You are on page 1of 2

Activity Title: WAGAYWAY: Paggawa ng Watawat para sa Lahat

Theme of the Contest: ‘WE for gender equality and inclusive society’
Goal/Purpose: Mailahad ang kanilang adhikain gamit ang paggawa ng watawat na mag sisimbolo ng
kanilang pakiki-isa sa pagkapanta-pantay ng mga kababaihan at kalalakihan.
Teacher-in-Charge: Bb. Daphne Nicole Medina

Guidelines
Ang mga sumusunod ang alituntunin para sa pangkatang gawain:

1. Bawat seksiyon sa ika-walong baitang ay mahahati sa limang grupo.


2. Ang bawat grupo ay nangangailangan ng dalawang (2) yarda ng peach twill fabric at flag pole na
naaayon ang haba para sa isang watawat. Puti ang inirerekomandang kulay ng tela, ngunit sundan
ang kulay ng tela na pinlano ng grupo upang mabawasan ang pinturang gagamitin.
3. Mabibigyan ang bawat seksiyon ng isang oras para makapagpulong at makapagdisenyo ng
kanilang draft na isusumite bago matapos ang miting at isang oras sa paggawa ng watawat.
4. Sa pagdisenyo ng watawat, maaaring gumamit ng acrylic paint, fabric paint, spray paint, tie dye,
o pagtatahi ng tela, basta sisiguraduhing ang badyet ay hindi lalagpas ng 200 pesos bawat grupo.
Maaaring gumamit ng mga materyales na mayroon na sa bahay.
5. Bukod sa watawat, magpapasa ng ‘written output’ ang bawat grupo. Sa long bond paper,
nakasaad dito ang:
SA UNANG PAHINA
✓ Larawan at Titulo ng kanilang watawat
✓ Makabuluhang kahulugan ng bawat simbolo, kulay at nilalaman ng kanilang watawat
gamit ang mga arrows
✓ Paliwanag kung paano ito naisakatuparan at paano ito makakatulong para sa isang
‘gender equality and inclusive society’
SA IKALAWANG PAHINA
✓ Pangkat, Class Number, Miyembro at Seksiyon
✓ Peer rating evaluation
✓ Isama ang resibo ng nagastos
6. Ang gawain ay mamarkahan gamit ang pamantayan na nakasaad sa ibaba.

RUBRIK PARA SA PAGGAWA NG WATAWAT

PAMANTAYAN 10 7 5 2 PUNTOS
Lubos na Naging orihinal Hindi Walang ipinamalas
Orihinalidad at nagpamalas ng at malikhain sa gaanong na orihinalidad at
Pagkamalikhain orihinalidad at paghahanda naging pagkamalikhain sa
pagkamalikhain orihinal at paghahanda
sa paghahanda malikhain sa
paghahanda
Buo, konsistent, May kaisahan, May Hindi ganap ang
kumpleto at may sapat na kaisahan, pagkakabuo,
malinaw ang detalye, at kulang sa kulang ang detalye
Oragnisasyon detalye na malinaw ang detalye, at at hindi gaanong
naipakita intensiyon hindi gaanong malinaw ang
malinaw ang intensyon
intensyon
Angkop na Angkop ang Hindi Hindi angkop ang
angkop ang mga mga elemento gaanong mga elemento at
Kaangkupan elemento at at disenyo sa angkop ang disenyo sa paksa
sa Paksa disenyo sa paksa paksa mga elemento
at disenyo sa
paksa
Kabuuan 30
7. Ang pinakamahusay na watawat sa bawat klase ay maiwawagayway sa International Women’s
Month Celebration ng eskwelahan habang isinasayaw ang One Billion Rising sa Marso 8, 2024.
8. Ang pagsusumite ng watawat at written output ay mula Marso 4 - 6, 2024.

• St. Agnes – Marso 6, 2024


• St. Bernadette – Marso 6, 2024
• St. Cecilia – Marso 6, 2024
• St. Clare – Marso 6, 2024
• St. Jacinta – Marso 5, 2024
• St. Ma. Goretti – Marso 4, 2024
• St. Therese – Marso 5, 2024

You might also like