You are on page 1of 3

FILIPINO 6- 3rd MT MOCKTEST

I. Piliin ang pang-abay sa pangungusap. Isulat din ang salitang inilalarawan nito sa
pangungusap. (2 puntos)

1. Ang kalapati ay malayang lumilipad sa himpapawid.


2. Masigla niyang ibinalita ang tungkol sa kanyang trabaho.
3. Ang taong isinugod sa ospital ay lubusang walang malay.
4. Ang batang nalulunod ay mabilis na isinagip ng kanyang ama.
5. Dagling kumilos ang mga bumbero upang mapatay ang apoy.
6. Nailikas agad ang mga mamamayan mula sa mga pook na binaha.
7. Si David ay totoong masipag mag-aral kahit walang pagsusulit.
8. Ang putaheng ito ay masyadong maalat para sa akin.
9. Bihirang lubusang nagpapahinga ang mga manggahawa.
10. Ang mga matatandang pulubi sa lansangan ay tunay na kaawa-awa.

II. Mga Uri ng Pang-abay


A. Piliin ang pang-abay na ingklitik sa loob ng panaknong na bubuo sa
pangungusap.
1. Magkano (na, ba, pa) ang ginagastos moa raw-araw sa pasahe?
2. Sumangguni (ba, pala, muna) tayo sa iba’t-ibang pangkat ng publiko bago natin
itaas ang pamasahe.
3. (Yata, Kaya, Sana) maresolba na sa konsultasyon ang suliranin na ito.
4. Nadagdagan na (naman, lamang, pa) ang panukalang itaas ang pasahe.
5. Ayon sa balita, itataas (daw, tuloy, kasi) ng pamahalaan ang pasahe sa LRT at
MRT.
B. Piliin ang pang-abay na panlunan sa pangungusap.

1. Ang paninigarilyo ay mahigpit na pinagbabawal sa loob ng klinika.


2. Nagbakasyon kami sa Palawan noong Pasko.
3. Pumunta ako sa SM Megamall.
4. Lumipat ang mag-anak sa Bulacan.
5. Magbabakasyon kami nila nanay at tatay sa Cebu.
C. Piliin ang pang-abay na pamanahon sa pangungusap.

1. Si tatay ay umalis kagabi.


2. Noong Lunes ay nagpunta kami sa palengke.
3. Kumain kami sa Jollibee kagabi.
4. Naglalaba si nanay tuwing sabado.
5. Bukas ay magsisimba kaming buong pamilya.
D. Piliin ang pang-abay na pamaraan sa pangungusap.

1.Maingat na ibinalik niya ang alahas sa lalalagyan nito.


2. Ang taga-hatid sulat ay mabilis maglakad.
3. Sumagot ng pasigaw ang tsuper ng dyip.
4. Masipag na nag-aaral ang mga kapatid ko.
5. Dalus-dalos ni nilang ibinaba ang mga kahon mula sa trak.

III. Isulat sa unang linya ang pang-abay na ginamit sa pangungusap at isulat sa ikalawa
kung ito ay panggaano, panang-ayon, pananggi, o pang-agam.

1. Tila naiinis ang guro sa maiingay na mag-aaral. ___________ ____________


2. Walang maidudulot na kabutihan ang panunukso. __________ ____________
3. Nadagdagan ang aking timbang ng limang kilo. ___________ ___________
4. Talagang lagging malikot ang batang iyan. ____________ ____________
5. Hindi nakatatawa ang mga biro mo.___________ ___________
6. Marahil uuwi kami sa probinsiya bago mag pasko. ____________ ___________
7. Dalawang oras na akong naghihintay sa’yo. ____________ ___________
8. Sige, tutulong ako sa paggawa ng malaking parol. ____________ ____________
9. Tiyak na mas mahusay sa pagtugtog ang pangkat natin. ___________ _________
10. Dumating na yata ang bisita ni tatay. ___________ _____________
11. Piso isa ang kending yan. ____________ _____________
12. Baka magalit si Ate Tina kung kakainin mo yang tiring cupcake. ________ ______
13. Ayaw niyang pakinggan ang paliwanag ko. ___________ ____________
14. Walong basong tubig ang kailangan nating inumin araw-araw. _____ ________
15. Magsikap ka din kasi ayaw kong mabigo ka sa iyong pangarap. _______ _______
16. Ang tagumpay ay tunay na makakamtam kapag nagsumikap ka. ______ ______
17. Bumili ka ng limang pisong luya sa tindahan. __________ ___________
18. Talagang tutularan ko si April sa kanyang ginagawa. _____________ _________
19. Marahil ay natatakot kang mabigo. ____________ ____________
20. Maraming taong nag-aral si Ariel gamit ang gasera. _________ _________
KEY TO CORRECTION
TEST I
1. Malayang Lumipad
2. Masiglang Ibinalita
3. Lubusang Walang malay
4. Mabilis Sinagip
5. Dagling Kumilos
6. Agad Nailikas
7. Totoong Masipag
8. Bihirang lubusang Nagpapahinga
9. Masyadong Maalat
10. tunay kawawa

II.

TEST A TEST B TEST C TEST D


1. ba Loob ng klinika Kagabi Maingat
2. muna Palawan Lunes Mabilis
3. sana Sm megamall Kagabi Pasigaw
4. naman Bulacan Tuwing sabado Masipag
5. daw cebu bukas Dalus-dalos

1. Tila- pang-agam 11. Oiso- pangaano


2. Walang-pananggi 12. Baka- pang-agam
3. Limang kilo- pangaano 13. Ayaw- pananggi
4. Talagang- panang-ayon 14. Walong- pangaano
5. Hindi- pangaggi 15. Ayaw- pananggi
6. Marahil- pang-agam 16. Tunay- panang-ayon
7. Dalawang oras- pangaano 17. Limang piso- pangaano
8. Sige- panang-ayon 18. Talagang- panang-ayon
9. Tiyak- panang-ayon 19. Marahil- pang-agam
10. Yata- pang-agam 20. Maraming- pangaano

You might also like