You are on page 1of 878

Angel in Disguise

by alyloony

Once upon a time, I am the biggest jerk in the world, until I met this crazy little
angel, and everything turns upside down.

=================

Angel in Disguise (Prologue ~ teaser)

Warining:

Unedited version po ito. I wrote this story three years ago at marami itong
grammatical/typographical errors at emoticons. :D Read at your own risk :)

^dedicated to my anak. She's the one who made the book cover <3

***

A/N: I decided to post the Prologue... One of my Christmas gift to my


readers :) ... I'll start writing this story very soon :)

***
“what’s that?!” tanong ko sa kanya habang nakatingin doon sa hindi ko maidentify na
species sa harap ng hapag-kainan

“hotdog and egg na ginawang omelet?” she answered me innocently

I look at the food with disgust “don’t tell me yan ang ipapakain mo saakin for
dinner?” I asked her, one eye brow raised.

She nodded “yep”

“anong nangyari doon sa chicken na pina-roast ko sayo?”

“well uhmm you see...” tinuro niya yung oven sa likod at kitang kita ko ang roasted
chicken na sobrang roast to the point na color black na ito “nakatulog ako habang
ni-ro-roast ko siya. Hehehehe sorry. Pero kung gusto mo talaga ng roasted chicken
pwede mo naman pagtyagaan yun. Edible pa naman siya” she gave me her most innocent
smile.

Huminga ako ng malalim at nagbilang ng 1, 2, 3, then


“LUMAYAS KA NA DITO! YOU’RE FIRED!!!” sigaw ko sa kanya “DI KA MARUNONG MAGLUTO!
NAPAKA ANTUKIN MO PA! AT WALA KANG IBANG GINAWA KUNDI ANG MAKIELAM SAAKIN!”

Ramdam na ramdam ko ang paginit ng mukha ko dahil sa sobrang galit dito sa babaeng
to. Pero alam niyo ang reaction niya?

“hahahahahahahaha ang cute mo magalit Jake! Ang sarap mong picture-an at ibenta ang
picture na yun sa media. For sure yayaman ako hahahahahah” tinapik niya ako sa
braso “try mo tikman yung omelet masarap yan kahit hotdog at egg lang yan. Minsan
hindi masamang magpaka dukha. Magsawa ka naman sa mga pagkain ng mayayaman. Sige
tulog na ko ah, kailangan ko gumising ng maaga para iready ang mga gagamitin mo sa
taping mo” after that, pumasok na siya sa loob ng room niya.

Napaupo na lang ako sa sobrang inis.


That girl never fails to annoy me.

I am Jake Marquez, a superstar and that is Dionne Sy, my personal assistant. I


don’t know what my uncle is thinking giving me a P.A like her. She can’t cook and
she’s so nosy. Lahat na lang ng bagay pinapakielamanan niya. She’s weird na kahit
anong sigaw ko sa kanya, hindi siya naapektuhan. Instead tinatawanan niya lang to.
She’s bizarre, hyperactive and annoyingto the point na gustong gusto ko siya
kaladkarin palabas ng unit ko at humanap na ng ibang P.A. Sikat ako at gwapo kaya
for sure madali akong makakahanap ng bagong P.A. Pero sa hindi ko malamang
kadahilanan, di ko siya magawang alisin sa buhay ko.

She’s very mysterious. Her smiles and her cheerful laughter made me feel awkward.
It is as if whenever she smiles, someone is telling me that I should stick closer
to her, that I should protect her from every pain and every misery. It is as if
someone is telling me that this girl, is so fragile.

I met her in the most weirdest way. It is like the heaven sent me an Angel to annoy
me.

And to make me feel this strange feeling called love.


Once upon a time, I am the biggest jerk in the world, until I met this crazy little
angel, and everything turns upside down.

***

Copyright © 2012 by Alyoony Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any
form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording,
or by any information storage and retrieval system, without the written permission
of the author, except where permitted by law.

=================

Chapter 1 *First meeting*

Chapter 1

*First meeting*
[Dionne’s POV]

“I’m very very very sorry Dionne, but Dylan is...” he trailed off then tinalikuran
niya ako as he removed his eyeglasses and wipe his eye.

Huminga ako ng malalim then hinawakan ko ang kamay niya at nginitian siya

“Dr. Jin thank you po sa lahat ng ginawa niyo sa pamilya namin. Kahit wala na sina
Mama at Papa di niyo kami pinabayaan ni Kuya Dylan. Inalagaan niyo kami na parang
tunay na anak” I bowed my head “salamat po talaga ng madaming madami. You lessen
the burden of my brother, salamat po”

“Dionne” niyakap ako ni Dr. Jin. He’s our family doctor and malapit na kaibigan ng
mga magulang ko. Simula bata pa lang kami, inaalagaan na niya kami at nung mamatay
naman ang mga magulang ko, siya ang laging tumutulong saamin ng kuya ko.

I tap his back “pwede ko na po ba makausap si Kuya?”


He released me from his hug then I gave him another smile at pumasok na ako doon sa
loob ng kwarto.

Pinagmasdan ko ang katawan ng kuya kong kasalukuyan ng nakabalot sa kumot. Naupo


ako doon sa gilid ng kama ni Kuya at hinawakan ko ang malamig nitong kamay

“kuya Dylan, kasama mo na siguro sila Mama at Papa diyan no? Sigurado akong maganda
diyan sa lugar na pinuntahan mo ngayon. Hindi ka na masusundan diyan ng kahit anong
sakit at paghihirap kaya kuya, wag mong isipin na nagtatampo ako sayo dahil iniwan
mo ko. Sabi ko naman sayo eh kakayanin ko to. Ako pa, si Dionne Sy, ang nagiisang
magandang kapatid ni Dylan Sy. Kahit ano ang ibato saakin, makakayanan ko. Kaya
kuya wag mo na ko intindihin ha? Paki sabi na lang kina Mama at Papa na miss na
miss ko na sila at mahal na mahal ko sila. Ikaw din kuya, mahal na mahal na mahal
kita. Alam ko magkakasama din tayong apat sa tamang oras” may tumulong luha sa mata
ko na agad ko namang pinunasan. Tumayo ako sa pagkakaupo ko at hinalikan ang noon
ni Kuya Dylan “bye bye Kuya Dylan. You’re with God now. I know he will protect you
from pain and suffering. Hindi ka na mahihirapan kuya, masaya ako” may tumulo ulit
na luha sa mata ko.

Kinuha ko isa isa ang mga gamit namin ni Kuya sa loob nitong kwarto kung saan siya
na-confine... at kung saan siya binawian ng buhay. I gave the room one last look
then I smile

“I’ll miss you Kuya”


After that, tuluyan na akong lumabas ng room at sinalubong naman ako ni Dr. Jin

“Dr. Jin, ok na po ako, pwede na po natin ipaayos si kuya, pero po may pupuntahan
lang ako saglit ah? Kakausapin ko lang po yung kaibigan ko”

Dr Jin tapped my shoulder “go ahead. Ako na bahala sa Kuya mo. Mag pahinga ka na
lang din muna”

“thank you po Dr. Jin”

“oh by the way Dionne alam kong kailangan mo ng trabaho. My nephew needed someone
to assist him, ok lang ba sayo kung—“

Pinutol ko agad ang sasabihin ni Dr. Jin instead niyakap ko siya “thank you po!
Kahit anong trabaho pa yan ok lang saakin! Kahit taxi driver o construction worker
basta hindi illegal tatanggapin ko po yan!”
Medyo natawa naman si Dr Jin sa sinabi ko “but you better take good care of your
health young lady”

I smile “I will”

“and oh” lumapit si Dr. Jin then he tapped my shoulder “be strong Dionne”

I gave him again a smile then naglakad na ako papunta sa lugar kung saan hinihintay
ako ng kaibigan ko na madalas kong sabihan ng lahat-lahat ng saloobin ko----sa
chapel. Pero bago ako makarating doon, napadaan ako sa Emergency Room kung saan
nakapalibot ang isang pamilya doon sa doctor. Lahat sila parang takot na takot doon
sa sasabihin ng doctor.

“I’m sorry po, but she only got limited time to live. Yung machine na lang ang
bumubuhay sa kanya and once we cut the machine, she’ll die.”

That’s what the doctor said. After niyang sabihin yun, I heard their protests. Ayaw
nilang maniwala sa sinasabi ng doctor. Umiiyak sila at nagsisisigaw na parang may
magagawa pa sila sa nangyari. Na any minute sasabihin na nung doctor na “joke lang”
lahat ng sinabi niya at nang go-good time lang siya.

But I knew better. This scene happened to me twice already. One thing I've learned:
kahit anong iyak ang gawin ko, hindi ko na maibabalik pa ang mga taong nawala na
saakin kaya dapat habang nandiyan sila, walang araw kang palalagpasin para
iparamdam sa kanila kung gaano mo sila kamahal.

Dalawang beses na kong nagsisi, and for the third time, ayoko ng maramdaman ulit
ang ganung sakit na iwan ng isang taong mahalaga saakin kaya sinigurado kong
magiging maluwag na saakin nung nagpaalam ako kay Kuya. Expected kong dadating ang
araw na iiwan niya na rin ako at ginawa ko ang lahat para sa mga huling sandal na
magkasama kami, mapasaya ko siya. Pero kahit ganun ang nangyari, di ako nawalan ng
pagasa na mabubuhay si kuya. I do believe in miracles. And miracle happened to him
but not the way I expected it to be.

Maglalakad na sana ako palayo ng marinig ko ang isang sigaw nung lalaki na kasama
nila.

“anong kailangan ni Nami para mabuhay? Sabihin mo sakin!!!! Kailangan ba ng pera?!


Handa ako magbayad kahit magkano!! Maraming nawalang dugo sa kanya?!” inilahad nung
lalaki ang braso niya at ipinakita doon sa doctor “kunin niyo na ang dugo ko! Kahit
lahat ng dugo ko, ibigay niyo sa kanya! Kung kinakailangan pati buhay ko kunin niyo
na, idugtong niyo to sa buhay ni Nami! Wag na wag mo lang sasabihin na walang pag
asa! Gagawin ko ang lahat mabuhay lang siya!” hinawakan niya ang kwelyo ng damit
nung doctor “nakikiusap ako iligtas niyo siya! Hindi siya pwedeng mamatay! Wag niyo
siyang hayaan mamatay!”
Huminga ako ng malalim dahil parang naramdaman ko ang sakit na nararamdaman ng
lalaking ito. Napahawak ako bigla sa dibdib ko na parang pakiramdam ko eh maninikip
na naman. Agad akong lumayo doon at dumiretso na sa chapel. Pagkaupong pagkaupo ko,
napahagulgol na ko ng iyak habang nakatingin doon sa best friend ko... si God.

Dapat nagagalit na ko sa kanya ngayon di ba? Kinuha niya na ang papa ko at mama ko.
Si kuya na lang ang meron ako pero pati siya kinuha niya saakin. Akala ko di na ako
ganoong nasasaktan nung iwan na ko ni kuya pero nung makita ko yung lalaki, parang
naramdaman ko lahat ng sakit.

Gusto kong sumigaw at magalit sa Kanya. Pero hindi ko magawa dahil sa dinami-dami
ng sakit na naranasan ko, hindi niya ako pinabayaan. Sa kabila ng mga kamalasang
nangyari sa buhay ko, may mga tao parin siyang ipinadala para tulungan ako.

Matapos humupa ang pagiyak ko, lumuhod ako at nagdasal.

God nandito na naman ako sa inyo pero this time para magpasalamat. Salamat dahil
hindi na nahihirapan si Kuya ngayon sa sakit niya. Masakit po na iniwan na nila
akong mag isa dito pero—

“bakit niyo siya kukunin saakin agad? Hindi pa ba sapat na inilayo niyo ko sa mama
ko ng matagal na panahon? Hindi ba ko pwedeng maging masaya?”

Pero alam kong mas mabuti narin po ito. Katulad po ng ipinagdadasal ko sa inyo
dati--

“ Bakit siya pa? Bakit yung babaeng mahal ko pa? pwede bang ako na lang ang kunin
niyo?”

Katulad po ng ipinagdadasal ko sa inyo dati, ikaw na po bahala kung pagagalingin


niyo si kuya or kukunin niyo siya saakin. Ang gusto ko lang eh hindi na siya
mahirapan. Katulad din po ng sinabi ko, tatanggapin ko kung ano man ang mangyayari
kasi alam kong ayun ang ikabubuti namin. God salamat po at--

“Di ko kasi kakayanin na mawala siya saakin eh. Bakit di niyo man lang hinayaan na
magkasama kami? Bakit?!”

Uhh God wait lang po ha? May papatahanin lang ako saglit. Ang ingay po talaga niya
di ako makapag concentrate sa pagdadasal eh. Tsaka po tingin ko mas kailangan niya
kayo ngayon.
Tumayo ako at lumapit doon sa lalaki na iyak parin ng iyak. Siya din yung lalaking
nagwawala kanina sa E.R

“bakit mawawala na siya? Bakit..”

“patay na ba siya?” tanong ko doon sa lalaki

Napatingin siya saakin at mukhang nagulat sa biglaan kong pagsulpot. I gave him a
smile

“e-eh?”

“sabi ko kung patay na ba yung iniiyakan mo?”


“h-ha?”

“nakita ko kayo kanina sa ER at narinig ko yung sinabi ng doctor. Di pa naman siya


patay eh, sabi niya lang once na hinugot ang life machine sa katawan niya tsaka
siya mawawala” binigyan ko ulit siya ng isang ngiti at naupo sa tabi niya

“sino ka ba?! At ano bang alam mo ha?! Sabi ng doctor wala ng pag asa. Makina na
lang ang bumubuhay sa kanya!! Ano pa ang pinagkaiba nun?! Tatanggalin at
tatanggalin din nila ang makinang yun sa katawan niya! Wag mo kong kausapin dahil
wala kang alam! Hindi mo ko kilala! Hindi mo naiintindihan ang nararamdaman ko!”
galit nagalit niyang sabi.

And again, I gave him another smile then I sigh

“9 years old ako nung pinasok ng magnanakaw ang bahay namin”

“ha?”

“nasa probinsya nun ang mama ko at ang kuya ko naman ay nasa camping kaya kami lang
ng papa ko ang naiwan sa bahay. Nung pinasok kami ng magnanakaw, sinubukan ni papa
na labanan ito kaso masyado silang malakas kaya napatay nila si Papa”

“t-teka bat mo kinukwento to?”

Hindi ko sinagot ang tanong niya instead nagpatuloy ako sa pagkukwento

“after 5 years, namatay naman si mama dahil sa isang sakit. Simula nun si Kuya na
ang nagalaga sakin”

“Wait I don’t under---“

“kaso na hospitalized naman si kuya with the same disease as my mom. My brother
died” I heaved a sigh “30 minutes ago”

Mukhang natigilan siya sa sinabi ko


“oh.. c-condolence”

Binigyan ko ulit siya ng isang ngiti “pero sa kanilang tatlo, hindi ako nawalan ng
pagasa na mabubuhay sila hanggang sa huling hininga nila sa mundo. Death is really
painful specially kung ang nawala ay yung taong mahalaga sayo. But do you believe
in miracle?”

“h-ha?”

“Miracles are true as long as you believe in them. Wag mong iyakan at isuko ang
taong lumalaban pa para makasama ka” tumayo ako at inilabas ang panyo na bigay ni
mama saakin. Ang panyong ito ang lagi kong hawak hawak kada umiiyak ako at
nasasaktan kasi para narin si mama ang nagpupunas sa luha ko tuwing ginagamit ko
to. Inabot ko to doon sa lalaki “gawa ni mama yan, pero di ko na to kailangan
ngayon. Meron ng taong mas nangangailangan nito. Ingatan mo yan ah at pag di mo na
kailangan, ibigay mo to sa taong nangangailangan” I gave him one last smile then
lumabas na ako sa chapel.

Sana napalakas ko ang loob nung lalaking yun.


Nagpunta ako sa may garden ng hospital at naupo doon sa ilalim ng puno na favorite
place ni kuya nung mga panahong nandito pa siya. Madalas siyang humiling na dalhin
ko siya dito para antayin yung sun-rise.

“kuya bakit gustong gusto mo bang pinapanuod yung sunrise?”

“para makita ko kung gaano ako kamahal ni God dahil hanggang ngayon, nandito parin
ako pra makita ang panibagong araw. Panibagong araw na kasama kita”

Medyo napaluha naman ako nung maalala ko yung sinabi na yun ni kuya. This time,
magisa na lang akong manonood ng sunrise dahil wala na siya.

Kanina kitang kita ko kung paano binawian ng buhay si kuya. Kitang kita ko ang
hirap na hirap niyang expression sa mukha. Pero bago siya bawian, sinabi niya
saakin ang mga katagang madalang niyo lang maririnig sa magkapatid

“Dionne, I love you. Tandaan mo palagi na mahal na mahal ka ni kuya ha?”


‘Mahal na mahal na mahal din kita kuya Dylan. Kayo ni mama at ni papa, mahal na
mahal ko kayo’ Bulong ko sa sarili ko.

Tinignan ko ang relo ko. It’s exactly 3 hours before sunrise. Nakaupo lang ako doon
habang inaantay ko mag sunrise. I remember all the things that me and kuya done
together. Siya ang nakasama ko sa lahat ng hirap at ginahawa na nangyari sa buhay
namin. Hindi ako pinabayaan ni kuya hanggang sa huling hininga niya. Pumikit ako at
kinanta ko yung lyrics ng isa sa mga paborito kong kanta.

“As Soon as you reached a better place

Still I'll give the whole world to see your face

And I'm right next to you

it feels like you gone to soon.

And the hardest thing to do, is to say bye”

Napapikit ako habang naramdaman ko na naman ang luha sa pisngi ko pero hindi ko ito
pinunasan instead I smile.

Sabi saakin ni kuya dati, pag nasasaktan daw ako oh nalulungkot, mag smile lang daw
ako dahil makakatulong yun para gumaan ang nararamdaman ko.
Kuya naka smile na ko oh, sana ikaw din.

Dumating ang hinihintay kong sunrise and I think this is the most beautiful sunrise
I ever saw. Parang sinasabi saakin nito na kailangan ko ng iwan lahat ng sakit na
nararamdaman ko. Kailangan ko ng harapin ang bagong umaga na ito.

Tumayo na ako at pumasok sa hospital para kunin ang mga naiwan kong gamit. Napadaan
naman ulit ako doon sa emergency room at nakita ko yung lalaking pinagbigyan ko ng
panyo na sumisigaw.

“she’s awake! Nami’s awake!!!”

Agad na tumakbo naman yung mga doctor sa loob ng ER

“totoo ba yun? buhay ang kapatid namin?” tanong nung isa pang guy
“totoo yun! Sinabi niya pa nga ang pangalan ko!”

A woman hugged him “thank god.. thank God... my daughter... He saved my daughter”

“Sabi sa inyo babalik si Nami. Di niya ko iiwan”

Bigla naman napatingin yung guy doon sa side ko. I gave him a smile

He smiled back and mouthed the word “thank you”

I nod then umalis na ako doon.


Well at least someone got their happy ending today.

As for me...

I placed my hand near my heart

I should start praying for another miracle.

~~
[Jake’s POV]

“Jake move closer to Venus! That’s right! Rui, chin up! Put more expression on your
face! And please stop scratching your head! May kuto ba yan ha?! Venus nice facial
expression! Very good! Now don’t move!”

I saw flashes of cameras then afterwards I heard our producer clapped

“very good guys! Alam kong magiging hit ang bago niyong movie! As for now, you may
go!”

I’m Jake Marquez, a celebrity at yung kaninang ginagawa namin eh pictorial para
doon sa upcoming movie namin. Of course ako ang bida! At talaga naman bebenta yan
eh. Sino ba naman ang di manunuod ng movie ni Jake Marquez di ba? Bulag na ang
hindi kinilig saakin. Sa gwapo kong to, ngitian ko lang ang mga babae pwede na
silang mamatay.

“hey Jake are you going home?” she put her arms around mine
“oo eh, pagod ako”

“want to eat breakfast with me?”

“I need to sleep. Inumaga na tayo sa photoshoot na ito”

Bumitiw siya sa pagkakapulupot saakin, “tss KJ much” after that naglakad na siya
palayo.

That’s Venus Fair, my leading lady. Isa ring patay na patay saakin.

Naupo ako sa may sofa ng set habang inaayos ko ang gamit ko para makauwi na ko

“oh bat ikaw yung nagaayos niyan? Nasaan P.A mo?”


Tanong ni Rui, isa sa mga cast na kasama ko at the same time kabarkada ko. Hapon
yan.

“wala eh pinatalsik ko! Sukat ba naman hulugan ng butil ng kanin yung carpet sa
living room ng condo ko! Bagong bili ko pa naman nun!”

“ano ba yan! Yun lang kasalanan niya pinalayas mo na agad! Baka!” [baka – stupid]

“sus wag ka nga makielam saakin! Eh bakit ka pala kamot ng kamot ng ulo mo kanina
pa ha?”

“eh yang Maisie kasi na yan eh sukat taktakan ba naman ako ng chalkdust kanina sa
ulo!” T___T

Maisie Shaey is in charge of the clothes we are wearing, at lagi niyang nakakaaway
itong si Rui Ashiya dahil sa sobrang kakulitan.
Rui stretched his arms then pinatong niya yung ulo niya sa may headboard ng sofa

“uwaaaaaa I’m so tired! Jake-nii chan kaeru” [kaeru – let’s go home]

“uuwi naman na talaga ako eh kaya bbye na” I stood up and grab my things

“wait pasabay ako. Sira kotse ko eh”

I smirk “sorry mate, ayoko. Makisabay ka na lang kay Maisie”

“b-b-b-b-but T__T”
Sus parang bata

Di ko na siya pinansin at naglakad na ko papuntang parking lot. Hay salamat naman


at makakapag pahinga ako. Tsaka sabi ni tito ngayon daw ang dating nung bagong PA
ko. Sana naman eh nasa bahay ko na siya ng ayusin niya gamit ko!

Pagkadating ko doon sa unit na tinutuluyan ko, agad naman akong dumiretso sa


bathroom to take a quick shower before ako matulog. Syempre, samut-saring tao ang
humawak saakin dahil sa dami ng fans na nakipag shake hands at yumakap saakin sa
mall tour namin kahapon. Mamaya eh may mga germs ang mga kamay nila. Yuck! Mga
bacteria people sila! Kadiri.

Kinuskos ko maigi ang balat ko gamit ang isang imported brand na sabon na tanging
kahiyang ng sobrang sensitive kong balat. While I’m in the middle of sanitizing my
self, halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may nag bukas ng pinto sa bathroom ko
at tumambad sa harapan ko ang isang unknown species.

Isang babaeng maputi, mahaba ang buhok at... hindi ko na madescribe pa ang ibang
features ng mukha niya dahil agad niya itong tinakpan.

“UWAAAAAAAAAAAAAAA” O_____________O
“AAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!” O_______________O

Agad kong kinuha ang pinakamalapit na bagay saakin. . . wich is yung tabo. . . para
ipantakip sa pagkalalaki ko.

“oh my! Oh my! May nakita ako! Oh my! Hindi ko po sinasdya Lord patawarin mo ko!
Nakita ko yung ano niya! Oh my gosh! No! huwaaaaaaaaaaaa” T___T

“WHAT THE HELL!!! WHO ARE YOU AND WHAT ARE YOU DOING IN MY BATHROOM?!”

“oh Lord please forgive me! Hindi ko po sinasadyang makapang boso! Oh my gosh
talaga!” T___T

Agad kong kinuha ang towel ko at ipinulupot ito sa bewang ko. Lumapit naman ako
doon sa babae at hinila ko siya paharap saakin

“SINO KA?!”

“huwaaaaaaaaaaaaaaa!” nagtitili yung babae at tumakbo papuntang living room.

Anak ng tinapa! Bakit may nakapasok na baliw dito sa condo ko?! I should call the
police!

Sinundan ko agad yung babae sa living room at nagulat naman ako ng makita ko si
Tito Jin. Yung babae nakatago sa likod ni Tito Jin habang umiiyak

“tito kilala niyo ba yan?!”

“ikaw bata ka!” bigla naman akong binatukan ni tito “napaka manyak mo! Anong ginawa
mo dito kay Dionne ha?!”
“huh?!”

“siya ang magiging PA mo pero minanyak mo agad!” binatukan niya ulit ako “di kita
pinalaking ganyan!"

Wow ha, ako na nga tong nasilipan ako pa nasabihan ng manyak with matching batok
pa!

Astig =__=

=================

Chapter 2 *Kiss*

Sa mga nagtatanong kung ano ang nangyari doon sa site ko sa weebly.... dinelete ko
na siya :)
****

Chapter 2

*Kiss*

[Jake’s POV]

“she’s Dionne Sy, anak siya ng kaibigan ko. She’ll be your P.A from now on”

Tinignan ko yung Dionne mula ulo hanggang paa. Chinita siya at may mahabang itim at
straight na straight na buhok. Halatang may lahing Chinese ang isang to.

“hi Sir Jake, nice meeting you po. Sorry pala kanina” nilahad niya ang kamay niya
na parang gusto niyang makipag shake hands
I look her hands with disgust “may I ask when is the last time you sanitize your
hand?”

“h-ha?”

“kung di mo naiintindihan sa English then itatagalog ko para sayo. Kelan mo huling


hinugasan yang kamay mo?”

“Japoy!! Manners!!” saway ni Tito Jin.

Sumimangot ako dahil sinaway niya ako at dahil tinawag na naman niya ako diyan sa
stupid nickname na yan. Tong si Tito di nagiingat eh! paano kung may nakapasok na
paparazzi dito sa unit ko at nag install ng hidden device para makapag stalk
saakin? Paano kung narinig nila ang mabaho kong nickname? edi yari ako? Sira ang
career ko? Tss.

“Japoy it is not right to keep a girl waiting” sabi ni tito habang nakatingin doon
sa kamay ni Dionne na nakalahad parin. Dahil wala na kong magawa, hinawakan ko ang
dulo ng daliri ni Dionne gamit ang dalawang daliri ko at nakipag shake “fingers” sa
kanya while digust is written all over my face. Kadiri talaga. Malay ko ba kung
ilang bacteria ang dumapo sa daliri ng babaeng yan. Asar naman oh, kakapaligo ko pa
lang nadumihan na ako agad =__=

“be kind to her ok? And wag mo siyang aawayin at pahihirapan ha?” sabi ni Tito Jin
“make sure hindi siya magugutom. And also—“

“wait wait wait” pag awat ko kay tito “sino ba ang P.A saamin dalawa? Ako o siya?
Bakit saakin mo siya binibilin ha? Sino bang pagsisilbihan dito?”

“oh wag kang magalit! Reminders lang” sabi ni tito

Dionne giggled. Napatingin naman ako sa kanya, at nginitian niya ako.

Creepy, bat parang nagtindigan lahat ng balahibo sa balat ko? This girl is weird.

“oh siya maiwan ko na kayo ha. Jake, wag manyak ok?”


Hindi ko pinansin ang huling sinabi ni tito kaya naman lumabas narin siya ng
tuluyan. Ako pa ngayon ang manyak. Tsaka duh! Yang babaeng yan mamanyakin ko? Wag
na uy. Di siya maganda para mamanyak!

“uhmm Jake—“

“call me sir Jake” hinarap ko si Dionne “tell me may kuto ka ba? O hadhad? O
alipunga? O putok? Kung meron sabihin mo na sakin agad”

“ha? Wala naman akong mga ganun”

“good. Ayoko ng madumi. Tsaka make sure maliligo ka three times a day and maya’t
maya kang may dalang alcohol ah? Ayokong magkaroon ng close contact sa taong puno
ng bacteria sa katawan. Another thing, mamayang 4pm may mall tour ako. Madaming
fans doon, magdala ka ng mga sampung alcohol. Ipapakilala din kita kay Maisie, yung
fashion designer namin para alam mo kung ano ang mga damit na aayusin mo. As for
now, linisin mo yung living room. And oh, don’t you even dare break into my
bathroom again!! Any question?!”
“uhmm yes, saan ako pwede matulog?”

“doon sa left side na pinto, diyan ka tutuloy. Yung katapat nun is room ko kaya wag
na wag kang papasok doon without my consent!”

“ok! How about yung day-off ko?”

“every Sunday! But be sure to be back at Monday morning”

“ok lang, babalik ako ng Sunday afternoon”

Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya “you mean hindi ka uuwi sa family mo?”

She just smiled at me then iniba na naman niya ang question “Uhmm another
question, ilang taon ka na? ano trabaho mo? Bakit may mall tour ka? Sikat ka ba?”

Halos malaglag ang panga ko doon sa mga question niya. Honestly, wala siyang idea
kung sino ang gwapong nilalang na nasa harap niya?! O___O

“takas ka ba sa mental o sadyang weird lang? seryoso kang di mo ko kilala?!”

“uhmm kilala kita, ikaw si Japoy ang amo ko”

“don’t you dare call me that specially in public!! I’m Jake Marquez, ang sikat na
sikat na artista! Saang planeta ka ba nanggaling?!”

“hehehe sorry di kasi ako nanunuod ng tv eh”

“but still!!”napahawak ako sa ulo ko at parang makukunsumi na ako “hay naku


maglinis ka na nga lang! wake me up at 1pm ok? Make sure malinis yang living roon
ha?!”
“ok Japoy!” ^__^

Grrr talagang paulit ulit siya sa name na yan ha?! =__=

At wow ang galang! Maka address saakin akala mo close kami! Ni walang ‘sir’ eh!

Bago pa mas uminit ang ulo ko sa babaeng to, naglakad na ko sa room ko and ni-lock
ko ito just in case that weird girl crawl into my room. Pagsamantalahan pa nun ang
pagkalalaki ko, mahirap na no!

Pagkahigang pagka-higa ko sa kama, nakatulog na ko agad dala narin siguro ng


matinding pagod.
“Japoy, gising na! japoy!”

Naramdaman kong may tumatapik ng pisngi ko pero di ko pinapansin

“uy japoy! Mamaya ma-late ka niyan sa mall tour mo eh”

“5 minutes”

“hindi pwede baka ma-late ka”

“tsk! Ang kulit mo naman eh!” nagtaklob ako ng kumot. Good thing hindi na ko
kinulit ulit nung kung sino naman yun. Now I can rest in peace again—
“HUWAAAAAAAAA SUNOG! SUNOG! MASUSUNOG NA ANG BUILDING! AYAN NA ANG SUNOG LUMALABAS
SA REF! HUWAAAAAAA!”

Napatayo ako bigla dahil doon sa sumigaw

“sunog?! Asan?!”

Agad agad kong inalis yung kumot na nakapulupot saakin at nagmamadali akong
bumangon sa kama. Halos madapa dapa pa ako. Nakita ko naman si Dionne na nakatayo
lang at natatawa tawa

“what are you waiting for?! The building’s on fire!!”


“hahahahahahahahha! To naman oh joke lang yun! Di naman nasusunog ang building eh,
sinabi ko lang yun para bumangon ka” ^__^v

“ah ganon” huminga ako ng malalim “DO YOU WANT ME TO FIRE YOU?!!!!!”

“hahahahaha highblood oh! Hahahahahaa”

Ay anak ng--!! Tinawanan pa ko?!

“you’re such a *toot toot* weird girl!! How dare you *toot toot* tease me with the
fire thing?! It’s not even *toot toot* funny!!! You’re such a *toot toot toot toot
toot*” galit na galit kong sabi sa kanya na halos magamit ko na lahat ng curse word
na sinabi ko.

At ang ginawa niya?


“hahahahahahha grabe iiyak ang mga anghel pag narinig kang magsalita”

Bat ba ang galing niya mang-asar ha? Gusto ko na tong palayasin kahit first day
niya pa lang =__=

“paano ka nga pala nakapasok dito sa kwarto ko samantalang ni-lock ko yung pinto
ko!!!”

May inilabas naman siya sa bulsa niya na spare key kaya napapalo ako sa noo ko.

Grabe lang ah! Paano niya naisip na may spare key ang room ko? Freaky. Mamaya
magnanakaw ang isang to =__=

Nag-bihis na ako then maya-maya lang, dumating na yung sundo kong van.
“wala ka na ba nakalimutan sa lahat ng pinadadala ko sayo?” tanong ko kay Dionne
bago kami sumakay

“wala na. Ok na lahat”

“good. Then let’s go”

Sumakay na kami sa van. Siya doon sa unahan, ako doon sa likod. Habang nasa byahe,
napatingin ako bigla sa may rearview mirror ng kotse at doon, kita ko ang mukha ni
Dionne. Ngayon ko lang na pansin, kahit singkit ang mata niya, maganda ito. Tapos
yung buhok niya straight na straight na akala mo eh model ng rejoice. Tapos sobrang
puti niya though may natural blush ang pisngi niya. Tapos yung labi niya, ang pula,
parang---

AH BWISET!!! Bakit ko tinititigan ang weirdong chimay ko? Ewwww ano ba tong
nangyayari saakin! Ang cheap! Kadiri! Kinilabutan ako ng husto sa mga inisip ko.
Brrrr.

Maya-maya lang nakarating na kami doon sa mall kung saan yung show namin. Madaming
fans ang naka-abang sa labas.

“wow Japoy! Ang dami mo palang fans” sabi ni weirdo

“tss don’t you dare call me that in public or else I’ll kill you” =__=

“hahahahahahaha grabe naman yun XD”

Minsan talaga ang sarap ng i-detach ang lalamunan nito ng di na makatawa forever
=__=
Nung pag-baba ko ng van, as usual dagsaan ang mga tao. Buti na lang eh madaming
humaranang sa mga ito. Pero syempre yung iba nahahawakan ako sa braso, yung iba
naman nakikipag kamay saakin. Jusko naman! Nakaka diri!

“dala mo ba yung alcohol?” pasimpleng bulong ko kay Dionne habang naglalakad kami.

“ah oo”

“good” makaligo nga sa alcohol mamaya bago mag start yung program. Nanlilimahid ako
sa mga taong to. Kung makahawak wagas! Kadiri talaga!

“SI MS. VENUS FAIR!!!”

Nagtilian yung mga tao ng bumaba sa van yung leading lady ko doon sa movie, si
Venus. She wave and smile sweetly on her fans.

Plastic.
“sino siya Japoy? Ang ganda ganda niya!” bulong ni Dionne

“sus, saan banda?”

“grabe ka Malabo na ata ang mata mo. Ang ganda niya oh! Para siyang Goddess”

OA naman ng isang to. Para saakin, common na ang beauty ni Venus =__=

“oh Jake” tawag ni Venus at tumakbo siya saakin “I miss you babe!”

Babe? Huh? Ano sinasabi nito?


Pero bago pa ko makapag-react, nagulat ako ng bigla na lang pinulupot ni Venus ang
mga braso niya sa braso ko at hinalikan ako.

And the next thing I knew, narinig ko ang malakas na hiyawan ng mga tao kasabay ng
mga flash ng camera.

=================

Chapter 3 *Suspicion*

A/N: add add add my character acccounts XD... eto po yung official... eto po yung
mga nanghingi ng consent saakin at ito po yung mga pinayagan ko

Jake >> http://www.facebook.com/profile.php?id=100003322426833

Dionne > http://www.facebook.com/profile.php?id=100003305985219&ref=ts

Venus >> http://www.facebook.com/venuslabsyou

Rui >> http://www.facebook.com/profile.php?id=100003310222275&ref=ts

kung may nakita man kayong ibang profile ni jake, ni dionne, ni venus and ni Rui...
wala pong consent yun.. pero ok lang din na i-add niyo sila.. basta yung mga nasa
taas ang official :)
***

Chapter 3

*Suspicion*

[Jake’s POV]

“so how long have you been together?” tanong nung isang reporter saamin

“matagal na” sagot naman ni Venus sabay ipinulupot niya ang mga braso niya sa braso
ko na akala mo eh isang ahas. Tss, akala ko ang ahas nasa gubat lang, meron din
pala dito “eversince nagkasama kami sa shooting ng movie na to, mas lalo kaming
naging malapit sa isa’t isa but we decided to keep it private”

Halos mapa-irap na ko dahil sa pinagsasabi ng babaeng to. No wonder she won a lot
of acting awards. She’s a very good actress.
“but since mahal na mahal namin ang mga fans namin, naisipan namin na ipakita na sa
kanila ang real deal between us” sabi ko naman doon sa reporter

Ha! Kala niya siya lang magaling umarte? Ako din no. Sinakyan ko ang ginawa ng
babaeng to kanina sa isang kadahilanan: more exposure. Since alam na nilang ‘real
life couple’ ang mga bida doon sa movie namin, mas lalo silang magkaka interes na
manuod nun. Sus, uso na ang ganitong style sa mga artista ngayon. Syempre
magpapahuli ba kami?

Right after ng mall tour, dumiretso ako agad sa back stage at nakita ko naman doon
si Dionne.

Dali-dali siyang pumunta saakin at inabutan ako ng tubig

“inom ka muna” she told me while smiling

Ngiti-ngiti ng isang to? Para siyang aso.


“ayoko niyan. Kunin mo na lang yung alcohol na pinabaon ko sayo kanina”

Agad namang hinalungkat ni Dionne yung bag na dala niya at kinuha niya yung
alcohol. Binuksan niya ito at lalagyan niya na sana ang kamay ko ng bigla naman may
tumabing sakanya

“tabi ka nga!” kinuha ni Venus sa kamay ni Dionne yung alcohol “akin na yan!”
lumapit si Venus saakin “akin na ang kamay mo”

I smirk then kinuha ko sa kanya yung alcohol “the show is over darling. You should
stop acting now”

“acting?!” parang gulat na gulat na tanong ni Venus

Oh ano naman akala niya? Totohanan yung kanina? Asaness men! Kapal niya no!
“let’s go!” hinila ko si Dionne palayo doon kay Venus. Loka-loka ang babaeng yun
eh. Mamaya gahasain pa ko, nakakatakot!

“Wait Jake!!”

Sinubukan niyang habulin kami pero dahil sa ang bilis ko maglakad, at ang taas ng
heels niya, di niya kami nagawang mahabol

“Japoy..”

“ano?!”

“uhmm bat iniwan mo yung girlfriend mo? Di ba dapat sabay kayo umuwi?”

“she’s not my girlfriend! Mandiri ka nga sa sinasabi mo!”

“pero maganda naman si Venus, tsaka kakasabi niyo lang kanina na kayo na di ba?
Hinalikan ka pa nga niya”
I smirk “alam mo, ang mga artista gumagawa ng eksena lalo na pag may movie na
ipapalabas. Kung baga sa mga businessman, kailangan nilang gumawa ng mga pakulo
para bumenta ang produkto nila” inilapit ko ang mukha ko sa kanya “naiintindihan
mo?”

Nagulat naman ako ng bigla siyang sumimangot. Mula pa kanina lagi siyang nakangiti,
pero eto ang unang beses kong nakita na sumimangot siya

“edi parang niloko niyo narin yung mga taong humahanga sa inyo? Masama yun di ba?
Ano kaya mararamdaman nila pag nalaman nilang di totoo lahat ng yun?”

“b-bakit ba!! Ano bang paki mo? P.A ka lang at hindi ikaw ang konsensya ko ok?! Get
in the car!!”

Dali-dali naman pumasok si Dionne sa kotse katabi nung driver habang ako naman
nandun sa likod.

Tss, nakakabadtrip! Bakit ba parang nakokonsensya ako?! Argggh!! Yamot! =__=


“Japoy, nagugutom ka na ba? Gusto mo ba magluto ako ng dinner?”

Tinignan ko siya “marunong ka ba?”

“hindi” ^___^v

=___=

=___=
=___=

>:(

“HINDI KA MARUNONG MAGLUTO?!?!?!?!”

“hehehehehhe oh puso mo! Wag ka na magalit!” :p

Napahilamos ako sa mukha ko. Anak naman ng tinapa eh! anong klaseng P.A ba tong
nakuha ni tito?! Grabe makielam! Ang lakas mantrip! Pero di marunong magluto?! Anak
ng tinapa naman oh! Mukhang gugutumin ako sa isang to eh!!

Inilabas ko yung wallet ko at binigyan siya ng isang libo “bumili ka ng pizza sa


labas at ng recipe book! From now on dapat kang matuto ng magluto whether you like
it or not!!! I’m giving you a week to learn! Pag ikaw di natuto palalayasin kita
dito sa bahay! Naintindihan mo?!?!” halos lumuwa ang mata ko sa sobrang panlalaki
habang sinasabi ko sa kanya ang mga bagay na yan. Nakakaramdam ako na puro
pangungunsumi lang ang mapapala ko sa weirdong babaeng to eh =__=
“hahahahahaha panda eyes! Ang cuteeeeee! Ganito itsura mo oh Japoy O___O ..
hahahahahahhaa ang cute cute”

Pwede bang kahit isang beses lang eh patulan ko tong babaeng to? Kahit isang beses
lang =___=

“uuuy pikon na siya! Ikaw naman di ka na ma-joke eh! hahahahahaha”

“AH EWAN KO SAYO!!! BUMILI KA NA LANG NG PIZZA BAGO PA KITA MAGULPI!”

“opo boss! To talaga masyadong highblood!” XD

Lumabas na siya at ako naman napaupo sa sofa. Grabe para atang mas napagod ako
maasar dito sa babaeng to kesa doon sa mall tour. Ibang klase =__=

Tumayo na ako at dumiretso sa bathroom para maligo. Kelan ba matatapos tong mall
tour na to?! Puro bacteria people na ang na-eencounter ko! Nahalikan pa ko ng linta
kanina! Oh well about the linta part, I should bare with her until we finish
shooting the movie dahil madaming kissing scene doon at may plano pa daw na
bedscene. Sana lang magbago isip nung script writer at nung director =__=

After kong maligo, nagpalit na ko ng PJ’s at dumiretso sa sala para manuod.


Nakapaligo na ko’t lahat hindi parin nakakabalik ang babaeng yun. Sa kabilang kanto
lang ang mall bagal bagal pang bumili. Gutom na ko ha! =__=

“ang baho baho naman kasi talaga ng mga pinapasuot mo sakin eh!!”

Napatayo naman ako nung may marinig akong pamilyar na boses na parang papalapit

“excuse me no! lahat ng mga robes na galing sa store ko mababango! Everyday ko yan
pinapa laundry!”

Biglang may nag doorbell sa unit ko. Mukhang kilala ko na kung sino ang mga
unexpected visitors na to.
“eh anong tawag mo sa amoy nito ha?!”

“amoy putok obvious ba? Pero di robes ang may problema kundi yang kili-kili mo!”

I open the door at tumambad saakin ang mukha ng aso’t pusa

“kuya Jake!!!” bigla akong dinamba ni Maisie and gave me a hug “inaaway na naman
ako ni Rui” T___T

“ako pa ngayon nangaway! Baka!”

“anong baka?! Hoy alam ko ibig sabihin nun! Kung ako baka ikaw kalabaw!”

“oh awat na mamaya magkatuluyan kayong dalawa diyan eh!” pag awat ko doon sa aso’t
pusa

“eeeeewww” they both said in unison.


Pumasok silang dalawa sa unit ko without me inviting them. For sure magkakalat na
naman ang mga batang to dito. =___=

“Jake-nii chan may pagkain ka ba? Gutom na ko eh” T___T

[onii-chan = kuya]

“oo padating na yung pinabili kong pizza”

And right on que bigla ng dumating si Dionne dala-dala yung box ng pizza.

“Japoy sorry natagalan ako. Nahirapan kasi ako maghanap ng recipe book” bigla naman
siya natigilan nung makita niya si Maisie at Rui sa living room “oh may visitors
pala. Hello po, ako po si Dionne”

“whoa” napatayo bigla si Rui at binulungan ako “girlfriend mo?”

“huh?! Ano sinasabi mo diyan! P.A ko yan no!”


“hountoni?”

[hountoni = really?]

“oo nga sabi eh!”

Pagkasabi ko nun bigla naman tumakbo palapit si Rui kay Dionne. Kinuha niya ang mga
dala nito at nilapag sa table.

“Hajimemashite! Watashiwa Rui desu! Anatta wa hountoni kirei desu!” hinawakan niya
ang kamay ni Dionne “Angel-sama, kekkon shite kudasai!”

[Nice meeting you, I’m Rui! You’re so beautiful! Angel, please marry me]

“h-huh?”

Hinila ko si Rui palayo kay Dionne atsaka ko binatukan “loko ka! Intsik yan hindi
hapon! Tsaka wala ka talagang taste”

“huwaaaaaaaaat? Eh ang ganda niya eh! ikaw ang walang taste no!”
Bigla naman lumapit si Maisie kay Dionne “naku ate wag mong pansinin ang japayuki
na yun. Layuan mo rin siya ha? Manyak yun at may anghit!”

“hoy! Grabe kang manira ah! Sinisira mo ang dangal ko!” sigaw ni Rui kay Maisie
“wag kang maniwala diyan Dionne, I’m gentleman, I’m clean, mabango ako at bagay
akong maging next boyfriend mo” he winked at her

Jusko po kinilabutan talaga ako. Pati ba naman chimay ko papatulan nitong si Rui?
Ganyan na ba siya ka desperate? =__=

“grabe ang landi mo talaga Rui!” pinalo ni Maisie si Rui sa braso “naku ate Dionne
wag mo na pansinin to”

Dionne giggled

Nagsama ang aso, pusa at takas sa mental sa isang lugar. End of the world na =___=
Pinaayos ko na kay Dionne yung pagkain pizza at pinag timpla ko narin siya ng ice
tea. Pero dahil sa mukhang abnormal ang isang yun, pumunta ako sa kitchen para i-
check siya. Baka mamaya asin na ang nilalagay niya sa ice tea kesa asukal. Mahirap
na no =__=

“ano ok na?” tanong ko sa kanya

“yep! Ayos na iseserve ko na. Ay Japoy, Sunday bukas, ok lang ba na umalis ako ng
5am? Iiwan na lang kita ng breakfast dito”

“pupuntahan mo family mo?”

She just smile then kinuha niya na yung tray at lumabas papuntang living room.

Hmm bakit pag family ang pinaguusapan eh ngumingiti lang siya? Nakakahinala eh.
baka naman...
Napatakip ako ng bibig dahil doon sa biglang pumasok sa isip ko.

Wait wait, oo nga hindi nga malabong mangyari yun! Nakakapagtaka eh! alagang alaga
siya ni tito at kahit hindi siya marunong magluto at napaka pakielamera niya eh
pinagpilitan niya tong maging P.A ko

Hindi kaya...

Hindi kaya...
KABIT SIYA NI TITO JIN?! O_________O

Oh my gosh! Baka niloloko na ni tito Jin si Tita Chyna! I need to investigate!

Kailangan kong malaman ang pagkatao ng Dionne Sy na yan!

=================

Chapter 4 *Voice of an angel*

A/N: Like my page >> www.facebook.com/alyloony. or click the external link :)

***
Chapter 4

*Voice of an angel*

[Dionne’s POV]

‘Mr. sleepyhead Japoy, sana wag kang magalit dahil in-alarm ko yung alarm clock mo
ng 7am. You need to wake up early para di lumamig yung lugaw na niluto ko. See you
this afternoon.

Dionne’

I’m giggling habang inilalagay ko sa bed side ni Jake yung note ko. For sure
magagalit na naman yun. Lalaki na naman ang mata niya at butas ng ilong habang
binabasa niya ang note ko. Sayang di ko makikita! I found him very cute pag
nagagalit siya.

Tinignan ko yung natutulog na mukha ni Japoy. Para siyang angel, akala mo di


makabasag pinggan. Ang amo amo ng mukha niya, napaka peaceful na parang walang
dinadalang problema sa mundo.

Pero kahit naman gising siya at napaka sungit ng itsura niya, once he smile
makikita mo ang napaka peaceful niyang sarili. Na parang kahit na sinong dumikit sa
kanya, gagaan ang loob.

Kaya gustong gusto kong dumidikit kay Japoy. Parang pakiramdam ko nawawala lahat ng
problema ko.

I smile then lumabas na ko ng unit niya dala-dala yung gitara na niregalo saakin ni
Kuya Dylan.

Dumiretso ako sa isang simbahan na malapit dito sa unit ni Japoy. Sumali ako sa
choir nila and every morning before the 8am mass ang practice. Nung makarating ako
sa simbahan, mukhang wala pa halos members na dumadating pero may nauna na saakin
dahil may naririnig akong tumutugtog ng piano.

“I love the Lord, He is filled with compassion

He turned to me on the day that I called

By the snares of the dark

Oh Lord save my life, be my strength”

Teka, yung boses na yun. Kilalang kilala ko ang boses na yun.

Umakyat ako doon sa taas ng simbahan kung saan nanggagaling yung kumakanta

“Gracious is the Lord, and just.

Our God is mercy, rest to the weary.

Return my soul to the Lord our God who bids tears away.

I love the Lord. “


Nakita ko ang isang babae na napakaganda and kumakanta habang tumutugtog ng piano.
Hindi nga ako nagkamali, siya nga yun.

Yung babaeng madalas pakinggan ni kuya Dylan na kumanta galing sa malayo.

“I love the Lord, He is filled with compassion

He turned to me on the day that I called

By the snares of the dark

Oh Lord save my life, be my strength”

Pinanood kong kumanta yung babae. Tama nga si kuya, napaka-ganda ng boses niya,
like a voice of an angel. At kahit siya mismo napaka ganda niya. Napaka-amo ng
mukha niya.

Napatigil siya sa pagkanta nung mapansin niyang nanunuod ako.


“uhmm excuse me, do you need something?” tanong niya saakin

Agad ko naman inayos ang sarili ko “ah, hello, a-ako si Dionne, yung new member ng
choir”

Nginitian niya ako at dali-daling lumapit saakin at nakipag kamay “hello Dionne,
I’m Ashley! Nice meeting you! Thank you sa pag sali mo sa choir namin ah? Naku
talagang kailangan namin ng bagong member! Sana maging friends tayo!”

“h-ha? O-oo naman”

Hinila niya ako paupo doon sa tabi ng piano “wow, gitara ba yang dala mo? Pwede ko
ba makita?”

“ah sige” nilabas ko yung gitara ko at pinakita ko sa kanya


“Wow ang ganda naman niyan!”

“gift saakin ng kuya ko”

“ang ganda ganda naman. Kumakanta din ba ang kuya mo?”

“uhmm, oo. Actually ang ganda ganda nga ng boses ni kuya eh”

“ohh sasali din ba siya dito?”

I smile “he just died last week”

“o-oh sorry. Condolence”

Nginitian ko ulit siya “it’s ok. Sayang lang di ka manlang niya nakilala”

“huh?”

“ah w-wala. Ahmm kanta tayo?”


Nag strum ako ng gitara

“oh alam ko yang song na yan!”

Sabay kaming kumanta ni Ashley

“When I was younger I saw my daddy cried

And cursed at the wind

He broke his own heart and I watched

As he tried to re-assemble it”

Nagkatinginan kami ni Ashley and sabay kaming natawa


“nice voice Dionne”

“mas maganda yung iyo”

“ano ka ba! Hindi kaya!”

Napangiti ako.

Kuya Dylan is right, mabait nga siya. Ngayon pa lang kami nagkausap pero ang gaan
na agad ng loob ko sa kanya. Nagsi datingan na yung ibang choir members. Pinakilala
naman ako nung pinaka president nila doon tapos nag practice narin kami. Every
break naman, nakakadaldalan ko parin si Ashley.

“so, bat ngayon mo lang naisipan na sumali sa choir?” tanong ni Ashley saakin

“uhmm kalilipat ko lang kasi malapit dito. Nagtatrabaho ako bilang P.A”

“P.A? Ng artista?”
“oo! At alam mo ba sikat na sikat siya!”

“talaga? Sinong artista?”

“Si Japoy!” ^___^

“Japoy? Japoy Lizardo? Yung taekwondo player?”

Napakunot naman noo ko “uhmmm mukhang di naman ata nag ta-taekwondo si Japoy pero
magaling siya manigaw!” ^__^

“sinisigawan ka niya?!”

“oo kasi mainitin ulo niya! And he cursed a lot! Tapos pag nagalit siya lumalaki
mata niya at butas ng ilong niya!” ^____^

“wait wait!” napataas naman ng kamay si Ashley “mukhang masama ugali ng amo mo.
Naku mag iingat ka ha? Baka mamaya saktan ka nun or what!”

“naku naku hindi magagawa ni Japoy yun” ngumiti ako at tumingin doon sa malaking
cross na nasa harap namin “he’s a nice person. Alam ko yun.”
After ng 8am mass, nagpaalam na ko kila Ashley dahil may pupuntahan pa ko.
Dumiretso ako sa isang malapit na flower shop at bumili ng isang bouquet. After
that pumunta na ako sa cemetery kung saan nakalibing si Kuya.

Naupo ako sa puntod niya at ipinatong yung bulaklak.

“Kuya, may good news ako sayo. Na-meet ko na yung babaeng gusto mo. Ashley ang name
niya, ang ganda no? kasing ganda niya. Tapos ang bait pa niya at tama ka, ang
galing niya kumanta. Sayang kuya, hindi ka manlang niya na meet. pero wag ka mag-
alala, next time isasama ko siya dito para kantahan ka niya” biglang umihip ang
malakas na hangin na parang niyayakap ako nito “kuya ok lang ako. Masaya naman ako
ngayon sa bago kong trabaho. Yung amo ko, si Japoy, alam mo ba kuya gustong gusto
ko siya? Masaya kasi ako pag malapit ako sa kanya. Hindi ko nga alam kung bakit eh
pero magaan talaga ang loob ko sa kanya.” Nahiga ako sa damuhan “sana mas makilala
ko pa siya. Gusto kong mapalapit sa kanya”

[Jake’s POV]
“BAKIT KA NAG ALARM NG 7AM HA?!?!?! HINDI MO BA ALAM NA NGAYON LANG AKO BUMABAWI NG
TULOG KO SA ILANG ARAW NA PUYAT NA NARANASAN KO HA?!?!?!?!?!?!??!!” sigaw k okay
Dionne pagtapak na pagtapak pa lang niya sa unit ko.

“wait Japoy steady ka lang diyan at wag kang gagalaw, wag ka magbabago ng facial
expression”

“HUH?!”

Nilabas niya yung phone niya at tinapat niya sa mukha ko

*CLICK*

“ohhh ang cute!” sabi niya habang may pahawak hawak pa siya sa pisngi niya at
mukhang manghang mangha doon sa nasa cp niya
Wait, did she just took a picture of me?!?!?!?!

ANAK NG--!!!

“give me that phone!!!!!”

“ayoko” :p

“grrr wag mong ubusin ang pasensya ko kung ayaw mong patalsikin kita!!”

“you’ve been saying that a lot of times already pero di mo parin ako pinapaalis!”

TALAGANG INUUBOS NITONG MISTRESS NI TITO JIN ANG PASENSYA KO HA!

Tsaka hanep na P.A to slash mistress! Spokening dollar ah! =__=


“gusto mo totohanin ko ha?!” sigaw ko sa kanya

“di mo kaya”

“at bakit hindi?!”

She just shrugged her shoulder then gave me an innocent smile.

Grabe makangiti ang isang to eh!!

Nakakawala ng galit =__=

“w-wag mo kong daanin sa ngiti mong yan! Gimme that phone!”


“hindi pwede!”

“I said give it to me!!”

“eeeeh ayoko!”

“ako amo dito kaya sundin mo ko ha!”

“nope!” :p

Anak ng tokwa!

Dahil wala ng choice lumapit na ko sa kanya at pilit inaagaw yung cellphone kaso
ayaw niya ibigay saakin.

“akin na yan!!”
“waaaaaaaaaaa bitiwan mo japoy baka masira yan! Wala ako pampalit!”

“I don’t care! Ibigay mo sakin to!”

“eeeeeh hindi ko naman ipapakalat yung picture mong nanlalaki butas ng ilong mo.
Promise!” ^__^

“tumigil ka!!! Bigay mo sakin yan or else di kita suswelduhan ng isang taon!!”
hinatak ko yung cellphone sa kamay niya. Kaso grabe makakapit ang isang to kaya
pati siya nakasama sa paghatak ko kaya naman tumumba siya saakin kaya napaupo ako
sa sofa habang siya nasa ibabaw ko.

Natigilan kami pareho ni Dionne. Para kong nahypnotize na ewan nung matitigan ko ng
mas malapitan ang mga mata niya. Parang ang dami dami nitong emosyon na tinatago.
By looking at her eyes, I felt that this girl is so mysterious. Like she's hiding
something behind those innocent smiles of hers.

And it made me feel so awkward.

Bigla na lang may nag bukas ng pintuan ng unit ko.


“What’s the meaning of this?!”

Biglang lumayo si Dionne saakin habang hawak hawak niya ang dibdib niya.

Tinignan ko yung dumating

“what are you doing here, Venus?”

Hindi ako pinansin ni Venus but instead tumingin siya kay Dionne at tinuro ito
“you, what’s your name?”

“ah D-dionne”

“Dionne? Hmm ikaw yung P.A ni Jake di ba?” lumapit siya dito “know your place dear.
P.A ka hindi pokpok”
“h-ha?”

“get me a glass of water! I’m thirsty!” utos ni Venus kay Dionne

Agad naman tumayo si Dionne at pumunta sa kitchen

I smirk “where’s your P.A dear Venus? Bat hindi siya ang inutusan mo instead yung
P.A ko?”

She rolled her eyes “ano naman ang eksena niyo kanina? Don’t tell me pati siya
papatusin mo?”

“why not? For a P.A, she’s beautiful” I stretched my arms “pwede na pagtyagaan”

Sumimangot si Venus “tss, bumababa na ang taste mo”


“why, are you jealous?” tumayo ako then I placed my arm around her waist at nilapit
ko ang mukha ko kay Venus “don’t worry, ilang beses mo naman ako mahahalikan sa
movie natin eh”

She just rolled her eyes again at tinulak ako “sino natutulog doon sa kabilang
room?” tanong niya saakin habang tinuturo yung room opposite ng room ko

“si Dionne, bakit?”

“ok. I can sleep in your room naman”

“huh?”

Tinignan ako ni Venus ng tingin na parang she’s up to something


“you’re a great actor Jake, and alam mong magaling din akong umarte. Pareho nating
gustong maging successful ang movie na to then kailangan na natin dalhin sa higher
step ang pag papanggap natin”

“What do you mean?”

“alam mo naman na favorite kong past time ang paikutin sa kamay ko ang media di
ba?” lumapit siya saakin then she placed her hand on my chest “I am moving here
tomorrow. Doon ako sa room mo matutulog” she winked “don't worry, I'll make sure na
pareho tayong mag be-benifit dito” tinalikuran niya na ako at tuluyang lumabas ng
unit ko.

I smirk.

Grabe talaga ang mga plano ng babaeng yun. She’ll do everything para mas sumikat.
But I can’t deny, I like her plan.

Naupo ako sa sofa. Bukas, mukhang magkakaroon na ko ng ka live-in partner


This is going to be very interesting.

=================

Chapter 5 *Mr. Spy*

Chapter 5

*Mr. Spy*

[Rui’s POV]
“eeeeehhh ang tagal nilaaaaaa!” sabi ko sabay upo doon sa sofa ng set at
nagpagulong gulong “naiinip na ko!!” T___T

“hoy japayuki pwede bang wag kang magpagulong gulong diyan ha?! Yung damit mo
nagugusot! Pinaghirapan yan plantsahin no!”

Umayos ako ng upo at sinimangutan ko si Maisie. Tss napakainit talaga ng ulo sakin
ng babaeng yan. Di ko alam kung ano ang ginawa ko para magalit siya sakin ng husto!
>__<

Pero ang tagal naman dumating nina Kuya Jake! I want to see Dionne-chan! Sana
kasama niya T__T

Napahawak ako sa tummy ko. Tss gutom narin ako. Di naman ako makaalis sa set para
bumili ng pagkain kasi baka dumating na ang future wife kong si Dionne. Pero gutom
na koooo!!! T__T
“haaay makakain narin!”

Napalingon ako kay Maisie at nakita kong nag lagay siya ng mainit na tubig doon sa
cup noodles niya.

“err Maisie enge” T__T

Inirapan naman niya ko “ayoko, bumili ka ng sayo!”

“eh.. limang subo lang, please” nag puppy eyes ako sa kanya

“ayoko”

“apat”
“ayoko”

“tatlo?”

“ayoko”

“d-dalawa?”

“ayoko”

“isa? Please, isang subo lang!”


“ayoko nga sabi eh! wag mo nga akong guluhin! Kumakain ako eh! chupi!”

I pout. Hmpf sungit sungit ng babaeng to eh. Isang subo lang pinagdamot pa sakin.
Napahawak ako doon sa tyan kong kumakalam na. I’m hungry T___T

Narinig kong nag ring yung phone ni Maisie at sinagot naman niya to

“oh Ms. Alvarez, about po doon sa gown na ire-rent niyo?” tumayo si Maisie at
lumabas ng set siguro para mas marinig niya yung pinaguusapan nila. Nag twingkle
naman ang mata ko.

Sorry Maisie, gutom na tao lang. Sana mapatawad mo ko. :p

Umupo ako doon sa inuupuan kanina ni Maisie at tinitigan ang ready to eat niyang
cup noodles

“itadaikimasu”
I bowed my head and started eating the noodles “oishiiiiiii!”

Tuloy tuloy lang ako ng kain. Grabe, gutom na gutom talaga ko. Ang sarap naman
nitong noodles na to. Saan kaya nabili to ni Maisie? Magpapabili nga ako sa kanya
ng madaming madami.

“HEY THAT’S MY FOOD!”

Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang sumulpot si Maisie sa likudan ko at nakita


kong pulang pula ang mukha sa galit.

Oooohhh scary O____O

“hehehe to naman, sumubo lang ako ng onti” ^__^v


“ONTI?! EH UBOS NA EH!!!”

Huwaw! Grabeng temper ito! Katulad na katulad ng kay Kuya Jake!

“grabe naman! Parang cup noodles lang kinagagalit mo na agad!”

“patay gutom ka! Beggar! Pulubi! Taong kalye! Magnanakaw! Lahat na! grrrrr!”

“may patay gutom, beggar, pulubi, taong kalye at magnanakaw bang artista ha?!”

“oo meron!!!”
“sige nga sino?!”

“IKAW!”

Wow grabe ha ang sakit niya mag salita!

“teka nga bat ba galit na galit ka saakin ha?! Ano bang ikinaiinis mo sakin?!”
sigaw ko sa kanya!

“Lahat! Mula ulo hanggang paa mo nakakaasar!! Grrr jan ka na nga!” iniwan ako ni
Maisie na nakatayo doon at pumasok sa dressing room.

WOW LANG. Ano bang kainis inis saakin?! Sa gwapo kong to maasar siya? tss. Iba na
talaga taste ng mga babae.

“oh bat galit na galit yun?” napatingin ako doon sa dumating at nakita ko na
kapapasok lang ni Kuya Jake sa set
Kasama ang pinakamahahal ko.

“DIONNE-CHAAAAAAAAAANNNN!!!”

Tumakbo ako papalapit sa kanila atsaka ko niyakap si Dionne-chan “I’ve been waiting
for you!! Miss na miss na miss kita! Pinahihirapan ka ba ni Kuya Jake? Tell me
bubugbugin ko siya”

“ah hehehe”

“tss grabe ka!” sinikmuraan ako ni Kuya Jake in a playful way “puntahan ko muna si
Maisie”
“sure kuya. Iwan mo na saakin si Dionne-chan. I’ll take good care of her”

“hmpf”

Naglakad na palayo saamin si Kuya Jake. Buti naman at masosolo ko na si Dionne.

“Dionne-chan tara pagusapan na natin ang kasal nating dalawa!” ^____^

“e-eh? kasal?!”

“yep! Ay oo nga pala di pa pala ko nanliligaw” napakamot ako sa ulo “sige starting
today ako na ang manliligaw mo!”

“e-eh?! ahmm ano, R-rui puntahan ko muna si Japoy baka kailangan niya ko eh”
Tinignan ko si Dionne “do you like kuya Jake?”

“ha? Ah, oo. I like him”

OUCH. BASTED AKO AGAD T_____T

“e-e-edi, w-w-wala na ko pag-asa? Kayo na ba? nililigawan ka na ba niya? May


nangyari na ba sa inyo? Nag mwah mwah tsup tsup na ba kayo? DUMAMOVES NA BA SIYA?
WAAAAAAAAAH” T_____________T

“Ha? Naku hindi ganung like ang ibig kong sabihin. I mean gusto ko siya as a
person, kasi masaya siya kasama, nakakatuwa siya at ang cute cute niya. Parang sa
magkaibigan lang.” pagpapaliwanag ni Dionne saakin

Whew. Kinabaha ako doon. Buti naman! Tsakan may Venus na si Kuya Jake! Silang
dalawa ang bagay at kami naman ni Dionne-chan ang bagay!
“ohh I see! Eh ako? Like mo ba ko?”

“oo naman!”

“good I love you too!”

“e-eh?”

“tsaka wag mo na muna intindihin si Kuya Jake. Nandun naman si Maisie para i-guide
siya eh. magkakaintindihan naman yung dalawa. After all magkapatid sila” hinila ko
si Dionne paupo sa sofa “magkwentuhan muna tayo!”

“w-wait, magkapatid si Maisie at Japoy?”

“yep!”
“pero bat magkaiba sila ng surname?”

Tinignan ko si Dionne “do you really want to know?”

Lumapit naman siya saakin at mukhang interesadong interesado siya sa kwento ko “oo”

Huwaaaa ang ganda niya talaga!!! *sigh* gusto ko ng magpakasal sa kanya

Mas lumapit pa ako sa kanya para close-up kong makita ang napakaganda niyang mukha
“kasi ganito ang nangyari-----“

*BOOOGSH*
“ARAY!!!!” T_________T

Napahawak ako sa ulo ko dahil may tumamang kung anong bagay dito. Nakita ko sa
sahig yung pair ng rubershoes na isusuot ko.

“SAPATOS MO! AMOY PATAY NA DAGA! WAG NA WAG MONG MAIWAN IWAN YAN DITO!” sigaw ni
Maisie saakin

Napahimas ako sa ulo ko.

Grabe na talaga ang galit ng isang yun saakin =___=


[Jake’s POV]

“hay nakakaasar siya! ang landi landi ng japayuki na yun! Pati si Ate Dionne
nilalandi?! Grabe! May palapit lapit pa siya ng mukha kay Ate Dionne! grabe talaga!
nakakaasar siya! grrr! nakakaasar!” sabi ni Maisie habang padabog niyang inaayos
ang necktie ko

“oh hindi ako si Rui ha! Mamaya ako mapatay mo sa sobrang galit mo eh!”

“sorry kuya. Hay nakakaasar lang kasi talaga yung lalaking yun eh” tinignan niya ko
“Kuya palayuin mo si Ate Dionne sa kanya ha? Mamaya kung ano pa gawin ng lalaking
yun kay Ate Dionne”

Tinignan ko maigi si Maisie “wait, baka naman nagseselos ka?”


“n-nagseselos?! Ako?!” lumayo siya saakin at inayos yung mga gamit “selos his face!
Wala akong gusto doon no!”

Tinignan ko maigi si Maisie. Pulang pula ang mukha niya. Tss, indenial stage?

“ok sabi mo eh”

“uhmm kuya” lumapit ulit saakin si Maisie “pinapapunta ka pala ni mama sa bahay. Ka
—“

“ay! Magsisimula na ang shooting. Let’s talk later”

Agad agad akong lumabas ng dressing room at pumunta sa set. Tss pinaka ayokong
conversation sa lahat ay ang tungkol sa ina ko eh.
Just in time, nakita kong papalapit na saakin si Dionne. Tapos na ata makipag
landian kay Rui. Tss.

“Japoy, yung director nagagalit na. Hinahanap ka” sabi niya saakin

Nakita ko yung director namin na papalapit saakin “where have you been?! Bat na-
late ka ha?!”

“tinanghali ako ng gising”

“ilang ulit ko bang sasabihin na ayoko ng late ha?!”

Tinignan ko yung director ng masama “nandito na naman ako ha? Ano pang pinuputok ng
butsi mo diyan?” naglakad ako palayo “tara na nga at magsimula!”
“hay kapagod!!” sumalampak ako doon sa kotse pagkatapos na pagkatapos ng shooting
“nasaan yung alcohol ko?” tanong ko kay Dionne

“eto oh” inabot naman niya saakin to

“pag uwi natin sa bahay ipagtimpla mo ko ng kape ah. Lagyan mo ng madaming creamer”

“ok Japoy!”

“tsaka pala” lumapit ako sa kanya at binulungan ko siya “yung picture ko diyan sa
phone mo nabura mo na ba?”

Iniwas naman niya yung tingin niya saakin “uhhm.. oo”

“talaga?”

“oo nga”

“patingin ng cellphone mo!”

“w-wala di ko dala. Nasa bahay”

“tss, pag yun di mo pa binura I swear, you’ll be a dead meat!”


Nung makarating kami sa unit, nagulat ako ng makita ko na ang daming maleta na
nakakalat sa unit ko at nakaupo si Venus sa sofa ko.

Oh crap, nakalimutan ko, ngayon nga pala ang dating ng babaeng yan dito!

“ang tagal mo naman dumating”

“tss palibhasa wala kang shooting ngayon eh. Ano ba yan ang kalat mo naman!”

Tinignan ni Venus si Dionne “you, ilagay mo tong lahat sa room ni Jake”

“ah, s-sige”
Agad agad na kinuha ni Dionne yung mga maleta ni Venus

“talagang tototohanin mo ang plano mo ha” sabi ko sa kanya

“why? Akala mo nagbibiro ako? Sorry to disappoint you”

Naupo ako sa tabi niya “nah, hindi mo ko na disappoint. I like your plan”

“good. At least magkakasundo tayo”

“but let me clear myself to you. Pag wala tayo sa harap ng ibang tao, wag ng
magplastikan ha?”

She smirk “as if naman gusto kong makipag plastikan sayo” tumayo siya at
tinalikuran ako “tutulungan ko lang ang chimay mo mag ayos ng gamit ko. Mamaya ma-
damage pa niya yun. Mamahalin lahat ng yun” pumasok si Venus sa room ko
Ibang klaseng babae talaga yun.

Maya-maya lang din, sumunod na ako sa loob ng room ko para makapaligo na. Nadatnan
ko naman yung dalawa na nag aayos ng gamit. Si Venus nakaupo, habang si Dionne
naman inilalagay yung mga damit ni Venus sa cabinet ko base sa instruction ni
Venus.

Mukhang makakawawa ata ang P.A ko ah. Tignan natin kung uubra ang kakulitan niya sa
katarayan ni Venus.

Kumuha lang ako ng damit at pumasok na doon sa C.R ko para makapag babad sa
bathtub.

Hay salamat mare-relax narin. Ang sakit ng mga buto ko gawa ng shooting na yan!
Tss.

“ughh stupid! Sabi ko bang alisin mo sa box yung sapatos ko?!” rinig kong sigaw ni
Venus sa labas kasabay ng isang tunog na parang may binato siya “ang tanga mo ha!”

“s-sorry” rinig ko naman sabi ni Dionne

Hmm, mukhang natitiklop siya ngayon kay Venus ah? Tsk tsk tsk, poor girl.

Nung makalabas na ko ng CR, mukhang tapos na mag ayos yung dalawa dahil ang ganda
na ng higa ni Venus sa kama ko.

“Jake, palitan mo na nga yang P.A mo, napaka stupid”

“sino ba kasi nagsabi sayong utusan mo siya?” tinignan ko lang ng masama si Venus
atsaka ako lumabas ng kwarto. Nakita ko naman si Dionne sa may kitchen na
nakasandal sa may sink habang hawak hawak niya ang dibdib niya at hinihingal siya.
Ano bang pinagawa ni Venus dito at napagod yan ng ganyan?!

For a second, parang nakaramdam ako sa kanya ng awa.


Kumuha ako ng tubig sa ref atsaka ko inilagay sa tabi niya

“inumin mo”

Biglang napatingin saakin si Dionne at nginitian niya ko “t-thanks Japoy”

Tinignan ko lang siya ng masama atsaka tinalikuran ko.

I hate her smile. It made me feel so awkward.

Hay naku naman! Makapag basa na nga lang ng libro.


Pumasok ulit ako sa room ko at nakita ko naman si Venus doon na nakapagpalit na ng
pantulog habang sinusuklay ang mahaba niyang buhok. Tinitigan ko siya mula ulo
hanggang paa.

“Why are you looking at me like that?! Hindi ako pagkain ah” sabi niya saakin

“tss hindi mag susuot ang isang matinong babae ng lingerie pag may kasama siyang
lalaki sa isang kwarto lalo na kung hindi niya kaano-ano to”

She rolled her eyes “don’t tell me namamanyak ang isipan mo dahil saakin?”

I smirk “I’m a guy afterall”

Iniwas ko na ang tingin ko kay Venus at kukunin ko na sana yung libro ko doon sa
drawer ng maalala kong naiwan ko ito sa kotse. I get my car keys instead

“where are you going?”


“may kukunin lang sa kotse”

Lumabas na ko sa room at chineck muna yung kitchen kung nandun pa si Dionne. Wala
na siya. mukhang pumasok na rin sa room niya. Lumabas na ko ng unit ko at bumaba sa
parking lot.

Malapit na ko sa may kotse ko ng bigla akong mapahito at nagtago sa likod ng post


ng makita ko sa di kalayuan ang dalawang pamilyar na tao.

Si Tito Jin at si Dionne

Wait anong ginagawa ni Tito Jin dito ha?! At bat siya nakikipag kita kay Dionne?

May inabot si Tito kay Dionne na paper bag at agad agad naman itong tinanggap ni
Dionne.
Hmm, sabi na eh! may namamagitan talaga sa dalawang yan! Malamang sinusustentuhan
ni Tito Jin si Dionne! Tapos nakikipag landian pa siya kay Rui! Grabe ha, mahilig
siya sa mayayaman!

Ibang klaseng babae to. Akala mo ang tino-tino, nasa loob naman pala ang kulo.

Plastic din siya.

“Jake bat ang tagal mong bumalik?!” napalingon ako sa likod ko at nakita ko si
Venus na papalapit saakin. Agad ko naman siyang hinila at tinakpan ang bibig

“shh. Wag ka maingay” bulong ko dito

“ha? Bakit?” napatingin siya kay Dionne at tito Jin “oh my gosh! Tito mo yun ah!
Pati yung chimay mo! Don’t tell me--?!”
Hindi na natapos ni Venus ang sasabihin niya because both gasp doon sa sa sunod
naming nakita.

Niyakap ni Tito Jin si Dionne.

“may cellphone ka ba diyan?” bulong k okay Venus

Inabot naman niya saakin yung phone niya “here”

Inopen ko ang camera nito at kinunan ko ang yakapan ni tito Jin at Dionne.
Huli kayo.

May evidence na ko. Patay kayo sakin ngayon.

***

yea, i know the update is lame. Forgive me, gutom ang author eh.. bwahahaha XD

=================

Chapter 6 *blackmailing snatcher*

A/N: para po sa paulit ulit ulit ulit ulit ulit na nagtatanong kung nasaan na po si
peysbuk ng otor.. wala na po.. deactivated na dahil ako ay tinopak na.. eto na lang
po sa page ko > www.facebook.com/alyloony

and para po doon sa paulit ulit ulit ulit ulit ulit ulit na nag bbgay ng email
saakin at nagsasabing pahingi ng soft copy ng ganyan ng ganun dito na lang po kayo
kumuha >>> www.alyloonystories.tumblr.com ... waley pang soft copy ang mga ongoing
<repeat till fade>

***

Chapter 6

*blackmailing snatcher*
[Venus’ POV]

“grabe I can’t believe this! Nasa loob ata talaga ang kulo ng babaeng yun!” hinarap
ko si Jake “you better fire her! mamaya ikaw naman akitin nun!”

“oh shut up Venus” sabi ni Jake habang ngiting ngiti na nakatingin doon sa picture
na nakuhanan namin a while ago “I don’t want to fire her. I’m enjoying
myself” itinaas niya ang dalawang braso niya at inilagay niya sa likod ng ulo niya
atsaka siya sumandal sa sofa then an evil grin formed in his face. Parang may
pinaplano siya na hindi maganda “I just want to see how her smile wipe out of her
face once she saw these pictures. This is going to be fun”

I smile at him “you amuse me Jake. Iba parin talaga ang kasamaan ng ugali mo”

“bakit Venus? We’re the same kaya wag kang magsabi ng ganyan”
Bigla naman bumukas yung door ng unit ni Jake and nakita namin si Dionne na pumasok
habang ngiting ngiti. Aba malamang abot ang ngiti ng pasimpleng malanding babaeng
yan. Paanong hindi, nakakuha ng pera sa sugar daddy niya eh!

“where have you been?” tanong ni Jake sa chimay niya

“ahmm n-nakipag kita lang ako doon sa kaibigan ko”

Nagkatinginan kami ni Jake. Halatang halata ang isang to. Bakit niya dinedeny? Ibig
sabihin may tinatago talaga.

“ohh I see” sabi ko then lumapit ako sa kanya “ano yang dala-dala mo?” tanong ko sa
kanya habang nakatingin doon sa paperbag na hawak hawak ni Dionne. Agad naman
niyang itinago ito sa likod niya

“ah w-wala to. Damit lang”


Tinaasan ko siya ng kilay “oh I see”

Tumayo naman si Jake at nilapitan siya. Ipinatong niya ang mga kamay niya sa
magkabilang braso ng chimay niya “matulog ka na”

“h-ha? Ah s-sige” yumuko si Dionne at dali daling umalis sa harap namin papasok ng
kwarto niya

“tsk” rinig kong sabi ni Jake at dumiretso na rin siya sa kwarto namin. Sinundan ko
naman siya

“damit lang ha? If I know pera ang laman ng paperbag na yun” sabi ko habang naka
pamewang “hindi halata sa itsura niya, pero feeling ko mukhang pera ang isang yun”

Tinignan naman ako ni Jake “Venus wag ka na makialam dito ok? Ako na bahala sa
chimay na yun.”
I rolled my eyes “ok, if you say so. Anyways, I’m tired” sumampa na ko sa
kama “matutulog na ko. Paki patay na lang ang ilaw pag matutulog ka na. good
night” nagtalukbong na ako ng kumot at pumikit na.

Pinatay naman na ni Jake ang ilaw and maya maya naramdaman ko narin na sumampa siya
sa tabi ko. Kaso nagulat ako ng bigla niyang alisin yung kumot sa harap ko at
nakita kong nasa ibabaw ko na siya.

“what are you planning to do Jake?” I told him

He just smirk pero unti-unti niyang inilapit ang mukha niya.

Tss, guys. Of course I should expect this to happen. Jake’s still a guy. And no
matter how mean and cold hearted he is, he’ still a guy who will fall head over
heels on my Goddess-like beauty.

“Venus” he mumbled
“hmm? I know what you’re planning Jake”

An evil grin formed into his face “good. At least hindi na ko mahihirapan sa
gagawin ko”

Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at unti-unti niyang inilapit ang mukha niya
sa mukha ko. I closed my eyes waiting for his lips to touch mine but instead

Nagulat na lang ako ng bigla niya akong itulak ng malakas kaya nahulog ako sa kama.

“ouch! Why did you do that for?!”


Humiga siya doon sa kama and he spread both his arms and legs in a star fish-like
manner.

“hay solo ko na ang kama! Ikaw Venus doon ka sa sofa matulog”

“What?!”

“di ako sanay matulog ng may katabi eh!”

Tumayo ako at hinarap siya “papatulugin mo ko sa sofa?! Are you crazy?!”

Tinignan ako ni Jake then an evil grin form in his face “you should ask that to
your self nung gustuhin mong tumira dito. Kung di mo kayang matulog sa sofa edi
lumayas ka sa unit ko” after that nag talukbong na siya ng kumot at hindi na ako
pinansin pa.
Grrr. Nakakayamot siya! nakakayamot talaga! He’s indeed a devil!!

I grab a pillow and stomp my feet while walking towards the sofa.

[Jake’s POV]

‘Kailangan kong umalis ng maaga dahil may interview ako sa isang morning show.
Anyways, I won’t sleep here tonight pero babalik ako kinabukasan. Kasya pa naman
siguro ang isa pang kama dyan sa room mo diba? Nag order na ko ng kama, paki antay
na lang. And oh tell your chimay na paki duvet ang bed sheets ko.
Venus’

Nilukot ko ang note ni Venus na iniwan niya sa bed side ko atsaka ko ito tinapon sa
basurahan. Tss grabe talaga yung babaeng yun, ibang klase ang fighting spirit.
Handang mag waldas ng pera at bumili ng kama, sumikat lang lalo. Tss.

Bumangon na ako at naligo then lumabas na ako para kumain ng breakfast. Naka-amoy
naman ako bigla ng parang may ibinibake. Aba syempre kinabahan ako no! Kahit amoy
mabango pa yan kung si Dionne ang nasa kusina, delikado. Mamaya eh magkasunog dito
ng tuluyan!

Agad-agad akong tumakbo papunta sa kitchen at nadatnan ko si Dionne na nag aayos na


ng mesa then may isang slice na ng cake na naka ready at fresh milk.

Nung makita niya ako, agad siyang ngumiti saakin “good morning Japoy, nag bake ako
ng chocolate cake. Ayan na muna ang breakfast mo ah? Upo ka na at kumain”
Tinaasan ko ng kilay si Dionne then tinignan ko yung cake “ikaw nagluto niyan?”

“yep!” ^___^

Kinuha ko ito atsaka inamoy amoy. Ok naman ang amoy nito. Mukhang edible. Pero
natatakot parin akong kainin.

“err you know how to bake?” tanong ko sa kanya

“oo naman no! di man ako marunong magluto ng ulam pero nakakapag bake naman ako”

Tinaasan ko ulit siya ng kilay. Bat ba nakakatakot paniwalaan ang babaeng to?

“uhmm may pagkain sa set, doon na lang ako kakain”


“ha?” bigla naman lumungkot ang mukha niya “paano naman tong ginawa ko sayo?”

Bigla akong napalunok ng di oras. Ano ba to?! Bat parang bigla naman ata ako
nahabang sa babaeng to!

Umiling iling ako.

Jake, dapat mas mahabag ka sa sarili mo! Pag kinain mo yan for sure deretso ka six
feet under ground! Sayang ang gwapo mong genes kung di mo naman maipapakalat at
mamatay ka lang ng maaga!

“ipamigay mo na lang kung gusto mo!” sigaw ko sa kanya “bumaba ka na aalis na


tayo!” tinalikuran ko na siya at dumiretso ako sa parking lot!

Aish! This girl is making me crazy!!


(set)

“Dionne-chaaaaaaaaaaaaaan!” pagkadating na pagkadating namin sa set, agad agad


tumakbo si Rui kay Dionne at niyakap ito “inaaway ako ni Maisie! Sabi niya ang baho
ko daw!” inilapit ni Rui ang dibdib niya kay Dionne “smell me. Di ba di naman ako
mabaho?” T____T

Ang utu-utong si Dionne eh sumunod naman at inamoy si Rui “hmm hindi naman eh! ang
bango mo nga! Baka naman binibiro ka lang ni Maisie”

Nag pout naman si Ruin a parang bata “hmp! Biro o hindi nasaktan parin ang damdamin
ko!” T___T
“wag ka na malungkot. Ay teka” may inilabas si Dionne na Tupperware sa bag niya
then inabot niya kay Rui “eto oh cake, gawa ko yan. Sayo na lang”

“Wow!” kinuha ni Rui yung Tupperware at agad agad niyang tinikman yung poisonus
cake na ginawa ni Dionne. Naku po, mukhang dapat sabihan ko na ang director na
mababawasan na kami ng isang cast dito sa movie na to

“Dionne-chan! Ang sarap sarap naman nito! Gustong gusto ko! Mauubos ko ata to!”

“t-talaga? Nagustuhan mo?”

“oo! Hountoni oishi!” (it’s really delicious!)

Napangiwe naman ako bigla at tinignan yung chocolate cake then tinignan ko si
Dionne at mukhang ang saya saya niya habang kinakain ni Rui yung cake na ginawa
niya. Parang bigla na lang nag init ang ulo ko kaya nilapitan ko sila at inagaw
yung cake na kinakain ni Rui.
“amin na yan!” sabi ko sabay hablot nung cake “di mo alam kung ano ang nilagay sa
cake na yan! Paano kung may nilagay na kakaibang ingredients diyan sa cake na yan
at sinamaan ka ng tyan?! Edi bulilyaso sa shooting natin?!”

“eeeeh nii-chan amin na yan!” pag agaw ni Rui saakin ng cake

“heh! Mag tigil ka!” tumingin ako kay Dionne at tinuro ko siya “ikaw! Ayusin mo ang
gamit ko!”

“h-ha? Ah o-okay!” dali dali naman kinuha ni Dionne yung gamit ko ako naman
dumiretso na sa dressing room ko bago pa maagaw ni Rui yung cake. Mahirap na no!
tsaka concern lang naman talaga ko sa kalusugan niya eh! Tsaka grabe talaga yung
babaeng yun! Inakit na si Tito pati ba naman itong si Rui eh balak din niyang
akitin.

Tsk tsk, para siyang ahas!


Tinignan ko yung chocolate cake. Mukha nga masarap. Kumuha ako ng katiting at
tinikman ko. Infairness ok na ang lasa. Sumubo pa ulit ako ng isa at tinikman ko
just in case nagkamali ang una kong lasa. Ok, di naman ganun ka sarap! Typical
lang! cheap! Sumubo pa ulit ako. Psh hindi talaga masarap. Ano ba naman tong cake
na to! Kumuha ulit ako at sinubo ko. Ano ba yan! Ang panget talaga ng lasa!
Nakakadiri! Pero last na tikim na lang talaga, baka magbago pa yung lasa. Kumuha
ako ng isang malaking serving at isusubo ko na sana ng biglang bumukas yung pinto
ng dressing room ko.

“Japoy ito na yung damit—“ napatigil si Dionne at napatingin saakin habang ako
naman eh naka nganga at nakatapat yung tinidor na may cake sa bunganga ko. Agad
agad kong inilapag yung cake sa table then nakita ko na ngumiti si Dionne “gusto mo
pala yan sana sinabi mo saakin para pinagdala din kita. Aagawan mo pa si Rui” ^___^

“anong gusto!!! Di ko nga kinakain yan eh! titigan ko pa lang nakakasuka na!”
inagaw ko sa kanya yung damit ko “lumayas ka nga dito at magbibihis ako!!”

“hehehe ok!” tumalikod na siya pero humarap ulit at tinignan ako “uhmm Japoy yung
gilid ng labi mo may chocolate”

Napahawak ako sa gilid ng labi ko at oo nga, may chocolate nga

Lumabas na si Dionne ng dressing room habang dinig na dinig ko ang mga pigil niyang
tawa.

Tsk! Nakakabadtrip! =___=

Tinitigan ko yung cake.

Hindi naman talaga masarap eh! Ampanget panget ng lasa! Pero sayang eh kesa naman
itapon, might as well magmagandang loob na ko at ubusin to.

Titiisin ko na lang yung lasa.


Mga bandang 8pm na kami natapos sa shooting at pagod na pagod na ako. Buti nga at
hindi kami inabot ng madaling araw ngayon eh. Nakaramdam narin ako ng gutom nun
kaya naisipan kong mag dine-in na lang kesa ipaubaya ko kay Dionne ang dinner
namin. Mahirap na.

“Japoy saan tayo kakain?” tanong ni chimay

“sa fine dining lang” sagot ko then nagsuot ako ng cap at shades. Mahirap na baka
pagkaguluhan pa ko at maissue na nakikipag date ako kay Dionne

“ha? Eh diba mahal mga pagkain doon?” tanong niya ulit

“obvious ba? Mukha ba akong kumakain sa mumurahin?”

“di ka ba nagsasawa?”
“ano ba! Wag ka nga makulit! Hindi kita pakainin diyan eh!”

Pero hindi parin niya pinansin ang sinabi ko at pinagpatuloy ang pangungulit saakin

“may alam akong masarap kainan, malapit lang din dito. Tara doon tayo!”

“I don’t need your opinion!” sabi ko sa kanya sabay baba “kung ayaw mo dito kumain
edi magpakagutom ka diyan wala akong paki!”

Bumaba narin naman si Dionne then sinundan niya ko

“uy Japoy! Doon na kasi tayo kumain!”

“ayoko nga sabi eh!”


“ok. Pero wala ka naman pera pambayad diyan sa mamahaling restaurant na yan eh”

Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya “naririnig mo ba yang sinasabi mo?


Ako? Si Jake Marquez na mayaman walang maipambabayad diyan? Baka gusto mong ipakita
ko sayo ang laman ng wallet ko!” kinapa ko yung wallet sa bulsa ko para iduldol sa
mukha niya ang pera ko kaso wala. Kinapa kapa ko pa yung mga bulsa ko pero wala
talaga.

“ah naiwan ko sa kotse! Wait babalik ako!”

“eto ba hinahanap mo?” may itinaas si Dionne at nakita ko yung wallet ko sa kanya

“hey give it back!” aagawin ko sana pero agad niyang naitago to

“kain muna tayo doon sa sinasabi ko!”


“what the--!! Hoy do you want me to sue you?! Theif!”

“hahahahahahahhahaha ang cute cute mo talaga magalit! Anyways kakain na ko at


talagang gutom na ko. Sige na nga diyan ka na sa restaurant mo, doon ako sa gusto
kong kainan. Pahiram muna ng wallet mo isosoli ko din. Onti lang naman ang ibabawas
ko dito. Wala pang isang daan! Babye!” ^___^v

Tumakbo na palayo saakin si Dionne! Anak ng--!!! Blackmailing snatcher!!!!

Akala niya susunod ako sa kanya ha! Manigas siya! Mabuti ng magutom kesa kumain
doon sa gusto niyang kainan! Mamaya samo’t saring bacteria pa ang nagkalat doon eh!

Naramdaman ko na kumalam yung sikmura ko at kung nagmumura ito, namura na ko.

Anak naman ng tipaklong eh!!!!


“hoy chimay! Inatyin mo ko!”

=================

Chapter 7 *Her smile*

A/N

I make a teaser video for Angel in disguise, nandoon po sa right side. Watch niyo
ah? May mga clues sa video na pwedeng mangyari sa mga susunod na chapters.

Anyways, maraming salamat sa mga nagbabasa nito :)

***
Chapter 7

*Her smile*

[Jake’s POV]

“Aring’s karinderya, inihaw, atbp”

“nandito na tayo!!” sabi ni Dionne sabay hila saakin papasok sa isang maliit,
madumi, mainit, at mabahong kainan.

Kinalag ko ang pagkakahawak niya saakin “bat ganito ang kainan dito?! Ang liit
liit, ang baho baho ang init init pa!! wala manlang aircon! Tignan ko pa lang yung
lugar nangangati na ko!”
“grabe ka naman. Masarap diyan. Wag mo na lang isipin maysado ang ambiance ng
lugar. Or isipin mo na lang nasa mamahalin kang restaurant”

“there’s no way I’m gonna eat in that place! Milyong milyong virus ang nagkalat
diyan no! mamaya magka Hepa pa ako or kung anong virus pa tumama saakin!”

“hindi yan. Matagal na kong kumakain diyan and tignan mo ko, buhay na buhay pa!”
pagkukumbinsi ni Dionne saakin

“eh basta ayoko!”

Tinalikuran ko na siya. Di ko talaga masisikmurang kumain diyan no! napakadumi!


Mamaya kung ano pang mangyari sakin! Edi umiyak ang buong Pilipinas pag nawala
ako?! Tss! Tong chimay na to eh puro kapahamakan ang alam dalhin sakin!

“uy J-japoy!” humabol saakin si Dionne “galit ka ba?”


Tinignan ko siya “obvious ba?! Naisnatchan na ko ng wallet, na blackmail pa kong
kumain sa pipitsuging lugar na yan! Pero para sabihin ko sayo, wala akong planong
mamatay ng maaga no!!”

Nagulat ako ng biglang lumungkot ang mukha ni Dionne “ganun ba? Sorry ah, di ko
naman alam na magagalit ka” tumingin saakin si Dionne pero this time naka ngiti na
siya “tara na sa restaurant para kumain” inabot niya yung wallet ko “pasensya ka
narin sa ginawa ko ha? Promise di ko na uulitin” nauna na siya maglakad saakin.

For a moment, I feel a spang of guilt building up on my chest.

Ay tae! Bat ba ko naguguilty ha?! Wala naman akong ginagawa eh pero bat ganito ang
nararamdaman ko?! >______<

Grrrr nakakainis!! Nakakainis talaga!!!

“chimay!!” sigaw k okay Dionne kaya naman napahinto siya sa paglalakad.


Nilapitan ko siya at kinuha ko ang kamay niya then hinatak ko siya papasok doon sa
pipitsuging kainan.

“uwaaaaaaa nanay Aring namiss ko kayo!!!”

Pagkapasok na pagkapasok namin ni Dionne sa loob, tumakbo agad siya doon sa


matandang nasa likod ng counter at niyakap to.

“oh hija ang tagal mo ng hindi kumakain dito ah?”


“naging busy po kasi sa trabaho. Ay oo nga po pala” hinatak ako ni Dionne papalapit
sa kanila “eto po si Japoy, yung amo ko”

“h-hello po” sabi ko habang iniiba ko ang boses ko. Buti na lang din at naka cap
and shades ako kung hindi naku baka makilala ako ng mga tao dito. Mahirap na no,
ma-issue pa ko. Si Jake Marquez, kumakain sa isang maduming lugar. Yuck! Biggest
scandal of the year yun! =__=

“oh hijo ikaw pala ang amo nitong si Dionne? Naku salamat ha? Masipag na bata naman
ito kaya di ka mahihirapan sa kanya”

Oo nga ang sipag niya kaso hirap na hirap ako palagi sa kanya. =__=

Maya-maya lang din, naupo na kami ni Dionne para kumain. Hindi ko maatim tignan
yung mga pagkain kaya si chimay na lang ang hinayaan kong pumili para saakin.
Tsk ano ba kasi ang pumasok sa kukote ko at hinatak ko siya pabalik dito! Nung
nakita ko lang kasi talaga yung malungkot niyang expression hindi na ko mapakali.
Kung iisipin dalawang beses ko ng nakita ang expression na yan ngayong araw. Nung
una kaninang umaga nung ayoko kainin yung cake na binigay niya, ngayon naman nung
ayaw kong pumayag na kumain dito. Kahit pa binawi niya agad yung expression niya sa
isang ngiti, hindi ko maiwasang makaramdam na guilt.

Tsaka isa pa..

Naalala ko kanina yung ngiti niya habang kinakain ni Rui yung cake na ginawa niya
pati narin nung pumayag ako na kumain dito. Ilang beses ko na siyang nakitang
ngumiti pero yung ngayon, parang kakaiba. All this time I feel very awkward when
she smiles, pero ngayon, parang tumagos sa puso ko. Parang biglang gumaang yung
pakiramdam ko. Parang.. parang

Para akong bakla sa mga sinasabi ko. =____=

Arrrgggghhh ano ba tong iniisip ko!!! Naku naman oh! Nababaliw na ba ko?! O baka
naman kinulam na ko ng tuluyan ng babaeng to?! Blackmailing thief na mistress ng
tito ko na nilalandi si Rui and and an annoying P.A at mangkukulam! That’s what she
is! At dapat tigil tigilan ko na ang pagiisip ko ng kung anu-ano dito! >___<
“Japoy nag antay ka ba ng matagal? Eto na pagkain natin”

Inilapag ni Dionne yung tray sa harap namin tapos naupo narin siya sa tapat ko.
Tinignan ko yung mga binili niya. Inangat ko yung isang stick nung inorder niya at
tinitigan to at nung maidentify ko agad kung ano ito, dali dali ko itong binitawan.

“bulate!!! Ipapakain mo sakin yan?!” sigaw ko sa kanya

“hahahaha ikaw talaga Japoy patawa ka. Hindi bulate yan, isaw ang tawag dyan.
Masarap yan try mo” may inilapaga siyang isang maliit na mangkok sa harap ko “eto
yung sawsawan”

Tinignan ko si Dionne tapos yung bulateng naka tuhog sa stick tapos si Dionne ulit.

Seryoso talaga siyang ipakain saakin yan?!?!


“oh kain na Japoy” sabi niya sabay ngiti ulit ng katulad ng ngiti niya kanina.

Anak ng tokwa naman oh! Naasar na ko sa mga ngiting niyang yan! It’s just making me
hard. . . . .to resist her. =___=

Mukha atang nakukulam na talaga ako ng isang to. >___<

Tinignan ko yung bulateng nasa stick. God, iligtas niyo po sana ako sa kapahamakan.

Huminga ako ng malalim atsaka ko tinikman yung bulate

(after an hour)
“isa pa nga pong order ng bulate!” sabi ko kay Nanay Aring

“hehehe isaw po ang ibig niyang sabihin” pag correct saakin ni Dionne tapos
tinignan niya ako “Japoy ang dami mo na nakakain, mamaya maimpatcho ka na. Tama na
yan”

“tss tumigil ka nga! Para kang ina ko kung pangaralan mo ko eh! hayaan mo nga akong
kumain! Gutom ako no!”

“hehe hijo eh ubos na kasi ang isaw, balik ka na lang bukas”

“ay ganun po ba. Sayang naman” hay gusto ko pa eh. Bumunot ako ng pera sa wallet ko
at inabot ko kay Nanay Aring ang dalawang libo “eto po bayad”

“ay sobra sobra to. Sandali at susuklian kita”


“wag na po. Keep the change. Tutal ang sarap niyo po magluto” tinignan ko ng
nakakaloko si Dionne “unlike someone”

“pero naubos mo yung cake na ginawa ko!” ^___^v

Tsk! Kailangan pa ba niya ipaalala saakin yan?! =___=

“ay may ice cream parlor sa may park malapit dito! Tara kain tayo!” masayang
masayang sabi ni Dionne saakin

“tsk oo na! takaw mo”

“yehey! Nanay Aring salamat po sa masarap na hapunan”


“salamat din hija. Ingat kayo ha?”

“opo. Sige po bye bye” nag wave si Dionne sa matanda at nauna ng lumabas at mukhang
excited kumain ng ice cream

Napailing na lang ako, parang bata. =__=

Tinignan ko si Nanay Aring “sige po una na kami. Babalik na lang po kami sa


susunod”

“ah hijo, salamat ah?”

“ah wala po yun. Tsaka masarap naman talaga yung mga luto—“

“hindi iyon” pag putol niya saakin “salamat dahil mukhang masaya si Dionne ngayon”
“eh?” takang taka kong tanong sa kanya

“yang batang yan, napakadami ng sakit at hirap ang naranasan niya. Pero ngayon
nakikita ko na masaya siya, salamat hijo”

“eh?! n-naku baka naman hindi ako ang dahilan”

Nagulat ako ng biglang tumawa yung matanda. May nakakatawa ba sa sinabi ko? So
pwede na kong maging comedian?! =___=

“ikaw talaga hijo, siguro hindi mo pa nakikita sa ngayon, pero maiintindihan mo din
balang araw”

“ha?!”
“Japoy, tara na!” tawag saakin ni Dionne saakin

“o siya inaantay ka na niya. Mabuti pa at puntahan mo na siya”

“s-sige po. Bye”

Tumakbo na ako papalapit kay Dionne. Ano naman kaya ibig sabihin ng matandang yun?
Ang weird ha!

Bumili kami ni Dionne ng ice cream doon sa may ice cream parlor then naupo naman
kami sa swing doon sa park. Buti na lang at gabi na at wala ng masyadong tao na nag
gagala gala dito.

“ang sarap. Ang tagal ko ng hindi nakakakain nito!” sabi niya


Tinignan ko siya at mukhang ang saya-saya na naman niya.

“gusto mo ba si Rui?” halos mapatakip ako ng bibig dahil sa sinabi ko. Anak ng
pagong! Bat ba lumabas sa bibig ko yan?!

Tinignan ako ni Dionne “huh? Si Rui? Hmm oo gusto ko siya” she told me while
smiling

At talagang deretsahan ang sagot niya no?

“tsk, two timer ka! Alam ko ang namamagitan sa inyo ni tito tapos gusto mo din si
Rui?!”

“si tito? You mean si Dr. Jin?” ngumiti ulit siya “gusto ko rin siya!”
“ha?!”

“ang bait kasi nila saakin. Si Rui lagi niya akong pinapatawa at pinapasaya tapos
si Dr. Jin naman palagi niya akong tinutulungan tapos di niya ko pinapabayaan”

Mukha atang namisunderstood niya ang sinabi ko =__=

“si Maisie din pala gusto ko kasi palagi niya kong inaasistihan sa mga damit mo
tapos ang bait bait din niya saakin pati narin si Ashley, yung bago kong kaibigan
sa choir”

At talaga ngang na-misunderstood niya ang ibig kong sabihin na gusto. =__=

“gusto rin kita Japoy”

Napalingon ako bigla sa kanya at nakita kong nakangiti siya saakin.


Badtreeeep! Ano ba tong nararamdaman ko?! Bat ba parang kinakabahan na tatatae ako
na ewan! Ay bwiseet! This is so gay man! Naasar ako sa sarili ko!

Bigla ko na lang sinegway ang usapan “eh si Venus gusto mo?” tanong ko sa kanya

Nakita ko naman na parang nagulat siya na ewan. Di niya sinagot ang tanong ko but
instead nginitian lang niya ko.

Hah! Kahit siya may kinaiinisan din and I’m positive! Wahahaha. Pero natural naman
na mainis siya kay Venus. Sa ginagawa ba naman ng babaeng yun dito.

“tsk, ang hilig mo ngumiti no?” sabi ko sa kanya.

Ngumit lang ulit siya tapos tumingin siya sa langit “sabi kasi ng kuya ko,
nakakabawas daw ng kalungkutan ang pag ngiti”
Tinitigan ko si Dionne “malungkot ka ba?”

Ibinalik niya ulit ang tingin niya saakin at binigyan na naman ako ng isang ngiti
“tara na at kailangan mo ng mag pahinga. May shooting pa kayo bukas, kailangan mo
ng energy”

Tumayo siya at nag dire-diretso na pabalik sa kotse.

This girl is so mysterious. At sa hindi ko malamang kadahilanan, na cu-curious ako


sa buhay niya.

[Maisie’s POV]
“I’m hungry! I’m really really hungry! Maisie-san, meron ka bang pagkain diyan?”
tanong saakin ni Rui na kasalukuyang naka bulagta sa sofa.

“wala! At tumayo ka nga diyan! Magugusot yung tuxedo!”

Umayos naman siya ng upo. Ano ba naman tong lalaking to, parang bata eh!

“sana matapos na tong photoshoot na to. Gutom na gutom na ko!” T___T

“nasaan ba kasi ang P.A mo? Pabilhin mo ng pagkain”

“wala eh may sakit si manang” he sigh “hay ang swerte ng kuya mo no? Meron siyang
maganda, maalaga at mabait na P.A. Pag si Dionne-chan ang naging P.A ko, naku ako
ang mag aalaga sa kanya!”
Sumimangot ako bigla. Wala na siyang ibang bukhang bibig kung hindi si Ate Dionne!
Malas niya si Kuya ang amo ni ate Dionne! Mamaya manyakin lang niya si Ate pag siya
naging amo nito.

“ay Maisie-san tara picture tayo! Ang gwapo ko dito sa suot ko eh kailangan ng
remembrance”

“kanina ka pa kaya pinipicture-an diyan no! di ka pa ba nagsawa sa mukha mo?”

“eh iba naman kasi yung behind the scene tsaka yung picture na para sayo lang,
hindi para sa iba” nagulat ako ng bigla niya akong hilahin paupo sa sofa. Bigla
naman niya ako inakbayan tapos itinapat niya yung camera ng phone niya saamin “one
two three, smile” sabi niya.

Pagkatapos na pagkatapos niyang kumuha ng picture, agad naman niyang inalis ang
pagkakaakbay saakin tapos tinignan niya yung picture namin.

“kahit kelan talaga ang gwapo ko!” pag puri niya sa sarili ko "hindi malabong
mainlove saakin si Dionne!"
Oo Rui, hindi malabo. Actually hindi lang kay Dionne, pati rin sa iba.

Tinitigan ko si Rui. Ramdam na ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko dahil lang
sa malapit ako sa kanya.

Ilang taon na kong ganito.

Mapadikit pa lang siya saakin, bumibilis na ang tibok ng puso ko at parang di na ko


mapakali. Highschool pa lang, magkaklase na kaming dalawa. Dati sobrang close kami
pero nagkaroon ng gap saaming dalawa simula ng mangyari ang bagay na yun.

..simula ng magkagusto ako sa kanya.

Umamin ako dati sa kanya na nahuhulog na ako sa kanya kaya lang tinanggihan niya
ako at sinabi niyang kapatid lang talaga ang turing niya saakin. Sinubukan ko
siyang kalimutan noon. Inilayo ko ang sarili ko sa kanya at lagi ko siyang
sinusungitan pero wala paring epekto eh.
Dahil hanggang ngayon, si Rui parin talaga.

Ang problema, kahit anong gawin ko, hindi niya magawang tumingin saakin. Dahil
parang sa isang kapatid lang ang pagmamahal na maibibigay niya saakin.

Madali siyang ma-attract sa ibang babae katulad na lang ni Ate Dionne. Kahit ako
rin naman nagagandahan kay Ate Dionne at ang bait pa niya. Pero ganun din naman ako
dati eh. Ganun ako kay Rui, at kahit papaano naman alam kong may itsura ako.

Pero bakit hindi niya magawang tumingin saakin? Bakit? :(

=================

Chapter 8 *tears*

A/N:

Dears sa wattpad, teentalk and souersbelle (tagalog romance etc.) lang po ako nag
po-post ng mga stories. If ever makita niyo ang story ko na posted sa ibang sites
or ibang fb page, paki inform po ako ah? Salamat po! :)
How to prounce the names of my characters

Dionne = Di-yown

Maisie Shaey = Mey-si Shey

***

Chapter 8

*tears*

[Jake’s POV]
“w-wag po! B-bitiwan niyo ko! Bitiwan niyo ko!”

Nasa isang madilim at isolated akong eskinita ng makita kong may apat na lalaking
nakapalibot kay Venus.

“haha miss wag ka na kasing pumalag at sumama ka na lang saamin” inamoy nung
lalaking mukhang unggoy ang buhok ni Venus “promise mag eenjoy ka”

Nakita ko ang takot sa mukha ni Venus at napaiyak na lang ito “w-wag, please.. wag”

Agad agad akong tumakbo sa kinaroroonan nila at hinatak si Venus palayo sa mga
lalaking mukhang unggoy at puno ng bacteria sa katawan. Yuck! Ni hindi ata nila
alam ang salitang “alcohol” eh! =__=

“pare ano ginagawa niyo sa girlfriend ko?!” tanong ko doon sa mga lalaki
“g-g-girlfriend mo siya?” nakita ko ang takot sa expression nila “s-sorry di namin
alam. Akala namin eh—“

Tinignan ko sila ng masama at alam ko, naiintindihan na nila ang ibig sabihin ng
mga tingin na to. Nagsitakbuhan na sila kung saan-saan

“tsk!”

“whoa you’re cool!” lumapit saakin si Rui at inakbayan ako “as expected from you
bro!”

Hindi ko siya pinansin, instead hinubad ko yung jacket ko at ipinatong sa mga


balikat ng nanginginig na si Venus.

“s-salamat”
I smile at her “no worries. Kung guguluhin ka pa ulit nila sabihin mo lang saakin”
I winked then umalis na kami ni Rui.

“Okay CUT!” sigaw nung director “nice one Jake, Venus and Rui. You may rest for a
while. Venus, we’ll shoot your next scene”

“yes direk” sagot ni Venus sa kanya

Napapunas ako ng pawis sa noo ko. Nandito kasi kami sa labas ng studio at nag sho-
shooting sa may eskinita dito para sa movie at anak ng tokwa naman talaga,
napakainit na, napaka baho pa! pinagpapawisan tuloy ako! Badtrip!!

“Japoy” lumapit saakin si Dionne at inabutan ako ng towel, malamig na tubig at


alcohol

“tae ang init!” sabi ko sa kanya sabay kuha nung alcohol at lagay nito sa kamay ko
“you’re welcome” sagot naman niya sabay ngiti saakin

Sinimangutan ko siya “namimilosopo ka ba ha?!”

“hmm? Hindi bakit?” tanong niya saakin habang mukhang inosenteng inosente.

Pinagtitripan ba ko nito?! Tss pagod ako isa pa nayayamot ako sa paligid ko, pag
ito hindi tumigil, ay naku di ko alam ang pwede ko magawa. =__=

“kunin mo nga yosi ko!” utos ko sa kanya

“yosi? Ano yun?” tanong ni Dionne


Napahilamos naman ako ng mukha gamit ang kamay ko “tang@ ka ba or what?! Hindi mo
alam yun?! Yung nilagay ko sa pouch ng bag ko na color red yung case! Sigarilyo!”

“aahhh, yun ba yon?”

“oo yun yon! Kunin mo na!”

“ah tinapon ko na yun eh” ^__^

“HA?! TINAPON MO NA?! BAKIT MO TINAPON?!” anak ng pagong! Ano ba tong chimay na
to!!

“di ba basura yun?”

“HINDI BASURA YUN! BOBO KA BA OH ANO?!” pinaiinit talaga ng chimay na to ang ulo
ko!! Kabibili ko lang ng sigarilyong yun eh! Leshe talaga to oh!!

“hmm basura kaya yun. Lahat ng masama sa katawan basura” she told me calmly habang
nakangiti.
Naku Jake pigilan mo ang sarili mo at baka maka-sakal ka ng chimay ng di oras!!

“Ewan ko sayo!! Bumili ka ng bago!!”

“ayoko” :p

“how dare you disobey me?! Sino ba amo saating dalawa ha?! baka nakakalimutan mo na
ako nagpapasweldo sayo!!”

“alam ko” :p

“Uwwwaaaa Jake ni-chan wag mo sigawan si Dionne-chan” sabi ni Rui sabay hatak kay
Dionne “ne Dionne, may inorder akong pizza, tara kain tayo”

“wow favorite ko yun!”


“really?! Yogata!” (I’m glad!)

After nun, hinatak ni Rui si Dionne sa may tent at kumain sila ng pizza.

Grr nakakagigil na babaeng yun! Nakakaasar talaga!! Nakakayamot!! Nakakabadtrip!!


Napakapakielamera niya! Sukat tinapon ang yosi ko?! At sukat hindi ako sinunod at
mas piniling makipag landian diyan kay Rui?! Nakakayamot!

“kuya, yung mukha mo magugusot na sa sobrang pagkasimangot mo”

Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Maisie doon. Tinignan ko siya “di ka ba


nagseselos?”

“huh? Saan?” painosenteng sabi niya. Ngumuso naman ako doon sa direction nina
Dionne at Ruin a kasalukuyang kumakain ng pizza
“hindi no!! bat ako magseselos!!” sabi niya saakin pero halatang halatang in denial
siya. Buti na lang at di to nag artista, hindi marunong umarte eh. =__=

“sus hindi daw, eh alam ko naman na—“

“CHE! DIYAN KA NA NGA KUYA!” tinabing ako ni Maisie atsaka nag walk out.

Tignan mo yung babaeng yun oh, ang sungit sungit. Nasa menopausal stage na ata.
Kanino kaya nagmana yan?! Imposible namang saakin!

~ Just shoot for the starsIf it feels rightAnd aim for my heartIf you feel likeAnd
take me away and make it OKI swear I'll behave ~

Kinuha ko yung cellphone ko at tinignan ko kung sino ang tumatawag.


Calling

Mom..

Tss ano naman kailangan ng isang to?! I answered the call

“ANO?!”

“oh highblood ka!” I heared her giggled from the other line

“tsk! Kung wala kang sasabihin bbye na!”

“etong batang to naman oh ang taray taray! Punta ka dito sa bahay, nagluto ako ng
favorite mo”

“no thanks may pagkain na ko dito!”


“eh basta pumunta ka dito or else isesend ko sa media yung picture mo ng bata ka pa
na nakahubad ka! Pati yung picture mo na may tae ka sa salawal! Hihintayin kita
dito! Bye!”

Bago pa ko makapag react, in-end na niya yung call! Grrrr stupid blackmailing
mother!! Parehong pareho sila ng chimay ko! Ang galing mamblack mail!! >:(

Lumapit ako kila Rui sa tent at nakita kong may hawak hawak na dalawang ticket si
Rui.

“Dionne-chan, di ba idol mo si Taylor Swift? Eto oh may ticket ako para sa concert
niya! Tara samahan mo ko manuod mamayang gabi!”

“t-talaga? Isasama mo ko?” sabi ni Dionne kay Rui

“hai! And we’ll going to enjoy our night together”


Tss!

Agad agad kong hinila si Dionne palayo kay Rui “iba na lang isama mo! May
pupuntahan kami ng chimay ko!” sabi ko sa kanya

“b-b-b-b-b-b-b-b-but Jake ni-chan sayang yung ticket na binili ko eh! please


ngayong gabi lang pahiram muna kay Dionne? Onegaishimasu!” (please!) T____T

“heh! Iba na lang isama mo!”

“eeehhh wala ng pwedeng sumama saakin na nagmamahal din kay Taylor Swift kundi si
Dionne-chan lang!”

Nakita kong biglang dumaan si Maisie kaya naman hinatak ko siya “Maisie! Di ba idol
mo si Taylor Swift?!”
“huh? Ako? Ah oo. Bakit?”

“good! date daw kayo mamaya ni Rui sa concert ni Taylor! bawal tumanggi nabilhan ka
na niya ng ticket!” itinulak ko si Maisie kay Rui “enjoy guys!”

Bago pa sila makapag react eh kinaladkad ko na si Dionne palayo sa kanila.

“hah! Sorry di ka makakapanuod ng libreng concert ngayon! Ganti na lang sa pagtapon


mo ng yosi ko!”

“hehe ok lang yun, masaya rin naman ako na magtrabaho sayo”

Tinignan ko siya at nakita ko na naman ang magandang ngiti sa mukha niya.

Anak ng tinapa, gusto kong mabadtrip. =__=


Nag drive na ako papunta sa bahay nila mommy. Malapit lang din naman ito sa set
namin kaya madali lang ako nakapunta doon. Kung nagtataka siguro kayo kung bakit
ako nakahiwalay ng bahay sa kanila, you see, may ibang pamilya na si mommy. 15
years old ako nung ikasal ang mommy ko sa asawa niya ngayon, yun ang tatay ni
Maisie. Hindi ko totoong kadugo si Maisie kasi iba ang mommy niya but still
tinuring na namin ang isa’t isa na magkapatid. Kung sino ang tatay ko? Wag niyo
nang itanong dahil matagal na kong walang balita kung saang planeta siya nag suot.

“hay nakarating narin! Pag talagang di masarap yung pagkain na niluto ni mommy
patay sila saakin!” tinignan ko si Dionne “baba na!”

Tahimik na bumaba si Dionne ng kotse. Tinignan ko ulit siya at parang biglang nag
iba ang expression ng mukha niya.

“dito bahay niyo?” tanong niya saakin

“obvious ba?!”
She just nod pero hindi siya ngumiti.

“may problema ba?” tanong ko sa kanya

Nag bigay siya saakin ng isang pilit na ngiti

“w-wala naman”

Tsk kung anu-ano ang iniisip ko! Baka naman pagod lang kaya ganyan ang itsura
niyan.

Pumasok na kami sa loob at agad agad naman ako sinalubong ni mommy

“jakeeeee baby ko!” she hugged me to the point na halos masakal na ako “I miss
you!”
“let go of me!! Nasasakal ako ano ba!!”

“ooppss sorry!” she giggled

“tsk!”

“oh girlfriend mo?” tanong ni mommy habang nakatingin kay Dionne

“hindi no! chimay ko yan!”

“nye!” nilapitan ni mommy si Dionne “ang ganda mo naman hija para maging chimay ni
Jake! Gusto mo mag artista?”
“ah hehehe h-hindi po”

“ma! Wag mo guluhin ang chimay ko! Tsaka gutom nako! Asan ang pagkain?!”

Dali-dali naman akong pumunta sa dinning room at nung makita kong gumawa ng lasagna
si mommy, halos mag laway ako. Agad agad akong kumuha ng plate at humiwa sa
lasagna.

Habang kumakain kami, si mommy walang tigil ang bibig sa pagkukwento about sa mga
palabas ko. Oo na lang ako ng oo! Gutom ako eh, walang pakielam sa mundo!

“Ay oo nga pala anak, may pinapakuha si Maisie na damit sa room niya. Ibigay mo na
lang sa kanya”

“ok”
Nginitian ako ni mommy “masarap ba yung lasagna ko?”

Agad agad kong ibinaba yung plato na kinainan ko “hindi! Panget ng lasa! Matanda ka
na hindi ka pa marunong magluto!”

“hahahaha kaya pala nakalimang kuha ka!”

“heh! Ayoko lang mag aksaya ng pagkain!” hinatak ko yung braso ni Dionne “tara nga
sa kwarto ni Maisie at kukunin ko yung damit”

“ah s—sige”

Umakyat kami ni Dionne doon sa kwarto ni Maisie kaso nagulat ako ng pagdating namin
sa taas, hindi na kumikilos si Dionne at ayaw niyang pumasok sa loob ng kwarto.
Doon ko lang napansin na nanginginig na siya habang nakatitig sa cabinet ni Maisie.
“oy Dionne anong nangyari sayo? Ok ka lang ba?” hindi ako sinagot ni Dionne instead
titig na titig parin siya doon sa may cabinet ni Maisie.

Ano bang problema ng isang to?

Bigla naman tumunog ang phone ko at nakita ko tinatawagan ako ni Tito Jin. Sinagot
ko yung tawag

“hello Tito bakit?”

“Japoy nasan ka?”

“huh? Sa bahay nina mommy bakit?”

“kasama mo si Dionne diyan?”

“oo. Teka bakit ba?”


Narinig kong napamura si Tito Jin sa kabilang line. Ok, pati siya ang weird na ha!
may mga saltik ba ang utak ng mga tao ngayon?!

“ano bang problema niyo?!” tanong k okay tito

“Listen Japoy, ilayo mo muna si Dionne diyan. Pumunta kayo sa payapang lugar.. doon
sa resthouse mo sa tagaytay. Susunod agad ako doon at ipapaliwanag ko sayo lahat.
Pero ngayon, ialis mo na agad si Dionne diyan!”

Bago pa ko makapag react, binabaan na ko ng telepono ni Tito. Tinignan ko si Dionne


at nakita kong grabe na itong nanginginig. Para siyang natatakot na ewan habang
nakatitig siya sa cabinet ni Maisie. Hindi na ako nagdalawang isip pa at hinatak ko
siya pababa.

“ma alis na ko!” sigaw ko then tuloy tuloy akong lumabas ng bahay. Ipinasok ko si
Dionne sa kotse ko at nag drive papunta doon sa rest house kung saan ako madalas
pumunta pag gusto kong magtago sa mata ng media.

Habang nag dadrive ako, hindi ako mapakali kasi hindi nagsasalita si Dionne.
Nakayakap lang siya sa magkabilang braso niya habang kitang kita ko ang takot sa
mga mata niya.

Naguguluhan ako sa nangyayari. Bakit ba ganito ang reaction niya.

~~~

[Dionne’s POV]

Habang nasa byahe kami ni Japoy, tahimik lang kami at walang ni-isa ang
nagsasalita. Aware ako na hindi kami sa unit niya papunta kundi sa ibang lugar pero
hindi na ko nag abala pang magtanong.

Marahil na guluhan siya sa ikinikilos ko, pero kasi ng makita ko ang bahay na yun
lalo na ang kwarto na yun, bigla na lang bumalik sa alala ko ang mga bagay na
ibinaon ko na sa limot. Naalala ko nanaman ang takot at sakit na naramdaman ko
noon. Naalala ko na naman ang karumaldumal na krimen na nasaksihan mismo ng
dalawang mata ko. At kahit anong pigil ang gawin ko, ayaw ng mawala nito sa isip
ko.

“nandito na tayo” sabi ni Japoy matapos niyang makapag park sa isang magandang rest
house. Tumango lang ako at bumaba na ng kotse.

“mahal ka ni Papa Dionne, mahal na mahal ka”

Bigla akong napahinto ng mag flashback sa isipan ko ang mga nangyari.

“wag kang lalabas sa cabinet na to ha? ako ang bahala sa kanila”

Naramdaman kong nanginig ang buo kong katawan. Bakit?! Bakit ko kailangan maalala
ang mga yan!
Anim na tao. Mga baril. Isang kutsilyo. Duguan na katawan. Dalawangpung saksak.
Sampung tama ng bala. Malamig na bangkay..

Bigla na lang akong napaluhod

“p-papa.. p-papa!” at bago ko pa mapigilan, tuloy tuloy ng umagos ang luha sa mga
mata ko.

“Dionne!” agad agad lumapit saakin si Japoy “anong nangyari sayo?! Ayos ka lang
ba?!”

Kinusot ko maigi ang mata ko “s-sorry, may naalala lang ako. Ayaw tumigil ng luha
ko eh. sorry!” huminga ako maigi at sinubukan kong tumigil sa pag iyak.

Pinaka ayoko sa lahat ay ang umiyak sa harap ng ibang tao. Natatakot ako nab aka
napagaalala ko ang mga taong nakakakitang umiiyak saakin kaya hangga’t maari,
ipinapakita ko sa kanila na matatag ako.
Kinalma ko ang sarili ko at ng mahinto ako sa pagiyak, binigyan ko si Jake ng isang
ngiti “sorry Jake, wag mo na initindihin yun, tara sa loob” tinignan ko yung
paligid “wow! Ang ganda dito! Sayo ba tong resthouse?” patayo n asana ako ng bigla
akong hilahin ni Jake at yakapin

“hindi masamang umiyak”

Pagkasabing pagkasabi niya nun, hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko at tuloy
tuloy na akong napahagulgol ng iyak.

Sa loob ng mahabang panahon, ngayon lang ulit ako nakaiyak sa yakap ng isang taong
malapit saakin.

=================

Chapter 9 *Painful past*

A/N:

Dears, ako po ay sumali sa isang short story writing and ang inilaban ko po is
yung "some jokes are half meant" Gusto ko po sanang manghingi ng help sa inyo by
liking it and leave some comments regarding the story and also rate it from 1-10.
50% po kasi ang feedback ng mga readers and yung mga likes and comments niyo po ay
napakalaking tulong na saakin. Sana po help niyo ko!

Just like this page >> http://www.facebook.com/KBKP.official and under sa notes


nila, search niyo yung "some jokes are half meant" or just click the external link
on the side >>

salamat po sa lahat ng tutulong!

***

Chapter 9

*Painful past*

[Jake’s POV]
“where’s Dionne?!” salubong na tanong saakin ni Tito Jin habang kasama niya si Tita
Chyna nang makarating sila dito sa rest house. Bakas sa mga mukha nila ang pag-
aalala kay Dionne.

Ibinaba ko yung dyaryo na binabasa ko then I look at them “she’s in the room,
sleeping. Nakatulog kakaiyak”

Bigla naman napa buntong hininga si Tita Chyna “I’m glad nothing happens” she told
us in relief

Tumayo ako at nilapitan ko sila “ang dami kong gustong itanong sa inyo. Naguguluhan
talaga ko sa mga nangyayari! You two” tinuro ko silang dalawa “will explain to me
everything! Kung hindi, talagang patay kayo saakin!”

Nginitian naman ako ni Tito Jin “hay I guess kailangan na namin sabihin sayo ang
lahat”

“good. But before that, I want to clarify something” inilabas ko yung phone ko at
ipinakita ko kay Tito Jin at Tita Chyna ang picture na nakuhanan ko nung makita
namin ni Venus na magkayakap si Tito Jin at Dionne sa may parking lot “What’s the
meaning of this?! Tell me Tito Jin” tinignan ko si Tito Jin ng diretso sa mata “is
Dionne your mistress?!”
Katahimikan. Nakatitig pareho si Tito Jin at Tita Chyna doon sa picture na hawak
ko. Mukhang gulat na gulat sila sa sinabi ko to the point it made them speechless.
I smirked. I guess my suspicion is right. Halata naman sa way kung paano mag alala
si Tito Jin kay Dionne eh.

Dahang dahan na lumapit si Tita Chyna saakin at kinuha yung phone ko habang titig
na titig siya doon sa picture. I pity her. She’s been a good wife to Tito Jin and I
can’t even bare to think kung paano siya nagawang lokohin nito.

“J-jin..” sabi ni Tita Chyna habang pinapakita niya yung picture kay tito

“Chyna..”

Nagkatinginan silang dalawa and then...


“HAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHA”

“WAHAHAHAHAHHAAHHAHAHAHAHHAHAHAHA”

“BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAA”

“NYAHAHAHAHAHAHAHAHAHA”
Napataas ang kilay ko habang nakatitig sa dalawa kong abnormal na kamag-anak na
walang humpay sa pagtatawanan. Ok? May nakakatawa bas a sitwasyon?! Na-sira na ba
mga ulo nila?

“what the f*ck is happening?!” sigaw ko sa kanila “Would you please stop laughing?!
It’s f*ckin’ annoying!”

“hahahaha o relax ka lang pamangkin! You cuss to much!” sabi ni Tito Jin

“tsk!” =___=

“hahaha ikaw kasi Jake, you’re such a joker” sabi naman ni Tita Chyna

“huh?”
Lumapit si Tito Jin saakin at inakbayan ako “you know Jake, you got it all wrong.
Dionne’s my mistress?! Sira ka ba?! Eh napaka bait ng batang yun eh! paano mo siya
napagisipan ng ganun ha?!”

“eh bakit nga madalas ka mag-alala sa kanya ha?! bakit binibigyan mo siya ng kung
anu-ano?! Magkaano-ano ba kayo ha! and how can you explain this hug!” sabi ko kay
Tito sabay kuha ng phone ko sa kamay niya at itinapat ko yung picture sa mukha
niya.

“Jake, malapit kami ng Tito Jin mo sa family ni Dionne” pagpapaliwanag ni Tita


Chyna “Jin’s their family doctor and also best friend namin ang mga magulang ni
Dionne. College pa lang eh magkakasama na kaming apat kaya naman ganun na lang
namin sila pangalagaan”

“right. And kung ano man ang pinapakita ko kay Dionne is all fatherly love. Alam mo
namang wala kaming anak nitong si Chyna eh kaya naman tinuturing na lang naming
parang isang tunay na anak itong si Dionne”

Sumimangot ako. Tss, grabe naman kasing pagmamahalan yan eh! masaydong nakakairita!
Tsaka malay ko ba na ganun?! Kahit naman sino magiisip ng ganun d iba?! di ba?! tsk
=___=

“hahahaha pahiya si Japoy” pang-aasar ni Tito Jin sabay akbay saakin “bawi ka na
lang bukas! Hahahaha!”

Tinabing ko yung braso niya na nakaakbay saakin “heh! Ewan ko sayo!” tinignan ko
sila “eh yung nangyari kanina? Anong ibig sabihin nun? Bakit ganun na lang ang
naging reaction niya nung nandun kami sa bahay? And why did she cried like that
habang paulit ulit niyang tinatawag ang papa niya? What’s wrong with her?!” i ask
them in frustration. Sa totoo lang, kanina ko pa pinapaulit-ulit sa isipan ko ang
mga tanong na yan. Nung yakap yakap ko si Dionne, I felt that she’s in great pain.
Beside my mom, I never seen a person cried like that before. Dati nung iniwan kami
ng hayop kong ama, laging umiiyak si mommy. Pinapakita niya sa harap ko na masaya
siya but pag mag-isa na lang siya, naririnig kong umiiyak siya. During that time,
wala akong magawa kundi ang titigan lang siya. Pero eventually, hindi ko na kinaya
at nung makita kong umiiyak si mommy, nilapitan ko siya at niyakap katulad ng
ginawa ko kanina kay Dionne. Hindi ko alam kung nakatulong ako sa ginawa ko o
hindi, pero ayoko lang kasing nakakakita ng taong umiiyak ng ganun. It reminds me
of my past and I hate it.

Nakita kong nag buntong hininga si Tito Jin at naupo siya sa sofa followed by Tita
Chyna. Tinignan ako ni Tito Jin ng seryoso “Jake, yung bahay niyo ay ang dating
bahay nila Dionne”

Nagulat naman ako sa sinabi ni Tito Jin “w-wait you mean kanila ang malaking bahay
na yun?! Sila ang nakatira doon?!” hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya “b-but
how come?! Mayaman sila Dionne? Paano siya nauwi sa pagiging P.A ko?”

“Yep, they’re rich. Sila din yung may ari ng café na pinapatakbo ng mom mo ngayon.
Dionne’s dad is a chef, and nung makaipon, nakapagpatayo sila ng sarili nilang
café”
“sa kanila dati yun?! But how come--?!” gulong gulo ang isip ko sa mga pinagsasabi
ni Tito Jin. Sa kanila dati ang bahay at negosyo ni mommy? Pero paano napunta sa
kanila yun? Naghirap ba sila? Pero bat si Dionne lang ang nagtatrabaho? Nasan ang
family niya?

Ang daming tanong sa utak ko at alam kong hindi ako matatahimik hangga’t hindi ko
nalalaman ang lahat.

“Tito Jin, please tell me everything about her” I told him seriously. I know Dionne
annoys me big time. Ang epal epal niya at napaka nosy, but still hindi ko alam kung
bakit ganito na lang ang pagka curious ko sa katauhan niya.

Tumayo si Tita Chyna at nginitian niya kami “I’ll just check on Dionne. Magusap
muna kayo diyan” sabi niya then umakyat na siya sa taas leaving me and tito Jin
alone.

Pagkaalis na pagkaalis ni Tita, ipinaliwanag saakin ni Tito Jin lahat-lahat.

“Japoy, Dionne’s only 9 years old ng pinasok ng mga magnanakaw ang bahay nila. Her
mom’s in the province while yung kuya naman niya ay nasa camping. It’s around
midnight ng pasukin sila nung magnanakaw. Limang lalaking pare-parehong may mga
baril ang nanloob sa bahay nila. Hindi ko alam yung exact event kung anong
nangyari. Ang conclusion ng mga pulis, nakita ng papa ni Dionne ang mga lalaking
yun kaya naman dali dali siyang pumasok sa kwarto ni Dionne at itinago ito sa loob
ng cabinet. Pero napatay ang papa ni Dionne, 20 saksak at 10 tama ng bala ang
nakita sa katawan nito. Ang pinaka masakit na pangyayari, nasaksihan ni Dionne
lahat ng nangyari. She’s just 9 years old at that time kaya grabe siyang natrauma
nung makita niyang sa harap niya mismo pinaslang ang ama niya. Halos isang taon din
siyang hindi nakapag salita dahil sa trauma na nangyari sa kanya. Pero dahil sa
pag-aalaga ng kapatid at mama niya, gumaling si Dionne doon sa trauma na yun at
naging isang mabuti at masiyahing bata. But another tragedy came into their family.
5 years after ng incident na yun, her mom died because of a certain disease at
tuluyan ng naulila si Dionne at si Dylan, ang kuya ni Dionne. Sabi namin ni Chyna,
saamin na lang sila tumira but they refused. Masyado na daw maraming naitulong ang
pamilya namin sa kanila. Pinilit namin sila pero ayaw talaga nila. Buti na lang at
graduating na ng mga panahon na yun si Dylan ng college. Ibinenta nila ang bahay
nila at negosyo. Ako ang tumulong sa kanila kaya napasakamay ngayon yun ng mommy
mo. Yung pinagbentahan nila, ayun ang pinangbayad nila sa tuition ni Dylan. Huminto
muna si Dionne nun sa highschool at hinintay niyang makatapos ang kuya niya. Ng
makahanap na ng trabaho bilang chef ang kuya niya, doon na ulit pinagpatuloy ni
Dionne ang pag aaral niya. Kaso isang trahedya na naman ang dumating. Kalagitnaan
ng pagiging second year college ni Dionne, na-confine sa ospital ang kuya niya
with the same disease as her mom kaya napilitang huminto si Dionne para alagaan ang
kuya niya. Dalawang taon din halos nakipagsapalaran ang kuya niya sa sakit na yun”
tinitigan ako ni Tito Jin “last month, her brother died”

I am lost in words after hearing all those things. Ngayon alam ko na kung bakit
ganito na lang mag-alala si Tito Jin kay Dionne, because she’s already an orphan.
Hindi ako makapaniwala na ang isang taong may ganitong karanasan sa buhay ay
nakukuha pang ngumiti at maging masaya.

“s-so she’s already alone?” ayan lang ang tanging bagay na nasabi ko after kong
marinig ang mga sinabi ni Tito Jin. Hanggang ngayon, ayaw parin ma-process ng utak
ko ang mga sinabi niya

Tito Jin nods “hindi namin alam kung saan ang mga kamag-anak ni Dionne. I know her
grandparents from her father’s side is living in China, and wala kaming idea kung
nasaan ang relatives ng mom niya” biglang inilagay ni Tito Jin ang kamay niya sa
balikat ko “Jake, dionne’s a very lonely kid. Alam kong may mga times na pinipilit
niyang maging masaya pero alam ko din, those memories are always haunting her.
please be kind to her” tumayo si Tito Jin “I’ll just go and check Dionne” he told
me then iniwan na niya ako.

Pagkaalis na pagkaalis ni Tito sa harap ko, naalala ko yung pinagusapan namin ni


Dionne kagabi.

--(flashback)--

“tsk, ang hilig mo ngumiti no?” sabi ko sa kanya.

Ngumit lang ulit siya tapos tumingin siya sa langit “sabi kasi ng kuya ko,
nakakabawas daw ng kalungkutan ang pag ngiti”

Tinitigan ko si Dionne “malungkot ka ba?”

Ibinalik niya ulit ang tingin niya saakin at binigyan na naman ako ng isang ngiti
“tara na at kailangan mo ng mag pahinga. May shooting pa kayo bukas, kailangan mo
ng energy”

--(end of flash back)--

Kaya ba lagi siyang nakangiti ay para itago ang kalungkutang nararamdaman niya?
Kaya ba niya hindi sinasagot ang mga tanong ko tungkol sa pamilya niya ay dahil
nalulungkot siya everytime na maalala niya ito?

After i-check nila Tito si Dionne, umalis narin sila sa rest house. Nang makaalis
na sila, tinitigan ko ang natutulog na mukha ni Dionne. Nakita kong may tumulong
luha sa gilid ng mata nito kaya agad kong pinunasan ito gamit ang daliri ko.

I also have a painful past pero walang wala ang mga naranasan ko sa naranasan niya.
She saw how her father got murdered. After nun iniwan pa siya ng nanay at kapatid
niya. I feel sad for her.

Tinignan ko ang natutulog na mukha ni Dionne. Parang napaka peaceful niya. Madami
akong nalaman tungkol sa kanya ngayon, but still, the more na may nalaman ako, the
more na parang nagiging misteryoso ang lahat saakin.
Kung saakin nangyari ang lahat ng yun, maybe galit na ako sa mundong to at malamang
hindi na ako naniniwala sa diyos. Pero si Dionne, iba. Napaka masiyahin niya parin,
napaka positive ng tingin niya sa buhay and ang tatag ng faith niya sa Panginoon.

Her saint-like attitude annoys me to the core. Pero ngayong nalaman ko na ang
lahat, parang nakakapagtaka kung paano niya pa napapanatili ang ganyang attitude
niya.

It’s like she’s an Angel sent from above.

~~~

[Venus’ POV]
“what?! You’re not going home?! What the f*ck Jake!” sigaw ko sa telepono “paano
ako?! Magisa lang ako sa unit mo?!”

“wag ka nga manggalaiti diyan na kala mo eh syota kita! Puny3t@!”

“hey Jake listen to me--!!!”

*TOOT*TOOT*TOOT*

“ugghhh pinagbabaan niya ko! He’s hella annoying!” sabi ko sabay bato ng phone ko
sa kama!

How dare he leaves me here?! After kong bumili ng kama at ng bagong lingerie eh
iiwan niya ko sa ere?! Saang lupalop ng mundo ba nagsuot ang lalaking yun?!
Nakakaasar! Tsaka bat ba niya kasama yang chimay niya?!
Lumabas ako ng kwarto para manuod na lang ng T.V at makalimutan ko ang asar ko kay
Jake ng biglang may nag doorbell.

Sino ba yang nilalang na yan?! pag housekeeper lang yan patay talaga saakin yun at
makakarinig siya saakin!

Tumayo ako at padabog kong binuksan ang pinto.

“What the--!!” napahinto ako bigla ng makita ko kung sino ang nasa pinto “m-mom..”
she gave me a cold stare at dire-diretso siyang pumasok sa loob.

“ah m-mom, n-napadaan ka dito”

Hindi niya ako pinansin instead, nagtingin tingin siyas a paligid ng unit ni Jake.

“so this is where Jake Marquez lives” sabi niya habang tinitignan yung mga
appliances sa living room ni Jake “such a nice unit. For sure milyon milyon ang
pera ng batang yan. Grabe ang kasikatan niya sa Pilipinas and even in other
countries” tinignan niya ako “unlike you”

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at pilit na binago ang pinaguusapan namin “m-mom,
gusto mo bang kumain?”

Hindi niya pinansin ang alok kon “where’s he?” she ask me coldly

“ah, h-hindi daw po siya dito matutulog ngayon eh b-but” hinawakan ko ang kamay
niya “mom, I think he’s falling for me! Onting tiis na lang matutupad na ang plano
natin then you’ll be---“

*SLAP*
Napahawak ako sa pisngi ko dahil bigla bigla akong sinampal ng malakas ni mommy.

“tsk, hindi ako naniniwala sayo! Ang tagal niyo ng magkasama hindi ka parin niya
napapansin?! I didn’t name you ‘Venus’ for nothing! Venus is the goddess of beauty
and you should act one too! Napaka bagal mong kumilos! Ang inuutos ko lang naman
sayo is to seduce him and hindi mo magawa gawa yun?!”

Yumuko ako “s-sorry mom..”

“Sorry?! Walang mararating yang sorry mo! Para sabihin ko sayo isa ka paring
pipitsuging artista Venus!” she stare at me “listen, kailangan mong mahigitan ang
kasikatan ni Jake by any means. Kahit gumawa ka pa ng masamang bagay!” nilapitan
niya ako “even if you sell your soul to the devil!”

After niyang sabihin yun, tinulak niya ako at tinalikuran niya na ako habang
naglalakad papunta sa pintuan.

“mom!” hinawakan ko yung kamay niya and tried my self to smile “samahan mo ko mag
dinner please? Miss na miss na kita eh”

Hinatak niya ang kamay niya sa pagkakahawak ko “ano ba yang sinasabi mo?! You know
that I’m a busy person so stop that nonsense!” after that, tuluyan na siyang
lumabas.

Marami na akong naging awards, maraming offers at iba’t ibang shows but still,
hindi ko parin makuha ang recognition ni mommy. Sa totoo lang hindi ko gustong
maging artista. What I want is to be a newscaster! Pero ito ang gusto ni mommy at
para saakin mas mahalaga ang kasiyahan niya kesa sa kahit ano pa.

Huminga ako ng malalim.

Gagawin ko ang lahat maging proud lang siya saakin. Gagawin ko ang lahat mapansin
lang niya ko.

I'll do everything para mahigitan pa ang kahit sinong artista dito.


Kahit pa makuha ko yun sa masamang paraan

=================

Chapter 10 *I miss you*

^dedicated to my Keiko-chan.

A/N: Dears, ako po ay humihingi ng paumanhin dahil delayed lahat ng mga updates ko.
Sadyang hindi lang pagsusulat ang inaatupag ko.. kailangan ko rin gumawa ng ibang
mga bagay at kailangan ko rin naman libangin ang sarili ko. Para po doon sa mga
taong patuloy na nag mmessage at nagagalit saakin kung bakit hindi ko tinupad yung
sched na sinabi ko dati kahit nakalagay doon sa sched ay "ESTIMATED DATE" lang eh
ako po ay humihingi ng dispensa. Maari po lamang ay paki search sa internet o sa
dictionary ang word na "estimated" salamat po :)

Sa mga matyaga pong nagaantay ng update ko, maraming maraming salamat. Alabyu na,
as in to the core.

Anyways, eto na po ang update.. Enjoy reading dears

- Majinbu
***

Chapter 10

*I miss you*

[Maisie’s POV]

“Kuya talaga nakakaasar ka! I hate you!” sigaw ko kay Kuya Jake habang kausap ko
siya sa telepono

“hay naku Maisie wag ka nga mag inarte. Alam ko naman ngayon eh namimili ka na ng
damit na isusuot mo sa date niyo ni Rui”
Tinignan ko yung mga damit na nakalatag sa kama ko “h-hindi no kuya! A-anong
sinasabi mo d-diyan! W-wala akong planong pumunta” pagsisinungaling ko sa kanya
kahit kanina pa ako namimili ng damit

“oh ganun? O edi hahayaan ko na si Dionne na sumama kay Rui?” tanong ni Kuya Jake
saakin

Medyo natigilan naman ako. Sa totoo lang gusto kong sumama kay Rui ang problema
hindi ko alam kung paano ko siya pakikitunguhan. Highschool pa kami nung huli
kaming lumabas na kaming dalawa lang. Ilang taon na ang nakakalipas. Tsaka isa
pa...

“wag mo na pagisipan Maisie. I’m doing you a favor here kaya iappreciate mo na
lang” Kuya Jake told me in the other line

Napabuntong hininga ako “hay sige na nga. Pasalamat ka idol ko si Taylor Swift”

“sus next time wag mong idahilan si Taylor Swift. O sige na naiistorbo mo na ko eh!
nagluluto ako”
Natigilan naman ako “ikaw? Kuya? Nagluluto? Teka, di ba kasama mo si Ate Dionne?
Bat di siya ang nagluluto?!”

“ha? e-eh a-ano kasi, yung babaeng yun di marunong magluto. Tama! Di siya marunong
magluto! Mamaya malason pa ko! Wag ka na nga mag tanong bye!” bigla na lang niya
ako binabaan ng telepono.

Problema ng isang yun? Palagi na lang nasa menopausal stage ang lalaking yun. Well
ako naman kay Rui lang mataray pero siya sa lahat ng tao eh. Ewan ko ba kung paano
ko naging ka-close ang napaka sungit kong kuya.

But oh well, back to business.

Tinignan ko yung mga nakalatag na damit sa kama ko. Hay nakakaasar naman. I’m a
fashion expert but how come nahihirapan akong mamili ng isusuot?!

Ano ba kasi magugustuhang outfit ni Rui?


Oh my gosh I’m going insane! Bakit ko ba iniisip ang lalaking yun?! Bakit ko ba
pinoproblema kung magugustuhan niya ang damit na isusuot ko?! Eh ano naman ngayon?!
May magbabago ba?!

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Hay dapat di na ko pumayag na makipag kita sa


kanya ngayon eh. Alam ko namang si Ate Dionne talaga ang gusto niyang isama hindi
ako.

Pero kasi... namimiss ko na siya.

Nag buntong hininga ako then I grab the simpliest outfit in my bed. Bahala na si
batman.
“Hi Maisie” bati saakin ni Rui pagkadating na pagkadating ko sa colesium kung saan
mag k-concert si Taylor Swift.

“s-sorry late ako” I told him without looking at his face

“ok lang di pa naman nagsisimula. Tara na sa loob?”

I just nod then pumasok na kami sa loob. Habang naglalakad kami papunta doon sa
seat namin, napatingin ako sa kanya and doon ko lang napansin na naka-cap siya and
may suot siyang malaking eye-glass. Siguro para hindi siya masyadong ma-identify ng
mga tao. Kung iisipin, sikat din si Rui at malamang, baka magtakbuhan sa kanya yung
mga tao pag nakita siya. Pero kahit ganyan yung itsura niya ngayon, ang gwapo parin
niya sa paningin ko.

“Maisie!” I was back to reality nung biglang hawakan ni Rui ang kamay ko at hilahin
ako palapit sa kanya “madaming tao baka mawala ka”

“ah pasensya na”


“ok ka lang ba?” tanong niya saakin

“huh? Ah oo bakit?”

“wala naman, parang kanina ka pa hindi mapakali eh”

“ah wag mo na lang ako pansinin”

Hindi niya na ko sinagot after nun. Hay ano ba to, naiilang naman ako. Hindi ko
alam kung paano ko pakikitunguhan si Rui. Ilang taon ding puro katarayan ang
ipinakita ko sa kanya. Ngayon lang ulit kami nakalabas ng kaming dalawa lang and
swear hindi ko alam kung paano ako makikisama sa kanya.

Nakarating na kami doon sa seat namin at naupo. Medyo malapit kami sa stage and ang
ganda ng view sa pwesto namin. Halatang pinagkagastusan niya talaga and
nararamdaman ko medyo disappointed siya kasi hindi niya kasama yung babaeng
talagang gusto niyang isama sa concert na ito.
We both sat in silent habang hinihintay namin na magsimula yung concert. Tinitigan
ko si Rui habang busy siya sa paglalaro ng kung ano sa cellphone niya. 4 years ago,
pumunta din kaming dalawa sa concert ng favorite naming band. Hindi pa siya artista
noon pero nag momodel na siya. Habang papunta kami sa concert, kwentuhan kami ng
kwentuhan. Walang humpay ang tawanan namin noon at napaka komportable ko na kasama
siya. But that was 4 years ago when we used to be best friends. Nung mga panahong
hindi ko pa naamin sa sarili ko na mahal ko siya.

I guess love can also ruin friendship. Bakit kasi nainlove ako sa best friend ko
eh. Sounds cliché right? Pero kahit gaanong ka-cliché ang sitwasyon ko, anak ng
tinapa, abot hanggang hell ang sakit na nararamdaman ko hanggang ngayon. Miss na
miss ko si Rui. Gusto ko ulit makipagtawanan sa kanya at makipagkulitan. Gusto kong
mayakap ulit siya at masabihan ng mga sikreto ko but I don’t dare to. Alam ko naman
kasi eh, the more I got close to him, the more that I will yearn for his love.

Ilang taon na ang nakakalipas, but still, hindi ko magawang bitawan ang pagmamahal
ko sa kanya.

“Maisie”

Nagulat ako bigla ng magsalita si Rui


“b-bakit?”

“naalala mo yung mag concert yung Paramore dito 4 years ago? Same colesium tapos
pareho din yung pwesto natin”

Medyo iniwas ko yung tingin ko sa kanya “ah o-oo”

“magkasama tayong dalawa nun eh tapos habang kumakanta sila nagtayuan lahat ng tao”
pagpapatuloy naman ni Rui “eh ikaw sobrang liit mo kaya hindi mo makita kaya nag
mukha kang Giraffe dahil nagkakanda-haba ang leeg mo! Hahahahaha naalala ko talaga
yun! Tapos yung suot mo pang blouse may print ng giraffe pattern! Hahahahahaha”

Bigla ko namang naalala yung mga panahon na yun at hinampas ko si Rui sa balikat
“napaka sama mong lalaki ka para ipaalala mo saakin yun! Eh bakit ba desperada
akong makita nun si Hayley eh!”

“oo kaya ang ginawa mo tumungtong ka sa silya”


“pero muntikan na kong mahulog nun!”

“kaya pinasan kita sa balikat ko and after ng concert kinakailangan kong tapalan ng
madaming salonpas ang likod ko kasi sobrang sakit! Para kang giraffe na baboy!
Hahahaha”

Hinampas ko ulit siya “ang sama sama mo talagang Hapon ka! I hate you!!”

Hayop na to! Sukat ipaalala saakin yung mga nangyari noon!

Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko habang pinapanuod ang katabi ko na


walanghumpay sa pagtawa

Binatukan ko nga
“aray ko Maisie-chan! That hurts” T____T

Binelatan ko lang siya. Bwisit eh =___=

“ne Maisie-chan..”

“ano?! Mangaasar ka na naman?!”

“ie.. Yokata” (no, I’m glad)

“huh? Anong sinabi mo?”

“wala”
“eh! wag mo kong hinahapon kung ayaw mong gawin kitang japayuki!” =__=

“eh basta! Wala!”

Tsk nakakayamot talaga siya!!! >___<

Tinignan ko ulit si Rui at nakita kong nakangiti siya habang nakatingin sa stage.
Ngayon ko lang napansin, medyo nawala ang pagkailang ko dahil sa pang-aasar niya.

I smile to my self. Well, hindi namang masamang i-enjoy ko ang company niya kahit
ngayong gabi lang di ba?

I will let myself fall for him tonight. Kung ano mang consequence ang mangyari,
bahala na.
“Whoa what a concert!” sabi ni Rui pagkalabas na pagkalabas namin ng colesium
habang naka-akkbay pa kami sa isa’t isa

“grabe hindi ko expect na mage enjoy ako ng ganito!” sagot ko naman sa kanya

“eh” tinignan niya ako “what do you mean by that? Ibig sabihin expected mo di ka
mage enjoy kasama ako?" He asked me while pouting
Pinitik ko naman yung noo niya “oo kasi di ka naman nakaka enjoy kasama! Ang boring
mo”

“ah ganun ha?!” tinignan ako ni Ruin g nakakaloko

“o-o-oy w-what are you planning?!”

“asaan nga ba ang weakest point ni Maisie Shaey?” sabi niya saakin habang
nakatingin ng nakakaloko

“hoy! Kung ano man yang binabalak mo wag mo ng subukan kung ayaw mong balian kita
ng buto!”

“I’m not scared Maisie” sabi niya habang naglalakad siya papalapit saakin
Naku po, alam ko na binabalak ni Rui.

Napalunok ako bigla at nagtatakbo palayo sa kanya pero masyado siyang mabilis kaya
naman nahabol niya ako agad

“Gotcha!” sabi niya sabay kiliti sa tagiliran ko

“hoy! Ano ba! Hahahaha bitiwan mo nga akong japayuki ka! Manyak! Hahaha nakikiliti
ako!”

“bahala ka di kita bibitiwan diyan!”

“o-oy japayuki! Hahahaa bitiwan hahaha mo hahahahahaha ako!”

“ayoko nga!”
Halos magpagulong gulong na ako sa kalsada sa kakatawa. Ramdam na ramdam ko narin
ang panghihina ko kasi namang itong si Rui, alam na weakest point ko ang tagiliran
ko sukat doon ako kinilit

“oy tama na--!” kakawala na sana ako sa kanya kaya lang ayaw niya parin ako bitawan
kaya natabing ko bigla yung sombrero niya at nalaglag ito.

Pareho kaming natigilan ni Rui sa paghaharutan at napalunok kami pareho.

“Si Rui Ashiya yun di ba?” dinig kong sabi nung babae na malapit sa kinatatayuan
namin

“oo nga siya nga!”

“Rui!”
“uwaaaaaaa ang gwapo niya! Tara pa-picture tayo!”

Uh-oh. I think we’re in trouble

“naku po!” kinuha ni Rui yung kamay ko “takbo!!!”

Kumaripas kami ng takbo ni Rui papunta sa parking lot. Buti na lang at malapit na
kami doon kundi yari. Nung makasakay kami sa kotse, agad-agad na nagdrive si Rui

“whew that was close!” sabi niya

Napahawak naman ako sa dibdib ko habang hingal na hingal “akala ko katapusan na


natin eh” nagkatinginan kaming dalawa then pareho kaming natawa
“hahaha grabe ngayon lang ako nabuko sa pag di-disguise ko!”

“sorry naman! Di ko sinasadya eh but fans can be deadly sometimes”

Nagtawanan ulit kami “well ganun talaga, gwapo eh”

“yabang mo!”

“hahaha to naman! Pero nag enjoy talaga ako ngayon, arigato, maisie-chan”

“thank you din. Nag enjoy din ako”

“hay siguro masaya siguro kung kasama din natin si Dionne no?” bigla naman akong
natigilan dahil sa sinabi niya “ano na kaya ginagawa ni Dionne? Baka pinapahirapan
siya ni Jake nii-chan! Naku patay talaga saakin yun! Sana naman kumain na yun. Kung
kamustahin ko kaya? Pero nahihiya ako eh. ne, Maisie-chan tingin mo bagay kami ni
Dionne?”
Iniwas ko yung tingin ko “e-ewan”

“eh basta! Alam ko na bagay kaming dalawa! I really really like Dionne! Pag ako
nakakuha ng tyempo liligawan ko na talaga yun. Tulungan mo ko ha, best friend?”
hindi ako umimik sa sinabi ni Rui “uh Maisie-chan ok ka lang ba?”

“R-rui, paki hinto yung kotse”

“huh? Pero bakit?”

“basta”

Inihinto naman ni Rui yung kotse sa isang tabi at ng makahinto kami, agad agad
akong bumaba.
“o-oy teka bakit?!”

Hindi ko pinansin si Rui at tuloy tuloy akong naglakad palayo.

Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. napaka tanga ko! Dapat talaga di na ko sumama sa
kanya! Ang saglit na kasiyahan, pang matagalang sakit na naman ang katumbas.

Napahinga ako ng malalim dahil nararamdaman kong tutulo na naman ang luha sa mata
ko. Nakakaasar naman eh, bakit ba naapektuhan parin ako sa kanya hanggang ngayon?!

“Maisie!” naramdaman ko na lang na hinawakan ni Rui yung kamay ko “anong nangyari


sayo? Bat ka bumaba?”

Iniwas ko yung tingin ko sa kanya “kailangan ko na umuwi”


“hatid na kita”

“ako na lang”

“Maisie!” he tried to made an eye contact pero iniiwas ko ang tingin ko sa kanya
“ano bang problema? I-I thought ok na tayo kanina? Akala ko bumalik na ulit tayo sa
dati pero bakit ganyan ka na naman?”

Inalis ko yung pagkakahawak niya sa kamay ko “hindi na babalik ulit ang dati Rui”
tinalikuran ko na siya at naglakad paalis kaya lang nagulat ako ng bigla niya akong
yakapin mula sa likod

“Maisie, please naman, let’s bring our friendship back. You don’t know how much I
miss you. Please, bumalik ka na saakin, best friend”

Bigla na lang tumulo ang luha ko ng dahil sa sinabi niya.


“bakit hanggang ngayon hindi mo parin maintindihan Rui?! Hindi na ko pwedeng maging
best friend mo!” tinulak ko siya palayo saakin at tumakbo na ako.

‘best friend’

Hanggang doon na lang ba talaga ang magiging turing niya saakin? :'(

=================

Chapter 11 *Mr. Seduction*

dedicated to asrah.. siya ang may gawa ng bagong Book cover ng Angel in disguise..
ang ganda no? XD

***
Chapter 11

*Mr. Seduction*

[Jake’s POV]

“ano yan?!” kunot noo kong tanong kay Dionne ng abutan niya ako ng isang garapon ng
stick-o

“yung pinapabili mo saakin” nakangiti niya namang sagot


Huminga ako ng malalim at nginitian ko siya “Dionne..” malumanay kong sabi habang
ngiting ngiti ako

“yes?” sagot naman niya habang ngiting ngiti din siya

“SABI KO YOSI HINDI STICK-O!!!!!!!” sigaw ko sa kanya.

Anak ng tilapia naman tong babaeng to eh!! matapos kong malaman yung past niya,
pinilit kong maging mabait sa kanya kaso sadyang di ko kaya lalo na sa mga pinag
gagagawa nito!! WALA BA SIYANG IBANG ALAM KUNDI ANG PASAKITIN ANG ULO KO?!?!
“oh relax ka lang, lumalaki na naman ang butas ng ilong mo! hahahaha”

“grrrr”

“I’ll show you the trick” binuksan niya yung garapon ng stick-o then kumuha siya ng
isang stick at inilagay niya sa bibig niya in a way na parang isang yosi “see?
Ganyan lang yan. May instant yosi ka na, hindi pa masama sa katawan!” masigla
niyang sabi saakin

Tinitigan ko si Dionne “pinaglololoko mo ba ko ha?!?!?! pwede ba paki ayos na lang


yung gamit ko at lumayas ka sa harap ko bago pa ko hindi makapag pigil sayo!!”

“yes boss!” nag salute siya saakin at umalis na sa harapan ko.

Hay buhay. Sa totoo lang naawa naman ako kay Dionne sa past niya kaso kasi kung
titignan mo siya parang normal na siya at di na niya kailangan kaawaan pa! At isa
pa BAKIT BA HINDI KO MAPIGILAN ANG SARILI KO NA MAG-INIT NG ULO SA KANYA?!?!?!
Paano kasi lahat pinakelamanan! Hindi ginagawa yung mga sinasabi ko, ang tigas
tigas pa ng ulo! Pag pinagalitan mo tatawanan ka lang. Nakakaloko siya!

Para akong nagkaroon dito ng 6 years old na chimay =__=

Tatanda ako ng maaga dahil sa babaeng yun eh. Magkaka wrinkles at puting buhok agad
ako! Tss sayang ang gwapo kong mukha =__=

Kumuha ako ng isang stick-o doon sa garapon at ginawa ko yung ginawa kanina ni
Dionne dito. Tsk, walang kwenta! Ang layo naman nito sa yosi eh! =__=

Dahil sa inis, kinagatan ko na lang yung stick-o. Nagulat naman ako ng makita kong
naka dungaw si Dionne sa akin

“hehehe sabi sayo eh parang yosi lang din” sabi niya habang nakangiti na parang
nangaasar
“HEH! TUMIGIL KA!! BUMALIK KA NA NGA SA GINAGAWA MO!!”

Nakakainit talaga siya ng ulo!! =__=

Kinabukasan, maaga kaming pinapunta ni Dionne sa isang hotel para sa inorganize na


“meet-and-greet” ng mga cast ng movie na ginagawa namin para sa mga fans. Yung mga
fans na maswerteng nanalo doon sa isang texting game ang i-m-meet namin.

Eto ang pinaka ayoko sa pagiging artista, yung mga ganitong event eh. Kung di lang
kailangan, aayaw ako dito! I mean, minsan nakakatakot ang mga fans.. nanunuklaw
sila kung minsan eh. Yung iba napaka bayolente. Pag nakita kami, ginagawa kaming
Nazareno. Hinahalikan, pinupunasan ng pawis, niyayakap at kung anu-ano pa! Ang dami
pa namang nagkalat nag bacteria sa katawan nila! =__=

“dala mo alcohol ko?” tanong ko kay Dionne

Napatakip siya bigla ng bibig at nanlaki ang mata niya “hala!! Nakalimutan ko!!”

Nanlaki rin yung mata ko dahil sa sinabi niya at pakiramdam ko lahat ng dugo sa
katawan ko ay umakyat sa ulo ko “NAKALIMUTAN MO?! ILANG BESES KONG IPINAALALA SAYO
YUN TAPOS KINALIMUTAN MO?! ANAK NG--!!”

“Ep ep ep.. relax ka lang.. joke lang yun” inilabas niya yung alcohol sa bag tapos
pinakita niya saakin “eto oh. Makakalimutan ko ba naman to?” natatawa tawa niyang
sabi saakin

“wag na wag kang mag jjoke ng ganun!!!! Grrrrr!”


“hahahaha eh nakakatuwa kasi talaga ang mukha mo pag nagagalit eh. Ang cute cute
mo!”

Napakunot na lang ang noo ko sa babaeng to. Nakaka kunsume na talaga siya!! >__<

Pagka dating na pagka dating namin doon sa hotel, sinalubong agad kami nung
photographer and writer ng isang sikat na showbiz magazine kung saan lalabas yung
“meet and greet” namin with the fans. Nagpakilala naman sila then hinayaan narin
kami makapag ayos after.

Nag tingin tingin ako sa paligid. Himala, hindi kami sinalubong ni Rui ah. Kada
dadating kami lagi niya hinahatak si Dionne saakin! wala tuloy akong mautusan
palagi >__<

Nagpunta na kami sa dressing room para makapag bihis na ako at pagdating ko doon,
wala si Maisie.
“nasaan si Maisie?” tanong ko doon sa isang staff

“ay hindi po makakapasok eh. Masama daw pakiramdam”

“I see”

Masama pakiramdam? Sus! baka hanggang ngayon kilig na kilig parin yan doon sa date
nila ni Rui. At ito namang si Rui baka narealize na niya na bagay sila ni Maisie
kaya hindi na kami sinalubong ni chimay! Buti naman ng hindi na niya iniistorbo ang
chimay ko!! =___=

Hinubad ko na yung shirt na suot ko at kinuha yung isang longsleeves na nakasabit


sa hanger. Nagtingin tingin din ako ng magandang shade ng necktie. Ano ba yan ang
babaduy ng kulay.

“Dionne paki abot nga yung necktie na pinadala ko sayo” utos ko sa kanya
“S-s-sige”

Napalingon naman ako sa kanya and I saw her trembling. Ok? Anong meron sa babaeng
to?

“E-eto na” inabot niya saakin yung necktie while avoiding my gaze. Scratch that,
hindi talaga siya nakatingin saakin, instead, her eyes are glued on the floor then
tinalikuran niya na ako at pumunta doon sa may table habang busy busyhan na inaayos
ang mga gamit ko.

Napatingin ako bigla sa sarili ko sa salamin then it hit me.

Babae nga pala si Dionne! Hah! Now I know!

Napangiti ako bigla ng may maisip akong kalokohan. Hmm lagi akong pinipikon ng
babaeng to ah, this time gaganti ako! Bwahahahahaha
I put on my longsleeve but leave it unbutton

“Dionne” tawag ko sa kanya kaya naman napalingon siya saakin. I walked towards her
in the most seductive way at nakita ko ang pamumula ng mukha niya.

“b-b-bakit?” sabi niya habang pilit na iniiwas ang tingin niya saakin.

“Dionne..” mas lumapit ako sa kanya hanggang sa mapasandal na siya sa table.


Ipinatong ko ang magkabilang kamay ko sa gilid niya to trap her then I leaned
forward at bumulong sa kanya “tulungan mo naman akong i-butones ang polo ko oh.
Sige na, please?” I ask her in a husk voice

“t-t-teka J-japoy, k-kaya mo n-namang g-gawin yan e-eh!” sabi niya saakin habang
tinutulak ako palayo

Hinawakan ko ang wrist niya at tinitigan ko siya sa mata “but I want you to
buttoned my shirt” nginitian ko siya at hinawi ko ang ilang strands ng buhok sa
mukha niya then I stroke her cheeks using the back of my hands “please Dionne?
You’re my maid right? And dapat sinusunod ng maid ang amo niya” I told her in my
most seductive tone
“p-p-p-pero...”

*BAM*

Bigla kaming naghiwalay ni Dionne ng may mag balabag ng pinto at ayun, bumungad sa
harap namin si Venus.

“ah m-may nakalimutan ako sa kotse! Kukunin ko lang!” sabi ni Dionne at dali-dali
siyang lumabas sa dressing room.

Tinignan naman ako ni Venus ng masama “what are you doing?”

“playing around” sagot ko sa kanya


She rolled her eyes “makikipag landian ka na nga lang, sa chimay pa”

Lumapit ako kay Venus “hey hey, you’re acting like a jealous girlfriend” sabi ko sa
kanya habang medyo natatawa tawa pa ko

Tinulak naman niya ko “hindi mo ba itatanong kung bakit hindi ako natulog kagabi sa
unit mo?!”

Napakamot ako bigla ng ulo. Nakalimutan ko na sa unit ko parin natutulog si Venus!

“wag mong sabihin na nakalimutan mo Jake?”

“parang ganun na nga”


Tinignan ulit ako ng masama ni Venus “I hate you!” after that tinulak niya ulit ako
at lumabas na sa dressing room.

Ano naman problema ng isang yun?! Kung maka-asta kala mo girlfriend eh!

Tsk sayang di ko natuloy ang pang seseduce kay Dionne! Istorbo kasi eh!

Naalala ko bigla yung mukha ni Dionne habang nag bu-blush siya dahil sa pinag
gagagawa ko kanina. Napangiti na naman ako. Nakakatuwa kasi itsura ng babaeng yun!
Biruin niyo, naapektuhan din pala yun sa ganitong bagay?

Kahit pala gaano katibay ang loob nun kada nasasabihan ko ng masasakit na salita eh
meron at meron parin talagang makakapagpatiklop sa kanya.

Now I already found her Achilles heel. Mukhang mag eenjoy na akong loko-lokohin
siya.
Napatingin ako sa salamin. Hay kung sabagay, I can’t blame her...

Ang gwapo gwapo ko ba naman kasi! >:)

[Dionne’s POV]

Pagkalabas na pagkalabas ko sa dressing room, dali dali akong umupo doon sa sofa sa
labas ng dressing room habang hawak hawak ko ang dibdib ko. Ramdam na ramdam ko ang
bilis ng tibok ng puso ko pati narin ang pag inti ng mukha ko.

God ano po bang nangyayari saakin? bakit ganito nararamdaman ko? mamamatay na ba
ko?

Agad agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Dr. Jin

“hello Dionne? Napatawag ka”

“Ah Dr. Jin kasi parang may kakaiba sa puso ko ngayon”

“huh? Paanong kakaiba?”

“ano kasi eh, ang bilis ng tibok nito tapos parang pakiramdam ko ang init init ng
mukha ko”

“hmm may nangyari ba?”


“ano po kasi..”

Biglang nag flashback sa isip ko yung itsura ni Japoy kanina. Yung mga tingin niya
saakin habang papalapit siya, yung tono ng boses niya habang nagsasalita siya, pati
yung amoy ng hininga niya. Napahawak ako bigla sa pisngi ko at parang naramdaman ko
ulit yung kamay niya sa pisngi ko. This time nakaramdam naman ako ng kung ano sa
tiyan ko

“hello? Dionne? Nandiyan ka ba?”

“Dr. Jin!!! May kung ano sa tiyan ko! natatakot ako!” T____T

“ha? ano bang nangyayari sayo?”

“uwaaaaa hindi ko po alam! Mamamatay na ba ko?” T____T


“etong batang to napaka wild magisip! Gutom lang yan! Sige bye na at may pasyente
pa ko. Ikain mo na lang yan”

“eh pero---hello? Dr. Jin?” binabaan niya ko T____T

Hay nakakaloka naman kasi. Ano bang nangyari kay Japoy at parang sinaniban siya ng
kung ano kanina? Isa pa, bakit ganito bigla ang naramdaman ko? ano bang nangyayari
saakin?

*BAM*

Halos mapatalon ako sa upuan ko ng bigla ulit may magbalabag ng pintuan at nakita
ko si Venus na lumabas ng dressing room habang nakasimangot. Dali-dali siyang
naglakad ng mabilis at nakita ko naman na nalaglag yung panyo niya habang hindi
niya ito napapansin.
Dinampot ko yung panyo "ah Venus--!!" tawag ko sa kanya kaya lang mukhang hindi
niya ako narinig kaya naman hinabol ko na lang siya. Nakita kong pumasok siya sa
dressing room niya at sinundan ko siya doon.

“Wala kang kwenta!!”

“mom! Stop it! Mom!”

Kakatok na sana ako ng hindi sinasadya ay nasilip ko sa dressing room ni Venus ang
nangyayari sa loob.

Kitang kita ko kung paano pinagsasampal at pinagsasabunutan si Venus ng isang babae


na tinatawag niyang “mom”
At halos hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko sa sobrang pagkabigla.

=================

Chapter 12 *The Manager*

Happy Holy Week everyone. Tayo ay magnilay-nilay sa lahat ng ating mga kasalanan at
magpasalamat kay God sa lahat ng blessings na binigay niya saatin :)

***

Chapter 12

*The Manager*

[Jake’s POV]
Saang lupalop ng mundo ba nag suot ang chimay na yun?! Nak ng tokwa naman eh!!
kailangan ko na yung alcohol ko!! Paano ba naman hinawakan ako nung baklang make-up
artist ni Venus! Brrr hanggang ngayon ramdam na ramdam ko ang pangingilabot ng
katawan ko!

Pero saan na ba nagsususuot yung chimay na yun?! Tss wag niyang sabihing hanggang
ngayon eh kilig na kilig siya sa pinag gagagawa ko?! sus! pakiligin ko siya diyan
everyday eh! >:))

Nakita ko naman si Dionne na nakaupo sa sofa sa lobby ng hotel. Aba yung chimay ko
ang galing! Paupo-upo na lang! ni hindi manlang naisipang pagsilbihan ang amo niya!

Nilapitan ko siya “Hoy! Kanina pa kita hinahanap!!”

“Ah J-japoy kaw pala”


Tinignan ko siya. Sus nag i-stammer parin siya hanggang ngayon? Malamang kinikilig
pa to.

“alcohol ko asan?!”

Kinuha niya sa bag niya yung alcohol at inabot saakin ng hindi umiimik. Hmm, ganyan
ba kagrabe ang epekto ko sa kanya?

“huy” kalabit ko kay Dionne “tahimik ka diyan?” nginitian ko siya ng nakakaloko


“wag mo sabihing kinikilig ka parin dahil saakin?”

Nagulat naman ako when she look at me with confusion “kinikilig? Errr tinataasan ka
ba ng balahibo pag kinikilig ka?” she ask me innocently

“ha?!”
“kasi kanina tinaaasan ako ng balahibo! Akala ko kinikilabutan ako” ^__^

Tinignan ko siya ng masama “ibig mo sabihin kinilabutan ka ng dahil saakin?!?!?!”


madiin kong tanong sa kanya

“eh hehehe hehehehe”

“HEH! WAG MO KONG TAWANAN! HINDI KITA SUSWELDUHAN NG ISANG BUWAN!!” after kong
sabihin yun, tinalikuran ko na siya habang dinig ko ang mga pigil niyang tawa.

Buwiset!!! Kinilabutan daw! Sa gwapo kong to kikilabutan siya?! hmpf! =__=

Maya-maya lang, pinatawag na kami para masimulan na yung meet-and-greet sa amin ng


mga fans. Bawat isa sa mga lead cast ay may isang fan na i-ddate. Kakain lang naman
kami ng lunch dito sa hotel habang nakikipag kwentuhan. Parang “get-to-know-each-
other” ang dating. At syempre, habang ginagawa namin yun ay kinukuhanan kami ng
pictures para sa magazine kung saan ilalabas itong meet-and-greet na to. After nun
magkakaroon din ng onting interview. All in all, halos buong araw kaming magkasama
ni fan.

Tsk, sana naman yung fan na immeet ko eh yung naliligo, mabango, maganda at sexy
para naman ganahan ako dito! Pag dugyutin yun, mabaho at panget ay ewan ko na lang.
Baka maging sanhi ng kamatayan ko ang meet-and-greet na to.

“Japoy” naramdaman kong kinalabit ako ni Dionne “bat nakasimangot ka?”

Tinignan ko siya “malamang kasi hindi ako nakangiti!” =__=

“hindi ka ba masaya na may ma-mi-meet kang taga hanga mo?”

“mukha bang masaya ang mukhang to ha?!” sabi ko habang tinuturo-turo ko ang mukha
ko
“bakit di ka masaya?”

“bakit ba ang dami mong tanong?!” tsk asar eh! Ang kulet-kulet!! Tanong ng tanong!
Dada ng dada! Pinaglihi ba to sa pwet ng manok?! =__=

Maya-maya lang, dumating na yung organizer ng event na to kasama yung mga fans
namin at isang make-up artist ata na bakla para ipakilala saamin. Nakita kong may
babaeng lumapit kay Rui at nakipag kamay dito samantalang kay Venus naman ay isang
lalaki. Ok? Wala akong fan? Ayos lang. Mas preferred ko yun! Atleast di ko na
kailangan mag-alala sa health ko!

Kaso nagitla ako ng lumapit yung organizer saakin kasama yung make-up artist

“Jake this is your fan. Be nice to him ok?”

“t-teka! Hindi ba make-up artist yan?!” O___O


“ano kabalalu Papa Jake! Hindi no! isa akey dyosang bumaba galing sa Mt. Olympus
para ma-meet ka! Anyways France is the name! France Kagandahan!” sabi nung bakla
sabay lahad ng kamay niya na parang gustong makipag shake hands.

“o siya maiwan ko muna kayo diyan” sabi nung organizer sabay talikod saakin

Anak ng tokwa! Sino ba ang may balat sa pwet dito! Mukhang nahawahan ako ng
kamalasan ng taong yun! Pag nalaman ko kung sino ang may balat sa pwet dito
ipapalapa ko siya ng buhay sa leon!! =__=

“Papa Jake the you is making shaking handness na to meow! Ako is nangangawit na!”

Tinignan ko yung kamay niya ng diring diri “naghugas ka ba ng kamay?”

“ay oo naman! Pak na pak! Naligo pa nga ako eh! I’m so mabango! Amuyin mo ako oh!”
biglang dumamba saakin yung baklang shokoy at ipinagduldulan niya ang dibdib niya
sa ilong ko
“hoy lumayo ka sakin!!! Layo!! Layo!!!!” sabi ko habang tinutulak tulak ko siya
“Dionne paalisin mo siya! paalisin mo siya!!”

“hehe ano ka ba Japoy! Enjoy ka lang diyan ha? balik muna ko sa dressing room”
pagkasabi niya nun ay bigla na lang siyang tumayo at iniwan ako

“huy wag mo kong iwan!!” sigaw ko sa kanya kaso ang pasaway na chimay inisnob lang
ako!! =__=

“ano ba papa Jake! Kailangan nating mag bonding bonding kaya lumayaslalu siya! ay
wait! Hindi pa kita na beso beso! Mwah mwah mwah!” sabi nung baklang shokoy habang
pinaghahalikan ang magkabilang pisngi ko

Itinulak ko siya “anak ng tokwa! Wag mo kong gagahasain dito kung ayaw mong mabulok
sa bilangguan!!!” pagbabanta ko sa kanya

“asus di naman kita hahalayin Papa Jake! Gusto ko lang makipag bonding sayo!” sabi
niya sabay yakap ulit sakin “fan na fan mo talaga ko papa! Kyaaaaaaaaaaaaaa!
Nayayakap ko na idol ko na crush ko! kyaaaaaaaaa! Me is kinikilig!”
Oh God. Ganito na ba talaga akong makasalanan para parusahan niyo ko ng ganito?!
T____T

[Dionne’s POV]

“Ayoko! Ayoko! Ayoko! Hindi niyo ba naiintindihan ha?! ayoko na ituloy yang nak ng
tokwang meet and greet na yan!!”

“p-pero Sir Jake!”


“sige pilitin mo ko kung gusto mong maka meet and greet si satanas ng maaga!!”

“h-hindi po!” sabi nung isang staff at nagtatakbo siyang palabas ng dressing room.

Hay, kanina pa nagmamatigas si Japoy. After kasi i-introduce sa kanya yung fan
niya, bumalik siya dito ng puno ng kiss mark ang leeg at pisngi niya tapos hiningi
niya saakin yung alcohol at pinagpupunasan nito ang katawan niya. Kung anong
nangyari, wala akong idea.

“Japoy, tingin ko dapat mo na lumabas. Kawawa naman yung mga staffs pati yung fan
mo. Mukhang kanina ka pa inaantay” malumanay kong sabi sa kanya

“heh! Tumigil ka! Ayoko ng makita yung baklang yun! Kinikilabutan ako! Kita mo
itsura ko kanina ha?! grabe niya ko pinaghahalikan! Pinagsamantalahan niya ang
pagkalalaki ko! ayoko ng makita yun baka mapaslang ko lang siya!!” >____<

“hehehe to naman. Malay mo ganun lang niya talaga ipakita ang sobra niyang pag
hanga at pagmamahal sayo”
Tinignan ako ni Japoy ng may napaka cute na panda eyes “HINDI. KO. KAILANGAN. NG.
PAGMAMAHAL. NIYA!!!” he told me in gritted teeth “ibili mo na nga lang ako ng
panibagong alcohol! May convenience store sa tapat nito! Bilisan mo ha!” inabutan
niya ako ng pera at lumabas na ako ng dressing room para bumili ng alcohol niya.

Hay kung minsan talaga si Japoy parang batang nag ta-tantrum. But oh well, I still
find him very adorable. ^____^

Naglakad na ko palabas ng hotel ng bigla ko naman makasalubong si Venus kaya


napahinto ako.

Naalala ko lahat ng nakita ko kanina.

Hindi ko masyadong maitindihan ang mga nangyari pero kitang kita ko kung paano siya
pinagsasampal ng mama niya. Nakita ko kung paano siya pinagsasabunutan nito at kung
paano umiyak si Venus at mag makaawa sa mama niya. Para atang may pinapagawa ang
mama ni Venus sa kanya na hindi magawa ng maayos ni Venus. Kung ano yun, wala akong
idea.

Naalala ko si mama. Minsan narin niya akong napag buhatan ng kamay pero isang palo
lang yun at hindi na niya inulit. After niya akong pinalo, pinaliwanag niya saakin
kung bakit niya nagawa yun pati narin ang maling nagawa ko. After nun, nag sorry
ako kay mama at nag sorry rin naman siya saakin atsaka niya ako niyakap ng mahigpit
at sinabing mahal na mahal niya ako.

Pero iba ang kay Venus. Kahit anong paghingi ng tawad ni Venus hindi siya
pinakikinggan ng mama niya. At ng matapos niya tong pagbuhatan ng kamay,
pinagbantaan lang niya si Venus na ayusin ang ginagawa nito atsaka siya iniwan
nito.

Bigla akong tinamaan ng konsensya kasi hindi ko manlang pinigilan ang mama ni
Venus. Alam kong ayaw niya saakin pero kahit na, parang mali parin na hindi siya
tulungan.

Huminga ako ng malalim at lakas loob kong nilapitan si Venus.

“uhmm V-venus..”

Lumingon siya saakin at nakita ko namang kumunot ang noo niya “what do you
want?!?!”
“uhmm nalaglag mo yung panyo mo” sabi ko sa kanya sabay abot ng panyo

Agad agad niya itong kinuha sa kamay ko “sige makakaalis ka na”

“ah, ano Venus—“

“ano?!”

“uhmm o-ok ka lang ba?”

“ano ba pinagsasasabi mo ha?! pwede ba umalis ka nga sa harapan ko! naalibadbaran


ako sa itsura mo! you’re an eyesore!!” sabi niya sabay tulak saakin palayo sa
kanya. After that, tinalikuran narin niya ako at naglakad palayo.
Napa buntong hininga ako. Siguro kaya ganyan makitungo si Venus ay dahil sa mama
niya. Inaamin ko dati medyo nainis ako sa kanya pero ngayon wala akong nararamdaman
na iba sa kanya kundi awa.

Lumabas na ako ng hotel at bumili ng alcohol ni Japoy. Bumili narin ako ng ilang
inumin dahil baka nauuhaw na yun. Kawawa naman.

Pag balik ko ng hotel, nadatnan ko naman si Rui na nakaupo sa lobby habang


nakapangalumbaba. Actually kanina ko pa napapansin si Rui na walang imik. Nung
makita niya kami, nag hi lang siya pagkatapos nun ay di na siya ulit nagsalita.
Parang kakaiba ata ang kinikilos niya ngayon.

Nilapitan ko siya at naupo ako sa tabi niya.

“hello”

“oh, Dionne-chan”
Kumuha ako ng isang juice na binili ko at inabot ko sa kanya “inom ka muna, baka
nauuhaw ka na”

He smile then kinuha niya yung juice saakin “arigato”

“huh?”

“it means thank you”

“oh I see. Uy kamusta yung fan mo?”

“ok naman siya. Nakakatuwa kakwentuhan”

“ah hehe naku si Japoy kasi mukhang hindi nakasundo yung fan niya”
Rui just smile then tumingin siya sa malayo na para bang ang lalim ng iniisip niya.
Ramdam na ramdam ko na parang may gumugulo sa isip niya ngayon. In some ways, bigla
naman ako nag alala sa kanya. Siguro dahil nasanay lang din ako na makulit siya at
masiyahin na para bang walang dinadalang problema.

“uhmm Rui, ayos ka lang ba? May problema ka ba?”

Bigla naman napatingin si Rui saakin at parang nagulat siya sa sinabi ko “Dionne-
chan, n-nag-aalala ka ba saakin?”

“h-ha? ah oo naman”

This time ako naman nagulat ng biglang mapalitan ng ngiti ang kanina niyang
malungkot na mukha “you know what? Your concern made me the happiest. It is somehow
cheered me up"

“h-ha? bakit naman?”


Biglang tumayo si Rui at nag unat! “yosh! Bigla akong ginanahan ah! thank you
Dionne-chan”

“p-para saan?”

Umiling lang Rui at nagulat naman ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko “ano ne
Dionne-chan, hountoni daisuki”

“h-ha?”

Ginulo ni Rui ang buhok ko “you’ll understand that soon. Let’s go?”

“ah o-ok” tumayo narin ako tapos naglakad na kami ni Rui pabalik sa dressing room
Anong meron kay Rui? Naguluhan ako doon ah.

Tinignan ko siya at nakita kong ngiting ngiti siya.

But well, at least he cheered up.

“NASAAN SI JAKE?!”

Halos mapatalon kami ni Rui ng biglang may marinig kaming sigaw mula sa likod
namin. Pareho kaming napatingin at nakita ko na may isang maganda, matangkad, at
mukhang anghel na babae ang nakasunod saamin.

“Rhian-san?!” sabi ni Rui sa kanya


“Yo Rui! Nakita mo ba ang alaga ko?”

“a-ah nasa dressing room niya” sagot niya dito

“hay yung batang talaga na yun” sabi nung magandang babae sabay naglakad siya
papunta

“Ah Rui sino yun?”

“siya yung manager ni Jake nii-chan!!”

“manager?”
“oo! Naku po patay si Jake-nii chan ngayon!”

Sumunod kami ni Rui doon sa babae na manager ni Japoy at pareho naman kaming
nagulantang ng ibalabag nito ang pinto sa dressing room ni Japoy.

“M-manager Rhian?!?!” O__________O

“Hey Jake, do you miss me?” ^___^

“m-m-m-manager akala ko 1 month kang mawawala?!” gulat na gulat na sabi ni Japoy at


kitang kita ko ang takot sa mukha niya.

“hindi ko pala kayang pabayaan ang alaga ko dito eh” lumapit yung magandang babae
kay Japoy atsaka niya ipinatong ang magkabila niyang kamay sa mga braso nito
“pagkadating ko dito nagsumbong agad yung organizer na ayaw mo daw makipag meet and
greet sa fan mo? ^__^” sabi niya habang naka ngiti kay Japoy.
She looks nice pero bat parang natatakot si Japoy sa kanya?

“h-ha?! a-ano kasi eh—“

Nag pout naman si Ms. Maganda “hmm I told you to be a good boy”

“p-pero kasi eh--!!”

At yung sunod na nangyari ang hindi ko inaasahan. Bigla na lang piningot nung
magandang babae si Japoy at hinila ito patayo

“aray, aray aray!!! THAT HURTS!” T________T


Hinila niya it habang pingot pingot parin atsaka kinaladkad palabas ng dressing
room

“now Jake, be a good boy at sundin mo ang sinasabi ng organizer ^___^” sabi nung
magandang babae habang ngiting ngiti parin. Dumaan sila sa harap namin then she
gave me a wink.

“that’s Ms. Rhian, Jake’s manager. Siya lang ang kaisa-isang taong nakakapagpasunod
kay Jake-nii chan” bulong saakin ni Rui

I just nod habang pinapanuod ko kung paano pingutin ni Ms. Rhian si Japoy.

Isa lang ang masasabi ko.

She’s cool. O___O


***

A/N: For France's participation. He's one of my characters in "Break the


Cassanova's Heart Operation" ... Hehehe kung sino hindi pa po nakakabasa, read niyo
ah?

sabay promote? XD

=================

Chapter 13 *flashback*

A/N

Hello dears! Pasensya na po kayo kung medyo natagalan ang pag uupdate ko. MEdyo
naging busy po lately.. anyways ngayon pa lang po ay sinasabi ko na na baka maging
busy na ko mga bandang end ng april or first week ng May.. baka po kasi mag start
na ako mag trabaho nun... nag offer po kasi ang tita ko saakin ng work sa
restaurant niya and baka kunin ko na kesa naman hamak na tambay ako sa bahay at
walang trabaho... pag dumating po ang time na yun, please do bear with me.

Ayun, enjoy reading po!

- Majinbu :3
***

Chapter 13

*flashback*

[Jake’s POV]

“oh Jake bakit ba kanina pa nakabusangot ang mukha mo diyan ha? mamaya mahipan ka
ng hangin eh maging permanent na ganyan na mukha mo. Sige ka, hindi ka na bibigyan
ng mga projects! Hahahaha” sabi ni Manager Rhian sabay tawa ng pagkalakas lakas.

I just glared at her at hindi na nagsalita. Mas mabuti ng manahimik na lang kesa
sagutin ko pa ang isang to! Mala tigre to kung magalit eh! Nakakatakot! Mamaya
pingutin na naman ako ng isang to! Ang sakit pa naman mamingot nito =__=

“Jake ni-chan wag ka na kasi sumimangot diyan! Nag enjoy ka naman sa meet and greet
di ba?” sabi ni Rui saakin

“mabait naman yung fan mo” dagdag pa ni Dionne

“HEH! Manihimik nga kayo!!!!! Mukha ba kong nag enjoy ha?! eh kung makayakap saakin
yun tila sawa eh! isa siyang makating sawa!!! Isa pa kulang na lang eh hilahin ako
nun sa isang liblib na lugar at pagsamantalahan ang pagkalalaki ko!!”

Tinapik ako ni Manager Rhian sa braso “ikaw naman oh! Mahal na mahal ka lang nung
fan mo. Ano pangalan nun? France? Binigay ko nga number mo sa kanya eh”

Bigla akong napalingon sa kanya “ANO?!”

“hahahahahaha joke lang! di mabiro ang isang to! O siya order lang kayo ng order
diyan ah?” sabi niya sabay tawag doon sa server

Dinala kami ni Manager Rhian sa isang restaurant after ng meet and greet and treat
daw niya saamin. Syempre pumayag na ko at nakaladkad pa namin itong si chimay at si
Rui. Si Manager Rhian kasi, bukod sa pagiging manager ko ay isa rin siyang sikat na
international model. Oo aminado ako, maganda siya at bihira lang ang mga taong
sinasabihan ko ng maganda. Pero kahit maganda yan eh pag nagalit siya, akala mo eh
bigla na lang nag ttransform na isang tigre kaya naman ang laki ng takot ko diyan.
=___=

Pero dahil wala akong nagawa kanina kundi sundin siya, oorder ako ng madami ngayon!
Mamulubi sana siya! tutal kanina naman inilagay ko at stake ang pagkalalaki ko.
=__=

Maya-maya lang din, dumating na yung mga inorder namin. Kumain lang kami habang
patuloy naman ng pag kukwento si Manager Rhian sa experience niya sa California ng
bigla namang mapunta ang usapan kay Dionne.

“oo nga pala Dionne, gaano na kayo katagal ni Jake? Bagay na bagay kayo ha! itong
batang to may ka live in partner na pala hindi manlang nagsasabi saakin!”

Halos maibuga ko yung kinakain ko dahil sa sinabi ni Manager Rhian saakin.


“anong ka live-in partner--?!?!”

“hindi siya ka live in partner ni Jake nii-chan!!” pag putol ni Rui sa sinasabi ko
“personal assistant lang siya nito and alam ko grabe siyang pahirapan ni Jake nii-
chan! Kaya naman Dionne” humarap si Rui kay Dionne at hinawakan niya ang kamay nito
“onting tiis na lang at iaalis na kita sa puder niya. Magiging masaya ka sa piling
ko promise!”

“h-ha? hehehe”

“ohh I see akala ko kasi si Jake at si Dionne eh! kayo pala ni Rui?”

“ah n-naku po hindi po” pagkakaila naman ni Dionne

“hindi pa Ms. Rhian pero malapit na! bridesmaid ka sa kasal namin ha?” sabi naman
ni Rui.
Tsk! Hindi sila bagay ni Dionne! Mas bagay sila ng kapatid ko! =___=

“Ikaw naman Jake bakit wala ka pang girlfriend ha? tignan mo naunahan ka na ni
Rui!”

“tsk! Di ako interesado!” =__=

“eh? d-diba kayo ni Venus?” sabi ni Dionne kaya naman bigla akong napatingin sa
kanya ng masama.

Tokwa naman oh! Nakalimutan ko, pagkakaalam pala ni Dionne eh kami ni Venus! =___=

Nakita kong sumeryoso ang mukha ni Manager Rhian “Si Venus Fair? Kayo pala?”
“opo sila! Doon pa nga nakatira saamin si Ma’am Venus!” masiglang sabi ni Dionne at
mukhang hindi niya na gets ang sinabi ko.

Tinignan ako ni Manager Rhian at nginitian ako “ikaw Jake ha! Kayo na pala ni
Venus! Hindi ka manlang nagsasabi saakin!” ^___^

Halos malaglag naman ako sa kinauupuan ko habang nakatingin saakin si Manager


Rhian. Alam niyo yung feeling na kahit naka ngiti siya eh ramdam na ramdam niyo ang
masamang aura na lumalabas sa katawan niya at feeling mo eh any moment ay
mapupugutan ka na ng ulo? Ganyang ganyan ang nararamdaman ko. >___<

“ah M-m-m-manager a-ano kasi eh—“

“wag ka ng mag paliwanag at kumain ka na lang!” sigaw niya kaya naman natahimik
ako.

Tokwa, nakakatakot O____O


Tss ang daldal naman kasi ng chimay na to eh!! Hindi kasi magkasundo si Manager
Rhian at si Venus sa hindi ko malamang dahilan. Malamang siguro eh ayaw ni manager
na yung babaeng yun ang gawin kong shota! Hindi ko namang pwedeng sabihin na pag
papanggap lang ang lahat!

Tinignan ko si Dionne na enjoy na enjoy sa kinakain niya. Kasalanan niya lahat ng


to eh! sa kadaldalan niya, pakiramdam ko nabawasan ng isang taon ang buhay ko!
T___T

Patay to sakin! >___<

After namin kumain, nauna ng nagpaalam si Rui dahil biglang tumawag yung manager
niya at kailangan daw siyang i-meet. After mabayaran yung bill, napagdesisyunan
narin naming umalis agad dahil pagod si Manager Rhian sa flight niya. Pag kadating
na pagkadating pala niya eh dumiretso agad siya sa hotel para pingutin este i-check
kung ok ako kaya hindi pa siya nakakapag pahinga.

“ah wait CR lang ako saglit” sabi ni Dionne


“bilisan mo! aalis na eh!”

Nginitian lang ako ni Dionne atsaka siya pumunta doon sa C.R. Bigla naman akong
hinampas ni Manager Rhian.

“ikaw talaga Jake, lahat na lang ng P.A mo eh inaaway mo! Mamaya hindi makatagal
sayo si Dionne. Mukha pa naman siyang masipag at mabait.”

“naku manager hindi mo alam ang sinasabi mo! saaming dalawa, ako pa ang mas hindi
makakatagal diyan no!”

“huh? Bakit naman? Eh ang bait bait kaya ng batang yun! At uy, ang ganda niya ah!
Di siya bagay maging P.A! gusto ba niya maging artista? Teka, gaano na ba siya
katagal na P.A mo?”

“tss hindi siya bagay na artista! Bagay siyang chimay ko! tsaka one month na siya
nagtatrabaho saakin”
Bigla naman napahampas si Manager Rhian saakin “One month?! Seryoso one month?!
Weh?! Di nga?! Seryoso yan?!” sabi niya habang pinanlalakihan pa ako ng mata.

“oo nga! Tss ano ba nakakagulat doon?!”

“eh kasi ang pinaka matagal mong nagiging P.A ay 1 week. Biruin mo yun! Umabot si
Dionne ng one month! Magaling nga talaga ang batang yan!”

“eh paanong hindi eh kung umasta siya kala mo siya ang amo sa aaming dalawa!
Nakakaasar! Pag sinisigawan ko o pinapagalitan ko tinatawanan ako! Minsan nga
pinicturan niya mukha ko habang pinapagalitan ko siya eh! gawain ba yun ng chimay
ha?! tapos may time pa na nagpabili ako ng yosi ang binili niya stick-o!
nakakabaliw siya!!” paghihimutok ko kay Manager Rhian. Tinignan ko siya at nakita
ko namang titig na titig siya saakin. . . .

. . . .then she burst in laughter.


“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAA. I like her! I really really like her! bagay na bagay
siyang maging P.A mo! as in! nakahanap ka ng katapat mo! wahahahahahhaha!”

“heh manahimik ka! Hindi siya nakakatuwa!”

“ows? Eh bakit hindi mo siya magawang palayasin aber?”

“e-eh k-kasi ano k-kasi..”

“baka naman gusto mo siya? sus! wag ka na dun sa malditang Venus na yun! Plastic
yun eh! kay Dionne ka na lang! uyy crush mo si Dionne eh! uyyy!”

“h-hindi no! hindi!!!” tumayo ako “nasan na ba yung chimay na yun!!! Napakatagal!!!
Tsss!! Puntahan ko na nga!!” naglakad ako papunta sa may restroom habang rinig ko
naman ang mga tawa ni Manager Rhian.
Tss, ako? May gusto kay Dionne? Hindi no! May taste ako! At ang gwapong tulad ko ay
hindi bagay kay Dionne! She’s so plain! Kaya lang naman hindi ko siya mapalayas
kasi ano eh.. kasi ano.. kasi.. kasi... n-naawa ako sa kanya! Tama! Naaawa lang ako
sa kanya kaya ganun!!

Nasan na ba yang napaka kupad na chimay na yan?!”

Pagkadating ko sa labas ng restroom, nakita kong nakatayo doon si Dionne. Lalapitan


ko sana kaya lang napansin kong may kausap siya sa phone.

“tamang tama day-off ko bukas kaya yes, pupunta ako. Right, so kita na lang? it’s a
date! Ok bye bye”

A date?! O________O

Ay tokwa tong chimay na to! Mamanang manang eh nakikipag date din pala?! Kanino
naman to lumalandi?! Kay Rui?! Imposible naman! Bat ba ang daming lalaki sa buhay
nito?!
“Oh Japoy nandiyan ka pala. Tara na!”

“w-wait aalis ka bukas?” tanong ko sa kanya

“huh? Ah oo. Day-off ko naman di ba?”

Nilapitan ko si Dionne at nginitian “uhmm pwede ka bang wag muna mag day-off?
Kailangan kasi i-general cleaning ang unit ko. Kahit next week dalawang beses ka
mag off!”

“huh? Eh kasi may importante akong lakad bukas eh”

“anong mas importante? Yun o ako?!”


“yun” mabilis niyang sagot

“anak ng--!!! Hindi! Hindi ka aalis bukas! Mag i-stay ka sa unit ko at lilinisin mo
to sa ayaw mo at sa gusto mo!”

“p-pero Japoy—!!”

“wala na tayo paguusapan!!” tinalikuran ko siya then I grinned!

Hah! Kala niya ah! hindi ko siya hahayaan makipag date!!

“Hindi!!”

Natigilan ako sa paglalakad ng marinig kong sumigaw si Dionne. Napalingon ako sa


kanya at nagulat ako ng makita ko ang galit na expression niya. Lumapit saakin si
Dionne.
“hindi! Hindi! Hindi!! Nangako ka na every Sunday ay day-off ko! may mahalaga akong
pupuntahan bukas kaya hindi kita susundin! Nangako ka tuparin mo yun!!” pagkatapos
niyang sabihin yun ay nag walk out na siya at malamang eh nag punta na sa loob ng
kotse.

Halos mapahawak naman ako sa dibdib ko dahil sa takot. Tokwa, nakakatakot pala
magalit ang isang yun? O______O

“whoa!” narinig kong sabi ni Manager Rhian “hindi lang pala ako ang makakapag
patiklop sayo Jake! Sabi na eh! kaya gusto ko ang girl nay an! she’s amazing!”

After that, she left me standing there with my mouth hanging open.
[Maisie’s POV]

“ma’am kakain na po ng lunch. Pinapatawag na po nila kayo sa baba”

“sige po yaya mamaya na lang ako kakain. Busog pa po kasi ako eh.”

“sige po” lumabas na siya sa kwarto ko

Hay. Nakakailang buntong hininga na ko ngayong araw na to. Sa totoo lang, wala
akong ganang kumain at wala ako sa mood makipag usap sa kahit na sino kaya naman
umabsent ako sa trabaho.
Isa pang dahilan ay ayokong makita si Rui.

Naalala ko na naman ang nangyari kagabi doon sa concert. Naiinis ako sa sarili ko
para ipakita sa kanya ulit ang emosyon ko. Nakakayamot dahil nai-bring up ko na
naman sa kanya ang nararamdaman ko. It’s as if I got rejected for a second time.
Sabi ko sa sarili ko na never ko ng babanggitin pa kay Rui ang nararamdaman ko.
Ayoko na ulit maranasan ang mga nangyari four years ago...

... kung saan unang beses akong nag tapat sa kanya.

--(Flash back: 4 years ago)—


February nun at fourth year high school kami ni Rui. Kasalukuyang inaabangan ng mga
junior at senior students ang Prom night. Lahat ng mga juniors ay excited dahil ito
ang kanilang first ever prom samantalang inaabangan naman ito ng mga Seniors dahil
ito na ang last nila.

Pero meron pang isang inaabangan ang mga juniors at seniors, at ayun ay yung
sinasabi nilang “magic” na nadadala ng Prom na ito. Meron kasing sabi-sabi na pag
naging last dance mo ang taong mahal mo sa prom at nagtapat ka sa kanya, magiging
kayo at magiging masaya ang relasyon niyo. Madaming naniniwala sa sabi-sabi na yan.
Madaming nag handa ng mga sasabihin nila at ng plano kung paano nila magiging last
dance ang mga taong lihim nilang minamahal. Madaming nag ipon ng lakas ng loob para
makapag tapat sa taong nagugustuhan nila sa prom.

Isa ako sa mga taong yun.

Nung araw ng prom, ang escort ko nun ay ang aking pinaka matalik na kaibigan, si
Rui. Talagang pinaghandaan ko ang gabi na yun. Hindi naman nabigo ang pag aayos ko
dahil na puri niya ako.

“ang ganda talaga ng best friend ko! mamaya niyan mainlove ako sayo eh!” pabirong
sabi saakin ni Rui.
Sa totoo lang, kinilig ako sa mga sinabi niya. Mula preschool ay kasabay ko ng
lumaki si Rui. Sobrang lapit namin sa isa’t isa na halos lahat eh nag eexpect na
magkakatuluyan kami sa huli. Inaamin ko, simula ng mag 2nd year kami at nagkaroon
nun ng ka-fling si Rui, naramdaman kong nagkakagusto na ako sa kanya hanggang sa
lumalim ng lumalim to the point na hindi na isang best friend ang turing ko sa
kanya. Iniisip ko noon na mali ito at dapat ko ng itigil. Pero na-realize ko, wala
naman masama kung mamahalin ko si Rui di ba? Malaki rin naman ang posibilidad na
may nararamdaman din siya para saakin, tutal sobrang lapit namin sa isa’t isa. Isa
pa, maraming may gusto na magkatuluyan kami kaya naman nag assume ako nun na may
gusto din saakin si Rui.

Nung mismong araw ng prom na yun, masayang masaya ako dahil ilang beses akong
pinuri ni Rui. Pakiramdam ko sasabog na ang puso ko sa sobrang kilig nun. Mas
nagkalakas tuloy ako ng loob na umamin sa kanya. Lalo na nung mismong last dance,
siya pa mismo ang nagyayang mag sayaw kami.

“grabe best friend, hindi ka nakakasawang tignan” sabi niya saakin habang ako naman
ay halos matunaw sa mga tingin niya “anata wa hountoni kirei desu”

“huh? Anong ibig sabihin nun?”

“it means you are really beautiful”


Hinampas ko siya ng mahina sa braso “napaka bolero mo no!”

“sus! bolero na ba ang taong nagsasabi ng totoo?”

Bigla akong namula sa sinabi ni Rui. Hindi ako halos makapag concentrate nun dahil
sa nag uumapaw na kilig na nararamdaman ko kaya naman huminga ako ng malalim then I
tried to clear my mind.

It’s now or never. Sabi ko sa sarili ko. Wala ng atrasan to. Kailangan ko na
magtapat kay Rui.

“ano Rui.. m-may sasabihin ako sayo”

Tinignan niya ako sa mata at nginitian niya ako “ano yun?”


Huminga ako ng malalim pagkatapos ay tinignan ko din siya “hindi ko alam kung paano
nangyari to eh. Basta alam ko na lang, nagising ako isang araw na may taokt sa puso
ko na baka mawala ka sakin..”

“huh? Ano ba sinasabi mo Maisie-chan! Bakit naman ako mawawala sayo?”

“hindi mo naintindihan Rui. What I mean is, natakot ako nab aka magka roon ka ng
girlfriend, baka may iba ng umagaw ng attention mo at baka iwan mo na ko..”

Rui tapped my head “ikaw talaga kung anu-ano iniisip mo! bat naman mangyayari yun?
Kahit pa magkaroon ako ng girlfriend, ikaw parin ang nagiisa kong bestfriend at
hinding hindi yun magbabago”

“a-akala ko dati ganun ang ikinakatakot ko. Akala ko takot lang ako na mawalan ng
best friend. But as time goes by, narealize ko na takot ako na magmahal ka ng iba”
tinitigan ko si Rui sa mga mata niya at binitiwan ko ang mga salita na hindi ko
alam na pagsisisihan ko pala kung bakit ko pa sinabi ito “..dahil mahal kita. Hindi
bilang isang best friend ko kapatid Rui.”

Nakita kong nawala ang mga ngiti sa labi ni Rui ng panahon na yun. Bigla kaming
napahinto sa pagsasayaw at napabitiw naman siya sa pagkakahawak sa bewang ko.
“M-maisie I-I’m sorry p-pero mahal kita bilang isang kapatid lang...”

Ng sabihin niya ang mga katagang yun, parang gumuho ang mundo ko. Hindi ako makapag
salita noon sa harap niya. Pakiramdam ko mukha akong tanga dahil sa mga sinabi ko.
Nag assume ako na mahal niya rin ako kaya hindi ko expected na ganyan ang magiging
sagot niya saakin. Pakiramdam ko parang gusto ng lumabas ng mga luha ko nung mga
panahon na yun kaya napatakbo na lang ako palabas ng venue nung prom namin at dali-
dali akong sumakay sa kotse namin at nagpahatid pauwi.

Wala akong ibang ginawa nung gabing yun kundi ang umiyak. Gusto kong magalit kay
Rui at sisihin siya sa mga bagay nay un pero alam ko na ako naman talaga ang mali.
Tanga tanga ko kasi eh, sukat na nag assume ako? Ayan tuloy nasaktan ako.

Tama nga ang sinabi nila “expecting doesn’t hurt so much, assuming does”

After ng araw na yun, hindi ko na ulit kinausap si Rui at tuluyan ko ng sinira ang
pagkakaibigan namin dahil sa isang dahilan; ayoko na ulit mag assume at mas lalong
ayoko na ulit masaktan at mareject.
--(end of flashback)—

Apat na taon na ang pangyayaring yun. Hanggang college iisa ang iskwelahan namin ni
Rui. Naging maliit ang mundo para saaming dalawa kaya naman nahirapan akong iwasan
siya.

Yun nga lang, kahit anong iwas ang gawin ko sa kanya, hindi parin nakatakas ang
puso ko. Dahil sa loob ng apat na taon, siya parin ang tinitibok nito.

Napataklob ako ng kumot habang ramdam ko ang mga na bumabagsak sa mata ko. Hay
badtrip naman yung Hapon na yun eh! Maganda naman ako at madaming nanliligaw saakin
pero bakit siya parin ang gusto ko? Hanggang kelan ba ako ganito?

Sa totoo lang, gusto ko ng maka move on..


“ma’am!!! Ma’am!!”

Bigla akong napabangon sa kama ko ng may biglang nagbukas ng pinto sa kwarto ko.

“yaya ano ba! Kumatok ka muna!”

“eh kasi ma’am nagkakagulo sa baba! May mga press na nagpunta dito at gusto kang
makausap!”

“huh? Bakit daw?”

“eh kasi po.. naku bumaba na lang kayo!”


Huh? Anong meron?

Dali dali naman ako nagpalit ng damit at bumaba ng madatnan ko ang sangkatutak na
reporter sa may gate ng bahay namin.

“ayan na siya! ayan na siya!”

“bakit po kayo nandito?” tanong ko sa kanila

“ikaw po si Maisie di ba? anong relasyon niyo ng sikat na model at aktor na si Rui
Ashiya?”

“huh?!”
“gaano na kayo katagal?”

“bakit nilihim niyo sa media ang relasyon niyo?”

“totoo bang may LQ kayo kagabi?”

Sabay sabay nilang mga tanong na ibinato saakin

“t-teka! Ano sinasabi niyo? Wala akong idea sa sinasabi niyo!”

“di ba ikaw tong nasa litrato kasama niya? May mga naka kita sa inyo na magkasama
sa concert kagabi at ang sweet sweet niyo daw. Meron ding nakakita na nag aaway
kayo sa kalsada. Ano po ba ang totoong pangyayari?!”
Halos malaglag ang panga ko ng makita ko ang mukha ko sa isang showbiz newspaper.
Sa litrato, nakayakap saakin si Rui habang parehong basang basa kami sa ulan.
Malamang kuha to kagabi kung saan nagaaway kaming dalawa.

Oh no. totoo ba to? Nai-issue ako ngayon sa lalaking yan? Pinilit kong protektahan
ang sarili ko sa mga media pero ano to? Nagkalat na ngayon ang pagmumukha ko sa mga
dyaryo, nadikit pa ang pangalan ko sa isang sikat na artista.

“yaya... tubig..” pagkatapos kong sabihin yun ay nagdilim na lang ang paningin ko
at tuluyan na akong nawalan ng mala

=================

Chapter 14 *Mr. Stalker*


A/N:

Dears! open na po ulit yung twitter ko.. if you want you can follow me
@AlyloonyStories ... anyways hindi po ako masyadong nagpa-follow back pasensya na
po.. ayoko po kasi matabunan yung tweets nung mga fina-follow ko... pasensya na po
talaga.. pero sa tumblr ko nag ffollowback ako :)

And also sa mga nagtatanong kung ano ang fb account ko, wala na po akong fb account
na open for public.. yung account na ginagamit ko po is for personal use ko po kaya
hindi ko po kayo pwede i-add doon.. pero pwede kayo makipag communicate sa page ko
>> www.facebook.com/alyloony ... diyan po ako nag ppost ng mga announcements :)
Salamat po

Enjoy reading :3

***

Chapter 14

*Mr. Stalker*

[Dionne’s POV]
“Japoy, ready na yung almusal mo. Aalis na ko ah?” sabi ko kay Japoy na
kasalukuyang nanunuod ng TV sa living room niya

“hmpf!” nakasimangot niyang sagot saakin sabay iwas ng tingin.

Napangiti na lang ako sa expression niya atsaka ko kinuha yung gitara ko at lumabas
na.

Mula pag uwi namin kahapon, hindi ako pinapansin ni Japoy at talagang nakasimangot
lang siya mag damag. Siguro nagtatampo siya saakin kasi hindi ko napag bigyan yung
request niya. Pero pagbibigyan ko naman siya kung hindi lang importante ang lakad
ko ngayon eh.

Hay di bale, mag lilinis na lang ako mamaya ng unit niya pag uwi ko tapos uuwian ko
na lang siya ng alcohol pang peace offering para di na siya mag tampo saakin. ^___^
Bumaba na ko sa condominium ni Japoy tapos dumiretso na ako sa church kung saan
kami magkikita kita. Walang practice ng choir ngayon dahil nag set ng children’s
party ang church na to sa isang restaurant para sa mga batang may cancer. Kaya ko
tinanggihan si Japoy kasi gustong gusto ko talaga maki-isa sa project na to. You
see, some of those kids has a limited time to live. Bilang na ang oras nila sa
mundong ito kaya naman gusto ko kahit papaano ay makatulong akong pasayahin ang mga
batang yun.

Nang makarating ako sa church, nakita ko naman na naka-abang si Ashley saakin.

“Dionne!”

Lumapit ako sa kanya “hi Ashley! Good morning!”

“good morning din! Buti nakapunta ka! Akala ko hindi ka papayagan ng amo mo eh!”

Nginitian ko lang si Ashley. Hehehehe naku kung alam lang niya, nagtatampo saakin
ngayon ang amo ko. Hehehehe
“Ash!” napalingon kami pareho ni Ashley doon sa tumawag sa kanya and nakita kong
may isang lalaking tumatakbo palapit saamin.

“hey Ash dumaan ako sa house mo kanina, naiwan mo tong inuminan mo” may inabot
yung lalaki kay Ashley na water container

“ah thank you Kite!”

“no problem!” he tapped Ashley’s head “ikaw talaga napaka makakalimutin mo kahit
kelan”

“hehehe sorry bestfriend! Ay oo nga pala!” tinignan ako ni Ashley “Kite, this is
Dionne, kasamahan ko sa choir, Dionne this is Kite, best friend ko”

Nginitian ako ni Kite “nice meeting you” then inilahad niya ang kamay niya para
makipag shake hands
I took his hand “nice meeting you too”

“sige pasok na muna ako sa loob ng church ah? baka magstart na yung mass” sabi ni
Kite saamin

“ay sabay na ko sayo best friend” sabi naman ni Ashley “ikaw Dionne?”

“ha? hintayin ko muna si kuya Romy dito”

“sige una na kami ah, punta ka na lang sa may choir”

“Sure”
Tinignan ko yung dalawa na pumasok sa loob ng simbahan habang nag-aasaran.
Napangiti naman ako at napatingin sa langit.

‘sorry kuya, mukhang may iba ng love si Ashley eh. Pero nararamdaman ko na isang
mabuting lalaki si Kite’

“Hey Dionne!” napalingon ako sa tumawag saakin at nakita ko naman si Kuya Romy na
papalapit saakin. Siya yung pinaka head namin sa choir and siya din yung nakaisip
ng project na to para sa mga batang may sakit. Mabait na tao si Kuya Romy, yun nga
lang madalas siyang inaaway nung iba at nabu-bully kasi lalambot lambot siya.
Parang bakla kung baga. Though hindi naman siya umaamin na bakla siya, hindi rin
naman niya ito tinatanggi. But either way, Kuya Romy is still kuya Romy. Ang
mahalaga ay meron siyang ginintuang puso.

“kuya Romy!”

Inakbayan ako ni kuya Romy “oh bat hindi ka pa pumapasok? Magsisimula na ang mass”

“hehe hinihintay kasi kita”


“ikaw talaga tara na at pumasok na tayo”

Sabay na kaming pumasok ni Kuya Romy sa simbahan and pumunta na sa mga kasamahan
namin sa choir para kumanta sa mass na to.

[Jake’s POV]

Tss ano ba namang chimay to! Makikipag date pero sa simbahan pumunta?! Ang korny ng
meeting place nila ha!!
Nandito ako ngayon sa likod ng puno habang tinitignan ko ang chimay ko na nakatayo
sa tapat ng simbahan at mukhang may hinihintay. Oo sinundan ko sila ngayon. Aba
gusto kong makita ang pagmumukha ng lalaking dahilan ng pagsuway saakin ni Dionne!
Pag yan panget patay saakin ang babaeng to!

“Dionne!”

Binalik ko yung tingin ko kay Dionne ng makita akong may isang lalaking papalapit
sa kanya

“Kuya Romy!”

Nakita kong inakbayan si Dionne nung lalaki “oh bat hindi ka pa pumapasok?
Magsisimula na ang mass”

Tinitigan ko maigi yung lalaki.


Ayan?! Ayan ang ka-date ni Dionne?! Eh mukhang squatter yan eh! tsaka ang payat!
Parang malnourish! Mukhang hipan ko lang to eh tutumba na yan! Isa pa ang lambot
kumilos! Parang bakla! Ano ba yan! wala namang ka taste taste ang chimay ko! Ang
laking lamang ko naman sa lalaking yan! =__=

Nakita kong pumasok na silang dalawa sa loob ng simbahan. Nararamdaman kong


magiging napaka boring ng date na to. =__=

Pumasok naman ako sa loob ng kotse ko habang hinihintay na matapos ang mass. Hindi
naman ako makakapasok sa loob ng simbahan eh baka mamaya sa dami ng kasalanan ko eh
masunog ako pag umapak ako sa loob niyan. Isa pa ang boring kaya makinig ng misa
no! Nakakaantok. =__=

Tsk ano ba yan! Nakakainip naman mag intay dito!! Teka nga bat nga ba ko magiintay
sa chimay na yun ha?! Dapat nasa bahay na lang ako at nilalasap ang free day ko
eh!!! >___<

Pero kung sabagay nakakainip naman sa bahay. Mas maganda ng i-stalk ko ang isang
to. Mamaya eh rapist pala ang lalaking to, edi nagahasa ang chimay ko. =__=

Nung matapos na ang mass, nakita kong sumakay sina Dionne sa isang van kasama yung
lampayatot na baklang boyfriend niya at iba pang mga di ko kilalang species. Aba,
group date ata ang pupuntahan ng mga to ah? Kelan pa natutong makipag group date si
Dionne?!

Kumekerengkeng ang chimay ko!!! O___O

Sinundan ko kung saan papunta yung van na sinasakyan nila hanggang sa makarating
ako sa tapat ng isang restaurant. Nakita kong nagsipasukan sila sa loob ng
restaurant at may mga dala dala pang instruments pati ibang pang party na gamit.
Teka, may birthday party ba dito?

Bumaba ako ng kotse pero bago yun, nagsuot ako ng cap at shades para hindi ako
makilala. Mamaya mahuli pa ako ni chimay na iniistalk siya or worse may makakita pa
saaking mga paparazzi dito!

Sumilip ako sa loob at nakita kong may mga bata doon. Pumunta ako sa harap ng
restaurant at papasok na sana kaya lang hinarang ako ng guard doon.

“may invitation po ba kayo?”


“ah wala eh”

“hindi po kayo pwedeng pumasok”

Tinalikuran ko yung guard. Tsk kaasar! Kung sabihin ko kaya na ako si Jake
Marquez?! Malamang papapasukin ako niyan!! Hindi makakatanggi yan sa sikat!! Hmpf!
Pero hindi ko naman pwede sabihin na si ako si Jake Marquez! Mamaya eh mahuli pa
ako ng chimay na yun na sinusundan siya! Kung ano pa isipin saakin nun. =__=

“opo nandito na po ako. Sa back duct na lang ako dadaan” napalingon ako doon sa
lalaking nag salita at nakita kong naglalakad siya papunta sa may likuran ng
restaurant.

Alam ko na!

Sinundan ko yung lalaki at nakita kong pumasok siya sa likuran ng restaurant. Yung
entrance para sa mga employee.
“grabe taeng tae na ko! bat ngayon ba naman kasi ako tinamaan ng LBM!” rinig kong
bulong nung lalaki kaya naman napalayo ako ng onti sa kanya.

Kadiri naman yun!!! Panigurado full of germs and virus ang katawan niyan! Parang
bigla akong kinilabutan kaya naman inilabas ko yung baon kong alcohol at naglagay
ako sa kamay nito. Tae feeling ko sa pagsabi pa lang niya na nagtatae siya eh
nalagyan na ko ng virus! Kadiri talaga!

Nung pumasok na sa loob si LBM boy, sinundan ko naman siya at nakita kong dumiretso
siya sa C.R ng employee. Malamang nagbabawas na yan sa loob. =__=

[A/N: pasintabi lang po sa mga kumakain.. hehehehe]

“uy kanina ka pa namin inaantay!” napalingon ako sa nagsalita at nakita ko yung


lampayatot na bakla na kinakausap ako.

Napaturo naman ako sa sarili ako “a-ako?”


“oo! Di ba ikaw yung mascot?”

“w-wait lang ha! muka ba kong--!!”

Hindi ko naituloy yung sasabihin ko dahil hinila na ako bigla nung lampayatot na
bading at dinala sa dressing room.

“isuot mo na yung mascot mo at nagaantay na yung mga bata”

“huh?!”

May inabot siya saaking mascot ni Barney


“pagka bihis mo baba ka na agad ah” pagkasabi niya nun eh iniwan niya na akong
nakatayo doon.

Wait wait wait..

Ako?! As in ako na si Jake Marquez, gwapo, mayaman, sikat, malinis at mabango eh


pagsusuotin niyo ng mascot ni Barney?!?!?!

TOKWA!!!!

=================

Chapter 15 *Blessing *

A/N:
Pasensya na po sa paghihintay ng update! Sorry po kung natagalan. Sadyang naging
busy lang po talaga ako this week plus nagkasakit pa. Anyways dears, eversince
chapter 1, i've been leaving a lot of clues kung paano mag eend tong Angel in
diguise

R|E|A|D :)

***

Chapter 15

*Blessing *

[Jake’s POV]

What the *toot toot toot* is this?! This is *toot toot toot* annoying!!! Anak ng
*toot toot toot* naman eh!!! Ako?! Pagsususotin nila ng *toot toot toot* na mascot
na to?! In their *toot toot toot* dreams!!!
Kinuha ko yung ulo ni Barney na nakatingin saakin habang naka ngiti! Anak naman ng
dinosaur oh!!!! Nasan na ba yung hinayupak na LBM boy na yun ha?! Siya dapat ang
mascot hindi ako eh!!! Anak talaga ng dinosaur oh!!!

Pero ano akala nila magsusuot ako nito?! Ha never! Isa pa puro bata doon sa baba!
Mga madudumi yun! Kadiri!

Kinuha ko yung gamit ko at nagpa-plano ng tumakas ng may marinig naman akong


familiar na boses.

“kuya mascot, ok na po ba kayo?”

Bigla akong nataranta ng marinig ko ang boses ni Dionne at mga yabag na papalapit
dito. Agad agad kong isinuot ang ulo ni Barney at sakto naman, biglang nagbukas ang
pinto sa dressing room.
“wow si Barney!” sabi ni Dionne na manghang mangha “kuya barney bat di mo pa suot
yung katawan mo? gusto mo tulungan kita?”

Umiling iling naman ako sa kanya. Anak ng pagong naman oh! Sa dinami-dami ng aakyat
saakin bakit itong chimay pa na to?!?! Asar!!

“sige po iintayin na kita sa labas para sabay na tayo bumaba sa party!” masiglang
sabi ni Dionne at lumabas na siya.

Anak ng pagong talaga!!! Bwiset!!! Bantay sarado pa ako dito ngayon!! Patay saakin
yang si LBM boy pag nakita ko siya!!! Puputulin ko pwet niya ng di na siya mag-tae
kahit kailan! At babaliin ko naman mga buto nung babakla baklang boyfriend ni
Dionne!! >___<

Bago ko tuluyang isuot yung mascot, winisik wisikan ko muna ng alcohol ito. Mamaya
puro germs to eh to think na si LBM boy pa nagmamayari nito! Anak ng pagong talaga
naman ko!! Pakshet!! Kinikilabutan ako! Nakakadiri!!!! Bwiset!!! Bat ba ko nalagay
sa sitwasyon na to?!?!?!?! BADTREEEEPPPPP!!!!!

Nung maisuot ko na yung linshak na mascot na to, lumabas na ako ng dressing room at
nakita ko naman doon si Dionne na nag aantay.
“wow ang cute ni Barney!!” sabi niya habang ngiting ngiti.

Anak ng tinapa!!!! Ano ang cute dito?!?! Nakakadiri!!! Baklang bakla!! Bwiset!!
Nakakayamot talaga!!

Nagulat naman ako ng bigla akong inamoy amoy ni Dionne “hmm? Bat ganun? Bat amoy
alcohol ni Japoy?”

Natigilan ako bigla. Ay tokwa, sana naman hindi ako mahuli ng babaeng to! Pag
kumalat talaga na nagsuot ako ng Barney costume sa media eh malamang katapusan na
ng career ko!!

Tss, bat ko ba kasi sinundan pa tong babaeng to!!! Malas talaga si Dionne sa buhay
ko!!! Sobrang malas! Malamang may balat siya sa pwet! I’m positive!

“uhmm Mr. Barney tara na?” sabi ni Dionne saakin.


Sinundan ko naman siya pumunta sa may function area at nakita ko na ang daming
nagkalat na bata. Hindi sila mga normal na bata. Yung iba naka wheel chair, yung
iba mga may bonnet sa ulo na obvious naman na wala ng natira ni isang buhok sa ulo
nila. Lahat sila mapuputla, mapapayat at mga mukhang may sakit.

Titigan ko pa lang sila feeling ko magkakasakit na ko dito! Badtrip naman oh!


Napasuot na ko ng mascot ,na-expose pa ko sa mga bacteria kids! Ang malas malas
talaga ng araw ko ngayon!! >__<

“si kuya Barney!” sigaw nung isang bata saakin kaya naman lahat sila napatingin
saakin at nagtakbuhan papalapit saakin yung mga bata. Yung iba niyakap ang binti
ko, yung iba naman pilit na nagpapakalong sakin.

Kung wala lang sakit ang mga batang to eh pinagsisipa ko na tong mga to! Ang
kukulit! =___=

“Ang cute cute ni Kuya Barney at magaling pa siya sumayaw!” sabi nung isang batang
babae na nakalambitin sa braso ko
Leshe!!! Anong cute?! Pang aso lang yun no!!! At ako sumasayaw?!?! Sapak gusto
niya?!

“eh! magaling din ba magkarate si kuya Barney parang ganito! Waaaah! Yapak! Wapak!
Achu!!” sabi naman nung batang lalaki habang nagsusuntok at nag sisisipa sa ere.

Kung pitikin ko kaya noo ng batang to ng mata----“ARAY! ARAY! ARAAAAAY!!!”

Nagtatalon ako doon habang hawak hawak ko yung nasa ibabang parte ng katawan ko.
Paano ba naman tong makulit na bata na ito ay sinuntok ang pinaka sesitibong parte
ng lalaki! Bwiset! Naging scrambled egg pa ata to!! Nakakayamot na!!

No wonder I hate kids! >__<

“uy mga bata maupo muna kayo ha baka mamaya niyan maubos na lahat ng energy niyo at
hindi na kayo makapag laro” sabi ni Dionne sa mga bacteria kids
“opo!” nagsibalikan naman sila sa kani-kanilang mga upuan habang ako eh na-iwang
nakatayo doon habang hawak hawak yung ‘ano’ ko.

Napatitig saakin si Dionne tapos nagulat ako ng nginitian niya ako.

“ang cute mo talaga!” ^____^

After that, masayang masaya siyang bumalik doon kasama yung mga bata.

ASAR!!! >___<
“Gusto niyo bang makitang magsayaw si Kuya Barney?” tanong ni lampayatot na baklang
boyfriend ni Dionne sa mga bata

“opo!!” masiglang masiglang sigaw ng mga bata

“lakasan niyo naman ang sagot mga bata! Gusto niyo bang makitang magsayaw si Kuya
Barney?”

“OPOOOO!”

“ayan! At dahil mukhang energetic kayo ngayon, bibigyan kayo ng isang dance number
ni Kuya Barney!”
Isa pang salita ng baklitang to, pipilipitin ko na talaga ang leeg nito! Ang dance
number?! Sapak gusto niya?!?! Never akong sasayaw sa harap ng mga yan no!!
bwiset!!!

Tsaka nasaan na ba yang si LBM boy ha?!?! bat hindi pa lumalabas yan sa C.R?!?! Ang
tagal tagal na niya sa loob ah!! badtrip talaga! Nakakayamot na to!!

“And now, Kuya Barney will do the chicken dance!”

HUH?

Napatingin ako sa kanila and they all have their eyes on me. Nilapitan naman ako ni
Dionne at bigla akong hinila papalapit doon sa mga bata.

“tara na Kuya Barney! Don’t be shy!”

Ay anak ng tokwa--!!!
Dinala ako ni Dionne sa gitna at narinig kong nagsimula ng tumugtog yung chicken
dance

“tenenenenenen tenenenenenenenen tenenen ten ten ten ten ten ten...”

At kesa mabuko pa ako na isa kong fake mascot, wala akong nagawa kundi
magwawagayway doon na parang baliw na manok na barney na nakahithit ng shabu.
Nakita ko naman na aliw na aliw yung mga bata at nagsitayuan sila at nakigaya
saakin sa pagsasayaw.

Buti na lang nakangiti ang costume ni Barney, hindi nila nakikita ang nakabusangot
kong mukha dito.

Ito na ata ang pinakamalas na araw ko. =__=

Natapos na din ang dance number ko at pinagpahinga na nila ako habang nagkakainan.
Inalukan pa ko ng food pero syempre no hindi ko tinanggap! Bukod sa baka puro
microbyo ang pagkain na yun, hindi ko magagawang tanggalin ang costume ko! Mahirap
ng mabuko na ang isang Jake Marquez, sikat, gwapo, mayaman, malinis at mabango, ay
ang taong nasa loob ng mascot ng baklang dinosaur na to. =__=

Tsk, nasaan na ba kasi si LBM boy?! =__=

After nilang mag kainan, bigayan na ng mga loot bags/give aways para doon sa bata.
Pero bago silang bigyan, sasabihin muna nila kung ano yung mga dreams nila.

“gusto ko pong maging artista!” sabi nung batang lalaki na nakasuntok sa hotdog ko
kanina.

Artista? Mag stuntman ka na lang o boxer mas bagay =__=

“gusto ko pong makita si Jake Marquez at pag tanda ko papakasalan ko siya!” sabi
naman nung isang batang babae na kalbo.
No thanks. Takot ko lang mahawahan ng virus mo tsaka mas trip ko ang may buhok =__=

Matapos nung bigayan ng give aways, isang kanta na lang ng famous Barney song at
nagpa sway-sway lang ako, natapos narin sa wakas ang party.

Agad agad naman akong umalis sa party area dahil gustong gusto ko ng hubarin ang
nakakadiring costume na ito at ng makaalis na ako at makauwi, makaligo at makakain!

Puro kamalasan lang ang nahita ko sa pag stalk sa chimay na yun! Nakakabadtrip
talaga! Sa susunod nga hahayaan ko na siyang makipag date kung kani-kanino! Kung
puro ganito lang naman pupuntahan niya eh wala akong interes na sundan siya!

Bat ba ang hilig pumunta ng babaeng to sa mga puro virus na lugar? =__=

Naglakad na ako papunta sa may dressing room pero bago pa ako pumasok, bigla na
lang akong natisod sa isang sirang tiles na hindi ko na pansin kaya naman bigla na
lang akong napasubsob at tumalsik pa yung ulo ni Barney sa ulo ko.
“Mr. Barney! Ok ka lang ba!!”

Nakarinig ako ng mga hakbang na papalapit saakin and the next thing I knew, ka-face
to face ko na si Dionne.

“J-j-j-japoy?!?!” O____O

Kill me now please >__<


“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! WAHAHAHAHAHAHAHAHA! BWAHAHAHAHAHAHHAA!!
NYAHAHAHAHAHAHAHAHA!”

“SHUT UP!!” =__=

Nandito na kami ngayon ni Dionne sa kotse ko at hanggang ngayon eh tawang tawa


parin siya ng malaman niyang ako si Barney. Bat ba sunod sunod ang kamalasan ko
ngayon ha?! =__=

“eh kasi naman Japoy hindi ko naman expected na ikaw yung mascot namin eh!
hahahahaha!” siniko siko ako ni chimay “pero uy ikaw ha! sabi ko na eh may
ginintuang puso ka talaga at nakipag substitute ka doon sa dapat na magsusuot ng
mascot!”

“huh?”

“nagtext siya saakin kanina na masama pakiramdam niya. Akala ko nga wala ng mag ma-
mascot eh! buti pumayag ka na sub! And dami mong napasayang mga bata!”
“hmpf! Mahal talent fee ko!”

“eeehh wag ka na magpabayad Japoy! Alam mo ba yung mga bata kanina, mga may cancer
sila. Isipin mo na lang, nakatulong ka sa kanila”

Napalingon ako bigla kay Dionne “mga may cancer? Eh hindi naman mga mukhang may
cancer yung mga yun eh! Ang sigla sigla!” yung isa nga nasuntok pa ang hotdog ko!
Masakit yun ah! tagos na tagos ang suntok eh kahit naka mascot ako. =__=

Biglang ngumiti si Dionne saakin “dahil sayo Japoy. Alam mo ba yung ilan sa mga
batang yun ay bilang na lang ang mga oras sa mundo? Kaya naman, kahit ganoon,
pinipilit nilang maging masaya. Kanina kitang kita ko ang saya sa mga mata nila at
parang nakaramdam narin ako ng sobrang saya nung makita ko silang ganoon. Alam ko
na sa murang edad nila, napakalungkot na nagkaroon sila nang ganitong karamdaman.
Pero kahit ganoon, malalakas ang loob ng mga batang yun para araw araw na bumangon
at harapin ang panibagong araw habang nakikipaglaban sila sa sakit”

Bigla akong napaiwas ng tingin kay Dionne. Naalala ko na naman yung kinuwento
saakin ni Tito tungkol sa nakaraan niya. Wala man sakit si Dionne, meron din siyang
araw araw na nilalabanan kada gigising siya. At yun ay ang kalungkutan.
“b-bakit ganoon? Bakit pa nila nagagawang ngumiti?”

“Dahil sa kanya” tinuro ni Dionne ang langit “dahil hindi sila pinapabayaan ni God.
Malapit sa Diyos yung mga batang yun kaya naman palagi silang binibigyan ni God ng
blessing”

Blessing?

“tama. Pinagpapaala nga naman talaga ng Diyos ang mga taong malalapit sa kanya.
Hindi tulad ko...”

Hindi katulad ko na makasalanan.

Bata pa lang ako hindi na ko malapit sa Diyos. Going to the mass bored me to death.
Tamad na tamad din akong magdasal. Kaya siguro walang ka blessing blessing na
dumating sa buhay ko.
Iniwan kami ng tatay ko, nag-asawa ulit ang nanay ko. Isa akong myembro ng broken
family at ngayon mag-isa na ko sa buhay. Hindi na ko dumidepende sa ibang tao.

I’m all alone.

Kasi hindi ako malapit sa diyos. Pinagpapala niya ang malalapit sa kanya,
pinaparusahan niya ang hindi. Buhay pa ko pero sinusunog na ang kaluluwa ko sa
impyerno.

“Hindi totoo yan!!” bigla akong napalingon kay Dionne ng sumigaw siya “hindi totoo
yan Japoy! Anong tawag mo diyan sa career mo? Mayaman ka, gwapo at sikat! Hindi ba
blessing yun?”

“nakuha ko yun dahil sa talent ko”

“talent na binigay ni God sayo! Japoy, mahal niya tayo. Kahit gaano pa kasama ang
isang tao, hindi niya to pinapabayaan! Alam mo sa totoo lang, maswerte ka pa nga sa
mga batang yun eh. Merong kang magandang buhay at malusog na pangangatawan
samantalang sila...” she trailed off then she looked down na akala mo ay iiyak na
siya “alam mo ba yung bata kanina na nagsabi na gusto ka niyang makita kanina? Siya
si Maya. She has a leukemia at sabi ng doctor..” huminga ng malalim si Dionne “sabi
nung doctor onti na lang ang oras na natitira sa kanya..”
Bigla akong natigilan sa mga sinabi ni Dionne. Naalala ko yung mga mukha nung mga
bata kanina sa party. Oo masaya sila pero hindi ko masyadong napansin yun dahil sa
sobrang pagka yamot ko.

Blessing?

Naalala ko yung milyong milyong tao na sumusuporta saakin. Yung mga sunod sunod na
project na dumadating. Si Dionne...

“gusto ko pong makita si Jake Marquez at pag tanda ko papakasalan ko siya!”

I felt a stab of pain in my chest. Napakamot naman ako bigla sa ulo ko.

Bakit ba ako grabe maimpluwensyahan sa mga sinasabi ni Dionne! Hay nakakayamot!


“Chimay!” kumuha ako ng pera sa bulsa ko at inabot ko sa kanya “may kailangan pa
pala kong puntahan. Mauna ka na umuwi.”

“h-huh? Pero bakit? Saan?”

“basta wag ka na matanong! Mag commute ka na muna!”

“s-sige! Ingat ka Japoy!”

Pagkababang pagkababa niya sa kotse ko, bigla ko na lang ito pinaharurot ng takbo.

=================

Chapter 16 *Mommy and Daddy*

A/N
Hahahahaha natatawa ako sa mga conclusions niyo last chapter ng sabihin ko ang R|E|
A|D .. grabe naman.. mamatay agad? hahaha but anyways.. i just want to give another
clue

"not everything is always what it seems"

***

Chapter 16

*Mommy and Daddy*

[Rui’s POV]

“Rui sino yung kasama mo doon sa picture na babae?”


“girlfriend mo ba siya?”

“bakit kayo magkayakap noon?”

“according sa mga witnesses ay nakita nila kayong nagaaway ng mga panahon na yun”

“ano po ang nangyari?”

Yumuko ako habang padaan ako sa mga nagkakagulong reporter. Hinaharang naman sila
ng entourage ko kaya naman hindi rin sila gaanong makalapit saakin.

“Di ba ang name nung babae ay Maisie Shaey?” napahinto ako ng marinig ko yun at
napatingin doon sa isang reporter na nagsabi nun
“please stop” sabi ko sa kanya

“siya yung fashion designer niyo di ba? Bakit mo siya kasama? Ano ba talaga ang
relasyon niyo?” tuloy tuloy parin niyang tanong saakin

“please stop!” bat ba ayaw nila akong tantanan?!

“bakit mo tinatago ang tunay niyong relasyon? Bakit siya umiiyak nung mga panahon
na yun? Ano ba talagang tunay na nangyari?”

“YAMETE KUDASAI!!!” sigaw ko.

Nakita kong lahat sila natahimik sa pag-sigaw ko but after a few seconds, binato na
naman nila ako ng binato ng mga tanong. Dali-dali akong naglakad hanggang sa
makapasok na ako sa office ng manager ko.
Hay nakakainis! Simula ng pumasok ako sa showbiz, hindi ko iniinda masyado ang mga
nagiging intriga saakin.

Pero iba na ngayon. May nadamay akong isang tao.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob, nakita kong nakaupo doon si manager at kasama


niya si Maisie.

“oh Rui’s here” Tita Jelyn, my manager, said.

Nagkatinginan kami ni Maisie at agad pero agad din naman niyang iniwas ang tingin
niya saakin.

Naupo ako sa tabi niya


“gomennesai” bulong ko dito

“hindi kita naiintindihan”

“i-I said I’m sorry”

Hindi sumagot si Maisie saakin instead, iniwas lang niya ang tingin niya saakin.

Nagu-guilty ako sa nangyari. Maisie is a very private person. Kahit pa she works
with celebrities, lagi siyang nagiingat na hindi madamay sa kung ano mang issue at
gulo ng showbiz. Pinaka ayaw niya kasi ang pinag uusapan siya. Alam ko yun. Nung
highschool kasi kami, nagkaroon ng issue noon na boyfriend niya yung isa sa mga
kaklase namin. Kumalat yun sa classroom at lagi siya nun pinaguusapan. Nakita ko
ang trauma sa kanya nun. Sa classroom pa lang namin yun na may mahigit 30 na
students.

Paano pa kaya ngayon na halos buong Pilipinas pinaguusapan kami?


Tumayo si Tita Jelyn at lumapit sa kinauupuan namin ni Maisie. Inilapag niya sa
table sa harap namin yung mga dyaryo na puro mukha namin ni Maisie ang nakalagay.
Meron doon nung times na naghahabulan kami after ng concert. At meron din doon na
yung nakayakap ako sa kanya habang umiiyak siya.

“hindi ko muna kayo huhusgahan dalawa, pero gusto kong umamin kayo saakin. May
relasyon ba kayo?” tanong ni Tita Jelyn saamin.

Iniwas ko ang tingin ko at wala akong planong sagutin ang tanong ni Tita Jelyn pero
nagulat ako dahil biglang nagsalita si Maisie.

“wala po kaming relasyon. Isang misunderstanding ang lahat. Wag po kayong mag-
alala, willing po akong mag painterview at sabihin ang mga nangyari”

“M-maisie...”

Tumayo siya “uhm sige po mauna na ko. May kailangan pa po kasi akong asikasuhin”
After sabihin ni Maisie yun ay lumabas na siya ng office ni Tita Jelyn.

“Rui, wala ba talaga kayong relasyon ni Maisie?” tanong niya saakin habang
nakatingin siya saakin ng seryosong seryoso

“wala po. Kaibigan ko si Maisie”

“then why don’t you say it to the media? Bakit hindi ka nagsasalita? Wala naman
pala kayong relasyon ni Maisie? Ang mas maganda is sabihin mo na na wala kayong
relasyon para matapos na ang issue na to”

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

Siguro kung hindi isang mahalagang kaibigan para saakin si Maisie, matagal na akong
nagsalita. Alam ko ang nararamdaman niya saakin at alam ko rin kung gaano siya
nasasaktan dahil hindi ko magawang maibalik ang pagmamahal na yun sa kanya.
Magsasalita ako sa media? Ano sasabihin ko? Na kaibigan ko lang si Maisie at walang
halong malisya ang pagkakaibigan namin?

Oo nung una yun ang plano ko. Yun naman talaga ang totoo kong nararamdaman sa kanya
eh. Kaso naalala ko bigla yung araw na nagtapat siya saakin. Naalala ko ang
expression ng mukha niya ng sabihin kong parang kapatid lang ang pagmamahal na
ibinibigay ko sa kanya. Naramdaman ko nun kung gaano siya nasaktan.

Ano pa kaya ang sakit na mararamdaman niya pag sinabi ko yun sa harap ng madaming
tao?

Mahalaga saakin si Maisie, at gusto ko siyang protektahan.

Pero sa kabila ng lahat, lagi ko parin siyang nasasaktan.


Ano ba ang gagawin ko?

[Jake’s POV]

“Hehehehehehehehehehehehehehehehe”

“tawa-tawa mo diyan?!” =___=


Tinignan ko si Dionne na kasalukyang nasa tabi ko at ngiting ngit habang natatawa
na mukhang kinikilig na ewan. Hinawakan niya ang braso ko atsaka ako niyugyog

“Japoy! Hehehehehehhehe”

Tinabing ko yung pagkakahawak niya sa braso ko. Tss kaasar na tong babaeng to ah?!
Bat ba ang saya saya niya! =____=

“uy Japoy!” he poke my cheeks “Japoy japoy japoy japoy japoy japoy” *poke poke poke
poke poke*

“ANO?!”

“uyyy thank you!” sabi niya saakin habang ngiting ngiti parin. Nakakaasar na talaga
siya.

“tss” sabi ko na lang sa kanya.


“Kuya Jake” lumapit saamin yung batang kadadating lang sa condo ko “gagala tayo
ngayon?”

“oo Maya gagala tayo” sagot naman ni Dionne sa kanya.

Oo na oo na, tinablan ako ng konsensya kahapon sa mga pinagsasabi ni Dionne saakin


kaya naman bumalik ako at hinanap tong batang to para ipagpaalam kung pwede ko ba
namin siya ipasyal, at sa kasamaang palad, pumayag yung lola niya na ipasyal namin
siya. At ng malaman naman ni Dionne ang tungkol dito, ang saya saya ng babaeng to.
Hindi mawala ang ngiti sa mukha niya. Akala mo eh nililigawan ng isang superstar,
Kaasar! Kaya ngayon, kesa nasa shooting ako, ay aalis ako ngayon para gumala at mag
babysit =__=

“Excited na excited po ako!!” kinalabit ako nung bata “Kuya Jake, Kuya Jake, thank
you po” sabi nung bata habang ngiting ngiti siya saakin.

Tinignan ko lang yung bata kaya naman siniko ako ni Dionne at sinenyasan. Nginitian
ko bigla yung bata “hehe ok lang yun” after nun tumayo na ako at dire-diretsong
lumabas sa unit ko kasunod si Dionne at si Maya.
Sumakay na kami sa kotse. Ako naman, nag suot na agad ng cap and shades. Mahirap na
baka may makakilala pa saakin.

“saan tayo pupunta kuya Jake?”

“hmmm anong gusto mong puntahan?”

“sa zoo!” mabilis na sagot nung bata sa tanong ko

“madaming hayop doon!” =__=

“kaya nga zoo eh! to talagang si Japoy oh! Pero gusto ko din pumunta sa zoo! Gusto
kong makakita ng penguin!” sabi naman ni Dionne

“walang penguin dito! Tsaka ayoko! Puro bacteria ng hayop doon magkasakit pa tayo!”
tsk tong batang to pwede naman niyang sabihin na pumunta na lang kami sa mall o
kaya sa children’s playground! Bakit sa zoo pa ang napili niyang puntahan! >__<

“eh gusto ko doon kuya Jake! Sige na po please! Magpapakabait ako promise basta
dalin niyo po ako doon”

“oh ayan Japoy, pagbigyan mo na si Maya..”

“oo nga po kuya Jake! Hindi pa po ako nakakapunta doon eh at gustong gusto ko po
talaga pumunta! Please po punta tayo ha? punta tayo”

“oo nga! Oo nga punta tayo!!”

Tinignan ko yung dalawa at parehong nag be-beautiful eyes saakin.

Tokwa naman oh! Nakaka badtrip!


“s-sige na nga! Pupunta na!” sabi ko sa kanila

“yehey!” sabay namang sabi nung dalawa.

Tong si Dionne parang bata. =__=

Pinaandar ko yung kotse ko papunta sa zoo. Nung makarating naman kami, hindi
ganoong kadami ang tao. Siguro dahil Lunes ngayon at karaniwan ay may pasok ang mga
tao. Buti na lang din at hindi natapat na may field trip ngayon.

“wow ang cute nung gorilla!” turo ni Maya doon sa cage ng mga gorilla

“oo nga! Kamukha ni Japoy oh!” sabi ni Dionne


“heh! May gwapo bang mukhang gorilla ah?!” sabi ko kay Dionne habang nakaturo ako
sa mukha ko

“oo meron! Ikaw” ^____^

“ikaw kamukha mo naman yun!” sabi ko sa kanya sabay turo doon sa giraffe

“hala mahaba ba ang leeg ko?” O_____O

“hindi! Mukha ka lang talagang animal!” =__=

“uwaaaaaaa ang sama mo Japoy!” tumingin si Dionne kay Maya “Maya, mukha bang animal
si ate Dionne?” tanong niya dito pero hindi siya pinansin nung bata dahil ito ay
nakatingin sa malayo “Maya?”
“ah” napalingon si Maya kay Dionne “ano po ulit yun?”

“hmm sino tinitignan mo doon?” tanong ni Dionne sa kanya. Pareho naman kaming
napatingin sa direksyon na tinitignan ni Maya. Sa di kalayuan ay may isang pamilya
na namamasyal doon. Yung tatay ay buhat buhat yung anak niyang babae habang hawak-
hawak naman niya sa kabilang kamay niya ang kamay ng asawa niya.

“Nami-miss mo siguro ang mama at papa mo no? Gusto mo ba pasunorin natin sila
dito?” tanong ni Dionne kay Maya

Umiling naman yung bata “hindi po ate Dionne. Hindi ko po kasi sila nakilala dahil
sabi ni Lola iniwan lang daw ako ni mama at papa sa kanya. Kaya po ang mama ko at
ang papa ko ay si Lola na” nakangiting sabi ni Maya kay Dionne.

Napatingin ako doon sa bata. Alam ko kahit na nakangiti siya ngayon ay may dinadala
din siyang kalungkutan. Parang si Dionne lang.

Hay bat ba may mga taong sadyang may mabibigat na problema na pinapasan? At bakit
ba may mga ibang tao ring nakukuha pang ngumiti kahit na ang bigat na ng problema
nila?
Siguro kung ako nasa kalagayan nila, malamang eh nabaliw na ko.

Hay naku.

Umupo ako para maging ka-level ako ni Maya then hinawakan ko ang magkabilang braso
niya “gusto mo ako muna maging daddy mo ngayong araw?” tanong ko doon sa bata
habang nakangiti ako.

“t-talaga po? Ikaw muna magiging Daddy ko?”

“oo naman!”

“yehey!” biglang napayakap si Maya saakin “gusto ko po yun! ikaw ang daddy ko tapos
ang mommy ko naman ay si ate Dionne!”
“h-huh?!”

“sige sige! Gusto kong maging mommy mo!” pag sangayon ni Dionne kay Maya

“t-teka lang muna! Asawa kita?!” tanong ko sa kanya. Anak ng tokwa! ok lang maging
ama ko ng batang to ngayong araw! Pero ang maging asawa ng chimay na to?! wag na
uy! Dun na siya sa manliligaw niyang babakla bakla! =___=

“Sige na Japoy! Ngayong araw lang naman eh!” sabi ni Dionne saakin na akala mo eh
gustong gusto ako maging asawa.

“yehey! May mommy and daddy ako ngayong araw!” tinignan ko si Maya at kitang kita
ko ang saya sa mukha niya. Parang nabura lahat ng lungkot sa mata niya kanina at
parang biglang mas sumigla siya.

Paano pa ba ko makakatanggi dito? =__=


Binuhat ko yung bata atsaka ko tinignan si Dionne. Sige na nga, ngayong araw lang
naman eh. Isa pa artista naman ako at kayang kaya kong umarte na asawa ng chimay na
to.

“halika na!” tawag ko kay Dionne then hinawakan ko ang kamay niya. Bigla naman
kaming nagkatinginan dalawa.

“J-japoy..” sabi niya saakin habang gulat na gulat dahil sa pagkakahawak ko ng


kamay niya

“o-oh w-wag kang magi sip ng kung ano. Asawa kita di ba? natural lang na hawakan ko
ang kamay mo”

Nakita kong ngumiti si Dionne tapos tumango siya.

Napalunok naman ako bigla.


Anak ng tinapa. Sanay na sanay na kong umarte sa kung anu-anong role. Ilang babae
na ang naka holding hands ko.

Pero eto pa lang ang unang beses na para akong kinabahan na ewan.

=================

Chapter 17 *Stolen*

Chapter 17

*Stolen*

[Jake’s POV]

“uwaaaaaa Daddy tignan mo yung rabbit oh! Ang cute cute cute cute cute” itinapat ni
Maya saakin yung hawak hawak niyang rabbit. Tinignan ko naman ito maigi
“may kamukha yan!”

“sino daddy?”

“hmmm” lumingon ako kay Dionne “tingin ko kamukha yan ng mommy mo!”

“huh? Hindi ko yan kamukha no! Ang sama mo talaga Japoy!” sabi ni Dionne habang
nakapout “kanina ka pa! lahat na lang ng animal na makita natin sinasabi mo kamukha
ko!”

“hahahahahaha eh mukha ka kasing animal!” pang aasar ko sa kanya. Habang naglilibot


kasi kami sa loob ng zoo, lahat na lang na puntahan naming animal ay sinasabi kong
kamukha ni Dionne. Aba ganti ko sa kanya yun no matapos niya ba naman akong sabihan
na kamukha nung gorilla! Hah! Kala niya siya lang magaling mang asar ha! wag niyang
minamaliit ang isang Jake Marquez!

“ang bad bad bad mo talaga Japoy!” T___T


“Daddy wag mo awayin si mommy!” saway naman ni Maya saakin “ang ganda ganda nga ni
mommy eh! mukha siyang angel!”

Bigla naman nag smile si Dionne then humarap siya saakin “oo nga Japoy, hindi ka ba
nagagandahan saakin?” ^___^

Tinignan ko maigi ang mukha ni Dionne. May singkit siyang mata, maitim at mahaba
ang buhok niya na diretsong diretso, she has a rosy cheeks and a very kissable
lips. Kung titignan mo ang features ng mukha niya, napaka amo nito at mukhang
inosente. Idagdag mo pa yung—adjlsfsalrhfsdlt.. BWISET! Ano ba tong iniisip ko?!

“h-hindi! Hindi ka maganda! Mukha kang animal!!”

Bigla na naman nag pout si Dionne “ang sama sama talaga ni Japoy” T___T

“Daddy! Lagi mo inaaway si Mommy! Dapat sweet kayo sa isa’t isa kasi kayo ang mommy
at daddy ko! say I love you to mommy na!”
Nagulat naman ako sa sinabi ni Maya “huh?!”

“ah hehehe M-maya! Hindi na kailangan y-yun” sabi naman ni Dionne na mukhang
nagulat din sa request nung bata.

Bigla naman lumungkot ang mukha ni Maya “s-sorry Kuya Jake, Ate Dionne... gusto ko
lang po kasi m-magkaroon talaga ng mommy at daddy dito. S-sorry po sa mga hiling
ko” malungkot na malungkot na sabi niya

“Maya..” tawag naman ni Dionne dito

Tinignan ko ulit yung bata at mukhang ang lungkot lungkot niya. Tokwa naman oh,
bakit ba ko binabagabag ng konsensya dito!!! Nakakaasar talaga! Honestly, ano bang
nangyayari saakin at nagkakaganito ako?! >__<

Huminga ako ng malalim atsaka ako tumingin kay Dionne. Hinawakan ko ang kamay niya
kaya naman napalingon ito saakin at halatang gulat na gulat na naman sa paghawak ko
sa kamay niya.
“J-japoy—“

Nginitian ko siya “Mahal ko, sorry sa pagbibiro ko kanina ah? syempre hindi ko
naman talaga meant yung sinabi ko dahil para saakin...” tinignan ko siya sa mata at
pakiramdam ko ako ang matutunaw sa ginagawa ko “p-para s-saakin, i-ikaw parin ang
p-pinaka magandang babae s-sa b-buong mundo..” lumunok ako “I-I love you”

Hindi sumagot si Dionne instead tinitigan niya lang ako na para bang may lumabas na
tentacles sa katawan ko. Her mouth is slightly open. Tokwa tong Dionne na to,
nahihirapan na nga akong um-acting kasama siya, mas lalo pa niyang pinakukukplikado
lahat dahil sa mga expression niyang ganyan!

I fake a laugh “he-he-he! I-ito talagang a-asawa ko h-halika nga dito!” inakbayan
ko siya “w-wag ka na magalit ha?”

“I-I love you too, a-asawa ko” bulong ni Dionne saakin


Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya napatitig din ako sa kanya. Anak ng tokwa!
Bat ba ang akward ng nangyayari saaming dalawa ngayon?! Alam naman naming acting
lang to pero bakit nakakailang?! Bwiset!!!

“ang sweet ng mommy at daddy ko!”

Nagkahiwalay lang kami ng tingin ni Dionne ng magsalita si Maya.

“ang sweet sweet talaga ni mommy at daddy!” yumakap saamin si Maya “ang saya saya
saya ko dahil may mommy at daddy ako ngayon na sobrang sweet sa isa’t isa! Love na
love ko kayo”

Napangiti naman ako bigla doon sa bata.

“love na love ka din namin Maya! Love na love na love” sabi ni Dionne dito habang
niyayakap niya ito ng mahigpit
“Ako ang baby niyong dalawa ha? promise yan ah?”

“oo naman! Ikaw ang nagiisang baby girl namin ni Dionne” binuhat ko si Maya “uhmm
saan mo pa gusto pumunta?”

“ahmmm gusto ko pong makita yung mga dolphins!” sagot niya saakin

“ok then, let’s go to the dolphins!” masigla ko naman sabi dito

“yehey!”

Tinignan ko si Dionne at inilahad ko ang kamay ko “let’s go?”

Nginitian niya ako then inabot niya ang kamay ko, filling the spaces between my
fingers with hers.

Naglakad lakad pa kami sa loob ng zoo. Nung nagutom naman kami, dinala ko sila sa
restaurant malapit dito at doon kumain. Grabe si Dionne, ang dami-daming kinakain!
Hindi ko lang talaga maaway ang babaeng yan dahil baka malungkot si Maya. Ni-
request pa nga niya na subuan ko si Dionne eh! Syempre hiyang hiya naman kaming
dalawa. At sobrang asiwang asiwa din ako. =____=

“saan mo pa gustong pumunta Maya?” tanong ko sa kanya matapos naming kumain

“hmmm... gusto ko pong magpapicture kasama si Daddy tsaka si Mommy!”

“pa-picture? Ok may alam ako na studio na maganda mag picture!” binuhat ko si Maya
“let’s go”
Sumakay kami sa kotse ko then nag drive na ako papunta sa studio kung saan madalas
kami mag pictorial nina Rui. Exculsive lang talaga ang studio nila para sa mga
artista but since kaibigan ko naman ang mga photographer doon, malamang eh
papayagan nila kami magpa-kuha ng picture. Sus! ako pa! Walang hindi nagagawa ang
isang Jake Marquez!

Bago kami dumiretso sa studio, dumaan muna kami sa isang convenience store. Naubos
na kasi yung dala kong alcohol. Paano ba naman, lagay ako ng lagay ng alcohol
kanina pa. Ang dami dami kasing hayop sa pinuntahan namin! Mamaya magkaroon pa ko
ng kung anong animal virus eh! isa pa kanina ko pa hino-holding hands si Dionne.
Mamaya hindi naghuhugas ng kamay yang babaeng yan. =___=

Kumuha ako ng limang bote ng alcohol then babayaran ko na sana ito ng makita ko na
may tinitignang mga pang ipit sa buhok si Maya. Nilapitan ko siya.

“gusto mo ba yan? Sabihin mo lang bibilhin ko para sayo”

Nginitian niya ako “naku daddy wag na po! wala na naman po akong buhok. Nalagas na
silang lahat. Kaya hindi ko din po magagamit yan”

Tinignan ko si Maya at again, nakita ko na naman ang malungkot na expression sa


mata niya kahit nakatago ito sa isang ngiti. Kinuha ko yung clip na tinitignan niya
kanina.

“then kailangan mo ng magpagaling tapos patutubuin natin ulit yung hair mo. After
nun, magagamit mo na to kaya bibilhin ko na to”

“D-daddy, tingin niyo po gagaling ako?”

Lumapit ako kay Maya atsaka ko siya binuhat “oo naman! Gagaling ka syempre! Kaya
dapat lagi kang susunod sa sinasabi ng doctor ha?”

Ngumiti ng malawak si Maya “opo! Susunod po ako sa mga sinasabi ng doctor! Pero
daddy alam mo po ba may mga ini-inject saakin yung doctor na sobrang sakit po
talaga! Napapaiyak nga po ako minsan eh pero promise po titiisin ko na yung sakit
para masuot ko yung clip na binili mo saakin”

Niyakap ko si Maya. Alam ko hindi madali ang pinagdadaanan niya ngayon. I still
cannot understand why God let a child like her to suffer, pero for the first time,
napapikit na lang ako at bumulong sa Diyos na hindi ko madalas pinapansin.
‘God, please save this child. Please wag niyo na po siyang pahirapan... please...’

After kong mabayaran yung nabili kong alcohol at yung clip, sumakay na ulit kami sa
kotse at dumiretso sa studio. Nung makarating naman kami doon, sakto na on-duty si
Rap, yung photographer ng movie namin.

“Hey! Rap!”

Tinignan niya ako ng nakakunot ang noo at nung marealize niya kung sino ako, dali-
dali siyang lumapit saakin.

“Jake? Ikaw ba yan? Di kita nakilala gawa ng shades at cap mo! ano ginagawa mo
dito? May pictorial ka ba?”
“wala but I have a request to you. Pwede mo ba kaming kuhaan ng litrato?” tanong ko
sa kanya sabay turo kina Dionne at Maya.

“sure! No problem!” lumapit naman saakin si Rap at binulungan ako “but tell me bro,
who are they? Don’t tell me girlfriend mo yan at anak niyo yung bata? Ikaw ah!
paano mo natago yan sa media!”

“heh! Tumigil ka! PA ko yung babae, tapos uhmm fan ko yung bata! We’re sort of role
playing lang as family para doon sa bata!” =__=

“ows? Mamaya ang uwi niyan totohanan na ah?” pang-aasar ni Rap saakin

Badtrip to! Kung hindi lang ako humingi ng pabor dito ngayon malamang eh naupakan
ko na tong chismosong photographer na to!

Pinapunta kami doon sa isang dressing room at pinapili kami ng gusto naming
costume. Creative shot kasi yung ipapagawa ko para naman mag enjoy din si Maya.
“wow! Ang gaganda nung mga costume oh! Bagay kaya saakin yung princess na costume?
O yung fairy kaya? Or yung angel? Uwaaaaaa ang gaganda!” sabi ni Dionne habang
manghang mangha na nagtititingin sa mga costume.

Mukhang hindi lang si Maya ang nag eenjoy dito. =___=

May kinuha akong wings ng angel doon at pinakita ko kay Dionne “Eto ang costume
ko!”

“uwaaaaaa gusto ko din ng angel costume para pair tayo!”

“hindi! Mas maganda kung ito sayo” may kinuha pa ako na isang pakpak but this time
color black siya hindi white. Pakpak ng pang black angel.

“huh?! Bat ayan ang akin?! Gusto ko yung white” T____T


“mas bagay sayo to! Ang puti-puti mo na eh tapos white pa yung kukunin mo? black
naman para maiba!”

“p-p-perooooo...”

Hindi ko pinansin ang nagmamaktol na si Dionne but instead tumingin ako kay Maya

“Maya nakapili ka na ba ng costume mo?”

“opo Daddy! Ito pong pang fairy!”

“for sure bagay yan sayo!” kinalong ko si Maya at hinatak ko naman si Dionne
“halika na at punta na tayo sa make-up room para maayusan kayo”

“pe-pero Japoy” T______T


Bago pa makaangal si Dionne, tuluyan ko na silang dinala sa mga mag aayos sa
kanila. Medyo inayusan din ako ng onti then after nun, nag bihis na ako ng costume
ko at inintay matapos sina Dionne at Maya.

“Daddy Jake! Daddy Jake!” naglakad papalapit saakin si Maya at napangiti naman ako
sa ayos niya. Nilagyan siya ng wig at suot suot niya yung clip na binili ko sa
kanya. Sumigla din ang kulay niya gawa ng make-up

“daddy bagay po ba saakin?” tanong niya

“oo naman! Ang ganda ganda naman ng baby namin!”

“naku daddy! Magugulat ka sa ayos ni mommy! Ang ganda ganda niya!”

“huh?”
“uhmm ready na ko” rinig kong sabi ni Dionne.

Nilingon ko siya at bigla naman akong napatayo sa kinauupuan ko ng makita ko ang


ayos niya. Nakasuot siya ng black na gown habang suot-suot din niya yung pakpak
niya. Merong inilagay na parang maliit na korona sa ulo niya then medyo kinulot ang
dulo ng buhok niya.

S-si Dionne ba to? Bat ganun? B-bat ang ganda ng asawa este ng chimay ko? O___O

“J-japoy, maganda ba ko?” tanong niya saakin na parang nag aalangan sa itsura niya

Instead na sagutin ko siya, tinalikuran ko lang siya “t-tara na! m-mag start na ang
pictorial” >__<
“yehey! Ang gaganda po ng mga kuha natin oh! Ang ganda ganda!” sabi ni Maya habang
tinitignan niya yung mga pictures namin

“nag enjoy ka ba Maya?” tanong ko sa bata

“opo daddy! Sobrang nag enjoy po ako! Gagala po ulit tayo next time ah?”

“oo naman! Gagala ulit tayo” sagot naman ni Dionne sa kanya

“ay! Ito po” inabutan niya kami ng tig-isang picture ni Dionne “lagi niyo po
ilalagay sa wallet niyo yung picture natin ah?”

Kinuha ko yung wallet ko at inilagay yung picture naming tatlo doon “syempre naman!
Lagi lang tong nasa wallet ko”
After ng pictorial namin, inihatid na namin si Maya sa hospital kung saan siya
naka-confine. Hindi na rin kasi pwedeng mapagod ng husto si Maya kaya naisipan
narin namin siyang ihatid. Nung makarating na kami sa ospital, nakita ko naman na
mahimbing ng natutulog yung bata.

“ako na bahala mag buhat sa kanya sa room niya. Just wait for me here” sabi ko kay
Dionne

“oki Japoy!”

Binuhat ko si Maya papunta sa room niya and agad naman akong sinalubong ng lola
niya. Nagpasalamat ito saakin sa pag-gala ko kay Maya then after that bumaba na ako
para balikan si Dionne sa kotse ko.

Kaso pagdating ko naman doon sa kotse, tulog na ang dakila kong chimay.

Hay grabe lang! tinulugan talaga ako ng isang to?! =___=


Tinignan ko ang natutulog na si Dionne at nakita ko naman na nagtataasan ang
balahibo nito sa may braso. Mukhang nilalamig ata ang isang to. Hinubad ko yung
jacket ko at ikinumot ko sa kanya. Nung nilalagay ko na yung jacket sa kanya, medyo
napalapit naman ako sa mukha niya. Napalunok ako..

Hay, kahit gaano ko pa i-deny sa sarili ko, oo na, maganda na talaga si Dionne.
Sobrang amo ng mukha niya tapos kada ngumingiti pa siya, parang mawawala lahat ng
pagod mo sa katawan. Tinitigan ko maigi yung mukha ni Dionne at napadapo ang tingin
ko sa labi niya. Medyo mamula-mula ito at I admit, she has a kissable lips.

Hindi ko alam kung sinaniban ba ako ng masamang espiritu o katangahan, but before I
could stop my self, naramdaman ko na lang na unti-unti kong inilalapit ang mukha ko
sa mukha ni Dionne. Unti-unti...

hanggang sa maramdaman ko na ang malalambot niyang labi na nakadikit sa labi ko.


1 second.. 2 seconds.. 3 seconds...

Bigla akong napahiwalay kay Dionne.

Ok, what was that? What the heck did I do?

Napatitig ako sa natutulog na si Dionne na walang kaalam alam sa nangyayari.

Oh sh1t!!

Napaumpog ako ng ulo sa manibela ng kotse.


Did I just stole a kiss from her?!?!

***

A/N:

Hello dears! Balik na po sa dating url ang website ko >>>


www.alyloonystories.weebly.com

Anyways sa mga nag tatanong po kung ano ang facebook account ko.. hindi po open for
public ang account ko.. but you may communicate with me on my page >>
www.facebook.com/alyloony

At... sa mga nagbabasa ng author's note ko, salamat po ng madaming madami! :)

=================

Chapter 18 *unexpected news*


Chapter 18

*unexpected news*

[Venus’s POV]

Nakaka badtrip siya!!!

Ibinato ko sa sofa yung cellphone ko na magdamag ko ng hawak. Ilang beses na kong


hindi natutulog sa unit ni Jake pero ni isang text man lang kung bakit hindi ako
umuuwi doon eh wala akong narecieve! Nakakayamot siya! Ni ha ni ho wala! Kahit sa
mga shootings namin ni hindi manlang ako tanungin kung bakit di ako nakakauwi sa
unit niya!

Bwiseeeet! Ayan ba ang boyfriend!!!

Venus, wag ma carried away. Nagpapanggap lang kayo..


Pero nakakayamot talaga!! >__<

Ano ba yan! Walang mangyayari saakin kung patuloy lang akong maiinis sa alcohol
freak na yun! Makapag kabisa na nga lang ng lines!

Kinuha ko yung script ko and nagsimulang magkabisa ng mga script para sa bandang
ending ng movie na ginagawa namin. Actually kabisado ko na naman to. Kada kasi
ipadadala na saakin yung script, lagi ko na siyang kinakabisado a head of time. At
ngayon naman, medyo nire-review ko na lang ito para hindi mawala sa isip ko.

Ganito ko masyado sineseryoso ang pagiging artista.

Ini-scan scan ko lang yung mga lines ko ng bigla naman akong mapadapo sa lines nung
isa naming ka-cast member na ang role ay isang broadcaster. Binasa ko yung lines
niya and medyo napangiti ako.
Hay, nakakainggit naman to. Kahit hindi siya ang bida sa movie na to, ang ganda
naman ng role niya! Kelan kaya ako magkakaroon ng role as broadcaster? Siguro kung
magkataon, ay! Ang saya ko na talaga. Napakaimposible na kasi na maging isa akong
broadcaster. Gusto ni mama ay mag artista ako. Gusto niyang maging sikat ako at
gagawin ko ang lahat para masunod ko ang gusto niya.

Kabayaran na rin sa nagawa ko kay ate dati...

Tinignan ko ulit yung script at binasa ko ng malakas yung lines nung broadcaster at
umaktong ako yung gumaganap sa role

“Kamakailan lang ay natagpuan na ng sikat na aktres na si Divina Maloba ang kanyang


matagal ng nawawalang anak. Abo’t ang galak ng magina ng muli silang magkita
makalipas ang mahabang panahon. Labis na nagpapasalamat din si Divina sa mga
awtoridad na tumulong sa kanya upang mahanap ang kanyang anak. Sa kabilang banda
naman ay labis din ang pasasalamat ni Divina sa mga kumpkop sa kanyang anak sa loob
ng mahabang panahon—“

*clap clap clap*

Napatigil ako sa pagbabasa ng script ng mararinig ako ng palakpak.


“direk!”

“Venus! I didn’t know you have such talent! Ang galing ng pagkakabasa mo ah.
Broadcaster na broadcaster ang dating!” pag puri saaking nung director namin.

“really direk? Well I’m happy to heard that from you”

“magaling ka naman talaga eh! wait, do you want to try working in an evening news?”

“w-what do you mean po?”

“nag hahanap kasi kami na papalit doon sa isang broadcaster sa evening news show.
Mag le-leave kasi siya. So you want to try? Actually mga showbiz news naman ang
ibabalita mo so hindi ka rin masyadong mahihirapan. What do you think?”
Halos pumalakpak ang tenga ko dahil sa narinig ko. I mean kahit substitute lang ako
at puro showbiz news lang ang ibabalita ko, sobrang saya ko na na makapagtrabaho sa
isang evening news show! Paano ko pa ba matatanggihan ang ganitong kagandang offer?

I was about to say yes to direk kaso nagulat ako ng may biglang sumagot na para
saakin

“no, she’s not accepting the offer” napalingon ako doon sa nagsalita and I saw my
mom na kapapasok pa lang sa dressing room ko “she’s focusing more on her acting
career” tinignan niya ako “am I right Venus?”

Napayuko ako sa sinabi ni mom then tinignan ko si direk “s-sorry po direk, h-hindi
ko po matatanggap yung offer mo”

“ow that’s such a waste of talent dear. You could be a great host or broadcaster!
But anyway I won’t force you. Just tell me kung nagbago ang isip mo” after that
umalis na si direk sa dressing room ko kaya naman naiwan kami ni mom doon.

“Venus, don’t ever think accepting such offers like that” my mom told me sharply
“wala kang mararating sa ganyang klaseng career. Focus on your acting career!”
“o-opo..”

“mag bihis ka na! magsisimula na ang shooting mo”

Tinalikuran ako ni mom then lumabas na siya sa dressing room ko. Napahinga ako ng
malalim.

Hanggang kelan pa kaya niya ko parurusahan sa isang kasalan na matagal ng nangyari?


:’(
[Dionne’s POV]

“Japoy! Alcohol?” inialok ko yung alcohol na hawak ko kay Japoy

Tinignan niya ito at kinuha tapos ibinalik niya saakin ng hindi manlang siya
nagsasalita. Hindi rin siya tumitingin saakin.

Ano kaya problema ni Japoy? Nung isang araw pa siya ganyan saakin eh. Hindi niya
ako kinakausap pero pag kailangan naman talaga niya akong utusan, napaka ayos ng
pagkakasabi niya saakin. Minsan ginamit niya pa ang word na ‘please’ nung magpabili
siya saakin ng lunch.

Ano kaya problema ng isang to?

Hay ang weird weird weird ni Japoy. Baka naman nakakain yan ng virus kaya ganyan.
Hehehehe.
Naupo ako sa may tent at pinanuod ko yung scene ni Japoy at Venus sa di kalayuan sa
kinauupuan ko. Nakita ko naman sa kabilang tent si Rui na mukhang malalim ang
iniisip at walang ibang ginawa kundi mag buntong hininga.

Mukha atang may problem si Rui. Kada makikita ko siya sa shooting lately, parang
ang tamlay tamlay niya. Hindi siya yung Rui na nakilala ko na masiyahin. Pati din
si Maisie ganoon. Hay may problema kaya sila?

Tumayo ako sa kinauupuan ko at nilapitan ko si Rui.

“uy” tapik ko sa balikat niya kaya napalingon siya saakin

“Dionne-chan..”

Inabutan ko si Rui ng isang stick ng choco-choco na kanina ko pa kinakain.


“you want?” sabi ko sa kanya

Bigla naman akong nginitian ni Rui “wow choco-choco! Meron pa pala nito? Ang tagal
ko ng di nakakakain nito eh. Naalala ko nung bata pa ko, sobrang favorite ko to!”

“talaga! Pareho tayo!” pag sang ayon ko naman sa kanya

Nginitian ako ni Rui then he stretched his hand “haaaaaaay! I’m back to my senses!
Thank you Dionne-chan!”

“huh? Anong ibig mong sabihin?” takang taka ko namang tanong sa kanya

“uhmm alam mo ba yung feeling na down na down ka, ni-hindi mo magawang makangiti,
pero dahil kinausap ka lang ng isang tao eh para nawala lahat ng problema na
dinadala mo, instead napalitan pa to ng saya?"
“h-ha?”

Ngumiti ulit ng pagkalawak lawak si Rui “wala. Wag mo na intindihin ang sinasabi
ko. Basta thank you talaga Dionne-chan!”

Nginitian ko lang si Rui.

Sa totoo lang hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi niya saakin but in some
ways parang sumaya din ako kasi alam kong kahit papaano ay nakatulong ako sa kanya.

Ang sarap din kasi makita ng mga ngiti ni Rui. It makes my heart feel warm. Siguro
bukod kay Japoy, si Rui na ang isa pang tao na nakakapagpasaya saakin.
[Jake’s POV]

“ok cut! nice one!” sigaw ni direk saamin ni Venus “you may rest for a while!”

Hay salamat naman! Pagod na ko at gutom pa! isa pa ang init init dito!
Pinagpapawisan na ko!

Papunta na sana ako sa dressing room ko ng marinig ko na tinatawag ako ni Venus

“Jake wait!” hinatak niya ang kamay ko “hindi mo manlang ba tatanungin saakin kung
bakit hindi ako natutulog sa unit mo lately?!”

Tinignan ko si Venus at inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko “why would I?”

“for pete’s sake!!” lumapit saakin si Venus then she lowered her voice “remember
Jake, they all know that I am your girlfriend so better act like a real boyfriend!
Kung ayaw mong mahuli nila na nagpapanggap lang tayo then galing galingan mo sa pag
arte!”

Nginitian ko si Venus then bigla ko siyang hinalikan sa cheeks. Nakita ko naman ang
natulala niyang expression.

“I love you darling” after kong sabihin yun tinalikuran ko na siya habang aware ako
na nakatulala parin ang babaeng yun dahil sa ginawa ko.

Tss, sino ba naman kasi hindi ma-aattract sa kagwapuhan ko? B-)

Pumasok ako sa dressing room ko at nadatnan ko naman si Dionne doon na nakaupo.


Bigla akong natigilan ng mag flashback na naman sa utak ko ang katarantaduhang
ginawa ko.

Napatingin ako sa labi ni Dionne.


Ah bwiset!!! Ayoko na nga maalala yun!! bwiset talaga!! Bwiset!! >___<

“Japoy! Tapos na pala ang shooting mo! tumawag pala si Maya kanina gusto kang
makausap. Wait tatawagan ko siya” kinuha ni Dionne ang phone niya then tinawagan
niya si Maya. Nung masagot naman ni Maya sa kabilang line, agad niya itong ibinigay
saakin.

“hello Maya?”

“daddy! Miss na miss na po kita! Pati po si mommy! Gagala po ba tayo sa Sunday?”


masiglang tanong ni Maya

“naku Maya baka hindi eh. mag o-out of town kasi kami ng ate Dionne mo para sa
shooting namin. Siguro sa susunod na Sunday na lang”

“ay ganun po? Sige ok lang po daddy! ay kelan niyo po ako dadalawin? Pwede po ba
kayo pumunta ngayon dito saamin?”

“sorry Maya, may work ako ngayon eh. Don’t worry babawi talaga ako sayo!”
“ok lang po yun daddy, naiintindihan ko po! basta po pag may time ka dadalawin mo
ko ah? Wag mo ko kakalimutan dalawin ah?”

“syempre naman! Promise yan”

“yehey! Happy na po ako! I love you daddy ko”

“I love you too Maya. Mag rest ka na, baka mabinat ka”

“opo! Bye bye”

“bye”
I end the call and napatingin naman ako kay Dionne na ngiting ngiti saakin.

“a-anong nginigiti ngiti mo diyan?!?!?!”

“wala lang Japoy! Natutuwa lang ako sayo” ^___^

“heh! Tigilan mo ko!!”

“talagang na-attach ka na kay Maya no?” ^___^

“nakakatuwa kasi yung bata hindi katulad mo mukhang aso” =___=


After kong sabihin yun, tinalikuran ko na siya at lumabas ulit para sa shooting.

Nakakabadtrip talaga ang babaeng yun! tsaka sana naman tigil tigilan niya na ang
pag ngiti ngiti saakin! in some ways naalala ko lang yung ginawa ko sa kanya. Well
hindi naman ako nakokonsenya kahit aware ako na first kiss niya ang ninakaw ko.
Pero sh1t talaga! Kinikilabutan ako kada maalala ko yun! nakakabadtrip kasi! Ano
bang pumasok sa isip ko at bigla ko na lang siyang hinalikan!

Brrr. Nakakakilabot talaga! =__=

Nag start na ulit yung shooting namin. Mga bandang 12:30 am na ng matapos kami.
Grabeng puyatan naman to, nakaka high! ni hindi pa ko kumakain ng dinner! Sana
naman ay may madaanan kaming 24 hours open na restaurant dito!

Dahil medyo sabog na ko sa antok at sa gutom, dumiretso na ulit ako sa dressing


room para makapag palit at makaalis na agad. Kaya lang pag pasok ko doon, halos
mabuhay ang dugo ko ng madatnan kong nakaupo si Dionne sa sahig habang nakayuko at
nanginginig.

“D-dionne?! Dionne!!” dali-dali akong tumakbo papalapit sakanya “what happened to


you?!?!”

Inangat ni Dionne ang ulo niya at nagulat ako ng makita ko siyang umiiyak.

“J-japoy... j-japoy...”

“hey what happened?! Why are you crying?!”

Bigla na lang akong niyakap ng mahigpit ni Dionne at halos manlumo ako sa mga
salitang lumabas sa bibig niya.

“S-si Maya.. wala na si Maya. Japoy, iniwan na tayo ni Maya!”


***

A/N:

My heart is open for rude comments and violent reactions :) hehehe

Anyways doon po sa mga nagpapa followback sa twitter, sorry po talaga. Hindi ko po


kayo ma-follow back kasi naka follow din po ako sa mga taong kilala ko personally.
Pag madami ako finollow back baka matabunan na ang mga tweets nila. Sorry po
talaga. Hope you guys understand. Godspeed :)

=================

Chapter 19 *The Wake*

Chapter 19

*The Wake*
[Dionne’s POV]

“J-japoy, pasok na tayo sa loob?” tinignan ko si Japoy habang nakatingin siya doon
sa bahay nila Maya kung saan nakalamay yung bata. Kanina pa kami dito sa labas ng
bahay nila. Nasa loob lang kami ng kotse habang tinitignan namin mula sa malayo
yung bahay nila Maya.

I sighed.

Nung sinabi ko kagabi kay Japoy na wala na si Maya, hindi siya umiyak nun pero
ramdam na ramdam ko ang lungkot niya. Ni hindi na niya nakuhang kumain nun at
dumiretso na kami sa bahay. Walang nagsasalita saamin ng mga panahon na yun. Pareho
kaming tahimik at walang imik. Nung umaga naman, ipina-cancel niya lahat ng
appointment niya. Nakaaway pa nga niya yung director ng movie nila pati narin yung
iba pa na mga icinancel niyang mga guestings and interview. Buti na lang at
kinausap sila ni Ms. Rhian, yung manager ni Japoy.

Tinignan ko ulit si Japoy na nakatitig sa bahay nila Maya. Huminga ako ng malalim
and I tried my best para bigyan ng isang ngiti si Japoy.
“Japoy, pasok na tayo sa loob. D-diba tumawag si Maya? Sabi niya g-gusto n-niya
tayong makita” huminga ulit ako ng malalim just to restrain myself from crying “i-
iniintay na tayo ng baby natin. Tara na?”

Nilingon ako ni Japoy then he gave me a sad smile tapos tumango siya. Bumaba na
kami ng kotse at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay nila Maya. Agad naman kaming
sinalubong ng lola nito.

“Lola, condolence po” salubong kong sabi sa kanya

Nginitian niya lang ako at niyakap ng mahigpit. Humiwalay siya sa pagkakayakap


saakin at tinignan kaming dalawa ni Japoy

“kanina pa niya kayo hinihintay” sabi ni Lola saamin tapos sinamahan niya kami
palapit kay Maya. Sinilip ko siya sa coffin niya at halos maiyak ako ng makita ko
ang napaka peaceful na mukha nung bata. Nilagyan na siya ng wig at suot suot niya
yung clip na bigay ni Japoy. Yakap yakap naman niya yung picture naming tatlo
habang may nakapulupot na rosary sa kamay niya.
“alam niyo ba sobrang tuwang tuwa si Maya nung iginala niyo siya? Hindi ko pa
nakitang ganung kasigla yung bata simula ng magkasakit siya” sabi ni Lola saamin
“talagang tuwang tuwa siya sa inyo. Last year pa sinabi saakin ng doctor na wala ng
pagasa yung bata, kaya naman lahat na ng hilingin ng apo ko ay ibinibigay ko sa
kanya. Mabait na bata si Maya at wala siya masyadong hiniling na material na bagay.
Pero kayo, napasaya niyo ng husto ang apo ko, kaya salamat ng madaming madami sa
inyo. Lalo na sayo Jake. Alam ko na busy ka dahil isa kang artista pero sobrang
saya ko dahil napagbigyan mo ang apo ko. Salamat talaga. Alam mo ba na bago bawian
si Maya ng buhay ang saya saya niya dahil nakausap ka niya sa telepono at hawak
hawak pa niya yung litrato mo? kaya laking pasasalamat ko talaga sayo na kahit sa
maikling panahon lang ay napasaya mo ang apo ko”

Tinignan ko si Japoy at nakita kong nakatitig lang siya kay Maya habang nagsasalita
si lola. Nilingon ko ulit si lola at binigyan ko siya ng isang ngiti “Lola masaya
din po kami na nakasama namin si Maya. Hindi po siya mahirap mahalin kaya naman
napalapit na po kami sa bata”

Hinawakan niya yung kamay ko “salamat Dionne. Teka muna at kukuha lang ako ng
makakain niyo” tinalikuran niya kami at dumiretso sa kusina.

Nakita ko namang tumalikod din si Japoy sa kabaong ni Maya at naupo sa isa sa mga
upuan doon. Tumabi ako sa kanya.

“J-japoy.. o-ok ka lang ba?” pag aalalang tanong ko dito.


Hindi niya ako sinagot at nakatitig lang siya doon sa malaking litrato ni Maya na
nakapatong doon sa kabaong.

Huminga ako ng malalim.

Alam ko nasasaktan si Japoy ngayon kahit hindi siya nagsasalita o nagpapakita ng


emosyon. Alam ko dahil ramdam na ramdam ko ang lungkot. Pero sa totoo lang, sa
ngayon, hindi ko din alam ang sasabihin ko sa kanya. Oo ilang mga mahal ko na sa
buhay ang nakita kong mawala, pero si Japoy, hindi ko alam kung naranasan niya na
ang sakit na ito dati. Ang sakit na sa una, halos nakakabaliw.

“I-I prayed to God...”

Napalingon ako kay Japoy at nagulat ako ng makita kong nanginginig siya

“Dionne... I prayed to God and told Him to save Maya... b-but why? Bakit hindi niya
pinakinggan? Bakit ganito ang nangyari sa bata?”
Hinawakan ko ang kamay ni Japoy “He listened to your prayer Japoy. Tinupad niya ang
gusto mo but not the way you expected it to be...”

“but Maya’s so young! Madami pa siyang pwedeng magawa! Bakit kailangan ang aga niya
mawala? Tell me Dionne! Bakit! N-nung tumawag yung bata saakin, kung alam ko lang
na huling beses na namin maguusap nun edi sana iniwan ko ang trabaho ko at
dumiretso ako sa ospital para kahit sa huling sandal nakita ko manlang siya ngumit.
Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko manlang nagawang pagbigyan ang huling
hiling nung bata. Bakit pa kasi sa dinami-dami ng magkakasakit, bakit si Maya pa?
Bakit hindi na lang ako? Masama akong tao at walang ibang pumasok sa isip ko kundi
puro pera at kasikatan. Bakit ako binigyan ng malakas na pangangatawan ng Dyos?
Bakit si Maya hindi?”

“J-japoy..”

“Dionne, bakit...” huminga ng malalim si Japoy at nagulat na lang ako ng may makita
akong luha na tumulo galing sa mata niya “...bakit ako napalapit sa isang taong
hindi ko pa nakakasama ng matagal? Bakit ko iniiyakan ang isang batang sandal ko pa
lang nakakasama? Pakiramdam ko ngayon para akong namatayan ng sariling anak eh...”
nagtakip ng mukha si Japoy at nakita ko ang panginginig niya. Alam kong tuloy tuloy
na ang pagiyak niya ngayon.

Si Japoy na palasigaw, masungit, maarte at matapang, ito ang unang beses kong
makita siyang umiyak ng ganito. And I don’t know why, but it totally breaks my
heart.
Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at napayakap ako sa kanya ng mahigpit habang
tumutulo din ang sarili kong mga luha.

“S-syempre masakit Japoy, b-baby natin si Maya remember? N-nasasaktan din ako sa
nangyari. Sobra. Pero a-alam mo ba iniisip ko na lang n-na atleast ngayon kasama na
ni Maya si God, at least ngayon hindi na nahihirapan ang baby natin. S-sigurado
ako, nasa heaven na siya ngayon, masaya siyang naglalaro t-tapos meron siyang isang
mahaba at itim na itim na buhok na napaka ganda. Japoy, are baby is now free of
pain” bigla na lang akong napahagulgol ng iyak “let’s be happy. Hindi na
nahihirapan si Maya ngayon”

Naramdaman ko na humigpit ang yakap saakin ni Japoy. For a while, hinayaan naming
umiyak sa braso ng isa’t isa. Alam ko na pareho ang sakit na nararamdaman namin
ngayon at kailangan namin ang comfort ng isa’t isa. Habang yakap yakap ako ni Japoy
at umiiyak sa braso niya, kahit papaano ay gumagaan na ang loob ko.

Sana ganun din siya. Sana in some ways nakatulong ako para pagaanin ang loob niya.
Ilang araw din kaming tumulong ni Japoy sa pagaasikaso ng lamay ni Maya. Isang
Linggo kasi ang lamay at ngayon, halos apat na araw na kami wala masyadong tulog at
pahinga ni Japoy. Bukod kasi sa pagtulong sa lamay, pumupunta rin kami sa iba pa
niyang appointment at sumasaglit din kami sa mga taping. Buti na lang at
napakiusapan ng maayos ni Manager Rhian ang mga director at kung anu-ano pa sa mga
na-cancel na schedule ni Japoy.

Tumingin ako sa orasan. It’s past midnight. Nilingon ko si Japoy “Japoy, saan na
tayo pupunta?” tanong ko dito

“uuwi na muna tayo para makatulog saglit”

“pero hindi ka pa nakakapag dinner. Alam ko meron ditong 24 hours open na fast
food, gusto mong dumaan muna?”

Tinignan niya ako “di ba nakakain ka na kanina? Gusto mo pa ba ulit?”


“no not me. I mean ikaw. Hindi ka pa kumakain”

“ok lang ako”

“hindi! Kailangan mo kumain! Mamaya ikaw pa magkasakit eh” pagpupumilit ko sa


kanya.

Sa ilang araw na pagod namin, sa pagkain na lang talaga kami kumukuha ng lakas.
Kahit papaano naman ay nakakakain ako ng tama kada may shooting si Japoy pero siya
halos hindi narin siya kumakain kaya naman nagaalala na ko sa kanya. Mamaya siya
naman ang magkasakit dahil sa ginagawa niya.

“Japoy please?”

Nginitian ako ni Japoy “Dionne... s-salamat..”


“b-bakit?”

“wala.. sige punta na tayo sa kainan..”

Dumiretso kami ni Japoy sa MCDO na may drive thru then after maka-order umuwi na
kami. Pagkadating sa unit, inintay ko lang na matapos siya sa pagkain pagkatapos
nun ay natulog narin ako.

Sumalampak ako sa kama. Ramdam na ramdam ko rin ang sakit ng katawan ko dahil sa
pagod at inaatake ako ng sakit sa ulo. God sana po wag ako magkasakit. May tatlong
araw pang natitira para kay Maya. Kailangan naming tulungan ang Lola niya.

Napapikit ako at tuluyan ng nakatulog.


“Hey! Wake up!! wake up!!!”

Nagising ako ng maramdaman kong may yumuyugyog saakin. Napadilat ako para tignan
kung sino ito.

“M-ma’am Venus?”

May ibinato siyang damit sa akin “plantsahin mo to. I need to wear this early
tomorrow”

Kinusot kusot ko yung mata ko at napatingin sa orasan. It’s 2 in the mind night.
Kinuha yung damit niya “opo ma’am. Ok lang po ba kung gumising na lang po ako ng
maaga?”

“NO! iron it now! Binabayaran ka ng tama dito kaya gawin mo ng tama ang trabaho
mo!!” lumabas na siya sa kwarto ko
Bumangon ako at kinuha ko yung damit ni Ma’am Venus. Inayos ko yung plantsa at
sinimulan ko na ang pagpaplansta.

Napahawak ako sa noo ko. Hay inaantok na talaga ako. Nakakagulat din na umuwi dito
ngayon si Ma’am Venus at sa hindi pa napakagandang pagkakataon.

Napasampal ako sa magkabilang pisngi ko. Ano ba Dionne, wag mo nga isipin yan. Amo
mo si Ma’am Venus at kailangan mong sundin ang utos niya.

Ipinagpatuloy ko ang pagpa-plantsa ng damit niya kaya lang sa sobrang antok ko ay


napapapikit pikit na talaga ako. Idagdag mo pa na sobrang sakit ng katawan ko.

“WHAT THE F--!!! HEY!!”

Bigla akong napadilat ng marinig ko ang sigaw ni Ma’am Venus at doon ko lang
napansin na nasusunog ko na ang damit niya at nagkaroon na ng isang malaking hole
dito.
“ANONG GINAWA MO?!”

“So-sorry po ma’am! Hindi ko sinasadya! Hindi ko po talaga sinasadya! Ibawas niyo


na lang po sa sweldo ko!”

“Sh1t! kahit pang isang taong sweldo mo hindi mo mababayaran to!!! Don’t you know
how much it costs?! Mahal pa to sa buhay mo!! ikaw nakakainis ka!!!” lumapit saakin
si Ma’am Venus at sinabunutan ako “hindi ko pa nasusuot ang damit na yan sinira mo
na agad?!”

“ma’am s-sorry po! Hindi ko talaga sinasadya! Tama na po nasasaktan ako!!”

“anong sorry sorry?!?!” hinila niya ang buhok ko “eh kung mukha mo kaya sirain ko
ha?!”

“Ma’am tama na! nasasaktan ako!”


“VENUS!!”

Natahimik kami pareho ng marinig namin ang sigaw ni Japoy.

“J-jake—“

“LET GO OF HER!!”

Lumapit si Japoy saamin at hinila palayo saakin si Ma’am Venus atsaka niya
hinawakan ang magkabilang braso nito ng sobrang higpit

“ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha?!?! bakit mo siya sinasaktan?!?!”


“sinira niya ang damit ko!!”

“bakit sa kanya mo pinapaplantsa ha?!?!”

“at bakit hindi?! Chimay siya dito di ba?!?! Trabaho niya ang pagsilbihan tayo!!”

“Listen Venus” tinignan ng masa ni Japoy si Venus that even me, sobrang natakot
doon sa tingin niya “Dionne is my maid. Ako lang ang may karapatan na magpahirap at
mang api diyan. Don’t lay even a single finger on her or else ako ang makakaharap
mo” kinaladkad ni Japoy si Ma’am Venus papunta sa may pintuan ng unit niya

“teka Jake anong pinaplano mo ha?!”

“obvious ba?! Pinapalayas na kita sa unit ko!”


“b-but--!!!”

Tinulak ni Japoy si Venus ng malakas palabas ng unit niya at bago pa makapag react
to, sinaraduhan niya na ito ng pinto.

Tinignan ako ni Japoy at lumapit siya saakin

“Are you alright?”

I slightly nod pero bigla na lang akong nahilo at nagdilim ang paningin ko.

“Dionne?! Dionne!!”

Ang huling narinig ko ay ang boses ni Japoy


At tuluyan na akong nawalan ng malay.

***

A/N salamat po ng madami sa pag aantay ng update! Anyways I dunno if I was able to
ive justice to this chapter especially doon sa first part pero sana in some ways ay
natouch kayo. Believe me, this is the very first chapter na talagang umiiyak ako
habang nag ta-type. As in ang saya-saya ko pero habang tinatype ko yung part nung
kay Maya, iyak ako ng iyak na parang ewan. Pag author ka talagang magiging bipolar
ka T____T

Anyways thank you very much to those who patiently wait. And for those people who
said rude things to me just because they cannot wait for the update... Godbless you
na lang po.

=================

Chapter 20 *let go*

Chapter 20

*let go*
[Jake’s POV]

“Tito!!! Tito si Dionne!!” sigaw ko sa labas ng bahay nila Tito Jin habang buhat
buhat ko si Dionne sa braso ko.

Nung himatayin siya kanina, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya naman ang
unang pumasok sa isip ko ay dalhin siya dito kay Tito Jin. Ramdam na ramdam ko ang
pagkabog ng dibdib ko habang nakatingin ako sa namumutlang mukha ni Dionne.

“Tito Jin! Open this fckin’ door!”

Tsk ano ba yan! Bat ba ang tagal tagal niya buksan yung pintuan?! Halos ma-rape ko
na tong door bell nila hindi parin niya binubuksan!! Dapat pala dineretso ko na si
Dionne sa ospital!

Patalikod na sana ko ng marinig kong may nagbukas ng pintuan nila at nakita ko si


Tita Chyna.
“Oh Jake what happened? Ano ang nangyari kay Dionne?!”

“Tita, I don’t know! She just lose consciousness!”

“Naku sige ipasok mo siya sa loob”

Ipinasok ko si Dionne sa loob ng bahay nila habang tinatawag naman ni Tita Chyna si
Tito Jin. Maya-maya lang din ay lumabas ito ng kwarto nila.

“Bring her inside the room!” sigaw ni Tito saakin kaya dali-dali kong ipinasok si
Dionne sa room nila.

Nakita kong agad inilabas ni Tito Jin ang stethoscope niya then itinapat niya ito
sa dibdib ni Dionne. After that naglabas siya ng thermometer.
“Tito anong nangyari sa kanya ha? bat ganyan siya? bat hinimatay siya? ano sakit ni
Dionne? Bat ayaw niya pa gumising? Uy tito! Ano ba nangyari diyan ha? sabihin mo
saakin ano ang nangyari kay Dionne?!”

Tumingin si Tito Jin saakin then huminga siya ng malalim “Jake... I’m really sorry
but I think kailangan mo ng mag hanap ng bagong PA” sabi niya ng seryosong
seryoso..

“huh?! Bakit! Ano nangyari kay Dionne! For pete’s sake tell me what’s fckin’
happening to her!!” nanggagalaiti kong tanong sa kanya.

Palitan si Dionne? Bakit? Ano ba talaga ang meron? Sa expression pa lang ni Tito eh
kinakabahan na ako.

“Jake wag kang mabibigla” sabi ni Tito then ipinatong niya ang kamay niya sa braso
ko “may malalang sakit si Dionne...”

“No” napaupo ako sa sofa sa room nila “no.. you’re lying...” halos pabulong kong
sabi
Una si Maya, and now it’s Dionne?! Bakit ba niya pinapahirapan ang mabubuting tao?!
Bakit hindi na lang ako na barumbado?! Dionne taught a lot of things to me! Sa
lahat ng PA ko siya lang ang nagtyaga at nag alaga saakin ng ganito. I know she’s
annoying, crazy, nosy and weird! But she’s my angel in disguise! Hindi ko kayang
makitang nahihirapan siya!

“No.. hindi pwedeng mangyari yun! ayoko! Ayokong palitan si Dionne! It’s not the
same without her! ayoko!!”

“Jake..” tawag saakin ni Tito Jin

Tinignan ko siya at nakita kung paano ang malungkot na expression niya....


..ay napalitan ng mapangasar na ngiti!

“Joke lang! hahaha to naman di ka mabiro oh! May lagnat lang si Dionne. Siguro over
fatigue narin! Pero aminin nag alala ka no? hahahahahaha” sabi ni Tito Jin saakin
habang tawa ng tawa na parang nakakaloko “ang sarap tignan yung mukha mo kanina eh!
parang iiyak ka na! hahahahahaha!”

“ikaw talaga hunny ang hilig mong pinagaalala tong si Japoy” sabi naman ni Tita
Chyna na natatawa tawa rin.

“hahaha eh hunny tignan mo naman kasi tong si Japoy eh kung makapag alala kay
Dionne wagas. Kala mo asawa niya ang may sakit eh”

Tinignan ko yung dalawa na nasa harap ko. So pinag ttripan lang nila ko?
Badtrip!!! =___=

“h-heh! T-tumigil nga kayo! Ayoko lang magkasakit yan dahil ang h-hirap h-humanap
ng PA!” >__<

“whooo may pa it’s not the same it’s not the same without her ka pang nalalaman
diyan eh!” pangaasar saakin ni Tito!

“Heh! Tigilan mo ko!! patulog na nga lang sa kabilang kwarto! Kailangan ko bumawi
ng tulog!!” sabi ko sabay layas doon sa kwarto nila.

Badtrip! Pinagtripan pa ko ng mga yun!! nakakabadtrip talaga!!

Napahawak ako sa dibdib ko at napabuntong hininga.


But in some ways, I felt relief.

***

[Maisie’s POV]

“Eat this ng gumaling ka na! make sure na uubusin mo tong lugaw na to or else hindi
kita suswelduhan!” pagbabanta ni Kuya Jake kay Dionne.

Nandito ako ngayon sa bahay nila Tito Jin para dalawin si Dionne. Nabalitaan ko
kasi kay Tita Chyna na sinugod daw dito ni Kuya si Dionne pati narin ang pantitrip
na ginawa nila dito.

Pagkarating na pagkarating ko sa bahay nila Tito Jin, eto ang nadatnan ko. Si kuya
pinapakain si Dionne ng lugaw at grabe ng dami ang pagbabanta niya dito ubusin lang
ang lugaw niya.
I smile. Mukhang nakakahalata na ako sa kuya ko ah.

“oo naman Japoy uubusin ko to! Gawa mo to eh!” sagot ni Dionne sa kanya

“heh tumigil ka! P-pinabili k-ko ang lugaw na y-yan no!”

Pumasok na ako sa room then lumapit ako sa bed kung saan nakahiga si Dionne “Kuya
bat ang daming maduduming kasangkapan doon sa kusina? Parang may nagluto ng lugaw”
panlalaglag ko sa kapatid ko

Kuya Jake gave me a “shut-your-mouth” look kaya naman halos matawa ako sa
expression niya.

“ang sweet mo naman saakin Japoy! Talagang pinagluto mo pa ko!” Dionne said
innocently. Hay naku sana naman ay makaramdam na si Dionne sa tinotoktokitoktok ni
Kuya. At sana naman itong si kuya ay tama na ang pag de-deny.
“a-anong sweet?! Manahimik ka! G-gusto lang kitang gumaling k-kasi hindi ako
makakapasok ng walang chimay!!” >__<

Tignan niyo? Yan ang in denial! XD

“sige na nga! Kakainin ko na yan Japoy”

“oh ito isubo mo!” sabi naman ni Kuya then hinipan niya yung lugaw at sinubuan si
Dionne.

Hay nakakainggit naman tong dalawang to. Sa totoo lang ang sweet nilang tignan. Ang
swerte naman ni Dionne. Kelan kaya ako makakakilala ng lalaking magaalaga saakin
pag may sakit ako? Yung pag wala ako sa paningin niya, ma-mi-miss niya ako. Yung
tipo ng lalaking, masaya na, mapasaya lang ako.

I sighed.
Naalala ko bigla si Rui at yung issue namin na hanggang ngayon ay hindi parin
mamatay matay. Dahil doon sa issue na yun, hanggang ngayon ay hindi parin kami
nagpapansinan at lagi lang nagiiwasan, or should I say na ako ang umiiwas. Hindi
naman sa galit ako sa kanya or what dahil alam kong hindi naman niya kasalanan yun.
It’s just that... naiisip ko na sana “oo” ang sagot namin sa mga reporters. Oo kami
ni Rui, oo may relasyon kami, oo nagmamahalan kami.

Kaso kabaligtaran lahat. Misunderstanding lang ang lahat ng nangyari. Walang


namamagitan saamin, best friend lang talaga ang tingin niya saakin.

At hanggang ngayon, sobrang sakit isipin nun.

“Dionne-chan!!”

I was back to my senses ng marinig ko ang pamilyar na boses na yun. Pare-pareho


kaming napatingin sa may pintuan at nakita namin si Rui na nakatayo at bakas na
bakas sa mukha niya ang pagaalala.
Dali-dali siyang lumapit sa kama ni Dionne at dinaanan niya lang ako na parang
hindi niya ako nakita.

At mukha ngang hindi niya talaga ako nakita.

“Dionne-chan, I heared from Manager Rhian na may sakit ka daw! Are you alright?”
hinawakan niya ang noo ni Dionne “hay hindi ka na ganoong mainit but still ang
putla mo!” tinignan niya si kuya “Jake-nii chan ano ba kasi ginagawa mo kay Dionne?
Bat siya napapagod?!” >__<

“huh?! Teka are you blaming me?!” sabi ni kuya Jake

“ah R-rui naku walang kasalanan ni Japoy... sadyang mahina lang talaga resistensya
ko”

“oh.. pero dapat magpagaling ka na Dionne-chan!” kinuha ni Rui kay kuya yung lugaw
“ako na bahala magpakain sa kanya! Promise aalagaan ko siya para gumaling siya
kaagad!”
Kuya shrugged then lumabas na siya sa room.

“Dionne-chan kain na” sabi naman ni Rui habang sinusubuan niya ng lugaw si Dionne
“may gusto ka pa bang kainin? Gusto mo ba ng fruits?”

She smiled at him “ok lang ako Rui, salamat sa pag-aalala mo”

“syempre naman mag-aalala ako sayo! You’re a very important person to me!”

Boom.

Very important person?


Bakit pakiramdam ko may deeper meaning pa yun?

Napatingin ako kay Rui at nakita kong napatingin din siya saakin.

“M-maisie..” bulong niya at parang ngayon niya lang na-realize na nandito ako sa
room.

Tumalikod na ako at pumasok sa isang guest room nila Tito Jin kung saan ako madalas
matulog pag nandito ako.

Bakit ba ang sakit?

Hindi ko alam kung bakit ganito. Noon pa lang, sobrang lapit ko na kay Rui pero
bakit hindi niya nakuhang magkaroon ng nararamdaman para saakin? Pero si Dionne?
Ngayon niya lang nakilala pero bakit napamahal agad siya dito?

Oo alam ko na mabait si Dionne at hindi siya mahirap mahalin.


But still...

But still ang sakit tanggapin.

Huminga ako ng malalim habang nararamdaman ko ang luha na bumabagsak sa mga mata
ko.

Siguro nga ganun talaga. Kahit ano pang gawin ko, hindi niya ako magugustuhan.
Hindi naman kasi nadidiktahan ang puso eh. Sadyang hindi na lang talaga lalagpas
ang tingin niya saakin kundi bilang isang kaibigan lang.

Ayoko na masaktan. Gusto ko na lang ulit maging kaibigan si Rui. Gusto ko na lang
mag stay sa tabi niya.
Gusto kong makuntento ulit bilang isang kaibigan niya.

Alam kong napakahirap gawin ng bagay na ito... but I want to let him go.

Kinuha ko yung cellphone ko then tinawagan ko yung manager ni Rui.

“ma’am, please call a press conference. I’m willing to speak up the truth about sa
issue namin ni Rui...”

***
A/N

Hello dears! So yeah i have a lot of things to say.

First is about my twitter account. I changed my username to @iamAlyloony.

I just want to clear things out, I am not forcing anyone to follow me on twitter so
I hope kayo din, wag niyo po akong i-force na i-follow ko kayo. Sabi ko po na I
only followed back those people I knew personally at hindi ako nag ffollow ng kahit
na sino kasi ayoko matabunan yung tweets ng mga taong kakilala ko talaga. Yep, i do
follow 'some' internet friends though yun po talagang napalapit lang saakin. I
really hope you guys understand. Anyways, kung sumama po ang loob niyo dahil hindi
ko kayo na-follow then you may unfollow me. No hard feelings :) .. I kinda
understand naman kung tingin niyo na madamot po ako. Though ayoko lang ng
sinasabihan akong FAMEWHORE because I know i not. Kasi i'm not a whore, at lalong
hindi ako famous.. bwahaha ok ang korny ko.

Ganito na lang.. kung famewhore ako edi sana pinilit ko kayong i-trend ang mga
stories ko at todo dedma ako sa mga tweets niyo? I usually answer tweets.. minsang
i even RT it.

Another thing is I'm going to be inactive starting next week. Na-hire na po kasi
ako and mag wwork na ako. Medyo demanding ang work ko kasi I need to work 10 hours
a day... at waley pang holiday ito. Kaya po sa ngayon pa lang ay humihingi na ako
ng tawad kung magiging mabagal ang paguupdate ko. Sana po ay maintindihan niyo.

Sa mga nagtatanong po kung ano ang work ko, I'm a barista in Starbucks :)

Mahal kayo ni Majinbu :3


=================

Chapter 21 *Best friend*

Chapter 21

*Best friend*

[Dionne’s POV]

“ate Dionne, saan na po pupunta si Maya?”

“pupunta na siya sa heaven tapos magiging angel siya at babantayan niya tayo”

It’s Maya’s burial. Kasama ko ngayon yung mga batang nakasama ni Maya para makipag
libing sa kanya.

“ate Dionne” nilapitan ako ng isang batang babae na ang pangalan ay Chloe. Napansin
kong umiiyak siya “a-ate.. m-makikita k-ko p-pa po b-ba si Maya? *sniff* m-
makakapag laro p-parin po ba k-kaming dalawa?”
Umupo ako para maging ka-level ko si Chloe then I hugged her “oo naman makikita
parin natin siya balang araw. Pag dumating ang day na kailangan narin nating maging
angel, makakasama na natin si Maya. Syempre matagal na matagal pang mangyayari yun
pero dapat lagi nating iisipin hindi niya tayo iniwan. Lagi siyang nandito” tinuro
ko ang dibdib niya “sa heart natin”

“t-talaga po?”

“oo naman!”

Biglang humagulgol ng iyak si Chloe kaya naman binuhat ko siya at hinayaan kong
umiyak siya sa braso ko.

Sa lahat kasi ng mga batang nakasama ni Maya, si Chloe ang pinaka naging malapit sa
kanya. Best friends silang dalawa kaya naman alam kong masyado ring nalulungkot ang
bata sa pagkawala ni Maya.
“Dionne” nilapitan ako ni Jake “tara umupo na tayo”

“sige” ibinaba ko si Chloe then pinunasan ko yung eyes niya “Chloe tabi ka na sa
mommy mo ah? mag ppray tayo para kay Maya” she nod then tumakbo narin siya papunta
sa mommy niya.

Isang maikling mass lang din naman yun na offer para kay Maya. After nun, dinala na
namin si Maya doon sa mismong lugar kung saan siya ililibing.

Habang naglalakad kami, hindi ako halos makalingon kay Japoy dahil ramdam na ramdam
ko ang lungkot niya. Alam kong grabe siyang nasaktan sa pagkawala ni Maya. In a
very short period of time, na-attached siya ng husto doon sa bata. In some ways I
feel glad dahil nakita ko ang kabilang side ni Japoy. Alam ko naman na mabuti
siyang tao eh. But he always hide his kindness behind his cold personality. Pero
ngayon, inilabas niya yun. He even cried for Maya.

Yun lang, sana in some ways, makatulong ako na ma-ease ang pain na nararamdaman
niya ngayon.

“Dionne”
Napalingon ako kay Japoy ng bigla niyang tawagin ang pangalan ko

“b-bakit?”

But instead na sumagot siya, nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

“J-japoy—“

“please let me hold your hand for a while” sabi niya saakin na halos pabulong na.

Hindi na ako umangal at hinayaan ko na lang na hawakan ni Japoy ang kamay ko. Hindi
ko alam kung bakit niya ginawa yun but I felt na dapat munang hayaan ko siya. Baka
sa paraan na ito, kahit papaano matulungan ko siya.

And weird, in some ways, parang na-comfort din ako.


Bago ilibing si Maya, hinayaan muna nila kaming tignan siya sa huling pagkakataon.
Hindi ko maialis ang tingin ko doon sa mukha ng bata. Napaka peaceful nito. Para
bang sinasabi niya na kahit na maikli lang ang naging buhay niya dito sa mundo,
naging napakasaya niya.

Naramdaman kong napahigpit ang hawak ni Japoy sa kamay ko then I looked at him,
nakatingin din siya sa mukha ni Maya.

“she’s safe now” bulong ko kay Japoy “she’s now in the place where pain cannot
reach her”

Japoy nodded “I know. S-sana masaya din siya”

“of course she is! Alam ko masaya si Maya”

Isa isa naming binasbasan ng Holy Water ang coffin ni Maya then nag umpisa na
silang ibaba ito sa hinukay nilang libingan. Habang ginagawa nila yun, nakita kong
humahagulgol na ng iyak yung lola ni Maya habang yakap yakap naman siya ng iba pa
niyang mga kamag anak. Nakita ko rin sa mga mukha nung mga batang nakasama ni Maya
ang labis na pagkalungkot nila.

Kahit na grabe din akong nalulungkot sa nangyari, I manage to smile

“Maya, you are still blessed. Maikli man ang naging buhay mo dito, napapaligiran ka
naman ng taong nagmamahal sayo” bulong ko sa sarili ko

Naalala ko yung libing ni mommy at daddy. Puro mga ka officemates lang nila at
malalapit na kamaganak ang nakipag libing saamin nun. Same goes with my kuya. Puro
mga classmates at malalapit na kaibigan lang din ni kuya ang pumunta sa lamay
habang sa mismong libing naman, li-lima lang kami. Ako, si ninong Jin, si tita
Chyna at dalawang best friend ni kuya. Malayo kami nun sa kamag anak namin kaya
naman walang nag punta. Isa pa nung mga panahon nay un, puro pagtatrabaho ang
inaatupag ni Kuya kaya naman wala din siya masyadong kaibigan.

Nakakalungkot ang mga pangyayaring yun. Sana, pag ako naman ang nawala, gusto ko
mapapaligiran parin ako ng mga taong naging malapit saakin. Gusto ko madami ang
magpapaalam saakin.

Nung matapos ng mailibing si Maya, nilapitan naming ni Japoy yung lola niya.
“Dionne, Jake, salamat ng madami sa mga nagawa niyo para sa apo ko ha? Kahit sa
huling sandali, nakita ko kung gaano siya naging masaya”

Hinawakan ko yung kamay ni lola “wala po yun. Kulang pa nga po ang nagawa namin
para kay Maya eh”

Matapos ng ilang paalaman, umalis narin kami ni Japoy.

“Japoy wala ka pa naman schedule for today. Pwede ka pang makapag rest. Gusto mo
bang umuwi na tayo? Ipagluluto kita ng lunch!” sabi ko sa kanya habang nag da-drive
siya

“heh! Manahimik ka! Stay away from my kitchen! Mamaya kung ano ang gawain mo dun!”
=__=

“ang sama mo! hindi ko naman siya pasasabugin eh!”


“hindi nga pero papatayin mo naman ako sa lasa ng luto mo!!”

I pout. Lagi na lang nag rereklamo si Japoy sa luto ko. Alam ko namang di masarap
pero dapat magpasalamat parin siya dahil may nagluluto para sa kanya!

“k-kain na lang t-tayo doon s-sa ihawan n-na pinagdalhan m-mo sakin dati”

“yung kila aling Aring?”

Japoy nodded.

Napangiti naman ako. Asus! Kaya naman pala ayaw na ipagluto ko siya kasi ang gusto
niya doon kila Aling Aring! Nung una aayaw ayaw pa siya pero tignan mo,
magugustuhan din naman pala niya mga pagkain doon!

“b-bat nangingiti ngiti ka diyan!” sigaw niya saakin


I faced him while smiling from ear to ear then umiling ako.

“ewan ko sayo!!” sigaw niya ulit at pinaharurot na niya ng takbo yung kotse.

[Maisie’s POV]

“Maisie! Why did you do that?! Bakit ka nagpatawag ng press con?!”

Nandito ako sa dressing room ngayon, preparing for my press con. Plano ko na sanang
wag ipaalam kay Rui ito dahil alam kong pipigilan niya ako pero hindi ko alam kung
sino ang nag inform sa kanya.

Dahil sa alam narin naman niya, hindi ko na lang siya pinansin and act like he’s
not here.
“Maisie-chan!!” sigaw niya pero patuloy parin ako sa pagaayos ng damit sa dressing
room.

Nagulat naman ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko at hinatak niya ako paharap
sa kanya

“Maisie!! Please naman wag mo kong pagmukaing tanga!”

Gulat na gulat ako ng makita ko ang expression ni Rui. Halatang galit na galit siya
and ewan ko kung bakit, pero bigla akong kinabahan.

Kahit nung highschool pa lang kami, minsan ko lang makita na magalit si Rui.
Masasabi kong he’s a very patient guy at hindi madaling magalit, pero once na
magalit siya, it means that someone done something so upsetting to him.

Napalunok ako then inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko “we need to clear
things up para matapos na tong issue na to”

“But Maisie pwede naman na manahimik na lang tayo eh! Mawawala rin naman ang issue
na to! Makakalimutan din naman to ng mga tao! Please Maisie! We still have time.
Cancel the press conference please?”
Umiling ako “you don’t understand Rui. Ayoko ng pagusapan ako! Kaliwa’t kanan, puro
yang issue na lang na yan ang naririnig ko eh. Hindi ko na kaya! Gusto ko ng mawala
ito! Alam ko na hindi to matatapos kung hindi ko ito lilinawin!”

“Anong lilinawin mo?! Itatanggi mo yung issue?! Sasabihin mo na mag bestfriend lang
tayo ha?! Paano mo ipapaliwanag yung mga nasa pictures?! Maisie naman!”

Huminga ako ng malalim “p-pero t-totoo naman di ba? y-yun lang naman ang meron tayo
di ba?”

“M-maisie—“

“Rui, tell me, ano ba talaga ako sayo?”

Iniwas niya ang tingin niya saakin “I’m sorry..”

“please answer me”


Lumapit saakin si Rui at hinawakan niya ang kamay ko “alam mo naman kung gaano ka
kaimportante saakin di ba? Alam mo naman kung gaano kahalaga saakin ang friendship
natin. P-pero sorry Maisie kung hanggang doon na lang ang pagmamahal na kaya kong
ibigay sayo. I don’t want to hurt you anymore that’s why mas pinili kong manahimik
na lang sa issue na to. You’re my bestfriend”

Napahinga ulit ako ng malalim. Oo aware naman ako sa status ko sa kanya eh. Matagal
ko ng alam na hanggang ganun lang ang pagmamahal na kaya niyang ibigay. Pero bakit
kada sasabihin niya yun sobrang sakit parin? Bakit kahit matagal ko ng alam ang
bagay nay un, parang ang hirap hirap parin nitong tanggapin?

“s-sorry Maisie”

Umiling ako “no, you don’t need to say sorry. Alam ko naman yun eh matagal na.
Aaminin ko masakit, pero Rui, ayoko na rin masaktan” tinitigan ko siya sa mata “can
we start all over again?”

“w-what do you mean?”


“Gusto kong magsimula ulit, yung tulad ng dati, yung mga panahong mag best friend
tayo. But before natin ayusin ang relationship natin, we need to settle this first.
Rui, nag mo-move on na ako. At alam ko ang dapat kong simulan. Yun ay aminin sa
sarili kong hanggang dito na lang talaga. Kaya naman naisip ko narin na i-clear na
ang issue na to Rui. And I need your help.”

Nakita kong ngumiti si Rui “yes! I’ll help you of course!” nagulat ako ng bigla
niya akong hilahin papalapit sa kanya at niyakap niya ako ng mahigpit “alam mo bang
miss na miss na miss kita?”

Napapikit na lang din ako at niyakap ko siya ng mahigpit. I felt very comfortable
around his arms. Kung pwede lang pahintuin ang oras ginawa ko na para habang buhay
na lang akong nakayakap kay Rui eh.

Pero alam ko, sa panahong ito, dapat ko ng bitiwan ang nararamdaman ko sa kanya.
Gusto ko na talagang magsimula.

Mananatili ako sa tabi ni Rui. . . . .pero bilang isang matalik na kaibigan na


lang.

“miss na miss din kita” bulong ko sa kanya.


“okaeri, best friend...”

***

Mensahe ni Majinbu:

Ipagpaumanhin niyo po kung natagalan ang update. Nagtatrabaho na po kasi ako and
ayun oonting oras na lang talaga ang kaya kong ilaan sa pag ttype ng update.
Pasensya na po talaga kayo kung medyo matatagalan na mga updates ngayon.

Anyways, para po doon sa mga nakakaalam ng "working place" ko, uwaaaaaaa sana po
wag kayong susugod doon without informing me. Wala kasi kaming fix schedule and
baka mamaya pag punta niyo doon ay off ko di ba? And oo nga po pala, once na naka
duty ako, I cannot entertain you.

Ayun salamat po ng madami sa pagbabasa ng aking author's note as well as sa


pagaantay ng updates! :)

=================

Chapter 22 *Subic*

Chapter 22
*Subic*

[Dionne’s POV]

“Japoy malapit na ba tayo? Onti na lang ba makakarating na tayo” tanong ko kay


Japoy habang tinutusok tusok ko ang pisngi “uy Japoy gumising ka na! baka padating
na tayo!”

“Anak ng--!!!” tumalikod saakin si Japoy at ng kabit ng headset.

Hala napikon na ata kakakulit ko.

Papunta kasi kami ngayon sa Subic para mag shoot nung movie nila Japoy. One week
kaming mag i-stay doon at nung malaman ko yun, sobrang excited ako. It’s been a
long time eversince makapunta ko sa beach! Mahal na mahal ko talaga ang mga beaches
kaya naman excited na excited na ko. Sana makarating na kami agad! ^__^

“manong malapit na po ba tayo?” this time yung driver naman ni Japoy ang tinanong
ko

“naku malayo pa tayo, ay mag papa gas muna ako ah”

“ay sige po”

Dumaan kami sa isang gas station then nagpa gas si manong driver. Nag paalam din
siya na mag c-cr daw muna siya kaya naman naiwan kaming dalawa ni Japoy sa kotse.

“Japoy?” tawag ko dito sabay kalabit sa braso niya kaya lang di niya ako nilingon.
Mukhang nakatulog ata ang isang to.

“Japoy penge ako nung chichirya mo ah? nagutom ako eh!” ^__^

Hindi parin kumibo si Japoy kaya naman nagbukas na lang ako ng chichirya niya doon
at nagsimula itong kainin. Tinignan ko ang natutulog na likod ni Japoy.
Hay siguro nga pagod na pagod siya lately dahil sa pagaasikaso kay Maya tapos
sabayan pa na ang dami-dami niyang shootings at mga kung anu-anong interview.
Dumagdag pa nga ata sa pagod niya nung nagkasakit ako. Imbis na ako ang mag-alaga
sa kanya, siya pa tong nag alaga saakin.

“sorry Japoy” bulong ko sa kanya “promise ko, mas aalagaan na kita ngayon. Promise
ko talaga yan”

Nagulat ako ng biglang tumagilid si Japoy saakin pero nakapikit parin siya. I waved
my hand near his face para i-check kung gising ba siya pero hindi, ang lalim ng
tulog niya.

Maya-maya na lang, nagulat ako ng bumagsak yung ulo niya sa balikat ko.

“o-oy Japoy—“ napatingin ako sa mukha niya. Ang amo amo nito habang natutulog.
Akala mo hindi siya yung Japoy na napaka sungit at lagi akong sinisigawan..
I smile then hinaplos ko yung pisngi niya.

Ay pagong!

Agad agad kong inalis yung kamay ko sa mukha niya.

Bat ko ba hinahaplos ang mukha niya?! Ano ba tong pumapasok sa isipan ko?! at isa
pa bat ba ang bilis bilis ng tibok ng puso ko?!

Seriously, ano ba tong nararamdaman ko? Bakit ba ako nagkakaganito?

Dahil sa awkwardness na naramdaman ko, kumuha na lang ako ng chichirya at agad agad
kong isinubo to kaya lang pagsubo ko, nakagat ko naman bigla yung dila ko.

“Araykupo!” T__T
Gulat na gulat na napabangon si Japoy at napatingin saakin “huh?! Ano nangyari?!”

“Japoy nakagat ko labi ko! huhuhuhuhu” T___T

“ano ba naman kasi pinag gagagawa mo?! tsk!” tinabing niya yung kamay ko na
nakakapit sa labi ko “patingin nga!”

“mahapdi” T___T

“hindi naman masyadong nagdudugo eh” sabi niya then pinahiran niya yung onting dugo
sa labi ko gamit yung mga daliri niya kaya lang nagulat ako ng bila na lang huminto
si Japoy habang nakahawak parin siya sa labi ko at nakatitig dito.

“J-japoy.. uhmm..”
“wag ka magsalita” sabi niya saakin na halos pabulong at titig na titig siya sa mga
labi ko.

And again, bumilis na naman ang tibok ng puso ko na parang any minute aatakihin ako
dito. Gusto ko tabingin ang kamay niya pero sa hindi ko malamang kadahilanan, ayaw
kumilos ng buong katawan ko na parang na-istroke na ko doon.

“Dionne, tell me.. may nakahalik na ba sayo?”

“uy Japoy a-anong sinasabi mo diyan.. w-wala ano ka ba..”

“paano kung sabihin kong meron nang nakahalik sayo? Ano gagawin mo?”

“h-ha?” bigla akong naguluhan sa sinabi ni Japoy. Teka ano bang nangyayari sa isang
to? Ganito ba talaga siya pag bagong gising? >__<
“gusto mo take two?”

“J-japoy—“

Before pa ako makapag react nakita ko na lang na papalapit na ng papalapit ang


mukha ni Japoy saakin habang pabilis naman ng pabilis ang tibok ng puso ko.
Sinasabi ng isip ko na itulak ko siya papalayo pero hindi ako makakilos.

Napapapikit na lang din ako bigla habang inaantay ang malambot na labi ni Japoy
saakin kaya lang nagulat ako ng bigla-bigla lang siyang lumayo saakin.

“b-bibili lang ako ng... uhmm... a-alcohol” sabi niya sabay labas ng van at takbo
papunta doon sa 7-eleven.

O-kay? Ano yun?


[Jake’s POV]

Pakshet! Pakshet talaga!! >__<

Sinipa ko yung haharang harang na bote ng softdrinks sa harap ko dahil sa sobrang


yamot ko sa sarili ko.

Seriously ano bang masamang espirito ang sumanib na naman saakin at bakit muntikan
ko na naman mahalikan ang babaeng yun?!

Nung nahawakan ko kanina yung lips niya, naalala ko nung hinalikan ko siya dati
habang natutulog siya. At hindi ko alam kung ano ang hinayupak na tumama saakin,
parang gusto ko ulit ulitin yun. Gusto ko ulit maramdaman ang labi niya saakin.
At pakshet talaga, bakit ko naisip yung mga bagay na yun?! And worst bakit ko
nagawa ang mga bagay na yun?!

In love na kaya ako sa chimay ko?

No! that’s impossible!!

Ako? Si Jake Marquez? Gwapo, mayaman, sikat, malinis at mabango ay maiinlove lang
doon sa chimay na yun?! no way!! Ang type ko ay yung matangkad, sexy at maganda!
Gusto ko yung artistahin talaga at tipong pag pinag tabi kaming dalawa ay aakalain
nilang isa kami sa mga Gods and Goddesses na kabababa palang sa Mt. Olympus!

There’s no way na magkagusto ako doon sa chimay na yun! =___=


Dumiretso na ako sa 7-eleven tapso kumuha ako ng tatlong bote ng alcohol atsaka
binayaran ko ito. After nun, bumalik narin ako sa kotse at sakto, nakita ko yung
driver na nadun na. Instead na tumabi ako kay Dionne, sa unahan na ako naupo nun at
baka mamaya kung ano na naman ang sumanib saakin pag natabi ako sa babaeng yan.
Feeling ko may lahing mangkukulam ang isang to eh. =__=

Maya-maya lang din, nakarating na kami sa isang resort sa Subic kung saan kami mag
sho-shooting.

“Woooooowwww! Ang ganda ganda dito!” sabi ni Dionne pagkababang pagkababa niya sa
van. Mukha atang nakalimutan na niya yung nangyari kanina. Buti naman =__=

“Japoy! japoy tara mag swimming tayo!”

“manahimik ka! Kailangan ko magpahinga!” =___=

“eeh Japoy! gusto ko mag swimming!” T___T


“edi mag swimming ka?! Pinipigilan ba kita! Basta ako matutulog inaantok ako! Wag
na wag mo kong iistorbohin kundi patay ka talaga saakin!” pag babanta ko sa kanya.

Ang kulit kulit kasi nakakaasar! Parang di chimay ang kasama ko eh! feeling ko may
kasama akong seven years old dito na dapat kong i-baby sit! >__<

“oh I see” bulong ni Dionne kaya naman napalingon ako

“ang ano?”

“uhmm siguro kaya ganun yung inasta mo kanina kasi inaantok ka! Siguro nag
sleeptalk ka kanina no! ikaw ha ano ang pinapaniginipan mo bat ganun ang ginawa
mo?” tanong niya saakin habang ngiting ngiti

Parang bigla naman umakyat ang dugo ko sa mukha ko. Anak ng pagong naman! Kailangan
pa ba niya i-bring up ang bagay na yun?! Nakakaasar lang! bwisit! Inaalis ko nga sa
isip ko eh tapos ipapaalala naman niya?! Nakakabadtrip talaga!! >__<
“e-ewan ko sayo!!” sagot ko sa kanya sabay talikod.

Nakaka badtrip na babae.

“Dionne-chan! Jake!” napalingon ako doon sa tumawag saamin at nakita ko naman na


papalapit saamin sina Rui at Maisie.

“kuya ang tagal niyo naman dumating” sabi ni Maisie saakin

“medyo na traffic lang. Kanina pa kayo?”

“oo kuya, maaga din kasi ako umalis dahil may kailangan din ako asikasuhin!”

“Dionne-chan!” napalingon kami kay Rui na kasalukuyang papalapit kay Dionne


“hi Rui!”

“waaah Dionne-chan nakakain ka ba ng asukal?”

“huh?” takang takang tanong ni Dionne sa kanya

“ang tamis kasi ng ngiti mo” ^__^

“a-ano ba Rui! Ikaw talaga masyado kang maloko!” sabi naman ni Dionne na ngiting
ngiti

“sino nagsabi na nagbibiro ako? Totoo kaya yung sinabi ko!” kinuha ni Rui yung bag
na dala-dala ni Dionne “ako na magdadala nito, ayokong napapagod ka eh”
“salamat!”

Tss, ang landi landi nung dalawa! Tapos tong si Rui makabanat pa napaka korny!!
Nakakabanas!

“huy Maisie! Ok ka na ba talaga na mapunta sa chimay na yan ang Rui mo ha?!” bulong
ko kay Maisie “hindi ka ba gagawa ng paraan ha?! tignan mo oh nilalandi nung chimay
na yun si Rui!!” =__=

Nagulat ako ng biglang tumawa si Maisie

“bat ka tumatawa?” =__=

“kasi nama kuya eh halatang nag seselos ka! Saakin ok na kung sino ang gustong
mahalin ni Rui. Pero ikaw kuya, ok lang ba sayo na mapunta si Dionne kay Rui?”
“a-anong sinasabi mo diyan!”

“hay naku wag na kasi in denial! Sige ka baka mamaya maunahan ka talaga ng japayuki
na yan. Si Rui pa naman madaling mahalin” tinapik niya ako sa balikat “pero don’t
worry kuya, pag dating kay Dionne sayo parin ako boto!” she winked at me then
sinundan narin niya sina Dionne at Rui papasok doon sa resort.

Bwiset! Akala ba niya may gusto ako sa chimay na yun?!

HINDI MANGYAYARI YUN!!!!

****

Mensahe ni Majinbu.

Sorry po kung ngayon lang nakapag update. Medyo pagod po kasi palagi sa work and
halos pang gabi lagi ang schedule ko kaya lagi po akong puyat. umaga na ko
nakakauwi kaya naman the whole day tulog ako. Pasensya na po talaga kayo.
Salamat po sa lahat ng matyagang nagaantay at nakakaintindi!

Sorry din kung di na ko madalas makasagot sa mga pm niyo sa fb and dito sa twitter.
Hindi na rin po kasi ako madalas nag o-online dito. But i'm very active in twitter.
Tweet me if you like >> @iamAlyloony :)

=================

Chapter 23 *unrecognized feelings*

Chapter 23

*unrecognized feelings*

[Dionne’s POV]

“Japoy gising na, kailangan mo ng maligo at malapit narin mag breakfast kaya
bumangon ka na!”

Nagtalukbong naman ng kumot si Japoy. At hindi ako pinansin.


Hay buhay, every morning na lang ganito kaming dalawa. Mag se-set siya ng time sa
alarm clock niya, babagon siya para patayin pag nag alarm tapos balik ulit siya sa
kama at matutulog. Pag ginising ko magagalit siya, pag di ko ginising magagalit
parin siya.

At ngayon naman nandito kami sa Subic ganyan parin siya. May certain time lang yung
breakfast buffet sa baba kaya naman pag di namin naabutan yun, di na kami makakapag
breakfast dalawa! Nagugutom pa naman ako. T___T

“uy japoooooy! Bumanggon ka na! male-late ka na sa shooting mo oh. Dali na!!”

“tss wag ka magulo!!! Anak ng---kita mong natutulog yung tao oh!!” sigaw niya
saakin.

See? Galit na naman siya! Ang cute cute talaga ni Japoy, kala mo kinder! ^__^

Hay no choice ako kundi gamitin ang huling alas ko para gumising ang isang to.
Huminga ako ng malalim at itinapat ko ang mga kamay ko sa magkabilang gilid ng
bibig ko atsaka sumigaw ng pagkalakas lakas.

“Magnanakaw!!! Magnanakaw!! May nakapasok na magnanakaw!! Uwaaaaaaa ninanakaw na


ang mga alcohol ni Japoy!! Uwaaaaaaaaaaa!!”

Nakita ko namang halos napatalon sa kama si Japoy at mukhang gulat na gulat sa


pagkakasigaw ko.

“ha?! Magnanakaw?! Nasaan!! Nasaan yung magnanakaw!!” kinuha niya yung lampshade na
nakapatong sa gilid ng kama niya “nasaan?!” tanong niya saakin habang lumilingon
lingon siya at nakaamba yung lampshade na any minute eh ipangpupukpok niya sa
magnanakaw pag nag appear ito.

“joke lang! hehehe. Ligo ka na para makakain na tayo sa baba” sabi ko sa kanya
habang ngiting ngiti ako.
Nung matauhan si Japoy sa sinabi ko, ibinaba niya yung lampshade doon sa side table
at tinignan ako. Kitang kita ko ang pamumula ng mukha niya na dala ng galit na
akala mo eh isa siyang bulkan na malapit ng sumabog. But for me he look so cute! XD

“YOU--!!! YOU--!!! ARRGGGGGGGHHHHHHHHH!!! You’re making me insane!!!!!” sigaw niya


sabay pasok sa loob ng C.R at ibinalabag ang pinto nito na akala mo eh masisira
buong resort house na tinutuluyan namin.

Hala napikon ata saakin! O__O

Pero ok lang atleast naliligo na siya, makakakain na kami ng breakfast! ^__^

After maligo ni Japoy, bumaba na kami sa buffet hall para kumain ng breakfast.
Nakita naman namin doon sina Maisie at Rui na kumakain narin.

“Dionne-chan!” tawag saakin ni Rui nung mapansin niyang palapit na kami sa kanila
“here!”
Inusog niya yung isang upuan para saakin

“s-salamat Rui!” lumingon ako kay Maisie “good morning, Maisie!”

“good morning Dionne! Good morning kuya!” bati ni Maisie saamin

“Dionne-chan, ako na bahala kumuha sayo ng breakfast! Wait lang ha..”

“p-pero--!”

“hay naku Rui may paa yang chimay na yan! Kaya niya kumuha!!” yamot na sabi ni
Japoy kay Rui then lumingon siya saakin “ikaw! Kumuha ka ng pagkain ko!” sigaw
naman ni Japoy saakin “gusto ko nung bacon, at nung omelet. Tapos garlic rice.
Ikuha mo narin ako ng cream of mushroom soup pati tinapay at strawberry jam. Pati
pala kape ha!” utos niya saakin
“grabe ka naman Jake nii-chan! May paa ka! Kaya mo pumunta doon sa buffet table!”
sabi naman ni Rui kay Japoy

“eh bakit ba! Chimay ko yan eh kaya may karapatan akong utusan yan dahil ako
nagpapasweldo sa kanya!” sagot ni Japoy kay Rui

Sasabat pa sana ulit si Rui kaya lang pumagitna na ako sa kanila “okay lang Rui,
tama naman si Japoy. Pwede mo ba akong samahan sa buffet table?” yaya ko naman kay
Rui

“s-sure Dionne-chan!”

“tss” rinig kong sabi ni Japoy

Pumunta kami ni Rui sa buffet table at kumuha ng pang breakfast naming dalawa ni
Japoy.
“hay grabe naman si Jake nii-chan! Ang dami dami naman pinapakuhang pagkain! Tsaka
isa pa bat ba ang init init nung ulo nun”

“hehehe naasar ko kasi siya kanina kaya siguro bad mood” malamang yun talaga ang
dahilan. Simula kasi nung lokohin ko siya kanina, nakabusangot na ang mukha niya.

Tama nga talaga ang sabi nila, magbiro ka na sa lasing, wag lang sa bagong gising.
Wahahahaha. Pero ang cute din naman kasi ni Japoy kanina nung ginulat ko siya kaya
di rin ako nagsisisi sa nagawa kong panloloko ko sa kanya ^___^

Di bale makabawi na nga lang sa kanya para mawala na ang pagkabadtrip niya saakin.
XD

Kumain lang kami doon ng breakfast and after that, pinag pahinga lang saglit atsaka
pinatawag na agad para sa shooting nila. Tuwang tuwa naman ako dahil sa beach
kukunan yung mga eksena.

“Japoy, japoy! Gala tayo mamaya dito sa beach after ng shooting niyo ha! Please!
Ang tagal ko ng di nakakapunta dito eh! Pulot tayo ng sea shells tapos gawa tayo ng
sand castle!” yaya ko sa kanya habang nagbabasa siya ng script. Eksena pa kasi ni
Rui ang kinukuhanan pati nung ibang cast na kasama nila kaya medyo nakapahinga muna
si Japoy.
“tss para kang bata!”

“eh dali na Japoy ha? Please!”

“oh stop nagging him will you!” napalingon ako bigla doon sa nagsalita at nakita ko
si Venus na papalapit saamin “hindi mo ba naisip na after ng shooting pagod si
Jake! Tss! What a very irresponsible PA!”

She rolled her eyes at me. Napayuko na lang ako at di pinansin ang sinabi niya.
Sabi kasi ng mama ko, kung magpapaapekto ako sa masasakit na salita ng isang tao,
magiging miserable daw ako.

At isa pa, alam ko kung bakit nagkakaganyan si Venus. Dahil sa mama niya. Kung
pwede ko nga lang siya tulungan...

“anyways Jake, siguro naman aware ka sa scene natin ngayon di ba?” tanong ni Venus
kay Japoy
“yeah, yeah I know that. Don’t worry I’m still an actor and I’ll give you a very
good scene”

“Jake, Venus! Scene niyo na!” rinig kong sigaw ni direk from somewhere. Tumayo na
si Japoy at inabot saakin yung script niya.

Nakita ko naman si Venus na nagtanggal ng bathrobe na suot niya at halos mapanganga


ako ng makita kong naka two piece lang siya. Ang puti puti niya at ang kinis kinis
pa.

Bagay nga sa kanya ang name niya, Venus, goddess of beauty.

Lumapit si Venus kina Japoy at doon sa director habang yung director naman, may
ipinapaliwanag sa kanilang dalawa.

Napaisip tuloy ako bigla. Ano kaya ang tingin ni Japoy kay Venus? Alam ko na
nagkaroon ng issue na naging sila. Alam ko rin na pag papanggap lang naman yun but
still... lalaki parin si Japoy at natulog sila nun sa iisang kwarto dati. Sobrang
ganda ni Venus, sexy, maputi, makinis. Ang tipo ng babaeng alam kong type ni Japoy.
At hindi rin malabong hindi maakit si Japoy sa kagandahan ni Venus...

May nangyari na kaya sa kanila?

Bigla akong napailing dahil sa pinagiisip ko.

Ano ba Dionne, bat ba ang dumi mong magisip? Tsaka bat ba ko nabo-bother dito? Ano
ba tong nararamdaman ko? Bakit parang nai-insecure ako kay Venus na ewan?

Para madistract ang utak ko, pinanuod ko na lang yung eksena nina Japoy at Venus.
Nakaupo si Venus sa may buhangin then may lumapit na dalawang lalaki sa kanya na
parang gustong makipagkilala. Bigla-bigla naman pumasok si Japoy sa eksena at
kinaladkad si Venus palayo doon sa mga lalaki.

“What are you thinking?!?!” sigaw ni Japoy kay Venus na mukhang galit na galit
Bigla naman hinila ni Venus ang braso niya sa pagkakahawak ni Japoy “bakit ba! Ano
bang problema mo!”

“why are you wearing those kind of clothes here!!” sigaw ulit ni Japoy kay Venus

“ano ba! Beach to! Natural ganito ang suot ko!”

“hindi mo ba napansin ang tingin nung mga lalaking yun sayo ha?! Para kang isang
dessert na pag pe-pyestahan nila!”

Huminga ng malalim si Venus then iniwas niya ang tingin niya kay Japoy “a-ano b-
bang paki m-mo?”

Parang biglang natigilan si Japoy then I saw a painful expression on his face “oo
nga.. ano nga ba naman paki ko.. sino nga ba naman ako..” after that tumalikod na
si Japoy.
Grabe! Halos mapa standing ovation ako dito! Ang gagaling nila umarte to the point
na dalang dala ako sa eksena. Tumayo na ako at palapit kay Japoy para bigyan ng
towel kaya lang sinenyasan ako nung isang crew doon na di pa tapos yung eksena at
wag akong lalapit kaya naman napatigil ako.

“b-bakit...” halos pabulong na sabi ni Venus “b-bakit ka ba palaging nag aalala


saakin? Bakit mo ba ko inaalagaan? Ano ba talaga ako para sayo ha?” nakita kong may
tumulong luha sa mata ni Venus “ano ba talaga ako sa buhay mo?”

Bigla ulit lumingon si Japoy kay Venus at halos patakbo itong lumapit sa kanya at
niyakap niya si Venus.

Napahawak ako bigla sa may chest ko. Bakit ganun, bakit parang biglang may kumirot
sa puso ko?

“hindi pa ba malinaw kung ano ka para saakin?” sabi ni Japoy then hinalikan niya
ang ulo ni Venus “m-mahal kita. Mahal na mahal kita na halos mabaliw ako sa sobrang
selos kada makikita kong may iba kang kasamang lalaki..”

Pagkatapos nun ay humiwalay si Japoy sa pagkakayakap niya kay Venus habang si Venus
naman ay umiiyak pero may ngiti sa labi niya.
“alam mo bang ang tagal ko ng inintay na sabihin mo ang mga salitang yan?”

After that, unti-unting naglapit ang mga mukha nila habang unti-unti rin nag
lalapat ang mga labi nila.

It was a slow, passionate kiss na kahit ako ramdam na ramdam ko ang pagmamahalan
nilang dalawa.

Alam kong acting lang to, pero dahil sa sobrang galing nila, parang totoo na ang
eksena.

Yun nga lang bakit ganito ang nararamdaman ko?


Bakit kesa kiligin ako, nakakaramdam ako ng matinding sakit?

***

Mensahe ni Majinbu

Sorry sorry sorry po talaga sa matagal na pag uupdate. Halos pang gabi po kasi lagi
ang schedule ko sa work and pag uwi ko, umaga na, natutulog na lang ako halos mag
hapon. Kung hindi man, I'm too tired para mag type ng update kaya kesa mukhang ewan
lang ang itype ko, nagpapahinga na lang ako. Pasensya na po talaga. But promise,
I'll try my very best na mabigyan kayo ng mabilis na update at the same time, hindi
lame. Pasensya na po talaga.

Salamat ng madaming madami sa matyagang nag aantay at patuloy na nagbabasa nito.


Salamat talaga! Godspeed <3

=================

Chapter 24 *first move*

Chapter 24
*first move*

[Dionne’s POV]

“ok guys! Pack up na muna tayo. Bukas na ulit yung ibang scenes. Make sure to be
here on time tomorrow. For now you may take your time na mag gala or mag pahinga”
sabi nung director saamin matapos yung last take nina Japoy, Rui at Venus.

Nakita ko naman si Japoy na papalapit saakin

“alcohol ko nasaan?” pambungad na tanong niya saakin.

Agad agad kong kinuha ang alcohol niya at inabot ko sa kanya to “i-ito..”

Kinuha naman niya ito agad saakin at nag lagay agad siya sa kamay niya. After that
naupo siya sa upuan habang pinupunasan yung pawis niya.
Tinitigan ko lang si Japoy. Naalala ko na naman bigla yung kissing scene nila ni
Venus. Hindi ko alam kung bakit paulit ulit tong nag re-replay sa utak ko na akala
mo eh parang pirated DVD. And the weirdest thing is, naninikip na ewan ang dibdib
ko. Para bang nakakaramdam ako ng sakit at galit at the same time.

Isang pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman.

“pakikuha yung tubig ko” rinig kong utos ni Japoy. Agad agad ko naman sinunod yung
utos niya at kumuha nung tubig at inabot ko sa kanya

“e-eto” sabi ko sa kanya while avoiding his gaze

Nagulat naman ako ng biglang tumayo si Japoy at sinilip ang mukha ko.

“huy!”
“b-bakit?” sabi ko sabay tingin sa kabilang direksyon para iiwas ang mukha ko sa
mukha niya. Pero lumipat naman siya ulit sa direksyon na tinitignan ko at pilit na
sinilip ulit ang mukha ko.

“huy!” sabi niya ulit

“b-bakit nga?” sabi ko sabay iwas na naman ng tingin sa kanya.

“may sira ba ulo mo ngayon at iniiwasan mong tignan ang gwapo kong mukha?”

“w-wala ah” sabi ko sa kanya while still avoiding his gaze.

“eh bat ka ganyan? Bat ka nakasimangot? Bat di mo ko tinitignan ha? Anong problema
mo?!”
Di ako umimik. Sa totoo lang hindi ko rin naman alam ang isasagot ko sa tanong
niya. Ano nga ba problema ko at bakit parang naiinis ako kay Japoy? Parang hindi
ako to ah. Usually kahit naiinis ako nagagawa ko parin kumalma at ngitian ang taong
kinaiinisan ko. Tsaka isa pa kung maiinis man ako ay dahil sa isang mabigat na
dahilan.

Pero ngayon bakit ako nagkakaganito? Naiinis ako ng hindi ko alam ang dahilan?
Simula nung kissing scene nila ni Venus para akong nabadtrip na ewan.

Napapukpok ako sa ulo ko.

Ang salitang badtrip at pangalan na Dionne ay hindi magkatugma. Pero bat ba ko


nagkakaganito? >__<

“huy! Baliw ka na ba?!” tanong ni Japoy

Tinignan ko si Japoy “oo mukha ngang nababaliw na ko. Paki dala na nga po ako sa
mental” T___T
“ewan ko sayong chimay ka! Tumino ka nga!! Yung yosi ko nasaan?!” pagalit na sigaw
ni Japoy saakin

Agad agad kong inilabas yung isang pack ng stick-o at inabot k okay Japoy “eto
yosi!” ^___^

Nakita ko namang kumunot ang noo niya at halos magdikit ang dalawang kilay niya
“PINAGLOLOKO MO BA KO HA?!?!” sigaw niya saakin habang nanlalaki na naman ang butas
ng ilong

“hindi ah! Sabi mo yosi. Eto yosi!” ^__^

“you—you--! Arggghhhh! Nakakaasar!!!” sabi niya then umupo ulit siya habang
nakasimangot at mukhang badtrip na badtrip. Parang bigla namang nawala lahat ng bad
vibes ko ng makita ko ang itsura ni Japoy. Ang cute cute kasi talaga niya pag
naaasar. Ang sarap picture-an ng mukha tapos ipapa-print ko as poster then ididikit
ko sa bawat sulok ng kwarto ko ang mga kuha ni Japoy pag nababadtrip siya at
nanlalaki ang butas ng ilong. For sure gabi-gabi akong matutulog ng may ngiti sa
labi. Bwahahahahhahaha.
“HOY! ANONG NGININGITI-NGITI MO DIYAN HA?!” bigla naman akong natauhan sa pantasya
ko ng sumigaw na naman si Japoy.

“wala lang!” sagot ko sa kanya habang ngiting ngiti “Japoy! Tara gala tayo sa beach
mamaya! Wala ka na naman shooting for today di ba? Tsaka tanghali naman na yung
shooting niyo bukas kaya sige na gala tayo! Ha? Please gala tayo!”

“ayoko matutulog ako!!”

“eeehh please? Gala tayo!”

“ayoko nga sabi eh!”

“sige na please!!” pagpupumulit ko parin sa kanya


“ayaw nga niya eh! Sino ka ba para yayain siya ha?!” napatingin kami pareho ni
Japoy doon sa sumigaw at nakita namin si Venus na papalapit saamin.

Iniwas ko yung mga tingin ko sa kanya at nag kunyaring inaayos yung mga gamit ni
Japoy. Parang bigla na naman kasi bumalik yung nararamdaman ko kanina. Yung parang
naiinis ako na ewan.

“what do you need?” tanong ni Japoy kay Venus

“w-wala naman. G-gusto ko lang sabihin na nice job kanina” sabi ni Venus

Medyo napatingin ako sa kanila at nakita kong nakangisi si Japoy.

“I told you I’m going to give you a good scene” tumayo si Japoy then he leans
forward on Venus “masarap ba kong humalik?”
Napahigpit ako ng hawak doon sa tumbler ng tubig ni Japoy dahil feeling ko kung
hindi ko to hahawakan maigi, maibabato ko sa kanila ito. Sumagi narin sa isip ko na
pumunta sa harap nilang dalawa at itulak si Venus. O kaya hatakin palayo si Japoy
kay Venus.

Ay ASDFGHJ!! Ano ba tong pinag iisip ko?! Bat may pumapasok na masasamang bagay sa
isip ko?!

Pumikit ako then I whisper to myself ‘God sorry po sa mga iniisip ko. Hindi ko alam
bat ako nagkakaganito’

“I admit” natauhan ako bigla ng marinig kong magsalita si Venus “walang tatalo sa
halik mo but don’t deny na hindi ka rin nag enjoy sa scene na yun?”

This time tuluyan na akong lumingon kay Japoy just to see his reaction. Nakita kong
ngumiti lang siya pero hindi siya nag salita. Ngayon naman, para akong sinaksak sa
nakita ko. Bakit ganito? Bakit gusto kong marinig na sabihin ni Japoy na hindi siya
nag enjoy sa kissing scene nila? Ano na ba talaga ang tumatakbo sa isip ko at bat
ako nagkakaganito?

“Dionne-chan!” nakita kong papalapit si Rui saamin kaya naman I took this
opportunity na ibaling sa iba ang attention ko
“R-Rui!”

“wala na kaming shooting mamaya, gusto mo mag beach?” tanong ni Rui saakin

“h-ha? Ah o s-sige! Tara mag beach tayo!” sabi ko habang pilit pinapasigla yung
boses ko.

“next week mag handa ka na sa bed scene natin” rinig ko namang sabi ni Japoy kay
Venus

“tss handa ako sa mga ganyang scene” sabi naman ni Venus “sige at ako’y matutulog
pa. Bye” tumalikod na siya saamin at naglakad palayo.

Bed scene? Ayoko ng isipin kung anong mangyayari saakin pag pinanood ko yung scene
nay un.
“Dionne-chan may gagawin ka pa ba?” tanong ni Rui saakin

“ah aayusin ko na lang yung gamit ni Japoy”

“ok then I’ll help you!” tinulungan niya akong buhatin yung mga gamit ni Japoy
“Jake-nii chan hihiramin ko lang si Dionne ah?” sabi niya

Umismid lang si Japoy pero di naman niya kami pinigilan kaya naman naglakad narin
kami palayo ni Rui sa kanya. Tinulungan lang ako ni Rui na buhatin ang mga gamit ni
Japoy sa room namin then inayos lang namin saglit. After that, nagusap kami na
magkikita sa lobby at sabay pupunta sa beach.

Nagpalit ako ng damit na pwedeng ipampaligo. Simpleng board shorts lang naman at t-
shirt. Nung makapagpalit na ko ng damit, nakita kong kapapasok lang ni Japoy sa
room namin.

“Japoy, pupunta muna ako sa beach kasama si Rui ah” paalam ko dito
“edi pumunta ka” sabi niya sabay pasok sa bed room at ikinandado niya yung pinto.

Napahinga ako ng malalim. Feeling ko nadisappoint ako kasi hindi ako pinigilan ni
Japoy. At lalo na bat ba pakiramdam ko ang weird weird ko ngayong araw. Kung ano-
ano ang nararamdaman ko ngayon.

Napailing na lang ako. Hay naku! Kesa mag isip ako ng kung anu-ano, mag eenjoy na
lang muna ako sa beach kasama si Rui!

Tinignan ko yung pinto ng bedroom ni Japoy then tuluyan na kong lumabas.

[Rui’s POV]
“di ba si Rui Ashiya yun? Yung artista?”

“oo nga siya nga! Shet ang gwapo niya sa personal!”

“magpapicture kaya tayo?”

“wag nakakahiya, mukhang may inaantay siya eh. Girlfriend kaya niya?”

Napangiti ako bigla.

Nandito ako ngayon sa lobby at inaantay si Dionne-chan dahil may usapan kami na
pupunta sa beach. At last maso-solo ko na siya! Si Jake nii-chan kasi walang ibang
ginawa kundi pahirapan si Dionne.

Hay, pero nakakatuwa rin na para akong nagaantay sa girlfriend ko.


“Rui!”

Napalingon ako sa tumawag saakin at nakita ko si Dionne-chan na papalapit saakin.


Nakasuot lang siya ng shorts at t-shirt but why is it ang ganda ganda niya? Akala
mo anghel siya na bumaba sa lupa at pinaibig ang isang mortal na katulad ko.

“Dionne-chan”

“uy sorry! Napagantay ata kita!”

Nginitian ko naman siya “ok lang yun no! Kahit ilang century pa kong mag antay
dito, basta ikaw ang iniintay ko, ayos lang! Dahil alam ko namang dadating ka eh” I
told her then I winked.

Bigla naman siya tumawa “hahaha ikaw talaga Rui! Masaydo ka talaga palabiro!”
Nginitian ko lang siya habang nakatitig sa mukha niya. Hay Dionne, kelan mo kaya
mare-realize na hindi ako nagbibiro?

“tara na sa beach?” yaya ko sa kanya

“sige!”

Nag lakad kaming dalawa ni Dionne papunta sa beach. Medyo malakas yung alon ng
dagat kaya naman wala halos tao ngayon sa beach. Pero ok narin to dahil kahit
papaano mabibigyan kami ng privacy dalawa. Gusto ko na maenjoy ang araw na to
kasama si Dionne ng walang umiistorbo saamin.

“uwaaaaa ang tagal na ata nung huling beses akong makakita ng dagat!” sabi ni
Dionne habang tuwang tuwa na nakatingin sa dagat tapos bigla naman siyang tumakbo
sa may seashore para salubungin yung alon

“uy ingat ka! Malakas yung alon!” sabi ko sa kanya habang tumatakbo ako papalapit
“Rui!” nagulat naman ako ng bigla niya akong binasa ng tubig “hahahaha ayan basa ka
na! bleh”

“ah basaan pala ang gusto mo ah!” syempre hindi ako nag patalo at binasa ko rin ng
binasa si Dionne ng tubig.

“hahaha! Uwaaaa Rui grabe ka!” sabi niya habang ginagantihan parin ako sa pagbasa

“ano ka ngayon ha!” patuloy ko parin siyang binabasa habang siya naman nakatagilid
lang at di na makaganti sa ginagawa ko

“uwaaaaa tama na! hahaha! Tama---aray!”

Bigla-bigla naman natumba si Dionne ng dumating yung malakas na alon kaya naman
agad akong napahinto sa pagbabasa sa kanya at tumakbo papalapit at lumuhod sa
harapan niya.
“uy Dionne ayos ka lang ba ha? Nasaktan ka ba? May masaki---asdfghddasdsa!” halos
mabulunan ako sa pagsasalita ng biglang umalon ulit at tinamaan pareho ang mga
mukha namin ni Dionne.

Nagkatinginan kaming dalawa then we both laugh

“hahahahaha mukha ka ng basang sisiw Rui!”

“nagsalita ang hindi! Hahahahahahha”

Tumayo kaming dalawa at naupo sa sea shore kung saan hindi kami masyadong aabutin
ng malakas na alon.

“hay napagod ako sa basaan natin!” sabi niya habang naka stretch ang mga hita niya
at nakatingin siya sa langit “sorry ah ang dali kong mapagod. May asthma kasi ako
and hindi narin ako masyado nakakapag excersise kaya ang bilis ko na tuloy mapagod”
“oh? Ako din kaya may asthma pero nung sumali ako sa iba’t ibang sports dati,
gumaling ang asthma ko. Never na akong inatake simula nun. Kaya dapat ikaw din mag
excersise ka palagi!”

“hmm tingin ko nga” bigla naman niya itinaas ang mga braso niya then nahiga siya sa
buhanginan in a starfish like manner “uwaaaaaa ang sarap mahiga dito! Try mo Rui!”

Ginaya ko si Dionne at nahiga rin sa damuhan pero naka side ako para makita ko ang
mukha niya.

Hindi ako makapaniwala na ganito ako kalapit sa babaeng nagugustuhan ko ngayon. Ang
sarap talaga titigan ng mukha niya lalo na pag nakangiti siya. Ang sarap din siguro
sa pakiramdam kung ako ang magiging dahilan kung bakit madalas siyang nakangiti.

Tinitigan ko si Dionne at naramdaman kong parang gusto kong hawakan ang mukha niya,
gusto kong yakapin siya at gusto kong ibulong sa kanya lahat lahat ng nararamdaman
ko. Pero pinigilan ko ang sarili ko dahil alam ko, hindi pa ito ang tamang oras.
“huh? Ano to?” sabi ni Dionne then may itinaas siya na isang maliit na bato “Rui
tignan mo oh, ang weird nung korte nung bato.”

Kinuha ko sa kamay niya yung bato then tinignan ko ito “oo nga no. Parang korteng
heart”

“oo nga! Korteng heart! Ang cute naman!”

Bumangon ako sa pagkakahiga at inabot ko yung bato kay Dionne “sayo na lang.
Ingatan mo yan, puso ko yan”

Bumangon this siya tsaka niya kinuha yung bato “ikaw talaga Rui! Ang hilig mong
magbiro! Pero kung puso mo to hindi ko to matatanggap”

“h-huh? Bakit naman?”

“kasi dapat binibigay mo yan sa babaeng mahal mo” sabi niya saakin habang
nakangiti.

Hindi ako agad nakapag salita dahil sa sinabi ni Dionne. Napatitig lang ako ng
seryoso sa mata niya at doon ko naramdaman ang biglang pagbilis ng puso ko.

Para bang biglang naghalo-halo lahat ng emosyon ko ngayon at gusto ko nang ilabas
ito.

Dionne is such a wonderful lady at alam kong hindi malabong may ibang magkagusto sa
kanya. Never pa akong nakaramdam ng ganito sa isang babae at ngayon, biglaan ko
lang din napag isip..

..dapat magtapat na ko sa kanya.

Pero ito na ba talaga ang right time na gawin to?

Right? is there such thing as right time para sabihin mo ang nararamdaman mo sa
isang tao?
Bago pa magtalo ang isip at puso ko, hindi ko na napigilan ang sarili ko at bigla
ko na lang nahawakan ang kamay ni Dionne.

“R-rui m-may problema ba?”

“keep the heart-shaped stone please”

“h-huh?”

“Sabi mo dapat ibigay ko yung puso ko sa babaeng mahal ko diba? Then I’m giving you
my heart...”

“t-teka Rui—“
“Dionne, hindi ko alam kung paano nangyari to. Oo aaminin ko sayo na unang beses pa
lang kita nakita, na-attract na ko sayo. Pero hanggang doon lang yun. Alam ko
hanggang crush lang yun. Pero habang nakakasama kita, palalim ng palalim yung
nararamdaman ko. Hanggang sa isang araw nagising na lang ako sa katotohanan na iba
na ang nararamdaman ko para sayo. Gusto ko palagi kitang nakikita at nakakasama.
May times pa na naiinis ako ay Jake-nii chan kasi pinapahirapan ka niya. Meron din
times na nag seselos ako kasi parang feeling ko hindi malabong magkagusto siya sayo
lalo na’t magkasama kayo sa isang bahay at lagi kayong magkasama. Dionne...” mas
lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa kamay niya “Aishiteru.. Mahal kita..”

Nakita ko ang gulat sa mukha ni Dionne ng sabihin ko yun. Kahit ako nagulat din sa
sarili ko sa ginawa ko ngayon. Nagtapat ako ng hindi manlang nagiisip. Nagtapat ako
sa kanya ng biglaan at parang ewan lang din ang mga pinagsasasabi ko.

But still... hindi ako nagsisisi sa mga binitiwan kong salita.

“R-rui..” halos pabulong niyang tawag sa pangalan ko “uhmm ano.. kasi.. ahmm---“

“DIONNE!”
Halos mapatalon kaming dalawa ni Dionne ng marinig namin ang sigaw na yun. Nagulat
na lang ako ng makita kong papalapit saamin si Jake nii-chan.

“J-japoy?!”

Hindi nagsalita si Jake at hinatak niya lang patayo si Dionne

“t-teka Japoy---“

“babalik na tayo sa loob. Madami akong ipapagawa sayo!”

Tumayo rin ako at hinawakan ko ang wrist ni Jake “teka, di ba nag paalam si Dionne-
chan? Bakit ngayon pinapabalik mo siya?”
Tinabing niya ang kamay ko “wag ka makielam!” after that, kinaladkad niya palayo
saakin si Dionne habang nakatingin siya ng masama saakin.

Ok?

Bakit pakiramdam ko galit na galit saakin ngayon si Jake nii-chan?

***

Mensahe ni Majinbu..

Uwaaaa sorry kung super duper mega tagal ng update. Sisihin niyo si hanging habagat
na nagdala ng ulan saatin for two weeks na ikinasanhi ng muntikang pag abot ng baha
sa bahay namin at pagkawala ng kuryente at internet sa loob ng limang araw. Parteh
parteh. Five days kaming pinapapak ng lamok >.<

Anyways salamat po sa mga matyagang nag antay ng update! Salamat po talaga <3

If you want po na magpa dedicate, i-tweet niyo na lang po saakin. Hindi ko na po


kasi nagagawang mag basa ng PM ngayon. Sabihin niyo lang po kung anong story and
kung ano ang watty username niyo. Kung walang username di ko po i-eentertain.
Anyways, di na po ako pwedeng mag dedicate sa BTCHO Specials. Tapos sa angel in
disguise naman po, onting wait lang po ang dedics kasi madaming nakapila. Ayun
lamang po. Salamat

Twitter >> @iamAlyloony

=================

Chapter 25 *second*

Chapter 25

*second*

[Jake’s POV]

Nasaan na ba yang chimay na yan?! Bat ba ang tagal tagal niyang bumalik dito sa
hotel ah?! Sabi niya saglit lang siya sa beach! Pero kanina pa siyang alas-
tres umalis eh! Anong oras na ngayon?!

Napalingon ako doon sa wall clock. It’s 3:15

Eh b-bakit ba! Kahit 15 minutes ago lang siya umalis mainipin ako! Ayoko
pinagaantay ng matagal!! =__=
Dahil sa sobrang badtrip ko, nahiga na lang ako sa kama at sinubukang matulog.

After 2 minutes.

Anak ng tokwa talaga!!!

Bumangon ako sa kama at napakamot na lang ng ulo ko dahil sa sobrang inis. Bwiset
na PA yan oh! Kesa pagaanin ang trabaho ko puro kunsumisyon pa ang dinadala
saakin!!

Bakit ko nga ba yun pinayagang sumama kay Rui ha?! Ang kapal ng mukha ng babaeng
yun! Binabayaran ko siya hindi para lumandi! Arggh! Nakakaasar!

Tumayo ako at agad agad sinuot yung tsinelas ko and nag t-shirt. After that dali-
dali akong lumabas ng kwarto. Mapuntahan na nga yang chimay na yan at maturuan ng
leksyon! Dapat ipaalala ko sa kanya na trabaho niyang pagsilbihan ako hindi yung
landiin yung hapon na yun!

Pagka baba ko sa lobby, nagulat naman akong lapitan ng isang grupo ng mga babaeng
naghahagikgikan na akala mo eh kinikiliti yung mga singit nila.

“H-hi Jake Marquez!” kaway nung isang babae


At kahit na iritang irita na ako, nginitian ko sila then nag wave ako sa kanila
dahil mga fans sila. At ayun mga nagtilian.

“OMG! Nag smile siya! Nag smile siya! Ang gwapo niya talaga!”

“uwaaaaaa makalaglag panty ito!”

“di na kailangan malaglag ng panty ko dahil willing akong hubarin to para sa


kanya!”

Tinalikuran ko sila. Putek nakakadiri. But oh well, can’t blame them. Iba talaga
ang nagagawa ng charms ko. >:)

Bago pa maisipan ng mga babaeng to na sunggaban ang katawan ko, dumiretso na ako
agad sa beach. Sa hindi kalayuan nakita ko agad sina Rui at Dionne na parehong
nakahiga sa buhanginan.

Ano ba yan! Mag sa-sun bathing na nga lang sa buhanginan pa hihiga?! Nakakadiri!

Medyo lumapit ako sa kanila at naaninag ko na itinaas ni Dionne yung kamay niya at
parang may tinitignan siyang bato. Bigla naman kinuha ni Rui yung bato sa kamay ni
Dionne at tinignan niya rin to.

Medyo lumapit pa ako sa kanila at nakita kong umayos ng upo si Rui at inabot ulit
yung hawak niyang bato kay Dionne.

“sayo na lang. Ingatan mo yan, puso ko yan” dinig kong sabi ni Rui

Bigla akong napahinto ng marinig ko yun. For a second, parang bigla atang may
kumurot sa puso ko. Tokwa, epekto ba to ng sobrang pagkain ng matataba at
masesebong pagkain? Iiwasan ko na nga yan at baka magkasakit ako sa puso. =__=

“ikaw talaga Rui! Ang hilig mong magbiro! Pero kung puso mo to hindi ko to
matatanggap” dinig kong sabi ni Dionne at nakita kong nakaayos narin siya ng upo.

“h-huh? Bakit naman?”

“kasi dapat binibigay mo yan sa babaeng mahal mo”

I nod. Tama! Tama si Chimay! Bakit niya ibibigay ang puso niya kay Dionne ha?!
Mahal niya ba to?! Adik ba siya?! Naka drugs ba siya?! Obvious na obvious na si
Maisie ang mahal niya no! =__=

Hinintay ko ang sunod na sasabihin ni Rui pero nakatitig lang siyang maigi kay
Dionne na akala mo eh pagkain si Dionne.

Ay tokwa mamaya rapist pala tong lalaking to ah?! =__=


Pero nagulat ako ng biglang hawakan ni Rui ang mga kamay ni Dionne

“R-rui m-may problema ba?” rinig kong sabi ni Dionne

“keep the heart-shaped stone please”

“h-huh?”

“Sabi mo dapat ibigay ko yung puso ko sa babaeng mahal ko diba? Then I’m giving you
my heart...”

“t-teka Rui—“

“Dionne, hindi ko alam kung paano nangyari to. Oo aaminin ko sayo na unang beses pa
lang kita nakita, na-attract na ko sayo. Pero hanggang doon lang yun. Alam ko
hanggang crush lang yun. Pero habang nakakasama kita, palalim ng palalim yung
nararamdaman ko. Hanggang sa isang araw nagising na lang ako sa katotohanan na iba
na ang nararamdaman ko para sayo. Gusto ko palagi kitang nakikita at nakakasama.
May times pa na naiinis ako ay Jake-nii chan kasi pinapahirapan ka niya. Meron din
times na nag seselos ako kasi parang feeling ko hindi malabong magkagusto siya sayo
lalo na’t magkasama kayo sa isang bahay at lagi kayong magkasama. Dionne...
Aishiteru.. Mahal kita..”

Napatulala si Dionne sa sinabi ni Rui. At katulad niya, parang napatulala din ako.
Hindi ko alam kung bakit, pero parang gusto kong sumugod doon at sapakain si Rui.
Parang bigla akong nakaramdam ng sobrang galit, sobrang inis ... at sobrang
insecurity.
At the same time, nakaramdam din ako ng takot sa magiging sagot ni Dionne kay Rui.

“R-rui.. Uhmm a-ano kasi .. ahmm—“

Bago ko pa mapigilan ang sarili ko, bigla na lang akong napasigaw ng malakas at
tinawag ang pangalan ni Dionne

“DIONNE!!”

Parehong napatingin saakin sina Rui at Dionne habang tuloy-tuloy ang paglalakad ko.

“J-japoy?!”

Hindi ako umimik at hinawakan ko lang si Dionne sa wrist niya at hinaltak ko siya
papalayo kay Rui.

“t-teka Japoy---“

“babalik na tayo sa loob. Madami akong ipapagawa sayo!” sabi ko kay Dionne habang
tuloy tuloy parin ang paghila ko sa kanya. Bwisit! Hindi ko alam bat galit na galit
ako! At hindi ko rin alam bat hila hila ko tong chimay na to ngayon!!
Nagulat naman ako ng biglang may humawak sa kabilang wrist ko at nakita ko si Rui
na seryosong nakatingin saakin.

“teka, di ba nag paalam si Dionne-chan? Bakit ngayon pinapabalik mo siya?”

Tinabing ko ang kamay niya at tinignan ko siya ng masama

“wag ka makielam!”

After that, dire-diretso ko ng kinaladkad si Dionne pabalik sa kwarto namin.

Bat ba ko asar na asar?!?!

[Dionne’s POV]

“J-japoy! Teka lang ano ba! Ano bang problema!!” tanong ko sa kanya habang hatak
hatak parin niya ako pero hindi ako pinapansin ni Japoy. Ramdam na ramdam ko ang
galit niya pero hindi ko naman malaman kung bakit siya nagagalit.
Ano kaya problema ng isang to?

“uy japoy!”

Hindi parin niya ako pinansin hanggang sa makarating na kami sa kwarto namin.
Pagkasaradong pagkasarado niya ng pinto, tsaka na lang niya ako binitiwan.

“uy Japoy! Bat galit ka? Ano bang problema? Bat mo naman ako hinatak ng ganun
kanina?” tanong ko sa kanya.

Though in some ways, thankful parin ako sa paghatak niya saakin dahil kanina, hindi
ko na talaga alam ang isasagot ko kay Rui. Hindi ko alam kung paano ako mag rereact
dahil sa sinabi niya. But still, mali parin na iwanan si Rui ng ganun ganun lang.
Kawawa naman siya. Alam kong hindi madali sa kanya ang ginawa niyang pag amin
saakin tapos bigla lang sisirain ni Japoy.

“uy Japoy. Kawawa naman si Rui, iniwan ko siya. Bat mo ba ko kinaladkad? Ano ba
yung ipapagawa mo saakin? Gagawin ko na agad para makabalik ako doon.”

Biglang humarap saakin si Japoy at nagulat ako ng makita kong galit na galit siya
“makabalik?! Para saan?! Para sagutin mo siya ha?!”

“n-narinig m-mo y-yung sinabi niya?”


Hindi niya ako sinagot instead lumapit siya saakin at hinawakan ang magkabila kong
braso atsaka niya inilapit ang mukha niya at tinitigan ako sa mata.

“listen, wala kang ibang dapat intindihin kundi yung trabaho mo saakin. You’re my
PA for pete’s sake! Ako ang nagpapalamon sayo! Ako ang nagsu-sweldo sayo kaya naman
saakin ka lang dapat titingin! Wag ka nang makikipaglandian kay Rui!”

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Japoy at halos mapaiyak ako dahil sa sakit
ng mga binitiwan niyang salita “kaibigan ko si Rui..” halos pabulong kong sabi sa
kanya

“Amo mo ako! Sundin mo ako!”

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at bigla ko na lang siyang sinampal.

“Oo pinapasweldo mo ako, pero hindi mo binabayaran ang buhay ko. Tandaan mo yan.”

May tumulo na luha sa gilid ng mata ko na agad ko namang pinunasan

“Aalis muna ko saglit” halos pabulong kong sabi sa kanya at tinalikuran ko na siya.

Maglalakad na sana ako papunta sa may pintuan ng hilahin ulit ako pabalik ni Japoy
at isinandal niya ako sa pader
“J-japoy—“

“D-dionne!! Y-you’re s-so – y-you’re s-so—“

Tinignan ako ng masama ni Japoy at nagulat ako ng biglang ilapit niya ang mukha
niya to the point na ramdam na ramdam ko na ang pag hinga niya

“you’re so...”

At sa isang mabilis na iglap lang..

...naramdaman ko ang labi ni Japoy na nakadikit sa labi ko.

1 second

2 seconds

3 seconds..
Biglang humiwalay saakin si Japoy

“you’re so ugly..” bulong niya saakin. Afterwards, lumayo na siya saakin at


tuluyang lumabas ng kwarto namin.

Pagkasarang pagkasara niya ng pinto, napaupo na lang ako sa sahig habang hawak
hawak yung labi ko.

At sa hindi malamang kadahilanan...

...hindi ko maialis ang ngiti sa mukha ko

***

A/N
Uwaaaaaaa sorry ngayon lang po nakapag update! And sorry kung mga lame na ang
updates ko. Pasensya na talaga. Pero salamat sa lahat na patuloy na nag babasa
nito! <3

=================

Chapter 26 *The Goddess' Pain*

Chapter 26

*The Goddess’ Pain*

[Jake’s POV]

“sh1t! sh1t! sh1t!” paulit ulit kong sabi habang inuumpog ko yung ulo ko sa may
manebela ng kotse ko.

Pagkatapos kasi nung “nangyari” saamin ni Dionne, dumiretso ako palabas ng room
namin ng hindi alam kung saan ako papunta kaya naman nauwi ako sa parking lot at
pumasok sa loob ng kotse ko habang paulit ulit na inuumpog ang sarili sa manebela.

I think I’m going insane. Why the heck did I do that?! I kissed her...again! Pero
this time with her eyes wide open! Nakita niya, naramdaman niya.. and now, ano
sasabihin ko sa kanya kung bakit ko siya hinalikan?!

Because she’s ...uhhh... ugly?!


Anak ng pagong oh!

Eh ano ba kasi talagang rason ko kung bat ko ginawa yun sa chimay n ayun?! Isa pa..
anak ng pagong! Mamaya hindi yun nag toothbrush! Nakakadiri.. =___=

Napabuntong hininga ako sabay napapikit habang nakatakip ang palad ko sa mata ko.
Naalala ko na naman yung itsura ni Dionne kanina. Nung napatitig ako sa mata niya,
nung napadapo yung tingin ko sa labi niya... para akong nakukuryente ng mga panahon
na yun. Kahit ako hindi ko alam kung bakit ko siya hinalikan. Basta ang alam ko
lang ng panahon na yun, mababaliw ako kung di ko ginawa yun.

Putek! Nagiging manyak na ba ko?! At sa dinami-dami ng gusto kong manyakin ay yung


chimay na yun?! Bumababa na ba ang taste ko?!

Napakamot ako sa ulo.

Baka naman inlove ako sa chimay na yun?

Ay tokwa! Ano ba yang iniisip ko!! Nakakadiri! Ako?! As in ako, si Jake Marques,
gwapo, mayaman, sikat, malinis at mabango ay magkakagusto sa chimay na yun?!

Imposible! Ayun na ang pinaka imposibleng bagay na pwedeng mangyari! Dionne’s a


complete opposite ng babaeng magugustuhan ko.
Ay ewan! Bago pa ko masiraan ng bait, makapag round trip na nga lang muna! Wala
lang yung nangyari kaya hindi ko na dapat isipin. Sus, halik lang yun! Ilang babae
na ba ang nahalikan ko? Madami-dami narin! Walang pinagkaiba yun sa halik ko sa
chimay na yun.

Wala.

Pinaandar ko na yung kotse ko at pinaharurot ng takbo palabas ng parking lot.


Nagikot ikot lang ako around Subic. Nung may nakita naman akong mga unggoy na
nagkalat sa gilid ng kalsada, pinahinto ko lang saglit yung kotse ko sa may tabi
nun at nakipagtitigan sa unggoy. Nung marealize kong ang laking gwapo ko sa mga
unggoy na to at nakaka bored na ang panunuod ko sa kanila, pinaandar ko na ulit
yung kotse ko.

Siguro mga alas-otso na ng gabi ng maisipan kong bumalik na sa resort dahil


nagugutom narin ako. I can’t risk naman na kumain sa restaurant dito dahil hindi ko
dala ang mga pang disguise ko. Mamaya pagkaguluhan ako bigla. Alam niyo na, sikat.
Baka kung sinu-sinong mga bacteria people ang dumamba saakin.

Nung makarating ako sa rest house, nakita ko naman si Dionne na nakaupo sa dining
table habang may nakahain na na food. Mukha atang hinihintay niya ako dahil hindi
pa niya ginagalaw yung pagkain doon sa table.

Nung makita naman niya akong pumasok, agad agad siyang tumayo.

“Japoy! Nandiyan ka na pala! Tara kain na tayo!” sabi niya saakin while smiling
brightly.

Tinignan ko lang siya tapos dumiretso ako sa dining table without uttering a word.
Pakuha na sana ako ng food ng biglang hawakan ni Dionne ang kamay ko at pigilan ang
pagkuha ko.

“What?!” pagalit kong sigaw sa kanya

“mag pray muna tayo Japoy” nakangiti niyang sabi saakin

Tinabing ko yung kamay niya “oh for Pete’s sake! I’m hungry!” at tuloy tuloy akong
kumuha ng pagkain.

Napatingin naman ako kay Dionne at nakita kong nag sign of the cross siya at
yumuko.

“God, thank you po sa food namin ngayon, at thank you dahil magkasabay kaming
kumain ni Japoy. Sana po ay patuloy niyo po kaming gabayan at bigyan ng maraming
blessings. Amen” nag sign of the cross ulit siya then tumingin saakin at ngumiti

“tara na, kain na tayo!” masiglang masigla niyang sabi then kumuha narin siya ng
pagkain niya.

Hindi ko alam kung bakit, pero para akong nakonsensya na ewan. Ay bwiset!!! Bat ba
pag kaharap ko ang babaeng to, kahit wala naman siyang ginagawa o sinasabi eh
nakakaramdam ako ng iba’t ibang nakaka bwiset na bagay?! =__=

Pero kesa mag react pa ko, pinili kong manahimik na lang for the sake of my tummy.
Gutom na ako no! ayokong mawalan ng gana ng dahil sa babaeng to!
“Japoy bat mo pala ako hinalikan kanina?”

Halos maibuga ko yung pagkain sa bibig ko ng bigla niya akong taungin niyan. Alam
niyo yung tono na parang nagtatanong lang kung ano ang kinain ko kanina? Very
casual. Ganun ang pagkakatanong niya.

At nakaka speechless. =__=

“t-t-trip ko lang!” sabi ko sa kanya...

Nakita ko naman sumimangot si Dionne “p-pero kasi.. first kiss ko yun eh..”

“second na kaya” bulong ko

“ano yung sabi mo?”

“W-wala! Sabi ko pakielam ko kung first kiss mo yun!”

“p-pero h-hindi ka naman nanghahalik ng wala lang dahilan di ba?” tanong ulit niya
and this time, nakita ko ang pamumula ng mukha niya.
I smirk.

“why Dionne, ano bang nasa isip mo kung bakit ko ginawa yun?”

Hindi niya ako sinagot pero nakita kong mas namula ang mukha niya dahil sa tanong
ko.

“Let me guess Dionne, you are thinking than I kissed you because I am starting to
have a feelings for you... or baka naman dahil naiinlove na ko sayo.. am I right?”

“J-japoy—“

“let me clear myself, I only did that kasi trip ko lang. Wala lang ang halik na
yun, kaya wag ka na umasa o magisip pa na may ibang meaning saakin ang halik na
yun”

Biglang natahimik si Dionne. Tinignan niya ako na para bang may gusto siyang
sabihin saakin, na parang gusto niya akong sampalin o sigawan. Pero nagulat ako ng
bigla na lang siyang ngumiti saakin.

“ganoon ba? Sige hindi na ako magiisip ng kahit ano. Uhmm tapos na pala akong
kumain, maliligo muna ako saglit ah tsaka ko maghuhugas ng pinggan” after niyang
sabihin yun, tumayo na siya at dumiretso sa loob ng kwarto niya.

And this time, bigla na lang nawala ang ngiti sa labi ko at nakaramdam ako ng
something na mabigat sa dibdib ko.
[Venus’ POV]

“oh Venus, you’re so early para sa shooting natin ngayon ah” sabi ni direk saakin
ng madatnan niya ako sa may tabi ng beach habang nag aantay ng shooting namin.

“lagi naman po akong maaga” sagot ko sa kanya

Nginitian ako ni direk “alam mo ikaw bata ka, napaka dedicated mo talaga sa
trabaho. Pero dapat matuto ka ring mag enjoy..”

Nginitian ko lang si direk then nagpaalam narin siya dahil kailangan pa nila mag
prepare para sa shooting.

Enjoy?
Well, hindi ko naman talaga gusto mag artista at ginagawa ko lang lahat to para kay
mommy pero lately, parang nag eenjoy na ako.

Napahawak ako bigla sa labi ko at naalala ko na naman ang kissing scene namin ni
Jake. He may have a foul attitude but I can’t deny, he can kiss well. At kahit na
sobrang yabang niya, I can’t deny, siya ang nagiging dahilan kung bakit masaya ako
ngayon.

Yun nga lang masyadong panira yung chimay niya. Nakakaasar talaga! Kung umasta kasi
parang hindi P.A eh! Ang landi! Napaka bigat talaga ng loob ko sa babaeng yan na
kada makikita ko siya eh gusto kong ingudngod ang mukha niya sa sahig! Nakakakulo
talaga ng dugo! >__<

Nagbasa-basa lang ako ng script doon para marefresh yung utak ko sa lines namin
mamaya habang nag se-set up pa sila. Nagulat naman ako ng biglang may nag abot
saakin ng tubig. Pagkakita ko si direk.

“salamat” sabi ko sabay kuha nung tubig na inabot niya

“ang sipag mo naman masyado. Mamaya niyan pati lines ng iba kabisado mo na.”

“hindi naman po. Nre-refresh lang ako ng utak..”

“ok sabi mo eh. By the way, I’ve heared you have a good diction while you speak. At
gustong gusto ko talaga yung way ng pagsasalita mo. Gusto mo bang mag host ng isang
reality show?”
Napatingin ako bigla kay direk “host?”

“yap! Acutally, meron na akong nasa isip talaga na mag ho-host though parang hindi
siya suit for the job. Ikaw talaga yung bagay doon eh kaso iniisip ko baka hindi
pumayag ang mom mo. Pero nagbabakasakali lang din ako na baka gusto mo.”

Bigla naman lumawak ang ngiti sa labi ko “sige po! Opo! I’ll accept your offer!
Gusto ko po talaga yun! Please let me host that program! Please!”

“pero paano ang mom mo?”

“ako na po bahalang kumausap sa kanya!”

“ok, it is settled then. Pag balik natin sa Manila, we’ll have a contract signing”

“opo! Salamat po talaga!” ngiting ngiting sabi ko kay Direk.

Sobrang tuwang tuwa ko lang talaga ng i-offer niya saakin yun. Alam ko na hindi
parin talaga ito pagiging broadcaster but still, gusto ko rin naman mag host. At
alam kong mag-eenjoy talaga ako ng husto.

Alam ko rin naman na magagalit si mommy pero, bahala na si batman. Naka-oo na ako
at hindi na ako aatras doon.
Nagsimula na yung shooting namin. This time, si Rui naman at yung isa pang actor
ang kasama ko. Mamaya ko pa makaka scene si Jake ulit.

“alam mo, kahit gaano pa karami ang tumutol sa inyo, kung mahal mo dapat wag mo na
bitiwan..”

“CUT!” rinig kong sigaw ni direk “Rui ano bang problema ha? Parang binabasa mo lang
yung lines mo eh” sabi ni direk kay Rui

“s-sorry po..”

“ok mag break muna tayo. Rui please review your lines”

“opo”

Nagsi-diretsuhan na muna kami sa mga tents namin para mag break. Hay di kami
matapos tapos doon sa scene na yun dahil kay Rui. Ano kaya problema ng Hapon na
yun?

Dumiretso muna ako sa loob ng tent ko dahil sobrang init narin sa labas. Halos
tanghali na kasi at patirik na yung araw. Pero pag pasok ko, nagulat ako ng makita
ko si mommy doon.

“m-mom!” tumakbo ako palapit sa kanya then I hugged her tightly “mom! Na-miss kita!
I’m glad you came here to visit me!” masayang masaya kong sabi sa kanya
Nagulat naman ako ng bigla niya akong itulak palayo sa kanya then she slapped me.

Napahawak ako sa pisngi ko at ramdam na ramdam ko ang sakit... hindi nung sampal
niya kundi nung naramdaman ko ng bigla-bigla niya akong sampalin.

“b-bakit niyo po ako sinampal?”

“you disgraceful child! I told you not to accept any offer na walang kinalaman sa
pag-arte! Ano tong nalaman ko na tinanggap mo yung pag ho-host diyan sa isang pi-
pitsuging reality show ha?!”

“mom, please po, pagbigyan niyo po muna ako kahit ngayon lang”

“No! hindi kita mapapayagan sa bagay na yan!”

“p-pero po---“

“Athena wants to be an actress not a host or a newscaster!!” sigaw ni mommy saakin

Bigla akong natigilan at nakaramdam ng sakit... sakit na mas masakit pa sa


pagsampal niya saakin.

“I’m not Athena... I’m Venus..” halos pabulong kong sabi sa kanya.

Hindi siya sumagot saakin but instead, iniwas lang niya ang tingin niya.

“Mom... hanggang ngayon parin po ba sinisingil niyo ako dahil sa nangyari kay Ate
Athena? Hanggang ngayon parin ba ako parin ang sinisisi mo ha? Hindi ko naman gusto
ang nangyari eh!”

“manahimik ka! If you haven’t been a spoiled brat then hindi mawawala ang ate mo!”

This time, bumagsak na ang luha ko “paano kung ako yung nahulog sa bangka nun,
hindi si ate? Paano kung ako yung nalunod at namatay? Magagalit ka ba ng husto kay
ate katulad ng ginagawa mo saakin ngayon?” pinunasan ko yung luha sa mata “I guess
not kasi eversince, laging sa kanya lang ang attention mo... nakalimutan mo ng may
isa ka pang anak”

Pagkasabing pagkasabi ko nun, tumakbo na ako palabas ng tent. Narinig kong


tinatawag nila ako pero hindi ko sila pinapansin. Gusto ko lang makalayo.. gusto
kong mapag isa.

Sana ako na lang yung nahulog sa bangka, sana ako na lang yung nalunod at namatay.
Kung nangyari yun, edi sana mas masaya sila ngayon...
***

A/N:

Dears, gusto ko po muna magpa thank you doon sa mga taong nagbabasa parin nito
kahit medyo matagal ang update. Alam ko pong sobrang tagal ko mag update... kahit
ako nababagalan narin sa sarili ko. I'm sorry po talaga, kasi po katulad nga ng
sinabi ko, sobrang busy na sa work. Alam ko most of you cannot understand how hard
it is to work and to earn money kasi most of my readers are still students. Pero
doon po sa pilit parin umiintindi, salamat po.

Though I'm really thankful po talaga dahil binabasa at nag aantay parin kayo sa
update ko, I'm not forcing you all to continue reading my stories.

kung para sa inyo ay nakaka HASSEL na mag antay ng update (bato bato sa langit...
ang tamaan, sorry :p ) then you can always quit reading it. Again, sinasabi ko po
na wala akong pinipilit sa inyo. I'm not demanding anything sa inyo. Hindi ako nag
de-demand na mag like or vote kayo sa every chapters ng update ko or mag post ng
comment.. ang kapal naman ng mukha ko kung gagawin ko yun di ba eh ang bagal ko nga
mag update. Pero sana po ay wag din kayong masyadong mag demand saakin. Believe me,
gusto kong magupdate ng madami pero wala na po akong time. Kung tutuusin pwede ko
ngang bitiwan ang pagususlat dahil hindi naman ako kumikita dito... pero di ko
ginagawa dahil mahal ko ang pagsusulat. Yun lang minsan nakakapagod na makabasa ng
messages ng mga rude readers. Yung bang parang binabayaran nila ang oras ko para
mag update. Minsan nga nakakasama ng loob eh kasi pag nag post na ko ng nakapag
update na ko.. may mga nag rereply pa na "hay salamat! nagupdate narin siya.. >:
( ." .. parang saakin, wow, kahit maaga pasok ko, kahit pagod ako, nag update ako..
deserve ko ba na sabihan ng ganun? .. na kesa ma-appreciate pa yung paguupdate ko
eh they replied me in a sarcastic manner.
Pero ayun nga po.. sobrang thankful ako sa mga readers ko.. pero po doon sa iba na
kung nakakapagod na mag intay, then i;ll suggest na itigil niyo na kasi kahit
gustuhin ko man mapabilis ang update ko, hindi ko kaya.

=================

Chapter 27 *One sided*

Chapter 27

*One sided*

[Maisie’s POV]

“sure kang uuna ka na ng uwi pabalik sa manila?” tanong saakin ni Kuya Jake habang
nag aayos ako ng mga gamit ko

“oo kuya, kailangan ko na talagang bumalik. Marami pa akong kailangan asikasuhin


para doon sa upcoming fashion show pati narin kinukulit na ako ni Mama na bumalik
ng bahay”

Nakita kong sumimangot si Kuya Jake “tch.. mawala lang saglit ang bunso niya grabe
na mag alala”

Napangiti ako sa reaction ni Kuya dahil aware naman akong nag seselos na naman siya
“ikaw kasi kuya, puntahan mo na si mama sa bahay pag uwi mo. Miss na miss ka na
kaya nun.”
“tch, ako? Ma-mi-miss nun. Hmpf”

I giggled “hay naku ewan ko sayo! Ay oo nga pala, nasaan si Dionne? Bat di mo siya
kasama?”

Iniwas agad ni kuya yung tingin niya saakin “e-ewan. B-baka n-nag l-lalakad sa b-
beach.. o b-baka n-naghuhunting n-ng mga unggoy!”

I smirk “o kaya baka may nakasalubong siyang gwapong lalaking naka topless sa
beach” nakita kong napatingin agad si Kuya Japoy saakin “tapos nakipagkilala sa
kanya yung lalaki! Dahil maganda si Dionne, for sure naakit sa kanya yung gwapong
lalaki! Tapos nainlove sila sa isa’t isa at tuluyan na niyang itinanan si Dionne
palayo sa amo niyang mapang api!” ^___^

Nakita kong kumunot ang noo ni Kuya to the point na halos magkadikit ang dalawang
kilay niya. Matawa tawa ako sa reaction niya pero gabeng pagpipgil ang ginawa ko
para lang wag magalit ang isang to. Hay bat kaya ang sarap sarap niyang pagtripan?
XD

“p-p-paki k-ko! E-edi m-mag t-tanan s-sila! M-maghahanap na lang a-ako ng ibang
PA!” tumingin ng masama si Kuya “teka! Eh wala naman ako paki doon sa chimay na
yun! Wag mo saakin sabihin yan kundi doon sa Hapon na nagtapat at nagbabalak
manligaw sa chimay na yan!” after sabihin ni Kuya yun, dire-diretso siyang lumabas
ng kwarto ko sabay balabag ng pinto.

Bigla naman nawala yung ngiti sa mukha ko. Nagtapat? Nagtapat na ba talaga si Rui
kay Dionne? Sinabi na ba talaga niya yung totoo niyang nararamdaman dito? Ano kaya
reaction ni Dionne?

Alam ko na gusto ni Kuya Jake si Dionne pero hindi ko alam ang nararamdaman ni
Dionne. Kung iisipin, malapit din siya kay Rui eh. Hindi rin malabong magkagusto si
Dionne sa kanya. Hindi mahirap mahalin si Rui.

Pero sobrang hirap niyang kalimutan.

I sigh then nahiga ako sa kama. Bat kaya ang swerte swerte ni Dionne sa buhay?
Kahit isa siyang hamak na PA lang, dalawang lalaki ang nagmamahal sa kanya. Ako, oo
halos lahat nasa akin na. Mayaman, nakapag aral sa magandang paaralan, at
successful sa buhay. Pero hindi naman ako mahal ng nagiisang lalaking minahal ko
buong buhay ko.

Tama nga sila, hindi lahat ng bagay na gusto mo, makukuha mo.

But I can give up all those things just to have him. Dahil kahit na sinabi kong mag
mo-move on na ako, mahal ko parin talaga siya... at alam ko, walang pera, walang
career ang makakapagpasaya saakin kundi siya lang.

He’s all that I need... but he’s the only thing I can’t have.

After lunch, nag check out na ako sa resort dahil pabalik narin ako sa Manila.
After ng check out, dumiretso na ako sa parking lot para ilagay yung mga gamit ko
sa kotse. Bubuhatin ko na sana yung maleta ko ng magulat ako dahil biglang may
bumuhat nito at siyang naglagay sa loob ng kotse ko.
“R-rui!”

He looked at me then smile “hay naku aalis ka na pala ni hindi ka nagpapaalam


saakin. Nakakapag tampo ka”

I forced a smile “sorry na. Nawala sa isip ko na sabihin sayo. Medyo occupied kasi
ang utak ko ngayon sa pag o-organize ng fashion show.”

Ginulo ni Rui yung buhok ko “don’t stress yourself with work ok? Make sure you have
an enough rest..”

“thank you sa concern” sabi ko sa kanya

“anyways, uhmm uuwi narin kasi kami tomorrow morning. Free ka ba mamayang gabi?
Let’s eat dinner together”

“t-together?” sabi ko sa kanya

“yap”

“t-tayong d-dalawa lang?”


“yap”

“o-ok. Free ako bukas” sabi ko sa kanya “saan tayo kakain?”

“hmm, doon sa usual na restaurant na kinakainan natin sa Eastwood”

“ok then. S-see you bukas” sabi ko sa kanya

“ingat sa byahe at sa pag da-drive ha” paalala saakin ni Rui.

I opened the door of my car then sumampa na ako sa kotse ko. Nag wave saakin si Rui
then naglakad narin siya palayo.

Bago ko paandarin ang kotse ko, agad-agad kong kinuha ang planner ko then tinignan
ko yung schedule ko for tomorrow evening. May rehearsal bukas ang mga models and I
need to be there. Pero siguro kaya naman akong i-cover up ng isa pang organizer ng
event?

Kinuha ko yung phone ko sa bag ko then tinawagan ko yung isa pang organizer na
kasama ko.

“hello Angeline? Is it okay kung hindi ako maka-attend ng rehearsal tomorrow night?
Something came up kasi and I need to meet someone”
“your boyfriend?” tanong niya mula sa kabilang linya

Bigla naman akong namula ng dahil sa question niya “h-hindi no! b-b-business m-
matter! A-ano ba yang sinasabi mo!”

I heard her laugh “hahahaha I’m just joking Maisie! Don’t be too defensive. Anyways
sure, okay lang. I’ll cover up for you. Ingat”

“s-sige bye” after that, I ended the call.

Loko talaga yun! Nang good time pa!

Napahinga ako ng malalim. Hay, but I did something stupid. Mas pinili ko si Rui
kesa sa trabaho. Ito na naman ba ako, magpapakatanga ulit?

I smile a little. Kung sabagay, eversince na minahal ko si Rui, naging tanga na


ako. Ano ba naman ang pinagkaiba ngayon?

Siguro gagawin ko na lang to hanggang sa mapagod na ang puso ko. At hiling ko..

...sana nga mapagod na ang puso ko.


[Dionne’s POV]

“home at last!” sabi ni Japoy pagkarating na pagkarating namin sa condo unit niya
sabay salampak sa sofa “paki ligpit na lang yung gamit ko sa kwarto ko” utos niya
saakin

“ok po” sagot ko sa kanya atsaka diretso sa kwarto ni Japoy para ayusin ang gamit
niya.

Kauuwi lang namin galing Subic at dalawang araw narin ang nakakalipas simula ng
mangyari yung ‘halik’ na yun. Pero magmula nung araw na yun, nag iba ang
pakikitungo namin ni Japoy sa isa’t isa... or should I say, ako ang nag iba.

Hindi ko alam kung bakit pero simula ng sabihin niya saakin na balewala lang sa
kanya yung halik na yun, hindi ko na mai-alis sa puso ko yung bigat na nararamdaman
ko. I tried to hide this pain with a smile pero kahit ang pag ngiti ngayon hindi ko
na halos magawa.

Napatingin ako sa salamin sa kwarto ni Japoy tapos napahawak na lang ako sa mukha
ko. Why am I wearing this kind of expression in my face? I look so sad and fragile.
Isang expression sa mukhang pinaka ayokong nakikita---lalo na sa sarili ko. Naalala
ko nung bago pa mamatay si Kuya Dylan, ipinangako ko sa kanya na magiging matatag
ako, na hinding hindi na ako magpapatalo sa kahit anong sakit at lagi akong
magtitiwala sa Diyos. Nangako ako sa kanya na magiging masaya ako.
Pero bakit ngayon nakakaramdam ako ng labis na kalungkutan? Bakit ako nasasaktan
ngayon? Bakit ganito yung nararamdaman ko?

Ayoko na ng ganitong pakiramdam.

I was distracted by my thoughts nung marinig kong may mag bukas ng pinto sa kwarto
at nakita ko si Japoy.

“tapos ka na?” tanong niya saakin

Agad agad naman akong napayuko “s-sorry hindi pa...”

“ganun ba? Ako na lang dito. Paki ayos na lang yung hapunan natin”

“s-sige”

Lumabas ako agad ng kwarto ni Japoy at dumiretso sa kitchen para magluto ng dinner.

Napakamot ako ng ulo. Bakit ba ang awkward ng pakiramdam naming dalawa? Nakaasar na
ako! Ano ba tong inaasta ko!
Para mawala sa isip ko yung pakiramdam na ito, nagpaka busy na lang ako sa
pagluluto ng hapunan namin. At dahil hindi talaga ako kagalingan sa pagluluto, nag
prito na lang ako ng fried chicken.

Habang piniprito ko yung fried chicken, bigla na lang akong napangiti. Siguro kung
nakikita ako ngayon ni Daddy at ni Kuya, pinagtatawanan nila akong dalawa. My dad
and my brother is a chef. Kahit si mommy magaling din magluto, pero ako ayun ang
pinaka weakness ko. Nag bbake ako dati, pero ang pagluluto talaga ng mga ganitong
bagay ang hindi ko magawa..

“Dionne, what exactly is this?” tanong ni Japoy pagkagat na pagkagat niya nung
friend chicken na niluto ko “sunog ang labas pero hilaw ang loob. Yung totoo, may
plano ka ba talagang ipakain saakin to?!”

Napayuko ako then tinikman ko yung chicken “e-e-edible p-pa naman siya eh..”

“edible?! Anak ng---!!!”

Napatingin ako kay Japoy kaya naman biglang nagtama ang mga tingin namin. Simula
kasi nung nangyaring incident, I avoided having an eye contact on him. Eto na ulit
ang unang pagkakataon na nagkatinginan kami.
“s-sorry..” sabi ko sa kanya sabay yuko.

“n-nevermind..” rinig kong sabi niya “o-order na lang ako sa labas” sabi niya sabay
tayo.

I sigh.

I made him feel awkward, hindi ako nakikipag eye contact sa kanya, hindi ko siya
gaano kinakausap, and now palpak pa ako sa pagluluto. I’m a useless PA. :(

Kinabukasan, maaga kaming umalis papunta sa isang private subdivision sa Makati


para sa shooting. This time ang location ay sa isang malaking bahay.

Sa totoo lang medyo kinakabahan ako na pumunta sa shooting ngayon dahil baka makita
ko si Rui. After nung magtapat siya saakin, hindi pa kami naguusap. Alam ko namang
dadating din ang araw na i-bi-bring up niya ulit yun at tatanungin ako sa desisyon
ko... but still hindi pa ako handa sa ngayon.

Buti na lang at wala si Rui sa scene ngayon kaya naman nakahinga ako ng maluwag.
Mukhang scene lang ata ni Venus at ni Japoy ngayon.

Nung makapsok kami sa loob ng bahay, nakita ko si Venus na nakaupo sa sofa habang
nakatingin sa bintana at mukhang malalim ang iniisip niya. Ni-hindi niya napansin
ang pagdating naming dalawa ni Japoy.

Dumiretso naman kami ni Japoy sa isang room doon para makapagpalit na siya ng damit
at makapag-ayos.

“uhmm Japoy, ano pala yung isusuot mo ngayon?” tanong ko sa kanya

“pakikuha yung pajama..”

“pajama?”

“oo”

Kinuha ko naman yung pantulog niya at inabot sa kanya. Siguro ang scene ngayong is
matutulog si Japoy kaya siguro pajama ang suot niya.

After ng onting pagaayos, pumunta na kami sa kabila pang kwarto dahil magsisimula
na ang shooting. Nagulat naman ako na nasa loob din ng kwartong yun si Venus habang
nakasuot din siya ng pantulog.

“ready na ba kayong dalawa?” tanong nung director kay Japoy at kay Venus
“yap I’m ready..” sabi ni Japoy

Venus smile “me too, I’m ready”

“give your best ok? And action!”

Pinanuod ko si Japoy at si Venus na magpalitan ng linya habang ramdam ko ang


pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang kinakabahan ako sa
eksenang to.

“you know what? Mahal na mahal na mahal kita...” sabi ni Japoy kay Venus habang
nakatitig ito sa mata niya at napakalapit ng mukha nila sa isa’t isa “..and I
respect you. Kung hindi ka pa handa then titigil ako---“

“no!” sigaw naman ni Venus sabay kapit sa mga braso ni Japoy “no please... I -- I
want to do this. Mahal na mahal din kita at kung ano man ang mangyari ngayon, hindi
ako magsisisi. I’m all yours..”

And with that bigla bigla na lang hinalikan ni Japoy si Venus habang yakap yakap
niya ito ng mahigpit. Hindi ito yung katulad ng halik nila nung nasa Subic kami.
Mas aggressive ngayon at parang sabik na sabik sila sa isa’t isa.

Nakita ko ang unti unting pagbaba ng halik ni Japoy sa leeg ni Venus.

Napakapit ako sa dibdib ko dahil parang nakaramdam ako ng kirot.


Galing sa leeg, nakita kong hinahalikan na niya ang balikat ni Venus habang
binababa niya ang strap nito.

Bigla na lang tumulo ang luha ko. Gusto kong i-alis ang tingin ko sa eksena pero
hindi ko magawa. I was rooted to the ground. My eyes are fixed on them habang
nanlalaki ito at patuloy ang pagtulo ng luha ko.

“t-tama na...” mahina kong bulong

Itinigil ni Japoy ang paghalik sa balikat ni Venus atsaka niya ito tinignan sa mata

“I love you” sabi niya dito. At bago pa makasagot si Venus agad agad niya hinila
ito pahiga sa kama at pumaibabaw dito.

“t-tama na...”

Hinalikan ni Japoy si Venus sa noo, sa pisngi, sa ilong at sa labi nito.”

“t-tama na please..”

Hinalikan niya ito sa baba, pababa sa leeg..


“t-tama n-na. Tama na! TAMA NA PLEASE!!” hindi ko nalamayan na napasigaw na ako
kaya lahat sila ay napatingin saakin pati narin sina Japoy at Venus.

“ok cut!!” rinig kong sigaw ng director atsaka siya tumingin saakin “anong problema
mo?! Bat ka sumigaw?! We’re in the middle of a shooting!!”

Napayuko ako “s-sorry..” pagkasabi ko nun ay agad akong tumakbo palabas sa kwarto
at lumipat doon sa kabilang kwarto kung saan nagbihis kanina si Japoy. Agad agad
kong sinara ang pinto at napaupo na lang ako sa sahig habang patuloy na bumabagsak
ang luha sa mata ko.

Ramdam na ramdam ko ang sakit sa puso ko to the point na halos hindi na ako
makahinga. Patuloy lang akong humahagulgol ng iyak, at sa bawat pag patak ng luha
ko, onti-onti kong naalala yung mga sinabi saakin ni Kuya Dylan dati.

“kuya ano ba yung pakiramdam ng inlove?”

“uhmm ano nga ba? Madalas gusto mong makita yung taong yun, gusto mo siya palaging
makasama. Masasaktan ka pag may kasama siyang iba lalo na kung wala sayo ang
atensyon niya. Pero kahit ganun, gugustuhin mo parin siya makasama. Isang ngiti
lang niya, pawi na lahat ng sakit at lungkot na nararamdaman mo. At pinaka masaya
ka, pag nasatabi ka niya.”

“ang complicated naman ng pakiramdam nay an kuya”

“oo Dionne, napaka komplikado nga... pero meron at merong dadating na isang lalaki
at ipaparamdam sayo ang ganyang bagay..”

“m-mahal...” bulong ko sa sarili ko “m-mahal ko n-na ba talaga siya?”

Napapikit ako habang patuloy parin ang pagtulo ng luha ko.

Siguro nga, may nararamdaman na ako kay Japoy. Siguro nga nagkakagusto na ako sa
kanya.

Pero bakit sa kanya pa? Bakit sa lalaki pang parang imposible kong maabot?

Bakit ako nagkagusto sa isang taong malabong mangyari na mahalin rin ako?

***

A/N

uwaaaaa sorry medyo natagalan ang update. Sobrang naging busy lang this past few
days, and malamang, mas magiging busy pa po ako sa mga susunod na araw. I hope you
can all bear with me. Salamat po sa patuloy na nagbabasa nito, lalo na sa nagco-
comment at nag v-vote! <3
Godspeed :)

=================

Chapter 28 Mind vs. heart

Chapter 28

Mind vs. heart

[Jake’s POV]

“ok cut! Good job guys!”

Bumangon ako sa pagkakadagan ko kay Venus then tumayo ako. Nakita ko namang
bumangon din si Venus atsaka inayos ang nagulo niyang buhok ng dahil sa eksena
naming dalawa.

“hay atlast natapos narin!” sabi niya habang nagsusuklay “ano ba kasi problema ng
chimay mo at bigla na lang nagsisisigaw habang umiiyak? Mamaya may sayad na sa utak
yung isang yun.” =__=

Ngumisi lang ako kay Venus pero hindi ko siya pinansin. Naupo ako sa upuan doon
habang hindi mai-alis ang ngiti sa labi ko.
I’m positive, may gusto talaga saakin yung chimay na yun.

Una: Hindi siya nagalit nung halikan ko siya.

Pangalawa: iniiwasan niya ako nung sinabi kong balewala ang halik na yun saakin.

Pangatlo: ganyan ang reaction niya sa eksena namin ni Venus!

Positive! May gusto talaga ang chimay na yan saakin. BWAHAHAHAHAHA.

Kung sabagay, hindi narin nakakapagtaka yun. Ako si Jake Marquez, gwapo, mayaman,
sikat, malinis at mabango, halos lahat ng babae eh patay na patay saakin. Dionne’s
just a girl and I can’t blame her for falling for me.

“why are you smirking like that?”

Napatigil ako sa pag de-daydream ng magsalita si Venus. Nakatingin siya saakin na


akala mo eh tinubuan ako ng tentacles sa katawan.

“pake mo!” sabi ko sa kanya sabay talikod.


Sus if I know naiinlove din saakin tong isang to. Kung ang mala-dyosa ang gandang
babae ni Venus ay nainlove saakin, malamang sa alamang eh maiinlove din ang mala
chimay na gandang babae na si Dionne.

Ha! Pasimple pa siya dati! Alam ko na yung mga pangaasar niya saakin, yung mga
pambubwisit niya eh way niya para magpapansin sa gwapong tulad ko. Feeling niya
maiinlove ako sa kanya dahil doon. Sus asaness siya. =___=

Pero come to think of it, sa lahat ng mga babaeng naging patay na patay saakin,
siya na ang pinaka maswerte sa lahat. Aba araw araw ba naman siyang nasa tabi ko.
Nagkakaroon siya ng privilege na ipagluto ako ng pagkain, ipagtimpla ako ng kape,
ipaglaba ako at ipaglinis ako ng bahay. Minsan nga nagpapatulong pa ako sa kanya
mag bihis! Nakikita niya pa ang abs ko! Tingnan mo nga naman yang swerte ng chimay
na yan.

But come to think of it, hindi lang basta abs ko ang nakita niya! Nakita niya narin
yung..uhmm..you know, yung pinaka mahalagang parte ng lalaki. Naalala ko bigla yung
unang beses kaming nagkita ni Dionne. Naliligo ako nun at bigla siyang pumasok sa
banyo ko and she saw... everything.

Tsk tsk. Kala mo inosente pero umpisa pa lang pinagnanasahan na ako agad. =___=

Hay! Pagbigyan na lang yang chimay na yan. Hayaan ng i-bonus sa kanya ang katawan
ko tutal naman ngayon alam kong broken hearted siya saakin. Malamang umiiyak yun sa
kabilang kwarto. Nasasaktan na yun sa mga nangyari. Iniisip na niya na ano ba
namang laban niya sa ganda ni Venus di ba? BWAHAHAHAHAHAHA

Mapuntahan nga yung chimay na yun at ma-comfort.

Tumayo ako at naglakad palabas ng set papunta sa kabilang kwarto. Nakita ko naman
na nag aayos si Dionne ng gamit doon. Nilapitan ko siya at tinapik yung braso niya.
“chimay..”

“hmm?” sabi niya without bother looking at me

“bat ka sumigaw kanina sa set?” I ask her with an evil grin on my face

“h-ha? Ah.. eh.. u-uhmm k-kasi---“

Bago pa siya makatapos sa pagsasalita, hinila ko siya paharap saakin at hinawakan


yung waist niya.

“kasi nagseselos ka, yun ba yun?”

Iniwas niya yung mukha niya saakin

“a-ano b-ba y-yang sinasabi mo Japoy?”

“bat hindi mo ko matitigan?”


Hindi siya umimik kaya naman ang ginawa ko ay hinawakan ko yung chin niya at pilit
na iniharap yung mukha niya sa mukha ko.

Nagtama ang mga mata naming dalawa at biglang nabura ang nakakalokong ngiti sa
mukha ko.

Halata nga sa mata niya na galing siya sa iyak at parang any minute, meron na
namang tutulong luha dito. And the way she looks at me... it is full of sadness.

Agad agad akong napabitiw sa kanya at iniwas ko yung tingin ko.

I saw this kind of expression before, nung araw na dalhin ko si Dionne sa bahay
namin which turns out to be na dating bahay nila. The way na umiyak siya habang
tinatawag ang dad niya... parang biglang naramdaman ko din ang sakit.

One thing that I hate is seeing someone cries. Parang bigla kong nakikita ang mama
ko dati nung panahong wala siyang ibang ginawa kundi iyakan yung ama kong hindi ko
alam kung saang lupalop ng mundo nag punta.

“uhm J-japoy gutom ka na ba?”

Nilingon ko si Dionne at nakita kong nakangiti na naman siya saakin. Another fake
smile na parang napaka daming tinatago.

Pero kung dati, nalilinlang ako ng mga ngiting yun, bakit ngayon kitang kita ko ang
lungkot sa mata niya kahit nakangiti siya.
I took one step closer to Dionne at tinitigan ko maigi yung mga mata niya.

“uhmm J-japoy...”

Katulad ng dati, parang bigla na naman akong nawala sa sarili ko. Inangat ko yung
kamay ko then I touched her cheeks by the use of the back of my head.

Hindi kumikibo si Dionne, instead nakatitig lang siya saakin na parang nagtataka
kung ano ang ginagawa ko.

Parang bigla ko na lang siyang gustong yakapin ng mahigpit at i-comfort sa kung ano
mang hinanakit na dinadala niya.

Bakit kanina sobrang natutuwa ako sa thought na may gusto siya saakin at nasasaktan
siya ngayon dahil nagseselos siya? Pero bakit ngayong nakita ko ang mukha niya,
parang bigla din akong nakaramdam ng sakit? Ano ba tong nangyayari saakin?!

“nakakabaliw ka!” I shouted unconsciously

“h-ha?” takang takang tanong ni Dionne.

Agad kong inilayo ang kamay ko sa pisngi niya.


“uhmm.. a-ano eh n-nababaliw a-ako s-sa gutom”

“ah.. o-okay, aayusin ko na yung pagkain mo..”

“sige” sabi ko sabay talikod.

Tofu bat ba ko sumigaw?! Nakakahiya! >___<

Humarap ako kay Dionne..

“chimay!”

“hmmm?”

“a-ang panget mo!”

Pagkasabi ko sa kanya nun, lumabas ako agad ng kwarto at dumiretso sa labas ng


bahay para magpahangin saglit.
Pakshet ano bang nangyayari saakin? Why am I acting like that towards her?

May gusto ba ako sa chimay na yun?!

Napahawak ako sa magkabilang braso ko dahil para akong kinilabutan dahil sa


pinagiisip ko.

Si Dionne?! Type ko?! End of the world na ba? =___=

Ayun na ata ang pinaka imposibleng mangyari sa mundo. Mas possible pa na pumuti ang
uwak at maging itim ang snow eh. =___=

I mean kahit ma-trap kami sa isang isla, never akong maakit kay Dionne. Hindi siya
sexy, flat chested, hindi marunong mag ayos, mukhang dugyutin palagi. Paano siya
matitipuhan ng isang tulad ko diba? Diba? =___=

Pero bakit ka naapektuhan sa kanya?

Hindi kaya kinukulam ako ng babaeng yan?! O_____O

Baka naman pinapainom ako nun ng gayuma?!


Kailangan ko ng mag ingat sa kanya. >___<

Ay ewan! Kung anu-ano ng weirdong bagay ang pumapasok sa isip ko. Makakain na nga
lang ng lunch at baka mamaya gutom lang to. =___=

Pabalik na sana ulit ako sa loob ng bahay ng biglang may mahagip ang mata ko ng
isang pamilyar na tao sa park katapat nung bahay na pinag sho-shootingan ko.

T-teka, siya ba yun?

Tinitigan ko maigi yung manong na nag wawalis doon sa park. Nakasuot siya ng kulay
pulang damit at maong na pantalon. Kitang kita ko rin na tagaktak na siya ng pawis
dahil sa sobrang tirik ng araw.

Napatigil siya sa pagwawalis atsaka niya pinunasan ang pawis sa noo niya gamit yung
bimpong nakasabit sa balikat niya.

...at biglang nagtama ang mga tingin namin.

Kitang kita ko kung paano nanlaki ang mata niya at parang hindi niya malaman ang
gagawin niya ng makita niya ako.

Dali-dali akong tumakbo papalapit sa kanya.


“p-papa...”

Nung tawagin ko siya, nagulat naman ako ng tumakbo siya palayo saakin.

“s-sandali lang!!”

Hindi niya ako pinakinggan at tuloy parin ang pag takbo niya palayo na para bang
takot na takot siya saakin.

“uy oh si Jake Marquez yun di ba?! Yung artista!” narinig kong sigaw nung isang
babae

“oo nga tara magpa-picture tayo!”

Nagulat na lang ako ng may humarang na grupo ng mga babae sa dinadaanan ko.

“Jake pwedeng magpapicture sayo?”

“ha? Mamaya na lang” sabi ko sa kanila habang pinipigilan ko ang inis sa tono ko.

“sige na please isa lang talaga!”


Bago pa ako maka-angal, meron na namang panibagong grupo ang humarang saakin at mga
nagpapapicture din.

Napatingin ako doon sa way na tinakbuhan ni Papa. Nakita kong nakatayo na lang siya
sa isang sulok doon habang nakatingin saakin knowing na hindi ko na siya mahahabol.

He bowed his head to me at tuluyan na siyang naglakad palayo.

Para akong biglang pinanghinaan.

Mahigit sampung taon kaming hindi nagkita. Mahigit sampung taon niya akong hindi
nakasama. At ngayong nakita ko siya, bakit siya tumakbo palayo saakin? Bakit niya
ako iniwasan? Hindi ba siya masayang makita ang anak niya?

O baka naman...

...tuluyan na nga niyang kinalimutan na meron siyang anak?

****

A/N
LOL. lame update >.< ... pasensya na po kayo sa author na laging lutang.. medyo
pagod lang sa work.

Anyways, yung mga susunod po na chapters, magbibigay na ako ng madaming clue para
sa story na ito. Always remeber na every character of this story is very important.
Baka yung ibang akala niyo eh "extra" character lang ay siyang mag p-play ng big
role in the future :)

=================

Chapter 29 *comfort*

Chapter 29

*comfort*

[Dionne’s POV]

“saan ba nagpunta si Jake ha?! Bat mo ba kasi siya hinayaan umalis!!” sigaw saakin
ni Venus

“h-hindi ko talaga alam! Sabi niya saakin magpapahangin lang daw siya...”

“you useless freak!! Call him now!”

“naiwan niya yung cellphone niya..”


“Arggh! Then go outside and look for him! Ano to, ako maghahanap sa kanya para sayo
ha? Ako na ba ang chimay niya ngayon?! Bilisan mo at magsisimula na ulit yung
shooting!”

“o-ok!”

Dali-dali akong lumabas ng bahay kung saan nagsho-shooting ng movie sila Japoy.
Halos magiisang oras narin kasing hindi bumabalik si Japoy dito. Ang sabi niya
saakin magpapahangin lang siya sa labas pero nung lumabas naman ako para tawagin
siya na handa na ang lunch niya, wala siya doon. Inikot ko na yung buong bahay pati
narin yung garden, pero hindi ko siya makita. Wala rin naman nakakaalam kung saan
siya nagpunta. At ngayon, saakin nila hinahanap si Japoy at hindi ko malaman kung
saan siya nag punta. Nagagalit na nga sila saakin dahil hindi makapag start ang
shooting.

Pero wala man lang ni-isa sa kanila ang kabahan kung saan nag punta si Japoy. Halos
atakihin na ako sa takot dito dahil sa pagiisip ng iba't ibang bagay kung bakit
siya nawawala. :(

Sinubukan kong hanapin siya doon sa park baka sakaling doon siya nagpapahangin
kahit alam kong imposible na pumunta siya doon ng tanghaling tapat. Alam ko namang
ayaw na ayaw niyang naarawan at pinagpapawisan, pero nagbakasakali parin ako. Wala
naman din kasi siyang ibang pagtatambayan eh.

Hay nasaan na kaya si Japoy? Bakit kasi bigla na lang siyang nawala :’(

Tumawid ako doon sa park na nasa tapat ng bahay kung saan kami nag sho-shooting
tapos nag ikot ikot ako doon. May nakita naman akong tindero ng taho at cotton
candy doon na busy sa pagkukwentuhan. Agad ko silang nilapitan para magtanong.
“uhmm manong nakita niyo po ba si Japoy?” tanong ko sa kanilang dalawa

“Japoy? Sinong Japoy?” sagot naman ni manong na nagtitinda ng taho

“Ah si ano po.. uhmm si Jake Marquez..?”

“yung artista?” tanong naman ni manong cotton candy

“opo! Siya nga po! Yung artista na sikat, gwapo, mayaman, malinis at mabango!” ^__^

Nagkatinginan yung dalawang manong sa harap ko at bigla na lang silang humagalpak


ng tawa.

“HHAHAHAHAHAHAHAHAHA. Miss may sayad k aba?!”

“HAHAHAHAHAHAHAHAHA baka naman avid fan ni Jake Marquez? HAHAHAHA”

“e-eh..?”

“paano mapupunta ang isang Jake Marquez dito sa lugar na ito ah? Sa sobrang sikat
nun, hindi yun maglalakad ng basta-basta lang sa park na ito..”
“uhmmm k-kasi may shooting po kami doon sa kabilang bahay..” pagdadahilan ko naman
sa kanila

“shooting? Naku kung mag sho-shoot man sila dito eh malamang nasa lugar yun kung
saan may aircon” sabi nung nagtitinda ng taho saakin

“balita ko masyadong maarte yung artistang yun eh. Kalalaking tao napaka arte..
Kahit daw sa mga fans diring diri yun!” sabi naman nung nagtitinda ng cotton candy

“tama! Tsaka pare-pareho lang yang mga artistang yan eh! Palibhasa ang yayaman!
Masasama ugali niyan!”

“tama! Tsaka kung makapagsalita sila sa TV kala mo napaka ha-humble pero sa totoong
buhay, napakababa ng tingin nila sa mga fans!”

Napasimangot naman ako sa sinabi nung dalawang tindero “mga manong, sana hindi
maging mapait yang mga paninda niyo. Ang bi-bitter niyo po kasi eh. Wag niyo
husgahan yung tao kung di niyo naman siya kilala ng personal!” pagkasabi ko sa
kanila nun, agad ko na silang tinalikuran.

Nakakainis naman yung dalawang yun. Bat grabe naman sila magapagisip ng ganun. Oo
nga may pagka maarte si Japoy, pero hindi totoo na diring diri siya sa mga fans
niya. Alam ba nila kung paano iniyakan ni Japoy ang isang batang taga hanga niya na
namatay dahil sa cancer?

Hay. Karamihan na talaga ng mga tao ngayon, grabe makapang husga. Nakakabadtrip.
“idol mo ba talaga si Jake?”

Napalingon ako doon sa nagsalita at nakita ko ang isang middle-aged man na nakaupo
sa may bangketa.

“kanina ko pa naririnig yung pinaguusapan niyo, grabe mo siya ipagtanggol doon sa


dalawang lalaki. Fan ka ba niya?” tanong saakin nung matanda

Nilapitan ko naman siya at tumabi ako sa kanya “hmm fan? Siguro po fan talaga ako
ni Japoy”

Nakita kong napangiti yung lalaki dahil sa sinabi ko.

“bat po kayo napangiti?” tanong ko sa kanya

“wala lang, tinawag mo kasi siyang Japoy eh”

Napatakip naman ako bigla ng bibig. Oo nga pala ayaw ni Japoy na may nakakaalam nay
un ang nickname niya kasi according sa kanya, ang baho daw. Ang cute kaya ng Japoy
=__=
“ahmm a-ano po k-kasi, y-yun ang pang asar ko sa kanya!” sabi ko doon kay manong
“kaso baka hindi naman kayo maniwala na kilala ko siya personally..”

“naniniwala ako sayo. Uhmmm ano bang klase tao siya?”

“si Japoy? Mayabang, mainitin ang ulo, suplado, laging sumisigaw, saksakan ng arte
at alcohol freak!” proud na proud kong sabi doon sa manong

Nakita ko namang halos malaglag siya sa kinauupuan niya ng dahil sa mga sinabi ko
“e-edi t-totoo nga yung mga sinabi nung mga tindero kanina?!”

Napailing ako “hindi po. Opo maarte si Japoy, pero hindi totoong diring diri siya
sa mga fans niya. Medyo may pagka mahangin siya pero hindi mababa ang tingin niya
sa ibang tao. Alam niyo po ba dati, nagkaroon ng fan si Japoy na bata. Yung batang
yun may sakit na cancer. Alam niyo po ba, kahit ayaw ni Japoy pumunta sa mga lugar
katulad ng zoo, dahil sa request ng batang iyon, pumayag si Japoy. Nung mawala sa
mundo yung batang yun, nakita ko rin kung gaano siya nalungkot.”

Tinignan ko yung manong at nakangiti siya habang nagkukwento ako

“isa pa nga pala, alam niyo ba kahit puro pang mayayaman ang kinakain ni Japoy,
nung dalhin ko siya sa may karinderya na may ihawan, sarap na sarap siya sa pagkain
nun. Grabe! Nakakatawa talaga siya! Tawag niya pa sa isaw ay bulate! Hahahahaha”
masayang masaya kong kwento sa kanya

“buti naman lumaki siya ng ganun...” napatingin ako ulit kay manong at halos
magulat ako ng biglang may tumulong luha sa gilid ng mata ko “at buti na lang din
may kaibigan siyang tulad mo..”

“t-teka manong! B-bat po kayo umiiyak?! Hala! Teka! K-kilala niyo po ba si Japoy ng
personal?!”

Pinunasan niya ang tumulong luha sa pisngi niya then nginitian niya lang ulit ako
“di ba hinahanap mo siya?”

Napatayo ako bigla ng maalala ko ang dahilan ng pagpunta ko dito sa park “oo nga
pala! Hala! Saan na kaya nagsuot yung lalaking yun?!”

“nakita ko siyang pumunta doon sa may dulo nitong park..” sabi niya sabay turo doon
sa lugar kung saan maraming puno

“salamat po!” agad agad naman akong tumakbo papunta doon.

Naku naman! Nasaan na kaya yun?! Tsaka ano ang ginagawa niya sa lugar na ito?! At
kung magpapahangin siya, bakit naman siya pupunta dito sa part ng park kung saan
puro puno?!

Agad kong nakita si Japoy na nakaupo sa likod ng isang malaking puno kaya naman
nilapitan ko siya aga.
“Japoy!” umupo ako sa harap niya para mas masilip ko ang mukha niya “uy Japoy!
Anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa hinahanap sa set”

Hindi sumagot saakin si Japoy, instead naka yuko lang siya at iniiwas ang tingin
niya saakin. Nakita ko namang may tumulong pawis sa may noo niya. Mukhang kanina pa
siya ditto. Tanghaling tapat pa naman at ang taas ng araw.

Nag labas ako ng panyo sa bulsa ko at ipinunas sa noo ni Japoy.

“s-salamat” rinig kong bulong niya

“naku tignan mo yung kamay mo oh, ang dumi” kinuha ko sa bag ko yung alcohol niya
na lagi niyang pinadadala saakin “ito oh, Alcohol..”

Nakita kong napatingin si Japoy doon sa inaabot ko sa kanya then inangat niya ang
ulo niya at napatingin saakin. Doon ko lang napansin na para bang galing sa iyak si
Japoy.

“J-japoy.. o-okay ka lang ba?”

“Dionne..” he stretched his hands at akala ko para kunin yung alcohol sa kamay ko.
Pero nagulat ako ng hawakan niya ang wrist ko at hilahin ako papalapit sa kanya
atsaka ako niyakap ng mahigpit na mahigpit.

“J-japoy.. m-may problema ba?”


“di ba kumakanta ka sa simbahan?”

“h-ha?”

“pwede bang kantahan mo ako.. kahit isang kanta lang.. kahit hanggang chorus
lang..”

Ramdam na ramdam ko ang lungkot sa tono ng boses ni Japoy. Hindi ko alam kung anong
nangyari pero nararamdaman ko na para bang may masakit na nangyari kay Japoy
ngayon.

Niyakap ko rin siya ng mahigpit at walang tanong tanong, sinimulan kong kantahin
yung unang kantang pumasok sa isip ko.

“Darling

you 're hiding in the closet once again,

start smiling”

Hinimas himas ko ang likod ni Japoy to comfort him.

“I know you're trying

real hard not to turn your head away

pretty darling
face tomorrow, tomorrow is not yesterday

Yesterday oh oooooh“

Naramdaman ko naman na mas isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko at mas
hinigpitan niya ang yakap niya saakin.

“Pretty please

I know it's a drag

wipe your eyes and put up your head”

Habang nakayakap siya saakin, nararamdaman ko ang panginginig ng katawan niya kaya
naman katulad niya, mas hinigpitan ko rin ang yakap sa kanya.

“I wish you could be happy instead

There's nothing else I can do

But love you the best that I can

yeah yeah yeah yeah”

“ang ganda pala ng boses mo...” halos pabulong niyang sabi saakin “ngayon lang kita
narinig kumanta. Kung alam ko lang na ganyang boses ang maririnig ko, edi sana
Linggo Linggo narin akong nagsisimba...”
“Uhmm Japoy..”

“it comforts me. Thank you Dionne..”

“Japoy.. a-anong problema?..”

Hindi sumagot si Japoy but instead, he just buried his face in my shoulders at
naramdaman ko na lang ang panginginig ng katawan niya.

“Japoy?”

“Dionne.... Bakit ganun..?” hindi niya na natuloy ang sinasabi niya dahil napalitan
na ng mga hikbi ang boses niya.

At sa pangalawang pagkakataon... nakita kong humagulgol sa harap ko si Japoy

****

A/N
Hello dears. Again salamat po ulit sa patuloy na nagbabasa nito. Ayun, para po doon
sa mga nag eexpect ng madaming updates dahil sembreak na, ipagpatawad niyo po dahil
hindi na po ako student. Nagtatrabaho na po ako and wala kaming sembreak sa work.
Mismong mga holiday may pasok kami. And lalo na ngayon, mag Chi-Christmas kaya
naman po mas magiging busy. So ayun po, sana po ay maintindihan niyo ako :)

And para rin po pala sa mga nagpapa dedicate dito sa AiD, sorry na, ang dami na po
kasing nagpapa dedic at mukhang di na aabot yung nasa list ko sa estimated number
of Chapters nitong story ko. Sorry po.

Sa mga nag p-pm naman po saakin.. tweet me instead na lang >> @iamalyloony << hehe
mas madali mag reply diyan eh XD

=================

Chapter 30 *Request*

Mensahe ni Majinbu

Sorry po for the very very late update. Busy lang po sa work. Salamat sa mga nag-
antay!

***

Chapter 30

*Request*
[Dionne’s POV]

“hay buhay parang life..” nag buntong hininga ako then napatingin ako doon sa
malaking cross sa harap ko “God, kung ano man po ang problem niya sana tulungan mo
siya” bulong ko.

Nandito ako ngayon sa church para sa practice namin ng choir. Day-off ko today at
kahit na ayokong umalis sa bahay para samahan si Japoy, mas pinili kong pumunta
dito dahil hindi ko rin naman dapat kalimutan ang duties ko sa simbahan. At dahil
medyo napaaga ang dating ko, mag-isa pa lang ako ngayon dito at inaantay ko yung
ibang choir members. Nag stay muna ako sa loob ng simbahan at naupo sa isa sa mga
benches doon habang nagiisip ng malalim.

Hanggang ngayon wala parin akong idea kung bakit umiiyak nun si Japoy ng makita ko
siya sa park. Nung makauwi kami ng araw na yun, ni hindi na niya binanggit saakin
yung dahilan. Nag kulong lang siya sa kwarto niya magdamag. Gusto ko sanang
tanungin siya kaso malakas ang pakiramdam ko na ayaw niyang pagusapan ang bagay na
yun at kailangan niyang mapag-isa.

Pero sana lang i-open niya saakin. Gusto kong makatulong sa kanya at nasasaktan din
ako pag nakikita ko siyang nalulungkot.

Hay. Mahal ko na ata talaga siya.

After a few minutes, nakarinig ako ng kotse na pumasok sa may bakuran ng simbahan
kaya naman tumayo ako at naglakad palabas para silipin kung sino yung dumating.
Pagkalabas ko naman ng simbahan, nakita kong may naka-park doon na isang malaking
sasakyan at sa labas nun, may isang babaeng busyng busy na ginagamit ang cellphone
niya. Nung una, hindi ko siya masyadong mamukaan, pero nung inangat niya ang ulo
niya, doon ko lang napansin na si Ashley pala to.

(A/N: kung sino po yung hindi na nakakatanda kung sino si Ashley, siya po yung
friend ni Dionne sa church na kasamahan niya rin sa choir. Go back to chapter 4
^__^ )

Nilapitan ko naman agad si Ashley

“Uy Ashley nandiyan ka na pala!” bati ko sa kanya then tinapik ko siya sa balikat

Napatingin saakin si Ashley at doon ko lang napansin na naka make-up pala siya ng
maayos ngayon. Usually kasi, pag pumupunta dito sa simbahan si Ashley, hindi naman
siya nag m-make up.

“ayos na ayos ka ngayon ah” sabi ko sa kanya tapos napatingin ako sa damit niya.
Naka top and shorts lang siya “uhmm kaso baka pagalitan ka ni Kuya Romy kasi naka
shorts ka lang na papasok sa simbahan”

Nginitian naman ako ni Ashley “I know we really looked alike but I think I’m
prettier than her though”

Bigla naman ako naguluhan sa sinabi niya “h-ha?”


She giggled “sorry. I’m not Ashley”

“e-eh?! T-teka w-wait p-paanong---“ bago ko pa matapos yung sasabihin ko, may
bumaba bigla doon sa kotse at nakita ko ang isa pang kamukha ni Ashley.

“Oh Dionne!” bati nito saakin

Napaturo ako sa kanya “A-ashley..?”

“she is Ashley” sabi naman nung babaeng napagkamalan kong si Ashley then tumingin
siya doon sa babaeng kabababa lang sa kotse “twin, she thought I am you! Hahaha!”

Nakita ko namang natawa rin si Ashley “you can’t blame her! We’re twin sisters
after all!”

“ah.. kakambal ka pala niya!” sabi ko sa kanya “sorry”

“It’s okay! I’m Althea by the way!” sabi niya then she stretched out her hand

“Ako naman si Dionne!” sabi ko then nakipag shake hands din ako sa kanya.
“sige Dionne, alis na ko. Inihatid lang namin si Ash dito” tumingin naman si Althea
kay Ashley “take care twin sis! Your prince charming will fetch you later!” sabi
niya sabay kindat

“T-thea!”

Tumawa lang si Althea st sumakay narin sa kotse nila

“sorry about that” sabi saakin ni Ashley habang naglalakad kami papasok ng simbahan
“sobrang kulit lang talaga niyang si Thea. Naku kahit magkamukhang magkamukha kami,
sobrang opposite naman naming dalawa”

Napangiti ako bigla sa sinabi ni Ashley “kung sabagay, kami din ng kuya ko sobrang
magkaiba ang hilig namin, pero kahit ganun masaya parin ako na nagkaroon ako ng
kapatid na tulad niya”

“hmm sigurado ako na ang gwapo ng kuya mo! Kasi maganda ka eh. Siguro nung buhay pa
siya ang dami niyang naging girlfriend no!”

“haha naku hindi rin! Kasi busy siya nun mainlove sayo! Hahahaha!”

Bigla naman natigilan si Ashley at napalingon saakin “mainlove saakin?”

Napatigil naman ako sa pagtawa ng marealize ko yung sinabi ko kay Ashley. Ay isda!
Nadulas ako >__<
“ah hehehehe j-joke lang! joke lang!” sabi ko kay Ashley while faking a laugh

“ah hehe nagulat ako doon!”

“hehehe”

After that, me and Ashley walked in silence hanggang sa makarating kami sa loob ng
simbahan. Napakadaldal ko nga naman, siguro kung pwedeng magalit sa heaven eh
malamang galit na galit na ang kuya ko saakin dahil sa kadaldalan ko. >__<

Mahal na mahal ni Kuya Dylan si Ashley dati pa lang. Palagi na lang niya ito
tinitignan sa malayo tapos madalas din siyang mag stay noon sa simbahan pag may
practice ang choir para marinig lang ang pagkanta ni Ashley. Sabi ni Kuya dati,
marinig lang niya ang boses ni Ashley na kumanta, parang nagkakaroon narin siya ng
lakas ng loob nun para kaharapin yung sakit niya. Yun nga lang, kahit mag pakilala
si Kuya kay Ashley, ayaw na niyang gawin.

“masasaktan lang siya pag nawala ako..” sabi saakin ni kuya nung pilitin ko siya na
umamin na at magpakilala kay Ashley “alam ko at alam mo kung gaano kasakit ang
maiwan Dionne, at ayoko ng iparamdam pa sakanya yun. Ano pang silbi na magpakilala
ako sa kanya ngayon, na ligawan ko siya ngayon, kung bilang na ang oras ko sa
mundong to”

“P-pero kuya Dylan..”

“Dionne, o-okay lang ba na pag nawala ako, uhmm m-mag pakilala ka sa kanya at
bantayan mo siya? P-para bang kaibiganin mo siya and be there for her pag masaya
siya at pag malungkot siya. Please..”
Nginitian ko siya “sige kuya, promise yan..”

At ayun ang dahilan kung bakit ako napasali sa choir na ito. Pero siguro kahit na
hindi hilingin yun ni Kuya, sasali parin ako sa choir at alam ko na magiging
kaibigan ko rin talaga siya because Ashley is such a nice person at naiintindihan
ko narin si kuya kung bakit siya nagkagusto dito.

Napatingin ako kay Ashley na this time, busy na sa pagtugtog ng piano. Mukha naman
siyang masaya ngayon eh. At alam ko, Ashley is also living a good life with no
worries. Siguro sa ngayon, hindi niya muna ako masyadong kailangan.

Pero meron isang taong alam ko, nangangailangan ng tulong ko. Alam ko na yung taong
yun, sa kabila ng kasikatan at karangyaan, ay may isang mabigat na bagay na
dinadala.

“sorry kuya” bulong ko sa sarili ko “pero gusto ko rin munang bantayan yung
lalaking yun... yung lalaking mahal ko.”

[Maisie’s POV]
Hay nakakawindang. Anong gagawin ko? >__<

Napatitig ako doon sa brown envelope na nasa harapan ko. Sa harap nito ay isang
offer galing sa isang sikat na fashion company sa France. Sa totoo lang, matagal ko
ng pangarap na makapag trabaho sa kumpanya na ito.. pero ngayon parang nag aalangan
akong umalis ng bansa.

Lalo na ngayon na bumalik na ang dati naming samahan ni Rui.

Ay tofu yan! Rui na naman! Isang malakaing opportunity na tong nasa harap ko oh
tapos may plano pa akong palagpasin dahil sa isang lalaking ni hindi ako magawang
mahalin?!

Napaka galing mo talaga Maisie! =___=

Para madistract ako sa pagiisip, kinuha ko na lang yung cellphone ko para maglaro
ng bigla naman itong mag ring.

Calling...

Rui

Pagkakitang pagkakita ko pa lang ng name niya, dali-dali ko ng sinagot yung tawag.


“hello? Rui?”

“moshi moshi Maisie-chan! May ginagawa ka ba ngayon?”

“ha? Ah wala naman, bakit?”

“tara dinner sa labas! My treat!”

Parang bigla naman nag ningning ang mata ko, hindi dahil sa treat kung hindi dahil
makikita ko ulit si Rui.

“sure! Saan?”

“sa Eastwood ulit. Yung favorite restaurant natin!”

“sige ba! See you later”

“alright! Ja ne!” after that, he ended the call.

Dali-dali naman akong kumaripas ng takbo papunta sa banyo to take a quick shower.
Nung matapos akong maligo, kinuha ko yung dress na kabibili ko pa lang at isinuot
ito. Medyo nagpaganda din ako at ng matapos na ako sa pagaayos, I looked at myself
in the mirror.

Maganda naman ako eh. Siguro papasa na ako sa taste ng karamihan. Pero bakit kaya
hindi parin mahulog-hulog saakin si Rui?

Hay. Nakakaasar naman! Sabi ko mag mo-move on na ako pero bakit hanggang ngayon eh
hindi ko parin magawa-gawa?

Ganun ko ba talaga siya kamahal?

Hay nakakainis talaga yung Hapon na yun! Ano bang meron sa kanya at nagustuhan ko
siya ng husto!

Kesa magmukmok ako, inayos ko na yung gamit ko then bumaba na ako sa living room
namin. Nagulat naman ako ng madatnan ko si Kuya Jake doon na nakaupo habang
nanunuod ng TV.

“oh kuya, why are you here?”

“dito rin ako sa bahay na to nakatira kaya ako nandito!”

“taray nito! Eh ni hindi ka nga mapauwi ni mommy dito eh!”


Iniwas ni Kuya ang tingin niya saakin “w-where is mom?”

“nasa business trip kasama si daddy, bakit?”

“ah wala.. sige akyat muna ako sa kwarto ko"

“ay teka! Si Dionne bat di mo kasama...?”

“I cannot bring her here...”

“huh?”

“ah I mean, it’s her off today”

“I see..”

After nun, umakyat na si Kuya Jake at dumiretso siya sa kwarto. Bat para atang ang
gloomy ng isang yun ngayon? Nakakapagtaka..

Dumiretso narin ako sa parking lot namin at sumakay sa kotse ko at pinaandar ito
papunta sa Eastwood. Ng makarating naman ako doon, nakita kong nagaantay na saakin
si Rui.

“Maisie!” tawag niya saakin sabay kaway.

Nilapitan ko naman siya habang hindi maalis ang ngiti sa labi ko.

“sorry matagal ka bang nag antay?”

“hindi naman! Tara ikot-ikot muna tayo?”

“sure”

“okay let’s go!” sabi niya sabay akbay saakin

As usual, madikit lang siya ng ganitong kalapit saakin, halos tumambling na ang
puso ko sa sobrang bilis ng pagtibok nito. Akala mo nakikipag karera ang mga ito
eh.

Weird. I’ve been in love with this guy for almost 5 years already, but his effect
on me is still the same..

Naglakad lakad muna kami ni Rui around Eastwood at nagtingin-tingin na rin ng mga
damit doon sa loob ng mall. As usual, habang naggagala kami, pinagtitinginan siya
ng mga tao.

“hay naku ang hirap magkaroon ng best friend na sikat” bulong ko sa kanya

“haha don’t mind them Maisie-chan. Tara pasok tayo sa shop na yun” sabi ni Rui
sabay hawak sa kamay ko.

Bigla naman ako napahinto sa paglalakad kaya napabitiw bigla si Rui sa pagkakahawak
niya sa kamay ko.

“Maisie, is there any problem?”

“ah k-kasi b-baka ma-issue na naman tayo..”

Nakita ko naman na ngumiti si Rui saakin at kinuha niya ulit ang kamay ko “then
hayaan mo ng ma-issue ulit tayo” sabi niya sabay kindat.

Napangiti lang din ako sa kanya at hinayaan kong hawakan niya ang kamay ko and
again ayaw na naman mawala ng napakalawak na ngiti sa mukha ko. Bakit ba
nakakakilig? Isang ngiti lang niya, isang hawak lang niya sa kamay ko eh
nagkakaganito na ko? Parang gusto kong magtititili sa sobrang saya.

At itong kasiyahan na to, parang ang hirap iwanan. Para atang hindi ko kakayaning
tanggapin yung offer saakin na magtrabaho sa France ah.
Nung medyo mapagod kami ni Rui sa pag-iikot, naupo muna kami sa isa sa mga benches
sa gitna ng Citywalk para magpahinga.

“Maisie thank you sa pag payag mo na makipag kita saakin dito ah. Sabi ko kakain
lang tayo ng dinner, pero nayaya pa kita mag ikot.”

“okay lang yun no, wala naman akong ginagawa sa bahay eh tsaka isa pa nag enjoy
naman ako”

“uhmm a-actually m-may sasabihin din ako sayo eh..”

“ano yun?” nilingon ko si Rui at nakita kong seryosong seryoso ang mukha niya

Biglang nag buntong hininga si Rui atsaka siya lumingon saakin “Maisie, I know na
napaka-kapal ng mukha ko para sabihin sayo to after all that had happened between
us. P-pero napakatanga ko para ngayon lang marealize tong bagay na to..”

Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko at para akong kinakabahan sa sasabihin
saakin ni Rui.

“Maisie,” nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at tinitigan niya ang
mga mata ko sabay bitiw ng mga salitang...
“I need you...

...to help me court Dionne.”

(to be continued..)

**

tweet me if you like >> @iamalyloony

=================

Chapter 31 *trapped*

Mensahe ni Majibu

Sorry na po doon sa mga nagpapa dedicate ng Angel in disguise. Hindi ko na po kayo


lahat mabibigyan ng dedication kasi ang dami na naka-line up sa list ko. Baka hindi
na kayanin ng mga remaining chapters. Salamat <3

***
Chapter 31

*trapped*

[Maisie’s POV]

“I need you. . . . to help me court Dionne..”

Nag ba-vibrate sa tenga ko ang sinabi saakin ni Rui. Halos mabingi na ako sa
kinalulugaran ko. Isang simpleng salita pero para bang isang malaking granada ang
sumabog sa tenga ko ng marinig ko ito.

“Maisie-chan. . . .?”

“ah hehe b-bakit k-ka naman s-saakin nagp-papatulong e-eh hindi naman kami
masyadong close ni Dionne?”

“wala naman talaga akong ibang malalapitan kundi ikaw eh. I mean, hindi mo naman
kailangan gumawa ng paraan para paglapitin kami, I-I just want to ask f-for advice.
Sa mga ganung bagay lang”

I force a smile “ah I see. T-then if you need an advice, I’ll be there for you”

Nakita kong lumawak ang ngiti ni Rui then bigla na lang niya akong niyakap ng
mahigpit.

“thank you Maisie! Salamat talaga ng madami! You’ll always be my best-est friend
ever!”

Always..

Tama. Ano ba tong iniisip ko? Bakit kahit ilang beses na akong nasaktan lagi na
lang akong umaasa na magugustuhan ako ni Rui. Limang taon, limang taon na puro na
lang sakit ang naramdaman ko ng dahil sa kanya, but still, sa loob ng limang taon,
siya parin talaga ang gusto ko.

Kinagat ko ang labi ko to prevent myself from crying. Alam ko kasi na the moment I
cried infront of him, the moment na malaman niyang may gusto parin ako sa kanya, ay
yung panahong tuluyan na akong bibigay ng dahil sa sakit.

That night, pinilit kong tumawa at magpakasaya kasama si Rui habang unti unti akong
nadudurog sa loob loob ko. Buti na lang nung pauwi na kami, hindi na niya ako
pinilit na ihatid dahil pareho kaming may dalang kotse nun.

Pagkasampang pagkasampa ko sa kotse ko, nawala ang ngiti sa labi ko and mas
naramdaman ko ang bigat sa pakiramdam ng mga nangyari. Kaso ang nakakapagtaka lang,
ayaw ng bumagsak ng mga luhang kanina ko pang pigil na pigil ilabas. Para bang
nalipat narin yung mga luhang yun sa bigat ng pakiramdam ko.

Pinaandar ko na yung sasakyan ko then dumiretso na ako sa bahay namin. Pagdating ko


naman doon, nagulat ako na nandun parin si Kuya Jake. Mukha atang dito na niya
plano matulog ah.

“oh kuya nandiyan ka pa pala” sabi ko sa kanya without looking at him

“hinintay ko sila mommy, hindi pala sila uuwi ngayon” sabi ni kuya saakin

“ah ok. Sige akyat na ako sa kwarto...”

Tinalikuran ko si Kuya Jake at paakyat n asana ako ng bigla niyang hatakin ang
braso ko.

“let me guess... may ginawa na naman sayo yung Hapon na yun no?” sabi ni Kuya
saakin

“A-ano bang sinasabi mo?” hinatak ko yung braso k okay kuya pero mas hinigpitan
niya ang hawak doon

“wag kang magsinungaling”


“a-ano ba kuya Jake! Bitawan mo nga ako! I’m tired and I want to sleep!”

“lagi ka na lang bang aasa?”

Bigla na lang akong natigilan ng dahil sa sinabi ni kuya Jake. Para bang bigla na
lang akong natauhan sa tinanong niya saakin. And with that, bumuhos na lang bigla
ang luha ko na kanina pa pigil na pigil lumabas sa mga mata ko,

“Maisie...” nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Kuya Jake while tapping the back
of my head. Binigyan ko din siya ng isang mahigpit na yakap habang patuloy ang
pagiyak ko.

This is my first time crying on my brother’s shoulder.

"hay ano ba kasi ang nangyari?" tanong ni Kuya Jake

“kuya alam mo ba, sumakay ako sa jeep. Dahil wala akong barya, buo yung ibinayad
ko. Pero alam mo yung nakakainis? Ni-hindi ako sinuklian nung driver. Kahit piso..
kahit isang sentimo wala. Nanakit na nga yung lalamunan ko kakahingi ng sukli ko
pero hindi parin niya ako pinansin. Wala tuloy natira saakin ni katiting..”
napahikbi ako “lesson learned, ayoko na magbigay ng buo sa isang taong hindi naman
ako susuklian..”

Narinig kong nag buntong hininga si kuya “bat ka naman kasi nag jeep kung may
sasakyan ka naman” bulong ni Kuya saakin
Hindi ko alam pero bigla na lang ako napangiti sa sinabi niya “kuya naman eh!”

“Maisie, sa France walang jeep, walang madudugas na jeepney driver..” humiwalay si


Kuya sa pagkakayakap niya saakin “don’t ever choose a guy over your future”

Napayuko ako. Siguro nga tama si Kuya Jake. This time it’ll be best kung ang
tanging iisipin ko na lang ay ang sarili ko.

Dapat na talagang tigilan ko ang katangahan na to. Hanggang dito na lang ang kaya
kong marating. Hindi ko na kaya magtiis. Gusto ko ng makalimutan si Rui.

At alam ko, magagawa ko lang yun pag tuluyan na akong lumayo sa kanya.

[Venus’ POV]

“sabi dito sa libro, malalaman mo daw na in love ka kapag nakikita mo yung taong
yun, bumibilis yung tibok ng puso mo, tapos pag nginitian ka niya, feeling mo nasa
heaven ka na. Kada magkakadikit ang mga balat niyo, akala mo nakukuryente ka tapos
araw-gabi, laging siya ang nasa isip mo, then bigla ka na lang mapapangiti mag isa
dahil maalala mo lang siya, kinikilig ka na!”

“uwaaaaaaaa! Then In love na ko kay Rui Ashiya at kay Jake Marquez! I’m positive!”

“gaga aagawan mo pa ko! Akin silang dalawa no!”

Napairap ako at lumipat ng pwesto dala-dala yung script na binabasa ko dahil hindi
ako makapag concentrate sa ginagawa ko dahil ang lalakas ng boses nung dalawang
make-up artist na pareho namang puro kalandian at ka-kornihan ang alam pagusapan.

Itinuloy ko yung pagbabasa ng script doon sa dressing room ko. As usual, maaga na
naman akong dumating sa set. Wala pa yung ibang cast ng movie na shino-shoot namin.
Napatingin ako sa orasan, 45 minutes pa bago ang call-out time. Anong oras kaya
dadating si Jake?

Nung last time kami nagkita, parang hindi siya okay. Para bang may malalim siya na
iniisip. I tried asking her annoying chimay pero wala din naman daw siyang idea sa
kung ano ang nangyari kay Jake. Kung sabagay, ano nga ba naman alam ng chimay na
yun? Inaksaya ko lang ang laway at ilang segundo ng buhay ko sa pagtatanong sa
kanya.

Pero ano kaya ang nangyari doon sa lalaking yun? Napaka good mood pa naman niya
before mag start ang shooting namin nung araw na yun.

Speaking of shooting nung araw na yun, hindi ko alam kung bakit pero ayaw mawala sa
isipan ko ang scene na ginawa namin ni Jake. Para bang paulit-ulit na nag re-replay
sa isip ko yung mga mapang-akit niyang tingin saakin, kung paano niya dahang dahang
idinampi ang labi niya sa labi ko, kung paano bumaba ang mga labi niya papunta sa
leeg ko...

Napahawak ako bigla sa mukha ko dahil pakiramdam ko parang bigalng nag init ito.
Napatingin din ako bigla sa salamin at nakita ko na lang na nakangiti ako.

Bigla-bigla na lang nag flashback sa isip ko yung sinabi nung isang make-up artist
kanina.

“...araw-gabi, laging siya ang nasa isip mo, then bigla ka na lang mapapangiti mag
isa dahil maalala mo lang siya, kinikilig ka na!”

Napailing ako bigla. Kinikilig? Why would I?! Hindi ko naman gusto si Jake kaya
imposible na kiligin ako sa kanya! No! hindi ko siya gusto!

Kinuha ko yung bote ng mineral water sa bag ko then ininom ko to habang nagpapaypay
sa sarili. Ano ba tong mga pinagiisip ko, napaka creepy! =___=

“Venus?”

Napatingin ako bigla sa pumasok sa room ko and nakita ko si mommy kaya naman agad-
agad akong napatayo para salubungin siya.

“m-mom! You’re here!” sabi ko sabay halik sa pisngi niya


“how are you doing?” she asked me with a straight face

“g-great! I’m doing great!”

“I saw you on T.V last night. Tinuloy mo parin talaga ang pag g-guest doon sa night
news show na yun no?”

Iniwas ko ang tingin ko kay Mommy and hindi ko siya sinagot.

“Once is enough Venus. Tama ng nakapag guest ka doon ng isang gabi. Mag quit ka na”

“b-but mom, ang usapan po namin is one month..”

“okay then, kung hindi mo kayang mag quit, ako na lang mismo ang kakausap sa
kanila”

“no mom! Don’t! P-please pag bigyan niyo na po ako, i-isang buwan lang naman po eh.
Promise isang buwan lang.. after that, hindi na ko o-oo pa sa kahit anong offer
saakin mag host or mag newscast!”

Nakita kong parang mas nanlisik ang mata ni mommy at alam ko, hindi siya papaya sa
sinasabi ko but still, I want to convince her. I badly want to be a newscaster.
Kahit sa loob lang ng isang buwan maranasan ko yun, magiging masaya na ako. Isang
buwan lang okay na para saakin... sana mapagbigyan niya ako.

“I said no Venus! Ano bang mahirap intindihin doon?!”

“b-but mom---!”

“you’re an actress not a freaking host or newscaster!”

“p-pero di ba po may mga artista naman na gumagawa nun? Why can’t I do both?” I ask
her in desperation

“dahil ayoko Venus! Enough with this already! Just do what I say!”

Natigilan ako bigla sa sinabi ni mommy. Tinitigan ko siya sa mata while she stares
me back with full authority---na para bang sinasabi saakin ng mga mata niya na wala
na akong magagawa, hawak na niya ang buhay ko, siya na ang mag dedesisyon ng lahat
para saakin.

Napahinga na lang ako ng malalim “mom, hindi po ako isang de-susing laruan. May
kakayanan po ako magisip sa kung ano ang gusto ko. Mom, this is my life. Please let
me decide on what I want to do with it..”

“how dare you say such things?!” she shouted at me at kitang kita ko ang galit sa
mata niya “pagtatalunan na naman ba natin to ha?! I’m doing this for your own
good!! Alam ko ang tama sa mali kaya makinig ka saakin!!”
“no mom, you’re not doing this for my own good. You’re doing this for ate
Athena...”

“w-what?!—“

“you’re doing this because you can’t still get over her death! You’re doing this
because up until now, you’re still blaming me for that accident! But mom, gaano mo
pa ba ako katagal parurusahan sa isang kasalanan hindi ko naman talaga ginawa?”

Nakita ko ang gulat sa mukha ni mommy dahil sa mga katagang binitiwan ko. Alam ko
na hindi magandang pagsalitaan ang isang magulang ng mga ganitong bagay, pero
sobrang sakit na, sobrang nasasakal na ako. She took my freedom away from me, at
hindi ko na kinakaya to.

“VENUS!!!” she shouted then nakita ko ng itinaas niya ang mga palad niya.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko habang inaantay ko na sampalin niya ako pero
nagtaka ako ng wala paring dumadapong palad sa pisngi ko.

Napadilat ako at nakita kong may nakapagitna na saaming dalawa.


It’s Dionne.

“wow! Ang ganda naman po ng bracelet niyo! For sure mamahalin yan!” sabi niya
habang hawak hawak niya ang wrist ni mommy na nakaambang sasampalin ako.

“who the heck are you?!” sigaw ni mommy sa kanya na halatang mas lalong naiinis sa
pagsulpot ng chimay na to sa harapan naming dalawa

“ay! Ako po pala si Dionne! PA po ako ni Japoy, yung gwapong artista n aka-love
team ni Venus!” ^__^

“bat ka nandito?! Get out of here now bago pa kita makaladkad palabas!”

“huh? Eh pero po---“

Bago pa maituloy ni Dionne yung sasabihin niya, I grab her wrist at kinaladkad ko
siya palabas ng dressing room ko.

“o-oy V-venus! Saan tayo pupunta? Uy! U-uy!”


Hindi ko sinagot si Dionne at patuloy lang ang pagkaladkad ko sa kanya. Kahit ako
hindi ko rin alam kung saan ko siya dadalhin kaya naman naisipan ko na lang sumakay
sa elevator at pinindot ko yung basement.

“uy saan tayo pupunta?”

“shut up you freak!” sigaw ko sa kanya “why did you do that?! Napaka pakielamera mo
talaga no?!”

“p-pero sasampalin ka na niya—“

“so what?!”

“m-mama mo siya di ba? At dapat ang mga magulang hindi nila sinasaktan ang mga anak
nila.. at alam ko nasasaktan ka Venus...” tinuro ni Dionne ang dibdib ko kung saan
naka-locate ang puso ko “diyan...”

Parang bigla akong natigilan sa sinabi niya at parang pakiramdam ko, gustong
lumabas ng luha sa mata ko. Tinalikuran ko siya then I bite my lower lip to prevent
myself from crying.

“wala kang---“ bigla akong natigilan sa sasabihin ko ng bigla na lang huminto yung
elevator at namatay yung ilaw “ay fck! What happened?!”
“e-ewan ko! H-hala! Baka brownout!!”

Pinindot pindot ko yung open button pero hindi nagbubukas yung elevator.

“sh1t! sh1t!!! open up!!! Sh1t!!”

Don’t tell me we’re trapped inside?! FCK! Alam ko ang mga ganitong eksena
nangyayari kasama ng mga ka-love team mo sa storya eh. But me? Being trapped with
the girl I am annoyed the most?!

What the heck!!!

(to be continued)

***

tweet me if you like :) >> @iamalyloony


=================

Chapter 32 *hug*

Chapter 32

*hug*

[Venus’ POV]

“fcuk” bulong ko then napaupo na lang ako sa gilid ng elevator sabay takip ng
mukha. Tinignan ko ang cellphone ko at walang signal ito kaya isa lang din itong
walang silbing gamit.

We’re trapped inside and the worst part it, walang nakakaalam na nandito kaming
dalawa ni Dionne.

Tinignan ko ng masama si Dionne

“it’s all your fault! Kung hindi ka nakielam kanina edi hindi kita hahatakin palayo
at hindi tayo ma-ta-trap dito!” sigaw ko sa kanya
“pero kung hindi kita hinila edi nasaktan ka na niya..” sabi ni Dionne saakin

Bigla akong napaiwas ng tingin sa kanya “Sanay na ko sa bagay na yun..”

Inangat ko ulit ang ulo ko at nakita kong nakangiti si Dionne saakin “kelan pa
nakasanayan ng isang tao ang masaktan?” sabi niya.

Napakunot ang noo ko. Sa totoo lang nakakabadtrip na tong babaeng to ah! Una dahil
ang pakielamera niya, pangalawa ang daldal niya, pangatlo kung sabihin niya ang mga
bagay na yan habang nakangiti, akala mo eh nang go-good time siya!

Nakakabadtrip talaga!

Kung sana si Jake na lang ang nakakita at nagtanggol saakin kanina at siya rin
kasama kong matrap dito edi masaya!

“you know what, just keep your mouth shut okay?! Buti sana kung nakakatulong yang
pag dadadaldal mo satin eh! Mas dinaragdagan mo pa ang inis ko!”

Yumuko naman si Dionne “s-sorry. Teka, tawagan mo kaya sila Japoy para alam nilang
nandito tayo sa loob”

“at sino ka para utusan ako ha?!”


“p-pero k-kasi—“

“isa pa I’m not stupid! Yun ang una kong maiisip kaso hellooo, tignan mo oh walang
signal!!!” pagtataray ko naman sa kanya sabay pakita sa kanya ng cellphone kong
maganda pero walang kwenta dahil walang signal

Nagulat naman ako ng manlaki ang mata ni Dionne “uwaaaaaaaaaa!!”

“oh sigaw sigaw mo diyan?! Ngayon ka lang nakakita ng cellphone?! Kung sabagay wala
sa bundok niyan..”

“hindi! Yung nasa wallpaper mo! Diba siya si Athena? Siya yung sikat na artista
dati!!”

Agad agad kong tinago yung phone ko ng marealize ko yung sinabi ni Dionne.

“fan ka rin ba niya Venus? Dati kasi fan na fan niya ako! Gustong gusto ko siyang
napapanuod sa TV dati. Ang ganda ganda niya no? tapos ang talented pa!”

I rolled my eyes “mas maganda at talented parin ako!”

“hehehe kung sabagay, ikaw na kasi ang sikat ngayon. Pero nasaan na kaya si Athena?
Bigla na lang kasi siyang nawala eh.”
Iniwas ko ulit ang tingin ko kay Dionne “..she died...”

Nakita ko naman ang gulat ni Dionne ng dahil sa sinabi ko “d-died? T-teka paano mo
nalaman? Bakit? Paano?” sunod sunod niyang tanong saakin

I look angrily at her “paano ko nalaman?! Because she’s my freaking sister and I
hate her! Kung hindi siya namatay edi sana malaya akong ginagawa lahat ng gusto ko
ngayon hindi yung ako ang nagpupuno sa pangarap niya!” sigaw ko

“V-venus.. I-I’m sorry..”

“but still... but still..” I trailed off.

But still I love Ate Athena to the point na hanggang ngayon, masakit parin ang
nangyaring pagkamatay niya. Siguro kaya hindi ko rin magawang sawayin si mommy kasi
kahit ako, sinisisi ko ang sarili ko sa pag kawala niya.

I hate it.

“kaya ba hindi mo mabitawan ang pag a-artista ng dahil sa kanya?”

Nagulat ako sa tanong ni Dionne. Paano niya nalaman ang tungkol sa bagay na yun?!
“I-I’m sorry, narinig ko lahat yung napagusapan niyo kanina...”

“at talagang may gana ka pang maki-chismis sa problema ng iba?! Napaka pakielamera
mo talagang chimay ka alam mo yun?! Bwisit ka eh! Bad mood na ako, dinadagdagan mo
pa ang pagkairita ko! Oh ngayon alam mo na ang pinagdadaanan ko, masaya ka na ha?!
Masaya ka ng makitang nahihirapan ako ha?!” sigaw ko sa kanya

Dionne smile at me “ang sungit sungit mo saakin, kaya naman nakakagulat talaga na
may ganyan kang pinagdaraanan. Kung masama akong tao, sasabihin ko na oo, masaya
ako. Pero hindi dahil naranasan ko ring mamatayan ng isang kapatid..” lumapit
saakin ng onti si Dionne “Sabi saakin ni kuya dati, magiging masaya siya pag
natupad lahat ng pangarap ko sa buhay. Alam ko, ganun din si Athena sayo.”

“I HATE YOU!” sigaw ko kay Dionne

“Venus...”

“I hate you! I hate you! I hate you!” paulit ulit kong sigaw kay Dionne

Nagulat naman ako ng bigla na lang mag labas ng panyo si Dionne galing sa bulsa
niya then she offered it to me. Tinignan ko yung panyo then I look at Dionne again.

Doon ko napansin na tuloy tuloy na ang tulo ng luha ko...

“I hate you..” bulong ko “I hate you, mom”


And with that, bigla na lang akong napahagulgol ng iyak doon sa harap ni Dionne.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at umiiyak ako ng ganito. Ayokong
ayokong nag mumukha akong mahina sa harap ng ibang tao. Pero nakakapagtaka ngayon
na umiiyak ako sa harap ni Dionne.

Sabi ng isip ko, itigil ko na ang kagagahang ginagawa ko. Pero bakit ganun? Ayaw
makisama ng mata ko? Bawat pag patak ng luha ko, para bang dala-dala nito ang lahat
ng sama ng loob ko. Gusto ko silang ilabas at parang nawawalan na rin ako ng
pakielam kahit na nakikita ako ni Dionne na umiiyak ngayon.

“I hate my mom! I hate Ate Athena! But still... but still I love them very much!”
paulit ulit kong sigaw habang umiiyak ako.

Hindi nag salita o umimik manlang si Dionne. Pero ang ikinagulat ko, lumapit siya
saakin then hinimas himas niya ang likod ko habang patuloy akong umiiyak.

Bigla tuloy may nag flashback sa isip ko.

“ate hindi ko matanggap! 3rd place lang ako sa speech festival! Huhuhuhuhuhu! Pinag
handaan ko to maigi tapos 3rd place lang ako! Huhuhuhuhuhuhu!”

“ano ka ba naman Venus, kahit 3rd place ka lang, napaka laking bagay nan a manalo
ka. I’m very proud of you!”
“pero ate Athena..”

“halika nga dito”

Lumapit ako kay Ate Athena then hinimas himas niya ang likod ko para ma calm down
ako at tumahan na sa pag iyak

“Venus kahit matalo ka man, ikaw parin ang champion para saamin ni mommy, tandaan
mo yan! Basta baling araw alam ko magiging magaling ka na newscaster, mas magaling
pa doon sa nag first place! Kaya wag na wag kang bibitiw sa dream mo ha>? Iintayin
kitang maging newscaster”

Parang bigla na lang akong natauhan ng dahil sa flashback na sumagi saakin kanina.

Ate Athena told me to hold on to my dreams. Alam ko na hanggang ngayon hindi pa


nagbabago yun.

Bakit pa ba ko nagpapakatangang gawin ang bagay na hindi ko naman talaga gusto?

Mas lalo akong napahagulgol sa realization ko.


This will be the very last time I’ll shed a tear. After kong maging luhaan, tatayo
ulit ako and this time, ipaglalaban ko na ang gusto ko.

Pero sa ngayon, gusto ko munang ilabas lahat ng sama ng loob ko---kahit pa si


Dionne ang mapaglabasan ko nito.

“I miss you, Ate Athena...”

[Dionne’s POV]

Hay, kelan kaya nila maiisipang i-check kung may tao dito sa loob ng elevator?

Halos tatlong oras narin kaming nakakulong ni Venus dito. After magiiyak si Venus,
nakatulog siya gawa narin siguro ng sobrang pagod.
Napangiti ako habang tinitignan si Venus na matulog. Sabi ko na eh, kaya ganun siya
makitungo sa ibang tao, meron siyang pinagdaraanan. Sabi nga nila, walang tao ang
natural ng masama. Meron lang talagang nagtulak sa kanila para maging ganoon.

At si Venus? Kahit na lagi niya akong sinisigawan, sinusungitan at tinatarayan,


nakakaramdam parin ako ng awa sa kanya kahit papaano. Pero siguro ngayon, hindi ko
na siya dapat kaawaan kasi alam ko na matatag siya at lalaban na siya.

Pinagmasdan ko ang mukha niya. Hay God, bakit po ba merong mga taong sadyang
pinanganak na maganda? Ni hindi man lang sila nag share kahit kaunting blessings
saakin! Siguro kahit sinong lalaki na makita si Venus na natutulog eh tiyak,
maiinlove sa kanya.

Si Japoy kaya? Magkakagusto kaya siya kay Venus? Pero kung tutuusin, lagi silang
magkasama. Meron na silang kissing scene meron pang bed scene!

Hindi malabong mangyari na ma-develop sila sa isa’t isa.

Parang bigla namang kumirot yung puso ko ng dahil sa idea na naiisip ko. Nakakainis
naman! Pansin ko lately si Japoy ang dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko, ang
pag lundag nito sa saya, at the same time, ang pag kirot nito sa sakit. He’s bad
for the heart. Sabin i Ninong Jin, iwasan ko daw ang mga bagay na nakakasama sa
puso.

Pero bakit di ko maiwasan si Japoy? >_<


“DIONNE!”

Bigla akong napatayo sa gulat ng marinig ko ang sigaw na yun.

“J-japoy?!”

“w-what happened?!” nakita kong bumangon si Venus sa pagkakaupo niya at nagising ng


dahil sa sigaw.

“p-parang narinig ko ang boses ni Japoy!”

“huh?! Teka baka nasa labas na sila! Jake! Jake!!” sigaw ni Venus

Maya-maya lang din, bumukas na yung elevator at bumungad saamin si Japoy at ilang
staffs ng building.

“WHAT ARE YOU DOING INSIDE THAT FREAKING ELEVATOR!” pambungad na sigaw saamin ni
Japoy.
“aba’t sisihin mo yang chimay mong pakielamera kung bat kami natrap sa loob! Napaka
chismosa kasi kaya ayan!”

Napatingin ako kay Venus. She’s back to her usual self again, but I can’t help but
to smile. Mataray man siya, alam kong brand new Venus na ang kaharap namin.

Napatingin naman ako kay Japoy at nagulat ako ng makita kong nakatingin siya saakin
ng masama.

“J-japoy..”

Walang sali-salita, hinatak na lang ako ni Japoy papasok sa loob ng dressing room
niya.

“u-uy Japoy galit ka ba?”

“HINDI OBVIOUS!” sigaw nito saakin! “hoy chimay! Bigla bigla ka na lang nawawala!
Hindi mo ba alam ha na halos mabaliw baliw ako sa paghahanap sayo?! Iniwan mo pa
ang bulok mong cellphone dito kaya di kita ma-contact! Nakakaasar ka eh no! Alam mo
ba yung naramdaman ko nung malaman kong na-trap ka sa loob ng elevator ha?! Alam mo
ba yun?! Tapos tatanungin mo ako kung galit ako?!”

“J-japoy, s-sorry.. “ nauutal kong sagot sa kanya. Nakakatakot si japoy, kitang


kita ko ang galit sa mata niya T___T
“From now on, sasabihin mo saakin kung saan ka pupunta! Wag kang mawawala sa
paningin ko ng hindi nagpapaalam! Naiitindihan mo ba yun ha?!”

“o-opo!”

“AT ISA PA!!” biglang lumapit si Japoy saakin at nagulat ako sa sunod niyang
ginawa.

Hinatak niya ako papalapit sa kanya atsaka niya ako niyakap ng mahigpit na
mahigpit.

“..at isa pa... I’m glad you’re safe... I’m really glad Dionne.. pinakaba mo ako ng
husto..”

(to be continued....)

=================

Chapter 33 *burst of emotions*


A/N:

A very short update pero makakapagpadagdag ng saya sa inyong New Year's eve! Enjoy
reading dears!

Belated Merry Christmas and Advance Happy New Year! <3

****

Chapter 33

*burst of emotions*

[Jake’s POV]

“Japoy oh ito na ang dinner mo! Kumain ka ng madami ha! Tapos ito pala, juice for
you!” ^___^

Tinignan ko yung chimay ko na ngiting ngiti saakin then tinaasan ko siya ng kilay.
“pwede bang tumigil ka ng kakangiti ha! Mukha kang aso!!” =__=

“masaya lang ako Japoy!”

“at bat ka naman masaya?!”

Tumabi si Dionne saakin then mas lumawak yung ngiti niya “kasi concern ka saakin!
Uuuuyyy nag alala ka talaga ng husto no nung nawala ako? Grabe ka makayakap kanina
saakin eh! May pa I’m glad—I’m glad you’re safe ka pa diyan! Ayiiieeee” bigla naman
akong tinusok tusok ni Dionne sa tagiliran.

“ano ba tigilan mo nga ako!!” sabi ko sabay tabing ng kamay niya “natural magaalala
ako sayo! Paano kung may mangyari sayo edi yari ako kay Tito Jin?! Nasakal ako nun
panigurado!!”

Bwiset na babaeng to! Totoo naman yun eh! Kaya nag alala ako sa kanya dahil takot
ko lang pagalitan ako ni Tito Jin! Baka mamaya sa sobrang galit nun eh ipadala pa
sa media yung mga pictures ko nung bata ako na naka hubo ako! Edi sira ang career
ko at mamamatay ako sa kahihiyan! =__=

“eeh pero nag alala ka talaga saakin di ba?” pag pupumilit ni Dionne saakin

“hindi nga! Wala akong pake sa kung ano man ang mangyari sayo! Kahit pa makulong ka
sa elevator kasama ng best friend mong si Venus wala akong pake!”
“asus! Alam ko naman na nag alala ka talaga saakin eh! May pa hug hug ka pang
nalalaman! Wahahahaha”

Tinignan ko si Dionne then bigla naman akong may naisip na kalokohan “bakit?
Kinilig ka naman nung niyakap kita?” mapang-asar na tanong ko sa kanya.

Akala niya siya lang ang may kayang makipag-asaran ha!

Nakita kong biglang namula si Dionne at napaiwas siya ng tingin saakin “he-he-he o-
oo naman kinilig ako k-kasi ang isang gwapo, mayaman, malinis, sikat at mabango na
si Jake Marquez ay nag alala saakin! O-oo tama! Yun nga yun!” she said defensively
then tumayo na siya “t-tapos ka na ba kumain? M-mag liligpit na ako”

Hinawakan ko bigla yung kamay ni Dionne. Yuck lang mamaya di naghugas to! Pero
mamaya ko na iisipin yun. May alcohol naman. Sa ngayon nag eenjoy ako sa pangaasar
ko dito. BWAHAHAHAHAHAHA

“J-japoy—“

"dahil lang ba diyan kaya ka kinilig?" mapangasar kong tanong ulit sa kanya

"o-oo naman! a-ano pa bang dahilan?"

"come on Dionne, magkasama tayo sa iisang bahay, palagi tayong magkasama. It's
impossible na yun lang ang dahilan"
"b-bakit.. a-ano pa ba pwedeng maging dahilan?"

Halos matawa na ako sa expression ng mukha ni Dionne, mukha na kasi siyang matatae
na ewan eh! Parang pagpapawisan na siya ng malagkit! HAHAHA akala niya siya lang
magaling sa mga ganitong bagay ha?! Buti nga sa kanya!

I took one step closer to her at sinabi na ang pasabog na tanong ko “tell me
Dionne, are you in love with me?” I asked her seriously pero syempre acting lang
yun! Sus!

Nakita ko naman namula ng tuluyan ang maputing mukha ni Dionne. Oh kita niyo ang
charm ko! Kahit ang mala singkamas na kutis ng babaeng to, nagiging kamatis ng
dahil sa kagwapuhan ko!

“h-hindi ako in love s-sayo..”

Ngumisi ako kay Dionne “di ba turo sa simbahan masama ang nagsisinungaling?”
mas lalo akong lumapit sa kanya then I whispered in her ears that made her shiver
“tell me the truth Dionne... are you in love with me?”

“J-japoy... a-ano k-kasi.. kasi.. k-kasi ano... UWAAAA!” nagulat naman ako ng bigla
niya akong itulak palayo “i-ikaw kasi eh! Kasalanan mo to! Ano ba ginawa mo
saakin?! Hindi naman ako familiar sa ganitong pakiramdam! Ayoko nga ng ganito eh!
Pero ikaw kasi! Nakakaasar ka!”

Bigla naman napataas ang kilay ko ng dahil sa sinabi ni Dionne. Wait, what is she
talking about?
“Nakakaasar ka talaga! Araw-gabi ikaw na lang iniisip ko! Gusto ko laging makita
kang masaya! Nung panahong nawala ka ng hindi nagsasabi at nakita na lang kita sa
ilalim ng puno at mukhang problemado, alam mo ba nasasaktan din ako nun! Tapos
hindi ko pa alam ang dahilan kung bakit ka malungkot! Alam mo bang gustong gusto
kitang yakapin nun ha? Tapos nung niyakap mo naman ako kanina hindi mo ba alam kung
gaano kabilis ang tibok ng puso ko? Nakakaasar ka eh! Tapos nung panahon ding
nakita ko kayong naghahalikan ni Venus, kahit eksena lang yun sa movie niyo, parang
nadudurog ang puso ko! Lalo na doon sa bedscene niyo! hindi mo ba alam kung gaano
kasakit na makita ko yun?! tapos isang ngiti mo lang din, nawawala lahat ng sakit
na nararamdaman ko!”

“w-wait wait what are you talking about?!” takang taka na tanong ko

“eh sira ka palang alcohol freak ka! Tinatanong mo kung in love ako sayo di ba?!
Ayan ang sagot! Oo in love ako sayo! I hate you!!” pagkasabing pagkasabi ni Dionne
nun, bigla na lang siyang tumakbo papasok sa loob ng kwarto niya at ibinalabag ang
pinto.

O-kay, what was that? Inaasar ko lang naman siya, that’s all. Pero ano tong mga
narinig kong sinabi niya? Totoo ba yun? Hindi ba ako nananaginip?

Hindi ko naman talaga expected na ganun ang nararamdaman niya eh. At ang utu-utong
chimay, umamin nga.

Pero wait... Dionne is in love with me? She’s in love with me? Paano nangyari yun?
Ganun na ba talaga ako kagwapo?

I’m speechless. Hindi ko alam ang dapat kong i-react at dapat kong maramdaman.

Pero anak ng alcohol yan oh!

Bakit abot hanggang tenga ang ngiti ko ngayon?!

=================

Chapter 34 *I love you*

A/N: Forgive me with all the typos. i wasn't able to proofread it yet. Medyo
nagmamadali na kasi ako XDD

Anyways, a simple reminder. Ako po ay naguupdate pag meron lang akong free time.
Hindi na po ako isang estudyante, nagtatrabaho na po ako and lagi akong pagod. Sana
po ay maintindihan niyo kung bakit medyo matagal ang updates :)

Salamat po sa mga matyatyagang nagaantay :)

enjoy reading.. :)
***

Chapter 34

*I love you*

[Dionne’s POV]

“eh sira ka palang alcohol freak ka! Tinatanong mo kung in love ako sayo di ba?!
Ayan ang sagot! Oi in love ako sayo!! I hate you!!”

Uwaaaaaaaa hindi pwede to! Hindi pwede to!

Pinunasan ko yung mga luha sa pisngi ko. Ewan ko ba kung bakit ako umiiyak. Siguro
dahil sa pinaghalong pagkainis at kahihiyan. This is weird. This is very very
weird. Hindi naman talaga ako iyaking tao pero bakit ayaw tumigil ng luha ko
ngayon?

At ang nakakainis, bakit ako umamin kay Japoy? Bakit hindi ko na lang idinaan ulit
sa ngiti yung tanong niya katulad ng madalas kong ginagawa pag nagtatanong siya ng
mga bagay na ayokong sagutin?
Paano pa ako haharap sa amo ko ngayon?

Uwaaaaaaaaaaa anong gagawin ko? T__T

Tumagilid ako ng higa at bigla akong napatingin doon sa picture frame na nakapatong
sa side table ko. Picture namin ni Japoy kasama si Maya. Kinuha ko yung picture
frame.

“Maya kamusta ka na diyan sa heaven? Alam mob a nainlove na ang mommy Dionne mo sa
Daddy Jake mo... siguro magiging masaya ka no kung pati siya maiinlove din saakin?”

Napangiti ako.

Ano ba tong sinasabi ko. Alam ko naman na kuntento na ako na parating nasa tabi ni
Japoy eh. Alam ko na hanggang doon lang naman ang pwede.

Napaka imposible na magkagusto saakin si Japoy. At kung ako papipiliin, ayoko rin
naman na magkagusto siya saakin... hindi pwede...

Dahil sa huli si Japoy lang din ang mahihirapan.

Huminga ako ng malalim.


Hay! What’s done is done. Nasabi ko na sa kanya eh. Hindi ko na maitatanggi yun.
Pero pwede pa naman maging normal ang lahat di ba? Act like nothing happened.

Sana lang wag niya akong sisantehin sa trabaho. T___T

Halos hindi ako nakatulog buong gabi kakaisip sa lahat ng nangyari kaya naman hirap
na hirap din ako gumising kinabukasan. Buti na lang at walang naka schedule na
lakad si Japoy buong maghapong except mamayang gabi. Kailangan kasi niya umattend
sa isang party. Natapos na kasi ang shooting ng pelikula nila kaya naman nag handa
ng salu-salo ang network na naghahandle sa kanila.

Nung lumabas ako sa kwarto ko, hindi pa gising si Japoy kaya naman nag luto na lang
muna ako ng pancakes para just in case magising na siya, ready na ang almusal niya.

Habang nag luluto ako, kumakanta ako para naman medyo malibang ako at mawala din sa
isip ko lahat ng nangyari kagabi.

“Lala lalalala Lala lalala

I like your smile, I like your vibes, I like your style

But that’s not why I love you”


Kanta ko habang feel na feel ko ang pag halo ng batter ng pancake.

“And I, I like the way you’re such a star

But that’s not why I love you

And hey

Do you feel, do you feel me?

Do you feel what I feel too?”

This time, pina-fry ko na yung pancake gamit yung korteng heart na pang hulma.
Natuwa naman ako ng makagawa ako ng heartshaped na pancake

“Do you need? Do you need me?

Do you need me...”

Itinapat ko yung sandok sa bibig ko habang ginagaya ko si Avril Lavigne sa pagkanta


niya

“You’re so beautiful, but that’s not why I love you

And I’m not sure you know, that the reason I love you

Is you
Being you

Just you..”

“so in love ka na talaga?”

“ay pagong!!”

Halos mapatalon ako sa gulat ng makita ko na si Japoy sa tabi ko.

“k-k-kanina k-ka p-pa ba d-diyan?!”

Hindi niya sinagot ang tanong ko instead tinignan niya yung mga pancakes na
niluluto ko.

“heart shaped pancakes?” tinignan niya ako “then you’re singing at the top of your
lungs. Dedicated ba saakin yung kantang yun? Dionne, you are really in love with me
aren’t you?”

Halos hindi ako makatingin kay Japoy at ramdam na ramdam ko ang pamumula ng mukha
ko gawa ng sobrang kahihiyan.
“A-ano b-bang sinasabi mo! M-mag breakfast ka na nga!”

Uwaaaa nakakahiya talaga! Bakit ba kasi ako kumanta?! At bakit ba kasi ginawa ko
pang heartshaped tong mga pancakes na to? >___<

Agad kong kinuha yung mga naluto ko ng pancakes at inilapag ko sa dining table.
Sumunod naman si Japoy at naupo siya sa harap ko.

“p-pancake” sabi ko sabay kuha ng isang pan cake at inilapag ko sa plato niya.

“naiilang ka ba?” tanong ni Japoy saakin

“uhmm a-ano Japoy a-ano y-yung sinabi ko sayo kagabi j-joke lang yun! K-kalimutan
mo na yun!”

“joke?”

“o-oo! Joke lang yun! Ha-ha-ha” pagkukunwari ko ng tawa “alam mo naman ako
mapagbiro!”

Bigla naman ngumisi si Japoy “you’re not a good liar”

Boom. He saw right through me >__<


“it’s okay Dionne, you could like me if you want”

“h-ha?”

“sanay na ko sa bagay na yan. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa isang katulad
ko? Mayaman, sikat, gwapo, malinis at mabango. Di ba?”

Nginitian ko lang si Japoy then nag start narin siyang kumain.

Hay. He misunderstood it. Alam ko mayaman si Japoy. Hindi ko rin maitatanggi na


sobrang gwapo niya. At oo, nandun na tayo, sikat siya. Pero katulad nga ng message
sa kinakanta ko kanina, hindi yun ang dahilan kung bakit nagustuhan ko siya. Mukha
man perpekto si Japoy sa harap ng iba, pero saakin, I’ve seen all of his flaws.
Masungit siya, mainitin ang ulo, mayabang. Pero kahit ganoon siya, may puso si
Japoy na kahit siya hindi niya pa nare-realize sa sarili niya.

Marami mang hindi magandang ugali si Japoy, tanggap ko siya. Mahal ko siya ng buong
buo.

Pero okay ng hanggang dito na lang yun. Mas maganda ng hindi niya naitindihan ang
sinabi ko.

Walang magiging gulo kung ganito na lang. Alam ko...


“uwaaaaaaaa Japoy akin tong dress na to? Seryoso? Akin to? Waaaaaaaaaaaaaaaaaah!”
manghang mangha kong sabi habang nakatingin ako sa magandang bestida na nasa harap
ko.

“oo nga sabi! Paulit ulit?! Para kang sirang plaka diyan!!” iritang sagot niya

“p-pero bakit mo ko binibigyan ng damit?”

“natural para may isusuot ka sa party mamaya! Ayokong magsama ng mukhang basahan!”

“eeeh Japoy wag mo na lang kaya ako isama? Okaya maiwan na lang kaya ako sa loob ng
kotse..”

“hindi pwede! Sino na lang magbibitbit ng alcohol ko? Tsaka isa pa ikaw ang
papipilahin ko sa buffet table para kumuha ng pagkain ko at pagbabantayin ko ng mga
gamit ko sa table!”

“p-pero...”
“wag ka na nga maarte! Libre pagkain doon kaya wag na maginarte okay?! Pupunta na
yung magaayos sayo! Maligo ka na!” utos ni Japoy “magbibihis na ako”

“y-yes boss!”

Sinunod ko naman si Japoy at naligo na ako. Maya-maya lang din, nag punta na yung
mag-aayos saakin. Sabi ko na medyo simplihan lang niya ang ayos saakin basta yung
mag mumukha akong tao.

Nung matapos na akong ayusan, lumabas na ako para puntahan si Japoy. Nakita ko
naman siya na nakatayo na sa may sala at mukhang inaantay ako.

“what took you so long?!” sigaw niya then humarap siya saakin at biglang natigilan.
Tinignan niya ako ng paulit ulit mula ulo hanggang paa kaya naman medyo nailing
ako.

“ah J-japoy..”

Iniwas I Japoy ang tingin niya saakin

“mukha ka ng tao” he murmured “t-tara na nga baka ma-late pa tayo!”

“s-sige”
Umalis na kami ni Japoy papunta doon sa party. This time, hindi kami nagpahatid
doon sa driver niya dahil nag insist siya na siya na lang ang mag da-drive papunta
doon sa reception.

Malapit lang yung reception doon sa condo unit na tinutuluyan namin ni Japoy kaya
naman in less than 30 minutes, nakarating narin kami.

“dala mo ba yung alcohol ko?”

“yup! Tatlong bote pa!” ^__^

“good”

Bumaba na kami ni Japoy, and pagkababang pagkababa namin, nagdagsaan na ang mga
photographers at pinagkukukuhanan si Japoy ng picture. Halos hindi naman ako
makadilat na dahil nasisilaw ako sa mga flash ng camera nila pero si Japoy todo
ngiti parin.

Nung makarating na kami sa may entrance, nakita ko naman na may camera doon at
mukhang iniinterview si Rui.

Napayuko ako bigla.


Eversince na magtapat saakin si Rui nung nasa beach kami, lagi ko na siyang
iniiwasan. Alam kong mali ang ginagawa kong pag-iwas sa kanya kaya lang hindi ko
maiwasang hindi mailang sa kanya. Siya ang pinaka unang lalaking nagtapat saakin ng
ganun at hindi ko alam ang dapat kong ireact sa ganung sitwasyon. At si Rui, hindi
lang siya basta simpleng lalaki. Katulad ni Japoy, sikat din siya. Hindi ko alam
kung paano ko ihahandle ang mga pangyayari.

“she’s here..”

I was back into my senses ng marinig ko ang boses ni Rui at nagulat ako ng makita
kong papalapit siya saakin.

“R-rui..”

Bigla-bigla niya akong hinatak papalapit sa kanya atsaka ako inakbayan.

“This is the girl I love. Nililigawan ko pa lang siya ngayon...” tumingin si Rui sa
mata ko “pero alam ko, mapapasagot ko siya”

At bago pa ako makapag react...


...I was blinded by the flashes of cameras..

(to be continued....)

=================

Chapter 35 *another revelation*

Chapter 35

*another revelation*

[Rui’s POV]

“miss sure kang magugustuhan niya to? Maganda ba talaga?” tanong ko doon sa sales
lady habang hawak hawak ko ang isang kwintas .

“oo naman po! Maganda talaga yan and for sure matutuwa yung girlfriend mo niyan sir
Rui” sabi niya saakin

Napangiti lang ako. Girlfriend? Parang ang sarap naman marinig yun.

Sana nga... girlfriend ko na lang siya.


Binili ko na yung kwintas na kanina ko pa tinitignan. Nandito ako sa mall ngayon at
naghahanap ng panregalo kay Dionne. Alam ko kasi na kasama siya mamaya doon sa
party. Simula nung nagtapat ako kay Dionne, hindi ko pa ulit siya nakakausap ng
matino. Ramdam ko naman na pag magkasama kami sa set, iniiwasan niya ako. Hindi ko
rin naman siya ginugulo nun dahil alam ko na kailangan niya rin makapag-isip isip.

Pero buong buo na talaga ang desisyon ko. Liligawan ko si Dionne kahit na wala pa
siyang gusto saakin. Okay na saakin na mapatunayan ko sa kanya kung gaano ko siya
kamahal.

Malay natin, magbago ang ihip ng hangin at magkagusto rin siya saakin.

After kong mabili yung necklace, lumabas narin ako sa jewelry shop at plano ko ng
umuwi nun para makapagpahinga muna saglit dahil mamayang gabi, aattend na ko sa
party para doon sa movie namin.

Kaso syempre, buhay ng isang artista, bago ako makalabas ng mall, nangawit muna ang
panga ko kaka ngiti ko dahil may mga humatak pa saakin para magpa picture.

“hay salamat!” sabi ko pagkasakay na pagkasakay ko sa kotse ko

Akala ko katapusan na ng buhay ko kanina eh. =___=

Pinaandar ko na yung kotse ko at dumiretso sa bahay ko. Natulog lang ako saglit and
after that, nag ready narin ako para sa party.
“iho, ito ba yung coat na susuotin mo?” tanong saakin Manang Fe, yung PA ko at the
same time, siya rin yung yaya ko simula pa maliit ako.

“opo manang. Salamat po. Ay ayaw niyo po ba talagang sumama sa party mamaya?”
tanong ko sa kanya

“naku naman hijo alam mo namang wala akong hilig sa ganyang mga bagay eh!”

“sayang naman! Balak ko pa naman pormal na ipakilala yung nililigawan ko sa inyong


lahat”

Totoo yun. Nag pa-plano na kasi ako na ipakilala si Dionne sa mga kaibigan ko. Alam
ko napaka advance ng move na ito pero gusto kong ipagmalaki ang babaeng mahal ko sa
harap ng maraming tao. Gusto kong ipakilala sa kanila ang nagiisang babae na
bumihag ng puso ko.

Naramdaman ko na tinapik ako sa balikat ni manang “suportado kita diyan. Kung sino
man ang babaeng mamahalin mo, alam ko napaka swerte niya”

“salamat po manang Fe!” niyakap ko ng bahagya si Manang Fe matapos yun ay nagsimula


narin ako sa pagbibihis. Talagang nagpagwapo ako ng husto para magmukha naman akong
presentable sa harap ni Dionne.

Nung matapos na akong mag-ayos, umalis narin ako at dumiretso na sa reception ng


party. Sa labas pa lang, nag kalat na ang mga press. Iniinterview nila isa-isa ang
mga artista at maging ang mga staffs na nagsisidatingan.
“Rui!”

Napalingon ako sa tumawag saakin at nakita ko ang isang magandang babae na


papalapit saakin.

Napatulala naman ako habang tinitignan ko ang babaeng ito mula ulo hanggang paa.

“uy! Anyare sayo japayuki?” tanong niya saakin

“M-maisie?”

“bakit ka ganyan makatingin?” takang taka na tanong niya

Bigla naman akong napangiti “kahit kelan talaga ang ganda ng bestfriend ko no?”

Nakita ko naman ang pamumula ni Maisie ng sabihin ko sa kanya yun “h-heh! Bolerong
japayuki!”

“no, I’m giving an honest compliment” nilapitan ko si Maisie then ipinatong ko yung
mga kamay ko sa magkabila niyang braso atsaka ko siya tinignan sa mata “Anatta wa
hountoni kirei desu..” I told her sincerely
“W-what does it mean?”

“sabi ko you’re really beautiful..”

Nakita ko naman na mas namula siya ng dahil sa sinabi ko kaya natwa na lang ako

“anong nakakatawa?!” iritadong tanong niya saakin

“eh kasi naman, kada may nag co-compliment sayo lagi ka na lang nag bblush!
Wahahahahahaha!”

“h-he! Ewan ko sayo!” bigla niya akong hinampas then bumulong siya “sayo lang naman
ako nagkakaganito eh.”

“Anong sabi mo?” tanong ko sa kanya dahil hindi ko narinig yung huli niyang sinabi

“sabi ko maglinis ka na ng tenga mo!”

“eeeeh ano nga yun? Dali naaaaa” pangungulit ko sa kanya


“wala nga! Wag ka na masyadong makulit. Tara na nga sa loob”

Nagsimula na kami ni Maisie pumasok sa may entrance ng reception

“ay Maisie may papakita ako sayo!” nilabas ko yung isang maliit na box sa bulsa ko
at ipinakita ko yung kwintas kay Maisie “maganda ba?”

“o-oo maganda! P-para kanino?”

“Kay Dionne. Plano ko nga siya ipakilala sa mga kaibigan ko ngayon eh”

“kayo na ba ni Dionne?”

“ha? Naku hindi! Ano ka ba! Alam mo naman na iniiwasan niya ako lately eh. Pero
hindi ako susuko. Liligawan ko talaga siya hanggang sa magkagusto siya saakin. Hay
Maisie-chan, ganito pala ang piling ng mainlove ng husto no?” sabi ko sa kanya ng
ngiting ngiti “Maisie, tulungan mo ako kay Dionne ha?"

Nagulat naman ako ng biglang iniwas ni Maisie ang tingin niya saakin “uhmm Rui, I
have something to tell you..” sabi niya ng seryosong seryoso

“a-ano yun?”
“I already have a plan of mi—“

“—si Rui Ashiya!”

Naputol ang paguusap namin ni Maisie ng makita naming may mga naglalapitan na press
saamin.

“Rui bat may hawak ka na necklace? Para sa kanya ba ito?” tanong ng isang press
saakin habang turo-turo si Maisie.

“is she your date for the night?”

“so it’s true, you two are going out?”

“yung necklace na hawak mo, ayan ba yung binili mo kanina sa isang sikat na jewelry
store sa isang mall kanina?”

“gaano na kayo katagal? Ngayon niyo lang ba balak sabihin sa publiko ang inyong
relasyon?”

Halos hindi na ko makasingit sa mga reporters dahil sa sunod-sunod nilang tanong.


Nakakabanas ah. Nagtatanong sila saakin pero ayaw nila tumigil ng kakadakdak.
Tinignan ko si Maisie at nakita ko na sobra na siyang naiilang sa mga reporter.

Geez.

“no hindi kami. Nagkita lang kami just now. Me and Maisie are best friends” sabi ko
sa kanila. Tofu oo na, showbiz na showbiz na ang sagot ko pero yun naman kasi
talaga ang totoo eh.

“then para kanino yung necklace?” tanong nung isang reporter.

I sigh. Hindi talaga sila titigil? Bakit pati mga pribadong buhay namin
pinapakealaman

“this is for the girl I love..”

Nung bitiwan ko ang mga salitang yun, sunod-sunod na ang tanong na ibinato saakin.
Sa totoo lang wala naman akong plano talaga na sabihin sa kanila kung sino ang
taong yun. Plano ko lang talaga ay sa mga kaibigan ko---pero hindi sa media. Hindi
dahil ikinakahiya ko si Dionne kundi dahil gusto kong protektahan ang pribado
niyang buhay.

Balak ko na sanang iwan yung mga reporters kaya lang natanaw ko sa di kalayuan na
naglalakad narin papasok si Jake at Dionne.

Halos mapatulala ako dahil this is the first time na makita ko si Dionne na
nakaayos.
Ang ganda ganda niya talaga.

Nakangiti si Jake sa mga press na kumukuha sa kanya ng picture while Dionne is


looking at him happily.

I felt a stab of pain on my chest. Hindi ko alam kung bakit pero for a moment,
parang nag selos ako.

Nung padaan na sila sa way namin, nagkatinginan kaming dalawa ni Dionne and the
moment na nagtama yung dalawang mata namin, agad niyang iniwas ang tingin niya.

Bakit ganun? Kanina grabe siyang makatingin kay Jake pero bakit saakin ni hindi
niya ko magawang tignan. Ayaw ba niya talaga saakin?

Dahil sa selos, parang bigla na lang ako nawala sa sarili at nagawa ko ang isang
bagay na hindi ko dapat ginawa.

Nilapitan ko si Dionne

“R-rui..”

Bigla ko naman siyang hinatak palapit saakin atsaka ko siya inakbayan.


Tumingin ako sa mga reporters

“This is the girl I love. Nililigawan ko pa lang siya ngayon...” nilingon ko si


Dionne at tinignan ko siya sa mata “pero alam ko, mapapasagot ko siya”

After that, halos masilaw na kami ni Dionne sa flashes ng mga camera nila. Samu’t
saring tanong ang ibinabato nila saamin. Agad-agad kong hinatak si Dionne papalayo
sa mga reporters.

“t-teka Rui...”

Hindi ko pinansin si Dionne at tuloy tuloy parin ang paghila ko sa kanya hanggang
sa makarating kami sa may terrace ng reception.

“R-rui, b-bat mo sinabi yun?”

“I-I’m sorry pero it’s all true” hinawakan ko ang kamay ni Dionne “alam ko naiilang
ka saakin dahil sa biglaan kong pagtatapat sayo sa Subic pero Dionne mahal na mahal
talaga kita..”

“Rui..”
“please let me court you? Please? Hindi naman necessarily na pag niligawan kita ay
dapat mo na kong sagutin di ba? Just give me a chance na ipakita ko lang sayo ang
pagmamahal ko. Ha Dionne?” medyo lumayo ako ng onti sa kanya at ginawa ko ang
karaniwang ginagawa ng mga Japanese pag nakikiusap sila. I bowed my head
“onegaishimasu”

“t-teka Rui bat ka nakaganyan?! U-umayos ka”

“no Dionne. Hindi ako aalis dito hangga’t hindi mo ako pinapayagan”

Narinig ko ang pag hinga ng malalim ni Dionne “p-pero paano yun Rui? M-may mahal na
kong iba..”

“kayo na ba?”

“Hindi..”

“then I don’t care kung may iba ka pang mahal..”

“masasaktan ka lang saakin...”

“I don’t care..”
“Rui...” naramdaman kong tinapik ni Dionne ang balikat ko kaya naman umayos na ako
ng tayo.. “hindi ko maipapangako sayo na kaya kong ibalik yung pagmamahal na
binibigay mo sakin.."

Nginitian ko siya “okay lang saakin”

Bigla naman siyang huminga ng malalim “pwede ko bang pagisipan muna to? Can you
give more time please? Ito lang ang hiling ko sayo..”

“it’s okay. Pero sana...” kinuha ko yung kamay ni Dionne at hinawakan ito “sana wag
mo na kong iwasan ha?”

Nginitian ako ni Dionne “promise yan. Sorry pala kung iniiwasan kita dati ah?”

“naiintindihan ko naman yun eh. Masyado akong naging padalos-dalos..”

“hala!!” bigla namang sigaw ni Dionne

“b-bakit?! Anong nangyari?!”

“S-si Japoy naiwan ko! Hala baka kanina pa ako hinahanap nun. Sige Rui alis na ko!”

“wait--!!”
Bago ko pa siya mapigilan ay tuloy tuloy na siyang tumakbo paalis.

I sigh.

Dionne, si Jake ba ang taong mahal mo?

Mukha atang mabigat ang karibal ko....

[Dionne’s POV]

Naku po nasaan na ba si Japoy?


Bumalik ako doon sa entrance ng reception para tignan kung nandun pa siya pero no
where to be seen na siya. Kanina pa ako paikot-ikot dito sa loob pero hindi ko
talaga siya makita. Marami narin mga reporters ang naglalapitan saakin para hingan
ako ng interview kaya naman todo iwas din ako sa kanila. Marami sa kanila ang nag
tatanong kung sino ako o kung paano ko nakilala si Rui. Paano ko masasabi na isa
lamang akong hamak na PA ni Jake Marquez? Edi nasira ang image ni Rui sa lahat.
Isang sikat na artista nililigawan ang isang hamak na PA lang?

Hay. Ngayon lang din nag sink in sa utak ko ang gulong napasukan ko. Hindi naman
ako galit sa ginawa ni Rui yun nga lang natatakot ako para sa kanya.

Bakit ako pa kasi ang minahal mo Rui... Masasaktan ka lang din saakin

“Dionne! Dionne!” napalingon ako sa tumawag saakin at nakita ko na naman ang ilang
reporters na papalapit saakin.

Naku po naman!

“Dionne can we ask you a question? Gaano na kayo katagal magkakilala ni Rui?
Matagal na ba siyang nanliligaw sayo? May pagasa ba siya sayo?”

Napabuntong hininga ako. Ganito ba palagi ang pinagdaraanan nina Japoy? Ang
halungkatin ng media yung pang-araw araw nilang buhay? Kahit pribado pilit na
tinatanong parin.

Nginitian ko yung mga reporters at ginawa ko yung madalas na nakikita kong ginagawa
ni Japoy kada tinatanong siya ng ganyan.
“no comment” ^___^

Pagkasabi ko nun, tinalikuran ko na sila at dinedma na ang iba pang mga tanong
nila.

Ngayon naman, kailangan ko ng hanapin si Japoy.

“hoy!”

Nagulat ako ng biglang may humatak saakin

“V-venus?!”

“come with me!”

“h-ha? T-teka—“

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla na lang niya ako kinaladkad at
dinala malapit sa may restroom kung saan walang tao.

“uhmm Venus, bakit?”


Tinignan niya ako “s-so Rui’s courting you?”

“uhmm a-ano.. p-parang ganun na nga”

She rolled her eyes “sabi ko na may problema talaga sa taste ang Hapon na yun eh”
tinignan niya ako mula ulo hanggang paa “paano mo siya nagayuma?”

“h-ha?”

Bigla naman niya iniwas yung tingin niya “b-but he’s a good guy... kaya maswerte ka
na sa kanya..”

Bigla naman ako nagtaka sa sinasabi ni Venus. Wait, gusto niya si Rui para saakin?

“uhmm Dionne..” yumuko si Venus at parang nagaalangan sa sasabihin “uhmm I—I talked
to my mom and told her I want to quit acting... uhmm nagalit nga siya saakin eh
pero I felt relieved kasi magagawa ko na ang bagay na gusto ko”

Bigla naman akong napangiti sa sinabi ni Venus


Tinignan niya ako “w-wala lang! feel ko lang sabihin sayo! Diyan ka na nga!” after
that, tinalikuran niya na ko

“Venus!”

Napahinto si Venus sa paglalakad at napatingin saakin

“what?!”

“Susuportahan kita! Ako na ang number 1 fan mo! Go! Go! Go!” pag ch-cheer ko sa
kanya

Inirapan niya lang ako “I don’t need your support!” sabi niya sabay talikod ulit at
lakad na palayo.

Pero bago siya tuluyang makaalis, I got a glimpsed of her face, smiling.

Napangiti din ako.

Si Venus, lagi na lang siyang naka maldita looks. Palaging napaka fierece ng
personality niya. Pero deep inside, may malambot din siyang puso. Nagiging maskara
lang niya ang pagiging mataray niya para hindi na madagdagan pa yung sakit na
nararamdaman niya.
But now, natuto na siyang ipaglaban ang gusto niya, she became stronger.

Wala na siya dapat itago at ikatakot.

Nagpatuloy na ko sa pagiikot ikot para hanapin si Japoy pero no where to be seen


talaga siya. Baka nagalit na yun saakin. Pero dapat ko na talaga siya mahanap. Nasa
akin pa naman lahat ng alcohol niya. Mamaya niyan hindi na siya makakain dahil
hindi pa siya nakakapag alcohol.

Ilang paikot-ikot pa ay sa wakas nakita ko narin si Japoy na kasama si Venus habang


may kumakausap sa kanila. Agad-agad naman akong lumapit.

“Japoy! Japoy kanina pa kita hinahanap!” tawag ko dito

Bigla naman silang napalingon ni Venus at doon ko lang din napansin na mga
reporters ang nasa harap nila.

Naku po...

Binigyan ako ng isang masamang tingin ni Japoy na para bang sinasabi niya na kung
ano sa tingin ko ang ginagawa ko.

“Jake? You know her? She’s Dionne right? Yung nililigawan ni Rui? How are you
related to her?”
Napalunok ako bigla sa tanong nung reporter. Naku po naman. Sorry Japoy. Just say
no comment please? Wag ka aamin na PA mo ko. Please.. please...

“oh Dionne?” tinignan ko si Japoy at nakita kong ngiting ngiti siya at bigla naman
niya akong hinila papalapit sa kanya "she’s my cousin”“

“a-ah t-tama! M-mag pinsan kami!” pag sangayon ko naman sa kanya

“oh kaya ba kayo nag kakilala ni Rui?” tanong saakin nung director

“o-oo!”

“I introduced her to Rui. Una pa lang kasi naramdaman ko ng bagay na bagay silang
dalawa” tinignan ako ni Jake “kaya naman ikaw Dionne, sagutin mo na yang si Rui!”
sabi ni Japoy habang tatawa tawa

“hahaha w-we’ll see” sabi ko din naman sa kanya na ngiting ngiti

Ngiting ngiti pero deep inside gusto ng mag mura ng puso ko dahil ang sakit. Bakit
ganito? Bakit ang sakit marinig kay Japoy ang bagay na yun?

“oh yun naman pala eh! Botong boto si Jake kay Rui para sayo!” pangaasar nung
reporter kay Japoy “but back to you Jake, how’s your love life naman” binigyan niya
ng meaningful look si Venus “nagkabalikan na ba kayo ni Venus?”
“uhmm actually...” sabi ni Venus “actually we’re—“

“—let me just show you the answer” pag putol ni Japoy sa sinasabi ni Venus at pare-
pareho kaming nagulat sa sunod na ginawa ni Japoy

Hinila niya papalapit si Venus sa kanya, atsaka niya ito hinalikan..... sa harap
ng mga reporters... sa harap ng mga guests..

... sa harap ko...

Bigla na lang ako napunta sa likod dahil nag dagsaan sa kanila ang mga reporters.
Napuno ng mga bulong-bulungan sa paligid. Binato sila ng binato ng samu’t-saring
mga tanong. Halos masilaw din ako sa mga flashes ng camera nila..

... at halos mapuno na ng luha ang mga mata ko.

=================

Chapter 36 * Tight Hug*


A/N: thank you po sa mga matyagang nag aantay ng update! Medyo malapit-lapit naring
matapos itong story na to.... pero don't worry! ngayon palang i-aannounce ko na...

MAGKAKAROON NG BOOK 2 ANG ANGEL IN DISGUISE!

Happy 1M reads pala sa AiD! <3

***

Chapter 36

*Tight Hug*

[Dionne’s POV]

“Jake, nagkabalikan na ba kayo ni Venus?”

“ano ba ang naging dahilan ng break-up niyo dati?”


“totoo bang babalik narin sa condo unit mo si Venus at mag li-live-in na ulit
kayo?”

“kelan pa kayo nagkabalikan?”

Nginitian ni Japoy lahat ng reporters na nagtatanong sa kanya

“no comment” sabi niya dito bat tuluyan narin siyang naglakad palayo habang hawak-
hawak niya ang kamay ni Venus. Nung papunta na sila sa may way ko, agad naman akong
tumalikod at pinunasan ang luhang tumutulo sa mata ko.

“Dionne, let’s go” rinig kong sabi ni Japoy

“o-okay” sabi ko sa kanya habang iniiwas ko ang mga tingin ko sa kanya

Naunang maglakad si Venus at Jake habang ako naman ay nasa likuran lang nila.

Hindi mawala sa isip ko lahat ng nangyari kanina. Ilang beses ko na bang nakitang
naghalikan si Japoy at Venus? Ilang beses na rin ba akong umiyak kada nakikita ko
silang naghahalikan?

Pero bakit ngayon, mas tagus-tagusan ang sakit?


Para bang habang hinahalikan ni Japoy si Venus sa harap ng maraming tao, parang
isinampal ang katotohanan sa mukha ko na kahit kelan, hindi ako mapupunta sa lugar
na yun. Hindi mangyayari na ipapakilala ako ni Japoy sa harap ng maraming tao at
sasabihin niya na mahal niya ako.

Nakakatawa lang isipin na kanina, may isang sikat na artista na gumawa saakin ng
ganun pero wala akong naramdaman.

Bakit kaya ganun no?

Bakit kaya tayo nagmamahal ng taong imposible nating abutin samanatalang hindi
natin magawang ibalik ang pagmamahal ng isang taong handa tayong saluhin.

Kung pwede lang na turuan ko ang puso ko, mas pipiliin ko na lang na hindi na lang
mag mahal. Bakit ba kasi tumibok pa tong puso ko kay Japoy? Bakit ba ako minahal ni
Rui?

Kung sana isang kaibigan na lang ang turingan namin, mas magiging madali ang lahat.

Kaso hindi.

Hinayaan ko ang sarili kong mahulog sa taong wala naman akong planong saluhin. Kaya
eto ngayon, I am suffering....
[Jake’s POV]

“Jake, what have you done?” bulong saakin ni Venus habang naglalakad kami papalayo
sa media “bakit mo ako hinalikan ha? Ano na namang pakulo ito?”

Hindi ko siya pinansin but instead dire-diretso lang ako sa paglalakad. Napatingin
ako bigla sa gilid ng crowd at nakita ko si Dionne na nakatalikod. Agad ko siyang
tinawag.

“Dionne, let’s go”

“o-okay” she told me while avoiding my gaze

Iniwas ko rin naman agad yung tingin ko kay Dionne. Hindi ko alam kung bakit pero
hindi ko siya magawang matignan ng diretso.

Bakit ko nga ba ginawa lahat ng yun kanina? Bakit ko hinalikan si Venus sa harap ng
madaming tao? Ano, gagawa na naman ako ng panibagong issue namin ni Venus?

Kahit ako naguguluhan sa nararamdaman ko. Simula ng makita ko kanina si Rui at


Dionne, nakaramdam ako ng sobrang inis. Parang gusto kong manuntok ng tao.
Pakiramdam ko galit na galit ako eh.
Pero bakit ba ko magagalit? Anong dahilan?

Bwiset naman na buhay to oh! Sarili kong nararamdaman hindi ko maintindihan!

Baka naman nagagalit ako dahil alam ko kung gaano kamahal ni Maisie si Rui tapos
itong hayop na Hapon na to eh nagkagusto pa sa chimay ko!

Oo nga! Siguro yun ang dahilan! Nakita ko kung gaano iniyakan ng kapatid ko ang
Hapon na yan tapos bwiset na Hapon, nagtapat ng undying love niya kay Dionne sa
harap pa ng kapatid ko! Kung sinasapak ko na kaya yan?!

Isa pa madadamay pa ko sa issue nila ni Dionne! Bigla tuloy ako napapanggap na


pinsan ni Dionne! Bwiset! Wala akong kamaganak na abnormal! =__=

Nang makarating kami doon sa table namin, agad kaming nilapitan ni Manager Rhian

“Jake what do you think are you doing?!” galit na tanong niya saakin then tinignan
niya si Venus “may relasyon ba kayong dalawa?!”

“Rhian, let’s talk about it later okay?” sagot ni Jake “wag mo din muna guluhin si
Venus”
“what?! Hey Jake we need to talk now!”

“i’m going home!”

“Jake! Wait nga lang!”

Hindi ko pinakinggan si Manager Rhian, instead tinalikuran ko na siya. Sakto namang


pagtalikod ko, nagkatinginan kami ni Dionne at doon ko lang napansin na namamasa
ang mga mata niya na para bang umiyak siya.

“uuwi na tayo” sabi ko kay Dionne sabay iwas ulit ng paningin ko sa kanya.

Umiyak siya? Dahil ba sa ginawa k okay Venus? Ibig sabihin ba nun nasaktan ko siya?

Bakit ba?! Wala naman siyang karapatan dahil hindi naman kami eh! Gagawin ko ang
lahat ng gusto ko at wala siyang magagawa doon. Siya lang ang may gusto saakin pero
wala akong gusto sa kanya!

Tama... siya lang ang may gusto saakin...


... pero bakit ako nakokonsensya?

[Maisie’s POV]

“This is the girl I love. Nililigawan ko palang siya ngayon. Pero alam ko,
mapapasagot ko siya”

Napabuntong hininga ako.

How I wish ako ang tinutukoy ni Rui nung mga panahong sinabi niya yun sa harap ng
media. How I wish ako yung kaakbay niya nun, not Dionne.

Pero hindi.

Nakalimutan na nga niyang kasama niya ako nun eh. Nung hinatak niya si Dionne
palayo sa mga press, para bang nawala na sa isip niya na nag eexist ako.
Hay buhay! Hanggang kelan ba ako mag da-drama ng dahil kay Rui! Gusto ko na talaga
matapos to. Gusto ko ng mawala lahat lahat ng nararamdaman ko para sa kanya. Gusto
ko ng mainlove ulit sa ibang lalaki para maiba naman hindi yung puro Rui na lang
ako ng Rui. Napakamanhid at tanga naman ng isang yun =__=

“MAISIE-CHAAAAAAAAAAAN!” halos malaglag ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang


boses na yun na tumatawag sa pangalan ko.

Speaking of the devil...

Nilingon ko siya “oh Rui...”

“buti nahanap kita! Nandito ka lang pala sa labas!” umupo si Rui sa tabi ko “dito
nga muna ko ng hindi ako mahanap ng mga reporters na yun. Tanong ng tanong eh
naiirita na ko” =___=

“ikaw kasi eh, sukat umamin ka na nililigawan mo si Dionne sa harap ng maraming


tao”

Napakamot naman sa ulo si Rui “ehhhhh wag mo na nga ipaalala, kinikilig ako...”

Binatukan ko nga

“aray ko Maisie! Masakit yun!!” T__T


“eh para ka kasing bakla diyan eh! Ano pala sabi ni Dionne sa ginawa mo ha?”

“uhmmm hindi naman siya nagalit pero alam mo ba sabi niya saakin may iba siyang
mahal..”

Napalingon ako kay Rui “talaga?!” tanong ko sa kanya habang ngiting ngiti.

Siguro si Kuya Jake yun! Walang duda! Shaks! Kinikilig ako! Sana naman eh wag ng
magpaka indenial si Kuya at ligawan na niya si Dionne!!

“grabe ka makangiti ka parang ang saya mo pang may ibang mahal ang mahal ko ah!”
sabi naman ni Rui kaya bigla akong napasimangot

“sorry! Pero ibig sabihin ba nun hindi ka na niya pinayagan na manligaw?”

“uhmmm sabi niya pagiisipan pa niya pero kahit na! liligawan ko parin siya kahit
anong mangyari! Kahit na ayaw niya saakin, ipapakita ko parin kung gaano ko siya
kamahal. Malay mo...” tumingin si Rui sa langit “... malay natin, may mangyaring
miracle at magustuhan niya rin ako di ba?”

Napatingin din ako sa langit.


Miracle.

Isang bagay na matagal ko ng pinagdarasal. Sana magkaroon ng milagro at magbago ang


ihip ng hangin at makagusto saakin si Rui. Pero ilang taon na ang nakalipas, nganga
parin ako. Wala paring nangyayari. Walang pagbabago. Sobrang mahal ko parin si Rui
----- at sobrang best friend lang din ang turing niya saakin.

Siguro nga hindi talaga siya ang para saakin. Masakit tanggapin pero siguro nga
tama na ang desisyon ko na pumunta sa France at magpakalayo-layo. Baka sakaling sa
gagawin ko, maka-move on na ako sa kanya.

“ne Maisie-chan... tutulungan mo ako di ba? Tutulungan mo ako na ligawan si


Dionne...” sabi niya saakin

Huminga ako ng malalim then tinignan ko si Rui “I’m sorry, mukha atang di na kita
matutulungan..”

“h-ha?! B-bakit naman?”

“Rui...” tinignan ko siya sa mga mata niya “aalis na ako. I-I’m migrating to
France. Doon na ako mag tatrabaho...”

Katahimikan.
Nakatingin lang saakin si Rui at hindi siya umiimik. Halata sa mukha niya na gulat
na gulat siya ng dahil sa sinabi ko.

“R-rui—“

“is it because of me?” tanong niya saakin “d-dahil ba saakin Maisie? Tell me, m-
mahal mo pa ba ko? Nasasaktan ba kita sa mga sinasabi ko?”

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya

“you want to know the truth?”

“please tell me..”

Nag buntong hininga ulit ako at tinignan ko si Rui.

This moment, gusto kong sabihin talaga sa kanya lahat lahat. Na oo aalis ako dahil
gusto ko ng lumayo sa kanya, gusto ko ng kalimutan siya. Gusto kong sabihin kada
babanggitin niya kung gaano niya kamahal si Dionne, parang paulit ulit din akong
sinasaksak sa sobrang sakit.

Pero ano nga bang maidudulot ng pagsasabi ko nito? Malapit na akong umalis pero
gusto ko bago ako umalis, maayos kami ni Rui. Ayokong maghiwalay kami ng landas ng
may hindi pagkakaintindihan.
Nginitian ko si Rui “syempre hindi na ako inlove sayo no! asa ka naman hindi ka
naman ganun ka gwapo!” I faked a laugh “syempre aalis ako dahil may pangarap din
naman ako sa buhay. Ang ganda nung offer na binigay nila saakin. Ang tanga ko na
kung hindi ko pa tatanggapin”

Yumuko si Rui “hindi na ba kita mapipigilan?”

Hinawakan ko ang kamay niya “Rui... sana maintindihan mo..”

“naiintindihan ko naman and I’m very very proud of my best friend. Yun lang hindi
ko maiwasang malungkot. Ngayon lang ulit bumabalik yung closeness natin tapos iiwan
mo na ko agad.”

“ano ka ba! There are such thing as skype or viber! Napakadali na nating makakapag
communicate sa isa’t isa!”

Inangat ni Rui ang ulo niya at nagulat na lang ako ng bigla niya akong hatakin
papalapit sa kanya atsaka niya ako niyakap ng sobrang higpit.

“R-rui---“

“let’s stay like this for a while..” sabi niya then naramdaman ko ang panginginig
ng katawan niya

“R-rui, are you crying?”


Hindi siya sumagot

“uy wag ka umiyak please. Hindi naman ako mamamatay eh...”

“nalulungkot lang ako best friend... nalulungkot lang ako...”

I hugged him back habang pumapatak na rin ang luha sa mata ko.

Nalulungkot din ako na iiwan ko na si Rui. Pero at the same time, masaya din naman
ako na malaman na ayaw niya akong mawala sa tabi niya.

Yun nga lang bilang isang kaibigan... at kahit kelan hindi na magbabago yun.

(to be continued....)

=================

Chapter 37 *sandalan*
Chapter 37

*sandalan*

[Jake’s POV]

“Hay I’m tired!” sabi ko sabay salampak sa sofa pagkarating na pagkarating naming
sa unit ko galing sa party “a lot of things happened tonight and I just want to
rest” tinignan ko si Dionne “pwede bang paki prepare ko ng chamomile tea bago ako
matulog?”

“sige..” sabi niya saakin without looking at me at tumalikod na siya papunta sa


kitchen

Napakunot ang noo ko at tumayo ako para sundan siya. Nag lean ako sa may pintuan ng
kitchen at pinanuod si Dionne habang kumukuha siya ng isang teabag sa container.

“gusto mo ba ng may honey?” tanong niya saakin habang inilalagay niya yung teabag
sa isang mug

“paki lagyan”
Kumuha siya ng isang packet ng honey atsaka niya ito inilagay sa mug. Afterwards,
nilagyan niya na ito ng mainit na tubig at inabot saakin.

“i-ito na oh” pag-abot niya ng mug saakin ng hindi man lang ako tinitignan.

Inabot ko naman yung mug.

“may ipapagawa ka pa po ba?”

“wala na”

“okay then matutulog na ko ah...”

Naglakad na si Dionne palabas ng kitchen. I sighed.

Ano bang problema ng isang yan?!

Inilapag ko yung mug ko sa may counter then hinabol ko si Dionne at hinatak ko yung
braso niya.

“what’s wrong with you?!” I asked her


Iniwas niya yung tingin niya “w-wala ah..”

“wala?! Mula nung nasa kotse tayo pauwi galing sa party hindi ka nagsasalita at
hindi mo ko tinitignan! Ano bang problema mo ha?!”

Bigla na lang napabuntong-hininga si Dionne atsaka niya ako tinignan. Parang bigla
naman akong natigilan ng makita ko ang expression sa mukha ni Dionne.

Sadness is very evident in her eyes.

“sorry” sabi saakin ni Dionne “hindi ko rin alam kung bakit ako nagkakaganito.
First time ko lang din maramdaman ang mga ganitong bagay eh. Hindi ko alam kung
dahil ba nagseselos ako kay Venus dahil hinalikan mo siya, o dahil sa napaka ganda
niya at walang wala ako compare sa kanya. O baka dahil nasasaktan ako kasi napaka
imposible na maging tayo..” huminga si Dionne ng malalim at napatingin siya sa
kisame na para bang pinipigilan niya ang luha niya na tumulo “sorry ah? hindi ko
sinasadya”

Napabuntong hininga ulit ako.

God, bakit ba napaka honest ng babaeng ito?

Tinignan ko si Dionne “bakit ba kasi ang tanga tanga mo at hinayaan mo ang sarili
mo na mahulog saakin eh...”
She gave me a weak smile “ewan ko nga ba. Pero di ba wala namang pusong matalino?”

Napakamot na lang ako sa ulo ko “alam mo ang drama mo eh. Kunin mo na nga lang yung
gitara mo!”

“ha?”

“dali na! wag ka na muna matulog. Kunin mo yung gitara mo” utos ko sa kanya

Nakita ko naman ang pagtataka sa mukha ni Dionne pero hindi narin siya umangal at
pumasok siya sa kwarto niya. Pag labas niya, dala-dala na niya yung gitara niya.

“eto na. Ano gagawin mo diyan Japoy?”

“siguro kakainin ko!” I told her sarcastically

“uwaaaaaa wag! Bigay to saakin ni Kuya Dylan!!” T___T

“baliw! Joke lang yun!” inagaw ko sa kanya yung gitara “malamang di ba tutugtog
ako? Ano pa ba pwedeng magawa sa gitara?!” =__=
Napataas naman yung kilay niya “marunong ka tumugtog?”

“minamaliit mo ba ko?”

“h-hindi! Syempre!”

“good!”

Naupo kami ni Dionne sa sofa at iniayos ko ang pwesto ko para makatugtog ako ng
maayos.

“naala mo nung time na nakita mo ako sa ilalim ng puno sa isang park nung nag
shooting tayo doon sa malaking bahay? Yung panahong kinantahan mo ko?”

“o-oo! Teka Japoy that time, ano ba talaga nangyari sayo?”

Hindi ko sinagot yung tanong ni Dionne, instead I just smile at her “ayokong
nagkakaroon ng utang na loob. Kaya this time babawi ako sayo..”

“ha?”

Nagsimula na ako magstrum ng gitara at kinanta yung unang kanta na pumasok sa isip
ko.

“Kanina pa kitang pinag mamasdan

Mukha mo'y di maipinta

Malungkot ka nanaman”

Tinignan ko si Dionne at nakita kong titig na titig siya saakin habang kumakanta
ako

“Kanina pa kita

Inaalok ng kwentuhang masaya

Parang sayo'y balewala”

Bigla namang napangiti si Dionne at hindi ko alam kung bakit, para bang bigla na
lang din akong napangiti habang kumakanta ako

“Sandali nga

Teka lang

May nakalimutan ka

Diba't pwede mo kong iyakan”


Tinignan ko siya sa mata habang siya ay nakatingin din sa mga mata ko

“Sige lang, sandal ka na

At wag mong pipigilan

Iiyak mo na ang lahat sa langit

Iiyak mo na ang lahat sa akin”

Si Dionne ang unang umiwas ng tingin at iniyuko niya ang ulo niya pero para bang
magnet na napako na lang ang tingin ko sa mukha niya.

“Sige lang, sandal ka na

At wag mong pipigilan

Iiyak mo na ang lahat sa langit

Iiyak mo na ang lahat sa akin”

“ang ganda ng boses mo” dinig kong bulong niya kaya napahinto ako bigla sa pag
tugtog “marunong ka rin palang kumanta at mag gitara...”

“syempre naman! Pag artista ka dapat marami kang alam na gawin no!”
Napangiti si Dionne “nakakaasar. Kaya ka nakakainlove eh..”

Parang bigla naman ako nailing sa sinabi niya at napa buntong hininga na lang ako.

“Dionne..”

“hmm?”

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya “I-I’m sorry ha? Kung hindi ko maibalik yung
pagmamahal na binibigay mo saakin..”

“okay lang yun” sabi niya.

Napatingin ulit ako sa kanya at nakita kong nakangiti siya

“alam mo ba, nagpapasalamat nga ako na hindi mo ako mahal eh” dugtong pa niya

Bigla naman akong nagtaka sa sinabi niya “huh? Ang weird mo ah. Di ba dapat lang na
hilingin ng isang tao na mahalin siya ng taong mahal niya?”

“uhmmm well, sa ibang parte ng puso ko, hinihiling ko rin yun. Pero kung iisipin mo
Japoy, paano kung nagkagusto ka saakin? Paano mo sasabihin sa media na girlfriend
mo ay isang hamak na PA lang? tapos nakatira pa tayo sa iisang bahay. Other than
that amo kita. Magugulo ang lahat. Magkakaroon ng malaking issue. Magiging
komplikado ang mga bagay sa ating dalawa. Hindi katulad ngayon, tahimik. Masaya na
ako sa ganito. Ayokong mawala ang bagay na to saakin. kaya some part of me is
thankful na hindi mo ako mahal...”

Nginitian ko si Dionne “tama yun. Kaya dapat mag move on ka na rin! Ibaling mo na
lang kaya ang atensyon mo sa iba no?! nanjan naman yung hapon mong manliligaw!”

She giggled “bahala na si batman..” bigla naman tumayo si Dionne “tara na Japoy,
matulog na tayo. Maaga pa tayo dapat gumising”

“sige..” inabot ko yung gitara ni Dionne “matulog ka na. Papasok narin ako sa
kwarto ko maya-maya”

“okay. Good night..”

“good night..”

Tinalikuran na ko ni Dionne at naglakad na siya papunta sa kwarto niya.

I sigh.

Hindi ko alam kung bakit, pero parang nakakaramdam ako ng something na mabigat sa
dibdib ko.
Naalala ko ulit yung sinabi ni Dionne na some part of her is happy na wala akong
gusto sa kanya.

Hindi ko maintindihan kung bakit para akong nalungkot ng marinig ko yun.

Nakakabaliw talaga ang babaeng yan. T___T

[Maisie’s POV]

“hoy! Ano tong masquerade ball?! ang baduy ha!!” sabi saakin ni Kuya Jake mula sa
kabilang linya “ano ka mag de-debut?! Tandaan mo despedida party mo ito! Why not
make it just a normal despedida party?! May pa masquerade masquerade ka pa!”

Napakunot bigla ang noo ko “napa supportive brother mo talaga kuya! Yang gabing yan
ang huling gabi ko sa Pilipinas! I want to make it memorable!” sabi ko sa kanya
Nag organize na kasi ako ng despedida party at gusto kong maging masquerade ball
ito. Tuloy na tuloy na talaga ang pag punta ko sa France. In two weeks time, iiwan
ko na ang lahat dito sa Pilipinas.

...even him.

“memorable! Tss. Ang baduy mo!” sabi saakin ni kuya

“hay naku ewan ko sayo kuya ah! tsaka oy ikaw ah, dalawang invitation ang ipinadala
ko diyan sa unit mo. Yung isa para kay Dionne. Ngayon pa lang paalalahanan na kita,
bisita ko si Dionne sa despedida ko at sa mga oras na yun, hindi mo siya alalay
kaya naku wag mong masubuk-subukang utus-utusan siya!” pagbabanta k okay Kuya

“oo na! oo na!! hay naku!”

“at least nagkakalinawan tayo..”

“pero bago ang lahat... Maisie...” bigla naman naging seryoso ang boses ni kuya
“handa ka na ba talagang iwan siya?”

Natigilan naman ako bigla sa tanong ni kuya

“hay kuya. May despedida na ko oh? Ibig sabihin wala ng urungan to..”
“good. You deserve better Maisie. You deserve to be happy. Wag na wag mo ng
babaguhin ang desisyon mo ha?”

“I know kuya. Promise, wala na talagang atrasan to..”

“good for you. I need to hang up now.”

“okay.. bye..”

“bye...”

I ended the call then I heave a sigh.

Sa totoo lang, ilang beses din akong nagdalawang isip kung dapat ba akong tumuloy
sa pag alis o hindi. Hindi ko alam kung katapangan ba itong gagawin ko o kaduwagan.
Tama bang tumakas na lang ako at magpakalayo-layo? O baka naman ang pag layo ko ay
para maka move on na ako?

Hindi ko alam.

Pero ngayon, buo narin talaga ang desisyon ko. Ayoko ng isipin na si Rui ang
dahilan ng pag-alis ko. Mas magiging madali ang lahat kung ang iisipin ko ay aalis
ako dahil nasa France ang katuaparan ng mga pangarap ko.
Napatingin ako sa invitation na nasa kamay ko.

Actually lahat nan g mga kamag-anak at malalapit na kaibigan ko, napadalhan ko na


ng invitation para sa despedida party ko. Isa na lang ang hindi.

Si Rui...

Pero ngayon, plano kong pumunta sa unit ni Rui para i-abot ng personal ang
invitation na ito sa kanya. Nang matapos ako sa pagaasikaso ng ilang mga bagay para
sa migration ko pati narin doon sa despedidap party, dumiretso na ako agad sa unit
na tinutuluyan ni Rui. Ang alam ko kasi, rest day niya ngayon. Sana nga lang at
nandito siya ngayon sa unit niya.

Good thing, nung tanungin ko ang receptionist, sinabi niyang nandoon si Rui kaya
naman dumiretso na ako sa unit niya. Nang makarating ako doon, agad kong pinindot
ang door bell. Naka tatlong door bell ako bago tuluyang buksan ni Rui ang pinto.

“Maisie-chan! What brought you here!” masigla niyang bati saakin

“are you busy?”

“no! come inside!”

Pumasok naman ako sa loob ng unit niya at nakita kong may malaking teddy bear na
nakaupo sa sofa niya

“wow ang cute naman!” sabi ko sabay lapit doon sa teddy bear at niyakap ko ito

“cute ba? Bibigay ko yan kay Dionne!” sabi ni Rui habang papunta siya sa may
counter ng kitchen niya

Bigla naman ako napalayo sa teddy bear.

“t-talaga? A-ang cute ah..”

“sana magustuhan niya rin! Actually nag aaral ako mag luto ngayon kasi plano ko
bigyan ng surprise dinner date si Dionne at gusto ko ako lahat ang magluluto ng
pagkain!”

I gave him a weak smile “ang sweet mo naman...”

“hehehe sana mainlove na si Dionne saakin”

Hindi na ako sumagot.

Here we go again. Kada ba magkikita kami puro si Dionne na lang ang bukambibig
niya? Aalis na nga ako’t lahat ganyan pa siya.
“Maisie-chan halika dito! Tikman mo pala yung carbonara na ginawa ko”

Tumayo ako at lumapit kay Rui doon sa counter niya. Tinignan ko yung carbonara na
niluto niya

“nakakatakot kainin” sabi ko sa kanya “mamaya kung ano nilagay mo diyan eh!” =__=

“grabe ka!! Masarap yan! Dali na tikman mo!”

Kumuha ako ng tinidor at tinikman yung carbonara na ginawa ni Rui.

“masarap ba? Masarap ba?”

Tinignan ko siya then I smile “pwede na!”

“grabe ka! Alam ko masarap yan! Ay Maisie-chan” nagulat naman ako ng biglang
lumapit si Rui saakin “may sauce sa gilid ng labi mo..” biglang hinawakan ni Rui
ang gilid ng labi ko at tinaggal ang sauce dito gamit ang thumb niya.

Nang dahil sa ginawa niya, para bang nakuryente ang buong katawan ko at naramdaman
ko ang pamumula ng pisngi ko.
“Maise-chan why are you blushing?”

“h-ha? H-hindi ah!” pag de-deny ko sa kanya

“eeehh namumula ka eh! Bakit? Kinikilig ka saakin no?! wahahahahahahaha!”

“h-hindi ah! hoy naka move on na ko sayo no!”

What a liar, Maisie. =___=

“ows? Di nga? Naku wag ka na maiinlove saakin! mapanganib yan! May mahal na akong
iba! Wahahahahahahahhaa” sabi ni Rui habang tatawa-tawa pa.

Tinignan ko lang siya habang tumatawa siya. Gusto ko rin makitawa sa kanya at mag
panggap na natuwa ako sa biro niya pero hindi ko makuhang mag panggap. Para bang
hindi ko maigalaw ang mga labi ko at pilitin itong ngumiti.

Napansin naman ni Rui ang expression ng mukha ko.

“o-oi Maisie-chan I’m just joking! Hala napikon ka na ba?”


“m-manhid..” bulong ko

“h-ha?”

“P-paano kung sabihin ko sayong hindi pa ako naka move-on? Paano kung sabihin kong
hanggang ngayon mahal na mahal parin kita?”

“M-maisie.. a-anong ibig sabihin mo?”

Bigla na lang tumulo ang luha ko “ang sakit... Rui.. hindi ko na kaya makipag
biruan ng ganun sayo kasi tagus-tagusan ang sakit....”

“I—I—m—“

Hindi ko na pinatapos ng sasabihin si Rui. Tinalikuran ko na siya at agad akong


lumabas sa unit niya.

What the heck did I just do? Sinira ko ang plano ko. Sabi ko, susulitin ko ang mga
huling araw na kasama ko siya pero bakit bigla bigla na lang ako umamin sa kanya?

Dalawang linggo na lang aalis na ako tapos ganito pa? For sure doon na sa despedida
ang sunod at huli naming pagkikita ni Rui..
Bigla akong natigilan.

Naalala ko na hindi ko pa pala nasabi sa kanya na despedida ko na at malapit narin


ako umalis.

Bigla na lang akong napaupo sa sahig at napahagulgol ng iyak...

(...to be continued...)

=================

Chapter 38 *Enchanted*

Chapter 38

*Enchanted*
[Maisie’s POV]

“this mask is so gay! Hindi ko talaga susuotin yan kahit bayaran mo pa ako ng
milyones!” sabi ni kuya Jake habang nakatingin doon sa dinala kong mask niya para
sa masquerade ball despedida party ko mamayang gabi

“hay naku Kuya Jake aalis na nga ako’t lahat eh hindi mo pa ko pagbibigyan! Bahala
ka sa buhay mo kung ayaw mong mag maskara!” =___=

“talaga hinding hindi ko su-suotin yan no!” tinignan ako ni kuya at medyo hininaan
niya yung boses niya “oh nakausap mo na yung Hapon na yun?” tanong niya saakin

Iniwas ko yung tingin ko sa kanya “l-let’s not talk about it please..”

He just shrugged his shoulders.

After kasi ng nangyaring pag-amin ko kay Rui, hindi ko na siya cinontact pa at


hindi narin niya ako naisipang i-contact after nun. Walang paramdam, wala ni isang
text o tawag.
Hay

Tomorrow morning, aalis na ako papunta sa Paris. Less than 24 hours na lang ang
natitirang oras ko dito sa Pilipinas. Alam kong hindi na pupunta si Rui sa
despedida ko at ayun na ang huli naming pagkikita. Siguro nga matatapos na ang
lahat na ganito kami ni Rui. Aalis ako ng may misunderstanding kami. Masakit at
nakakalungkot isipin pero siguro mas mabuti na yung ganito. Baka sa ganitong
paraan, mas madali akong makaka move on.

Sana nga lang, if ever magkikita kami in the near future.. sana... sana maging mag
best friend parin kaming dalawa.

“Uhmm Japoy, Maisie, tapos ko na po linisin yung banyo..” sabi ni Dionne na


kapapasok lang ng living room.

“ok! Isunod mo naman yung kitchen” utos sa kanya ni Kuya Jake

“kuyaaaa ano ba!” asar kong sabi sa kanya “aalis na kami ni Dionne eh! Tsaka ka na
mag utos ng mag utos sa kanya okay?!”

“eh bakit ba ha?! Chimay ko yan eh! Tsaka saan mo ba siya dadalhin?!”

“doon nga sa salon kung saan ako magpapaayos!”

“eh bakit ba kailangan mo siyang isama!!” pagtutol ni kuya “pwede naman niya ayusan
ang sarili niya!!”

“Kuya ano ba! Bisita ko mamaya si Dionne and I need to make sure na hindi mo siya
aalilain doon!” pinanlisikan ko si kuya ng masama “she’ll come with me kahit ano
ang sabihin mo!” tinignan ko si Dionne “Dionne, maligo ka na. Wag mo na intindihin
si Kuya”

“p-pero...” napatingin si Dionne kay kuya at para bang natatakot na suwayin ito.

Tinignan ko si kuya ng masama

“okay! Okay! Fine! Lumayas na kayong dalawa!” sabi ni kuya

Nagkatinginan naman kami ni Dionne at parehong napangiti. Dali-dali naman naligo si


Dionne at after that, nag paalam na kami kay kuya na aalis na kami.

“don’t be late ha” paalala ko sa kanya

“oo na! kulet mo!”

“naninigurado lang..”

After that, bumaba na kami sa parking lot at sumakay sa kotse ko. Dumiretso na agad
kami ni Dionne dahil halos ilang oras na lang ang natitirang pag-aayos saamin bago
mag-start ang party.

“Maisie, nakakahiya naman sayo ikaw na sumagot ng dress ko ikaw pa sa paayos ko..”
sabi ni Dionne

“ano ka ba okay lang yun no! Alam ko naman na sasagutin din ni kuya yan inunahan ko
lang siya...”

Napangiti naman si Dionne “salamat talaga ah. Ang bait niyong lahat saakin.. hay
nakakalungkot naman aalis ka na. Pero sana talaga matupad mo ang mga dreams mo doon
sa lugar na pupuntahan mo..”

I smile back at her “you too Dionne. Sana maging masaya ka. Iiwan ko na sayo ang
kuya ko. Aalagaan mo yun ah? Pero wag ka rin papaalila doon.”

“oo naman! Hindi ko siya pababayaan promise yan!”

“a-and .. Rui too... wag mo siyang papabayaan ah..”

Napayuko bigla si Dionne “o-oo naman. I’ll always be his friend..”

“friend..” pag ulit ko sa sinabi niya.


Huminga ako ng malalim at bigla ko na lang ipinark yung kotse sa gilid ng kalsada.

“uhmm Maisie bat ka huminto?” nagtatakang tanong saakin ni Dionne

Tinignan ko siya

“Dionne, please tell me the truth, meron ba kahit katiting na pag-asa sayo si Rui?”
deretsahan kong tanong sa kanya

Nakita ko naman ang gulat sa expression ng mukha ni Dionne ng dahil sa tanong ko.
Agad-agad niyang iniwas ang tingin niya saakin.

“M-maisie, b-bat mo naman na-tanong yan..?”

“Because I’m in-love with Rui” napatingin bigla si Dionne saakin ng dahil sa sinabi
ko “I love him Dionne.. mula nung highschool kami, hanggang ngayon, mahal na mahal
ko si Rui. Wala akong ibang lalaking minahal, siya lang...”

Halos manlaki ang mata ni Dionne ng dahil sa sinabi ko “M-maisie.. hindi ko alam na
ganun pala.. I’m sorry.. I’m really really sorry...” hinawakan niya ang kamay ko
“hindi ko sinasadya.. hindi ko expected na magkakagusto siya saakin.. “

I give her a weak smile “bat ka naman nagsosorry sa isang bagay na wala kang
kasalanan? Don’t worry, hindi ako galit na minahal ka ni Rui. Sa totoo nga hindi na
ako nagtaka kung bakit siya nahulog sayo.. It’s just that, I want to know kung ano
ba si Rui para sayo..”
Napahinga ng malalim si Dionne and she avoided my gaze again “I-I’m sorry pero
hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya. Y-you see, may iba akong
mahal Maisie...”

I slightly smile “then I guess ma bo-broken-hearted ang best friend ko” tumingin
ako sa labas “sana pag dumating ang panahon na yun, may tao sanang mag co-comfort
sa kanya..”

“I’m sorry.. I’m really sorry..”

Tinignan ko ulit si Dionne at hinawakan ko yung kamay nila “wag ka mag sorry dahil
wala kang kasalanan.. isa pa alam ko naman talaga kung sino ang gusto mo”

“h-ha?”

“wag ka mag-alala gusto ka rin ng taong yun sadyang sobrang indenial lang siya. Di
bale magpapaganda tayo ng bongga ngayon para naman matauhan na ang taong yun at
makita niya kung sino ang pinapakawalan niya!”

Napangiti naman bigla si Dionne. I smiled back then I started the engine at
pinaandar ko na ang kotse ko papunta sa salon.
[Dionne’s POV]

“I want you to make her look elegant” sabi ni Maisie doon sa make-up artist na mag-
aayos saakin.

“yun lang pala! Simpleng simple!” sagot ng make-up artist “let’s see...” inangat
niya ang mukha ko at tinitigan ako “hindi naman kailangan ng girl na to ng make
over eh. Maganda na siya as is! Ang kulang na lang sa kanya ay onting blush kasi
medyo pale ang kulay niya. Tell me te, anemic ka ba?” tanong niya saakin

“h-ha?” napahawak naman ako sa pisngi ko “hindi naman. Pero puyat kasi ako lately”

“ay kaya naman pala! Naku iwas iwas sa pag pupuyat! Di bale ako na bahala sa beauty
mo! Mas pagagandahin pa kita!” sabi niya saakin at inumpisahan na niya akong
ayusan.

Sa kabilang upuan naman, nakita ko ring sinisimulan nang ayusan si Maisie.

Simple lang yung ginawang ayos saakin. Natural make up lang at itinali lang into
half pony tail ang buhok ko tsaka ikinulot sa dulo. Pero after kong maayusan,
napangiti naman ako.

Iba talaga nagagawa ng make up! Napapaganda ako! Mwahahahaha. Ma-inlove kaya saakin
si Japoy?
Uwaaaaaaaa ano ba tong iniisip ko! Bakit ba sumasagi sa isip ko na magugustuhan ako
ng amo ko?

Hay.

Si Jake Marquez. Gwapo, mayaman, sikat, malinis, at mabango... napakalayong


mangyari na sa isang kagaya ko mahuhulog ang loob niya. Baka mas possible pang
maging puti ang uwak kesa sa mainlove siya saakin eh.

“ang ganda mo Dionne!” sabi saakin ni Maisie after kong maisuot yung cocktail dress
na pinili niya para saakin “naku maiinlove si kuya niyan sayo! Promise!”

“eh? Hehehe imposible naman yang sinasabi mo”

“paano magiging imposible ang isang bagay na nangyayari na?”

“h-ha?”

“wala! Ay ito pala..” may inabot siya saakin na isang mask “dahil masquerade yung
party, hindi pwedeng mawala yan. Wear it during the party pero pwede mo naman na
siyang alisin pag patak ng midnight..”

“okay!” sabi ko sa kanya at kinuha ko yung mask ko.


Sumakay na kami ulit ni Maisie sa kotse niya at dumiretso na kami sa reception ng
party. Marami-rami naring guest ang nandun sa party. Bago kami bumaba ng kotse,
isinuot ko na yung mask ko pero si Maisie hindi niya muna isinuot yung kanya dahil
sasalubungin daw niya yung mga bisita niya at para makilala siya ng mga ito.
Pagkababa namin ng kotse, ang dami agad ang sumalubong kay Maisie kaya naman medyo
napahiwalay na ako sa kanya nun. Naging occupied narin kasi siya sa pag e-entertain
sa mga guest niya. Naisipan kong humanap muna ng upuan pero hindi na ako nakapag-
paalam nun kay Maisie dahil busy na siya sa pakikipag usap sa mga bisita niya.
Siguro ang daming makakamiss sa kanya pag-alis niya.

Nagikot-ikot ako doon sa reception area at naghahanap ng kakilala kaso lahat naman
ng tao dito puro naka maskara kaya wala ding saysay ang paghahanap ko. Napadapo ang
tingin ko doon sa isang table at nakita kong may nagiisang lalaki na nakaupo doon
habang nakapangalumbaba at busying busy sa pagpipindot ng cellphone niya.

Napangiti ako bigla.

At last nakahanap narin ako ng kakilala ko! Ang nagiisang taong walang suot na
maskara dito sa party na ito.

Agad ko siyang nilapitan

“oy Japoy!”

“ay isda!” sabi niya ng magulat siya sa biglaan kong pagsulpot sa likod niya “ay
bwiset! Nahulog yung mga zombies ko dito sa nilalaro ko!! Ikaw kasi nang-gugulat
ka!” yamot na sabi niya saakin

Natawa naman ako sa expression niya.


“mwahahahaha nakakatawa ka!”

“heh! Manahimik ka diyan chimay!”

Napatigil bigla ako sa pagtawa “teka paano mong nalaman na si Dionne ako eh
nakamaskara ako?” O___O

“yang boses mo, yang galaw mo at yang pagtawag mo saakin na Japoy. Tanga na lang
kung sino ang hindi makakilala sayo” =___=

Napatakip ako ng bibig “ay oo nga no!” tinignan ko si Japoy “uwaaaa Japoy ang gwapo
gwapo mo ngayon! Bagay sayo ang naka tux”

“matagal ko nang alam na gwapo ako, hindi mo na kailangang ipagdiinan pa“ tinignan
ako ni Japoy “bagay din sayo yang gayak mo ngayon..”

Napangiti naman ako sa sinabi ni Japoy at ramdam na ramdam ko ang kakiligan tagos
to the bones!

“talaga? Bagay ba saakin tong ayos ko? Pati itong dress? Maganda ba ko ngayon?”

Japoy smirk “oo bagay na bagay sayo ang naka maskara. Mas maganda ka ng ganyan.
HAHAHAHAHA”
Nawala naman bigla yung ngiti sa mukha ko. Nakakainis naman. Akala ko pa naman
nagustuhan niya yung ayos ko. Kung sabagay hindi naman niya nakikita yung mukha ko
dahil naka-mask ako pero alam ko naman na kahit makita niya akong naka-ayos hindi
parin siya magagandahan saakin. >__<

Nag-start na yung program. Syempre nag speech si Maisie. Isa-isa ring nagbigayan ng
mga farewell messages ang malalapit na kaibigan at kamag-anak niya. Maging si Japoy
ay nagsalita. Pero parang may kulang.

Napatingin ako sa paligid ng reception area then bumulong ako kay Japoy

“Japoy, hindi ba pupunta si Rui ngayon?”

“bat mo siya hinahanap?”

“uhmm w-wala.. kasi di ba kaibigan siya ni Maisie? Bat wala siya?”

“eh ano naman kung wala siya dito? Di siya kawalan” yamot na sagot ni Japoy saakin
“kung namimiss mo siya edi tawagan mo! Hmpf” =__=

“h-huh?”
“ewan ko sayo!”

Tumayo na si Japoy at lumapit doon sa buffet table para kumuha ng pagkain.


Nagsisimula narin kasing magkainan yung mga guest.

Ano kaya problema ni Japoy at bakit parang mainit na naman ang ulo niya? Baka naman
hindi niya nadala yung alcohol niya.

Tumayo narin ako at sumunod kay Japoy papunta doon sa buffet table. Marami-rami din
akong nakain dahil ang sasarap ng pagkain dito. Namiss ko tuloy ang mga luto ni
daddy at ni kuya. Pareho kasi silang chef at unlike me, sobrang gagaling nila
magluto.

“hay busog!” sabi ko matapos kong maubos yung pagkain ko

“ang takaw mo pero puro kain lang naman ang alam mong gawin. Hindi ka naman
marunong magluto” sabi ni Japoy saakin.

“pero kaya naman kitang ipag-bake ah?” ^__^

“heh! Hindi ko kailangan yan!”

“ang highblood mo talaga. Wait lang ah, punta lang ako sa comfort room” sabi ko sa
kanya
Tumango lang siya kaya naman iniwan ko muna siya sa table at naglakad papunta sa
rest room. Habang naglalakad ako , bigla na lang naging dim yung ilaw sa loob ng
reception at binuksan na ang ilaw ng disco ball. Nagsitayuan ang mga guests at mga
nagsayawan sa gitna ng dance floor.

Umpisa na ng totoong party.

Tumuloy na ako sa restroom. Pagpasok sa restroom, may nakita akong isang babae na
naghuhugas ng kamay sa sink. At first, hindi ko siya mamukaan dahil sa mask niya
pero agad ko rin naman siyang narecognize ng makita ko ang suot niyang dress.

“Maisie!”

“oh Dionne. Nawala ka bigla kanina.”

“hehe sorry. Kasama ko ngayon si Japoy..”

“ah kaya pala..”

“uhmm Maisie.. s-si Rui hindi ba siya pupunta?”

Parang biglang natigilan si Maisie sa tanong ko pero agad din siyang ngumiti
“uhmm hindi eh. I wasn’t able to give him the invitation kaya malamang hindi na
siya pumunta..”

“p-pero bakit? Ayaw mo bang magpaalam manlang sa kanya?”

“it’s okay Dionne. Ay una na pala ko, inaantay nila ako sa labas eh. Just enjoy the
party..” lumabas na si Maisie ng comfort room pero bago siya tuluyang makalabas,
naaninag ko ang mukha niya.

She’s sad, and she’s in pain. Kahit na nakasuot siya ng maskara, kitang kita parin
sa mata niya kung gaano siya kalungkot ngayon.

I think I need to do something.

Agad akong lumabas ng restroom para puntahan si Japoy pero saktong pagkalabas ko,
nakita ko siya na halos kalalabas lang din ng restroom

“uy Japoy!” nilapitan ko agad siya “Japoy may cellphone number ka ba ni Rui?”

“ha?!” sigaw niya. Medyo hindi kasi kami magkarinigan ni Japoy gawa ng sobrang
lakas na tugtog na nangagaling sa streo at idagdag pa ang tawanan at hiyawan ng mga
tao na nagsasayaw sa dance floor.

Medyo lumapit pa ako ng onti sa kanya “sabi ko kung may cellphone number ka ba ni
Rui!” this time medyo mas malakas ang pagkakasabi ko sa kanya.
Nakita ko namang kumunot ang noo niya.

“oh bakit?! Di ka na makatiis?! Miss mo na agad?! Pakipot ka pa eh! May gusto ka


rin naman pala sa kanya!”

“h-ha? Ano ba yang sinasabi mo?”

“sus! yung totoo wala ka talagang gusto saakin! si Rui talaga gusto mo! Wag ka na
magpakipot pa! doon ka na sa kanya at sagutin mo na yang Hapon na yan!” =__=

“t-teka Japoy—“

Hindi niya ako pinakinggan at naglakad palayo saakin.

Bat kaya ang sungit ng isang yun?

Hinabol ko naman agad si Japoy at nakita kong nagpunta na siya sa dancefloor at


nakikisali na doon sa sayawan.

“u-uy Japoy” hinatak ko yung braso niya


“ano ba! Istorbo ka sa pagsasayaw ko! Doon ka na! chupi!”

“Galit ka ba saakin?”

“bat naman ako magagalit sayo ha?!”

“e-eh bat mo ko sinisigawan?”

“K-kasi malakas yung sound system! Para marinig mo ko!!”

“eeeh galit ka eh!”

“hindi nga sabi kulit mo! Lumayas ka na dito!!”

“p-pero...”

Mas naging lively yung beat nung kanta at nagulat na lang ako ng biglang magtatalon
yung mga tao sa paligid ko habang nakataas yung kamay nila at enjoy na enjoy
sinasabayan yung tugtog. Bigla na lang akong natabing nung isang lalaki na nasa
likuran ko kaya naman napatumba ako sa harapan ni Japoy.
“aray ko!” T__T

Hinawakan ni Japoy ang magkabila kong braso at medyo napayakap ako sa kanya para
hindi ako tuluyang matumba

“okay ka lang?” tanong niya saakin habang inaalalayan ako

“ah oo medyo natapilok lang ako dahil sa—“ napatigil ako sa pagsasalita ng iangat
ko ang tingin ko kay Japoy at doon ko lang narealize na sobrang lapit ng mukha
namin sa isa’t isa “s-sa t-takong ko..” pagtatapos ko sa sinasabi ko.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na para bang any minute, kakapusin ako ng
hininga. Nakatingin ako sa mata ni Japoy at parang nalulula ako. Hindi ako halos
makagalaw sa pwesto ko. Scratch that. Parang ayoko ng umalis sa pwesto ko.

Biglang huminto yung lively na tugtog at nagpalit na nang kanta. This time, pang
slow dance.

♪ “There I was again tonight, forcing laughter, faking smiles

Same old, tired place lonely place” ♪

Isa-isa naman nag slow dance yung mga tao sa paligid namin ni Japoy at nakipagsayaw
sa kani-kanilang mga partners.
♪ “Walls of insincerity, shifting eyes and vacancy

Vanished when I saw your face” ♪

Medyo umayos ako ng pagkakatayo at humiwalay ng kaunti kay Japoy

♪ “All I can say is it was enchanting to meet you” ♪

“s-sorry” sabi ko sa kanya at napatingin ulit ako sa mata niya.

Hindi siya nag react pero hindi niya din inaalis ang titig niya sa mga mata ko.
This time, walang bakas ng pagkainis ang mga tingin niya kundi yung parang tingin
na gusto niya akong tunawin dito.

♪ “Your eyes whispered, "Have we met?" across the room, your silhouette

Starts to make its way to me” ♪

“h-heheheh t-tara balik na tayo sa upuan?” sabi ko sa kanya

Patalikod na sana ako kaso nagulat ako ng bigla niya ulit ako hatakin palapit sa
kanya.

♪ “The playful conversation starts, counter all your quick remarks


Like passing notes in secrecy” ♪

“t-teka Japoy.. b-bakit?”

“let’s dance..”

“h-ha?”

♪ ”And it was enchanting to meet you

All I can say is I was enchanted to meet you” ♪

Bago pa mag function ng maigi yung utak ko at i-absorb yung sinabi niya, nagulat na
lang ako ng bigla niyang ilagay yung kaliwang kamay ko sa braso niya at naramdaman
ko na lang ang isang kamay niya na nakapalibot sa bewang ko at yung isa naman ay
hawak hawak ang kanang kamay ko.

And before I knew it, we are swaying with the beat of the song

♪ ”This night is sparkling, don't you let it go

I'm wonder-struck, blushing all the way home

I'll spend forever wondering if you knew


I was enchanted to meet you” ♪

Halos hindi ako mapakali habang nagsasayaw kami ni Japoy. Halo-halong emosyon ang
nararamdaman ko. Kinakabahan, ninenerbyos, kinikilig, natatae, naiihi, at kung ano-
ano pa. Pero ang pinaka nangingibabaw sa lahat ay yung saya.

Lalo pa’t parehong nakapako ang tingin namin ngayon sa mata ng isa’t isa.

♪ “The lingering question kept me up, 2 a.m., who do you love?

I wonder 'til I'm wide awake” ♪

“are you okay?” tanong saakin ni Japoy

“h-ha? O-oo naman! B-bakit naman hindi?”

“nanginginig ka eh”

♪ “Now I'm pacing back and forth, wishing you were at my door

I'd open up and you would say” ♪

Doon ko lang din napansin na grabe nga ang panginginig ko. Tofu sino ba naman kasi
ang hindi manginginig dito sa sobrang kakiligan? Sinasayaw ka ng isang taong sikat
at gwapo. Isinasayaw ka ng taong nagpatibok sa puso mo.

♪ “It was enchanting to meet you

All I know is I was enchanted to meet you” ♪

“hehehehe m-medyo nilalamig lang ako kaya ako nanginginig” pagpapalusot ko kay
Japoy

“ganun?”

Nagulat na lang ako ng biglang bitiwan ni Japoy ang kanang kamay ko at pareho na
niyang ipinatong ang dalawa niyang kamay sa palibot ng bewang ko.

♪ “This night is sparkling, don't you let it go

I'm wonder-struck, blushing all the way home

I'll spend forever wondering if you knew” ♪

Naramdaman ko na unti-unting gumagalaw ang kamay ni Japoy mula sa bewang ko papunta


sa likod ko hanggang sa magka-lock na ang dalawa niyang kamay sa likod ko at para
bang nakayakap na kami sa isa’t isa habang nagsasayaw.

Napalunok ako bigla.


Shocks. Ano na tong nangyayari? God, wag sana akong atakihin sa puso ng dahil sa
sobrang kakiligan na nararamdaman ko, please. >///<

♪ “This night is flawless, don't you let it go

I'm wonder-struck, dancing around all alone

I'll spend forever wondering if you knew

I was enchanted to meet you” ♪

“nilalamig ka pa?” bulong niya saakin

“h-hindi na..” sabi ko

“eh bakit nanginginig ka parin?” nakangiting tanong niya "kinikilig ka no?"

Tofu. Aware siya sa tunay na dahilan kung bakit ako nanginginig and yet ginagawa
niya parin ito =___=

♪ “This is me praying that

This was the very first page, not where the storyline ends
My thoughts will echo your name until I see you again” ♪

“ganyan ba katindi ang pagkakilig na nararamdaman mo ngayon at grabe kang


manginig?”

“h-hindi ah!”

He smile again “just relax Dionne.. “

♪ “These are the words I held back as I was leaving too soon

I was enchanted to meet you” ♪

Huminga ako ng malalim at tinignan ko ulit sa mata si Japoy. Pinag masdan ko maigi
ang mukha niya. Buti na lang at hindi niya isinuot yung maskara niya kaya nagagawa
ko siyang titigan dito. On the other hand, buti na lang din may suot akong maskara
para hindi niya makita ang grabeng pamumula ng mukha ko ngayon.

♪ “Please don't be in love with someone else

Please don't have somebody waiting on you” ♪

“Dionne, alam ko wala pang midnight, pero pwedeng paki tanggal ang mask mo?”

“ano?!”
“sabi ko paki tanggal ang mask mo!”

“p-pero pero—“ eeehhh pag tinanggal ko to makikita na niya ang mala kamatis kong
mukha!

♪ “Please don't be in love with someone else

Please don't have somebody waiting on you” ♪

“dali na kasi!”

“ayoko! Panget ang itsura ko! Mukha akong clown!”

“palagi ka namang mukhang clown eh! Sanay na ko sa mukha mo kaya tanggalin mo na


yang maskara mo”

“a-ayoko nga”

“then ako mag tatanggal..”

Bigla huminto sa pagsway si Japoy at tinitigan niya ako sa mata. Dahan dahan niyang
inilapit ang kamay niya sa mukha ko at tinanggal niya ang maskara ko.

♪ “This night is sparkling, don't you let it go

I'm wonder-struck, blushing all the way home

I'll spend forever wondering if you knew” ♪

Nang mai-alis na niya ang maskara sa mukha ko, hindi siya nag react o nagsalita.
Tinitigan niya lang ako maigi at hindi ko mabasa ang expression sa mukha niya.

Nagandahan ba siya? Napangitan? O wala lang?

Hindi ko siya mabasa.

This night is flawless, don't you let it go

I'm wonder-struck, dancing around all alone

I'll spend forever wondering if you knew

I was enchanted to meet you

“u-uhmm J-japoy—“

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, bigla na lang niya ulit ako hinatak papalapit
sa kanya then he gently whisper to my ears

“you’re very beautiful tonight..”

And that made me the happiest. Napapikit ako at napabulong na lang kay God.

Sana.. sana wag na pong matapos ang gabing to...

♪ “Please don't be in love with someone else

Please don't have somebody waiting on you....” ♪

(to be continued...)

=================

Chapter 39 *Sayonara*
Chapter 39

*Sayonara*

[Maisie’s POV]

“Maisie, ma-mimiss talaga kita. Alam ko naman na matagal mo ng dream ang makapa
trabaho sa Paris! I know magiging successful ka!”

“Uy Maisie pag isa ka ng sikat na fashion designer walang kalimutan ah?”

“I want you to be the one designing my wedding gown kaya dapat umuwi ka sa
Pilipinas ah?”

Isa-isa kong pinakinggan ang mga speech para saakin ng mga close friends and
relatives ko. Iyak tawa na nga ako dito eh. Hindi ko expected na masaya dahil aalis
na ako para abutin ang mga pangarap ko pero malungkot kasi iiwanan ko na ang mga
taong to. On the other hand, natutuwa ako dahil nakikita ko ang wagas na suportang
binibigay nila saakin.

Nang matapos na ang speech ng mga kaibigan ko, turn naman ng family ko para
magsalita. Sabay na lumapit si mommy at daddy sa microphone at nakita kong maluha-
luha na si mommy.
“Maisie,” sabi ni mommy “kahit hindi ka saakin nanggaling, kahit step mom mo lang
ako, I want you to know na mahal na mahal kita and itinuring kitang akin. Go reach
for your dreams. We are always here to support you..”

I smiled at her.

Dati nung namatay yung real mom ko, akala ko hindi na ako makakaranas pa na kalinga
ng isang ina. Pero nung nag pakasal ulit si daddy, napakasaya ko kasi hindi lang
mommy ang dumagdag saakin pati narin kuya.

It’s daddy’s turn to speak “do great things Maisie. I know you can be successful.
Anak kita eh”

“thank you daddy” sabi ko sa kanya na medyo teary eyed.

Pareho na silang bumalik sa kani-kanilang upuan. This time, it’s kuya Jake’s turn
to give a speech.

Napangiti ako ng makita ko siya. Itong kuya ko talaga up to the last minute hindi
ako nagawang pagbigyan. Talagang hindi siya nagsuot ng maskara. Pero kahit ganyan
yan, mahal na mahal ko yan.

Tinignan ako ni Kuya Jake “Maisie, be happy” sabi niya and after that, umalis na
siya sa harap.

Be happy.
Dalawang words lang ang message para saakin ni Kuya Jake.

Pero bakit parang napakalalim nito? Kaya ko ba talagang maging masaya?

Natapos na ang message speech pati ang bigayan ng mga regalo. In few minutes,
magsisimula na ang sayawan.

Bago magsimula yung sayawan, pumunta muna ako sa restroom to pee and medyo mag ayos
ayos narin. Nung makalabas ako sa cubicle, nakita ko naman na may babaeng pumasok
sa restroom.

“Maisie!” tawag sakin nung kapapasok lang at doon ko napansin na si Dionne pala ito

Nginitian ko siya “oh Dionne. Nawala ka bigla kanina” sabi ko dito.

Kanina kasi akala ko nakasunod parin siya saakin habang busy ako makipag usap sa
mga kaibigan ko. Kaso nung paglingon ko sa likod ko, wala na si Dionne.

“hehe sorry” sabi niya “kasama ko ngayon si Japoy”

“ah kaya pala” well atleast magkasama na sila ni Kuya. Sana naman at masolo na nila
ang gabi.
“uhmm Maisie.. s-si Rui, hindi ba siya pupunta?”

Natigilan ako bigla sa tanong ni Dionne pero agad akong ngumiti para hindi niya
mahalata ang pagka bigla ko.

“uhmm hindi eh. I wasn’t able to give him the invitation kaya malamang hindi na
siya pumunta”

“p-pero bakit? Ayaw mo bang magpaalam manlang sa kanya?”

I looked away “it’s okay Dionne.. ay una na pala ako, iniintay na nila ako sa labas
eh. Just enjoy the party” I told her then bago pa siya ulit makapag salita, agad na
akong lumabas ng restroom.

Napansin ko naman na medyo dim na ang lights at naka bukas na ang disco ball. Sa
gitna ng dance floor, nagsa-sayawan na ang mga bisita ko.

I sigh.

Kinuha ko yung phone ko sa bag ko para tignan kung may nag text ba saakin. Ilang
mga messages galing sa mga kaibigan ko at mga kamag-anak na hindi nakapunta sa
despedida party.
Pero ni isang message walang galing kay Rui.

Nagbuntong hininga ulit ako. Ilang oras na lang matatapos na ang party. Ilang oras
na lang din, aalis na ako papuntang France. Nakakalungkot isipin na hindi ko na
makikita si Rui. Hindi maganda ang naging pamamaalam namin sa isa’t isa atdoon na
matatapos ang lahat.

Sobrang sakit lang tanggapin.

“Maisie nandiyan ka pala! Tara na party party na!” sabi ni Jade, isa ding fashion
designer na kaibigan ko.

Hinatak ako ni Jade sa dance floor kung saan nandoon narin yung iba ko pang mga
kaibigan na enjoy na enjoy sa pagsasayaw

“baka ito na ang huling beses na maka bonding ka namin kaya itodo na natin to!”
sabi ni Jade saakin.

I smile “oo naman! Tara na party party!”

Nakisayaw ako sa mga kaibigan ko nun at pinilit ialis si Rui sa isipan ko. Tama
sila, huling gabi ko na to makakasama ko sila. Dapat pilitin kong magpakasaya.
Dapat hindi na ako madepress.

Nagpakawild ako. Nagsisigaw, nagtatalon kasabay ang tugtog at kasama ang mga
kaibigan ko. Sa bawat paghiyaw, parang naisisigaw ko narin yung bigat na
nararamdaman ko. Sa bawat tawa, naitatago ko ang mga nagbabadyang luha sa mata ko.

Buti na lang naka maskara ako. At least walang nakakakita ng tunay na expression
ko. Kaya nga ginawa ko itong masquerade ball eh, para maitago ko sa likod ng
maskara ko ang sakit na nararamdaman ko.

Bigla naman huminto yung pang party na music at napalitan ito ng pang slow dance na
kanta.

♪ “There I was again tonight, forcing laughter, faking smiles

Same old, tired place lonely place” ♪

Nakita ko na unti unting naghanap ng mga ka-pair yung mga kaibigan ko at nakipag
slow dance sila dito

♪ “Walls of insincerity, shifting eyes and vacancy

Vanished when I saw your face” ♪

“uhmm Jade, uupo lang ako ah, magpapahangin lang” bulong k okay Jade habang may
kasayaw siya na isang model

Tumango lang siya at mukhang busyng busy na kiligin sa kasayaw niya kaya naman
naglakad narin ako paalis ng dance floor. Nung medyo maka layo-layo na ako, nakita
ko naman sa may gilid ng dance floor si Dionne at Kuya Jake na nagsasayaw.
Napangiti ako.
Sana maging sila.

Hindi ko wini-wish yan dahil alam kong mahal ni Rui si Dionne pero kundi dahil alam
kong kay Dionne lang sasaya ng totoo si Kuya Jake.

Alam ko mayabang si Kuya at parang walang dala-dalang problema. He acts tough but I
know deep in side, he wants someone to care for him and to love him
unconditionally.

Yung tunay na daddy ni Kuya Jake, iniwan sila ni mommy sa hindi malamang
kadahilanan. Nung mapangasawa naman ng mommy ni kuya ang daddy ko, naging distant
narin si kuya sa mommy niya. Nabuhay si Kuya na siya ang nag-aalaga sa sarili niya
at tanging sarili niya lang ang iniisip niya. Yes, he look so selfish pero kulang
kasi siya sa atensyon at pagmamahal.

Alam ko na si Dionne ang makakapagbigay ng mga bagay na yun sa kanya.

Lumabas ako ng reception hall para magpahangin at naupo doon sa gilid ng malaking
fountain. Inilabas ko ulit yung phone ko para tignan kung may message ba saakin si
Rui pero wala parin.

Hay nakakayamot naman! Napaka ewan mo talaga! Umaasa ka parin ba Maisie? Pwede bang
itigil mo na ang kahibangan mo diyan sa Hapon na yan! Hindi siya para sayo at hindi
ka rin para sa kanya. Tama na. Sumuko ka na...

“sir bawal ka po talaga dito! Hindi ka talaga pwede pumasok! Wala kang invitation
na dala!”
“no! hindi pwede! I need to see her!”

“sir wag ka na manggulo!”

“hanase!!” [let me go!]

Napatayo ako bigla ng marinig ko ang boses na yun at nakita ko na kinakaladkad ng


mga security guard ang isang lalaki palayo.

“hanase!! I need to see her!” sabi niya habang nagpupumiglas siya

“Sir Rui Ashiya please umalis na kayo ng maayos! Mamaya kumalat pa ang insidente na
to sa media, kasiraan din to ng pangalan mo”

“Wala akong paki! Papasukin niyo ko!”

Hindi siya pinansin ng mga security guard instead kinaladkad siya palayo.

“w-wait!” sigaw ko sa kanila “wait!” tumakbo ako papalapit kay Rui “don’t drag him.
He’s my guest”
They release Rui immediately at nagsorry sila dito sa pagkaladkad sa kanya after
that, iniwan na rin kami nung mga security guard.

“Maisie..” sabi ni Rui saakin habang nakatitig sa mga mata ko.

Tinignan ko rin siya. Naka t-shirt lang siya at pants. Tsinelas lang ang pansapin
niya sa paa at ang gulo ng buhok niya.

I slightly smile at him “ganyan talaga ang itsura na ipapakita mo sa pagpunta sa


party ko? Baka!”

Huminga ng malalim si Rui at bigla na lang niya ako niyakap ng mahigpit.

“Gomen Maisie-chan.. hountoni gomen..” [I’m sorry Maisie.. I’m really sorry..]

Hindi ko alam sa kung kadahilanan, pero bigla na lang bumuhos ang luha na kanina ko
pa pinipigilan. Isang simpleng salita lang ni Rui, pero kayang kaya niyang
palabasin ang tunay na nararamdaman ko.

I hugged him back. Niyakap ko siya ng pagkahigpit higpit.

“akala ko hindi ka na pupunta... akala ko hahayaan mo talaga akong umalis ng hindi


manlang tayo nagkakaayos”
“ssshhh I’m here. After all hindi ko parin kayang tiisin ang best friend ko..”

“oh panyo” sabi ni Rui sabay abot saakin ng isang panyo.

Nandito kami ni Rui sa may malaking fountain nakaupo habang nakaakbay siya saakin
at nakadantay ako ulo ko sa dibdib niya. Iyak lang ako ng iyak kanina at siya
naman, nasa tabi ko lang at nakaakbay saakin habang hinihimas ang likod ko para
kumalma. Nung medyo kumalma na ako, pinunasan ko na ang mga luha ko gamit ang panyo
niya.

“okay ka na?” tanong ni Rui saakin

I nod “sorry ikaw pa talaga ang iniyakan ko.. ikaw kasi eh nakakainis ka talaga”

He slightly smile “sorry for being late..”


“akala ko hindi ka na talaga pupunta..”

“hindi ko kaya na hindi ka makita sa huling pagkakataon. Ayokong umalis ka ng


ganito..”

Tumingin ako sa langit “pero okay na Rui... okay na ang lahat. Masaya na ako na
dumating ka ngayon... at least alam ko aalis ako ng okay tayo..”

Nagulat ako ng biglang hawakan ni Rui ang kamay ko “Sorry ha? Sorry kung
napakamanhid ko para hindi marealize na nasasaktan na kita. Sorry kung hindi ko
manlang inintindi ang nararamdaman mo. Sorry...” he heave a sigh “sorry kung hindi
ko magawang maibalik ang pagmamahal mo..” napatingin si Rui sa langit at napansin
ko na nangingilid na ang luha sa mata niya “hindi ko talaga sinasadya na masaktan
ka ng husto. I’m sorry Maisie.. I’m really really sorry..” he blink a tear

Hinawakan ko ang mukha ni Rui at pinunasan ko ang pumatak na luha sa gilid ng mata
niya “wala kang kasalanan... It’s just that..” lumunok ako para mapigilan ko ulit
ang nagbabadya na namang luha sa mata ko “it’s just that.. hindi ka lang siguro
talaga para saakin..”

“Maisie...”

♪ “Sa piling ba niya ikaw ay

May lungkot na nararamdaman” ♪

Napatingin ako bigla sa loob at napapikit ng marinig ko yung pinapatugtog na kanta.


“nakakatawa..” sabi ko kay Rui “parang nangaasar lang na yan pa ang pinatugtog”
dumilat ako at tinignan ko siya “naalala mob a nung Highschool tayo Rui? Nung JS
Prom? Magkasayaw tayo nun at ayan yung tugtog nun... nung panahong umamin ako sayo
na hindi na isang best friend pa ang trato ko sayo..”

♪ “Damdamin mo ba'y hindi maintindihan” ♪

Hindi umimik si Rui instead tumayo siya at hinawakan ang kamay ko atsaka hinatak
din ako patayo.

“let’s dance..” sabi niya saakin

He gently place my hand on his shoulder then naramdaman ko naman na hinawakan niya
ang likuran ko.

♪ “At sa tuwing ako ang

Nasa iyong isipan

May nakita ka ba na ibang kasiyahan” ♪

“Maisie, sorry ah? kung nung mga panahon nay un nireject kita..” sabi ni Rui
“nakakainis.. wala na lang ako ibang nasabi kundi puro sorry. Kung pwede lang na
bawat pagsabi ko ng sorry eh maalis lahat ng sakit na nararamdaman mo eh..”
Nginitian ko siya “tanggap ko na Rui.. kaya hindi ka na dapat mag sorry..”

Mas hinila ako papalapit ni Rui at niyakap niya ako ng mahigpit habang patuloy
parin kaming nag su-sway dalawa.

♪ “Nandito lang ako

Naghihintay sa iyo

Na mapansin ang aking damdamin

Na para lang sa iyo oohh...oohhh..”♪

“sana pag nagpunta ka ng France, mahanap mo ang lalaking magpapasaya sayo. Sana
mawala na ang nararamdaman mo para saakin at maging masaya ka na..”

“o-oo naman! Mangyayari yun...” may bumagsak na naman na luha sa mata ko “madaming
mas gwapo sayo no.. madali kitang makakalimutan pag punta ko doon...”

♪ “Dahil ikaw ang sigaw ng puso ko”♪

“p-pero pag nakahanap ka na ng iba, sabihin mo saakin ah?”

“oo naman! Para marealize mo kung gaano ka katanga na pakawalan ang isang tulad
ko..”
Ang nais ko ay malaman mo “Ikaw ang nasa isip ko”

Ang nais ko ay malaman mo ♪

“siguro nga ang tanga ko para pakawalan ka Maisie... pero sorry talaga ha?”

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at tinitigan ko siya sa mata.

I gave Rui a sincere smile

“Magiging masaya ako. Promise..”

He smiled back at me

♪ “Na ikaw ang tanging pangarap ng buhay

Pag-ibig ko sa iyo ibibigay” ♪

Huminga ako ng malalim and again may tumulo na namang luha sa mata ko pero hindi ko
inalis ang ngiti sa mga labi ko. Kahit patuloy ang pagpatak ng luha at kahit na
salungat ito sa ngiting ibinibigay ko.. sinubukan kong sabihin ang mga katagang it
okay Rui ng nakangiti.
“Rui... Sayonara...” sabi ko sa kanya.

Nakita ko rin ang pag patak ng luha sa mga mata niya

“hindi ako magpapaalam sayo.. instead I want to tell you...” he look into my eyes
“see you soon...”

♪ “Nais ko ay malaman mo (wooh...woooh...wooh...)

Na mahal kita” ♪

And that’s the last time I saw Rui Ashiya.

Kinabukasan nun, umalis na ako papuntang France. Tanging ang pamilya ko lang ang
hinayaan kong mag hatid saakin sa airport.

Malungkot? Oo kasi hanggang doon na lang talaga kami. Na kahit kelan, hindi na
magiging kami ni Rui.

Pero at the same time, masaya narin ako dahil kahit hindi man naging kami, maayos
paring natapos ang storya naming dalawa.
Alam ko, makaka move-on din ako.

(to be continued....)

=================

Chapter 40 *questions*

A/N Look niyo yung drawing sa side -->>

Dionne's fan art..Drawn by Dianne Zaragoza from twitter! Ang ganda di ba? <3

***

Chapter 40

*questions*

[Jake’s POV]
“oh ano? May bago ka na bang boyfriend diyan ha? May bago nang pumuporma sayo?
Nakalimutan mo na ng tuluyan yung Hapon na yun?” tanong ko kay Maisie habang kausap
ko siya sa Skype

“kuya naman! Dalawang Linggo pa lang ako dito. Hindi ka naman masyadong excited
niyan?!” =___=

Sinimangutan ko si Maisie.

Dalawang Linggo na simula nung umalis yang babaeng yan dito sa Pilipinas. So far
nakikita ko namang okay lang siya. At yung Hapon na si Rui naman? Mukhang mas okay
na okay din kasi wala naman siyang ibang ginawa kundi ang umaligid sa chimay ko.
Tss. =__=

“eh bumalik ka na ulit kasi dito! Feeling ko talaga may gusto sayo yung Hapon na
yun, manhid lang siya at nagbubulagbulagan lang sa chimay ko”

Nginitian naman ako ni Maisie “kuya, wag mo nga akong gamitin para ilayo si Rui sa
Dionne mo! Kung gusto mo talaga siyang makuha kumilos kilos ka na baka maunahan ka
ni Rui. Yung Hapon pa naman na yun, ang daling mahalin”

“h-hoy! A-ano ba yang pinagsasasabi mo! Hindi ko type yung chimay na yun no! Alam
mo naman mga trip ko di ba?! Yung maganda, sexy, malaki boobs, yung mga ganun!”
=__=
Nagpangalumbaba si Maisie “hmmm kuya ang sweet niyo nung despedida ko. Nung
nagsasayaw kayong dalawa”

“heh! Tumigil ka! Sinayaw ko lang siya nun kasi nakakaawa naman at baka mag butas
lang siya ng upuan!”

“weh?”

“oo nga! Sige na nga bbye na! may gagawin pa ko!!”

Tumawa ng malakas si Maisie “hahaha sige na kuya bye na!”

Nag log-off na ko sa skype at pinatay yung laptop ko. Bwiset talaga na babaeng yun,
sa lahat ng taong i-iissue ako kay Dionne pa? di ba siya nandidiri?! Tsaka di niya
naisip na maiinlove lang ako sa babaeng yun pag naging puti na ang uwak?!

Alam ko kung gaano kapatay na patay si Dionne saakin. Well given na ang reason kung
bakit. Sobrang hot ko. Kahit si Maria Clara nagiging wild ng dahil saakin. Pero
para ako na mainlove kay Dionne?

Sa panaginip lang ata pwede mangyari yun. =__=

Lumabas ako ng kwarto ko dahil nagutom ako at gusto ko ng meryenda. Nadatnan ko


naman yung chimay ko na nakaupo sa sofa at seryosong seryoso na nanunuod ng T.V.
Wow ha! Porket nagka rest day ako ng isang Linggo eh magpapakatamad na siya! Bat
kesa maglinis siya eh panuod-nuod na lang siya ng T.V?!

“Hoy!” sigaw ko sa kanya “bat ka nanunuod ha! Bat hindi ka gumawa ng gawaing bahay
kesa nandyan ka sa harap ng TV at nag wa-waldas ng kuryente ko?!”

“tapos na po ako maglinis ng banyo, sala, at dining room. Kagabi ko pa nalabahan


yung mga damit mo at naplantsa ko na sila kaninang umaga. Naigawa narin kita ng
meryenda” sabi ni Dionne na hindi inaalis ang tingin doon sa TV “grabe ang ganda
naman ng movie na ito...”

Tinignan ko yung pinapanuod ni Dionne. Isang lumang movie na nakalimutan ko na yung


title. Napanuod ko na ata to once pero hindi ko nagustuhan kasi napaka drama at
puno ng depression ang dala.

“tsk..” sabi ko sabay alis sa sala at pumunta sa kitchen para tignan kung ano yung
inihandang pagkain saakin ni Dionne. Nakita ko naman sa isang bowl ang nachos.
Kinuha ko ito at inamoy. Amoy normal naman. Mukhang okay lang ang pagkaka luto niya
sa beef nito. Buti naman at kahit papaano eh natututo nang magluto ang chimay na
yan. =___=

Kumuha ako ng lemonade sa refrigerator ko at habang dala dala yung nachos at inumin
ko, dumiretso ulit ako sa sala kung saan nandun si Dionne at busy manuod.

Naupo ako sa tabi niya.


“panget naman ng movie na yan! Puro kadramahan! May DVD ako diyan ng Iron Man, yun
na lang panuorin natin!”

“eeeehh ayoko! Ang ganda na eh!”

“sino ba amo?!”

“sino ba nauna sa harap ng t.v?!” sagot niya saakin.

Nanlaki mata ko “bakit ha?! Sino ba ang nagbabayad ng kuryente?!”

Nginitian ako ni Dionne “sino ba ang naglilinis ng t.v na yan?”

Biglang nag init ang ulo ko “hoy! Binabayaran kita para maglinis! Baka
nakakalimutan mo!!!”

“pero kung wala ako, edi ang gulo na ng bahay mo?”

“para sabihin ko sayo madami akong pwedeng maging chimay no!! maraming magagaling
diyan mag-alaga, marunong magluto, hindi pakielamera, hindi isip bata, hindi
abnormal, hindi matakaw, at hindi weirdo na katulad mo!!!” sigaw ko sa kanya.

Pero kesa mainis siya, nakita kong mas lumawak ang ngiti niya.
“hehehehe madami naman palang iba Japoy eh.. pero bakit hanggang ngayon, ako parin
ang nasa tabi mo?”

Bigla akong natigilan sa sinabi ni Dionne..

“k-kasi a-ano eh.. k-kasi.... MANAHIMIK KA NA LANG AT MANUOD DIYAN!” sigaw ko sabay
iwas ng tingin sa kanya

“yehey! Hindi niya na ipapalipat!!”

“tsss”

Napakunot na lang ako ng noo. Bwiset na babae to kung ano-ano kasi ang tinatanong
eh! Anak ng alcohol!! =__=

Kesa magtatanong pa siya ng kung anu-ano, hinayaan ko na lang siya panuorin yung
gusto niyang panuorin at syempre ako na may-ari ng t.v, ako na amo, ako na
nagbabayad ng kuryente... ay walang nagawa kundi maki-nuod na lang sa CHIMAY ko.

“Landon, I’m sick”

Tinignan ko kung saang part na si Dionne sa pinapanuod niya. Ayan na nga po, ang
dramahan part na nakakaumay to the point na it made me want to vomit =__=

(Note: The movie that Dionne and Jake watching is A walk to remember)

“I'll take you home. You'll be fine...” sabi nung bindang guy na Landon ata ang
name

“No. Landon! I'm sick.” I saw how the lead actress’ eyes became watery “I have
Leukemia.”

There is a long pause between the two of them.

I glanced at Dionne to see her expression at mukhang dalang-dala siya sa scene to


the point na parang paiyak na rin siya.

“No. You're 18. Y-you're perfect.”

“No. I found out two years ago and I've stopped responding to treatments.”

“So why didn't you tell me?!” the actor shouted

Bigla naman napahawak si Dionne sa braso ko.


Yung totoo, drama ba pinapanuod namin o horror?! Bakit makahawak to sa braso ko
wagas?! Ano nanananching lang?! =__=

“The doctor said I should go on and live life normally as best I could. I - I
didn't want anybody to be weird around me.”

“Including me?”

“Especially you!”

Naramdaman kong mas napahigpit ang hawak ni Dionne sa braso ko kaya napatingin ulit
ako sa kanya. Nangingilid na ang luha sa mata niya.

Jusko, pelikula lang pala ang magpapaiyak sa babaeng to. =___=

“You know, I was getting along with everything fine. I accepted it, and then you
happened!” sabi ni Jamie, yung bidang babae sa movie. She look at her leading man
with teary eyes “I do not need a reason to be angry with God”

And with that, napahikbi na ng iyak si Dionne.


“huhuhuhuhu ang sakit nun! Ang sakit nang nangyayari sa kanila! Uwaaaaaaa” pinunas
punas ni Dionne yung mukha niya sa manggas ng shirt ko “Japoy nakakaiyak! Uwaaaaaa!
Huhuhuhuhuhu!” T____T

“Yuck ano ba!!” sigaw ko sabay hatak nung manggas ko sa kanya “wag mo ngang gawing
tissue paper ang damit ko!! Nakakadiri ka ha!!”

“eeeehhhh nakakaiyak eh! Nakakaiyak! Huhuhuhu” sabi niya habang lumuluha.

“nunuod-nuod ka niyan tapos iiyak iyak ka ngayon?! Tss!” inagaw ko sa kanya yung
remote “akin na nga yan!” pinatay ko yung T.V

“waaaaaaaaaahh bakit mo pinatay Japoy!!! Nanunuod akoooo!” T___T

“heh! Wag ka na manuod! Matulog ka na lang!”

“eeeeeehhhhhhhhh nakakaiyak na eh! Gusto kong makita kung paano lalabanan ni Landon
at ni Jamie ang sakit! Huhuhuhuhu”

“Mamatay si Jamie at maiiwang miserable si Landon! The end!” sabi ko sa kanya

“kainis ka naman eh!” nag pout si Dionne then napabutong hininga siya “pero kawawa
naman si Jamie..”
Tinignan ko siya “anong kawawa?! Mas kawawa si Landon kasi iiwan siya” iniwasko ang
tingin ko kay Dionne “masakit kaya ang iwanan na lang basta..”

Nagulat naman ako ng biglang hawakan ni Dionne ang kamay ko kaya napalingon ako sa
kanya.

“Alam ko yun Japoy, ilang beses na nga bang nangyari saakin yun? Pero...” huminga
siya ng malalim “s-siguro nasasaktan din yung mga taong nangiwan satin lalo na kung
alam nila na wala na silang magagawa kung hindi ang umalis.”

Tinignan ko si Dionne habang nakangiti saakin.

Isa na naman ngiti. Pero bakit parang iba ang pinapakita saakin ng mata niya?

Ilang beses na nga bang naiwan si Dionne ng mga taong mahal niya? Ang daddy niya,
ang mommy niya.. pati ang kuya niya. Lahat sila nakita ni Dionne kung paano bawian
ng buhay. Pero sa kabila nang yun, pilit parin niya iniintindi ang sitwasyon.

Para tuloy ako ang nasasaktan para sakanya.

Bumitiw si Dionne sa pagkakahawak sa kamay ko pero bigla koi tong hinila pabalik
and this time, ako naman ang humawak ng mahigpit sa kamay niya.

“J-japoy.. b-bakit?” takang taka na tanong niya saakin.


Tinignan ko si Dionne ng seryoso “Tell, me ano ba talaga ang tumatakbo sa isip mo
ha?”

“h-ha.. a-anong ibing mong sabihin--?”

I lean forward “masaya ka ba talaga ngayon?”

“t-teka J-japoy..”

Mas lalo akong lumapit sa kanya “bakit lagi ka na lang ngumingiti?”

“J-japoy..”

Palapit ako ng palapit sa kanya hanggang sa halos one inch na lang ang pagitan sa
mukha naming dalawa

“ano ba talaga ang nararamdaman mo?” I told her in almost whisper..

Hindi siya nagsalita instead nakita ko na lang na halos nagpipigil na siya ng


hininga. Napadapo yung tingin ko sa labi niya at eto na naman ako, para na naman
akong sinaniban ng kung anong masamang espirito. Para na namang gusto kong idampi
ang labi ko sa labi ng babaeng to.
Sabi ng isip ko, humiwalay na ako at lumayo. Sabin g isip ko, wag kong ituloy ang
binabalak ko. Hahalikan ko na naman ang chimay ko?! Nahihibang na ba ako?! Hindi ba
ako nandidiri sa gagawin ko?!

Pero ayaw kumilos ng katawan ko.

Nakita kong napapikit na lang si Dionne.

Sh1t lang! wag kang pumikit! Mas lalo akong nate-tempt na ituloy ang binabalak ko!

Mas lalo kong inilapit ang mukha ko hanggang sa magkadikit na ang mga noo naming
dalawa. Onting maling galaw na lang ay magdadampi na ang mga labi namin.

*Dingdong dingdong dingdong dingdong!!*

Bigla kaming napahiwalay ni Dionne sa isa’t isa ng may mag doorbell.

“Sino ba yang grabeng makapag doorbell nay an?!” sigaw ko.

Bwisit naman oh!!! >__<


Padabog akong naglakad papunta sa pintuan para pagbuksan yung mga bwisit na
istorbong nag d-doorbell!

Teka, bat nga ba ako galit nag alit?! Dapat ata magpasalamat ako sa mga ito dahil
hindi ko na naman naituloy ang nakakadiring plano k okay Dionne! I shoud be
grateful! Yeah I should be grateful!!

Pero bakit overflowing na kainisan ang nararamdaman ko?! =__=

Binuksan ko yung pinto at tumambad sa pagmumukha ko ang isang Hapon.

“Jake nii-chan!!”

“anong ginagawa mo dito ha?!”

“obviously dinadalaw si Dionne!”

Bago ko pa siya mainvite papasok eh dire-diretso na siya sa loob.

“Dionne-chan!” bati niya dito


May mang gugulo na naman! Bwiset! =___=

“Jake..”

Napalingon ako ulit sa pintuan at doon ko lang napansin na hindi pala magisang
nagpunta dito si Rui.

“Venus..”

She slightly smile at me

“pasok ka...” I told her.

Pumasok naman si Venus sa loob. Ngayon ko na lang ulit siya nakita. Well after ng
premiere night ng movie namin at ilang T.V guestings, nag bakasyon muna ako ng
dalawang Linggo samantalang itong si Venus naman ay pinagpatuloy na ang pag h-host
niya ng isang programa. Well at least nagagawa na niya ang gusto niya.

“Hi Venus!!” masiglang bati ni Dionne sa kanya

Tinaasan siya ng kilay ni Venus “ano naman nangyari sayo ha?! Bat ang pula ng mukha
mo?!” mataray na tanong nito kay Dionne.
Napahawak si Dionne sa mukha niya “a-ah.. e-eh. S-sa s-sobrang i-init lang..”

Napangisi ako.

Sobrang init na taglay ko? >:)

“D-dionne o-oo nga no! mainit ngayon! Gusto mo bang sumama mag beach saakin?”
tanong ni Rui kay Dionne

“h-ha? P-pero k-kasi eh--”

“—hindi pwede, may trabaho siya saakin!” mariin kong sabi sa kanya.

“Peron aka vacation ka rin naman di ba? Wala naman masyadong gagawin si Dionne
dito” sabi ni Rui

“eh ayoko siyang paalisin eh..”

“eh bakit ayaw mo siyang paalisin?!”

“eh sa ayoko nga eh ano magagawa mo ha?! Ikaw ba amo niyan?!”


Tinignan ni Rui si Dionne at biglang hinawakan ang mga kamay nito “Dionne mag
resign ka na kay Jake. Kaya naman kita buhayin eh”

“h-hoy! Ano yang pinagsasasabi mo?!” sigaw k okay Rui

“eh kasi Jake, bat hindi mo na lang sila payagan” sabi naman ni Venus “after all,
mukhang masaya mag beach ngayon..”

Tinignan ko si Dionne then tinignan ko si Venus at ngumiti ako. Inakbayan ko si


Venus “sure basta kasama din tayong dalawa” I told Venus then I winked at her

“eeeeehhhh?! Nanze?!” [why?!] sigaw ni Rui “mag solo kayo ni Venus! Mag so-solo
kami ni Dionne!”

“bakit ba! The more the merrier!” sabi ko sa kanya “at papayag lang ako na mag day
off siya basta kasama kami ni Venus sa lakad niyo!”

Sumimangot si Rui “okay fine!” tinignan ni Rui si Dionne “I guess we don’t have a
choice, but don’t worry, I promise na mag eenjoy ka”

Ngumiti naman si Dionne kay Rui “okay! Excited na ako!” sabi niya na parang ang
saya-saya.

Mag-eenjoy?! Hmpf! Tignan lang natin kung makapag-saya ka na nandun ako!


(to be continued..)

=================

Chapter 41 *beach disaster*

Chapter 41

*beach disaster*

[Jake’s POV]

“oh naayos mo na ba yung mga gamit ko? nag baon ka ba ng madaming sun screen lotion
at alcohol? wag mo kakalimutan yun!” sabi ko kay Dionne habang nag hahain siya ng
almusal.

“yap! naayos ko na lahat!”

“good!” tinignan ko siya “oh bat parang ang saya-saya mo? kasi pupunta tayo sa
beach kasama yang Rui mo?”

Nginitian din ako ni Dionne, “dapat nga kami lang ni Rui eh..” sabi niya
Napakunot naman ang nook o. So gusto nga talaga ng babaeng to na mapagsolo sila ni
Rui?! tignan mo yan! Sasabihin niya na may gusto siya saakin pero gusto niyang
mapag solo sila ni Rui?! Tss. Sinungaling!

“sorry ka kasama kami ni Venus! pero wag ka mag-alala hindi ko kayo pakikielamanan
ni Rui sa beach! bahala kayo mag solo doon! mag so-solo din kami ni Venus!!”

Nawala bigla yung ngiti ni Dionne “uhmm m-may gusto ka ba kay Venus, Japoy?”

Halos mapangisi ako sa tanong ni Dionne. Nagpangalumbaba ako at nginitian siya


“Venus is definitely my type. Maganda siya, sexy, magaling humalik, at talented.
Bagay na bagay siya sa isang katulad ko di ba?”

Iniwas ni Dionne ang tingin niya saakin “k-kung sabagay..”

“right! kaya naman napaka imposible akong magkagusto sa mga plain looking girls” I
told her while emphasizing the word ‘pain’

Mas lalong napayuko si Dionne “o-oo nga.. paano ka nga ba naman magkakagusto sa mga
simpleng babae” she gave a sad smile “napaka imposible...” sabi niya na halos
pabulong na lang.

Tumayo na si Dionne sa kinauupuan niya “uhmm naku kailangan ko na pala mag-ayos,


maya-maya dadating na sina Rui para sunduin tayo” dali-dali siyang lumabas ng
kitchen ng hindi manlang ako tinitignan.
Nasaktan ba siya sa sinabi ko? Naapektuhan ba siya?

Napakamot ako sa ulo ko.

Bwiset naman! Bat ba pakiramdam ko nakokonsensya ako?! nakakaasar!

“Ok! we’re here!” sigaw ni Rui ng makarating kami sa isang private resort sa
Bulacan. Dahil weekdays ngayon, saktong sakto at solo namin yung island.

Nagsibabaan na kami sa kotse

“Dionne dalin mo yung gamit ko” utos ko sa kanya

“o-okay” sabi niya at pumasok ulit siya sa sasakyan para kuhanin yung bag ko

“wait” nakita kong lumapit si Rui at hinawakan si Dionne “we all went here to
relax... even Dionne. Please naman, sa araw na ito, wag mo muna siyang itratong
katulong mo” sabi ni Rui saakin
“teka nga.. eh paki mo ba?! Ako ang nagpapasahod diyan!”

“Jake.. tama si Rui” sabi ni Venus “kaya mo namang dalhin yang bag na yan eh”

Hinarap ko si Venus “since when did you start taking Dionne’s side?”

Bigla namang napaiwas ng tingin si Venus saakin. Tsk nakaasar! bat ba nakikielam
sila sa inuutos ko?! si Dionne naman ang inutusan ko ah hindi sila!

“hehehehe bubuhatin lang naman yung bag eh” sabi ni Dionne “kayang kaya yan!”

Inumpisahan niya nang kunin yung mga bagahe ko at isinabit isa isa sa shoulders
niya. May back pack siya sa likod in which nandun yung gamit niya. Sa kanang
shoulder niya nakasabit yung gym bag ko. Hawak naman ng kaliwang kamay niya yung
isa pang bag na naglalaman ng mga pagkain na ibinaon ko.

“I’ll carry these” sabi ni Rui at kinuha niya yung gym bag ko at yung bag ng
pagkain kay Dionne.

“ha? naku Rui wag na! Kaya ko naman buhatin... nakakahiya naman..”

Nginitian naman ni Rui si Dionne “bat ka naman mahihiya saakin? Alam mo naman na
ayokong mahihirapan ka”
Nginitian din ni Dionne si Rui “thank you... Rui..”

Tinalikuran ko na sila.

Bwiset. Bat pakiramdam ko bad trip na bad trip ako?! Bwiset na hapon na yan ah..
ang sarap sapakin! Feeling pinagmumukha niya akong masama!

“mahal talaga ni Rui yang chimay mo no?” bulong ni Venus saakin

Hindi ako umimik

“hindi rin malabong magkagusto si Dionne sa kanya. Sa ginagawa ba naman ni Rui,


imposibleng hindi mahulog si Dionne.”

Tinignan ko ng masama si Venus

“oh bat ang sama mo makatingin? wait don’t tell me you also love Dionne?”

“mandiri ka sa sinasabi mo..” tinalikuran ko na si Venus at nauna na akong maglakad


papasok ng resort.
Bwiset.

[Dionne’s POV]

“tara na Dionne-chan! mag palit ka na ng damit! Mag swimming na tayo!” excited na


sabi ni Rui saakin, pagkaayos na pagkaayos namin ng mga gamit sa hut na ni rentahan
namin “tignan mo o ang ganda ng sikat ng araw, ang sarap mag swimming!”

Tumingin ako sa dagat, hindi ganoong kalakasan ngayon yung alon. Tamang-tama lang.

“I’ll just go to the shower room” sabi ni Venus habang dala-dala niya yung pampalit
niya

“ay wait may bibilhin muna ako!” sabi naman ni Rui

“okay.. balik kayo agad” sabi ko at sabay na naglakad yung dalawa palayo sa hut
namin.

“okay! time to get ready!” dinig kong sabi ni Japoy kaya napatingin ako sa kanya.
Nakita kong nagtatanggal na ng shirt si Japoy. Ngayon, ang tanging suot na lang
niya ay ang kanyang color blue na board shorts. Isinuot niya yung shades niya
atsaka tumingin sa langit.

“medyo tumataas na ang araw! baka mangitim na ko niyan!” sabi niya sabay tingin
saakin “nasaan na yung sun block lotion?”

“h-ha?”

“yung sun block lotion, sabi ko nasaan na?”

“a-ah.. w-wait...” natataranta kong binuksan yung gym bag ni Japoy habang
nanginginig yung kamay ko. Teka bat parang ninenerbyos na naman ako at nagiging
abnormal na naman yung tibok ng puso ko. Naku po, masama ito...

“Dionne..”

“ah e-eto na!” nang mahalungkat ko na yung lotion, humarap na ulit ako kay Japoy
para ibigay sa kanya ito kaya lang nagulat ako ng makita kong ang lapit na niya
saakin.

“Y-yung lotion” sabi ko sabay abot ng lotion sa kanya


Nginitian ako ni Japoy at hinawakan ang kamay ko kung saan hawak-hawak ko yung bote
ng lotion.

“bat ka namumula Dionne?”

“h-ha.. a-ah k-kasi.. m-mainit..”

Mas lalong lumawak ang ngiti niya “really? mainit?”

Nag paypay ako sa sarili ko “o-oo mainiti! hehehe.. m-mag papalit na din ako ng
damit..”

Agad kong kinuha yung damit pang paligo ko at pumunta sa shower room. Pagkapasok ko
sa loob, napasandal agad ako sa pader and sinubukang pakalmahin ang sarili ko.
Huminga ako ng malalim. Hay, bat ba kada na lang malalapit saakin si Japoy eh
nagkakaganito ako? Na parang any minute aatakihin ako sa puso? He’s bad for the
heart but still masaya ako pag kasama ko siya.

Mahal na mahal ko na ata talaga yung taong yun.

Pero parang mali...

“oh mag papalit ka na?”


Na distract ako sa iniisip ko ng makita kong lumabas si Venus sa isang cubicle.

“ah o-oo” sabi ko sa kanya

Tinignan ko si Venus. Naka two piece swim suit siya at ang pang ibabaw niya dito ay
isang above the knee length na almost see through na piece of cloth. Ang sexy niya.
Ang ganda ganda niya. Bagay talaga ang pangalan niya sa kanya. Venus. Goddess of
Beauty.

Tama nga si Japoy. Bagay sa kanya si Venus.

“Dionne..” nilapitan ako ni Venus “do you like Jake?” deretsahan niyang tanong
saakin

“h-ha? a-ano ba yang tanong mo Venus?”

Ngumiti si Venus “oo nga naman. Ano nga ba naman ang tinatanong ko samantalang
obvious naman ang sagot”

“ha?”

“Listen, I am starting to like him too. Nakakahiya man aminin pero aware ako na
mabigat ang karibal ko. Pero hindi ako magpapatalo Dionne..”
“V-venus..”

“Well, sinasabi ko lang sayo. Don’t worry, I’ll fight fair and square..” pagkatapos
sabihin ni Venus yun, lumabas na siya sa shower room.

Napa-buntong hininga ulit ko. Hay naku, kahit hindi ka na lumaban Venus, panalo ka
na. Ano nga ba ang laban ko sa isang katulad niya? At isa pa kay Japoy na rin mismo
nanggaling...

..hindi siya maiinlove sa mga simpleng babaeng katulad ko.

Nagpalit na ako ng damit pang swimming. Simpleng shorts at spaghetti strap shirt
lang. Wala kasi akong bikini o kahit anong bathing suit. Isa pa, hindi ko naman
kayang dalhin yun unlike Venus. Wala akong mala super model na katawan.

Bumalik na ako sa hut namin at nakita kong tinutulungan ni Japoy si Venus na


maglagay ng sunblock lotion sa likuran. Napaiwas na lang ako ng tingin.

“Dionne-chan!” tawga saakin ni Rui. Agad naman akong lumapit sakanya.

“Rui, nakabalik ka na pala. Ano binili mo”


“here look!” may ipinakita siya saaking dalawang anklet “nakita ko yan kanina nung
naglalakad tayo papunta sa hut. Nagandahan ako kaya bumili ako ng dalawa. Tig-isa
tayo”

Lumuhod si Rui sa harapan ko at isinuot yung isang anklet sa kanang paa ko

“ang ganda. Thank you Rui!”

Tumayo si Rui at hinawakan yung kamay ko “let’s go swim?”

Tumango ako at naglakad kami ni Rui papunta sa dagat.

“haaaaay naalala mo ba yung nasa Subic tayo Dionne? Nung nasa beach din tayo at
nagtapat ako sayo?” sabi ni Rui habang naglalakad kami sa dalampasigan. Hawak hawak
parin niya ang kamay ko.

Ngumiti ako “oo naman. Hindi ko alam ire-react ko nun eh..”

“ako din eh. Nagulat ako sa mga pinagsasabi ko nun. Pero talagang mahal kita
Dionne” tinignan ako ni Rui “at gagawin ko ang lahat para magustuhan mo din ako.”

“Rui...”
“kaya naman sana wag kang mapagod na bigyan ako ng chance..”

Tinignan ko si Rui.

Paano kaya kung siya ang minahal ko hindi si Japoy? Magiging masaya kaya ako?
Siguro oo dahil mahal ako ng taong mahal ko.

But on the second thought, parang mas okay na rin yung ganito. Yung taong mahal ko,
hindi ako gusto. Yung taong nagmamahal saakin, kaibigan lang talaga ang turing ko.

Both Jake and Rui deserves to be happy. At pag nagkataong nagbago ang ikot ng
mundo, baka ako pa ang maging sanhi ng kasiraan ng kasiyahan nila.

At hindi mapapatawad ang sarili ko pag nangyari yun.

“oy tulala ka diyan” sabi ni Rui at bigla naman niya akong binasa ng tubig

“ay palaka!”

“hahahaha basa ka na Dionne paano ba yan? hahaha”


“eh kaya nga tayo mag su-swimming para mabasa di ba?” sabi ko kay Rui at sinabuyan
ko din siya ng tubig “hahahahaha oh basa ka narin! hahahahaha!”

“ah ganyan pala gusto mo ha” lumapit saakin si Rui at bigla na lang akong binuhat

“o-oy R-rui saan mo ko dadalhin?! ano gagawin mo ha?! o-oy di ako marunong
lumangoy!”

“haha don’t worry Dionne, hindi ka malulunod!”

Naglakad si Rui palayo ng palayo sa sea shore at nakikita kong palalim na rin
palalim yung tubig. Nung nasa hanggang chest na ni Rui yung tubig, huminto siya

“bibitiwan na kita dito”

“HA?! wag! ayoko! wag!”

Pero sa kabila nang pag po-protest ko binitiwan parin niya ako kaya naman napayakap
ako bigla sa kanya

“nanay ko! natatakot ako!”


“abot mo kaya yung tubig..”

At doon ko lang narealize na may naapakan pa ako. Oo nga abot ko nga.

Napahiwalay agad ako sa pagkakayakap kay Rui “S-sorry akala ko kasi malalim na
talaga dito!” T___T

“hehehe” ginulo ni Rui yung buhok ko “ayan basang basa ka na talaga”

“ay tokwa!!” napatalon ako sa gulat ng maramdaman ko parang may dumaan sa may hita
ko “m-may isda na dumaan sa may hita ko!” O__O

“huh? wala naman atang isda sa ganitong kababaw na part ng dagat? hala! baka mamaya
ahas yun ah?”

“A-ahas? waaaaaaah teka babalik na ko! teka natatakot na ko! ayoko naaaa!” dali-
dali akong naglakad papunta sa sea shore

“uy Dionne joke lang yun!”

“ayoko na babalik na kooo!”

“uy Dionne!”
“Aray ko!”

bigla naman akong tinangay ng alon kaya halos mapasubsob ako pero buti na lang
nahatak agad ako ni Rui

“uy okay ka lang ba?” tanong niya

“o-okay lang ako..” napalingon ako sa kanya at doon ko lang napansin na sobrang
lapit ng mukha namin sa isa’t isa.

Titig na titig si Rui sa mata ko na para bang gusto niya akong tunawin sa mga titig
niya.

“R-rui..”

Lalayo na sana ako sa kanya kaya lang nagulat ako ng hilahin niya ng hawakan niya
ang likod ng ulo ko at itinulak niya ito papalapit sa kanya.

The next thing I knew, magkadikit na ang labi naming dalawa.

Nanlaki ang mata ko at hindi narealize agad ang mga nangyayari. Nang matauhan ako,
agad akong humiwalay sa kanya
“D-dionne.. s-sorry..” sabi ni Rui at mukhang gulat na gulat din siya sa nagawa
niya

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya

“b-babalik muna ako sa hut natin..” sabi ko sa kanya.

Dali-dali akong umahon sa dagat at naglakad papunta sa hut naming habang naglalakad
ako, nadaanan ko si Japoy na nakaupo sa isang malaking baton a hindi kalayuan sa
hut namin.

Tumayo si Japoy at naglakad papalapit saakin. He look at me seriously.

“so ayun pala yun..”

“ha?”

“sabi mo mahal mo ako. Pero dahil hindi kita magugustuhan, si Rui naman ang inakit
mo?”

“n-no.. h-hindi mo naiintindihan y-yung nangyari Japoy..”


“ganyan ka ba ka desperada?”

“Japoy!”

“well anyway congrats! you made Rui fall for you! Mayaman din yan. For sure buhay
ka diyan” ini-strecth ni Japoy ang kamay niya na para bang makikipag shake hands
siya saakin “congratulations Dionne”

Tinignan ko yung kamay niya at ibinalik ko yung tingin ko sa mukha niya. Naramdaman
kong may namumuong luha sa mata ko at bago ko pa mapigilan ang sarili ko, nasampal
ko na ng malakas si Japoy.

Napahawak siya bigla sa pisngi niyang nadantayan ng palad ko

“sabi ko sayo mahal kita..” I told him habang patuloy nang bumabagsak ang luha sa
mata ko “pero kahit sinabi ko na yun, halos ipamukha mo parin saakin na kahit
kalian hindi mo ako magugustuhan. Masakit Japoy. Pero alam mo ang mas masakit? Yung
pagisipan mo ako ng ganyan..”

Huminga ako ng malalim at sinubukan ko ulit pakalmahin at sarili ko. Pinunasan ko


yung luha sa mga mata ko at tinignan ko ulit si Japoy

“s-sorry..” sabi ko sa kanya


At tuluyan na akong tumakbo palayo.

(to be continued...)

=================

Chapter 42 *Venus' Plan*

A/N: Hello dears! sorry po kung medyo natatagalan ang paguupdate ko. Nagiging busy
po kasi ako. Pero salamat ng madaming madami sa patuloy na nagaantay ng update.
Medyo malapit lapit na matapos ang story nina Jake at Dionne :)

Enjoy reading the update :)

Chapter 42

*Venus' Plan*

[Venus’ POV]
Ang init!

Tinignan ko ang napakataas na araw sa kalangitan habang umiinom ako ng mango shake
na kabibili ko pa lang. Pare-parehong nagsi-suguran na sila Jake, Rui at Dionne sa
dagat kaya naman naiwan na lang ako mag-isa sa hut at nagmistulang taga bantay ng
gamit nila. Dapat gawain ito ni Dionne eh!

Nilabas ko na lang yung Ipad ko at nag laro ng games doon pampalipas ng oras. Ni
hindi man lang ako makapag sun bathing sa lagay na ito. Bwiset!

Habang busy ako sa paglalaro ng Zombie Tsunami sa Ipad ko, medyo naaninag ng
peripheral vision ko na may parating kaya naman napaangat yung ulo ko para tignan
kung sino ito. I saw Dionne approaching our hut kaya naman napatayo ako bigla para
salubungin siya.

Hay salamat! Dumating narin isang to! Siya naman ngayon ang mag bantay ng gamit and
it’s my turn to enjoy this outing! I need to get some tan!

“You’re here! Good! Bantayan mo yung gamit natin” sabi ko sa kanya habang papalapit
ako. Nang medyo makalapit naman ako, napatigil ako ng makita ko ang expression sa
mukha ni Dionne.

Medyo teary yung mata niya pati na mumula ang ilong niya na para bang kakagaling
niya lang sa iyak.

“what’s wrong?” tanong ko sa kanya


“V-venus...” tinignan ako ni Dionne at nagulat nalang ako ng bigla niya akong
yakapin “bat ang sakit?” and with that, bigla na lang umiyak si Dionne habang
nakayakap siya saakin.

***

“oh tubig” inabot ko sa kanya yung isang bote ng mineral water.

“S-salamat” sabi niya

Tinignan ko si Dionne, mugto ang mga mata niya. Ikinwento narin niya saakin yung
nangyari kanina. Hinalikan siya ni Rui at nakita yun ni Jake kaya naman kung anu-
anong masasakit na salita ang sinabi ni Jake sa kanya.

Ewan ko nga ba kung paano ko naatim na making drama ng babaeng to. Pakiramdam ko
lalamunin ako ng konsensya ko pag di ko siya pinakinggan.

Siguro dahil nakinig din siya saakin nung panahong ako ang umiiyak ng dahil kay
mommy

“ano na gusto mo gawin ngayon?” tanong ko sa kanya

“uhmm gusto kong lumayo kay Rui at Japoy” she answered me honestly. Tumingin saakin
si Dionne at nginitian ako “pero impossible naman yun di ba?”
Napatingin ako sa kanya and an idea struck me. Isang idea na pwedeng makatulong kay
Dionne.

Napakamot ako bigla nang ulo

“arrrggghh I’m going crazy!!” inis na sabi ko

“b-bakit Venus? D-dahil ba saakin? Sorry! Hindi ko talaga sinasadya na mag open up
sayo! Sorry talaga”

Tinaasan ko siya ng kilay. This girl is hella annoying! Napakabait niya to the
point na naiirita ako! Pero kahit ganun gusto ko siyang tulungan. Eh karibal ko
tong babaeng to tapos tutulungan ko?! Baliw na nga talaga ako!

But still..

“argghhh! Nakakainis talaga!” sigaw ko then bigla akong tumayo “halika na nga!
Aalis na tayo”

“h-ha? S-saan tayo pupunta?”


“ilalayo kita doon sa dalawang lalaking yun!”

“e-eh..?”

“Ano aarte ka pa ba?! Minsan na lang akong tumulong kaya please lang wag ka na
maginarte kung ayaw mong biglang magbago ang isip ko!!”

Iniligpit ko na yung mga gamit ko at isinuot yung short and shirt ko na ipinatong
ko lang sa bikini ko. Geez I went here for nothing! Ni hindi ko manlang naenjoy
itong beach!

“t-teka Venus iiwan natin sila Japoy dito?”

“tatawagan ko na lang yung driver ko para sunduin sila. Now fix your things and
we’re leaving!”

At last, sumunod narin si Dionne. Jusko ako na nga ang tutulong, ako pa ang
nakukunsume dahil sa babaeng to. =___=

***

“nandito na tayo Venus” sabi ni Dionne habang turo-turo ang isang malaking bahay.
Sabi ko kasi sa kanya, doon muna siya mag stay sa bahay ng isa sa mga kaibigan
niya. Ako na ang bahalang mag paliwanag kila Jake. Pero for sure, knowing Jake,
tatanggalin niya sa trabaho si Dionne pag nalaman niyang nag layas ito.

Well, not unless tama ang hinala kong may gusto rin si Jake kay Dionne.

“bahay ito ng kaibigan mo?” tanong ko sa kanya habang tinitignan yung malaking
bahay sa harap namin.

“ah oo..”

Tinignan ko si Dionne “kaibigan mo may ari ng bahay na yan? Sigurado ka? Baka naman
mamaya chimay lang din diyan ang kaibigan mo?”

“sakanya talaga ang bahay nay an promise!”

Tinaasan ko siya ng kilay “at saan mo naman siya nakilala?”

“kasama ko siya na choir doon sa simbahan”

Hindi na ako nag react. Bumaba kami ni Dionne at nag doorbell naman siya doon sa
bahay. May lumabas na babae na mula sa pinto na mukhang maid ata nila.
“ah nandiyan po ba si Ashley?” tanong ni Dionne

“ay opo! Iniintay kayo ni Ma’am Ashley! Tuloy po sila.”

Tinignan ako ni Dionne “tara sa loob Venus?”

“no hindi na ako papasok. Basta tandaan mo wag na wag kang uuwi kay Japoy hangga’t
hindi siya ang sumusugod dito para iuwi ka”

“p-pero paano kung hindi ako sunduin ni Japoy dito? Paano kung hayaan niya na lang
ako? Paano kung okay lang sa kanya na wala ako sa tabi niya?”

Nginitian ko si Dionne “then ibig sabihin lang nun, hindi ka importante sa buhay
niya... sige na aalis na ako. Bye.”

“uhmm V-venus.. salamat!” pahabol ni Dionne.

Tumango lang ako then sumakay na ulit ako sa kotse.

I sigh. Now am I becoming an angel in disguise of those two? It’ll be nice kung oo
ang sagot doon sa lahat ng tinanong ni Dionne.

Pero I’m positive...


Alam kong hindi kayang tiisin ni Jake si Dionne. . . . .dahil obvious naman na
mahal niya ito.

[Jake’s POV]

“ANO?! NAGLAYAS SI DIONNE?!” sigaw ko kay Venus pagkauwing pagkauwi ko. Nakita ko
kasi siyang nakatambay sa unit ko.

Bwiset! Matapos kaming iwan ng dalawang babaeng ito sa beach, ngayon sasabihin
niyang naglayas ang chimay ko?!

“Wag mo nga ako sigawan!” sabi ni Venus “kasalanan ko ba kung napuno na yang chimay
mo sayo! Tss”

“hoy! Nasaan ngayon si Dionne ha?!”


“nandun sa bahay ng kaibigan niya! Sabi niya ayaw ka na niya makita kasi napakasama
daw ng ugali mo. Wala ka na lang ibang ginawa kundi pagalitan siya, pahirapan siya,
tapos pinagsasalitaan mo pa siya ng masama. Hahanap na lang daw siya ng ibang amo.”

“S-sinabi niya yun?!”

“oo nga!”

“edi mag hanap siya ng ibang amo! Akala niya isa siyang kawalan! Makakahanap pa ako
ng mas magaling, mas maganda, at mas sexy na chimay kesa sa kanya!!” tinignan ko si
Venus “lumayas ka na sa condo ko!! Magpapahinga ako!!”

“huh?!”

“sabi ko lumayas ka!!!” tinalikuran ko na si Venus at dumiretso sa kwarto ko.

Bwiset na chimay na yun! Ang kapal ng mukha niya para sabihan ako ng ganun! Matapos
niyang makipag halikan kay Rui at sampalin ang napaka gwapo kong pagmumukha eh
lalayasan niya ako at pagmumukaing ako ang masama?! Wadapak!!

Makikita talaga niya!!

I grab my phone and started texting her


“HOY CHIMAY! UMUWI KA DITO WITHIN 5 MINUTES OR ELSE WALA KA NANG TRABAHO!”

After typing the message, dali-dali kong isinend sa kanya.

Lumipas ang limang minute, ni reply ng chimay wala akong na receive. Bwiset! Pina-
line ko pa naman ang phone niya tapos hindi siya mag rereply saakin?!

Nag text ulit ako sa kanya.

“HOY SINO KA PARA HINDI AKO REPLYAN HA?! HINDI MO BA ALAM NA NAPAKASWERTE MO NA
TINETEXT KA NG SUPERSTAR NA KAGAYA KO HA?! GUSTO MO TALAGANG MAWALAN NG TRABAHO?!”

At hindi ulit nag reply ang magaling na chimay! Bwiset! Inuubos talaga ng isang to
ang pasensya ko!!

Tinawagan ko na siya at isang recorded voice ang sumagot saakin.

“The subscriber cannot be reached.. please try again later..”

Ay bwiset! Mukhang nakapatay pa ang cellphone ng isang yun!

Nakakayamot!
I checked again my phone baka sakaling inopen na niya ang phone niya at nag reply
kaso wala. Sumilip ako sa may binatana ng kwarto ko at tinignan yung may entrance
ng unit baka sakaling parating na siya but no signs of her.

Talaga bang nilayasan na ako ng isang yun?!

(to be continued...)

=================

Chapter 43 *Dionne's Choice*

A/N:

Sorry sorry sorry readers dahil ang tagal ng update. Sobrang nagiging busy na kasi
ako. Aside sa mga inaasikaso ko sa work, nag eedit pa ako ng story para doon sa
book na ippublish ko (abangan niyo ah!) Pero dahil pinromise ko na tatapusin ko ang
AiD, hindi ko to i-o-onhold. Gagawa talaga ako ng time para makapag update! Sana po
ay maintindihan niyo kung bakit medyo matagal ang updates. Salamat po sa pang unawa

-- Aly <3

**
Chapter 43

*Dionne's Choice*

[Dionne’s POV]

“sorry talaga Ashley ha at nakakaabala pa ako sayo dito?”

Kasalukuyan akong nandito ngayon sa room ng choir friend kong si Ashley habang siya
naman ay busy sa paghahanap ng pantulog na pwede niyang maipahiram saakin

“ano ka ba Dionne, okay lang yun no! Pwedeng pwede ka mag-stay dito saamin hangga’t
kelan mo gusto” sabi niya at binigyan niya ako ng isang ngiti

“thank you talaga ah”

Nginitian ulit ako ni Ashley.

Ibinalik ko yung tingin doon sa cellphone ko. Alam kong kanina pa text ng text si
Japoy saakin at pinapauwi na ako. Sa totoo lang, grabe ang pagpipigil ko sa sarili
ko na replyan siya at sabihing babalik na ako sa kanya kaya lang parang may
nagsasabi rin saakin na wag muna.
Isa isa kong binasa yung mga text niya. Galit na galit siya at pinagbabantaan niya
ako ng mga kung anu-ano.

Hay Japoy. Isang sorry lang naman ang katapat ko eh bakit hindi mo pa magawa?

Dahil sa inis ko, pinatay ko yung cellphone ko.

“mukhang tampong tampo ka talaga sa amo mo” sabi ni Ashley saakin “may gusto ka sa
kanya no?”

Bigla naman ako namula sa sinabi niya “A-ah? E-eh k-kasi a-ano eh.. y-yung b-bali
a-ano eh..” huminga ako nang malalim “oo may gusto ako sa kanya at nakakainis!!”
sabi ko at nagpagulong gulong ako sa kama ni Ashley “uwaaaa Ashley ayoko na nang
ganito! Pwede bang turuan ang puso na wag nang mahalin ang taong malabo naming
maging iyo?”

“Hay naku Dionne kung pwede lang...” iniwas ni Ashley ang tingin niya “kung pwede
lang ang ganung bagay edi sana wala nang nasasaktan ngayon..”

Nilapitan ko si Ashley

“bakit Ashley, nasasaktan ka ba ngayon?”

“h-ha? A-ah e-eh a-ano e-eh..”


Bigla naman akong natawa sa expression niya “hahahahaha gaya-gaya ka! Parang kanina
ata ako ang nagsasabi niyan!”

“oo nga no?” at biglang natawa narin si Ashley “hahahaha hay naku Dionne. Alam mo
naisip ko lang parang madami tayong pagkakatulad. Kahit sa choir lang tayo
nagkakasama at kahit na hindi pa tayo nagkaka bonding na maigi, feeling ko
magkakasundo tayo sa madaming bagay. Hay! Maganda rin pala na mag over night ka
dito”

Nginitian ko si Ashley “kaso okay lang ba na mag bonding pa tayo nang mas matagal?
Feeling ko kasi hindi lang hanggang overnight ang aabutin ko sa bahay niyo eh”

Inakbayan ako ni Ashley “kahit pa abutin ka ng taon okay na okay lang!”

Nagkwentuhan lang kami saglit ni Ashley about sa iba’t ibang bagay. Sa tinagal
tagal na nakasama ko siya sa choir, parang ngayon ko lang siya nakikilala ng maigi
and I must say, halos madami nga talaga kaming bagay na pagkakapareho ni Ashley.

“eh sino naman yung madalas na naghahatid sayo sa church every may choir practice
at mass tayo?” pang iintriga ko kay Ashley.

Nakita ko naman ang pamumula ng mukha ni Ashley dahil sa tanong ko “Y-yun ba? S-si
Yul yun, best friend ko” sabi niya

I smile.
Sa reaction pa lang niya alam ko ng inlove siya sa taong yun.

Maya-maya lang din, tinawag na kami ng maid nina Ashley na bumaba na at kumain. Pag
dating naman namin sa hapag kainan, nakita ko na nadun yung kakambal ni Ashley na
si Althea.

“Dionne! Ikaw si Dionne di ba?” salubong nito saakin “balita ko inihatid ka daw
dito nung artista na babae? Si Venus Fair? Totoo ba yun?”

“A-ah oo. Bakit?”

Sumimangot si Althea “friends pala kayo nun? Di ko siya feel. Parang ang maldi-
maldita niya! Di naman kagandahan”

“Althea! Ano ka ba!” saway ni Ashley sa kakambal niya

“what did I do?!”

“hay naku!” humarap saakin si Ashley “pagpasensyahan mo na yang kakambal ko, ganyan
lang talaga yan.”

Nginitian ko lang silang magkapatid. Sobrang opposite talaga ng ugali ni Ashley at


ni Althea kahit na kambal sila. Si Ashley mahinhin habang si Althea naman may pagka
liberated. Kung si Ashley ang tambayan ay simbahan, si Althea naman ay mga gimikan.
Pero kahit ganyan silang dalawa, parehong magaan ang loob ko sa kanila. Nagumpisa
na kami kumain nina Ashley. Nakakatuwa nga na habang kumakain kami, ang dami daming
ikinukwento si Althea na nakakaaliw. Sabi ko na eh mukha lang siyang maldita pero
mabait talaga siya. Parang nakikita ko kay Althea si Venus. Siguro kung magiging
magkaibigan sila, magkakasundo silang dalawa.

After kumain, pumasok na ulit kami ni Ashley doon sa kwarto niya. Nag shower muna
kami at pinahiram narin niya ako ng pantulog. After ng ilan pa ulit na kwentuhan,
pareho narin kaming inantok at nag decide na matulog na lang.

Time check: 11:05 in the evening. Sa tabi ko ay mahimbing nang natutulog si Ashley.
Kinuha ko yung phone ko sa ilalim nang kama ko at in-on koi to. Pagka open na pagka
open ako, nagulat ako na tambak ang inbox ko.

28 messages received. Yung 27 galing kay Japoy, then meron din akong nagiisang
message na galing kay Rui.

Inisa-isa kong basahin yung mga messages ni Japoy.

“Hoy pag di ka talaga umuwi patatalsikin kita!”

“ano bang problema mo at nag layas ka?!”

“o sige tataasan ko ang sahod mo umuwi ka na!”


“hoy ano kala mo ikaw lang ang nagiisang chimay na pwede kong i-hire! Kayang kaya
kitang patalsikin!”

“YOU’RE FIRED!!

At the rest ng mga messages niya, puro “you’re fired” na ang nakalagay. Sesante na
ako sa trabaho, wala na akong babalikan.

Napa-buntong hininga ulit ako. Siguro nga wala talagang pakielam saakin si Japoy.
Kung totoong gusto niya akong bumalik sa kanya, kesa pambabanta ang ittext niya,
sana mag sorry na lang siya saakin. Oh kahit wala manlang sorry, sana kahit
simpleng “bumalik ka na dito, please” siguro kakaripas na ako ng takbo pabalik sa
kanya.

Pero bakit kailangan pa niya mag text nang mga bagay na masasakit saakin? At
talagang sinesante niya ako ng ganung kadali, walang pag da-dalawang isip.

Inalis niya ako sa buhay niya nang ganun-ganun lang.

Napapikit na lang ako habang nararamdaman ko na naman ang luha sa mga mata ko.

God sign na ba to na tama na? Na dapat na ako bumitiw? Alam ko naman na hindi
talaga pwede eh. Pero hindi ko expected na ganito ako kabilis aalis.

Siguro nga, dapat maghiwalay na kami ng landas ni Japoy.


[Jake’s POV]

“hay sabi ko na you’re still sleeping!” naramdaman kong may nag poke ng daliri sa
braso ko “get up! Tapos na ang vacation leave mo at kailangan mo ng bumalik sa
trabaho! May rehersal ka ngayon di ba?!”

Tinabing ko yung kamay niya “leave me alone!”

Naramadaman ko na tinutulak tulak na niya ako “for pete’s sake get up!!”

“ano ba leave me alone Dionne!!” irita kong sabi sabay talukbong ng kumot. Bwiset
na chimay to oh! Panira ng tulog eh!

“I am not Dionne. Nilayasan ka na ng chimay mo, remember?”

Parang biglang nawala ang antok ko ng dahil sa narinig ko. Tinanggal ko ang
pagkakatalukbong ng kumot ko at nakita ko si Venus na nakatayo sa harapan ko.

Oo nga pala, nilayasan ako ni Dionne.

Kinuha ko yung phone ko sa may bedside table at chineck kung may nag text ba
saakin. Bukod sa manager ko na pinaalalahanan ako na wag ma-late sa rehersal ko
ngayon, wala na kong iba pang text na narecieve.

Wala ni-isang text na galing kay Dionne.

Pakiramdam ko parang gusto kong ihagis yung cellphone ko eh. So ano yun?! Ganun na
lang niya kadali tatanggapin na sinesante ko na siya sa trabaho niya?!

Akala ko ba mahal niya ako eh bakit parang okay lang sa kanya na iwan ako?

“oh ano natauhan ka na?”

Tinignan ko si Venus “ewan ko sayo! Bat ka pala nakapasok dito ha?! Saan ka
nakakuha ng susi?”

“Bat hindi mo na lang sunduin si Dionne? Alam ko kung nasaan siya”

“wala akong paki sa chimay na yun! Bahala siyang mag layas, hindi siya kawalan”

“totoo ba yan? Hindi siya kawalan sayo? Kahit na sumama siya sa iba okay lang
sayo?”

Tinignan ko si Venus “oo, wala akong paki kahit sumama siya sa iba.”
“then gusto mo palitan ko na si Dionne? Gusto mo ako na mag aalaga sayo?” nilapitan
ako ni Venus at hinawakan niya ang braso ko “hindi ako aalis at hindi kita iiwan.
Promise yan..”

Napabuntong hininga ako.

Ang hirap talagang maging gwapo, ang daming nagkakagusto.

Inalis ko yung pagkakahawak ni Venus sa braso ko.

“sorry Venus, pero alam mo naman na hanggang pagpapanggap lang lahat nung saating
dalawa di ba? Hanggang doon lang yun”

Nakita kong nagilid ang luha ni Venus “marunong ka bang magmahal? O hanggang
pananakit lang talaga ang alam mong gawin?”

“I’m sorry” I told her then iniwan ko na siya doon.

Hay buhay. Pati si Venus napaiyak ko ano ba yan. Minsan nakakainis na ang pagiging
gwapo ko!

Pumasok na ako sa loob ng banyo at nagsimulang maligo. Weird pero bigla ko na lang
naalala yung unang beses kaming nagkita ni Dionne. Naliligo ako nun at bigla-bigla
na lang siyang pumasok sa banyo ko at nakita pa niya lahat ng dapat niyang makita!
Mula ulo hanggang paa! =__=

Pero come to think of it, kung paano siya pumasok sa banyo ko, ganun din siya
pumasok sa buhay ko. Biglaan, walang paalam. Nakita niya rin ang lahat saakin, ang
buong pagkatao ko, ang kahinaan ko, kung saan ako sumasaya, kung ano ang mga
nagpapainis at nagpapalungkot saakin. Nakakayamot kasi hinayaan ko siyang i-invade
ang private life ko. Pero hindi ko siya magawang alisin sa buhay ko kahit pa yamot
na yamot ako sa kanya.

Alam kong sinesante ko na siya sa trabaho pero tinatakot ko lang naman siya eh.
Akala ko babalik siya saakin pero bakit ganun? Parang wala siyang pakielam.

Binuksan ko yung shower doon sa banyo at naramdaman ko ang pag bagsak ng tubig nito
sa katawan ko. Bigla naman akong nakaramdam na matinding pagkainis kaya napahilamos
na lang ako ng mukha.

Bwiset talaga! Ganito na lang ba talaga to? Hindi na babalik si Dionne?! Talagang
pinagpalit niya na ako sa iba?!

Oo! Alam ko madami ako mahahanap na iba! Pero bakit ba ganito ang nararamdaman ko?

Bakit parang gustong sumabog ng puso ko?

I try my best not to think of Dionne para makapag concentrate naman ako sa pagaayos
sa sarili ko. Kailangan ko narin mag madali dahil alam kong late na late na talaga
ako at for sure maririnig ko na naman ang sermon nung dance director namin. Parang
hindi na siya na sanay na pag gwapo dapat late!!
Nang matapos ako maligo, wala na si Venus sa unit ko. Malaman uuwi na yun, na
broken hearted saakin eh. Wag lang sana siya gumawa ng katangahan katulad ng
paglalaslas o pag talon sa tulay dahil binasted ko siya. Please lang, ayokong
masasangkot ang pangalan ko sa mga ganyang ka cheap na issue. =___=

Nagbihis na ako at nagmaneho papunta doon sa studio para sa dance rehersal namin.
Hindi ko alam kung paano ako napilit ni Manager Rhian na sumali sa isang dance
number pero ayoko talaga ng mga ganitong bagay. Sa pag p-practice pa nga lang eh
pagpapawisan na ako! Nakakadiri bwiset!

Pagkadating ko doon sa studio, nadatnan ko naman yung Hapon na si Rui na


kasalukuyan nang nag pa-practice para doon sa dance number. Kasama ko nga rin pala
siya doon at napilit din nila si Venus magsayaw kahit na isa na siyang newscaster
ngayon.

Nakita ko na papalapit na yung dance director namin at mukhang sasalubungin na


naman ako ng sermon kaya inunahan ko na siya.

“oo late ako alam ko. Kesa talakan mo ko, kung mag umpisa na kaya tayo?!” sabi ko
sa kanya

Natikom naman yung bibig niyang naka-ready palang para bulyawan ako. Binigyan niya
ako ng masamang tingin at humarap na ulit doon sa mga dancers “okay magsisimula na
tayo! Nandiyan na yung hari natin!” sabi nung baklang dance director.

Bwiset tong baklang to. Bad mood na ko nakikisabay pa!

Inilapag ko yung gym bag ko sa tabi at naki- practice narin sa kanila. After 10
minutes na pagsasayaw, pinag break niya ulit kami sa kadahilanang wala pa si Venus.
“mga tao ngayon mga paimportante” dinig ko pang bulong niya.

Nakakairita talaga. Kung pakitaan ko na lang kaya to ng abs ko ng matahimik? =__=

“Jake..”

Napalingon ako sa tumawag saakin at nakita ko si Rui sa harapan ko

“oh?”

“si Dionne, hindi ba talaga siya umuwi sa inyo?”

“obviously hindi. Kung umuwi siya edi sana kasama ko siya di ba?”

“hindi mo manlang siya hinanap?” medyo asar na sabi ni Rui saakin

Napatayo naman ako bigla “at bat ko siya hahanapin? Sino ba siya?”
“wala ka bang pakielam kay Dionne ha?!”

“teka bat ka nagagalit saakin?! Tsaka boyfriend ba ako ni Dionne ha?! Teka nga, isa
lang naman ang dahilan kung bakit siya umalis eh..” nilapitan ko lalo si Rui “hindi
niya nagustuhan ang halik mo bro. Kung ako sayo humanap ka na lang ng iba. At
paying kapatid lang din, wag nang si Dionne ang mahalin mo. Hindi ka bagay sa isang
chimay na katulad niya. Maghanap ka na lang ng maganda at mayaman na mas babagay
sayo—“

*PUNCH*

Bigla na lang akong nakaramdam ng sakit sa gilid ng labi ko at nakita kong


nagdudugo ito.

“GAGO KA AH!” sigaw ko kay Rui at sinugod ko na rin siya “bat mo ko sinuntok?!”

Pinigilan ako ng mga taong nakapaligid saamin same goes with Rui kaya lang
nakakwala siya sa kanila at sinugod ulit ako.

“Wala kang karapatan para sabihan ng ganun si Dionne! Eh ano ngayon kung hamak na
PA mo lang siya?! Fuck! She’s way better than all those girls I’ve met kaya minahal
ko siya ng husto! Dionne’s a great girl and you failed to notice that!”

Naramdaman ko na naman ang pagtama ng kamao ni Rui sa mukha ko.

“Mali siya ng minahal! Hindi dapat ikaw ang minahal nia Jake dahil napaka
makasarili mong tao at hindi ka marunong magmahal!” and I received another punch
from him

“wag kang magsalita ng mga bagay na hindi mo alam!!” tumayo ako sa pagkakatumba ko
and this time, ako naman ang sumuntok kay Rui

“tama na!!”

Napahinto kami ni Rui ng marinig namin ang boses na yun at nakita ko si Dionne na
tumatakbo palapit saamin habang kasama niya si Venus.

“B-bat kayo nag sasakitan dalawa ha?”

Tinignan ko si Dionne at hinawakan ko siya sa braso “bat hindi ka nag re-reply


saakin ha?! Uuwi na tayong dalawa ngayon!”

“no!” nakita ko na hinawakan naman ni Rui ang kamay ni Dionne sa kabila “hindi na
ako papayag na isasama mo si Dionne” tinignan ni Rui si Dionne “Dionne I am very
very sorry sa nagawa ko sayo sa beach. Hindi ko talaga sinasadya yun but please
come with me. Hindi deserving si Jake sa pagmamahal na binibigay mo sa kanya. He’s
only hurting you!”

“Dionne!!” sigaw ko “Sumama ka saakin!”

“No Dionne please..”


Tinignan ni Dionne si Rui then ibinaling niya ang tingin niya saakin.

“Mahal kita” halos pabulong niyang sabi habang diresto siyang nakatingin sa mata ko
“kaso hindi ka marunong magmahal, Japoy..”

Inalis ni Dionne ang pagkakahawak ko sa braso niya atsaka niya tinignan si Rui
“Sasama ako sayo” sabi niya.

Hindi ko na alam ang sunod na nangyari. Para bang bigla na lang akong nabingi. Ang
tanging naalala ko na lang ay ang likod ni Dionne na naglalakad na palayo saakin.

Hindi ako marunong magmahal.

Sa loob ng isang araw, tatlong tao ang nagsabi saakin niyan.

(to be continued...)

=================

Chapter 44 *Flight for freedom*

A/N: Sana'y inyong mapatawad ang author dahil sa tagal ng paguupdate. Sobrang dami
ko na po kasing ginagawa. Sorry na T___T
Please don't mind the typo in this chapter... di ko pa nae-edit! hehehe

Enjoy reading!

***

Chapter 44

*Flight for freedom*

[Dionne’s POV]

“Dionne-chan dapat kakain ka ng madami ha? Sasarapan ko talaga ang luto ko para
sayo! Patitikimin kita ng mga Japanese foods!” masiglang sabi ni Rui habang busy
siya sa pagluluto.

Nandito ako ngayon sa unit ni Rui. Matapos kasi ng suntukang naganap, agad kaming
umalis doon dahil madaming naka witness at for sure, panibagong issue na naman ito.
Pakiramdam ko nga mamayang gabi nasa news na agad yung nangyari eh. For sure ngayon
madami din ang nag hu-hunting kay Japoy para tanungin sa nangyari.

Napabuntong hininga ako. Kahit na nasasaktan ako ng dahil kay Japoy, hindi ko parin
maiwasang mag-alala sa kanya. Nag iisa siya ngayon at yung mga binitiwan kong
salita sa kanya ay masasakit. Hindi ko alam kung na-apektuhan ba siya doon pero
nakakarmadam ako ng konesensya.
“Don’t worry about him, he’ll be fine,” sabi ni Rui saakin kaya napatingin namam
ako sa kanya

“H-ha?”

“I know you are thinking about Japoy”

Napa-yuko ako “Rui, sorry ha?”

“You don’t need to say sorry. Hindi ko naman kayang magalit sayo kasi mahal kita
eh”

Natigilan ako sa sinabi ni Rui at hindi ko alam ang isasagot sa kanya.

“Uhmm Rui—“

“—puntahan mo na si Venus sa living room baka kung ano na ang ginagawa nun doon,”
pag putol ni Rui sa sinasabi ko.

“Okay”

Pumunta ako sa living room ni Rui at nakita ko si Venus na nakaupo sa sofa habang
may binabasa. Halos kadadating lang ni Venus sa unit ni Rui dahil sinundan niya
kanina si Japoy. Naupo ako sa tabi niya.
“Venus, kamusta siya?”

Tumigil sa pagbabasa si Venus at tinignan ako. “He refused to talk to me. Sabi niya
gusto niya mapag-isa”

“Uhmm hindi ba malala yung mga sugat niya dahil sa suntok?”

Medyo napangiti si Venus “hindi naman pero sigurado akong galit na galit yun kasi
nasuntok ang pinakamamahal niyang mukha”

Napangiti din ako sa sinabi ni Venus. Naiimagine ko na lang ang inis ni Japoy dahil
sa pagkakasuntok sa kanya ni Rui.

“Idagdag mo pa na wala yung chimay niya para alagaan siya at gamutin ang mga sugat
niya”

Nawala din agad yung ngiti ko ng dahil sa sinabi ni Venus at nakaramdam na naman
ako ng konsensya.

“Mali ba yung ginawa ko?” tanong ko sa kanya.

Umiling si Venus. “Sinabi mo lang kay Jake ang tingin mo sa kanya at alam kong
hindi naman siya ganoong ka-manhid para hindi tamaan sa mga binitiwan mong salita,”
tinignan ako ni Venus, “lalo na yung chimay pa niya ang nag bitiw ng mga salitang
yun.”

“Pero alam ko wala naman ako para sa kanya eh”

“Hindi lang pala si Jake ang manhid kundi pati ikaw.”

“Ha?”

Venus rolled her eyes. “Ewan ko sayo Dionne! Dapat ikaw din may marealize eh!”
tumayo si Venus, “o siya, I need to go. I have an important appointment”

Tumayo na rin ako, “uhmm Venus, salamat ah? Alam kong mahal mo si Japoy pero
tinutulungan mo pa rin ako”

“Mahal?” ngumiti si Venus, “siguro. Pero kasi hindi ako ganoong ka tanga para
aksayahin ang ganda ko sa isang katulad niya.”

“Salamat talaga ah?”

“Wag ka munang magpasalamat kasi wala pa naman nangyayari eh.”

Pero kahit ganoon, paulit-ulit parin ako nagpasalamat kay Venus dahil sa tulong na
ibinibigay niya saakin. Nung medyo nakulitan na siya saakin, nagpaalam na rin siya
kay Ru at umalis.

“Dionne ready na yung food natin! Halika na dito”

Lumapit ako sa kanya. “Ako na mag hahain,” sabi ko habang kinukuha yung mga plato.

“Ano ka ba!” kinuha niya sa mga kamay ko yun hawak kong mga plato, “in this house,
you are not a maid but a guest.” Inilapag niya yung mga plato sa lamesa ataka ako
hinila paupo sa may hapag kainan. “Just sit and relax okay? Pagsisilbihan kita
ngayon.”

Isa-isang nilapag ni Rui sa lamesa yung mga pagkaing niluto niya. Pinaglagay niya
ako sa plato ko at talagang naka-plating pa ito ng maganda. Nilagyan din niya ng
juice na tinimpla niya yung baso ko. Pagkatapos nun ay naupo narin siya sa silya a
tapat ko.

“Kumain ka ng madami ha Dionne? Talagang niluto ko yan lahat para sayo.”

Nginitian ko si Rui, “salamat talaga ah, Rui? Kahit na alam mong—“

“—tara na kumain na tayo!” Pag putol niya sa sinabi ko. Hindi ko na lang din
itinuloy ang dapat kong sasabihin dahil ramdam ko naman na ayaw pagusapan ito ni
Rui.

Habang kumakain kaming dalawa, nagku-kwento lang si Rui ng kung anu-anong bagay,
pero wala siyang binabanggit about sa nangyari kanina. Alam kong iniiwasan niyang
magbanggit ng tungkol kay Japoy dahil alam niyang malulungkot ako, pero habang
tinitignan at pinapakinggan ko si Rui na pilit akong pinasasaya sa mga kwento niya,
nakokonsensya ako dahil alam kong sa huli, masasaktan at masasaktan ko parin ang
taong to.

“..grabe nga eh nakakahiya talaga yung pinaka unang beses akong nagsayaw ng live!
Mali-mali yung dance steps ko at hindi ako makasunod sa mga kasamahan ko!
Pinagtatawanan nga ako ng audience nun eh! Hahahaha! Pero at least sumikat naman
ako di ba? Uy Dionne nakikinig ka pa ba saakin?”

Biglang napabalik yung atensyon ko kay Rui ng tawagin niya ako.

“S-sorry ano ulit yun?”

Napabuntong hininga siya “ikaw talaga! Tawa ko ng tawa dito mag isa hindi ka naman
pala nakikinig!”

“sorry”

Nginitian niya ako “ilang beses ko bang sasabihing hindi mo kailangan mag sorry
saakin?”

Tinignan ko si Rui sa mata “kahit masaktan kita?”

Nawala bigla ang ngiti sa mukha niya at napabuntong hininga na lang ulit siya.
Tumayo si Rui sa kinauupuan niya atsaka lumapit saakin. Lumuhod siya sa harapan ko
at hinawakan ang kamay ko.
“Mahal kita Dionne.”

“Rui—“

“Alam kong sasabihin mong si Japoy ang gusto mo. Sa totoo lang naiinis ako kasi
binabalewala ka niya. Gusto ko siyang isumpa at pagmumurahin dahil hindi niya alam
kung gaano siya ka-swerte na may nagmamahal sa kanya na kagaya mo. Iniisip ko nga,
sana ako na lang Dionne. Sana ako na lang yung minahal mo. Gusto kong sabihin sayo
na please, paki baling na lang saakin ang atensyon mo dahil hindi kita sasaktan at
paiiyakin. Pahahalagahan kita at aalagaan. Yung mga bagay na hindi naibigay ni
Japoy sayo, kaya kong ibigay yun lahat mapasaya ka lang Dionne. Ang kaso, kahit
anong pilit ko na pasayahin ka, alam ko namang sa kanya at sa kanya ka parin
magiging masaya eh..”

“Rui, sorry...”

“Wag ka mag-alala dahil naiintindihan ko naman yun eh. Pero hindi parin ako titigil
na umasang balang araw, mahuhulog ka rin saakin.”

“ayokong masaktan ka”

Tumayo si Rui sa pagkakaluhod niya sa harapan ko at hinalikan niya ang noo ko


“Dionne, sa pagmamahal, imposibleng walang masasaktan. Pero kung ikaw lang din
naman ang mananakit saakin, okay lang. Basta ba ang kapalit nun ay maging masaya
ka.”
~*~

It’s been a week. Kila Ashley ako nag stay the whole week. Masaya naman ang pag
tira ko kila Ashley dahil tinuturing nila akong parte narin ng pamilya nila though
tinatamaan na rin ako ng kahihiyaan dahil nagiging pabigat na ko sa kanila kahit pa
ilang beses nilang sabihin na okay lang na tumuloy ako sa kanila ng libre. At para
makabawi manlang ako sa pagpapatuloy nila saakin sa bahay nila, nagpatulong ako kay
Venus na maka-panood kami ng live doon sa isang noon-time entertainment show na
madalas panuorin nila Ashley at Althea. Nakakuha narin ako ng invitation galing kay
Rui na manood ng show na yun live kaya naisipan kong isama silang dalawa.

“Sure it’s easy” sabi ni Venus saakin ng tawagan ko siya para makiusap na kung
pwedeng maisingit kami sa audience “pero Dionne I just want to warn you, nandun din
sa show na yun si Jake. Sure ka ba talaga na gusto mong manuod?”

Medyo natahimik ako sa sinabi ni Venus

“Dionne?”

“ah. O-okay lang. Nandun naman kami para manuod eh tsaka imposible namang makikita
ako ni Japoy sa audience. A-ayos lang yun.”

“okay then if you say so.”

Sinabi saakin ni Venus na aayusin na niya yung pag punta namin doon at tatawagan na
lang niya ulit ako para sabihin kung what time at saan kami di-diretso pag okay na.
After that, nagpaalam na rin kami ni Venus sa isa’t isa.
Nang mag-end na yung call, napabuntong hininga na lang ako. Sa loob ng isang
Linggo. Hindi ako tinawagan o tinext man lang ni Japoy. Sabi naman ni Venus, okay
lang si Japoy at normal naman ang kinikilos nito sa trabaho. Nabalitaan ko pang
naghahanap narin siya ngayon ng panibagong P.A.

Mukhang tama ang hinala ko. Wala naman talaga ako para sa kanya eh. The whole week
wala akong ibang ginawa kundi ang pigilan ang sarili ko dahil gustong gusto ko na
siyang tawagan. Ilang beses ko na ring pinlano na puntahan siya sa unit niya at
sabihing bumabalik na ko sa kanya. Na-mi-miss ko si Japoy, sobra, at gusto ko ng
itigil ang pagmamatigas ko. Gusto ko siyang puntahan at mag sorry at sabihing
kasalanan ko ang lahat. Kasalanan ko kasi umasa ako at nasaktan. Pero wala naman
akong karapatan masaktan at magalit sa kanya dahil hindi naman kami eh. Gusto kong
sabihin sa kanya na okay lang kahit hindi niya na ako mahalin basta hayaan niya
lang ako sa tabi niya tutal umpisa pa lang yun naman na talaga ang hinihiling ko
eh. Pero pinigilan ko ang sarili ko dahil alam ko, pag ginawa ko yun, sarili ko
naman ang sasaktan at pahihirapan ko. Naisip ko na mas mabuti nang lumayo muna ako
sa kanya. Pero ang sakit parin malaman na okay siya kahit wala ako. Ibig sabihin
lang nun, wala lang talaga ako sa kanya.

Isang hamak na chimay---hanggang diyan lang talaga ang tingin niya saakin.

Dumating ang araw ng panunuood namin nila Ashley. Masaya naman ako dahil nakita
kong excited na excited silang dalawa ni Althea.

“Grabe mapapanuod ko kumanta ng live ang idol ko!” sabi ni Ashley habang nasa kotse
kami papunta doon, “pwede kaya akong magpa autograph?”

“Ewww Ashley you’re so makaluma you know! Autograph?! Bat hindi na lang pa-
picture?!” sabi naman ni Althea, “anyway, sana nandun ngayon yung The Dreamer!
Crush ko yung drummer nila eh, ang hot lang! Ibibigay ko yung number ko sa kanya
baka sakaling maging boyfriend ko!”

“Ay naku Althea, may tinatarget ka na naman!”


“Eh bakit ba! Doon ka sa idol mo at magpa-autograph!”

Natatawa na lang ako the whole ride dahil sa pagtatalo ni Ashley at Althea.
Palaging ganyan ang dalawang yan. Sobrang opposite kasi nilang magkapatid pero
kahit ganoon, makikita mo talaga na sobra din silang close at grabe nila
pinahahalagahan ang isa’t-isa.

Sakto lang ang dating naming dahil hindi pa nagsisimula yung program pero medyo
mahaba narin ang pila. Pero dahil sa tulong ni Venus at ni Rui, nandun kami sa VIP
line at nakapasok agad sa set. Halos bandang unahan pa yung seat naming at kitang
kita namin ang stage.

Habang naghihintay kami mag start yung show, nagpaalam muna ako kila Ashley dahil
nag text si Rui saakin at pinapapunta niya ako sa back stage.

Dahil sa consent ni Rui, nakapasok naman ako agad backstage at hinanap yung
dressing room number niya. Habang naglalakad ako, nagulat ako ng biglang may
humatak ng braso ko.

“What are you doing here?”

Tinignan ko yung lalaking mahigpit na nakahawak sa braso ko. It’s Japoy.

Nakakunot ang noo niya habang nakatingin siya saakin ng seryoso.


“paano ka nakapasok dito?”

Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya. Ayokong mag tama ang mga mata naming. Baka
kasi mamaya, bigla ko na lang yakapin ang isang to at sabihin sa kanya kung gaano
ko siya ka-miss. Ayokong bumigay.

“pinapunta ako ni Rui” sagot ko sa kanya. Naramdaman kong mas lalong humigpit ang
pagkakahawak niya sa braso ko.

“So you’re his new P.A?”

“Hindi. I went here as a friend”

Nung sabihin ko yun, medyo nag loosen ang pagkakahawak niya sa braso ko.

“Look Dionne, hindi na ako galit sayo at willing parin akong tanggapin ka bilang
P.A ko. Pangako kakalimutan ko na lahat ng nangyari”

Inalis ko yung braso ko sa pagkakahawak niya at napatingin na lang ako sa kanya ng


dahil sa sinabi niya. “Para sayo Japoy madaling kalimutan ang lahat pero para
saakin hindi.”

“So ano ibig mong sabihin? Tinatanggihan mo ang offer ko? Hindi mo ba alam kung
gaano ka ka-swerte kasi pinababalik kita ha?!”
Napahinga ako ng malalim “bat hindi mo maintindihan?! Bat hindi mo maisip na kahit
anong kalimot ang gawin ko, hindi ka mawawala sa isip ko dahil mahal kita! Na pag
nag stay pa ako sa tabi mo, masasaktan langa ko!”

“Kaya nag i-stay ka ngayon sa tabi ni Rui dahil ka niya sasaktan? Ganun ba yun?!”

“bakit sarili mo lang ang iniintindi mo?!”

“Dionne..” napalingon ako sa tumawag saakin at nakita kong parating si Rui.


Hinawakan ni Rui ang kamay ko at hinila niya ako papalayo kay Japoy.

“She’s my guest. Don’t bother her” sabi ni Rui kay Japoy tapos tumingin siya saakin
“tara na Dionne”

Tinalikuran na namin si Japoy at naglakad palayo pero bigla niya ulit hinatak ang
braso ko.

“Alam kong mahal mo ko but why are you choosing that guy over me?!” sigaw saakin ni
Japoy “talaga bang sa kanya ka na sasama ha?!”

“Ano ba Japoy bitiwan mo ko!”

Tinulak ni Rui si Japoy palayo saakin “leave her alone! Wag mo nang saktan si
Dionne!”

“Wag kang makielam dito!” sigaw ni Japoy

Pumagitna na ako agad sa kanila dahil alam kong maguumpisa na naman sila ng away.
Napansin ko ring naglabasan yung ibang mga artista sa kani-kanilang dressing room
dahil sa sigawang nagaganap at tinatanong kung ano nang nangyayari.

At syempre, kung nasaan ang gulo, hindi pwedeng mawala ang mga reporters. Sa isang
iglap lang, madami nang nakapaligid saamin na mga tao at pinapanuod ang kaguluhang
nangyayari.

Nakakapagod na.

“tama na,” mahinahon kong sabi “tama na please. Itigil na natin to.” Tinignan ko si
Japoy “wag mo na akong saktan please? Tama na Japoy dahil nahihirapan na ako”
naramdaman kong nangingilid na ang luha sa mata ko “ayoko ng masaktan ng dahil sayo
kaya gusto na kitang kalimutan.”

Naramdaman ko ang mga braso ni Rui sa balikat ko “don’t cry” bulong niya saakin
“he’s not worth your tears...”

“Fuck!” Japoy cuss “kalimutan?! What the hell Dionne! You perfectly know na hindi
mo ako magagawang kalimutan kahit anong gawin mong paglayo saakin!” he smirks
“babalik at babalik ka rin dahil mahal mo ko!”

I slapped him.
“Napaka selfish mo. You only love yourself!” I looked at Rui with my eyes full of
tears “alis na tayo please?”

Hinila na ako palayo ni Rui at tinalikuran na ulit namin si Japoy pero bago pa kami
tuluyang makalayo, I heared another cuss.

“DAMN IT!”

Napalingon ako kay Japoy at nakatingin siya saakin kaya nagtama ang mga mata namin.

“Oo selfish ako! Pero masama ba yun?! Masama bang pilitin ko ang bagay na gusto ko
ha?!” nilapitan niya ulit ako “I want you Dionne! I despise you but I want you at
the same time! Kung alam mo lang kung gaano kagulo ang pagiisip ko ng dahil sayo!”

“J-japoy—“

Napahilamos si Japoy ng mukha at nakita ko kung gaano siya ka-inis ngayon, “You
told me I don’t know how to love! Pero bakit salungat yun ng nararamdaman ko ha?!
Nung umalis ka halos hindi ako mapakali nun alam mo ba yun ha! Nag-aalala ako sayo!
Hindi mo sinasagot ang mga tawag at text ko at ayaw mong bumalik saakin! Nung
pinili mo si Rui, hindi mo alam kung gaano ako nasaktan! Para akong hindi
makahinga sa sobrang sakit pero ayokong umiyak! Pilit kong dine-deny sa sarili ko
ang nararamdaman ko pero pakshet na yan, kahit anong deny ikaw at ikaw parin ang
naiisip ko! Gusto kitang makita! Halos mabaliw ako!” napahinga ng malalim si Japoy
at nagulat ako ng makita kong may nangingilid na luha sa mata niya “if this is not
love then tell me Dionne, tell me... ano tong nararamdaman ko para sayo?”
“Japoy...”

He took one step closer to me at nabigla ako ng lumuhod siya sa harapan ko.

“J-japoy! Tumayo ka please! Ang daming nakapaligid saating mga tao ngayon!”

“Please... bumalik ka na,” halos pabulong niyang sabi at nakita ko na tumutulo na


ang luha sa pisngi niya “bumalik ka na saakin dahil nababaliw na ako kakaisip
sayo.”

Halos wala ng lumalabas na boses sa bibig ko. Hindi ako makapag-salita. Si Japoy,
sa harap ng madaming tao, nakaluhod sa harap ko at umiiyak habang nakikiusap na
bumalik na ako sa kanya.

Totoo ba tong nangyayari?

Napalingon ako kay Rui and he’s giving me an encouraging smile.

Napabalik ang tingin ko kay Japoy at bago pa ako makapagisip ng matino,


napangunahan na agad ng katawan ko ang kilos utak ko. Tumakbo ako palapit sa kanya
at niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit.

“nakakainis ka!” bulong ko kay Japoy “buo na yung desisyon ko eh sinira mo na


naman”
He hugges me back “sabi sayo eh babalik ka din saakin”

“nakakainis ka talaga..”

He chuckled “Pwede ko na bang sabihin na I love you?”

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan siya “paki ulit please”

Sinimangutan ako ni Japoy “yung totoo, lumuhod na ko sa harap mo, iniyakan na kita,
tapos pauulitin mo pa yung sinabi ko? Aba namimihasa ka na ha! Hindi porket
tinanggap ko ng mahal kita eh pwede ka nang mag take advantage saakin!”

Napangiti ako ng malawak at niyakap ko ulit siya “I love you too! Pag binawi mo yan
magiging kamukha mo si kokey!”

“wala akong planong bawiin wag kang mag alala”

“Sana maisip niyong dalawa na ang dami niyo ng audience” sabi ni Rui.

Bigla naman kaming naghiwalay sa pagkakayakap at tumingin sa paligid. Mapa artista,


P.A o reporter, lahat may hawak na camera at vini-video ang mga nangyayari.
“Shit issue na naman to!” sabi ni Japoy at hinatak ako patayo “We need to go” sabi
niya saakin

Tumingin ako kay Rui at nakangiti siya sa akin

“Rui s---”

“—wag ka nang mag sorry” pag putol niya sa sinabi ko “tanggap ko na”

Nginitian ko din siya “thank you”

At tumakbo na kami paalis ni Japoy.

“Japoy hinahabol tayo ng mga reporter”

“kaya nga tayo tumatakbo eh!”

“madali akong hingalin!”

“Ano ka ba naman!”
Biglang huminto si Japoy at nagulat ako ng bigla niya akong buhatin, pa bridal
style, atsaka siya tumakbo.

“pasalamat ka talaga mahal kita” bulong nito

“Salamat” sabi ko sa kanya

Nakita ko na lang siyang napangiti.

Nang makarating kami sa parking lot, nagulat kami ng madatnan namin si Venus doon.

“so, are you ditching the show?” sabi ni Venus

“oo nga pala!” napatakip ako ng bibig “sila Ashley! Baka hinahanap nila ako!”

“but we need to go!” sabi naman ni Japoy sabay tingin kay Venus “cover up for me
please”

Napangiti na lang si Venus, “ano pa bang magagawa ko? Ako na rin ang bahala sa mga
kaibigan mo Dionne”
“Thank you Venus!”

“and oh...” may inabot si Venus kay Japoy na envelop.

“What’s this?” binuksan ni Japoy yung envelop at sa loob nun ay dalawang plane
ticket papuntang Palawan “Venus...?”

“You’re flight is at 3;30 pm. You only have one and a half time to leave. Don’t
worry ayos na lahat ng gamit niyo at nandun na sa airport.”

Nilapitan ni Japoy si Venus “thank you Venus, really.. salamat. At sorry din”

“You don’t have to say sorry jerk! Hindi ka kawalan”

“thank you..” niyakap ko si Venus after that, dali-dali na kaming pumasok ni Japoy
sa kotse.

Napatingin ako sa likod at nakita kong nagtatakbuhan yung mga reporters palapit
saamin.

Pinaharurot na ng takbo ni Japoy ang kotse palayo sa kanila.


(to be continued...)

=================

Chapter 45

Short update lang! ipagpatawad niyo! Peace! Busy lang talaga si author! Babawi ako
pag nagkaroon ulit nang time.

Anyway kahit short update lang sana ma-enjoy niyo.

***

Chapter 45

[Venus’ POV]
“Where’s Jake? Where’s Dionne?!”

“I don’t know.”

“Venus! Nasaan nga sila?!”

Napabuntong hininga ako. Kanina pa ako ini-interrogate ng manager ni Jake na si Ms.


Rhian about sa kanilang dalawa. Pati yung director namin sa noon-time show na ito,
saakin hinahanap yung dalawa.

“We know na alam mo kung nasaan sila. Please Venus, tell us!”

Napikon na ako at tumayo “I am not a freaking lost and found section! Kung gusto
niyong malaman kung nasaan sila edi tawagan niyo sila!” Iniwan ko sila doon at
naglakad palabas ng office sabay balibag ng pinto.

Nakakapikon! Para na akong sirang plaka na paulit-ulit na hindi ko alam kung nasaan
si Jake at Dionne tanong parin sila ng tanong. Ganyan ba sila ka-slow at kailangan
paulit-ulitin ko para lang maunawaan nila?!

Well, alam ko naman kung nasaan talaga yung dalawa dahil ako ang nag set up sa
kanila pero kahit yamot na yamot na ako syempre wala akong planong magsalita dahil
alam kong madadamay ako sa gulo na yan.

Bumalik ulit ako sa parking lot at dumiretso sa kotse ko. Plano ko na sanang umuwi
kaso biglang may kumatok sa bintana ng kotse ko at nang lingunin ko ito, nakita ko
si Rui na nakasilip.
Ibinaba ko yung bintana ng kotse ko. “If you are going to ask where the freaking
hell are they then you are wasting your time!” pangunguna ko na kay Rui.

“Relax, wala akong planong alamin kung nasaan sila.”

Napabuntong hininga ako at binuksan yung pintuan ng kotse ko. Pumasok naman agad si
Rui sa loob at isinara ang pinto.

“So, you decided to let him go,” sabi ni Rui, “Jake, I mean.”

“Let him go?” paguulit ko ng sinabi niya “How could I let go someone na hindi naman
saakin?” medyo natawa naman ako sa sinabi ko. “Everything that is happening to us
is so cliche! Mismong ang linya ko napaka cliche narin.”

Rui gave me a sad smile. “Mahal mo talaga siya no?”

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya, “pero mas mahal ko parin ang sarili ko. Masyado
akong maganda para mag-habol lang sa isang lalaki. Dapat ako ang hinahabol.”

“Tama!” pagsangayon saakin ni Rui. ”Masyado din akong gwapo para mainlove sa isang
chimay! Bagay saakin superstar!” dagdag pa niya.
“Sus! Yang dalawang yan? Si Dionne at Jake? Bahala sila sa buhay nila! Hindi sila
kawalan!”

“Tama ulit! Hindi sila kawalan dahil sila ang nawalan!!”

Nagkatinginan kami ni Rui at nginitian namin ang isa’t isa pero nagulat ako ng agad
binawi ni Rui ang ngiti niya at tumingala siya. May namumuong luha sa gilid ng mga
mata niya.

"Pero ang sakit no?" sabi niya. "Ang sakit malaman na talo ka na at wala ka nang
pag-asa na manalo."

"A-ano ka ba! Wag ka nga magdrama!"

“Pero tama nga sila na hindi lahat nang laban dapat manalo tayo. May mga
pagkakataon na dapat din tayo magpatalo---para sa ikabubuti nang lahat.”

Agad kong iniwas ang tingin ko kay Rui. Sa totoo lang ayokong aminin na natalo ako
at yung tao pang nakatalo saakin ay isang hamak na chimay lang. I acted like I
didnt care. Kung hindi ako gusto ni Jake edi wag! Wala rin naman akong planong
ipilit ang sarili ko sa kanya.

Akala ko yung mga tao ang pinapapaniwala ko, yun pala pati ang mismong sarili ko.

Tumingin ako sa bintana habang pilit na pinipigilan ang mga luha na gustong
kumawala sa mata ko.
Masakit. Ramdam na ramdam ko ito. Gusto kong sabihin kay Jake na bakit si Dionne
ang minahal niya. Ano bang nakita niya sa kanya na wala ako? But then, it hits me.
Habang tinitignan ko si Jake at Dionne, habang ino-observe ko kung paano sila
makitungo sa isa’t isa, narealize ko kung ano ang wala ako na meron si Dionne. Yun
ay yung mismong relationship nila. Sobrang opposite nila to the point na napupunuan
nila ang isa’t isa.

Nakakainggit at nakakainis at the same time.

Pero nang dahil sa kanila, at least, narealize ko, may katangahan din pala akong
naitatago sa katawan dahil tinulungan ko sila kahit ang sakit sakit.

Sana lang, maging masaya sila para naman may magandang maidulot ang katangahan na
ito.

[Dionne’s POV]

Hindi ito panaginip. Ayan ang una kong nasabi sa sarili ko pagka mulat nang mata
ko.

Nandito parin ako sa kwarto kung saan ako natulog kagabi pagdating namin ni Japoy
sa Palawan. Halos hating gabi narin kami nang makarating dito sa isang rest house
kung saan kami tutuloy ni Japoy. Dahil sa pagod, dumiretso na kami agad sa kani-
kaniyang kwarto para matulog. Naalala ko pa, nag good night saakin si Japoy at
hinalikan niya ako sa noo kagabi bago siya pumasok sa kwarto niya. Nung pagkahiga
ko nun, natatakot ako na baka panaginip lang ang lahat nang ito. Baka pagka-gising
ko, nandun parin ako sa kwarto ni Ashley. Napakaganda kasi nang mga nangyayari
ngayon to the point na feeling ko nasa isang panaginip lang ako.
Pero eto ako ngayon, nandito parin sa kwarto na ito kung saan ako natulog kagabi.
Totoo ang nangyayari at hindi isang panaginip. Mahal ako ni Japoy. Mahal niya ako.

Napangiti ako bigla at napayakap sa unan na katabi ko nang mahigpit. Ang hirap
paniwalaan pero mahal talaga niya ako!

Napalingon ako sa bedside ko at tinignan yung oras at halos mapatalon ako sa gulat
nang makita kong 8:30 am na.

Ay shaks! Hindi pa ako nagaayos nang breakfast ni Japoy!! Malapit na gumising yun!!

Sa sobrang pagmamadali ko, hindi ko na nakuhang tignan pa ang sarili ko sa salamin


at mag toothbrush o maghilamos o magsuklay man lang. Dumiretso na agad ako sa
kitchen nung resthouse para magluto kaya lang nagulat ako nang pagdating ko doon,
nadatnan ko na si Japoy na nagaayos nang lamesa habang inilalapag niya ang pritong
hotdog, itlog at bacon pati narin yung isang box nang gatas.

“Japoy?”

“tulog mantika ka! Nagluto na ako kasi nakakahiya naman sa chimay ko at ang lalim
nang tulog!”

“H-hala sorry! Napahaba ang pahinga ko! Sorry talaga!!”


Tinignan ko si Japoy at nakakunot ang noo niya saakin. Kinakabahan tuloy ako sa
kanya. For sure galit na naman ito saakin. Hala wala pang isang araw yung aminang
nangyari saamin eh magiging magkaaway na naman ba agad kami?

Pero nagulat ako nang bigla siyang ngumiti saakin.

“Joke lang. Umupo ka na lang diyan at kakain na tayo. Pinagluto talaga kita nang
matikman mo naman ang tamang luto nang hotdog, eggs and bacon. Yung iyo kasi puro
sunog. Tsaka pala mag suklay ka nga! Ang gulo nang buhok mo!"

Sinunod ko naman siya at naupo ako habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang mga
daliri ko at hindi maalis ang ngiti sa labi ko. Tinitigan ko lang si Japoy habang
nag-ha-hain siya ng pagkain. Bakit ba feeling ko mas lalo akong nahuhulog sa
lalaking ito? Alam ko mainitin ang ulo niya, masungit, maarte at tamad. Pero bakit
sa kabila ng imperfections niya, nagagawa parin niyang patibukin ang puso ko?

Dati naiinis ako sa nararamdaman ko, pero ngayon, mas na-apperciate ko yung
pagmamahal ko kay Japoy. Masaya pala siya mahalin. At mas lalo pang dumagdag sa
kasiyahan ko na malamang mahal niya ako. Sana hindi panaginip ang nangyayari
saakin.

“Oh ano na naman tinitingin-tingin mo diyan ha? Masyado ka na naman naga-gwapuhan


saakin?” sabi niya.

Nginitian ko siya, “wala lang, iniisip ko lang kung totoo ba talagang mahal mo ako
kasi alam ko naman na hindi ang katulad ko ang tipo mong babae.”

Napabuntong hininga si Japoy at lumapit saakin. Nagulat naman ako nang titigan niya
ako sa mata at unti-unti niyang inilapit ang mukha niya saakin hanggang sa mag
dampi ang mga labi naming dalawa. Bumilis ang tibok nang puso ko habang nanlalaki
naman ang mga mata ko sa gulat. Naramdaman ko ang kamay ni Japoy sa likod ng ulo ko
at mas itinutulak niya ito papalapit sa kanya kaya naman mas naging mariin ang
halik niya. Naramdaman ko na lang na gumagalaw na ang labi ni Japoy. Mas lalong
bumilis ang tibok nang puso ko. I feel butterflies in my stomach. I kissed him
back.

Nang humiwalay na siya saakin, ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko at nginitian
ako.

“Mahal kita, maniwala ka. Kasi kung hindi kita mahal, maatim ko ba naman na halikan
ka kahit alam kong hindi ka pa nag to-toothbrush?”

Napangiti ako nang malawak.

Mahal nga ako nang isang to.

=================

Chapter 46 *One and only*

A/N

Eto na!! Nakapag-update narin po ako sa wakas! Pasensya na po kung natagalan. Nag
focus po kasi ako lately sa pag edit ng manuscript. Pero eto na talaga! May readers
pa ba ako? Wahahahaha. Enjoy reading! :)
***

Chapter 46

*One and only*

[Dionne’s POV]

“Ang ganda rito!” sabi ko kay Japoy pagkatigil na pagkatigil ng sinakyan naming
bangka dito sa isang isla sa Palawan. “Tara na Japoy, baba na tayo!”

“Hey, careful!” saway saakin ni Japoy nung pababa na ako. Umuna saakin si Japoy ng
baba atsaka niya ako inalalayan.

Nung makababa ako ng Bangka, biglang umalon ng malakas kaya muntikan na ako ma-out
of balance. Buti na lang, nahawakan ni Japoy ang bewang ko at hinatak niya ako
palapit sa kanya kaya naman napayakap ako dito.

“Sabihin mo lang kung gusto mong maka-chansing saakin, pag bibigyan naman kita.
Hindi mo kailangan magpa-alon, baka masaktan ka pa,” nakangisi niyang sabi saakin.
Inangat ko ang ulo ko at tinignan si Japoy, “talaga? Pwede akong mananching sayo?”

“Oo nga sabi. I’m giving you all the privilege! Swerte mo mahal kita at ikaw lang
talaga ang papayagan kong mananching saakin!”

Nag pout ako kay Japoy, “hindi rin totoo ‘yun! Sa dami ng romantic movie na nagawa
mo, ilang babae na ba ang naka-kissing scene mo?” Iniwas ko ang tingin ko sa kanya,
“may bed scene pa nga kayo ni Venus,” bulong ko.

Biglang lumawak ang ngiti ni Japoy at nagulat ako ng bigla na lang niya akong
buhatin. “O-oy Japoy b’at mo ‘ko binubuhat ha?! T-teka!”

“Edi para mas lamang ka na sa mga naka love team ko, gawa na rin tayo ng bed
scene!” Nag lean forward saakin si Japoy atsaka ako binulungan, “pero yung bed
scene natin, tunay.”

Bigla naman nag tindigan ang lahat ng balahibo sa katawan ko. Shaks! Ready na ba
ako sa gusto ni Japoy?! Teka parang nung isang araw lang naging kami tapos sex
agad? Ang bilis naman nang progress namin! Kahit gaano ko siya ka-mahal, hindi ko
pa ata kaya ito!

“J-japoy, joke lang! Okay lang kahit mas lamang ‘yung mga naka love team mo saakin!
Hindi ko pa talaga kayang makipag sex!” namumula-mula ‘kong sabi sa kanya habang
buhat buhat niya ako pabalik ng bangka.

Bigla naman huminto si Japoy at tinignan ako tsaka tinawanan. “Hahahahahhahaha!


Napaka epic ng mukha mo Dionne! Hahahahahahha pulang pula ka oh!” tawang tawang
sabi niya habang buhat buhat parin niya ako but this time, sa dalampasigan na ang
punta namin. Nung nasa sea shore na kami, ibinaba na niya ako.

“Nakakainis ka!” sabi ko rito sabay hampas sa braso niya. Ang lakas talaga niya
akong pag tripan! Buti na lang mahal ko talaga siya!

‘Nung humupa na ang tawa niya, hinawakan ni Japoy ng mahigpit ang kamay ko atsaka
ako nginitian. “Mahal kita.”

“H-ha?”

“Sabi ko, mahal kita. Ayun ang ikinalamang mo sa kanila. Kahit pa ilang beses ko na
silang naka kissing scene o bed scene, pag sinasabihan ko silang mahal ko sila,
base lang yun sa script at acting lang ang ginagawa ko. Pero pag sayo ko sinabi,
umasa ka na totoong totoo ‘yun.” Nag lean forward ulit si Japoy saakin at hinalikan
ako sa noo. “Wag mo ng isipin ‘yun ah? Dahil ang laki ng lamang mo sa kanila.”

Bigla na lang akong napayakap kay Japoy. “I love you toooooooooo!” masayang masaya
kong sabi sa kanya.

Natawa naman siya at niyakap rin ako ng mahigpit.

Ang sarap sa pakiramdam. Hindi ko expected na magiging kami. Para bang nasa pagitan
ang ng reyalidad at panaginip. Sa totoo lang, hindi ko na nga magawang ma-i-
differentiate ang pinagkaiba ng dalawa. Napaka overwhelming ng nangyayari saakin.
Sana wag ng matapos ito. Sana ganito na lang talaga kami ni Japoy. Sana..
***

[Jake’s POV]

“Grabe ang itim ko na oh Japoy!” sabi ni Dionne saakin habang nakatingin siya sa
braso niya. “Ang tagal natin kanina nag bilad sa araw at nagbabad sa tubig! Pero
nag enjoy talaga ako!”

Nakabalik na kami ni Dionne sa rest house na tinutuluyan namin. Ramdam ko ang sakit
ng likod ko. Nag island hopping kasi kami kanina at itong babaeng kasama ko, enjoy
na enjoy sa pag snorkeling. Hindi naman makatagal sa tubig!

Buti na lang din, nasa kalagitnaan ngayon ng September kaya walang masyadong
tourista at puro mga foreigner lang ang nandun. Walang masyadong nang gugulo
saamin. May mga ilang mga sexy foreigners ang nag tangkang lumandi saakin pero kada
lalapit na sila, bigla na lang ipupulupot ni Dionne ang braso niya sa braso ko at
automatic ng maglalayuan yung mga foreigners na ‘yun.

“Nakakainis talaga ‘yung mga foreigners kanina! Sa pagkaka-alam ko, ang Palawan ang
tourist spot, hindi ikaw! Pero ‘yung mga mata nila, kung makasunod sa iyo, akala ko
lalamunin ka na nila ng buhay!” sabi ni Dionne habang kumakain kami ng dinner.

“Wala kang magagawa! Gwapo boyfriend mo eh!” pagmamayabang ko naman.

“Oo nga! Ang gwapo gwapo mo kasi! Pero okay lang, mamatay sila sa inggit! Ang
gwapo, sikat, mayaman, malinis at mabangong si Jake Marquez ay boyfriend na ng
hamak na chimay na si Dionne Sy! Hanggang pag-lalaway na lang ang kaya nilang
gawin!”
I pinched her nose, “that’s my girl!”

Nung matapos kaming kumain ni Dionne ng dinner, sinabi ko sa kanya na ako na ang
magliligpit ng pinagkainan namin at doon na lang siya sa may hammock at antayin
ako.

Habang nag sasabon at nag kukuskos ako doon ng pinagkainang pinggan, napa-hinto na
lang ako at naisip na ibang klase na ata ang tama ko sa babaeng ‘to! Sa tanang
buhay ko hindi ako nag huhugas ng pinggan! Siya lang ang pinagsilbihan ko ng
ganito. Napatingin ako kay Dionne na nakaupo doon sa hammock sa porch habang hawak
hawak ang gitara niya at nag i-strum.

Funny, pero hindi ako naiinis. Sa totoo lang, natutuwa ako na pagsilbihan siya.

Tumabi ako kay Dionne matapos akong mag hugas ng pinggan. Ibinaba ni Dionne ang
gitara niya at inakbayan ko siya habang siya naman, idinantay niya ang ulo niya sa
dibdib ko.

“Talagang hilig mo ang pag-kanta ‘no? Pinangarap mo bang maging singer?” tanong ko
sa kanya

“Oo, dati nung bata ako. Ang hilig akong isali ni mama pati nung teacher ko nung
elementary! Ang dami ko ngang napanalunan nun eh!”

Napangiti ako, “sumali din ako once sa singing contest. Napilit lang ako dati. Pero
hindi ko talaga ganung kahilig ang pagkanta.
Napatingin naman bigla si Dionne saakin, “pero kumakanta ka rin?!”

“Oo naman! Anong akala mo saakin hanggang pag arte lang? Kinantahan kaya kita dati
di’ ba?!”

“Sige nga, sample nga ulit!”

Nginitian ko si Dionne at mas niyakap ko siya atsaka ako kumanta.

“It took one look

And forever laid out in front of me

One smile then I died

Only to be revived by you”

Mas lumapit si Dionne saakin then she buried her face on my chest.

“There I was

Thought I had everything figured out

Goes to show just how much I know


'Bout the way life plays out”

“Nakaka relax ang boses mo Japoy. I love you,” bulong niya saakin.

“I take one step away

But I find myself coming back to you

My one and only, one and only you, ooh”

Tinignan ko si Dionne. Nakapikit siya pero nakangiti. I kissed her forehead.

“I love you too,” bulong ko rito. We stay like that for a while. Walang nagsasalita
saamin. Maya-maya lang, nakita kong mahimbing nang natutulog si Dionne. Pinagmasdan
ko ang maamo niyang mukha.

Nakakainis talaga, ilang beses kong dineny sa sarili ko na attracted ako sa babaeng
ito. Pinaniwala ko na panget siya pero sa totoo lang, gandang ganda ako sa kanya.
Siguro sa mata ng ibang tao, napaka simple lang niya. Pero sa mata ko, siya na ata
ang pinaka magandang babae na nakilala ko.

Habang tinitignan ko si Dionne, hindi rin maiwasan ng puso ko na kumirot. She look
so fragile. Alam kong pag nakabalik na kami sa Manila, marami kaming issues na
dapat kaharapin. Sa totoo lang, sanay naman ako sa ganyan eh. Pero ang ikinatatakot
ko, baka maraming negative na bagay ang sabihin ng tao kay Dionne. Ayokong masaktan
siya nang dahil sa mga issue na ‘yun.

Hinalikan ko si Dionne sa noo. Hindi ko alam kung ano ang kahaharapin namin, but
I’ll do my best to protect her. Hindi ko siya hahayaang mahirapan.

All my life wala akong sineryosong relasyon. Kay Dionne ko lang unang naramdaman
ito. For the first time in my life, merong isang taong gusto kong protektahan at
mahalin at makasama habang buhay. Ang hirap i-imagine ng buhay pag hindi ko katabi
at kasama si Dionne. Kahit gaano pa siya kakulit, ka pakielamera, at ka weirdo,
okay lang. Nagustuhan ko siya nang ganun, at alam ko, sa mga oras na ito, si Dionne
na talaga ang gusto kong pakasalan at gusto kong makasama sa pag tanda.

“Don’t ever leave me Dionne. Please stay by my side,” bulong ko sa kanya.

To be continued...

***

=================

Chapter 47

AN:

PATAWARIN NIYO AKO KUNG NA-HIATUS NG MATAGAL ANG STORY NA ITO. Sobra lang talaga
akong naging busy. Nag e-edit ng manuscript at the same time, nag ta-trabaho. Nung
naka-luwag naman ako, hindi ako nakapag-update agad kasi na lost ako sa story na
'to. Nawala yung feels ko. So I need to re-read it again.

Pero ito na, nag babalik na, and promise tuloy-tuloy na ito since malapit na nating
maabot ang ending :)
Enjoy reading!

--- Ate Aly

***

Chapter 47

[Jake’s POV]

Limang araw na kapayapaan kasama si Dionne. Limang araw kaming nag-tago sa


Palawan matapos ang eksenang aminan na ginawa namin sa harap ng mga kapwa ko
artista at sandamukal na reporters.

Sa loob ng limang araw na yun, aware akong kaming dalawa ang laman ng
balita sa tv, trending topic sa twitter at facebook, at maging sa mga dyaryo.

Superstar Jake Marquez, currently in a relationship with his personal maid.

Kabilin-bilinan ni Venus at Rui sa akin na wag na wag akong sisilip sa mga


social media sites. Pero syempre dahil curious ako, sumisilip ako. May mga nag
sasabing mala-fairy tale ang love story namin. Pero marami rin ang may negative
feedbacks. Karamihan, sila yung shipper naming dalawa ni Venus. Ang dami nilang
hindi magagandang sinabi about kay Dionne. Gumagawa pa sila ng mga offensive meme
sa mga stolen shots ni Dionne.

At seriously, gusto kong pag su-sugurin ang mga taong ‘to.

Ang ikinatatakot ko lang ay, paano kung direktang sabihin na ng mga taong
‘to kay Dionne ang mga bagay na ‘yan? Paano ko siya po-protektahan sa magulong
mundo ng showbiz?

Kararating lang namin ni Dionne sa Manila. Naka-tanggap ako ng tawag kay


Manager Rhian na kailangan namin pumunta ni Dionne sa office. Kaya ngayon, sakay
kaming dalawa ng van papunta doon.

“Listen Dionne. Relax ka lang ah? Wag kang kakabahan. Wag kang matatakot.
Basta kahit ano’ng sabihin ng mga tao o marinig mo, hayaan mo lang. Pag may nag
tanong sa ‘yo ng kahit ano, dedmahin mo lang. Just give them your usually
mysterious smile. Wag kang kakabahan. I’m here okay? Hindi kita papabayaan. I will
protect you. Basta wag kang matatakot! Wag kang kakabahan!” sabi ko sa kanya.

“Japoy,” ipinatong ni Dionne ang kamay niya sa may tuhod ko. “Ba’t ka
nanginginig? Ikaw ata ang kinakabahan kesa ako eh,” natatawa-tawa niyang sabi sa
akin.

Doon ko lang napansin na nanginginig nga ang buong katawan ko sa nerbyos.


Leche naman oh! Ako? Si Jake Marquez? Gwapo, sikat, malinis, mayaman at mabango,
kasalukuyang ninenerbyos ngayon dahil sa isang issue?! Whaddapak!

“Japoy relax. Wag kang mag alala sa’kin,” naka-ngiting sabi ni Dionne.
Tokwa, ba’t siya relax na relax lang samantalang ako yung kabadong-kabado
sa taong ‘to?! Is she even human?! Ni hindi man lamang nakakaramdam ng kaba?!

Inilahad ko ang kamay ko sa harapan niya, “penge nga pang tanggal kaba!”

“Pang tanggal kaba? Eto ba?” may ipinatong na isang bote ng alcohol si
Dionne sa kamay ko.

“Hindi ‘yan!” hinatak ko ang kamay ni Dionne and I filled the spaces
between her fingers. “Ito ang tinutukoy ko.”

Nilingon ko siya at nakita kong ang lawak na naman ng ngiti niya. Malamang
napakilig ko na naman ang isang ‘to. Ako pa ba?

“Ahmm, Japoy, hindi pa ako nakakapag-hugas ng kamay. Hindi rin ako nakapag-
alcohol. Kakagaling ko pa naman kanina sa banyo.”

“Kadiri ka! Ang dugyot mo!”

“Uhmm, ba’t ayaw mo pa rin bitiwan ang kamay ko?”

Nilingon ko ulit si Dionne at nginitian. Itinaas ko ang magka-hawak naming


kamay.

“Kung magkaka-virus man ako, okay lang. Basta sa ‘yo galing.”

Nagulat ako nang biglang bitiwan ni Dionne ang kamay ko at niyakap ako ng
pagka-higpit higpit.

“Japoooyyy!!!”

“H-hoy ano ba! Bitiwan mo nga ako! Ano ba! Ang baho mo!”

“Eeeeh Japoy! Mahal na mahal mo talaga ako! And I love you too! I love you
very very much!”

“Alam ko. Sa gwapo kong ‘to?”

Mas lalong humigpit ang yakap ni Dionne sa akin.

“Oo naman! Sa gwapo mong yan! At sa bango mong yan! At sa pagiging masungit
mo, mapang lait, tamad, pala-utos, mainitin ang ulo. Love na love kita!”

Tingnan ko siya ng masama. “Grabe ka ah! Kung makapag-salita ka parang ang


sama-sama kong tao!”
“No. Sinasabi ko lang na kahit hindi ka perfect gentleman, mahal na mahal
pa rin kita.”

Napangiti ako sa sinabi ni Dionne. “I love you too,” bulong ko sa kanya.

Na-realize ko na lang na hindi na ako kinakabahan. Nakakainis isipin na


kesa ako ang mag tanggal ng kaba niya, siya pa ang gumawa nun sa akin.

But that made me love her even more.

Maya-maya lang, nakarating na kaming dalawa ni Dionne sa office. Dahil


maaga pa, wala pang masyadong tao sa office. Buti na lang din at hindi kami agaw
eksenang dalawa.

“Jake”

Napa-lingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko si ang manager kong si Ms.


Rhian na lumabas sa office ng pinaka-head ng agency ko. Seryoso ang itsura niya at
parang kabado siya.

Ganoon ba kalala?
“Hinahanap na kayo ni boss,” sabi niya sa amin.

She escorted us inside the office. Pagka-pasok namin, naabutan ko si boss


na tinitignan ang samu’t saring dyaryo sa lamesa niya.

“Hi boss, I’m back,” mahinahong bati ko sa kanya sabay hila kay Dionne.
“Alam kong tatalakan mo na ako, pero uunahan na kita. This girl besides me, my PA,
is now my girlfriend. Hindi mo ko mauutusang hiwalayan siya.”

“J-japoy..” mahinang saway sa akin ni Dionne.

Nakita kong kumunot ang noo ni Boss sa akin. Tumayo siya at iwinagayway ang
dyaryo sa mukha ko.

“Jake, I am not judging you or Dionne pero sana naman kung may relasyon
kayo, hindi niyo na kailangan i-bulgar. Alam naman na bini-build up ko ang love
team niyo ni Venus! Kung kelang napaka-rami niyo nang shipper, atsaka ka pa gumawa
ng iskandalong ‘to!”

Itinabing ko yung dyaryong winawagayway niya sa harap ko. “Ano ba, ang baho
niyan! Ilayo mo yan sa mukha ko! Pag ako nagka pimples, ipapakulam kita!”

“Jake! Manners!” saway sa akin ni Ms. Rhian.

Nakita kong namula ang tenga ni Boss sa galit at kala mo eh puputukan na


siya ng ugat sa noo.
“Uhmm, let’s sit down first. Pag usapan natin ‘to ng kalmado, okay?” sabi
ni Ms. Rhian.

Naupo kaming apat sa may sofa. Magka-tabi kami ni Dionne habang katapat
naman namin si Ms. Rhian at si Boss.

Huminga nang malalim si boss.

“Okay, sige, alam kong mag-aaksaya lang ako ng oras kung pipigilan kita sa
gusto mo. I’ll just give you an option.”

Seryoso kong tinignan si boss.

“Okay lang na maging kayo ni Dionne, pero hindi niyo pwedeng ilabas ito sa
public. Palalabasin lang natin na pakulo lang natin lahat ng eksenang ginawa niyo
para sa bagong magiging project niyo ni Venus. Kayo ni Dionne, pero itutuloy niyo
pa rin ang pag papanggap niyo ni Venus na may relasyon kayo.”

“At kung hindi ako pumayag diyan?”

“I’ll terminate your contract at paalisin kita sa agency ko. Sisiguraduhin


kong walang agency ang tatanggap sa ‘yo. Tutal puro sakit lang naman ng ulo ang
dinudulot mo sa akin.”
Hindi ako agad sumagot pero ramdam na ramdam ko na malapit na akong sumabog
sa galit.

Puro sakit nang ulo? Eh hayop pala ang isang ‘to! Isa ako sa mga
nagpapayaman sa kanya. Dahil sa talent ko kaya siya nakabili ng magandang kotse at
nakapag-patayo ng bahay niya. Pabagsak na ang agency niya, pero pasalamat siya
dahil naisalba ‘to gawa nang biglang sikat ko noon.

At ngayon magagawa niya ‘to sa akin?

Ganyan baa ng mga tao? Matapos ka nilang pagka-perahan, willing ka na


nilang abandunahin?

“So? What’s your decision, Jake? Siguro naman maiintindihan yan ng girl
friend mo,” sabi niya sabay tingin kay Dionne.

Tumayo ako.

“No. Hindi ako payag. Just terminate my contract. It is nice working with
you,” I told him coldly sabay hatak kay Dionne at hila palabas sa kanya.

“W-wait Japoy!”

Hindi ko siya pinansin at tuloy-tuloy pa rin ako sa pag-hila sa kanya


hanggang sa makarating na kami sa parking lot.
“Japoy teka, masakit!”

Napa-bitiw ako kay Dionne. “I’m sorry.”

“Japoy, alam ko kung gaano kahalaga ang trabaho mo sayo. Okay lang naman sa
akin kung ilihim natin ang relasyon natin eh. Pumayag ka na sa deal niya kesa
mawala ang career mo.”

“No! Hindi ako papayag!” Lumapit ako sa kanya then I touched her face,
“yung mga girl friend na kagaya mo, hindi dapat itinatago. Dapat ipinagmamalaki
ka.”

“P-pero Japoy...”

“Don’t worry, I’ll be fine. Sus, ako pa ba? Si Jake Marquez? Gwapo,
mayaman, sikat, malinis at mabango eh hindi tatanggapin sa ibang agency? Imposible
yun!”

“T-talaga?”

“Oo naman! Tara na nga umuwi na tayo! I’m starving!”

“Yay! Sige ipagluluto kita ng omelette na may palamang hotdogs!”


Kinunutan ko siya ng noo, “wala ka na bang ibang alam na lutuin kundi yun
lang?”

“Eh! Mahal mo naman ako eh kaya kakainin mo ‘yun!”

“Grabe ka, masyado mo nang inaabuso ang pag mamahal ko sayo! Hindi mo ba
alam kung gaano ka kaswerte ha?”

“Uhmm, sige na nga...” bigla na lang tumingkayad si Dionne at nagulat ako


ng bigla niya akong halikan sa labi. “A-ayan, uhmm, appetizer,” sabi niya habang
sobrang pula ng mukha niya.

Napa-ngiti na lang ako.

“Sana may dessert din mamaya,” bulong ko sa kanya.

“H-he! T-tumigil ka! T-tara na nga!”

Dire-diretsong pumasok si Dionne sa kotse ko samantalang ako naman eh hindi


ko maalis ang lawak nang ngiti sa mukha ko.

Tama nga yung mga pinoportray ko sa ilang romance story na ginawa ko, pag
ang tao na-inlove, nag mumukha talaga siyang baliw na ewan.

~*~

“Japoy wag ka mag alala! Sasarapan ko ang pag prito ng aking hotdog
omelette” sabi ni Dionne pagka-rating na pagkarating namin sa condo unit ko.

“Oo na. Ikaw na ang master chef ng pag pi-prito. Mag luto ka na at gutom na
ako.”

“Yes boss!”

Dali-dali namang inilapag ni Dionne ang gamit niya at dumiretso sa kusina.


Ako naman, kinuha ko ang laptop ko at nag check sa twitter. Trending pa rin kami.
Limang araw na pero kami pa rin ang laman ng usapan.

Cinlick ko ang trending topic sa gilid na may pangalan ni Dionne. Samu’t


saring tweets ang nakita ko galing sa mga tao. Puro mga pang ba-bash. Puro hate
tweets. Mostly, galing sa mga avid fans namin ni Venus. Nag pe-petition sila para
sa aming dalawa. Ang dami nilang sinasabi. Kesyo ginagamit lang ako ni Dionne,
pineperahan, gusto rin sumikat, malaki siyang epal. Yung iba sinasabi na nabubulag
ako sa kanya, dahil malandi si Dionne, kaya hindi ko nakikita na dapat si Venus ang
mamahalin ko, na dapat sa kanya ako mahuhulog. Si Venus kasi ay mabait, maganda, at
bagay kami. Samantalang si Dionne ay plain, manggagamit, malandi, gold digger.
Doon ko na-realize kung gaano ka-pangit ang mundong ginagalawan ko.

People are judging Dionne because they wants me to be with someone else.
Sinisiraan nila si Dionne simply because kami ang love team ni Venus. Napa-kilig
kasi namin sila, napa-saya namin sila. In return, hindi kami malayang mamili ng
taong ibang mamahalin namin kundi aawayin nila.

Si Dionne ang pinaka mabuting tao na nakilala ko. Si Dionne na nag pakita
sa akin ng mga mas importanteng bagay bukod sa pera at kasikatan.

Si Dionne..

Si Dionne, hinuhusgahan siya ng mga taong hindi naman siya kilala.


Kinaayawan siya ng mga tao kahit wala naman siyang ginagawa sa kanilang masama.

Ganyan na ba kabulok ang pag-iisip ng mga tao? Kahit hindi naman talaga
nila kilala, huhusgahan nila? Sasabihan nila ng masasakit na salita? Tatapakan ang
pagka-tao nito?

Ang panget panget ng mundong ginagalawan ko.

At gusto kong protektahan si Dionne.

Napa-sara ako bigla ng laptop at dali-dali kong pinuntahan si Dionne sa


kusina. Nadatnan ko naman siya na busy sa pag hi-hiwa ng hotdog.
“O Japoy? Hindi pa ready eh.”

“Dionne, uhmm, naisip ko lang, uhmm, ayoko nang mag artista.”

“Ha?! Bakit? Ano’ng nangyari?!” gulat na gulat na tanong niya sa akin.

“Wala. Ayoko na nang magulong buhay. Gusto ko na nang tahimik.”

“P-pero Japoy, sigurado ka ba?”

“Oo! Siguradong-sigurado ako. You see, may coffee shop si mommy sa Canada.
Pwedeng doon na ko mag trabaho. Malayong lugar ‘yon. Malalayo ako sa magulong mundo
ng showbiz.”

“T-teka, gusto mo nang mangibang-bansa?”

“Oo. Pero bago ang lahat, sorry Dionne kung biglaan ‘to, o hindi man lang
napag handaan.”

Hinawakan ko ang kamay ni Dionne at lumuhod ako sa harap niya.


“T-teka J-japoy! A-ano’ng ginagawa mo?!”

“Sorry rin kung walang singsing. Pero Dionne...

.....will you marry me?”

=================

Chapter 48 (06/09/14)

Chapter 48

[Jake’s POV]

“Hay, hindi ko matanggap ‘to. Ang hirap tanggapin nito. Ako? Si Jake
Marquez, gwapo, mayaman, sikat, malinis at mabango, eh...eh...”

“Eh iniwan na lang basta ng girl friend niyang chimay matapos nito mag
propose sa kanya ng kasal sa kitchen,” pag tatapos ni Venus sa sasabihin ko.

Nandito ako ngayon sa condominium ni Venus at nag lalabas ng sama ng


loob. Paano kasi, dalawang araw nang hindi umuuwi si Dionne. She’s staying at Tito
Jin’s house. Ni-hindi tumatawag o nag t-text man lang. Pag ako naman ang tumatawag
at nag t-text, si Tito Jin ang sumasagot. Pinag sabihan pa akong wag munang guluhin
si Dionne dahil kasalukuyan siyang nag iisip.

Well, alam ko naman na nakakabigla talaga ang pag p-propose ko sa


kanya. Pero ang nakakapag taka eh ba’t kailangan niya pang pag isipan? Hindi ba
niya alam kung gaano siya ka-swerte na isang Jake Marquez ang nag p-propose sa
kanya?!

“Kainis!!” ginulo-gulo ko ang buhok ko. “How could she do this to me?!”

“Eh kasi naman, wala pang dalawang Linggo kayong mag on, kasal na agad!
Ano ba naman kasi ‘yan Jake!” pangaral ni Venus.

“Pero mahigit isang taon na kaming nag mamahalan! Sadyang ang aarte at
pakipot lang kami kaya ngayon lang naging kami. Hindi pa ba sapat ‘yon?”

Napa-buntong hininga si Venus at i-iling-iling.

“Thank God I made the right decision of letting you go. Hindi ko maisip
kung paano ko matatagalan ang isang kagaya mo na mas conceited at mas selfish pa sa
akin.”

Tinignan ko siya nang masama. “Nang iinsulto ka ba ha?”

“No. I’m just saying how lucky I am na hindi ikaw ang naging boyfriend
ko.”

“Nang-iinsulto ka nga!”

She just shrugged her shoulders.

“Anyway, stop bothering Dionne at hayaan mo siyang mag-isip muna.


Marami siyang i-gi-give up kung sakaling papayag siyang pakasalan ka. At isa pa, sa
less than two weeks na pagiging mag-on niyo, kailangan niyang pag-isipan kung handa
na ba siyang ibigay ang forever niya sa taong mainitin ang ulo, mayabang, at tamad
na tulad mo.”

“H-heh! Ba’t ka ganyan?! Ba’t ang sasama nang sinasabi mo sa akin ha?!
Bitter ka lang eh! Bitter!” tumayo ako. “Alis na ko. Nakakainit lang ng ulo rito!”

“Okay. Bye,” sabi ni Venus.

Kainis! Kesa i-comfort ako, nilait-lait ako? Ano’ng klaseng kaibigan


‘yan ha! Grabe!

“Ah Jake...”

“What?!”
“T-talaga bang iiwan mo na ang show business?”

Tinignan ko si Venus sa mata at nakita kong parang na-bo-bother siya.

“Oo. Iiwan ko na.”

She smile slightly, “you really do love her.”

“Sobra.”

Matapos nun, tuluyan na akong lumabas sa condo niya.

~*~

“Aaaaah! Nakakainis! Yung favorite love team ko, bakit nagka-ganito!”

“Eh wala eh, nainlove si Jake Marquez sa iba. Ganun talaga.”

“Pero si Jake ay kay Venus lang! Hindi ba niya nakikita kung gaano sila
ka-perfect sa isa’t-isa?!”

“Nabulag nga siya! Binulag siya nung Dionne na ‘yun!”

Napa-hinga ako ng malalim at pilit kong pinapakalma ang sarili ko.


Nandito ako ngayon sa mall at kumakain ng ice cream. Naka-cap at shades ako para
hindi ako ma-identify ng mga tao. ‘Di kalayuan sa kinauupuan ko ay dalawang babaeng
estudyante ang busy sa pag chi-chismisan.

Ano bang problema nang dalawang ‘to?! Nagpapaka-hirap ang mga magulang
nila sa pag babayad ng tuition pero ang ginagawa lang nila eh mag chismisan tungkol
sa mga artista?!

At ano bang alam nila ha? Hindi nila kami nakikita ni Venus sa likod ng
camera at mas lalong nila kilala si Dionne.
Ito ang hirap sa mundo na ginagalawan ko eh. Porke’t kinilig na sila sa
amin, ibig sabihin kami na talaga. Pag hindi naging kami o pag may minahal kaming
iba, aawayin nila?

Kainis!

Pati ba naman dito sa mall iinit ang ulo ko?! Kumakain na nga ako ng
ice cream para lumamig ang ulo ko pero ganun pa rin! Bwiset!

Hindi ko na natapos ang pag kain ko ng ice cream at umalis na lang ako
doon. Mamaya eh mapilipit ko pa ang leeg nung dalawang ‘yun.

Nag lakad-lakad na lang ako sa mall. Nakaka-irita lalo kasi puro mga
estudyanteng magkaka-holding hands ang nandito. Wala ba silang pasok at nag
lalandian sila ngayon?! At ba’t ang dami nila?! At nasaan na ba si Dionne?! Ba’t
hindi pa siya nag paparamdam sa akin?!

Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung may text na ba si Dionne.

Wala. Wala ni-ha, ni-ho!

“Araaayyyy!”

Na-distract ako sa um-aray at nakita ko may batang babae ang natumba sa


sahig. Mukha atang bumangga siya sa hita ko.

Agad-agad ko naman siyang tinulungan tumayo.

“Okay ka lang? Ba’t ka kasi takbo ng takbo! Mall ‘to hindi playground!”
sabi ko rito habang tinitignan ko ang tuhod niya at braso kung may sugat ba siya.

“Eh bakit ikaw po naka cap at shades eh hindi naman po ‘to beach?”

Aba’t! Pala-sagot ang batang ‘to ah!

“Bakit! Sa beach lang ba pwede mag shades at cap ha?!”

“Bakit! Sa playground lang ba pwede tumakbo ha?!”

Anak ng--!!! Inaaway ba ako ng batang ‘to?! Kung tirisin ko kaya siya
ha?!
“Hoy ikaw! Sino nanay mo! Alam mo bang masama ang sumasagot sa
nakakatanda ah?!”

“Siguro masamang tao ka ‘no kaya ka naka-shades?! Siguro kidnapper ka


‘no?!” sabi nung bata sabay hatak ng shades sa mukha ko.

“Hoy! Akin na ‘yan! Ibalik mo ‘yan!!!’

“Yaya! Yaya! May kidnapper dito ooohhhh!” sigaw ng bata kaya naman may
isang babaeng nag tatakbo papunta sa amin.

“Rhea!”

“Hindi ako kidnapper! Tinulungan ko lang yang alaga mo dahil nadapa!”

“Aaaaahhh!” sigaw nung babae sa harapan ko.

“Ano?! Hindi nga ako kidnapper sabi eh!”

“S-s-si Jake Marquez! Ikaw si Jake Marquez!” sigaw niya ulit sabay
yakap sa akin. “Naku idol kita! Naku ang bango-bango mo! Nakuu! Ma’am! Sir! Si Jake
Marquez oh! Naku ang gwapo gwapo!!”

At doon ko lang na-realize na wala na nga pala akong shades sa mukha.

“Si Jake Marquez!”

“Ha nasaan?!

“Si Jake Marquez nga!”

Nagsi-lapitan ang mga tao sa akin at kung sinu-sino na ang humatak,


humila, yumakap, at nang-molestya sa kagwapuhan ko. Katakot-takot na bacteria na
ang dumapo sa katawan ko na dulot ng maduduming kamay ng mga tao rito. At doon ko
lang na-realize...

...hindi ko dala ang alcohol ko. Na kay Dionne.

Anak ng tupa! Anak ng tupa talaga!!!!

Wala na bang ikakasira pa ang araw na ‘to?!


~*~

Halos isang oras ako’ng nandoon sa mall na ‘yun at pinagkakaguluhan.


Kung hindi pa nagsi-tumbahan ang ilang silya sa outside seating ng isang café sa
tapat namin eh hindi pa maiisipan na magpatawag ng security para mailabas na ako
doon. Pagka-sampa ko sa kotse ko, gusot-gusot na ang damit ko at puro kalmot ang
braso ko. Buti na lang at walang nag tangkang humawak sa mukha ko kundi masasakal
ko talaga ang gagawa nun.

Napa-amoy ako sa sarili ko. Ang baho-baho ko na! Puro bacteria na ang
katawan ko!

Dali-dali ako’ng nag maneho papunta sa condo unit ko para makaligo.


Hindi ko na talaga ma-atim ang sarili ko! Kailangan ko na talagang maligo at walang
kahit na ano o sinong makakapigil sa paliligo ko ngayon!

Nang makarating ako sa condo, dali-dali kong binuksan ang pinto at di-
diretso na sana ako sa banyo nang makita ko ang babaeng naka-upo sa sofa ko.

“D-dionne?!”

“Hi Japoy! Kanina pa kita inaantay!” ngiting-ngiti niyang sabi sa akin.

Nilapitan ko siya, huminga ako ng malalim, pinapakalma ang sarili...

....pero hindi ko kinaya.

“BAKIT NGAYON KA LANG UMUWI HA?! ALAM MO BANG NAG AALALA NA KO SA’YO
HA?! AT MISS NA KITA HA?! AT NGAYON KA LANG UMUWI?!?!”

“Japoooyyy!” niyakap ako ng mahigpit ni Dionne. “Wag ka na magalit!


Miss na miss na rin kita! May kinailangan lang akong gawin.”

I hugged her back pero agad din akong humiwalay.

“Dionne, look. A-alam kong masyado kitang binigla nang yayain kitang
mag pakasal. Alam ko masyadong mabilis. At alam ko rin na tatanggi ka.
Naiintindihan ko naman eh. Mainitin ang ulo ko, tamad, pala-utos, lagi kitang
sinisigawan. I didn’t treat you right. At alam kong kahit sobrang gwapo at bango
at sikat at yaman ko, nakakapang-dalawang isip pa rin na pakasalan ako dahil sa
ugali ko. But Dionne,” hinawakan ko ang kamay niya. “Dionne, hindi ka man um-oo
ngayon, okay lang. Pipilitin ko mag bago. I promise I’ll be a better person. I will
be a good boyfriend. Promise ko ‘yan, kaya please wag kang mawawalan ng pag-asa sa
akin ah? Please?”

“Japoy, tara sa kusina,” naka-ngiting sagot ni Dionne sa lahat ng


sinabi ko.

“H-ha? B-bakit?

“Basta.”

“Teka! Ang haba ng speech ko! Lahat yun mula sa puso! Tapos ang
sasabihin mo lang eh tara sa kusina?!”

Natawa lang si Dionne pero tuloy-tuloy pa rin niya akong hinatak


papunta sa kusina.

“Ito ang dahilan ng pagka-wala ko ng tatlong araw!” habang may


binubuksan siyang isang malaking Tupperware. Tinignan ko ang laman nito. Lasagna.

“Oh? At bakit naman?”

“Ginawa ko ‘yan! At nagpa-turo pa ako kina ninong Jin ng iba’t ibang


putahe na pwedeng lutuin!”

“Bakit nga?”

“Kasi,” huminga ng malalim si Dionne at nginitian ako. “Kung magiging


Mrs. Marquez ako, kailangan matuto na akong mag luto kasi hindi naman pwedeng puro
hotdog at itlog ang ipakain ko sa’yo ‘di ba?”

Bigla akong natigilan sa sinabi ni Dionne at parang unti-unting nag


sink-in sa akin lahat ng nangyayari.

“Y-you m-mean--?”

“Japoy minahal kita ng bilang ikaw. Yung pagiging mainitin ng ulo mo,
pagiging pala-sigaw at pala-utos mo, minahal ko yun. Pati na rin yung pagiging
alcohol freak mo. Minahal kita ng buong-buo. Yung tawa at ngiti mo, kahit yung mga
tingin mo. Pati yung pagiging mahiyain mo pag nakakagawa ka ng mga bagay na
ikinakasiya ng ibang tao. Kaya ayokong mag bago ka kasi tanggap kita. Wala kang
dapat ayusin kasi pati yung negative side mo, positive sa paningin ko. I love you
and yes I will marry you. Isang Jake Marquez na ang nag yaya sa akin, hi-hindi pa
ba ako?”
“Dionne...” halos hindi ako makapag salita sa lahat ng narinig ko.
Hinila ko na lang siya papalapit sa akin at hinalikan ko siya at niyakap ng
mahigpit na mahigpit at nakakabakla mang aminin, halos maluha-luha ako sa sobrang
saya na nararamdaman ko.

She will marry me. Pumayag siya na pakasalan ako kahit ganito ako.

At sa unang pagkakataon, naramdaman ko at narealize ko kung gaano ako


ka-swerte dahil sa kabila ng lahat ng pagkakamali ko at pagiging makasalanan ko,
binigyan pa rin ako ng Diyos ng isang babaeng nag mistulang anghel sa buhay ko.

“I love you and thank you.... Thank you Dionne..” I kissed her
forehead, her nose, her cheeks and her lips again. God, I really really love this
girl. Willing akong iwan ang lahat ng nakasanayan ko para sa kanya.

“I love you too, Japoy. At salamat kasi ako ang niyaya mong pakasalan.”

“Kasi kung hindi ikaw ang papakasalan ko, willing akong maging single
sa tanang buhay ko.”

“Talaga?”

“Oo!”

“Ikaw talaga! Kainin na nga natin yung lasagna!”

“Hala teka! Kailangan ko pa lang maligo!”

Nag pout si Dionne sa akin, “eeeeh. Kumain muna tayo.”

Tinignan ko siya at nginitian.

“Sige na nga. Ikaw lang talaga ang nag iisang nakaka-interrupt sa


paliligo ko.”

“Ganun talaga, mahal mo ko eh!”

“Sobra.”

I lean forward and started kissing her again.


=================

Chapter 49 (08-15-14)

AN:

Hindi pa po tapos ang Angel in Disguise. Pero malapit-lapit nang matapos ito. Will
try my best na mas mapadalas ang update since wala na naman ako iniintinding
manuscript ngayon at malapit na rin matapos ang story.

Sa mga readers kong walang sawang nag-aantay ng update nito, salamat po talaga! <3

- Ate Aly

***

Chapter 49

[Jake’s POV]

“Hindi ako makapaniwala. Hindi talaga ako makapaniwala. Ikakasal ka na


kuya? Hindi talaga ako makapaniwala,” sabi ng kapatid kong si Maisie na kasalukuyan
kong kausap sa Skype ngayon.

“At ano naman ang hindi kapani-paniwala doon?! Sa gwapo kong ‘to?!”

“Kung malalanding higad na gold digger ang niyaya mo, hindi na ako
magugulat. Pero si Dionne? Papakasalan ka ni Dionne? I can’t believe it!”

“At bakit ha?! Eh sadyang mahal niya ako eh kaya pumayag siya!”
“I still can’t believe it!”

Tinignan ko ng masama ang kapatid ko mula sa screen ng laptop ko.

“Hindi mo lang matanggap kasi hanggang ngayon, wala kang syota diyan!”

“Oy hindi ‘no! May nanliligaw kaya sa’kin dito.”

Tinaasan ko siya ng kilay, “nanliligaw? Uso ba ‘yan diyan?”

“He’s a Filipino at sobrang bait at gentleman niya,” naka-ngiting sabi


sa’kin ni Maisie.

Napa-iling naman ako, “ngayon pa lang naawa na ako sa lalaking ‘yan.”

“At bakit naman?!”

“Kasi magiging rebound lang siya.”

Napaiwas agad ng tingin sa’kin si Maisie.

“Hindi no...” halos pabulong niyang sabi.

I give her an evil grin, “itsura mo pa lang halatang hindi ka pa nakaka-move on sa


Hapon na ‘yun. Kung gusto mong alamin kung kamusta na siya, okay na okay lang siya.
May bago siyang drama ngayon. Action-romance. Sexy ang leading lady niya at mukhang
nagkakaka-mabutihan na rin sila.”

“Ewan ko sa’yo kuya! Bye na!” iritang sabi niya at tuluyan nang in-end ang video
chat namin.

Ang pikon talaga ng isang ‘yun!

Wala na tuloy akong kausap.

Plano ko na sanang mag laro na lang sa laptop ko nang biglang may


marinig akong bumagsak na mga kasangkapan sa kitchen ko kaya napatayo ako bigla at
dali-dali akong tumakbo papunta doon.

Nadatnan ko naman si Dionne na naka-luhod at nag pupulot ng bumagsak na


Teflon pan at chopping board.
“What happened?!”

“Hehe, natabing ko. Sorry po!” naka-ngiting sabi niya habang papalapit
ako para tulungan siya.

“Napaka-clumsy mo talaga. Sigurado ka bang gusto mo akong ipagluto ha?”

“Oo naman! Mag-antay ka na lang doon Japoy!” pagtataboy naman niya


sa’kin.

“Alam mo, you don’t need to do this. Marunong ka man magluto o hindi,
papakasalan pa rin kita. Pwede naman tayo mag hire ng taga-luto para sa’tin dalawa.
O kaya ng maid.”

“No! Ayoko! Si mommy palaging inaalagaan si daddy. Gusto ko ganun din


ako sa’yo! Gusto ko mapasaya kita. Alam kong onti lang ang kaya kong gawin kaya nga
nag-aral ako talaga para mapag luto kita. Para mapasaya kita.”

Napangiti ako sa sinabi ni Dionne at hinila siya papalapit sa’kin.

“May ibang paraan pa naman para mapasaya mo ako eh.”

“Ano?” tanong niya sa’kin habang kita ko ang curiosity sa mga mata
niya.

Nag lean forward ako at itinapat ko ang labi ko sa tenga niya at


bumulong in my most seductive voice, “tara sa kwarto...”

Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Dionne.

“T-teka, may ilang buwan pa bago tayo ikasal ‘di ba?”

Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi ko.

“Alam ko. Pero ‘di ba para na rin naman tayong mag-asawa eh. Nakatira
pa tayo sa iisang bahay.”

“P-pero---“

I gently caressed her cheeks.

“I know you want to,” mapang-akit kong bulong sa kanya.


“J-japoy naman eh...”

“Bakit? Ayaw mo ba?”

“A-ano ba y-yang ginagawa mo..”

“I know you can’t resist me Dionne,” ibinaba ko ang tingin sa kanya at


nginitian siya ng nakakaloko.

She’s trembling. Ramdam ko ang kaba niya. Kita ko ang pamumula ng mukha
niya.

I try hard not to laugh. Wala naman talaga akong planong gawin sa
kanya. Nakakatuwa lang talaga ang itsura niya at na-e-entertain ako.

Aba! Walang kwenta kung aasarin ko siya kasi hindi siya natatalo. Pero
sa ganitong larangan, alam kong napapatiklop ko siya.

“J-j-japoy n-nagluluto ako! W-wag kang mang istorbo. G-gutom na ‘ko.”

“Ako na lang ang kainin mo.”

“Yuck,” bulong niya sabay iwas ng mukha sa’kin.

Napahiwalay naman ako. “Anong yuck?! Ang hot ko kaya!”

Dali-dali kong hinubad ang t-shirt na suot ko at ibinalandra sa harapan


ni Dionne ang abs ko.

“Kita mo ‘yan? Abs ‘yan!”

Natawa naman siya, “so ano ang gagawin ko sa abs mo?”

“Titigan mo hanggang sa mag-sink in sa utak mo kung gaano ka-hot ang


future husband mo!”

Mas lalong natawa si Dionne, “Japoy, matagal nang nag sink-in ‘yan sa
utak ko.”

Napangiti na lang ako. Kahit kailan talaga hindi ako manalo-nalo sa


babaeng ‘to.
Hinila ko na lang siyaat niyakap siya ng mahigpit.

“I love you,” bulong ko sa kanya.

“I love you too.”

“Promise, hindi ka magsisisi na magpakasal sa’kin.”

Humiwalay si Dionne sa pagkakayakap niya at tinignan ako sa mata.

“Alam kong hindi ako magsisisi.”

I leaned forward and I was about to kiss her nang biglang may
nagsalita.

“Okay that’s enough.”

Pareho kaming napatingin ni Dionne sa pintuan ng kitchen at nakita


namin ang nakapamewang na si Venus na nanunuod sa amin.

“Kulang na lang popcorn,” sabi niya.

“Hi Venus!” masayang bati naman ni Dionne.

“What are you doing here? We’re about to make love here in our kitchen
tapos bigla kang darating at mang-iistorbo!” irita kong bati sa kanya.

“Hindi ‘no!” pag de-deny naman ni Dionne. “W-wag ka maniwala sa kanya.”

Venus just rolled her eyes. “I don’t care kung mag make love pa kayo sa
living room, sa elevator, o sa garahe. Pero ngayon iistorbohin ko muna kayo.
Dionne, pahiram muna saglit sa jowa mo.”

“Sige, go lang!” naka-ngiting sabi ni Dionne kay Venus.

“Grabe ka! Basta-basta mo na lang ako pinapahiram?! Akala ko ba mahal


mo ‘ko?”

“Ang drama mo Jake! As if namang aagawin kita kay Dionne. Halika na


nga!”
Tinignan ko si Dionne, “babalik ako agad.”

“Hihintayin kita,” nakangiting sagot naman niya sa’kin.

“Oh for pete’s sake! Tama na ‘yang ka-kesohan niyo!”

Sinundan ko na si Venus papunta sa parking lot at hanggang sa makasakay


kami sa kotse niya. Tinanong ko siya kung saan niya ako dadalhin.

“You’ll see.”

“Baka naman mamaya kinikidnap mo ako ha? Kasi hindi ka pa maka-moved on


sa’kin at plano mo akong ilayo kay Dionne!”

“Ang gwapo mo ha!”

“Alam ko!”

She just rolled her eyes at hindi na ako kinausap the whole ride.

After a couple of minutes, huminto siya sa tapat ng isang high class


restaurant. Pag pasok namin doon, may sumalubong agad na receptionist sa amin at
dinala kami sa isang private room. Sa loob ng private room, may dalawang tao pa ang
nag-aantay sa’kin.

Si Rui at si Ms. Rhian, ‘yung manager ko dati.

“Ms. Rhian!” lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya. Binati ko rin si


Rui.

“Ano’ng meron? Instant reunion?” tanong ko nang makaupo na kaming


lahat.

“Nope. Meron kasi akong i-o-offer sa inyong tatlo,” sagot naman ni Ms.
Rhian. “Actually, nakausap ko na si Rui at Venus regarding this. Ikaw na lang ang
hindi ko pa nakakausap.”

“Ano ba ‘yun?”

“Magkakaroon na ako ng talent agency. Since patapos na ang kontrata ni


Rui at Venus sa agency nila, pumayag silang mag sign up na ng kontrata sa’kin. At
syempre, kakalimutan ko ba naman ang alaga ko mula umpisa pa lang? Ibabalik na kita
sa showbiz, Jake. And you don’t need to deny your relationship with Dionne. Hindi
ko pipigilan ang mga personal matters mo katulad nung ginawa ng dating agency mo.
And you could start calling me “manager” again.”

“Wow. I-I mean this is great! I know lahat ng ihahandle mo, magiging
successful!”

“True! Kaya nga pumayag na ako eh. Mas safe sa kamay ni Manager Rhian
ang career ko,” pag sang-ayon naman ni Rui.

“At meron na agad akong reality show na pwedeng i-host!” dagdag pa ni


Venus. “Jake I know how much you love being an actor. Alam kong ito na talaga ang
gusto mong gawin sa buhay....kahit hindi obvious at palagi kang late sa shootings.
Kaya pumayag ka na.”

“Oo nga! At hindi pwedeng wala kang trabaho. Ikakasal ka na ‘di ba?”
naka-ngiting sabi ni Manager Rhian. “So ano na? Let’s work again together?”

Tinignan ko silang lahat at pare-pareho silang nag antay ng sagot ko. I


give them a smile.

“This is great. I mean, being in a talent agency run by you, Manager


Rhian. Tapos kayo pa ang mga artists na kasama ko. Pero kasi, buo na ang desisyon
ko na hindi na ako papasok sa showbiz.”

“What? Pero Jake, sayang ang opportunity!” pag kontra ni Venus.

“Oo nga naman Jake. You are a talented actor. Ang laking sayang kung
hihinto ka,” dagdag pa ni Manager Rhian.

“Bro, I know Dionne will be happy kung itutuloy mo ang pag-aartista mo.
Alam ko naman na ito talaga ang gusto mong gawin eh.”

Napa-iling ako, “no. All I want is a quiet and private life with
Dionne. Magulo ang show business. Gusto ko nang ilayo siya doon.”

Hinawakan ni Manager Rhian ang kamay ko, “hindi na ba mag babago ang
isip mo?”

“Hindi na. I’m sorry.”

“It’s okay. As long as you’re happy. Always remember, bukas lang ang
pinto ng agency ko para sa’yo.”

“Thank you talaga. Anyway, una na ako. As much as I want to join you,
my soon to be wife is preparing a lunch for me.”
“In love na nga talaga ang gago,” sabi ni Venus. “Sige na umalis ka
na.”

Natawa na lang ako sa kanya at umalis na sa restaurant. Pagka-dating ko


sa condo ko, nadatnan ko si Dionne sa lamesa sa hapag-kainan at nakapangalumbaba.

“Hey, what’s wrong?” tanong ko sa kanya.

“Kasi pinlano ko talaga magluto ng chicken cordon bleu para sa’yo.


Ilang beses kong binasa yung ingredient. Alam kong magiging perfect na ang iluluto
ko.”

“Hulaan ko, nasunog mo ‘no?”

Umiling siya, “nakalimutan kong bumili ng chicken.”

Bigla ako napahagalpak ng tawa sa sinabi niya.

“HAHAHAHA. Mag luluto ng chicken cordon bleu tas nakalimutan bumili ng


manok! Hahahahaha!”

“Ang sama mo Japoy!!”

“Eh kasi naman eh! HAHAHAHA.”

“Ayan! Mag hotdog omelete ka ngayon!” irita niyang sabi at tumayo siya
sa kinauupuan niya. Akmang mag w-walk out pero bago pa niya magawa, hinatak ko siya
at niyakap ng mahigpit.

“Favorite ko kaya ang hotdog omelet mo.”

“Talaga?”

“Yup!” humiwalay ako ng pagkakayakap sa kanya at nginitian siya. “Let’s


eat, my future wife.”

=================
Chapter 50 (08/29/14)

Chapter 50

[Jake’s POV]

It’s Friday morning. Pareho kaming nakasalampak ni Dionne sa kama ko habang may
hawak-hawak siyang isang notebook at ballpen at busy mag lista ng mga pangalan ng
mga taong iimbitahan namin sa kasal namin.

“Gusto kong Maid of Honor ay si Ashley, ‘yung kaibigan ko sa choir!


Naku matutuwa talaga ‘yun pag nalaman niya na ikakasal na ako,” tuwang-tuwang sabi
ni Dionne.

“As for me, I want Rui to be my best man, kaya lang hindi kaya mag
laslas ‘yun pagkatapos ng kasal natin? Alam mo naman kung gaano ka-patay na patay
sa’yo ‘yun!” sabi ko naman. “Ano bang pinakain mo sa Hapon na ‘yun at ganun na lang
ka in love sa’yo?”

Tinignan ako nang nakakaloko ni Dionne at nginitian nang malawak.


“Katulad nang ipinakain ko sa’yo!”

“Sabi ko na ginayuma mo ako!!”

“Ang gandang gayuma ko naman!” natatawa-tawang sagot naman ni Dionne.

“Maganda ka nga, hindi ka naman marunong mag luto!”

“Pero inamin mong maganda ako? Ibig sabihin maganda ako!”

Napa-iling na lang ako. Kahit kailan talaga hindi ako manalo-nalo sa


babaeng ‘to. Ang galing niyang magpa-ikot ng usapan eh!

“Anyway, kailangan na nating mag hanap ng pwedeng mag cater sa kasal


natin. ‘Yung gown mo, si Maisie na raw ang bahala na mag design nun. Don’t worry,
uuwi siya a month before ng kasal natin. Tapos pala kailangan na nating mag hanap
ng simabahan kung saan tayo pwede mag pakasal. O gusto mo i-try ang garden wedding?
Baka kasi masunog ako sa simbahan. Joke lang! Pero tignan mo ‘tong mga nahanap kong
simbahan!”

Ipinakita ko sa kanya yung screen ng laptop ko at tinuro yung listahan ng mga


simbahan na nahanap ko.

“Ilista mo ‘yan lahat sa notebook mo,” utos ko at nilingon ko siya. Instead na sa


screen siya ng laptop nakatingin, sa akin siya titig na titig at naka-ngiti pa.

“Why are you looking at me like that? Are you seducing me? Gusto mo patulan ko ‘yan
ha?”

“H-hindi ‘no! Napapaisip lang ako.”

“At ano naman ang iniisip mo ha? Kung bakit sobrang gwapo ko? Kung bakit ang hot ko
ha? O baka naman kung pwede mo bang hawakan ang abs ko o pwede mo ba akong halikan?
Hindi mo na kailangan mag-isip. You’re my girlfriend now and I am giving you the
privilege to do those things. Kahit pag samantalahan mo ang pagka-lalaki ko, hindi
ako aangal.”

Bigla naman natawa si Dionne.

“Hindi ‘no, ano ka ba! Inisip ko lang kung kailan nag umpisa na nagustuhan mo ako.
Kelan ng aba?”

Sumimangot ako, “I’m disappointed. Akala ko gusto mo nang pagsamantalahan ang


pagkalalaki ko.”

“Ikaw talaga!” hinampas niya nang mahina ang braso ko. “Pero dali na, sagutin mo
ang tanong ko. Kailan ka nag start na magka-gusto sa’kin?”

“Tss. Demanding future wife.”

Inilapag ko yung laptop na hawak ko sa side table then I put my arm around her
shoulders and pulled her closer to me.

“Hindi ko matandaan kung kelan nag start. Siguro nung nagpanggap tayong daddy at
mommy ni Maya nung dinala natin siya sa zoo? O yung first time kong natikman ‘yung
binake mong cake? Or maybe that moment when you barge into my bathroom at nakita mo
akong hubo’t hubad. I don’t know. I really can’t remember. But the thing is,”
lumingon ako sa kanya at nginitian ko siya. “I don’t really care kung kailan nag
simula. Basta alam ko, hindi ito mag tatapos. Ikaw ang unang babaeng nasabihan ko
ng mga cheesy lines na hindi galing sa script at wala sa harap ng camera. Kaya
ikaw, wag mo akong iiwan ha? Seriously, ikamamatay ko ‘yun.”

Bigla na lang napayakap sa’kin si Dionne ng mahigpit na mahigpit.

“I love you Japoy. I love you. I love you.”


Humiwalay ako sa pagkakayakap then I cupped her face.

“I love you more.”

Ngumiti siya.

“Ipagluluto kita ng chicken cordon bleu para sa dinner!”

“Hindi ka pa nakaka-bili ng manok,” paalala ko naman sa kanya.

“Ay! Oo nga!”

“Hay naku. Tara na sa grocery! Bibili tayo ng manok.”

“Sasamahan mo ako?”

Bumangon ako sa kama at isinuot ang shades at cap ko, “oo naman! Tara na!”

“Yay!!”

~*~

“Japoy! Stick-o oh! Bilhin natin ‘to ah?” sabi ni Dionne habang tuwang-tuwa siyang
inilalagay ang isang garapon ng stick-o sa cart namin. “Uy Nutella! Masarap na
breakfast ‘to! Kunin din natin ‘to. At yun o, choco pops na cereal! Ang tagal ko
nang hindi nakakakain nito! At ito rin yogurt! Good for the health!”

Tinignan ko ang nag uumapaw na cart namin na may laman na kung anu-anong pagkain na
pinagdadampot ni Dionne.

“Seriously. Akala ko manok lang ang bibilhin natin eh.”

“Eh, mag grocery na rin tayo. Wala na akong maipakain sa’yo sa bahay eh.”

Nilingon ko siya, “wala kang maipakain sa’kin? O baka naman wala ka nang makain?
Ang takaw mo kasi! Mamaya tumaba ka niyan!”
“Okay lang. Love mo pa rin naman ako kahit mataba na ako eh!”

“At paano ka naman nakakasiguro aber?”

“Kasi ginayuma kita!”

Napa-iling na lang ako.

“Dali na tuloy na natin ang pag g-grocery. Isipin mo na lang nag p-practice tayong
dalawa. ‘Di ba ito ang ginagawa ng mag-asawa?”

“Sus inuuto mo naman ako!”

“Eeeh pero naka ngiti ka na! Kinikilig ka na eeeh!” pang-aasar niya sa’kin sabay
pulupot ng dalawang kamay sa braso ko.

“Tss, oo na! Oo na! Eto na nga!”

“Yay! Tara doon sa mga napkin! Kailangan ko nang bumili ng napkin at panty liner
eh.”

“What the hell?!” bigla kong tinabing ang kamay ni Dionne na nakapulupot sa braso
ko. “I-ikaw na lang ang pumunta doon. Ako na kukuha nung manok na kailangan mo.”

“Eeeh. Samahan mo na ‘ko! Ayokong nawawalay sa’yo. Namimiss kita eh.”

“H-heh! Tumigil ka.”

“Biro lang Japoy! Nakakatuwa itsura mo eh. Kasing pula mo na ang kamatis!” sabi
niya sabay tawa nang malakas. “Sige na, puntahan na lang kita doon. Kukuha muna ako
ng napkin.”

“Tss,” tanging nasabi ko na lang at pinanuod ko siyang maglakad papunta sa napkin


section.

Pansin ko talaga lately ang hilig ako inaasar ng babaeng ‘yan. Palibhasa hindi ko
na siya magawang pag sungitan ng husto sa kadahilang... ano...mahal ko siya!
Kainis! Nag t-take advantage siya! I’m positive! Gumaganti siya sa lahat ng panahon
na sinungitan at sinigawan ko siya kaya grabe niya akong asarin!

Tss. Paulanan ko siya diyan ng halik at bugbugin ng pag mamahal eh!

Nag lakad na ako papunta doon sa bilihan ng manok at nag hanap ng naka fillet na.
Plano ko nga sana bumili na lang ng isang buong manok at i-entertain ang sarili
kong panuorin si Dionne sa pag tatanggal ng buto nun kaya lang naisip ko, baka
biglang mahiwa ng kutsilyo ang precious hands ng future wife ko kaya wag na lang.
Sa ibang bagay ko na lang siya gagantihan. Mwahahaha.

“Ikaw po si Jake Marquez ‘di ba?” tanong nung babaeng nag f-fillet nung manok na
binili ko.

“Ahmm...”

“Alam kong ikaw ‘yan. Idol na idol ka ng mga anak ko eh kaya kilalang-kilala ko ang
itsura mo kahit naka cap at shades ka pa. Naku iho balita ko ikakasal ka na doon sa
dati mong P.A?”

Yumuko ako at kinabahan sa susunod na sasabihin ng ale. Baka kasi husgahan niya si
Dionne. Ayokong gumawa ng eskandalo rito pero alam kong pag nakarinig ako nang
hindi maganda tungkol sa kanya, hindi ko mapipigilan ang sarili ko.

“O, ano ang tungkol doon?” pabalang kong tanong sa kanya.

“Gusto lang kita i-congrats iho! Sa totoo lang, kilala ko siya. Madalas siyang mag
grocery rito at pala-ngiti ang batang ‘yan. At magalang. Kaya kung ano man ang mga
issue na kinakaharap niyo, wag niyo na intindihin ‘yun. May mga tao pa ring
nakakaalam na mabuting tao siya.” Bigla naman napatakip ng bibig ‘yung ale, “ay
sorry iho ha? Nadala lang ako. Naging pakielamera ako tuloy!”

Bigla akong napangiti, “okay lang po. At salamat. Those words meant a lot to me.”

Inabot sa’kin nung ale yung chicken fillet na binili ko at nag pasalamat ulit kami
sa isa’t-isa.

Ewan ko ba, parang gumaan bigla ang pakiramdam ko.

Aaminin ko, naapektuhan ako sa sinasabi ng tao tungkol kay Dionne. Oo alam kong
ganito ang mundo ng showbiz. Sanay na ako sa mga chismis at issue na ganyan. Pero
iba pala pag ang taong mahal na mahal mo ang nalalagay sa ganyang sitwasyon. Lalo
na kung nagmumukha siyang masama sa paningin ng iba. Hinuhusgahan siya ng mga taong
hindi naman talaga siya kilala. Mas masakit. Madalas kong hilingin na sana ako na
lang ang husgahan nila, wag si Dionne.

She’s an angel. And angels shouldn’t be treated like that.

Pero at least kahit papaano, may mga tao pa ring sumusuporta sa’min. Mga taong
nakakasalamuha ni Dionne.

Ibang klase naman kasi talaga ang babaeng ‘yan. Gusto siya ng lahat ng mga
nakakakilala sa kanya.

Ang swerte ko kasi ako ang minahal niya.

Nag-lakad ako papunta doon sa napkin section. Wala na akong paki kahit ang gwapong
katulad ko ay mapunta sa lugar na napapaligiran ng napkin, o kahit panty at bra pa
‘yan. Basta nandoon ang mahal ko, susundan ko siya.

Yuck!

Ibang klase na talaga ang epekto ng babaeng ‘yan sa’kin! Nagiging korny na talaga
ako!

Nang makarating ako sa napkin section, nabigla ako nang makita ko si Dionne na
pinapaligiran ng apat na babae.

“Anong ginawa mo sa kanya? Anong pang gagayuma? Inakit mo siya no!” sabi nung isa
sa kanya.

“Please lumayo na kayo. Hindi ako makahinga!”

“Ang arte-arte mo!”

What the hell?!

Biglang umakyat ang dugo sa ulo ko at agad ko silang nilapitan.

“Back-off!!” sigaw ko doon sa mga babae at para bang nagulat sila nang makita
nilang nasa likuran ako.

“Si Jake Marquez!” sigaw nung isa.

Bigla naman napatingin ang ilang mga taong namimili at naki-usyoso sa nangyayari.

Fuck.

Hinawakan ko ang braso ni Dionne para hilahin siya pa-alis.

“A-aray..”

Napa-bitaw ako bigla sa braso niya at doon ko napansin na may mga kalmot siya.
Kahit sa mukha. Magulo rin ang buhok niya na para bang nasabunutan siya.
Napatingin ako ng masama doon sa mga babaeng nakapalibot sa kanya kanina.

“Kayo ba may gawa nito?!”

Walang umimik sa kanila.

“J-japoy, tama na. Ang daming naka-tingin sa’tin. U-umalis na lang tayo.”

Hindi ko inalis ang tingin ko doon sa mga babae kahit na hinihila na ako ni Dionne
paalis.

“May CCTV dito sa grocery na ‘to kaya kayang-kaya ko kayo ipahanap. Hindi ko
palalagpasing ‘tong ginawa niyo,” pag babanta ko sa kanila at nakita ko ang takot
sa mga mata nila.

“Japoy tara na!”

Hinawakan ko ang kamay ni Dionne at nag-lakad kami palabas ng grocery---hindi


pinapansin ang mga camera ng cellphone na nakatutok sa’min.

Agad kaming sumakay sa kotse ko at pinaharurot ko ito ng takbo pabalik sa


condominium ko.

Malamang mamaya laman na naman kami ng news. Mas mabuti pang wag na lang ako manuod
ng TV at mag online para hindi ko mabasa ang mga sasabihin ng tao.

Pagkarating namin sa condo, pinaupo ko agad si Dionne sa sofa at kinuha ko ang


first aid kit.

“Halika gamutin natin ang sugat mo.”

Hindi umimik si Dionne at hinayaan niya lang na dampian ko ng bulak na may betadine
ang braso niyang may mga kalmot nung mga bwisit na babaeng ‘yun.

“Pwede naman ulit tayo mag grocery sa ibang araw. Pa-deliver na lang tayo ng dinner
ngayon. O kaya, pag luto mo ulit ako ng hotdog omelet? What do you think?”

Hindi umimik si Dionne kaya naman napa-angat ang tingin ko sa kanya at nakita kong
may mga luhang pumapatak galing sa mata niya.

“Dionne,” pinunasan ko ang mga luha niya at tinignan siya sa mata. “I’m so sorry.
W-wag kang mag-alala, hindi ko papalagpasin ang ginawa nila sa’yo, okay? Please
stop crying.”

“H-hindi. Mga teenagers lang ang mga ‘yon. Hayaan mo na.”

“Pero bakit ka umiiyak?” nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Napa-hinga siya ng malalim at iniwas ang tingin niya sa’kin.

“Talaga bang hihinto ka na sa pag-aartisa?”

“’Di ba pinag-usapan na natin ‘to? I already talked to my mom at inaayos na niya


ang Visa natin dalawa papunta sa ibang bansa.”

Napa-iling siya at bigla na naman napa-hagulgol ng iyak.

“S-sinira ko ba? Sinira ko ba talaga ang lahat?”

“What are you talking about? Ano ba ang sinabi ng mga babaeng ‘yun sa’yo ha?”

“Sabi nila sinira ko raw ang pangarap mo, ang career mo! Sabi nila na maraming
projects ang naka-line up sa’yo. May offer pa sa’yo sa isang international movie.
Tapos tinapon mo ‘yun lahat para sa’kin. Lahat ‘yun. Lahat ng pinaghirapan mo.
Lahat ng bagay na matagal mo nang gustong marating. Tinapon mo ‘yun para sa isang
katulad ko!”

“Dionne! Ano ba, wag mong sabihin ang mga bagay na ‘yan!”

Inakbayan ko siya at hinila siya papalapit sa’kin atsaka ko siya niyakap ng


mahigpit na mahigpit.

“Wag mong sabihin ang mga bagay na ‘yan. Wag mo nang isipin ‘yun.”

“Pero totoo naman eh. S-sana hindi mo na lang ako nakilala para hindi mo na
kailangan i-give up ang mga bagay na ‘yon para sa isang tulad ko.”

Napa-hiwalay ako bigla sa kanya dahil sa gulat doon sa sinabi niya. Hinawakan ko
siya sa magkabilang braso at tinignan ng diretso sa mata.

“Naririnig mo ba ang sinasabi mo ha? Sana hindi na lang kita nakilala? Tingin mo,
ano ako ngayon kung hindi kita nakilala ha? Isa akong gago! Sabik sa pera at
kasikatan! Puro ganyan ang laman ng utak ko. At hindi ko matututunan magpahalaga ng
mga taong may paki sa’kin. O baka nga may sakit na ako sa baga dahil walang nakaka
bwisit na anghel ang mag tatapon ng mga yosi ko at papalitan ‘to ng stick-o! At
kung hindi kita nakilala? Hindi ako masaya ngayon!”
“J-japoy...”

“Please Dionne! Bakit ba napaka-baba ng tingin mo sa sarili mo ha? For me you are a
precious angel. Isang anghel na kahit balandrahan pa ako ng pera o kasikatan,
hinding-hindi ko ipagpapalit!”

Pinunasan ko ulit ang luha sa mata niya at niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit.

“Kaya please, wag mo nang sasabihin ‘yan. Wag mo nang iisipin ‘yan ha? Hindi ko
kayang mawala ka. Hindi mo ba nakikita ha? Ikaw na ang naging dahilan kung bakit
araw-araw masaya akong gumigising at kung bakit araw-araw nakakapagbitiw ako ng mga
kakornihan na ganito. Mahal na mahal kita eh.”

Naramdaman ko ang pag hagulgol ni Dionne sa balikat ko.

“I’m sorry... I’m sorry...” paulit-ulit niyang sinasabi habang wala pa rin siyang
humpay sa pag-iyak.

“Shh.. It’s okay. It’s okay. I love you....”

“I-I love you too...”

“Wag mo akong iiwan ha?”

That night, hinayaan kong matulog si Dionne sa tabi ko habang yakap-yakap ko siya
ng mahigpit na para bang ayoko siyang umalis sa tabi ko. Na kung pwede lang, idikit
ko na siya ng permanente sa katawan ko.

Kaya lang, pagkagising ko, wala na siya.

Kahit ang ilang mga gamit niya ay wala na rin.

=================

Chapter 51 (09/10/14)

Chapter 51
[Jake’s POV]

“Nilayasan ka na naman ni Dionne?” naka-pamewang na tanong sa’kin ni Venus habang


nandito kami ngayon sa office ng bagong talent agency ni Manager Rhian

Alam kong hindi na dapat ako pumunta sa office na ‘to dahil binitiwan
ko na ang pag-aartista pero eto pa rin ako, nakiki-epal sa meeting nila sa
kadahilanang ikababaliw ko ang pag-iisa ngayon sa condominium ko.

“Baka naman bumili lang ng manok ‘yun?” sabi naman ni Rui na busy sa
pagkain ng cake na nasa harap niya. “Gusto kong matikman ang chicken cordon bleu ni
Dionne-chan. For sure masarap ‘yun!”

Tinignan ko ng masama si Rui, “mag papasalamat ako kung nag grocery


lang siya ng manok! Pero ba’t wala na ang mga gamit niya? She’s not even answering
my calls! Ni-text wala!”

Nilapitan ako ni Manager Rhian at inabutan ng juice, “o eto uminom ka


muna. Mag relax ka lang okay? Malay mo naman nag papaturo lang ulit ‘yun magluto o
may surprise lang siya sa’yo.”

“O baka pinagpalit ka na niya sa iba,” duktong ni Venus.

Sabay kaming napa-lingon sa kanya ni Manager Rhian at pareho namin


siyang tinignan ng masama.

“Okay fine. I’ll just zip my mouth,” sabi ulit ni Venus sabay irap.

Nilingon ulit ako ni Ms. Rhian at tinapik ang balikat ko, “don’t worry
Jake, hindi ka naman iiwan ni Dionne. Nakakaramdam ako na may inihahanda lang ulit
siya para sa’yo.”

“Oo nga bro. Mahal na mahal ka nun eh,” dagdag pa ni Rui.

Nginitian ko lang sila at hindi na ako nag react. Tinignan ko ang phone
ko. Still, no reply from Dionne.

Maya-maya lang din ay nag start na sila ng meeting kaya naman lumabas
muna ako at nag stay sa lobby para mag-kape.
Gusto kong maniwala sa sinasabi ni Manager Rhian na may balak lang si
Dionne na i-surprise ako. Gusto kong makapante na ganun lang talaga ‘yun. Pero ewan
ko, hindi ako mapakali. May kung anong bumabagabag sa’kin eh.

Pakiramdam ko iniwan niya na talaga ako.

Napa-hinga ako ng malalim. Napapraning na ba ako? Ang ne-negative ng


nasa isip ko eh! Wala ni-katiting na positive thoughts na pumasok kahit pa kung
anu-anong encouraging words na ang sinabi sa’kin nina Manager Rhian at Rui.

Hindi kaya tama ang sinabi sa’kin ni Venus na ipinagpalit na nga ako ni
Dionne sa iba?

Napa-pukpok ako sa ulo ko.

Bwisit naman oh! Bakit ba mas madaling paniwalaan ang negative kesa sa
positive?!

Biglang nag vibrate ang phone sa bulsa ko at agad-agad ko itong kinuha


expecting na si Dionne ang tumatawag sa’kin.

Na-disappoint lang ako nang makita ko ang pangalan ni Ninong Jin sa


screen ko.

Wala ba talaga siyang plano na tawagan ako?!

I answered the call.

“I’m busy!” pambungad ko kay Ninong Jin.

“Okay, about sana kay Dionne ang sasabihin ko. Next time na lang. Bye!”

“Wait! W-wait! Ano ang tungkol kay Dionne ha?!”

“O akala ko ba busy ka?”

“Ninong naman ano ba! Tell me where is she? Nababaliw na ako dito!”

“Okay, sorry. She’s in Bicol right now.”

“Bicol?! What the hell is she doing in Bicol?!”


“May nag-contact sa kanya na mga kamag-anak niya sa China na umuwi
ngayon dito sa Pinas. Kaya ayun napa-sugod si Dionne sa Bicol! Akala namin wala na
siyang mga kamag-anak. Grabe, buti na lang!” masiglang-masigla na sabi ni Ninong
Jin.

Natigilan ako bigla at parang mas nanikip ang dibdib ko.

“Ah ganun ba?” tanging sagot ko lang sa kanya.

“O, eh bakit parang hindi ka masaya para kay Dionne?”

Napahinga ako ng malalim.

“Ninong, paki tanong na lang ho sa kanya kung may paki pa ba siya sa


nararamdaman ko? Kasi umalis siya ng wala man lang pasabi. Ni hindi niya sinasagot
ang mga tawag at text ko. Hindi ko naman siya pipigilan na makipa-kita sa mga
kamag-anak niya eh! Bakit naman niya kailangang gawin sa’kin ‘to?!”

“Ah, Japoy---“

“Buti pa po kayo, alam niyo na agad kung nasaan siya. Samantalang ako
na magiging asawa niya eh hindi man lang niya sinabihan. To think na magkasama kami
sa iisang bahay. Paki-sabi na lang ho na tumawag siya sa’kin kung may paki pa
siya.”

In-end ko na ang call bago pa kung ano ang masabi ko. Alam kong mali na
ginanun ko si Ninong Jin, pero mamaya na ako mag s-sorry. Hindi ko maalis ang init
ng ulo ko.

I feel so pathetic.

Ikakasal na kami ni Dionne pero bakit tila misteryoso pa rin ang dating
niya sa’kin? Bakit parang ayaw niya pa rin na papasukin ako ng tuluyan sa buhay
niya?

Bakit parang wala pa rin akong karapatan sa kanya?

Lumabas ako ng lobby at dumiretso sa parking lot. Nang makasakay ako sa


kotse ko, agad ko itong pinaharurot ng takbo nang wala namang pupuntahang lugar.

Paikot-ikot lang ako, hindi tumitigil. Nagpapalamig ng ulo. Maya’t-maya


rin ako tumitingin sa phone ko para i-check kung nag text na ba si Dionne. Kahit
yung volume ng phone ko ay nilakasan ko para pag tumawag siya, masagot ko agad ito.
Kaso pagabi na, wala pa rin ni isang tawag o text man lang mula sa
kanya.

Halos mag a-alas-dose na nang maisipan kong umuwi sa condo ko. Paubos
na rin kasi ang gasulina ng kotse ko kaya huminto na ako.

Pag dating ko sa condo, madilim. Walang katao-tao. Walang bakas ni


Dionne.

Kinuha ko ang phone sa bulsa ko at sinubukan ko siyang tawagan pero


boses ng operator ang sumagot sa’kin.

“The subscriber cannot be reached. Please try again later.”

Hindi ako sumuko, sinubukan ko pa ulit ng ilang beses tawagan ang phone
ni Dionne kaya lang cannot be reached talaga. Naisipan kong tawagan na lang si
Ninong Jin tutal mukhang mas pinili naman ni Dionne na makipag communicate sa kanya
kesa sa’kin.

“Japoy?”

“Ninong, I’m so sorry a while ago but please tell me, saan ko makikita
si Dionne? Mababaliw na ako. Ni hindi siya nakikipag communicate sa’kin eh.”

“Iho, don’t worry. Pauwi na siya diyan. Baka bukas din ng umaga,
nandiyan na siya.”

Napa-hilamos ako ng mukha at mas lalong nanikip ang dibdib ko.

“She didn’t even bother telling me?!”

“Hijo, isipin mo na lang, at least uuwi na siya.”

“What the fuck!”

“Mag pahinga ka na. You need rest. At kausapin mo na lang siya ng


mahinahon bukas ha? Hayaan mong mag explain siya.”

Napahinga ako ng malalim.

“Okay, bye.”
Pagka-end na pagka-end ng call, naibato ko na lang ang cellphone ko at
tumama ito sa pader. Nanginginig ako sa inis.

Hindi ko alam kung anong magandang explanation ang sasabihin sa’kin ni


Dionne, pero kahit ano man yun, hindi ko agad siya mapapatawad.

Kailangan niya ako maipag-luto ng masarap na pagkain bukas kundi


talagang patay siya sa’kin!!

Napa-buntong hininga ako.

Pero atleast uuwi na siya....

Mag damage akong nag stay sa living room, inaantay si Dionne. Ni hindi
ako tinamaan ng antok. Gusto ko na siya makita para masabi ko sa kanya kung gaano
ako nag alala sa kanya at kung gaano kasama ang loob ko sa kanya.

Mga bandang alas-syete ng umaga na nang may nag bukas ng pintuan ng


condo ko. Napatayo agad ako at nakita ko si Dionne na pumasok.

Nagkatinginan kaming dalawa. Parang biglang nag evaporate ang galit ko


nang makita ko siya. Dali-dali akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng pagka-
higpit higpit.

“Ang laki ng kasalanan mo alam mo ba yun ha? Ang laki-laki ng kasalanan


mo. Kailangan mo ng isang magandang explanation para mapatawad kita,” bulong ko sa
kanya.

“Japoy...”

Humiwalay si Dionne ng pagkakayakap sa’kin.

Napatingin ako sa dala niya. Isang maliit na bag lang.

“Nasaan ‘yung gamit mo?” tanong ko dito.

“J-japoy...”

Nagulat ako nang biglang may namuong luha sa mata niya.

“Hey, what’s wrong? Dahil ba sa’kin? Dahil ba galit ako? S-sorry na,
hindi na ako magagalit sa’yo. Ang mahalaga, nandito ka na, okay?”
Napailing siya at pinunasan niya ang luha sa mata niya. Kinuha niya
bigla ang kamay ko. Akala ko dahil para hawakan ito pero nagulat ako nang ipinatong
niya sa kamay ko ang isang susi.

Susi ng condominium ko.

“Dionne... w-what?”

“I’m sorry..” at napahagulgol na lang siya ng iyak sa harapan ko.

“Wag kang umiyak! I-explain mo sa’kin ‘to! Bakit mo binabalik ito ha?”

“Aalis na ako Japoy. Sasama na ako sa mga kamag-anak ko sa China,”


sagot niya habang tuloy-tuloy pa rin ang pag bagsak ng luha sa mata niya.

Parang bigla akong nabingi sa mga sinasabi niya. Ayaw tanggapin ng utak
ko.

“Hindi ko maintindihan. Dionne, why are you doing this?! Ikakasal na


tayo ‘di ba? Ba’t aalis ka bigla?”

Napailing si Dionne, “hindi ko kaya. I’m sorry Japoy. Hindi ko talaga


kaya na pakasalan ka.”

“What the hell Dionne! Bakit ha? Bakit?! Ginagago mo ba ‘ko? Sinabi ba
nila na hiwalayan mo ako ha? Pinili mo ba sila kesa sa’kin ha?!”

“Hindi ganun ‘yon Japoy. Please maniwala ka. Hindi sila ang dahilan.
Hindi ko kaya kasi ang daming nawawala sa’yo nang dahil sa’kin!”

“Ayan na naman tayo eh! Ayan na naman! Ano ba, hindi pa ba sapat lahat
ng kadramahan na sinabi ko sa’yo nung isang araw para maniwala ka nang ikaw lang
ang kailangan ko ha?! Dionne naman please. Wag mong gawin ‘to!”

“I’m sorry Japoy. I-I’m sorry...”

“Wag kang mag sorry! Please sabihin mo na lang sa’kin na hindi ka aalis
ha? Please? Hindi mo ako iiwan ‘di ba? Please Dionne. Please!” napa-luhod ako bigla
sa harapan niya at mismong mga luha ko ay hindi ko na napigilan.

Ayokong paniwalaan ang mga naririnig ko. Ayokong maniwala sa mga


nangyayari.

Bakit ganito? Bakit biglaan?


Anong nangyari bakit nag bago bigla ang isip niya?

“I-I’m s-sorry,” pahikbi-hikbing sabi sa’kin ni Dionne at tuluyan na


siyang lumabas sa condo ko.

Parang biglang gumuho ang mundo ko.

To be continued....

=================

Chapter 52 (09/11/14)

Chapter 52

[Dionne’s POV]

I’m sorry Japoy. I’m really really really sorry Japoy.

Paulit-ulit na sabi ko sa isipan ko habang walang humpay ang pag-iyak


ko.
Nakasakay na ako sa taxi. Nakita ko si Japoy na humahabol sa’kin,
tinatawag ang pangalan ko at nag mamakaawa na wag ko siyang iiwan. Gusto kong
bumalik at bawiin ang mga sinabi ko sa kanya. Gusto kong sabihin na handa akong
lumaban para sa kanya.

Pero paano ako lalaban sa isang digmaang matagal ko nang isinuko? Paano
pa ako mananalo kung dati pa lang alam kong talo na ako?

Binalaan na nila ako eh. Alam ko naman sa sarili ko na mauuwi sa ganito


‘to pero itinuloy ko pa rin. Pinairal ko pa rin ang puso ko kesa ang utak ko.

Nakakainis na puso ito. Alam naman niyang masyado siyang mahina para
lumaban pero sukat na nag-mahal pa rin.

Napahawak ako sa dibdib kung saan located ang puso ko. Pilit kong
pinapakiramdaman ang bawat pag tibok nito kahit halos wala na akong maramdaman.

May sakit ako. Isang sakit kung saan habang tumatagal ay unti-unti
itong kumakalat sa puso ko at pinapatay at pinapahinto nito ang pag tibok ng puso
ko.

Sabi ni Dr. Jin, 1 out of 1000 lang daw ang nagkakaroon ng ganitong
karamdaman. Nagkataon nga lang na si mama ang one sa 1000 na ‘yun. At nagkataon
ding namamana ang sakit na ‘to.

Ang sakit na kumitil sa mama ko at sa kuya ko.

Ang sakit na siyang kukuha rin sa buhay ko.

Sabi ni Dr. Jin, mabagal daw ang pagkalat nito sa puso ko. Sabi niya,
eight years pa ang nalalabi sa’kin at pwede pa itong maduktungan.

Nung una ayoko nang maduktungan pa ang walong taon. Masyadong mahaba na
‘yun para sa’kin. Gusto ko na agad umalis at sundan ang pamilya ko tutal wala naman
akong dahilan para mabuhay eh.

Pero noon ‘yun.

Dahil ngayon, nang dahil kay Japoy, gusto kong maduktungan ang walong
taon na tanging ng buhay ko. Masyadong maikli yun. Gusto kong makasama ng mas
matagal si Japoy. Gusto kong tumanda na kasama siya. Gusto kong matupad yung plano
niya para sa aming dalawa.

For the first time, ginusto kong lumaban. Ginusto kong patayin ang
sakit na ‘to.

Sabi ni Ninong Jin mahihirapan daw ako. Malala raw ang mga side
effects. Pero okay lang sa’kin. Titiisin ko ang hirap na yun gumaling lang ako.

Titiisin ko lahat para makasama ko si Japoy.

Nung araw na nag propose si Japoy sa’kin at sinabi kong nandoon ako
kina Ninong Jin at nag-aaral mag luto, nasa ospital talaga ako nun at nag papa-lab
test. Tinitignan nila kung kakayanin ko ang magiging procedure ng pag gagamot
sa’kin.

Nung panahon na ‘yun, ilang beses ko ring binalak na sabihin kay Japoy
ang tungkol sa lagay ko pero hindi ko makuhang i-brought up ito. Nakikita ko
masyado siyang masaya. Hindi ko kayang pasanin niya ang pinapasan kong problema.

Isa pa, positive naman na ako na gagaling ako eh. Alam kong malalabanan
ko ang sakit na ‘to dahil mas tumibay na ang loob ko ngayon at willing na akong
kaharapin ang lahat.

‘Yun nga lang, kung kelan buo na ang loob kong lumaban, atsaka naman
bumigay ang puso ko.

Hating-gabi nun, matapos ang nangyari doon sa grocery store, tumawag si


Dr. Jin sa’kin. Sabi niya, kailangan niya akong sunduin at pupunta kaming ospital.
Hindi ko tinanong kung bakit. Kinakabahan ako sa sasabihin niya.

Nanginginig ang kamay ko habang nag iimpake ako ng gamit. Ilang beses
kong tinangkang gisingin si Japoy pero hindi ko talaga magawa.

Hindi ko kayang sabihin sa kanya. Masasaktan siya.

Umalis ako ng walang pasabi. Iniisip ko na lang na babalik agad ako.


Pilit kong inaalis ang takot na nararamdaman ko.

Siguro sisimulan na ang pang gagamot sa’kin. Alam kong mahirap, pero
kakayanin ko.

Nang makarating kami sa office ni Dr. Jin, pinaupo niya agad ako at
inilabas niya ang isang folder. Sabi niya ayun na raw ang resulta ng lab test ko.

“Dr. Jin, ngayon na po ba natin sisimulan ang pag gagamot?”


kinakabahang tanong ko sa kanya.

Napahinga ng malalim si Dr. Jin, “Dionne, the thing is, according sa


lab result mo, h-hindi ka na pwedeng mag gamot.”

“Why? Dr. Jin, kung side effects lang din naman, kakayanin ko yun! Mas
kilala ko ang katawan ko. Alam kong hindi ‘to bibigay. Please, Dr. Jin, tulungan
niyo po akong maduktungan ang eight years ko!” maluha-luha kong sabi sa kanya.

“D-dionne, h-hindi sa side effect ang inaalala ko eh,” huminga ulit


siya ng malalim at tinignan ako sa mata. Doon ko napansin na nangingilid na rin ang
luha niya. “K-kumalat na ang sakit sa puso mo.”

Parang bombang sumabog sa tenga ko ang sinabi ni Dr. Jin. Para akong
biglang naubusan ng hinga at parang umikot bigla ang paningin ko.

“K-kumalat na?” napapikit ako habang ramdam ko ang maiinit na luhang


bumabagsak sa mata ko. “Gaano na lang ako katagal? Five years? Three years?”

Hindi ako sinagot ni Dr. Jin at napapikit na rin siya habang hindi na
niya napigilan ang luha sa sarili niyang mata.

“One year? Dr. Jin sagutin niyo po ako. Gaano na lang ako katagal?”

Tinignan ako ni Dr. Jin sa mata, “five months.”

Nung panahon na yun, nag flashback lahat sa utak ko ang mga sinabi ni
Japoy. Ang pagmamakaawa niya sa’kin na wag ko siyang iiwan. Ang pag sabi niya na
ikakamatay niya pag nawala ako. Pati na rin lahat ng binitiwan niya para sa’kin.

Ang bigat nang isinakripisyo niya para makasama ako.

Hindi ko mapatawad ang sarili ko.

Alam kong masasaktan ko siya sa pag-iwan ko sa kanya. Pero mas okay na


‘to. Mas okay nang magalit siya sa’kin para mas madali niya akong makalimutan kesa
naman mahalin niya ako lalo at mas lalo siyang masaktan pag nawala ako.

Pero hindi ko alam na ang sakit-sakit-sakit pala talaga. Na ang hirap


hirap pala kung ikaw yung mangiiwan at wala kang magawa para mag stay ka. Yung
gusto mong lumaban pero wala na, talo ka na. Ang tanging paraan na lang ay lumayo
ka sa mga importanteng tao sa’yo para hindi na sila madamay pa sa sobrang sakit na
nararamdaman mo.

Nanghihina akong pumasok sa ospital papunta sa room ko kung saan ako


naka-confine. Nakita ko naman si Dr. Jin doon na nag aantay sa’kin at mukhang
alalang-alala.

“Dionne!” salubong niya sa’kin. “Are you okay?”

Hindi ko na napigilan ang nanlalambot kong tuhod at napa-luhod na lang


ako sa harapan niya atsaka humagulgol ng iyak.

“Dionne!!”

“Dr. Jin ang sakit-sakit. Please, tulungan niyo ako. Gusto ko pa pong
mabuhay! Ayoko pang mamatay! Please! Kahit isang taon lang. Please? Pahabain niyo
pa ang buhay ko. Gusto kong makasama si Japoy. Please po. Please!”

Tanging mahigpit na yakap lang ang naisagot niya sa’kin.

To be continued...

=================

Chapter 53 (09/25/14)

Chapter 53

[Venus’ POV]

“Venus lumabas ka diyan!!! Venus!!”

Nagmamadali akong bumababa ng bahay at pag-buksan ang lalaking nag


wawala sa gate namin.

Kasalukuyan akong nag papahinga kanina galing sa shooting nung reality


show na hino-host ko nang bigla kong marinig ang mga sigaw ni Jake.

Ano na naman ang problema nang isang ‘yun?!

Nang maka-rating ako sa gate namin, nagulat ako sa itsura ni Jake. He


look so wasted. Ang gulo ng buhok niya at namumugto ang mga mata niya.

Agad-agad kong binuksan ‘yung gate, “Jake, what happened?!”

“Venus!” lumapit bigla sa’kin si Jake at hinawakan niya ng mahigpit ang


magkabila kong braso. “Tell me, ganun na ba ako kasama ha? Wala ba talaga akong
kwentang tao ha? Tell me!”

Halos matulala ako sa pinag-sasabi ni Jake. He looked miserable at amoy


alak pa siya. Napatingin ako sa mata niya at nakita ko na may namumuong mga luha
dito.

“J-jake, what happened? Bakit mo sinasabi ang mga bagay na ‘yan?”

Binitiwan ni Jake ang pagkakahawak niya sa braso ko at napahilamos siya


ng mukha.

“Dionne left me. Sabi niya hindi niya ‘ko kayang pakasalan!” sinipa ni
Jake ng malakas yung gate namin. “Tang ina naman oh! After everything we’ve been
through! Matapos kong bitiwan ang lahat para sa kanya sasabihin niyang hindi niya
ako kayang pakasalan?! Bakit ha? Tell me Venus, ano pa bang pagkukulang ko sa
kanya?!”

“Jake,” hinawakan ko ang braso niya at ipinasok siya sa loob ng bahay


namin. “Please, calm down.”

Inalalayan ko siya hanggang sa ma-i-upo ko siya sa sofa namin. Buti na


lang talaga at wala ang mama ko dito ngayon kundi malilintikan ako pag nakita
niyang may ipinasok ako sa’min na lasing at nag wawalang lalaki.

“Venus ba’t ang sakit?” sabi niya sa’kin habang nakapatong ang ulo niya
sa dalawa niyang kamay. “She told me the reason why she’s leaving me is because I
lose everything because of her. Pero hindi ba niya alam na siya ang lahat ko?!
Hindi niya baa lam nung iwan niya ako, inalis na niya sa’kin ang lahat?!”

Hindi ako makapag salita at ang tanging nagawa ko na lang ay yakapin


siya ng mahigpit habang umiiyak siya. Habang paulit-ulit niyang sinisisi ang sarili
niya.

Naguguluhan pa rin ako. Iniwan ni Dionne si Jake dahil lang sa dahilan


na ‘yun? Ang hirap paniwalaan na iyon lang ang dahilan. Impossible.
Pero kung sakali man na sa ganung dahilan lang talaga iniwan ni Dionne
si Jake, then I will hate her for the rest of my life.

I am in love with Jake Marquez.

Pinapakita ko sa kanila na naka moved-on na ako, na wala na akong paki


sa kanila ni Dionne, but deep in side, naiinggit at nasasaktan pa rin ako.

I guess, ang hirap hirap mag move on sa taong ‘to.

Pero kahit ganoon, hinayaan ko na sila ni Dionne at hindi ko na sila


ginulo. Tapos malalaman kong ginanito lang siya ng babaeng ‘yon?!

Hindi ko maiwasang magalit sa kanya. Nakakainis ang ginawa niya. Hu-


huntingin ko talaga siya hangga’t sa sabihin niya sa’kin ang tunay na dahilan. O
kung hindi man, patitikimin ko talaga siya ng isang sampal nang matauhan siya!

Nung medyo kumalma na si Jake, inalalayan ko siya paakyat papunta sa


guest room namin. At pagkadating namin doon, sumalampak agad siya sa kama at
nakatulog. Gawa na rin siguro ng sobrang pagod at kalasingan.

Iniwan ko muna siya doon at pumasok sa kwarto ko para makapagpahinga na


rin. Kaya lang hindi ako makatulog. Na-b-bother ako sa nangyari. Kahit anong isip
ko, hindi ko pa rin maintindihan si Dionne kung bakit niya nagawa yun.

Nakita ko na mahal na mahal niya si Jake kaya hindi mapiga ng isip ko


kung paano niya nagawang umalis.

O baka naman nalinlang lang ako ng nakita ko?

Bakit ba kasi ang miste-misteryoso ng babaeng yun to the point na kahit


ako eh naf-frustrate na sa kanya!

Dahil hindi na rin naman ako makatulog, bumangon na ako. Tutal mag a-
ala-sais na rin naman ng umaga eh. Naisipan ko na lang na maligo muna at lumabas
para bumili ng pwedeng ma-ipa-almusal kay Jake.

Pa-sikat pa lang ang araw nang nag mamaneho ako papunta sa grocery
store. Medyo madilim-dilim pa kaya naman halos ma-ibangga ko sa puno ang kotseng
dina-drive ko nang mapadaan ako sa simbahan at nakita ko si Dionne.

Huminto agad ako at tinitigan ko maigi ang babaeng kalalabas pa lang sa


simabahan.
Si Dionne nga!

May kasama siyang isa pang babae na naka-akbay sa kanya. Bababa na sana
ako para lapitan siya pero biglang pumara ng taxi yung kasama niya pinasakay na
niya si Dionne dito.

Dali-dali kong sinundan ‘yung taxi kung saan nakasakay si Dionne.

Ngayon malalaman ko na kung saan ka nagtatago.

Buti na lang talaga at maaga pa kaya maluwag ang daan. Madali kong
nasundan yung taxi. Nagulat ako nang bigla itong huminto sa tapat ng isang ospital
at nakita kong bumaba rito si Dionne.

Anong ginagawa ni Dionne sa ospital?

Hindi kaya lihim na naman siyang nakikipag kita kay Dr. Jin?

Agad akong humanap ng parking lot at pumasok na rin sa ospital. Kaya


lang pagdating ko doon, hindi ko na alam kung saan nag suot si Dionne.

Lumapit ako sa nurse station at napahinto bigla ang mga nurse na


nandoon. Malamang eh na starstruck nang makakita ng artista.

“Hi Ms. Venus!” bati nung isang lalaking nurse.

“Hi!” I smiled at him sweetly. “Uhmm, nandito ba si Dr. Jin?”

“Opo! Nandito po siya. May appointment po ba kayo sa kanya?”

“Ah, naku wala. I’m just visiting him. Family doctor kasi namin siya,”
sagot ko naman while still smiling sweetly.

Naku naman! Mahulog ka na sa alindog ko at sabihin mo na sa’kin kung


nasaan ang doctor na yun.

“Oh pasensya na po Ms. Venus, he’s very busy at the moment. Okay lang
po ba kung i-text niyo na lang po muna siya?”

“Okay,” tinalikuran ko agad yung nurse at bigo ako. Hindi man lang
bumigay sa charm ko.
Kung busy si Dr. Jin, bakit si Dionne nakapasok?!

Hmp! Wag niyang sabihing pasyente niya si Dionne?!

Bigla akong natigilan at parang bumilis ang tibok ng puso ko.

Hindi nga kaya....?

Lumapit ulit ako doon sa nurse station.

“Ahm on the second thought, dadalawin ko na lang pala ang kaibigan ko


kaso hindi ko alam ang room number niya eh.

“Ano po bang name ng kaibigan niyo?”

“Dionne Sy.”

“Ah sige po check ko lang ah?”

Kumakabog ang dibdib ko habang tinitignan nung nurse yung mga files na
hawak-hawak niya. Maya-maya lang din, tumingin siya sa’kin.

“Nasa room 412 po si Ms. Dionne.”

I tried my best to smile, “thank you.”

Dali-dali akong umalis papunta sa elevator at parang mas dumoble ang


kabang nararamdaman ko.

Nandito nga si Dionne. Naka-confine siya sa ospital na ‘to. Pero bakit?

Napapikit ako at pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Parang napag
duduktong-duktong ko na ang mga nangyari pero ayaw tanggapin ng utak ko.

Please, sana mali ako ng hinala. Please.

Narating ko ang fourth floor at pabigat ng pabigat ang mga hakbang ko


habang nag lalakad ako papunta sa room 412. Pag dating ko doon, nakita ko ang
pangalan ni Dionne sa labas ng pinto. Isang patunay na siya nga ang naka-confine
doon.
Hindi ako kumatok. Sinubukan kong buksan ang pinto and luckily, hindi
ito naka-lock.

Hindi ko pa man masyadong na-o-open ang pinto, nakarinig ko na agad ang


boses ni Dr. Jin.

“Dionne, sabi ko naman kasi sa’yo wag ka nang lumabas. Hindi na maganda
ang lagay mo eh.”

“Dr. Jin, nag paalam lang po ako sa mga kasamahan ko sa choir. Wag po
kayo mag-alala sa’kin, ayos lang ako. At hindi ko rin tatangkain mag suicide. Tutal
onti na lang din naman ang oras na itatagal ko sa mundo.”

Bigla kong napabukas ang pintuan at pareho silang napatingin sa’kin.

“V-venus?!” gulat na gulat na sabi ni Dionne.

“Anong ibig mong sabihin doon ha? Na onti na lang ang oras na itatagal
mo?”

Iniwas ni Dionne ang tingin niya sa’kin.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang magkabila niyang braso.

“Dionne sagutin mo ako! Anong ibig mong sabihin doon!!”

“Ms. Venus!” hinatak ako papalayo ni Dr. Jin kay Dionne. “Please calm
down!”

“D-Dr. Jin, kailangan po ata namin mag usap ni Venus.”

Binitiwan ako ni Dr. Jin, “sige maiwan ko na muna kayo.”

Hindi ko na napansin na lumabas na siya ng kwarto. Nakapako lang ang


tingin ko kay Dionne habang nanginginig ang buong katawan ko.

“Venus...I-I’m dying...”

At doon na bumagsak ang mga luha sa mata ko.

“Hanggang kelan na lang?”


“Sabi ni Dr. Jin, in five months, titigil na sa pag tibok ang puso ko.”

Ayaw mag function ng utak ko. Ayaw i-absorb nito ang mga sinasabi ni
Dionne.

Napapikit ako habang patuloy pa rin na bumabagsak ang luha sa mata ko.

“Kaya mo ba iniwan si Jake?”

Hindi ako sinagot ni Dionne. Tinignan ko siya ng seryoso.

“Kailangan niyang malaman ‘to.”

“No, please! Venus please wag mong sasabihin kay Japoy! Please!”

“Dionne, Jake deserves to know! Ano, wala kang balak sabihin sa kanya
hanggang sa mawala ka na ha?! Hindi mo ba alam kung gaano siya masasaktan pag
nalaman niya kung kelan wala ka na?! Baka ikamatay rin niya ‘yun!”

“Hindi! Wag mong sasabihin sa kanya! Please! Please!” napahagulgol ng


iyak si Dionne. “Sabihin mo na lang sa kanya na nasa China na ako. Na masaya na ako
doon. Na may ibang buhay na ako na hindi na siya kasama. Venus,” hinawakan ng
mahigpit ni Dionne ang kaliwang braso ko, “sabihin mo sa kanya kung gaano ako ka-
walang kwentang babae. Hayaan mong magalit siya sa’kin ng husto hanggang sa puso na
niya mismo ang kumalimot sa’kin! At tutulungan mo siyang makalimutan ako Venus.
Alam kong hindi mo pababayaan si Japoy.”

Kinalag ko ang pagkakahawak niya, “bakit kailangan mong gawin ‘to?


Bakit kailangan mong pahirapan ang mga sarili niyo?”

“Dahil alam ko ang sakit ng mawalan. Ang sakit na halos nakakabaliw


dahil alam kong kahit anong gawin ko, hindi na sila babalik sa’kin. Ayoko iparanas
kay Japoy yun. Ayoko...”

“Pero paano ka Dionne? Paano ka?”

Napa-hinga ng malalim si Dionne and then she gave me a sad smile habang
patuloy pa rin ang pagtulo ng luha sa mga mata niya.

“Magiging okay lang ako.”

Tanging hagulgol na lang ng iyak ang naisagot ko sa kanya dahil kahit


sabihin niyang magiging okay lang siya, alam kong hindi.
To be continued...

=================

Chapter 54 (10/06/14)

Chapter 54

[Dionne’s POV]

“O, eto na yung mga pinabibili mong mga libro. Ano ba ‘tong mga pinagbabasa mo?
Puro fantasy, dystopian at sci-fi! Iba talaga mga trip mo sa buhay,” sabi ni Venus
sa’kin habang iiling-iling na nilalapag ang isang paper bag ng mga libro sa kama
ko.

“Thank you!” ngiting-ngiti ko naman na kinuha sa kanya ito at agad na


tinaggalan ng balot na plastic yung book 2 ng isang fantasy novel na binabasa ko.

Dalawang buwan na ang nakakalipas simula nang umalis ako kina Japoy at
ma-confine sa ospital. Nung araw na nalaman ni Venus na may sakit ako, ang sabi
niya sa’kin, dahil ayaw kong ipaalam kay Japoy ang kalagayan ko, wala na rin siyang
pakialam kung ano man ang mangyari sa’kin. Na ituturing niyang nasa China ako at
nagpapakasaya doon.

Pero tignan mo nga naman, kahit sinabi ni Venus ‘yon, araw-araw siyang
bumabalik dito para i-check ako. Well, araw-araw siyang naka-simangot at parang bad
vibes na bad vibes sa’kin pero ramdam ko ang concern niya.

Sabi ko na eh. Fake talaga ‘yung dating Venus na maldita, masama ugali
at selfish. Dahil ang Venus na nakikita ko ngayon ay mabuting tao. At nakakapagtaka
kasi ayaw niyang ipahalata ang kabutihan niya.
“Tss. So mag e-enjoy ka na lang sa pag babasa ng ganyan sa tanang buhay
mo?” tanong sa’kin ni Venus habang naka-taas ang kilay nito.

Nilingon ko siya, “kamusta na siya?”

Huminga ng malalim si Venus tapos may inilabas siyang magazine sa bag


niya. Agad kong inabot ito at nakita ko si Japoy na nasa cover.

Ang ayos-ayos na niya tignan. Ang gwapo-gwapo niya sa cover ng


magazine.

“May new movie siya na ilalabas this coming December. Tapos may bago pa
siyang teleserye. At kaliwa’t kanan ang endorsments niya.”

Napangiti na lang ako.

At least okay na siya. Malago ang career niya at halatang busyng-busy


siya.

Madali na niya ako makakalimutan.

“Sige mag bas aka muna diyan. I need to go. May taping pa ako.”

“Thank you, Venus.”

“Anong thank you? May bayad ‘yan! Sige na bye!”

Lumabas na si Venus sa kwarto ko at naiwan ako mag-isa rito. Napa-hinga


na lang ako ng malalim at sinubukang mag basa kaso walang pumapasok sa isip ko.

Kinuha ko ang magazine na dala ni Venus at tinitigan ko ang mukha doon


ni Japoy. Nakalagay sa gilid ng magazine na may exclusive interview sa loob. Pero
hindi ko binasa. Baka kasi mas mamiss ko lang siya pag binasa ko ‘yun. Pakiramdam
ko kasi na para bang maririnig ko bigla ang boses niya habang binabasa ko ang mga
sagot niya sa interview.

Inilapag ko ulit sa side table yung magazine at binuksan ko na lang ang


tv.

“Magandang umaga po sa inyong lahat!”

Agad kong pinatay yung TV dahil sa narinig at nakita ko. Saktong-sakto


kasi na si Japoy ang nag sasalita! Ano ba ‘yan. Baka mapaaga lalo ang pag kuha
sa’kin ni Lord dahil sa nangyayari.

Tumayo na lang ako at nag-ayos ng sarili. Lalabas na lang siguro ako.


Busy naman si Dr. Jin eh kaya for sure hindi na ako mapapansin non.

Dali-dali akong pumuslit palabas ng ospital. Ilang beses ko na rin


ginagawa ito tuwing nababagot na ako sa loob. So far, hindi pa naman ako nahuhuli
dahil bumabalik ako bago yung naka-schedule na oras ng check-up sa’kin ni Dr. Jin.

Nang makalabas ako ng ospital, dali-dali akong nag punta sa bus stop na
nasa likuran nito. Sa next stop kasi, may isang magandang park doon kung saan
madalas ako pumunta para magpa-hangin.

Since medyo mataas na ang araw, doon na lang ako nag tungo sa coffee
shop na nandoon mismo sa loob ng park. Naka-ilang balik na rin ako sa coffee shop
na ‘to. Ang sarap kasi mag stay dahil overlooking the man-made lake sa park ang
view. Kita ko rin ang iba’t-ibang pamilya, magkakaibigan at magka-sintahan na
namamasyal dito.

“Hi Dionne!” bati sa’kin nung isang barista pagka-pasok ko sa coffee


shop.

Dahil nga naka-ilang balik na ako rito, natatandaan na rin nila ang
pangalan ko.

“So, what can I get you today?” naka-ngiting tanong sa’kin ni Mia,
‘yung baristang nasa cashier ngayon.

“Iced chocolate lang po,” naka-ngiti ko ring sagot sa kanya.

“Alright! Baka gusto mong i-try ang oreo cheesecake namin? Sakto o,
isang slice na lang ‘to.”

“Ahmmm..”

“Promise masarap ‘yan! Look at the cake. It’s begging you to buy her,”
pag bibiro naman ni Mia kaya napatawa na lang ako at um-oo sa kanya.

“Yay! Thank you Dionne!”

“Thank you rin!”

After ng transaction ko, inabangan ko lang saglit ang order ko sa may


counter area then nag tungo na ako sa usual spot ko---sa second floor sa may
veranda kung saan tanaw ko ang man-made lake.
Pagka-upong pagka-upo ko naman, nagulat ako nang may isang lalaking
meztiso at naka-shades ang lumapit sa’kin. May dala-dala siya na isang plate ng
tiramisu cake.

“Ahm, hi Miss!” ngiting ngiti na bati niya kasi sa’kin. “Ahmm.. ano
kasi eh...” bigla siyang napa-kamot sa ulo niya at para bang nahihiya sa balak
niyang sabihin sa’kin.

Tinignan ko lang siya na puno nang pagtataka.

“Hindi ako masamang tao miss. Ahm.. may request lang sana ako sa’yo at
alam kong nakakahiya itong i-re-request ko. Pero okay lang ba kung palit tayo ng
cake?”

“H-ha?” mas lalo akong nag taka sa hinihiling niya.

“Ahmm, you see, my wife’s over there,” tinuro niya ang table na ‘di
kalayuan sa inuupuan ko at nakita kong may isang babae na nakaupo doon habang
nagbabasa ng libro. Meztisa rin siya, medyo mahaba ang buhok, at ang ganda ganda
niya. Mukha siyang artista.

“Buntis kasi ‘yung asawa ko at nag lilihi siya sa oreo cheesecake.


Though hindi na katakataka ‘yun kasi matagal na niyang favorite ang cheesecake.
Anyway, please, palit na lang tayo? Malulungkot kasi siya pag hindi siya nakakain
ng cheesecake ngayon eh.”

Halos matawa naman ako sa itsura nung lalaki nang bigyan niya ako ng
isang puppy look na para bang nag mamakaawa talaga sa’kin.

“Sure!” masaya kong sabi at inabot ko sa kanya ‘yung oreo cheesecake


ko.

“Yay! Thank you talaga miss! Marami talagang salamat!”

“Okay lang po ‘yun. Ang sweet mo naman po sa asawa mo.”

Nginitian niya ako, “ganun talaga pag mahal mo. Gagawin mo ang lahat
mapasaya lang siya. By the way I’m Ren. And you are?”

“Dionne,” sabi ko at nakipag-kamay ako sa kanya.

“Thank you talaga Dionne, ah? You’re an angel,” nginitian niya ulit ako
bago siya tuluyang lumapit sa asawa niya.
“Mestizang hilaw! Here’s your cheesecake!” masigla niyang sabi doon sa
babae habang inilalapag niya sa harapan nito ‘yung cheesecake niya. Nakita ko naman
ang saya doon sa mata ng babae.

Napa-buntong hininga ako.

Ganun talaga pag mahal mo. Gagawin mo ang lahat mapasaya lang siya.

Gagawin ang lahat....kahit na ang saktan siya para ma-iligtas siya sa


mas masakit pang mangyayari.

Naka-ramdam ako ng kirot sa puso ko at pilit kong pinakalma ang sarili


ko sa nagbabadyang emosyon na nararamdaman ko. Pwede kasi akong atakihin because of
too much emotions. At ayokong atakihin ngayon dahil wala akong kasama at
makakaabala pa ako ng mga tao rito sa coffee shop.

Iniwas ko na lang ang tingin ko doon sa mag-asawa at ibinaling ang


atensyon ko sa man-made lake. May mga nag b-boating na ngayon doon. Sa kabilang
parte naman, merong mga batang nagpapakain ng isda.

Na-try ko na once na magpakain ng isda doon. Nakaka-enjoy naman kahit


papaano. Pero hindi ko pa na-try sumakay sa bangka. Puro kasi grupo o couples ang
nakikita kong sumasakay doon at parang nakakalungkot naman na sumakay mag-isa.

Kung yayain ko kaya minsan si Venus, papaya kaya siya? Para ma-
experience ko man lang. Lolokohin ko na lang siya na ayun ang dying wish ko.

Nasa kalagitnaan ako ng imagination ko na inaaya ko si Venus na sumakay


sa bangka nang magulat ako dahil may nag lapag ng tray sa table ko at naupo sa
harapan ko.

Halos mapanganga ako nang makita ko kung sino ito.

Naka-suot siya ng cap and shades, pero kahit ganoon, kilalang-kilala ko


kung sino siya.

“So, you’re in China huh?”

“J-japoy...?”

“It’s Jake,” he told me bitterly.

Halos mawalan ako nang hininga habang umiinom siya ng kape sa harapan
ko pero hindi niya inaalis ang tingin niya sa’kin. Buti na lang at naka-suot siya
ng shades kaya hindi ko nakikita ang mata niya.

Ayokong makita ito na puno nang galit habang nakatingin sa’kin...

Yumuko ako at napahawak nang mahigpit sa gilid ng upuan ko. Hindi ako
makatingin sa kanya. Idagdag pa ang puso kong malakas na kumakabog sa dibdib ko.

“Talaga nga naman Dionne. Kung mag sisinungaling ka kung nasaan ka,
make sure na nagpaka-layo layo ka na talaga para hindi na kita mahuli. Pero wala,
lakas ng loob mong pumunta sa lugar kung saan pa ako madalas mag taping.”

Mahinahon siyang nag-sasalita sa harapan ko pero mas damang-dama ko ang


galit niya sa’kin. His voice is full of hatred. Hindi ako maka-imik. Napako ang
tingin ko sa tiramisu cake na nasa harapan ko.

“So tell me, matapos mong sirain ang buhay ko, ano naman ang ginagawa
mo ngayon?” tanong niya sa’kin habang nakapangalumbaba.

Napaangat ang tingin ko sa kanya at nakita kong naka-ngiti siya sa’kin.

Isang ngiti na parang sumaksak sa puso ko dahil alam kong puno ng


bitterness ang ngiting ‘yun.

“K-kailangan ko nang umalis...” agad kong kinuha ang bag ko at tumayo.


Kaya lang, hindi pa ako nakaka-hakbang, hinatak na agad ako ni Japoy.

“So ganun na lang? After what you did to me, iiwan mo ako dito? Come on
Dionne! Mag stay ka naman. Kwentuhan tayo. Ikukwento ko sa’yo ang mga pinagdaanan
ko nung iniwan mo ako,” naka-ngiti pa rin niyang sabi sa’kin.

Nakaramdam na naman ako ng kirot sa puso ko at pakiramdam ko, para


akong unti-unting nauubusan ng hininga.

No. Please. Wag ngayon. Wag sa harapan ni Japoy. Please.

“Japoy bitiwan mo ‘ko,” mahinahon kong sabi sa kanya habang nakatingin


sa kamay niyang naka-hawak sa braso ko.

Gustong-gusto ko na ‘tong hatakin pero wala akong lakas. Nanlalambot na


ako. Gusto nang bumalik sa ospital...

“Pre, may problema ka ba sa kaibigan namin?”

Napa-angat ako bigla nang tingin at nakita ko ‘yung lalaki kanina---si


Ren—na nakahawak sa balikat ni Japoy. Nasa likod naman niya ‘yung asawa niya.

“Ohh, so you’re with someone,” Japoy gave me a malicious smile. “Grabe,


kaka-break lang natin two months ago, pinagpalit mo na ako agad?”

“J-japoy--!”

“Hoy lalaking mayabang!” nagulat ako nang biglang pumunta sa harapan


namin ang asawa ni Ren habang naka-duro ito sa kanya. “Wag madumi isip mo ha? Loyal
sa’kin ang Salvy na ‘yan!” sabi niya sabay ngiti kay Ren. “Hindi mo ba narinig?
Sabi niya kaibigan! At oo nga! Ano bang problema mo sa kanya?!”

“Eh kayo, anong problema niyo?!” sigaw ni Japoy. “Wag kayong makielam
sa’min!”

“Aba’t---!”

“R-ren, no!” pigil ko doon sa lalaki at nginitian ko siya. “I-I’m


okay.”

“Sure ka? Eh namumutla ka.”

“O-oo okay lang ako. M-mag uusap lang kaming dalawa.”

This time, ako na ang humatak kay Japoy paalis. Alam kong mabuti ang
intensyon nina Ren pero ayoko na silang madamay. Maikli pa naman ang pasensya ni
Japoy.

“Who’s that guy?” tanong niya sa’kin nang makababa kami.

Iniwas ko lang ang tingin ko sa kanya.

“Wala ka ba talagang planong mag paliwanag ha Dionne?” tanong niya ulit


sa’kin pero bakas na sa boses niya na naiirita na siya.

“I-I’m sorry..”

“Sorry?! Hindi maayos nang sorry mo ang ginawa mo sa’kin! Halika nga!”

Bigla-bigla na lang akong kinaladkad ni Japoy palabas ng coffee shop.

“J-japoy wait! Saan mo ako dadalhin?!”


Hindi siya umimik at tuloy-tuloy pa rin siya sa pag hatak sa’kin.

Ang bilis niyang maglakad kaya halos patakbo na rin ang paglalakad ko.

“J-japoy.. s-sandali...”

Naramdaman kong kinakapos na ako nang hininga. Gusto ko pumiglas sa


pagkaka-hawak niya pero ang higpit-higpit nito. Ayaw niya rin akong lingunin.

“J-japoy.. pl—ease..”

Mas lalong nanikip ang dibdib ko. Nagiging madilim na ang paningin ko
at parang umiikot na rin ang paligid ko. Gusto ko nang huminto. Hindi na ako maka-
hinga.

Tatawagin ko sana siya ulit kaya lang wala nang boses na lumalabas sa
bibig ko.

Tuluyan nang dumilin ang paningin ko and the next thing I knew,
pabagsak na ako sa lupa...

To be continued...

=================

Chapter 55 (10/12/14)

Chapter 55

[Jake’s POV]
Posible palang maranasan mo na unti-unti kang namamatay kahit na alam mo sa sarili
mong malakas pa ang katawan mo at humihinga ka pa rin ng tama. Posible rin palang
maramdaman mong huminto na ang pag tibok ng puso mo kahit na dama mo pa rin ang
kabog nito.

It’s been two months eversince she left me. But still, napaka-ikli pa
ring panahon ng dalawang buwan para tuluyan kong makalimutan ang lahat nang
nangyari sa’min. Masyadong masakit. Nakakabaliw. Halos lunurin ko ang sarili ko sa
alak para makalimot. Ilang beses ko ring pinlanong tapusin ang buhay ko kasi ang
sakit-sakit. Hindi ko kasi maintindihan eh. Bakit nagawa niya akong iwanan nang
ganun na lang? Mababaw ba talaga ang pag mamahal niya para sa’kin?

Bakit bigla na lang siyang nawala?

Ang sakit-sakit pala talagang maiwan sa ere. At dobleng sakit kasi


naiwan na ako, hindi ko pa alam kung ano ang dahilan kung bakit.

Ganoon ba talaga ako ka-walang kwenta para iwanan niya?

Nung mga panahon na ‘yun, liit na liit ako sa sarili ko. Pakiramdam ko
wala akong kwentang tao. Ni-hindi ko nagawang pigilan si Dionne na umalis. Wala
akong kwenta.

Kaya nag sumikap ako. Ibinangon ko ang sarili ko. Tinanggap ko ang
offer sa’kin ni Manager Rhian na bumalik sa showbiz pero this time, pinahalagahan
ko na ang trabaho ko. Kung dati niloloko-loko ko lang ito, ngayon nag seryoso na
ako.

I strived hard to be on top again. At sa loob nang dalawang buwan,


unti-unti nang bumabalik lahat ng mga nawala sa’kin.

And no. I am not doing this for myself. I am doing this for Dionne.
Hoping na pag bumalik na siya nang Pinas, makikita niya ako sa ganitong posisyon at
maiisipan na niyang bumalik sa’kin.

Oo. Tanga na kung tanga. Iniwan na niya ako pero umaasa pa rin akong
babalikan niya ako.

Ganoon ko siya ka-mahal.

Pero alam niyo kung ano ang nakakabaliw? Ang makita ko ulit siya.

Halo-halong emosyon ang naramdaman ko nang makita ko siyang nasa coffee


shop na yun at nakikipag-usap sa isang lalaki.
Saya, selos, inis... at confusion.

Buong akala ko nasa China na siya. Ayun ang sabi sa’kin ni Tito Jin at
ni Venus. Pero bakit eto siya ngayon, nasa harapan ko? Sino yung lalaking kausap
niya at bakit ang ganda-ganda ng ngiti niya?

Bakit siya nag sinungaling sa’kin?

I confronted her. Nangibabaw ang inis at sakit na nararamdaman ko. Mas


dumoble pa nang puro sorry na lang ang narinig ko sa kanya.

That’s why I dragged her outside. Naisipan ko nang dalhin siya sa unit
ko at hinding hindi ko siya palalabasin doon hangga’t hindi niya ipinapaliwanag
sa’kin ang lahat.

Nag uumapaw sa inis ang puso ko. Parang sasabog sa sobrang sakit. Hindi
ko na naririnig ang mga nangyayari sa paligid ko at tanging ang galit na lang ang
nangibabaw sa’kin.

Pero biglang nawala lahat nang inis na nararamdaman ko nang marinig ko


ang boses ni Dionne.

“J-japoy... pl—ease..”

Napahinto ako bigla sa paglalakad at napalingon sa kanya. She look so


pale at pabagsak na ang mata niya. Dali-dali akong lumapit sa kanya at sinalo siya
bago pa siya sa matumba.

“Dionne?! Dionne!” inuga-uga ko siya pero hindi niya minumulat ang mata
niya. Nanlalamig ang buong katawan niya at kulay papel na ang mga labi niya.

Dito ako nag simulang kabahan. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko
alam kung sumigaw ba ako ng tulong o may nakakita sa’min. Hindi ko na rin matandaan
kung kelan dumating ang ambulansya o kung kelan kami nakarating sa ospital.

Nakita ko na lang ang saili ko na nasa labas ng emergency room habang


kaharap si Ninong Jin at sinasabi sa’kin na hindi ako pwedeng pumasok sa loob.

Hanggang sa mag-isa na lang ako sa labas.

Nanginginig ang buong katawan ko. Ayaw mawala ng kaba sa dibdib ko.

Anong nangyayari kay Dionne? Bakit siya hinimatay? Bakit idineretso


nila ito sa ER? Ooperahan ba siya? May sakit ba siya?
Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa labas ng ER. Naka-yuko lang ako
habang nakapatong ang ulo ko sa aking kamay. Hindi mawala-wala ang panginginig ng
katawan ko at ang takot na nararamdaman ko.

“J-jake..?”

Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Venus na papalapit sa’kin.

“W-what are you doing here?!” nanlalaki ang mata niya habang nakaturo
sa’kin.

“Ikaw, anong ginagawa mo rito?!”

“J-jake.. a-ano..”

Hinawakan ko ng mahigpit ang magkabilang braso ni Venus at tinignan ko


siya ng seryoso sa mata.

“May alam ka sa nangyayari ‘no?! Alam mong hindi umalis ng bansa si


Dionne!”

“W-wait J-jake! Wala a-akong alam!”

Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ni Venus at tinignan


siya ng masama.

“You can’t fool me! Tell me what’s happening to Dionne?! May sakit ba
siya ha? Bakit bigla bigla na lang siyang hinihimatay? At bakit ikaw ang sumugod
dito sa ospital kesa ang pamilya ni Dionne!”

Venus’ eyes swelled up in tears. Napa-iling siya bigla pero hindi pa


rin niya sinasagot ang tanong ko.

“VENUS, PLEASE! Please naman oh, sabihin mo na sa’kin kung anong


nangyayari. Hirap na hirap na ako. Naguguluhan ako. Please explain to me
everything!”

“I-I’m sorry Jake..”

“Ampucha naman oh!” sinipa ko yung umupan sa likuran namin dahil sa


sobrang asar ko at napahilamos ako ng mukha. “Wala na ba kayong ibang sasabihin
sa’kin kundi sorry ha?! Punyeta naman! Gulong-gulo na ko rito! Hindi ko na alam
kung anong dapat kong maramdaman! Please naman, ipaliwanag niyo sa’kin ang lahat!”
“Japoy...”

Napalingon ako bigla sa likod at nakita ko si Ninong Jin na kalalabas


lang ng emergency room. Dali-dali kaming lumapit ni Venus sa kanya.

“How is she?! How’s Dionne?!” nag aalalang tanong ni Venus sa kanya.

“Stable na ang condition niya ngayon at itatransfer na ulit namin siya


sa room niya.”

Venus heaved a sigh, “thank God.. thank God..”

“What the hell is happening?!” inis kong sagot sa kanila.

Kanina pa kasi ako gulong gulo. Para nang sasabog ang utak ko sa
sobrang pagiisip at confusion na nararamdaman ko. Wala ni isang nag sasalita sa
kanila. They both avoided my gaze.

Gusto ko nang mag wala.

“Venus, iha, paki asikaso muna si Dionne. Japoy, come with me.”

Huminga ako nang malalim habang naka-sunod kay Ninong Jin. Pilit kong
pinapakalma ang sarili ko. Pero sa hindi ko malamang kadahilanan, parang sasabog
ang puso ko sa grabeng lakas ng tibok nito.

Bakit ba ako kinakabahan ng ganito? Bakit ako ninenerbyos? Ayaw tumigil


ng panginginig ng kamay ko. At yung mga hakbang ko, parang pabigat ng pabigat.

At the back of my mind, may maliit na ideyang pumapasok sa isip ko


tungkol sa nangyayari. Pero ayaw tanggapin ng utak ko kaya pilit itong ibinabaon sa
kadulu-duluhan.

Pumasok kami ni Ninong sa opisina niya. He motioned me to take a seat


at sinunod ko naman siya.

Nakita kong napa-buntong hininga si Ninong Jin.

“I’m sorry Japoy kung nag sinungaling kami sa’yo. Hindi talaga pumunta
si Dionne sa China at hindi niya talaga nakita ang mga kamag-anak niya. Y-you
see... D-dionne is... Dionne is... she’s very sick.”

Napapikit ako bigla. Mas lumakas ang kabog ng dibdib ko at parang ayoko
na ata marinig ang mga susunod pang sasabihin ni Dr. Jin.

“Dionne has this very rare heart sickness. In born na sa kanilang


dalawang magkapatid ang sakit na ‘to. Na habang tumatagal, unti-unting pinapatay ng
sakit na ‘to ang puso nila...”

“Stop explaining it to me!!” sigaw ko sa kanya at napatayo ako bigla.


Tinignan ko si ninong sa mata habang pinipigilan ko ang pangigilid ng luha ko.
“Just tell me kung ano ang dapat gawin natin para gumaling si Dionne! Kailangan ba
niya ng heart transplant? Kailangan ba niyang magpatingin sa ibang bansa?!
Kailangan ba niya ng heart donor?! Tell me, ninong! I will do everything para
gumaling lang siya!”

Iniwas ni ninong ang tingin niya sa’kin at nakita ko ang pangingilid ng


luha sa mata niya.

“I—I’m sorry hijo... t-tatlong buwan na lang ang itatagal niya...


Dionne is dying and I’m really really really sorry because I can’t do anything to
save her life..”

“No..” bigla akong napaupo sa upuan na katapat ni ninong habang


nanginginig ang buo kong katawan. “No... I can’t accept that... I refuse to accept
that...”

“Hijo I’m sorry..”

“NO!” nilingon ko siya at this time, hindi ko na napigilan ang mga luha
na bumuhos sa mata ko. “NO!! NO!! YOU’RE A FREAKING DOCTOR SO DO SOMETHING!! Hindi
siya pwedeng mawala! Kahit anong paraan please iligtas mo siya! Hindi siya pwedeng
mawala sa’kin! Ninong... please... Si Dionne! Mahal na mahal ko siya! Mamamatay ako
pag nawala siya. Please Ninong!”

“Japoy.. I’m really really sorry,” nakita ko ang pag patak ng luha ni
Ninong Jin. Parang mas lalo akong nanghina.

“Iduktong niyo ang buhay ko sa kanya! Kunin niyo ang puso ko! Basta
buhayin mo lang siya! Ninong pag bigyan mo na ako! Ako na lang.. ako na lang ang
kunin niyo wag na lang siya! Please wag si Dionne! Please! Please! Please! Hindi ko
kayang mawala siya! Pakiusap naman!”

Tumayo si Ninong Jin sa desk niya at tinalikuran ako. My last ray of


hope vanished into thin air.

Buhay na buhay ako. Pero dahil sa nalaman ko, parang unti-unti na rin
akong pinapatay.
To be continued..

A/N

Three to five chapters left :)

=================

Chapter 56 (10/19/14)

Chapter 56

[Dionne’s POV]

Malamig na tubig. Nakakaramdam ako ng malamig na tubig sa paligid ng katawan ko.


Para bang nakalutang ako dito. Nasa pool ba ako? O baka sa dagat? Pero wala akong
maramdamang alon.

May naaninag ako na isang nakakasilaw na liwanag na para bang nang


gagaling sa araw. Dumilat ako at nagulat na hindi pala ako nakalutang. Nakatayo ako
ngayon sa labas ng isang pamilyar na restaurant.

Ang restaurant kung saan nag tatrabaho dati ang kuya kong si Dylan bago
siya mamatay.

Pumasok ako sa loob ng restaurant. Ganun pa rin ang itsura nito katulad
nung huling beses akong nag punta rito. Pero may dalawang bagay akong ipinagtataka.

Una. Masyadong maliwanag sa kapaligiran. Wala namang ilaw at natatakpan


ng kurtina ang mga bintana pero masyado pa ring maliwanag.
Pangalawa. Walang katao-tao sa loob ng restaurant. Maging ang mga nag
ta-trabaho rito ay wala rin.

Naisipan kong mag lakad-lakad sa loob ng restaurant hanggang sa dinala


ako ng mga paa ko sa kitchen.

Doon ay may nakita akong isang lalaki. Naka-suot siya ng chef’s uniform
at abala sa pag lu-luto. Nang makaramdam siyang meron na siyang ibang kasama,
huminto siya at nilingon ako. Nginitian niya ako.

Ganun pa rin ang ngiti niya tulad nang pagkakakilala ko sa kanya.


Masaya. Parang walang dinadala na problema. Ang naiba sa kanya ay ang kulay ng
balat niya. Hindi na siya maputla. Puno na ito ng buhay. At ang lusog na niyang
tignan.

“Kanina pa kita inaantay, Dionne,” nakangiting sabi niya sa’kin.

At dito na ako nag simulang humagulgol ng iyak.

“K-kuya Dylan!”

Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit. Ganun din ang
ginawa ko. Niyakap ko siya ng sobrang higpit na para bang ayaw ko na siyang
pakawalan.

Ang tagal tagal na panahon ko ‘tong hinintay. Yung makita ko ulit ang
kuya ko at mayakap siya. Ito yung mga pagkakataong akala ko hindi na ulit
mangyayari.

Humiwalay ako sa pagkakayakap kay kuya.

“Patay na ba ‘ko?” tanong ko sa kanya.

Hindi ako sinagot ni kuya instead, nginitian lang niya ako at


sinenyasan na umupo doon sa may bar counter ng kitchen nila.

Sinunod ko naman siya habang hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya.


Lumapit siya doon sa kanina niyang niluluto at nag salok nito sa isang mangkok.
Maya-maya lang ay lumapit siya sa’kin at inilapag sa harapan ko ‘yung pagkain.

“Ang favorite ng bunso namin, sinigang na hipon.”

“Wow!”
Dali-dali kong tinikman ang luto ni kuya. Hindi pa rin nag babago ang
lasa nito. Masarap pa rin katulad ng dati.

“The best talaga ang sinigang na hipon mo kuya! Walang tatalo.”

Tatawa-tawa naman si kuya na pinitik ako sa noo.

“Ikaw, wag mo ipaparinig kay daddy ‘yan kundi naku, mag tatampo ‘yun.”

Natigilan ako bigla sa sinabi niya at napababa sa kutsarang hawak-hawak


ko.

“S-sina mommy at daddy, m-makikita ko na rin ba sila?”

“Bago ang lahat, mag kwento ka muna sa’kin. Kamusta ka?”

Bigla na naman may namuong luha sa mga mata ko. Tuloy-tuloy na naman at
pag bagsak nito sa pisngi ko at ayaw tumigil.

“G-gusto ko nang bitawan ang lahat, kuya.”

Hindi siya sumagot at hinawakan niya lang ang kamay ko.

“Gusto ko na sumama sa inyo. Gusto ko nang makita ulit sina mommy at


daddy. Ayoko na lumaban. Wala na naman akong magagawa ‘di ba? Talo na naman ako ‘di
ba? I don’t want to go back and see Japoy’s painful expression. Ayoko nang ma-
witness na nasasaktan siya at nahihirapan dahil sa’kin. Kuya, bibitiw na ako.”

Napa-hinga ng malalim si kuya Dylan then he brushed my tears away.

“Sigurado ka na ba Dionne?”

Tumango ako sa kanya, “oo kuya. Isama mo na ‘ko.”

“Okay then,” tumayo si kuya at nag-tungo siya sa pintuan nung kitchen


at binuksan niya ito.

“Kailangan mo nang mag lakad sa landas na pinili mo,” sabi niya sa’kin.

Tumayo ako at lumapit kay kuya. Tiningnan ko ang nasa labas ng pinto.
Kung kanina, yung pinaka lobby ng restaurant ang nandito, ngayon iba na. Isang
mahabang daanan na hindi ko tanaw ang hangganan.
Tatanungin ko sana si kuya Dylan kung ano ang nasa dulo ng daanan na
ito pero pag lingon ko, wala na siya.

Siguro nga kailangan kong lakbayin mag-isa ang pinili kong landas.

Lumabas na ako at tinahak ko ang daan. Sa huling beses, nilingon ko ang


kitchen na pinanggalingan ko pero nagulat ako nang hindi ko na ito makita. Sa likod
ko ay isa ring walang hanggan na daan.

Nag-simula na lang ako mag lakad.

Pinili ko na ‘to. Dapat panindigan ko. Bumitiw na ako. Dapat magaan na


ang pakiramdam ko.

Pero bakit ganun? Ang bigat bigat ng loob ko. Parang sasabog ang dibdib
ko sa sakit. ‘Di ba patay na ako? Dapat wala na akong nararamdamang sakit. Pero
bakit ganito? Bakit parang ang sikip-sikip ng dibdib ko? Bakit naluluha ako? Bakit
nasasaktan pa rin ako?

Bawat hakbang ko, parang pabigat ng pabigat. Pero tuloy pa rin ako sa
paglakad. Gusto ko nang makarating sa dulo. Gusto ko nang matapos ito. Ayoko nang
makaramdam pa.

“Dionne, mahal na mahal na mahal kita.”

Bigla akong napahinto sa paglalakad nang marinig ko ang boses na ‘yun.

Ang boses ni Japoy.

“Please, I’ll do anything para maging okay ka. Hindi ako aalis sa tabi
mo. Babantayan kita. Aalagaan kita. Kaya please? Wag muna ngayon okay? Wag ka
munang aalis. Wag muna, please Dionne. I love you very very much.”

“J-japoy..”

“I love you. I really really love you. Hindi pa sapat ang naging oras
natin para iparamdam ko sa’yo yun. Kaya wag muna ha? Don’t give up. Please Dionne.”

Nanlambot bigla ang mga tuhod ko at napaluhod ako. Sunod-sunod ang pag
bagsak ng mga luha ko habang pinapakinggan ang boses ni Japoy na nag susumamo sa
akin. Na nag mamakaawa na bumalik ako.

Kaso sumuko na ako. Mababawi ko pa ba? Okay lang ba kahit saglit lang
bumalik ako? Kahit isang minuto lang? Kahit saglit lang. Please! Gusto ko pa siya
makita ulit kahit sa huling pagkakataon. Kahit isang yakap lang. Gusto ko pang
bumalik. Gusto ko pa siya makasama. Kahit saglit lang.

“Dionne...”

Napa-angat ang ulo ko at nakita ko si Kuya Dylan sa harapan ko. Naka-


ngiti siya sa’kin.

“Masaya ako kasi kahit na iniwan kita, alam kong hindi ka nag iisa.
Nakahanap ka ng taong mag mamahal sa’yo ng sobra-sobra.”

I look at him with my tear-stained face, “kuya, may pag-asa pa ba para


makasama ko siya?”

“Miracle exists as long as you believe in them. Minsan akala natin,


walang milagrong nangyari kahit na todo dasal na tayo. Pero sa totoo lang, palaging
may miracle. Sadyang minsan, nangyayari ito sa mga bagay na hindi natin napapansin
o hindi natin inaakala.”

Ipinatong ni kuya ang kamay niya sa balikat ko, “Dionne, hindi ka pa


pwedeng bumitiw dahil may bagay na hindi ka pa nagagawa. Pero pangako, pag bumalik
ka dito sa lugar na ‘to, hindi mo tatahakin ang landas na ‘to nang mag-isa.
Sasamahan kita hanggang sa dulo. Gagabayan kita. Ayun naman ang promise ko sa’yo
‘di ba?”

“Kuya Dylan!” niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit.

Naramdaman kong dumapi ang labi ni kuya sa noo ko.

“Gagabayan kita...”

Bigla akong nakakita ng nakakasilaw na liwanag. Sobrang nakakabulag


hanggang sa until I saw a complete darkness.

Pero may ingay. Ingay na nanggagaling sa life support. At boses. Boses


ng isang lalaking kilalang-kilala ko.

“I love you, Dionne. I love you. I love you.”

Naramdaman ko ang kamay na nakahawak sa kamay ko.

Unti-unti kong idinilat ang mata ko. And the first thing I saw is
Japoy’s tear-stained face.
“D-Dionne?”

Pakiramdam ko hinang-hina ako. Hindi ko halos ma-igalaw ang buong


katawan ko. Pero kahit ganoon, sinubukan kong ngitian siya. At bumulong ako.

“I love you too, Japoy...”

To be continued....

***

BITIN!!!!! Wahaha inunahan ko na ang mga readers XD (Wala na sanang mag co-comment
ng bitin ples XD Taboo word! Taboo!)

Sorry for ze very short...and weird(?) update. Pero 'di bale, magkakaroon din yan
ng sense soon :D

At dahil maikli ang update, susubukan ko pong makapag post ng panibagong update
bukas o sa Monday. Promise susubukan ko talaga.

Whew. Onting-onti na lang matatapos na ang Angel in Disguise! Salamat sa pagbabasa


<3

=================

Chapter 57 (10/20/14)
Chapter 57

[Jake’s POV]

Ganito pala ang pakiramdam na natatakot ka para sa buhay nang taong mahal na mahal
mo. Ang bigat sa dibdib. Halos hindi ako maka-hinga.

After atakihin si Dionne noong magkasama kami, tatlong araw siyang hindi nagising.
Sabi ni Dr. Jin, stable na naman siya pero hindi ko pa rin maalis ang kabang
nararamdaman ko. Gusto kong makita na dumilat siya, na ngumiti siya. Gusto kong
marinig ulit ang boses niya.

At nung makita kong unti-unti niyang minumulat ang mata niya. Nung
marinig ko ang boses niya, hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak na lang
ako.

“I love you.. I love you.. I love you..” paulit-ulit kong bulong sa


kanya habang hawak-hawak ko ang kamay niya at tuloy-tuloy ang agos ng mga luha sa
mata ko.

“J-japoy...” naramdaman ko ang mga daliri ni Dionne sa mukha ko.


Pinupunasan niya ang mga luha sa pisngi ko. “S-sorry.. S-sorry t-talaga...”

Inangat ko ang tingin ko sa kanya at nakita kong umiiyak na rin siya.

“No. You don’t have to say sorry. You didn’t do anything wrong.
Kasalanan ko kasi hindi ko manlang naramdaman na ganito na pala ang sitwasyon mo.
I’m sorry Dionne. Hindi ako aalis sa tabi mo. You don’t have to save me from pain,”
hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. “I’ll do my best to lessen your burden.
Pareho natin papasanin ‘to, okay? Hindi kita iiwan.”

“J-Japoy..”

“Shh. Wag ka na muna mag salita, okay? Tatawagin ko lang si Dr. Jin
para ma-check ka niya.”
Agad kong pinindot yung buzzer sa nurse station at sinabi kong
nagkamalay na si Dionne. Maya-maya lang din ay pumasok sa room si Dr. Jin.

“I know you’re a fighter, young woman,” naka-ngiting sabi niya kay


Dionne. “Wag mo muna kaming iiwan agad ha?”

Habang chine-check ni Dr. Jin si Dionne ay pinalabas niya muna ako. Nag
punta na lang ako sa cafeteria para mag hanap ng pagkain na magugustuhan ni Dionne.
Habang nag ti-tingin-tingin ako, biglang nag ring ang cellphone ko.

It’s manager Rhian.

Alam kong katakot-takot na sermon ang gagawin niya sa’kin. Ang dami ko
kasing photoshoot at taping na hindi sinipot nang wala man lang pasabi.

Agad kong sinagot ang tawag niya.

“Manager, sorry po!” pangunguna ko na sa sasabihin niya. “Pero hindi po


ako makakapunta sa mga shooting o kung saan pa sa loob ng...” napahinga ako
malalim. “Sa loob ng tatlong buwan.”

Parang mas bumigat ang pakiramdam ko dahil sa sinabi ko.

Tatlong buwan. Ang taning ni Dionne.

“Ano ba ang sinasabi mo? Tumawag lang ako sa’yo para sabihing naka
leave ka sa trabaho for five months.”

Nagulat ako sa sinabi ni Manager Rhian. N-naka leave ako?

“Pero leave without pay ‘yan ha? Alam ko namang milyones na ang naipon mong pera,”
pahabol niya pa.

“B-bakit po?” tanong ko sa kanya.

Narinig ko ang pag hinga niya ng malalim.

“Venus told me everything. Mas kailangan ka niya.”

“Manager. Thank you po!”

“You’re welcome. And.. uhm.. hindi ko alam kung possible ang i-re-request ko sa’yo.
Pero, pwede mo bang pauwiin ang kapatid mo ngayon dito sa Pinas?”

“Si Maisie? Why?”

“Si Rui. Alam na rin niya ang nangyari ngayon. And that guy is in deep
depression right now.”

Napa-hinga ako ng malalim.

“Okay Manager Rhian. I will contact Maisie immediately.”

Sa totoo lang, ayoko nang guluhin ang kapatid ko doon. Alam kong unti-
unti na siyang nag m-move on. Pero in some ways, naiintindihan ko si Rui. Pareho
naming mahal si Dionne at alam kong katulad ko, grabeng sakit din ang nararamdaman
niya ngayon.

Lumabas ako sa cafeteria without buying anything. Umakyat ulit ako sa


kwarto ni Dionne at nakasalubong ko si Ninong Jin na kalalabas pa lang doon.

“How is she?” tanong ko sa kanya.

“Dionne’s fine. Nasa loob ngayon si Venus at binabantayan siya. Japoy,


I need to talk to you.”

Tumango ako sinundan ko si ninong sa office niya.

“Japoy, I think m-mas makakabuti kung uuwi na muna si Dionne sa inyo,”


sabi ni ninong sa’kin.

“But why? Hindi ba delikado? Hindi ba mas mababantayan siya dito? Paano
kung may mangyari sa kanya, ha?”

“I want Dionne to live as normally as possible..... in the remaining


days of her life.”

Hindi ako sumagot at agad kong iniwas ang tingin ko kay ninong. My hand
balled into fist. Alam kong tama naman ang mga sinasabi niya eh. Pero hindi ko pa
rin magawang tanggapin. Hindi ko magawang paniwalaan.

“A-ayokong makulong si Dionne dito sa ospital. Gusto kong nasa labas


siya, katulad ng normal na tao. And I know, Dionne want that too,” patuloy ni Dr.
Jin.

Napapikit ako at huminga ng malalim.


“Wala na po ba talagang magagawa? Kahit pahabain man lang ng isa pang
buwan ang buhay niya? Kahit anong paraan, wala na ba talaga?”

“I’m sorry Japoy...”

Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko.

“Pero napaka-ikling panahon ng tatlong buwan ninong...”

“You don’t know how much I wish na sana mali ang calculations ko. Hijo,
I’m a doctor at mas naniniwala ako sa science. Pero sa ganitong pagkakataon,
maniwala ka, isa rin ako sa mga nag dadasal na sana may dumating na milagro para sa
batang ‘yan.”

Napa-hinga ulit ako ng malalim habang pilit kong pinipigilan ang pag
patak ng luha sa mga mata ko.

“Pwede po bang mag travel ng malayo si Dionne? Gusto ko kasi siyang


dalhin sa isang lugar.”

Napa-hinto si ninong at tinignan ako.

“Okay. In a week, pwede na siya makalabas sa ospital.”

[Maisie’s POV]

Nanginginig ang mga kamay ko habang isa-isa kong inilalagay ang mga
damit ko sa maleta ko.

Two nights ago, tumawag sa’kin si kuya at ibinalita niya ang nangyari
kay Dionne. Umiiyak siya. Rinig na rinig ko sa boses niya ang hirap ng
pinagdaraanan niya. Hindi ako makapag salita nun. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
Habang naririnig ko ang pag-iyak ni kuya sa kabilang linya ng telepono, tahimik na
bumabagsak ang mga luha ko sa mata ko.

Bakit kailangan mangyari sa kanilang dalawa ang bagay na ‘to? Bakit si


Dionne pa?

Napapikit ako at naalala ko si Rui.

I tried to contact him pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko.
Kinausap ko si Venus pero hindi rin niya mahagilap si Rui.

Natatakot ako.

Alam kong mahal na mahal niya si Dionne. At kahit hindi ko siya


nakikita, ramdam kong nasasaktan siya ngayon ng husto.

Pilit kong inalis sa isip ko si Rui at nag focus ako sa pag iimpake.
Buti na lang, nakapagpa-book ako agad ng flight. Halos kalahati ng ipon ko ang
nasaid ko dahil biglaang flight ang kinuha ko, pero wala na akong paki. Kailangan
kong umuwi sa Pinas. Hindi ako mapapalagay dito.

Napatingin ako bigla sa wedding gown na nasa harapan ko. Ang wedding
gown na ako mismo ang nag design para sana kay Dionne.

Napatayo ako bigla at kinuha yun.

Nakakaiyak isipin na hindi niya na magagawa pang isuot ‘to. Alam kong
pinangarap ni kuya na makita si Dionne na nakasuot ng wedding gown. Nakakaiyak ang
nangyari sa kanila.

Pero kahit papaano, kailangan kong maibigay ito sa kanya.

My last gift for her.

To be continued...

***
AN:

Gusto ko lang pong mag thank you sa mga readers ko na walang sawang nag co-comment
sa bawat chapters ng "tunay" na comment. Yung hindi "update agad!" at "bitin!" ang
laman ng comment. Yung talagang ang comment ay about sa story mismo. Maraming
salamat readers :) Kayo ang dahilan kung bakit hindi pa rin ako bumibitiw kahit
minsan nakaka pressure na ng husto. Nakaka-inspire kasi ang comment niyo. Hindi man
ako nag rereply pero ina-abanggan ko yun at lagi kong binabasa :) Feeling ko kasi
appreciated ang bawat chapters na inuupdate ko pag kayo ang nag co-comment. Yung
simpleng "naiyak ako kay Dionne.." lang, natutuwa na ako *sadista author hahha*

Pero salamat po talaga sa pag appreciate sa'kin.

At sa lahat ng mga nagbabasa nito, salamat din po.

Baka hanggang ngayong week or next week na lang ang Angel in Disguise. <3

=================

Chapter 58 (10/21/14)

Chapter 58

[Venus’ POV]

“Naka-leave ako ng three months. Forced leave. May substitute na agad ako doon sa
reality show na hino-host ko! Hay naku sana bumaba ang ratings nila,” pag-rereklamo
ko sa harap ni Dionne. “At dahil sapilitan ang leave ko, dito na muna ako tatambay
sa ospital. Para naman kahit papaano eh mahawahan kita ng kagandahan ko.”
Nakita kong napa-ngiti si Dionne, “thank you Venus ah? S-salamat kasi
lagi mo akong binabantayan.”

I rolled my eyes at her, “wag kang assuming. Hindi kita binabantayan.


Pampalipas lang kita ng oras dahil bored ako.”

Narinig ko naman ang pag-tawa ng mahina ni Dionne, “ikaw ‘yung isa sa


mga taong in denial sa pagiging mabuti nila.”

Dahil sa sinabi niya, pakiramdam ko nag init ang mukha ko and for the
first time in my entire life, tinamaan ako ng isang bagay na akala ko eh never kong
mararamdaman---ang mahiya.

“S-shut up chimay! K-kung anu-ano ang mga pinagsasabi mo. Kumain ka na


nga lang,” inilapag ko ang tray ng pagkain niya sa maliit na lamesang naka-patong
sa harapan niya. “Hay naku naman kasi. Asan na ba ‘yong boyfriend mong alcohol
freak? Ba’t ang tagal-tagal bumalik? Ako tuloy ang nag iintindi sa’yo. Imbes na
makapag beauty rest ako!”

Paano kasi itong is Jake kinakailangan pumunta sa airport para sunduin


si Maisie. Sa totoo lang ayaw niyang umalis sa tabi ni Dionne. Ako lang itong nag
pumilit sa kanya na sunduin niya ang kapatid niya tutal siya rin naman ang nagpauwi
sa kanya dito. At dahil doon, napilitan na rin akong mag prisinta na mag babantay
dito sa chimay na ‘to.

Me and my good deeds. Hay.

“Okay lang ‘yun. Alam ko naman na gustong-gusto mo akong sinasamahan,”


naka-ngiting sabi ni Dionne.

I’m speechless! She’s sick but she still managed to get into my nerves!
This girl! My god!

Napa-hinga na lang ako ng malalim habang tinitignan na masayang


kumakain si Dionne habang nanunuod ng T.V.

Sa totoo lang, tama naman siya. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako
mapakali pag wala ako sa ospital. Lagi kong iniisip si Dionne kung okay lang ba
siya.

Paulit-ulit ko kasing naalala lahat ng mga bagay na ginawa ko dati sa


kanya.

Hindi iyon maganda. Alam kong ilang beses ko siyang nasaktan both
physically and emotionally. Lagi ko siyang napag bubuntungan ng galit.
But still, tinulungan pa rin niya akong makawala sa past ko. Siya ang
naging dahilan para gawin ko ang bagay na talagang gusto kong gawin.

I owe her big time. Hindi pa ‘to sapat. Hindi pa sapat ang ginagawa ko
sa kanya para masuklian lahat ng ginawa niya sa’kin at mabayaran ang mga masasamang
bagay na nagawa ko sa kanya. Kulang pa ang panahon na itatagal niya para mabayaran
ko lahat. Kulang na kulang.

Napa-talikod ako bigla kay Dionne at napalunok dahil nararamdaman ko


ang nag babadyang luha sa mata ko. Nakakainis naman oh. Hindi naman ako iyaking tao
eh. Si Jake nga hindi ko masyadong iniyakan eh. Pero bwisit naman. Halos gabi-gabi
akong umiiyak dahil kay Dionne.

Sa lahat ng tao, hindi ko expect na yung nag iisang taong kinaiinisan


ko pa ang makakapagpa-bago sa’kin.

“Mag pagaling ka,” halos pabulong kong sabi sa kanya.

“V-venus...”

“For the sake of Jake... and for the sake of those people na
pinapahalagahan ka.”

Nilingon ako ni Dionne. Naka-ngiti siya sa’kin. Isang matingkad na


ngiti. But still, kitang-kita ko ang pamumuo ng luha sa gilid ng mga mata niya.

“Don’t worry Venus, hindi tayo bibigyan ni God ng pagsubok na hindi


natin kayang pasanin.”

Iniwas ko ang tingin ko kay Dionne at hindi ako nag salita. Parang may
kung anong bumara sa lalamunan ko. Nararamdaman ko na rin ang pangingilid ng luha
sa mata ko.

Ang bigat sa pakiramdam. Yung sinabi ni Dionne, alam kong hindi sarili
niya ang tinutukoy niya doon kundi kami.

Para bang sinasabi na niya na nawala na siya, alam niyang makakayanan


namin. Alam niyang makaka move-on din kami agad.

Dionne, hindi ko alam kung paano ko gagawin ‘yun. Lalamunin ako ng


konsensya ko.

Please, wag ka munang bibitiw.


~*~

[Maisie’s POV]

“Gusto mo bang umuwi muna? Para makapag-pahinga ka na rin,” tanong sa’kin ni kuya
habang nag mamaneho siya.

Kagagaling lang namin ni kuya sa airport. Sinundo niya ako.

Sa totoo lang, gustong-gusto ko nang ma-feel ang kama ko dahil sobrang naging
mahaba ang byahe ko. Connecting flight kasi ang nakuha ko at nakakapagod talaga.

Pero mas nangibabaw sa’kin na gusto kong makita si Dionne. Kita ko rin sa mga mata
ni kuya na gustong-gusto na niya makabalik sa ospital para makasama si Dionne.

“No kuya, I want to see Dionne. Sa ospital na tayo dumiretso,” sabi ko sa kanya.

“Are you sure? Ang laki ng eyebags mo. Matulog ka kaya muna.”

“No kuya. Please? Punta na tayo sa ospital.”

“Okay fine. If you say so.”

Tahimik na nag maneho si kuya. Ako naman, umidlip muna sa sasakyan


habang nasa byahe kami. After thirty minutes, nakarating na rin kami ni kuya sa
ospital.

Nadatnan namin si Venus at si Dionne sa room na parehong tahimik at


nanunuod ng TV.

“Love.”

Dali-dali namang lumapit sa kanya si kuya at gave her a quick kiss.

Napa-ngiti ako bigla.


Hindi ko ine-expect na makikita ko si kuya na ganitong ka-sweet sa
isang babae. Oo, nakikita ko siyang ganito dati----sa mga pelikula niya. Pero
nakakatuwang isipin na ngayon, tunay na tuna yang ipinapakita niya.

“Oy Venus, ano ba ‘tong pinapakain mo kay Dionne? Mukhang di naman


masarap eh! Lugaw? Naku naman! Sana bumili ka ng mas masarap.”

“Ay sorry naman, wala ka naman ibinilin sa’kin! Hmp!”

“Hehe Japoy, okay lang. Masarap naman ‘yung lugaw eh.”

“Hay naku! Ay wait!” napatingin si kuya sa may pinto at parang doon


lang niya naalala na nandito ako. “Oy, Maisie, pumasok ka.”

Napa-tingin din si Dionne sa’kin.

“Maisie! Nakabalik ka na!” masiglang-masigla niyang bati sa’kin.

“Buti naman nandito na kay. Hay naku, makakaalis na ako.”

Mabilis na nag-paalam si Venus. Pero bago siya tuluyang lumabas, may


ibinulong siya sa’kin.

“Rui needs you.”

Bago pa ako makapag-react, tuloy-tuloy nang lumabas si Venus.

“Yung babae talaga na ‘yun,” iiling-iling na sabi ni kuya.

“Dionne,” lumapit ako sa kama niya at niyakap siya ng mahigpit.

Nangayayat siya. Nawalan ng kulay ang balat niya. Pero kahit ganoon,
ang sigla-sigla niya tignan. Ang ganda-ganda ng ngiti niya.

She looks perfectly happy and it makes me want to cry.

Pinigilan ko ang luha sa mata ko. Knowing her, alam kong ayaw niyang
makakita ng taong umiiyak dahil sa kanya.

“Kamusta ka na?” tanong niya sa’kin. “Kamusta ang naging buhay mo sa


Paris.”
Nginitian ko siya ng malawak, “it’s really great! Masyadong romantic
ang place na ‘yun! Tapos ‘yung mga pagkain doon ang sasarap!”

“At meron siyang manliligaw doon,” singit ni kuya.

Tinignan ko ng masama si kuya, “heh! Tumigil ka kuya! Hanggang ngayon


hindi mo lang matanggap na merong nagkagusto sa’kin!”

“Alam kong merong magkakagusto sa’yo. Sadyang alam ko rin na hindi mo


kayang mag move on doon sa Hapon na ‘yun!”

Hinampas ko ang braso ni kuya. Lokong ‘to! Sukat ipahiya ako sa harap
ni Dionne!

“Speaking of Rui, kamusta na kaya siya?” tanong naman ni Dionne. “Bakit


kaya hindi pa niya ako dinadalaw?”

Nagulat ako sa sinabi ni Dionne.

Oo alam kong nahihirapan ngayon si Rui. Pero hindi ko expected na hindi


man lang siya pumunta rito para tignan ang lagay ni Dionne?!

That moron! That stupid, stupid guy!

Nakipag-kwentuhan ako saglit kay Dionne at kay kuya. Si kuya puro biro
at puro patawa. Si Dionne naman, palaging nakangiti at parang walang iniindang
sakit.

They look like a normal, happy couple.

Masakit isipin na sa likod ng mga ngiti at tawa nila, may mabigat


silang pagsubok na kinakaharap.

Maya-maya lang din, nagpaalam na ako sa kanila. Hiniram ko muna ang


sasakyan ni kuya at sinabing ibabalik ko mamaya.

“Kahit bukas mo na ibalik, hindi naman ako aalis dito. Mag pahinga ka
muna ngayon.”

Nginitian ko lang si kuya at nagpaalam na ako sa kanya.

Sa totoo lang, wala pa akong planong umuwi. May isang lugar pa ako na
dapat puntahan.

Ang bahay ni Rui.

Doon ako dumiretso. Kailangan kong i-check ang lagay ng japayuki na


‘yun. Mamaya kung ano na ang nangyari sa kanya eh.

Nang makarating ang condo ni Rui, naka-ilang doorbell na ata ako eh


hindi pa niya ako pinagbubuksan. Sinubukan kong i-open ang pinto niya at laking
gulat ko nang hindi ito naka-lock.

Madilim ang paligid. Agad kong in-on ang switch ng ilaw. Halos
mapatalon ako sa gulat nang makita ko si Rui na nakaupo sa sofa. Yung isang kamay
niya, may hawak hawak na bote ng alak. Yung kabila naman ay naka-sapo sa mukha
niya.

“R-Rui..?”

Inangat niya ang ulo niya at tinignan niya ako. Maga ang mga mata niya.
Mas lalo tuloy naningkit. Pero kitang-kita ko rito ang gulat nang makita niya ako.

“M-Maisie..? Am I hallucinating?”

“Hindi ka nag hahallucinate. Nandito talaga ako para kay Dionne.”

Biglang bumagsak ang luha sa mga mata ni Rui. Agad ko naman siyang
nilapitan.

“Maisie, she’s dying. Dionne’s dying!” niyakap ako ng mahigpit ni Rui


habang umiiyak siya. “She is dying! Bakit kailangan mangyari ‘yon? Of all people,
bakit si Dionne pa? Okay lang kahit hindi na siya sa’kin mapunta. Ayos lang kung si
Jake talaga ang mahal niya. Pero hindi ko kakayanin kung tuluyan siyang mawawala!
Hindi ko kaya!”

Humiwalay ako sa pagkakayakap ni Rui at tinignan ko siya ng diretso sa


mata.

“Then what the hell are you doing here?! Bakit hindi mo man lang siya
dinadalaw ha?!”

Iniwas niya ang tingin niya sa’kin, “hindi ko siya kayang makita sa
ganong sitwasyon.”

Huminga ako ng malalim. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Pero
wala, para akong isang bulkan na sumabog dahil sa narinig kong sinabi ni Rui.
“BAKA!! BAKA! Gusto mo itranslate ko sa tagalog ha?! ANG TANGA TANGA
MO!”

“M-Maisie...”

“Oo sabi ng doktor wala nang pag-asa si Dionne! But I saw her! I saw
Dionne and she still managed to laugh and smile despite of what’s happening to her!
Pilit siyang nagpapakatatag! At ikaw, nandito ka at nagpapaka-duwag! Dionne needs
us so please, pull yourself together!”

Bumagsak na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan sa ospital. Tuloy-


tuloy ang pag-iyak ko sa harapan ni Rui.

Naalala ko ang mga ngiti ni Dionne pati na rin ang tawa niya. Para bang
sa ginagawa ni Dionne, siya pa ang nagpapalakas sa mga loob namin.

Masakit. Ayokong makita siyang ganyan. Ayoko nang makitang masaktan si


kuya.

At mas dobleng sakit na makita ang lalaking mahal ko na sobrang


nasasaktan at wala akong magawa.

“Maisie...”

Naramdaman ko ang mga braso ni Rui na yumayakap sa’kin.

“You’re right. I’ve been a fool. I’m sorry. Pwede mo ba akong samahan
kay Dionne?”

Humiwalay ako sa pagkakayakap kay Rui at tumango.

“Oo naman. Sasamahan kita.”

~*~
[Rui’s POV]

Nanginginig ang mga tuhod ko habang naglalakad kami papunta sa kwarto


ni Dionne. Parang onti na lang ay mag co-collapse na ako.

Sa totoo lang, natatakot akong makita siya. Baka hindi ko kasi kayanin.
Baka mamaya bigla na lang akong mag breakdown.

Pero tama si Maisie. Ngayon yung panahon para magpakatatag kami. Hindi
man para sa sarili namin kundi para kay Dionne.

Nakarating na kami sa tapat ng kwarto niya. Kumatok si Rui at nakita ko


namang pinagbuksan kami ng pinto ni Jake.

Nagkatinginan kaming dalawa. Seryoso ang mukha niya at nakakunot ang


noo niya. Pero nagulat ako ng bigla siyang ngumiti.

“Buti naman naisipan mo nang ayusin ang sarili mo. She’s been waiting
for you.”

Napayuko ako bigla, “sorry k-kung natagalan ako...”

“Wait here.”

Tinalikuran kami ni Jake at nakita kong lumapit siya kay Dionne.

“Love, are you still awake? Someone wants to talk to you.”

“Sino?”

Tinignan ako ni Jake as if motioning me to come in.

“Rui!” masayang-masayang bati ni Dionne sa’kin.

“Iwan muna namin kayo,” sabi ni Jake at lumabas silang dalawa ni


Maisie.

“Uy Rui! Ba’t ngayon ka lang pumunta dito?” naka-ngiti pa ring tanong
ni Dionne sa’kin.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at pinagmasdan ko siya maigi.

She looks so thin and fragile. But still, she’s very beautiful. So
beautiful that I fall for her over and over again.

“D-dionne..” my voice broke. Dali-dali ko siyang niyakap ng mahigpit.


“I’m sorry. I’m so sorry.”

“Sshhh, hindi mo kailangang mag-sorry. Ang mahalaga nandito ka na.”

Humiwalay ako sa kanya at tinignan ko ang maganda at maamo niyang


mukha.

“You’re still very beautiful, Dionne-chan,” naka-ngiti kong sabi sa


kanya.

“Masyado mo naman akong binobola eh! Ikaw talaga!”

Hinawakan ni Dionne ang pisngi ko at pinunasan niya ang luhang tumulo


sa mata ko.

“Hindi mo ako kailangan iyakan, Rui. I’m not a girl who’s worth your
tears.”

Umiling ako, “you are a friend who’s worth my tears Dionne.”

Ngumiti sa akin si Dionne, “then do me one favor please,”

“Anything.”

“Please, be brave.”

Lumunok ako. Nakaramdam na naman ako ng panibagong luha na nag


babadyang lumabas sa mga mata ko.

Pero nilabanan ko ito. Instead, pinilit kong bigyan si Dionne ng isang


ngiti.

Para sa kanya. Para kay Dionne, magpapakatatag ako..


“I will.”

To be continued...

***

Malapit na malapit na talagang matapos! Wahahaha pero secret kung ilang chapters na
lang. Bibiglain ko na lang kayo na tapos na pala XD

=================

Chapter 59 (10/24/14)

Chapter 59

[Jake’s POV]

“Welcome home,” naka-ngiting sabi ko kay Dionne pagkarating na pagkarating namin sa


condo unit namin.

“Woooow! Na-miss ko ‘to!” dali-dali namang nag tungo si Dionne sa sofa


at humilata rito. “Na-miss ko umupo at humiga rito! Na-miss ko ang bawat sulok ng
bahay na ‘to!” dagdag pa niya.

Natatawa-tawa na lang ako na naiiling-iling habang tinitignan ko si


Dionne.

Pinayagan na kami ni ninong na umalis ng ospital. Sabi niya, sa ngayon,


stable pa naman si Dionne. Tinuruan na rin niya ako ng mga pwede kong gawin kung
sakaling atakihin si Dionne. Lalo na’t next week, pareho kaming babyahe dalawa.

Tinabihan ko siya sa sofa at niyakap ng mahigpit na mahigpit.


“Dionne..”

“Hmmm?”

“Maligo ka na. Ang baho mo na,” sabi ko sa kanya habang hinahalikan ko


ang buhok niya.

“Ang sama mo! Eto na maliligo na ako!”

“Oo nga maligo ka na. Kadiri ka na,” bulong ko ulit sa kanya pero hindi
ko pa rin tinatanggal ang mga braso ko sa pagkakayakap sa kanya ng mahigpit.

“Paano ako makakatayo kung nakayakap ka sa’kin?”

Nginitian ko siya pero hindi ko pa rin siya pinakawalan.

“On the second thought, titiisin ko na lang ang amoy mo. Payakap muna.”

Hinayaan lang ako ni Dionne na yakapin siya. Nakita kong ngumiti siya
at bigla-bigla ay niyakap din niya ako ng mahigpit.

Napapikit na lang ako.

Ayokong bitiwan si Dionne. Ayokong humiwalay sa kanya. Nawawala ang


pangamba sa dibdib ko kada mararamdaman ko ang pag hinga niya. Napapanatag ako kada
nakikita kong dumidilat ang mga mata niya.

Nung nasa ospital kami, halos hindi ako makatulog kada binabantayan ko
si Dionne. Naka-tingin lang ako sa kanya at pinapanood ang pag taas-baba ng kanyang
dibdib na senyales na humihinga siya. Kada umaga, lagi kong inaabanggan ang pag
mulat ng mata niya. May mga pagkakataon pa nga na pag na l-late ng gising si
Dionne, grabe na ang kabang nararamdaman ko.

Dumilat ako at pinagmasdan ang mukha niya.

Siya na ata ang pinaka magandang babae na nakilala ko.

Alam ko, the moment that I saw her, I found her really attractive. At
ngayon lang ako nanghinayang ng husto sa mga nasayang kong panahon dahil sa
pagiging in denial ko sa nararamdaman ko sa kanya.

Kung nung unang beses pa lang sana na tumibok ang puso ko sa kanya,
pinakinggan ko na agad ‘to, hindi sana ako nanghihinayang ng husto sa mga panahong
nagdaan na sana ginawan ko nang magagandang alaala kasama siya.

Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa mata niya.


Napatingin naman siya sa akin at nginitian niya ako.

“I love you,” bulong niya sa’kin.

“I love you too,” sagot ko at hinalikan ko siya sa labi.

“Bad breath ka,” pag bibiro niya sa’kin.

“Okay lang. Mahal mo naman ako eh!” and again, I kissed her lips.

“Japoy, nagugutom ka na ba? Gusto mo bang ipagluto kita?”

“At ano naman ang lulutuin mo?”

Ngumisi siya, “hotdog omelette!”

“Tss. Simula nang dumating ka sa buhay ko, halos purgahin mo na ako sa


hotdog omelette na ‘yan!”

“Eeeh. Gusto mo chicken cordon bleu?”

“Wala akong manok!”

“Instant noodles meron ka?”

“Hay naku! Ka-babae mong tao hindi ka marunong mag luto! Ako na lang
ang magluluto!”

Humiwalay siya bigla sa pagkakayakap sa’kin at pinanliitan ako ng mata.

“Marunong ka mag luto?!”

“Oo! Hindi ako katulad mo ‘no! Sige sabihin mo sa’kin kung ano ang
gusto mong kainin.”

“Hmm... gusto ng sinigang na hipon.”


“Sinigang na hipon? Sure! Madali lang ‘yun. Pero ba’t naman ‘yun ang
napili mo?”

“Ewan ko ba. Simula nung magising ako after ko atakihin nung nasa park
tayo, hindi mawala sa isip ko ang sinigang na hipon.”

“Okay. Come with me in the kitchen. Ipapakita ko sa’yo ang skills ng


isang master chef!”

Pareho kaming nag tungo ni Dionne sa kitchen at habang ako, inaayos ang
mga gagamitin, si Dionne naman ay nakupo sa stool at nanunuod.

Nag pupumilit pa nga siyang tumulong eh pero hindi ko na siya


pinagalaw. Alam kong mapapagod lang siya.

“Diyan ka na lang at manuod. Pag ikaw ang nag luluto laging nababasag
mga kasangkapan ko eh.”

In the end, hindi na rin umangal si Dionne. Kinuwentuhan na lang niya


ako ng kinuwentuhan ng kung anu-anong bagay habang ako naman ay nag luluto.

Ang saya siguro kung palaging ganito ang scenario naming dalawa. Yung
isa sa amin, nag luluto habang masaya kaming nag kukwentuhan. Yung pagka-gabi lagi
ko siyang mayayakap ng mahigpit. Pag umaga naman, sasalubong sa pag gising ko ang
maganda niyang ngiti.

Yung araw-araw maririnig ko ang boses niya, ang tawa niya. Yung palagi
ko siyang masasabihan ng I love you.

Sana wala na lang katapusan ang masasayang araw.

Ayokong isipin na malapit na itong mawala sa’kin. Ayokong dumating ang


araw na ‘yun.

Hindi ko kayang maiwan mag-isa. Masyadong magiging masakit para sa’kin


ang lahat. Iniisip ko pa lang na darating na, halos mabaliw na ako sa sakit. Paano
pa kaya pag nangyari na?

Sa mga nagdaang araw, pinilit kong kumilos ng normal sa kanya.


Sinubukan kong alisin sa isip ko ang sakit niya.

In some ways, naging successful naman ako.

Gumigising at natutulog kaming dalawa na parang normal lang ang lahat.


Nagkukulitan, nag-aasaran. Pinayagan ko na rin siya na ipagluto ulit ako since
nangungulit siya. Ilang araw na rin kaming nag m-movie marathon dalawa. May
pagkakataon naman na nasa kwarto lang kami at magkatabi, nag kukwentuhan sa mga
bagay-bagay.

Parang normal lang. But there is this unspoken truth between us, na
araw-araw tinatrato namin ito na parang huling beses na naming magkakasama.

Kada gabi, laging nauunang makatulog si Dionne sa’kin. Ako naman, ilang
oras kong tinititigan ang mukha niya. At kada gagawin ko ‘yun, lagi akong
napapaluha.

“How could I ever let you go?” bulong ko sa natutulog na si Dionne


habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa mata ko.

Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. At habang pinapakiramdaman ko


ang paghinga niya, pinagdikit ko ang dalawa kong palad at pumikit ako.

Then I pray.

God, alam kong marami akong kasalanan. Tatanggapin ko po kahit anong


parusa na ibigay mo sa’kin. But now, please God, help me. Give us a miracle.

[Dionne’s POV]

“And we’re here!” masayang sabi ni Japoy nang maka-baba kami sa


eroplano.

Nung isang araw, nagulat na lang ako dahil bigla-bigla akong


pinagiimpake ni Japoy. Sabi niya, babyahe raw kami at gusto niya akong dalhin sa
isang lugar.

At ngayon, nang makita ko ang pamilyar na lugar na ‘to, hindi na maalis


sa labi ko ang ngiti ko.

He brought me back to Palawan. Ang unang lugar kung saan kami naging
malaya ni Japoy sa nararamdaman namin para sa isa’t-isa.

“Japoy! I love you!” niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit.


“Sabi na matutuwa ka pag binalik kita dito eh.”

“Grabe, ito na ata ang pinaka-magandang lugar na napuntahan ko! Thank


you sa pagdala ulit sa’kin dito.”

“Basta ikaw,” ngumisi si Japoy sa’kin sabay kindat.

Nginitian ko naman siya at kinuha ang kanyang kamay.

Itatanong ko pa sana kung ano ang dahilan bakit kami biglaan na


pumumunta dito, kaya lang pinigilan ko ang sarili ko.

Obvious na kasi ang sagot.

Sinusulit na niya ang mga natitirang araw na magkasama kami.

Whenever I look into Japoy’s eyes, I saw a deep emotion. Yung para bang
kahit na naka-ngiti siya nang malawak, yung mga mata niya parang gustong umiyak.

Alam ko, nasasaktan siya nang husto sa mga nangyayari. Alam ko mas
nahihirapan siya. Kahit ako rin, ayoko pang umalis.

Pero maniniwala na lang ako sa plano ni God. Hahayaan at tatanggapin ko


na lang kung ano ang kahahantungan nito.

Basta ang mahalaga ay yung ngayon. Yung magkasama kaming dalawa. Yung
masaya ako kasi katabi ko siya.

Naramdaman ko ang braso ni Japoy na umakbay sa’kin.

“Maaga pa naman, pwede pa tayo mag pahinga. Pero mamaya ah mag su-
swimming tayo!”

Nginitian ko si Japoy. Hindi ko alam kung sa lagay kong ‘to eh magagawa


ko pang makapag-swimming. Pero masayang-masaya ko siyang sinagot.

“Oo ba! Game ako diyan!”

Dumiretso kami ni Japoy doon sa rest house kung saan kami nag stay
dati. Sakto naman na nakahanda na ang tanghalian namin kaya naman kumain muna kami
saglit. After magpababa ng kinain, naisipan muna namin ni Japoy na matulog.
Medyo hindi rin ako makahinga ng maayos gawa nang nakakapagod na byahe.
Pero pilit kong hindi ipinahalata kay Japoy. Itinulog ko na lang ito while praying
n asana wag akong atakihin.

Wag muna. Masyado pang perfect ang nangyayari sa’min.

Mga bandang 4pm kami nagising ni Japoy. Kahit papaano eh medyo naging
maluwag ang pag-hinga ko. Naisipan na naming magpalit ng pampaligo at pumunta sa
may dalampasigan.

Naupo lang kami doon habang hinahayaan na tumama ang alon sa mga paa
namin. Naka-akbay sa’kin si Japoy habang ako naman, nakasandal ang ulo ko sa dibdib
niya.

“Japoy, may hindi ka pa kinukwento sa’kin.”

“Hmm? Ano ‘yun.”

“Yung nag kita tayo doon sa coffee shop sa loob ng park, nandoon ka
para sa shooting ‘di ba? May bago kang movie?”

Napangiti si Japoy, “yup! At ang astig ng role ko doon.”

“Talaga? Ano?”

“Isa akong lider ng sindikato!” proud na proud niyang sabi sa’kin.

Bigla akong napa-ayos ng upo at tinignan ko siya.

“Leader ng sindikato?! Ibig sabihin, ikaw yung kontrabida sa


pelikula?!”

“Hindi ah! Ang mukhang ‘to, pang kontrabida?! Ang amo-amo ng mukha ko
para sa role na ‘yon!”

Pinanliitan ko siya ng mata. Hindi naman maamo mukha niya eh. Ang
sungit-sungit kaya.

Pero okay lang, gwapong-gwapo pa rin ako sa kanya.

“Oy, ba’t ka ganyan makatingin ha? Hindi ka naniniwala ha?”


Nginitian ko siya, “hindi. Ang gwapo-gwapo mo kasi kaya tinitignan kita
ng malagkit.”

Bigla-bigla namang pinitik ni Japoy ang noo ko.

“Aray ko! Ba’t mo ako pinitik?” tanong ko habang hinihimas ko ang noo
ko.

“Nangaakit ka eh. Mahina ako sa temptation!”

Natawa na lang ako kay Japoy. Paano kasi, ang pula ng tenga niya.

“I love you!” ngiting-ngiti kong sabi sa kanya.

“You’re doing it again! Nangaakit ka.”

“Nag I love you lang naman ako.”

“Okay. I love you too.”

Bumalik ako sa pagkakasandal sa dibdib ni Japoy at pinagmasdan ko ang


magandang karagatan.

“Japoy, tingin mo, may pag-asa kayang magkagusto si Rui kay Maisie?”

“Hmm. Hindi ko masabi eh. Tanga kasi nung Hapon na ‘yun.”

“Eh si Venus kaya? Tingin mo makakahanap siya ng lalaking magmamahal sa


kanya?”

“Siguro. Siguro naman merong nag-e-exist na lalaking makaka-atim sa


ugali ni Venus. Teka nga, ba’t bigla kang naging interesado sa mga lovelife nila?”

“Hmm, kasi gusto ko rin maranasan nila ang ganito,” I entwined my hand
with his at itinaas ko ito. “Yung ganitong kasayang pakiramdam.”

“Dionne, masaya ka ba talaga ngayon?”

Nilingon ko si Japoy at nginitian, “ikaw ang pinaka-masayang nangyari


sa buhay ko.”

“Pero may gusto pa akong iparanas sa’yo.”


“Hmm? Ano ‘yun?”

Inalis ni Japoy ang pagkaka-akbay niya sa’kin at inalalayan niya akong


tumayo. Hawak-hawak niya ang magkabila kong kamay habang naka-tingin siya sa mga
mata ko.

“Almost two and a half months na lang,” halos pabulong niyang sabi
sa’kin. “Ayoko pang paniwalaan and I refuse to accept the fact na ganoon na lang
ka-ikli ang panahon na makakasama kita.”

“J-Japoy...”

“Alam ko kahit anong paghahanda ang gawin ko, pag nangyari yun, masyado
pa ring magiging masakit para sa’kin. Pero Dionne, alam ko sa dalawa’t kalahating
buwan, kaya kong iparanas sa’yo ang isang napaka-gandang bagay. Isang bagay na
magduduktong sa’ting dalawa kahit saan man tayo mapunta.”

Binitiwan ni Japoy ang pagkakahawak niya sa kamay ko at nagulat ako


nang bigla siyang lumuhod. May kinuha siya sa bulsa niya na isang maliit na kahon,
at nang buksan niya ‘yon, nakita ko ang isang magandang singsing sa loob.

Tinignan ko si Japoy sa mata. Wala pa man din siyang binabanggit ay nag


simula nang umagos ang luha sa mga mata ko. Tuloy-tuloy at ayaw magpaawat.

“Will you marry me...?” his voice broke. At nakita ko na rin ang mga
luha sa mata ni Japoy.

Hindi ako makapag salita dahil sa sobrang kakaiyak. Tanging tango at


yakap na lang ang naisagot ko kay Japoy. Hinawakan niya ang mukha ko at paulit-ulit
niya akong hinalikan.

God, thank you for this miracle. Nung una, hinihiling ko sa inyo na
sana sa mga huling sandal ko sa mundong ito ay wag niyo na akong pahirapan. But you
gave me something more.

Minsan dumarating ang isang miracle sa isang bagay na hindi natin


inaasahan.

Japoy is my miracle. Pinaranas niya sa’kin ang isang bagay na hindi


mapapantayan ng kahit ano man. Ang mahalin niya ang pinaka-magandang nangyari
sa’kin dito. Hinding-hindi ko ‘to kakalimutan at babaunin ko ‘to kahit saan ako
magpunta.

Sobrang saya ko. Siguro wala na akong mahihiling pa. God’s gift to me
is so precious and beautiful.
Wala na akong nararamdamang lungkot, o sakit.

Masayang masaya ako dahil kay Japoy.

And I think, this is enough for me.

To be continued...

=================

Epilogue (10/24/14)

Epilogue

[Jake’s POV]

5 YEARS LATER

“Palaging merong miracle. Minsan nangyayari ito sa maliliit at mga simpleng bagay
kaya hindi natin ito napapansin. Minsan naman, nangyayari ito sa isang bagay na
hindi natin inaasahan. And in my case, nangyari sa’kin ang isang miracle na hindi
ko inaasahan. At ikaw ‘yun Japoy. You are my miracle.”

Tandang-tanda ko pa ang mga sinabi ni Dionne sa’kin nung araw ng kasal


namin. Habang naka-tingin ako sa maluha-luha niyang mata nung panahon na ‘yun, doon
ko na-realize lahat ng ibig niyang sabihin.
That special day is our miracle. A day before our wedding, in-announce
sa balita na may paparating na malakas na bagyo kinabukasan. Pero nung mismong araw
ng kasal? Wala ni isang patak ng ulan. Hindi makulimlim. Mataas pa nga ang sikat ng
araw eh.

At parang mas naging maaliwalas ang kapaligiran when I saw her walking
down the aisle while wearing a beautiful wedding gown.

Ilang beses ko nang naranasan ang ganitong eksena sa mga pelikula, pero
iba pa rin pala talaga pag totoo nang nangyayari. There’s this unexplainable
feeling inside my heart. Parang sasabog sa halu-halong emosyon. Pero nang
makarating siya sa dulo ng aisle at hinawakan ko ang kamay niya, iisang emosyon na
lang ang naramdaman ko nun.

Masaya. Masayang-masaya ako because I met this lovely angel who changed
my whole life.

God has been good to me and Dionne. After kasi ng kasal namin, marami
siyang miracles at blessings na ibinigay sa aming dalawa.

At ilan sa mga ‘yon, hindi ko talaga ine-expect na mangyayari.

Bumaba ako sa kotse ko and I saw her running towards me. Her eyes
sparkle and she’s wearing a very sweet and happy smile. Na para bang ang saya-saya
niya na makita ako.

“Dionne!”

Nang makalapit siya sa’kin, she jumped into my arms and I hug her
tightly.

“Daddy! I miss you!”

“I miss you too, little girl. How are you? Naging mabait ka ba nung
wala ako?”

“Opo!” masayang-masaya niyang sabi sa’kin.

Binuhat ko siya at isinakay sa passenger’s seat, “pupuntahan natin si


mommy ngayon.”

“Yaaay! I miss her!”


“I miss her too, little girl.”

Nung huling buwan sa ibinigay na taning sa buhay ni Dionne ang isa sa


pinaka-malungkot at masaya naming buwan dalawa. Pareho kasi naming alam na onting-
onti na lang talaga ang natitirang oras na magkakasama kami kaya naman each day, we
make the most of it. Na para bang ayun na ang huling araw niya.

But then, God showed us another miracle.

Lumagpas na ang tanging ng buhay ni Dionne pero hindi pa rin niya ako
iniiwan. Kasama pa rin namin siya at buhay na buhay. I started seeing light again.
Nabuhay ang pag-asa kong baka mas matagal ko pa siyang makasama.

Ang isang buwan ay na-extend ng dalawa. Hanggang sa naging taon na,


masiglang-masigla pa rin si Dionne.

And then dumating sa buhay namin ang panibagong anghel. A few months
after our wedding, nalaman kong nagdadalang-tao na si Dionne. We were so happy.
Hindi kasi namin ine-expect na aabot pa kami sa puntong ‘yun. Naging maayos ang pag
bubuntis ni Dionne. Hanggang sa manganak siya. Hanggang sa marinig namin ang
malakas na iyak ng isang batang sanggol.

It’s a girl. And we named her Maya Dionne Sy-Marquez.

Tiningan ko si Dionne sa passenger’s seat at busy sa paglalaro ng


manyikang hawak niya. Para siyang mini-version ni Dionne. Mula mata, labi at hugis
ng mukha, kuhang-kuha niya sa mommy niya.

Me and Dionne used to call her Maya.

But after that incident, I started calling her Dionne.

Inihinto ko ang sasakyan ko sa tapat ng isang sementeryo.

Ang sementeryo kung saan nakalibing ang mahal kong asawa.

Nag-lakad kaming dalawa ni baby Dionne papunta sa puntod ng asawa ko.


Nang makarating kami dito, agad kong inilapag ang dala-dala kong bouquet ng
flowers.

“Daddy, maganda ba yung lugar kung nasaan si Mommy?”

Binuhat ko ulit si baby Dionne.


“Oo. Sobrang ganda. And I know, your mommy is very happy in that
place.”

Na-extend ng tatlong taon ang buhay ni Dionne na kasama kami. At yung


tatlong taon na ‘yun ang hinding-hindi ko makakalimutan sa tanang buhay ko. Yun
kasi ang pinaka-masayang pangyayari sa buhay ko. Lalo na nung dumating pa ang anak
namin sa buhay namin.

Bigla kong naalala yung time na sinugod ko si Dionne sa ospital dahil


bigla-bigla siyang inatake sa puso.

“Please don’t leave me. Not now. Please Dionne. Please. Please. Please,” paulit-
ulit kong bulong sa kanya nun habang itinatakbo namin siya papunta sa emergency
room.

She’s unconscious. Nakapikit ang mata niya nun at higpit-higpit ng


hawak ko sa kamay niya. Ayoko siyang bitiwan. Hindi ko siya kayang pakawalan.
Natatakot ako na baka ito na ang huli. Na baka hindi ko na siya makitang dumilat
pa.

Pero nagulat ako dahil bago siya tuluyang maipasok sa emergency room,
dumilat siya at tinignan niya ako.

“Dionne!”

“You are not alone now. You have Maya Dionne.”

Dionne gave me a weak smile at napabitiw na ako sa kamay niya.

“I love you,” hinang-hina niyang sabi sa’kin.

At bago pa ako makasagot, hinarang na ako ng mga nurse. Sabi nila bawal
ako sa loob. Hindi nila alam na yun na ang huling beses kong makikitang buhay ang
asawa ko.

After that incident, hindi ko alam kung paano ko pa ibabangon ang


sarili ko. Habang nakatingin ako sa kabaong niya, parang may paulit-ulit na
sumasaksak sa dibdib ko.

Mabigat. Sobrang sakit. Para akong unti-unting pinapatay kahit na alam


kong hindi hihinto ang pag tibok ng puso ko.

And then I saw our child. Our little angel. And I realized, siguro kaya
hindi ako agad iniwan ni Dionne dahil alam niyang malulungkot ako ng husto pag
nawala siya. That’s why she gave me a daughter.
She gave me another reason to live kahit na wala na siya sa tabi ko.

At dahil doon, nakayanan ko ulit bumangon.

Tinignan ko ang puntod ni Dionne at nginitian ko ito at ibinulong ang


mga katagang hindi ko na nagawa pang sabihin sa kanya bago siya mawala.

“I love you very very much.”

Naramdaman ko ang maliliit na daliri na humawak sa pisngi ko kaya naman


napatingin ako sa anak ko.

She is smiling brightly at me.

“I love you too, daddy.”

End.

***

Author's Note:

Sorprays! Tapos na siya :D

Alam ko maraming nag eexpect ng ibang ending pero in someways ginawa ko naman happy
ending pa rin wahaha.

Pero my gash natapos ko rin. Sinimulan ko 'to isulat December 2011. Almost three
years palang ongoing ang story na 'to. Ang dami rin kasing nangyari in between
habang sinusulat ko siya kaya natagalan ako tapusin.

Sa mga readers ko na hindi bumitiw hanggang sa dulo, maraming maraming salamat po


<3
Supposedly may book two ito but since tinapos ko na sa book 1 lahat, baka wala na.
Kung meron man, iikot na lang siguro ang kwento sa ibang characters ng AiD :)

Salamat po sa pagbabasa. Sa mga napaiyak ko, thank you--este--sorry XD. Wag kayo
magalala, umiyak din ako. Ang depressing kaya isulat ito. Wahaha.

Magiging book kaya 'to? Ipag-pray natin XD

Thank you po ulit.

<3 Ate A.

You might also like