You are on page 1of 7

Pagpapakahulugan ng Kaugnayan ng Wika at Pananaliksik sa Kaunlaran ng Bansa: Isang

Kritikal na Pagsusuri

Sa pag-unlad at pag-usbong ng isang bansa, mahalaga ang papel ng akademya at ng mga


mananaliksik sa pagpapalakas ng kaalaman at pag-unlad ng lipunan. Isang mahalagang aspeto ng
pagsulong na ito ay ang paggamit ng wika sa pananaliksik, partikular na ang paggamit ng wikang
Filipino (Demetrio & Felicida, 2018).

May malalim na kaugnayan ang wika, pananaliksik, at internasyonalisasyong akademiko sa pag-


unlad at pagpapalawak ng kaalaman at kasanayan sa iba't ibang larangan (Tan, 2015). Sa
pamamagitan ng wika, nagkakaroon ng pagpapalitan ng impormasyon at ideya sa loob at labas
ng akademikong komunidad.

Kaugnay nito, ang pananaliksik naman ay nagbibigay-daan sa paglikha ng bagong kaalaman at


pagpapalawak ng kamalayan sa iba't ibang aspeto ng lipunan. Samantalang ang
internasyonalisasyon ng akademiko ay nagbubukas ng mga oportunidad para sa pagtuturo, pag-
aaral, at pakikipagtalastasan sa mga pandaigdigang antas, na nagpapalitan ng mga karanasan at
kaalaman sa pagitan ng mga kultura at bansa.

Sa kasalukuyang kapanahunan, hindi nawawala ang komplikasyon, lalo na pagdating sa pagpili


ng wika. Sa kadahilanan na patuloy ang pagbibigay prayoridad sa mga pananaliksik na nasa
wikang Ingles sa halip na sa wikang Filipino, lalo na sa mga komunidad ng akademya sa mataas
na antas ng edukasyon lalo't higit sa mga unibersidad dulot ng mga kaliwa't kanang
memorandum of agreement (Cruz, 2014).

May ilang mga kadahilanan kung bakit patuloy ang pagbibigay prayoridad sa pananaliksik na
nasa wikang Ingles sa ating bansa. Una, ang globalisasyon at internasyonalisasyon ng akademya
ay naglunsad sa pagtataguyod ng wikang Ingles bilang pangunahing midyum ng komunikasyon
at pag-aaral.

Pangalawa, ang pag-aaral sa wikang Ingles ay itinuturing na paraan upang mapalakas ang
internasyonalisasyon ng akademya. Sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga pananaliksik sa
wikang Ingles, mas maraming oportunidad ang nagbubukas para sa mga mananaliksik na
makilala at makapagbahagi ng kanilang kaalaman sa pandaigdigang komunidad ng akademikong
pananaliksik.

Ang konsepto ng pamantasang pansaliksik ay nagmula sa pilosopiyang inilahad ni Wilhelm von


Humboldt sa pagbanggit ni Hohendorf (1993), isang pilosopo at edukador na kilala sa kanyang
ambisyon na itaguyod ang kalayaan sa edukasyon. Sa kanyang pananaw, ang pamantasang
pansaliksik ay hindi lamang naglalayong magturo ng mga mag-aaral kundi higit pang
naghahangad na maging sentro ng paglikha at pagpapalaganap ng kaalaman sa pamamagitan ng
pananaliksik.

Sa konteksto ng pamantasang pansaliksik, ang pananaliksik ay hindi lamang isang karagdagang


gawain kundi isang pangunahing pundasyon ng pagtuturo at pag-aaral. Aktibong sangkot ang
mga guro at mag-aaral sa ganitong uri ng institusyon sa mga proyektong pananaliksik na
naglalayong magkaroon ng kontribusyon sa pag-unlad ng kanilang larangan o disiplina
(Quacquarelli Symonds Limited, 2015).

Ayon sa datos mula sa QS University Rankings: Asia (2014), ang pagpapakita ng kahusayan sa
wikang Ingles ay isa sa mga kriteryo na ginagamit sa pag-antas at pagtataya ng mga unibersidad
sa Asya. Kaya't upang mapanatili ang prestihiyo at mataas na ranggo ng isang unibersidad,
mahalagang magkaroon ng malakas na programa sa wikang Ingles.

Sa kasalukuyan, maraming kilalang pamantasan sa Association of Southeast Asian Nations


(ASEAN), tulad ng sa Singapore, Malaysia, Thailand, at Indonesia, ang nagsusumikap na
maging mga pamantasang pansaliksik. Ang ganitong uri ng pagpapahalaga sa pananaliksik ay
nagbibigay ng malaking bentahe sa kanilang internasyonal na reputasyon at kalidad ng
edukasyon (Quacquarelli Symonds Limited, 2015).

Sa Pilipinas, bagaman may mga institusyon na nagpapakita ng potensyal na maging mga


pamantasang pansaliksik, marami pa rin ang nakatuon lamang sa tradisyonal na pagtuturo. Ang
pagpapalakas ng kultura ng pananaliksik at pagtitiyak na ang mga pamantasan ay may sapat na
suporta at pasilidad para dito ay mahalagang hakbang tungo sa pagiging mga sentro ng kaalaman
at kahusayan sa rehiyon at sa buong mundo.
Dagdag pa dito, ayon ss Database ng Scopus-Elsevie (2015), nagpapakita ng malaking agwat sa
bilang ng publikasyon sa pagitan ng mga pangunahing bansa tulad ng Singapore, Malaysia, at
Thailand, kumpara sa ibang mga bansa tulad ng Pilipinas, Vietnam, at Indonesia. Indikasyon ang
bilang ng publikasyon sa aktibidad sa pananaliksik at kontribusyon ng isang bansa sa larangan ng
akademiko at intelektuwal na pag-unlad.

Ayon sa datos mula sa Scopus- Elsevier (2014), mas maraming journal ang nakarehistro sa
kanilang database na nakasulat sa wikang Ingles kaysa sa Filipino, na nagpapakita ng mas
malawak na saklaw at pagkakataon para sa mga mananaliksik na gumamit ng wikang Ingles.

Kasalungat nito, batay sa datos na ibinigay mula sa pahina ni Demeterio (2015) sa


Academia.edu, mayroong mas mataas na bilang ng pagtingin sa mga sanaysay o papel na isinulat
sa wikang Filipino kumpara sa mga papel na isinulat sa wikang Ingles. Ang datos na ito ay
nagpapakita kung paano tinatangkilik ng mga mambabasa ang mga akda na nakasulat sa iba't
ibang wika.

Una, ang bilang ng sanaysay o papel na isinulat sa wikang Filipino ay 17 habang ang bilang ng
mga papel na isinulat sa wikang Ingles ay 25 lamang. Sa kabila ng mas maraming papel na
isinulat sa Ingles, mas maraming pagtingin ang nakamit ng mga papel na isinulat sa Filipino.

Ikakawa, ang bilang ng pagtingin sa bawat papel ay mas mataas para sa mga akda na nakasulat
sa Filipino kaysa sa mga akda na nakasulat sa Ingles. Ang pangkaraniwang na bilang ng
pagtingin sa mga papel na Filipino ay 739.5, samantalang ang sa mga papel na Ingles ay 61.2
lamang. Ito ay malinaw na nagpapakita ng mas malaking interes at demand para sa mga akdang
nakasulat sa wikang Filipino.

Kaya't hinihikayat ang paggamit ng wikang Filipino sa pananaliksik upang magbigay daan sa
mas malawak na pag-access at partisipasyon ng mga Pilipino sa proseso ng paglikha at
pagpapalaganap ng kaalaman. Ito ay nagpapahayag ng kanilang mga kaisipan at pananaliksik sa
kanilang sariling wika, na nagbubukas ng pinto para sa mas maraming sektor ng lipunan na
makilahok at makabasa ng lokal na mga pag-aaral at pananaliksik.

Bukod dito, ang pagsasalin at paglalagom ng mga pananaliksik mula sa iba't ibang wika patungo
sa wikang Filipino ay nagpapalawak ng kaalaman at pag-unawa ng mga Pilipino sa kanilang
sariling kultura at lipunan. Ito ay nagbibigay-daan sa mas maraming Pilipino na makabasa at
makapagbahagi ng kanilang mga pananaw at kaalaman sa kanilang sariling wika.

Sa pamamagitan ng pagpapalakas at pagpapayabong ng wikang Filipino sa larangan ng


akademiko, maaaring maging mas malawak ang impluwensya ng Pilipinas sa internasyonal na
pamayanan. Ito ay magbubukas ng mga oportunidad para sa mga Pilipinong mananaliksik na
makipag-ugnayan at makipagtalastasan sa iba't ibang mga kultura at wika, na nagpapalakas sa
pandaigdigang diskurso at pagsasalin ng kaalaman.

Sa ganitong paraan, mahalaga ang pagpapahalaga at pagpapayabong ng wikang Filipino sa


konteksto ng internasyonalisasyong akademiko at pananaliksik, sapagkat ito ay nagdudulot ng
mas malawak na partisipasyon ng Pilipinas sa global na komunidad ng edukasyon at
pananaliksik.

Ang paggamit ng wikang Filipino sa edukasyon at pananaliksik ay naglalayong palakasin ang


kakayahan at pagkakakilanlan ng mga Pilipino sa larangan ng akademiko at pananaliksik. Ito ay
hindi lamang isang usapin ng wika, kundi isang pundamental na hakbang tungo sa pag-unlad ng
bansa at pagpapayaman ng kultura at kaalaman ng mga Pilipino.

Sa paggamit ng wikang Filipino sa pananaliksik, mahalaga ang paggamit ng lokal na mambabasa


sa mga akda at kaalaman na nilikha ng mga Pilipinong mananaliksik. Ito ay nagpapakita ng mas
malaking interes at epektibong komunikasyon sa pagitan ng manunulat at ng kanilang mga
mambabasa.

Bukod dito, ang paggamit ng wikang Filipino ay nagpapahalaga sa ating wika at kultura,
nagbibigay-diin sa kahalagahan ng wikang Filipino bilang isang kasangkapan sa pagpapaunlad
ng panitikan, kultura, at identidad ng bansa. Ito rin ay nagbubukas ng mga pintuan para sa mas
malalim at makabuluhang talakayan at kolaborasyon sa pagitan ng mga guro at mag-aaral.

Bagaman mahalaga ang paggamit ng wikang Filipino sa lokal na konteksto, hindi nito ibig
sabihin na hindi na dapat isalin sa iba't ibang wika ang mga pananaliksik. Sa halip, ang paggamit
ng wikang Filipino ay maaaring maging unang hakbang sa proseso ng internasyonalisasyon ng
pananaliksik, kung saan ang mga konsepto at ideya na nilikha sa wikang Filipino ay maaaring
isalin at ibahagi sa iba't ibang mga wika at kultura sa buong mundo.
Samakatuwid, ang paggamit ng wikang Filipino sa pananaliksik ay nagbibigay-diin sa
kahalagahan ng pagsasalin ng kaalaman sa lokal na wika at kultura (Tan, 2014). Ito ay
nagpapalakas sa identidad ng bansa at nagtutulak ng mas malalim na pag-unawa at
pagpapahalaga sa ating sariling kultura at karanasan. Mahalagang kasangkapan ang wikang
Filipino sa pagpapaunlad ng pananaliksik at edukasyon sa bansa.

Posibleng solusyon sa hamon na ito sa pamamagitan ng pagpapaunlad at pagsuporta sa isang


lokal na bibliyometrikong sistema tulad ng Philippine Journal Citation Index Database (PJCID).
Sa pagtangkilik at pagpapaunlad sa PJCID, maaaring magkaroon ng mas malawak na pag-access
ang mga mananaliksik sa lokal na mga journal na nakasulat sa wikang Filipino, na maaaring
magdulot ng positibong epekto sa kalidad ng mga ito.

Gayunpaman, mayroon ding mga hamon sa pagpapaunlad ng PJCID tulad ng pangangailangan


ng malinaw na pamamahala at pondo, kawalan ng suporta mula sa ibang pamantasan, at ang
pagtanggap nito bilang sukatan ng kahusayan sa pananaliksik sa internasyonal na antas (PJCID,
2015).

Bilang tugon, una, ayon kay Demeterio at Felicida (2015), ang internasyonalisasyong akademiko
ay hindi lamang tungkol sa paligsahan, kundi sa pagpapakita ng kahusayan laban sa iba't ibang
mga institusyon sa buong mundo. Sa pangalawang punto, Demeterio at Felicida ay
nagpapahayag na ang pananaliksik ay isang pangunahing bahagi ng pagpapalakas ng antas ng
isang pamantasan. Ikatlo, ayon pa rin sa mga mananaliksik, ang kakulangan sa dimensiyon ng
pananaliksik ay isang hamon na kailangang tugunan upang mapaangat ang kalidad ng edukasyon
sa Pilipinas.

Pang-apat, hindi dapat isantabi ang wikang Filipino sa internasyonalisasyon ng akademiko, ayon
sa salaysay ni Demeterio at Felicida, sapagkat ito ay magiging mahalaga sa pagpapalakas ng
kahusayan ng mga pamantasan sa Pilipinas. Sa ikalimang punto, sinasabi rin ng mga
mananaliksik na ang paggamit ng wikang Filipino ay makatutulong sa pagpapalakas ng
pananaliksik at internasyonalisasyon ng akademiko. Pang-anim, pinahahayag din nina Demetrio
at Felicida na ang pagtatag ng sariling bibliyometrikong sistema tulad ng PJCID ay mahalaga
upang mapalakas ang pananaliksik sa bansa.
Sa kabuuan, mahalaga ang pagpapalakas ng pananaliksik at ang pagtangkilik sa wikang Filipino
upang mapaunlad ang kalidad ng edukasyon at makasabay sa internasyonal na antas ng
kahusayan.

Sanggunian:

Cruz, I. (2010a, June 24). Academic research. The Philippine Star. Retrieved from
http://www.philstar.com/education-and-home/586793/academic-research

Cruz, I. (2010b, June 17). Research on the tertiary level. The Philippine Star. Retrieved from
http://www.philstar.com/education-and-home/584676/researchtertiary-level

Demeterio , & Felicida. (2015, January). Ang Ugnayan ng Wika, Pananaliksik, at


Internasyonalisasyong Akademiko / The Inter-relationship of Language, Research, and
Academic Internationalization. Malay, 11–25, Article
https://www.researchgate.net/publication/343577569.

Demeterio, F.P.A. (2015). Academia.edu page. Academia.edu. Retrieved from


https://dlsu.academia.edu/FeorilloPetroniloIIIDemeterio

Hohendorf, G. (1993). Wilhelm von Humboldt. Prospects: The Quarterly Review of


Comparative Education, 23(3-4), 613–623.

Philippine Journal Citation Index Database. (2015). Retrieved from http://pjcid.adnu.edu.ph/

Quacquarelli Symonds Limited. (2014a, May 13). QS University Rankings: Asia 2014. QS Top
Universities. Retrieved from http://www.topuniversities.com/university-rankings-articles/asian-
university-rankings/qs-university-rankings-asia-2014

Quacquarelli Symonds Limited. (2014b, May 13). QS University Rankings: Asia-Methodology.


QS Top Universities. Retrieved from http://www.topuniversities.com/university-rankings-
articles/asian-university-rankings/qs-university-rankings-asia-methodology

Scopus. (2015). Retrieved from www.scopus.com

Tan, E. (2010, April). The state of Philippine’s national innovation system. The World Bank.
Retrieved from
http://siteresources.worldbank.org/INTEASTASIAPACIFIC/Resources/philippine-national-
innovation-system.pdf

You might also like