You are on page 1of 9

Masusing banghay aralin sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan sa ikalimang

baitang

I. Layunin

Pagkatapos ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang

a. Natatalakay ang mga kahalagahan at kabutihang dulot ng paghahalaman.


b. Naipapakita ang pagpapahalaga sa mga halaman sa pamamagitan ng pag-aalaga nito;
at
c. Nakakabuo ng sanaysay ukol sa kahalagahan ng paghahalaman

II. Paksang aralin

Paksa: Kahalagahan ng paghahalaman


Sanggunianan: Teacher's guide, textbook, Use of Plants for Kids | How are plants important
to us | How Plants help us | Uses of Plants - YouTube
Kagamitan: mga larawan, marker, loptop, DLP,
Estratehiya:
Balyu: Nabibigyang halaga ang paghahalaman

III: Pamamaraan
Gawain ng guro Gawain ng mag-aaral
A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtatala ng lumiban sa klase
4. Pamukaw-awit
(paghahatid ng video)

Magtanim ay 'di biro


Maghapong nakayuko
'Di man lang makaupo
'Di man lang makatayo
Braso ko'y namamanhid
Baywang ko'y nangangawit
Binti ko'y namimitig
Sa pagkababad sa tubig
Sa umagang paggising
Ang lahat iisipin
Kung saan may patanim
May masarap na pagkain
Braso ko'y namamanhid
Baywang ko'y nangangawit
Binti ko'y namimitig
Sa pagkababad sa tubig
Halina, halina, mga kaliyag
Tayo'y magsipag-unat-unat
Magpanibago tayo ng landas
Para sa araw ng bukas
Para sa araw ng bukas

5. Balik aral
Okay mga bata. Ang ating itinalakay
kahapon ay tungkol sa
_______________
Ngayun, sino sa inyo ang maka pag
bibigay ng mga halimbawa nito?

6. Pagsasanay

Ngayon, meroon akong ipapakitang mga


larawan sainyo mga bata. Ang gusto ko. Na
intindihin ninyo, at tingnan ng mabuti kung
ano ang nasa larawan. Kasi pagkatapos
niyong tingna ang mga larawan may ilan
akung mga katanungan tungkol dito. kaya
tingnan ng mabuti at isipin kung ano ang
ipinahihiwatid ng larawan.

Maliwanag ba mga bata?


Opo titser!
Pagtatakda ng pamantayan

 Makinig sa guro
 Itaas ang kamay kung may
isasagot o itatanong
 Huwag maingay
 Mag respito sa bawat isa

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak
Ano ang pamagat na kinanta natin
kanina? Magtanim ay ‘di biro po Titser.

Mahusay!

Tungkol saan ang kinanta natin


kanina? Tungkol sa paghahalaman at pagtatanim
po.

Mga bata, basi sa inyong nakitang


larawan. Ano ang inyong Basi sa nakita naming larawan an gaming
pakakaintindi ditto? pagkakaintindi ditto ay nagpapa kita ito
paano alagaan ang mga halaman at paano
tayo mag kakaroon ng kita ditto.

Sa inyung mga bakuran o bahay


meroon bang mga halaman o
nagtatanim ba kayo ng ibat-ibang
mga halaman? Opo titser!

Ano-ano ang mga ito?


Talong, okra, Kalabasa, Kamatis
Tinutulungan ba ninyo ang inyung
mga magulang sa pagtatanim ng
halaman sa inyung bakuran? Opo.
Mabuti kung ganon, talagang
mababait at masipag kayong mga
bata.

2. Paglalahad
Ngayon mga bata ating tatalakayin
Ang tungkol sa kahalagahan ng
paghahalaman at kung ano ang
kabutihang dulot nito sa tao.

Mga kahalagahan ng paghahalaman

3. Pagtatalakay

Pambuwelo:

1. Karagdagang gugulin para sa


pagkain- Ang paghahalaman ay
karagdagang gugulin para sa
pagkain dahil ang mga halaman
ay kailangan ng regular na pag-
aalaga tulad ng pagdidilig,
pagtatanim, at pagbibigay ng
pataba. Ang mga ito ay
nangangailangan din ng tamang
kondisyon ng lupa at gaanong
eksaktong lawak ng espasyo sa
pagtatanim. Lahat ng ito ay
nagreresulta sa gastusin ng pera
tulad ng pagbili ng mga buto,
halaman, pataba, at iba pang
kagamitan sa pagtatanim.

2. Isang paraan ng pagkita Ng


pera- ang paghahalaman ay isang
paraan ng pagkita ng pera dahil
maaaring ibenta ang mga
halaman, mga ani nila, o iba pang
produktong may kaugnayan sa
pagtatanim. Maraming tao ang
nagtatanim ng mga prutas, gulay,
at halaman para ibenta sa lokal na
pamilihan o direktang sa mga
mamimili. Ang paghahalaman ay
isang potensyal na negosyo na
nagbibigay ng pagkakataon sa
mga indibidwal na kumita ng
pera.

3. Pagtugon sa pangangailangang
sustansya Ng katawan - ang
paghahalaman ay importante ay
dahil ito ang nagtatugon sa
pangangailangan ng sustansya ng
katawan. Ang mga halaman,
partikular ang mga prutas at
gulay, ay naglalaman ng mga
bitamina, mineral, at iba pang
sustansya na mahalaga sa ating
kalusugan. Sa pamamagitan ng
paghahalaman at pagkain ng
sariwang mga produkto mula rito,
nakakakuha tayo ng sapat na
sustansya na kailangan ng ating
katawan.
4. Pagkakaroon Ng sapat na
panustos - Ang paghahalaman ay
nagbibigay rin ng sapat na
panustos sa mga pangangailangan
ng mga tao. Sa pamamagitan ng
pagtatanim at pagkakaroon ng
sariling halamanan o backyard
gardening, maaaring mabawasan
ang gastusin sa pagbili ng mga
prutas, gulay, at iba pang
halamang kailangan sa araw-
araw. Ito ay isang praktikal na
paraan upang makatipid at
magkaroon ng sapat na suplay ng
pagkain.

5. Nakawiwili at nakakalibang -
Ang paghahalaman ay kawili-wili
at nakakalibang dahil ito ay isang
aktibidad na nagdudulot ng
kasiyahan at enjoyment sa
maraming tao. Ang proseso ng
pagtatanim, pag-aalaga, at
pagmamasid sa paglaki ng mga
halaman ay isang nakakaaliw na
gawain na nagbibigay ng
kasiyahan at fulfillment sa mga
taong nagtatanim. Ito ay isang
paraan ng pagsasarili at
pagkakaroon ng koneksyon sa
kalikasan.

6. Nakapagpapaganda Ng
kapaligiran - Ang paghahalaman
ay nakakapagpaganda ng
kapaligiran dahil ang mga
halaman ay nagdaragdag ng
berde at kulay sa mga lugar na ito
ay itinataniman. Ang mga
halaman ay nagbibigay ng buhay
at ganda sa mga lugar tulad ng
mga bakuran, hardin, parke, at
iba pang pampublikong lugar.
Bukod pa rito, ang mga halaman
ay maaaring maghatid ng mga
bulaklak na nagbibigay ng
kagandahan at amoy na
pampasaya sa mga tao.

7. Nagbibigay Ng lilim at oxygen -


Ang paghahalaman ay nagbibigay
ng lilim at oxygen sa ating
kapaligiran. Ang mga malalaki at
matatangkad na puno ay
nagbibigay ng lilim na
nagpapalamig sa kapaligiran. Ito
ay isang mahalagang bagay sa
mga panahon ng mainit na tag-
init. Bukod pa rito, ang mga
halaman ay gumagawa ng oxygen
sa pamamagitan ng proseso ng
photosynthesis. Ang oxygen na
ito ay mahalaga sa ating
kalusugan at kapaligiran dahil ito
ang ating nilalanghap.

8. Isang paraan Ng paggagamot -


Ang halaman ay isang paraan ng
paggagamot dahil ang ilang uri
ng halaman ay may mga kemikal
at sustansya na mayroong mga
benepisyo sa ating kalusugan. Sa
larangan ng herbalismo,
maraming halaman ang ginagamit
bilang lunas para sa iba't ibang
sakit at karamdaman. Ang mga
halamang gamot.

4. Paglalahat

Ngayon mga bata! natalakay na natin


ang mga kahalagahan ng
paghahalaman.

Ngayon, ano-ano ang mga


kahalagahan ng paghahalaman?

 Karagdagang gugulin para sa


pagkain
 Isang paraan ng pagkita Ng pera
 Pagtugon sa pangangailangang
sustansya ng katawan
 Pagkakaroon ngsapat na panustos
 Nakawiwili at nakakalibang
 Nakapagpapaganda ng kapaligiran
Mahalaga ba ang paghahalaman?
 Nagbibigay ng lilim at oxygen
 Isang paraan ng paggagamot
Bakit nga ba mahalaga ang
paghahalaman?
Opo

Dahil sa pagahahalaman nakaka tipid kami


Paano ito nakaka tulong sa atin?
sa aming pera at gastusin sa pang araw-
araw.
5. Paglalapat
Dahil dito kumukita kami ng pera
Ngayon mga bata, mayroon akong
ipapakitang bedyo sa inyo at ang gagawin
nyo lang ay panuorin at obserbahan ang nasa
bedyo.

Ngayon mga bata, hahatiin ko kayo sa


tatlong pangkat ang bawat pangkat ay
gagawa ng isang sanaysay base sa bedyo na
inyong napanuod.
Use of Plants for Kids | How are plants
important to us | How Plants help us | Uses
of Plants - YouTube

6. Pagtataya

Kumuha kayu ng kalahating papel at


sagutan ang mga sumunod.

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa


baba ( dalawang puntos bawat isa)

1. Uri ng halaman na may kemikal


at sustansya na mayroong mga
benepisyo sa ating kalusugan.
Sabot: isang paraan ng
pagagamot
2. Ang pag hahalaman ay nag
bibigay ng lilim at oxygen sa
ating kapaligiran.
Sagot: nagbibigay ng lilim at
oxygen
3. Ang mga halaman ay
nagdaragdag ng berde at kulay sa
mga lugar na ito ay
itininataniman.
Sagot: Nagkapagpapaganda ng
kapaligiran
4. Ito ay isang aktibidad na
nagdudulot ng kasihan sa
maraming tao.
Sagot: Pagkakaroon ng sapat
na panustos
5. Ito ay isang pratikal na paraan
upang makatipid at magkaroon
ng sapat na suplay ng pagkain.
Sagot: Nakawiwili at
nakakalibang

D. Takdang aralin

Gumuhit ng ibat-ibang halaman


at isulat kung paano ninyo
inaalagaan o pinapahalagahan
ang mga ito.

Prepared by: RianSohn Pajares Cababa


Jowera Mabaga
Janeth Arceno

You might also like