You are on page 1of 1

Cruz, Karl Felics Espiritu, Irish Dawn Fider, Danielle Marie

Padsoyan, Yivan Espiritu, Ma. Cassandra Isican, Janice Faith


Campos, Carl Fiona Difuntorum, Kyla Quintino, Jasmine Shane

“Wikang Katutubo: Tungo sa isang Bansang


Filipino”

Sa aming poster, ipinapakita ang pagkakaroon ng pagkakaisa ng bawat Pilipino sa ating


bansang Pilipinas. Ang perlas sa aming poster ay sumisimbolo sa ating Perlas ng Silanganan at
ang ating wikang Filipino. Kung saan tayong mga Pilipino ang yaman ng ating bansa gayundin
ang ating wikang Filipino kaya dapat lamang natin itong pahalagahan at kailanman huwag itong
kalimutan. Sina Manuel L. Quezon, Lope K. Santos, Apolinario Mabini, Francisco Balagtas at
Jose Rizal ang naging daan upang tayo ay mamulat sa hinaharap ng ating bansa at linangin ang
ating isipan sa pagpapahalaga at paggamit ng wasto sa ating wika. Ang pula, dilaw at asul naman
na nakakulay sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas, ang Luzon, Visayas at Mindanao ay sumisimbolo
sa mga kulay ng ating watawat. Ang mga katutubo naman na nakapalibot sa ating bansa ay
sumisimbolo sa ating mga Pilipino na nagsasabing kahit ano man ang ating lahi at kahit saan
man tayo nanggaling, tayo ay may iisang mithiin at yun ay matuto tayong pahalagahan ang ating
sariling wika.

Ngunit paano nga ba natin mapapahalagahan ang ating sariling wika?

Sa aming poster, ipinakita namin ang ilang mga halimbawa kung paano nga ba. Una na diyan
ang pagtangkilik at pagbasa ng mga estudyante at iba pang mga kabataan ng mga Panitikang
Pilipino, tulad na lamang ng Ibong Adarna, Florante at Laura, Noli me Tangere at El
Filibusterismo. Pangalawa ay ang pagsasapuso sa mga aral na nakapaloob sa mga librong ito,
lalong-lalo na ang pagiging makabayan at pagiging maka-Diyos. Pangatlo ay ang alibata sa
aming poster na ang ibig sabihin ay “mahal,” ipinapakita nito na huwag nating kalimutan at ating
pahalagahan ang ating kasaysayan dahil ito ang rason kung bakit umunlad ang ating pamumuhay
ngayon. Tayo rin ay nagkaroon ng kumpiyansa sa ating mga sarili dahil sa pamamagitan ng
wikang Filipino na ginamit ng ating mga bayani, tayo ay nagkaroon ng kalayaan.

You might also like