You are on page 1of 3

Asyncronous Activity ESP- Modyul 1.

1 Mga Salik sa Pagpili ng Kurso


Throwback Tayo!

Natatandaan mo pa ba? Noong bata ka pa mahilig kang maglaro ng paborito mong laruan.
Tinatanggal mo ang parte nito at pagkatapos ay muli mong bubuuin. Ang kalaro mo ay naghuhukay sa
buhanginan sa tabi ng mga laruan na para bang nais niyang magtayo ng istruktura dito.

Noong nasa Baitang 7 ka na, napag-aralan mo ang tungkol sa mga talento, hilig, kasanayan,
pagpapahalaga at mithiin. Marahil ay naaalala mo pa rin mula noong bata ka pa ang iyong nais na
maging pagdating ng panahon. Ngunit ngayong nasa Baitang 9 ka na, may nabago ba sa iyong
pananaw? Sa panahon ng pandemya at sa mga naranasan mo, may naidulot ba itong pagbabago sa
iyong pagkatao? Dahil sa hinihingi ng sitwasyon, ang dating ambisyon ba noon ay laman pa rin ba ng
puso mo naiba na ito?

Nasa unang hakbang ka ngayon ng pagpaplano sa iyong kukuning kurso, ang pagsusuring
pansarili (self-assessment). Mahalagang kilalanin ang sarili upang magkaroon ka ng pagsusuri kung
naaangkop ka ba sa kurso o nasa tamang direksiyon o linya ng trabaho ang napupusuan mo. Subukin
mong tuklasing muli ang iyong sarili. Game ka na ba?

Gawain 1
Panuto: Suriin ang bawat aytem 1-4 sa ibaba. Piliin at isulat sa kahon ang aytem na angkop lamang
sa iyo. Lagyan ito tsek (/) sa kolum ng Ako Ito Noon o Ako ito Ngayon. Sa aytem 5 (Mithiin) isulat
sa kahon ang iyong sagot. Maging tapat sa pagsagot.

Ako ito Noon at Ngayon


Mga Pansariling Salik Ako Ito Ako Ito
Noon Ngayon
Talento o talino:
Halimbawa: Musical/Rhythmic (musika, tula, ) /

Hilig:

Kasanayan:

Pagpapahalaga:

Pangarap-
Mga Pansariling Salik Gabay sa Pagpili ng Kurso Ako Ito Ako Ito
Noon Ngayon
1. Talento o talino
(Multiple intelligences Survey Form (McKenzie, 1999)
Logical/ Mathematical (paglutas ng mga suliranin, logic puzzles)
Verbal/Lingusitic (pagbabasa, pagsusulat, pagsasalita,)
Visual/Spatial (pagkatuto sa pamamagitan ng paningin, pag-aayos ng
ideya)
Musical/Rhythmic (musika, tula, )
Bodily/Kinesthetic (paggamit ng katawan, pagsasayaw, paglalaro)
Intrapersonal (kakayahang magnilay, makita ang halaga at pananaw)
Interpersonal (talino sa interaksyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao)
Naturalist (pangangalaga sa kalikasan, mga halaman at hayop)
Existential (husay sa pagpapaliwanag ng pinagmulan ng mga bagay)
2. Hilig
Realistic (nasisiyahan sa pagbuo ng mga bagay gamit ang mga
kamay o mga kagamitan at nasisiyahan sa gawaing panlabas)
Investigative (gawaing pang-agham, pananaliksik)
Artistic (mataas ang imahinasyon, malikhain, gawaing pang-sining,
musika, pag-arte, pagsulat)
Social (palakaibigan, pakikipag-interaksiyon, pagtulong, pagtuturo)
Enterprising (pagiging mapanghikayat, mahusay mangumbinsi)
Conventional (pagigigng organisado, may Sistema, may panuntunang
sinusunod)
3. Kasanayan
Kasanayan sa mga Tao (nakikisama, naglilingkod, nakikipagtulungan,
kumikilos kasama ang ibang tao)
Kasanayan sa Ideya at Solusyon (lumulutas ng mga mahihirap at
teknikal na bagay)
Kasanayan sa Datos (paghawak ng dokumento, bilang, datos,
paglilista, pag-oorganisa ng mga files, paggawa ng sistema
Kasanayan sa mga Bagay (nagpapaanadar, nagbubuo ng mga
makina, nakauunawa sa mga parte at naiaayos ng mga kagamitan,
4. Pagpapahalaga (Values Test)
Pagtulong sa lipunan (paggawa ng bagay na nakatutulong sa pag-
sasaayos ng lipunan
Pagtulong sa kapwa(pagiging aktibo sa gawaing makatutulong sa
kapwa)
Kompetisyon (pakikipagpaligsahan)
Pagkamalikhain (paglikha ng bagong ideya, programa)
Pagkamalikhain sa Sining (pakikilahok sa Gawain gaya ng pagpinta,
pag-arte, pagsusulat
Kaalaman (pagtuklas ng bagong ideya at karanasan
Kapangyarihan at Awtoridad (pagkakaroon ng impluwensiya sa iba)
Pakikisalamuha (madalas na pakikisama sa iba)
Paggawa ng nag-iisa (paggawa ng mga gawain ng nag-iisa
Relihiyoso (pakikisama sa mga gawaing simbahan o
pananampalataya)
Pagkilala (nakikilala sa mga bagay na nagawa)
Pisikal na Kalakasan (pagpapalakas ng katawan sa pamamagitan ng
gawaing pisikal
Pagiging Matalino (pagpapakita ng kagalingan at katalinuhan)
Kayamanan at Karangyaan (pagkakaroon ng maraming pera)
Kasiyahan (pagiging masaya sa ginagawa
Pakikiisa sa mga trabaho o Gawain (pakikisa tungo sa iisang layunin)
Pakikipagsapalaran (pagiging aktibo sa mga gawaing may thrill)
Kasarinlan (Kalayaang gawin ang nais ng hindi umaasa sa iba)
Teknikal (Kahusayan sa paggamit ng makabagong teknolohiya)
5. Mithiin
Pangarap -

Personal na Pahayag ng misyon sa buhay-

Mithiin-

Mga tanong:
1. Anu-anong pagbabago sa talento, hilig, kasanayan, pagpapahalaga at mithiin ang nakita
mo sa iyong sarili noong nasa Baitang 7 ka?

2. Nagbago ba o hindi ang gusto mong kurso noong nasa Baitang 7 ka sa gusto mong kurso
ngayon? Ipaliwanag.

3. Sa pagbabago ng mga ito, ano ang kursong plano mo na kukunin sa Senior High School
at bakit?

You might also like