You are on page 1of 2

GAME TITLE: ANO ANG SAGOT NG BESHIE KO?

GAME MASTERS: ANALYN, CHRISTIAN


MECHANICS:
1. Ang mga tagapagpalaro ay magbibigay ng katanungan na kailangang sagutin ng bawat manlalaro
ng pangkat.
2. Ang katanungan po ay dalawang beses lamang uulitin ng tagapagpalaro kaya makinig ng mabuti.
3. May tig-iisang kinatawan ang pangkat para sumagot ng tanong.
4. Mahigpit na paalala, bawal po na turuan ng mga miyembro ng pangkat ang napiling manlalaro.
Bawal ding lumingon ang manlalaro sa kanyang pangkat.
5. Kung sakali na mahuli na tinuruan ang kanilang manlalaro, ang puntos ay mapupunta sa kabilang
pangkat.
6. Kung sakali na mali ang sagot ng naunang manlalaro, ang manlalaro ng kabilang pangkat ay
bibigyan ng pagkakataon na sumagot.
7. Kung parehas na mali ang sagot, ang bawat pangkat ay muling magbibigay ng tig-isang
kinatawan upang sagutin ang parehas na katanungan. Ito po ay gagawin hanggang sa masagot ang
tanong.
8. Kung sakali na nakasagot na ang lahat ng miyembro ng pangkat, ang mga tagapagpalaro ay
magbibigay ng panibagong tanong.
GAME TWIST:

 Bago po sumagot ang manlalaro ng pangkat ay kailangan niyang gawin ang tunog tao na napili ng
kanyang grupo.
 Paalala din po. Dapat matapos munang sabihin ng tagapagpalaro ang hudyat na “ANO ANG
SAGOT NG BESHIE KO?”, bago magtunog tao ang manlalaro para sumagot ng tanong.
 Kapag sasagot na ang manlalaro, kailangan din niyang banggitin ang sagot kadugtong ang
katagang “ANG SAGOT NG LOLA MO”.
 Kung sakaling inunahan niyo ang hudyat, awtomatiko ang kabilang pangkat ang unang sasagot.

TRIAL QUESTION 1.
Q: Kung ang tatay mo ay kaisa-isang anak ng tatay ko. Magkakaano-ano tayo?
A: MAG-TATAY OR MAG-AMA

QUESTION 1.
Q: Ano ang mayroon sa ITLOG na mayroon din sa DAGAT?
A: SHELL

QUESTION 2.
Q: MATH SCIENCE ENGLISH FILIPINO. Ano ang SUMUNOD sa ENGLISH?
A: FOLLOW
QUESTION 3.
Q: Inutusan ka ng nanay mo na bumili ng ISANG YELO sa tindahan at binigyan ka ng TATLONG
PISO. Ang presyo ng yelo ay 1 PESO AND 50CENTS. Magkano ang SUKLI sayo ng tindera?
A: 50 CENTS KASI 2 PESO ANG BINAYAD MO.
QUESTION 4.
Q: BAHAY EROPLANO KAHOY IBON. Ano ang MATAAS sa APAT?
A: LIMA PATAAS OR 5+

QUESTION 5.
Q: SA ISang kilo ng saging. Magkano ang kalahati?
A: 3 PESOS

QUESTION 6.
Q: Ano ang pagkakatulad ng UTOT at TULA?
A: PAREHONG GALING SA POWET. (POET AT PUWIT)

QUESTION 7.
Q: Bakit malungkot ang kalendaryo?
A: KASI BILANG NA ANG ARAW NIYA.

QUESTION 8.
Q: BAKIT MASWERTE ANG KALENDARYO?
A: KASI MARAMI SIYANG DATE.

QUESTION 9.
Q: May tatlong lalaki ang tumalon sa tubig. Ilan ang nabasa ang buhok?
A: WALA. TUMALON LANG NAMAN DI SINABING NAGLUBLOB SA TUBIG.

QUESTION 10.
Q: Kung ikaw ay tatalon mula sa ikatlong palapag ng gusali? Saan ang bagsak mo?
A: SA HOSPITAL.

BONUS QUESTION: FOR 20 PESOS


Q: Kung ang IQ ay intelligence quotient. Ang SQ ay social quotient. Ano ang gamit ng EQ?
A: DIAPER. HAHAHA

You might also like