You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Bulacan
District of Sta. Maria Central
STA. MARIA CENTRAL SCHOOL
Poblacion, Santa Maria, Bulacan

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5
Unang Sumatibong Pagsusulit / Ikaapat na Markahan

Pangalan:___________________________________________ Marka:_______________
Baitang: ____________________________________________ Petsa:________________

I. Piliin sa loob ng kahon ang angkop na salitang bubuo sa diwa ng pangungusap.

nakagagaan Diyos Pinagpapala pagtulong nagmamahal

1. Ang _______________ sa kapwa ay mabuting gawain.


2. ________________ ng Panginoon ang laging tumutulong sa kapwa
3. Ang pagmamalasakit sa kapwa ay ______________ng pakiramdam.
4. Maraming __________________ sa taong may malasakit sa kapwa.
5. Ang pagmamalasakit sa kapwa ay tanda ng pagmamahal sa ___________.

II. Isulat ang Wasto sa patlang kung pahayag ay nagsasaad ng pagsasaalang - alang sa kapakanan sa kapwa
at Di-wasto kung hindi.
________ 6. Tumulong ng walang alinlangan ang pamilya Diaz sa biktima ng bagyo.
________ 7. Paggalang sa opinyon ng iba.
________ 8. Ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay kailangang taglay natin sa tuwina.
________ 9. Nagpapahiram sa nangangailangan ngunit pinatutubuan.
________ 10. Ikinalulugod ng Diyos ang ginagawa nating pagsasaalang-alang sa kapakanan ng ating kapwa.

III. Piliin sa loob ng panaklong tamang sagot. Bilugan ang iyong sagot.

11. Ang pagtulong sa kapwa ay kailangang ( may hinihinging kapalit, bukal sa kalooban ).
12. Ang pakikipagkapwa ay dapat ipakita sa ( kaibigan, lahat ).
13. Ang pagsasaalang-alang sa kapwa ay nagdudulot ng lubos na ( kasikatan, kasiyahan ) ng sarili.
14. ( Isaisip, Balewalain ) na ang pagdamay sa kapwa ay lubos na ikinalulugod ng Diyos.
15. Maraming tao ang ( magmamahal, magagalit ) sa iyo kung ikaw ay walang sawang tumutulong sa iba.

IV. Punan ng titik ang bawat kahon upang mabuo ang tinutukoy na salita batay sa kahulugan nito.
16. Ito ay tumutukoy sa direktang pakikipag-usap sa ating Panginoon upang magpasalamat at humingi ng
kapatawaran.

17. Isang gawain na naglalayon ng iisang puso, damdamin at mithiin.


18. Pagdedesisyon ng hindi lang sa ikabubuti ng ating sarili bagkus ay sa nakararami.

19. Pagbibigay sa kapwa, pagpapakita ng pagkukusa na walang hinihintay na kapalit.


20. Isang paniniwala sa Diyos maging sa mga doktrina.

V. Lagyan ng tsek (✓) ang patlang kung ang pangungusap ay tama at lagyan naman ng ekis (✖) kung ito ay
mali.
______21. Pagpapasalamat sa mga bagay na ipinagkaloob araw-araw
______22. Ipinagdarasal ang mga miyembro ng pamilya lamang.
______23. Sinasanay ang sarili na magdasal araw-araw.
______24. Iginagalang ang pamamaraan ng kaibigan na may kaiba ng relihiyon.
______25. Hindi binibigyang halaga ang pagdarasal para sa ibang tao.
______26. Natutulog ang Diyos kapag hindi niya naririnig ang ating mga panalangin.
______27. Nakapagpapatatag sa buhay ng bawat tao ang may matibay na pananalig sa Diyos.
______28. Ang ispiritwalidad at pananampalataya na malaking bahaging ginagampanan upang mahubog
ang tao na maging isang mabuting tao.
______29. Nasa puso ng bawat tao ang pagiging mabuti at walang pinipiling kasarian, kulay ng balat at
maging relihiyon.
______30. Araw-araw ay lumalapit tayo sa Diyos para sa kanyang patuloy na paggabay at pagsubaybay sa
ating mga pagsasakripisyo upang gumawa ng kabutihan sa kapwa.

You might also like