You are on page 1of 11

ASPEKTO NG

PANDIWA
FILIPINO 4
NAGANAP
(PERPEKTIBO)
aspekto o panahunang nagpapakita
na ang pandiwa ay natapos na o
nangyari na.
HALIMBAWA

kumain naglakad
tumalon kumanta
umiyak sumayaw
lumapit nagtanong
NAGAGANAP
(IMPERPEKTIBO)
aspekto o panahunang nagpapakita
na ang pandiwa ay kasalukuyang
nangyayari o palaging ginagawa.
HALIMBAWA

kumakain naglalakad
tumatalon kumakanta
umiiyak sumasayaw
lumalapit nagtatanong
MAGAGANAP
(KONTEMPLATIB0)
aspekto o panahunang nagpapakita
na ang pandiwa ang pandiwa ay
manyayari pa lang o gagawin pa
lang.
HALIMBAWA

kakain maglalakad
tatalon kakanta
iiyak sasayaw
lalapit magtatanong
SUBUKIN NATIN:
NAGANAP NAGAGANAP MAGAGANAP

nadapa
naghuhugas
lalangoy
nagluto
nanunuod
SUBUKIN NATIN:
Panuto: Tukuyin ang pandiwa at aspekto ng pandiwa batay sa
panlaping idinagdag at gamit sa pangungusap.
1. Ako ay mag-aaral mamaya para sa aking pagsusulit.
2. Si nanay ay nagtiklop ng damit kaninang umaga.
3. Binabasa ko ngayon ang aklat na binigay mo.
4. Ingatan mo ang iyong ginuhit baka mapunit iyan.
5. Sila Mark at Lim ay tumakbo sa plaza kanina.
PAGSASANAY:
Panuto: Tukuyin ang pandiwa na bubuo sa pangungusap. Pumili
sa loob ng panaklong.
1. Minamasdan ni Lola ang mga apo niyang (naglaro, naglalaro,
maglalaro) sa bakuran.
2. Humingi ng meryenda si Lexi kanina kaya (binigyan, binibigyan,
bibigyan) ko siya ng tinapay.
3. Ang tatay mo ay (tumawag, tumatawag, tatawag) bukas nang alas
otso.
PAGSASANAY:
Panuto: Tukuyin ang pandiwa na bubuo sa pangungusap. Pumili
sa loob ng panaklong.
4. Maghanda na kayo at (binasa,binabasa, babasahin) natin ang
unang aralin.
5. Magsisimba ako bukas. (sumama, sumasama, sasama) ba
kayo sa akin?

You might also like