You are on page 1of 3

ESP SCRIPT (GROUP 5)

—LIVING ROOM—

Narrator: Nakikita natin si jusstine, isang mabait at mapagmahal na indibidwal, na naglalakad-lakad sa


hinaharap, malalim sa pag-iisip. Malaki ang pasanin ng kanyang konsiyensiya habang kinakaharap ang
isang mahirap na desisyon.

Jusstine: Ano ang dapat kong gawin? paano ako mananatiling tapat sa sarili at gagawa ng tama?

Narrator: Ano nga ba ang nangyari?

—FLASHBACK—

(Nakahiga si jasmine, sinasaksak ni nico)

(Naglalakad si jusstine nakita niya ang ginawa)

Jusstine: Teka, si nico ba 'yon? pero hindi, hindi n'ya magagawa 'yon. Pero hindi rin ako pwedeng
magkamali sa aking nakikita, s'ya nga.

(Naglakad 'agad papalayo si jusstine upang umuwi at upang masigurado nito na hindi siya nakita)

—END OF FLASHBACK—

(Nagkita ang dalawang magkaibigan sa skwelahan)

Nico: Jusstine bakit parang tulala ka ata, parang ang lalim ng iniisip mo ah.

Jusstine: Ah wala pre.(Nanginginig,nagdadalawang isip kung dapat pa bang kausapin ang kaibigan)

Nico: Basta pre kung may problema ka man, mag sabi ka lang.

Jusstine: Oo naman, sige pre una na ko baka ma late pa ako sa klase.


—FAST FORWARD—

(Pagkauwi ni jusstine sa bahay)

Jusstine: Hindi pwedeng ganito lang ako, hindi pwedeng manahimik ako at hindi mag sumbong sa pulis,
kailangan kong sabihin ang nakita ko dahil yun ang tama, pero paano si nico? paano na ang
pagkakaibigan namin?alam kong magagalit sya kapag ginawa ko ang pagsumbong sa mga pulis, pero yun
ang tama. ano bang gagawin ko? (naguguluhan sa dapat gawin dahil sa konsensya nito)

Nico: Kapag nag sumbong si tin sa mga pulis tiyak na makukulong ako, hindi ko yun kaya. May tiwala ako
sa kaibigan ko alam kong hindi nya ko isusuplong.

Jusstine: Hindi ko na alam ang aking gagawin. Tiyak na magagalit si nico sakin kapag nag sumbong ako,
masisira ang tiwala nya at hindi lang yun pati ang aming pagkakaibigan. ([/*umiyak)

Jusstine: Nakapag desisyon na ako, hindi ko na kaya ang pagbabagabag ng aking konsensya.(Tumawag si
jusstine sa pulisya)

POLICE(shanly): This is SPO1 Eder speaking, ano po ang maitutulong ko sa inyo?

Jusstine: Good morning po, may sasabihin po kong isang krimen.

Police: Yes sir, nakikinig po ako.

Jusstine: Noong oct 10, 8:36 pm sa baranggay bagong sikat may isang krimen po akong nakita, merong
isang babae ang pinapatay.

Police: Nakikilala n'yo po ba kung sino ang biktima?

Jusstine: Opo, si jasmin palmares, ang pinsan ko. kilala ko rin po ang suspek
Police: Maaari mo po bang sabihin kung sino ito?

Jusstine: si nico esteves po, ang kaibigan ko. hindi ko po alam na magagawa n'ya iyon.

Police: Maraming salamat sa pagsasabi ng katotohanan. alam mo ba kung nasaan si nico ngayon?

Jusstine: Hindi po, pero tiyak ako na uuwi 'yon sa bahay nila dahil galing itong eskwelahan.

(Agad-agad namang nagtungo ang pulis sa address na ibinigay ni jusstine. ang address na iyon ay kung
saan nakatira si nico)

Police: Ikaw, Nico Esteves, ay inaaresto sa salang pagpatay. Ikaw ay may karapatang manahimik o
magsawalang kibo. Anuman ang iyong sabihin ay maaring gamitin pabor o laban sa iyo sa anumang
hukuman.

(Agad namang sumama si nico at hindi na nanlaban dahil alam nito ang kaniyang mali)

You might also like