You are on page 1of 5

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 6

Ika-16 ng Pebrero, 2024

I. Layunin
Sa katapusan ng 40 minutong aralin, inaasahang matatamo ng mga mag-aaral
ang 85% na tagumpay sa sumusunod:

 Nasusuri ang mga suliranin at hamon sa kasarinlan at pagkabansa ng mga Pilipino sa ilalim ng
Batas Militar.
 Naiisa-isa ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa pagtatakda ng Batas Militar.
 Nakabubuo ng konklusyon ukol sa epekto ng Batas Militar sa politika, pangkabuhayan, at
pamumuhay ng mga Pilipino.

II. Paksang Aralin


Paksa
- Suliranin at hamon sa kalayaan at karapatang pantao ng Batas Militar
(AP6TDK-IVa-1)

Sanggunian
- https://lrmds.deped.gov.ph/detail/24800
- https://www.academia.edu/36898893/Araling_Panlipunan_Curriculum_Guide
- https://grade6.modyul.online/araling-panlipunan-ikaapat-na-markahan-modyul- 1-mga-
suliranin-at-hamon-sa-ilalim-ng-batas-militar/#gallery-page-4

Kagamitan
- Visual Aids, PowerPoint Presentation

III. Proseso ng Pagkatuto (Pamamaraan)


Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Pagbabalik-Aral

“Bago tayo pumunta sa ating bagong aralin, sino


sa inyo ang makapagsasabi sa akin kung ano ang
ating napag-aralan noong nakaraang araw?”

“Sige, Ella. Ano ang tinalakay natin noong “Ako po!”


nakaraang araw?”

“Mga naging pangulo po ng ating bansa noong


“Magaling! SIno-sino nga ulit sila, Angela?” 1946 hanggang 1972.”

“Sila po ay sina Manuel Roxas, Elpidio Quirino,


Ramon Magsaysay, Carlos Garcia, Diosdado
Macapagal, at Ferdinand Marcos po.”
“Mahusay! Tama lahat ang inyong mga
kasagutan.”

B. Pagtalakay sa Paksa

“Ngayon naman ay dadako tayo sa ating bagong


talakayan. Ang ating aralin ay patungkol sa
Suliranin at hamon sa kalayaan at karapatang
pantao ng Batas Militar.”

“Sabay-sabay po nating basahin ang ating layunin


sa pisara.”
*Binasa ang mga sumusunod na layunin*

“Mga bata, maaari niyo bang sabihin sa akin kung


sino ang nasa larawan?”
“Ako po!”
“Sige nga, Lanel.”
“Si Ferdinand Marcos po.”
“Magaling! Siya ang ika sampung pangulo ng
Republika ng Pilipinas. Siya si Ferdinand Marcos
at siya ang nagdeklara ng Batas Militar. Idineklara
ito noong Setyembre 23, 1972.”

Ano nga ba ang Batas Militar?

Isang sistema ng mga patakaran na nagkakaroon


ng bisa kapag ang mga militar ay nagkakaroon ng
malakas na kapangyarihan sa pamahalaan ng
bansa.

Ipinataw ni Pangulong Marcos ang batas militar


sa bansa mula 1972 hanggang 1981 upang
sugpuin ang tumataas na hidwaan sibil at banta ng
isang pag-takeover ng komunista kasunod ng
isang serye ng pambobomba sa Maynila. Kapag
may bisa ang batas militar, ang kumander ng
militar ng isang lugar o bansa ay walang
limitasyong awtoridad na gumawa at magpatupad
ng mga batas.
Kailan idineklara ang Batas Militar?

Noong Setyembre 21, 1972 ay naging opisyal na


petsa na itinatag ang batas militar at ang araw na
nagsimula ang diktadurang Marcos. Pinayagan din
nito si Marcos na kontrolin ang kasaysayan sa
kanyang sariling mga termino.

Sa pagdeklara ng Batas Militar, mayroon itong


maganda at hindi magandang epekto.

Anu-ano ang mabubuting epekto ng Batas Militar


sa ating bansa?

 Disiplinadong mamamayan
 Malinis na daan
 Mababang kriminalidad

Anu-ano ang naging negatibong epekto ng Batas


Militar?

 Pang-aabuso ng militar sa kapangyarihan


 Nasisiil ang karapatang pantao ng ilang
mamamayan
 Kawalan ng kakayahang magpahayag
C. Paglalahat

“Malinaw po ba ang ating talakayan ngayong


araw?”
“Opo!”
“Ano nga ulit ang ating napag-aralan?”
“Suliranin at hamon sa kalayaan at karapatang
pantao ng Batas Militar po.”
“Mahusay! Ano nga po ulit ang Batas Militar?”

“Isang sistema ng mga patakaran na nagkakaroon


ng bisa kapag ang mga militar ay nagkakaroon ng
malakas na kapangyarihan sa pamahalaan ng
bansa.”
“Tama! Sino naman ang nagdeklara nito?”

“Magaling! Kailan naman ito idineklara?” “Si Ferdinand Marcos po.”

“Magaling, mga bata! Tama lahat ang inyong mga “Noong Setyembre 21, 1972 po.”
kasagutan. May mga katanungan pa ba kayo?”

“Wala na po.”

D. Pagsasanay

Pumili ng kapareha at sagutin ang mga


sumusunod na katanungan.

1. Nakabuti ba ang pagdeklara ni Pangulong


Marcos sa Batas Militar?

2. Sa ilalim ng Batas Militar, nagkaroon ba ng


karapatan ang mga Pilipino na ipahayag ang
kanilang mga opinyon? Bakit?

E. Pagtataya

Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Isulat ang T


kung wasto ang ipinahayag nito at M naman hindi
wasto ang ipinahayag. Isulat sa sa papel ang sagot.

____ 1. Sa ilalim ng Batas Militar, nagkaroon ng


karapatan at kalayan ang mga mamamayan.

____ 2. Idineklara ang Batas Militar noong


Setyembre 22, 1972.

____ 3. Si Pangulong Ferdinand Marcos ang


nagdeklara ng Batas Militar.

____ 4. Nabawasan ang kriminalidad sa lipunan


dahil sa Batas Militar.

____ 5. Naging disiplinado ang mga mamamayan


dahil sa Batas Militar.

IV. Takdang Aralin


Isulat sa kwaderno.
Panuto: Ano sa tingin mo ang iba pang naging epekto ng Batas Militar sa
pangkabuhayan at pamumuhay ng mga Pilipino? Naging maunlad kaya ang ating
Ekonomiya? Ipaliwanag.

Inihanda ni:
Capinig, Rowena D.
Gurong Nagsasanay

Sinuri ni:
Garcia, Ariel
Gurong Tagasanay

You might also like