You are on page 1of 3

1|P age

SORSOGON STATE UNIVERSITY


Sorsogon City Campus
Sorsogon City

GE 15

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MCJL


2|P age

Aralin 9

Inaasahang Matutuhan

Sa pagtatapos ng ito, inaaasahang matutuhan ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:


1. Mailarawan ang mga gawing pangkomunikasyon ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan.
2. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomuniskasyon.
3. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at modernong midyang akma
sa kontekstong Pilipino.

Mga Tiyak na Sitwasyong Pangkomunikasyon (Ikatlong Bahagi)

Pagkondukta ng Pulong

Pulong o Miting– isang pagtitipon na may layuning makapagpahayag ng isang anunsyo, panukala o mg agawain.
Maaari ring magsagawa ng pagpupulong kapag gusting hingin ang payo ng nakararami para sa isang desisyon.
Sa pulong o miting, kinakailanganng organisado ito upang maihatid nang wasto ang mga nais ipahayag ng
tagapagsalita at makamit ang layunin.

Ayon kay Anso (2011), ang pag-oorganisa ng pulong ay mahalaga upang ito ay maging epektibo at mabisa.
Mayroong apat na elemento na dapat isaalang-alang sa isang organisadong pulong.

Apat na elemento na dapat isaalang-alang sa isang organisadong pulong


1. PAGPAPLANO(PLANNING)
a. Mga tanong na dapat masagot kapag nagpaplano ng isang pulong.
b. Magkaroon nang malinaw na layunin kung bakit dapat may pagpupulong.
2. PAGHAHANDA (ARRANGING)
a. Imbitasyon
*Agenda of the Meeting
b. Mga Dapat Ihanda sa Pulong

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MCJL


3|P age

Apat na elemento na dapat isaalang-alang sa isang organisadong pulong

3. PAGPOPROSESO(PROCESSING)
a. Quorom – bilang ng mga kasapi na kasama sa pulong na dapat dumalo para maging opisyal ang pulong.
b. Concensus – isang proseso ng pagdedesisyon na kinukuha ang nagkakaisang desisyon ng lahat ng mga kasapi
sa pulong.
c. 2/3 majority – isang proseso ng pagdedesisyon na kinakailangan ng 2/3 o 66% ng pagsang-ayon o hindi
pagsang-ayon ng mga dumalo sa isang opisyal na pulong.
4. PAGTATALA(RECORDING) – ang tala ng pulong ay tinatawag na katitikan ng pulong (minutes of the
meeting). Ito ay mahalaga dahil ito ang opisyal na tala ng mga desisyon at paksang pinag-uusapan o tinalakay sa
pulong.

MGA DAPAT IWASAN SA PULONG


1. Malabong layunin sa pulong
2. Bara-bara na pulong
3. Pagtalakay sa napakaraming bagay
4. Pag-atake sa indibiduwal
5. pag-iwas sa problema
6. Kawalan ng pagtitiwala sa isa’t isa
7. Masamang kapaligiran ng pulong
8. Hindi tamang oras ng pagpupulong

Sanggunian

Dela Peńa, Jessica Marie I. et. al.2018. Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino.

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MCJL

You might also like