You are on page 1of 2

FIRST SEMI – QUARTERLY EXAMINATION

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5
S.Y. 2022 – 2023

Pangalan: _____________________________________________ Petsa: __________


Baitang: __________ Iskor: ___________

A. Basahing mabuti ang mga pahayag. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay nangangahulugan ng pagiging mulat sa mga panganib na dala ng maling


impormasyon.

A. pagiging matapat B. pagiging mapanuri C. pagiging mabait

2. Ano ang kabutihang naidudulot ng pagiging mapanuri?

A. Nagkakaroon tayo ng kaaway.


B. Nakatutulong ito sa pagsusuri kung katiwa-tiwala at totoo ang impormasyong
pinanggalingan.
C. Nakatutulong ito sa atin sa pagkakaroon ng kaalaman saan man ito nanggaling.

3. Anong katangian mayroon ang isang taong mapanuri?


A. Ang taong mapanuri ay nag-iisip nang Mabuti.
B. Agad-agad naniniwala sa mga impormasyong natanggap at nabasa.
C. Walang pinaniniwalaan.

4. Paano nakatutulong ang masusing pagusuri at pagkilatis ng mga impormasyon mula sa


mga nababasa, napakikinggan, at npapanood?

A. Ito ay nakatutulong nang malaki upang makagawa ng angkop at wastong desisyon.


B. Ito ay nakatutulong nang malaki upang makagawa ng desisyon na pagsisisihan sa
huli.
C. Ito ay nakatutulong nang malaki upang makagawa ng mali at makasariling desisyon.
5. Bilang isang mag-aaral, bakit kailangang malinang ang kakayahan na pagiging
mapanuri?
A. Upang matiyak ang mabuti at di mabuting maidudulot ng mga impormasyon.
B. Upang magkaroon ng madaming kaibigan.
C. Upang maging lider ng paaralan.
6. Alin sa mga sumusunod ang angkop na paraan upang makatiyak na wasto ang pasyang
gagawin?
A. Mahalaga na ang pagkukunan ng impormasyon ay tama.
B. Mahalaga na ang pagkukunan ng impormasyon ay mapagkakatiwalaan.
C. A at B

7. -10. Magbigay ng apat (4) na mabisang pagkukunan ng mapagkakatiwalaan at wastong


impormasyon. Isulat sa kahon ang iyong sagot.
B. Sino sa mga sumusunod na mga bata ang mapanuri? Suriin kung tama o mali ang
mga sumusunod.

________1. Iniisip ko muna kung totoo ba o hindi ang mga balitang aking
napakikinggan.
________2. Naikokompara ko ang tama at mali sa aking nabasa sa pahayagan at
internet.
_________3. Isang halimbawa ng mapanuring pag-iisip ay basta-basta na lang
maniniwala sa mga nakikita, nababasa, o napapakinggan.
_________4. Ang mapanuring pag-iisip ay paglalaan mo ng malalim na pagsusuri sa
mga ibinibigay na impormasyon.
_________5. Ang palaging tanggap nang tanggap ng mga impormasyon na nababasa,
nakikita o napakikinggan ay pagiging mapanuring pag-iisip.

C. Lagyan ng tsek (/) kung tama ang isinasaad ng bawat pangungusap at


nagpapahayag ng matalinong pagpapasya, Lagyan ng X kung hindi.

________1. Nakikiayon sa pasiya ng nakararami para sa ikaaayos ng suliranin.


________2. Nagagalit kapag hindi pumapanig sa gusto niyang mangyari ang mga
kagrupo.
________3. Iniisip ang mga sasabihin bago magsalita upang hindi makasakit ng
damdamin.
________4. Mahinahong makisama sa mga kagrupo.
________5. Inuunawa ang opinion ng iba.

D. Sagutin ang sumusunod na tanong. (5pts)


Anong pasya ang dapat mong gawin kung nagbigay ng impormasyon ang iyong
kaklase tungkol sa inyong proyekto ngunit hindi ka sigurado kung ito ay tama at
magpagkakatiwalaan ang kanyang pinagkunan?

You might also like