ANDRES BONIFACIO Isinilang sa Tondo, Maynila noong Nob. 30, 1863.
Kinilalang Dakilang Dukha, Ama ng Katipunan at Ama ng Demokrasyang
Pilipino. Maagang naulila kaya’t siya’y nagsilbing magulang ng kanyang mga kapatid. Pumasok na mensahero at naging kargador sa isang bahay- kalakal.Siya ay nakatapos lamang ng pag-aaral ng alpabeto hanggang mag-aral na lamang sa sarili ng wikang Kastila. Naging mahusay din siya sa pagsasalita ng wikang Kastila. Nagbasa siya ng mga aklat na ukol sa “Kasaysayan ng Rebolusyong Pranses”, “Buhay ng mga Pangulo ng Estados Unidos”, ang “Noli” at “Fili” ni Jose Rizal. Kaya’t masasabing ang kanyang katalinuhan ay nanggaling sa paaralan ng karanasan. Sumapi sa La Liga Filipina na samahang itinatag ni Jose Rizal. Nang si Jose Rizal ay ipatapon sa Dapitan, itinatag niya ang Katipunan na naging batis ng diwang Malaya ng mga