You are on page 1of 3

PAHINTULOT PARA SA MGA KALAHOK SA PANANALIKSIK

Ang pahintulot na ito ay para sa mga kalahok ng pananaliksik na may pamagat na “Knowledge, Attitude, and
Practices of Community Pharmacist Towards Electronic Drug Price Monitoring System (EDPMS) in Tarlac City”

Catacutan, Chezka Lyka R.

Emata, Jeanadine Keith Y. Roma Joy L. Esteban-Santos, RPh

Espinosa, Gerlie Anne G. Tagapayo

Macaspac, Jelai V.

Salarzon, Michelle P. Kathrizza T. Mabutas, RPh

Tuazon, Mia Joy M. Tagapayo

Mga Mananaliksik Officer in Charge, Department of Pharmacy

Ang pahintulot na ito ay may dalawang bahagi:


Bahagi I: Talaan ng Impormasyon (Kaalaman ukol sa saliksik)
Bahagi II: Katibayan ng Pahintulot (Lagda ng mga respondenteng lalahok sa saliksik)
Bahagi I: TALAAN NG IMPORMASYON
Panimula Kami, ang mga mag-aaral sa Ikatlong taon sa Kolehiyo ng Pharmacy sa Central Luzon
Doctor’s Hospital- Educational Institution, Inc. ay nagsasagawa ng isang saliksik na may
pamagat na Knowledge, Attitude, and Practices of Community Pharmacist Towards
Electronic Drug Price Monitoring System (EDPMS) in Tarlac City. Ang inyong
pakikilahok sa saliksik na ito ay napakahalaga dahil sa mga pananaw, hamon at
oportunidad sa pagpapatupad at paggamit ng EDPMS sa ating lokal na larangan sa
parmasya.
Layunin ng Ang aming layunin ay suriin at alamin ang kaalaman, pananaw, at mga kilos ng mga
Pananaliksik parmasyutikong komunidad kaugnay ng Electronic Drug Price Monitoring System
(EDPMS) sa Lungsod ng Tarlac. Ang layunin ng aming pag-aaral ay upang makilala ang
mga lugar ng pagpapabuti at magbigay ng mga rekomendasyon para mapabuti ang
kabisaan ng sistema.
Pagpili sa mga Ang saliksik na ito ay gumamit ng simple random sampling technique sa pagkuha ng mga
Respondente respondente. Ang iyong pakikibahagi sa saliksik na ito ay inaasahan dahil naniniwala
kami na ang inyong pakikilahok ay may malaking maitutulong sa pag-aaral na ito.
Inaasahan na ang inyong pagtanggap ay magbibigay ng mahahalagang kaalaman ukol sa
mga hamon at posibilidad na kaugnay sa pagpapatupad at paggamit ng EDPMS.
Kusang Ang pakikilahok sa aming saliksik ay pawang opsyonal lamang. Mayroon kayong
Pakikilahok karapatang magpasya kung kayo ay makilalahok. Kung nagpagpasiyahan ninyong
makilahok, kailangan ninyong lagdaan ang aming katibayan ng pahintulot. Gayunpaman,
kayo ay may karapatang bawiin o tanggihan ang inyong pakikilahok kahit pagkatapos
ninyong lagdaan ang amin pahintulot. Pakatatandaan na ang mga impormasyong naibigay
bago bawiin ang pahintulot ay patuloy pa ring magagamit sa aming saliksik. Isang
talasagutan para pagbawi sa pakikilahok ang ibibigay para sa dokumentasyon.
Pamamaraan Kung napagpasiyahang lumahok sa aming saliksik, mabibigyan kayo ng talatanungan na
naglalaman ng mga katanungan tungkol sa kaalaman, pananaw, gawi, at hamon ukol sa
EDPMS. Ang saliksik na ito ay kabibilangan ng walongpu’t anim na licensed community
pharmacists bilang mga respondente.
Panahong Itatagal Ang panahong itatagal ng ating pakikipag-ugnayan ay magtatagal lamang nang hindi
hihigit sa sampung (10) minuto.
Kapakinabangan Ang inyong pakikilahok ay makatutulong upang matutuhan pa ang kabisaan sa paggamit
ng EDPMS at kung paano ito nakatutulong sa pagsulong ng drug transparency sa
industriya ng pharmaceutical.
Kapalit Kayo ay hindi mabibigyan ng kahit na anong kapalit ang pakikilahok sa aming saliksik.
Katibayan ng Pahintulot
Kumpidensyalidad Ang mga datos na inyong ibinigay ay mananatiling kumpidensyal at pawang mga
mananaliksik ̶ Chezka Lyka Catacutan, Jeanadine Keith Emata, Jelai Macaspac,
Michelle Salarzon, and Mia Tuazon, at kanilang tagapayo sa pananaliksik lamang
ang makakakita. Ang inyong mga tugon ay mananatiling walang pagkakailalan sa
pamamagitan ng pagbabago ng mga pangalan at pag-iba nang mga impormasyong
makakatulong upang kayo ay matukoy. Ang lahat ng mga nalipong datos ay
gagamitin lamang sa saliksik na ito at mapapanatiling kumpidensyal. Para sa
pagtiyak sa inyong pribadong impormasyon, ito ay tatanggalin matapos ang
pangangalap ng datos.
Pagbabahagi ng Ang aming tungkuling ibahagi ang kinalabasan ng aming saliksik ay nasisigurong
Kinalabasan ng magiging bukas sa publiko tungkol sa kaalaman, pananaw, at gawi sa komunidad ng
Saliksik mga parmsyutiko patungo sa Electronic Drug Price Monitoring System (EDPMS) sa
Lungsod ng Tarlac. Nilalayon naming magkaroon ng lathala ang aming pag-aaral sa
mga kilalang pahayagan tulad ng Journal of Basic and Clinical Pharmacy, Journal
of Health-System Pharmacy, and Journal of Research in Pharmacy Practices.
Bukod dito, ang mga mananaliksik na kasangkot sa pag-aaral na ito ay susunod din sa
mga prinsipyo ng responsibilidad at kahusayan.
Karapatang Tumanggi Kung pinili mong huwag makilahok sa saliksik na ito, buong puso naming igagalang
at Bawiin ang iyong desisyon. Mayroon kang kalayaang bawiin ang iyong pakikilahok aumang oras
Pakikilahok nang walang iniiwang obligasyon. Gayunpaman, ang datos na nakalap mula sa inyo
hanggang sa puntong iyon ay magagamit pa rin bilang bahagi ng pag-aaral. Upang
maging opisyal ang iyong pagbawi sa pakikilahok, kami ay magbibigay ng
talasagutang naglalaman ng iyong pagbawi sa paglahok upang ipahayag na ang mga
datos na nakalap mula sa inyo ay mananatiling bahagi ng pag-aaral at hindi maaaring
alisin.
Para sa Katanungan Kung may anumang mga pahayag na hindi naging malinaw sa inyo, mangyaring
huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa sinoman sa mga mananaliksik na kasali sa
pag-aaral na ito. Sila ay handang magbigay ng karagdagang paliwanag at
impormasyon. Maaring makipag-ugnayan sa amin sa:
0910-219-3103 (Michelle Salarzon)
0961-452-1231 (Mia Tuazon)
BAHAGI II: KATIBAYAN NG PAHINTULOT

Ako ay naimbitahang lumahok sa pananaliksik na pinamagatang Knowledge, Attitude, and


Practices of Community Pharmacist Towards Electronic Drug Price Monitoring System
(EDPMS) in Tarlac City.
Nabasa ko ang mga impormasyong nakasaad, o ito ay binasa sa akin. May pagkakataon akong
nagtanong tungkol dito at ang lahat ng mga tanong na aking tinanong ay nasagot nang naaayon
sa aking kaluguran. Kusang-loob kong pinapayagan ang aking sarili na makilahok sa pag-aaral
na ito bilang isang respondente.
Lagda ng Kalahok: Araw na Nilagdaan: _______________________
DD/MM/YYYY

Pahayag ng Mananaliksik sa pagkuha ng Pahintulot:


Binasa ko nang walang kamalian ang Talaan ng Impormasyon ng potensyal na kalahok, at sa
abot ng aking makakaya, upang masigurong ang mga kalahok ay lubos na naiintindihan ang
kanilang inaasahang gagawin sa saliksik.
Pinatototohanan ko na ang kalahok ay nagkaroon nang pagkakataon na magtanong tungkol sa
pag-aaral at na ako ay sumagot ng lahat ng mga tanong nang tapat at sa abot ng aking kakayahan.
Pinatotohanan ko na ang pahintulot ng kalahok ay ibinigay ng kusa at boluntaryo at hindi ito
napilitan.
Pangalan ng Mananaliksik: ______________________________

Lagda ng Mananaliksik: Araw na Nilagdaan: ______________________


DD/MM/YYYY

You might also like