You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
SCHOOLS DIVISION OF TOLEDO CITY
BATO ELEMENTARY SCHOOL

ESP 5
Summative Test No.1
Second Quarter

A. Iguhit sa patlang ang masayang mukha kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng


pagmamalasakit sa kapwa at malungkot na mukha kung hindi.

_________1. Paglilingkuran ko ang mga nangangailangan sa mga hikahos na lugar.


_________2. Isasaisip ko ang kapakanan ng mga tao kapg nag-organisa ako ng mga
programang pangmisyon sa ibang lugar.
_________3. Magbibigay lamang ako sa aking mga kamag-anak at kaibigan.
_________4. Hihimukin ko ang aking mga kaibigan na magbigay ng mga laruan at damit sa
mga batang nabiktima ng kalamidad.
_________5. Hindi ko papansinin at pag-aaksayahan ng tulong ang mga taong mahihirap
dahil mapapagod lang ako.

B. Iguhit ang puso sa patlang kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagtulong sa


iba.

_________6. Ako ay maglilingkod ng hindi na nag-iisip ng kapalit.


_________7. Sasali lamang ako sa mga outreach program kung ang talaan sa pagpasok o
attendance ay itsetsek ng guro.
_________8. Magbibigay ako ng damit at sapatos para sa mahihirap.
_________9. Higit kong paglalaanan ang tungkol sa ikasisikat ko sa paaralan.
_________10. Sasali ako sa mga programa para sa mahihirap dahil gusto kong bigyan din
ako ng mataas na marka.

C. Isulat sa patlang kung Opo o Hindi po, Wala po o Meron po ang mga
sumusunod na pangungusap.

_________11. Dapat bang limitahan ang karapatan ng iba?


_________12. Mas nakahihigit ba ang karapatan ng mga mayayaman kaysa sa mga
mahihirap?
_________13. Maaari bang bilhin ang karapatan?
_________14. May karapatan ba ang ibang tao na angkinin ang karapatan ng iba?
_________15. Ang mga matatanda lamang ba ang may karapatan?

D. Isulat ang TAMA o MALI.TAMA kung wasto ang isinasaad sa bawat sitwasyon
at MALI naman kung hindi wasto ang ipinapakita sa bawat sitwasyon
_________16. Ang paggamit ng”po at opo” sa pagsasalita ay nagpapakita ng paggalang sa
matatanda.
_________17. Ang pakikinig ay nag[papakita ng paggalang sa karapatan ng taong
nagsasalita.
_________18. Pagtawanan nalang ang mga taong hindi marunong sumayaw.
_________19. Pag-iingay habang may taong natutulog.
_________20. Ang paggalang sa mga karapatan ay dapat ugaliin.

You might also like