You are on page 1of 4

ESP 4

SUMMATIVE TEST NO. 1


3RD QUARTER

Pangalan: _____________________________________________ Iskor: __________

I. Iguhit ang masayang mukha ( 😊 ) kung ang gawain ay nagpapakita ng


pagmamalaki o pagpapahalaga sa kultura ng pangkat etniko at malungkot na

mukha ( ☹ ) kung hindi.

________1. Kumain si Christoper ng Durian kahit di kaaya-aya ang amoy nito.


________2. Piniling lutuin ni Sally ang ginataang gulay na ipinagmamalaki ng mga Bicolano kaysa
Pochero.
________3. Pinagtawanan ni Khail ang mga batang nakabahag habang naglalaro
ng basketbol.
________4. Inaawit ni Gerald ang Manang Biday kahit siya ay isang Kapampangan.
________5. Bumili si Charles ng Piyaya na gawang Ilonggo upang ipasalubong sa kaniyang kamag-anak.
________6. Itinapon ni Chelsey ang Bakol na ibinigay ng kaniyang kaibigang Ivatan.
________7. Hiningi ni Juliet ang resipi ng Kare-kare upang gayahing iluto sa kaniyang tahanan.
________8. Iginuhit ni Karl ang dekorasyong Sarimanok kahit siya’y Bikolano ________9. Tumulong si
Marie sa paghahanda ng Tibuk-tibuk, isang ipinagmamalaking kakanin ng mga Kapampangan.
________10. Kahit hindi isang Subanen, nagsanay si Dang upang matutunan ang paghahabi ng basket gamit
ang rattan.

II. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

_____11. Ano sa sumusunod ang batas na nagpapanatili ng kaayusan at pangangalaga sa kapaligiran ang
dapat ipasunod sa ilog na malinis?
a. Huwag magtapon ng basura
b. Tumawid sa tamang tawiran
c. Iwasan ang pagtapak sa damuhan
_____2. Ano sa sumusunod ang batas na pagpapanatili ng kaayusan at pangangalaga sa kapaligiran ang
pinaiiral sa mga parke?
a. Manatiling tahimik sa lahat ng oras
b. Tumawid sa tamang tawiran
c. Iwasan ang pagpitas ng mga halaman at bulaklak
_____3. Anong batas sa pagpapaganda ng kapaligiran sa inyong paaralan ang dapat mong sundin?
a. Manatiling tahimik sa lahat ng oras
b. Iwasan ang pagtapak sa damuhan
c. Basura Mo, Pakibulsa Mo
_____14. Ano ang hindi mo dapat gawin bilang isang mamamayang may disiplina
upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng kapaligiran?
A. Sumunod sa mga batas na may kinalaman sa kapaligiran.
File created by DepEd Click.
B. Madalas na pagtapon ng basura sa kanto kung saan dumadaan ang trak
ng basura.
C. Paghihiwa-hiwalay ng nabubulok na basura at pagresiklo ng mga
patapong bagay.
_____15. Madalas ninyong nararanasan ang pagbaha sa inyong lugar. Ano kaya
ang dahilan kung bakit nangyayari ito?
a. Talagang mas malakas na ang buhos ng ulan sa ngayon.
b. Maling paraan ng pagtatapon ng basura na bumabara sa mga kanal.
c. Tinatakpan ng mga tao ang mga estero o kanal.
_____16. Naglalakad ka pauwi galing sa paaralan nakita mo ang iyong kamag-aral
na namimitas ng bulaklak sa parke kahit may karatula na nakalagay na
“Bawal Pumitas ng Bulaklak”. Ano ang iyong gagawin?
a. Pababayaan ko siya sa kaniyang pamimitas.
b. Babawalan ko siya at sasabihin na mali ang kaniyang ginagawa.
c. Sasamahan ko siya sa pamimitas ng bulaklak.
_____17. Ang sumusunod ay nagpapakita ng pangangalaga sa kapaligiran maliban
sa isa.
a. Paglahok sa Clean and Green Project sa inyong barangay.
b. Pagsama sa pag-aalis ng basura sa ilog na programa ng inyong barangay.
c. Pagsuporta sa pagpuputol ng mga puno sa kabundukan.
_____18. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa
kapaligiran?
a. Pagtatanim ng mga puno, gulay at halaman sa bakuran.
b. Pagtatapon ng basura sa ilog tuwing madaling araw.
c. Paglilinis ng kapaligiran tuwing may nakakakita lamang.
_____9. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng may disiplina sa
pangangalaga sa kalikasan kahit walang nakakakita?
a. Si Janelle na nagwawalis sa loob ng silid-aralan tuwing nakatingin
lamang ang kaniyang guro.
b. Si Jan na araw-araw nagdidilig at nagtatanim ng halaman sa hardin ng
paaralan kahit hindi siya ang dapat gumagawa niyon.
c. Si Lerish na namumulot ng basura dahil nakikita ng punong-guro.
_____20. Alin sa mga barangay ang hindi nagpapakita ng pangangalaga sa
kapaligiran?
a. Barangay Masinop na sama-sama sa paghihiwa-hiwalay ng mga basura.
b. Barangay Malinis na tulong-tulong sa paglilinis ng kanal at kapaligiran
para sa paghahanda tuwing tag-ulan
File created by DepEd Click.
c. Barangay Pag-asa na nagtatambak ng kanilang basura sa bakanteng lote.

KEY:

1. 😊

2. 😊

3. ☹

4. 😊

5. 😊

6. ☹

File created by DepEd Click.


7. 😊

8. 😊

9. 😊

10. 😊
11. A
12. C
13. C
14. B
15. B
16. B
17. C
18. A
19. B
20. C

File created by DepEd Click.

You might also like