You are on page 1of 3

Katitikan ng Pulong

Ang Katitikan ng Pulong ay isang halimbawa ng akademikong sulatin na


naglalaman ng mahahalagang detalye tungkol sa isang usapan. Bilang karagdagan, ang
Katitikan ng Pulong ay nakapag-bibigay impormasyon para sa mga kasama o taga-
pangasiwa ng mga nangyayari sa pagpupulong.

Pagsulat ng Katitikan ng Pulong

1. Bago ang pulong


 Paniguraduhing handa ang sarili bilang tagapagsalaysay.
 Mag ipon ng impormasyon tungkol sa mga nais iparating sa diskusyon.
2. Habang nagpupulong
 Ibigay ang iyong oras at atensyon sa nagaganap na diskusyon.
 Unawain o intindihin ng mabuti ang mga napag uusapan sa pagpupulong at
maging bukas sa mga bagong ideya o rekomendasyon.
 Ibahagi ang mga dapat gawin habang nagaganap ang diskusyon, hindi
pagkatapos.
3. Pagkatapos ng pulong
 Siguraduhing i-“double check” ang isinulat.
 Pagkatapos maisulat ng dokumento, mainam na ipakita ito sa mga namumuno
upang tignan kung may mali at kailangan baguhin sa sulat o may maari pang
karagdagan na kailangang isulat.
Halimbawang Katitikan ng Pulong

Katitikan ng Pulong sa Holy Trinity Academy, Sampaloc, Manila

Pangalan ng eskwelahan: Holy Trinity Academy

Petsa: Oktubre 17, 2019

Lugar ng pulong: Holy Trinity Academy

Tagapangulo: Leo Onza

Sekretarya: Claudine Ignacio

Mga Dumalo:

Mga Student Council sa Senior High School

Daloy ng diskusyon:

1. Panalangin

2. Simula ng unang pagpupulong

3. Pagkakaroon ng tournament ng chess

4. Pagtatapos ng katitikan ng pulong

5. Huling habilin o pangungusap

6. Panalangin

Adyenda:

1. Pagsimula ng Pulong

SC President:

- Sisimulan na ang opisyal na pagpupulong sa ika-3 ng hapon sa


petsang Oktubre 17, 2019 sa pamamagitan nang pagbati at
pamumuno sa panalangin ni Grade 11 Representative.

2. Pagtingin ng attendance

SC Secretary:

- Magkakaroon ng pag angat ng kamay kung nagpakita sa nasabing


pulong.
- Ililista ang mga nagpakita at hindi nagpakita sa pulong.
3. Panimulang Pulong

SC Vice President:

- Babasahin at ilalahad ang mga mahahalagang detalye tungkol sa pag


pupulong.

4. Pagpapatibay ng Panukalang Adyenda

- Binuksan ng SC PRO ang diskusyon at maglalahad ng mensahe tungkol sa


kahalagahan ng larong Chess at sa kung paano nito natutulungan ang isang indibidwal
na hasain ang pag-iisip.

- Sunod naman na mababanggit ng SC President ang mga kwalipikasyon upang


maksali sa nasabing palaro. Ilalahad din niya ang mga rules and regulations sa
naturang paligsahan.

- Magkakaron din ng press release and eskwelahan upang makapag bigay alam
sa publiko tungkol sa nabanggit na palaro.

5. Mga maaaring idagdag o ibawas at klaripikasyon

6. Iskedyul ng sunod na pagpupulong

- Oktubre 25, 2019

7. Pagtatapos ng Katitikan ng Pulong

- Tatapusin ni SC President ang nabanggit na diskusyon sa ika-4 ng hapon.

Inihanda ni: SC PRO

Inaprubahan ni: SC President

You might also like