You are on page 1of 1

Sumapit ang pinanabikang araw,nagpasiya si simoun na manatili sa bahay buong umaga abala sa pag aayoos ng kanyang mga sandata

at hiyas.
Handang handa na siyang tumungo sa espanya kasama si Kapitan heneral na sawa na rin sa pakikipaglokohan sa mga tao. Natatakot si simoun na
maiwang mag isa sapgkat umiiwas sa paghihiganti ng mga kulang palad na kanyang pinagsamantalahan. Kinahapunan nagbilin si simoun sa
kanyang katulong na papasukin agad si basilio kung darating, dahil sa labis na pagmumuni-muni ni simoun hindi nya narinig ang paulit-ulit na
katok ni basilio. Kung napakalaki ng pinagbago ni simoun sa loob ng dalwang buwan nagdaan ganon Narin ang nangyari kay basilio na ang mga
mata mga mata ay napalitan ng kislap ng kadiliman. Pumasok si basilio sa kuwarto na hindi na bumati, sinabi niya kay simoun na bigyan sya ng
sandata sapagkat handa na siyang maglingkod at hinihiling na sana sumiklad ang himagsikan. Ang ningning ng tagumay ay sumilay sa mga mata ni
simoun, tumindig siyang maaliwalas ang mukha at ang sigla na taglay nya nung magtago sila ni basilio sa gubat ay b\nagbalik. Dinali ni simoun si
basilio sa laboratory, isang kahon ang binuksan nya na naglalaman ng isang kakaibang uri ng lampara na kaanyo ng prutas Granada na kasinlaki ng
ulo ng tao. Tinangal ni simoun ang mitsahan at nalantad ang tangke na naglalaman ng nitro-gliserina, kemikal para sa dinamita. ”Maririnig
ngayong gabi sa pilipinas ang isang pagsabog na magwawasak sa kumbeto simbahan at bahy pamahalaan” wika ni simoun. Labis na nasindak ni
basilio kayat naumid ang dila at nanuyo ang lalamunan. Napansin ni simoun ang naguusisang tingin ni basilio kayat sinabi Nyang sa gabing iyon
magkakaroon ng kapistahan at ang lampara ay ilalagay sa isang kyoskong kainan. “kung buong buo na ang plano Ninyo natitiyak kong wala na
akong maitutulong sa inyo” sabi ni basilio. Sianbi ni simoun na sasabog ang bomba impunto alasa nwebe at inisa-isa niya ang inaasahang niyang
magaganap pgakatapos ng pagsabog; ang mga aba at api yaong palaboy na pinagmamalupitan ay sasama sa pangkat ni kabesang tales sa santa
mesa upang salakayin ang lungsod. Ang militar naman ay mag aalsa laban sa Kapitan heneral at si basilio at ilang kasama ay tutungo sa sa
tinitirahan ni quirago kung saan naka imbak ang mga sandatahan na gagamitin sa pag aalsa. Si simoun at kabesang tales ang aagaw sa syudad at
si basilio naman ang magbabantay sa mga arabat at sa mga tulay. Kinakailangang barilin ang sinumang hindi aanib sa pagaalsa nila. Hindi
inaasahan ni basilio na magiging malupit si simoun sa pananaw nya sa pamahalaan, simbahan at lipunan, imbes na sabihin na Diyos lamang ang
may kaaraptang bumawi sa kaniyang nasasakupan nagbigay na lamang sya ng isang katanungan “ano ang sasabihin ng daigdid sa ganyang
walang-awang pagpatay?”. “ Tayo ay hahangaan at papupurihan. Higit na pinapalakpakan ang isang krimeng duguan kaysa sa gawang marangal
na wala naming epkto sa karamihan” sagot ni simoun. At sumang ayon naman si basilio sinabi niyang wala siyang pakialam kung palakpakan o
isumpa sya ng sandaigdigan kung ang mga mamamayan sa bansa ay ayaw naming makinig sa katotohanan. Kinuha ni simoun anf isang rebolber
at binigay kay basilio, sinabihan niya ito na hintayin sya hanggang alas dyis sa harap ng simbahan ng san Sebastian at pina alam nya kay basilio na
magpakalayu layo sa kalya Anloague sa ganap na alas nwebe. Namumutla ang mga labing inabot ni basilio ang rebolber.

You might also like