You are on page 1of 1

“At si Jesus, na sumigaw ng malakas na tinig, ay nagsabi, Ama, sa mga kamay mo ay ipinagtatagubilin ko

ang aking espiritu: at pagkasabi nito, ay nalagot ang hininga” (Lucas 23:46).

Ipinakita ni Hesus ang Kanyang ganap na pagsusuko sa Diyos ang Ama sa Kanyang huling salaysay bago
ng kamatayan. Ang dakilang si Spurgeon ay nagpunta, na ipinapakita nito ang pinaka-unang naitalang
salita ni Hesus, “di baga talastas ninyo na dapat akong maglumagak sa bahay ng aking Ama?” (Lucas
2:49). Mula sa una hanggang sa huli, ginawa ni Hesus ang kagustuhan ng Diyos.

Isa sa mga magaspang mga senturyon na nagpako sa Kanya sa Krus ay tumayong nakikinig sa pitong mga
kasabihang ito. Ang senturyon ay nakakita na ng maraming pagpapako sa krus, ngunit hindi pa siya
nakakita ng kahit sinong mamatay sa paraan na namatay si Hesus, nangangaral ng isang
nakamamanghang pangaral habang ang Kanyang dugong buhay ay umaagos papalabas sa Kanya.

“At nang makita ng senturion ang nangyari, ay niluwalhati niya ang Dios na nagsasabi, Tunay na ito'y
isang taong matuwid” (Lucas 23:47).

Ang senturyon na iyon ay nag-isip pa ng higit pa patungkol kay Hesus, at tapos nagsabi,

“Katotohanang ang taong ito ay Anak ng Dios” (Marcos 15:39).

Siya ay ang Anak ng Diyos! Siya ay bumangon – buhay, pisikal – mula sa pagkamatay. Pumaitaas Siya sa
Langit. Umuupo Siya sa kanang kamay ng Diyos. “Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas
ka” (Mga Gawa 16:31).

Mayroong ilan na nag-iisip na ang paniniwala sa Diyos ay sapat. Ngunit mali sila. Walang naliligtas sa
Diyos lamang. Sinasabi ni Hesus Mismo, “Sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan
ko” (Juan 14:6). Sinasabi ni Dr. A. W. Tozer, “Si Kristo ay hindi isa sa maraming paraan upang lapitan ang
Diyos, ni hindi ang pinaka mahusay na paraan; Siya ang nag-iisang paraan” (Isinalin mula sa Iyang
Nakamamanghang Kristiyano [That Incredible Christian, pah. 135). Kung hindi mo pinagkakatiwalaan si
Hesus, ika’y nawawala. Gaano ka man “kabuti”, gaano mo man kadalas magpunta sa simbahan, o
basahin ang Bibliya, ikaw ay nawawala kung hindi ka nagtiwala kay Hesus. “Sinoman ay di makaparoroon
sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.” Si Hesus ang nag-iisa na may Dugo na makalilinis sa iyo mula sa
kasalanan. Amen.

You might also like