Professional Documents
Culture Documents
Pastel Cute Group Project Presentation
Pastel Cute Group Project Presentation
korea
our team
Allyssa Manalili
Charlene Feliza Oyando
Johanna Bernadine Dullas
Zefinah Precious Gem
Arco
Zuseth Elamparo
Buod ng akdang
“hatol ng kuneho”
Mayroong panahon sa daigdig na mayroon pang kakayahang
magsalita ang mga hayop. Isang araw, sa kagubatan,
naghahanap ng makakain ang gutom na tigre. Ngunit sa
kaniyang paglilibot, hindi pagkain ang nahanap niya kung
hindi isang kapahamakan. Nahulog ang tigre sa isang malalim
na butas. Humihingi ng tulong ang tigre. Isang tao ang
napadaan at dito siya nanghingi ng tulong. Alangan man ang
tao dahil baka kainin siya ng tigre ay nagbigay ito ng tulong.
Buod ng akdang
“hatol ng kuneho”
Ngunit akmang kakainin ng tigre ang tao kaya naman
nanghingi ito ng tulong sa puno. Nanghingi siya ng hatol sa
puno kung ano ang dapat gawin ng tigre. Para sa puno,
dapat lamang na kainin ng tigre ang tao dahil ito ang dahilan
ng pagkasira ng kalikasan, kabilang ang pagkaunti ng mga
puno. Humingi muli ng hatol ang tao sa baka ngunit
magkatulad ang kanilang naging pasya na dapat ay kainin
ng tigre ang tao.
Buod ng akdang
“hatol ng kuneho”
Ngunit nang mapadaan na si kuneho, nanghingi muli ng
opinyon at hatol ang tao. Ikinuwento ng tao kay kuneho
ang buong pangyayari. Dahil sa narinig, agad namang
nagpasya ang kuneho. Ayon sa kaniya, marapat lamang
daw na bumalik na lamang sa paglalakbay ang tao
habang mananatili ang tuso at sakim na tigre sa loob
ng hukay upang walang maging suliranin.
tradisyon, kaugalian, paniniwala at
kakaibang kultura ng bansa nakuha
mula sa akda:
Ang kwento ay nagpapakita ng iba't ibang tradisyon, kaugalian, at paniniwala na kumakatawan sa
kultura ng bansang Korea. Sa kwento, ang mga pangunahing tauhan ay mga hayop na
nakakapagsalita at nagpapakita ng mga katangian na karaniwang makikita sa mga tao. Ang mga ito
ay sumusunod:
Tigre: Ipinakita ng tigre ang kawalan ng pagtanaw ng utang na loob, na nagpapakita ng isang
negatibong aspeto ng lipunan. Sa kabila ng tulong na natanggap mula sa tao, nagdesisyon itong
kumain sa tao dahil sa gutom.
Musika: Ang K-pop ay isang malaking bahagi ng kultura ng South Korea. Ito ay
isang popular na genre ng musika na nagmula sa bansa at nagkaroon ng
pandaigdigang impluwensiya.
Kakaibang
Kultura:
Gastronomiya: Ang South Korea ay kilala sa kanilang masasarap na pagkain
tulad ng kimchi, bibimbap, at jajangmyeon. Ang kanilang gastronomiya ay
may malawak na paggamit ng mga fermented na sangkap at mga iba't ibang
lasa.
Pagbabago ng honor guard: Sa palasyo ng Gyeongbokgung, mayroong
seremonyang pagbabago ng honor guard tuwing umaga. Ito ay isang
kakaibang kultura na nagpapakita ng kasaysayan at tradisyon ng bansa
Thank
You