You are on page 1of 3

Yunit III

Pagbabagong Kultural sa Pamahalaang Kolonyal ng mga Español

Pananaw:

Krus at espada ang nagging sandata ng pananakop ng mga Espanyol. Sa


pamamagitan ng mga misyonero, nahimok ang malaking bilang ng mga Pilipino na iwaksi ang
paniniwalang pagano. Ang mga mamamayan namng tumangging mapasailalim ng mga
dayuhan ay pinayapa ng mga sundalong Espanyol.

Sinanay ng mga misyonero sundalong Espanyol ang mga Pilipino na manirahan sa


mga pueblo kung saan ipinatupad ang pagsasakanluranin ng kulturang Pilipino. Makikita
naman ang mga tahanan ng mga nabibilang sa principalia sa plaza complex. Ang mga gusali
sa paligid ng plaza ay ang simbahan, kumbento, munisipyo o pamahalaang bayan at paaralan.
Nagtayo ang mga Espanyol ng mga simbahan sa mga bagong panahanan na nagging
pangunahing institusyon ng pagbabago sa mga mamamayan, ayon sa kagustuhan ng mga
mananakop. Ipinakilala rin ang bagong uri ng pamahalaan na nagtakda ng mga patakarang
panlipunan at pampolitoka.

Sa pagsasaayos ng lipunang Pilipino, matagumpay na naisagawa ng mga Espanyol


ang mga nais nilang pagbabago. Mababatid sa kabanatang ito na lahatb ng aspekto ng
kulturang Pilipino – tradisyon, paniniwala, pagpapahalaga, panahanan, sining, pananamit, at iba
pa ay pawang naimpluwensyahan ng kulturang Espanyol.

ARALIN 1 Pagbabago sa Panahanan ng mga Pilipino sa Panahon ng Español

Takdang Panahon: 1 araw

Layunin:

1. Nasusuri ang pagbabago sa panahanan ng mga Pilipino sa panahon ng Español.


2. Nailalarawan ang panahanan ng mga Pilipino sa panahon ng Español.
3. Napaghahambing ang uri ng panahanan ng mga Pilipino sa panahon ng Español.

Paksang Aralin:

Paksa: Pagbabago sa Panahanan ng mga Pilipino sa Panahon ng Español


Kagamitan: larawan ng mga panahanan ng mga Pilipino sa panahon ng Español,
tsart, manila paper, pandikit, panulat
Sanggunian: Learner’s Materials, MISOSA Lesson 27 at 40 ( Grade V )
K to 12 AP5KPK-IIIa-1; Pilipinas Kong Hirang V, Eleanor D. Antonio et.al.
ph.169, Isang Bansa, Isang Lahi, Evelina M. Viloria et.al.
Pamamaraan:
A. Panimula
1. Magkaroon ng Walk to a Museum sa loob ng silid- aralan.
2. Ipakikita rito ang ang mga larawan ng iba’t- ibang panahanan ng mga Pilipino sa
panahon ng Español.
3. Itanong sa mga bata:
a. Ano-anong uri ng panahanan ang inyong nakita sa Walk to a Museum?
b. Ano ang napansin ninyo sa mga katangiang pisikal ng mga panahanan.
4. Tanggapin lahat ng sagot ng mga bata. Sabihin na tatalakayin sa araling ito ang
tungkol sa panahanan ng mga Pilipino sa panahon ng Español.
5. Ang klase ay bubuo ng suliranin mula sa paksa.
 Anu-anong pagbabago sa panahanan ng mga Pilipino ang inyong nakita?
 Ilarawan ang mga pagbabago sa panahanan ng mga Pilipino sa panahon
ng Español.
 Paghambingin ang mga panahanan ng mga Pilipino sa panahon ng
Español.

B. Paglinang
1. Ipabasa sa mga bata ang bahaging Alamin Mo sa LM, ph.
2. Pakinggan ang sagot ng mga mag-aaral. Tanggapin ang lahat ng sagot nila.
3. Ipabasa sa mga bata ang bahaging nagpapaliwanag tungkol sa panahanan ng mga
Pilipino sa panahon ng mga Espanyol, LM ph.
4. Ipasagot ang mga tanong tungkol sa binasang teksto sa LM ph.
5. Ipagawa ang mga sumusunod:

Gawain A
 Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain A sa LM ph.
 Ipasulat ang kanilang mga sagot sa notbuk.

Gawain B
 Magpabuo ng pangkat na may tatlong kasapi lamang ( triad).
 Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain B sa LM, ph.
 Ipakopya sa papel ang saranggola at ipasulat ang sagot dito.

Gawain C
 Gamitin ang kaparehong pangkat sa Gawain B.
 Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain C sa LM, ph.
 Ipagawa ang isinasaad ng panuto sa gawain.
 Pag-usapan kung ang kanilang sagot ay ayos na bago ipawasto sa
guro.

Pagtataya
Pasagutan ang bahaging Natutuhan Kos a LM, ph.

Takdang-Gawain
Mag-survey ka sa sarili mong barangay. Gamitin moa ng pormat na ito.
Uri ng tirahan Saan matatagpuan

Susi sa Pagwawasto

You might also like