You are on page 1of 5

Yunit IV

______________________________________________________________________
Pagbabago sa Lipunan sa Ilalim ng Pamahalaang Kolonyal

Aralin 4.1 : Nasusuri ang mga pagbabagong pampulitika at ekonomiya na ipinatupad ng


kolonyal na pamahalaan
Takdang Panahon : 4 na araw

Layunin

1. Naipaghahambing ang istruktura ng pamahalaang kolonyal sa uri pamamahala ng mga


sinaunang Pilipino.
2. Nakabubuo ng kosepto ukol sa pagbabago ng uri ng pamamahala ng sinaunang
Pilipino.

Paksang Aralin

Paksa : Pagbabago sa Lipunan sa Ilalim ng Pamahalaang Kolonyal

Kagamitan : Hanap Salita , Word Puzzle, Word Bank, Power Point Presentation

Sanggunian : Pilipinas Kong Hirang, Eleonor D. Antonio, et.al., ph.45, 128-134


AP5KPKIIId-e-4

Pamamaraan

A. Panimula
1. Ipalaro ang “Hanap Salita”
a. Sabihin sa mga mag-aaral na suriin ang ipinaskil ng guro at humanap ng mga
salitang nabuo dito.
b. Sabihin sa mga mag-aaral na ilista ang mga salitang nabuo. Bibilugan ng guro
ay mga salitang may kinalaman sa paksa, ipatutukoy sa mga mag-aaral ang
paksang tatalakayin.
c. Maaari itong gawin sa loob ng 3-4 na minute.
d. Bigyan ng mataas na puntos sa pakikilahok at palakpak ang grupong
makakakuha sa paksang aralin.
2. Itanong:
a. Anu-anong salita ang inyong nahanap?
b. Ano kaya ang pagkakaugnay ng mga salitang inyong nahanap?
c. Sa mga nakahanap ng salita, ano ang naramdaman ninyo?
d. Sa mga hindi nakahanap ng salita, ano ang naramdaman ninyo?
3. Isulat sa pisara ang sagot ng mga mag-aaral.
4. Iugnay ang mga sagot sa aralin.

B. Paglinang
1. Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng pagbasa sa Alamin Mo, LM pahina _

2. Itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod.


a. Ano ang naging pagkukulang ng mga Sinaunang Pilipino na naging dahilan
upang mapadali ang pananakop ng mga Espanyol?
b. Anu-ano ang naging dahilan upang tuluyan masakop ang mga Sinaunang
Pilipino?

3. Ipasuri ang tekstong nagsasaad ng istruktura ng pamamahalang kolonyal at


pamamahala ng sinaunang Pilipino. Sa LM pp. ________

4. Pasagutan ang tanong matapos basahin ang teksto.


a. Sino ang namumuno sa pamahalaan ng Sinaunang Pilipino?
b. Paano binubuo ang mga batas na ipinasusunod sa mga Pilipino?
c. Sino ang kinikilalang pinuno ng pamahalaang kolonyal ng Espanyol?
d. Paano nila ipinatutupad ang mga batas na nagmumula sa hari ng Espanya?

5. Ipagawa ang mga sumusunod


Gawain A
 Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain A sa LM, p. ___
 Ipasulat ang kanilang sagot sa notbuk.
Gawain B
 Magpabuo ng apat na pangkat.
 Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain B sa LM, p. ____
 Itala ang mga salita sa angkop na hanay nito.
Gawain C

 Magbuo ng apat na pangkat.


 Ipaliwanag ang pamamaraan sa paggawa ng Gawain C sa LM, p. ___
 Ipakopya sa papel at venn diagram at ipasulat ang mga sagot dito.

Talakayin ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng istruktura ng pamamahala ng mga


sinaunang Pilipino at kolonyal na pamamahala.

Itanong :
a. Paano nagkakatulad ang pamamahala ng mga sinaunang Pilipino at
pamahalaang kolonyal?
b. Anu-ano ang pagkakaiba ng kanilang pamamahala?
c. Paano nagkakaugnay ang pamamahala?

Pagtataya

Pasagutan ang Natutuhan Kos a LM, p. ___ Talakayin ang sagot.

Takdang Aralin

Sumulat ng maiksing sanaysay ukol sa uri ng pamamahala na nagbigay ng higit na


pagpapahalaga sa mga Pilipino.
ARALIN 4.2 Nasusuri ang mga pagbabagong pampulitika at ekonomiya na ipinatupad
ng kolonyal na pamahalaan

Takdang Araw: 3 araw


Layunin
Napaghahambing ang sistema ng kalakalan ng mga sinaunang Pilipino at sa panahon
ng kolonyalismo
Paksang Aralin
Paksa: Sistema ng Kalakalan ng mga Sinaunang Pilipino at sa Panahon ng
Kolonyalismo
Kagamitan: powerpoint presentation, video clip, venn diagram
Sanggunian: K to 12 – AP5KPK-IIId-e-4
Pilipinas Kong Hirang, Eleonor D. Antonio, et.al., ph.
Pamamaraan
A. Panimula
1. Magpapakita ng larawan ang guro. Ipahula sa pangkat o klase ang isinasaad sa larawan.
Bigyan ng kredit ang naunang nakahula.
2. Itanong:
 Madali bang hulaan ang mga ipinakikita ng larawan?
 Saan kaya madalas makikita ang gawain sa ipinakitang larawan?
 Sa palagay ninyo, ano kaya ang nagaganap sa larawang ipinakita?
3. Isulat sa pisara ang mga sagot ng mga bata.
4. Iugnay ang mga ito sa aralin.

B. Paglinang
1. Ilahad ang aralin gamit ang mga susing tanong sa Alamin Mo, LM, pahina ___

2. Magdaos ng brainstorming kaugnay ng mga tanong. Tanggapin lahat ang sagot ng mag-
aaral.
3. Ipabasa ang Alamin Mo sa LM, p. ___
4. Talakayin ang paksa.
5. Ipagawa ang mga Gawain A-C.
 Ipasagot ang mga tanong sa Gawain A.
 Talakayin ang sagot ng mga bata.
 Ipagawa ang Gawain B, p. _____. Ipasulat ang sagot sa notbuk.
 Ipangkat ang klase at ipagawa ang Gawain C.
6. Bigyang-diin ang mga kaisipan sa Tandaan Mo sa LM, p_____
Pagtataya
Ipagawa ang Natutuhan Ko, ph. _______ ng LM.
ARALIN 4.3 Nasusuri ang mga pagbabagong pampulitika at ekonomiya na ipinatupad
ng kolonyal na pamahalaan

Takdang Araw: 3 araw


Layunin
Natatalakay ang epekto ng mga pagbabago sa pamamahala ng mga Espanyol sa mga
sinaunang Pilipino
Paksang Aralin
Paksa: Epekto ng Pagbabago sa Pamamahala ng mga Espanyol sa mga Sinaunang
Pilipino
Kagamitan: powerpoint presentation, video clip, venn diagram
Sanggunian: K to 12 – AP5KPK-IIId-e-4
Pilipinas Kong Hirang, Eleonor D. Antonio, et.al., ph.
Pamamaraan
A. Panimula
1. Magpakita ng video clip. Ipakwento sa mga bata ang kanilang napanood.
2. Itanong:

 Tungkol saan ang inyong napanood?


 Anu kaya ang mga pangyayari na nagsilbing daan upang mabago ang pamamahala
ng sinaunang Pilipino?
 Sa palagay ninyo, ano kaya ang naging epekto nito sa pamumuhay ng mga Pilipino?
3. Isulat sa pisara ang mga sagot ng mga bata.
4. Iugnay ang mga ito sa aralin.

B. Paglinang
1. Ilahad ang aralin gamit ang mga susing tanong sa Alamin Mo, LM, pahina ___
2. Magdaos ng brainstorming kaugnay ng mga tanong. Tanggapin lahat ang sagot ng mag-
aaral.
3. Ipabasa ang Alamin Mo sa LM, p. ___
4. Talakayin ang paksa.
5. Ipagawa ang mga Gawain A-C.
 Ipasagot ang mga tanong sa Gawain A.
 Talakayin ang sagot ng mga bata.
 Ipagawa ang Gawain B, p. _____. Ipasulat ang sagot sa notbuk.
 Ipangkat ang klase at ipagawa ang Gawain C.
6. Bigyang-diin ang mga kaisipan sa Tandaan Mo sa LM, p_____
Pagtataya
Ipagawa ang Natutuhan Ko, ph. _______ ng LM

You might also like