You are on page 1of 2

Liceo de Victoria

Victoria, Laguna
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
(Grade 8 Our Lady of Assumption)
Name:________________________________________________ Date: _________________________________
(Last Name, First Name, Middle Initial)
Grade and Section:______________________________________ Teacher: Mrs. Imelda B. Cay
I. TAMA O MALI.
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay tama at MALI naman kung ito ay maling pahayag.
Isulat ang sagot sa tabi ng numero. (ANUMANG URI NG BURA AY MALI).
______________1. Ang Komunikasyon sa pamilya isang proseso o paraan kung saan ang pasalita at di-
pasalitang impormasyon ay ipinapahatid ng mga miyembro ng pamilya sa isat isa.
______________2. Ang mabisang komunikasyon ay matatagpuan sa isang pamilyang palaging di naguusap at
di matatag.
______________3. Ang isang mahinang komunikasyon ay di-malinaw at di tuwiran na nagdudulot ng mga
problema tulad ng alitan.
______________4. Ang komunikasyon ang ginagamit na paraan para ibahagi ang nadarama at iniisip ng
kausap.
______________5. Ang pamilya ni Marites ay palaging naguusap sa hapagkainan kumpara sa pamilya ni
Reggie, kaya masasabing ang pamilya ni Marites ay may malusog na ugnayan.
______________6. Ang teknolohiya o information technology (IT) ay hindi nagpapalakas at nagpapatibay ng
ugnayan ng komunikasyon sa pagitan ng OFW.
______________7. Ang komunikasyon ay mahalaga sa paghubog ng mabuting relasyon ng mga magulang at
mga anak lalo na kung magkakalayo.
______________8. Malusog parin ang komunikasyon ng isang pamilya kahit di ito naglalaan ng oras sapagkat
silay nagmamahalan naman.
______________9. Upang maging epektibo ang ang komunikasyon sa loob ng pamilya, ang mga miyembro
nito ay dapat na maging tapat at bukas sa isat isa.
______________10. Nararapat na isaalang alang ng ang personalidad ng bawat isa sapagkat ang mga ito ay iba
iba.
______________11. Si Jeremy ay paging nagcellphone sa hapagkainan, kinakausap sya ng kanyang ina gunit
siya ay hindi sumasagot.
______________12. Hindi na kailangan pag-usapan ang mga personal na problema sa kanilang mga magulang .
______________13. Mahalagang bigyan pansin ang di-pasalitang komunikasyon upang maunawaan ang
nararamdaman ng bawat isa kahit di man nito sabihin ang problema.
______________14. Ang komunikasyon ay malinaw kung ang mensahe ay sinasabi sa paraang madaling
maunawaan.
______________15. Ang negatibong pakikipagusap ay nagdudulot ng paninira at pamimintas sa kapwa.
______________16. Ang pamilya ay na nagtuturo ng pakikipagkapwa ang anak ay magiging ligtas sa
impersonal na mundo.
______________17. Ang tunkulin ng pamilya sa lipunan ay hindi dapat matapos sa pagtuturo at
pagpapalaganap ng mahahalagang bagay.
______________18. Mahalagang makilala ng mga miyembro ng pamilya ang obligasyong ibigay ang nararapat
sa kapwa tao.
______________19. Hindi kailangang maging sangkot ang pamilya sa Pampulitikal na gawain ng lipunan
upang mapaunlad ito.
______________20. Ang pamilya ang nagbibigay sa tao ng kanyang pagkakakilanlan.
______________21. Ako ay nagpapasalamat sa buhay na kaloob sa akin ng Diyos
______________22. Naiinis ako sa tuwing nakikita nila ang aking kamalian.
______________23. Pagsabi ng SALAMAT sa tuwing ako ay makakatanggap ng regalo.
______________24. Mag-aral ng mabuti tanda ng pasasalamat sa paghihirap ng ating mga magulang.
______________25. Balewalain ang bawat pangaral ng magulang.
______________26. Paglalaro ng computer games kahit na may assignment na dapat unahin.
______________27. Pagbibigay halaga sa mga gamit ng eskwelahan.
______________28. Pagkopya sa oras ng pagsusulit kaysa makakuha ng lagpak na iskor.
______________29. Pagpapakita ng pagpapahalaga sa ibang tao.
______________30. Paggawa ng kabutihan sa ibang tao.
II. IDENTIFICATION:
Panuto: Isulat ang tamang sagot sa patlang (ANUMANG URI NG BURA AY MALI).
___________1. Ito ay isang uri ng komunikasyon na ipinapakita lamang ang expresyon ng muka, simolismo na
di ginagamitan ng tunog.
___________2. Ito ay isang uri ng komunikasyon na ginagamitan ng salita at tunog upang maipahayag ang
nararamdaman.
___________3. Ito ay isang proseso ng pakikipagugnayan sa tao pasalita man o di pasalita.
___________4. Tungkuling ng ___________ ang pagtuturo at pagpapalaganap ng mga birtud at halaga tungkol
sa pakikipagkapwa.
___________5. Ang tungkulin ng pamilya sa ___________ ay hindi dapat matapos sa pagtuturo at
pagpapalaganap lamang ng mga mahahalagang papel.
___________6. Ang mga OFW o _________________________ ay gumagamit ng teknolohiya upang
makipag-usap sa kanilang naiwan na pamilya.
___________7. Ang ang bawat miyembro ng lipunan ay nagtutulungan na walang hinihintay na kapalit ay
tinatawag na ____________________.
___________8. Sino ang nagtratrabaho, nagaalaga, at higit sa lahat pangunahing umiintindi sa kapakanan ng
kanyang mga anak?
___________9. Sila ang tinatawag nating pangalawa magulang
___________10. Sila ang salamin ng ating sarili.
III. ENUMERATION
Panuto: Ibigay ang tamang sagot na hinihingi sa tanong.
 Ano ano ang mga susi sa pagpapaunlad ng komunikasyon ayon kay Rick Peterson (2009),
1. ___________________________________________________________________________________
2. ___________________________________________________________________________________
3. ___________________________________________________________________________________
4. ___________________________________________________________________________________
5. ___________________________________________________________________________________
6. ___________________________________________________________________________________
7. ___________________________________________________________________________________
 Bakit kailangang tumulong ng pamilya sa kanyang kapitbahay o pamayanan? Ipaliwanag 2-3 sentences. (2 points)
 Sa iyong palagay, nakakatulong ba ang modernong paraan ng makabagong teknolohiya sa pakikipagugnayan sa
pamilya at sa mga kaibigan ? Ipaliwanag (1 puntos)

________________________________________END OF EXAMINATION__________________________________________

You might also like