You are on page 1of 2

FILIPINO 5

Ikatlong Lagumang Pagsusulit


(Ikatlong Markahan)

I. Isulat ang O kung ang pahayag ay isang opinyon at K kung ang pahayag ay katotohanan sa patlang.

______1. Para sa akin, lechon ang pinakamasarap na pagkain.


______2. Sinabi ni Angel na mainit sa Bagiuo ngayon.
______3. Ang pamilya ay may tinatawag na tahanan.
______4. Mas maganda kulay ang asul kaysa sa pula.
______5. Maynila ang kapitolyo ng Pilipinas.
______6. Maganda raw ang Bulkang Taal ayon kay Maxene.
______7. Ang nanay ang nagsilang sa akin.
______8. Nakatutulong ang mga puno at halaman sa paglilinis ng hangin.
______9. Mas komportableng sumakay sa jeep kaysa sa bus.
______10. Bawat tao ay may pangalan.

II. Lagyan ng angkop na pang-angkop (na, ng, g) ang bawat sumusunod na pares ng mga salita sa bawat
bilang.

11. makisig____ lalaki 16. lalaki____ makisig


12. buhay____ pangarap 17. minimithi____ kalayaan
13. makapal____ aklat 18. aklat____ makapal
14. bansa____ maunlad 19. maunlad____ bansa
15. lugar____ payapa 20. mabulaklak____ hardin

III. Isulat ang MK- Magkakasingkahulugan at MS- Magkakasalungat.

______21. masaya – maligaya


______22. maayos- magulo
______23. pamasok-lumabas
______24 .tama- wasto
______25. umiiyak- tumatawa
______26 .matulin- mabilis
______27. malaki- maliit
______28 .alerto- alisto
______29. silid- kuwarto
______30 .Matulin- mabagal

IV. Tukuyin kung ang salita nakasalungguhit ay isang simuno o panag-uri. Isulat ang S kung ito ay
simuno at P naman kung ito ay panag-uri. Isulat ang mga tamang sagot.

______31. Ang mga mag-aaral ay masayang tumulong sa paglilinis.


______32. Si Ica ang pinakamatalino sa klase.
______33. Si Lito ay nanunuod ng magandang palabas.
______34. Mayaman sa kabutihan ang mga mag-aaral.
______35. Pumasok sa paaralan ng maaga si Ester.
______36. Sumasayaw sa intablado sina Peter at Alma.
______37. Ang mga sasakyan sa daan ay nag-uumpungan.
______38. Si Pia ay mabusisi sa mga aplikante sa kanilang tanggapan.
______39. Naglalaro sa plasa ang magkaibigan.
______40. Mabagal magsulat si Alan.

You might also like