You are on page 1of 3

Pagsusulit sa Yunit sa Filipino II

Pangalan: ___________________________________________________ Petsa:


___________

I. Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ang _______________ ay nagsasaad ng kilos o gawa.
a. Pantukoy b. Pandiwa c.Pangngalan
2. Alin sa mga salitang nasa ibaba ang nagsasaad ng kilos?
a. Naglalaro b. Bola c. Maganda
3. “Sa wastong lalagyan natin itapon ang basura at hindi sa kalye.” Nasaan ang
nagsasad ng kilos sa pangungusap?
a. Lalagyan b. Itapon c.Basura
4. Nasaan ang salitang kilos sa pangungusap na “Huwag tayong mawalan ng pag-
asa”?
a. Pag-asa b. Mawalan c. Tayong
5. Aling pandiwa ang nararapat sa pangungusap, Ang mga dyip ay _______ sa
estasyon.
a. Naglalaba b. Humihinto c. Natutulog
6. Aling pandiwa ang nararapat sa pangungusap, Ang pulang lobo ay _______
paitaas.
a. Nagpahinga b. Lumutang c. Nagbabasa
7. “Ang mga Bata ay nagmamano sakanilang lolo at lola.” Sa pangungusap, ang
nagmamano ba ay nagsasaad ng kilos?
a. Hindi po b. Opo c. Wala po sa dalawa ang sagot

II. Bilugan ang mga salitang nagsasaad ng kilos sa bawat pangungusap.

8. Ang mahiyain na kuting ay nagtatago sa likod ng aparador.


9. Si Itay ay umiinom ng mainit na kape sa beranda.
10.Sabay-sabay kumain ng almusal ang buong mag-anak.
11.Sa loob ng banyo nagsipilyo ng ngipin si Gloria.
12.Tinulungan ni Gloria ang kanyang bunsong kapatid.
III. Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng pagbilog sa
titik ng tamang sagot.
Ang Batang Matulungin at Masunurin

Si Paul ay nagmamadaling lumabas sa paaralan upang umuwi. Paggagalitan siya ng ina


kapag mahuli siya sa pag-uwi. Habang naghihintay siya ng sasakyan may lumabas na mag-ina
sa paaralan. Sa unang tingin palang niya, kitang-kita na masama ang pakiramdam ng bata.
Tumayo ang mga ito sa tabi niya upang umabang din ng sasakyan maya-maya may humintong
sasakyan sa harapan ni Paul.
Sasakay na sana siya subalit nakita niya na namimilipit sa sakit ng tiyan ang bata.
Nagmamadali siya sa pag-uwi dahil sa pagagalitan siya ng ina kapag nahuli sa pag-uwi subalit
naawa siya sa bata.
Alam niyang mas kailangan ng mag-ina na sumakay kaagad, kaya ipina-ubaya nalang niya
13.Sino ang nagmamadaling lumabas sa paaralan upang umuwi?
a. Paul b. Paula c. Paolo
14. Sino ang magagalit kapag nahuli siya sa pag-uwi?
a. Ang kanyang ina b. Ang kanyang ama c. Ang kanyang
kapatid
15. Sino-sino ang mga nakita ni Paul habang siya ay naghihintay ng sasakyan pauwi?
a. Mag-ina b. mag-ama c. ang kambal
16. Ano pala ang nangyari sa bata nakasama nang ina?
a. Namimilipit sa sakit ng tiyan
b. Namimilipit sa sakit nang ulo
c. Namimilipit sa sakit ng binti
17.Ano ang ginawa ni Paul?
a. Pinabayaan ang mag-ina b. Pina-una nang sakay ang mag-ina
c. Tumawa
18. Sino ang batang matuungin at masunurin?
a. Ang bata b. Paul c. Paula

IV. Tukuyin ang aspekto ng pandiwa na may salungguhit. Isulat sa patlangkung ito
ay Ginagawa pa, Ginawa na, Gagawin pa lamang.

_________________19. Tutulungan ni Ate Carmen si Nanay sa pagluto ng kaldereta


bukas.
_________________20. Ang iba't-ibang sangkap ng kaldereta ay inihahanda na
naming ngayon.
_________________21. Ang mga bawang at sibuyas ay tinatadtad na ni Ate Carmen
ngayon.
_________________22. Idadagdag ko ang mga kamatis at sili sa kaserola mayamaya.
_________________23. Mamaya ay lalagyan ni Nanay ng mga pirasong karneng
baboy, liver spread, at sabaw ang kaserola.
_________________24. Sino ang nagluto nitong masarap na kaldereta?
_________________25. Tinuruan po ako ni Nanay at Ate Carmen kung paano
magluto nito noon.
_________________26. Sino ang maghahanda ng mesa para sa tanghalian natin
mamaya?
_________________27. Tinatawag na po ni Ate Carmen sina Tatay at Kuya Alex
ngayon.
_________________28. Alin ang iinumin ninyo mamaya, orange juice o iced tea?
_________________29. Tinitimpla na po ni Kuya Alex ang orange juice ngayon.
_________________30. Tinikman na ba ninyo ang kaldereta kanina?

You might also like