You are on page 1of 7

SALIGANG BATAS

SAMAHAN NG TRICYCLE DRIVER NG MAYTALANG 1


LUMBAN, LAGUNA

PREYAMBULO
Kaming mga miyembro ng Samahan ng Tricycle Driver ng Matalang 1 (BM1
TODA) ay mula sa Lumban, Laguna ay naglalayong paularin ang estado ng Tricycle
upang mapaunlad ang kabuhayan ng ating mga Tricycle Driver (BM1TODA).

ARTIKULO I: PANGALAN AT TANGAPAN


Bahagi 1:
Ang samahang ito ay kilala sa taguriang (BM1TODA) Barangay Maytalang 1 Tricycle
Operators amd Drivers’ Association.
Bahagi 2:
Ang punong tanggapan ng Samahan ay matatagpuan sa Barangay Maytalang 1
Lumban, Laguna.

ARTIKULO II: KASAPIAN


Bahagi 1. Ang mga katangian na dapat taglayin ng bawat kasapi ay ang mga
sumusunod:
a. May gulang na 18 taon pataas babae o lalaki.
b. Hindi makasarili sa halip ay may pagtingin sa kapakanan ng iba at ng
nakararami.
c. May kabukasan sa pagtangap ng puna at kasanayan.
d. Handang maglaan ng sarili para sa katuparan ng mga layunin at
patakaran ng Samahan.

Bahagi 2: Pagtangap sa bagong kasapi


A. a. Siya ay may katulad na layunin at paniniwala
b. Siya ay handang pumailalim sa balangkas ng (BM1TODA)
c. Siya ay handang tumupad sa mga tungkulin at patakaran ng
samahhan
B. Pamamaran ng pagsapi
a. Ang sinumang driver na nagnanais sumapi sa BM1TODA ay
kailangan maglahad sa pamunuan.
b. Matapos ang pagsusuri sa aplikante, kailangan na siyang dumalo sa
lahat ng pagpupulong o samba-aralan na dinadaluhan ng Samahan.
c. Ang lahat ng kasapi ay kailangan magbigay ng sampung piso (10
php) bilang butaw araw-araw.

ARTIKULO III: KARAPATAN AT TUNGKULIN NG MGA KASAPI


Bahagi 1: Ang mga kasapi ng (BM1TODA) ay nagtataglay ng mga sumusunod na
Karapatan.
a. Makadalo sa lahat ng pulong makapagpahayag, makapagmungkahi at
makatutol sa mga talakayan.
b. Mahalal at maghalal ng pamunuan ng Samahan
c. Impormasyon ukol sa Samahan lalo sa kalagayan ng pananalapi
d. Tumangtanggap ng mga serbisyo at tulong na pinagkaloob ng Samahan

Bahagi 2. Ang mga kasapi ng Samahan ay nagtataglay ng mga sumusunod na


layuin:
a. Sundin at isabuhay ang sinasaad na alituntunin at layunin itinakda ng
Samahan.
b. Makilahok sa lahat ng sama-samang pagkilos ng Samahan
c. Magbigay ng kaukulang bayad, butaw at multa
d. Dumalo sa lahat ng pulong

ARTIKULO IV: BALANGKASAN AT TUNGKULIN


Bahagi 1: Ang pangkalahatang kapulungan ang pinakamataas na tagapaglikha ng
desisyon sa pagpaptakbo ng Samahan at ito ay binubuo ng lahat ng kasapi.
a. Maghalal at magtanggal ng mga pinuno
b. Maghalal ng mga kinatawan o official
c. Magdesisyon tungkol sa interes ng nakararami at panuntunan ng Samahan
d. Magplano at magpatupad ng mga programa at serbisyo ng Samahan
e. Magpatibay at magpawalang bisa sa saligang batas
Bahagi 2: Ang pamunuan ay binubuo ng Pangulo, Ingat Yaman, Tagasuri,
Tagapayo. Sila ay inihalal ng miyembro at pamunuan BM1TODA ay nagtataglay ng
mga sumusunod na pangkalahatang tungkilin.

a. Pangulo
1. Alamin at tignan ang mga patakaran at alituntunin
2. tagapangasiwa at tagapagtanggap ng linguhang takbo ng Samahan
3. lumikha ng mga official kung kinakailangan para sa masinop na
pagpaptupad ng mga programa at gawain

b. Pangalawang Pangulo
1. Kumakaatawan sa gawain ng pangulo sa panahon wala siya.
2. Kumakatawan sa panloob na gawain lalo na sa pagtulong sa mga
problema.

c. Kalihim
1. Taga-pagtala ng mga napagusapan sa mga pulong.
2. Taga-pag Ingat ng mga talaan at ulat ng mga pulong at gawain.
3. Taga-pag ugnay sa panloob at panlabas na gawain ng Samahan
4. Taga-pagtala ng mga pangalan ng kasapi na dumalo at di-dumalo sa
gagawin pagpupulong
5. Taga-pag alaga at tagapangasiwa ng Samahan

d. Tagasuri
1. Suriin ang kalagayan ng pananalapi ng Samahan. Ituwid bago ilahad ang
ulat.

e. Ingat-Yaman
1. Taga-pamahala ng pondo at mga ari-arian ng Samahan
2. Tagapaglagda ng kaukulang papeles hingil sa pera
3. Tagapagpalaganap ng membership fee at multa
4. Taga ulat ng kalagayan ng pananalapi at kagamitan
f. Tagapag-ugnay
1. Taga singil ng membership fee
2. Taga pagsalita ng mga pulong sa mga kasapi

g. Taga-Payo
1. Katulong sa pag-plano, pag-dedesisyon at pag-papatupad ng mga
napagkasunduan batas at alituntunin sa Samahan.

ARTIKULO V: PULONG NG PAMUNUAN


Bahagi 1: Ang mga pulong na ito ay daadaluhan ng mga halal na opisyales at ng
mga taga payo.
Bahagi 2: Ang pamunuan ay may karapatang tumawag ng biglaang pag-pupulong.
Bahagi 3: Ang bawat pamunuan na hindi makakadalo sa pulong ay dapat magsabi
bago dumating ang araw ng pag-pupulong. Ang hindi makakadalo ng (2) beses ay
papatawan ng kakulangan sa disiplina.

ARTIKULO VI: DISIPLINA SA LOOB NG SAMAHAN


Bahagi 1: Mga ibat-ibang anyo ng pagdidisiplina ay ang mga sumusunod
a. Pagsuspende ng Karapatan sa pagtangap ng serbisyo o tulong mula sa
Samahan sa itinakdang panahon.
b. Ang malimit na pagdalo sa mga pagpupulong
c. Ang malimit na pagdating ng huli
d. Paggawa ng mga bagay na magdudulot ng masamang epekto sa malign
gawain sa Samahan.

ARTIKULO VII: HINGIL SA PAGPAPATIBAY


Bahagi 1: Magkakaisa lamang ang batas na ito ng BM1TODA ngayong Pebrero
2024 sa Barangay Maytalang 1, Lumban, Laguna.

TANDA: Lahat ng dukomento ay sinertipayan ng Kalihim at pinatunayan ng Pangulo


ng samahan ng tricycle driver o BM1TODA officials.
BM1TODA OFFICIALS
Barangay Maytalang 1 Tricycle Operators and Drivers’ Association
Lumban, Laguna, 4041 Philippines

______________________
Jay-vee Altamirano
President

______________________
Reden Sandig
Vice President

_____________________ ____________________
Jordan Novales Jordan Sandajan
Secretary Treasurer

_____________________ _____________________
Jocel Baldovino Eroll Rana
Auditor Sgt.arm

BOARD MEMBERS

_____________________ _____________________
Romeo Hayan Christian Matienzo

_____________________ _____________________
Edmund Teofilo Bryan Samonte

_____________________ _____________________
Noriel Del Rosario Rodel Villegas

_____________________
Lorenz Liwag
BM1TODA MEMBERS

_________________ _________________ _________________


Marvin Combaicer Kaycee De Leon Albert Delos Reyes

_________________ _________________ _________________


Jayson Villegas Regie Flores Herman Lopez

_________________ _________________ _________________


Alfredo Delos Reyes Gerry Alminario Elmer Mercado

_________________ _________________ _________________


Rudy Flores Dindo Santos Kent Singson

_________________ _________________ _________________


Raymond Agarao Ricky Almonte Nelson Rosales

_________________ _________________ _________________


Bong Osorio Joco Sandig Mark Espiritu

_________________ _________________ _________________


Metoy Sandig Arvin Osorio Boyong Aquino

_________________ _________________ _________________


Byron Sinca Gino Almonte Hajie Oliveros

_________________ _________________
Rojan De Vera Jhon Aguites

You might also like