You are on page 1of 4

EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN (EPP)

Cyrille Julieana B. Leal Date: December 5, 2022


Mrs. Analiza Bela-ong Grade V- Narra

Mga Bahagi ng Makina Mga pangunahing bahagi: A) Ulo B)


Kama C) Ibaba ng makina

A. Ulo - ito ang bahagi sa itaas na binubuo ng maliliit at tiyak na bahagi ng


makina
1. Gulong na Pangkamay (Balance Wheel) – ito ang maliit na gulong sa gawing
kanan ng ulo na umiikot sa pamamagitan ng kordon sa makina.
2. Tusukan ng karete (Spool pin) - ito ay nasa itaas na bahagi ng ulo ng
makina. Dito inilalagay ang karete ng sinulid.
3. Ikiran ng sinulid ng bobina (Bobbin Winder) – ang bahaging ito ay malapit
sa balance wheel. Ito ang mag-iikid ng sinulid ng bobina.
4. Pang-ayos ng tahi (Stitch Regulator) – ito ay nakalagay sa ibaba ng ikiran
ng sinulid. Inaayos at kinokontrol nito ang haba ng mga tahi.
5. Pang-itaas na panghigpit (Tension Regulator) – Ito ang nag-aayos ng
luwag o higpit ng mga tahi ng makina.
6. Panikwas na sinulid (Thread take-up lever) – ito ang bahaging humihila
nang paitaas sa labis na sinulid.
7. Kabilya ng Karayom ( Needle Bar) – sa bahaging ito inilalagay ang
karayom. Ito rin ang nagdadala ng sinulid sa ibabaw habang nanahi.
8. Presser Foot - ito ang pumipigil at gumgabay sa tela habang nanahi.
9. Tagataas-babang pisador ( Presser Bar Lifter) – bahaging nagtataas at
nagbaba sa presser foot.
10. Face Plate- takip sa bandang kaliwa ng braso na maaring alisin upang
maparaan ang kabilya ng karayom.
11. Turnilyong Pampaandar (Stop Motion screw) – ito ang malaking turnilyo
sa gitna ng balance wheel. Maari itong luwagan o sikipan. Itinitigil nito ang
galaw ng makina kapag niluluwagan at pinaandar naman kapag sinisikipan.
B. Kama ( Bed) - ito ang patag na bahagi ng ulo ng makina. Sa ilalim nito
pinaandar ng shuttle ang galaw ng sinulid.
1. Metal na pambibig ( Throat Plate) – ito ang makinis at makintab na metal
sa ibabaw ng kama na pinagdaraanan ng karayom at sinulid.
2. Ngipin ng makina ( Feed Dog) ito ay nasa ilalim ng presser foot. Ang
bahaging ito ay may ngiping gumagalaw na siyang nag-uusad sa tela habang
ito ay tinatahi.
3. Takip na metal ( Slide Plate) – ito ay nasa gawing kaliwa ng kama. Yari ito
sa makinis at makintab na metal. Binubuksan ito kung aalisin o ilalagay ang
kaha sa bobina.
4. Kaha ng bobina (Bobin Case) – pinaglalagyan ng bobina.
5. Bobina (Bobbin) dito inilalagay ang sinulid sa ilalim ng makina.

C. Ibaba ng Makina
1. Koreya, Kulindag o Kurdon (Belt) – ito ay balat na lubid na nag-uugnay sa
maliit na gulong sa ibabaw at sa malaking gulong sa ilalim.
2. Malaking Gulong (Band Wheel) - makikita sa gawing kanan sa ilalim ng
cabinet ng makina. Ito ang malaking gulong sa ibaba na kinakabitan ng
koreya at nagpapaikot sa balance wheel.
3. Pidal (Treadle) – dito pinapatong ang mga paa upang umandar o umikot
ang malaking gulong sa ilalim sa tulong ng pitman rod.
4. Band Wheel Crank – ito ang bahaging nagpapaikot sa malaking gulong sa
ilalim.
5. Pangawit (Pitman Rod) - isang mahabang bakal na naghuhugpong sa pedal
at sa malaking gulong.
6. Giya ng Koreya (Belt Guide) - pumapatnubay sa koreya upang hindi
mawala sa lugar.

Cyrille Julieana B. Leal Date: December 5, 2022


Mrs. Analiza Bela-ong Grade V- Narra

EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN (EPP)


Cyrille Julieana B. Leal Date: December 5, 2022
Mrs. Analiza Bela-ong Grade V- Narra

Mga Bahagi ng Makina Mga pangunahing bahagi: A) Ulo B) Kama C) Ibaba ng


makina

A.) Ulo (Head)


KASANAYAN SA PANANAHI MAKINA Narito ang mga hakbang sa wastong pagpapatakbo ng
makina at pananahi.
1. Maupo ng maayos. Ilapat ang mga paa sa apakan. Dapat mas mayaas nang bahagya ang isang
paa.
2. Hawakan at paikutin ang balance wheel. Dapat ay papunta sa iyo ang ikot nito.
3. Ayusin ang kulindang upang maidugtong sa band wheel.
4. Paandarin ang makina sa pamamagitan ng pag-ikot sa balance wheel.
5. Magsanay pumadyak sa apakan na iisang direksyon lamang ang takbo.
6. Itaas ang presser foot at karayom sa pamamagitan ng pag-ikot sa balance wheel.
7. Ilagay ang pinagsasanayang tela sa ilalim ng karayom na ang malapad na bahagi ay nasa
gawing kaliwa.
8. Pababain ang karayom sa tela. Ibaba ang presser bar lifter upang maipit ng presser foot ang tela
at mailagay ito sa lugar.
9. Paandarin ang makina nang marahan. Hawakan ng kaliwang kamay ang tela.
10. Bagalan ang padyak sa apakan kapat malapit na sa dulo ng telang tinatahi. Itigil ang makina sa
huling tahi.
11. Itaas ang presser foot pagkatapos ng huling tahi. Ikutin ang tela at tahiing muli nang pabalik
hanggang isang sentimetro upang tumibay ang tahi.

Mga Panuntunang Pangkalusugan at Pangkaligtasan


1. Maupo ng maayos
2. Ilagay ang makina kung saan ang liwanag ay nangagagling sa ibabaw ng balikat.
3. Laging iwasan ang tuwid na liwanag o nakakasilaw na ilaw.
4. Gumawa nang may malinis na kamay.
5. Sa pagputol ng sinulid gunting lamang ang gamitin.
6. Pamalagiing malinis ang mesang gawaan.
7. Ang gunting, aspili at karayom ay hindi dapat hawakan sa matutulis na bahagi.
8. Kung ang gunting ay iaabot sa ibang tao, iuna ang hawakan.
9. Ang mga daliri ay huwag ilalalagay sa ilalaim ng presser foot.
10. Sa gawing kanan ng makina ipatong ang gunting.
11. Iwasan ang paglalagay ng karayom o aspili sa bibig. Itusok ito sa pin cushion kung hindi
ginagamit.

Paghahanda ng Plano ng Tatahiin Tandaan ang mga sumusunod na mga gawain sa


paghahanda ng plano
1. Pumili ng proyektong gagawin. Pumili rin ng magandang disenyo nito.
2. Pumili ng angkop na tela para sa proyekto at tiyaking tama ang sukat na kailangan.
3. Ihanda ang mga gagamiting kagamitan sa pananahi.
4. Ihanda ang telang gagamitin bago simulant ang proyekto. Ibabad muna ito sa tubig nang may
isang oras upang Makita kung uurong ang tela o kaya’y kukupas. Plantsahin ang tela pagkatuyo.
5. Sundan ang mga hakbang sa pananahi: Gumawa ng pardon: Ilatag ang padron sa tela: Tabasin
ang tela: Ilipat ang marka sa tela: at Tabasin ang tela
6. Ihanda ang makinang panahian at ang mga gamit.

You might also like