You are on page 1of 11

Republika ng Filipinas

JOSE RIZAL MEMORIAL STATE UNIVERSITY


Ang Pinakaunang Unibersidad sa Zamboanga del Norte
Dipolog Campus, Turno, Dipolog City

SIRKULONG FILIPINO

KONSTITUSYON AT BATAS

1
ARTIKULO I: PANGALAN, LAYUNIN AT TUNGUHIN

Seksyon 1: Ang Pangalan ng Opisina ay kailangang tawaging Sirkulong Filipino


(SirkuFil.)

Seksyon 2: Ang lugar ng organisasyon ay kailangang nakapangalan sa Jose Rizal


Memorial State University, Dipolog Campus, Turno, Dipolog City.

Seksyon 3: Layunin ng Samahan na matiyak ang buong partisipasyon ng lahat ng


miyembro para sa kasiyahan at tunguhin ng benepisyo ng SirkuFil at sumuporta sa lahat
ng aktibidades na ilulunsad ng pamantasan at samahan.

Seksyon 4: Mahasa at mapagyaman ang kaalaman sa wika, panitikan at kultura ng bansa.

Seksyon 5: Mahalin ng may pagmamalaki ang ating mayamang kulturang minana at


magpunyagi upang manatili ang pagbasa at pag-unawa sa kultura ng iba.

Seksyon 6: Mataguyod ang ugnayan ng mga mag-aaral na kumukuha ng pagkadalubhasa


sa Filipino.

Seksyon 7: Mahubog ang kakayahan, kaalaman at talento gayundin ang mabuting


pakikipagkapwa tao.

Seksyon 8: Maihanda ang mga miyembro bilang responsableng pinuno sa mga gawain at
tungkulin na maitas sa kanila sa hinarap.

Seksyon 9. Tagapreserba at tagapagyaman ng wikang Filipino upang magamit sa ito sa


sususnod na salin lahi.

Seksyon 10: Huwag gagamitin ang karahasan at pagpapahirap para matamo ang layunin
ng organisasyon.

Seksyon 11: Itaguyod ang kapangyarihan ng kataas-taasang awtoridad na alinsunod sa


kasalukuyang batas na ipinatutupad.

ARTIKULO II: PAGKAKAANIB

Seksyon 1: Lahat ng Mag-aaral ng JRMSU Dipolog Campus, na kumukuha ng


pagpapakadalubhasa sa Filipino ay awtematikong miyembro ng organisasyon.

Seksyon 2: Kinakailangang makiisa sa mga alituntunin ng samahan bilang kasapi at may


pagpapahalaga sa organisasyon.

2
Seksyon 3: Lahat ng miyembro ay kailangan magbayad ng limapung piso (50) bilang
rehistrasyon.

ARTIKULO III: PONDO

Seksyon 1: Ang pondo ng samahan ay magmumula sa rehistrayon at multa sa mga miyembro at


tulong mula sa pamantasan at fund-raising projects.

Seksyon 2: Ang pondo ng samahan ay ipagkakatiwala sa nahalal na pinuno kabilang na


ang tagapagpayo, pangulo at ingat-yaman ng samahan.

Seksyon 3: Ang deposito at withdrawals ay gagawin lamang ng tagapayo, pangulo


at ingat-yaman ng samahan.

Seksyon 4: Ang pondo ng samahan ay gagamitin sa mga gawain, proyekto at mga


mahahalagang bagay na may kaugnay sa samahan.

Seksyon 5. Tanging ang ingat-yaman ang may karapatan na gumawa ng ulat pinansyal na
susuriin ng tagasuri.

ARTIKULO IV: OPISYAL, KWALIPIKASYON AT OBLIGASYON

Seksyon 1: Sa pagpili ng mga opisyal ng samahan kinakailangang naaayon sa pagdedesisyon sa


miyembro ng samahan.

Seksyon 2: Ang mga inihalal na opisyal ay kinakailangang taglayin ang mga sumusunod:

2.a Lehitimong miyembro ng SirkuFIL.

2.b May malawak na kaalaman sa responsibilidad ng isang opisyal.

2.c Maasahang gagawin ang responsibilidad na posibleng maiatang sa kaniya.

2.d May pagkukusa sa anumang gawaing may kinalaman sa pagpapaunlad ng samahan.

Seksyon 3: Ang Pamunuan ng SirkuFil ay binubuo ng mga sumusunod na opisyal:

3.a Pangulo/President

3.b Pangalawang Pangulo/Vice President

3.c Kalihim/Secretary

3.d Ingat Yaman/Treasurer

3
3.e Tagasuri/Auditor

3.f Dalawang (2) Public Information Officer

3.g Dalawang (2) Sergeant @ Arms

3.h Representante/Kinatawan

1. Unang taon

2. Ikalawang Taon

3. Ikatlong Taon

4. Ika-apat na Taon

3.i Lakambini

3.j Lakandiwa

Seksyon 4: Ang Pangulo

4.a Kinakailangang dumalo at makilahok sa General Assembly at Executive Board


Meetings.

4.b Kinakailangang magpatawag at dumalo sa mga pagtitipon.

4.c Kinakailangang maging kinatawan ng organisasyon sa mga gawain sa loob at labas ng


kolehiyo.

4.d May kapangyarihang magbigay utos sa mga komiti.

4.e Kinakailangan mamuno at mamahala sa mga gawain ng organisasyon.

4.f Lumagda sat sumang-ayon sa mga dokumento, sulat, at kautusang organisasyon.

4.g Magpatawag ng pulong.

Seksyon 5: Ang Pangalawang Pangulo

5.a Kinakailangang patnubayan ang pangulo sa kaniyang tungkulin.

5.b Kinakailangang gampanan ang tungkulin ng pangulo sa sumusunod na kadahilanan:


bigalang pagkamatay, panandaliang kawalan ng lakas, pagbitiw, pagliban, o kawalang
kakayahang mamuno sa nasabing pamunuan.

5.c Pagkilos bilang pinunong tagapamagitan sa gawain ng organisasyon.

5.d Pagsagawa ng iba pang gawain, kapangyarihan at tungkulin na nakatalaga.

Seksyon 6: Ang Kalihim

4
6.a Kailangang itala at itago ang anomang detalye ng pinag-usapan sa pulong.

6.b Siya ang opisyal na tatago sa mga dokumento, tala, at iba pang papel na pag-aari ng
organisasyon.

6.c Tagahanda at taga-isyu ng mga awtorisadong papel o sulatin.

6.d Kapag nagkaroon ng pagpupulong kinakailangan ng talaan ng mga dumalo gayundin


sa iba pang gawain.

Seksyon 7: Ingat Yaman

7.a Kailangang itago ang pondo at lahat ng mga mahahalagang detalye tungkol sa
pinasyal na kondisyon ng organisasyon.

7.b Kailangang mangolekta ng tamang pera at may kalakip itong opisyal na resibo at
kailangang i-deposito ang lahat ng nakolekta o kaya ay itago ito.

Seksyon 8: Tagasuri

8.a Kailangang imbestigahan at ayusin ang pondo at ang gastos ng organisasyon.

8.b Kailangang isuspende ang mga bayarin kung may kinalaman sa pinag-usapan ng
organisayon.

Seksyon 9: Public Information Officer (P.I.O)

Ang magsisilbing tinig at mukha ng samahan sa pagpapalawig ng mga ng mga


impormasyon makatulong para sa pangkalahatan ng samahan.

Seksyon 10: Seargeant @ Arms

Sila ay ang ng tagapangasiwa sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan.

Seksyon 11: Representante

13.a Unang Taon

Magsisilbing tagapagsalita at tapagbalita sa unang taon.

13.b Ikalawang Taon

Magsisilbing tagapagsalita at tapagbalita sa ikalawang taon.

13.c Ikatlong Taon

Magsisilbing tagapagsalita at tapagbalita sa ikatlong taon.

13.d Ika-apat na Taon

Magsisilbing tagapagsalita at tapagbalita sa ika-apat na taon.

5
Seksyon 14: Lakambini at lakandiwa

Sila ang magiging tagapagdaloy tuwing may programang idadaos ang organisasyon.

Seksyon 15: Lahat ng opisyal sa organisasyon ay gagawin ang responsibilidad na nakaatang o


ibinigay sa kanila.

ARTIKULO V: PAGHALAL NG OPISYAL

Seksyon 1: Ang Samahan ay nagkakaroon ng taunang pagpupulong tuwing buwan ng Mayo sa


paghalal ng bagong pamunuan na pinangungunahan ng kasalukuyang tumatayong pangulo.

Seksyon 2: Ang pangkalahatan at palagiang paghalal ng mga opisyal ay dapat gawin taunan.

2.a Ang mga opisyal ay dapat ihalal ng lahat ng rehistradong miyembro ng organisasyon.

2.b kahit sinong nominado/kandidato na magkamit ng pinakamataas na boto ay siyang


tatanghaling panalo sa posisyong siya ay nominado.

2.c Ang nanalong opisyal ay kailangan manumpa sa Induction Ceremony.

ARTIKULO VI: PAG-ALIS SA PWESTO

Seksyon 1: Sa pagpetisyon kailangan ng 2/3 na boto mula sa mga opisyal.

Ang mga opisyal ay maaaring maalis sa kaniyang pwesto sa pamamagitan ng pagpapaalis


sa pwesto batay sa:

1.a Sariling kagustuhan na hindi sumunod sa konstitusyon.

1.b Ginagamit ang kaniyang posisyon sa kaniyang pansariling kagustuhan.

1.c Pagpapabaya sa kaniyang tungkulin.

1.d Kawalan ng kakayahang mamuno.

1.e Kakulangan sa pamumuno.

1.f Walang sariling disiplina.

1.g Hindi matapat sa organisasyon.

6
ARTIKULO VII: FACULTY/STAFF ADVISER

Seksyon 1: Ang samahan ay taunang nagrerekomenda ng mga pagpipilian upang maging


tagapayo ng samahan.

Seksyon 2: Kinakailangang ang pagpipiliang tagapayo ay may mga sumusunod na


kwalipikasyon:

2.a Matagal ng Guro sa Filipino.

2.b Nagtuturo sa JRMSU-Dipolog Campus at dalubhasa sa Filipino.

2.c May laang oras upang masubaybayan ang bawat hakbang na ginagawa ng samahan.

ARTIKULO VIII: BAYARAN

Seksyon 1: Bilang miyembro ng samahan inaatasan ang bawat isa na magbayad ng kaukulang
halagang limampung piso (P50.00) upang makilala sa executive board.

Seksyon 2: Bilang parusa sa mga miyembro at opisyal sa hindi pagdalo sa pagpupulong sila ay
pagmumultahin ng dalampung piso (P20.00) at ito ay ilalagay sa pondo ng samahan.

Seksyon 3: Subalit, kung siya ay makakapagpakita ng mga katibayan tulad ng sertipikong


medical, sulat maaari siya ay makakaiwas sa multa.

ARTIKULO IX: PAGPUPULONG

Seksyon 1: Ang Samahan ay kinakailangang magkaroon ng pagpupulong tuwing katapusan ng


Miyerkules ng buwan. Ang oras ay denpende sa mapagpasyahan.

Seksyon 2: Tunguhin ng bawat pagpupulong ang masubaybayan ng bawat miyembro ng


samahan ang bawat aksyon na ginagawa ng pamunuan.

Seksyon 3: Sa pagpapatawag ng pulong ng pangulo ng samahan kinakailangan ang konkretong


bilang ng miyembro ng organisasyon.

Seksyon 4: Sa pagpupulong ang mga pinuno at miyembro na mahuhuli ng sampung minuto


(10mins.) sa itinakdang oras ay papatawan ng karampatang parusa ayon sa mapagpasyahan ng
mga pinuno.

ARTIKULO X: KOMITE

Lahat ng aktibidades/palatuntunan na isasagawa ng samahan ay nararapat na ang pangulo


ang siyang chairman ng komite.

7
ARTIKULO XI: UNIPORME

Seksyon 1: Tuwing may pagpupulong, programa, aktibidades na ilulunsad ng pamantasan o


samahan kinakailang suotin ang opisyal na uniporme ng samahan (Polo Shirt Maroon/ T-shirt
Black), liban nalang kung magbababa ng utos ang Dekana ng Edukasyon at iba pang kawani ng
pamantasan.

Seksyon 2: Ang mga miyembro na walang uniporme ay magsusuot ng na aangkop na kasuotan


ayon sa mapagpasyahan ng mga pinuno habang wala pa.

ARTIKULO XII: KARAPATAN AT PREBELIHIYO

Seksyon 1: Bawat miyembro ay kailangang masiyahan sa sumusunod na karapatan at prebelihiyo.

1.a Malayang makilahok sa mga gawain, pagsasanay, pulong at iba pang gawain ng
organisasyon.

1.b Magkaroon ng sapat na kaalaman sa polosiya, programa at proyekto ng organisasyon.

1.c Maipakita ang mga mungkahi nabuong pagpuna sa alinmang komite, opisyal at
kinatawan ng organisasyon.

Seksyon 2: Lahat ng miyembro ay nasisiyahan sa mga karapatan at prebelihiyo hanggat hindi


lumalabag sa mga probisyon ng konstitusyon sa anomang paraan.

Seksyon 3: Lahat ng miyembro ay mayroong sapat at pangkalahatang karapatan sa paghalal sa


lahat ng bagay na saklaw ng organisasyon.

ARTIKULO XIII: AMYENDA

Seksyon 1: Kapag ang samahan ay may nais idagdag sa konstitusyong ito kinakailangan ang
paglahok ng pamunuan ng SirkuFil at ang mga bumubuo ng samahang ito.

Seksyon 2: Ang pag-amyenda ng konstitusyon at batas ay sa pamamagitan lamang ng mga


Executive Board Officer para marebisa.

Seksyon 3: Para maging balido ang pag- amyenda ng konstitusyon kailangan ng 2/3 na boto mula
sa opisyal na miyembro ng organisasyon.

8
ARTIKULO XIII: OPISYAL NG PAGDIRIWANG

Seksyon 1: Sa pagsapit ng buwang ng Abril ay taunang ipagdiriwang ang ARAW NG


SIRKULONG FILIPINO. Ito ay kinabibilangan ng sumusunod na aktibidades:

1.a Piging

1.b Paghalubilo sa mga kasapi

1.c Mga paligsan

ARTIKULO XIV: SERTIPIKO/KATIBAYAN

Seksyon 1: Ang samahan ay magbibigay ng sertipiko sa mga pinuno bilang pagkilala sa kanilang
ibinigay na panahon para sa samahan.

Seksyon 2: Pagkakalooban ng sertipiko ang mga miyembro na may malaking na iambag sa


samahan.

Seksyon 3: Para sa mga miyembro na magtatapos sila ay makakatanggap ng sertipiko ng


pagkilala bilang bahagi ng samahan

ARTIKULO XVI: OPISYAL NA LOGO

Seksyon 1: Ayon sa Artikulo XII, Sek. 1 3 na pinahihintulutang magdagdag, may baguhin sa


Konstitusyon at Batas ng SirkuFil, ang artikulong ito ay matagumpay na nailagay dahil sa
balidong boto ng Pamunuan ng SirkuFil.

Seksyon 2: Ang artikulong ito ay magiging Pamantasan ng pagkilala sa SirkuFil sa JRMSU


Dipolog Campus, bilang uri ng simbolo o logo na maitatak sa opisyal na dokumento, damit at
tarpaulin/banner ng samahan.

Seksyon 3: Ang logong ito ay maaari lamang gamitin ng mga opisyal na miyembro ng
organisasyon mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino kabilang ang Tagapayo at mga
guro sa Filipino.

Seksyon 4: Itoy maaaring ipatupad at gamitin sa mga susunod pang mga taon at administrasyon
ng samahan.

9
ARTIKULO XVII: ANG LOGO

Seksyon 1: Ang organisasyon ay mayroong kulay na , Pula, Dilaw, Puti, Berde at Itim.

Seksyon 2: Ang Hugis Bilog na Seal

Itoy pumapalibot sa buong bahagi ng logo na nangangahulugang patuloy ang


pagtayo ng organisasyon bilang isang matatag na samahan na may adhikaing paunlarin at
palaganapin ang kamalayan sa Wika, Panitikan at Kultura ng bansa sa taong nakapalibot dito sa
mga institusyon.

Seksyon 3: Dahon ng Laurel

Inirerepresinta nito ang tatlomput dalawa (32) indibidwal na sumang-ayong gawing


opisyal ang logo. Sila ang opisyal ng Pamunuan ng SirkuFil taong panuruan 2014-2015.

Seksyon 4: Jose Rizal Memorial State University at SirkuFil

Itoy pagkilala sa minamahal na Alma Mater ng pinagmulan din ng organisasyon. At


walang takot na ipakilala at ipagmalaki sa bawat tao saanman mapunta ang organisasyon.

Seksyon 5: Bukas na Palad

Itoy ay nangangahulugan na ang samahan ay bukas sa ibang major na nais sumali.

Seksyon 6: Aklat

Ito ay sumisimbolo sa matalinong pagpapasya na pinapakinggan ang suhestiyon ng mga


miyembro bago gumawa ng hakbang.

Seksyon 7: Tatlong butuin

Sumisibolo sa tatlong malalaking sa Filipinas; Luzon, Visayas at Mindanao na


pinagmulan ng mga mayayamang panitikan na tinatamasa natin ngayon.

Seksyon 8: Araw

Sumisibolo sa mga miyembro na siyang nagbibigay liwanag sa samahang itinatag.

Seksyon 9: Taon

Simbolo ng pagtatag ng samahan.

10
ARTIKULO XVIII: MANDATO

Ang mandato nakasaad sa itaas ay masusing pinaghandaan at pinagkasunduan ng


samahan.

Ang titik o nilalaman ng mga konstitusyon at batas ng SIRKULONG FILIPINO ay totoo


at tama na pinagtibay ng mga halal na mga pinuno ngayong ika-____ ng _____ taong panuruan
2017-2018

Pinagtibay:

ARIEL A. CAMINGAO NELSON LACAY AHLEXA B. AMARILLE


President Vice President Secretary

11

You might also like