonood mag-isa. Kailan pa siya naging loner? Sa pagkakaalam ko, gusto niyang
laging may kasama dahil takot siyang mag-isa dahil pakiramdam niya, siya na lang
ang tao sa mundo.

Dahil inaantok pa ko, minabuti ko munang bumalik sa aking kwarto para matulog.

Pagkabagsak ko sa kama, dinalaw kaagad ako ng antok kaya mabilis akong nakatulog.

Wow! Ang ganda naman dito! Parang isang paraiso! Napakatahimik! Payapang-payapa ang
lugar. Parang ang pakiramdam ko tuloy ay narating ko na ang promise land.

Nilibot ko ang lugar. Wala talagang kapantay! Nag-iisa! Napakagandang creation


nito.

Isang puting paru-paro ang biglang dumating na para bang sumasabay ito sa indayog
ng hangin. Lumipad ito papaikot sa akin ng tatlong beses. Maya-maya pa'y bigla
itong nagliwanag at tila nakakasilaw ang liwanag niya.

Pagkawala nung liwanag, hindi pa rin ako makadilat ng ayos. Pakiramdam ko ngayon,
parang may nakahawak sa may braso ko kaya dahan-dahan kong iminulat ang aking mga
mata.

Nanlaki ang mga mata ko at biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko ng masilayan ko
ang babaeng nakaputi na nakahawak sa braso ko. Hindi ko makita ang kaniyang mukha
sapagkat natatabingan ito ng buhok na nasa harapan niya. Mas lalo akong nagulat at
biglang naumid ng hilahin niya ako papalapit sa kaniya at may ibinulong siya sa
aking tainga.

"Mag-ingat ka!" Aniya. At pagkatapos niyang bigkasin iyon at bigla siyang tumili ng
pagkalakas-lakas at halos mabasag ang ear drums ko sa tinis ng kaniyang boses at
bigla na lamang siyang naglaho.

Ano ang ibig niyang sabihin? Ako na ba ang isusunod ng killer?

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang gulong-gulo pa rin ang aking isipan. Naagaw ng
isang batang umiiyak ang aking atensyon kaya hindi na ako nagdalawang-isip pa na
lapitan ito.

"Ineng, bakit ka umiiyak?" Wika ko habang nakaluhod sa harapan niya. Nakasubsob ang
mukha ng bata sa kaniyang tuhod habang siya'y tumatangis.

Biglang tumigil sa pag-iyak yung bata kaya medyo gumaan na ang pakiramdam ko.
Nagulat ako ng bigla siyang humarap sa akin. Wala siyang mukha! Kaya napaigtad ako
at napaupo bigla.

"Mamamatay ka!" Wika nito na humahalakhak sa pagtawa at bigla na lamang nag-iba ang
kaniyang anyo. Naging babaeng nakaitim na siya. Hinawakan niya ako sa braso at
biglang nag-iba ang itsura ng paligid.

Nagulat ako ng bigla niya akong dalhin sa Golgotha, ang lugar kung saan ipinako si
Hesu-Kristo.

"Anong ibig sabihin nito? Naguguluhan ako! Nananaginip lang ako!" Ani ko habang
nakahawak sa aking ulo.

Pagmulat ko ng aking mata, ako na mismo ang nakapako sa Krus.

"Ahhh!" Sigaw ko ng maramdaman ko ang sakit.

Napabangon ako bigla sa may kama na kinahihigaan ko matapos ang masamang panaginip
na iyon. Pawis na pawis ang aking buong katawan at nagulat ako ng mapatingin ako sa
aking palad. May bahid ito ng dugo.

"Totoo ba ang lahat ng nangyari sa aking panaginip?" Tanong ko sa aking sarili.

"Mabuti naman at gising ka na. Kanina pa kasi ako atat na atat na patayin ka." Wika
ng isang tinig. Napalingon ako sa kung saan nagmula ang tinig na iyon.

"I-ikaw ang Killer?" Nauutal kong tanong.

"Oo ako nga! Bakit Tom? Nagulat ba kita masyado?" Aniya at unti-unting naglakad
palapit sa akin. May hawak siyang parang baril pero tiyak kong hindi bala ang laman
noon.

"Anong bang pakay mo at nais mo kaming patayin lahat?" Matapang kong tanong. Hindi
dapat ako magpakita sa kaniya ng kahit ano mang takot.

"Gusto ko lang naman kayong singilin sa utang niyo sa akin eh. An eye for an eye, a
tooth for a tooth at buhay sa buhay kaya naniningil lang ako." Aniya sabay tutok sa
akin ng hawak niyang parang baril.

"Sa pagkakaalam ko, kahit kailan ay hindi namin nagawang pumatay o kaya'y saktan
ka! Nababaliw ka lang!" Pagdidiin ko.

Hindi siya nagsalita at tanging ngiti lang ang kaniyang iginanti at bigla niya
akong sinipa kaya napatayo ako sa kama. Mabuti na lang at nakaiwas ako sa kaniya.

"Bang!" Tunog ng hawak niyang parang baril at biglang lumabas dito ang napakalaking
pako at bumaon ito sa aking kanang palad. Sa sobrang lakas ng impact, tumilapon ako
sa may pader at bumaon doon ang pakong bumaon sa aking palad.

Nakalutang ako nga sa ere habang nakapako ang kanang palad ko sa pader. Pinipilit
kong kumawala kaso nabigo lang ako.

"Pantayin natin." Aniya at pinaputok na naman ang hawak niya.


"Ahhh!" Sigaw ko ng bumaon naman ang malaking pako sa aking kaliwang palad.

"Ano Tom? Masakit ba? Haha!" Aniya sabay hawi sa kaniyang buhok.

Eto nga kaya ang ipinapahiwatig ng aking panaginip kanina? Ito rin ba ang warning
ng babae na mag-ingat ako? Kung gayon, katapusan ko na nga. "Itigil mo na ito!"
Sigaw ko habang tinitiis ang sakit na nanunuot sa aking mga palad.

"Sorry Tom pero hindi ko na pahahabain pa ang iyong buhay at baka maunsyami pa ang
aking plano." Aniya at pinaputok na naman niya ito ng dalawang beses at ito'y
tumama sa aking magkabilang binti.

"Ahhh!" Sigaw ko sa sobrang sakit.

"And as a goodbye.." naglakad siya papalapit sa akin at ako'y hinalikan niya sa


kanang pisngi at pinaputok muli ang hawak niya na bumaon sa kaibuturan ng aking
puso.

"Time ko na nga. Hindi ko matanggap na ganito ang kahahantungan ng aking buhay."


Wika ko at tuluyan na akong nawalan ng hininga.

Killer's POV

Kawawang Tom! Ayoko pa naman sana siyang patayin dahil naging totoo siyang kaibigan
sa akin kaso kailangan eh. Sorry Tom.

Letter N, check! 14 letters na lang at mapagtatagumpayan ko na ang plano!

Bago ko nilisan ang kwarto niya, nilagay ko ang letter N sa kaniyang noo.

Sino kaya ang isusunod ko? Yung masayahin? O yung mahiyain? Haha!

Chapter 48
"Ginny! Tawagin mo na nga sila para makakain na tayo." Wika ni Roxette habay
hinahalo ang niluto niyang tinola.

"Si Ethan na lang, hindi pa ako tapos sa ginagawa ko eh." Wika nito habang inaayos
ang mga kubyertos sa lamesa.

"Oh sige pakisabi na lang sa kaniya." Aniya sabay yuko.

"Oh bakit ganiyan itsura mo? Nahihiya ka kay Ethan noh? Haha!" Pangbubuska rito ni
Ginny.

"Sa pagkakaalam ko, nahihiya lang naman sa lalaki iyang si Rox kapag may gusto siya
rito." Segunda ni Arianne habay patuloy na hinuhugasan ang mga plato.

"Naku! Tigilan niyo nga ako! Huwag ako ang intrigahin niyo!" Anito sabay talikod sa
mga kaibigan at nagkunwaring busy siya sa kaniyang ginagawa.

"Aminin mo na kasi sa amin Rox! Na may gusto kay Ethan!" Panunuya rito ni Ginny
sabay lapat sa tabi ng dalaga.

"Tsaka sa pamumula mong iyan! Kilala na kita! Crush mo nga! Haha!" Pangbibwisit
dito ni Arianne.

"Oo na! Crush ko na siya! Kaya tigilan niyo na nga ako!" Tagtataray ni Roxette na
may halong kilig.

"Sabi na nga ba eh! Crush mo na si Papa Ethan!" Wika ni Arianne sabay sundot sa
tagiliran ng dalaga na nagdulot upang mapaigtad ito.

"Ayiee! RoHan na ako! Haha!" Pangungulit dito ni Ginny.

"Pero MaXette pa rin talaga ako! Ahaha!" Wika ni Arianne na nagtatatalon pa sa


sobrang kilig.

"Kinikilig tuloy ako! Gusto kong magtatalon! Hihi!" Ani ni Ginny na ginawa naman
niya.

"Uy girls! Anyare sa inyo?" Tanong ni Ethan na galing sa sala.

"Oh hot! Busog na ako, hindi na ako kakain! Hihi!" Wika ni Ginny na napatulala sa
katawan ni Ethan dahil shirtless ito.

"Oh my ulam! Sizzling hot!" Wika ni Arianne kagat sa kaniyang lower lip.

"Oh girls, hinay-hinay lang! Haha!" Ani ni Ethan sabay punas sa pawis na
tumatagaktak sa kaniyang katawan.

"Bakit ka ba sa nakahubad? Tingnan mo tuloy ginawa mo sa mga kaibigan ko. Parang


mga asong naglalaway! Hehe!" Wika ni Rox habang humahagikgik ng paimpit.

"Masyado kasing mainit eh. Hayaan mo, magsawa sila sa katawan ko." Wika ni Ethan
sabay lapit kay Rox at niyakap ito. Gayon na lamang ang gulat niya at pagkalaki ng
kaniyang mata ng magdikit ang kanilang katawan.

"I love you Rox!" Wika ni Ethan sa tainga ng dalaga na nagsanhi upang bumilis ang
tibok ng kaniyang puso. Nakadama siya ng pag-iinit ng kaniyang katawan sa pagyakap
sa kaniya ng binata.

"Ayyiie! Alabyu daw! Napaka-intense naman ng scene dito! Hehe!" Wika ni Ginny.

"Tara Ginny, tayo na ang tumawag sa kanila." Wika ni Arianne at nilisan nila ang
kusina at naiwan yung dalawa.

Hanggang ngayon, nakayakap pa rin si Ethan kay Rox. Hindi alam ni Rox ang gagawin
sa sobrang pagkabigla. Nagulat siya ng bigla na lamang kumilos ang kaniyang kamay
at yumakap din siya kay Ethan. Pansin ng dalaga na nakapikit ang binata habang
yakap nila ang isa't isa. Lalong bumilis ang tibok ng kaniyang puso kaya minarapat
niyang pumikit na lang din.

Maya-maya pa'y naramdaman niya ang pagdampi ng labi ni Ethan sa kaniyang labi. Para
bang nawala siya sa wisyo at tinugon niya ito. Para silang mga anghel sa langit na
naghahalikan sa himpapawid na walang sinuman ang maaaring humadlang.
"Plok!"

Natigil ang dalawa sa paghahalikan ng marinig nilang may nabasag.

"Ah sorry kung naabala ko kayo. Sige lang, ipagpatuloy niyo lang iyan." Wika ni
Mark na nabitawan ang baso ng makita niya ang ginagawa nung dalawa kaya dumiretso
ito kaagad sa itaas patungong kwarto.

Natauhan bigla si Roxette at naitulak niya si Ethan. Hindi niya alam kung bakit
siya nakipaghalikan sa binata. Pakiramdam niya, para siya nahipnotismo nito.

"Sorry Ethan. Nadala lang ako ng tawag ng laman. Pasensya na." Wika nito sabay
takbo patungong loob ng banyo.

Roxette's POV

Pagkapasok ko sa banyo ay kaagad akong naghilamos. Tila ba nawala ako sa sarili ng


bigla akong halikan ni Ethan. Nadarang lang ako kanina ng tawag ng laman kaya
nagawa ko ang ganoong bagay.

Pero hanggang ngayon, nalilito pa rin ako. Nasaktan ako ng makita ni Mark ang
paghahalikan namin ni Ethan. Pakiramdam ko tuloy ay pinagtaksilan ko yung taong
mahal ko.

Pero sa ginawa sa akin ni Ethan kanina, pakiramdam ko'y nasa langit na ako. Ang
sarap sa pakiramdam. Para bang I want more.

Pero mali talaga! Nasaktan ko yung taong mahal ko. Pakiramdam ko nga ay mahal na
rin ako ni Mark pero hindi niya lang maamin. Si Ethan naman, umamin na siya sa akin
ang kailangan na lang ay pagbuksan ko siya ng pinto.

Sino ang iibigin ko

Ikaw ba na pangarap ko

O siya ba na kumakatok sa puso ko


O, anong paiiralin ko

Isip ba o ang puso ko

Nalilitong-litong litong-lito

Sinong pipiliin ko

Mahal ko o mahal ako

Sino nga ba ang pipiliin ko? Mahal ko? O mahal ako? Nalilito na ako! Nakakarelate
tuloy ako sa kanta ni Kz Tandingan.

-----

Lumabas si Roxette at nandun na sa hapag-kainan ang kanyang mga kasamahan. Naiilang


siya sa nangyari kanina. Ang awkward pa sapagkat katabi niya sa kanan si Mark at sa
kaliwa naman si Ethan kaya hindi siya makagalaw ng maayos.

"Guys, nasaan nga pala si Tom?" Tanong ni Agatha.

"Ah, napansin ko siya kanina na nagpunta roon sa may kwarto niya eh." Wika ni Ethan
na pasulyap-sulyap ng tingin kay Rox.

"Kian, pakitawag naman si Tom please?" Ani ni Agatha.

"Ok!" Wala emosyon niyang sabi at tinungo na nga ang silid ni Tom.

"Tok! Tok! Tok!" Katok niya. "Tom, bumaba ka na, kakain na." Anito.

"Uy Tom! Ano ba?" Aniya. Dahil sa sobrang pagkainip ay binuksan na niya ng
pwersahan yung pinto.

Nanlulumong bumaba ng hagdan si Kian patungo sa mga kasama.

"Ano sabi ni Tom?" Tanong ni Agatha.


"Patay na siya." Wika ni Kian at tahimik na umupo sa pwesto niya.

"Oh no! May namatay na naman sa atin!" Wika ni Tin na napatakip pa sa kaniyang
bibig.

"Ang sarap isumpa nung killer! Nakakapanggigil siya!" Wika ni Xiara na nangigigil.

"Relax Xiara, calm down." Ani ni Nikka.

"Kung gayon, kumain muna tayo at mamaya na natin puntahan ang kaniyang labi upang
hindi masayang itong pagkain na pinaghirapang lutuin ni Roxette." Aniya at sumunod
naman sa kaniya ang lahat.

Makalipas ang isang oras, tinungo na nila ang silid ni Tom.

"Juice colored!" Wika ni Jerome.

"Wala talagang puso ang killer na iyan. Ang dapat sa kaniya, siya ang ipako sa
Krus!" Wika ni Mia na nagngangalit.

"Kung ito ang tadhana ng bawat-isa sa atin, pwes, tanggapin na lang natin. Tanging
himala na lang ang makakasave sa atin." Wika ni Agatha habang iniinspeksyon ang
katawan ni Tom.

"Ang death word niya ay NAILS kaya siya ipinako diyan ng killer." Wika ni Agatha
sabay lakad palayo.

"Nga pala boys, alam niyo na ang dapat niyong gawin." Aniya at tuluyan ng nilisan
ang lugar.

Killer's POV
Ano kaya kung pagsabayin na natin si masayahin at si mahinhin? Mas masaya hindi ba?
Haha!

Ipaparanas ko talaga sa inyo ang bagsik ng Alphabet of Death kaya huwag niyo akong
babanggain. Matitikman niyo kung gaano ako kalupit.

Kawawang Tom, sumalangit nawa ang iyong kaluluwa.

Chapter 49
Nikka's POV

Ang sarap mamuhay sa piling ng taong iyong mahal. Sa wakas, nagkaaminan na rin kami
ni Jerome ng feelings sa isa't isa. Akala ko, huli na ang lahat para sa amin pero
mukhang kami nga yata ang nakatadhana. Hihi!

Para akong nasa alapaap sa tuwing magkasama kaming dalawa. Wala akong pakialam sa
killer kung papatayin niya ako kaagad kasi nasa akin na ang lahat at wala na akong
hihilingan pa. Willing akong mamatay basta, kapiling ko si Jerome at magkasama niya
kaming papatayin.

Kurat na ba ako? Haha! Basta, in the name of love! Willing akong mamatay kasama si
Jerome. Hindi ako papayag na mawalay sa kaniyang tabi. Kung mamamatay siya, much
better na mamatay na rin ako dahil hindi ko kayang mabuhay pa na wala na siya.

Praning na kung praning. Oo may pamilya ako na nagmamahal sa akin, mga kaibigan na
nag-aalala pero hindi na muli pa akong mabubuo kung mawawalay siya sa piling ko.

Ako na siguro ang pinakamadramang nerd na wagas kung magmahal lalo pa't nasa ganito
kaming sitwasyon. Mas mainam nang sulitin mo ang nalalabi mong oras habang buhay ka
pa dahil hindi mo alam kung kailan aatake yung kalaban.

Mas daig pa nga namin yung taong may taning na ang buhay. Sa pananatili namin dito,
wala kaming kasigraduhan kung mabubuhay pa ba kami o katapusan na namin.

Ngayong wala na si Tom, wala na rin si Henry, ako na lang yung natitira sa grupo
namin. Nakakamiss yung time na nagbabangayan kami dahil mayroon kaming hindi
mapagkasunduan lalong-lalo na sa Physics na kay sakit sa ulo. Could the Nerdy group
survive this game?
"Niks, pwede bang makasama kita mamayang gabi?" Wika ni Jerome habang nasa sala
kami at nanunuod ng tv.

Naglalambing na naman ang ugok! Akalain mo iyon, may tinatago palang kakesohan sa
katawan itong si Jerome! Akala ko puro panunuya lang ang alam niya, pumupuso rin
pala ang mokong. Hihi!

"Rome, lagi naman tayong magkasama ah? Bakit? Mamimiss mo ako kaagad?" Paglalambing
ko sa kaniya sabay hilig ng aking ulo sa kaniyang balikat. Ang sarap sa pakiramdam
na katabi mo ang iyong minamahal.

"Hindi iyon, what I mean is, tayong dalawa lang. Yung walang sinuman ang maaaring
umabala sa atin. Mamayang gabi, tabi tayong matulog." Aniya habang pinaglalaruan
ang aking kanang kamay habang magkaholding hands kami.

Aaminin ko, kinikilig ako sa ka-sweetan niya. Noon kasi, puro bangayan lang ang
alam namin. Ni hindi ko nga napansin na nahuhulog na pala ako sa kaniya.

"Tayong dalawa lang talaga? Ahm, sige! Eh bakit mo naman naisipan iyan?" Ani ko
sabay baling ng aking tingin sa kaniya.

"Kasi nga, walang kasiguraduhan ang pananatili natin dito. Paano na lang kung bigla
kang kunin ng killer sa akin? Naku, hindi ko kakayanin!" Paliwanag niya sabay hilig
naman ng kaniyang ulo sa aking ulo.

"Ayiiee! Mahal na mahal mo talaga ako! Sige pagbibigyan kita kasi mahal na mahal
din kita." Ani ko. Unti-unti ng naglalapit ang aming mukha. I want to feel his soft
lips touch mine.

"Ang sweet naman ng RomNik loveteam na nadevelop dito sa isla! Kainggit kayo!"
Bungad ni Ginny na nasa aming harapan.

Naitulak ko tuloy yung mukha ni Jerome palayo dahil sa gulat.

"Ano ka ba Ginny? Kita mo ng nagmomoment kami ng Niks dito oh! Panira ka naman!"
Wika ni Jerome na nag-init ang ulo dahil nabitin siya. Wala akong mukhang
maihaharap kaya tinakpan ko na lang ang mukha ko gamit ang unan sa aking tabi.

"Ahehehe! Sorry kung naabala ko kayo. Sige na, una na ako sa taas, bye! Enjoy niyo
lang iyan! Hihi!" Wika niya at nagtatakbo na palayo sa amin.

"Oh paano ba iyan? Wala ng mang-aabala sa atin, pwede na ba nating ituloy ang
naudlot kanina?" Aniya habang tumataas-baba pa ang kaniyang kilay at nakangiti pa
ng nakakaloko.

"Ayoko na! Nahihiya tuloy ako kay Ginny!" Ani ko at umayos ako ng upo.

"Eh! Sige na please?" Pagmamaktol niya.

"Mamaya na lang okay? Matutulog muna ako at inaantok pa ako." Wika ko at kaagad
akong humiga sa sofa at ginawa kong unan ang kaniyang hita.

Nasaan ako? Sa pagkakaalam ko ay natutulog lang ako ah? Ahm.

Pagkurap ko ng aking mga mata, bigla na lamang akong napunta sa isang Construction
Site na walang tao ni isa. Nakasalansan lang sa sahig ang mga gamit. Ano ibig
sabihin nito?

Naglibot-libot ako, luma na ito at mukhang matagal ng nahinto ang paggawa ng mga
trabahador. Nag-ikot-ikot pa ako at sa may likurang parte nito ay may sapa.

Ang linis ng tibig, napakalinaw! Ang mukhang hindi ito nagagamit ng sinuman kaya
napagpasyahan kong isawsaw dito ang aking kamay. Naghilamos na rin ako.

"Ang linis talaga ng tubig! Parang pwede na itong inumin." Ani ko sa aking sarili.
Isinawsaw kong muli ang aking kamay sa tubig habang ako'y nananalamin dito.

"Ang ganda ko pala kapag hindi nakasalamin." Wika ko. Pagbalik ko ng tingin sa
tubig, biglang nawala ang aking repleksyon sa tubig.

"Huh? Anong nangyari?" Wika ko at biglang lumabas dito ang pigura ng isang babaeng
nakaitim na akmang sasakalin ako.

"Ahh!" Sigaw ko ng bigla niya akong sunggaban at sinakal. Puro poot, at hinanakit
ang aurang bumabalot sa kaniya. Halos mawalan na ako ng pag-asa dahil hindi na ako
halos makahinga pero bigla lumitak ang babaeng nakaputi at hinila ang kamay ng
babaeng nakaitim kaya napabitaw ito sa pagkakasakal sa akin.

"Ehem ehem!" Ubo ko matapos matanggal ang pagkakasakal ng babaeng nakaitim sa aking
leeg. Pagtingin ko sa paligid, wala na sila.

Pagkagising ko, pawis na pawis ako, yung pawis ba na malagkit. Namumuo pa iyon sa
aking noo.

"Are you okay Niks?" Tanong ni Jerome habang hinahagod ang aking likuran. Napayakap
na lamang ako sa kaniya sa sobrang takot.

Kinagabihan, pasado alas-sais ay nagkita kami ni Jerome sa may kusina.

"Ano tara na?" Wika niya habang may bitbit-bitbit na basket na para bang
magpipiknik kami.

"At para saan naman iyan?" Tanong ko habang nakaturo sa bitbit niya.

"Let say na parang magkacamping tayong dalawa. Let's go!" Yaya niya agad at hinila
ako. Hindi niya man lang ako hinayaang magsalita.

Nabighani ako sa ganda ng lugar na pinagdalhan niya sa akin. Pwede ng romantic


style. Simple lang naman yung lugar eh. May tent sa gitna nitong kagubatan habang
pinapalibutan ng roses ang tent at nagsindi lang siya ng bonfire. Talagang na-
appreciate ko ang effort niya mapasaya lang ako.

"Oh bakit ka umiiyak?" Tanong niya sabay punas nito gamit ang kaniyang kamay. Hindi
ko napansin na nadala pala ako ng emosyon ko. Tears of joy!

"Wala ito, tears of joy lang. Kasi, ngayon ko lang naramdaman na pinapahalagahan
ako ng isang lalaki at iyon ay ang mahal ko pa." Wika ko sabay yakap sa kaniya.
"Thank you for this." Bulong ko sa tainga niya.
"Walang anuman. Basta para sa babaeng mahal ko. I Love You!" Wika niya sabay kalas
sa aking yakap.

"I Love You too! The best boyfrind ever!" Wika ko at hinalikan ko siya bigla sa
kaniyang labi as a gift of thankfulness sa pagmamahal na inilaan niya para sa akin.

Pagkatapos ng mainit naming halikan, pumasok na kami sa loob ng tent at


nagkwentuhan. Syemore, mas timindi ang pagiging chessy ni Jerome haha!

Matagal din kaming nagkwentuhan at kumain. May gusto ko sa lahat ng ginawa namin ay
ang pag-iihaw ng marshmallows sa bonfire. Ang sarap pala nun, parang icing na
kumakapit sa aking bibig, ang pinagkaiba lang ay mainit ito kumpara sa orihinal.
Malamang, niluto kasi sa apoy haha!

Napagpasyahan naming pumasok muna sa loob ng tent para magpahingan. Maya-maya pa,
nakarinig kami ng kaluskos at yabag ng mga paa na papalapit sa amin. Nakita namin
na mayroong anino sa labas ng tent sa tulong ng bonfire kaya lumabas kami.

"Uy, ano ginagawa mo rito?" Tanong ni Jerome habang ako'y nasa likuran niya.

"Wala lang, gusto ko lang kayong i-check kung tulog na kayo para maisagawa ko na
ang plano ko kaso gising pa kayo eh." Wika niya habang siya'y nakangiti.
Kinilabutan ako bigla sa kaniyang tinuran kaya ipinagsiksikan ko ang sarili ko sa
may likuran ni Jerome.

"Sabi na nga ba ikaw ang killer eh!" Ani ko.

"Lubayan mo na nga kami at yung iba! Itigil mo na iyang kahibangan mo!" Sigaw ni
Jerome.

"Sorry pero I can't! Time to die!" Aniya sabay hugot ng bagay sa likuran niya.
Isang pabango! Inispray niya ito sa mukha ni Jerome at kaagad na nawalan ng malay.
Hindi ito pabango talaga dahil isa itong pampatulog!

"Jerome gising!" Sigaw ko habang niyuyugyog ang katawan ni Jerome na bumagsak sa


lupa.
"Unahin na kaya kita?" Aniya at unti-unti siyang lumapit sa akin. Pagdating niya sa
harapan ko, bigla niya ako sinampal ng malakas.

"Para iyan sa pagiging selfish mo noong kinakailangan ko ang tulong mo." Wika niya.
Namanhid ang aking kanang pisngi sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin.

"See you in hell!" Wika niya at inispray din niya sa akin ang pampatulog at nawalan
na rin ako ng malay at tuluyang lumupaypay sa sahig.

-----

E/N: salamat po sa patuloy niyo pagbabasa! Hindi ko na po kayo maiisa-isa, lalong-


lalo na sa mga nagcocomment and vote! I highly appreciate it.

Nga pala, may new story ako Horror din, entitled LIMBAG sana magustuhan niyo rin!
Hehe! Thanks sa lahat!

Chapter 50
Jerome's POV

The love of my life... Nikka! Sa wakas, naamin ko rin sa sarili ko na mahal kita.
Noon kasi, akala ko ay trip lang kita. Yung every moment na makikita kita dapat ay
binubuska kita. Ang sarap kaya niyang asarin lalo na yung itsura niya kapag
napipikon haha!

Ang trip kong pang-aasar sa kaniya ay lumalim. Kapag hindi ko siya nabibiro o ni
nakakausap man lang, pakiramdam ko, hindi ako kumpleto. Ganito pala ang pakiramdam
na panain ka ni Kupido.

Minsan nga, napapakanta pa ako ng HILING by Silent Sanctuary kapag mag-isa ako.
Opo, tumutugtog ako ng gitara at sabi nga ng mga kaklase ko, ang galing ko raw at
ang ganda ng boses ko. Pero ni hindi sumagi sa isipan ko na sumali sa grupo ng Mp5
dahil loyal ako sa mga Kengkoy no haha!

Madalas sumagi sa isipan ko na, "Paano kung ito na ang hangganan ng aming buhay?",
"Paano kung sa isang iglap lang ay mawala na siya sa piling ko?", "Paano kung ako
ang unahin ng killer? Paano na siya?" Basta, ang daming tanong na gumugulo sa aking
isipan.

"Paano kung sulitin na namin ang mga nalalabing araw na dapat ilaan namin sa isa't
isa?" Oo nga no? Bakit kaya hindi ko ito naisipan kaagad? Kailangan every minute,
every second ay masaya naming pinagsasaluhan ang mga oras pang nalalabi para sa
aming dalawa.

Kaya nung time na nasa sala kami, niyaya ko siya. Mabuti na lang at pumayag siya
kunghindi, tiyak na magtatampo ako sa kaniya hanggang sa suyuin niya ako at
lambingin at sabihing, "Sorry na, payag na ako!" Hahaha!

Bago pa sumapit ang dilim, inayos ko na ang lahat na preparasyon na aking dapat
gawin. Inihanda ko na ang lahat habang maaga pa.

Nasa kitchen ako ngayon, minabuti ko munang kumain ng bread at uminom ng juice
miryenda kumbaga. Sa gitna ng aking pagkain, biglang may babaeng lumitaw at tumabi
sa aking upuan. Akala ko ay kaklase ko lang siya kaya inalok ko siya ng pagkain ng
hindi siya sinusulyapan.

"Uy kain!" Alok ko. Ang pinagtataka ko, nakaupo lang siya sa upan at hindi umiimik.
Minabuti kong tumingin sa kaniya at laking gulat ko ng makita ko yung babaeng
nakaputi. Kinusot-kusot ko pa yung mata ko dahil akala ko ay namalik-mata lang ako
pero hindi eh! Totoo ang lahat. Sa tanang buhay ko, ngayon lang talaga ako nakakita
ng multo kaya kinilabutan talaga ako.

"Huwag niyo ng ituloy kung ano man ang binabalak niyo." Aniya habang nakaupo lang
sa tabi ko. Ni hindi ko nagawang kumilos dahil sa takot.

"A-at b-bakat n-man?" Pautal-utal kong tanong.

"Mapapahamak lang kayo." Wika niya at biglang lumitaw yung babaeng nakaitim at
sinakal siya at bigla na lamang silang naglaho.

"Warning?" Naitanong ko na lang sa sarili. Hindi, kahit anong mangyari ay tutuloy


kami. Bahala na!

Kinagabihan, nagkita kami ni Nikka sa may kitchen. Hindi ko na ikinuwento sa kaniya


yung tungkol sa multo dahil baka mabagabag siya nito at hindi mai-enjoy ang
overnight namin.

Pagkarating namin sa venue, halata kong nasiyahan siya kaya higit ang saya na
nadarama ko ngayon. Masaya naman kami at na-enjoy namin ang gabing iyon. Ni hindi
nga nagkatotoo yung warning nung white lady kanina kaya hindi na ako nabahala.

Habang nasa loob kami ng tent, isang kaluskos at yabag ng mga paa ang higit na
bumagabag sa akin. Idagdag mo pa yung anino sa labas nitong tent. Tiyak na may tao,
maaari kayang ang killer ito? Ito na kaya ang warning nung white lady?

Lumabas kami ni Nikka at hinarap namin kung sino ang nasa labas.

"Uy, ano ginagawa mo rito?" Tanong ko habang nasa likuran ko si Nikka.

"Wala lang, gusto ko lang kayong i-check kung tulog na kayo para maisagawa ko na
ang aking plano kaso gising pa kayo eh." Wika niya habang siya'y nakangiti. Tama
nga ako! Kami ang pakay niya! Dapat pala ay sinunod ko yung warning ng white lady
kanina! Tsk! Nalagay tuloy kami sa kapahamakan.

"Sabi na nga ba ikaw ang killer eh!" Sigaw ni Nikka at nakaduro pa siya rito.

"Lubayan mo na nga kami at yung iba! Itigil mo na iyang kahibangan mo!" Sigaw ni ko
kaso, ngiti lang ang ginawa niya sa mga panunumbat namin sa kaniya.

"Sorry pero I can't! It's your time to die guys!" Aniya sabay hugot ng bagay sa
likuran niya. Umalalay ako sa harapan ni Nikka upang protektahan siya sa oras mang
kumilos yung killer. Akala ko, mapoprotektahan ko ang mahal ko, kaso nawalan ako
bigla ng malay ng may iispray siya sa mukha ko.

Nagising na lamang ako sa isang madilim na silid na kung saan ay puro gamit na
itinambak. Maaari kayang bodega ito? Napansin kong nakagapos ako sa upuan at ang
paligid ay puro talsik ng dugo na maaaring dugo ng aming mga kasamahan na tinapos
niya. Pinilit kong kumawala kaso bigo ako.

"Si Nikka?" Ayun kaagad ang pumasok sa aking isipan habang nakagapos ako. Hinanap
ko siya dito sa loob and yes! Ayun siya at nakagapos din. Akala ko ay pinatay na
siya nung killer.
"Oh well, gising ka na pala." Wika niya pagkapasok niya habang may bitbit na tabo
na naglalaman ng tubig.

"Pakawalan mo na kami please! Ano bang kasalanan ang nagawa namin sayo at tila ba
poot na poot ka sa amin? Pakiusap, dinggin mo ang aming paghihinagpis."
Pagmamakaawa ko siya kaniya. Okay lang sa akin na pahirapan niya ako at patayin
huwag lang si Nikka.

"Marami kayong kasalanan sa akin. Oo dati, maawain ako at mapapawad ko pa kayo pero
ngayon, hindi na!" Wika niya habang nanlilisik ang kaniyang mata sa galit. Ibang-
iba siya sa tuwing kasama namin siya sa ugaling ipinapakita niya ngayon. Lumapit
siya kay Nikka at ibinuhos ang isang tabong tubig sa mukha nito.

"Nikka!" Sigaw ko. Nagising si Nikka sa pagbuhos nung Killer ng tubig sa kaniyang
mukha.

"Jerome!" Sigaw niya. Dama ko ang takot na namamayani sa kaniya.

"Ako na lang ang patayin mo please! Huwag na si Nikka!" Pagsusumamo ko sa kaniya.


Nakangiti lamang siya na parang baliw sa gilid ni Nikka.

"Kung papatayin mo si Jerome, patayin mo na rin ako!" Sigaw ni Nikka.

"Wow, pangtelenobela ang drama niyong dalawa! Ganiyan na pala ang nagagawa ng pag-
ibig." Aniya at may kinuhang bagay sa may lamesa.

"Pwes, sabay ko na lang kayong papatayin! Haha!" Aniya at itinaas ang hawak niyang
blade.

"Ano kaya kung unahin na kita Nikka? Tutal, marami kang atraso sa akin. Akala mo
kung sinong santa, santita pala ang gaga!" Ani niya at naglakad palapit Nikka.

"Ako na unahin mo please! Hindi ko kayang makitang naghihirap yung taong mahal ko!"
Sigaw ko at pilit na ikinakawag ang aking sarili makatakas lang sa pagkakagapos
niya sa akin.
"Huwag kang mag-alala Jerome, pagsasabayin ko kayo ni Nikka wait ka lang. Haha!"
Ani niya at napansin kong iba ang pagkakagapos niya sa kamay ni Nikka. Kung ang
akin ay nakapailalim ang pulso, sa kaniya, nakapaibabaw. Don't tell me na...

"Huwag mong lalaslasin ang pulso niya!" Sigaw ko habang nagkakakawag sa galit.

"Sorry pero huli ka na!" Aniya at nilaslas niya ang pulso ni Nikka gamit ang blade.

"Ahhh!" Sigaw ni Nikka sa sakit. Kita ko ang pag-agos ng luha mula sa kaniya mga
mata. Dama ko rin ang sakit ng ginagawa sa kaniya nung killer.

"Hahaha! Sige lang Nikka! Sumigaw ka pa! Ang sarap pakinggan na tumatangis ka sa
sakit! Pero para mas masaya..." aniya at may kinuha ulit sa may lamesa, isang
alcohol.

"Ahhh! Ang hapdi! Jerome!" Sigaw niya ng buhusan ng killer ang pulso niyang
nilaslas ng alcohol. Mas lalo kong nadama ang paghihirap ng aking mahal, ang hapdi
at sakit na ipinararanas sa kaniya ng killer. Wala akong magawa kung hindi ang
panoorin siyang naghihirap.

"Ikaw naman Jerome!" Aniya at may kinuhang bagay sa lamesa. Isang ice pick!
Itinarak niya ito sa aking braso at kagaya ng ginawa niya kay Nikka, binuhasan niya
rin ito ng alcohol.

"Ahhhh!" Sigaw ko sa sobrang sakit at hapdi. Sa totoo niyan, mas masakit pa ang
nakikita kong pagpapahirap ng killer kay Nikka kay sa akin.

"Ahhhh!" Sigaw ng aking mahal ng mapansin kong hinihiwa ng killer ang iba't ibang
parte ng kaniyang katawan. Umaagos ang masagang dugo mula ito.

"It's showtime!" Wika ng killer at may kinuhang garapon sa may lamesa. Garapon na
naglalaman ng linta!

"Kawawang Nikka, makapumiglas ka pa kaya sa gagawin kong ito? Haha!" Wika niya at
binuksan ang garapon at itinaktak ang linta sa iba't ibang parte ng kaniyang
katawan na may sugat. Batid kong hirap na hirap na siya.
"J-jerome, tandaan mo! Mahal na mahal kita!" Sigaw niya at bigla na lamang siyang
nawalan ng lakas sa pagsipsip ng mga linta sa kaniyang dugo.

"Nikka! Huwag kang bibitiw! Mahal na mahal din kita!" Sigaw ko. Naiyak na ako sa
paglalaspatangan ng killer sa mahal ko.

"Hahaha! Paano ba iyan Jerome? Patay na si Nikka? Nasaan na ang power of love
niyong dalawa? Haha!" Aniya at biglang hinugot ang ice pick sa aking braso kaya
napasigaw ako. "Ahhh!"

"Tapusin na rin natin Jerome ang paghihirap mo at samahan mo na si Nikka sa


kabilang buhay! Haha!" Wika niya at bigla niya itinarak ang ice pick sa aking tiyak
at winakwak niya ito hanggang sa makita niya ang kaniyang puntirya, ang aking
bituka!

Bigla na lamang bumulwak sa aking bibig ang masaganang dugo mula sa akin.
Nakaramdam na ako ng panlalabo ng paningin.

"Nikka, malapit na ulit tayong magkita." Wika ko at biglang itinarak ng killer sa


aking puso ang ice pick na hawak niya at tuluyan na akong nalagutan ng hininga.

Killer's POV

Hahaha, Letter L and Letter I check! 12 letters left at makukumpleto ko na ang


Alphabet of Death! Haha!

Sana magkita kayo Nikka and Jerome sa langit at ipagpatuloy niyo roon ang inyong
pagmamahalan! Haha!

Who will be the next victim na babawian ko ng buhay? Haha!

Chapter 51
Roxette's POV

Nagising ako sa mga malalakas na pagpalahaw na sigaw na hindi ko alam kung saan ba
nanggaling. Hindi muna ako natulog sa kwarto namin ni Mark dahil nahihiya ako sa
nasaksihan niya kanina kaya heto ako, nakikisiksik sa higaan nina Ginny at Arianne.

Dahil sa likot nilang matulog na dalawa, hindi ako makatulog ng mahimbing. Para
bang ako lang ang nakakarinig ng malalakas na sigaw ng isang babae at lalaki. Hindi
kaya may biniktima na naman ang killer? Huwag naman sana.

Tumayo kaagad ako sa kinahihigaan ko at binagtas ang daan patungo sa kitchen upang
uminom ng tubig at para hanapin kung saan nanggagaling yung sigaw. Pababa pa lamang
ako sa hagdan pero nawala na kaagad yung mga sigawan kaya hindi ko na matunton kung
saan nga ba ito nanggagaling.

Minabuti ko na lang na pumunta sa kusina para uminom ng tubig gayong nasira na ang
aking tulog at mukhang hindi na ako inaantok. Pagkarating ko sa aking destinasyon,
naging payapa na ang paligid. Nakakabingi na ang katahimikang bumabalot sa loob ng
mansiyon.

"Alas-dos na pala? Ang bilis nga naman ng oras at ika-siyam na araw na namin dito
sa isla." Wika ko sa aking sarili ng ako'y mapatingin sa wall clock na nagsusumigaw
sa laki.

Kaagad akong kumuha ng baso at tubig na malamig sa may ref. Hindi naman ako singer
para pangalagaan ng mabuti ang aking boses kaya okay lang kahit gaano pa kalamig
ang tubig na aking inumin tsaka masarap kaya kung may yelo pa.

"Hhmm lamig lang! Kasarap!" Wika ko pagka-inom ng tubig at nilagay ko ang aking
pinag-inuman sa may sink.

Naupo muna ako sa kusina habang nagmumuni-muni at pinagninilayan ang mga bagay na
bumabagabag sa akin. Isang mabigat na yabag ang aking narinig na paparating kaya
napatigil ako sa aking pagmumuni. Minabuti kong magtago sa sulok ng pinto sa kusina
dahil malakas ang kutob ko na may ginawa na naman yung killer.

Naghihintay ako ng yabag na papalapit kaso bigla itong nawala bigla. Para bang
natunugan niyang may taong maaaring makabuko sa kaniya kaya may naisip siyang
paraan para mataguan ako. Makalipas ang sampung minuto, wala pa rin kaya minabuti
ko ng lumabas sa pinagtataguan ko.

"Hay, nakaligtas ako sa killer! Mabuti na lang, kung hindi, baka ako na ang sinunod
niyang biktima." Buntong-hininga ko habang nakahawak sa aking dibdib.
"Maaari kayang may nabiktima na naman siya? Oh my! Isang lalaki at isang babae ang
naririnig kong sumisigaw kanina! Pinatay niya na kaya ang mga ito? Pero sino?" Wika
ko sa aking sarili habang binabaybay ang daan patungong hagdan. Nakakaisang hakbang
pa lang ako sa hagdan ng biglang may humataw na matigas na bagay sa aking ulo kaya
nawalan ako bigla ng malay.

-----

"Tulong! Tulungan niyo ako!" Wika ng isang babae na tinatangay ng malakas na agos
ng tubig.

"Tulong please!" Sigaw pa ulit nito at dahil sa malakas na agos at hindi siya
marunong lumanggoy ay pumailalim siya kaagad sa tubig.

Biglang naiba ang dimensyon kinalulugdan ko. Bigla akong napunta sa isang lugar na
puro puti at payapa. Patay na ba ako? Nasa langit na kaya ako? Huwag naman sana.
Isang babaeng nakaputi ang nagpakita sa akin bigla at kilala ko siya, siya yung
white lady!

"Welcome sa mundo ng mga namayapa." Mahinahong wika niya. Ang ganda niya! Para
siyang diyosa! Ngayon ko lang nakita ang mukha ni white lady at mukha siyang
pamilyar sa akin pero hindi ko na matandaan kung saan ko siya nakita.

"Patay na po ba ako kaya ako nandito?" Tanong ko sa kaniya na may halong


pagkamangha. Ang ganda talaga ng lugar na ito.

"Hindi ka pa patay Rox, naglakbay lang ang iyong diwa rito at ako mismo ang nagdala
sayo rito kaya huwag kang mangamba, buhay ka pa." Aniya ng nakangiti. Labis ang
aking kasiyahan gayong nalaman kong hindi pa ako patay.

"Eh bakit niyo naman po ako dinala rito? Ano po ba ang maipaglilingkod ko sa inyo?"
Tanong ko.

"Nais ko lang magbigay sa inyo ng babala ngunit hindi niyo ako naiintindihan kaya
ako na mismo ang lumapit sa iyo dahil binabalewala lang nila ang aking babala.
Ngayon, ikaw na ang magsabi sa kanila at malamang hindi kayo ligtas at walang
kasiguraduhan ang inyong mga buhay kaya mag-ingat kayo." Aniya.
May nais pa sana akong sabihin at itanong sa kaniya kaso bigla na lamang siyang
naglaho sa aking harapan at pakiramdam ko ay mayroong pwersang humihila sa akin
pabalik.

"Uy Roxette, gumising ka!" Wika ni Arianne na yumuyugyog sa aking katawan. Pagmulat
ko ng aking mga mata, pinapalibutan ako ng mga kaklase namin.

"Anong nangyari sa amin?" Tanong ko pagkatayo ko sa aking pagkakahiga sa sahig. "Ay


umaga na pala?" Dugtong ko pa at ako'y naghikab.

"Ano bang ginagawa mo rito? At bakit parang dito ka natulog?" Tanong ni Ginny na
may halong pag-aalala.

"Ah eh, uminom kasi ako ng tubig kagabi tapos inantok ako, hindi ko namalayan na
dito pala ako nakatulog ahehe!" Pagsisinungaling ko. Nais ko sanang sabihin sa
kanila ang totoo kaso napagtanto ko na huwag na muna.

"Mabuti na lang at ligtas ka! Pinag-alala mo ako!" Wika ni Ethan sabay yakap sa
akin. Ewan ko ba, biglang bumilis ang tibok ng puso ko at para akong kinakabahan,
mahal ko na ba siya?

"Uy ang sweet! Hiyang-hiya naman kami sa paglalampungan niyo! Umagang-umaga eh!"
Wika ni Mia na may halong pagkabitter.

Kumalas kaagad ako sa yakap ni Ethan at kaagad na tumayo. Nagdiretsuhan na sila sa


may kusina habang patungo na rin kami roon. Medyo nasa hulihan kami ni Ethan.
Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Gusto ko sanang tanggalin pero
may part sa akin na nagsasabing hayaan ko na lang. May pagkasweet kasi itong si
Ethan kaya hindi malayong mahulog din ako sa kaniya.

"Yuck ewwness!" Sigaw ni Tin na halos magkandasuka na sa diri ng kaniyang makita.

Nagtakbuhan kaming lahat sa kusina at tumambad sa amin ang mga lintang patay at
bituka ng tao na nakasalansan sa may lamesa. Halos masuka-suka ang lahat sa aming
nadatnan.

"May namatay na naman." Wika ni Agatha na nakapameywang lang at iiling-iling.


"Guys, wala na sina Nikka at Jerome. Patay na sila ng madatnan ko sila sa kanilang
kwarto." Wika ni Karlo na parang binayubay sa sama ng loob.

"Letter L para kay Nikka at letter I para kay Jerome." Dugtong pa niya.

"Oh my! Why oh why! May dalawang pinatay kaagad yung killer!" Wika ni Tin na
maluha-luha sa sama ng loob.

"L means Leech and I means Intestine. Iyon ang death word nila base na rin sa clue
na iniwan ng killer dito sa lamesa." Wika ni Agatha.

"Boys, alam niyo na ang inyong gagawin." Dugtong pa ni Agatha at ginawa na nga ng
kalalakihan kung saan dapat dalhin yung bangkay ng dalawa.

"So ang ibig sabihin, labing dalawa na lang tayong natitira dito? Ano ba ang dapat
nating gawin para makasurvive?" Tanong ni Xiara na ngayo'y nanlulumo na rin.

"Wala tayong ibang maaaring gawin kung hindi ang mag-ingat at protektahan ang ating
sarili upang hindi tayo malaglag sa bitag ng killer." Wika ko habang hinahagod ang
likuran niya. Alam kong takot na ang bawat-isa maski na ang mga lalaki dahil any
moment, maaari kaming mawala na ng lubusan sa mundong ito.

"Konting tiis na lang guys dahil malapit na tayong makaraos dito. Ilang days na
lang." Wika ni Mia na hindi namin alam kung tinutuya niya lang kami ng mapanloko
niyang ngiti.

"Aba, kailan ka pa naging concern aber?" Bara sa kaniya ni Ginny.

"Ewan ko sa inyo!" Wika nito ay biglang nagwalk-out.

"Anyare dun?" Tanong ni Arianne na patay malisya na lang.

"Hayaan na muna natin siya." Wika ni Agatha at tinungo na lang naming lahat ang
sala upang doon na lamang mag-agahan.
Chapter 52
Aaron's POV

May girlfriend nga ako kaso lang, hindi ko ramdam ang presensiya niya lalo na dito
sa Isla. Ewan ko ba, simula pa lang ay parang hindi niya naman ako mahal at sinagot
niya lang ako para masabing may boyfriend siya. Ewan ko ba sa mga babae, ang hirap
nilang unawain.

Parang ngayon ay mas naguluhan pa ako. Alam kong bestfriend niya si Jake pero ang
hirap niyang tumbukin kung may lihim ba siyang pagtingin dito o kaibigan lang
talaga. Nang mamatay si Jake, naging malungkutin siya at hindi mo makikitang nag-
eenjoy siya. Oo minsan, pero ramdam kong pilit lang ang kasiyahang ipinapakita niya
sa amin.

Kapag tinamaan ka talaga ng pana ni Kupido, hindi mo alam ang rason kung bakit
mahal mo siya. Ang alam mo lang, masaya ka sa tuwing nakikita mo siya, siya lagi
ang laman ng isipan mo, hindi ka makatulog kapag katext mo siya at marami pang
rason kung bakit ka nagiging masaya sa piling niya.

Si Tin ang pinaka kakaiba sa mga babaeng minahal ko. Siya yung babaeng maarte nga,
pero hindi naman maselan. Sossy, pero kaya niyang makisama sa kahit na sino. At
higit sa lahat, mayroon siyang mabuting puso. Willing siyang tumulong sa lahat ng
nangangailangan kaya bilib ako sa kaniya. Doon ko napatunayan na looks can be
deceiving. Kung sino pa yung taong akala mo ay masama ang ugali, siya pa pala yung
may mabuting kalooban. Ang buhay nga naman ay puno ng kabalintunaan.

"Huwag mo ng isipin iyan Aaron, mahal ka niya!" Wika ni Karlo sa aking tabi na
hanggang ngayon ay binubutingting pa rin yung Cellphone ni Ramil. Nandito kami sa
terrace para magpahangin.

"Sana nga pare. Ikaw ba, nagdoubt ka ba minsan sa pagmamahal sayo ni Mae noon?"
Tanong ko habang patuloy na nagninilay-nilay at nakatingin sa mga ulap sa langit.

Napatigil si Karlo sa ginagawa niya at ibinaba ito sa may lamesa tsaka ngumiti ng
nakakaloko.

"Hindi Pare, kasi kung mahal ka talaga niya, mararamdaman mo iyon! Syempre, dahil
sa pinagdaraanan natin ngayon ay hindi niya magawang intindihin ang buhay pag-ibig.
Malamang inaalala niya rin ang kalagayan mo pero mas namamayani sa kaniya ang
takot. Lahat naman tayo ay nangangamba dahil hindi pa rin natin kilala yung killer
at prenting-prenti lang tayo rito." Wika niya habang nakapatong ang kaniyang kanang
kamay sa aking balikat.

"Isa pa iyan pare eh, bakit ba hindi tayo umaksyon at magsagawa ng plano para
malaman natin kung sino ang killer?" Tanong ko.

"Siguro yung iba ay natatakot na mabisto siya ng killer na gumagawa ito ng hakbang
para mapabagsak siya. Yung iba, maaaring sumuko na at tinanggap na lang na talo
sila at yung iba, palihim na kumikilos." Wika niya at binaklas na niya ng tuluyan
ang cellphone ni Ramil.

"Ah, ako kasi ay naghihintay lang ng kapalaran ko kung mabubuhay ba ako o hindi.
Syempre, kapag nakilala ko yung killer ay gagawa kaagad ako ng hakbang para
mapatumba siya. Basta umaayon na lang ako sa tadhana." Wika ko at tumango-tango
lang siya sa akin.

"Alam ko naman na nababahala ang lahat at sadyang pinapangunahan lang ng takot at


pangamba na kapag gumawa sila ng hakbang, uunahin sila ng killer na kitilan sila ng
buhay ng walang kalaban-laban." Wika ko habang pinagmamasdan siya sa kaniyang
ginagawa.

"Pero sa lahat ng sinabi mo, ang pinaka nagrema sa aking isipan ay mayroong iba na
palihim na kumikilos. So ang ibig sabihin, may alam ka kung sino ang gumagawa ng
hakbang ng patago o ikaw mismo yung taong iyon?" Wika ko. Bigla siya tumigil sa
kaniyang ginagawa at tumingin siya sa akin ng seryoso.

"Pare, may sasabihin ako sayong sikreto, mapagkakatiwalaan ba kita?" Seryoso niyang
tanong sa akin.

"Oo naman. About saan ba iyan?" Tanong ko. Kilala niya na kaya kung sino ang
killer?

"Ang cellphone na ito ni Ramil ay ang susi para matapos na ang maliligayang araw ng
killer." Wika niya at iniangat ang cp ni Ram.

"Ano ang ibig mong sabihin na susi iyan?" Tanong ko na medyo naguguluhan sa
kaniyang tinuran.

"Bago namatay si Ramil noon, ni-record niya ang pag-uusap nila ng killer." Wika
niya.

"Kung gayon, malaki nga talaga ang maitutulong niyan sa atin." Wika ko. Ang
pinagtataka ko, paano niya naman nalaman na ni-record iyon ni Ramil?

"Pare, curious lang ako pero pwede bang malaman kung paano mo nalaman na ni-record
ni Ramil ang pag-uusap nila ng killer?" Tanong ko na nakakunot ang noo.

"Ganito kasi iyan pare, naghahanap kasi ako ng Rated X videos noong mga araw na
iyon, alam mo naman boring tsaka hobby ko na yata ang panonood ng ganun haha!" Wika
niya at bumulanghit pa siya ng tawa kaya natawa rin ako dahil tumalansik pa sa
braso ko yung laway niya.

"Ang baboy mo naman pare! Pati laway mo ay naglalakbay sa balat ko! Tsk!" Biro ko
sa kaniya at nagtawanan lang kami.

"Nakasanayan ko na rin kasing manuod ng ganun. Alam mo naman tayong mga lalaki
haha! Syempre, kailangan ng pampagana." Aniya.

"Sabagay, tayong mga lalaki naman kasi talaga ay sadyang hirap na tumanggi sa
tukso. Nasa sa'yo naman iyon kung makokontrol mo. Pero aaminin ko, mga 3x a week
ako nanunuod ng Rated X na iyan as in magdamag! Haha!" Wika ko.

"Ako nga eh halos araw-arawin ko na, malibog na kung malibog. Wala silang pakialam!
Haha!" Wika niya at tawanan lang kami ng tawanan sa katakaan naming dalawa.

"Eh ano na? May napala ka ba? May nakuha ka bang Rated X videos? Haha!" Biro ko.

"Ayun nga ang masaklap pare, wala akong nakuha ni isa man lang! Bigo ako! Kaya
tuloy madalas akong magsariling sikap sa banyo kapag wala akong magawa. Haha!"
Aniya.

"Haha! Ganiyan talaga pare, kaysa naman sa matigang ka hindi ba? Haha!" Ani ko.
Nag-enjoy lang kami sa kalokohan naming dalawa.

"Back to the topic, paano mo naman nakita yung record? Ibig sabihin ba ay kilala mo
na kung sino ang killer?" Tanong ko habang nakaupo pa rin kami sa may terrace.
"Pagkabukas ko kasi ng cellphone ni Ramil ay nagplay bigla yung recordings kaya
noong narinig ko iyon, hindi ako makapaniwala. Sayang nga at tinuran pa lang ni
Ramil na ito ang killer kaso, hindi niya nabanggit ang pangalan. Hinihintay kong
sumagot yung killer kaso biglang nadeadbat at sa sobrang katangahan ko, hindi ko
natanggal kaagad sa short ko kaya nalabhan ng girls." Paliwanag niya.

"So ang magagawa na lang pala natin ay hayaang gumana yung cp?" Ani ko.

"Oo, nagbabakasakali pa rin ako ng gumana muli yung cellphone ni Ramil." Wika niya
at medyo napayuko na para bang nawalan siya ng pag-asa.

"Sandali, kung record iyon, maaaring nakasave iyon sa memory card! Kaya ang memory
card ang pag-asa natin!" Wika ko.

"Oo nga noh? Hindi ko kaagad naisip iyon!" Wika niya at para bang nabuhayan siya
muli ng loob.

"Pero ipakita mo pa rin sa killer na binubutingting mo yung cellphone ni Ramil para


hindi siya maghinala." Dagdag ko pa.

"Sige salamat pare sa suhestiyon! Aalis muna ako para makaisip ng paraan kung sa
papaanong paraan ko mapapagana yung memory card. Thanks bro!" Wika niya dali-daling
umalis.

"Hindi talaga pinapagana ang utak. Haha!" Wika ko sa aking sarili at natawa na lang
ako.

Ang tagal pala naming naghuntahan ni Karlo. Hindi ko tuloy napansin yung oras,
hapon na kaya minabuti ko munang magluto ng miryenda sa baba.

Hindi nila alam na sanay akong magluto. Ano kaya kung magbake ako ng cake para
naman gumaan yung pakiramdam nila? Tama! Iyon nga ang gagawin ko!

Dali-dali kong tinungo ang kusina para ipaghanda sila ng makakain. Bukod sa iba't
ibang putahe like mga ulam at miryenda, pinag-aralan ko rin kung paano magbake.
Mahilig kasi ako sa desserts kayo nahumaling din ako. Nag-eenjoy ka na, nabubusog
ka pa.

Pagkakuha ko ng mga ingredients na kailangan ko, nagsimula na ako. Chocolate cake


na lang ang gagawin ko para naman mahimasmasan ang bawat-isa sa mga mapapait na
sinapit ng aming mga kasama.

Marahil busy ang bawat-isa dahil wala man lang ni isa sa kanila ang nandito sa baba
kaya mas mainam na masorpresa sila sa hidden talent ko. Makalipas ang ilang oras,
natapos ko rin ang base! Design at icing na lang ang kulang at okay na!

Habang tinatrabaho ko yung design ng cake gamit ang icing, nakaramdam kaagad ako ng
panlalamig at biglang nagsitaasan ang balahibo ko sa katawan. Alam ko ang
pakiramdam na ito, ibig sabihin ay may kaluluwa sa paligid.

Nagpalinga-linga ako ngunit payapa naman ang paligid kaya hindi dapat ako mabahala.
Kaya itinuloy ko na lang ang ginagawa ko. Hindi na ako nabahala ng biglang mawala
ang kakaibang enerhiyang naramdaman ko. Ilang saglit lang, natapos ko rin.

"Yes! Sa wakas ay natapos din! Magustuhan kaya nila?" Wika kp habang ako'y
nagdidiwang sa saya.

Nakaramdam na naman ako ng panlalamig kaya napatigil ako sa kinatatayuan ko. Maya-
maya pa'y may boses na bumulong sa akin.

"Lumayo ka sa init kung gusto mo pang mabuhay." Wika niya at nangilabot ang buo
kong katawan sa lamig ng kaniyang boses. Napapikit na lang ako bigla at tsaka
nagdasal.

"Ano ang ibig niyang sabihin?" Tanong ko sa aking isipan.

Pagmulat ko ng aking mga mata, wala na siya. Maaliwalas na muli ang paligid.
Hahakbang na sana ako para tawagin ang lahat upang ipatikim sa kanila ang ginawa ko
kaso may biglang tumusok na bagay sa aking balikat.

Paglingon ko sa kaniya, hindi ko maaninaw ang kaniyang mukha sapagkat lumalabo ang
aking paningin. Isa lang ang nasisiguro ko, may hawak siyang injection habang
nakangiti na parang nagpupunyagi hanggang sa mawalan na ako ng malay.
-------------------------------------------

E/N: nagpuyat pa talaga ako kagabi para dito! Haha! Salamat sa patuloy na
pagbabasa! Sana nag-enjoy kayo! Nga pala guys, pwede bang humingi ng favor? Thanks!

Panominate po ng story ko na ito, Alphabet of Death para sa Wattys2014. Pwede po


ba?

Ganito lang po ang gagawin niyo, kung mayroon po kayong FB at Twitter, papost po
nito sa status niyo just simply write..

Alphabet of Death

#Wattys2014

Pakilagay na rin po yung link ng aking story para sure!

Salamat po!

Chapter 53
Killer's POV

Nagising akong bigla ng makaamoy ako ng masarap. Sa pagtantiya ko, may nagluluto sa
may kusina kaya dali-dali akong bumaba nang hindi niya napapansin.

Pagkarating ko roon, nadatnan kong busy si Aaron sa paggawa ng cake. Aba! Hindi ko
alam na may talent pala yung isang ito sa pagbebake. Akala ko ay pagtugtog lang ang
alam niyang gawin.

Nagtago ako sa may pinakamakipot na parte ng bahay at pinagmasdan ko siyang gumawa


ng nakakapaglaway na dessert. Na-miss kong kumain ng matamis, ang paborito kong
kainin kasama ng taong tanging nakakaunawa sa akin. Miss na kita.

Mukhang enjoy na enjoy siya sa paggawa ng design. Inspired? Siguro, kaso napapansin
ko lang na sa lahat ng magjowa, sila ni Tin ang hindi mo man lang makikitaan ng
sweetness sa isa't isa. Napapaisip nga ako minsan, magjowa ba talaga sila?

Anyways, ako kasi yung taong bitter sa tuwing nakakakita ako ng masayang tao lalo
na kapag magjowa pa. Kumukulo ang aking dugo at parang nagdidilim ang aking
paningin at para bang nais ko silang itapon sa dagat para malapa sila ng pating.

Bakit ba ganito ang tadhana sa akin? Ni minsan, hindi ko naramdamang maging masaya.
Lahat ng taong nakakasalamuha ko ay peke lamang ang pakikitungo sa akin. Am I not
worthy to be happy? Puro pagdurusa na lamang ba ang mararanasan ko sa buhay? At
dahil doon, I killed their happiness just for my own sake. Ganun na pala ako
kasama? Haha! As long as masaya ako sa ginagawa ko, then go! Gagawin ko kung ano
man ang gustuhin kong gawin.

I find Aaron sweet but, mukhang hindi na-aappreciate ni Tin ang effort ni Aaron
para sa kaniya. Poor Aaron! Kinakawawa mo lang ang sarili mo.

Napansin kong tapos na siya sa kaniyang ginagawa kaya lumapit ako sa kaniya ng
dahan-dahan. Eksakto naman na tumalikod siya, para bang nagdarasal ang mokong?
Basta, kailangan ko na siyang maligpit kaya naman hindi ko na pinalagpas pa ang
pagkakataon. Dinukot ko sa aking bulsa ang lagi kong dala na injection na may gamot
pampatulog at dali-dali kong itinarak ito sa kaniyang balikat ng walang pag-
aalinlangan.

Bumagsak siya sa sahig agad-agad. Wala akong pakialam kung mamukhaan niya ako
sapagkat ito na ang hantungan ng kaniyang buhay. Nang tuluyan na siyang mawalan ng
malay, isinagawa ko na ang paglitis sa kaniya na siguradong ikatataranta nila.
Haha!

-----

"Wow guys! Ang sarap naman nito! Sino ang gumawa?" Tanong ni Tin sa mga kasamang
nakaupo na sa lamesa.

"Hindi ko alam eh, basta pagdating namin dito nakaayos na iyan." Wika ni Agatha na
nakatingin lamang sa cake.

"Hiwa na at nakadestribute na yung cake sa lahat. Parang pinagplanuhan talaga at


nais niya tayong isorpresa." Wika ni Kian na katapat si Agatha.
"Paborito ko kasi itong chocolate cake! Kaya salamat sa kung sino man ang gumawa."
Ligalig na wika ni Tin at naupo na sa kaniyang pwesto.

Unti-unti ng nagdatingan yung mga kasama nila at tanging si Aaron na lamang ang
hinihintay nila.

"Karlo, tawagin mo na nga si Aaron sa kwarto niya." Utos ni Agatha.

"Okay!" Wika nito at tinungo na nga ang kwarto ng binata.

"Ahm, ang sarap!" Wika ni Tin. Hindi niya na napigilan pa ang sarili kaya tumikim
na siya kaagad.

"Hindi ka makapagtimpi Tin noh? Haha! Mapanukso kasi yung cake, tinatawag niya na
nga rin ako para kainin siya." Wika ni Xiara na hawak na rin yung tinidor.

"Wait guys, amoy sunog. Naaamoy niyo ba?" Wika ni Mia na iritang-irita sa amoy.

"Oo nga guys, saan kaya nanggagaling iyon?" Dugtong pa ni Ethan.

"Wala naman si Aaron sa kwaro niya eh." Bungad ni Karlo pagkarating niya sa kusina.

"Eh saan naman kaya pupunta yung lalaking iyon?" Kabadong wika ni Tin.

"Ikaw ang girlfriend kaya dapat alam mo kung nasaan siya." Wika ni Mark na katabi
na naman si Mia.

"Oo nga!" Pagsang-ayon pa ni Mia.

"Girlfriend ka ba talaga niya? Bakit hindi ka man lang nabahala o kaya'y hanapin
siya?" Tanong ni Arianne na nakataas pa ang kanang kilay na nagmamataray.

"Akala niyo lang na hindi ako nag-aalala pero deep inside, kinakabahan na ako na
nadali na siya ng killer." Wika niya na kalmado lang. Natahimik ang lahat sa sinabi
niya. Hanggang sa dumaloy na ang kaniyang mga luha sa kaniyang mukha. Niyakap na
lamang ni Xiara ang kaibigan para kalmahin ito.

Biglang naagaw ang atensiyon nila sa usok na umabot na hanggang sa kisame.

"Oh no! May nasusunog!" Sigaw ni Ginny na unang kinapitan ng pagkataranta sa takot
na masunog ang bahay nila. Napansin nilang nagmumula ang sunog sa microwave oven na
nakaligtaan.

"Calm down Gin, we're here." Wika ni Arianne na nakayakap dito.

Kaagad naman rumisponde ang mga kalalakihan at nagsitabi na muna ang mga kababaihan
sa sulok.

Kaagad na kinuha ni Ethan ang pitsel sa may lamesa at ibinuhos ito kaagad sa may
Oven na nasusunog. Si Mark naman ay tinungo ang lababo at kinuha ang plangganang
naglalaman ng tubig at ibinuhos din sa apoy. Ginamit naman ni Kian ang tubig na
nasa vase para mapatay ang apoy ngunit hindi pa rin ito sapat. At dahil si Karlo
ang pinakamalapit sa may dingding, siya ang kumuha ng fire extinguisher para mapula
ang apoy.

Makalipas ang limang minuto ay nakahinga na sila ng maluwag sapagkat napula na ang
apoy at wala ng dapat pang ipangamba.

"Thank you God!" Wika ni Ginny na nakakahinga na ng maluwag.

"Siguro ay nakalimutang patayin ng kung sinuman ang oven at pati yung niluluto niya
ay nasunog tuloy." Wika ni Mia.

"Hindi siguro, iba kasi ang amoy nung usok eh. Para bang amoy na litsong kambing?"
Wika ni Agatha.

"Don't tell us na..." hindi na naituloy pa ni Kian ang kaniyang sasabihin sapagkat
mukhang nagkakaintindihan na silang lahat.

"No!" Sigaw ni Tin at napaupo na lamang siya sa sahig at napahagulgol sa iyak.


Upang masiguro nga ang kanilang teorya, binuksan nila ang microwave oven.

Gayon na lamang ang panlulumo ng lahat sa nakitang nakakasulasok na kalagayan ni


Aaron. Ipinagsiksikan siya sa loob ng oven at tiyaka tinorture ng walang kalaban-
laban. Sunog na sunog siya at halos hindi mo na makikilala pa.

"Aaron!" Sigaw ni Tin na tuluyan ng nagdadalamhati habang inilalabas ng mga lalaki


ang bangkay ni Aaron sa loob ng oven.

Hindi na napigilan pa ni Tin ang kaniyang emosyon. Nagwawala siya na para bang
kinakatay na baboy sa karumal-dumal na sinapit ng kaniyang kasintahan. Niyakap niya
ito ng mahigpit habang patuloy na nagsusumamo. Wala siyang pakialam kahit na sunog
na ito, hindi mo siya makikitaan ng mandidiri. Bakas sa kaniyang mukha ang lubusang
pagsisisi.

Hindi maatim ng bawat-isa ang sinapit ni Aaron. Maski sila ay nagsiiyakan dahil ang
pait ng sinapit ng kanilang kaibigan. Napakabait at hindi pa naman maloko si Aaron
na talagang mamimiss nila. Kaniya-kaniyang punas na lamang ang bawat-isa sa
kanilang mga luha at uhog na walang pakundangang bumabaybay sa kanilang mukha.

Ayaw pa sanang ipadala ni Tin ang bangkay ng nobyo sa dapat na kalagyan nito, dahil
hindi pa siya tapos magdalamhati at hindi pa rin niya napapatawad ang sarili niya,
sapagkat iniisip niyang hindi siya naging mabuting nobya rito. Ngunit, kailangan
iyong gawin kaya wala siyang choice kung hindi ang sumunod.

"Nakakalungkot lang dahil ang naging death word niya ay Microwave oven." Wika ni
Agatha na napapailing lang sa may sala.

"Sandali, maaari kayang siya ang nagbake ng cake na ito para sa atin?" Wika ni
Roxette habang nakaturo sa cake na inilagay nila sa lamesa ng sala. Napaiyak muli
si Tin sa tinuran ni Roxette.

"It means, sinamantala ng killer na patayin si Aaron habang gumagawa ito ng cake?"
Tanong ni Ethan na nakasandal sa likuran ni Roxette na ikinaselos naman ni Mark.

"Mukhang ganun na nga." Wika pa ni Mia.


"Wait guys, napansin ko lang na may letra ang bawat cake na mayroon tayo. Ano
kayang mensahe na nais iparating ni Aaron?" Tanong ni Karlo na lumalakas na rin ang
pagiging kuryosidad.

Kaya ang ginawa nila ay pinagdikit-dikit ang piraso ng cake hanggang sa mabuo nila
ang nakasulat dito.

"I Love You Tin."

Napangiti sa saya ang lahat dahil damang-dama nila kung gaano kamahal ni Aaron si
Tin. Taliwas naman ito sa naramdaman ni Tin. Mas lalo siyang nalungkot at para bang
sinisisi ang sarili sa pagkamatay ni Aaron dahil alam niya sa sarili niya na hindi
niya ito nabigyan ng importansiya at malaki ang pagkukulang niya rito, mas lalong
napaiyak at napahagulgol na para bang hindi niya na alam ang kaniyang gagawin.

Chapter 54
Tin's POV

Ang tanga-tanga ko! Kung kailan huli na ang lahat ay doon ko lang napagtanto na
mahal ko na siya! I can't believe na nakaya kong magpaasa ng tao and I hurt him
dahil sa hindi ko pagpapahalaga sa kaniya.

I'm such a stupid girl playing the feelings of other people na wala namang
kinalaman sa sinangkot kong gulo. Sorry Aaron, oo noong una ay wala akong feelings
sayo at iyon ay dahil mahal ko si Jake.

Naiinis lang ako kay Jake dahil napakamanhid niya! Ginawa ko na ang lahat para
mapansin niya ako but, I failed! Binalewala lang niya ang lahat ng iyon. At dahil
doon, naisipan kong humanap ng boyfriend. And I got Aaron. I feel guilt sa tuwing
magkasama kami dahil iniisip kong siya si Jake.

As the time goes by, mas nagiging close na kami ni Aaron at nagiging magkalayo na
kami ng aking bestfriend. Ang saklap naman ng pinagdaraanan ko sa pag-ibig sapagkat
hindi ako mahal ng taong mahal ko. Ewan ko ba sa kaniya kung torpe siya o manhid!
Oh hanggang bestfriend lang talaga ang pagtingin niya sa akin? Hay, I'm confused na
talaga sa panahon na iyon so I decided na layuan siya at ibaling ang aking atensyon
kay Aaron.

Aaron is a sweet guy at napakacaring. Ang dami niyang effort na nais gawin ngunit
binabalewala ko lang. Ako na siguro ang babaeng may pinakamagulong damdamin.

Dumating yung time na kapag kasama ko si Aaron ay nag-eenjoy ako at ayoko ng malayo
pa sa tabi niya sa tuwing magkasama kami pero sa tuwing mag-isa naman ako, si Jake
ang hinahanap-hanap ko. Basta, ang tanga-tanga ko. Isa akong malaking question mark
na hindi mo maiintindihan.

Pagdating dito sa isla, unti-unting nagbago ang lahat dahil si Aaron na rin ang
laging laman ng isipan ko. Kaibigan na lang talaga ang turing ko kay Jake.

Ngunit simula noong nagimbal kaming lahat sa pagpatay ng killer sa amin isa-isa,
naging malayo ako kay Aaron at sa ibang tao ako sumasama dahil iniisip kung paano
kapag ako na ang sunod? Paano na ang family ko? Ang pangarap ko? Kaya nagnilay-
nilay ako noong mga panahon na iyon.

Nang mamatay si Jake, hindi ko napigilang sumabog ang aking emosyon. That time, I
felt uncomfortable. Lalo na sa kalunos-lunos na sinapit ni Jake. Sawing-sawi ako
nung mga panahong iyon, halos gusto ko ng magwala pero pinigilan ko ang sarili ko
sapagkat nandoon si Aaron. Iniisip ko rin ang nararamdaman niya that time.

Bakas sa kaniyang mga mata ang matinding kalungkutan na para bang pinabayaan siya.
Gusto ko ring yakapin si Aaron noon dahil alam kong nasasaktan siya deep inside.
Hindi naman siya manhid para hindi niya maintindihan ang mga kinikilos ko.

Noong gabing iyon, hindi lang ako umiiyak dahil sa pagkamatay ni Jake dahil
pakiramdam ko ay unti-unti ko ring pinapatay si Aaron deep inside. Then, I realized
na mahal ko na nga si Aaron at hindi ko kakayanin kapag siya ang pinatay ng killer.

Ngunit huli na ang lahat, ngayong patay na si Aaron, hindi ko man lang naiparamdam
sa kaniya kung ano ang tunay kong nararamdaman ngayon. Sising-sisi ako. Wala akong
ibang magawa kung hindi ang humagulgol sa pag-iyak. I am weak pagdating sa mga
taong malapit sa akin.

Mas lalo akong naiyak dahil kahit na madalas ko siyang balebawain ay ako pa rin
talaga ang laman ng puso niya. Naantig ako sa sorpresa niyang cake para sa akin.
Siguro kung buhay siya ngayon, baka niyaya ko na siyang magpakasal sa sobrang saya
at pagmamahal na wagas na kahit sinuman ay walang makakapantay.

Nais ko na ring wakasan sana ang aking buhay dahil guilty ako. Namatay si Aaron
nang dahil sa akin. Pero, pilit akong pinipigilan ng aking mga kasamahan na hindi
sagot ang pagpapatiwakal para pagbayaran mo ang iyong kasalanan.
"Tin." Wika ng isang tinig na umaalingawngaw sa loob ng aking silid. Napakapit ako
ng mahigpit sa kutson ng kama dahil nagmimistula echo ito na bumabalandra sa bawat
pasilyo ng ding-ding.

"Sino ka? Magpakita ka sa akin! Hindi ako natatakot sayo!" Sigaw ko. Nilakasan ko
talaga ang loob ko na harapin siya kahit na nangangatog ang tuhod ko.

Sa isang iglap lang, may buhok na lumilitaw sa kisame ng unti-unti. Nanginginig ako
sa takot at kinikilabutan. Para siyang si Sadako na umaahon sa balon, ang
pinagkaiba lang ay sa kisame siya umaahon. Oh my gee! The grudge! Is that you?

Nagtalukbong ako ng kumot upang hindi ko siya makita ngunit kusang umaangat ang
kumot na pinangtaklob ko at maya-maya pa'y bigla na lamang siyang dumungaw sa mukha
ko at face to face na kami ngayon.

"Ahh!" Sigaw ko sa takot sapagkat wala siyang mukha! Tanging matang nanlilisik lang
ang mayroon siya. Ipinikit ko ang mga mata ko para magdasal pero hindi pa rin siya
nawawala sa harapan.

Nagulat ako nang may biglang pulang likido ang lumalabas sa kaniyang mukha.
Nakakasulasok at nakakadiri ang kaniyang amoy! Halos masuka-suka na ako sa
kinalulugdan ko.

Akmang sisigaw ulit ako ng bigla niya akong hawakan sa braso gamit ang kaliwa
niyang kamay. Sa isang iglap lang ay dakut-dakot na niya ang aking mukha gamit ang
kaniyang kanang kamay kaya halos hindi ako makakilos.

Pilit akong nagpupumiglas sa panghaharass niya sa akin ngunit hindi ko magawa. Isa
lamang siyang multo pero paano niya ako nahahawakan? Mayroon yatang pagkademonyo
itong babaeng itim na ito.

Naramdaman kong parang humihiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko pero may ginagawa
pala siya sa akin. Pilit siyang sumasanib sa akin. Pinilit ko itong labanan ngunit
nabigo lang ako sapagkat nakapasok na siya sa loob ng aking katawan.

Alam kong nasa tamang pag-iisip pa ako pero ang katawan ko ay kinokontrol niya.
Bigla na lamang humakbang ang aking paa pababa ng kama. Naisin ko man na pigilan
ito, hindi ko nagawa.
Kinontrol niya ang katawan ko pababa ng hagdan. Pagkarating ko sa may kusina ay
nandoon sina Kian at Karlo na kumakain ng pansit canton. Nais kong humingi ng tuloy
sa kanila kaso hindi ko magawa.

"Oh Tin, kain!" Pang-aalok ni Karlo na parang isang linggong hindi nakakain.
Nilampasan ko lang siya at tinaasan ng kilay.

"Anyare dun?" Tanong ni Kian na pinaglalaruan lang ito. Marahil si Hannah pa rin
ang iniisip niya.

"Ewan." Wika ni Karlo at pinagpatuloy lang ang kaniyang pagkain.

Nakakainis kang black lady ka! Ano ba ang pakay mo sa akin? Dadalhin mo ako sa
killer?

Wala ni isa man sa aking mga kasama ang nakakita pa at pumigil sa akin. Nakakainis
lang! Pero ang pinangangambahan ko, ay kung oras ko na ba.

Dinala ako ng aking mga paa sa labas ng bahay hanggang sa mapadpad ako sa likod ng
bahay. Pagpasok ko sa isang silid, puro gamit at masang-sang ang amoy. Nagtaka na
ako kaagad ng makakita ako ng mga dugo sa ding-ding. Bodega ito.

Naramdaman kong umalis na ang black lady na sumapi sa akin at kasabay nito ay ang
pagkawala ko rin ng ulirat.

Nagising na lamang ako na nakatali ang aking mga kamay at paa at may busal ako sa
bibig. Nandito lang ako sa sahig at nakahiga. Gabi na rin sa labas. Umupo ako sa
sahig at pinilit kong magpumiglas nang biglang lumangitngit ang pinto hudyat na may
taong papasok.

Malamang na ito na ang killer. Gusto ko siyang makilala para maibuhos ko sa kaniya
ang lahat ng sama ng loob ko.

Nagulat ako sa kaniyang pagpasok. Hindi ko inaasahan na siya ang killer.


"Kamusta Tin? Maayos na ba ang kalagayan mo matapos mamatay ni Aaron? Haha!" Wika
niya habang hila-hila ang aking buhok.

"Hindi ka nga pala makakapagsalita dahil may busal ang iyong bibig. Kaya sige,
hahayaan kong marinug ang tinig mo." Wika niya sabay tanggal ng aking busal.

"Walang hiya ka! You killed everyone na walang kamuwang-muwang sa hindi namin alam
na kadahilanan. Bakit mo ba ginagawa sa amin ito ah?" Wika ko habang ako'y umiiyak
sa sobrang galit.

"And so I am. Masama na kung masama! This is me eh! So, sorry kung napaaga ang
buhay ng boyfriend mo. Dapat pala pinagsabay ko na kayo para maramdaman mo yung
sakit na idinulot mo sa kaniya!" Wika niya ng nangagalaiti at sinabunut-sabunutan
niya ako. Pakiramdam ko ay hihiwalay na ang aking buhok sa aking anit.

"Tama na please!" Pagsusumamo ko.

"Masakit ano? Haha, tatanga-tanga kasi. Akala mo ay wala kang nasasaktan sa mga
pinaggagagawa mo." Panunumbat niya sa akin.

"Oo tanga na ako! Hindi ko man lang kaagad napagtanto ang lahat. Nakasakit pa tuloy
ako ng damdamin. Pero masaya ako dahil kahit na hindi ko siya nabigyan masyado ng
pansin ay minahal niya pa rin ako. Ang masaklap lang, hindi niya narinig mula sa
aking bibig na mahal ko rin siya." Wika ko habang ako'y nakayuko.

"Ahh, kawawa ka naman. Dapat sayo ay hindi na minamahal." Pang-iinsulto niya sa


akin at ipinapamukha niya pa na dapat akong kaawaan.

"Atleast may nagmamahal sa akin. Hindi katulad mo! Iniwan ng taong minamahal!
Haha!" Wika ko habang tinutuya ko siya. Pakiramdam ko ay natalo ko siya ng biglang
sumibangot ang kaniyang mukha.

"Bawiin mo iyan!" Wika niya sabay sampal niya ng malutong sa aking kanang pisngi.

"Huh, never!" Pagmamatigas ko.


"Dapat sayo ay mawala na sa mundong ito!" Sigaw niya sa inis at may kinuhang bagay
sa bandang malayo. Pagbalik niya ay mayroon siyang hawak na koronang tinik na aking
ikinagulat.

"Hindi ba gusto mong maging Beauty Queen? Pwes, pagbibigyan kita." Wika niya sabay
lapit sa akin at isinaksak sa aking ulo ang koronang tinik.

"Ahhh!" Pagpalahaw ko ng sigaw. Ramdam ko ang bawat pagbaon ng tinik sa aking ulo
at ang sumisirit kong dugo na nagtatalsikan. Umaagos din yung iba sa aking mukha.
Nakakaramdam na ako ng pagkahilo ngunit hindi ko ito ininda.

Habang ako'y naghihingalo, nilagyan niya ng Letter Q ang aking kanang kamay.

"Hindi pa tapos ang sorpresa ko sayo Tin! Haha!" Wika niya at nawalan ulit ako ng
malay.

Nagising ako ng makaamoy ako ng parang mentol like biks. Pagdilat ko ng aking mga
mata ay nasindak ako ng malaman ko kung nasaan ako. Nakahiga ako ngayon sa kabaong
at nakagapos pa rin. Masakit pa rin ang ulo ko dahil unti-unti pa ring bumabaon
dito ang mga tinik.

Ang hirap huminga! Nang pagmasdan ko ang aking sarili, ako'y nakasuot pa ng kapa at
sa kanang kamay ko ay may scepter na laruang plastik yung pambata. Saan niya kaya
nakuha ito?

"Gising na pala ang ating beauty queen." Wika niya at nakadungaw pa sa salamin ng
kabaong na kinalulugdan ko.

"Huwag kang mag-alala, ipapadala na rin kita sa kabilang buhay. Pero bago ang
lahat, meet my friend." Wika niya at itinaas ang garapong hawak niya na naglalaman
ng anim na daga.

Nagsitaasan kaagad ang aking balahibo ng makita ko yung mga daga. Dagang
nakakadiri! Yung ordinary lang at makikita mo sa kung saan-saan. Nanginginig na ako
sa diri dahil daga pa naman ang pinakaayaw ko sa lahat.

"Hahaha! Alam kong takot na takot ka na sa diri, pero huwag kang mag-alala. Isasama
ko sila sa kanilang reyna." Wika niya at biglang binuksan ang garapon pati na rin
ang glass sa kabaong at walang pag-aalinlangan niya itong itinaktak sa akin.
"Ahhh! Tulong! Tulungan niyo ako!" Sigaw ko.

Hindi ko maatim na dampian ng mga daga ang aking katawan. Nakikita ko pa lang sila
ay nandidiri na ako. Ngayon pa't binabagtas nila bawat parte ng aking katawan.
Naiiyak ako sa diri at takot.

"Tulong!" Sigaw ko pa pero bigla na niyang isinara ang kabaong kaya wala na akong
makita.

Nararamdaman ko ang mga dagang ginagalugad ang aking katawan. Yung iba ay
nginangat-ngat ang aking kasuotan at yung iba at pumapasok pa sa loob ng aking
damit at shorts.

"Ahh! Tulong! Ayoko na!" Sigaw ko habang ako'y umiiyak. Hindi ko na kaya.

Naramdaman kong may dagang nakapatong sa aking dibdib. Hindi ko alam ang aking
gagawin dahil sa diri at takot. Nagulat ako ng bigla niya akong ihian. Katapusan ko
na talaga.

Ipinikit ko na lang ang aking mata at tinanggap na katapusan ko na habang patuloy


kong nararamdaman na pinagpipiyestahan ng mga daga ang aking katawan.

Chapter 55
Maagang gumising ang mga kalalakihan sapagkat sila ang nakatoka upang maghanda ng
agahan. Masayang binabaybay nina Kian at Karlo ang daan patungong hagdan, ngunit
matindi pa rin ang tensyong namumuo sa pagitan nina Mark at Ethan.

"Mga pards, magkibuan naman kayo oh! Magbati na kayo." Wika ni Karlo sa dalawa na
nangunguna sa pagbaba ng hagdan.

"Kaya nga, ade tanggapin na lang ng talo kung sino man siya sa inyong dalawa. Don't
play it hard dude! Alam naman nating isa lang pwedeng piliin at mahalin sa inyo ni
Rox kaya magparaya ang matatalo, kumbaga friends pa rin kahit ano mang mangyari.
Walang samaan ng loob. Tayo na nga lang magtotropa dito magkakasira pa tayo dahil
lang sa isang babae?" Paliwanag ni Kian habang nakaakbay sa dalawa. Sa kanan niya
si Mark na walang imik at sa kaliwa naman si Ethan na parang umid.
"Oh siya siya, hayaan na nga natin silang dalawa. Huwag silang magpansinan kung
ayaw nila." Wika ni Karlo na naiinis sa inaasal ng mga ito.

Pagkarating nila sa dulo ng hagdan, wala na ngang nagsalita sa kanila kahit isa.
Deadma kung deadma. Tahimik silang naglakad na parang hindi magkakakilala.

Napahinto sila sa paglalakad ng bumungad sa kanila ang isang puting kabaong ng


makarating sila sa sala.

"Oh shit! Para saan ito?" Ani ni Karlo na kanina pa mainit ang ulo.

"Huwag mo sabihing..." wika ni Kian na hindi na naituloy pa ang kaniyang sasabihin.


Nagngalit ang kanilang mga bagang sa napagtanto nila.

Nagkasundo-sundo silang apat na tingnan muna kung may laman ito o wala bago ipaalam
sa mga kababaihan ang kanilang natuklasan.

Sabay-sabay silang lumapit dito at dinako bawat sulok at pinagtag-i-tag-isahan ito.


Sina Karlo at Mark ang nasa bandang kanan at sina Kian at Ethan naman sa bandang
kaliwa. Kinakabahan sila dahil ito'y maaaring sorpresa sa kanila ng killer o kaya
nama'y patibong.

"Sa pagbilang ko ng tatlo, sabay-sabay nating itataas itong takip. Ready?" Wika ni
Kian na nakamuwestra na at handang-handa na sa kung ano man ang mangyari. Sinang-
ayunan naman siya ng kaniyang mga kasama.

"...1...2...3!" Bilang nito at sabay-sabay naglabas ng pwersa para maiangat ito.

Napatalon sina Ethan at Mark sa tumambad sa harapan nila. Nagkauntugan pa sila at


napayakap sa isa't isa. Habang sina Karlo at Kian ay tuwang-tuwa habang
pinagmamasdan yung dalawa.

"Haha! Ang cute niyong dalawa!" Pambubuska sa kanila ni Kian sapagkat yakap pa rin
nila ang isa't isa. Napagtanto ng dalawa ang kanilang ginawa at napangiti na lamang
sila. Ganun pa rin, malamig ang pakikitungo nila sa isa't isa na kaagad lang
naghiwalay na parang walang nangyari.
"Akala ko magkakabati na kayo, hindi pa pala." Wika ni Kian sa kawalan ng wala man
lang ka emo-emosyon.

Halos wala pa ring kibo yung dalawa habang si Karlo ay napatigagal ng madako ang
kaniyang tingin sa kabaong mismo. Akala nila ay mga dagang naglulundagan lamang ito
pero mayroon pala itong lamang bangkay ng tao.

"Shit again!" Sigaw niya sa hangin na pawang nanggagalaiti sa galit.

"May namatay na naman." Simpleng pahayag ni Mark habang siya'y nakayuko.

"Oh guys, bawat ganiyan ang mga mukha..." wika ni Xiara Ginny na naunang bumaba sa
mga babae. Hindi niya na natapos ang kaniyang sasabihin dahil sa bagay na bumungad
sa kaniya. Napatakip na lamang siya sa kaniyang bibig at tila nanlumo hanggang sa
mapaupo siya sa sahig.

"Ang tagal niyo naman! Gutom na gutom na ako." Reklamo ni Arianne habang siya'y
naghihikab kasama si Roxette na pupungay-pungay pa sa paglalakad.

Nanlaki ang mata ng dalawa sa kanilang nakita. Hindi nila alam kung ano ang
kanilang gagawin na halos nakakataranta.

Dumating si Mia ngunit mukhang hindi siya nabagabag sa kaniyang nakita. Lumapit
lang siya sa tabi ni Mark at kaagad niya itong niyakap. Hindi naman siya pinansin
ng binata.

"Ang kati talaga ng likod ko. Paki tingnan nga Arianne kung may higad please?"
Pagpaparinig ni Ginny na umaarteng parang nangangati. Inirapan lang siya ni Mia na
walang paki sa kaniya.

"Umayos ka nga Mia! Ang landi mo! Kita mo ng namayapa si Tin tapos ganiyan pa
inaasal mo?" Wika ni Ginny na nakapameywang at iritang-irita sa ginagawa ng dalaga.

"Malandi na kung malandi! Mind your own business! Kung inggit ka, gumaya ka!
Makipaglandian ka rin kay Karlo, masaya iyon! Haha!" Wika ni Mia na humahalakhak sa
katatawa. Nag-init ang dugo ni Ginny sa tinuran ng dalaga kaya dali-dali niya itong
sinunggaban ng sampal sa kanang pisngi.
"How dare you!" Wika ni Mia habang nakahawak sa pisnging sinampal ni Ginny.
Nagngingitngit na siya sa galit at halos nais niyang makalbo si Ginny dahil sa
ginawa nito sa kaniya pero pinigilan siya ni Mark.

"Paano mo naaatim na gawin ang ganiyang bagay gayon pa't alam mong nasa piligro ang
iyong buhay?" Akusa sa kaniya ni Ginny habang pinipigilan siya nina Rox, Arianne at
Ethan na para gusto yata ng giyera.

"Well, kung mamamatay din lang naman ako ay susulitin ko na ang nalalabing oras ko.
Gagawin ko ang lahat ng gusto kong gawin! Buhay ko ito eh! Huwag mo akong
pakikialaman!" Sigaw naman ni Mia habang pinipigilan siya nina Mark, Kian at Karlo.

Hindi na umimik pa si Ginny dahil dumating na sina Agatha at Xiara.

"Anong bang kaguluhan ito ha?" Bungad ni Agatha. Napatigil sila ni Xiara sa
paglalakad ng maagaw ng kabaong ang atensyon nila.

Unti-unting nagbutil ang luha ni Xiara na naiipon sa kaniyang mga mata. Nakita niya
ang kaibigan na nakahimlay sa kabaong. Mga dagang nagtatalunan sa loob nito.
Dumaloy ang luhang kanina pa naiipon sa mga mata niya. Pinipigil niyang huwag
umiyak pero hindi niya na kaya. Sumabog ang kaniyang emosyon na naglalagablab sa
todong kalungkutan. Niyakap siya ni Agatha ngunit hindi ito sapat upang
mahimasmasan siya.

"Tin!" Sigaw niya na puno ng pait at puro pighati. Nagtatakbo siya papalapit sa
kabaong na kinasadlakan ng kaibigan at niyakap ang kinalalagyan nito.

Napuno ng pagsusumamo ang loob ng mansiyon. Nakayuko lang ang lahat na nakikiramay
sa pagkawala ng isa na namang kaibigan/kaklase nila.

Halos madurog ang puso ni Roxette ng makita si Xiara na walang humpay sa pagtangis.
Ang sakit sa kalooban. Mamimiss din nila si Tin dahil sa ugali nito. Sadyang
nakakahawa ang pag-iyak ni Xiara dahil taghoy ito nang taghoy. Hindi nila alam kung
ano ang gagawin upang mahimasmasan ito. Ngayon lang kasi nakita ang emosyonal na
Xiara.

Nakakaawa ang kalagayan ni Tin. Puro ngat-ngat na ang suot nitong pang-itaas at
pang-ibaba. May maliliit na sugat kang matatagpuan sa kaniyang katawan, mukha,
kamay at paa na pawang gawa ng mga daga. Nagtataka sila kung bakit may scepter,
kapa at koronang tinik ang dalaga.

"Naiintindihan ko na." Pahayag ni Agatha na nakaupo sa isang sulok.

"What do you mean?" Tanong ni Ethan.

"Alam ko na kung bakit ganiyan ang itsura ni Tin. Hindi ba sinabi niya sa atin na
pangarap niyang maging beauty queen? Tinupad lang iyon ng killer." Mahinang wika
nito dahil patuloy pa rin si Xiara sa pagsusumamo.

"Her death letter is Q nakasulat sa kamay niya. Q means queen at iyon ang death
word niya. Imbis nga lang na totoong korona ang ibinigay sa kaniya ng killer ay
koronang tinik ang ipinataw niya para pahirapan ito." Paliwanag nito.

"Sa ngayon, tulungan niyo muna akong pakalmahin si Xiara para madala na yung
bangkay ni Tin sa dapat nitong paglagyan." Dagdag pa nito.

-------------------------------------------

E/N: pasensya na kung maikli hehe.. alam ko pong bitin kaya hintayin niyo na lang
ang next update ko. Thanks for reading!

Chapter 56
Mia's POV

Spell tanga, M-I-A. Yeah! I'm the Queen of stupidity. Kaya handa akong magpakatanga
para lang sa taong mahal ko kahit may mahal na siyang iba.

Sabi nila, wala talagang forever pero para sa mga bitter lang iyan haha! Para sa
akin, forever do exist. Bakit ko nasabi iyon? Kasi, I'm a hopeless romantic girl na
madalas sa pantasya nabubuhay.

Dahil sa kalikutan ng aking isipan at imahinasyon, marami akong bagay na


napagtanto. Tama nga na walang forever o permanente sa mundong ito dahil ang lahat
ng bagay ay dito sa mundo ay kumukupas. Kaya sulitin niyo na ang mga bagay na
nagpapasaya sa inyo habang may oras pa.

Pero hindi ako naniniwala sa forever by means of my pantasya lang. I still believe
na sa heaven mo lang talaga mararanasan ang tunay na forever. Kahit na ganito ako,
naniniwala pa rin ako kay God. Dahil sa tukso, nauudyukan tayo na gumawa ng masama.

Si God nga, kahit na paulit-ulit tayong gumawa ng masama ay pinapatawad niya pa rin
tayo. Ang pag-ibig ng Diyos sa atin ay hinding-hindi kukupas kailan man. Itakwil
man tayo ng ating mga magulang ay hinding-hindi niya tayo papabayaan sapagkat mahal
niya tayo. Kaya huwag niyong iisipin na walang nagmamahal sa inyo.

Naalala ko pa noon, naglilingkod pa ako sa simbahan. Ang sarap sa pakiramdam na


nagpupuri ka sa Panginoon. Pero simula ng mamatay ang aking mga magulang, tila
nagunaw ang mundo ko. Siya ang sinisisi ko sa mga nangyari at simula noon ay naging
pasaway na ako sa Lola ko at talagang nagbago na ako. Naging malayo na rin ang loob
ko sa Panginoon.

Naging makamundo ako. Ang sarap pala sa pakiramdam na happy-happy ka lang kasama ng
iyong mga kabarkada. At higit sa lahat, masarap ang bawal. Sa pagrerebelde ko, pati
pagkatao ko ay nagbago. Hindi na ako yung dating Mia na nasa isang sulok lang,
nabulag ako sa tawag ng mundo.

That time, I've changed a lot. Ang dami ko ngang naranasan na hindi ko man lang
nagagawa noon. Ang masasabi ko lang, masarap kumawala sa iyong lungga.

"Mia, tara gala tayo." Paanyaya sa akin ng isa kong barkada habang nakatambay kami
sa gym ng school.

"Huh? May klase pa tayo diba?" Wika ko na parang lutang.

"Ade magcut class tayo! Huwag kang mag-alala dahil kami ang bahala sayo." Wika nito
habang nagtataas-baba pa ang kaniyang kilay.

"Eh?" Lito kong sagot sapagkat nagdadalawang-isip pa ako.

"Huwag ka ng tumunga-nga pa. Tara na!" Wika nito sabay hila sa braso ko at
kinaladkad niya ako. Kaya ayun, sumabay na lang ako sa agos.
Makalipas ang ilang minuto, nakarating din kami sa aming patutunguhan. Nagulat ako
ng bumungad sa akin ang isang lugar na kinagigiliwan ng mga estudyante. Ang bar.

"Lyka, sigurado ka ba na papasok tayo rito?" Nag-aalinlangan kong tanong habang


nasa labas pa kami at hindi nakakapasok.

"Uurong ka pa ba? Nandito na tayo oh! Sulitin mo na dali, ngayon mo lang ito
mararanasan right?" Wika niya na halatang sabik na sabik ng pumasok sa loob.
Tumango lamang ako sa tanong niya sa akin.

Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at hinila na niya ako papasok sa loob. Nagulat


ako dahil tanghaling-tapat ay marami ng tao dito. Karamihan ay mga estudyante
galing sa iba't ibang school.

"Enjoy mo lang Mia ok?" Wika niya habang nasa counter kami. Um-order siya ng inumin
namin pero hindi ko alam ang tawag doon.

"Inumin mo na, masarap iyan. Try mo dali." Pangungumbinsi niya sa akin habang
nakatitig sa inumin na nasa aking harapan.

"Eh hindi alam ito? Pinasosyal lang?" Nakangiwi kong tanong.

"Yup, hindi ba may problema ka? That's the reason kung bakit kita dinala dito."
Wika niya na nakakatatlong shot na nito.

Sa totoo lang, hindi ako umiinom ng alak pero nakakahiya naman kung tatanggihan ko
siya. Tsaka, gusto ko ring makalimot muna gayun pa't napakabigat ng aking
problemang dinadala.

"Take a shot sis! Cheers!" Wika ni Lyka at nagcheers pa kami bago namin ito ininom.
Mapait siya na hindi ko alam dahil ang init sa lalamunan.

Simula noon, lagi na rin akong nagkacut ng klase para magsaya sa bar. Salamat kay
Lyka dahil tinuruan niya akong lumabas sa comfort zone ko.

Noong nagsimula akong magCollege ako, ganun pa rin ako happy go lucky girl.
Pabanjing-banjing lang. Ang sarap lang kasing gawin ng bawal. Sa school isa akong
maamong tupa. Napakabait ko at akala mo ay mahiyain. Santita pala talaga haha!

Nagpapasalamat ako kay Josh na naging bestfriend ko. Natutuwa naman ako sa kaniya
dahil nauunawaan niya ako gayon din si Abi. They are my bestfriend. Simple girl sa
school, wild naman ako sa labas haha. Natuto na akong mamuhay ng wild and free
dahil hindi naman ako maaawat ng lola ko. Haha!

Naalala ko tuloy ang trabaho ko. Ang pinakasikat na bayarang babae. Ako iyon! Hindi
ko ikinakahiya ang trabaho ko na iyon dahil ito ang bumubuhay sa amin nung time na
may sakit sina Ama at Ina. Mahirap din ang trabaho ko. Noong una nga ay nandidiri
ako sa sarili ko pero kalaunan, nasanay na rin ako.

Nang mamatay sina Ama at Ina, tumigil na rin ako sa pagtatrabaho sa bar. Akala nga
noon ni Lyka ay first time ko lang nakarating nung bar that time. Hindi niya alam,
umaarte lang ako. Tagumpay naman ako at mukhang napaniwala ko siya. At doon na nga
ako nagsimulang gumimik kasama ang barkada.

Magkaiba ang pakikitungo ko sa mga taong lubos kong kakilala. Ako kasi yung babaeng
nasa loob ang kulo kaya huwag niyong tatangkaing ubusin ang pasensya ko kung ayaw
niyong malintikan.

Balak ko sanang bumalik sa trabaho ko noon after nitong outing namin. Gusto ko
kasing matupad ang pangarap ni Ina na maging successful Engineer ako someday. At
dahil sa pagiging barumbado ko sa Lola ko, ayun pinalayas ako. Mabuti na lang at
may karamay pa ako, si Lyka.

Ngayon, hindi ko na hahayaan pang maagaw sa akin ng sinuman ang taong mahal na
mahal ko. Ako kasi yung babaeng nabubuhay sa fantasy. Na love at first sight kasi
talaga ako kay Mark first year pa lang kaso may girlfriend na pala siya that time.

Alam niyo bang sa isipan ko ay maraming nabubuong ideya kung paano ko sila
paghihiwalayin ng girlfriend niya? Haha! Binaliw talaga ako ng pag-ibig ko kay
Mark. At dahil tahimik at mahinhin ang pagkakakilala sa akin ni Mark, hindi ko
maisagawa ang plano ko.

Hinayaan ko muna siyang mamuhay ng masaya. Habang ako, hanggang sa pantasya at


panaginip ko lang siya nakakasama. Para nga ako asong ulol na naglalaway sa tuwing
nakikita ko siya.

Basta ewan ko ba, binihag niya ang pihikan kong puso. Only him! He makes me crazy!
Makita ko lang siya masaya na ako. Hopless romantic ang peg ko noon pero iba na
ngayon. Haha!

Nagtatalon ako sa tuwa noong malaman kong hiwalay na sila ng girlfriend niya. Hindi
ko na pinalampas pa ang pagkakataon at ipinakita ko na sa kanila ang totoong ako.
Sa sobrang pagkadesperada ko, umamin na ako sa kaniya pagkarating pa lang namin
dito sa mansiyon.

"Mark ano ba! Manhid ka ba? Bakit parang hindi ako nageexist sa buhay mo?" Tanong
ko pagkapasok ko sa room nila ni Rox. Nagulat pa nga siya sa pagpasok ko kasi
nadatnan ko siyang nakaupo sa kama habang pinagmamasdan ang litrato ni Rox.

"Ano ginagawa mo rito? At isa pa, hindi ka ba marunong kumatok?" Iritadong tanong
niya at itinago ang picture ni Rox sa ilalim ng unan niya bago lumapit sa
kibaroroonan ko malapit sa pinto.

Pagkalapit niya ay bigla ko siyang siniil ng halik sa labi. Sa sobrang gulat niya
ay naitulak niya ako ng malaman at tumumba ako sa may kama.

"Ano ba sa palagay mo iyang ginagawa mo? Wala ka na sa katinuan Mia!" Pagdidiinan


niya sa akin.

"Mahal kasi kita Mark! Nagpapakatanga at baliw ako sayo dahil sa lintek na
pagmamahal na ito!" Pagduduldulan ko sa kaniya habang nakalapat ang aking kanang
kamay sa tapat ng aking puso.

"Pwes, tigilan mo na iyang kahibangan mo! May iba na akong mahal at hindi ikaw
iyon! Hindi ako ang nararapat na lalaki para paglaanan mo ng iyong pagmamahal.
Marami diyan sa tabi-tabing lalaki na maaari kang mahalin. At hindi ako iyon."
Pagpapaliwanag niya habang nakapatong ang kaniyang dalawang kamay sa aking balikat.

"Bakit? Si Roxette ba? Okay. Pero hindi pa rin ako susuko hanggang sa masungkit ko
ang puso mo. Oo, maraming lalaki diyan sa tabi. Ang tanong, mahal ko ba?"
Pagsupalpal ko sa kaniya sabay tayo sa kaniyang kama at nilapitan siya.

"Tandaan mo Mark, hindi ako titigil hangga't hindi ka napapasakin. I love you.
Tandaan mo iyan." Bulong ko sa kaniyang tainga sabay labas ng kaniyang silid.

Pagkalabas ko, dito na sumidhi pa lalo ang aking damdamin. Naiyak na ako at gusto
ko ng magwala dahil sa rejection. Nanggagalaiti ako sa galit at inis! Gusto ko
siyang sampalin para magising siya sa katotohanan kaso hindi ko iyon kayang gawin
sa kaniya eh. Mahal ko eh.

Hanggang ngayon, patuloy pa rin ako sa pagdikit sa kaniya gayun pa't nagseselos
siya kay Ethan. Ito na ang chance ko para maangkin ko siya. Haha!

Tandaan mo Mark, hindi ko hahayaang mapunta ka sa iba. Akin ka lang! Akin! Haha!

Chapter 57
Mia's POV

Natutuwa ako sa tuwing nakikita ko si Mark na malungkot. Bakit? Kasi, tyansa ko na


iyon para malapitan ko siya at ma-comfort pero deep inside, tumatalon ang puso ko
sa tuwa sa tuwing nayayakap ko siya.

Ako na yata ang baliw sa lahat ng baliw. Grabe! Ganito pala ang naidudulot kapag
ikaw ay nabaliw sa ngalan ng pag-ibig. Gagawin mo ang lahat, hahamakin ang kahit na
sino, maangkin lang yung taong mahal mo.

One time, nagkaroon ako ng pagkakataon para sunggaban na ang pinakamimithi kong
labi ni Mark. Ang lambot, ang tamis at ang masamyong amoy ng kaniyang hininga na
nagdulot para mas lalo akong mahumaling sa kaniya. Hindi ko talaga akalain na
sasabayan niya ang paghalik ko sa kaniya.

Alam ko naman na, kaya niya nagawang halikan din ako para pagselosin si Roxette.
Puno ng hinanakit at panibugho ang kaniyang mata at ramdam ko rin ito kung paano
niya ako halikan. Masaya na ako na makasama ko ang taong mahal ko kahit na hindi
niya ako mahal.

Sanay naman na akong magmahal ng taong hindi ako mahal. Masakip man, pero iniisip
ko na lang na, balang araw ay mamahalin niya rin ako. Ako kasi yung tipo ng taong
madaling ma-fall.

Masaya ako ngayon dahil kahit na anong landi ang gawin ko kay Mark ay ayos lang sa
kaniya. Benefited naman kaming dalawa eh. Ako, nag-eenjoy. Siya naman, napagseselos
niya si Roxette. Ang tanong, effective ba naman kaya?
Nung gabing matagpuan namin ang bangkay ni Tin na nasa loob ng kabaong, kinabahan
na ako dahil pakonti na kami nang pakonti. I need to prepare myself kung sakali
mang ako ang isunod ng killer.

Nagising ako ng madaling araw, bale ika-labing isang araw na namin dito at tatlong
araw na lang ay matatapos na ang kalbaryong kinakaharap namin. Hindi ako
makapaniwala sa nasaksihan ko sa may hagdan. Si Rox at Mark, naghahalikan.

Gumuho ang aking mundo at halos sumabok sa sobrang sakit ang aking puso. Para akong
kakapusin ng hininga at naninikip din ang aking dibdib. Gusto kong manakit ngayon!
Gusto ko siyang saktan at sabunutan! Maya-maya pa, tumigil din sila sa kanilang
ginagawa at pumasok na si Mark sa kwarto nila habang si Roxette ay nakatayo lang sa
may hagdan na parang natulala pa.

Hindi ako nagdalawang-isip na sugurin siya. Sa sobrang galit ko, nais ko na siyang
mawala sa mundong ito. At kapag nagkataon, baka makapatay pa ako ng tao.

Humahangos akong lumapit kay Roxette ng hindi niya napapansin. Nanggigigil ako sa
galit! Nais ko siyang saktan ang parusahan. Pagkarating ko sa harapan niya at bigla
ko siyang sinampal sa kanang pisngi niya.

"Malandi kang babae ka! Hindi ka na nakuntento! Tinuhog mo na nga si Ethan pati ba
naman si Mark? Aba! Napaka kati mo talaga!" Sigaw ko sa kaniya habang dinuduro-duro
ko siya. Napatigagal lang siya at halos hindi maka-imik sa ginawa ko sa kaniya.
Nakahawak lang siya sa kanang pisngi niya na sinampal ko.

"Tandaan mo, akin lang si Mark! Pag-aari ko na siya! Ako lang ang may karapatang
halikan siya! Akin lang ang labi niya! Huwag kang mang-angkin ng hindi sayo! Kung
hindi ka pa kuntento sa labi ng Ethan mo, pwes, huwag mong lapain ang sa mahal ko!
Ang landi-landi mo!" Pagduduldulan ko sa kaniya sa sobrang panggagalaiti. Ni hindi
siya maka-imik.

"Ano na Rox? Bakit hindi ka makapagsalita diyan? Hindi ka naman pipi ah! Lumaban
ka!" Sigaw ko sabay sampal naman sa kaliwa niyang pisngi.

"Mia please! Ayoko ng gulo! Tigilan na natin ito!" Pagpipigil niya sa buwelo ko sa
sunod na sampal na gagawin ko. Hinawi ko kaagad ang kaniyang braso upang mabawi ang
aking kamay na hawak niya.

"Kung ayaw mo ng gulo, ako, gusto ko! Masunog ka sana sa impiyerno dahil diyan sa
kalandian mo!" Sigaw ko habang nandidilat ang aking mata sa galit kaagad ko siyang
sinugod at pinagsasabunutan.

"Ah! Mia! Masakit! Hindi kita lalabanan! Bitawan mo na ang buhok ko!" Sigaw niya
habang namamalipit sa sakit. Halos humiwalay ang kaniyang buhok sa kaniyang anit sa
sobrang panggigigil ko sa kaniya. Nilapastangan niya ako! Hindi ko siya
papatawarin!

"Kakalbuhin kitang hindot ka! Mas makati ka pa sa higad!" Sambit ko at tinulak ko


siya. Bumanda siya sa railings ng hagdan. Nilapitan ko siya at pinagsasabunutan.
Hindi ko napansin na malalaglag kami sa hagdan sa isang maling hakbang lang namin.
Nauyot ako sa pagpipigil niya sa pag-atake ko sa kaniya kaya dumiretso kami sa
hagdan at nahulog. Nagpagulong-gulong kami hanggang sa mabagok ang aming ulo sa may
kanto at nawalan ng malay.

Nagising na lamang ako sa isang madilim na silid. Pawang ako'y nakatali sa isang
upuan. Nagpalinga-linga ako sa paligid ngunit hindi ko makita si Roxette. Bigla
akong nabagabag, oras ko na kaya?

Sa paglangitngit ng pinto, senyales na mayroong taong papasok dito. Bungad sa


harapan ko ang killer. Nakasuot siya ng maskara sa mukha na pangjabbawockeez. Gayun
pa man, kilala ko ang tindig niya kaya hindi ako nagkakamali sa pagkakakilanlan
niya.

"Kamusta na? Masakit pa rin ba? Umaasa ka pa rin? Haha! Kawawa ka naman. Para kang
asong ulol na naglalaway sa harapan ng taong kinahuhumalingan mo! Haha!" Sambit
niya na mapang-uyam. Lahat ng galit ko kanina kay Roxette ay sa kaniya napunta.
Nangagalaiti ako sa kaniya!

"Walang hiya ka! Makawala lang ako rito, malilintikan ka sa akin! Mata mo lang ang
walang latay!" Sigaw ko dulot ng poot. Siya ang dapat na mamatay! Ipaglalaban ko
ang buhay ko kahit na anong mangyari.

"Huh, ang lakas talaga ng loob ng isang bruhildang katulad mo! Iyan ba ang
naidudulot ng pagkabaliw sa pag-ibig? Haha!" Sambit niya na mapangbuska.

"Oo! Ito nga! Ano naman sayo kung baliw ako sa pag-ibig? Inggit ka? Gumaya ka!
Haha! At isa pa, baliw man ako sa pag-ibig, atleast kinikilig! Hindi gaya mo, baliw
ka rin! Baliw na baliw! Lalo na nung iniwan ka ni Kian! Haha! Kawawa ka naman,
hindi minamahal. Haha!" Pagsegunda ko sa kaniya. Lahat na katarayan ko ay ipinakita
ko na sa kaniya. Hindi siya makapagsalita sa aking tinuran lahat ng iyon ay totoo
naman. Affected much? Haha!
"Pagbabayaran mo ang paglalapastangan sa aking pagkatao! Pagsisisihan mo ang ginawa
mong pang-uuyam sa akin!" Sigaw niya dulot ng galit. Naiba ang aura niya. Para bang
may masamang elemento na nakapaligid sa kaniya.

Mayroon siyang kinuha sa hindi kalayuan. Paglapit niya sa akin, isang garapon ng
honey jam ang kaniyang dala. Ibinuhos niya iyon sa aking mukha at tsaka naglakad
muli palayo. Hindi ko maintindihan kung bakit niya iyon ginawa sa akin. Nanlalagkit
na ako pati na rin ang katawan ko.

Sa kaniyang pagbabalik, may dala siyang paint brush. Nagulat ako ng bigla niya
itong ikalat sa buo kong katawan. Nakaramdam ako ng hapdi at kirot ng mahagip niya
ang aking sugat sa noo dulot ng pagkakabagok ko. Nanlilimahid na ako sa lagkit.
Gusto kong magsisigaw ngunit hindi ko magawa. Nilagyan niya kasi ng busal ang aking
bibig. Nagkakawag lang ako para mainis siya pero kinukurot niya lang ako. Ang
sakit! Ang pino niyang mangurot.

Ilang saglit lang, naglabas siya ng isang kulambo, malaki ito. Hindi ko alam kung
ano ang gagawin niya rito. Nakangiti lang siya ng nakakaloko habang naglalakad
papalapit sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay para mas lalo siyang mainis sa
akin.

"Patawad Mia, oras mo na eh. Haha!" Panunuya niya sa akin at biglang isinaklob sa
akin ang kulambong hawak niya. Hindi ko pa rin lubos maisip kung ano ang gagawin
niya sa akin. Natataranta man ako dulot ng takot, nilalakasan ko pa rin ang loob
ko.

Nagulat ako ng ilabas niya ang isang garapon na puro bubuyog. Ngayon ko lang
napagtanto kung ano ang nais niyang gawin sa akin.

"Say hello to my friend Mia! Haha!" Wika niya at humalakhak na para bang nakamit na
niya ang tagumpay.

Itinaas niya ang uwang na butas sa may kulambo at tsaka ibinuhos doon ang isang
lupon na bubuyog. Nagsisuguran ito papalapit sa akin. Pakiramdam ko, ako'y pulu-
pukyutan nila na sa bawat kagat at tusok na ginagawa nila sa aking katawan at
mukha, sila'y nasisiyahan. Habang ako, hirap na hirap na at tangis nang tangis
lang. Wala akong ibang magawa kundi ang sumigaw ng paimpit. Ang sakit at kirot na
aking nararamdaman ay napakatindi.

"Hahaha! Kawawa ka naman. Kung hindi mo lang ako ginalit ng sobra ay hindi mo sana
daranasin iyan." Wika niya na nasa isang sulok na tuwang-tuwa sa pagpapahirap na
ginagawa niya sa akin.
"Hayaan nating mabawasan ang sakit Mia." Sambit niya at lumapit sa akin. May
itinurok siya sa aking braso at ako'y nawalan ng malay.

Chapter 58
Mark's POV

What a kind of man I am? Bakit ba ako nagkakaganito? Bawat minuto ay siya lang lagi
ang tumatakbo sa isipan ko! Ni minsan, hindi ako napagod na mahalin siya kahit na
sa tingin ko ay may mahal na siyang iba. Wala eh, siya lang talaga! Wala nang iba!

Love is sacrifice, kung mahal mo talaga ang isang tao, handa kang isakripisyo ang
kahit na ano para lang sa kaniya. Hindi ko kayang isakripisyo ang nararamdaman ko
para sa kaniya. Mas lalo lang akong magiging talunan at kaawa-awa kapag ginawa ko
iyon. Ang makita pa lang silang dalawa ng magkasama at tila masaya, walang bahagi
sa puso at pagkatao ko ang hindi nasasaktan. Ang mali ko lang, inibig ko siya ng
lubos at wala na akong tinirang pagmamahal para sa aking sarili.

Love is like a rosary, full of mystery. Naniniwala ako na mahal din ako ni Rox.
Hindi ko lang alam kung ganun pa rin ang nararamdaman niya para sa akin. I'm still
hoping na may puwang pa rin ako sa puso kahit na papaano. Hindi ako nawawalan ng
pag-asa na makamit ang pagmamahal niya.

Love is patient, handa kang maghintay hanggang sa dumating ang tamang tao na para
sayo. Sa sobrang paghihintay ko, naunahan na ako ng ibang tao. Inunahan kasi ako ng
katorpehan kaya wala siya tuloy sa piling ko ngayon.

Love is kind, hindi ito madamot. Mabait daw ang pag-ibig? Haha! Salungat ito sa
akin dahil mapait sa akin ang pag-ibig, bitter kumbaga. Ni hindi nga ako binigyan
nito kahit na limos na pagmamahal, mula sa aking minamahal.

It does not envy, it does not boast. Wala ba akong karapatan na ma-inggit sa tuwing
nakikita ko silang dalawa na masaya? Wala naman akong maipagmamayabang sa iba dahil
hindi ko naman siya nakuha.

It is not proud, it is not rude. Talaga nga namang galit sa akin si kupido. Sinalo
ko kasi ang dalawang iyan kaya siguro hindi niya ipinagkaloob sa akin si Rox. Wala
ng makakapantay pa sa kaniyang iba. Siya lang talaga, sapat na.
It is not self-seeking. One of the reason kung bakit hindi siya napunta sa akin
dahil sarili ko lang ang iniisip ko? Hindi ko iniintindi ang damdamin ng iba kaya
ngayon, nasaktan ko pa ang damdamin ni Mia dahil hindi ko rin masuklian ang
pagmamahal niya.

It is not easily angered. Hindi ko pa pala pwedeng pasukin ang mundo ng pag-ibig
dahil mabilis akong mainis at magalit. Wala namang taong perpekto pero minalas lang
talaga ako.

It keeps no record of wrongs. Ang dami kong pagkakamali lalo na sa ex ko kaya


siguro niya ako hiniwalayan dahil hindi na niya ako kaya pang tagalan.

Love does not delight in evil. Hindi naman ako masamang tao pero sa utak ko,
gustong-gusto kong pahirapan at i-torture si Ethan para mapasa akin na si Rox. Ang
sama talaga ng pag-iisip ko maangkin ko lang siya.

It rejoices with the truth. Dapat ko ba talagang tanggapin na wala na akong pag-asa
sa kaniya? Na naangkin na siya ng iba? Should I give up and accept the truth?

It always protects. Masasabi kong nakalinya ako dito. Kahit na anong mangyari ay
handa akong ipagtanggol siya. Kaso, may iba na siyang superhero na magliligtas sa
kapahamakan at hindi ako iyon. Nakakalungkot lang.

Always trusts. Alam naman nating lahat na hindi magwowork ang isang relasyon kung
wala ang salitang trust. Wala talaga akong tiwala kay Ethan. Dapat ako na lang kasi
ang pinili niya.

Always hopes. Kahit kailan ay hindi ako mawawalan ng pag-asa na magigising din si
Roxette sa katotohanan na ako talaga ang mahal niya. Nadala lang siguro siya sa
pagiging sweet ni Ethan kaya nagpakabulag siya.

And always perseveres. Basta kailangan ko lang ng tiyaga para balang-araw, makamit
ko rin ang nilaga.

Ang sakit lang talagang malaman na wala na akong pag-asa sa kaniya. Kung kailan ako
nagkaroon ng lakas ng loob na ipagtapat ang aking nararamdaman sa kaniya, doon ko
naman nakamit ang higit na kapighatian na tumimo sa aking puso.
"Rox please, mag-usap naman tayo please!" Wika ko ng magkasalubong kami sa
hagdanan. Hawak ko ang kanan niyang braso upang hindi siya makapalag.

"Aray! Ano ba! Nasasaktan ako Mark!" Pagpupumiglas niya. Batid kong masama ang mood
niya ngayon.

"Alam kong alam mo! Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na aminin ito sayo.
Mahal kita Roxette! Mahal na mahal!" Wika ko ng buong igting. Halos hindi siya
makapaniwala sa kaniyang narinig kaya napatulala siya.

Hindi ko na inaksaya pa ang pagkakataong maangkin ang labi niya. Mabilis na


naglapat ang aming mga labi at ninamnam ko ang bawat sandaling iyon. She kiss me
back kaya tuwang-tuwa ang kaibuturan ng aking puso. Naputol ang mainit naming
paghahalikan ng bigla niya akong itulak ng mahina at ibinaling ang kaniyang mukha
sa ibang direksyon.

"Bakit Roxette? May bumabagabag ba sayo?" Tanong ko habang nakalapat ang aking
palad sa kanan niyang pisngi.

"Mark, mali ito." Tipid niyang sambit na para bang nagugulumihanan.

"Walang mali sa ginawa natin Rox! Mahal kita! Mahal mo rin ako hindi ba?" Wika ko
habang nangungusap ang aking mga mata.

"Oo Mark! Mahal kita! Pero as a friend lang! Loyal ako sa boyfriend ko, hindi ko
siya magagawang lokohin!" Pahayag niya habang mayroong luhang dumadaloy sa kaniyang
mukha.

"Si Ethan ba? Siya ba ang boyfriend mo?" Mahinahon kong tanong. Nabalot ng
katahimikan ang paligid. Isang tango ang tuluyang nangwasak upang maging sawi ang
aking sugatang puso. Binigyan ko lang siya ng isang ngiti bago ko tuluyang lisanin
ang lugar na iyon. Isang masaganang luha ang tila ba nag-uunahan na dumadaloy mula
sa aking mga mata. Puro kapighatian ang tinamasa ko nung oras na iyon.

Kahit na alam kong wala na akong pag-asa sa kaniya, patuloy pa rin akong umaasa na
balang-araw ay mapapasa akin siya.

---
"Guys! Nawawala si Roxette! Hindi ko siya makita!" Sigaw ni Arianne habang
humahangos pababa ng hagdan.

"Oh no! Hindi pwede!" Sigaw ni Ethan at nagkukumahog na lumabas upang hanapin si
Rox.

Tatayo na sana si Mark upang tumulong na hanapin si Rox ngunit naninibago siya
ngayon. Mayroon siyang naalala.

"Hindi ka yata kinakapitan ni Mia ngayon? Umaga pa lang eh nakabuntot na sayo iyon
eh. Anyare? Napagod na?" Bungad ni Agatha kay Mark habang nakaupo sila sa may sofa.
Habang yung iba, abala sa paghahanap kay Roxette.

"Hindi ko alam sa babaeng iyon. Baka natutulog pa." Wika niya at biglang tumayo sa
kaniyang kinauupuan. May balak siyang hanapin si Rox. Sa kaniyang paghakbang,
napatid siya sa isang pisi at mayroong bagay na mabilis na bumubulusok patungo sa
pwesto niya. Hindi niya iyon napansin.

"Mark!" Sigaw ni Agatha at kaagad na itinulak ang binata kaya bumagsak silang
pareho sa sahig. Nabasag ang isang banga na nagmula sa itaas. Sa sobrang lakas ng
impact nito sa pagbagsak, nagdulot ito ng malakas na ingay kaya nagmadaling bumalik
sa loob ang lahat ng nasa labas.

"Oh my Mia!" Sambit ni Xiara na napatakip na lang sa kaniyang bibig ng masilayan


ang karumal-dumal na nadatnan.

Halos napatigagal ang lahat sa kanilang nasaksihan. Ganun din sina Mark at Agatha
ng makatayo sila. Bumungad sa kanila si Mia na mula sa loob ng banga. Nakakawindang
at nakakabaliktad ng sikmura ang bumulaga sa kanila.

Si Mia ay naliligo sa kaniyang sariling dugo na umaalingasaw sa bawat sulok ng


mansiyon. Siya ay walang awang chinop-chop ng killer. Tanging letrang J lang ang
namamayani sa kaniyang noo. Ni isa sa kanila ay walang naglakas ng loob na lapitan
ang chop-chop na katawan ni Mia na nagkalat sa sahig. Mas lalo silang nabahala na
hindi na makita pang muli si Rox.

"God! Paano nasisikmura ng killer na gawin ang karumal-dumal na pangyayaring ito?


Wala ba siyang konsensiya?" Taghoy ni Arianne. Kahit na inis siya sa dalaga ay
naaawa pa rin siya sa sinapit nito.
"Hay naku Arianne, nararapat lang sa kaniya iyan. Makati kasi masyado." Wika ni
Ginny sabay irap sa hangin.

Nilapitan ni Agatha ang bangkay ni Mia. Sinuri niya ito ng mabuti. Nandidiri man at
kahit na halos masuka, nais pa rin malaman ni Agatha ang death word ng dalaga.
Nanginginig niya itong sinuri, napadako ang kaniyang tingin sa ulo ng dalaga. Dilat
pa rin ang mata nito na nangungusap ng hustisya.

"Guys, alam ko na ang death word niya." Wika ni Agatha sabay layo sa bangkay ng
dalaga. Tinungo nila ang kusina dahil hindi nila maatim na magtagal doon.

"Her death word is jar. Nang dahil sa banga kaya siya namatay." Panimula niya na
halos maduwal-duwal.

"Eh ano naman yung malagkit na bagay sa katawan niya? Tsaka yung kagat ng parang
insekto?" Tanong Kian.

"Honey Jam yung slimy liquid na nasa katawan niya. Ginamit niya iyon upang maakit
ang mga bubuyog na kagatin siya." Paliwanag nito.

"Kung gayon, walang matitira sa atin kapag hindi natin nakilala o nahuli yung
killer?" Tanong ni Xiara.

"Yup, mamamatay tayong lahat kapag nagkataon." Paliwanag ni Karlo.

"Guys, eleven days na tayo dito at patatagan na lang. Three days na lang at may
sasaklolo na sa atin dito. Konting tiis na lang." Segunda ni Agatha.

"Paano iyan? Nawawala pa rin si Roxette! Buhay pa kaya siya?" Tanong ni Kian.

"Matapang si Roxette! Hindi siya mabilis sumuko." Pahayag ni Ethan na higit na nag-
aalala.

"Paano kung si Roxette pala ang killer? Kaya siya nawawala ngayon dahil nagpaplano
siya kung paano niya tayo papatayin?" Singit ni Karlo.

"Hindi iyon magagawa ni Roxette!" Pagtatanggol ni Arianne sa kaibigan.

"Biktima rin siya dito! Tiyak na wala siyang kinalaman dito!" Dugtong pa ni Ethan.

"Killer man siya o biktima, kailangan pa rin nating maging alerto. Hindi natin alam
kung kailan aatake yung killer." Paliwanag ni Agatha.

Chapter 59
Arianne's POV

Nasaan ka ba Roxette? Bakit hindi ka namin makita? Ikaw ba talaga ang killer? O
biktima ka lang din? Jusko, huwag naman sanang mapahamak ang kaibigan ko.

Hanggang ngayon, hindi pa rin namin nakikita si Roxette. Nag-aalala na kami sa


kaniya na baka pinadala na siya ng killer sa kabilang buhay. Huwag naman sana.
Hindi rin ako naniniwala na siya ang killer. Malabong gawin niyang ang mga karumal-
dumal na pagpatay sa mga kaklase namin. Isa pa, kilalang-kilala ko siya.

Ang hindi ko lang maintindihan, bakit kaya nila pinaghihinalaan na si Roxette ang
killer? Mayroon ba siyang kakaibang ikinikilos this past few days? Mayroon ba akong
hindi alam sa aking kaibigan? May inililihim ba siya sa akin?

Ang daming tanong na bumabagabag sa aking isipan. Minsan tuloy, nagdududa na rin
ako sa kaniya dahil sa sinasabi ng iba. Pero kaibigan niya ako! Dapat ako ang
maniwala sa kaniya! Dapat ipagtanggol ko siya at sabihing hindi siya ang killer.

Dulot na rin ng pagod, naisipan kong magpahinga na lang muna. Masakit na ang aking
ulo sa kakaisip. Kaya, tinungo ko kaagad ang aming silid at ako'y namahinga.

"Tulong! Tulungan mo ako!" Pagsusumamo ng isang babae sa isang sulok na nababalutan


ng kadiliman. Nakakaawa ang itsura niya. Para siyang inabuso.

Dulot ng awa, unti-unti ko siyang nilapitan. Nakalugmok siya sa sahig at nakasubsob


sa semento ang kaniyang mukha. Tanging itim na damit ang nangingibabaw sa
pagdadalamhati niya.

"Miss, okay ka lang ba? Ano bang maipaglilingkod ko sayo para matulungan kita?"
Pahayag ko sa kaniya habang hinahagod ang kaniyang likod.

Biglang siyang tumigil sa pag-iyak. Tanging paghikbi na lamang ang maririnig mo sa


kaniya. Unti-unti niyang iangat ang kaniyang mukha. Nang magtagpo ang aming mga
mukha, ako'y biglang nabagabag.

Ang kaniyang mata ay nanlilisik na para bang puno ng hinanakit at galit. Imbes na
luha ang dumadaloy sa kaniyang mukha, malapot na dugo na may kakaibang samyo ang
lumalabas sa kaniyang mukha. Biglang tumaas ang balahibo ko dulot ng takot at kaba.
Napatigagal ako sa kaniyang harapan at hindi makapagsalita. Mas lalong umigting ang
aking pangambang nararamdaman nang bigla siyang ngumiti na parang may kakaiba
siyang binabalak.

Bumilis ang tibok ng aking puso ng bigla niya akong hawakan sa aking balikat. Nais
kong magpumiglas ngunit para napasailalim ako sa kapangyarihan niya. Nang mapadako
ang aking tingin sa kaniyang leeg, higit akong nawindang. Para bang nais ng
kumawala ng aking kaluluwa sa aking katawan. Ang leeg niya ay may nakapalupot na
lubid. Wari mo'y nagpatiwakal siya.

Halos kapusin ako ng hininga matapos dumako ng kaniyang mga kamay sa aking leeg.
Pilit niya akong sinasakal.

"Mamamatay ka! Mamamatay kayong lahat! Haha!" Sambit niya habang unti-unti niyang
binabawi ang aking buhay.

Nauyot ako sa pagkakasakal niya sa akin kaya napahawak akong bigla sa kaniyang
braso. Bigla na lang may nagflashback sa aking isipan patungkol sa kaniya. The
black lady.

"Anak ng mangkukulam! Haha!"

"Ang panget-panget mo! Mukha kang bruha! Haha!"

"Kung kami ay barbie doll, ikaw ay voodoo doll! Haha!"


Puro pangungutya ang tinatamasa ng babaeng nakaitim sa pinapasukan niyang paaralan.
Ni isang kaibigan ay wala siya. Hindi niya magawang lumaban sapagkat isa lang siya,
marami sila.

"Hindi ako anak ng mangkukulam! Napakasama niyo talaga! Hindi niyo na ako nirespeto
bilang tao! Mga walang puso!" Sigaw niya sa mga kaklase niya sa loob ng kanilang
silid-aralan.

"Bakit ka namin rerespetuhin? Eh sarili mo nga ay hindi mo kayang ayusin. Para kang
taong basahan! Haha!" Pangungutya ng isa niyang kaklase.

"Ang tanda-tanda mo na, mukha ka pa ring gusgusin. Nakakapagtaka nga at


nakatungtong ka ng kolehiyo ng hindi mo alam kung paano maging good grooming!
Haha!" Pang-uuyam ng kaniyang kaklase.

"Tandaan niyo ito, kapag gumanda ako, who you kayong lahat sa akin!" Sambit ng
dalaga at nilisan ang silid habang tumatangis sa sakit na kaniyang nararamdaman.

Ginawa ng dalaga ang lahat upang maging presentable siya sa lahat. Inayusan siya ng
nakababata niyang kapatid na mapag-ayos talaga.

"Oh ayan na ate! Maganda ka na! Mas maganda ka pa sa akin!" Masayang turan ng
kaniyang kapatid habang nakayakap ito sa kaniya.

"Ganito ba talaga ako kaganda?" Sambit nito habang nakaharap sa salamin.

"Oo ate! Napakaganda mo!" Pahayag ng kapatid niya.

"Ma-inggit kayong lahat sa pagsibol ng bagong Helga." Wika niya sa kaniyang isipan.

Kinabukasan, tampulan ng usapan ang dalaga dahil sa bago niyang itsura.

"Si Helga ba iyan? Paano siya gumanda ng ganiyan?"


"Malamang, nagparetoke iyan!"

"Helga, bagay siya sa hell haha!"

Hindi niya pinapansin ang pagpaparinig ng kaniyang mga kaklase. Alam niya kasing
inggit ang mga ito sa kaniya.

Sumikat kaagad si Helga dahil sa pagbabago niya ng anyo. Halos lahat ng kalalakihan
ay naglalaway tuwing siya'y dadaan. Pantasya siya ng mga kalalakihan habang
bangungot naman siya sa mga kababaihan.

Dulot ng inggit, bumuo ng plano ang mga kaklase niya para siya'y mapatumba. Gabi
ang uwian nila nung mga oras na iyon, after ng kanilang klase, isinagawa nila ang
plano.

Habang naglalakad si Helga sa hallway na mag-isa, sinalubong siya ng isa niyang


kaklase.

"Mag-isa ka lang? Kawawa ka naman haha!" Wika nito habang nakapameywang sa kaniyang
harapan.

"Ano naman sayo? Inggit ka lang." Pagsupla ni Helga sa kaklase at nagsimula na muli
siyang maglaban.

"Huwag mo akong tatalikuran! Hindi pa tayo tapos!" Sambit nito sabay hila sa buhok
ng dalaga at sila'y nagsabunutan.

Nang mapansin ng mga alipores ng kaklase niya na talo na ito ay dali-dali silang
rumesbak at pinagtulungan si Helga. Sa hindi inaasahang pangyayari, nabagok ang ulo
ni Helga sa pader ng itulak siya ng kaklase niya na nagdulot upang mawalan siya ng
malay.

Nagising si Helga nasa madilim siyang silid. Nais niyang ikilos ang anumang parte
ng kaniyang katawan ngunit napagtanto niya na nakagapos pala siya sa kama.

"Sige boys, gawin niyo na ang nais niyong gawin sa babaeng iyan. Babuyin niyo siya
kung nais niyo haha!" Sambit nito.
Nagpanting ang tainga ni Helga ng marinig ang boses na iyon. Hindi siya
nagkakamali, boses iyon ng kaniyang kaklase. Dahil gabi at madilim, hindi niya
maaninaw ang mukha ng mga ito ngunit nabobosesan naman niya.

"Mga hayop kayo! Walang pakundangan!" Sigaw ni Gelga dulot ng galit. Nararamdaman
na niya ngayon ang pambababoy ng kaniyang kaklase sa kaniyang katawan.

Tanging iyak na lamang ang kaniyang nagawa. "Isinusumpa ko! Magbabayad kayong lahat
sa paglalapastangan niyo sa akin!" Sigaw niya. Tanging tawanan lang ang naririnig
niya sa kaniyang mga kaklaseng babae habang yung mga lalaki ay tuwang-tuwa habang
nagpapakasasa sa kaniyang katawan.

Kinaumagahan, hindi niya magawang humarap sa salamin dahil bakas pa rin sa kaniyang
ala-ala ang pambababoy ng kaniyang mga kaklase habang wala siyang laban.

"Tandaan niyong lahat, gaganti ako!" Sambit niya habang nakatulala sa langit na
mapayapa.

Gumawa siya ng aklat na pinamagatang Alphabet of Death. Isinumpa niya ang kaniyang
mga kaklase na babalikan ang mga ito.

Makalipas ang isang linggo, hindi na muli pang pumasok ang dalaga. Nabalitaan na
lang nila na nagpatiwakal ang dalaga. Higit na nabagabag ang kaniyang mga kaklase
sa ginawa nila sa dalaga.

Biglang bumalik ang aking ulirat matapos akong dalhin ni Helga sa nakaraan.

"Ahh!" Sigaw ko dahil patuloy pa rin niya akong sinasakal ngayon. Pilit akong
umuungol pero walang lumalabas na salita sa aking bunganga.

"Arianne gising! Binabangungot ka!" Yugyog ng sinuman sa aking katawan.

"Arianne!" Sigaw niya sabay sampal sa aking kanang pisngi kaya bigla akong nagising
at nakatakas sa masamang bangungot.
"Ehem ehem!" Ubo ko habang nakahawak sa aking leeg. Parang totoo ang lahat ng aking
napaginipan.

"Arianne! Salamat sa Diyos at nagising ka!" Sambit ni Ginny na puno ng pag-aalala


sabay yakap sa akin.

"Salamat Ginny! Kung hindi mo ako ginising, baka namayapa na ako." Sambit ko habang
magkayakap kaming dalawa.

"Ano bang napaginipan mo?" Tanong niya sabay kalas sa aming pagyayakapan.

Dapat ko bang ikuwento sa kaniya ang tunkol sa black lady? Naguguluhan pa ako.
Hindi ko rin alam kung bakit niya kami ginugulo. May kasalanan din ba kami sa
kaniya?

"Ah Ginny masamang panaginip lang hehe. Tara samahan mo muna akong magpahangin."
Palusot ko at tsaka namin tinungo ang terrace upang lumanghap ng sariwang hangin.

Chapter 60
Arianne's POV

Nababagabag talaga ako sa pagdalaw nung black lady sa aking panaginip na


nagngangalang Helga pala. Ano ba ang rason ng pagpapakita niya sa akin?
Naghihiganti ba siya? Pero bakit? At bakit sa akin pa niya napiling ipakita ang
nakaraan niya?

Medyo malabo yung mga mukha ng mga kaklase niyang lumapastangan sa kaniya. Pero
sigurado ako, may namumukhaan akong kaklase namin na isa sa mga nang-aapi sa
kaniya. Malakas ang pakiramdam ko, siya nga iyon. Kilos, tindig, at paraan pa lang
ng pananalita ay siyang-siya.

Isa nga ba siya sa mga dahilan para maghiganti ang killer? Ngunit, ano naman ang
koneksyon ni Helga sa killer? At yung librong Alphabet of Death ni Helga, nasaan
kaya? At ano ang nilalaman nito?

"Uy Arianne, napakalalim naman niyang iniisip mo. Kung nakakalunod lang iyan, tiyak
na kanina pa ako namatay." Banggit ni Ginny habang nakasandal sa silong ng terrace.
"Ay pasensiya na. Ang dami ko lang talagang pinoproblema ngayon. Hehe!" Palusot ko
habang nakadungaw sa terrace at dinarama ang masamyong hangin.

"Asus, palusot ka pa! Kilalang-kilala na kita noh! Huwag ka ng magmaang-maangan pa!


Spill it! I-share mo naman sa akin." Pangungulit ni Ginny na ngayo'y katabi na
niya.

Dapat ko bang ikuwento kay Ginny ang napaginipan ko? Kaibigan ko naman siya eh.
Kaso lang, ang hirap magtiwala ngayon. Paano kung siya pala yung killer? Baka ako
yung isunod niya. Huwag naman sana.

"Ginny kasi..."

"Ginny, Arianne, nandiyan lang pala kayo. Akala namin ay sinunod na kayo ng killer
hehe!" Bungad ni Kian na pawis na pawis. Mukhang napagod siya sa paghahanap sa
amin.

Mabuti na lang dumating si Kian. Kung hindi, hindi ako titigilan ni Ginny hangga't
hindi ko sinasabi sa kaniya ang bumabagabag sa isipan ko.

"Bakit mo ba kami hinahanap? May balita na ba kay Roxette?" Tanong ni Ginny.

"Wala lang, siyempre bilang kaklase ay concern pa rin kami sa mga buhay niyo. At
patungkol naman kay Roxette, wala pa rin kaming balita sa kaniya." Pahayag nito
habang pinupunasan ang pawis na tumatagaktak sa kaniyang mukha.

"Ganun ba? Nakakalungkot naman." Wika ni Ginny at bigla siyang tumahimik na wari
mo'y nalulungkot nga.

"Punta na lang kayo sa baba kung gusto niyo. Nandun kaming lahat at
nagkukwentuhan." Pagpuputol niya sa katahimikan at dumiretso na siya sa baba.

"Ginny, mukhang ikaw ang mayroong problema. I-share mo naman." Undat ko sa kaniya
at niyaya ko siyang maupo.
Ang sarap sigurong magkape, ngayon pa't malamig ang simoy ng hangin.

"Arianne, inaantok ako. Tulog muna ako pwede?" Bungad niya habang nakapangalumbaba
sa may lamesa.

"Ganun ba? Oh sige, mukhang pagod ka eh. Itulog mo muna iyan." Wika ko sabay ngiti
sa kaniya.

Naghikab siya at biglang dumukdok sa may lamesa. Hindi ko namalayang inaantok din
ako. Kailan pa ako naging antukin? Hanggang sa pati ako ay nakatulog na rin.

"Bestfriend!"

"Bestfriend ano ba?"

"Uy bestfriend? Galit ka ba sa akin?"

"Sorry bestfriend, nagmahal lang naman ako."

"Bestfriends forever!"

"Paalam, bestfriend!"

Ethel? Bakit? May hinanakit ka pa rin ba hanggang ngayon? Hindi pa ba natatahimik


ang kaluluwa mo? Patawarin mo ako, bestfriend. Wala man lang akong ginawa para
mailigtas ka.

Biglang nagliwanag ang kalangitan. Isang babaeng nakaputi ang unti-unting bumababa
mula rito. Hindi mo maaaninaw ang kaniyang mukha sapagkat natatakpan ito ng mahaba
niyang buhok.

Isang bagay ang nagdulot upang makilala ko siya. Ang markang ako mismo ang naglagay
sa kaniya. Ang peklat dulot ng pagseselos ko. Marahil galit ang namayani sa akin,
sa mga oras na iyon.
"Bff! Namiss kita!" Bati ko sa kaniya pagkarating ko sa school namin.

"Bff, dalawang araw lang tayong hindi nagkita miss agad?" Salubong niya sa akin at
kami'y nagbeso-beso.

"Anong balita kay crush?" Bungad niya sa akin nang makaupo na kami sa aming mga
silya.

"Ayun, crush ko pa rin. Kaso lang, hindi niya ako crush. Baka nga hindi ako nag-
eexist sa mundo niya eh." Pahayag ko habang inaayos ang mga gamit ko sa loob ng
aking bag.

"Bff, maraming boys diyan! Huwag kang magpakamartyr sa Bryan na iyan! Pilit mo lang
sinasaktan yung sarili mo eh." Sambit niya habang sinusuklay ang mahaba niyang
buhok.

"Martyr na kung martyr! Wala eh, siya lang ang tinitibok ng puso ko. Akala ko nung
una, paghanga lang. Hindi naglaon, mas lalong umigting ang nararamdaman ko sa
kaniya." Wika ko habang nakayuko. Nakakahiya tuloy dahil nagpapaka tanga ako dulot
ng pag-ibig.

"Ang swerte naman nung Bryan na iyan. Pakita mo nga sa akin picture niyan!"
Pangagalaiti niya. Isa pa iyan, ayaw na ayaw niyang nasasaktan ako kaya mahal na
mahal ko ang bestfriend kong iyan.

At dahil may free wifi naman sa school namin, tinungo ko kaagad ang facebook at
ipinakita ko kay Ethel ang picture ni Bryan.

"Grabe bff! Pak na pak! Ang gwapo, macho, tangkad, at kung ano pang hanap ng mga
kababaihan sa isang lalaki ay nasa kaniya na! Winner ang magiging girlfriend niyan
bff!" Litaniya niya. Halos pati siya ay napa-ilalim sa karisma ni Bryan.

"Kaya bff, siya lang ay sapat na. Daig ko pa ang nanalo sa lotto kapag naging
boyfriend ko siya." Pahayag ko sabay labas ng one half crosswise na papel dahil nga
may quiz kami.
Kuntento na ako na makita ko siya ng malayuan o hindi kaya through facebook. Hindi
lang ako makapaniwala na makalipas ang ilang araw, may girlfriend na siya. Sakit at
kirot ang naidulot ng pagpapalit niya ng status sa facebook. Para akong sinipa ng
kabayo ng dalawampung beses.

Higit na sakit ang sumibol sa aking puso. Naka-in a relationship siya sa taong
tinuring ko ng kapatid. Hindi lang ako makapaniwala na magagawa niya iyon sa akin.
Halos hindi ako makakain sa sobrang panibugho. Kung masamang tao lang ako, kanina
ko pa siya niligpit.

Kinabukasan, kahit na anong pagtawag niya sa akin ay hindi ko siya pinapansin.


Galit ako sa kaniya kaya ayoko muna siyang makita. She betrayed me.

"Bff! Let me explain please!" Paghahabol niya sa akin habang naglalakad ako ng
mabilis sa hallway ng aming building.

"Don't you dare to call me bff! Wala akong kaibigang ahas! Kaya pinuputol ko na ang
ugnayang mayroon tayo. Kalimutan mo na ako dahil kinalimutan ko ng may bestfriend
ako!" Sigaw ko sa kaniya habang nakahawak siya sa magkabila kong kamay.

"Arianne please! Patawarin mo na ako! Alam ko namang kasalanan ko kung bakit ka


nagkakaganiyan eh!" Pagsusumamo niya sabay luhod sa harapan ko. Halos pagtinginan
na kami lahat ng mga estudyante sa paligid.

"Tumayo ka nga diyan! Baka akalain nilang inaapi kita kaya ka gumaganiyan!
Nakakahiya! Huwag ka ngang gumawa ng eksena pwede?" Pagtataray ko sa kaniya. Bitter
na kung bitter. Wala eh, galit talaga ako sa kaniya.

"Intindihin mo naman sana ako Arianne! Tao lang din naman ako at nagkakamali!
Nagmahal lang naman ako." Pagdadalamhati niya habang nakasalampak sa sahig at
yakap-yakap ang magkabila kong binti.

"Wala kang kasalanan. Selfish lang ako. Sorry but, our friendship is over!"
Pagdidiin ko sa kaniya at naghuhumadali akong naglakad palayo. Naiwan siyang
nagsusumamo sa sahig habang pinapanuod ng mga estudyante. Parang ang sama-sama ko
tuloy! Asar!

Tinungo ko ang Canteen para magpalamig ng ulo. Bumili ako ng chocolate ice cream
para kumalma naman ako kahit papaano. Pampalubag stress kumbaga. Sa hindi
inaasahang pangyayari, sinundan ako ni Ethel at sa Canteen niya ipinagpatuloy ang
kadramahan niya.
"Arianne, kung ang tanging paraan lang para magkabati tayo ay ang pakikipaghiwalay
sa kaniya ay gagawin ko! Maibalik lang natin yung dati nating samahan! Please bff!"
Sambit niya habang nakatanghod sa aking harapan. Ewan ko ba, parang ang panget nung
dating ng binitawan niyang salita kaya naibuhos ko sa kaniyang damit ang ice cream
na kinakain ko.

"Hindi mo kailangang gawin iyon. Hindi ko kailangan ang limos mong awa! Ang
tiwalang nasira ay mahirap ng ibalik pa! Once is enough Ethel! Atleast ngayon,
kilala ko na ang totoong ikaw." Sigaw ko. Nakuha na namin ang atensiyon ng lahat
dahil sa kadramahang ito.

"Ano bang kailangan kong gawin para mapatawad mo ako? At para maibalik natin yung
dating samahan natin? Ganun na lang ba Arianne? Ganun na lang ba kadali sayo na
ibaon ang mga ala-ala natin dahil sa isang lalaki lang?" Pagdadrama niya. Namumugto
ang kaniyang mga mata dahil kanina pa siya umiiyak.

Isang malakas na sampal sa kanang pisngi ang natanggap niya mula sa akin. Hindi ko
napansing tumutulo na rin pala ang aking mga luha.

"Akala mo ba ganun na lang kadali para sa akin iyon Ethel? Hindi mo lang alam pero
daig ko pa ang kalsadang binabarena sa sobrang sakit na aking nararamdaman! Hindi
ko lang inaasahan na ang taong higit kong pinagkakatiwalaan ay yung taong wawasak
sa akin!" Pagduduldulan ko sa kaniyang mukha. Parang nanunuod lang ang mga
estudyante ng isang soap opera. Ni isa sa kanila ay walang nagtangkang awatin kami.

Sa sobrang panggigigil, nabasag ko yung baso sa harapan ko. Gusto kong manakit ng
tao dahil sa mga insecurities ko! Hindi ko napansing nagdilim ang aking paningin at
kumuha ako ng bubog sa lamesa at itong iwinasiwas ko sa mukha ni Ethel.

"Ahh!" Pagtangis nito sa sakit. Nagulat ako dahil nag-iwan ako ng markang ekis (X)
sa kaniyang kanang pisngi. Dali-dali akong dinala sa guidance office at siya naman
ay sa clinic.

"Ethel, patawarin mo ako!" Sambit ko habang nakikita ko siyang nakalutang sa aking


harapan. Hindi ako nagkakamali, siya si Ethel! Si Ethel ang white lady!

Nagulat ako dahil napunta na lang siya bigla sa aking harapan. Batid kong siya'y
lumuha at tila malungkot din. Hindi pa rin nawawala ang peklat na ekis dulot ng
aking pag-aamok.
"I miss you bestfriend!" Wika niya at bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

"I miss you too bestfriend!" Sambit ko habang patuloy pa rin ako sa paghagulgol.

Chapter 61
Arianne's POV

Hindi ako makapaniwala na kaharap ko ngayon ang bestfriend ko. Ang laki talaga ng
kasalanan ko sa kaniya. Wala man lang akong ginawa para tulungan siya noong nasa
binggit siya ng kamatayan. Marahil mas pinairal ko ang aking galit that time.

Kung maaari lang sanang ibalik ang oras, sana noon palang ay pinatawad ko na siya
dahil wala naman talaga siyang kasalanan sa akin. Nagmahal lang siya.

Naalala ko pa noong panahon na iyon. Yung masayang salu-salo ay napalitan ng


kapighatian ng may dumating na unos na naglagay sa peligro ng aming mga buhay.

"Nandito na tayo! Sana i-enjoy niyo lang ang Christmas party natin." Pahayag ni
Agatha pagkarating namin sa pagdarausan ng aming Christmas party na magkakaklase.

Hindi ko maalala kung ano ang pangalan nung lugar basta bundok siya. Maganda yung
lugar tapos tahimik. Wala ka ngang makikitang tao sa paligid eh. Ang mas nagpaganda
pa sa lugar ay yung mataas na talon. Mababaw lang siya hanggang tuhod, pwede ka
talagang maligo at magtampisaw.

"Ganito ang masarap na pasyalan. Tahimik! Wala talagang iistorbo sayo." Bungad ni
Ramil.

Napagdesisyunan namin na mag-overnight doon kaya may dala kaming mga tent.
Pinaghandaan talaga namin yung araw na iyon para mag-enjoy kaming lahat.

Magkakahiwalay ng tent ang D'Kenkoys, D'Gwapings, D'Gorgeous, D'Sossys, D'Nerdys,


at D'Mp5. Wala akong maipipintas dahil successful naman kasi talaga. Nag-enjoy kami
ng sobra. Ka-grupo pa namin si Ethel noon kahit na galit ako sa kaniya.
Kinaumagahan, aalis na sana kami dahil napansin nga naming masama na ang lagay ng
panahon. Dahil matitigas ang ulo ng mga kaklase ko, nagtampisaw pa sila sa talon.
Naisin ko man na sila'y pigilan, wala eh. Mga batil talaga.

That time, si Xiara ay may sakit kaya nasa tent lang siya. Inaalagaan siya ni
Ginny. Ako inaayos ko na ang mga gamit namin. Si Agatha, Ethan, Mark, Ethel, Kian,
Hannah, Adrian, Ramil, Joan, Dion, Karlo, Mae, Mia at Joshua ay ligayang-ligaya sa
pagtatampisaw. Para silang mga bata na naghaharutan.

Sina Tom, Henry at Nikka naman ay nagliligpit na rin ng gamit. Hindi nagpaawat si
Jerome sa pambubuska kay Nikka kaya si Grace ay irita sa isang sulok na nanunuod
lang. Si Abi ay busy sa pakikipagtawagan sa kung sino man, halatang in-love ang
babaita haha. Habang sina Aaron, Tin at Jake naman ay nag-aayos ng gamit sa aming
sasakyan.

Nagulat na lang kami ng biglang umulan ng malakas. Sa isang iglap lang, biglang
tumaas ang tubig sa may talon. Ang aking mga kaklase ay pawang mga nalulunod na.
Wala kaming magawa dahil hindi naman kasi sanay lumanggoy at mabilis ang pagragasa
ng tubig.

Sina Ethan, Mark at Ramil ay nakaahon kaagad dahil malapit lang siya sa gilid.
Unti-unting inaanod ang aking mga kaklase. Wala kaming magawa kung hindi tumaghoy.
Si Agatha ay tumama ang ulo sa may bato, mabuti na lang at nahila ni Ramil ang
buhok niya kaya nailigtas nila ito.

Si Joan at Dion ay matindi ang kapit sa nakausling bato. Konting-konti na lang at


makakabitaw na sila. Mabuti na lang, magaling lumanggoy si Ethel kaya sinagip niya
yung dalawa. Patuloy pa rin kami sa pagpapanic. Si Karlo at Mae naman ay nakahawak
sa may sanga ng puno. To the rescue sina Ethan at Mark at hinagisan nila ito ng
lubid kaya nakaahon din sila kaagad.

Si Mia at Hannah ay hindi naman matagpuan. Nawalan din yata sila ng malay. Si
Joshua ay lumulutang dahil sanay naman siyang lumanggoy at nailigtas niya si
Adrian. Patuloy pa rin sa paglanggoy at pagsisid si Ethel para hanapin ang iba
naming kasamahan. Hindi siya nagpatinag kahit na malakas ang agos. Determinado
talaga siyang mailigtas ang mga kaklase namin.

Natagpuan niya si Kian at Hannah na magkaholding hands pa sa ilalim ng tubig.


Sila'y nawalan ng malay kaya kaagad niyang iniahon yung dalawa. Si Mia na lang ang
hindi namin nakikita.

"Guys, tulong! Tulungan niyo ako!" Sigaw ni Mia na humihingi ng saklolo. Unti-unti
na siyang pumapailalim sa tubig. Masyado ng delikado para mailigtas si Mia dahil
napunta siya sa mabatong lugar.

Lahat kami ay nagulat ng biglang tumalon si Ethel sa tubig para iligtas si Mia. Na-
amazed kami sa katapangan niya. Kita mong pagod na siya dahil nahihirapan na rin
siyang ikampay ang mga braso niya. Laking tuwa namin dahil narating niya ang
kinaroroonan ni Mia. Konti na lang at makakarating na sila sa kinalalagyan namin.

Nagulat kami ng bigla mawalan ng malay si Ethel at nabitawan niya si Mia. Napakapit
naman si Mia sa sangang nakausli na pinagkapitan nina Karlo at Mae. Kaagad naman
siyang hinagisan ng lubid ni Ethan.

Laking gulat namin dahil hindi na namin alam nasaan si Ethel. Lahat kami ay
nabahala at pawang naparalisa. Mas nagimbal kami dahil makalipas ang ilang oras, sa
pagtigil ng pag-ulan ay kumalma na rin ang talon. Kasabay nito, ang paglutang ng
katawan ni Ethel na wala ng buhay ang bumungad sa amin.

Noong mga oras na iyon, kahit na galit ako sa kaniya ay lumambot din kaagad ang
aking puso dahil sa kabayanihang ipinakita niya. Hanga ako sa kaniya dahil hindi
niya lang inisip ang sarili niyang kaligtasan, inisip niya rin ang kaligtasan ng
nakararami. Nagsisisi nga ako dahil nagawa ko siyang itakwil bilang bestfriend
dahil lamang sa isang lalaki.

Nagulat ako ng biglang punasan ni Ethel ang aking mga luha gamit ang kaniyang
kamay. Hindi ako makapaniwalang nakakangiti pa siya sa harapan ko kahit na marami
siyang pasakit na pinagdaanan sa aking mga kamay.

"Huwag ka ng umiyak Bff, past is past. Kalimutan mo na iyon. Kung iniisip mong
galit ako sayo, pwes hindi. Ni minsan ay hindi ko nagawang magtanim ng galit sa
nag-iisang bestfriend ko." Pahayag niya. Mas lalo akong naiyak sa mga binitawan
niyang salita. Mas lalo akong na-guilt.

"Sorry kung itinakwil kita. Ni hindi man lang tayo nagkaayos bago ka mamatay. Sobra
akong nagsisisi dahil itinapon ko lahat ng masasayang ala-ala natin dahil lang kay
Bryan. Pati ikaw, itinapon ko." Pagsusumamo ko sa kaniyang harapan. Yakap-yakap
niya lang ako. Ngayon, naramdaman ko muli ang presensya niya kahit na sumakabilang
buhay na siya.

"Bakit ka nga pala nagpakita sa akin? Susunduin mo na ba ako?" Mahinahon kong


tanong.
"Kaya ako naparito Bff dahil ayokong mapahamak ka. Ikaw na ang isusunod niya."
Sambit niya habang nakayuko. Napansin kong lumuluha na rin siya kaya niyakap ko
siya.

"Hindi ka pa pwedeng mamatay. Ikaw lang ang makakatulong sa akin para pigilan siya
sa masama niyang plano." Turan niya. Face to face kami ngayon habang nakahawak siya
sa magkabilang balikat ko.

"You mean, ako na ang isusunod? Narito ka para bigyan ako ng babala? Ganun ba?"
Pahayag ko habang nakatulala sa kawalan.

"Oo Bff, at ayokong mamatay ka. Ang Alphabet of Death ay walang patawad. Kapag
nasimulan mo na ito, kailagan mong tapusin kaya ikaw lang ang nakikita kong pag-
asa." Untag niya habang niyuyugyog ako.

Tanggap ko naman na kung ako ang isusunod niya. Masyado akong makasalanan at
makasarili kaya dahil lang na mawala na ako sa mundong ibabaw.

"Ako, ang blacklady at yung killer ay konektado sa isa't isa." Singit niya habang
ako'y nagmumuni-muni.

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong. Nagulat ako sa kaniyang sinabi.

"Sila ay..."

"Gising na Arianne!" Pagyugyog sa akin ni Ginny. Kaya ilang saglit lang ay nagising
na ako.

"Arianne, sunod ka na lang sa baba, kain ka muna. Kanina ka pa hindi kumakain. Sige
una na ako." Pahayag ni Ginny at nilisan na ng tuluyan ang terrace.

Argh! Nakakasar! Ayun na eh! Sasabihin na ni Ethel yung koneksyon niya sa killer at
kay Helga at malamang, makikilala ko na kung sino ang killer kaso wrong timing
naman itong si Ginny! Paano na iyon? Kung pwede lang matulog ako ulit eh! Kaasar
talaga!

"Mukhang mainit yata ang ulo mo? Eto juice oh! Palamig ka muna." Wika niya habang
nakasandal sa pintuan ng terrace sabay lapag ng juice sa may mesa. Dulot ng pagka-
inis, ininom ko iyon kaagad.

Pagkaubos ko ng juice, nakaramdam ako ng kakaiba sa aking katawan. Para bang


masusuka ako na ewan. Nagulat ako dahil nakangiti siya habang ako'y namamalipit sa
iniinda kong sakit ng tiyan.

Eto na nga ba ang tinutukoy ni Ethel na katapusan ko? Mamamatay na nga ba ako?

Kasabay ng kaniyang pagtalikda ay ang pagbula ng aking bibig. Nanlalabo na ang


aking paningin kaya tiyak kong oras ko na.

"Sorry Arianne, I need to do this at isa pa, marami ka ng nalalaman sabi ni Helga
haha! Goodbye!" Sambit niya bago ako tuluyang kapusin ng hininga.

Killer's POV

Konting push na lang at maisasakatuparan ko na ang plano ko haha! Thanks sa


Alphabet of Death na libro, kung hindi dahil dito, malamang, nagpatiwakal na rin
ako haha!

Letter P, check! Eight letters to go and three days left para mapatay ko silang
lahat! Haha! Mukhang akin ang huling halakhak! Haha!

Prepare yourself to die! Haha!

Chapter 62
Lumipas ang mga oras ngunit hindi pa rin bumababa si Arianne.

"Ginny, akala ko ba pupuntahan mo siya? Bakit hanggang ngayon eh hindi pa siya


bumababa?" Untag dito ni Karlo.

"Ginising ko na siya kanina eh. Baka nakatulog ulit?" Paliwanag ni Ginny habang
nakaupo silang pito sa may sopa.
"Check nga natin. Baka mamaya hindi na iyon magising haha!" Biro ni Kian at
naglakad na sila patungo sa kinaroroonan ni Arianne.

Tila ba napatigagal silang lahat ng matatagpuan nila si Arianne na nakahandusay sa


sahig at wala na ring buhay. Nagpanic si Ginny at naghuhumadaling tinakbo ang labi
ng kaibigan.

"Arianne gumising ka! Hindi ka pa pwedeng mamatay!" Yugyog ni Ginny sa bangkay ng


kaibigan. Halos tapik-tapikin na rin niya ang pisngi nito pero wala na talaga.
Sumalangit na siya.

Sa paglapit ng kaniyang mga kaklase, isang malutong na sampal ang natanggap niya
mula kay Agatha. Nagdulot ito para malugmok siya sa sahig.

"Bakit mo ginawa sa kaniya iyon Agatha?" Pagpigil dito ni Xiara. Wari mo'y
nababalutan ng galit itong si Agatha.

"Hindi pa ba sapat ang ebidensya guys? Bumubula ang bibig ni Arianne so ibig
sabihin ay nilason siya! Si Ginny lang naman ang may dalang inumin noong umakyat
siya! Ang baso sa may lamesa ang ebidensya!" Pagduduldulan dito ni Agatha. Tanging
pagsusumamo lang ang ginawa ni Ginny at tinatanggap ang bawat masasakit na paratang
sa kaniya.

"Hindi lang naman si Ginny ang umalis kanina ah! Xiara, Agatha at Kian! Kayo!
Umalis din kayo hindi ba?" Pagtatanggol ni Karlo sa dalaga. Yakap-yakap niya ito
ngayon.

"Oo umalis nga ako! Nagpunta ako sa may comfort room! Tanungin niyo man si Mark!
Tsaka hindi naman umakyat sa taas kaya hindi niyo ako maaaring paratangan."
Pagtatanggol ni Kian sa sarili.

"Magkasama kami ni Xiara na umakyat sa taas patungo sa aming silid kaya hindi niyo
kami maaari ring paratangan. Tsaka nauna kaming nakababa ni Xiara kaysa kay Ginny!"
Pahayag ni Agatha na nagngingitngit sa galit.

"Oo nga Ginny, ang tagal mong bumaba. May iba ka pa bang pinuntahan?" Mahinahong
tanong ni Ethan.
"Oo! Tinungo ko muna ang aming silid para kuhanin ang isang importanteng bagay."
Paliwanag ni Ginny habang pinupunasan ang kaniyang luha.

"Importanteng bagay? Ano naman iyon?" Paninita ni Agatha habang siya'y


nakapameywang sa harapan ng dalaga.

"Itong kwintas na suot ko ngayon." Turo niya sa suot niyang kwintas na may
nakalagay na (xGinnyx).

"Napakahalaga sa akin ng kwintas na ito. Lalo na yung taong nagbigay sa akin nito.
Nakakalungkot lang dahil nagkasira kami dahil sa mga chismis sa paligid. Sana nga
eh mapatawad na niya ako at magkabati na kami ulit." Turan niya. Hindi niya
naiwasang huwag maiyak lalo pa't naalala na naman niya yung taong nagbigay sa
kaniya nung kwintas na iyon.

"Kahit na ano pa man iyan, mas makakabuti kung ikukulong muna natin si Ginny sa
kwarto nila ni Arianne. Hindi natin sila papalabasin. Ikakandado natin ito para
hindi siya makalabas." Suhestiyon ni Agatha.

"Hindi makatarungan iyan! Paano kung hindi naman pala talaga siya ang killer?"
Pagpigil dito ni Karlo.

"Kung hindi nga talaga siya, ade papalabasin na natin siya." Mataray na sambit ng
dalaga.

"Wala kang karapatan na magdesisyon ng ganiyan! Pamamahay nila ito!" Pagsupla rito
ni Karlo.

Talaga nga namang tumitindi ang tensyon sa pagitan nina Agatha at Karlo. Habang si
Ginny ay nagdaramdam pa rin. Tanging pag-awat lang ang kayang gawin ng apat.

"Ayun na nga eh! Siya ang may ari ng pamamahay na ito! Alam niya ang pasikut-sikot
dito! At baka alam niya rin kung saan natin matatagpuan si Roxette!" Pagsupalpal ni
Agatha. Napatigil ang lahat at nagulat sila sa mga salitang binitiwan ni Agatha.
Mas lalo tuloy nadiin si Ginny.

"Hindi porket siya ang may ari ng pamamahay na ito, siya na agad ang killer! Malay
mo, ako pala!" Pagtatanggol dito ni Karlo.
"Eh bakit nga ba panay ang pagtatanggol mo kay Ginny? May gusto ka ba sa kaniya?
Huh, pag-ibig nga naman." Panunuya ni Agatha sabay irap dito.

Hindi nakasagot si Karlo sa pagsupla ni Agatha sa kaniya. Sa huli, napagdesisyunan


nilang ikulong na lang muna si Ginny.

"Nga pala, dahil letter P ang nakasulat sa noo ni Arianne, masasabi kong Poison ang
death word niya. Ayun lang, good night!" Wika niya sabay alis sa terrace na
kinaroroonan nila.

Roxette's POV

Nagising na lamang ako na nandito sa hindi pamilyar na lugar. Madilim,


nakakasulasok ang amoy, malansa na parang dugo, at tila ba nakagapos ang bawat
parte ng aking katawan. Ang aking bibig ay may packaging tape. Sinisigurado talaga
ng killer na hindi ako makakagawa ng ingay.

Ang huli kong natatandaan ay nag-aaway kami ni Mia at nalaglag kami sa hagdan.
Nasaan na nga ba si Mia? Pinatay na ba siya ng killer? Ibig sabihin ba nito ay ako
na ang sunod?

Wala talaga akong makita sa sobrang dilim. Nakalupasay lang ako rito sa sahig.
Hindi ko maigalaw ang bawat parte ng aking katawan. Idagdag mo pa ang sakit ng
aking ulo na para bang ako'y mahihilo.

Laking pasasalamat ko dahil may liwanag na pumasok mula sa buwan. Gabi na pala, ano
na kayang mangyayari sa akin?

Dahil sa liwanag, nagkaroon ako ng pagkakataon para masilayan ang aking paligid.
Puro gamit na luma at puro talsik ng dugo sa dingding ang aking nakikita. Dito kaya
pinapatay ng killer ang kaniyang mga biktima? Dapat ko na bang tanggapin na
katapusan ko na?

Sa paglibot ng aking mga mata, isang babae sa may sulok ang aking napansin.
Nakatalikod siya at nakasuot ng puti. Para siyang pamilyar sa akin. Sa paglingon
niya, tumambad sa akin ang mukha niyang masaya.
"Anong ginagawa mo rito Arianne? Bakit ka nakaputi? Umalis ka na! Baka pati ikaw ay
patayin niya!" Wika ko habang hinang-hina na.

Ngiti lang siya ng ngiti. Nagulat ako dahil may biglang sumulpot pang isang babaeng
nakaputi sa kaniyang tabi. Maganda ito at mukha rin siyang pamilyar. Alam ko na,
siya yung babaeng nasa litrato! Yung bestfriend ni Arianne! Pero paano siya napunta
rito?

"Arianne, bakit kasama mo si Ethel? Yung bestfriend mong patay na. Yung kinuwento
mo sa amin noong naglaro tayo ng Truth or Dare." Tanong ko. Ewan ko ba kung bakit
hindi niya sinasagot ang mga katanungan ko. Ngiti lang siya ng ngiti sa akin.

"Uy Arianne, huwag ka namang ganiyan! Huwag mo akong tuyain!" Biro ko. Pero kalakip
nito ay biglang may tumulong luha mula sa aking mata.

Nagulat ako kasi bigla siyang umiyak. Humagulgol siya at niyakap siya ni Ethel.
Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagkaganun.

"Arianne, may problema ka ba? Huwag kang mahiyang magkwento sa akin." Pahayag ko
habang nakasubasob pa rin ako sa sahig.

Napansin kong parang may sinabi siya kay Ethel tapos naglakad siya papunta rito sa
kinaroroonan ko.

Naramdaman ko ang mainit niyang yakap habang patuloy na umaagos ang mga luha sa
kaniyang mukha. Mukha talagang malaki ang problema niya. Sana lang, matulungan ko
siya.

"Roxette, salamat sa lahat! Salamat dahil naging kaibigan kita. Napakabuti mong tao
kaya wala akong maipipintas sayo. Alagaan at ingatan mo ang sarili mo ah? Alam kong
kaya mo. Magpakatatag ka lang. Huwag kang mawawalan ng pag-asa, makakasurvive ka!"
Wika niya habang yakap-yakap ako.

Hindi ko siya maintindihan. Para bang hindi na kami magkikita pa. Pero ramdam ko
ang pighati sa bawat salitang binibitawan niya. Ngayon, nauunawaan ko na siya.
Naiyak na lamang ako ng mapagtanto ko ang lahat. Ayaw ko pang lisanin niya ang
mundong ito sapagkat siya'y kaibigan ko.

"Arianne!" Sambit ko sa kaniyang pangalan. Gustuhin ko man siyang yakapin pero


hindi ko magawa. Kung kaya ko lang tanggalin ang pagkakagapos ng aking kamay, sana,
kanina ko pa ginawa.

Bumitaw na siya sa pagkakayakap sa akin at tinungo ang kinaroroonan ni Ethel.


Ngumiti pa siya sa akin habang kumakaway. Maya-maya pa, biglang may lumitaw na
liwanag.

"Huwag kang sumunod sa liwanag Arianne!" Sigaw ko.

Naalala kong nakapackaging tape nga pala ang aking bibig kaya lahat ng sinabi ko at
sigaw ko ay hindi niya narinig. Hudyat na ba ito ng kaniyang pamamaalam? Patay na
ba siya?

"Paalam, kaibigan!" Sambit niya bago siya kuhanin ng liwanag.

Kapighatian ang naidulot ng pamamaalam sa akin ni Arianne. Hindi ko man lang siya
napagtanggol noong pinatay siya ng killer. Kung nandun lang sana ako, baka
nailigtas ko pa siya.

Kamusta na kaya yung iba? Nasa maayos sana silang kalagayan. Kailangan ko talagang
makatakas dito. Magtutuos kami ng killer! Pagbabayaran niya ang pagkitil sa buhay
ng kaibigan ko! Konting tiis na lang! Tatlong araw na lang at may sasaklolo na sa
amin.

Kailangan kong mabuhay, Hindi pa ako handang mamatay. Hindi ko hahayaang katawan
ko'y humandusay, sapagkat buhay ay malaki ang saysay.

Chapter 63
Roxette's POV

Sa paglisan ni Arianne, para ba akong hinagisan ng limampung sibat ngayon dito sa


aking kinararatayan. Masakit para sa akin ang pagkawala niya. Ang higit ko lang na
ikinatatangis ay kung bakit ba siya pa? Pwede namang ako na lang hindi ba? Ako ba
ang malas sa samahan naming magkakaklase? Sa pagkakaalam ko kasi noon ay close na
close pa sila sa isa't isa noong wala pa ako.

Kamusta na kaya yung iba? Nasa mabuti kaya silang kalagayan? I hope so. Kailangan
kong malaman kung sino ba talaga ang killer. Kailangan kong makawala dito para
matulungan ko ang iba kong kasamahan. Pero paano?

Minsan nga naiisip kong sumuko na lang. Hayaang makaharap kung ano bang buhay ang
nararapat sa akin. Kung mabubuhay ba ako o katapusan ko na. Hindi ko rin alam kung
handa na nga ba ako o hindi pa. Pero kung plano talaga ni God na mawala na ako, at
kung nagampanan ko nga kaya ang misyon ko rito sa lupa, siguro pwede na niya talaga
akong kuhanin.

Kung aking iisipin kung paano ba ako papatayin ng killer, ayun ang hindi ko lang
alam. Minsan nga para nakakatakot na makaharap siya kahit na kakilala mo siya kasi
nga, alam mo sa sarili mong wala kang laban sa kaniya. Paano kaya kung ka-close ko
pala siya? Yung taong hindi mo inaasahang gawin yung ganoong bagay ay magagawa
niya?

Marami na akong pinaghinalaan na killer. Pero nababalutan pa rin ng agam-agam yung


puso ko. Alam kong maling manghusga ng tao, pero sa sitwasyon talaga namin ngayon,
hindi mo na alam kung sino ba ang dapat mong pagkatiwalaan.

Natigil ako sa aking pagmumuni-muni nang biglang magliwanag ang paligid. Kung
kanina ay nababalot ito ng dilim, ngayon naman ay nakakasilaw na ang paligid. Hindi
ko halos maibuka ang aking mga mata dahil matindi pa sa sikat ng araw ang
tinataglay nitong liwanag.

Maya-maya pa, medyo makakamulat ka na. Pero hindi ko inaasahan na para bang
nagbukas ang langit sa nakikita ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin
nito. Isa lang ang sumagi sa aking isipan, maaaring may susundo na sa akin dahil
katapusan ko.

Imbes na patuloy kong imulat ang aking mata, mas minabuti ko na lamang na pumikit.
Nangangamba kasi ako na oras ko na. Kung mawawala man ako ngayon, mas nanaisin kong
hindi ko masyado itong nasasaksihan. Ngunit isang boses ang talagang nagpamulat sa
akin.

"Roxette, ang natitirang pag-asa." Sambit niya. Pamilyar sa akin yung boses na iyon
kaya dulot ng kuryosidad, iminulat ko ang aking mga mata.

Nagulat ako sa nasasaksihan ko ngayon. Si Ethel ay muling nagbabalik at bumababa


siya ngayon mula sa langit. Natututwa ako sa kaniyang pagbabalik pero dahil sa
tinuran niya, mas lalo akong napa-isip kung ano ang kailangan niya sa akin.

"Anong kailangan mo sa akin? At ano ang sinasabi mong ako na lang ang natitirang
pag-asa?" Naguguluhan kong tanong. Halos mapangiwi na ako dahil nangangalay na ang
buo kong katawan. Isang ngiti lang ang isinukli niya sa akin.

"Bukod kay Arianne, ikaw lang ang nag-iisang taong napipisil kong maaaring pumigil
sa masamang binabalak ng kapatid ko." Paliwanag niya. Halos mapawi ang lahat ng
sakit na aking iniinda noong marinig ko ang katagang iyon.

"Kapatid? Kapatid mo ang killer?" Tanong ko na medyo mapang-uyam.

"Oo tama ka sa iyong narinig. Ako ay muling nagbalik dito para pigilan ang aking
kapatid. Hindi na niya alam ang kaniyang ginagawa. Halos nagpabulag siya sa poot na
kaniyang kinikimkim. Kung hindi niya lang nabasa ang libro ni Ate, tiyak na hindi
siya magkakaganito." Pagpapaliwanag niya. Halos manlaki ang aking mata sa aking mga
narinig. Tila ba hindi ako makapaniwala.

"Dahil sa poot na kinimkim noon ni Ate Helga, gumawa siya ng libro na pinamagatan
niyang Alphabet of Death. Nakasulat doon kung paano niya nais patayin ang mga taong
kinapopootan niya. Dulot ng depresyon, nagpakamatay siya. Pero bago siya mamatay,
sinumpa niya ang libro. Magbabalik daw siya para maghiganti at tulungan ang taong
gagamit nito. Ngayon, nagbalik nga siya at siya ang Black Lady." Paglalahad ni
Ethel.

Hindi talaga ako makagalaw dito sa kinasusubsuban ko. Magkakapatid sila? Pero paano
nangyari iyon? Tsaka, paano ko pipigilan yung killer kung kakampi naman nito yung
Black Lady na si Helga pala? Na Ate nila? Paano ko sila lalabanan? Wala nga akong
lakas ng loob eh.

"Kung iniisip mong talo ka na, at wala kang laban sa kanila, huwag kang mag-alala,
kaya nga nandito ako para gabayan ka. Hindi dapat matalo ng Dilim ang Liwanag."
Singit niya.

"Kung kapatid mo nga ang killer, at nais mong pigilaan ko siya, sino ang kapatid
mo?" Mapang-usisa kong tanong.

"Ang kapatid ko ay si..."

"Gumising ka na diyan! Batugan!" Sigaw niya sabay buhos sa mukha ko ng malamig na


tubig kaya bigla akong nagising.
Nakakainis! Ayun na eh! Malalaman ko na sana kung sino siya! Panira lang.

Pagkamulat ko ng aking mga mata, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Siya na
nandito sa harapan ko ang killer? I can't believe this!

"Ikaw yung killer?" Sigaw ko sa aking isipan.

Karlo's POV

Hindi ako makapaniwala na kayang paratangan ni Agatha na si Ginny ang killer. Alam
kong hindi iyon magagawa ni Ginny. Hindi porket pamamahay na nila ito ay si Ginny
na kaagad ang kaniyang pagbibintangan. Nasaan ang hustisya roon? Sayang lang at
sinang-ayunan nila ang pagkakakulong kay Ginny sa silid nito.

Baka naman si Agatha talaga ang killer? Hindi nga siya mukhang nababahala kapag may
namamatay na isa sa mga kasama namin eh. Wala lang siyang reaksyon. Para bang okay
lang sa kaniya na may mamatay. Sa kalagayan talaga namin ngayon, ang hirap
magtiwala. Hindi mo alam kung sino ang totoo o hindi.

Dahil sa nangyaring eksena, nandito lang ako sa kwarto at nakakulong mag-isa.


Nagmumuni-muni lang habang nakahiga sa malambot na kama. Naalala ko bigla yung
memory card ni Ramil kaya naman napabangon ako bigla sa kinahihigaan ko. Baka tuyo
na iyon kaya naman dali-dali ko iyong kinuha sa aking drawer at isinalpak agad sa
aking cellphone.

Pagkabukas ko ng recordings, ito kaagad ang bumulaga sa akin.

"Sabi na nga ba eh, ikaw ang killer! Pero, bakit mo ginagawa ang lahat ng ito?"
Wika ni Ramil.

"Simple lang, I want you all to suffer." Sambit ng killer.

"Ganun pala. Pwes, hindi ko na hahayaan pa na mapatay mo kaming lahat."

Hanggang doon lang ang nilalaman ng reocrdings. Nang marinig ko yung boses ng
killer, tiyak ko na babae ito. Inisa-isa ko yung mga kaklase ko kung sino ang
maaaring may mag-ari ng boses na ito. Bigla akong natauhan ng maaninaw ko yung
boses nung killer. Paulit-ulit ko talagang pinapakinggan hanggang sa sigurado na
ako na siya nga talagaa ng salarin.

"Kamusta ka na Karlo? Hindi ka ba nagsasawa sa pinapakinggan mo?" Boses ng isang


babae roon sa may pintuan. Napatigil ako sa ginagawa ko at halos hindi muna ako
gumagalaw. Nandito na siya, ako ba'y natunugan niya?

Dahil nakatalikod ako sa may pintuan, hindi ko tuloy mawari kung susugurin na ba
niya ako o hindi. Dahan-dahan ko siyang nilingon hanggang sa bumungad siya sa
harapan ko na nakanight gown lang. Hulmang-hulma ang kaniyang katawan sa suot niya
ngayon. Para bang inaakit niya ang sinumang tumingin sa kaniya.

Nginitian ko lang siya. Kunwari ay wala akong alam na siya na nga yung killer kaya
plano kong magmaangan-maangan na lang.

"Oh bakit ka nandito? May kailangan ka ba sa akin?" Mahinahon kong tanong habang
nakaupo ako sa may kama. Nakatayo lang talaga siya sa may pintuan. Maya-maya pa,
naglakad na siya papalapit sa akin.

Nagulat ako dahil huminto siya talaga sa harapan ko. Ang mas kinagulat ko, bigla
niyang tinanggal ang suot niyang night gown. Mahaba iyon na hanggang hita. Nanlaki
ang mata ko at halos tumulo ang aking laway sa ganda ng kaniyang katawan. Nakabra't
panty na lang siya ngayon. Sinusubukan niya bang i-seduce ako?

"Alam kong Karlo na gusto mo ito. Lalaki ka lang at natutukso. Heto na ako oh!
Pagkain na nasa harapan mo. Huwag ka ng magdalawang-isip pa na sunggaban ako, ako
pa ba matatanggihan mo?" Wika niya habang niyayapos ang aking katawan.

Bigla ako nakaramdam ng matinding pagkainit. Halos nabuhay lahat ng natutulog kong
kalibugan sa katawan. Ayokong kumagat sa kaniyang pain kaso huli na ang lahat, she
kiss me torridly.

Para akong malalasing sa sarap. Ang lambot ng kaniyang labi. Nais niya akong
mabaliw sa pagnanasa ko sa kaniya. Alam kong hindi ito tama kaya naman naitulak ko
pa siya sandali.

"Are you crazy? Bakit mo ito ginagawa?" Tanong ko na kunwari ay hindi alam kung ano
ang rason niya.
"I like you! And I want you right now!" Sambit niya sabay lapit sa akin ngunit
napigilan ko siya gamit ang aking kanang kamay.

"Huli ka na! Ang galing mong um-acting! Hindi mo ako matatalo sa pang-aakit lang."
Sambit ko habang hawak ko siya sa magkabila niyang balikat.

"Alam ko namang alam mo na. Yung recordings pa lang, huli na kita. Hindi ako tanga
para hindi malamang hawak mo yung memory card kaya nga nandito ako para bawiin iyon
sa iyo eh." Pahayag niya habang nakangiti. Nagtataka ako kasi nagagawa niya pang
ngumiti gayong nabulilyaso ko na ang plano niya.

"Paalam, Karlo! haha!" Turan niya at may hinugot siyang maliit na patalim sa
kaniyang bra at itinarak iyon sa aking dibdib.

"Hahaha! Magdusa ka!" Sambit niya habang ligayang-ligaya.

Napahiga na lamang ako sa kama dahil napakislot ako sa sobrang sakit. Nakabaon pa
rin iyon hanggang ngayon sa dibdib ko. Nais ko amn hugutin, pero mukhang huli na
ang lahat. Nakatayo na siya ngayon sa harapan ko at may hawak na malaking kutsilyo.

"Sumalangit nawa ang iyong kaluluwa! Haha!" Wika niya at biglang inihataw ang
malaking kutsilyo na iyon sa aking leeg hanggang sa humiwalay ang aking ulo sa
aking katawan.

Killer's POV

Tuwang-tuwa ako habang hawak-hawak ko ang ulo ni Karlo ngayon. Akala niya siguro ay
maiisahan niyaa ko. Pwes, nagkakamali siya. Nagpaplano pa lang siya, may plano na
ako kaya hindi niya ako mauutakan haha!

Pinagmamasdan ko ngayon ang pugot niyang ulo habang nakaupo sa kaniyang kama.
Nakasuot na rin ako ng matinong damit. Ang ganda lang talaga ng mata niya kasi
chinito. Alam ko namang babae/tukso mahina siya kaya ayun ang naisip kong gawin
para pakagatin siya sa aking plano haha!

Letter B, check! seven letters left!


Habang tangan-tanagn ko ang ulo ni Karlo, nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto
at bumulaga sa harapan ko si Ginny.

"Xiara..."

Chapter 64
Ginny's POV

Hindi ko sila maintindihan kung bakit nila sinang-ayunan ang suhestiyon ni Agatha
na ikulong ako rito sa kwarto. Porket ba kami ang may-ari ng mansiyong ito ay ako
na agad? Nakakalungkot lang kasi, lalo pa't hinusgahan nila ako.

Natutuwa naman ako kanina dahil pilit akong ipinagtatanggol ni Karlo kay Agatha. Sa
totoo niyan, crush ko nga siya eh. Oo nga't may pagkamanyak siya pero kahit na
papaano, makikitaan mo pa rin na mayroon siyang respeto sa aming mga babae.

Nahihiwagaan lang ako sa kanila ni Mae noon. Akala ko ay tropa lang sila.
Basketball kung basketball lang. May pagkaboyish kasi si Mae pero yung itsura niya,
babaeng-babae. Ang ganda nga ni Mae kapag inayusan mo siya. Pwedeng-pwede siyang
maging Reyna sa Santacruzan.

Noong namatay si Mae, talagang nakitaan ko si Karlo ng panlulumo. Ang maton at siga
sa classroom ay nakita naming umiyak. Doon lang namin napagtanto na sila pala
talaga. Ayaw lang ipaalam ni Mae dahil natatakot siyang masumbong ni Grace sa
kaniyang Ina.

Pero ang kinabaliwan ko talaga ng husto ay si Ramil. Ayos at tindig niya palang
noong first day of school nung first year palang kami, siya lang ang nakaagaw ng
aking atensyon.

Gwapings kung gwapings! Pakiramdam ko that time ay nasa langit na ako. Makalaglag
panty ang kaniyang pagngiti. Kaso minsan lang ako magpanty kaya minsan lang din ako
malaglagan. Haha! Joke lang.

Naiinis nga ako kay Abi kasi masyado siyang pa-chiks. Ang daming lalaki ang
nahuhumaling sa kaniya kaso, paasa lang si gaga. Maputi lang siya pero hindi
kagandahan, maganda lang talaga ang boses niya.
Aaminin ko, nawindang talaga ako noong ipaalam niya sa amin na buntis siya. Sa
isip-isip ko, "Kung hindi ka pa nabuntis, malamang marami pa ring lalaki na umaasa
na makadaupang-palad ka kagaya ni Ramil na walang sawang isipin ka." Kaya medyo
natuwa rin ako that time, kasi may chance pa na mapasa akin ang matagal ko ng
pinapantasya.

Marami na akong naging boyfriend noong high school pa lang ako. Ang kulay ko ay
Pilipinang-pilipina, morena. Parang artista ako na pinagpapantasyahan noong high
school. Ako naman heto, si makire, boyfriend lang ng boyfriend kaya laging heart
broken.

Nang mamatay si Ramil, halos gumuho ang mundo ko. Naramdaman ko kung ano ang
nararamdaman ni Arianne noong namatay si Adrian. Nagkaroon pa nga kami ng sumbatan
ni Roxette dahil sa aming kadramahan.

Ngayon, hindi pa rin namin alam kung nasaan si Roxette. Kung buhay pa ba siya o
patay na. Tapos ngayon ako ang sinisisi nila sa pagkamatay ni Arianne. Paano ko
naman papatayin ang nakagisnan kong kaibigan? Wala ba silang utak? Hindi ko kayang
gawin iyon!

Habang inilalabas ko ang lahat ng aking hinanakit dito sa kamang kinauupuan ko,
biglang sumagi sa isipan ko ang kwintas na suot ko.

Hinding-hindi ko makakalimutan yung taong nagbigay nito. Isa sa mga taong nakaukit
na sa aking puso. Ang aking ex-bestfriend, si Xiara.

Siya ang una kong nakilala noong first day of school. Natatandaan ko pa nga, pareho
kaming naligaw ng building na pinuntahan. Ayun nagkausap kami at napag-alaman
naming magkaklase kami. Hanggang sa nagtuloy-tuloy ang samahan namin.

Yung kwintas na suot ko, galing sa kaniya (xGinnyx). At binigyan ko rin siya
(gXiarag). Hindi ko alam kung nasaan na yung kwintas na ibinigay ko sa kaniya.
Maaaring itinapon niya na, o kaya itinatago niya.

Noong nag-outing kami, ako yung nag-aalaga sa kaniya dahil inaapoy siya ng lagnat.
Hindi na dapat talaga siya sasama that time. Kaso, pinilit ko siya at hindi naman
siya nakatanggi.

Ang pinagtataka ko lang, naging malulungkutin siya at halos hindi na umiimik noong
namatay si Ethel. Halos hindi ko na nga siya makausap eh. Higit sa lahat, para bang
lagi siyang nagluluksa dahil itim lagi ang kaniyang isinusuot.

Ako rin ang may kasalanan kung bakit nagalit siya sa akin. Noong final exams namin,
ginawa ko siyang katawa-tawa sa buong klase. Nagjojoke ako na puro patungkol sa
kaniya. Akala ko natutuwa siya kasi gawain namin iyon dati, ang husgahan ang isa't
isa tapos sabay kaming tatawa.

Tapos, noong nalaman kong mataas yung score niya sa Algebra, naghinala ako kasi
mahina siya sa math. Oo, pinasok niya ang Engineering na course kahit na mahina
siya sa math. Ayun, isinumbong ko sa prof namin na nagkodigo siya. Nataasan niya
kasi ako that time kaya mas lalo siyang nagalit sa akin.

Noong second year na kami, si Tin na ang lagi niyang kasama. Ako naman si Arianne,
naging ka-close ko siya noong nagrole playing kami. Tapos dumating si Roxette, kaya
nabuo ang D' Sossys.

Sa pagninilay-nilay ko, hindi ko napansin na may nahigaan pala akong libro. Kaya
noong tumayo ako, nagimbal na lamang ako sa nakita ko.

Tumambad sa aking harapan ang isang libro na pinamagatang, "Alphabet of Death" na


may nakasulat sa lower right corner nung aklat na, "Prepare yourself to die!".

Nag-alinlangan talaga akong hawakan ito kasi, natakot ako sa title pa lang. Ang
pinagtataka ko, paano ito napunta rito sa kwarto namin? Sino ang nagmamay-ari nito?

Dulot ng kuryosidad, tiningnan ko kung sino ang author nito. Pagsilay ko, HELGA ang
nakasulat. Capslock pa! Ano ito? Para mas intense? Pangalan palang ng may akda
nakakatakot na. Idagdag mo pa yung title, ano ito? Death + HELGA = ? Nakakatakot
lang. Parang gusto niya kaming dalhin sa kadagat-dagatang apoy.

At dahil wala akong magawa rito sa kwarto, minabuti ko na lang na basahin yung
aklat kahit na kinikilabutan ako.

Pagbuklat ko, picture ng babaeng nakaitim at nakabigti ang tumambad sa akin. Halos
maibalibag ko na yung libro sa gulat. Para bang aatakihin ako sa puso. Ngayon
palang, nakaramdam na ako ng panginginig.

Sa paglipat ko ng pahina, babala kaagad ang nakasulat.


BABALA:

Kung ito'y iyong babasahin, siguraduhin lamang na ika'y handa at may sapat na lakas
ng loob. Kung hindi, tiyak na aatakihin ka sa puso.

Iyon ang nabasa ko. Bakit kaya niya nilagay iyon? Ano nga ba ang nilalaman nitong
libro?

Nagbasa ako ng nagbasa. Halos hinanakit at poot ang nilalaman nito. Para bang
ipinagsisigawan niya sa libro ang lahat ng pighating namutawi sa kaniyang puso.
Nakasaad din kung paano siya pinahirapan at binaboy ng kaniyang mga kaklase.

Sa totoo lang, habang binabasa ko ito ay naging guilty ako bigla. Siguro sa mga
nagawa ko kay Xiara. Sa pagpapatuloy ko nung kwento, nakalakip dito kung paano niya
nais patayin ang mga taong nang-abuso sa kaniya.

Nagulat ako sa mga death word na nabasa ko.

A-sido

B-----

C-----

D-riller

E-yes

F-ire

G-un

H-ammer

I-ntestine

J-ar

K-----

L-eech

M-icrowave Oven

N-ail
O-rgan

P-oison

Q-ueen

R-ape

S-uicide

T-hroat

U-tak

V-----

W-----

X-----

Y-----

Z-----

Nagulat ako dahil lahat ng mabasa ko ay ang death word na binabanggit ni Agatha sa
amin sa tuwing may namamatay! Hindi kaya si Agatha ang killer?

Sa pagtutuloy ko, si letter B na ang isusunod ng killer! Napa-isip tuloy ako bigla
kung sino ang nagmamay-ari ng letrang iyon. Oh no! Si Karlo na ang next!

Itinigil ko muna ang pagbabasa dahil anytime, maaaring kumilos ang killer lalo pa't
gabi. Hindi ko pwedeng kalampagin ang pinto dahil maaari kong mabulilyaso ang plano
ng killer kaya nag-isip ako ng paraan kung paano ako makakarating sa silid ni Karlo
ng hindi nalalaman ng killer para matigil na rin ang kaniyang kahibangan.

Brain blast! Naisipan kong dumaan sa bintana. At dahil nasa second floor ako,
kailangan ko munang makababa papuntang baba bago tunguin ang kwarto ni Karlo.

Brain blast! Gumamit ng kumot! Tama! Kailangan ko lamang itong pagbalumbunin para
makababa ako. Ginawa ko ito ng dahan-dahan para hindi ako makagawa ng ingay.

Success! Nagawa ko ngang makarating sa baba. Syempre, inipit ko ang libro sa aking
kili-kili habang bumababa. Ito ang susi ng killer para maisakatuparan niya ang
plano niya.
Maingat akong umakyat sa hagdan. Dahan-dahan lang, yung walang ingay. Mahinhin kung
mahinhin. Huwag lang mahalata ng killer.

Pagdating ko sa labas ng pinto ni Karlo, nag-aalangan pa ako kung bubuksan ko ba


ito. Hindi ko kasi alam ang sasabihin sa kaniya. Isa pa, nahihiya ako.

"Kaya mo iyan Ginny! Isipin mo ikaw si Toni G! Lakasan ang loob huwag papatalo,
kaba ay isantabi mo!" Sambit ko sa aking isipan sabay inhale-exhale. Hanggang sa
nagpakawala ako ng mabigat na buntong-hininga.

Pagkahawak ko sa seradura, napaisip ako bigla kasi hindi ito nakalock. Maaari
kayang nasa loob ang killer?

Dulot ng kuryosidad, binigla ko talaga ang pagkakabukas ng pinto para makuha ko ang
atensyon ng kung sino man ang nasa loob.

"Xiara..." Wika ko ng bumungad siya sa aking harapan habang tangan-tangan ang pugot
na ulo ni Karlo.

Nanlumo ako bigla. Parang hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Halos matuod ako sa
kinatatayuan ko ngayon.

"Miss me?"

Chapter 65
Ginny's POV

"Miss me?" Bungad niya habang hinihimas ang pisngi ni Karlo.

Napatigagal ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ako'y naghuhurumintado,
dapat na ba akong tumakbo?

"Batid kong nagulat ka sa iyong nasaksihan. Hindi makapaniwala sa iyong nadatnan.


Huwag ka munang matakot ni mag-alinlangan, na miss kita oh aking kaibigan."
Panunuya nito habang umiikot-ikot ang pinaglalaruan niyang ulo.
Hindi talaga ako makapaniwala na magagawa niya ito. Nanginginig ang tuhod ko na
para bang kabado. Pero kailangan kong lakasan ang loob ko, tao lang din siya na
nasa harapan ko.

Nakatayo lang ako sa may pintuan. Nanginginig na nga ako at kinakabahan. Binagabag
niya lalo ang aking isipan, ngayong alam ko na ang katotohanan.

"Paano mo nagagawa ito Xiara? Halang na ba talaga ang iyong bituka? Karumal-dumal
pa ang pagpatay na ginagawa mo sa mga kaklase natin na parang wala lang sayo!"
Sigaw ko habang pinupunasan ang pawis na tumatagaktak sa aking mukha.

"My dear ex-bestfriend, nasaktan ako. Sinaktan niyo ako! Inalipusta niyo! At higit
sa lahat, nagsuffer ako dahil sa katakaan niyo!" Sigaw niya habang nanlilisik ang
kaniyang mga mata. Para bang may itim na aura na umaaligid sa kaniya.

Nanlaki rin ang mga mata ko! Totoo ba itong nakikita ko? May babaeng nakaupo sa
tabi niya? Baka namamalik-mata lang ako? Isang babae na mapula ang mata na
nanggagalaiti ba sa galit. Nakakuyom ang kaniyang kamao at sa tingin ko, nakatitig
siya sa akin.

Tumaas bigla ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Napako na ako sa aking


kinatitirikan. Ang mga bintana'y biglang nagsubukasan. Kasabay nito, ang pag-ihip
ng napakalamig na hangin sa aming kinalulugdan.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Natatakot na ako! May multo pang ginagambala ang
isipan ko. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko para hindi ko siya makita. Kahindik-
hindik talaga ang kaniyang itsura at kikilabutan ka talaga.

Habang nakapikit ako. Gumaan bigla yung mabigat na enerhiya sa harapan ko. Lakit
gulat ko ng maramdaman ko naman ito sa aking likuran. Malamig na hangin ang dumampi
sa aking batok. Huwag naman sana! Pero mukhang ako'y huli na.

"Ikaw na ang sunod! Humanda ka! Hahaha!" Bulong nito sa akin. Nakakatakot ang boses
niya. Malamig na para bang hinukay sa kailaliman ng lupa.

Niyapos niya ako ng mahigpit. Hindi ko na maigalaw ang kahit anong parte ng aking
katawan. Nakakasulasok pa ang kaniyang amoy. At para bang hinihigop niya ang aking
enerhiya.
"Kamatayan sayo'y naghihintay. Huwag ka na sanang maging pasaway. Sa aking aklat
kaluluwa mo'y ialay, hanggang sa bawian ka ng buhay." Sambit niya na nagpabilis pa
lalo sa tibok ng aking puso. Dahil sa kaniyang tinuran, hindi ako nagkakamali na
siya nga ang may-ari ng librong hawak ko. Siya si Helga!

"Ang liwanag ay hindi kailanman magpapasakop sa kadiliman! Kaya ako'y iyong


lubayan. Isipan ko'y aking bubuksan, upang hindi mo ako mabulag sa katotohanan!"
Sigaw ko at biglang nagliwanag ang langit. Isang dalagang nakaputi ang bumaba mula
rito. Si Ethel! Ang classmate namin. Siya ang white lady!

Nilukob niya si Helga sa likuran ko at ilang sandali lang, silang dalawa'y biglang
naglaho.

Bumagsak ako bigla sa sahig at tila ba naghahabol ng hininga. Parang sinipsip niya
ang aking enerhiya upang ako'y manghina.

"Hindi pa tapos ang laban Ginny. Nandyan lang si Helga sa tabi-tabi. Handa ka na
bang harapin ang iyong kamatayan? O nais mo munang magluksa dito sa harapan? Haha!"
Sambit niya sabay hagis sa akin ng pugot na ulo ni Karlo. Syempre natakot ako kaya
ipinikit ko na lang ang mga mata ko.

Pagdilat ko, ulo ni Karlo ang tumambad sa aking harapan. Dilat pa ang kaniyang mga
mata na tila ba nangungusap ng hustisya. Hindi ko napigilan ang aking emosyon.
Naiyak na lang ako bigla at tila nanghina. Parang ayoko na ring lumaban. Nais ko na
ring sumuko. Nawawalan na rin ako ng pag-asa.

"Susuko ka na ba?" Sambit niya sabay hugot ng kutsilyo sa may ibabaw ng drawer.
Naglakad siya papalapit sa akin at tila ba tinatantya kung ako ba'y kaya niya.

Napakislot ako ng kaunti kaya nalaglag ko ang libro.

"Paano napunta sayo iyan?!" Paghuhurumintado niya. Itinutok niya bigla sa akin ang
patalim na hawak niya habang mulagat ang kaniyang mga mata.

"At bakit ko naman sasabihin sayo? Close ba tayo?" Wika ko. Hindi ko alam kung saan
ako nakakuha ng lakas ng loob para sabihin iyon sa kaniya.
"Alam kong hindi mo ibabalik sa akin iyan. Hindi kita madadaan sa santong dasalan,
kaya dadaanin na lang kita sa santong paspasan!" Sigaw niya sabay hataw ng kutsilyo
sa aking balikat.

"Ahh!" Sigaw ko ng maibaon niya ito. Ang sakit at hapdi na aking nararamdaman
ngayon ay bale wala lang. Kaya kong tiisin ang sakit, makatakas lang.

Hinugot niya ang kutsilyong tumarak sa aking balikat. Sa pangalawang pagsaksak niya
sa akin, nakaiwas ako. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas at inipon ko
itong lahat sa aking paa at sinipa ko siya ng buong pwersa.

"Ahh!" Sigaw niya at siya'y tumumba sa sahig.

Kinuha ko na ang pagkakataong ito para tumakbo at ipaalam sa mga kasamahan namin
ang totoo. Na si Xiara ang killer. Kumaripas ako ng takbo habang bitbit-bitbit yung
libro. May iniinda man akong sakit, wala akong pakialam. Basta go lang sa pagtakbo!

Kumakaripas kong narating ang hagdan. Isinigaw ko talaga na siya ang killer.

"Kian! Agatha! Mark! Ethan! Gumising kayo! Si Xiara ang killer!" Pagpalahaw ko ng
sigaw habang binabagtas ang hagdan pababa. Syempre ang lakas ng kaba ko kasi
kasunod ko na ang killer. Nasa likod ko na siya na nagngangalit sa inis.

Bago ko marating ang huling baitang ng hagdan, isang matigas na bagay ang tumama sa
aking tagiliran. Hinagis niya ang flower vase sa akin kaya naman tumumba ako sa
baba.

Ang sakit na ng aking katawan. Parang hindi ko na kayang lumaban. Dapat ko na bang
tanggapin ang aking kapalaran?

"Hahaha! Kahit ipagsigawan mo pa ang lahat ng iyan, hindi sila magigising. Pinainom
ko kasi sila kanina ng gatas na may pampatulog. Madalas ko iyong gawin para hindi
mabulilyaso ang plano ko. Ikaw, si Arianne, at Roxette lang ang hindi ko mapainom.
Kaya sa ayaw at sa gusto mo, mamamatay ka! Haha!" Sambit niya habang dahan-dahang
bumababa sa hagdan at tangan-tangan ang kutsilyo.

"Pagkatapos ko sayo, sila naman. Haha!" Sambit niya pa sabay gasak sa aking
katawan.
"Ahh!" Daing ko. Habang ginagasak niya ako, hinila niya pa ang aking buhok. Sa
sobrang panggigigil, para bang hihiwalay yung buhok ko sa mismong anit nito.

Sa pagbagsak ko, naihagis ko pala yung libro kaya ayun, nakuha niya na. Ang tanga
ko lang! Dapat pala eh tinapon ko na ito o kaya naman ay sinunog man lang. Hindi
man lang ako nag-isip ng paraan kung paano siya maiisahan! Asar!

"Goodbye na ba? Haha! Pero sa totoo niyan, miss na miss na kita. Yung saya na ikaw
lang ang nakakapagbigay sa akin, yung mga nabuo nating masayang ala-ala, lahat-
lahat! Namiss talaga kita bestfriend ko." Pahayag niya. Nagulat ako ng bigla siyang
lumuha. Totoo ito, siya yung dati kong kaibigan na si Xiara.

"Yung kwintas na ibinigay mo, tinatago ko pa rin. Nasa bulsa ko lang siya lagi.
Salamat doon ah? Hinding-hindi kita makakalimutan." Pahayag niya habang pasimpleng
tumatangis sa aking harapan.

"Hahaha! Past is past! Ibaon na lang natin ang mga ala-alang iyon." Sambit niya
sabay pahid ng kaniyang mga luha.

"Nababaliw ka na! Itigil mo na ito please!" Pagmamakaawa ko.

"Sorry pero, ayoko. Tatapusin ko kung ano man ang aking sinimulan. Bago kita
patayin, gusto muna kitang pasalamatan. Salamat at naging kaibigan kita noon. Kung
hindi dahil sayo, hindi ko sana malilibot ang lugar niyong ito." Wika niya habang
nakaupo siya sa katawan ko para hindi ako makakilos.

Nakalimutan kong nadala ko na nga pala siya dito noon. Ang tanga ko lang talaga!
Bakit ngayon ko lang ito napagtanto?

"Thanks Ginny! I miss you bes!" Sambit niya ng may ngiti sa labi. Hindi ko alam
kong tinutuya niya lang ako or what.

Naramdaman ko na lang na mayroong malapot na likido ang lumalabas sa aking bibig.


Hindi ko namalayang itinarak niya na pala ang kutsilyong hawak niya sa aking puso.
Nakaramdam na ako ng pagkahilo. Nanlalabo na rin ang paningin ko. Sa pag-ubo ko,
bumulwak ang masaganang dugo mula sa aking bibig. Ang mukha ko ngayon ay naliligo
sa sarili kong dugo.
Napaungol ako sa paghugot niya ng kutsilyo. Alam kong ilang sandali lang ay
mamamatay na rin ako.

"Letter k, check! Haha!" Turan niya sabay tarak ng kutsilyo sa aking tiyan.
Napaigtad tuloy akong bigla.

Hindi ko maatim na winakwak niya ang aking tiyan at ipinasok dito ang kaniyang
kamay. Pakiramdam ko tuloy, isa akong palakang pinageeksperimentuhan. Ginalugad
niya ang lamang loob ko hanggang sa makita niya ang nais niya puntiryahin.

"Haha! Ang pula naman ng kidney mo! Pwede-pwedeng ibenta sa nangangailangan. Haha!"
Pahayag niya habang tangan-tangan sa kanang kamay niya ang aking kidney.

"Hold your Kidney Ginny, mahal iyan kapag naibenta haha! Goodbye! Farewell to you
my friend. Haha!" Turan niya sabay lagay ng kidney sa aking mga kamay. I know
katapusan ko na, nawawalan na rin ako ng hininga, sana makasurvive yung iba.

"Paala.."

"Kawawa naman yung kaibigan ko noon. Matalik pa. Pinatay ko na, binaboy ko pa."

Xiara's POV

Letter k, check! Mukhang madugong patayan ang mangyayari kinaumagahan, haha! Two
days left, kailangan ko na silang mailigpit lahat.

Anim na letra na lang at matatapos ko na ang Alphabet of Death! Haha! Konting push
pa, kaya ko ito. Guys, humanda kayo.

Ikaw na ang isusunod ko! Humanda ka dahil malaki ang hinanakit ko sayo. Puso ko'y
pinaglaruan mo, kaya pagbabayaran mo ang paglalaspangan sa damdamin ko.

Chapter 66
Xiara's POV
Nakakatuwa naman dahil umaayon sa akin ang tadhana. Konting push na lang at
maisasagawa ko na talaga siya. Ngayon pang hawak ko na silang lahat sa leeg, tiyak
na hindi na sila makakawala pa. Haha!

Ang sarap panuorin kanina ni Ginny na tumataghoy sa sakit na kaniyang tinatamasa.


Parang musikang tumutunog sa aking isipan ang bawat halinghing niya. Nakakaawa lang
siya dahil sa kalunos-lunos niyang sinapit. Haha!

Papunta na ako sa silid ng mga biktima ko ng maalala kong hindi na nila malalaman
na patay na sina Ginny at Karlo. Hindi nila makikita ang labi ng dalawa kaya
kailangan, ako mismo ang magdalawa nito sa kanila. Nag-isip ako ng paraan kung
papaano.

Brain blast!

"Ang talino mo talaga Xiara! Wala kang kupas!" Sambit ko sa aking sarili matapos
kong makaisip ng ideya.

Dali-dali kong tinungo ang bangkay ni Ginny. Syempre, take a pic! Selfie with her,
haha!

Kinaladkad ko ang katawan ni Ginny palapit sa hagdan kaya mas lalong kumalat ang
kanyang dugo sa sahig. Isinandal ko siya sa railings. Natutuwa ako kasi mukha pa
siyang model kahit na binaboy ko na siya. Haha! Ang sama ko ba? Well, matagal na.
Haha!

"Oh my Ginny, nakakatuwa ka talaga. Kahit sa huling yugto ng iyong buhay ay


nakangiti ka pa rin. Masaya ka pa yata dahil pinatay kita. Haha!" Sambit ko habang
hinahaplos ang maamo niyang mukha.

"Talagang hinawakan mo yung kidney mo bago ka mamatay noh? Sabagay, mahal din iyan
kapag naibenta. Kainin ko na lang kaya? Haha!" Sambit ko habang inaayos ang
kaniyang buhok. Kailangan niyang maging maayos sa photoshoot.

"Charot! Haha! Baka pagmultuhan mo pa ako." Dugting ko sabay kuha ng cellphone ko


sa aking bulsa.
"Ready for selfie Ginny? Bibilang ako ah? 1..2..3.. click!" Pahayag ko sabay ngiti
na mapang-unsyami.

"Naks! Ang ganda natin dito bestfriend! Pero mas maganda ako, haha!" Wika ko sabay
dila sa kaniya.

Dilat lang siya at nakangiti sa picture habang hawak-hawak niya ang kaniyang
kidney. Mukha siyang manikang duguan. Haha! Sayang lang at walang signal dito.
Hindi ko tuloy mapost yung picture natin sa Instagram haha. Pang halloween lang ang
peg mo Ginny.

Pagtayo ko, napansin ko ang wakwak niyang tiyan. Para bang binalahura ng isang
aswang. Halos kita na ang lahat ng kaniyang lamang loob. Ngayon ko lang napagtanto
na kadiri pala ang ginawa ko.

Sa pagpapatuloy ng pagseselfie ko, tinungo ko naman ang second floor para magselfie
with Karlo.

Habang binabagtas ko ang hagdan paakyat, nakaramdam ako ng panlalamig. Para bang
may nakasunod sa likuran ko.

"Hay, si ate Helga lang siguro ito." Sambit ko habang umaakyat ng nakayuko.

Nang makarating na ako sa dulo ng hagdan, napatigil ako ng bumungad sa akin ang mga
paa na duguan. Nanlaki ang mata ko sa takot dahil tiyak kong hindi ito si ate Helga
o si ate Ethel. May ibang kaluluwang napadpad dito!

Napakabilis ng tibok ng aking puso. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng takot at
panginginig. Ayoko sanang masilayan ang kaluluwang nasa harapan ko. Pero pag-angat
ko ng aking ulo, wala na siya.

"Argh! Natakot ako dun! Sino ang multong ito?" Pahayag ko sa aking sarili matapos
ang makapanindig balahibong iyon. Nakahawak lang ang kanang kamay ko sa aking
dibdib habang dumadagundong ang aking puso sa kaba.

Inisip kong guni-guni lang ang lahat. Ipinagpatuloy ko ang pagbagtas sa daan
patungong kwarto nito.
Pagdating ko sa pintuan, nakatalon naman ako bigla sa gulat. Nakalimutan kong
inihagis ko nga pala ang ulo niya kanina kay Ginny. Kaya heto, binulaga niya ako.

Dali-dali kong dinampot ang ulo niyang nakakalat sa sahig at tinungo ang kama na
kung saan, nakaratay ang katawan niya.

"Ang kyot kyot mo talaga! Lalo na yung chinito mong mata. Kung ikaw sana ang aking
unang nakilala, tiyak na mamahalin kita." Turan ko habang tangan-tangan ang
kaniyang ulo.

"Selfie tayo ah? Ready?" Wika ko at nahiga rin ako sa kama.

Unang pose, nakayakap ako sa katawan niya habang nakapatong sa tiyan niya ang
kaniyang ulo. Ang sarap pala niyang yakapin. Kung hindi lang ako tinigang ni Kian,
siguro nakaramdam din ako ng paglalambing ng kung sino.

Second pose, hawak ko ang kanyang ulo at kunwari ay hahalikan ko siya sa lips.
Nakakadiri lang dahil patay na nga yung tao, pinagpapantasyahan ko pa. Nandyan pa
naman sina Mark at Ethan para mahalikan ko. Hihi.

Ako yung babaeng never been touch, never been kiss kaya ngayon, bago ako mamatay,
ma-experience ko sana iyon. Ayoko na kay Kian, tiyak na pinagsawaan na ni Hannah
ang kaniyang katawan. Gusto ko yung fresh! Fresh flesh! Haha!

Pagkatapos naming magselfie ni Karlo, lumabas na ako ng kwarto niya. Pagkalabas ko


sa may pintuan, nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

Hindi ako makapaniwala! Nasa harapan ko ngayon ang kaluluwa ni Ginny na para bang
galit na galit sa akin. Oh well, pinatay ko siya kaya ganiyan ang reaksyon niya.

Ayun, dedma lang siya sa akin. Multo lang siya kaya hindi ako dapat na matakot sa
kaniya. Nang malagpasan ko siya, gumaan yung mabigat na hangin sa aking paligid
kaya napabuntong-hininga ako.

"Pagbabayaran mo ang lahat ng ito!" Panggigigil niyang sambit nang bumulaga siya sa
harapan ko. Laging gulat ko at sinugod niya ako at sinakal kaya napasandal ako
bigla sa may pader.
Halos kapusin na ako ng hininga. Nakaramdam ako ng kapayapaan ng biglang magliwanag
at para bang kinuha na ng langit ang kaluluwa ni Ginny.

Aaminin ko, nasindak niya ako. Pero hindi niya ako matatalo sapagkat ako'y tao.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon, tinungo ko na ang silid nina Ethan, Mark, Kian at
Agatha para dalhin sila sa bodega. Hindi maaaring mabulilyaso ang lahat ng
pinaghirapan ko.

Kian's POV

Bakit ang ganda mo?

Binihag mo ang puso ko.

Mapusok lamang ba ako?

O sadyang tinadhana lamang tayo?

Iyan ang katagang sinambit ko noong nabighani ako kay Xiara. Simple but beautiful.
Siya nga ang babaeng napansin ko kaagad noong first day of school kaya niligawan ko
siya. Nagulat nga ako sa isinagot niya noong nililigawan ko siya.

Bakit ganito ang aking nararamdaman?

Hindi ko maintindihan,

Tila ako'y kinakabahan,

Sa tuwing ikaw ay daraan sa aking harapan.

Ako sayo'y nahihiya,

Halos pulang-pula ang aking mukha.

Marahil ako'y natutuwa,

Sa iyong pagtalikda.

Nang nginitian mo ako,


Hinampas ko ang katabi ko.

Sa akin siya'y bugbog sarado,

Lalo pa't ako'y naghuhurumintado.

Napakabilis ng tibok ng puso ko,

Nagmamahal na nga ba ako?

Ngunit ayokong umasa sa isang katulad mo,

Na mapaglaro sa damdamin ng mga babaeng katulad ko.

Kung pwede lang sanang turuan ang puso,

Malamang, walang nakanga-nga at nakanguso.

Pero darating din naman sa ating yung tamang tao,

Taong mamahalin tayo ng todo-todo, kahit sino pa tayo.

Napanga-nga ako sa tinuran niya. She make me feel like a tree na halos tubuan na ng
ugat sa kinatitirikan ko. Sapul na sapul ako sa sinabi niya. Kaya naisipan kong
sagutin din siya ng patula.

Sa pagsilay ko sa iyong litrato,

Puso ko'y nabihag mo.

Isip ko ngayo'y gulong-gulo,

Sa aking napagtanto.

Tila hindi makapaniwala,

Puso ko'y tuwang-tuwa,

Ngunit hindi ako naniniwala,

Sapagkat alam kong wala akong mapapala.

Sadya ngang ika'y kaakit-akit,

Kahit sino ay maaaring mabingwit.

Puso ko'y isa lang ang ina-awit,


Ikaw saki'y walang malasakit.

Sino nga ba naman ako,

Para mahalin ng isang tulad mo?

Ayokong umasa na ako'y magugustuhan mo,

Sapat na, na pagmasdan ko ang iyong litrato.

Huwag hayaang ika'y maging sawi,

Bagkus, ika'y bumawi.

Pagod ay mapapawi,

Kapag tamang tao ang pinili.

"Aba! Don't tell me na ikaw yung tamang tao na iyon. At anong pagsilay mo sa aking
litrato ang sinasabi mo? Stalker kita?" Sambit niya na hindi makapaniwala sa aking
tinuran. Close na close talaga sila ni Ginny.

"I love you! Sa maramdaman mo na tunay ang pagmamahal ko sayo. Hayaan mong ligawan
kita, maaari ba?" Sambit ko sabay kuha ng kaniyang kamay at hinalikan ko ito. Batid
ko na kinikilig siya dahil namumula siya. Sana, mayroon akong pag-asa sa puso niya.

Puso ko'y binaliw mo,

Pati utak ko, nilason mo!

Ikaw lagi ang tumatakbo sa isipan ko,

Kaya sige, hindi ko na palalagpasin ito.

Patula niyang sagot sa akin kaya naman tuwang-tuwa ako sa ipinarating niya sa akin.

Sa sagot mo,

Pinaligaya mo ang puso ko.

Kaya marapat lang na hindi ka masiphayo,

Sapagkat nandito lang ako sa tabi mo.


Pahayag ko. Sa sobrang ligaya, nayakap ko tuloy siya. Napawi ang kabang nadarama.
Gayunpa't nalaman kong mayroon akong pag-asa sa kaniya.

Chapter 67
Xiara's POV

Ako'y inangkin mo, paroon at parito. Ibinigay ko na ang lahat sayo, ngunit hindi ka
pa rin nakuntento.

Hanggang kailan mo ako lolokohin? At tila ba paaasahin? Sinusunod ko naman lahat ng


iyong sabihin. At mistulan pa, na ako'y iyong inalipin.

Ang hirap pala talaga magmahal, mawawala ang iyong pagkabanal. Halos isuko mo na
rin ang iyong dangal, pero siya'y umaatungal.

Tinungo ko ang aking silid, gulo-gulo ang paligid. Ako'y biglang naumid, at tila ba
gusto ko ng kumuha ng lubid.

Matagpuan mo ba naman ang boyfriend mo, sa iyong silid na may kalaguyong ibang tao.
Tiyak na magkukuyom ang iyong kamao, na para bang gusto mo na siyang iuntog sa
semento.

Kapighatian ang aking naramdaman, nang mapansin ko ito sa kanya'y nakaunan. Nanuyo
bigla ang aking lalamunan, habang sa isip ko sila'y naglalampungan.

Nagmahal lang naman ako. Pero bakit puro sakit ang tinatamasa ko? Hindi na siya
nakuntento, lagi na lang niya akong niloloko.

Ang sakit lang sa puso. Tila ito'y nagdurugo. Sila'y napakagaso, kaya nakaramdam na
naman ako ng pagsusumamo.

Kinuha ko ang unan sa tabi, nilamukos ko't tinanggal sa pagkakasulsi. Nagsaya kayo
kagabi? Pwes, tikman niyo ang aking paghihiganti.
Sa nobyo'y ipinukol ang unan. Ang babae ay aking sinabunutan. Galit ang isinisigaw
ng aking isipan, lalo pa't sila'y nagkuwan.

"Tumigil ka na Xiara! Sayo ako'y naaalibadbaran na! Tila ako'y sawa pa, sa
hinaharap mong hindi masagana." Pagpigil sa akin ni Kian sabay bato sa mukha ko ng
isang lalagyan.

"Hindi ka kasi magaling. Pagdating sa kama, sa akin siya nahumaling! Magtigil ka't
ika'y dumaing, hanggang sa marinig namin ang iyong halinghing." Sambit ni Hannah na
kay sarap tusukin ang mata.

Pilit nila sa aking ipinagduduldulan, sa kama ako'y talunan. Hindi ba nila


nararamdaman? Na ako'y higit na nasasaktan?

"Porke't ba hindi ko binigay ang nais mo, ibabasura mo na lang ako? Sex lang ba ang
habol mo? Pwes, magpakasaya kayo!" Pag-aalumpihit ko. Ang sakit lang sa puso. Unti-
unti na akong nadudurog dito sa kinatatayuan ko.

Ang saklap lang! Laman ko lang pala ang nais niya! Bakit ba sila ganyan? Mga lalaki
talaga! Argh! Ako tuloy ngayo'y nagdurusa.

"Magsama kayo! Magpakaligaya hanggang sa impiyerno! Sulitin niyo ang nalalabing


araw niyo, baka magulat kayo, sa pagganti ko sa inyo." Sigaw ko na may bahid ng
panggagalaiti.

Tanging kumot lang ang nakatakip sa kanilang katawan. Talagang masisilayan mo ang
kanilang laman. Kaya bugbog sarado sila sa aking isipan, lalo pa't ako'y kanilang
pinaglaruan.

Dali-dali kong sinampal si Hannah. Bakas ang pagkairita sa kaniyang itsura, kaya
naman hindi niya ako masupla. Lalo pa't nag-aalinlangan siya.

Lumabas ako sa aking kwarto. Tinungo ang kusina ko. Kumuha ako ng isang baso, at
nilagyan ng malagkit na likido.

Akala ba nila'y susuko kaagad ako? Sa kanila ako'y magpapatalo? Hindi pa ako hilo!
Kaya ipapatikim ko sa kanila ang aking paghuhurumintado.
Pagkabalik ko, hinihilot ni Hannah ang kaniyang sentido. Para bang naalog ang utak
sa pagkakasampal ko, aba! Hindi ako magpapatinag noh!

Nang muli nila akong makita, napamulagat bigla ang kaniyang mga mata. Katawan ni
Kian ay niyapos niya, na akala niya, ako'y mapapaalunsina.

"Oo nga't masakit! Halos ako'y magmurit. Mabuti na lang, pasensya sa aki'y
nakasakbit, kaya may tyansa pa kayong mag-painit." Pahayag ko habang tangan-tangan
ang isang baso. Puso ko'y nagsusumamo, kaya luha'y dumadaloy sa mukha ko.

"Hayaan mo na kami! Nararamdaman mo sa aki'y isantabi. Sapagkat sa paningin ko'y


isa ka lamang tutubi, na sa pag-ibig namumulubi." Singhal ni Kian na tumagos sa
kaibuturan ng aking puso.

Para akong sinaksak ng sampung patalim. Mundo ko'y biglang nagdilim. Sinabi mo ay
aking kinimkim, na ngayo'y naging karima-rimarim.

Ibinuhos ko bigla kay Kian ang laman ng baso, dahil nakayapos sa kaniya si Hannah,
pareho silang nag-inaso. Halos lamunin ako ng galit ko, kaya minabuti ko munang
magpakalayo.

Sa damuhan ako dinala ng mga paa ko. Masamyong hangin ang nalalanghap ko.
Panibugho'y ginigiba ko, hanggang sa ako'y maging kalmado.

Sa aking pagninilay-nilay, isang lalaki sa gilid ko'y humayahay. Panyo sa akin ay


inalay, hanggang sa siya'y aking maging dantay.

"Ilabas mo lang ang sakit na dinadala mo, hindi naman masamang magsumamo. Nandito
lang ako sa tabi mo, na lagi namang taga-sapo ng problema mo." Turan niya sabay
kurap ng kaniyang mga mata.

"Maari mo ba akong bigyan kahit na kaunting pag-asa? Upang hilumin ang puso mong
puro pasa na? Hindi naman ako kagaya ng iba na isang pa-asa. Sana naman, puso mo ay
aking muling mapagana." Sambit ni Tantan na kababata ko.

Nagulat talaga ako sa kaniyang tinuran. Batid mong may pinanghuhugutan.


"Sa pagsulyap ko pa lamang sa iyong mga mata, puso ko'y binihag mo na. Hindi ako
nagdalawang-isip na lapitan ka, lalo na't napansin kong mabigat ang iyong
dinadala." Dagdag pa niya habang nakatitig sa aking mga mata.

Halos ako'y matunaw, at tila ba biglang gininaw. Pahingi namang anahaw, pangtabing
lang sa aking balikakaw.

"Inabot ko sayo ang paborito kong panyo, inaming nabihag mo agad ang aking puso.
Pero ang pag-ibig ko sayo'y napako, matapos bitawan ang katagang lumaslas sa aking
puso." Singhal niya sabay pakawala ng buntong-hininga.

Naalala ko tuloy noon, habang nasa bakasyon kami sa Bukidnon. Umamin siya ng pag-
ibig sa akin, ngunit sakit ang dinulot ko sa kaniyang damdamin.

"Ang tainga ko'y nagpanting, para akong sinalakay ng isang libong pating. Iniisip
kong sana'y isa na lamang akong daing, para hindi na ako makaramdam pa ng hinaing."
Wika niya habang puso'y kunwaring nasa kapighatian at wari mong nasasaktan.

"Hindi ko naman paglalaruan ang iyong puso. Hindi ko rin ito sasaktan na parang
isang tuso. Bagkus, ako ang magtuturo, at pipigil, upang ito'y hindi na dumugo."
Pagtutuloy niya na umantig bigla sa aking puso.

Hindi ko alam kung ano ang nakain nito, pag-amin niya muli sa akin ay
napakaseryoso. Dapat ba akong maniwala sa taong ito? Kahit na hindi siya ang mahal
ko?

"Ang gusto ko lang naman ay mapasaya muli kita. Tulungang makalimutan ang mga
nasawing ala-ala. Kaya sige, hahayaan ko muna ang puso mong magpahinga. Hanggang sa
mapagtanto mo na ako'y mahal mo na." Pagtatapos niya habang siya'y wagas na
nakangiti sa aking harapan.

Hindi ko alam kung ako'y kikiligin, o nagngingitngit lang talaga ang aking ngipin.
Kung kayo ang papipiliin, puso ba o isip ang susundin?

Maraming beses na akong nasaktan. Pero mga ala-ala ay sadyang hindi ko makalimutan.
Siya lang talaga ang namumutawi sa aking isipan, at isinisigaw ng aking kalooban.

Mahal ko o mahal ako? Katagang nagpapagulo sa isip ng tao. Puso ba'y dapat nang
ikandado? O pagbuksan ang sinumang kumatok dito?

Ako'y naging sawi, pero hindi nagpatinag sa pagdadalamhati.

---

Naalala ko na naman ang kahayupang ginawa nila sa akin. May pasweet-sweet pa sa


akin si Kian noon. Akala ko totoo ang lahat ng ipinakita niya. Kasinungalingan lang
pala! Bwisit siya! Masunog nawa ang kanilang kaluluwa.

Pagkarating ko sa bodega, isa-isa ko silang binuhusan ng isang timbang tubig para


sila'y magising.

"Xiara?" Hindi makapaniwalang sambit ni Agatha. Nanlaki ang kaniyang mga mata ng
ako'y makita niya.

Si Agatha ay nakatali ng kadena sa sahig. Sinugurado ko syempre na hindi siya


makakawala. Sa bandang kanan niya, nandun si Ethan at nakagapos pahiga sa isang
sementadong lamesa. May mga itak na nagbabadyang bumaksak sa kaniya. Sa kanan niya,
si Kian na nakagapos sa dingding. Posas talaga ang ginamit ko sa kaniya dulot ng
puot ko. Sa kanan niya, si Mark na nakaupo at nakagapos sa silya. Nakababad ang paa
niya sa isang plangganang naglalaman ng tubig. At sa kaniyang harapan, matatagpuan
si Roxette na hinang-hina na. Nilatigo ko kasi. Haha!

Ngayong gising na silang lahat, maaari ko na silang patayin isa-isa. Haha!

"Kahibangan Xiara! Maghunos-dili ka!" Bulyaw ni Kian. Minabuti kong huwag silang
lagyan ng busal para makausap ko sila.

"Halang ang kaluluwa! Masunog ka sana sa kadagat-dagatang apoy!" Singhal sa akin ni


Mark na akala mo naman ay magaling.

"Xiara please, paano mo naaatim ang kababuyang ito?" Mahinahong pahayag ni Ethan.

"Hahaha! Galit ako sa inyong lahat! Papatayin ko kayo! Haha!" Pagdidiin ko. Dahil
sa ngitngit, hinila ko ang buhok ni Roxette para mapansin siya ng mga ito na buhay
pa.
"Ahhh!" Pagpalahaw niya ng sigaw. Natutuwa ako dahil batid ko na ang magiging
reaksyon nila.

"Roxette!" Pagsigaw nila ng sabay-sabay. Wari mo'y alalang-alala sila dahil ngayon
lang muli nila nakita ang dalaga.

"I love you Roxette! Salamat sa Diyos at buhay ka pa!" Mainit na pahayag ni Ethan.
Nag-iingat siya sa pagkislot. Dahil konting galaw lang, sa kabilang buhay ang
kaniyang tuloy. Haha!

"Nasaan sina Ginny at Karlo? Anong ginawa mo sa kanila?" Singit ni Agatha na


palinga-linga sa paligid.

Binitawan ko ang buhok ni Roxette at tinungo ang kinaroroonan ni Agatha at sinampal


siya. Dahil doon, napasubsob siya sa sahig.

"Xiara tama na!" Pag-awat sa akin ni Roxette. Aba, sa dami ng galos niya sa katawan
ay nakakaya pa niya gumalaw.

Tumayo ako at hinarap ko silang lima.

"Sad to say guys, pinatay ko na sila! Haha! Eto ang ebidensiya." Wika ko sabay
labas ng phone ko at ipinakita ko sa kanila ang aking selfie with Karlo and Ginny.

"Anong ginawa mo kay Ginny? Bakit mo binaboy ang kaibigan ko?" Pagtaghoy ni
Roxette. Napayuko na lamang ang iba sa takot at kaba. Batid kong naiiyak silang
lahat. Mabuhay ka Xiara! Haha!

"Matalino ka Agatha hindi ba? Pwes, ipaalam mo sa kanila ang death word nung
dalawa! Sagot!" Panglalamirot ko sa kaniyang pisngi. Hindi ko sukat akalain na
titiklop din pala silang lahat sa aking mga kamay. Haha!

"Kidney ang death word ni Ginny. Tutal ay kidney ang nakamodel sa picture. Beheaded
naman ang death word ni Karlo. English ng pinugutan." Umiiyak niyang sambit. Ngayon
ko lang nakitaan si Agatha ng takot.
"Magaling.." Sambit ko habang ako'y pumapalakpak sa tuwa.

"Tama na Xiara, please.." Pagmamakaawa ni Roxette. Gustuhin ko mang kaawaan sila,


kaso lang, wala na rin akong awa ngayon! Haha!

"Pakawalan mo na sila. Tutal ako naman ang puno't dulo ng lahat kaya ka
nagkakaganiyan hindi ba?" Atungal ni Kian na higit na pumukaw sa aking atensiyon.

"Tama ka, sayo nga ako galit na galit eh! Pero hindi ko hahayaang may makaligtas!
Mamamatay kayong lahat! Pero bago iyon, pahihirapan ko muna kayo bago ko kitilin
ang inyong mga buhay." Sambit ko habang ako'y nakahalukipkip.

Tinungo ko ang lamesa at pinagmasdan ang mga gamit na maaaring kumitil sa kanilang
buhay.

"Eenie meenie minimo.. sino kaya sa inyong lima ang uunahin ko? Haha!" Paglalaro ko
sa kanila habang tinuturo sila isa-isa.

"You! Ikaw nga ex-boyfie! Haha! See you in hell! Haha!" Sambit ko habang
humahagalpak ako sa katatawa. Dinampot ko ang chainsaw sa lamesa at pinaandar ang
makina.

"Pahirapan o madalian? Haha! Lasapin mo ang bagsik ng aking paghihiganti!"


Panggagalaiti ko at dahan-dahan akong lumapit kay Kian.

Elmo's Note
Ako'y nagagalak sa inyong patuloy na pagsubaybay at pagtangkilik sa aking mga
nilikhang storya. Ako'y lubos na nalulugod marahil maraming kabataan ang aking
nababahagian ng aking mga kaalaman. Kaya kung maaari ay huwag kayong magsasawang
magbasa ng aking mga likha dulot ng imahinasyon bagkus ay manghikayat pa kayo ng
ibang mambabasa para magsilbi rin akong inspirasyon sa kanila. Maraming Salamat sa
inyong lahat!

---

Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa lahat ng bumasa, nagbabasa at babasa


nitong story ko.

Sa comment palang, nabubusog na ako. Maski nga ako ay na-eexcite sa susunod na


mangyayari. Thanks po sa pagcomment, nalalaman ko kung ano ang feedback niyo sa
story ko. And also sa votes, thank you. Na-appreciate ko lahat ng effort niyo.

Soon To Be Published na po ito. Kaya po kung gusto niyong malaman ang ending, kung
ano nga ba ang mangyayari kina Agatha, Kian, Mark, Ethan, at Roxette bili na lang
po kayo ng libro hehe. May mabuhay kaya? Ano ang mangyayari kay Xiara? Kaya bili po
kayo. Mas lalong ma-excite sa ending haha!

Sana, kung paano niyo ito tinangkilik ay ganun din ang gawin niyo kapag nailabas na
ito bilang libro. Aasahan ko po kayo. Salamat!

Wagas ang aking pasasalamat sa inyong lahat!

God Bless po!

Teaser
Xiara's POV

Hindi ko maipaliwanag ang saya na aking nadarama ngayon pa't sila'y bihag ko na.
Malapit ko ng makamtan ang huling halakhak kaya dapat ko ng itigil itong aking
pagdakdak.

Habang naglalakad ako papalapit sa kinaroroonan ni Kian, batid ko ang takot na


namumutawi sa kaniyang mukha. I want to see him suffer baka ko siya patayin. Sa
lakas ng sakit na tinamo ko sa kaniya, aba! Kulang pa ang buhay niya.

"Huwag mong ituloy iyan Xiara! Maawa ka kay Kian!" Sigaw ni Agatha habang
nagpupumiglas sa may sahig.

"Maawa? Bakit? Naawa ba siya sa akin noong pinaglaruan nila ako ni Hannah? Hindi
'di ba? So why should I pity him?" Pagtataray ko habang nakatingin sa maamong mukha
ng aking ex.
"Kung iyon ang dahilan mo para magkaganyan ka, pwes, ako na lang! Ako na lang ang
patayin mo! Sa akin ka naman galit! Huwag ka ng mandamay ng ibang tao!" Lakas-loob
nitong sagot sa akin kahit na tumatagaktak na ang pawis sa kaniyang mukha.

"Ha-ha-ha! Bravo!" Tawa ko habang umiirap sa hangin.

Pansin ko ang tensyong namumuo sa loob ng silid na ito. Si Agatha ay pilit na


kumakawag habang si Ethan ay nakapikit lang at wari mong nagdarasal. Si Mark ay
mukhang nag-iisip ng paraan kung paano siya makakawala habang si Roxette ay
nakalupaypay lang sa sahig at hinang-hina na.

"Xiara! Tigilan mo na ang kahibangan mong ito!" Segunda ni Ethan sa gitna ng aking
pagmumuni-muni.

"Shut up Tantan!" Sigaw ko. Ewan ko ba kung bakit uminit bigla ang aking ulo at
hinataw ko ang kanang braso ni Kian ng chainsaw.

"Ahhh!" Pagpalahaw nito sa sakit gayunpa't humiwalay na ang kaniyang kanang braso
sa kaniyang katawan. Walang pigil ang pagsirit ng kaniyang dugo sa sahig.

"Ha-ha-ha! Ang sarap mong panuorin habang ika'y dumadaing." Sambit ko sabay pulot
ng natanggal niyang braso.

Pinatay ko muna ang makina ng chainsaw at nilapitan ko si Agatha.

Gamit ang braso ni Kian, ipinanghimas ko ito sa mukha ni Agatha kaya kinilabutan
siya. Natutuwa akong makita ang epic face ni Agatha! Haha!

"Huwag kang mag-alala, pagkatapos ko kay Kian, ikaw naman." Pahayag ko sabay ngiti
ng nakakaloko.

"Hindi na makatao ang ginagawa mo Xiara! May sayad ka na nga sa utak!" Singhal sa
akin ni Mark. Nilapitan ko siya at hinaplos ang kaniyang pisngi.

"Maybe falling inlove is an accident but staying inlove is a choice." Sambit ko


sabay siil ng halik sa kaniyang labi.
Heaven! Ang lambot ng labi ni Mark! Gusto ko na tuloy siyang angkinin at tuluyang
mapasa akin. Haha!

"I like the taste of your lips. Yum yum." Dugtong ko sabay kindat dito. Batid ko na
nairita siya sa akin. Dahil si Roxette lang ang nais niyang makasama, at maging
asawa.

"Congratulations Tantan! Tama lang pala ang rejection na ginawa ko sayo noon. Hindi
tayo bagay. Mas bagay kayo ni Roxette, at mas bagay kami ni Mark. Haha!" Sambit ko
na nagpalaki sa kaniyang mata sa gulat.

"Na-miss kita kababata." Dugtong ko sabay kurot sa kaniyang pisngi.

"Worst nightmare ever." Turan ni Roxette ng lapitan ko ang kinararatayan niya.

"Sinabi mo pa. And this gonna be the best day of my life!" Panunuya ko sabay ngiti
ko sa kaniya na mapang-unsyami.

Sa pagbaybay ko sa landas na kinaroroonan ni Kian, nagulat ako dahil biglang


lumindol. Napakalakas kaya napaupo ako bigla. Limang segundo lamang iyon pero
dinapuan ako ng kakaibang kaba.

Nagulat ako sa puting liwanag na sumisilaw sa amin ngayon mula sa itaas. Isang
babaeng nakaputi ang unti-unting bumababa rito.

"Ate Ethel!" Sigaw ko at binitawan ko ang hawak kong chainsaw at tumakbo palapit sa
kaniya para mayakap siya.

Buwan lang ang tanda niya sa akin pero tinuturing ko pa rin siyang ate. Habang
yakap-yakap namin ang isa't isa, itim na liwanag naman ang buong namuo sa sahig
malapit sa aming kinatatayuan. Unti-unting sumibol rito ang babaeng naka-itim.

"Ate Helga!" Sabay naming sambit ni Ate Ethel. Dali-dali kong tinakbo ang
kinaroroonan niya at niyakap siya.
Dalawang taon lang ang tanda ni Ate Helga sa amin ni Ate Ethel. Sa totoo niyan, si
Ate Helga at Ate Ethel talaga ang tunay na magkapatid. Half sister lang nila ako.

"Gawin mo na kung ano ang nararapat Xiara. Kill them!" Bulong niya sa akin.

"Ate Helga! Tigilan mo na si Xiara. Huwag mong lasunin ang kaniyang isipan dulot ng
galit." Pag-ayuda ni Ate Ethel. Lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin lamang sa
amin. Mukhang nakikita rin nila ang dalawa kong Ate na multo.

"Tapusin mo na kung ano ang nakasaad sa Alphabet of Death, Xiara. Huwag ka ng mag-
alinlangan pa." Utos ni Ate Helga na balot na balot ng itim na kapangyarihan.

"At ikaw Ethel, ate mo ako kaya huwag ka ng humadlang pa. Gumawa ka ng librong
ABaKaDa 'di ba? Pwes, gamitin mo rin iyon kung nais mong mabuhay ang mga taong
nabiktima ng Alphabet of Death ko. Haha!" Paghalakhak niya. Nakakatakot siyang
tumawa. Para bang demonyong umahon sa kadagat-dagatan apoy.

"Pero hangga't makakaya kong mapigilan ang kahibangang ito, hindi ko gagamitin ang
libro ko!" Pagsagot ni Ate Ethel na nagpapanting naman sa tainga ni Ate Helga.

"Kinakalaban mo talaga ako? Ok! Matira matibay!" Sambit ni Ate Helga at nagsagupaan
silang dalawa.

Kahit na ano man ang mangyari, I promise to myself na tatapusin ko ang sinimulan
ko. Sorry Ate Ethel, I need to kill them.

--------------------------------------------

Hello guys! Heto na po ang teaser ng ending! I hope na nagustuhan niyo at may nabuo
ng idea sa utak niyo kung ano ba ang mangyayari sa ending. Ang daming revelation!
Pero dapat niyo talagang paka-abangan ang ending na mababasa lamang sa book po
mismo.

Ano ang mangyayari sa sagupaan ng dalawang multo? Sino ang mananalo? At matatalo?

Ano ang gagawin ni Xiara? Mapatay niya kaya ang kaniyang mga kaklase? O maunahan
siya ng mga ito na patayin siya?
Mas kapana-panabik po ang ending kaya sana pakatutukan niyo, sa pamamagitan nga
lang ng pagbili ng libro. Hehe.

Again, sa book niyo na mababasa ang pinaka ending. I hope na nag-enjoy kayo sa
maikling teaser na inihandog ko sa inyo. Gusto ko kayong pasalamatang lahat for
reading AoD.

Pasensya na po kung hindi ko pwedeng i-post dito ang ending. Sinabi po kasi iyon sa
akin ng publisher kaya sumusunod lang po ako. Nawa'y maunawaan niyo po.At kapag
napublished na po ito, buburahin ko na po yung ibang parts. Kaya po ipabasa niyo na
ito sa mga kakilala niyo hangga't maaga pa.

I hope na makabili po kayo ng book. I will announce na lang po kung kailan ang
release at kung magkano po. Sa pagkakaalam ko po kasi ay 149 pesos? O 199 pesos?
Not sure. I hope na makapag-ipon po kayo habang maaga pa.

Thankful po ako sa inyong lahat. Hindi ko po inakala na may magbabasa nito.

Ang publisher ko po ay RisingStar. Hindi ko lang po alam kung pamilyar kayo diyan.
Tandaan niyo po, RisingStar ang publisher ko.

-------------------------------------------

Nabasa niyo naman na may ginawa ring libro ang ating white lady na si Ethel,
ABaKaDa ang title. Kaya po masaya akong ibalita sa inyo na may Book 2 ang AoD!

Excited po ba kayo? Ako po kasi ay excited na. Ang title po ng Book 2 ay..

THE RETURN OF ABAKADA, na kung saan ay sisimulan ko kapag narelease na po ang AoD
book. Excited po ba kayo? Hehe! Kaya bili po kayo ng Alphabet of Death! Ipon na po
kayo.

Sa ngayon, sinusulat ko ang bago kong horror stories na SONIA SAYS at yung isa ay
LIMBAG. Sana ay suportahan niyo rin po ang iba kong akda.
Itutuloy ko na ring isulat ang Romance/Drama kong akda na PAPER ROSES AT MY
NOTEBOOK. If trip niyo pong ma-inlove at the same time, umiyak, try to read it!

Kung gusto niyo naman pong mapunta sa ibang dimension, fantasy like na story, try
niyo pong basahin ang Humanimal University. Isang kakaibang fantasy story haha.

Ayun lang po, salamat sa inyong lahat! Kung may katanungan po kayo, comment niyo
lang po at sasagutin ko kayo.

Thank you!

God Bless!

Announcement
This is it guys! Alam kong excited na kayong malaman ang ending ng Alphabet of
Death kaya heto, iaanunsyo ko na.

Alphabet of Death is now available in all leading bookstores nationwide!


Maaari rin po kayong makabili sa 7 eleven, mini stop, pandayan etc.
Ito po ay mabibili niyo sa halagang 149 pesos only.
Grab a copy now!

Gusto kong magpasalamat sa inyong lahat dahil nagkaroon kayo ng time para basahin
ang akda kong ito. Nawa'y maging sa ikalawang libro ay suportahan niyo pa rin ako.

Maraming salamat nga po pala sa mga nakabili na. Maaari po bang magselfie kayo with
my book? Hehe.

Thank you rin sa mga may balak bumili. Hehe.

Add niyo po ako sa Facabook. Search niyo lang po ako, Elmo WP at i-tag niyo po ako
kapag nakabili na kayo ng AoD book.

Sa mga nagtatanong, Alphabet of Death was published under Lovelink/RisingStar


Publishing.

Maraming salamat po sa inyong lahat. Lubos po akong nagagalak dahil sa suporta


niyo.
Kita-kits po sa book 2, The Return of ABaKaDa.

Thanks guys!

God Bless!

Elmo's Survey

Hello AlphaBakaTarians, hindi mo pa ba nababasa ang ending nitong Alphabet of


Death? Nais mo ba itong mabasa? Kung gayon, maaari ko kayong pagbigyan.

Ito ay survey para sa mga hindi pa nababasa ng ending. Kung maaari, magcomment lang
ang mga gustong makabasa nito at kapag marami ang nagcomment, it means marami pa
ngang hindi nakakabasa kaya bibigyan ko kayo ng pagkakataon na mabasa ito pero kung
marami lang ang magcocomment na hindi pa nakakabasa at gusto itong mabasa. Advance
gift ko na sa inyo sa nalalapit na Pasko at New Year. Kaya hatakin niyo na ang mga
kakilala niyo na gusto ring malaman ang ending nito't magcomment.

At kung sakali mang ipopost ko ang ending, gagawin ko po itong (private) na kung
saan followers ko lang ang maaaring makabasa. Kaya kung hindi ko pa kayo follower,
hindi niyo iyon mababasa.

So ano pa hinihintay niyo? Comment na't hatakin ang inyong mga kakilala na gusto
ring malaman ang ending.

Salamat and God Bless!

PS. Sa mga nagagalit sa akin at nanghihinayang dahil wala itong ending, paumanhin
po. Now, this is your chance. And salamat sa lahat ng mga bumili ng libro. Highly
appreciated po.

This is It!
Excited ka na ba? Sa susunod na pahina ay maaari niyo nang mabasa ang Epilogue but
it was in private. Make sure na nakafollow kayo para mabasa iyon.

Sa mga nagsasabing hindi mabasa ang ending, heto po ang gawin ninyo.

If browser/web ang gamit niyo, refresh niyo lang o 'di kaya'y remove sa reading's
list then re-add niyo ulit. After no'n, mababasa niyo na ang ending.

If mobile user, remove niyo muna po ito sa inyong library then add niyo na lang po
ulit para marefresh.
Advance Merry Christmas! Happy reading!

Epilogue
Xiara's POV

Nilapitan ko si Kian habang tangan-tangan ko ang chainsaw na magwawakas


sa kaniyang buhay. Walang atrasan, kailangan ko talagang tapusin itong sinimulan
ko.

"Maawa ka kay Kian Xiara!" Sigaw ni Agatha habang nakalugmok sa sahig.

"Sorry, but it's a no." Sambit ko at pinaandar kong muli ang makina ng
chainsaw. Bakas sa kanilang mukha ang kaba at takot kaya mas lalo akong
nasisiyahang kitilin ang buhay nila.

"Ahhh!" Sigaw ni Kian matapos kong putulin ang kabila niyang braso.
Ngayon, pantay na ito kaya tiyak na wala na siyang laban. Hinang-hina na siya at
sumusuka na rin ng dugo.

"Tapusin na natin ang kalbaryong pinagdaraanan mo." Wika ko sabay ngiti


na para bang nanalo ako sa lotto.

"Goodbye my ex." Pahayag ko at niratsada ko ang hawak kong chainsaw sa


kaniyang ulo. Nang matanggal ito, nagpagulong-gulong ito sa sahig at napunta sa
kinaroroonan ni Agatha.

"Ahh!" Sigaw niya dulot ng takot.

"Hahaha! Paano ba iyan? Apat na lang kayo? Sino kaya ang isusunod ko?"
Panunuya ko at kunwaring nag-iisip pa.

"Kung CHAINSAW ang death word ni Kian, ikaw kaya Agatha?" Pambubuska ko
habang nakaupo sa harapan niya. Pinulot ko ang ulo ni Kian na nakakalat sa sahig at
inihagis sa may sulok.

"Wala na akong kawala pa. tiyak na mamamatay ako rito. Kaya patayin mo
na ako!" Sigaw niya habang humahagulgol sa kakaiyak.

Ang dating matapang na Agatha ay pinanghihinaan ngayon ng loob. Tumayo


ako sa harapan niya at tinungo ang lamesa at kinuha ko ang isang envelope na
naglalaman ng kaniyang lihim.
Inilabas ko ang laman nito na ipinagtaka ng lahat. "Naaalala mo pa ba
ang X-ray na ito? Ito lang naman ang patunay na wala ka na talagang paa. Naputol
iyan noong nalaglag ka sa hagdanan nung magpakita sayo si Ate Helga. Halos mabaliw
ka pa nga noon hindi ba?" Pambubuska ko sa kaniya.

Nagulat siya at wari mo'y natuod sa kaniyang kinalulugdan. Batid kong


nagtataka rin sina Mark, Ethan at Roxette sa kung ano ang nais kong ipahiwatig kaya
hindi ko na hinayaang magsalita pa sila.

"Yup, tama ang inyong iniisip. Si Agatha ang may pakana kung bakit
binaboy ng mga kaklase nila si Ate Helga. Mas matanda sa atin si Agatha ng dalawang
taon. Sa librong isinulat ni Ate Helga, nakalakip doon ang hinanakit niya kay
Agatha kaya naman nagresearch ako patungkol kay Agatha. Noong naputulan siya ng
paa, nilisan niya ang ating bansa para makarecover siya sa traumang naidulot sa
kaniya ni Ate Helga. Sa ibang bansa, doon siya nagpagawa ng artificial na paa at
isang taon siyang namalagi roon. Nang bumalik siya sa ating bansa, nag-aral siyang
muli at naging kaklase nga natin siya." Paliwanag ko. Hindi makapaniwala sina Mark,
Ethan at Roxette sa ibinulgar kong lihim ni Agatha.

"It's all my fault, sorry guys. Kung hindi ako na-inggit noon kay
Helga, hindi siguro siya magpapakamatay. Ngayon, nadamay pa kayo sa kasalanan ko.
Xiara, buhayin mo sila. Ako na lang ang patayin mo please!" Pagsusumamo niya.

Nilapitan ko siya at tinanggal ang artificial niyang paa kaya naman


nagulat ang lahat dahil totoo ang lahat ng tinuran ko.

"Sorry Agatha, I can't grant your wish. Alam kong nagkaroon ka ng


phobia, at ito ang gagamitin ko sayo para patayin ka. Haha!" Ani ko.

Biglang sumulpot si Ate Helga sa kaniyang harapan at mistulang


nanlilisik ang kaniyang mga mata. Sinugod niya si Agatha dahil poot na poot siya
rito. Hindi pa siya nakakalapit dito, ay tuluyan nang namaalam si Agatha.

"Paalam. XENOPHOBIA ang deathword niya." Sambit ko.

"Agatha! Anong nangyari sa kaniya? Hindi naman siya inatake ni Helga


ah?" Nagugulumihanang tanong ni Ethan.

"Hindi ko pala nasabi sa inyo na may sakit siya sa puso. Bawal siyang
masindak dahil sa phobia niya. At alam kong si Ate Helga lang ang makakagawang
sumindak sa kaniya." Paliwanang ko.

Naglahong muli si Ate Helga at pawang bang naglalaban sila ni Ate


Ethel.

"At dahil tatlo na lamang kayo, ikaw na ang isusunod ko Ethan." Sambit
ko habang naglalakad papalapit dito.
"Ethan!" Sigaw ni Roxette kahit na hinang-hina na at hindi na halos
makagalaw sa kinaroroonan niya. Poor Roxette.

"Roxette, tandaan mo, mahal na mahal..." Hindi na natapos ni Ethan ang


kaniyang sasabihin dahil pinutol ko kaagad ang mga taling nakabalunbon sa may itak
at sabay-sabay itong nagbagsakan sa kinararatayan nito.

"Ethan!" Paimpit na sigaw ni Roxette habang nagsusumamo sa kaniyang


kinalugmukan.

Ang unang itak ay bumaon sa kaniyang ulo. Ang sumunod naman ay sa


kaniyang dibdib, ang iba'y nagsibagsakan sa kaniyang katawan. Nagmukha siyang
tinuligsang baboy ramo sa itsura niya ngayon.

"Hahaha! Dalawa na lang kayo! Paano ba iyan? Mukhang sa akin mapupunta


ang huling halakhak? Hahaha!" Panunuya ko.

"Ang death word niya ay ZODIAC. At dahil Libra siya, balance lang dapat
ang kamatayang ipataw ko sa kaniya. Akalain mo iyon, naka-align talaga yung mga
itak sa kaniyang katawan. Balance na balance! Haha! Ang galing ko talaga!" Ani ko.

"Kahibangan! Mukha ngang malakas ang saltik mo sa ulo! Alam mo, bilib
ako sayo dahil ang galing mong umarte! Dapat nag-artista ka na lang hindi
Inhinyero!" Paratang ng nagngingitngit na si Mark.

Aba, kung hindi ko lang siya napipisil, baka kanina ko pa winakasan ang
buhay niya! Barumbado! Walang galang! Lapastangan!

"Sabihin mo na ang lahat ng nais mong sabihin! Tutal, nahalikan na kita


at ako ang iyong first kiss, Masaya na ako. Atleast, nakuha ko na ang gusto ko
sayo. Alam mo ba ang purpose kung bakit ka may planggana sa may paa? Dahil iyan ang
magdudulot ng iyong katapusan." Paliwanag ko at kinuha ko ang isang galong tubig at
ibinuhos sa planggana habang nakasawsaw ang paa niya. Binuhusan ko na rin ng tubig
ang kaniyang katawan.

"T-tama na p-please!" Pautal-utal na sambit ni Roxette. Bilib ako sa


kaniya dahil kahit na papaano ay may nahuhugot pa rin siyang lakas para
makapagsalita.

"Face your death Mark." Pang-uuyam ko at nilapag sa may sahig ang


dalawang power supply. Ikinabit ko ang alligator cliff sa kaniyang magkabilang paa,
habang yung dalawa naman ay sa kaniyang magkabilang kamay.

"Argh!" Pagwawala niya ngunit hindi na siya makapalag pa.

"Your death word is VOLTAGE. Haha!" Wika ko at binuksan ko na ang power


supply at ito'y itinapat ko sa 220 Volts haha! At dahil dalawa iyon, 440 Volts ang
total haha!

"Ahhh!" Sigaw niya habang unti-unti siyang tinutusta nito.

"Mark.." Mahinang sambit ni Roxette at biglang tumulo ang masagang luha


na kanina niya pa pinipigilan.

"Paano ba iyan Roxette? Ikaw na lang ang natitira? Lalaban ka pa ba?"


Panunuya ko habang hawak-hawak siya sa kaniyang buhok.

"Sabi ni Ethel, ako na lang daw ang pag-asa para mapatigil kita. Pero
hindi ko alam kung paano kita pipigilan. Ngayon, pinanghihinaan na ako ng loob kaya
nais ko na ring tanggapin na talo na kami, at ikaw na ang panalo." Mahina niyang
sambit habang nakangiti pa ng nakakaloko. Dahil doon, sinampal ko siya na
magkalutong-lutong dahil sa pang-uuyam niya sa akin.

"Ang lakas pa ng loob mo para ngitian ako ng ganiyan! Mamamatay ka na


pero nakangiti ka pa rin! Huwag mo nga akong pinaglololoko!" Sigaw ko sabay tadyak
sa kaniyang tagiliran.

Ewan ko ba, bakit ganito ang nararamdaman ko? Pakiramdam ko ay ako pa


ang talo? Bakit?

"Kung mamamatay man ako sa kamay mo, masaya ako kasi magkakasama pa rin
kami sa langit kapag nagkataon. Hindi ko sila iniwan na ako lang ang mabubuhay.
Naging magkakaibigan pa tayo kung mag-iiwanan lang din hindi ba? Alam kong
kahibangan ang naiisip ko pero nasaya ako, kasi nakilala ko kayong lahat ng
lubusan." Pahayag niya habang nakahiga sa sahig.

"Tampalasan! Huwag mo akong tuyain! Dapat sayo, mamatay!" Panggigigil


ko at kinuha ang bagay na tatapos sa kaniyang buhay.

"Naging kaibigan kita pero hindi iyon sapat para buhayin kita. Ang
death word mo ay YARN kaya mamaalam ka na. Paalam na, Roxette!" Sambit ko at
sinakal ko siya gamit ang yarn na hawak ko. Hindi siya nagpumiglas man lang at
nakangiti pa siya habang sinasakal ko siya.

Nang siya'y matigok, naging matagumpay na ako sa plano ko. Pero bakit
ganun? Hindi ako masaya kahit na nakaganti na ako sa kanila? Gaya pa rin ng dati,
pakiramdam ko ay ako pa rin ang talunan.

Isang letra na lang at mabubuo na ang Alphabet of Death. I need to kill


myself.

Sa pagtayo ko sa pagkakasalampak sa sahig, nagulat ako dahil


nakapalibot ang lahat ng kaluluwa ng mga kaklase ko sa akin. Silang lahat ay
nakapaikot sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil aaminin ko, natatakot ako!

"Kill yourself." Bulong sa akin ng isang tinig. Nang magpalinga-linga


ako, katabi ko si Ate Helga at si Ate Ethel naman ay kasama ng mga kaklase kong
nakapalibot sa akin.

Nang dahil sa galit, nakagawa ako ng maling desisyon. Batid kong galit
na galit sa akin ang mga kaklase kong pinatay ko nang walang pakundangan.

Papalapit na sila ng papalapit sa akin kaya nagpanic ako. Dali-dali


kong tinungo palabas ang bodega. Kasabay nito, ang pagsapit ng dilim na lumukob sa
paligid. Hindi ko alam kung saan ako paparoon kaya takbo lang ako nang takbo.
Nakarating ako sa may kagubatan at nadatnan ko roon ang isang balon.

"Para matigil na itong delusyon ko, kailangan ko ng kumpletuhin ang


letrang sa Alphabet of Death. W is my letter. And WELL is my death word. Goodbye
Philippines, and goodbye world." Pahayag ko at tinalon ko ng walang pag-aalinlangan
ang loob ng balon.

***

Sa pagkakakumpleto ng Alphabet of Death, bigla itong nagliwanag. Axe,


Beheaded, Chainsaw, Driller, Eyes, Fire, Gun, Hammer, Intestine, Jar, Kidney,
Leech, Microwave Oven, Nail, Organ, Poison, Queen, Rape, Suicide, Throat, Utak,
Voltage, Well, Xenophobia, Yarn and Zodiac.

Isang kaluluwa ang biglang lumabas mula rito. Nanlilisik ang kaniyang
mga mata, at kakila-kilabot ang kaniyang itsura.

"I am Free! Haha!"

Who'll gonna be the next victim?

----Wakas----

Salamat sa pagbabasa! I hope nag-enjoy kayo kahit papaano. Kita-kits na lang sa


Book 2 entitled The Return Of ABaKaDa. Punta na lang po kayo sa profile ko kung
gusto ninyo iyong basahin. Muli, maraming salamat sa inyong lahat! God Bless!

Maaari mo akong i-add sa facebook kung trip mo. Search mo lang, Ethan Elmo Santos.

All Rights Reserved.


Copyright © risingservant

You might also like