You are on page 1of 2

Si Andres at ang Baboy Ramo

Mga Tauhan:
Andres, Baboy Ramo
Nanay Tekya
Tagpuan:
Kagubatan
Tagapagsalaysay: Si Andres ay isang mabait na binata na araw-araw pumupunta sa kagubatan
upang manguha ng mga sanga ng kahoy upang ipangggatong ng kanyang ina. Likas sa kanya ang
kabutihan ng puso at pagmamahal sa pamilya. Isang araw, pumunta siyang muli sa kagubatan
upang manguha ng kahoy nang may nangyaring hindi niya inaasahan.
Nanay Tekya: Anak, malapit ng maubos ang ating panggatong, maari ka bang pumunta muli sa
kagubatan.
Andres: Opo Inay, sandali lang po at ako na ay tutungo.
Tagapagsalaysay: Masayang naglalakad si Andres patungong kagubatan. Habang siya ay nasa
daan, biglang sumulpot sa kanyang harapan ang isang malaki at mabangis na baboy ramo, at ito
ay galit na galit at nanlilisik ang mga mata. Sa takot niya, siya ay mabilis na tumakbo.
Baboy Ramo: Huwag ka ng tumakbo! Dahil mahahabol din naman kita! Makakakain na rin ako
dahil ako ay gutom na gutom na. Oink! Oink!
Tagapagsalaysay. Habang patuloy na naghahabol ang baboy ramo kay Andres, ay bigla itong
nahulog sa malalim na bangin.
Baboy Ramo: Oink! Oink! Tulong! Tulong! Tulongan n’yo ako! Nagmamakaawang tugon ng
baboy ramo.
Tagapagsalaysay: Biglang napahinto si Andres nang paglingon nya ay wala na ang baboy ramo
na humahabol sa kanya. Nagtataka si Andres kung sino ang humihingi ng tulong. Hinanap nya
ang pinagmulan ng boses at kanyan nakita ang baboy ramo na nahulog sa bangin.
Baboy Ramo: Tulungan mo ako binata. Meron akong mga maliliit na biik na naiwar Ayokong
mawalay ako sa kanila. Kung tutulungan mo ako ay hindi na kit kakainin.
Andres: Sige baboy ramo, kita ay tutulungan. Ngunit dapat kang mangako na ika ay
magpapakabait na.
Baboy Ramo: Pangako kaibigan, hinding-hindi na ako mananakit pa ng kahit r sino man.
Tagapagsalaysay: Mula noon ay naging mabait na ang baboy ramo sa mga tao kapwa hayop.
Kanya ring tinutulungan si Andres sa panggagatong ng mg kahoy. Silang dalawa ay naging
magkaibigan.

You might also like