You are on page 1of 3

Ikatlong Markahang Pagsusulit sa Filipino I

PANUTO: Bilugan ang letra ng tamang sagot.


1. Ano ang wastong baybay ng ngalan ng nasa larawan?
a. itlog b. etlog c. itlug
2. Alin sa mga sumusunod na salita ang may wastong baybay?
a. bulalak b. bolaklak c. bulaklak
3. Kumain ng maraming kendi si Rita. Ano kaya ang maaaring mangyari sa
kanya?
a. Lulusog siya.
b. Sasakit ang kaniyang ngipin.
c. Kikinis ang kaniyang balat.
4. Tingnan ang larawan. Ano kaya ang maaaring mangyari sa kanya?

a. b. c.
5. Paborito ________ ang pansit na luto ni Nanay. Ano ang angkop na
panghalip?
a. ko b. tayo c. nila
6. Masipag mag-aral si Rowena. Kaya _______ ang nagunguna sa klase.
a. ako b. siya c. sila
7. Pupunta kami sa Baguio sa susunod na bakasyon. Alin ang panghalip sa
pangungusap?
a. Baguio b. kami bakasyon
8. Isulat nang may wastong baybay ang ngalan ng nasa larawan.

Sagot: _______________
9. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may wastong bantas at
baybay?
a. Masayang naglalaro ang mga batta sa parke!
b. Nagawa mo ba ang ating takdang-aralin?
c. Naku, nahulog ang bata,
10.Ibigay ang paksa ng sumusunod na tula.
Bagyo

Ang dulot moy takot,


Sa bawat pag-ikot,
Malakas mong hangin,
Saan ka dadalhin?
a. ang ibon b. ang bagyo c. ang alaga
11. Ang ___________ ay binubuo ng isa o lipon ng mga pangungusap na
magkakaugnay.
a. talata b. salaysay c. tula
12. “Nagtakbuhan ang mga tao dahil sa paglusob ng mga armadong
kalalakihan”. Ano ang damdamin ng mga tauhan sa pahayag?
a. pagkatuwa b. pagkatakot c. pagkagulat
13. Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita ng pagkatuwa?

a. b. c.
14. Lahat ng mga bata ay may karapatang mabigyan ng pagkakataong
makapag-aral.
a. Opo, Sang-ayon ako.
b. Siguro.
c. Hindi ito totoo.
15. Ano ang kasarian ng nasa larawan?
a. pambabae d. di-tiyak c. panlalaki
16. Bumili si Nanay ng mga prutas sa palengke. Alin sa mga sumusunod na
pangngalan ang walang kasaarian?
a. prutas b. Nanay c. bumili
17. Piliin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa pangkat.
a. guro b. bata c. krayola
18. Isang umaga, may sumakay na matanda sa bus. Ibinigay ni Mika ang
kanyang upuan rito. Kung ikaw si Mika gagawin mo din ba ang ginawa niya?
a. Opo b. Hindi po c. siguro
19. Ano ang mabubuo kapag ang salitang payo ay dinagdagan ng ng letrang
“n” sa gitna?
a. payong b. paniki c. panyo
20. Anong bagong salita ang mabubuo kapag pinalitan ng “s” ang “m” sa
mulat?
a. sikat b. sulat c. sukat
21. Anong salita ang maaaring iugnay sa sumusunod na larawan?
a. marami b. matanda c. maliit
22. Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagsasabi na bawal mamitas ng
bulaklak?
a. b. c.
23. Dumating sa bahay ninyo ang lolo at lola mo galing probinsiya ngunit
wala pa ang iyong nanay at tatay. Ano ang maaari mong gawin?
a. Paupuin ko sila.
b. Hayaan ko sila sa labas.
c. Pabalikin ko nalang sila kapag dumating na sila nanay at tatay.
24. Anong salita ang makapaglalarawan sa bata sa larawan?
a. matalino
b. matulungin
c. maganda
25. Mabangis ang leon. Ano ang salitang naglalarawan sa leon?
a. mabangis
b. maamo
c. mahinahon

You might also like