You are on page 1of 1

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

Ikatlong Markahan

Modyul 9: KATARUNGANG PANLIPUNAN

Ang KATARUNGAN ay ang pagbibigay ng nararapat o dapat sa lahat ng tao. Ang tunay na katarunan ay
bunga ng pagpapahalaga sa kapwa at hindi ito gawa ng tao, ito ay dikta ng batas ng kalikasan. Ang karapatan
ang siyang batayan ng katarungan.

Iba’t ibang Uri ng Katarungan

Batay sa Layon:

a. Pangkalahatang katarungan – ang layon ay kabutihang panlahat


b. Tanging katarungan – kabutihan lamang ng kabilang

Batay sa Gumaganap:

a. Pampamahagi – ay ang pagtupad ng estado sa tungkulin nito sa mamamayan.


b. Panlipunan – ay ang pagtupad ng mamamayan sa tungkulin sa lipunan.
c. Pambatas – ay katarungan sa pagitan ng isang indibidwal at ng estado.
d. Pagpapalitan – ay ang pagtupad ng dalawang indibidwal sa pinagkasunduan.

Ang Katarungang Pansarili ay ang paglalagay sa ayos ng sarili.

Ang dahilan kung bakit ko kailangang ayusin ang aking sarili ay dahil mahalaga (may halaga) ako.
Ang dahilan kung bakit ko pagsisikapang gawin ang isang bagay ay dahil makapagyayabong ito at
magtataguyod ng aking sarili. Kaya iingatan ko ang aking sarili dahil hindi ko maaring bitawan ang
halaga ko bilang isang tao.

Ang Katarungang Panlipunan ay ang pag-iingat sa sarili ng komunidad upang makagawa, makabuo at
makalikha.

Kakailanganin sa katarungang panlipunan ang mga batas upang maingatan ang mga indibidwal na
karapatan ng tao, ang pamahalaan upang masiguro ang patas na pagbabahagi ng yaman ng bansa, ang
pulis upang magbantay sa kalayaan ng mga tao. Ngunit, higit a dito, ang pinakasentro ng lahat ay ang
malalalim na ugnayan ng tao sa loob ng komunidad.

Sa makatuwid ang pagsisikap na magkaroon ng katarungan ay dahil sa pagnanais na mabuo ang sarili at
ang komunidad.

Kung hindi magiging maayos ang tao, ang komunidad na kaniyang ginagalawan ay mawawasak din at kung
wala ring katarungan sa lipunan pati ang tao sa loob nito ay hindi magagawang mabuo ang sarili.

Ang KATARUNGAN ay hindi hinihingi, hinihintay o inaasahan sa labas. Ang katarungan ay kailangang
makita bilang isang kilos na nagmumula sa loob ng bawat isa.

Sabi nga ni Sister Stella L. “Kung hindi ako, sino? Kung hindi ngayon, kailan?”.

You might also like